26
“HALALAN” (Kasaysayan, impormasyon at isyu sa likod nitu) ISANG RISERTS NA IPINASA KAY Bb. Maria Hope M. Tumamao DATEMEX INSTITUTE OF COMPUTER TECHNOLOGY “TACLOBAN CITY” Bilang katuparan sa mga kinakailangan sa kursong pagbasa’t pagsulat ni Magno, Mark Andrew P.

Isyu Patungkol Sa Halalan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

ito ay tungkol sa pulitika dito sa pinas, kung paano umi-ikot ang mundo sa panahon ng halalan.

Citation preview

Page 1: Isyu Patungkol Sa Halalan

“HALALAN”

(Kasaysayan, impormasyon at isyu sa likod nitu)

ISANG RISERTS NA IPINASA KAYBb. Maria Hope M. Tumamao

DATEMEX INSTITUTE OF COMPUTER TECHNOLOGY “TACLOBAN CITY”

Bilang katuparan sa mga kinakailangan sa kursong pagbasa’t pagsulat

niMagno, Mark Andrew P.

March 13, 2013

Page 2: Isyu Patungkol Sa Halalan

TALAAN NG NILALAMAN

I.PANIMULA . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1

II.TEKSTO

A. KOMISYON NG HALALAN (PILIPINAS)

I.Kabuuan. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2

II.kapangyarihan ng komisyon sa halalan. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .3

III.mga kagawaran ng komisyon

IV. kasaysayan. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4

B. KASAYSAYAN NG HALALAN. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .8

C. ANU ANG HALALAN?

D. ANU ANG PATAKARAN PARA MAGINGKANDIDATO?. . . . . . . . . . . . . . .9

E. KWALIPIKASYON PARA MAGING KANDIDATO. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10

F. MGA KINAKAILANGAN UPANG MAGING KANDIDATO

G. PAANU MAG SUMITE NG KANDIDATURA

H. PARAAN NG PAGBOTO. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .11

I.KARAPATAN SA PAGBOTO

J. BAKIT PINAG’AAGAWAN ANG PWESTU SA PULITIKA?. . . . . . . . . . . . . .12

K. ISYU AYUN SA POLITICAL DYNASTY. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 13

III. KUNKLOSYUN. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .15

IV. BIBLIOGRAPI. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .16

Page 3: Isyu Patungkol Sa Halalan

I. PANIMULA

Para sa mga mambabasa ng aking pananaliksik, nais ko munang magkaroon ng isang maikling pahayag batay sa impormasyon at isyung ito. Upang sa ganun ay magkaroon kayo ng interes para basahin pa ang kabuuan. Pinili kung ito ang aking isulat para mas maintindihan ko o maging sino mang makakabasa ang kahalagahan nito sa ating lipunan. Mababangit din dito ang mga isyu tungkol sa mga samo’t saring problema na idinudulot ng halalan. Bilang mamamayan tayo ay nararapat makialam sa ganitung mga usapin dahil nabababatay dito ang magiging kinabukasan ng ating lipunan. Nakapag-aral kaman o hindi ikaw ay dapat na mapabilang sa kung anu ang nangyayari sa likod nitu at ang kahalagahan din nitu sa atin. Nakasalalay din dito ang kinabukasan ng ating mga mahal sa buhay dahilang saklaw tayu sa lahat ng batas na ginagawa ng mga politiko, sila ang gumagawa ng lahat ng uri ng batas na kasalukuyang sinusunod natin sa ngayon. Masasabi ring sila ang pangunahing dahilan kung paano masusulusyunan ang mga ibat-ibang anumalya sa likod ng mga gawaing ilegal ngunit sa kabila din nito ay isa rin sila sa pangunahing dahilan kung bakit nababahiran ng masama o maruming imahe ang ating lipunan . ang iba pang pag’aaral sa sulating ito ay mababasa pa sa mga sumusunod na pahina. Sa aking pananaliksik mayroon akung maikling kaalaman na isasama batay sa pangkalahatang halalan ng pilipinas, 1935. Sa halalang Pangpanguluhan, Pambansang Asembleya at lokal na ginawa noong Setyembre 15 taong 1935 sa Pilipinas. Ito ang kauna-unahang halalang naganap simula noong mapatupad ang Tydings-McDuffie Act na nagbigay daan sa pagbabago ng pamahalaan. Ang Pangulo ng Senado na si Manuel Luis Quezon ang nanalong pangulo laban sa pangulong rebolusyonaryo na si Emilio Aguinaldo. Ang kanyang pagkapanalo ay nangyari matapos maakusahan si Aguinaldo nang pagtanggap ng suhol mula sa mga Espanyol nang maitaboy sa Hong Kong.Ang isa pang tumakbo ay si Gregorio Aglipay, ang nagtatag at supremong obispo ng Iglesia Filipina Indepediente (Philippine Independent Church). Ang kasama ni Quezon na si Senador Sergio Osmeña ang nanalong Pangalawang Pangulo. At ang Komisyon ng Halalan (COMELEC) (Commission on Elections) ay isa sa mga pinagpipitaganang mga Komisyong Konstitusyon sa Pilipinas. Ang COMELEC ang naatasang magpatupad ng mga batas panghalalan at magsagawa ng malinis, maayos, tahimik at malayang halalan.

