146
Hindi Ko Inakala (Completed) by beeyotch Pagmamahal? Kailan mo matatawag na pagmamahal ang nararamdaman mo? Kapag ba masaya ka tuwing kasama siya? Pero paano kapag yung kasiyahan na nadarama mo, unti unting napapalitan ng pagdududa? At paano kapag ang taong nagtulak sa'yo upang magduda ang maging dahilan para muli kang magmahal... para lam ang masaktan muli? Apat na tao, isang pag ibig. Pagmamahal, o pagkamuh i. Isa lang sa dalawa. (c) July 2013 - August 2013 ================= Hindi Ko Inakala This is a work of fiction. Names, characters, busi ness, places, and events are product of the author 's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, is purely coincidental. Do not distribute without the permit of the author.  --

Hindi Ko Inakala (Completed) - wattpadcopies.weebly.com · Hinalikan ni Clyde yung gilid ng ulo ko matapos ni yang mabuhat papasok yung huli kong bagahe. "Babe, alis muna ako. Tinetext

  • Upload
    others

  • View
    99

  • Download
    12

Embed Size (px)

Citation preview

Hindi Ko Inakala (Completed)by beeyotch

Pagmamahal? Kailan mo matatawag na pagmamahal ang nararamdaman mo? Kapag ba masaya ka tuwing kasama siya? Pero paano kapag yung kasiyahan na nadarama mo, unti unting napapalitan ng pagdududa? At paano kapag ang taong nagtulak sa'yo upang magduda ang maging dahilan para muli kang magmahal... para lamang masaktan muli?

Apat na tao, isang pag ibig. Pagmamahal, o pagkamuhi. Isa lang sa dalawa.

(c) July 2013 - August 2013

=================

Hindi Ko Inakala

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, and events are product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, is purely coincidental. 

Do not distribute without the permit of the author. 

--

Hello! I know may tatlo pa akong on going pero hindi ko na mapigilan. Hehehe. Dahil sinisipag talaga ako dito, tuluy tuloy ang update. I mean, every two-three days. Support! Mahalin natin si Derek, Clyde, Dale, at Key! 

xx, Eydee

=================

Unang Kabanata

Unang Kabanata

"Babe, si Danger. Dude, si Annika."

Ngumiti ako sa roommate ng boyfriend ko. Nandito ako ngayon sa Maynila kasama si Clyde kahit na labag sa loob ng mga magulang ko ang pagsama ko sa kanya. Mabait naman si Clyde pero ang mga magulang ko kasi, relihiyoso. Nung unang sinabi ko sa kanila na kami na ni Clyde, halos atakihin sa puso ang tatay ko. Sobrang protective nila sa akin sa punto na nasasakal na ako.

Dahan dahang lumapit sa akin si Danger at tinignan ako bago niya inilahad ang kamay niya. "Nice meeting you, Annika."

Para akong kinilabutan sa pagkakasabi niya ng pangalan ko. Pero kahit na ganon, binigyan ko siya ng matipid na ngiti habang maigi akong nakakapit sa braso ni Clyde.

Bumaling siya ng tingin kay Clyde at saka niya kinuha ang kanyang gitara. "Alis muna ko," sabi niya at tinapunan niya ako ng isa pang tingin bago siya tuluyang lumabas sa pinto.

Napaupo agad ako sa sofa pagkaalis na pagkaalis ni Danger. Siguro bagay nga ang pangalan niya sa kanya. Mapanganib siya.

"Bakit namumutla ka jan," sabi ni Clyde sa akin at naupo siya sa tabi ko at nilagay niya ang braso niya sa balikat ko. Ako naman ay sumandal sa kanya

at niyakap siya. Napakaswerte ko talaga kay Clyde. Kahit na mayaman siya, gwapo, mabait, at ako naman hindi maganda, hindi din ako kasing yaman nila, ako pa din yung mahal niya.

Hinalikan ko siya sa pisngi niya at saka ko idinantay ang ulo ko sa dibdib niya. "Wala naman, Babe. Medyo natakot lang ako kay Danger. Ganun ba talaga siya tumingin?"

Natawa si Clyde sa reaksyon ko. "Ganun talaga yun, pero mabait yun." Naniwala naman ako sa sinabi niya dahil tatlong taon na silang roommate ni Danger. Siguro naman kung masama ang ugali ni Danger, hindi tatagal si Clyde sa isang kwarto kasama siya, di ba?

Pagkatapos nun, tinulungan ako ni Clyde na mag ayos ng gamit ko. Umalis kasi ako sa probinsya namin dahil nagkagalit kami ng tatay ko. Ayaw niya kasi akong payagan na mag aral sa Maynila. Gusto niya, dun na ako mabulok sa probinsya. Sayang naman ang talino ko kung hindi ako susubok dito sa Maynila, at isa pa, nakapasa naman ako sa scholarship exam sa eskwelahan na pinapasukan ni Clyde. Wala na akong poproblemahin sa matrikula pati may kasama na iyong stipend. Sa matitirhan naman, dito na ako pinatuloy ni Clyde. May bakanteng kwarto naman dito sa apartment nila kaya dito muna ako pansamantala habang wala pa akong trabahong nahahanap.

Hinalikan ni Clyde yung gilid ng ulo ko matapos niyang mabuhat papasok yung huli kong bagahe. "Babe, alis muna ako. Tinetext na ako nila Dale, practice na daw."

Tumango ako at umalis naman na siya. Si Clyde ang vocalist sa banda nila, kung hindi ako nagkakamali, si Danger naman ang lead guitarist. Minsan na akong nakanood ng gig nila kaso sa video lang. Dito kasi sila sa Maynila tumutugtog, ako naman e nasa probinsya lang palagi. Kapag umuuwi lang si Clyde ako nakakanood kasi may dala siyang video nila.

Dati, hindi ko naman napapansin si Danger kasi kay Clyde lang talaga nakatuon ang atensyon ko. Pero ngayon na nakita ko na siya ng harap harapan? Siguro kaya nga sila sikat dito sa Maynila. Gwapo nga sila, at magaling din tumugtog.

Pagkatapos kong maayos ang gamit ko, lumabas muna ako ng apartment at pumunta sa grocery para bumili ng maluluto. Gusto ko kasing ipagluto si Clyde, bilang pasasalamat na din kasi mahal niya ako kahit na ang dami daming ibang babae jan na handang kunin siya sa akin.

Nakabili na ako ng lulutuin. Magluluto ako ng Adobo kasi yun yung paborito ni Clyde.

"Ang swerte naman ni Clyde sa'yo."

Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko kaya naman napaso yung labi ko niluto ko. "Aray!"

Bigla namang lumapit sa akin si Danger at tinaas niya ang ulo niya at tinignan niya yung parte ng labi ko na napaso.

Umalis siya at kumuha ng toothpaste. "Medyo mahapdi 'to," sabi niya at dahan dahan niyang nilagay yung toothpaste sa labi ko habang nakatitig siya sa labi ko. Napalulok na lang ako sa sobrang lapit niya sa mukha ko.

Kahit na hirap akong magsalita, "Salamat," sabi ko.

Tumango lang siya at umakyat sa taas ng apartment at nung pagbaba niya, napansin ko na nagpalit pala siya ng damit.

"Uhm, hindi mo ba kasama si Clyde?" tanong ko sa kanya nung bumalik siya sa kusina. 

Umiling siya. "Naiwan pa siya dun sa band rehearsal e. Gusto mo bang pumunta?"

Napangiti ako. "Talaga? Isasama mo ako?"

Mukhang natuwa siya sa reaksyon ko. "Sure. Basta ba papakainin mo ako ng Adobo mo," sabi niya sa akin.

Kumuha na agad ako ng plato at ipinaghanda ko ng pagkain si Danger. Habang kumakain siya, hindi ko napigilang magtanong. "Uhm, Danger ba talaga yung pangalan mo?"

Tumingin siya sa akin, ayan na naman yung tingin niya. 

"Hindi. Ang pangalan ko talaga ay Derek," sabi niya.

"Derek? Bakit ang layo naman yata ng Danger sa Derek?"

Nagkibit balikat na lang siya at ipinagpatuloy niya yung pagkain. "Ewan ko din. Ganun tawag sa akin ng mga babae hanggang sa ewan, ganun na yung tawag sa akin ng mga tao."

Siguro mapanganib nga siya. Bakit naman kasi siya

tatawagin ng Danger kung hindi siya mapanganib, di ba?

Pagkatapos niyang kumain, umakyat muna ako sa taas at nagpalit ng damit. Nagsuot ako ng simpleng pantalon at t-shirt. Yun lang kasi talaga ang mga damit ko. Ayaw kasi ng magulang ko na nagsusuot ako ng mga sleeveless at shorts, immoral daw yun.

Sumakay kami sa sasakyan ni Danger, o ni Derek. Siguro Derek na lang ang itatawag ko sa kanya. Para kasing hindi pangalan ng tao ang Danger.

Nakarating kami sa isang parang kwarto na malapit sa university na pinapasukan nila. Ang daming babae sa labas. 

"Dito ka lang sa likod ko," sabi ni Derek sa akin tapos nilagay niya ako sa likod niya at naglakad kami papasok sa pinagppractice-an nila ng banda nila na 'A Love That Kills.'

Nagkakagulo yung mga babae nung makita nila si Derek. Sigaw sila ng sigaw ng Danger. Bakit ba kasi Danger yung pangalan niya? Hindi ba siya naiilang? Para kasing ang sama niyang tao dahil sa tawag na yun sa kanya.

"Ladies, dahan dahan. May kasama ako, o," sabi ni Derek sa mga babaeng nagkakagulo.

"Omg, Danger please marry me!!"

"Sabihin mo naman kay Clyde ako na lang!!"

"Pakisabi naman kay Dale, I love him so much!!"

Medyo nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. Tama nga si Inay, madaming babae dito sa Maynila na walang respeto kahit na may karelasyon na ang lalaki.

"Girls, kasama ko ang girlfriend ni Clyde. Ayaw niyo naman siguro na magalit siya pag nasaktan ang girlfriend niya, di ba?"

Dahil sa sinabi ni Derek, dahan dahan na tumahimik ang mga babae. Habang naglalakad kami papasok, puro masasamang tingin ang natanggap ko sa mga babae.

Bumulong sa tenga ko si Derek. "Ano, hindi ka pa ba natatakot?"

Nung nagtama ang tingin namin, saka ako nakaramdam ng takot pero hindi ko ipinahalata. "Mahal ko si Clyde. Hindi ako natatakot sa mga babaeng yun."

Binigyan lang ako ng ngiti ni Danger bago niya binuksan ang pinto ng kwarto.

"Babe!" 

Naglakad ako papunta kay Clyde na kasalukuyang nakikipag usap sa isang magandang babae. Hindi ko napansin na katabi ko pa din pala si Derek. Hindi yat

a narinig ni Clyde yung tawag ko sa kanya.

"Siya si Gelene, band manager namin," bulong ulit ni Derek sa akin. 

Habang tinitignan ko sila, hindi ko mapigilan na hindi makaramdam ng selos.

"Ang ganda ni Gelene, no?"

Tumingin ako kay Derek. "Mahal ako ni Clyde."

Itinaas niya lang yung kamay niya. "Not saying anything, Annika. Sige, puntahan ko lang sila Dale," sabi niya tapos ay kinindatan niya ako at umalis papunta sa iba pa niyang kabanda.

Wag kang makinig sa kanya, Annika. Mahal ka ni Cly

de. Wag kang maniwala kay Danger. He's Danger. He's Dangerous.

=================

Ikalawang Kabanata

Ikalawang Kabanata

 

Pagkatapos ng ilang minuto, natapos na ding mag usap yung Gelene at si Clyde. Mukhang nagtatalo yata sila base sa mukha ni Dale. Tuwing nagagalit siya, nakakunot ang noo niya at namumula ang tenga niya. Ganyan kasi ang itsura ni Clyde tuwing pag aawayan namin ang pag inom inom niya.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Alam niya kasi na naiilang ako kapag hinahalikan niya ako sa labi sa publiko. Lumaki kasi ako kasama ang mga pastor kong magulang kaya hindi ako sanay sa mga PDA na tinatawag.

"Babe, bakit ka nandito?" sabi niya pagkatapos niya akong akayin sa upuan sa gilid. Pawis na pawis s

i Clyde, siguro kaya umuwi din si Derek para magpalit ng damit. Sobra pala talagang seryoso sila Clyde dito sa pagbabanda nila. Dati, akala ko parang pampalipas oras niya lang yun.

Kumuha ako ng panyo mula sa bag ko at saka ko pinunasan yung pawis ni Clyde. Napangiti naman siya sa ginawa ko. "Kasi sabi ni Derek pwede daw akong sumama."

"Derek?"

Tumango ako. "Si Derek? Si Danger?"

Tumango tango lang si Clyde at saka siya tumingin kay Derek na masayang nakikipag kwentuhan sa iba pa nilang kabanda. Apat sila sa banda. Bale, lima pala pag kasama yung band manager na si Miss Gelene.

"Bakit, Babe? Bawal ko ba siya tawagin ng Derek?" tanong ko sa kanya. Iba kasi yung reaksyon niya ng marinig niyang tinawag ko na Derek si Danger.

Umiling iling lang si Clyde at saka inilagay niya ang kamay niya sa bewang ko. "Wala, wala. Sanay kasi ako na Danger ang tawag sa kanya. Sige, Babe. Practice muna kami," sabi niya at saka hinalikan niya ako ng isa pang beses at lumakad na siya pabalik sa pwesto niya kanina.

Nakipag usap muna siya sandali kay Miss Gelene bago nagsimulang tumugtog ang grupo nila.

"They're good, right?"

Nagulat ako ng makita ko si Miss Gelene sa gilid ko. Kanina ko pa kasi kinakatikot ang cellphone ko dahil kagabi pa tumatawag si Inay. Nag aalala na daw sila dito sa akin, sabi ko naman, maayos ako. Hindi ko na lang sinabi na kina Clyde ako nakatira dahil panigurado, papauwiin nila ako agad agad.

Tumango ako at ngumiti. Ang ganda naman ni Miss Gelene para sa isang manager.

"By the way, I'm Gelene. You are?"

Inilahad ko yung kamay ko. "Ako po si Annika," sabi ko at saka ngumiti.

"Oh, oh, you are Annika!" sabi niya sabay yakap sa akin. Napansin ko na nakatingin silang lahat sa amin ni Miss Gelene na nagyayakapan. Si Clyde pati na sila Derek at iba pang myembro ng banda ay nakatingin sa amin.

Niyakap ko na lang pabalik si Miss Gelene para hindi nakakahiya.

"Sorry sa reaction ko, Annika! It's just that, I've heard so much about you! And now, you're here!" sabi niya ng nakangiti ng sobra. 

Ngumiti ako pabalik sa kanya. "Nako, baka kung anu ano naman po ang naririnig niyo tungkol sa akin, Miss Gelene."

"Drop the Miss, Annika. Just call me Gel, or better yet, call me Ate Gel! Nako, I love you na kaya! Ikaw lang ang nakapagpatino jan kay Clyde. You know, he's a pain in my a-ss!"

Natawa naman ako kasi halatang naiinis siya kay Clyde. Wala naman pala akong dapat ipagselos kay Miss--- Ate Gel. 

"Makulit lang po talaga yang si Clyde pero mabait yan," pagtatanggol ko naman sa boyfriend ko.

Kumuha si Ate Gelene ng bote ng mineral water mula sa bag niya at ininom niya iyon. Ang banda naman, ayun, tumutugtog pa din sila. Habang tinitignan ko si Clyde, mas lalo akong nagdududa kung ano ba ang meron sa akin para ako ang piliin niya sa lahat ng babae na nagkakagusto sa kanya. Masyado siyang perfect.

"I know but sometimes, I mean most of the time, he's more than a handful. Pasalamat siya mahal na mahal siya ng mga fan girl nila dahil kung hindi, matagal ko ng ipinalit yang si Danger sa pagiging vocalist," paliwanag ni Ate Gelene.

"Nako, wag naman po, Ate Gel. Pagsasabihan ko na lang si Clyde. Sobrang mahal niya ang banda na 'to," sabi ko tapos nagsmile na lang si Ate Gel sa akin.

Makalipas ang ilang minuto, tumigil na din sa pagpa practice ang banda nila Clyde. Nakakabilib sila kasi halatang halata mo na gusto nila yung ginagawa nila. Parang hindi siya si Clyde na boyfriend ko tuwing hawak niya yung mic. At si Derek? Mas lalo niyang napaninindigan ang palayaw niya na Danger tuwing hawak niya yung gitara niya. Mukha siyang sobrang mapanganib.

Umupo si Clyde sa tabi ko tapos tinanong niya si Ate Gelene na busy sa pagkalikot ng cellphone niya. "Madami pa bang tao sa labas, Gelay?"

Umirap si Ate Gelene. Gelay? Ganon ba sila ka close?

"Well, yes, Clyde. As usual, madami na namang babae sa labas, all thanks to Danger," sabi ni Ate Gelene.

Itinaas naman ni Danger yung kamay niya. "Ano na naman ang ginawa ko?"

"Yun na nga, e. Wala ka namang ginagawa pero lagi tayong dinudumog ng mga babae. Good job," sabi ni Ate Gelene sabay tapik sa balikat ni Derek. "At dahil jan, paalisin mo sila."

Lahat sa banda ay natawa dahil pagkabukas na pagkabukas ni Derek sa pinto, nagkagulo na yung mga babae. Hindi na ako magtataka kung pagbalik ni Derek dito sa loob, lasog lasog na ang damit niya.

Tumayo si Clyde at ipinakilala ako sa iba pa niyang

ka banda.

"Babe, si Dale, sa drums. And si Key, sa keyboards. Dude, girlfriend ko. Hands off."

Natawa na lang ako pati si Ate Gelene at Dale at Key sa pagkakasabi ni Clyde, parang ang isip bata kasi pero ang sweet.

"Message received, Clyde. Si Danger na lang sabihan mo niyan. Yun lang naman ang malandi sa ating apat," natatawang sabi ni Dale.

Pagkatapos nun, bumalik na si Derek. At tama nga ang hinala ko. Yung shirt niya kanina na matino, ngayon, may punit na sa manggas, pati yung buhok niya, gulu gulo. At may mga kalmot din siya at bakas ng lipstick sa kanyang leeg at pisngi. Ayos lang ba sa kanya na ginaganyan siya ng mga babae?

"Coast is clear, guys," sabi niya habang naglalakad papunta sa gitara niya.

Tinapik siya isa isa nila Dale tapos sabay sabay na kaming lumabas. Tama nga, wala na yung mga babae. Ano bang klaseng pagpapaalis ang ginawa ni Danger para mapaalis niya yung mga babae na yun? Kung tama ang bilang ko, nasa dalawampu yung mga babae dito kanina.

"Ano, enjoy sa pagpapa rape, Danger?" natatawang sabi ni Key kay Danger nung nasa isa na kaming kainan malapit sa pratice room nila.

Sumingit naman si Dale na kadadating lang dala ang isang bote ng beer. "Sus, di ka pa nasanay jan. Sanay na sanay sa babae yan. Kaya ikaw, Annika, pag pumorma yang si Danger sa'yo, magsumbong ka na agad kay Papa Clyde."

Natawa naman ako bigla. Nakakatuwa silang tignan, para silang magkakapatid. Kaya naman pala gustung gusto dito ni Clyde kaysa sa probinsya namin dahil masaya nga kasama ang mga ka banda niya. Samantalang sa probinsya, wala kaming masyadong magawa. Medyo liblib din kasi ang lugar namin. Ilang kilometro pa bago ka makarating sa Mall.

