Halaga ng Produksyon A - afmis.da.gov.phafmis.da.gov.ph/index.php/component/docman/doc_download/1641-pi… · talos nila na sa pagkain ng sariwang prutas at gulay ... abingwalong

  • Upload
    dobao

  • View
    319

  • Download
    70

Embed Size (px)

Citation preview

Saan dapat ipuhunan ang inyong salapi?

Halaga ng Produksyon

Umpisahang bilangin ang inyong kikitain

Maging matalino: Mga kailangang alamin

Ang pinya ay isa sa pangkaraniwang prutas sa buong mundo. Ang Southeast Asia ang nangunguna sa produksyon nito.Ang Pilipinas ay isa sa mga nangungunang bansa kung ang pag-uusapan ay produksyon ng pinya. Ito ay may ambag sa pandaigdigang produksyon ng 18,260.95 Metriko Tonelada mula sa tinaniman nitong 903,083 ektarya. Ang iba pang bansang nagpoprodyus ng pinya ay ang Brazil, Thailand, India, Costa Rica at China. Nangunguna rin ang ating bansa pagdating sa pag-eksport ng juice concentrate at pineapple juice. Ang mga barayting pangkomersyal na makikita natin sa merkado ay ang Smooth Cayenne o Hawaiian, Queen o African Queen o Formosa, Native Philippine Red o Red Spanish, at Cabezona.

Dahilan sa kilala ang pinya na nangunguna sa pandaigdigang kalakalan ng mga tropikong prutas (tropical fruits), ang pangangailangan dito sa buong mundo ang nagtutulak upang lumakas ang bentahan ng iba pang prutas sa merkado. Ang isa pang dahilan ay ang pagiging health conscious o mapagbantay sa kalusugan ng lahat ng tao sa mundo at ginagawa nilang malaking bahagi ng diyeta nila ang mga prutas. Ito ay sapagkat talos nila na sa pagkain ng sariwang prutas at gulay magkakaroon sila ng malusog na pangangatawan. Ito rin ang dahilan kung

kayat ibat ibang barayti ng pinya ang nakikita natin sa merkado. Sa ating bansa, saganang matatagpuan ang taniman ng pinya sa SOCCSKSARGEN (Region XII: South Cotabato-Cotabato-Sultan Kudarat-Saranggani-General Santos), Northern Mindanao (Region X), Bicol Region (Region V) at CALABARZON (Region IV-A: Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon). Para sa ating eksport, ang nangungunang pinagdadalahan ng mga sariwang prutas ay ang Japan, Republic of South Korea, at Taiwan. Karaniwan naman sa ibang magsasaka ay ipinagbibili nila ng deretso sa mga lokal na mamimili o konsyumer.

Lugar: Ang pinya ay maaring itanim sa kahit na anong uri ng lupa at kahit na anong kundisyon ng klima. Ngunit, magiging mas maganda ang ani nito kung ito ay itatanim sa lugar na may temperaturang 24-30oC. Ang pinaka-akmang uri ng lupa na pagtataniman ay ang sandy loam soil na may mataas na organikong laman (high organic content) at 4.5-5.5 pH range.Maraming lalawigan ng Pilipinas na kung saan ang pagtatanim ng pinya ay akmang-akma. Ang mga lugar na ito ay ang mga sumusunod:Bukidnon Camiguin Misamis OccidentalMisamis Oriental Cavite South CotobatoSarangani General Santos Camarines Norte

Ang halaga ng produksyon, kita at tubo ay depende sa lugar ng taniman. Ito ay sapagkat maraming dahilan na nakaaapekto sa produksyon ng pinya at merkado, bagamat may mga pangkaraniwang gastusin sa produksyon at pangangasiwa nito na maari namang masabing naaayon sa kasalukuyang kundisyon. Masdan ang halimbawang gastusin sa isang ektaryang taniman ng pinya (Table A).Ang halaga ng pagtatayo ng isang ektaryang pinyahan ay base sa 50 libong pirasong sakers (suckers).

