21
BANGHAY – ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 4 PANUNURING PAMPANITIKAN UNANG MARKAHAN – IKALAWANG LINGGO I. PAKSA / MGA KASANAYAN / MGA KAGAMITAN Paksa : Pagbasa/Pagsusuri sa Akdang Rehiyunal Sa Teoryang Romantesismo Susuriing Genre : Sanaysay na Hiligaynon Halimbawang Akda : Miliminas : Taong 0069 Salin ni Ruby V. Gamboa- Alcantara Ng “Miliminas : Tuig 0069” Ni Nilo Par Pamonag Mga Kagamitan : Larawan, pahayagan Kasanayang Pampanitikan : Paglalahad ng mga bahaging nagpapakita ng mga hindi kapani-paniwalang pangyayari sa sanaysay Kasanayang Pampag-iisip : Pagpapasya, pagsang- ayon at pagsalungat Halagang Pangkatauhan : II. MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW) A. Natutukoy ang mga batas at ordinansang ipinatutupad sa lipunang Pilipino. 17

HULWARANG BANGHAY – ARALIN SA … Markahan... · Web viewAng dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: HULWARANG BANGHAY – ARALIN SA … Markahan... · Web viewAng dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang

BANGHAY – ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 4PANUNURING PAMPANITIKAN

UNANG MARKAHAN – IKALAWANG LINGGO

I. PAKSA / MGA KASANAYAN / MGA KAGAMITAN

Paksa : Pagbasa/Pagsusuri sa Akdang Rehiyunal Sa Teoryang Romantesismo

Susuriing Genre : Sanaysay na HiligaynonHalimbawang Akda : Miliminas : Taong 0069

Salin ni Ruby V. Gamboa-AlcantaraNg “Miliminas : Tuig 0069”Ni Nilo Par Pamonag

Mga Kagamitan : Larawan, pahayaganKasanayang Pampanitikan : Paglalahad ng mga bahaging

nagpapakita ng mga hindi kapani-paniwalang pangyayari sa sanaysay

Kasanayang Pampag-iisip : Pagpapasya, pagsang-ayon at pagsalungat

Halagang Pangkatauhan :

II. MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW)

A. Natutukoy ang mga batas at ordinansang ipinatutupad sa lipunang Pilipino.

B. Mga Layuning Pampagtalakay

B.1. Pagsusuring Panglinggwistika

Napipili ang mga salitang di-pamilyar sa akda.

B.2. Pagsusuring Pangnilalaman

Natutukoy ang nais sabihin ng akda sa bumabasa.

B. 3. Pagsusuring Pampanitikan

17

Page 2: HULWARANG BANGHAY – ARALIN SA … Markahan... · Web viewAng dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang

Nailalahad ang mga bahaging nagpapakita ng mga hindi kapani-paniwalang pangyayari sa sanaysay.

C. Nasasabi at natataya ang epekto ng akda sa mambabasa.

D. Nakasusulat ng isang editoryal tungkol sa isang malalang suliranin ng pamahalaan.

III. PROSESO NG PAGKATUTO

UNANG ARAW

A. Panimulang Gawain :

Pagganyak : Pagbubuo ng kwento batay sa komik strip/stick figures.

B. Paglalahad :

1. Pangkatang Pag-uugnay (Iuugnay ang akda sa tiyak na gawain).

Pangkat 1 at 2 : Pagtukoy sa mga batas na ipinaiiral sa paaralan.

18

2.

larawan ng taong nakikipag-unahan sa sasakyan

3. MMDA

Larawan ng taong tumatawid sa bawal na tawiran

4

larawan ng taong nakakulong

1. NoJaywalking

Larawan ng taong tumatawid sakalsada

Page 3: HULWARANG BANGHAY – ARALIN SA … Markahan... · Web viewAng dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang

Itala ang mga alintuntuning sinusunod sa paaralan, kung hindi makasunod sa alituntunin, itala ang karampatang parusa.

Maaaring gawin sa paraang PANAYAM o Interview sa Guidance Counselor.