Pagkatapos namin kumain, lumabas si Dale at Key para manigarilyo. Si Ate Gelene at Clyde naman, nag uusap sa labas. Hindi ko alam kung ano ba ang pinag uusapan nila pero madalas talaga silang mag usap.

"Selos ka na naman?" sabi sa akin ni Derek habang nakasandal siya sa upuan niya at nakaharap sa akin.

Marahan akong umiling dahil hindi naman talaga ako nagseselos. Mahal ko si Clyde at may tiwala ako kay Ate Gelene.

Nagkibit balikat si Derek at ininom niya yung beer niya. "So, kwentuhan mo na lang ako tungkol sa sarili mo, Annika."

Sa tuwing babanggitin niya ang pangalan ko, pakiramdam ko, tumataas lahat ng balahibo sa batok ko. Samahan pa ng tingin niya, talaga ngang Danger ang dapat itawag sa kanya.

"A-ako si Annika Javier. First year college na ako at ang kurso ko ay Engineering," sabi ko na medyo nanginginig pa ang boses.

Tumango tango naman si Derek. "Nice, magka college pa pala tayo," sabi niya. Mas lalo akong kinabahan sa katotohanan na hindi lang pala kami titira sa isang bahay, nasa iisang kolehiyo din pala kami.

"Ano ba ang kinukuha mo?"

"Chemical Engineering, third year."

Nginitian ko siya at sumulyap ako kay Clyde. Ang tagal naman nilang mag usap ni Ate Gelene. Hindi ako kumportable kausap si Derek. 

Bigla akong napaatras dahil sobrang lapit ng mukha

sa akin ni Derek.

"Kinakabahan ka ba sa akin, Annika?"

Ilang beses akong lumunok bago ako nakapagsalita. "H-hindi. Bakit naman ako kakabahan?"

Ngumiti siya ng nakakakaba at ibinaba niya yung bote ng iniinom niya. "Mabuti naman, Annika. Hindi ka dapat matakot sa akin... Iba ang dapat mong maramdaman," sabi niya saka siya umalis at nag iwan ng pera sa lamesa.

=================

Ikatlong Kabanata

Ikatlong Kabanata

Simula na ng unang araw ng klase ngayon. Dahil nakikitira lang ako dito sa apartment nina Clyde at Danger, napagpasyahan ko na gumising ng maaga at magluto ng agahan. Nakakahiya naman kasi na libre na

nga akong nakikitira dito, wala pa akong maiambag. 

"Morning," nagulat ako ng makita ko si Danger na nasa kusina at nagtitimpla ng kape.

Naglakad ako papunta sa kusina. Mabuti pala at naisipan kong magsuot ng jacket ngayon. Nakakahiya naman kung makita ako ni Danger na nakasuot ng sando at shorts. 

"Good morning din," sabi ko at saka binuksan ko ang ref at kumuha ng bacon at itlog. Ganito kasi ang paboritong kainin ni Clyde. "Maaga ka talagang gumising?" tanong ko sa kanya. Kung ganitong maaga siyang gumising, hindi na ako gigising ng maaga. Hindi pa din kasi ako komportable na kausap si Danger.

Humigop siya ng kape niya at umiling. "Hindi. Maaga kasi ang class ko tuwing Tuesday at Thursday kaya maaga akong gumising. How about you? Maaga ka bang gumising, Annika?"

Ako lang ba talaga o talagang may kakaiba sa pagsasalita ni Danger? Para bang nang aakit siya sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko. Ayoko nun. Hindi ko gusto.

Tumango na lang ako. "Nasanay na kasi ako sa probinsya," paliwanag ko saka sinimulan kong lutuin ang fried rice na paborito din ni Clyde.

"Tiga Bicol ka din ba?" 

Sumagot ako ng oo.

"Nagpunta kami dati dun, a. Bakit hindi ka namin nakita?" Tanong ni Danger.

Hindi na lang ako sumagot at nagkibit balikat. Yun yung mga panahon na nag away kami ni Clyde dahil nahuli kong may mga nagtetext sa kanyang babae ng mga malalaswang bagay. Sabi naman niya, mga fans niya lang daw yun. Para hindi na ako magalit, napilitan siyang magpalit ng number. Minsan talaga naiinis ako sa mga fans niya. Hindi ba nila alam na may girlfriend na si Clyde? Nakalagay naman sa facebook niya yun, pati sinasabi niya naman. Pero yung ibang babae? Makapal talaga ang mukha.

"Baka may ginawa ako sa school?"

Patuloy lang sa pag inom ng kape si Danger habang nagluluto ako. Sa loob loob ko, hinihiling ko na sana magising na si Clyde. Naiilang ako kausap si Danger.

"Annika..."

At ayan na naman siya sa mapang akit niyang boses. Siguro kung siya ang naging bokalista ng banda nila, lahat ng babaeng nakikinig sa kanila, bigla na lang hihimatayin.

"Sabay na tayo pumasok?"

"Sabay kami ni Clyde."

Ayoko. Ayokong sumakay na naman sa sasakyan niya. 

"Mamaya pang ala una yung klase ni Clyde. Ikaw din, mahirap mag commute papuntang university."

Dahil wala naman akong choice, pumayag na ako. Umakyat na ako sa taas matapos kong maluto ang bacon at itlog. Pumasok ako sa kwarto ng boyfriend ko at nung nakita kong himbing na himbing siyang natutulog, pinabayaan ko na lang siya. Nag iwan na lang ako ng note sa lamesa niya na mauuna na ako. Sayang. Pangarap ko pa naman na sabay kaming papasok ni Babe. Second year high school pa lang kasi ako nung grumaduate siya. Buti na lang talaga, napansin niya ako kahit na lower year ako.

Naligo na ako at nagpalit ng palda na hanggang tuhod at blouse. Okay na siguro 'to. Mag aaral naman ako at hindi maglalakwatsa.

"Hot."

Napairap na lang ako sa narinig ko kay Danger.

"Derek, nasa taas lang si Clyde."

Lumapit naman siya sa akin. "Alam ko. Mas masaya nga, di ba?"

Umiling na lang ako at nagsimulang maglakad. Hindi ko naman sineseryoso yung mga sinasabi niya. Ayon nga kay Dale at Key, malandi lang talaga si Dange

r. Lahat siguro ng gumagalaw, nilalandi niya.

Pumasok ako sa sasakyan niya at nagpatugtog siya. Hindi kagaya ni Clyde na mga maiingay na kanta ang gusto, si Derek, ang tugtog niya sa sasakyan, yung mga masarap pakinggan. Ayoko kasi nung makabasag pinggan na sumisigaw na tugtog.

"Ano nga pala ang course mo? Nakalimutan kong itanong kagabi," sabi ni Derek habang nakahawak sa manibela ang isa niyang kamay at ang isa naman, nakasuklay sa buhok niyang parang kakagaling lang sa kama.

Bumaling ang tingin ko sa labas. "Ah, Mechanical Engineering."

"Hot."

Oo na lang, Derek.

Nung makarating kami sa harap ng kolehiyo namin, bumaba ako. Ang mga babae, ang sama ng tingin agad sa akin. Masama yatang desisyon ang pagsama ko kay Derek.

"Don't worry, ako ang bahala sa'yo," bulong niya sa akin. Kinilabutan ako sa lapit ng bibig niya sa tenga ko. Nagsitaasan na naman ang mga balahibo sa batok ko.

Inilagay niya ang kamay niya sa bewang ko at sabay kaming naglakad papasok sa building. Kahit na gustung gusto ko alisin ang kamay niya, hindi ko maga

wa dahil sa tingin ng mga babae sa akin. Pakiramdam ko, sa oras na alisin ko ang kamay niya sa akin, bigla na lang akong aatakihin ng mga babae dito at sasaktan.

"Sige, dito na lang ako," sabi ko sa kanya ng makapasok kami sa lobby ng buildding.

Tinignan niya ako. "Alam mo na ba ang department mo?"

Tumango ako kahit na wala pa talaga akong ideya kung saan ako sa malaking lugar na ito. Basta ang gusto ko ngayon, mapalayo kay Derek, sa delikadong nilalang na ito.

Nagkibit balikat siya at naglakad sa kabilang direksyon. Napansin ko naman na nagsisunuran ang mga kababaihan sa kanya. Sikat nga siya, gaya ng sabi ni Ate Gel.

"Hi, Annika."

"Uy, ikaw pala, Dale!"

Naupo ako sa upuan katabi ni Dale. Bakit siya nandito? Kaklase ko ba siya?

"First year ka din?"

Tumango siya. "Bago lang ako sa banda, nung umalis si Geoff, kuya ko, ako pumalit sa kanya. Graduate na kasi siya. Ayos 'to. MechEng ka din."

Buti na lang ka course ko si Dale! At least ngayon, may kakilala na agad ako.

Nagsimula ang klase at tahimik lang ako. Mayroon kasi akong kailangan imaintain na grade kaya dapat mataas palagi ang grado ko. Wala naman akong pambayad sa tuition. Siguradong mapapauwi ako ng probinsya sa oras na mawala ako sa scholarship. Ayoko nun.

"Hay! First day na first day, lecture agad! Imbang prof yun!" sabi ni Dale habang nag iinat inat. Umpisa pa lang ng klase, puro lesson na agad.

Buong araw, puro ganun lang ang nangyari. Mabuti na lang at bloc section pala kami. Buong araw ko kasama si Dale, para ko siyang kapatid kasi may pagka isip bata din siya. At ang suplado niya din sa ibang tao. Yung mga babaeng nagpapapansin sa kanya, hindi niya pinapansin. Sabi niya, baka daw kasi umasa pag pinansin niya. Sana ganun din si Clyde. Kaso lang friendly talaga ang boyfriend ko.

Pagkatapos ng huling klase namin, nagpaalam si Dale na mauuna na daw siya kasi may pupuntahan pa siya. Wala namand daw band rehearsal ngayon, tinanong ko kasi. Natutuwa kasi akong manood sa kanila.

"Kain tayo?"

Napahawak ako sa dibdib ko. Nandito na lang bigla si Derek sa likod ko. Para siyang kabuti!

Umiling ako. "Pupuntahan ko si Clyde."

Sinabayan niya ako ng lakad. "May klase yun," sabi niya.

"Bakit mo alam?"

Ipinakita niya yung cellphone niyang mukhang mamahalin. "Katext ko si Key. Classmates sila ni Clyde mo. Mamaya pang alas syete labas nila. Tara, kain muna tayo."

Wala na akong nagawa kung hindi sumama sa kanya. Napapasama talaga ako pag kasama ko siya. Parang imbes na makahanap ako ng kaibigan, kaaway pa ang nahahanap ko. Lahat yata ng babae dito, magagalit sa akin dahil lagi kong kasama itong si Danger.

"Kamusta klase?"

"Ayos lang."

"Ang hot mo."

Umirap na lang ako. Wala naman siyang ibang alam sabihin kung hindi iyon.

Ipinatong niya ang kamay niya sa baba niya at tumitig sa akin. 

"Ang hot mo, Annika."

=================

Ikaapat na Kabanata

Ikaapat na Kabanata

Isang linggo na akong nakatira dito kasama sila Clyde at Derek at masasabi kong sikat nga sila. Minsan, paglabas ko ng apartment, magugulat na lang ako sa tambak ng mga tsokolate at minsan, nakakahiya talaga, may mga undergarments pa ng babae sa labas ng pinto namin. Hindi ko alam kung ano ba ang gustong iparating ng mga babaeng iyon.

"Good morning, Babe," bati sa akin ni Clyde na ngayon ay kalalabas lang galing banyo at nakatapis lang siya ng twalya.

Nung una, nahihiya ako dahil hindi naman ako sanay makakita ng hubad na katawan ng lalaki pero nung kalaunan, nasanay na din ako. Sa inaraw araw ba naman na pamamalagi ko dito, laging pumaparada si Derek ng nakahubad. 

Kinuha ko ng pagkain si Clyde, hindi kasi kami madalas ng mag usap dahil maaga siyang umaalis sa bahay tuwing Miyerkules at Biyernes, tapos pag Martes at Huwebes naman, gabi na siya makauwi. Ngayong tuwing Sabado at Linggo na lang kami nagpapang abot dito sa apartment.

"May gig kami mamaya. Sama ka?" aya niya sa akin.

Bigla naman akong napangiti. First time ko 'to kung

sakali! "Talaga?"

Nginitian ako ni Clyde at saka pinisil niya yung pisngi ko. "Ang cute cute mo talaga, Annika. Tara nga dito," sabi niya sa akin at saka niyakap ako. "Kamusta first week? Balita ko blocmates kayo ni Dale, a?"

Tumango ako at napangiti tuwing naaalala ko si Dale. Napaka cute ng batang 'yon! Nalaman ko na mas matanda pala ako sa kanya ng ilang buwan kaya natuwa ako. Wala kasi akong kapatid.

"Oo nga, e. Buti na lang may kilala agad ako. Si Derek naman kasi, puro kaaway ang binibigay sa akin," pagsusumbong ko kay Clyde. Madami na agad may ayaw sa akin dahil kay Derek. Tuwi na lang papasok kami, inaakbayan niya ako. Pakiramdam ko tuloy gusto akong patayin ng mga babae niya.

"Wag ka na kasing sumabay kay Derek. Classmates naman kayo ni Dale, di ba? Sumabay ka na lang sa kanya."

"Talaga?"

Tumango si Clyde. Mabuti naman! Hindi talaga ako makahinga ng maayos tuwing kasama ko si Derek. Lalo na pag tinitignan niya ako, parang gustong tumalon ng puso ko palabas ng dibdib ko. 

Nung naubos na ni Clyde yung pagkain niya, umakyat na siya at nagpalit ng damit. Sakto naman na paglabas ni Derek mula banyo... ng nakatapis lang din. Bakit ba ang hilig maglakad ng hubad ng mga lalak

i na 'to? Di ba sila nahihiya man lang sa akin na babae?

"Good morning, Annika."

"Morning. Bihis ka na," sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya. Ayoko siyang tignan, baka isipin niya pa pinagnanasaan ko yang katawan niya. Di, no.

Dahil siya si Derek, naupo pa siya sa silya na kaharap ko. "Bakit hindi ka makatingin sa akin?"

"Magbihis ka kasi, naka tuwalya ka lang."

Nagkibit balikat siya. "Dati nga naglalakad ako dito ng walang suot. Nag adjust na ako para sa'yo, Annika."

Hay, Derek. Minsan hindi ko maintindihan ang takbo ng utak mo.

Kinuha ko na lang ang kape ko at umakyat ako sa taas. Mas mabuti pa na mag ayos ako ng gamit ko kaysa makipag usap ako dito kay Derek. Tuwing nakakausap ko siya, mas lalo kong nakukumpirma na siya nga talaga si Danger.

Inayos ko yung iba kong gamit at mga damit, kakatapos ko lang kasi maglaba. Ako na din yung naglalaba ng damit ni Clyde at Derek kahit na ayaw nila. Yun na nga lang ang maibabayad ko sa kanila, e. Minsan, gusto ko na lang itapon yung mga damit ni Derek. May nakalagay na c-ondom at mga number ng babae sa bulsa niya. Nakakahiya talaga siya.

Nakausap ko din ang Inay ko. Buti na lang at hindi pa din nila alam na dito ako kila Clyde. Wag na lang sanang magkamaling bumisita si Inay sa bahay nila Clyde dahil alam ng Ate niya na nandito ako. Mayor kasi sa lugar namin ang Tatay ni Clyde.

Mag kumatok sa pinto ko. "Babe?"

"Bakit, Babe?"

"Aalis na ako, may aayusin pa kami ni Gelene sa venue, e. Sunod ka na lang o sunduin kita mamaya?"

Umiling ako, baka mapagod pa siya pag bumalik siya dito. "Susunod na lang ako."

Hinalikan niya ako bago siya umalis. Simula ng dumating ako sa Maynila, mas tumatagal na yung halik ni Clyde sa akin. Dati naman dampi lang pero ngayon, para na akong mauubusan ng hininga.

"Annikang hot, sasabay ka ba sa akin?"

Huminga muna ako ng malalim. "Derek?"

"Yes, Miss Hottie?"

Mabuti na lang at wala na si Clyde, baka isipin pa nun may ginagawa kaming kalokohan nitong si Danger. "Pwede ba, wag mo na akong tawagin na ganyan. Baka marinig ka ni Clyde."

"Aw, bakit naman, Annika? Alam naman ni Clyde na hot ang girlfriend niya."

Bigla akong namula sa sinabi niya. Totoo kaya yun? Hindi naman kasi ako sinasabihan ng ganun ni Clyde. Hindi naman kami yung tipo ng nagbobolahan. Hindi ko din siya sinasabihan ng gwapo, kasi sa tingin ko alam niya na yun.

Humakbang palapit sa akin si Derek. "Bakit, Annika? Hindi ka ba sinasabihan ni Clyde ng hot ka?"

Umiwas ako ng tingin. Annika, lumayo ka nga jan kay Derek.

"W-wala ka na dun, Derek."

Ngumiti siya. Yung ngiting parang sinasabi sa'yo na masama ang gagawin ko pero sigurado akong magugustuhan mo. Ganun palagi ang dating ng ngiti sa akin ni Derek.

"Don't worry, Annika," sabi niya sabay hawi ng buhok ko sa mukha. "Araw araw kitang sasabihan ng hot kung hindi yun ginagawa ng boyfriend mo."

"Hindi kita boyfriend."

Nginitian niya lang ako. "Sabi mo, e. Hintayin kita sa baba, Annika." Hinalikan niya yung gilid ng ulo ko bago siya bumaba.

--

"Nice legs. First time kitang makitang mag shorts, a."

Kanina pa nakatingin 'tong si Derek sa akin. Bakit ba? Masama bang magshorts ngayon? E kasi naman! Lahat ng babaeng naghahabol sa kanila, naka shorts. Ako lang yata ang manang na naka palda. 

Hinatak ko pababa yung shorts ko.

"Bakit mo ba hinahatak? Ang sexy mo nga, e."

Tinignan ko lang siya ng masama.

"Derek?"

"Oh?" sabi niya habang nakatingin pa din siya sa legs ko.

"Shut up."

"Feisty. Lika na nga," sabi niya tapos inalalayan niya ako papasok sa bar. Sabi na nga ba, e. Tama ang desisyon ko na magshorts. Lahat halos ng babae dito, wala ng halos damit. Kung tutuusin, balot na balot pa ako. "Dun tayo," bulong sa akin ni Derek. Medyo dumistansya ako sa kanya pero nakahawak pa din siya sa bewang ko.

"Bitaw. Nanjan si Clyde," mahina kong sabi sa kanya.

"Don't worry, nandyan si Gelene. Hindi ka niya mapapansin."

Binigyan ko siya ng masamang tingin. Palagi niya na lang sinasabi sa akin na talaga daw malapit ang loob ni Ate Gel at ni Clyde. Okay lang naman sa akin pero ang problema, gusto yata ni Derek na magka problema ako doon. Ang laki lang talaga ng problema ni Derek sa buhay, gusto pa yata niya akong idamay.

Naglakad ako papunta kina Dale. Dali dali namang tumayo si Ate Gel at lumipat sa upuan kaya naman nakaupo ako sa tabi ni Clyde.

"Bakit ka naka shorts?" tanong niya sa akin pag upo ko. Dahil hindi talaga ako komportable magshorts, tinakpan ko iyon ng bag na dala ko.