TABLE A

YearEstimat-ed Cost

Php

Cost CompositionEstablishment Maintenance

Mat Labor Mat Labor1 356,879 348,879 8,000 - -2 114,125 - - 108,525 5,6003 405,573 - - 398,573 7,000

Labingwalong buwan ang bibilangin at maari nang anihin ng magsasaka ang kanyang itinanim na pinya. Mas malaki ang kikitain ng magsasaka kung ipagbibili rin niya ang kanyang inani deretso sa mga mamimili. Ito ay sapagkat ang mga pinya ay mas mahal ipagbili sa retail markets. (Tingnan ang Table B)

TABLE B

Year Gross Income (Php)Yearly Net

Income (Php)1 0 02 925,000 453,9963 925,000 519,427

Total 1,850,000 973,423

TATLONG TAONG PAG-AANALISA NG PUHUNAN AT KITA (THREE YEAR COST AND RETURN ANALYSIS)Table C

Potential Yield fruit (pieces) sucker

45,00050,000

Farm gate price fruit (Php/kg) sucker

Wholesale (Php/pc)Retail (Php/pc)

155

18.4230.7

Gross Income Fruit (Php) sucker

1,350.00500,000

Total Cost of Production (Php) 876,577

Net Return (Php) 973,423

Ang tunay na merkadong naghihintay sa inyong produkto

Inaasahang kita sa isang ektaryang pinyahan

Ayon sa Table C, isang daan at sampung porsyento (110%) sa puhunan (Return on Investment-ROI), ang inaasahang babalik sa magsasaka bawat isang ektarya. Ang magsasaka ay kinakailangang mamuhunan ng humigit kumulang na Php 877,000 kada ektarya na may katiyakang netong aabot ng isang milyong piso.

Mga Gamit na Kailangan: Ang magsasaka ay kinakailangang magkaroon ng mga sumusunod para sa pagtatanim ng pinya: sakers (planting materials -suckers), abono, diuron at iba pang mga kagamitan sa pagtatanim.Mga Trabahong Kailangan: Kinakailangan ang mga trabahador (laborers) upang makapagtayo at mag-asikaso ng taniman ng pinya. Ang mga trabahong ginagawa ng mga trabahador ay ang pagdadamo, pag-aararo, at pagsasaayos ng lupa na pagtataniman ng pinya.

Ang pinya ay lumalaki mula sa planting material (crown o stem shoots) nito na nagmumula sa halaman mismo. Kinakailangan na maganda ang daluyan ng tubig sa lugar sapagkat ang pinya ay hindi nangangailangan ng maraming tubig. Ang lupa ay dapat binabasa isang beses isang linggo lamang. Ang pag-aabono ay ginagawa pagkatanim at uulitin dalawa hanggang tatlong buwan matapos ang unang pag-aabono. Ang paggawa ng paraan upang madaling bumulaklak (flower induction) ng pinya ay isang mahalagang operasyon sa produksyon nito dahil sa pamamagitan nito na ipoprograma ang bolyum at araw ng pag-aani. Ang indyuser ay dapat gawin tuwing gabi na kung saan ang temperatura ay umaabot ng 25 hanggang 27oC, at ang estomata (stomata) nito ay bukas. Kritikal din ang palagiang pag-aalis ng damo sa pamamagitan ng paggamit ng pangkaraniwang pagkontrol ng mapanirang damo (herbicides).

Karaniwang kinakain ng mga tao ang pinya. Ito ay maaring kainin bilang sariwang prutas, inumin at panghimagas gaya ng kendi at iba pang naprosesong produkto. Hindi lang ginagawang damit ang pinya, ang himulmol nito o fiber ay ginagamit din sa paggawa ng pino at pleksibol na papel. Ang bromelin, na nakukuha sa mga tangkay ng pinya ay medisinal at ginagamit na pampalambot ng karne. Ang by-product nito ay maaring gamiting pagkain ng hayop.

Pagpapalaki at pag-aalaga ng pinya

Mga Gamit ng Pinya

Produksyon ngPinya

Republic of the PhilippinesDepartment of AgricultureRegional Field Unit 4-ACALABARZON

Isinalin sa Filipino ng:

Regional Agriculture and Fisheries Information Divison (RAFID)Tel: (02) 928 4310 Email: [email protected]