Batas sa Paaralan Kaparusahan Kung Hindi Makasunod

1.Pagsuot ng Uniporme

2.Pagpasok sa Oras

3.Pagliban sa Klase

4. Pag-cutting sa Klase

5.Pagbagsak sa Asignatura

Pangkat 3 at 4 : Paglalahad ng mga Batas ng Diyos.

Pag-uusap at pagtatalo ng mga Batas ng Diyos.

Pagpapaliwanag at pagbibigay ng mga tiyak na halimbawa.

Sampung utos ng Diyos

S

Pangkat 5 at 6 : Pagtatala ng mga pinaiiral na Batas ng Tao.

Isulat din ang kaparusahan kung sumusuway sa batas.

19

1. 2.3.4.5.

6.7.8.910.

Page 4: HULWARANG BANGHAY – ARALIN SA … Markahan... · Web viewAng dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang

Magsadula ng isang tiyak na halimbawa.

Pangkat 7 at 8 : Pagtatala/Pag-uusap ng mga batas sa Kalikasan.

Itala ang lahat ng mga batas sa kalikasan at isulat ang karampatang kaparusahan.

Pag-usapan din ang magiging resulta kung hindi pangangalagaan ang kalikasan.

2. Pagbabahaginan ng kinalabasan ng pag-uusap sa bawat pangkat.

3. Pagkuha ng feedback sa mga nakinig.

C. Pagpapabasa sa akda.

Bawat mag-aaral ay babasa ng isang pangungusap. Kinakailangang sunud-sunod at hindi mapuputol ang ang pagbasa. Lagyan ng angkop na damdamin ang pagbasa. Babasahin ang lahat ang pamagat ng sanaysay.

“MILIMINAS : TAONG 0069” (Sanaysay / Hiligaynon)Salin ni Ruby V. Gamboa-Alcantara mula sa “Miliminas : Tuig

0069” ni Nilo Par. Pamonag

Miliminas, ito ang pangkat ng mga pulo na matatagpuan sa kalagitnaan ng Dagat Pasipiko bago pa nagkaroon ng malaking pagbaha. Ang pangkat na ito ng mga pulo ay binubuo ng higit sa pitong libo at dalawang daang mga pulo.

Ang Miliminas, ito ang tawag sa mga mamamayan ng nasabing kapuluan, ay katulad rin natin ang mga balat at hitsura. Ang kanilang pananalita ay tulad rin sa atin. Ngunit dahilan sa nahuhuli sila sa sibilisasyon may mga pag-uugali sila at pagsasalita na kabila rin sa atin.

Mik ang tawag sa kanilang pera. At ang tawag nila sa isang taong mayroong isang milyon na mik, o sobra pa, ay mikinaryo. Sa pagbibihis, malaki ang pagkakaiba natin sa kanila. Ang kanilang tawag sa pormal na damit para sa mga babae ay ang katumbas sa atin ngayon ng bathing suit at kamiseta at korto para naman sa mga lalaki.

Para mapangalagaan ang kanilang moralidad sa pagbibihis, may batas silang ipinapatupad na hulihin ang sinumang magdaramit ng mahaba pa sa mini-skirt at micro-mini-skirt.

20

Page 5: HULWARANG BANGHAY – ARALIN SA … Markahan... · Web viewAng dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang

Ang upuan sa kanilang mga sasakyan ay nilalagyan ng kiluhan upang masukat ang timbang ng mga pasahero dahil ito ang pagbabatayan ng kanilang pamasahe. Ito ang tinatawag ng kanilang Public Diservice Commission na equality before the kilo.

Tungkol naman sa pamamalakad ng trapiko ay may ordinansa sila na nagpaparusa sa mabagal magpatakbo. Ang kasalanan ng mabagal magpatakbo ay tinatawag na not overspeeding.

Mayroon din silang serbisyo sa tubig na tinatawag na nawasdak. Ang ahensyang ito ay may tatlong uri ng tubo. Ang una ay nilalabasan ng malinis na tubig; ang ikalawa ay nilalabasan ng maruming tubig; at ang ikatlo, walang tubig kundi hangin lamang. Nakapagtataka? Ito ang pag-uuri ng quatwasdak *, ang gripo na may malinis na tubig ay mahal ang bayad, para sa mayaman lamang; ang may maruming tubig, para sa lahat ng marunong magtrabaho o kung mayaman naman, gustong magtrabaho; at ang pangatlo, para sa mga mahirap at ito ay walang bayad.