Mabuti na lamang at madilim dito sa loob ng club, hindi napansin ni Clyde na namumula na ako. Paano ba naman kasi, nakahawak siya sa hita ko. Hindi lang kasi ako sanay na nakahawak siya sa akin, pero ayos lang naman kasi boyfriend ko siya. Wala naman akong nakikitang masama. Ang nakikita kong masama ay ang pagtitig ni Derek sa dibdib ko. Ang bastos niya lang talaga.

Umorder ng juice para sa akin si Ate Gel kaya naman kinuha ko iyon at ininom bago ko sinagot ang tanong ni Clyde. "Uhm, sinubukan ko lang. Hindi ba bagay?"

Inakbayan niya ako ngayon at binulungan. "Bagay. Kaya lang, Babe, gusto ko ako lang ang nakakakita niyan sa'yo."

Napangiti ako sa sinabi ni Clyde. Ang sweet sweet niya pa din kahit lagpas isang taon na kami. Pero dati, long distance relationship ang meron kami dahil nga nandito siya sa Maynila, ako naman, nasa Bicol. Kahit na ganun, sigurado naman ako na hindi niya ako pinagtataksilan. Kababata ko si Clyde, alam ko na hindi siya maloko kagaya ng ibang lalaki dyan, kagaya ni Derek na ngayon ay nakikipaglandian sa waitress.

Umakyat na sa stage sila Clyde at nagsimula na silang tumugtog. Mas lalo talagang gumagwapo ang boyfriend ko tuwing kumakanta siya. Mas malaking problema 'to, mas madaming kaagaw na babae.

"Buti na lang nandito ka, Annika," sabi ni Ate Gel sa akin.

Habang nakatutok pa din ang mata ko kay Clyde, sumagot ako. "Oo nga po, Ate. Ang galing pala nila pag live!"

"Oo naman, they worked hard for that. Nakikita mo naman kung paano sila magpractice, di ba?"

Tumango ako. Totoo naman. Minsan, gabing gabi na talaga sila uuwi dahil sa rehearsal. Kaya madalas, mag isa lang ako sa apartment. Pero ayos lang din naman dahil madami akong oras para gumawa ng mga assignment. Ang ipinagtataka ko lang, pano kaya yun nakakaya nila Dale at Derek? Pare pareho lang nam

an kami na engineering student, pano kaya nila napagsasabay ang banda at assignments? Hmm. 

Matapos ang isang set ng kanta nila, bumaba sila sa lamesa. Si Key at Dale, lumabas na naman para sa yosi break nila. Bakit ba naninigarilyo sila? Hay. Si Dale, dahil nga parang kapatid ko na siya, susubukan kong pigilan. Hindi bagay sa kanya manigarilyo kasi para siyang bata. Ganun yung tingin ko sa kanya.

Umalis na naman si Ate Gel at Clyde. Saan ba kasi sila pumupunta?

"Derek?"

"Oh?" sabi niya sa akin habang may sinasagutan siya. Lumapit ako ng kaunti at natawa naman ako nung makita kong gumagawa siya ng scientific paper. "Wag mo nga akong tawanan. Estudyante din ako, di lang halata." Pagkasabi niya nun, lumagok na naman siya ng beer at nagpatuloy sa pagsagot ng exercise niya. Oo nga pala, ChemEng nga pala siya. Ang talino niya naman, ang alam ko kasi, mahirap ang ChemEng.

"Ano nga pala itatanong mo?"

Nagdadalawang isip ako na magtanong, baka kasi isipin ni Derek naniniwala na ako sa mga pinagsasabi niya sa akin.

"Uh, wala, wala."

Itinigil niya yung pagsusulat at diretsong tumingi

n sa akin. Ngayon ko lang napansin na kulay itim pala yung mata niya. Yung itim na itim talaga.

"Si Gelene at Clyde ba yan?" Hindi ako sumagot pero kahit na ganun, nagpatuloy pa din siya. "Selos ka na, no? Selos na. Close talaga sila, e. Nagulat nga ako nung nalaman ko na may girlfriend pala siya sa Bicol. Akala ko kasi talaga, nagliligawan sila ni Gel. No offense sa'yo, syempre. Hot mo, e."

Ngumiti na lang ako ng pilit. Close pala talaga sila?

"Siguro close lang talaga sila."

Nagkibit balikat si Derek.

"Close ako sa mga babae pero hindi ako ganun ka close sa kanila. Nakikita mo, Annika? They are not platonic; heck, that two were never platonic."

=================

Ikalimang Kabanata

Ikalimang Kabanata

"Bad trip na prof," kanina pa sinasabi ni Dale.

Nakasalampak siya sa upuan habang tinitignan yung prof namin na nagpapaliwanag tungkol sa pagkumpuni ng makina ng aircon. Kanina pa naglilitanya si Dale sa kung ano daw ba ang pakielam niya sa aircon e wala naman siyang balak maging tiga gawa ng aircon. Hindi ko mapigilang matawa kasi ang cute niya habang nagrereklamo. Ang mas nagiging cute si Dale tuwing iniirapan niya yung mga babaeng nagpapacute sa kanya. Para talaga siyang bata!

Kumuha ako ng lollipop mula sa bag ko at inabot ko kay Dale. Napangiti naman siya agad. Mabuti na lang at nasa likod kami at medyo matanda na ang prof kaya hindi niya na kami madidinig dito.

"Thanks. Nga pala, di kita nakikita sa rehearsals, a? LQ kayo ni Clyde?"

Umiling ako. Hindi naman kami nag away ni Clyde. Ang totoo niyan, ayoko lang talaga makita si Derek. Simula nung nag usap kami sa bar, naiinis na ako tuwing nakikita ko siya. Para ba kasing gusto niyang maghiwalay kami ni Clyde. Lahat na lang yata ng paninira, gagawin niya. Hindi ko naman maintindihan kung bakit niya yun ginagawa. Hindi niya naman ako type, at mas lalong hindi ko naman siya type.

Nung una, nagdududa pa ako kung may gusto ba siya sa akin pero nung isang gabi na nag uwi siya ng mga babae. Oo, hindi lang isang babae, dalawa. Nawala na yung pagdududa ko. Mas lalong nawala yung pagdududa ko nung pumasok sila ng kwarto at kung anu anong mahahalay na tunog ang narinig ko. Laking pasasalamat ko sa earphone ni Clyde kaya ako nakatulog ng matiwasay. Pero kinabukasan? Sana hindi na lang ako nagising. May ingay na naman. Hindi pa ba sila napagod magdamag? Hanggang umaga?

"Buti naman. Gusto kita para kay Clyde, e. Mas okay ka na kaysa kay Gelene."

Napatingin ako sa kanya. 

Itinaas niya yung kamay niya. "O, makatingin ka, Annika? Sabi na nga, mas trip kita kay Ate Gelene, e. Baba mo na yang kilay mo."

Sumandal na lang siya sa upuan at inilagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo niya. Ano ba talaga an

g meron kay Ate Gelene at Clyde? Dapat ba talaga akong magduda kagaya ng sinasabi palagi sa akin ni Derek?

Natapos na yung buong klase namin at hinatid na ako ni Dale sa bahay. Sabi niya, okay lang naman daw dahil on the way naman ang apartment. Hindi lang talaga alam ni Dale kung gaano niya ako pinasaya dahil sa paghatid sundo niya sa akin. Dahil dun, hindi ko na madalas makita si Derek.

Pagdating ko sa bahay, naabutan ko si Derek na nanonood ng NBA pero himala, hindi niya ako pinansin. Dati rati kasi, sasabihan niya na ako agad ng 'Annika, ang hot mo naman. Bakit ngayon ka lang?' Pero ngayon? Titingin lang siya sandali tapos balik na siya sa kung anuman ang ginagawa niya.

"Nandito na ba si Clyde?"

Tumingin lang siya sandali at nagkibit balikat. 

Umakyat na lang ako. Ginusto ko naman 'to, ayoko naman talaga siya makausap. Mas mabuti na talaga 'to.

Nanatili ako sa taas ng ilang oras, may plates kasi kami na bukas ipapasa at kanina lang ibinigay. Kaya din nagmamadali kami ni Dale umuwi. Sabi ko naman sa kanya dito na lang siya gumawa, pero ayaw niya daw. Bubwisitin lang daw siya ni Derek kaya dun na lang siya sa kanila gagawa. Dahil pinakabata si Dale, siya yung laging pinagttripan sa grupo. Napaka cute niya kasi.

Gabi na nung natapos ako sa plates. Dahil Huwebes ngayon, mamaya pa dadating si Clyde. Ano kaya ang gagawin ko?

Napilitan akong bumaba dahil nabuburo ako sa taas. Pagbaba ko, nakakita ako ng babae. Sino na naman 'to? Pang anim na babae na siya na dinala ni Derek ngayong linggo, a.

"Danger, honey, sino siya?" tanong ng babae kay Derek pagkakita niya sa akin na pababa ng hagdan.

Sumilip naman si Derek mula salas, akala mo naman ilan kami dito sa apartment. Malamang ako yung tinatanong ng babae.

Pagkakita niya sa akin, umalis na agad siya at naupo pabalik sa sofa. "Ah, girlfriend ni Clyde."

Yun lang? Yun lang pakilala niya sa akin? Akala ko pa naman magkaibigan na kami. Sana man lang ipinakilala niya ako bilang si Annika at hindi lang basta bilang girlfriend ni Clyde. Minsan, may sira talaga sa ulo si Derek.

Pumunta ako sa kusina at naghanap ng pagkain. Buti na lang at may takeout pa mula sa kinainan namin kagabi ni Clyde. Nagdate kasi kami kagabi. Nakakatuwa kasi kinantahan niya ako kahapon. Unang beses yun. Ang ibig kong sabihin, oo, naririnig ko siyang kumakanta dati pero ngayon, ngayon lang yung ako talaga yung kinantahan niya. At isa pa, grabe kagabi, akala ko mauubusan na talaga ako ng hininga nung hinalikan niya ako. Patagal ng patagal ang mga halik ni Clyde. Malapit na akong malunod.

Dahil katabi lang ng dining table ang salas, kitang kita ko ang paglalandian ni Derek at nung babae. Hay, Annika. Kailan ka ba mamumulat sa katotohanan na malandi ang roommate ng boyfriend mo?

Sa sobrang inis, inabot ko ang landline at tumawag kay Dale.

("Hello?")

"Dale..."

("Sup, Annie Bear! Tapos ka na sa plates?") Naririnig ko pa siyang may kumakalampag na ruler. Hindi pa din siguro siya tapos. Eto naman kasing batang 'to, tinulugan ang prof namin. Ayan, siguro nalilito siya sa gagawin.

"Oo, tapos na ako. Ikaw ba?"

("What?! Tapos ka na! Ang daya naman!")

Hindi ko mapigilan matawa kay Dale. Napakacute niyang bata! Sana naging kapatid ko na lang siya! Naiimagine ko na na nakasimangot siya ngayon.

"Sabi ko naman sa'yo, tutulungan kita, e." sabi ko. Alas syete pa lang naman, mamaya pang alas nuwebe dadating si Clyde. At si Derek naman, siguro bukas pa aalis ang bisita niya. Mas okay na pumunta muna dito si Dale.

("Nandyan ba si Derek?")

"Oo... pero may babae siyang kasama. Busy siya, alam mo na."

("Aaaah. Nasa danger zone na naman si Danger. Ge, punta ako jan.")

Binaba niya na yung tawag. Habang naghihintay ako kay Dale, napatingin ako kay Derek. Ayun, naghahalikan sila nung babaeng kasama niya. Hindi kaya nagsasawa si Derek? Ngayong buong linggo, araw araw ko siyang nakikitang may kahalikan. Hindi ba napapagod yung bibig niya?

Ngayon naman, nasa ibabaw niya na yung babae. Ay, nakakadiri sila tignan. Tumayo ako at naghintay kay Dale sa labas. Habang hinihintay ko siya, nakatanggap ako ng text mula kay Clyde.

From: Babe

Babe! Dinner? Magttake out ako? Ano ang gusto ng Babe ko?

Agad akong napangiti. Kahit na hindi kami madalas magkita ni Clyde, hindi naman siya nakakalimot magtext. Bakit naman kasi nasa kabilang ibayo pa ang College of Business Administration mula sa College of Engineering, e.

Nakarinig ako ng tunog ng motor. Andyan na pala si Dale.

"Annie Bear."

Napangiti agad ako. May dala dala pang meryenda si Dale.

Sumilip siya sa pinto. "Oh, busy nga siya. Good. Tara, gawa na tayo ng plates."

Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw makita minsan ni Dale si Derek. Nung isang beses kasi, nilagyan niya ng makeup sa mukha si Dale. Ang dahilan ni Derek, mukha daw babae si Dale. Yun. Muntik ng mag away yung dalawa. Pero totoo nga naman, ang ganda ni Dale. Para siyang manikin.

Habang gumagawa kami ng plates, bigla na lang nagkw

ento si Dale.

"Alam mo, di ko alam kailan naging g-ago yang si Derek. Wala namang nanlokong babae sa kanya, wala din naman yang masalimuot na nakaraan. Siguro inborn lang talaga yung kagaguhan niya," sabi niya habang nakasilip kay Derek na malay ko ba kung ano na ang ginagawa.

"Malay mo naman nasaktan na yan dati," sabi ko habang nasa pangalawang plate na ako. Medyo madami dami pa 'to.

Umiling si Dale. "Di, e. Kilala ko na yan. Wala talaga. Yan ang nagpapaiyak sa babae, di yan pinapaiyak. G-ago lang talaga siya. Inborn. Yun lang pwedeng dahilan."

Napangiti na lang ako. Laki ng galit ni Dale kay Derek, e. Si Key kasi ang best friend niya sa grupo. Kaya lang, si Key naman, may ibang mundo. Si Key ang pinakamayaman sa kanila, medyo Intsik kasi yun kaya hindi pinapayagan mag apartment kagaya nung tatlo. Yung sa keyboards naman, sikreto niya sa magulang niya yun. Pero minsan na nakausap ko si Key, okay siya. Siya ay medyo seryoso pero medyo mal

oko din. 

"E si Clyde naman, ano pagkakakilala mo sa kanya?"

Napaisip siya. Ano kaya ang isasagot niya kay Clyde?

"Si Clyde? Okay lang. Pero ayoko din siya para sa'yo, Annie Bear. Malandi din si Clyde, e. Sorry."

Napangiti na lang ako. Aminado naman ako na 'friendly' sa mga babae si Clyde. Kaya nga kami nagkakilala dati dahil friendly siya. Pero syempre umaasa naman ako ngayon na girlfriend niya na ako, medyo bawasan niya ang pagiging friendly.

"Masyado kang okay, Annie Bear. Si Clyde, malandi. Si Derek, mas malandi. Si Key, di ka naman Intsik. Sa akin, bata pa po ako."

Ngayon, hindi ko na mapigilan mapatawa. Napayakap na lang ako bigla kay Dale! Napaka cute niya talaga! Gusto ko siya maging kapatid.

Tumayo ako matapos ko siyang yakapin. Napansin ko kasi na ubos na yung juice namin, magtitimpla lang ako.

"Kaya naman pala ayaw mo sa'kin, si Dale pala trip mo. Ayos ka din," nabigla ako sa sinabi ni Derek. "Galingan mo pa, Annika."

=================

Ikaanim na Kabanata

Ikaanim na Kabanata

"O, wala pa yung iba?"

Umiling ako. Umalis kasi kanina silang lahat, ako lang ang naiwan. May binanggit si Ate Gelene tungkol sa bagong ampli at sumama naman silang lahat sa kung saan man pupunta si Ate Gel.

Lumapit sa akin si Clyde at niyakap ako. Ang bango talaga ng boyfriend ko.

"Mamaya pa ba sila dadating?" Tumango ako, medyo matagal daw kasi sila. "Good," sabi niya saka ako hinalikan.

Medyo nagulat ako sa halik ni Clyde. Hindi na nga kasi ito kagaya ng dati na dampi lang, ngayon, hinahalikan niya na talaga ako. Isinandal niya ako sa pader at mas lalo niyang idinikit ang sarili niya sa akin. Ako naman, nakapikit lang at sinusubukang sumabay sa kanya. Aminado ako, magaling humalik si Clyde.

Nalulungkot lang ako isipin kung papaano niya nagawang maging magaling dun. Ibig sabihin ba nun, madami na siyang babaeng nahalikan? Hay, Annika. Wag mo na masyadong isipin yun. Nakaraan na 'yun. Ang

mahalaga ngayon, kami ni Clyde. Ngayon at yung bukas.

Kahit na medyo naiilang ako, sumabay pa din ako sa halik niya hanggang sa pareho na kaming mapagod.

Inilapit niya sa akin at noo niya saka dinampian ulit ako ng halik sa labi. "Ang swerte ko talaga sa'yo, Annika."

Nginitian ko na lang siya kahit na alam ko na ang totoo, ako naman talaga ang maswerte.

"Naks! Hanep makapagyakapan, a!" Napalayo ako bigla kay Clyde nung marinig ko ang boses ni Dale. Bakit kaya nandito na agad sila? Akala ko ay malayo pa ang pagkukunan niya nung ampli na sinasabi?

Tumayo naman si Clyde at lumapit sa kanila. "San kayo galing?"

Siniki siko pa siya ni Dale. Maloko talaga yang batang yan! "Sa labas lang. Ikaw, ha. Anong ginawa mo kay Annie Bear? Namumula pa yung labi niya."

Pakiramdam ko, lalagnatin na ako. Kailan ba ako masasanay sa mga lalaki na 'to? Para talagang wala lang sa kanila kahit na mag usap kami tungkol sa halikan, s-ex, para bang candy lang ang pinag uusapan namin. Weird lang ba sila o ako lang talaga ang demure?

Binatukan siya ni Clyde. "Tahimik nga. Tsk. Ano, kamusta naman yung ampli?"

Nag usap na sila ngayon tungkol sa ampli na yun. Hindi ko naman maintindihan kaya naman naupo na lang ako sa gilid. Pinag uusapan yata nila yung para sa susunod nilang gig sa kabilang bayan. Mabuti na lang at inannounce na ng prof namin na research break namin yun kaya naman makakasama ako. Kung hindi kasi, maiiwan ako dito. Si Dale naman, malamang sa malamang aabsent yun. Hindi naman kasi siya kagaya ko na naghahabol sa grade.

"Tubig?"

Nagitla naman ako ng makita ko sa tabi ko si Derek. Akala ko ba galit siya sa akin? Simula kasi nung pumunta si Dale sa apartment, napansin ko na mas iniiwasan niya na ako.

Umiling ako pero siya naman, patuloy pa din sa pag inom ng tubig.

"Type mo ba si Dale?"

Automatikong tumaas ang kilay ko sa narinig ko. Ako? May gusto kay Dale? Talaga bang nababaliw na si Derek?

"Totoy pa yang si Dale. La kang mapapala dun," sabi pa niya.

"May boyfriend ako. Ano ba dun ang mahirap intindihin?"

Humarap siya sa akin at ngumisi. Talagang sa buong pagkatao ni Derek, masasabi ko na yung ngiti niya ang dapat na mapangalanan na Danger. 

Inilagay niya ang isa niyang kamay sa ilalim ng baba niya at tinignan ako ng maigi. "Madami, Annika." Mas lumapit pa siya sa akin ngayon. Mabuti na lamang at nag uusap pa din sila Clyde, baka iba ang isipin niya pag nakita niya kami ni Derek na ganito kalapit. "Kung bakit si Clyde, nambababae. Pero ikaw, ni ayaw mo akong patulan."

