19
Ano ang Ano ang STI STI ? ? ANG Sexually Transmitted Infection o STI ay iba’t ibang uri ng impeksyon na nakukuha sa pakikipagtalik ng walang proteksyon Sino ang Maaring magkaroon ng STI? Babae Lalaki *mas madaling mahawahan ng impeksyon ang mga kababaihan. Mas malala rin ang mga komplikasyon sa babaelalo na sa panahon ng pagbubuntis bago at pagkatapos manganak na maaaring ikamatay ng sanggol Ang mga susunod na pahina ay magbibigay linaw tungkol sa iba’t ibang uri ng sakit na nakukuha sa pakikipagtalik.

Improved STD Protection

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Presentation on Improved STD Protection (PPT)

Citation preview

Page 1: Improved STD Protection

Ano ang Ano ang STI STI ??ANG Sexually Transmitted Infection o STI ay iba’t ibang uri ng impeksyon na nakukuha sa

pakikipagtalik ng walang proteksyonSino ang Maaring magkaroon ng STI?

• Babae • Lalaki

*mas madaling mahawahan ng impeksyon ang mga kababaihan. Mas malala rin ang mga komplikasyon sa babaelalo na sa panahon ng

pagbubuntis bago at pagkatapos manganak na maaaring ikamatay ng sanggol

Ang mga susunod na pahina ay magbibigay linaw tungkol sa iba’t ibang uri ng sakit na nakukuha sa

pakikipagtalik.

Page 2: Improved STD Protection

CHLAMYDIACHLAMYDIAAng Chlamydia ay isang bacterial

infection na lumalabas mula 7-

21 na araw matapos

mahawahan at kalimitang walang sintomas lalo na sa

kalalakihan. MGA SINTOMAS

Sa babae, malapot at walang kulay na likido ang lumalabas sa ari Madalas at mahapdi na pag-ihi Mabaho ang amoy Lagnat; abnormal na pagreregla

MGA KOMPLIKASYON

· Sa babae, Pelvic Inflammatory Disease (PID), ectopic pregnancy, pagdurugo matapos makipagtalik, abnormal na pagreregla, rayuma at pagkabaog

· Sa lalaki, pamamaga ng bayag, pagkabaog, rayuma, pamamaga ng mata (conjuctivitis) kung ang mikroblyo nito ay naipahatid dito, pharyngitis o tulo sa lalamunan

Page 3: Improved STD Protection

GONORRHEAGONORRHEA Ang mga sintomas ng

Gonorrhea ay lumalabas mula 3-9 na araw

matapos mahawahan. Ito’y isang bacterial infection na kung tawagin ay tulo.

MGA SINTOMAS Sa babae at lalaki may malapot, mabaho, madilaw at puting nana ang lumalabas sa ari. ·Madalas at mahapdi na pag-ihi Lagnat; abnormal na pagreregla Pangangati ng ari o puwitan Pamamaga at pananakit ng mata

MGA KOMPLIKASYONPelvic Inflammatory Disease o PID (pamamaga ng mga tissue sa paligid ng bahay-bata). Ito ang nagiging dahilan ng pagbubuntis sa labas ng matris at matinding kirot sa paligid ng puwerta at pagkabaog. Sa lalaki, pamamaga ng bayag, rayuma at pagkabaog.

Page 4: Improved STD Protection

TRICHOMONIASISTRICHOMONIASIS Ang Trichomoniasis ay

isang protozoal infection na lumalabas mula 2-4

na araw matapos mahawahan. Ito rin ay tinatawag na tulo. Ang pagkakaiba nito ay ang uri o tawag sa mikrobyo

na kung tawagin ay Trichomonas Vaginalis.