Mayroon ding nagmomonopolyo ng koryente. Ito ang Patay Electric Company. Tatlo rin ang ang uri ng serbisyo nito sa publiko. Ito ang light service, brown out service at black out service. Ang light service ay magbibigay ng ilaw sa araw at gabi. Ang brown out service ay nagbibigay ng ilaw kung hindi mo kailangan at mawawala kung kailangan mo ng ilaw sa pagkain ng hapunan at pagbabasa kung gabi. Kung gusto mo lang ng pangdekorasyon, ang dapat mong ipakabit ay iyong black out service.

Ang mga sidewalk sa kanilang lungsod ay higit na malalapad kaysa sa atin. Bakit nga ba? Ang dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang siyang umuukupa ng mga kuwartu-kuwarto na kung sa atin ngayon ng mga bazaar sa mga bazaar. At sabihin pa, ang mga may-ari ng mga bazaar ang hinuhuli ng mga pulis sa kanilang pagtitinda sa mga sidewalk.

Ang mga opisyal sa bansa na tumaba habang sila ay nasa serbisyo ay pinapatawan ng sala o akusasyon sa kanilang mga resolution, genuine na mga batas, at iba pa.

Upang mapagkatiwalaan ang mga mataas na opisyal ng bansa, itinatag ang anti-genuine commission para sa paghuli ng mga nagpaparami ng pag-aari o tumatanggap ng mga lagay na genuine, tulad ng genuine na resolutions, genuine na pera, genuine na batas, at iba pa.

Ang pinakamalaking tindahan ay tinatawag na super blackmarket. May pintura itong itim. Dito ipinagbibili ang mga bagay na ngayon ay

21

Page 6: HULWARANG BANGHAY – ARALIN SA … Markahan... · Web viewAng dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang

ipinagbabawal tulad ng blusil na sigarilyo, apyan, mga bagay na ninakaw, at mga ipinagbibiling pekeng bagay. Ang mga genuine na bagay ay ipinagbibili nang patago at tigkakaunti lamang dahil lagging hinuhuli ng mga alagad ng katiwalian ang nagbebenta ng mga ito at kinukumpiska pa ang kanilang mga paninda. Katiwalian ang tawag nila sa kanilang batas, at ang nagpapatupad nito ay tinatawag nilang alagad ng katiwalian.

Ang mga baril ng mga alagad ng katiwalian ay paltik. Dahil sa ang nag-aari ng lisensyadong baril ay hinuhuli at pinapatawan ng salang illegal possession of genuine firearm.

Sa panahong ito ay uso rin ang kickback na kaunti lang ang ikinaiba sa ating tinatawag na kickback ngayon. Ang mga buwaya ng bansa (ito ang tawag sa mga mataas na opisyal sa pamahalaan) ay sinisipa sa likod para sa bawat gatas o milk na tanggaping suhol sa kanyang mga transaksyon. Ang mga buwaya ng bansa ay tumitigil sa pagpapasipa kapag makapal na ang kanilang likod dahil ito ang magiging isang batayan sa pagpili ng isang outstanding buwaya of the year.

Dalawang klase ng batas ang ipinalabas ng kanilang batasan na tinatawag na Circus of Miliminas. Ang isang batas ay para sa mga mayaman at ang isa ay para sa mahirap.

Ang mga alagad ng bansa ay maliit lang ang sweldo pero malaki naman ang kanilang maaaring gastusing representasyon.

Ang mga mamamayan ng Miliminas ay masyadong relihiyoso. Tatlo ang paborito nilang mga santo – ang mik (ang pera mismo), ang buwaya, at si Santasa, isang taong may sungay at buntot katulad ng tinatawag natin ngayong satanas. Ang pinakamalaking kasalanang magagawa ay ang hindi pagpatay, hindi pagtataksil sa asawa at hindi pag-angkin sa yaman ng iba, pagkaawa sa mga mahirap at hindi pagbibigay ng ano mang hingin sa kanila ng mga buwaya ng bansa.