Hindi ko sinasadyan pero naitulak ko siya. Pero dahil siya si Danger, nahawakan niya ang kamay ko na nasa dibdib niya bago ko pa man siya maitulak ng lubusan.

"Ganyan nga, Annika. Magalit ka. Magalit ka dahil hindi ka dapat ginaganyan ni Clyde."

Tinignan ko siya ng masama bago ako tumayo. "Wala kang kwenta."

Binigyan niya ako ng ngiti bago pa man ako makatalikod sa kanya. "Mas mabuti na ang walang kwenta kaysa manloloko. Tama naman ako, di ba, Annika?"

Lumabas na ako ng kwarto. Hindi ko na talaga kaya! Eto na yung huling beses na kakausapin ko si Derek. Simula ngayon, iiwasan ko na siya.

--

"Babe."

Lumingon ako. Kakadating lang pala nila Clyde. Nagtext na lang ako sa kanya kanina na umuwi na ako dahil masama ang pakiramdam ko pero ang totoo, ayaw ko lang makita si Derek. Mas lalo akong namumuhi pag nakikita ko yung mga nakakaasar niyang ngiti.

"Okay na ba yung pakiramdam mo?" sabi niya sa akin habang nakapatong ang ulo niya sa balikat ko.

"Okay na ako. Gutom ka ba? Magluluto ako."

Umiling siya. "Kumain na kami kanina. Ikaw ba? Gusto mo labas tayo?"

Dahil alam ko naman na na pagod siya, hindi na ako pumayag kahit na gusto ko talagang lumabas. Si Clyde, umakyat na sa kwarto. Ang alam ko, gagawa na siya ng report. Hindi naman sobrang talino ni Clyde pero hindi din naman siya bobo. Kailangan niya lang mag aral para makapasa. 

"Ano? Mag iiwasan na ba tayo ngayon, Annika?"

Pilit kong iniwasan si Derek. Ayoko. Lalasunin niya lang ang utak ko.

Sinundan niya ako hanggang sa labas.

"Alam mo, Annika. Niloloko ka lang ni Clyde. Hiwalayan mo na siya."

"Shut up, Derek. Kung miserable ka, wag mo akong idamay."

Mukhang nasaktan siya sa sinabi ko kaya naman hinatak niya ang kamay ko bago pa man ako makalayo sa kanya. Kahit na anong pagpupumiglas ang gawin ko, hindi ko pa din maialis ang braso ko sa kamay niya.

Lumapit siya sa akin at binulungan ako. "Sa ating dalawa, ikaw ang miserable, Annika. Tandaan mo yan."

Pagkatapos nun, iniwanan niya ako na gulung gulo.

Ano na ba ang dapat kong paniwalaan? Alam ko naman na bago ako, madaming babae si Clyde, pero dapat ko pa bang ungkatin yun? Nakaraan na yun. Ako na yung kasalukuyan. Bakit ba kasi 'to ginagawa ni Derek? Wala naman akong ginawa sa kanya! Gusto ko lang naman maging masaya pero bakit tuwi na lang masaya ako, nandyan sya para ipaalala sa akin na hindi talaga ako masaya!

Umupo ako sa daan, wala akong pakielam kung magmukha akong tanga dito.

"Annika?"

Napaangat ako ng tingin. Si Key pala. Ano ang ginagawa niya dito?

Naupo din siya sa tabi ko at nagsindi ng sigarilyo. Inabutan niya ako pero umayaw ako. May hika ako, baka ikamatay ko lang yang sigarilyo na iyan. 

"Bakit ka nandito?"

Binigyan ko lang siya ng ngiti. Hindi pa din kasi ako kumportable kausap si Key.

"Haay. Ang lamig ngayon, no? Nasa loob ba si Derek?"

Hindi ko mapigilang sumama ang mukha sa pagkarinig ko sa pangalan ni Derek. Mahigit isang buwan pa lang kami magkakilala pero sa isang buwan na yun, ilang beses niya na ba akong sinubukan ayain hiwalayan si Clyde? Hindi ko na mabilang. Ngayon, sino ang pwedeng magsabi sa akin kung bakit hindi ko dapat kamuhian si Derek?

Napansin yata ni Key ang disgusto sa mukha ko sa pagkarinig ng pangalan ni Derek.

"Ayaw mo kay Danger?"

Hindi na ako kumibo. Wala naman akong karapatan mag inarte. Nakikitira lang ako. Alam ko naman kung saan ako lulugar.

"Mabait naman si Danger. Mabait yan pag nakilala mo na. Pag gusto ka niya, gagawin niya ang lahat para di ka masaktan. Kahit na siya pa yung magmukhang masama. G-ago yan sa lahat ng g-ago pero mabait na kaibigan yan."

Gustuhin ko man maniwala, hindi ko kaya. Sa tuwing naaalala ko ang mukha ni Danger, ang naaalala ko lang ay ang paninira niya kay Clyde.

Tumayo ako at ngumiti kay Key. "Papasok na ako. Hinahanap mo ba si Danger? Nasa loob siya."

Humithit muna siya ng sigarilyo bago sumagot. "Sige

, itetext ko na lang. Good night, Annika."

"Good night, Key."

Bago ako makaalis, nagsalita pa siya. "Ikaw na ang prinsesa namin. Aalagaan ka namin palagi. Sweet dreams, Annie."

=================

Ikapitong Kabanata

Ikapitong Kabanata

"Ready ka na ba, Babe?"

Nasa loob pa ako ng kwarto, nag aayos pa ng gamit. Hindi ko naman alam na yung sinasabi pala nilang gig sa kabilang bayan ay sa isang beach resort. Hindi ako handa. Ano ba ang dapat kong isuot?

"Malapit na, Babe."

Bahala na. Magdadala na lang ako ng shorts at sleeveless. Hindi ko na kasalanan kung wala akong two piece. Hindi naman talaga ako nagsusuot ng two piece. Pero paano kapag may mga babaeng naka two piece at nakuha nila ang atensyon ni Clyde? Ano na ang gagawin ko? Hay, bahala na. Bahala na talaga.

Kinuha ko ang bag ko at ilang mga school works at saka bumaba. Dadaanan kami ni Key mamaya dahil siya naman yung mga pinaka malaking sasakyan sa kanilang apat. 

"Ang tagal mo naman?" tanong sa akin ni Clyde.

"Pasensya na. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat dalhin, e."

Ngumiti lang si Clyde at saka pinaupo ako sa binti niya. "Pag may nakalimutan ka, bili na lang tayo dun, okay?" Tumango ako at saka naman niya ako niyakap at isinandal niya ang ulo niya sa likod ko. Nakakahiya naman, hindi pa ako naliligo pero niyakap na agad ako ni Clyde. Pero hindi naman siguro ako mabaho. Simula kasi nung naging kami ni Clyde, sinigurado ko na lagi akong presentable. Lagi akong mabango at nagsusuklay. Dahil nga ang gwapo niya, kailangan kong makipagsabayan sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya.

Tumikhim na naman si Derek pero hindi ko siya pinansin. Nung tumingin naman ako sa kanya, umiling iling pa siya. Malala na talaga ang isang 'to.

Hinawakan ko na lang ang kamay ni Clyde na nakayakap sa akin. Suot niya pa din yung singsing namin. Napangiti na lang ako.

"Pag ang babae nga naman nagmahal, lokohin mo man ng harap harapan, pilit pa ding magbubulagbulagan."

"Ano bang problema mo?"

Hindi ko na mapigilan. Nananahimik ako, pero eto na naman siya. Hindi ko naman siya pwedeng iwasan habambuhay. Nasa iisa kaming bahay. Hindi ko pa din naman kayang lumipat dahil wala pa akong sapat na pera.

Tinignan niya ako na kung akala mo isa siyang inosenteng bata.

"Nirerecite ko lang yung text sa akin. Grabe, Annika. Palagi ka na lang galit sa akin."

Pilit akong huminga ng malalim. Kalma lang, Annika. Kalma.

Binigyan ko siya ng ngiti. "Sabi mo, e."

"Sabi ko nga."

Matapos yun, hindi na ulit kami nagpansinan pero naiilang pa din ako sa tingin niya sa akin. Key, dumating ka na, please. Hindi ko na kaya pang tagalan yung mga tingin sa akin ni Derek. Clyde, gumising ka na, Babe.

"Annie Bear!"

"Dale!"

Salamat naman at dumating din sila! Pumasok sa apartment si Dale. "Gisingin mo na si Clyde," sabi niya sa akin habang kinukuha niya ang ilan sa mga gamit ko.

Medyo tumalikod ako at tinapik tapik ang mukha ni Clyde.

"Babe?"

"Babe?"

Unti unting dumilat ang mata ni Clyde. "Nandyan na sila?"

Tumango naman ako. Tumayo ako mula sa binti ni Clyde at saka ko tinulungang magbuhat si Dale. Si Clyde naman, nag inat inat at saka tumulong din sa pagbubuhat. Bakit naman kasi ang bibigat ng gamit nila?

Huli akong bumalik dahil naiwan ko ang libro ko.

"May ipapakita ako sa'yo mamayang gabi, Annika."

Muntik ng tumalon ang puso ko mula sa dibdib ko dahil sa ginawa ni Derek. Binigyan niya na naman ako ng ngiti at saka ako nilagpasan.

Hinga ng malalim, Annika. Wag mo siyang pansinin.

--

"Yes! Mamayang gabi pa naman ang gig, di ba? Swimming muna tayo, Ate Gel!"

Napangiti ako kay Dale. Pinakabata nga talaga sa grupo.

Ibinaba niya ang drum sticks niya at saka naghubad ng t-shirt at saka tumakbo papunta sa dalampasigan. Kumaway siya sa akin. "Annie Bear! Tara, ligo na tayo!"

Umiling ako. Hindi na nga ako maputi, magpapaitim pa ako? Hindi naman ako maputi kagaya nila. Sa kanilang apat, ang pinakamaputi ay si Derek, sunod si Dale, si Clyde, at saka si Key. Pero syempre, ako pa din ang pinaka hindi maputi. Kahit si Ate Gelene ay maputi. Siguro dahil mayaman sila.

Pumasok kami sa cabin natutuluyan namin para sa dalawang araw na pananatili dito. Iniwan namin dun sa dalampasigan si Dale pero nandun din naman si Key para bantayan siya. Baby kasi talaga ng grupo si Dale.

"Lima ang kama. Sino ang magtatabi?"

Lumapit sa akin si Clyde at kinabig ako. "Tabi kami ni Annika."

Namula na naman ako. Hindi ako sanay sa ganitong PDA kahit wala pa naman talaga kaming ginagawa ni Clyde.

Narinig kong nahiga sa kama si Derek. Problema niya? Si Ate Gelene naman, nagkibit balikat lang.

Lumapit siya sa amin at inabutan kami ng susi. "Be back before 6 pm. Pwede na kayong mag gala. Clyde, no monkey business."

"Whaetever, Gelene."

Hindi na siya pinansin ni Ate Gelene at lumabas na siya sa cabin. Si Clyde naman, pumasok sa cr, gustung gusto niya na daw maligo dahil naiinitan siya.

Naupo ako sa kama namin ni Clyde. Nahihiya pa din ako pag naiisip ko na magkatabi kami ni Clyde mamaya sa kama.

"Kung may gagawin man kayo ni Clyde mamaya, pakihinaan, ha? Light sleeper ako."

Hindi ko na lang ulit siya pinansin. Sabi nga ni Dale, magaling talaga mang asar si Derek at kung papansinin ko siya, mas lalo niya akong aasarin.

May kinuha siya sa bag niya at saka naghubad siya ng t-shirt... at shorts. Sanay na din ako. Nakasuot pa naman siya ng boxers. Nagsuot naman siya ng board shorts at saka nagsuot ng aviator sunglasses niya, para tuloy siyang bubuyog.

"May abs din si Clyde, wag mong masyadong titigan yun sa akin."

Ang hambog talaga!

Lumabas na siya at malay ko, baka makikipaglandian na naman. Yun yata ang bumubuhay sa kanya, e.

Hinintay kong matapos maligo si Clyde at saka kami lumabas. Pumunta kami sa isang bar at kumain ng t

anghalian. Ngayon lang kami nakapagbakasyon ni Clyde dahil nga dati, sa Bicol lang kami palagi. Ang saya pala! Yung alam mo na kayo lang at walang nakakakilala sa inyo... pero syempre alam naman namin na nandyan lang sa tabi tabi sila Dale. 

"Paupo nga," narinig kong sinabi ni Dale. Para siyang hingal na hingal.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong sa kanya ni Clyde.

Inabot niya yung iniinom kong juice at saka sumalampak sa upuan. Pawis na pawis din pala siya.

"Yung mga babae! Nung una, nakikipaglaro lang ng volleyball, tapos biglang pinaghuhubad na kami ni Key ng shorts. Tsk. Dapat si Derek kalaro nila, e. Teka, nasan na nga yung ugok na yun?"

Tumuro naman si Key sa likod namin. Ayun nga si Derek, hawak hawak yung kamay ng isang foreigner. Paano niya kaya nagawa yun? Kaaalis niya lang kanina

, a?

"Wala. Nasa danger zone na naman si Danger. Tara, alis na tayo bago pa sila maghalayan dito."

Tumayo kami bago pa nga kung ano ang gawin nila.

"Babe, may problema daw sa prod. Alis muna ako, ha?" Hinalikan niya ako sa ulo bago pa man ako makasagot. "Dale, bantayan mo si Annika."

"Opo, Boss."

Tinanaw ko na lang si Clyde na nagmamadaling maglakad at si Derek na ngayon ay nakikipaghalikan na dun sa kausap niya.

"Tara na, Annie Bear. Kami muna ni Key ang boyfriend mo."

Napangiti ako at sabay kaming tatlo pumunta sa dalampasigan.

--

AN: Clyde at Derek sa gilid! :>

=================

Ikawalong Kabanata

Ikawalong Kabanata

Nag ikot kami ni Dale at Key at bumili ng kung anu ano. Sa totoo lang, wala naman talaga akong binili, sila lang ang bumili at inilibre nila ako. Nakakatuwa din kasi bumili kaming tatlo ng magkakaparehang damit. Sabi ni Dale, couple shirt daw naming tatlo! Nakakatuwa talaga silang kasama. Sayang lang at wala si Clyde, e di sana mas masaya kami ngayon.

"Hay, pagod na ako!"

Pansamantala kaming tumigil sa harap ng isang kainan. Kanina pa kasi kami palakad lakad dito sa beach resort. Madami dami na din ang napamili nila.

Naupo ako sa gitna nilang dalawa. Kasalukuyan nga pala naming suot ang t-shirt na binili namin. Ang nakalagay, 'Best Friend in the World.' 

"Balik na tayo sa cabin?" sabi ko sa kanila. "Malapit ng mag six, e. Pahinga na kayo, may gig pa kayo mamaya."

Ngumiti si Dale at Key sa akin at saka nila sabay na ginulo ang buhok ko. "Sweet naman ni Annie Bear. Sige, mauna ka na. Yosi break muna kami ni Key."

Sumimangot ako. Hay, kailan ko ba mapipigilan si Dale? Sabi naman niya, susubukan niya daw pero mahirap daw talaga. Bakit naman si Derek kahit na sobrang landi niya, hindi siya naninigarilyo? Totoo nga ang sabi nila, hindi mo kayang kunin lahat ng kasamaan sa mundo.

Dahil naiwanan ko pala ang cellphone ko sa cabin, hindi ko matawagan si Clyde. Nasan na kaya siya? Buong hapon na kaming hindi magkasama. Nakakalungkot naman 'yun. Ang nasa isip ko pa naman, bakasyon namin 'to, na makakapagsarilihan kami. Pero siguro naman may susunod pang pagkakataon. At saka yung gig naman talaga nila ang pinunta namin dito, e.

Nakabalik na ako sa cabin at naabutan ko si Clyde

na nakaupo sa kama habang nakatakip ang dalawang kamay niya sa mata niya.

"Clyde?"

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Hindi niya yata narinig ang tawag ko sa kanya.

Lumapit ako at inilagay ko ang kamay ko sa balikat niya. 

"Hala, Clyde. Ano ang problema?"

Naupo ako at niyakap ko siya. Umiiyak si Clyde... Ni minsan, hindi ko pa siya nakikitang umiiyak. Ngayon lang...

Niyakap niya ako pabalik at saka siya umiyak ng umiyak. 

"Si Dad... Inatake siya sa puso. S-hit! Kailangan kong umuwi ng Bicol, Annika!"

Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya at saka ko hinaplos ang likod niya. Sobrang umiiyak si Clyde, nararamdaman ko ang panginginig niya. Kahit na alam kong may problema sila ng Tatay niya dahil sa pagtutol nito sa pagkanta niya, alam ko na mahal ni Clyde si Mayor.

"Ssh, Clyde. Magiging okay ang lahat. Tara, uuwi na tayo sa Bicol, okay?"

Tumingin siya sa akin na puno pa din ng luha ang mata. Umiling siya at saka ngumiti. "Ako na lang, Annika. May exam ka pa sa isang araw, di ba? Dito ka na lang."

"Pero Clyde..."

Hinawakan niya lang ang kamay ko at nginitian ako. "Yung alam ko pa lang na handa kang samahan ako, okay na ako dun, Annika. Ang swerte ko talaga sa'yo, sana wag kang magbago."

Pabalik kong hinawakan ang kamay niya at saka niyakap siyang muli. 

--

"Dude, sigurado kang ikaw lang mag isa?"

Kanina pa kasi napag usapan ng grupo na aalis na si Clyde pauwi ng Bicol. Nagsabi naman sila na sabay sabay na kaming umuwi dahil malapit din pala sila Dale sa Mayor kahit na tutol ito sa pagkanta niya.

"Wag na. May gig pa kayo mamaya, at isa pa, walong oras ang byahe."

"Clyde, sanay kami sa byahe. Ano, sasama mo ba kami?"

Umiling pa din siya. Mabuti na lang at dala ni Ate

Gelene ang sasakyan niya, yun ang hiniram ni Clyde papunta sa Bicol. Medyo kinakabahan pa nga ako dahil mag isa lang siya na ba-byahe.

"Clyde, sasama na ako. Mag isa ka lang, e."

Bumuntong hininga siya. "Hindi nga pwede, Babe. May exam ka. Scholaship mo, di ba?"

Natahimik ako. Tama naman siya, hindi ako pwedeng bumagsak. May scholarship akong inaalala. Hay. Hindi naman ako pwede, mas lalong hindi din pwede si Dale kasi sabay kaming may exam. Si Key, hindi din pwede dahil uuwi yan sa kanila. 

"Ikaw, Derek? Pwede mo bang samahan si Clyde?"

Itinaas niya ang kilay niya. Oo nga pala, hindi nga pala kami friends. Bumaling ako kay Ate Gel kahit na sa totoo lang, ayoko. Ayokong siya ang pasamahin kay Clyde.

"Ate Gel?"

Huminga din siya ng malalim. "Ah, sure whatever. Sasamahan ko si Clyde but promise me you won't mess things up. Alam niyo na? Ikaw, Derek, vocals at bass. Plan B na, okay?"

Tumango silang lahat. Eto pala ang plan B. Si Derek ang vocals. Magsusurvive naman pala ang banda kahit wala si Clyde. Sabi nila, si Derek daw dapat talaga ang vocals pero tumanggi siya dahil sa kadahilanan na tinatamad daw siyang kumanta. Ang ganda

lang ng dahilan niya. Napapakanta lang siya pag wala na talagang choice kagaya ngayon.

Sumakay na si Ate Gelene sa sasakyan at umalis na sila.

