10
1 Mga Idyomatikong Pahayag: Paano Sasabihin sa Ibang Wika? Aurora E. Batnag, Ph.D. Hit the sack - hatawin ang sako? O matulog? Kick the bucket - sipain ang balde? O mamatay? To a man - sa isang lalaki? O parang iisang tao? She has a tongue - May dila siya? O bungangera siya? o PAREHO? Panimula Tinatawag na idyoma ang natatanging gamit ng ilang partikular na kombinasyon ng mga salita sa isang wika, mga kombinasyon ng mga salitang mayroon nang kahulugang iba sa indibidwal na mga salitang bumubuo rito. Nabubuo ang mga idyoma ng isang wika sa loob ng mahabang panahon, nagpapasalin-saling pasalita hanggang maging matatag sa dila ng bayan, sa paraang hindi na malaman ngayon kung bakit at paano. At dahil nga hindi madaling ipaliwanag ang mga idyoma, sinabi nina Almario et al, sa kanilang Patnubay sa Pagsasalin, na “ang mga idyoma ay parang patibong; nakatago ang panganib, hindi lantad,” at maaaring nabitag ka na ng patibong bago mo pa man mamalayan ang panganib na napasukan mo. Ano itong bitag na ito? Kung ikaw ay nagsasalin ng alin mang teksto mula sa isang wika tungo sa ibang wika, maaaring magkamali ka ng pagpapakahulugan sa mga idyoma at kung gayon ay masisira ang iyong salin. Kung patibong ang mga idyoma sa isang human translator, paano na kaya kung machine translator ang magsasagawa ng pagtutumbas? Dahil partikular sa isang wika ang mga idyomatikong pahayag, paano ito sasabihin sa ibang wika? Para sa papel na ito, gagamiting nagkakapalitan ang idyomatikong pahayag at

idyomatiko

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: idyomatiko

1Mga Idyomatikong Pahayag: Paano Sasabihin sa Ibang Wika?Aurora E. Batnag, Ph.D.Hit the sack - hatawin ang sako? O matulog?Kick the bucket - sipain ang balde? O mamatay?To a man - sa isang lalaki? O parang iisang tao?She has a tongue - May dila siya? O bungangera siya?o PAREHO?PanimulaTinatawag na idyoma ang natatanging gamit ng ilang partikular na kombinasyonng mga salita sa isang wika, mga kombinasyon ng mga salitang mayroon nangkahulugang iba sa indibidwal na mga salitang bumubuo rito. Nabubuo ang mga idyomang isang wika sa loob ng mahabang panahon, nagpapasalin-saling pasalita hanggangmaging matatag sa dila ng bayan, sa paraang hindi na malaman ngayon kung bakit atpaano.At dahil nga hindi madaling ipaliwanag ang mga idyoma, sinabi nina Almario etal, sa kanilang Patnubay sa Pagsasalin, na “ang mga idyoma ay parang patibong;nakatago ang panganib, hindi lantad,” at maaaring nabitag ka na ng patibong bago mo paman mamalayan ang panganib na napasukan mo.Ano itong bitag na ito? Kung ikaw ay nagsasalin ng alin mang teksto mula saisang wika tungo sa ibang wika, maaaring magkamali ka ng pagpapakahulugan sa mgaidyoma at kung gayon ay masisira ang iyong salin.Kung patibong ang mga idyoma sa isang human translator, paano na kaya kungmachine translator ang magsasagawa ng pagtutumbas? Dahil partikular sa isang wika angmga idyomatikong pahayag, paano ito sasabihin sa ibang wika?Para sa papel na ito, gagamiting nagkakapalitan ang idyomatikong pahayag atidyoma.Mga katangian ng idyomatikong pahayagSinasabing idyomatiko sa isang partikular na wika ang isang pahayag kungnatural ang daloy at katanggap-tanggap ang kawastuang gramatikal para sa isang taal nanagsasalita ng wikang pinag-uusapan. Ginagamit ang mga idyomatikong pahayag sa