Ang mga malaking transaksyon ng pamahalaan ay pinagkakasunduan sa ilalim ng puno, at tinatawag nila itong shady transactions. Ang iba naman ay binubuo sa ilalim ng mga mesa ng mga opisyal na pamahalaan. Dahil dito ang mga mesa ay matataas para hindi mauntog ang ulo ng mga opisyal kapag sumusuot sila sa ilalim nito.

Ang mga hues de pas natin ngayon ay tinatawag nila na hues de paupas. Parang nakakatawa, ano? Pero iyan ang katotohanan. At isa pang nakakataka, ang ginuguwardyahan ay ang mga walang kasalanan. Bakit ganoon ang pamamalakad ng hustisya rito? Iyan ang batas. At ang balak ay mapili ng hues de paupas kung sinu-sino sa mga mamamayan ang palaaway at eskandaloso at sino ang mababait. Pagkatapos ng bista at bumaba na ang

22

Page 7: HULWARANG BANGHAY – ARALIN SA … Markahan... · Web viewAng dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang

hatol, ibinibilanggo ang mga walang sala upang ihiwalay sa maraming mga nakalalayang masasamang tao. Sabihin pa, malalaki ang bilangguan dito at kumpleto sa mga kasangkapan kaysa sa labas. Ang lahat ng bilanggo ay tinatawag na VIP (Very Important Prisoner).

Kung tungkol sa sistema ng pagpili ng mga opisyal, ibang-iba sa atin. Simula pa ng kampanya magkakaharap ng entablado ng magkakakalaban sa pulitika. Nagbabatuhan ng putik. Sa atin ngayon ang mudslinging ay pasaring lamang sa mga talumpati samantalang sa kanila ay talagang ginagawa. Ang bawat kandidato ay dapat magsinungaling, magmura, mambato ng putik sa kalaban, mangako ng mga hindi matutupad, dahil kung hindi niya ito gagawin ay pawawalan ng bisa ang kanyang kandidatura ng Komisyon ng Kalokohan, ang ahensya na namamahala sa eleksyon. Sa araw ay namimili rin ang tao ng iboboto kahit na ang isinusulat sa balota ay hindi na nila pinag-iisipan. Ang iniisip nila ay ang naipon na bala ng mga kandidato, at mga napatay ng kanilang mga kampon, at may pinakamaraming pera. Ang kanilang ibinoto ay tinatawag na ibinoto sa bala at hindi ibinoto sa balota.

Ang mga pulitiko at ang kanilang mga kampon ay hindi natatakot mapatay at pumatay sa panahon ng kampanya at eleksyon dahilan sa kanilang paniniwalang ito ang magdadala sa kanilang kaluluwa sa impyerno kung saan mabubuhay sila nang maligaya kasama si Santasa, ang kanilang paboritong santo.

Ang eleksyon ay tuwing ikalawang taon. Kung gayon ay masasabi natin na madaling maubos ang mga mamamayan rito kung madali ang patayan sa panahon ng eleksyon. Subalit nababawi rin ito ng imbensyon ng isang bantog na baliw (ito ang tawag nila sa kanilang mga henyo) na nakabuo ng isang tableta na kung iinumin ng mag-asawa ay magkakaanak ang babae ng tinatawag na instant baby, na ipinagbubuntis sa loob lamang ng dalawampu’t apat na oras.

Napakadali ng pagpapalit-palit ng kapangyarihan sa Miliminas. Patuloy din ang pag-iral ng mga bayang kontento na sa klase ng pamamalakad dito na sa ngayong panahon ay masasabing kabaligtaran ng mga pangyayari. Ipinagmamalaki pa ng mga mataas ang katungkulan sa pamahalaan ang pagsasamantala sa kabuhayan ng mga mamamayan. Ang bagong Milimino, ang mga bayaning gumagala sa kapuluan, sila ang magigitng na tumanggap ng mga papuri na maririnig mo sa bibig ng nakaraang administrasyon. At sino ang kanilang pinatutungkulan? Ang pinatutungkulan nila ng mga papuri ay ang mga ismagler, mga namomorsiyento, mga kickback artist, mga mayaman na nang-aapi sa mga mahirap, mga nang-aagaw ng lupa ng may lupa, mga alagad ng katiwalian na nang-aabuso sa mga mamamayan, mga hues de paupas at mga pislak (piskal) na hindi tumitingin sa kislap ng espada ng katarungan, at timbangan