Inakbayan ako ni Dale. "Don't worry, malakas pa sa kalabaw si Tito." Nginitian ko siya at sabay kaming pumasok sa cabin.

--

Dinala nila ako sa gilid ng stage. Lumapit sa akin si Key at nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa balikat ko.

"Wala si Clyde at Gelene ngayon, so ako ang in-charge. Dito ka lang. Wag kang aalis, ha?"

Ngumiti ako. Nakakatuwa kasi ang protective niya sa akin. Kung si Dale ang nakababata kong kapatid, si Key naman ang kuya ko. Para na talaga akong may pamilya dito sa Maynila.

Iniorder niya ako ng juice at makakain. Siguro okay na din 'to, tatlong kanta lang naman sila ngayong gabi. Nakakatuwa kasi ang daming tao dito sa bar. Hindi pa naman masyadong sikat ang banda nila kaya sa front act lang muna sila. Di bale, may tiwala naman ako sa kakayanan nila, balang araw, magiging final act din sila.

Nagsimula na silang tumugtog. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ibang iba sila ngayon! Dah

il ba 'to sa pagkawala ni Clyde? Iba yung tinutugtog nila sa karaniwan nilang tinutugtog. Kung noong si Clyde pa ang vocalist, puro feel good ang tinutugtog nila, ngayong si Danger ang kumakanta, parang nakakaakit ang mga kanta nila.

Iniiwas ko ang tingin ko ng mahuli ko siyang nakatingin sa akin. Nakita ko na naman ang mapanuya niyang mga ngiti. Hindi na talaga magbabago si Danger.

Ang mga babae sa bar ay nagwawala. Parang gusto nilang sambahin si Danger. At si Danger naman, tuwang tuwa. Sino ba naman ang hindi matutuwa? Madami na naman siyang mapipikot na babae. Sana lang ay wag niyang dalin sila sa cabin. Maawa naman siya sa amin nila Key. Hindi kami makakatulog kung magdamag silang maglalandi.

Nakakatatlong kanta na sila at ako? Eto, paubos na ang iniinom ko.

"Hi, Miss. Are you alone?"

Pumaling ako ng tingin at nakakita ako ng isang mestizong lalaki na nakaupo sa kaninang inupuan ni Danger. Dahil magalang akong bata, nakipagkilala ako sa kanya.

"I'm Floyd. You are?"

"She's ours. Back off, faggot."

Nagitla ako ng makita ko sila Derek, Dale, at Key sa likod ko. Mukha namang natakot yung Floyd na ka

usap ko kaya naman umalis siya agad.

Ibinaba ni Dale ang drum sticks niya at naupo sa kabilang silya. "Nawala lang kami saglit, may pumoporma na sa'yo, Annie Bear. Hay, ano ba ang gagawin namin sa'yo?"

Inabutan ko naman siya ng maliit na tuwalya dahil pawis na pawis siya. Sobra bang nakakapagod mag drums?

Nilahad ni Danger ang kamay niya. "Nasan na yung towel ko?"

Itinaas ko ang kilay ko. Ano na naman ang problema niya? Dahil ayoko na ng away at pag iinarte ni Derek, inabutan ko siya ng tissue.

"Wow. Thanks, ha. Kay Dale, matinong towel. Sa akin, tissue. Maraming salamat, Annika."

Binigyan ko siya ng mapanuyang ngiti kagaya ng palagi niyang ibinibigay sa akin. Buti nga sa'yo.

May kinausap lang si Key at saka lumabas na kami sa bar. Habang lumalabas kami, hindi nakaligtas sa paningin ko yung mga kamay ng babae na pumapasok sa bulsa ng pantalon ni Derek. Ang lalandi talaga.

Pumunta kami sa totoong kainan at saka umorder ng pagkain. Sagot daw ni Key. Hindi ko alam kung bakit.

"Pano yan, wala na si Ate Gel at Clyde? Uwi na ba tayo bukas?" tanong ni Dale.

Umiling si Derek. "Pag wala sila, packup agad? Dito pa tayo. Minsan lang 'to, e."

Tumango naman si Key. Sabagay, gusto ko pa din dito. Mas masarap dito kaysa sa Maynila na puno ng usok at polusyon.

Dumating ang pagkain namin at kumain na kami. Nakareceive naman ako ng text mula kay Clyde, sabi niya, nasa gasolinahan daw sila ngayon at kumakain. Tinatanong niya kung kamusta na ba kami. Tama yan, Annika. Wag mong pagdudahan si Clyde. Wala naman siyang ginagawa para magduda ka, sadyang isa lang talagang bwisit na tao si Danger.

"Hi, kayo yung A Love That Kills, di ba?"

May lumapit sa amin na mga babae at nagpapicture sila kina Dale. Bilang ako lang naman ang hindi tiga banda, nagkusa na akong kumuha ng picture.

Nung matapos na silang magpicture, nagtanong yung babae.

"May party kami mamaya dun sa dulo ng beach. Invited kayo! Wala naman kayong girlfriends, di ba?" Mapagdudang tanong nung babaeng nakasuot ng pulang bikini top at micromini shorts.

Nagkibit balikat si Key, si Dale, walang reaksyon. Kung alam ko lang, kanina niya pa gustong ituloy

ang pagkain. Alam ko naman na malakas ang allergy niya sa babae, e. 

"Sila, walang girlfriend. Ako, ayun, o," sabi niya sabay turo sa akin. "Pero pupunta pa din kami. See you later, ladies."

Tinignan ko siya ng masama. "Kailan mo pa ako naging girlfriend?"

=================

Ikasiyam na Kabanata

Ikasiyam na Kabanata

"Chill, Annika. Sinabi ko lang yun para walang lumapit na lalaki sa'yo mamaya."

Kanina pa ako nagagalit dito. Paano na lang kapag nalaman yun ni Clyde? Baka sabihin pa niya nagloloko ako! Grabe talaga si Derek! Minsan, o madalas, hindi talaga siya nag iisip! Para siyang bata na kung ano ang maisipan, iyon ang gagawin. Hindi niya iniisip ang pwedeng maging bunga ng kalokohang ginawa niya. Basta siya, kung ano ang gusto niyang gawin, gagawin niya. Walang pakielam kung ano ang magiging resulta.

Tinapik naman ako ni Dale sa balikat. "Oo nga, Annie. Chill ka lang. Mamaya, siguradong lalapitan ka ng mga lalaki. Basta, isa sa amin ang magiging boyfriend mo para iwas lalaki ka mamaya, okay?"

Dahil sa pagngiti ni Dale, kumalma na ako. Mas okay sana kung si Dale o Key na lang. Wag lang si Derek. Baka kung ano magawa ko sa sobrang inis ko sa kanya!

Minsan, hindi ko maintindihan yung sarili ko. Kahit walang ginagawa si Danger sa akin, sobrang naiinis pa din ako sa kanya. Alam mo yun? Minsan, gusto ko na lang siyang sakalin hanggang sa maubusan siya ng hininga. O kaya naman, sabuyan ng asido yung mukha niya para mawalan na ng pagnanasaan yung mga babae niya.

Umuwi muna kami sa cabin matapos kumain. Maya maya na daw kami umalis sabi ni Key. Sabi nilang tatlo, bandang alas onse pa daw magsisimula ang tunay na party. Nakinig na lang ako kasi unang beses ko pa lang naman pupunta sa party. Ang napupuntahan ko lang naman na party dati ay children's birthday party. Sigurado ako na iba ang depenisyon ng party dito sa Maynila.

Kami ni Dale ay nagsagot muna ng assignment, ganun din sila Derek at Key. Nakakatuwa kasi pag kaming apat nagsimulang mag aral, hindi kami nagpapansinan. Nakakagulat, no? Si Derek talaga, masasabi ko na grade conscious siya. Kapag may gig sila, makikita mo na lang na may sinasagutan siyang exercise sa lamesa habang umiinom ng beer. Pag ganun, lahat ng babaeng lumalapit sa kanya, iniiwasan niya muna. Pero sa tingin ko naman alam na ng mga babae niya yun, na kapag may hawak na calculator at ballpen si Derek, goodbye muna sila sa danger zone dahil nasa study zone ang minamahal nilang si Danger.

Natapos kaming magsagot bandang alas dyes. Nanood muna kami ng tv ni Dale. Sila Key, nagsasagot pa din. Si Clyde kaya? Blocmates naman sila ni Key, siguro naman tuturuan siya ni Key. Hindi kasi ako maalam sa Business Ad. Ang layo naman kasi nun sa MechEng.

"Natapos din! Tara, party na!"

Tumayo na kami at nag ayos. Sila Dale, ayun, simpleng shirt at board shorts lang ang suot. Pero ang cool tignan ni Key dahil naka beanie pa siya. Ako

naman, nakasuot ng shorts at racer back na shirt pero pinatungan yun ni Dale ng t-shirt niya.

"Madaming manyak dun, Annie Bear. Wag mo na silang i-tempt lalo."

Wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa kanilang tatlo. Nung nalaman nila na first time kong pupunta sa party, napakadami nilang bilin. Wag daw ako makikipag usap kahit kanino, wag daw ako tatanggap ng inumin basta basta, at lagi lang daw ako sa tabi nila. Pakiramdam ko itinatrato nila akong bata.

"Wow, booze. Dun muna ako, bantayan niyo si Prinsesa."

Umalis agad si Derek. Tignan mo yun, siya nagsabi na dun lang ako sa tabi nila pero siya ang naunang umalis. May sapak talaga sa utak yun.

Naupo kami nila Dale sa gilid, halata mo yung mga babae dito na tinitignan sila. Mukhang gusto makip

ag usap ni Key kaya pinilit ko siyang umalis. Hindi naman ako kill joy, kung gusto nilang mag enjoy, e di mag enjoy. Pero si Dale? Panigurado naman na kagaya ko, nababagot na yan.

"Uwi na tayo, Annie."

Tignan mo, tama talaga ako.

"Pero sila Key."

"Malaki na mga yun, kaya na nila sarili nila. Tara na, Annie."

Tumayo na kami ni Dale at nagsimulang maglakad paalis ng habulin kami ni Derek.

"San kayo pupunta?" Tanong niya sa amin habang may

hawak hawak pa siyang pulang baso na may beer sa kamay niya. Amoy siya alak.

Tinuro ni Dale yung daan pabalik sa cabin. "Uuwi na kami. Boring dito, e."

Umiling si Derek. "Dito lang kayo."

"Derek naman. Ayaw nga namin dito."

Kung matigas ang ulo ni Dale, doble nun si Derek. Hindi siya pumayag na umalis kami ni Dale. Hindi ko alam kung bakit. Siguro nga inborn na yung pagiging g-ago ni Derek. Yun lang ang explanation.

"Bakit ba kasi ayaw mo kaming paalisin?" Naiinis na na tanong ni Dale, kanina pa siya hikab ng hikab, mukhang napagod siya sa pagddrums.

Tinignan siya ni Derek na para na ding naiinis. "Kung inaantok ka na, uwi ka na. Iwan mo dito si Annika."

Bigla namang natawa si Dale. "G-ago ka ba? Pano ko iiwan si Annika dito? E busy ka makipag inuman. Para mo na ding sinabing iparape ko siya dito."

Mukhang nairita si Derek kasi lumapit siya at kinwelyuhan si Dale. "G-ago ka din pala, e. Ano gusto mo? Pabayaan ko kayong dalawa ni Annika sa cabin? Lul mo. Mas okay dito."

Natawa bigla si Dale. "Tingin mo sakin? Rapist? Tara na nga, Annie!"

Hinatak ako ni Dale pero si Derek, nakasunod pa din sa amin. Ano ba kasi ang problema nilang dalawa? Ayoko din naman sa party. At isa pa, hindi naman rapist si Dale. At kung susubukan man niya, papatayin ko siya. Hindi ko inalagaan ng ilang taon ang sarili ko para lang magparape.

"Isip bata ka talaga kahit kailan, Dale. Leche bakit ba kasi umalis pa si Geoff. Baby tuloy yung drummer namin."

Hatak hatak pa din ako ni Dale. Nako, nag aaway na yata sila. "F-uck you! Kung gusto mo kay Kuya, sumunod ka sa America. Mas bagay ka dun, ulol!"

Ngayon ko lang narinig sumigaw si Dale, siguro sobrang inis niya na kay Derek. Alam ko kasi na ayaw na ayaw niyang nakukumpara sa kuya niya. Hindi ko naman alam kung bakit, basta ayaw niya lang. Siguro dahil mas matagal sa banda ang kuya niya at para bang pamalit lang siya. Baka iyon ang dahilan.

Matapos ang ilang minutong hatakan, nakarating na kami sa cabin.

Naupo si Derek sa sahig at saka ininom yung dala dala niyang isang bote ng tequila? Teka, bakit siya may dala nun?

"Gusto mo, Annie?"

Umiling ako. Hindi ako umiinom.

"Hay, masyado kang good girl. Dapat maging bad ka na, Annika. Mas gusto ni Clyde yung bad girl. Kagaya ni Gelene..."

Binato ko siya ng unan pero nakailag siya. Buti na lang at nasa banyo si Dale, ayokong makita niya akong pikon na pikon dito kay Derek.

"Kanina ka pa! Ano bang problema mo?"

Nagkibit balikat siya at uminom. "Wala naman. Ang tanga mo lang, Annika. Bakit si Gelene ang pinasama mo kay Clyde? Naghahanap ka ba ng sakit sa puso?"

Sinubukan kong hindi siya pansinin pero hindi ako nagtagumpay. Patuloy pa din siya sa pagsasalita at ako ako? Patuloy pa din sa pakikinig.

"Sabi ko naman sa'yo, wag si Gelene pagdating kay Clyde. Iba sila, Annika. Kagaya mo sa akin. Iba, Annika. May iba."

Sa tingin ko, naliligo si Dale dahil ang tagal niya sa banyo at saka naririnig ko ang lagaslas ng tubig.

Tinignan ko ng diretso si Derek. "Walang iba sa atin, Derek. Wala."

Nginitian niya ako at saka lumapit. Amoy na amoy ko ang alak sa kanya. Hindi na siya makalakad ng matino at ang mata niya, iba na ang dating.

"May iba sa atin, Annika."

At pagkasabi niya na 'yon, hinalikan niya ako.

Dahil sa pagkagulat, hindi ako nakagalaw. Pilit ko siyang itinulak nung nagkamalay ako pero hindi ko siya maitulak. Hinawakan niya lang ang kamay ko. Nung narinig niyang malapit ng lumabas si Dale, hinatak niya ako palabas.

"Ssh, Annika."

Inilagay niya ang daliri niya sa ibabaw ng labi ko at saka siya dahan dahang lumapit. Hinalikan niya ulit ako pero sinampal ko siya.

"Wala kang kwenta, Derek! Girlfriend ako ng kaibigan mo. Hindi mo ba maintindihan yun?" halos pasigaw kong sabi sa kanya.

Umiling siya at ikinulong ako sa pagitan ng mga braso niya at idinikit ang noo niya sa noo ko. "Annika, I'm making you play fair. He's cheating on you; so whether you like it or not, I'll make you cheat with me."

=================

Ikasampung Kabanata

Ikasampung Kabanata

Hindi kami nag usap ni Derek buong byahe pabalik ng Maynila. Dahil sa gulat ko sa narinig ko sa kanya kagabi, nagpumilit ako kina Dale na umuwi na kami. Sa paraan ng pagkakasabi ni Derek, parang napipilitan na akong maniwala sa sinasabi niya.

Talaga bang niloloko ako ni Clyde at Ate Gelene?

Ipinikit ko ang mga mata ko at sumandal sa upuan. Kanina pa kaming umaga umalis sa resort. Ayoko naman talaga sanang magsinungaling kina Dale pero napilitan ako. Gusto ko munang lumayo kay Derek. Tuwing nakikita ko siya, naiisip ko ang mukha ni Clyde at ni Ate Gelene na naghahalikan. At tuwing naiisip ko yun, pakiramdam ko, tatakasan na ako ng katinuan.

Mahal ko si Clyde. Oo, alam ko na bata pa ako. Wala pa nga ako sa wastong gulang pero sigurado ako s

a nararamdaman ko. Siya lang ang mahal ko kahit nung kakatungtong ko pa lang ng high school. Matagal ko siyang hinintay at ngayon na kami na, hindi ko hahayaan na may sumira sa amin. Lalong lalo na ang Derek na iyon.

"Okay ka lang ba, Annie?" tawag sa akin ni Key mula sa driver's seat. Bale ang pwesto, nasa driver's seat si Key, katabi niya naman si Dale. Sa likod, kaming dalawa ni Derek. Hindi ko naman masabi na ayokong katabi si Derek dahil baka mapansin nila na may alitan sa aming dalawa. Kung may away man sa amin ni Derek, sa aming dalawa na lang iyon. Ayoko ng madamay pa ang banda sa galit ko sa kanya.

Idinilat ko ang mata ko at tumango ako sa kanya. Inabutan niya naman ako ng bote ng tubig at tinanggap ko iyon. Pagkatapos, ipinikit ko muli ang mga mata ko. Ayoko talaga munang makita ang mukha ni Derek at ang pang inis niyang ngiti.

--

"Annie? Annie? Nandito na tayo."

Iminulat ko ang mga mata ko at napansin ko na nasa apartment na pala kami.

"Okay ka na, ha? Una na kami," sabi ni Key at saka siya nagmaheno papaalis. Naiwan ako na nakatayo dun at si Danger na binubuksan ang pinto.

Nung narinig kong bumukas ang pinto, narinig ko siyang nagsalita. "Ano? Dyan ka lang ba?"

Kahit na naiinis ako, pumasok pa din ako sa loob. Wala naman akong balak na mapagpyestahan ng mga lamok dito sa labas. Pagkapasok ko, madali akong umakyat dahil ayokong makarinig na naman ng walang kwentang komento ni Danger. Nagdududa na ako. Hindi niya na kailangan pang dumagdag!

Kinuha ko ang cellphone ko at itinext si Clyde.

'Nasan na kayo? Kamusta si Tito?'

Sana naman ay nasa maayos na na kalagayan si Tito. Hindi ko kayang makita na nasasaktan si Clyde... Kahit na ganito na pakiramdam ko ay ginagawa niya akong tanga, hindi ko pa din kaya na masaktan siya. Masyado kaming madaming pinagsamahan para naisin ko na masaktan siya.

Nahiga muna ako sa kama. Medyo maaga pa naman, at walang pasok ngayon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Para akong mababaliw dito sa apartment. Wala si Clyde, wala akong maaayang lumabas. Si Dale naman at Key, may sari sariling lakad. Dapat siguro maghanap na ako ng iba pang mga kaibigan. Pero paano ko naman yun magagawa kung lalapit pa lang ako, ayaw na sa akin ng mga babae? Minsan iniisip ko na siguro, sumpa din ang pagiging malapit ko sa banda. Dahil dun, madaming babae ang galit sa akin. Hindi ko naman inaagaw yung apat, si Clyde lang naman ang gusto ko.

May narinig akong kumatok sa pinto. Hindi ko na naman kailangan bumangon para makita kung sino iyon.

"Lalabas ako, sama ka?"

Umiling ako at pumaling pakanan. Ayokong makita yung mukha niya talaga.

"Walang pagkain sa ref, walang stock sa cupboard. Bahala kang magutom jan," sabi niya at saka tumalikod.

Kaya mong tiisin yang gutom, Annika. Siguro naman may bigas pa sa baba, kahit itlog na lang ang ulamin ko, ayos lang basta wag kong makasama si Derek.