1.

Page 4: Isyu Patungkol Sa Halalan

II.TEKSTO

A. KOMISYON NG HALALAN (PILIPINAS)

Ang Komisyon ng Halalan (COMELEC) (Commission on Elections) ay isa sa mga pinagpipitaganang mga Komisyong Konstitusyon sa Pilipinas.[1] Ang COMELEC ang naatasang magpatupad ng mga batas panghalalan at magsagawa ng malinis, maayos, tahimik at malayang halalan.

I. KABUUAN

Ang Komisyon ay binubuo ng isang Tagapangulo at anim na mga Komisyonado. Ang mga kwalipikasyon ay ang mga sumusunod:

1.Katutubong inianak na mamamayan ng Pilipinas;

2.Tatlumpu't limang taong gulang sa panahon ng pagkakahirang sa kanila;

3.Naghahawak ng titulo sa kolehiyo; at

4.Hindi kailanman naging kandidato sa anumang katungkulang halal sa halalang kagyat na sinundan

Ang mayorya, kasama na ang Tagapangulo, ay dapat na mga kabilang sa Philippine Bar na nagpraktis bilang abugado sa loob ng sampung taon man lamang.[2]

Ang Tagapangulo at mga Komisyonado ay dapat hinihirang ng Pangulo sa pagsang-ayon ng Komisyon sa Paghihirang sa isang pitong taong taning ng panunungkulan na hindi muling mahihirang. Sa mga naunang nahirang, tatlong (3) kagawad ang manunungkulan sa loob ng pitong taon, dalawang kagawad sa limang taon at mga nalalabing kagawad sa tatlong taon na hindi na muling mahihirang. Ang paghirang ukol sa ano mang bakante ay dapat lamang na sa di-natapos na bahagi ng taning na panahon ng panunungkulan ng hahalinhan. Hindi dapat hirangin o italaga ang sinumang kagawad sa katayuang pansamantala.[3]

II. KAPANGYARIHAN NG KOMISYON SA HALALAN

Ang Komisyon ay may kapangyarihan ng tulad ng sumusunod:

1.Magpatupad at mamahala sa pagpapatupad ng lahat mga batas at regulasyon na kaugnay ng padaraos ng halalan, plebisito, initiatibo, reperendum at recall;

2.

Page 5: Isyu Patungkol Sa Halalan

2.Gampanan ang eksklusibong orihinal na hurisdiksyon sa lahat ng mga hidwaan tungkol sa mga halalan, mga kinalabasan, at katangian ng lahat ng halal na mga pinunong pangrehiyon, panlalawigan, at panglungsod;

3.Magpasya, magtangi doon sa mga may kinalaman sa karapatan sa pagboto, sa lahat ng mga suliranin tungkol sa mga halalan, kasama ang pagpapasya sa bilang at kinalabasan ng mga botohan , paghirang ng mga pinuno at mga inspektor ng halalan, at pagrerehisto ng mga botante;

4.Magsugo,sa pagsang-ayon ng Pangulo, sa mga sangay at kasangkapang taga-pagpatupad ng batas ng Pamahalaan, kasama ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas, ukol sa tanging layuning matiyak ang malaya, maayos, malinis, mapayapa at kapani-paniwalang halalan;

5.Irehistro, pagkaraan ng sapat na paglalathala, ng mga partido, mga organisasyon,o mga koalisyong pampulitika na bukod sa iba pang mga katangian, ay kinakailangang magharap ng kanilang plataporma o programa ng pamahalaan, at kilalanin ang mga lingkod-bayan ng Komisyon sa Halalan;