23

Page 8: HULWARANG BANGHAY – ARALIN SA … Markahan... · Web viewAng dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang

ng katotohanan kundi tumitingin sa kalansing ng pilak at timbangan ng malalakas at maykapangyarihan, mga walang ginagawa sa bayan kundi aksayahin ang kaban ng bansa na sa halip na gamitin ang kanilang katungkulan sa pagsisilbi sa publiko ay ginagamit pa ito sa pangangamkam ng yaman.

Ang ilan sa mga alagad ng bayan na sa ngayon ay masasabi nating gumagawa ng mabuti ay nagtatago, nahihiya dahil pinagtatawanan sila ng kanilang mga kasamahan. Hindi lang iyan, kinukutya pa sila, at kung mahuli ng kanilang hepe, ay kinagagalitan pa at inaalis sa trabaho.

May ilang kabataan na malawak ang pag-iisip na tumawag ng isang pulong kung saan ipinaliwanag nila ang kaibhan ng pamamahala na kanilang isinasagawa. Ang kanilang prinsipyo ay humihingi ng isang klase ng pag-uugnayan ng mga namamahala at pinamamahalaan. Noong simula ay tinatawanan lamang sila ng mga pinuno. Ngunit nang lumaon ay dumami na ang dumadalo sa kanilang pulong, bukod pa sa mga mahirap. Ipinagbawal ng pamahalaan ang pagdaraos ng pulong ng grupong ito ng mga kabataan na tinawag nilang dungis ng lipunan.

Ang simpatiya ng mga mahirap ay nakuha ng mga kabataan. At ang pagbabawal sa kalayaan ng mga ito, at nang lumaon ay pagpatay ng ilan sa kanila ang naging dahilan ng pagkagalit ng mga mayaman at ng mga may katungkulan. Sumiklab ang isang rebolusyon na lumaganap sa buong kapauluan ng Miliminas.

Bilang parusa sa kanila ng kanilang diyos na si Santasa, dumating ang isang malaking baha, nagkaroon ng malakas na paglindol hanggang sa pumutok ang isang malaking bulkan sa kailaliman ng dagat sa gitna ng kapuluan na siyang naging dahilan ng paglalaho ng Miliminas sa sanlibutan.

D. Pagbubuod ng sanaysay.

Ibuod ang mga makatotohanang impormasyong binanggit.

IKALAWANG ARAW

PAGSUSURI

24

MILIMINAS

Page 9: HULWARANG BANGHAY – ARALIN SA … Markahan... · Web viewAng dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang

A. Panimulang Gawain :

Pagbasa ng isang kolum ni ATTY. BATAS MAURICIO sa pahayagan. Maririnig dito ang suliranin ng isang tao na humihingi ng payo, halimbawa : Maaaring karapatan ng isang anak sa labas na bigyan ng mana ng kanyang yumaong ama/ina; suliranin tungkol sa pagpaparenta ng bahay. Ang suliranin ay bibigyan tugon sa pamamagitan ng batas na ipaliliwanag ni Atty. Mauricio.

Tanong : Tungkol saan ang inyong narinig?

B. Pangkatang Pagsusuri

Pangkat 1 at 2 : Pagsusuring Panglingwistika

Piliin ang mga salitang di-pamilyar sa loob ng sanaysay at ipaliwanag o bigyan ng kahulugan. (Maaaring gawin itong palaro).

Pangkat 3 at 4 : Pagsusuring Pangnilalaman

Pagtukoy sa nais sabihin ng akda sa bumabasa.

25

AMIK

MICRO-MINI SKIRT

NAWASDAK

SUPER BLACKMARKET

KICKBACK

CIRCUS OF MILIMINAS

B

SERBISYO SA TUBIG

PINAMALAKING TINDAHAN

PERA

LAGPAS-TUHOD NA PALDA

KITANG PAUMITBATAS

SOBRANG IKSING PALDA

Page 10: HULWARANG BANGHAY – ARALIN SA … Markahan... · Web viewAng dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang

Pag-uusap, kung ano ang gustong ipahatid ng sanaysay sa inyo?