--

"Ay putakte!"

Nakarinig ako ng tawa mula sa likod ko. Naghintay ako ng dalawang oras bago ako bumaba mula sa kwarto. Bakit nandito si Danger? Akala ko ba umalis siya?

Naramdaman kong lumapit siya sa likod ko at sumilip sa piniprito kong itlog. Mabubusog naman ako dito. Sanay ako na itlog at kamatis lang ang ulam.

"God, Annika. Naghintay ka pa ng two hours bago bumaba? Ganyan ka ba kagalit sa akin?"

Hindi ko siya pinansin at binaliktad ko na lang ang itlog. Bahala ka dyan, Derek. Maubusan ka ng laway kakasalita.

Naghanda na ako ng plato at kumuha na din ng kanin. Tinignan ko kanina ang cellphone ko pero wala pang reply mula kay Clyde. Nag aalala na ako. Nasan na ba sila? Walong oras lang naman ang byahe papuntang Bicol, sigurado ako na nandun na sila ngayon.

Nakasalumbaba si Derek sa harapan ko habang kumakain ako. Kahit na naiilang ako, hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

Bigla siyang tumayo at may kinuha mula sa labas.

"O, nagtake out ako. Nagpapakabusog ka jan sa itlog. Di yan masustansya," sabi niya. Hindi ko alam kung bakit ako namula sa sinabi niya? Iba kasi yung pagkakasabi niya. Bastos talaga 'tong Danger na 'to!

Nung hindi ko ginalaw yung pagkain na dala niya, nagbuntong hininga siya. Siya na ang nagbukas nung paper bag na dala niya at isa isa niyang nilabas yung mga pagkain na nasa tupperware. Mukhang masarap nga siya kaysa sa itlog ko pero hindi ako bibigay para lang dun.

Inilapit niya sa akin yung isang lalagyan.

"Oh, come on, Annika. Pagkain yan! Wag mo namang tanggihan," sabi niya habang hawak hawak pa din yung tupperware na may lamang liempo.

Itinaas ko ang tingin ko. Halata sa mukha ko na galit pa din ako sa kanya at sa halik niya at sa kasinungalingan na sinasabi niya sa akin.

Iniikot niya ang mata niya. "I get it, galit ka sa'kin. Fine. Pero kainin mo 'to. Binili ko para sa'yo, sayang naman."

Nakataas pa din ang kilay ko habang kinukuha ko yung pagkain. Bahala siya sa buhay niya. Hindi ibig sabihin na kinain ko 'tong liempo e napatawad ko na siya! Hindi niya ba alam kung ilang beses ako nagtoothbrush kagabi dahil sa halik niya sa akin?

Para siyang tanga na nakangiti sa akin habang pinapanood akong kumain. Ang laki talaga ng problema niya sa pag iisip.

"Dapat naging tiga Bicol na lang din ako, e."

Hindi ako sumagot. Hindi ako nakikipag usap sa kanya. Bahala siyang maglitanya ng maglitanya dyan.

"Kung sabay mo ba kami nakilala ni Clyde, mas magugustuhan mo ako?" bigla niyang tanong. Nabulunan ako sa narinig ko! Ano ba yun? Umamin ba siya sa akin na may gusto siya?

Agad agad siyang kumuha ng tubig at iniabot sa akin. Ako, ayun, nabubulunan pa din. "Tubig pa ba?" tanong niya habang hinahagod ang likod ko.

Umiling ako.

"Ano'ng problema mo, Danger? May gusto ka ba sa akin?" nanggagalaiti kong tanong. Yun lang ang pwedeng dahilan! May gusto siya siguro sa akin kaya pil

it niyang sinisiraan si Clyde. Ang lakas din ng tama ni Danger, e. Sa tingin niya ba madadaan niya ako sa pagtawag tawag niya ng hot sa akin? Hindi pa ba halata kung gaano ko kamahal si Clyde? Sumama nga ako dito sa Maynila kahit na ayaw ng Tatay ko, e!

Bigla naman siyang natawa sa akin. As in yung tawang tawa. Para akong napahiya sa tinanong ko. Ngayon, gusto ko na lang kunin yung kawali at ipukpok sa ulo niya!

"Sorry sa pagtawa, Annika. Nagulat lang ako sa tanong mo," sabi niya na maluha luha pa din sa katatawa niya. 

Hindi na ako nakapagsalita dahil hiyang hiya ako sa sarili ko. Hindi ko naman kasalanan kung iisipin kong may gusto siya sa akin! Yun ang pinapakita niya! Ang labo talaga kausap nitong si Danger!

Umayos siya ng upo at uminom ng tubig. Medyo hiningal siya sa pagtawa niya, sana nalagutan na lang siya ng hininga. 

"Wala akong gusto sa'yo, Annika. At kung meron man, ikaw ang huling makakaalam," sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi pa din ako makapagsalita dahil sa pagkapahiya ko kanina. Isa na yata yun sa pinakanakakahiyang pangyayari sa buhay ko.

Tinignan niya ako ng diretso sa mata, yung parang gusto niya akong tunawin. Ganito talaga siya tumingin. "Pag sinabi mong mahal mo ang isang tao, parang sinabi mo na din na pwede ka nilang saktan. Ayo

ko nun, Annika. Pag mahal ko ang nanakit sa akin, para na din nila akong pinatay. Kaya hangga't maaari, hindi nila malalaman na pwede nila akong saktan."

Pagkatapos nun, tumayo siya at iniwan akong hawak hawak pa din ang kutsara at tinidor at nababagabag sa sinabi niya.

Napakagulo talagang nilalang ni Derek! Kapag nagmahal ka, kasama na dun ang masaktan. Papaano mo malalaman ang kaibahan ng pagmamahal sa sakit kung puro saya lang yung alam mo? Minsan, maganda din makaranas ng sakit para sa ganon, malaman mo yung halaga ng kasiyahan.

=================

Ikalabing Isang Kabanata

Ikalabing-isang Kabanata

Nagtext na sa akin kagabi si Clyde. Nasa ICU pa daw ang Tatay niya kaya mapipilitan silang manatili dun ni Ate Gelene ng ilan pang araw. Nagtataka naman ako kung bakit nandun pa din si Ate Gelene. Pwede naman na siyang umuwi ng Maynila. Kung sa pagddrive naman ang iniisip nila, pwede naman sigurong magpahatid si Ate Gel sa driver nila Clyde?

Pilit kong inalis sa isip ko yung posibilidad na may kakaibang nangyayari sa Bicol. Walang nangyayari, Annika. Paranoid ka lang dahil sa mga pinapasok sa isip mo ni Derek.

Biglang pumalakpak sa harap ko si Dale. "Annie, okay ka lang?"

Napaayos ako bigla ng upo. Nandito nga pala kami ngayon sa university dahil may departmental exam kami sa isang Engineering Science. Kasabay din namin mageexam si Derek. Mabuti naman at may exam kasi kahapon at noong isang araw, hindi niya ako kinulit dahil nagrereview siya. Nung tinanong ko nga si Key, sabi niya Dean's Lister daw si Derek. Medyo nagulat nga ako, hindi kasi halata. Kaya naman pala madaming naghahabol sa kanya. Bukod sa manyak at malandi siya, matalino din.

Tumango ako. Kakatapos lang ng exam at medyo lutang pa ako. Nakasagot naman ako pero sa tingin ko hindi mataas masyado ang makukuha kong grado. Napapadalas kasi ang pagtingin ko sa cellphone kung nagtext ba si Clyde. Magiisang linggo na kasi sila sa Bicol. 

"Nakakabobo yung exam. Tara sa caf, kain tayo," aya sa akin ni Dale. Tumayo naman ako at inayos ko yung gamit ko. Gaya ng dati, wala pa din akong ibang kaibigan bukod sa banda nila. Okay na okay naman ako na kasama sila lalo na si Dale pero syempre may pagkakataon na kailangan ko din ng babaeng kaibigan.

Kinalabit ako ni Dale. "Kanina ka pa lutang, a. Okay ka lang ba talaga?"

Binigyan ko ng ngiti si Dale at saka sabay kaming naglakad papunta sa cafeteria. Hindi na ako nagulat nung may kumalabit sa amin. Syempre, kailan nga ba ako titigilan ni Derek? Tinalo niya pa ang konsensya ko sa pagiging makulit, e.

"Kakain kayo? Sabay na ko. Nagugutom na din ako," sabi niya at saka inakbayan kaming dalawa ni Dale. Medyo pinagtitinginan kami ng mga babae. Syempre nga naman, magkasama ang dalawa sa iniidolo nilang banda. At ako? Syempre ako na naman yung babaeng swerte. Swerte kasi malaya kong nakakausap ang mga idolo nila. Kung alam lang nila kung gaano ko gustong wag kausapin ni Derek.

Pumila kami at bumili ng pagkain. Gusto ko sanang suntukin si Derek pero baka sugurin ako ng mga fans niya. Paano ba naman, kung anu ano ang nilalagay sa tray ko.

"Ako magbabayad. Kain ka lang, Annika. Para kang kalansay."

Pilit akong ngumiti sa kanya. Di tumatalab ang pagiging masungit ko dahil mas lalo siyang nagpupumilit. Susubukan ko namang maging civil.

Nung makarating kami sa bayaran, siya ang nagbayad sa nasa tray ko. Malamang. Ang kinuha ko lang naman ay isang banana bread at isang calamansi juice, siya 'tong nagdagdag ng kung anu anong pagkain, e.

Nagbayad siya ng 250 pesos. Malaki na iyon para sa akin at kung tutuusin, meryenda lang naman ang kakainin ko. Pang lunch at dinner ko na yung binayaran niya!

Umupo kami sa bandang gilid ng cafeteria. Akala ko noon, parang nasa sine kami. Yung tipong may sariling upuan ang banda nila Clyde. Hindi naman pala.

Sila din yung tipo ng pag walang maupuan sa cafeteria, dun sila kumakain sa pratice room. Normal din silang tao.

"Anong balita kila Clyde? Buhay pa ba? Di nagpaparamdam, e."

Bumuntong hininga ako. Naalala ko na naman si Clyde.

"Nagtetext ba, Annika? Nagpaparamdam pa ba o baka busy na kay Gelene?"

Tumikhim si Dale. "G-ago ka talaga, Derek. Wag mo ngang gatungan si Annie."

Inirapan lang siya ni Derek at nagpatuloy sa pagsasalita. "Bakit ang tagal naman na yata nila dun, di ba? Ano sila? Nagbahay bahayan na dun?"

"Wag kang makinig sa kanya, Annie. Uuwi din si Clyde," sabi naman ni Dale.

Ayokong makinig sa kanilang dalawa. Ngayon, gusto ko na lang makita si Clyde at yakapin. Miss na miss ko na siya! Sanay naman ako dati na hindi kami madalas magkita dahil nga nasa Bicol ako at siya, nandito sa Maynila. Pero ngayon, nasanay na ako na araw araw kaming nagkikita. Hindi ako sanay na wala siya sa paningin ko. Ayokong masanay.

Tumahimik na lang ako at kumain ng kumain. Libre naman 'to ni Derek, e di sulitin na lang. Habang kumakain ako, silang dalawa naman ay nag uusap. Si D

erek din pala ang nagcocompose ng mga kanta nila sa banda. Nakakahanga siya... kung hindi siya tsismoso, malandi, at balahura. Pero dahil ganun siya, pipiliin ko na lang na wag humanga.

"Nakakailang kanta ka na ba?" tanong ni Dale habang may kagat kagat siya na burger. Ewan ko ba sa bata na 'to, kahit napakatakaw, hindi tumataba. Ang tangkad niya kasi, e. Parang mas matangkad pa nga yata siya kay Clyde at Derek.

Nagdekwatro naman si Derek at saka inabot yung soft drinks niya. "Tatlo pa lang."

Nagkibit balikat siya Dale. Hindi ko naman naiintindihan yung pinag uusapan nila. Pag kasi tumutugtog sila, madalas kanta ng mga sikat na banda ang tinutugtog nila. Kadalasan Tagalog, pero minsa, Ingles din. Depende sa mood nila. Pero paborito ko pag kumakanta si Derek ng 'You Body is A Wonderland.' Bagay na bagay kasi sa kanya yung kanta.

"Okay na muna yan. Next year pa naman yung deadline," sabi ni Dale. Matapos namin kumain, dumiretso na kami sa parking lot. Nakakamiss din ang rehearsals nila. Dahil nga wala si Clyde at Ate Gelene, di na muna sila nagppractice. Sana bumalik na sila. Nakakabaliw tuwing iniisip ko na kaming dalawa lang ni Derek sa apartment.

Kumaway sa akin si Dale habang papaalis siya. Birthday daw kasi ng Ate niya kaya lalabas silang pamilya ngayon. Hindi lang pala sa banda bunso si Dale, pati sa bahay nila. Tatlo silang magkapatid, siya din ang bunso. 

"Bye, Annie!"

Kumaway akong pabalik habang binubuksan ko yung pintuan ng sasakyan ni Derek. Pumasok ako at sumakay sa loob. Ganon pa din naman ang itsura ng sasakyan ni Derek, malinis pa din. Meron lang mga cd sa loob at bote ng tubig. Mabuti naman at walang bakas ng kahalayan dito.

Naghihintay akong umandar ang sasakyan pero hindi naman binubuksan ni Derek ang makina. Ano na naman ang topak nito?

Medyo napaatras ako ng lumapit siya sa akin at konting galaw ko lang, mahahalikan niya na naman ako.

Binigyan niya ako ng ngiti niya at saka lumapit pa siya sa akin. "Chill, Annika. Aayusin ko lang ang seatbelt mo," sabi niya. Sobrang lapit niya sa akin kaya naman naamoy ko siya. Ang bango ng hininga niya. Amoy menthol. 

Tumigil ka, Annika! Kulang ka lang sa tulog.

Sumulyap muna sa akin si Derek at binigyan niya ako ng nakakainis na ngiti bago kami umalis sa university.

--

"Ano'ng gagawin mo ngayong gabi, Annika?"

Napatingin ako kay Derek na kalalabas lang ng bany

o at naka shorts lang. Pinupunasan niya pa ng twalya ang basa niyang buhok. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa katawan niya. Dyos mio, Annika! Umayos ka nga!

Dahan dahan siyang naglakad papunta sa akin at naupo. "May plano ka na ba, Annika?"

Pilit akong hindi tumingin sa kanya. Itinutok ko ang atensyon ko sa pinapanood kong pelikula. Sumubo ako ng kinakain kong tsitsirya. "Wala naman, Danger. Manonood lang ako ngayon."

Dahil katatapos lang ng exams namin, wala pa akong masyadong gagawin. Si Clyde naman, hindi ko macontact. Pati si Ate Gelene, hindi din macontact. Siguro nasira lang ang signal sa Bicol. Siguro yun ang dahilan.

Tinignan niya yung pinapanood ko.

"Mahilig ka sa ganyan?" sabi niya na parang may pandidiri pa. Nanonood lang naman ako ng Saw. Ang ganda nga ng pelikula, e! Ano ba ang nakakadiri dito.

Kitang kita ang pandidiri sa mata ni Derek. "Bakit? Hindi mo kaya? Bakla ka ba?" natatawa kong sabi sa kanya. 

Bumaling siya sa akin at tinitigan ako. Itutulak ko sana ng biglang nawalan ng kuryente.

"S-hit!" narinig kong sabi ni Derek. Napatingin ako sa mga kapitbahay namin, may kuryente naman sila

, bakit sa amin lang wala? "Bwisit talaga si Clyde. Kinalimutan na naman magbayad ng kuryente."

Tumayo siya pero kumapit ako sa shorts niya.

"Annika, mamaya mo na ako hubaran. Hahanap ako ng kandila."

Napairap na lang ako. Kahit sa kawalan ng kuryente, hindi pa din mawawala ang kabastusan sa utak ni Derek. Derek Angeles nga naman.

"Baliw. Wag mo akong iwan dito," bulong ko. 

Naupo ulit siya sa tabi ko. Dahil wala siyang suot na t-shirt, nararamdaman ko yung balat ni Danger. Hindi 'to kagaya ni Clyde na mainit, yung balat niya, malamig. Parang ang sarap yakapin lalo na at mainit ngayon.

"Takot ka ba sa dilim, Annika?"

Umiling ako. "Hindi."

"E bakit ayaw mo akong paalisin? Gusto mo lang ako dito sa tabi mo? Okay lang naman din."

Hinampas ko siya. "Baliw. Ang sasabihin ko lang naman, walang kandila o flashlight sa apartment na 'to."

"O? Sigurado ka?"

Sumagot ako ng 'oo' kasi naglilinis naman ako dito at ni minsan, wala akong nakitang kandila o flashlight. Sumandal si Derek sa sofa. "Pano na yan ngayon?"

"Okay lang yan. Magbayad na lang bukas ng kuryente," suhestiyon ko. Wala na din naman kaming magagawa dahil gabi na din, wala ng bukas na bayaran ng kuryente.

Naramdaman ko ang pag galaw ni Danger.

"Annika?"

"Hmm?"

Kinapa kapa ko ang cellphone ko. Pwede na din siguro iyong maging ilaw kahit na medyo pansamantala lang.

"Alam mo yung laro na FMK?" Hindi ako sumagot kasi hindi ko naman alam yun. Siguro isa lang yun sa mga laro dito sa Maynila. Sa Bicol, wala naman masyadong laro. Nalaman ko kasi na Tiga Maynila pala talaga si Derek at Dale, si Key naman, tiga Cavite. Nagkakilala sila dahil sa iisang university sila nag aaral. Si Ate Gel naman, ex niya ang kuya ni Dale. Siguro yun ang dahilan kaya ayaw ni Dale kay Ate Gel, sabi niya sa akin minsan.

"Ang ibig sabihin nun, F-uck, Marry, and Kill. Sa aming lima, sino ang pipiliin mong gawin yun, Annika?"

Nabigla ako sa tanong niya. Ano na naman ba 'to? Nag simula na nga akong piliting maging kaibigan siya pero eto na naman siya, naninira ng relasyon. Pilit akong nagpapakatatag dito dahil pakiramdam ko konting konti na lang, mababaliw na ako kakaisip sa nangyayari kay Clyde at Ate Gelene.

Nung hindi ako sumagot, siya ang nagsalita. "Dapat ganito ang sagot mo, Annika. F-uck Clyde, Marry Key, Kill Gelene," sabi niya. Ramdam ko na nakangiti siya habang sinasabi niya 'yun. "Pero may idadagdag ako para sa'yo, Annika. Screw Derek senseless."

Hindi ko alam pero kinilabutan ako sa sinabi niya. Eto na naman siya ang ang mapang akit niya bulong.

Lumapit siya sa akin hanggang sa makarating na ako sa dulo ng sofa.

"Maniwala ka sa akin, Annika. Niloloko ka lang ni Clyde. Gumanti ka sa kanya," bulong niya sa akin. Naramdaman kong hinalikan niya ang leeg ko. "Gumanti ka, Annika. Halikan mo ako."

=================

Ikalabing Dalawang Kabanata

Ikalabing Dalawang Kabanata

Wrong move, Annika. Wrong move.

Hanggang ngayon, naririnig ko pa din sa ulo ko yung binitiwang salita ni Danger. Nung isang araw pa nangyari yung insidente sa paghalik niya sa akin pero hanggang ngayon, malinaw pa din sa isipan ko ang mga katagang binitiwan niya.