MGA SINTOMAS Sa babae, madilaw, maberde, makatas, mabula at mabaho ang lumalabas sa ari Madalas at mahapdi ang pag-ihi Matinding pangangati sa paligid ng ari o puwitan sanhi ng parasite Abnormal na pagdurugo

MGA KOMPLIKASYON

Pelvic Inflammatory Disease (PID) Scrotal swelling Opthalmitis (pamamaga ng mata) sa mga sanggol na nahawaan

Page 5: Improved STD Protection

SYPHILISSYPHILISAng Syphilis ay isang kumplikadong sakit na na may tatlong yugto at may kani-

kanyang sintomas at iba’t ibang komplikasyon. Ito ay sanhi ng Treponema Pallidium bacteria.

UNANG YUGTO - lumalabas mula 3-6 na lingo matapos na mahawahan; pagtubo ng malaking singaw (Chanre) sa bibig o sa ari na hindi makati at masakit. Kusang nawawala ang singaw pero ang bakterya ay patuloy sa pagkalat patungo sa ikalawang yugto na tumatagal ng isang buwan. Nakakahawa pa rin ito kahit walang sintomas.

Page 6: Improved STD Protection

IKALAWANG YUGTO - lumalabas matapos ang unang yugto; pantal-pantal sa buong katawan na parang tigdas na matigas at kumakalat maging sa palad at talampakan, sugat sa bibig, pamamaga ng lalamunan, sakit ng ulo, pamamaga ng kulani, panghihina, lagnat, pananakit ng kalamnan, patse-patseng pagkakalbo.

Page 7: Improved STD Protection

IKATLONG YUGTO - Sa yugtong ito, lahat ng sintomas ay maaaring lumabas at maramdaman simula 10-30 na taon matapos ang latency period.• Ang ilan sa mga sintomas ay malalim na sugat sa iba’t ibang parte ng katawan, pagbagsak ng ilong. • Ilan sa mga komplikasyon ay pagkabulag, pagkabingi, pagkalumpo at nagsusungki ang mga ngipin, sakit sa buto, anemia, sakit sa puso at utak. • Ito ang pinaka-delikadong yugto na maaaring ikamatay at mahirap na itong magamot.

Page 8: Improved STD Protection

HERPESHERPES

Ang Herpes Simplex Virus ay isang viral infection na lumalabas 2-7 na araw matapos mahawahan.

MGA SINTOMASLagnat; kumpul-kumpol na paltos na parang bulutong tubigSa babae, pangangati/pananakit ng paltos sa loob at labas ng ariMahapdi ang paltos kung umiihiMasakit ang ari kung nakikipagtalikMakakaranas ng pananakit ng hita, binti at pusonPagkakaroon ng mga sugat sa bukana ng ari at puwitan

MGA KOMPLIKASYONKanser sa leeg-leegan ng matris (cervix), pagkabulag, pagkasira ng ulo, pagkabaog, maaaring mahawa at mamatay ang sanggol sa sinapupunan, Pelvic Inflammatory Disease (PID)

Page 9: Improved STD Protection

GENITAL WARTS GENITAL WARTS

Ang Genital Warts ay lumalabas mula 6-12 buwan matapos mahawahan. Ito’y isang viral infection na Human Papilloma Virus (HPVs). Kilala rin ito sa

tawag na Condylomata Acuminata.

MGA SINTOMAS

•·Pangangati kung saan may kulugo na matatagpuan sa loob at labas ng ari

•·Maliliit na butlig sa simula, lumalaki na parang cauliflower habang tumatagal

MGA KOMPLIKASYON

• Kanser sa leeg ng matris

• Kanser sa puwit

• Pagdami at paglaki ng mga butlig

Page 10: Improved STD Protection

PUBIC LICE PUBIC LICE Ang Pubic Lice ay skin

parasites (3 mm ang sukat) na kilala sa tawag na Pediculos

Pubis. Maaaring mabuhay ang kuto sa loob ng 24 na oras sa

labas ng katawan

MGA SINTOMAS

Matinding pangangati sa paligid ng ari lalo na sa gabiMaliliit na sugat sa labas ng ari May mapuputing itlog sa ariTuldok-tuldok na mantsa ng dugo sa panty o brief

MGA KOMPLIKASYON

Mga sugat na maaaring pasukan ng impeksyon, iritasyon, insomnia, depresyon at sinat.