Kunin ang lahat ng opinyon sa pangkat.

Umisip ng paraan kung paano ito maiuulat ng maganda (Maaring gawing AMBUSH INTERVIEW).

Pangkat 5 at 6 : Pagsusuring Pampanitikan

Paglalahad ng mga bahaging nagpapakita ng mga hindi kapani-paniwalang pangyayari.

Sipiin ang mga bahaging sa palagay mo ay taliwas o kakaiba sa karaniwan.

Itala ito, pag-usapan kung sinasang-ayunan o hindi ang mga ito.

Maaaring gawin sa pamaraang MEL & JAY o anumang TALK SHOW na palabas sa telebisyon.

C. Pagbabahaginan ng pangkatang pag-uusap.

D. Pagbibigay ng feedback ng mga nakinig.

E. Pagbibigay ng karagdagang feedback ng guro.

F. Pagbubuo ng sintesis ng napag-usapang paksa.

Pag-ugnay-ugnayin ang mga salita upang makabuo ng kaisipan.

26

maayos maganda

lipunan

Page 11: HULWARANG BANGHAY – ARALIN SA … Markahan... · Web viewAng dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang

IV. EVALWASYON

IKATLONG ARAW

A. Panimulang Gawain :

Pagbasa ng Ang Luwaran : Kodigo ng Batas ng Maguindanao

ANG LUWARAN : KODIGO NG MAGUINDANAO

“Sa ngalan ng Diyos na Mahabagin, purihin siya na nagbigay ng tiwala at relihiyong Islam. Sumapit nawa ang pagkasi kay Mohammed at sa mga taong kanyang tagasunod.”

Ang mga sumusunod na artikulo ay kinuha sa Minjah … at isinalin sa Java (Malay), dialekto ng Mindanaw, lupa ng kapayapaan.

Artikulo I – Kung may dalawang taong hindi magkasundo kung sino ang dapat magmay-ari ng isang bagay, ang kasalukuyang naghahawak ang may karapatan kung siya’y susumpa. Kung kapwa naghahawak at kapwa susumpa, paghahatiin ang bagay na inaari.

Artikulo II – Kung humiram ng isang bagay at ito’y nawala, dapat bayaran o palitan ng katulad ng hiniram. Ganito rin ang ninakaw.

Artikulo III – Kung ang palakol, halimbawa, ay hiniram at nasira sa paggamit at hindi sa kapabayaan, hindi pababayaran o papalitan ngunit kung ito’y ibinitin sa kawayan at nawala, nangangahulugang kapabayaan, kaya dapat pagbayaran o palitan.

27

mamamayan

batas

sinusunod

Page 12: HULWARANG BANGHAY – ARALIN SA … Markahan... · Web viewAng dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang

Artikulo IV – Kung ang utang ay hindi binayaran at wala namang testigo, kung susumpa ang inutangan, ang utang ay masisingil kahit tumanggi ang umutang ngunit kung hindi susumpa ang utang ay maaaring tanggihan.

Artikulo V – Kung ang isang bagay na inihabilin ay kinukuha ng may-ari at ang pinaghabilinan ay tumatanggi at sinabing nakuha na o di kaya’y nawala, na wala namang makatestigo, ang sinabi ng pinagbilinan ay paniniwalaan kung kanyang patitibayan ng kanyang sumpa.

Artikulo VI – Kung may isang taong nawalan ng isang bagay at ito’y nakita na inangkin ng iba, ang nakapulot ay tumatanggi pagkat ito raw ay kanya, ngunit may testigong nagpapatotoong ito’y napulot lamang, ang nakapulot ng bagay ay magbabayad ng isa o dalawang kuspidor o dili kaya’y dapat isauli ang bagay.

Artikulo VII – tungkol sa pagkamkam ng isang ari-arian.

Arikulo VIII – tungkol sa pagpunta sa bahay ng may bahay kung wala ang nagmamay-ari.

Artikulo IX – tungkol sa paggahasa sa puri ng isang babae.

