9
Aralin 21 Ang Ikatlong Republika Ang Pilipinas bilang Malayang Bansa Inihanda ni: Arnel O. Rivera Panunungkulan ni Manuel A. Roxas

Q3 lesson 21 ikatlong republika

Embed Size (px)

Citation preview

Aralin 21

Ang Ikatlong RepublikaAng Pilipinas bilang Malayang Bansa

Inihanda ni: Arnel O. Rivera

Panunungkulan ni

Manuel A. Roxas

Paglaya ng Pilipinas• Matapos ang mahigit 48

taong panunungkulan, ipinahayag ng mga Amerikano ang kasarinlan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946. Naging isang ganap na estado ang Pilipinas. Nanumpa bilang unang pangulo si Manuel A. Roxas.

Talambuhay ni Manuel A. Roxas

• Pagsilang: Enero 1, 1892 sa Capiz (Roxas City)• Magulang: Gerardo Sr. at Rosario Acuña• Edukasyon: Unibersidad ng Pilipinas (Law)• Asawa: Trinidad De Leon• Anak: Ruby at Gerardo Jr.• Kamatayan: Abril 16, 1946 sa Clark Air Base,

Pampangga dahil sa sakit sa puso

Panunungkulang Pampubliko

• Konsehal, Bayan ng Capiz• Gobernador, Lalawigan ng

Capiz• Kinatawan at Ispiker ng

Mababang Kapulungan• Miyembro, OSROX Mission

1931-1933• Founding Chairman, Liberal

Party• Delegado ng 1935

Constitutional Convention

Suliraning Kinaharap ni Pang. Roxas

• Pag-angat sa lugmok na ekonomiya ng bansa dahil sa digmaan.

• Pagpapanatili sa pambansang katahimikan dahil sa mga HUK.

• Paglutas sa isyu ng kolaborasyon.

Philippine Trade Act (Bell Trade Act, Parity Rights)

• Layunin nitong maibangon ang bagsak na ekonomiya ng bansa.

• Ito ay nagkaloob sa mga Amerikanong negosyante ng pantay na karapatang gamitin at makinabang sa mga likas na yaman ng Pilipinas.

Amnestiya sa mga Collaborators

• Nagpalabas si Pang. Roxas ng isang proklamasyon na nagpapatawad sa mga political collaborators. Sila ang mga nanungkulan sa Ikalawang Republika dahil inihabilin ito ni Quezon.

Suliraning Pangkatahimikan• Ang mga HUKBALAHAP (HUK) ay isang

pangkat ng gerilya na lumaban sa mga Hapon noong panahon ng digmaan. Nag-umpisa ang gulo nang hindi sila kilalanin ng mga Amerikano sa kanilang ginawa at wala silang tinanggap na backpay. Pinaratangan pa sila bilang mga Komunista. Dahil dito, ipinahayag nila ang pagtutol sa pamahalaan.

Pagkamatay ni Pang. Roxas

• Matapos magbigay ng isang talumpati sa Clark Air Base, isinugod sa hospital si Pang. Roxas dahil sa pananakip ng dibdib. Binawian siya ng buhay noong Abril 15, 1948 sa edad na 56. Humalili sa kanya bilang pangulo si Elpidio Quirino.