Page 2: idyomatiko

pang-araw-araw na komunikasyon, pasalita man o pasulat – mula sa mga tsikahanhanggang sa diyaryo, radyo, telebisyon, akademikong talakayan, siyentipikongpaglalahad, maging sa mga nobela, kuwento, tula at iba pang anyong pampanitikan.Karaniwang maikli, matipid, at naglalarawan, ang idyomatikong pahayag ay naghahatid2ng higit na sigla at buhay sa talastasan. Maaaring sabihin sa ibang paraan ang mgapahayag na ito, ngunit mawawala ang puwersa at kulay.Mahirap nang ipaliwanag sa ngayon kung paano nabuo at bakit ang ganitong mgapahayag basta’t iyon na ang ayos ng mga salita at may tiyak nang kahulugan batay saganitong pagkakaayos. Hindi rin basta mapapalitan ang mga salitang bumubuo sa mgatiyak na kombinasyon ng mga salitang tinatawag na idyoma.Halimbawa, sinasabi nating naked eye, pero hindi maaaring palitan ang eye ngnose – walang ganitong pahayag: naked nose. Mayroon ding small hours pero walanamang big hours o small minutes. Sa Filipino, may sinasabi tayong “walang masamangtinapay,” pero wala namang “walang masamang kanin” o “walang masamang ulam.”Samakatwid, hindi maaaring palitan ng singkahulugan ang isang salita sa idyomatikongpahayag dahil iba nang pahayag ang mabubuo na di nagtataglay ng bisa ng orihinal.Masasalamin ang kultura at ang pananaw sa daigdig ng mga taong gumagamit ngmga idyomatikong pahayag. Halimbawa, para sa isang nagsasalita ng Ingles, kahawigsiguro ng tenga ang mais, kaya ear of corn ang tawag nila sa bagay na mais para sa mgaPilipino. Para rin sa kanila, parang mata ang butas ng karayom kaya eye of the needle angtawag nila pero simpleng butas ng karayom lamang ito para sa mga Filipino.Gayon din, may mga bagay naman na para sa ating mga Pilipino ay maiuugnay sabahagi ng katawan, tulad ng pisngi ng langit at pusod ng karagatan na hindi naman cheekof the skies o navel of the sea ang katapat sa Ingles kundi skies at bottom of the sea.

Page 3: idyomatiko

Makikita sa ganitong mga halimbawa na bawat grupo ng mga tao ay may kanikanyangparaan ng pagpapahayag gamit ang wika. Kaya narito ang hamon kung paanoihahanap ng katumbas sa ibang wika ang mga pahayag na ito.2 uri ng idyomaMay dalawang uri ang idyoma o idyomatikong pahayag: idyomang parirala atekspresyong idyomatiko.Ang idyomang parirala ay maaaring (1) kombinasyong pangngalan at pang-uri(halimbawa, red tape), (2) pariralang pangngalan (hal. apple of discord), at (3) pandiwa atpang-ukol (hal. call up, call out, call off, atb.)Dalawa ang paraan ng pagtutumbas nito:a. Ihanap ng katapat na idyomaHalimbawa: cold feet urong ang buntotthe next world kabilang buhayfishwives’ tales balitang kutserob. Ibigay ang kahuluganHalimbawa: light-fingered person mangungumit3laconic speech matipid na pananalitaMay mga pagkakataon na nagkakahawig ang mga idyoma ng dalawang wika.Ngunit mag-ingat: maaaring hindi magkatapat ang mga ito:Halimbawa: light-fingered person hindi: magaan ang kamaysitting duck hindi: kakaning itikMabigat na suliranin para sa mga tagasaling Pilipino ang mga pariralang pandiwaat pang-ukol, o ang tinatawag na prepositional phrases. Sa Filipino, naiiba ang kahuluganng isang salitang ugat depende sa panlaping ikinakabit dito.Halimbawa: magbili to sellbumili to buySamantala, sa Ingles naman ay nagbabago ang kahulugan ng isang pandiwa dahilsa kasunod nitong preposition.Halimbawa: call tawagancall up tawagan sa teleponocall off kanselahin ang nakaiskedyul namiting, atb.Tinutumbasan ang buong parirala upang makuha ang tunay na kahulugan nito athindi pinaghihiwalay ang dalawang salita. Kaya, ang buong pariralang loof after aynangangahulugang “alagaan,” hindi “tingnan (look) pagkatapos (after).”