Tungkol saan ang inyong binasa?

B. Pangkatang Pagsusuri

Pangkat 1 at 2 : Pagpapakita ng Pakikisangkot

Pagpapahayag ng sariling panlasa sa akda.

Pagsagot sa mga sumusunod na tanong : (Sa iyong sariling panlasa).

Maganda ba / Hindi ang sanaysay?

Makatotohanan ba / Hindi makatotohanan?

Makabuluhan ba / Hindi makabuluhan?

Itala rin ang mga dahilan kung bakit naibigan/hindi naibigan ang sanaysay.

I. Mga Dahilan Kung Bakit Naibigan ang Sanaysay

28

Page 13: HULWARANG BANGHAY – ARALIN SA … Markahan... · Web viewAng dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang

II. Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Naibigan ang Sanaysay

Pangkat 3 at 4 : Pagpapakita ng Paghahambing

Paghambingin ang MILIMINAS (Hiligaynon sa LUWARAN : Kodigo ng Batas ng Maguindanao) / Batas na sinusunod sa ating bansa.

Pansinin ang pagkakaiba ng dalawang batas.

Paghahambing ng Batas sa Hiligaynon at Maguindanao.

Pagkakatulad Pagkakaiba

Pangkat 5 at 6 : Pagsasagawa ng Pagtataya

Pagtataya sa bisa ng akda batay sa simulating Literatura et Dulce et Utile o ang Panitikan ay Dapat Magturo at Magbigay ng Aliw (Horatio).

Matapos basahin ang sanaysay, NALAMAN KO:1.

29

Page 14: HULWARANG BANGHAY – ARALIN SA … Markahan... · Web viewAng dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang

2.3.4.5.Nasiyahan at naaliw ako, matapos basahin ang akda sa mga dahilang:1.2.3.4.5.

C. Pagbabahaginan ng pangkatang napag-usapan.

D. Pagbibigay ng feedback ng mga nakinig.

E. Pagbibigay ng karagdagang feedback ng guro.

F. Pagbubuo ng sintesis ng napag-usapang paksa.

Anu-ano ang mga kaisipang nabuo matapos ang talakayan?

V. PAGPAPALAWAK NG KARANASAN

IKAAPAT NA ARAW

A. Panimulang Gawain :

Magkaroon ng maikling pagtatalo/debate MARENG WINNIE at OSCAR ORBOS – Dapat ba o Hindi Dapat Pairalin ang Kamay na Bakal sa Pagpapatupad ng Batas? (Maikli lamang).

30

Central Concept

Page 15: HULWARANG BANGHAY – ARALIN SA … Markahan... · Web viewAng dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang

B. Pagpapasulat ng isang editoryal na sumusunod sa mga pamantayan :

Tumatalakay sa mahalagang isyu na inilahad sa akdang simula.

May magandang simula.

May makabuluhang presentasyon ng mga datos.

Makabuluhang wakas.

Tatlong talataan (5 pangungusap bawat talata)

C. Pagpapabasa ng ilang nasimulan.

D. Pagkuha ng feedback ng mga mag-aaral.

E. Pagbibigay ng karagdagang feedback sa narinig.

F. Pagpapatuloy ng pagsulat bilang gawaing-bahay.

V. PAGPAPAHALAGA SA ISINULAT

IKALIMANG ARAW

A. Panimulang Gawain :

Pagbasa ng isang editorial sa isang malalang suliranin ng pamahalaan – drug addiction, traffic, rape….

B. Pagpapalitan ng kuru-kuro tungkol sa binasang editoryal.

C. Pagbasa nang tahimik sa isinulat na editoryal.

D. Pagkuha ng kapareha, magpapalitan at ipabasa ang edtoryal.

E. Pagbibigay ng puna ng kapareha.

F. Pagbasa nang malakas ng isang editoryal.

G. Pagbibigay ng feedback ng mga nakinig.

H. Pagbibigay ng guro ng karagdagang feedback.

31

Page 16: HULWARANG BANGHAY – ARALIN SA … Markahan... · Web viewAng dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang

I. Pagbibigay ng guro ng faynal input tungkol sa paksang pinag-aralan.

32