6.Batay sa beripikadong sumbong o sa pagkukusa nito, magharap ng mga petisyon sa hukuman ukol sa pagdarakip o pagwawaksi ng mga botante sa rehistro ng mga kwalipikadong botante, sisiyasatin at usigin ang paglabag sa mga batas sa halalan;

7.Itagubilin sa Kongreso ang mga mabisang hakabangin upang mapaliit ang gastos sa halalan, ang pagtatakda ng lugar na paglalagyan ng mga kagamitan sa propaganda, mapigil at maparusahan ang lahat ng uri ng pandaraya, mga pagkakasala at masasamang gawain sa halalan;

8.Itagubilin sa Pangulo ang pag-aalis sa sinumang pinuno o kawani na isinugo nito o pagpapataw ng anumang iba pang aksyong disiplinaryo, dahil sa paglabag o pagwawalang-bahala , o pagsuway sa mga tagubilin, utos , o pasya nito, at;

9.Iharap sa Pangulo at sa Kongreso ang komprehensibong ulat tungkol sa pamalakad ng bawat halalan, plebesito, initiative, reperendum, o recall.

10.Ang Komisyon ay may kapangyarihang magpasya en banc o sa dalawang dibisyon. Dapat ding maglagda ng mga alituntunin ng pamamaraan nito upang mapadali ang pagpapasya sa mga kaso na may kaugnayan sa halalan kabilang ang mga hidwan bago iproklama ang nanalo.

11.Ang alin mang patawad, amnestiya, o suspensyon ng kaparusahan sa paglabag sa mga batas , tuntunin, at mga alituntunin ng halalan ay hindi dapat ipagkaloob ng Pangulo nang walang pagsang-ayon ng Komisyon.

3.

Page 6: Isyu Patungkol Sa Halalan

III. MGA KAGAWARAN NG KOMISYON

1.Ang punong tanggapan ng Komisyon sa Intramuros, Maynila ay binubuo ng siyam na kagawaran: 2.Kagawaran ng Batas (Law Department) 3.Eleksyon at Gawaing Pambarangay 4.Protestang Elektoral at Adhudikasyon5.Kagawaran ng Edukasyon at Kabatiran (Eduacation and Information Department)6.Talaan ng Eleksyon at Estadistika7.Gawaing Administratibo8.Gawaing Pananalapi9.Pantauhan (Personnel)10.Pagpaplano (Planning Department)

IV. KASAYSAYAN

Bago naitatag ang Komisyon, ang mga halalan sa Pilipinas ay pinamamahalaanan ng mga Kalihim Panloob na may malawak na kapangyarihan at karapatang pigilin o alisin sa tungkulin, sa pahintulot ng Pangulo ng Pilipinas, ang sino mang inaakalang hindi kanais-nais na opisyal sa pamahalaan. Ang hukuman ang dumidinig sa mga suliraning kaugnay sa karapatan sa pagboto at protesta ng mga kandidatong talunan. Ang Komisyong Elektoral na binubuo ng tatlong (3) Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman at anim (6) na kasapi ng Pambansang Asembleya (National Assembly) ang siyang dumirinig at humahatol sa mga protesta ng mga kaanib nito.

Subali't sumapit ang sandaling nagkaroon ng hinalang ang halalan ay ginagamit na kasangkapan ng mga Kalihim Panloob upang pagbigyan ang partido pulitikal ng Pangulo na kanila ring kinaaaniban. Ang malapit na ugnayang namamagitan sa Pangulo at Kalihim Panloob ang hinihinalang sanhi ng kalimita'y hindi malinis na halalang nagaganap. Upang maiwasan ang ganitong pangyayari, ang Pambansang Asembleya ay nagpasyang susugan ang Saligang Batas (ng 1935) at bumubuo ng isang Komisyon sa Halalan na papalit sa gawain ng Kalihim Panloob. Pinagtibay ng Pambansang Asembleya sa bisa ng resolusyon Bilang 73 noong ika-11 ng Abril 1940 ang tatlong susog sa probisyon ng Saligang Batas (ng 1935) na Payagan ang re-eleksyon ng Pangulo; Magtatag ng sistemang bikameral na lehislatura na bubuhay sa Senado; atLumikha ng nagsasariling Komisyon sa Halalan. Ang mga susog na ito sa Saligang Batas ay niratipikahan ng mamamayan ng magdaos ng plebisito noong ika-17 ng Hunyo 1940 na isinumite sa Pangulong Franklin Delano Rooseveltupang pagpasyahan. Sa dahilang hindi pa nagkakabisa ang mga pagbabagong nabanggit, ipinasa ng Pambansang Asembleya ang Batas Komonwelt Bilang 607 nagtatag ng isang Komisyon sa Halalan na mamamahala sa halalang idadaos sa ika-10 ng Disyembre 1940. Samantala, ang mga susog sa Saligang Batas ay ganap na nagkabisa noong ika-2 ng Disyembre 1940 matapos itong sang-ayunan ng Pangulo ng Estados Unidos.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng reorganisasyon ang Komisyon noong ika-22 ng Hunyo 1941 at sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 657, mula sa pagiging batas ay naging ganap na katauhang Konstitusyonal ang Komiyon. Itinakda ng 1935 Saligang Batas, na sinusugan, na