Page 4: idyomatiko

Hindi malinaw kung bakit may mga pandiwang may kabuntot na preposition atmayroon namang wala, kahit pa magkatulad ang pinagmulan. Halimbawa: ang abstain aymula sa Latin, abs at teneo; ang contain ay mula rin sa Latin, con at teneo. Ngunit angabstain ay may preposition: abstain from, samantalang ang contain ay wala.Halimbawa:Abstain from eating meat during holidays of obligation.This book contains information I need.Kapag ipinahayag na sa Filipino ang mensahe ng pangungusap na Ingles, ganitoang magiging katumbas:Umiwas sa pagkain ng karne … (hindi: mula sa pagkain ng karne…)Samakatwid, ang idyomatiko sa Ingles ay maaaring di na idyomatiko sa Filipino,o di na natural ang daloy, kapag ang ginawa ay tapatang salin o salita-sa-salitangpagtutumbas. May mga pagkakataon na ang preposition ay di kailangang tapatan ngpang-ukol sa Filipino.Iba pang mga halimbawa kaugnay ng mga preposition:between: War rages between Iran and Iraq.Nagdidigmaan ang Iran at Iraq. (hindi: sa pagitan4ng Iran at Iraq)This is just between you and me.Atin-atin na lang ito. (hindi: sa pagitan mo at sa akin)as: She works as a domestic helper in Singapore.Naglilingkod siyang katulong sa Singapore. (hindi: bilangkatulong)As a child, I was a voracious reader.Noong bata pa ako, napakahilig kong magbasa. (hindi: bilangisang bata)against:The waves dash against the shore.Humampas ang mga alon sa pampang. (hindi: kontra sa pampang)Ang ekspresyong idyomatiko ay maaaring parirala rin o buong pangungusap naibang-iba na ang kahulugang ipinapahayag kaysa sa mga salitang bumubuo rito.Balikan natin ang mga halimbawang naibigay na: kick the bucket, hit the sack, toa man, she has a tongue.Maaaring magkaroon ng dalawang kahulugan ang ganitong mga ekspresyon:literal o idyomatiko, depende sa konteksto.

Page 5: idyomatiko

Halimbawa:He was so angry he kicked the bucket and the water spilled to the floor. (sinipaang balde)He was so angry he had a cardiac arrest and kicked the bucket. (namatay)He was so tired he hit the sack right away. (natulog)He was so angry he hit the sack containing potatoes.(hinataw ang sako)The child gave the book to a man. (sa isang lalaki)The entire barangay supported Fr. Ed to a man. (parang iisang tao)Paano isinasalin ang ganitong mga ekspresyong idyomatiko? Tandaan namaaaring mayroon itong kahulugang literal kaya suriing mabuti ang konteksto bagotumbasan.Kung minsan, ang ekspresyong idyomatiko sa Ingles ay may literal na katapat saFilipino:snake in the grass ahas sa damo/damuhanover my dead body sa ibabaw ng aking bangkay5Tatlong paraan ng pagtutumbas:1. Ihanap ng katapat na idyomadressed to kill nakapamburolstill wet behind the ears may gatas pa sa mga labitill hell freezes over pagputi ng uwak2. Ibigay ang kahuluganleft-handed compliment pambobolajailbird madalas makulong/labas-masok sa kulungan3. Tumbasan ang kahulugan sa paraang idyomatikostarve to death mamatay ng gutom(hindi: nagutom hanggang mamatay)hacked to death napatay sa taga(hindi: tinaga hanggang mamatay)lying in a pool of blood naliligo sa sariling dugo(hindi: nakahiga sa lawa ng dugo)KongklusyonPaano sasabihin sa ibang wika ang mga idyomatikong pahayag? Hindi itomadaling trabaho at tiyak na susubok sa tiyaga at pagkamalikhain ng sino mangmagtatangka. Kung problema ito ng human translator, paano makagagawa ng programasa computer upang matumbasan ng idyomatiko ring pahayag sa tunguhang lenggwahe(target language) ang idyomatikong pahayag sa simulaang lenggwahe (source language).Maaaring gumawa ng isang mahabang listahan ng mga idyomang parirala, ngunit higit na