Page 11: Improved STD Protection

HEPATITIS BHEPATITIS BAng Hepatitis B ay walang lunas na pamamaga ng atay sanhi ng virus na naisasalin sa pamamagitan ng dugo, laway, tamod, ihi at vaginal juices. Lumalabas ang mga

panimulang sintomas nito 2-5 buwan matapos na mahawaan.

Page 12: Improved STD Protection

ANO ANG HIV?ANO ANG HIV?HUMAN - umaapekto sa tao

IMMUNO-DEFICIENCY - kakulangan ng depensa ng katawan laban sa mga sakit

VIRUS - mikrobyo

(HIV - nagiging dahilan ng pagkakaroon ng AIDS)

Page 13: Improved STD Protection
Page 14: Improved STD Protection

ANO ANG AIDS?ANO ANG AIDS?

ACQUIRED - hindi likas na taglay ng katawan; nahahawa sa ibang tao at hindi namamana

IMMUNE - panlaban ng katawan sa mga sakit

DEFICIENCY - may kakulangan o ‘di sapat na depensa sa katawan

SYNDROME - sama-samang mga sakit

(AIDS - ang pagtitipon-tipon ng mga sakit at sintomas na nakukuha dahil sa kakulangan ng depensa ng katawan laban sa anumang uri ng sakit.)

Page 15: Improved STD Protection

Paano naisasalin ang HIV?Paano naisasalin ang HIV?

Walang proteksyong pakikipag-sex sa taong may HIV/AIDS

Pagsasalin ng kontaminadong dugo

Paghihiraman ng heringgilya na ginamit ng taong may HIV/AIDS

Naisasalin ng inang may HIV/AIDS sa sanggol sa panahon ng pagbu-buntis O panganganak; pagpapa-dede ng ina sa sanggol

Page 16: Improved STD Protection

HIV ANTI-BODY TESTINGHIV ANTI-BODY TESTING

6 Months Window Period

Last Penetration

• Non Compulsory

•Voluntary

•Confidential

Paraan para makita kung may reaksyon ang T-4 Cells saHIV Virus, para malaman kuna ang isang tao ay + sa HIV

Page 17: Improved STD Protection

ANG HIV AY ‘DI NAKUKUHA SA:ANG HIV AY ‘DI NAKUKUHA SA:

· halikan· pag-ubo· luha· laway· pawis

· hiraman ng damit, pagsalo sa pagkain, paghiram ng kubyertos · kagat ng lamok, pagtabi sa pagtulog

· hatsing · yakapan· beso-beso· kamayan· paggamit ng kubeta

Page 18: Improved STD Protection

PAANO MAIIWASAN ANG PAGKAKAROON NG PAANO MAIIWASAN ANG PAGKAKAROON NG HIV/AIDS?HIV/AIDS?

A - Abstinence(Ayoko muna!)

B - Be faithful(Basta, ikaw lang!)

C – Correct Condom use(Condom ay gamitin)

D - Don’t take/shoot drugs(Droga ay iwasan)

E - Early diagnosis and treatment and Education on STI/HIV/AIDS

Page 19: Improved STD Protection

TAMANG PARAAN NG PAGGAMIT NG CONDOMTAMANG PARAAN NG PAGGAMIT NG CONDOM

1. Siguraduhing hindi expired ang condom.

2. Pisilin ang dulo ng condom para mawala anghangin.

3. Patigasin muna ang ari bago ipasok hanggang sa puno ng titi.

4. Gumamit lamang ng water-based lubricants o laway. Huwag gumamit ng oil o lotion.

5. Ingatan na hindi matanggal o mapunit ang condom habang wini-withdraw ang titi matapos ang sex.

6. Dapat matigas pa rin ang ari sa paghubad ng condom. Ibuhol ang condom at itapon sa tamang lugar.