3
Isang Paalala mula sa MUNICIPAL HEALTH OFFICE, PILAR, BATAAN TIGDAS Ang tigdas ay isang nakakahawang sakit na dala ng virus. Ang pangkaraniwang naaapektuhan nito ay ang mga bata. Nakukuha ang tigdas sa pamamagitan ng direktang pakikisalamuha sa taong maysakit na tigdas. Ang bata o taong may tigdas ay nakararanas ng mga sumusunod: Mga rashes o pantal na tumatagal ng tatlong (3) araw o higit pa. Lagnat na hindi bababa sa 38.8°c (o napakainit salatin) Ubo, sipon at pamumula ng mata Mga komplikasyong dulot ng tigdas: Pagtatae, impeksyon sa tainga, pulmunya, kumbulsyon, meningitis, malnutrisyon, kumplikasyon sa utak, pagkabulag o kaya ay pagkamatay. Pag-iwas at pagsugpo Pabakunahan ang sanggol laban sa tigdas sa edad na 9 buwan. Bigyan din siya ng Vitamin A supplementation. Agarang Lunas Patuloy at dalasan ang pagbibigay ng pagkain Painumin ng maraming tubig at “fruit juices” Bigyan din ang sanggol o batang maysakit na tigdas ng karagdagang pagkain o “food supplement” TRANGKASO Ang trangkaso ay madaling makahawa. Ito ay sanhi ng “virus” gaya ng sipon kung saan ang ilong at lalamunan ang siyang madaling maapektuhan. Paano Nakukuha Sa pagsinghot ng mikrobyo lalo na sa mga mataong lugar Palatandaan Lagnat Pag-ubo Sipon Sakit ng ulo at kasu- kasuan Pananakit ng lalamunan Panghihina Agarang Panlunas o Sapat na pahinga at masusustansyang pagkain o Uminom ng maraming tubig o “juice” o Maaaring uminom ng gamut para sa lagnat (paracetamol) Pag-iwas at Pagsugpo o Takpan ang bibig at ilong kapag bumbahin o umubo upang maiwasan ang pagkalat ng sakit/mikrobyo o Iwasan ang pumunta sa matataong lugar o Hangga’t maaari, umiwas sa taong may trangkaso o Sapat na pahinga at masusustansyang pagkain PAGTATAE Ang pagtatae ay karaniwang nakukuha sa mga sumusunod: Kontaminadong inuming tubig at pagkain Pagkaing di-nalutong mabuti Maduming kapaligiran

Health Advisory Lecture

Embed Size (px)

DESCRIPTION

health advisory

Citation preview

Page 1: Health Advisory Lecture

Isang Paalala mula sa MUNICIPAL HEALTH OFFICE, PILAR, BATAAN

TIGDAS

Ang tigdas ay isang nakakahawang sakit na dala ng virus. Ang pangkaraniwang naaapektuhan nito ay ang mga bata. Nakukuha ang tigdas sa pamamagitan ng direktang pakikisalamuha sa taong maysakit na tigdas.

Ang bata o taong may tigdas ay nakararanas ng mga sumusunod:Mga rashes o pantal na tumatagal ng tatlong (3) araw o higit pa.Lagnat na hindi bababa sa 38.8°c (o napakainit salatin)Ubo, sipon at pamumula ng mata

Mga komplikasyong dulot ng tigdas:Pagtatae, impeksyon sa tainga, pulmunya, kumbulsyon, meningitis, malnutrisyon, kumplikasyon sa utak, pagkabulag o kaya ay pagkamatay.

Pag-iwas at pagsugpoPabakunahan ang sanggol laban sa tigdas sa edad na 9 buwan.Bigyan din siya ng Vitamin A supplementation.