4.

Page 7: Isyu Patungkol Sa Halalan

manunungkulan ang Tagapangulo nito ay manunungkulan ng siyam (9) na taon, ang unang kagawad ay anim (6) na taon at ang pangalawang kagawad ay tatlong (3)taon. Sila ay maari lamang maalis sa kanilang tungkulin sa pamamagitan ng impeachment. Sila ay tatanggap ng sahod ma hindi maaring dagdagan o bawasan sa panahon ng panunungkulan, mamamahala at magpapatupad ng mga batas panghalalan at may kapangyarihang humatol sa mga suliraning may kinalaman sa halalan maliban sa karapatan sa pagboto na tanging mga hukuman lamang ang may kapangyarihang humatol.

B. KASAYSAYAN NG HALALAN

Ang masasabing unang pambansang halalan ay nangyari sa bahay ni Tandang Sora sa Sitio Gulod, Barrio Banlat, Caloocan noong August 24, 1896 nang ang katas-taasang sanggunian ng Kaptipunan, kasama ng isanlibong mga kasapi nito ang naghalal sa Supremo Andres Bonifacio bilang unang pangulo ng pambansang pamahalaang mapanghimagsik by acclamation—o viva voce! Sa palakasan ng boses.

5.

Page 8: Isyu Patungkol Sa Halalan

Sa pulong ng kataas-taasang kapulungan ng Katipunan, nahalal by acclamation si Bonifacio bilang unang pangulo ng pamahalaang rebolusyunaryo, ang unang pamahalaang pambansa sa Pilipinas. Mula sa City Hall ng Maynila.

Inagaw sa kanya ang kapangyarihan sa pamamagitan ng Halalan sa Tejeros noong March 22, 1897. Ayon sa ibinulong sa Supremo ni Diego Moxica, mayroon nang mga nakasulat na mga boto sa mga balota bago pa maghalalan at sobra ang balota sa dami ng tao na naroon.

Halalan sa Tejeros, nahalal si Mariano Trias na pangalawang pangulo. Ang masayang tagpong ito ay magwawakas nang insultuhin pa ang Supremo Bonifacio sa kanyang pagkapanalo sa pinakamababang posisyon na Direktor ng Interyor. Nasa Tejeros Hall ng AFP Commissioned Officer’s Club.

6.

Page 9: Isyu Patungkol Sa Halalan

Gayundin ang mga pangyayari sa Tejeros ang nagbunsod sa isang political killing—ang pagpatay kay Supremo Andres Bonifacio noong May 10, 1897, isang petsang ginagamit o malapit sa mga eleksyon natin ngayon!!!

Ang pagpatay sa Supremo Bonifacio ang political killing na nagsilang sa pamamayani ng demokrasyang elit sa bansa. Mula sa Encyclopedia of Philippine Art.

Noong 1907, sa unang halalan para sa Philippine Assembly sa ilalim ng mga Amerikano ay limitado sa mga taong 23 taong gulang at pataas, lalaki, may ari-arian, nagbabayad ng buwis, may edukasyon, at marunong ng Ingles at Espanyol ang mga nakaboboto. Kaya naman, 1-2 % lamang ng mga tao ang nakaboto noon at diyan nagsimula ang halos kalahating siglong pamamayani nina Manuel Quezon at Sergio Osmeña sa ating pulitika.

Ang unang Philippine Assembly sa Ayuntamiento, 1907. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

7.

Page 10: Isyu Patungkol Sa Halalan

Noong 1936, nakakolekta ng mahigit na 300,000 na mga pirma ang mga kababaihan upang sila ang makaboto at dahil dito nakaboto sila sa lokal na halalan noong 1937.