Kasalukuyan kaming kumakain ng umagahan. Walang pasok ngayon dahil magsasagawa ng entrance exam sa unibersidad kaya naman heto kami, nandito lang sa bahay. Ilang araw na din simula nung huli kong nakausap si Clyde. Hindi ko alam kung mag aalala ba ako o maghihinala. Pero sa ngayon, mas pipiliin kong mag alala. Yung paghihinala? Si Danger na ang bahala dun.

"Pupunta akong mall. Sama ka?"

Lihim akong napangiti. Gusto kong sumama sa mall pero ayoko siyang kasama. Ano ba naman kasi ang gagawin ko? Oo, masaya kasama si Danger pero iba yung sitwasyon. May boyfriend ako at ang hilig niyang gawin ay siraan ang boyfriend ko sa akin. Dahil dun, hindi ako dapat sumama sa kanya. 

Umiling ako.

Narinig kong bumuntong hininga siya. Naramdaman kong yumupi yung katabi kong upuan kaya naman sa tingin ko, naupo siya sa tabi ko. "Come on, Annika. Halik lang naman 'yun! It's not like first kiss mo ako, o first kiss kita. Pwede bang kalimutan na lang natin yun?"

Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya at itinaas ko

ang kilay ko. "Halik lang 'yun?" sabi ko, isa isa kong nilinaw ang bawat salita.

Umiling iling siya. "Fine, sorry. Ayan, masaya ka na? Sasama ka na ba?"

"At?"

Mukhang naguluhan siya sa sinabi ko. Pero dahil hindi niya yata talaga maintindihan ang sinasabi ko, itinuloy ko na. "At mangangako ka na hinding hindi mo na talaga ako hahalikan."

Umismid naman siya. Danger talaga. "Promise, then. Hahalikan lang kita sa dalawang pagkakataon. Una, ikaw ang hahalik sa akin. Pangalawa, naniniwala ka na na ginag-ago ka lang ni Clyde."

Dahil alam ko naman na malabong may mangyari sa dalawang iniisip niya, napilitan akong sumang ayon. Umakyat ako at nagpalit ng damit. Simpleng t-shirt at maong shorts lang ang sinuot ko, pati na sapatos. Hindi ko talaga kasi makayanan magsuot ng malalaswang damit, e. Hanggang dito lang ako.

Sumakay kami sa sasakyan ni Derek at nagdrive siya papunta sa mall. Gusto ko sanang ayain si Key at Dale pero sabi nila kahapon, may lakad din daw sila ngayon. Si Dale, birthday ng Mama niya at si Key naman, bibisitahin yata nila yung ninuno niya sa probinsya. Hindi lang ako sigurado kung tama ba ang pagkakarinig ko. Pero dahil dyan, kami lang ni Danger dito ngayon. 

Inakbayan ako ni Danger pero tinignan ko siya ng ma

sama.

"What? Pati akbay? Gee, Annika. Tatanda kang dalaga niyan."

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Ngayon lang ako nakapasok sa mall. Iba pala ang mall dito kaysa sa mall sa Bicol. Mas malaki at mas madaming tao at tindahan. Parang ang sayang gumala dito.

Pumunta kami ni Derek sa food court at kumain. Dahil siya daw yung lalaki, siya daw dapat ang magbayad pero dahil daw nakakailang sampal na ako sa kanya, hindi daw niya ako ililibre. Ang dami niyang sinasabi kaya naman naglabas na lang ako ng pera. May sobra naman akong pera mula sa stipend mula sa eskwelahan. Libre na nga kasi ang tirahan ko pati sasakyan, ano ba naman yung magbayad ako para sa pagkain.

"Nag usap na ba kayo ni Clyde?"

Kahit na ang totoo niyan hindi pa kami nag uusap ni Clyde, nagsabi ako ng oo. Ayoko na kasing gatungan pa yung pang iinsulto ni Derek sa akin. Nagtext naman na si Clyde na bumubuti na ang kalagayan ng Mayor at sandali na lang, uuwi na siya. Iyon nga lang, hindi ko na inuungkat kung bakit nandun pa din si Ate Gelene hanggang ngayon. Magiging sanhi lang yun ng away, hihintayin ko na lang siguro na umuwi si Clyde dito.

"Good. Kailan daw uwi? Gusto ko ng tumugtog."

"Baka daw next week."

Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Napansin ko na kanina pa nagriring yung telepono ni Derek. "Sino ba yan, bakit ayaw mong sagutin?"

Kinuha niya iyon at saka pinatay. Ngayon tuloy, nagtataka na ako kung sino yung tumatawag. Sa buong pagkakakilala ko kay Derek, ngayon lang siya hindi sumagot sa tawag. Medyo palakaibigan kasi si Derek, sikat yan sa campus. Alam ko nanalo din yan sa mga pa contest dahil siya ang pambato ng kolehiyo namin. Siguro yun na din ang dahilan kung bakit madami siyang babae, dahil babae na din mismo ang lumalapit sa kanya.

Lumibot muna kami sa mall hanggang ayain niya ako sa palaruan. Sabi niya, Time Zone daw ang tawag dun.

"Ano gusto mong laruin?" tanong niya sa akin habang nakatayo kami sa tapat ng isang basketball ring. 

Itinuro ko ang kamay ko dun sa may parang kinukuhanan ng laruan. Ganito yung palagi kong napapanood sa mga pelikula, yung kukuha ang mga bida ng laruan. Gusto ko 'tong subukan.

Umiling iling si Derek pagkaturo ko doon. Ayaw niya ba dun? Bakit naman? Mukha naman siyang masaya base sa mga napapanood ko. Pag nanonood kasi ako, nakikita ko na sobrang masaya ang babae kapag nakakakuha sila ng laruan mula doon. Ayaw ba ni Derek ng masaya? Abnormal ba talaga siya?

"Bakit naman ayaw mo doon?" tanong ko.

Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa loob ng bulsa at sumandal sa pader. Nakita ko naman na naghagikgikan yung mga babaeng dumaan sa gilid ko. Grabe, Derek. Hanggang sa mall, kayang kaya mo mang akit ng mga babae?

Umiling siya sa akin. "Wag na sa crane, Annika. Iba na lang. Basketball, gusto mo?"

Umiling din ako. Gusto ko talaga yun. May nakita akong laruan na pikachu, gusto ko nun.

Bumuntong hininga si Derek at saka walang nagawa at lumapit sa akin. May iniabot siyang card sa akin. "Ikaw na lang maglaro, ayoko niyan."

"Bakit naman?"

"Basta."

--

Makalipas ang ilang minuto...

"Ugh!" sigaw ko. Kanina pa tawang tawa si Derek sa reaksyon ko. Kanina ko pa kasi pilit kinukuha ang laruan na pikachu pero hindi ko talaga makuha kuha. Malapit na akong maubusan ng pasensya. 

Pumalakpak si Derek. Bumaling ako ng tingin sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Wala lang, Annika. Ganyan ka pala mafrustrate. Ang... hot."

Umiling na lang ako at hinayaan ko na ang pikachu. Hindi ka para sa akin.

--

Matapos naming kumain, hinatak ako ni Derek sa bandang kaliwa ng mall. 

"Ayun si Clyde, o."

Halos tumulo na ang luha ko sa nakita ko. Akala ko ba nasa Bicol pa siya? Bakit siya nandito na sa Maynila? At bakit kasama niya si Ate Gelene?

Kinuha ko ang telepono ko at pinindot ang numero ni Clyde. Medyo nanginginig pa ang kamay ko pero itinuloy ko pa din. Hindi ako papayag na ganitong maglolokohan lang kami.

"C-Clyde?"

Mula sa kinaroroonan namin ni Derek, nakita kong nabigla ang itsura ni Clyde. Wag. Wag kang magsinungaling, Clyde. "N-nasan ka?"

Dahan dahan siyang sumagot matapos siyang humugot ng hininga. "Nasa Bicol pa kami, Babe. See you real soon. I love you, okay?"

Hindi man lang ako hinintay sumagot, pinatay niya ang telepono.

Parang demonyo kung ngumiti si Derek sa tabi ko. Lumapit pa siya at bumulong sa akin. "Sabi ko sa'yo, di ba?" Bago pa man niya madugtungan ang sinasabi niya, tuluyan ng tumulo ang luha ko. 

"Whoa, easy on the scotch, Annika. Gusto mo bang malasing?"

Tinitigan ko lang siya at saka ko kinuha ang isa pang baso ng alak na iniinom ko. Matapos kong makitang masaya at nagtatawanan sina Clyde at Gelene, parang gusto ko na lang sumabog. Buong tiwala yung binigay ko sa kanila pero ano yung nakuha ko, panloloko? Siguro masaya silang nagtatawanan habang pinag uusapan nila ako, hayon, mukhang tanga na nagpapakalunod sa alak dahil sa katangahan.

"Ang tanga tanga ko talaga..." bulong ko sa basong iniinom ko. Ayokong umiyak. Hindi ako umiiyak sa mga simpleng bagay pero ngayon, hindi ko alam kung bakit parang gripo yung luha kong ayaw tumigil sa pagtulo. Kanina ko pa gustong pigilan yung sarili ko ngunit hindi ko magawa. 

Humilig si Derek sa inuupuan niya. "Ayokong sabihin 'to pero, Annika, I told you so."

Gusto kong sampalin yung sarili ko. Tama nga si Derek! Harap harapan na akong niloloko ni Clyde pero ano, nagpakatanga pa din ako! Bakit? Dahil sa mahal ko siya? Hindi porke mahal ko siya, pwede niya na akong ganituhin. Tama nga si Derek. Sa oras na

sinabi mong mahal mo ang isang tao, yun ang oras na binigyan mo siya ng karapatang saktan ka. Ang tanga tanga ko.

"Kailan mo pa 'to alam?"

Imbes na sagutin ang tanong ko, hinablot niya ang baso mula sa kamay ko at pilit akong pinatayo. "Come on, let's dance. Para kang sisiw na iyak ng iyak."

Wala man akong gana, patuloy akong hinatak ni Derek papunta sa gitna. Hindi ko alam kung saan niya ako dinala pero sa estado ko ngayon, okay na sa akin kahit saan wag ko lang makita ni anino ni Clyde. Gusto ko siyang saktan.

Itinaas ni Derek ang kamay niya at saka tumugtog ang isang nakakaakit na tunog. Lumapit sa akin si Derek at saka binulungan ako. "The best way to avenge yourself is to give him a dose of his own medicine, Annika."

Dahan dahan niyang iniangat ang mukha ko at hinalikan ang gilid ng labi ko.

Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko habang napapalibutan kami ng mga taong nagsasayaw. "I've done my part, Annika. It's up to you. Cheat with me, or be a fool."

--

Follow me on twitter!! @beeyotch!! :)))) Yung chara

cter chart, gagawa po ako... Harhar. 

=================

Ikalabing Tatlong Kabanata

Ikalabing Tatlong Kabanata

"Hangover?"

Pilit kong idinilat ang mata ko. Sobrang sakit ng ulo ko, para akong pinupukpok ng sampung martilyo, magkabilang parte ng ulo ko. Hinatak ko ang kumot paitaas sa katawan ko. Pakiramdam ko, sobrang lamig. "Ano'ng oras na?" mahina kong tanong kay Derek. Pakiramdam ko, sobrang tuyo na ng lalamunan ko.

"Alas nuwebe. Masakit ulo mo, no? O, inumin mo," sabi niya sabay dikit sa bibig ko ng gamot. Hindi ko na tinignan kung anumang gamot iyon dahil wala na akong pakielam kung ano man ito, ang mahalaga sa ngayon, mawala ang sakit ng ulo ko.

Unti unti akong bumangon sa kama at uminom ng tubig. "Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.

Umiling iling siya sa akin at saka sumandal sa pinto ko. Nahaharangan niya ang pinto kaya naman medyo madilim sa kwarto ko. Hinarangan ko kasi ng kurtina ang bintana. 

"Pagkatapos mo akong halik-halikan kagabi, gaganyanin mo lang ako? Wow, Annika."

Bigla akong namula nang bumalik sa isipan ko ang paghalik na ginawa ko kay Clyde. Akala ko ba sabi nila makakalimutan ko lahat ng ginawa ko kapag lasing ako? Pero bakit ganito, malinaw na malinaw pa din sa ala-ala ko ang bawat halik at haplos ng kamay ni Derek sa katawan ko?

Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya at dahan dahan kong inabot ang baso ng tubig at ininom iyon.

"A-anong sinasabi mo?" mahina kong sambit.

Naglakad si Derek patungo sa kama ko at naupo sa tabi ko. Amoy na amoy ko pa din ang pabango niya. Sobrang bango, parang ang sarap niyang yapusin. 

Itinaas niya ang kamay niya at inalis ang buhok na nakaharang sa mata ko at iniipit ito sa likod ng tenga ko. Lumapit siya at binulungan ako. "Don't be a coy, Annika. You know you liked my kiss..."

Wala sa huwisyo ko siyang naitulak at nagmadali akong tumayo at bumaba. 

--

Nagsimula na akong magluto ng tanghalian namin kahit na gusto ko ng maligo. Bawat galaw ko, naaalala ko yung mga ginawa namin ni Derek kagabi. Kahit sa katawan ko mismo, naaalala ko siya. Yung pabango niya, kumapit sa bawat parte ng katawan ko.

"You can run but you can never hide."

Iyan ang isa sa mga bagay na ayaw na ayaw ko kay Derek. Kapag may nagawa kang nagustuhan niya pero ikinahihiya mo, pilit niya itong ipaaalala sa iyo na para bang isang bangungot na gusto mong takasan ngunit hindi mo magawa.

Pilit ko siyang hindi pinansin hanggang sa magtanghalian na kami.

Kumuha muna ako ng saging sa lamesa dahil nauna si Derek kuhain yung platong may laman na sinigang na baboy.

Napatigil si Derek sa pagkuha ng ulam ng nagsimula akong kumain ng saging. Agad naman akong napabitiw sa kinakain ko noong maisip ko ang kabastusan na naiisip niya!

"Ano ba naman, Derek! Pati pagkain?" sabi ko habang pilit kong nilulunok yung saging sa loob ng bibi

g ko. Bigla naman tuloy akong nandiri sa kinakain ko.

Si Derek ay tawang tawa sa akin. Yung mukha niya hanggang tenga ay namumula at pati ang dimples niya ay lumabas. "Hahaha! Sorry, Annika. Sobrang sensual mo kasi tignan kanina."

Medyo sumakit yung sentido ko sa sinabi ni Derek. 

Derek Angeles nga naman! Kailan ko ba matatatak sa isipan ko na kasama sa pagkatao mo ang pagiging bastos?

"Tsk. Nawalan na ako ng ganang kumain," sabi ko sabay baba ng kutsara dahil kukuha na sana ako ng kanin.

Nabigla naman ako noong kumuha si Derek ng kanin at inilagay iyon sa plato ko. "O, kain ka na, Annika. Payatot ka na nga papayat ka pa. Ano na lang an

g matitira sa katawan mo?"

Kalma, Annika. Kalma.

Tahimik akong kumain habang si Derek ay daldal ng daldal tungkol sa isang babae na sobrang kinukulit daw siya. Hindi na ako nagkokomento dahil hindi din naman ako interesado sa mga babaeng naghahabol sa kanya. Wala naman kasi akong pakielam sa kanila dahil ayaw din naman nila sa akin. Dahil nga ayon sa kanila, isa lang naman daw akong probinsiyana na nakarating sa Maynila. Sa tingin nilang yan, mas lalo akong walang pakielam sa kanila. Nagpunta ako sa Maynila para mag-aral at hindi para pasiyahin sila.

"Annika, birthday ni Dale sa Friday. Sama ka? Punta kaming bahay nila sa Tagaytay."

"Kasama ba si Clyde?" Awtomatiko kong tanong.

Bigla akong natahimik noong napagtanto ko na may m

ali sa tanong ko. Wala si Clyde. Walang Clyde na sasama dahil si Clyde ay nasa Maynila, masayang masaya kasama si Gelene. Magsama silang dalawa!

Nagkibit balikat si Derek. "Maybe, maybe not. Ewan. Ikaw? Sama ka ba? May kasama namang babaeng iba, don't worry."

Tumango na lang ako. Mas mabuti na itong nagpapakabusy ako kaysa naman magmukmok ako dahil sa kanilang dalawa. Kung nagagawa nila akong lokohin at magpakasaya, mas lalo namang kaya kong umakto na parang hindi ako nasasaktan at wala akong pakielam.

Kinuha ko ang plato namin at naglakad ako papunta sa hugasan. 

"Ako na jan, Annika," sabi ni Derek.

"Wag na, ako na," sagot ko naman.

Sinimulan ko ng hugasan ang mga plato ng sinimulan namang itirintas ni Derek ang buhok ko. Nararamdaman ko ang hininga niya sa leeg ko at medyo nakikiliti ako. 

"Alam mo, Annika. Hindi pa ako nagkaka girlfriend. Hindi naman sa wala akong nagugustuhan na babae, pero yung pamilya ko kasi, walang kwenta. Yung Mama ko, walang pakielam. Yung Papa ko, may anak sa labas. Ako? Ayokong magmahal, ayokong magkagirlfriend, ayokong magkapamilya. Ayokong maulit lahat ng naranasan ko. Nakakabaliw."

Hindi ko alam kung bakit sa akin ito sinasabi ni Derek pero hindi ko mapigilang hindi maawa sa kanya. Ito ba ang dahilan kaya laro lang ang tingin niya sa lahat ng babae? Hindi sa dahil hindi niya sila gusto kung hindi dahil sa ayaw niya lang masaktan?

Kahit na natapos na akong maghugas ng pinggan ay hinintay ko pa ding matapos si Derek sa ginagawa niya sa buhok ko.

"Tapos ka na?"

Tumango siya. Kinuha ko ang tuwalya at pinunasan ko ang kamay ko. Aalis na sana ako ng bigla akong yakapin ni Derek.

"One minute lang, Annika. Yakapin mo naman ako."

=================

Ikalabing Apat na Kabanata

Ikalabing Apat na Kabanata

Pumayag na akong sumama kay Derek sa lugar ng mga magulang niya. Sabi niya kasi, may annual party daw talaga na ginaganap sa ancestral house nila at kailangan daw niya ng isasama. Ako lang naman daw ang kaibigan niyang babae kaya kung okay lang daw ba na sumama ako. Dahil wala din naman akong gagawin, pumayag na ako. Kakatapos nga lang din kasi ng midterms exam at karamihan sa mga klase ko, nagbigay ng break. Halos wala akong pasok ngayong linggo.

Tinignan ko ang itsura ko sa salamin. Binilhan ako ni Derek ng damit. Nakalimutan niya sigurong tang

galin ang presyo o talagang sinadya niya lang na ipakita sa akin na mahal ang damit na ito? Bahala na. 

"Looking good," narinig kong komento niya ng nakatayo siya sa gilid ng pinto ko. Nakasuot siya ng tuxedo at maayos na maayos ang kanyang buhok. Ako naman ay nakasuot ng kulay creme na dress na lagpas sa paanan ko ngunit may slit sa gilid na umaabot hanggang sa gitna ng hita ko. Mabuti naman at walang kita sa hinaharap ko pero yung likod ko, kitang kita. Itinago ko na lang sa pamamagitan ng paglulugay ng buhok ko.

Inayos ko ang buhok kong mabuti para hindi mapansin na walang katakip takip ang buong likuran ko. "Hindi kaya magkaroon ako ng pulmunya dito sa pinapasoot mo?" tanong ko sa kanya habang sinusuklay ko ang buhok ko. 

Pumasok siya sa silid ko at tinignan ang kabuuan ng itsura ko. "Sabihin mo na lang sa akin kapag nilalamig ka. Available naman ang coat ko," sabi niya sabay yakap sa akin mula sa likuran ko.