Agarang LunasPatuloy at dalasan ang pagbibigay ng pagkainPainumin ng maraming tubig at “fruit juices”Bigyan din ang sanggol o batang maysakit na tigdas ng karagdagang pagkain o “food supplement”

TRANGKASO

Ang trangkaso ay madaling makahawa. Ito ay sanhi ng “virus” gaya ng sipon kung saan ang ilong at lalamunan ang siyang madaling maapektuhan.

Paano NakukuhaSa pagsinghot ng mikrobyo lalo na sa mga mataong lugar

PalatandaanLagnatPag-uboSiponSakit ng ulo at kasu-kasuanPananakit ng lalamunanPanghihina

Agarang Panlunaso Sapat na pahinga at masusustansyang

pagkaino Uminom ng maraming tubig o “juice”o Maaaring uminom ng gamut para sa lagnat

(paracetamol)

Pag-iwas at Pagsugpoo Takpan ang bibig at ilong kapag bumbahin o

umubo upang maiwasan ang pagkalat ng sakit/mikrobyo

o Iwasan ang pumunta sa matataong lugaro Hangga’t maaari, umiwas sa taong may

trangkasoo Sapat na pahinga at masusustansyang

pagkain

PAGTATAE

Ang pagtatae ay karaniwang nakukuha sa mga sumusunod:

Kontaminadong inuming tubig at pagkainPagkaing di-nalutong mabutiMaduming kapaligiran

PalatandaanPagdumi/pagtae ng 3 beses o higit pa sa loob ng isang araw (lusaw o matubig)Labis na pagkauhawMalalim ang mga mataMalalim na bumbunan (kung sa sanggol)

Agarang Lunaso Bigyan ng Oral Rehydration Solution

(ORESOL)o Sabaw –sinaing o “am” o inihandang solusyon:

isang kutsaritang asin, apat (4)o na kutsaritang asukal sa isang litrong tubigo Patuloy at dalasan ang pagbibigay ng pagkain

sa nagtatae.o Painumin ng maraming tubig at “fruit juices”

Pag-iwas at Pagsugpoo Uminom ng tubig na malinis at ligtas. Kung di-

sigurado, pakuluan ang inuming tubig sa loob ng 5-10 minuto.

o Kumain lamang ng mga pagkaing iniluto ng mabuti

o Takpan ang mga pagkaing nakahanda upang maiwasang madapuan ng langaw, ipis, daga at iba pang insekto

o Hugasan at lutuing mabuti ang mga gulay, prutas at iba pang pagkain

o Gumamit ng palikuran tuwing dudumi

Page 2: Health Advisory Lecture

PAGPAPASUSO (BREASTFEEDING)

Mahalaga lalo na sa panahon ng Kalamidad!!!

Ang gatas ng ina lamang ang siguradong ligtas at laging handang pagkain ng inyong anak.

Ito ang mabisang paraan para maiwasan ang pagtatae, malnutrisyon at iba pang sakit ng bata.

Pinanatili nito ang pagpapadama ng pagmamahal ng ina sa kanyang anak na higit na kailangan sa panahon ng kalamidad.Lahat ng ina ay maaaring mag-breastfeeding.Gawing makabuluhan ang inyong gatas sa pagliligtas ng buhay ng inyong anak.

MAGHUGAS NG KAMAY

Maghugas ng kamay tuwing uubo at babahing upang maiwasan ang pagkalat ng Infuenza A

1. Basain ng tubig ang kamay at sabunin2. Sabuning mabuti ang kamay, ilalim ng kuko at daliri3. Kuskusin ang pagitan ng mga daliri4. Kuskusin ang likod ng mga daliri5. Kuskusin ang pagitan ng hinlalaki

6. Kuskusin ang mga palad gamit ang mga daliri at banlawang mabuti ng malinis na tubig

Umawit ng Happy Birthday ng dalawang beses habang naghuhugas ng kamay upang masiguro na ito’y malinis.

Pagkakaisa Tungo sa Mapayapa at Maunlad na Bayan ng Pilar

Tel # (047)237-2913

From:

MUNICIPAL HEALTH OFFICEPilar, Bataan