Ang mga kababaihan nang makaboto. Mula sa Eleksyong Pinoy.

Dati sapat na ang mangampanya lamang sa mga lalawigan ang mga kinatawan mo o ng iyong partido, ngunit nang si Ramon Magsaysay ay tumakbo, gamit ang CIA na si Edward Lansdale, binago nila ang pangangampanya. Nakisalamuha at nakipagkamay siya sa mga tao, pumunta sa mga malalayong barrio. Nagpagawa pa ng jingle kay Raul Manglapus—ang Mambo Magsaysay, sinasayaw na ng mga tao ang pangalan ng kanilang pinuno.

Page 11: Isyu Patungkol Sa Halalan

Ramon Magsaysay at ang masa, karaniwang tao

8.

C. ANU ANG HALALAN ?

Ang halalan ay ang pagpili ng taong mapagkakatiwalaang mamuno sa ating bayan o lipunan. Dito tayong mga mamamayan ang may kapangyarihang magloklok sa kung sinu mang sa tingin natin na magiging maayus na tagapangasiwa ng ating bansa. Dito sa pilipinas ang halalan sa pinakamataas na pwestu tulad ng presidente at besi-presidente ay nangyayari lamang kada anim na buwan, at para naman sa masmababang pwesto tatlong buwan lamang bago magkaroon ng halalan ulit. Halimbawa sa senador ng pilipinas Ang Senado ng Pilipinas ay ang itaas na kapulungan ng lehislaturang bikameral ng Pilipinas, ang Kongreso ng Pilipinas. Hindi tulad ng Senado sa Estados Unidos, ang Senado ng Pilipinas ay binubuo ng 24 na senador na inihalal hindi mula sa anumang partikular na distrito o lugar. Sila ay pinili sa pamamagitan ng pambansang halalan.

Ang mga senador ay naglilingkod sa anim na taong termino, na ang kalahati sa kanila ay inihahalal kada 3 taon. Sa ganitong paraan, ang Senado ay nagpapatuloy lamang. Nang ibinalik ang Senado sa pamamagitan ng 1987 Saligang-Batas, ang 24 na senador na inihalal noong 1987 ay nagsilbi hanggang 1992. Noong 1992, ang 12 na kandidato para sa Senado na nakakuha ng pinakamataas na bilang ng mga boto ay nagsilbi hanggang 1998, habang ang susunod na 12 na kandidato ay nagsilbi hanggang 1995 lamang. Pagkatapos noon, ang bawat senador na inihalal ay naglilingkod ng buong 6 na taon.

D. MGA PATAKARAN PARA MAGING KANDIDATO.

Ang mga kandidato para sa halalan sa Lupon ng mga Tagapangasiwa ng Wikimedia ay kailangang mag-presenta ng kanilang sarili sa pahinang ito bago ng 23:59 sa Agosto 28, 2006 (UTC). Sa pinakakaunti, isang miyembro ng Lupon ay ihahalal sa isang taning na matatapos sa Hulyo 2007.

Para maari kang maging kandidato, kailangan na ikaw ay nakarami na ng 400 pagbabago sa isang proyekto ng Wikimedia sa pinakakaunti; ang mga pagbabago ay dapat natala sa parehong account; at ang pinakaunang pagbabago ay ginawa 90 araw bago ng 00:00, Agosto 1, 2006 (UTC). Ang mga kandidato ay dapat nasa 18 taong gulang o pataas. Dapat namamalayan ng mga kandidato ang mga obligasyon ng isang posisyon sa Lupon.

Page 12: Isyu Patungkol Sa Halalan

Hindi posible na humawak ng posisyon sa Lupon bilang isang taong anonimo, kaya tumayo lang po kayo kung ikaw ay pumapayag na gawing publiko ang iyong identidad. Ang mga kandidato ay kailangan magsuri ng kanilang sarili sa kapunuan kay Essjay, Aphaia, Datrio, o ibang tiniyak

9.

na indibidwal, maliban kung ginawa na ito para sa halalan para sa Lupon sa nakaraan. Ikaw ay ikokontak kasama ng mas maraming impormasyon. Ang mga kandidato na kinumpirma ng isa ng mga Opisyal ng Halalan ay magkakaroon ng salitang kumpirmado sa tabi ng kanilang pangalan.