Page 6: idyomatiko

komplikado ang pagtutumbas ng mga ekspresyong idyomatiko dahil napakaramingposibleng kontekstong katatagpuan sa mga ito. Tunay ngang patibong ang mga idyoma.Ngunit sana’y dumating ang panahon na magawa ng computer na mabisang matumbasanang mga ito.6Mga SanggunianAlmario, Virgilio S. et al. 1996. Patnubay sa Pagsasalin. Maynila: National Commissionfor Culture and the Arts.McMordie, W. 1974. English Idioms and How to Use Them. Rev. by R. C. Goffin. HongKong: Oxford University Press.Santiago, Alfonso O. 1994. Sining ng Pagsasaling-wika. (Rev. ed.) Quezon City: RexPrinting Co.Karagdagan: Iba pang mga halimbawa1. magkatulad sa dalawang wikafoot of the mountain paanan ng bundokfoot of the table paa ng mesasand castle kastilyong buhanginarm of the law bisig ng batassnake in the grass ahas sa damo/damuhanstreet children batang kalyeright hand man kanang kamayold maid matandang dalagairon fist kamay na bakalflesh and blood dugo at lamanask for a woman’s hand in marriagehingin ang kamay para magpakasalsick bed banig ng karamdaman2. katumbas na idyomadressed to kill nakapamburolfishwives tales balitang kutserostill wet behind the ears may gatas pa sa mga labiturncoat balimbingbirds of the same feather kabarobleed one white huthutan/gatasan/sipsipan ng dugoman in the street karaniwang taogoing post-haste mabilis pa sa alas kuwatroat a snail’s pace parang pagong , usad-pagongfight to the death hanggang sa huling patak ng dugobeaten black and blue mata lang ang walang latay/bugbog-saradospic and span di madapuang langaw

Page 7: idyomatiko

small fry pipitsugin, walang sinabi7towering passion umuusok ang bumbunansmall hours madaling-arawwild goose chase suntok sa buwannot worth his salt walang binatbat, walang sinabismall talk siyete, tsikahan3. bigyan ng kahuluganlight-fingered person mangungumitlight sleeper mababaw ang tulogheavy sleeper mahimbing matulog/ang tulogjailbird madalas makulonglaconic speech matipid na pananalitapoint blank deretsahanqueer fish kakatwa/naiibared letter day masuwerteng arawleft-handed compliment pambobolaraining cats and dogs napakalakas ng ulanescaped with the skin of nakaligtas na buhay na lang ang natiraone’s teethAlpha and Omega simula at wakasforty winks pag-idlipgreat unwashed masa (karaniwang tao)green-eyed monster selosgreen grocer maggugulaygreenhorn bagito, bagetsScylla and Charybdis sala sa init, sala sa lamig (?)bread and butter ikinabubuhayshooting pain biglang kirotstone deaf binging-bingiladies’ man palikero, pablingswan song pamamaalamapple of the eye paboritoapple of discord pinag-aawayanbaker’s dozen labintatloround dozen eksaktong 12make faces sumimangotbury the hatchet makipagkasundo sa kaawaylion’s share mas malaking kapartePandiwa at pang-ukolcall tawagincall up tawagan sa teleponocall off kanselahin ang nakaiskedyul8call back tawagan ang isang tumawag sa teleponorun after habulin

Page 8: idyomatiko

run away tumakasrun away with itakborun out maubusanrun over masagasaanrun down masirarun into masalubonglook about magpalinga-lingaloof after alagaanlook at tingnanlook away ibaling ang tinginlook back lumingonlook down on hamakinlook out magbantaylook up tumingala, tingalain*Short bionoteTranslator, editor and writer, Aurora E. Batnag has a doctorate in linguistics fromthe Philippine Normal University, a master’s degree in English literature from theManuel L. Quezon University, and a certificate in translation from the RegionalLanguage Centre in Singapore. She teaches part-time at PNU and DLSU, handlingtranslation and linguistics courses. She has translated into Filipino a number of literarymaterials (one of which is Alice in Wonderland), has received awards for her stories forchildren, and has co-authored several series of high school textbooks in Filipino. She wasDirector III of the Komisyon sa Wikang Filipino. She chairs the Samahan ng mgaTagasalin (SALIN) and is vice president of the Pambansang Samahan sa LinggwistkangFilipino (PSLF).