Nagtataksil ba ako kay Clyde? Wala naman kaming ginagawang masama ni Derek. Yung halik? Isang beses lang 'yun. Isang beses lang. Pero... pero yung mga yakap sa akin ni Derek, padalas ng padalas. Minsan, naiisip ko na sana totoong nagtataksil nga sa akin si Clyde dahil hindi ko alam kung kakayanin ba ng konsensya ko na malaman na ako ang unang nagtaksil.

Ilang minuto din akong nagsuklay at pagkatapos ay bumaba na kami ni Derek. Nagpadala din ng sasakyan ang kanyang Papa para daw masiguro na aattend ng

party si Derek. Ngayon ko lang napag alaman na anak pala siya ng Gobernador. Kaya naman pala palagi niya akong inililibre, madami pala siyang pera. Ngayon ko lang nahalata kasi hindi naman maarte sa pagkain si Derek. Kahit nga pakainin ko ng kwek kwek yan, wala lang siyang pakielam.

"Good evening, Sir."

Tinanguan niya lang yung lalaking nagbukas ng pinto ng sasakyan. "Pasok ka na, Annika," sabi niya sa akin sabay alalay sa aking braso.

Pumasok ako sa loob ng sasakyan at nagulat ako dahil kumpleto sa champagne at wine glass ang loob ng sasakyan. Nakita ko din sina Key at Dale sa loob.

"Dale! Key!" sabi ko sabay usod sa kanila at yakap, lalo na kay Dale.

Niyakap ako ng mahigpit ni Dale. "Hi, Annie Bear! Long time no see!" sabi niya sabay gulo sa buhok ko.

Saglit ko ding niyakap si Key na tahimik na may tinetext. Siguro may girlfriend na 'to? Mayroon kasi akong nakikita na babae na palaging naghihintay sa kanya sa labas ng practice room. Ayoko namang magtanong dahil nakakahiya.

"Absent ka naman kasi ng ilang araw," sabi ko kay Dale. Si Key at Derek at nagtabi sa isang gilid habang kami naman ni Dale ay nagkkwentuhan. Nakakamiss yung ganito. Bakit naman kasi wala pa din sina Gelene at Clyde. Nagustuhan na ba talaga nila yung

pagtataksil nila sa akin? Ganoon ba yun kasayang gawin?

Nagkibit balikat si Dale at nginitian na lang ako. Ang gagwapo nga nila. Walang duda na nababaliw sa kanila ang mga babae sa eskwelahan. Tuwing tinitignan ko sila, mas lalo silang guma-gwapo sa aking paningin. Dati naman kasi, hindi ko masyadong pinapansin ang mukha nila. Basta ang alam ko, kaibigan sila ni Clyde. Iyon lang. Pero ngayon, mas nakikita ko na kung ano ang nakikita ng iba sa kanila.

Masaya kaming nagkkwentuhan sa loob ng sasakyan habang buma byahe kami papunta sa ancestral house nila Derek. Dito lang naman din daw sa Maynila iyon ngunit nasa loob pa daw ng isang exclusive subdivision. Ang kwento sa akin ni Dale, sobrang yaman daw talaga ni Derek kaya wag na daw akong magugulat mamaya.

Noong huminto kami sa tapat ng isang mansyon, biglang kumabog ang dibdib ko.

"Annika?" sabi sa akin ni Derek sabay lahad ng kamay niya. Wala na pala si Dale at Key sa tabi ko, siguro nauna na sila. Kanina pa ba ako nakatulala dito?

Kahit na ramdam ko ang panginginig ng aking kamay, tinanggap ko pa din ang kamay ni Derek at lumabas na ako sa sasakyan.

Pila pila ng mga mamahaling sasakyan ang unang bumungad sa akin. Maging ang bahay nila ay puno din ng mga mayayaman na tao. Bakit ba ako napadpdad dito?

Napahinto ako sa paglalakad.

"Annika?" tanong sa akin ni Derek.

Marahan akong umiling at humawak sa damit niya. "Natatakot akong pumasok..." amin ko sa kanya. Hindi ako sanay sa ganitong karangyaan. Alam naman niya sa simula pa lang na mahirap lang kami, hindi ako sanay sa mga yaman na ganito. Ngayon lang ako naliliwanagan sa diperensya ng mga buhay namin. Si Clyde ay isa sa pinakamayaman sa lugar namin sa Bicol, si Derek ay anak ng gobernador. Si Key ay galing sa angkan ng mayayamang Tsino, pati man si Dale ay maganda ang pamilyang pinagmulan. Bakit ba ako naging kaibigan nila?

Hinarap ako ni Derek at hinawakan sa magkabilang braso. "Bakit ka natatakot, Annika?" tanong niya sa akin.

"Hindi ako mayaman, Derek. Hindi ako---" naputol ang pagsasalita ko ng bigla niya akong halikan sa aking pisngi. Agad naman akong napahawak doon.

Nasilayan ko na naman yung ngiti niya. "Wag kang matakot, Annika. Wala naman din akong pakielam sa mga tao dito kaya dapat ikaw, wala ka ding pakielam sa kanila, okay?"

Sinubukan kong tumango pero hindi ko talaga kaya...

"Paano kapag may nagtanong tungkol sa akin?"

Inakbayan niya ako at bumulong sa tenga ko. "Magsinungaling ka, Annika. Kapag hindi mo na alam ang gagawin mo, magsinungaling ka na."

--

"Please tell Happy birthday to your father."

Iyan ang linya na kanina ko pa naririnig dito sa party na dinaluhan namin. Tama nga ang hinala ko, ubod nga ng yaman nila Derek. Ultimo baso nila ay mukhang mamahalin.

"Pagod na ako," sabi niya at saka marahan akong hinila patungo sa labas ng kanilang bahay. Naglabas siya ng bote ng wine at ng wine glass. Paano niya kaya iyon naipuslit?

Nagsalin siya ng para sa aming dalawa at iniabot niya sa akin yung isa. "Magkwento ka naman tungkol sa sarili mo, Annika," sabi niya sa akin. Medyo nag aalangan ako sa kung magkkwento ba ako kay Derek pero pumayag na din ako.

Tahimik lang siyang nakikinig sa mga sinasabi ko. Wala namang kakaiba sa mga sinasabi ko pero mukhang sobrang interesado siya sa mga naririnig niya.

"...at yun nga, nalaman ko na lalaki pala talaga ako," sabi ko.

At tama nga ang hinala ko, hindi nga siya nakikini

g sa akin. Nakatitig pa din siya sa mukha ko. Iyon lang ang ginagawa niya, tinitignan niya lang ang mukha ko.

Umiling iling ako at tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong niya bigla.

"Sa CR lang," sabi ko at saka ako naglakad pabalik sa loob ng kanilang mansyon. Madaming tao na pumapansin sa akin, malamang dahil ako ang kasama ng anak ng gobernador nila. May mangilan ngilan ding camera na kanina pa kumukuha ng litrato ko. Hindi ko na lang sila pinansin dahil sabi ni Derek, mas lalo daw silang maghihinala kapag pinansin ko kaya naman pinabayaan ko na lamang sila. 

Tahimik akong naglalakad papunta sa CR ng may marinig akong mga pamilyar na boses...

"What is she doing here?" rinig kong sabi ng isang galit na boses na babae.

"She's my plus one, Madame," sabi ni Clyde. Alam ko na si Clyde iyon kahit na nandito ako sa likod ng isang poste. Nandito nga siya... at wala man lang siyang balak na magpakita sa akin. 

"Plus one, ha? You think you could fool me? Bastards!" sigaw ulit ng isang babae.

Agad agad ko namang narinig na sumagot si Clyde ng isang katagang babago sa pananaw ko sa buhay. "She's my plus one, Mrs. Angeles. Gelene's my girlfri

end."

Bumalik ako sa pinag iwanan ko kay Derek, pilit kong nilalabanan ang luha sa aking mga mata. 

"I'll cheat with you, Derek. Make us even."

=================

Ikalabing Limang Kabanata

Ikalabing Limang Kabanata

"Good morning, Babe," bati sa akin ni Clyde. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at saka diretsong naglakad papunta sa kusina.

Mag iisang linggo na pala simula ng bumalik si Clyde. Akala ko pag bumalik siya, magbabago na ang lahat. Akala ko kaya kong kalimutan ang panlolokong ginawa niya sa akin pero tuwing nakikita ko ang mukha niya, ang bawat ngiti niya, laging bumabalik sa isipan ko ang katagang binitiwan niya noong kaarawan ng ama ni Derek.

Girlfriend niya si Gelene? 

Sige lang, Clyde. Masaya ka ba na dalawa kaming babae sa buhay mo? Sige, pagbibigyan kita, pero sana pagbigyan mo din ako na dalawa kayo sa buhay ko.

Iniwan ko na umiinom ng kape si Clyde at nagbabasa

mula sa handouts na ibinigay sa kanya ni Key. Dahil nga ilang araw din siyang nawala, madami siyang aralin na kailangang habulin. Kahit naman niloloko niya ako, hindi ko kayang hindi siya tulungan. Ako ang nag ipon ng mga handout niya pati na din nagbigay ng excuse letter sa bawat professor niya. Lahat naman ginagawa ko para sa kanya, bakit nagagawa niya pa din akong lokohin?

Agad kong naramdaman ang kamay niya Derek na pumulupot sa bewang ko. "Good morning, Annika," sabi niya sabay halik sa sensitibong parte sa leeg ko. Kahit na isang linggo na namin itong ginagawa, may parte pa din sa akin na kinakabahan.

Pero bakit ganoon? Sa loob loob ko, may sumisigaw sa sana ay mahuli kami ni Clyde. Gusto kong makita niya akong ginagago siya. Gusto kong maramdaman niya din yung sakit na naramdaman ko noong narinig kong ipinagtanggol niya si Gelene at ipinakilalang girlfriend sa nanay ni Derek.

Bakit? Sobrang sakit, e.

Mahigit isang taon kami ni Clyde. Mahigit isang taon. Ang dami naming pinagsamahan, ang dami naming ala-ala tapos saan kami mauuwi? Sa ganito? Sa lokohan?

"Good morning," sagot ko naman sa kanya. Umabot ako ng isang kopita at naglagay doon ng kape galing sa coffee maker. "Kape?"

Umiling siya. Lumingon ako sa gilid at nakita kong nakalabas na naman ang dimple niya. Wala sa loob na napakagat ako sa labi ko. Bakit sobrang nakakaa

kit ka, Derek? Wala ka namang ginagawa kung hindi yakapin ako at ipakita yang dimple mo pero sa huli, ako pa din ang bumibigay at unang humahalik sa iyo?

"Best morning," sabi niya sabay halik ng isang beses pa sa akin.

Binigyan niya pa ako ng isang nakakalokong kindat at saka naglakad patungo sa lamesa. At heto na naman kami, makikipaglaro kay Clyde.

"Kailan exams mo?" bungad na tanong ni Derek kay Clyde pagkaupong pagkaupo niya sa silya. Ako naman ay naupo sa tabi ni Clyde. Agad na humalik sa pisngi ko si Clyde at binigyan ako ng ngiti.

Kung sana hindi mo ako niloko, ikaw na ang magiging pinakamasayang lalaki, Clyde. Ibibigay ko lahat ng gusto mo, lahat ng makapagpapasaya sa iyo. Pero bakit ginaganito mo ako?

Nagpatuloy siya sa pagbabasa ng notes niya at humigop ng kape. "Mamaya. Kinakabahan nga ako, tatlong major exam yun."

"Sus, wala namang chem dyan. Kayang kaya yan," sabi ni Derek. Ang yabang lang, palibasa alam niyang ayaw na ayaw ni Clyde sa chemistry, ChemEng student kasi si Derek. Hindi lang basta estudyante, consistent Dean's lister din. Hindi ko nga alam kung paano niyang nagagawa yun, e.

"Yabang nito, mahirap din kaya sa BA."

Nagkibit balikat na lamang si Derek.

Patuloy lamang silang nag uusap sa kung anu anong bagay ng maramdaman ko yung paa ni Derek sa paanan ko. Ano na naman?

Tumingin ako sa kanya at itinaas ang kilay ko. Bilang tugon, naramdaman ko ang paghaplos niya sa binti ko ng pataas at pababa.

Hindi ko sinasadyang nakagat ang labi ko dahilan upang dumugo ito. "Shit. Okay ka lang ba, Babe?" nag aalalang tanong sa akin ni Clyde noong mapalingon siya at mapansin na nagdudugo ang labi ko. Sobrang diin pala ng pagkakakagat ko. Kailangan, dahil baka kung ano ang magawa ko kung hindi malilipat ang atensyon ko mula kay Derek.

Agad namang tumayo si Clyde at kumuha ng gamot sa itaas, nandoon kasi ang medicine kit ng apartment.

Binigyan ako ng nakakalokong ngiti ni Derek.

"Fun, isn't it, Annika? Masayang makipaglaro, hindi ba?"

--

"Ready?" tanong ko sa kanilang dalawa. Ngayon pa lang kasi gaganapin ang birthday ni Dale sa Tagaytay. Nagkaroon kasi ng malakas na pag ulan noong nakaraang Biyernes kaya naman hindi natuloy.

Tumango silang dalawa at binuhat ang mga dadalhin naming bag.

Sumakay na ako sa likuran ng sasakyan ni Derek. Iyong pick up niya kasi ang dadalhin namin, ewan ko ba dito. Mas maayos sana kung sasama na lang kami sa van nila Dale pero etong si Derek, nagpumilit na gusto daw niyang magdala ng sasakyan.

"Nakita mo si Gelene, Clyde?" biglang tanong ni Derek. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Tumango namang si Clyde habang may pinipindot siya sa cellphone niya. Siguro si Gelene na naman iyon. Puro na lang Gelene, Gelene, Gelene. Nandito ako sa tabi mo, yung girlfriend mo.

"Kahapon sa gym nakita ko. Bakit?" tanong naman ni Clyde.

Ngumiti lang ng nakakaloko si Derek at saka tinignan ako sa rearview mirror ng sasakyan niya. 

Dahil sa sobrang sama ng loob, nagpilit na lang akong matulog.

--

"Belated happy birthday, Dale!" masaya kong bati sa kanya sabay yakap. Ayan tuloy, mas matanda na siya sa akin ng isang taon! Hindi na siya ang baby Dale ko.

Niyakap niya din ako at nagpasalamat. Akala ko may mga kasama pa kaming iba dito pero wala naman pala. Bale ang nandito ay ang apat na lalaki, ako, si Gelene, at iyong babae na palaging kasama ni Key. Mary pala ang pangalan niya. Mukha siyang mabait.

Pumasok na kami sa loob at isa isang nagbaba ng gamit namin.

"Okay, room assignment. Derek at Clyde, ako at si Key, then kayong tatlong babae. Okay ba?" tumango ako at inabot ang susi kahit na ang totoo, ayokong makita si Gelene, ano pa kaya ang makasama siya sa iisang kwarto?

Umakyat kami sa kanya kanya naming kwarto pero tinulungan ako ni Clyde na iakyat ang mga gamit ko. Si Derek naman ay tumulong kay Gelene. Kung alam ko lang, malamang nagseselos si Clyde dahil hindi siya ang nakatulong kay Gelene. Mga bwisit.

"Long time no talk, Annika! I missed you!" sabi ni Gelene sa akin sabay yakap.

Kahit na nandidiri ako kapag naiisip ko kung anu ano na ang pinag gagawa nila ni Clyde, niyakap ko din siya. "Oo nga, e," tipid kong sagot.

Pilit siyang nakipagkwentuhan sa akin. Nagkwento siya tungkol sa ginawa nila ni Clyde sa Bicol at sa kalagayan ni Mayor. Hindi na ako interesado. Ayokong maging interesado. Sa tuwing nagiging interesado ako, mas lalo akong napapaisip sa mga sinabi ni Derek.

Kapag hindi mo na alam ang gagawin mo, magsinungaling ka na lang.

"Masama ang pakiramdam ko. Matutulog muna ako," sabi ko kahit wala naman talaga akong nararamdamang kahit ano. Nagpaalam din ako kay Mary na matutulog ako at narinig ko naman na sila ni Gelene ang nag uusap.

Ilang oras din akong nagpanggap na tulog at pinakinggan silang masayang nag uusap. Parang kami lang dati, a. Hindi na ako magugulat kung isang araw, si Key naman ang kukuhanin ni Gelene at kami naman ni Mary ang magkakapalit ng sitwasyon. Sana lang makayanan niya kasi ako? Malapit na akong mabaliw kung hindi lang dahil kay Derek.

May kumatok sa pintuan namin at bumukas ito. Si Key pala.

"Baba na kayo, kakain na tayo," sabi niya at saka ngumiti at pinuntahan si Mary. Nagpanggap akong masama ang pakiramdam kaya hindi na ako bumaba.

May narinig na naman akong isang katok mula sa pintuan.

Binuksan ko iyon at isang halik ang sumalubong sa akin.

"Derek!" gulat kong sabi. Agad niya akong itinulak sa likod ng pintuan at idinikit ang noo niya sa noo ko. "Magdidinner muna ako, Annika. Wag kang maingay," sabi niya sabay halik ulit sa akin.

Natigilan ako sa ginagawa niya. Nababaliw na talaga siya. Papaano niya ako nagagawang halikan ng alam niyang maaaring nasa labas lang ng pinto si Clyde? O si Dale o si Key? Tama nga talaga, siya si Danger. Siya mismo ang panganib.

Patuloy pa din siya sa paghalik sa akin patungo sa leeg ko ng biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko ng dahil sa isang katok mula sa pintuan.

"Annika? Babe?"

Biglang tumigil sa paghalik si Derek ngunit nakadikit pa din ang labi niya sa leeg ko. Ramdam ko ang pagngiti niya at pag angat ng kanyang mukha, yung dimples niya ang sumalubong sa akin.

Binigyan niya ako ng ngiti at saka inayos ang buhok ko at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Ganito magsinungaling, Annika. Makinig ka," sabi niya at saka inialis ako sa likuran ng pinto at binuksan ito na parang walang nangyari.

"O, Clyde!" sabi niya na parang nagulat pa.

Nagtataka naman ang mukha ni Clyde. "Bakit ka nandito sa kwarto ni Annika?"

Nagkibit balikat naman si Derek. Agad na nagtanong si Clyde. "Bakit nakalock ang pintuan?"

Ramdam ko na nanunuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Shit, Derek.

Nagbigay naman ng parang nagulat na mukha na naman si Derek. "Naka lock? Hindi ko alam. Nag uusap lang naman kami ni Annika. Alam mo na, naging close na kasi kami ng panahon na wala ka," sabi niya sabay baling sa akin at binigyan ako ng nakakalokong kindat. "Sige, baba na ako.

At naiwan kami dito ni Clyde.

"Ano'ng meron, Annika?" seryosong tanong niya sa akin.

Kapag hindi mo alam ang gagawin mo, magsinungaling ka lang, Annika.

=================

Katapusan

Walang fb accounts of charaters. Walang twitter. Salamat sa pagbasa! <3

Lesson: Don't always fall for the bad guys because sometimes, they are just... bad.

----beeyotch

Katapusan ay nakapost sa Eydee's Stories (page) sa facebook!

Link: https://www.facebook.com/Eydees.Stories

Sa NOTES!

xx

=================

Book 2 (Batch 2) Details

The book 2 is self-published. Wala sa bookstores and tinatamad na akong magpa print hehehe so ayun =) hope you enjoyed book1Â