Pakikopya ang template at punuin ang sumusunod na impormasyon. Para maiwasan ang pagbibigay-preperensya sa isang kandidato higit sa iba, pakitala ang iyong impormasyon sa paraang naka-alpabeto ayon sa username, ayon sa Algoritmo ng Pagkokolasyon sa Unicode (Unicode Collation Algorithm). Pwede kang mag-sumite ng iyong pahayag sa kahit anong wika, pero rinerekomenda na mag-sumite ka rin ng pahayag sa Ingles. Rinerekomenda rin namin na ang mga pahayag ay dapat hindi lalampas ng 1,000 karakter sa kahabaan sa orihinal na wika. Mga boluntaryong taga-salita sa Wikimedia ay magsasalin ng iyong pahayag sa ibang wika; gagawin naming ang lahat para makatiyak na ang lahat na pahayag ay madaling makita sa ilan-ilang wika na kaya, pero hindi makakabigay ng garantiya na ang lahat ay masasalin. Ang pahayag na mas maigsi at mas maaga sa pag-sumite ay mas marahil na isang boluntaryo ay magsasalin ng pahayag na iyon.

Sa wakas, pakitala ang iyong pangalan at lahat ng mga wika kung saan ikaw ay nag-sumite ng iyong pahayag sa seksiyong #Mabilis na tingin sa mga kandidato ng pahinang ito.

E. KWALIPIKASYON PARA MAGING KANDIDATO

Ang mga kwalipikasyon para sa pagiging kasapi ng Senado ay sinabi sa Seksyon 3, Artikulo VI ng 1987 Saligang-Batas ng Pilipinas tulad ng sumusunod:

Walang maaaring maging isang senador maliban kung siya ay isang likas-ipinanganak na mamamayan ng Pilipinas, at sa araw ng halalan, ay hindi bababa sa 35 taong gulang, marunong magbasa at magsulat, isang rehistradong botante, at isang residente ng sa Pilipinas na hindi bababa sa dalawang taon pagkatapos ng araw ng halalan. Ito ay karapat-dapat na tandaan na ang edad ay nakatakda sa 35 at dapat niyang angkin sa araw ng halalan, iyon ay, kapag ang mga lugar ng botohan ay binuksan at ang mga balota ay ibinigay na, at hindi sa araw ng pagpapahayag ng mga panalo ng board of canvassers.

Tungkol sa mga kinakailangan sa paninirahan, ito ay pinasiyahan sa kaso ni Lim v. Pelaez na ito ay dapat na ang mga lugar na kung saan ang kandidato ay laging umuuwi at kung saan siya, matapos ang pagliban, may intensyong bumalik.

Page 13: Isyu Patungkol Sa Halalan

Ang enumerasyon na inilatag ng 1987 Saligang-Batas ng Pilipinas ay eksklusibong nasa ilalim ng prinsipyong Latin na expressio unius est exclusio alterius. Ito ay nangangahulugan na ang Kongreso ay hindi na maaaring magdagdag pa ng mga kwalipikasyon maliban sa mga ibinigay ng 1987 Saligang-Batas ng Pilipinas.

10.

F. MGA KINAKAILANGAN BAGO MAGING KANDIDATO

Dapat ikaw ay nakagawa ng di-bababa sa 600 na pagbago bago ang ika-1 ng Marso taong 2009 sa alin mang nakalistang account (ang mga pag-bago sa ilang wikis ay maaring pag-samahim kung ang iyong account ay unified into a global account); at

hnakagawa ng di-bababa sa 50 na pagbago sa pagitan ng ika-1 ng Enero at ika-1 ng Hulyo taong 2009; at Nagpa-alam ng totoong pangalan sa publiko sa iyong candidate presentation (Dahil ang pagkakakilanlan sa mga bahagi ng lupon ay dapat nasa kaalaman ng publiko, hindi maaaring maging bahagi ng lupon na hindi nalalaman ang pagkakakilanlan o nasa ilalim ng palayaw); at hindi bababa sa 18-taong gulang at nasa edad na ayon sa batas ng iyong iyong bansa.

G. PAANO MAG SUMITE NG IYONG KANDIDATURA

kung ikaw ay maaring kumandidato, maari kang magsumite ng iyong kandidatura sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Sumulat ng tungkol sa mga plano mong gawin kung ikaw ay mapili na mapabilang sa lupon ng di sosobra ng 1200 na letra, ang iyong naaayong opinyon at mga karanasan, at kahit ano sa tingin mo ay naayon na isulat mo. Hindi mo itong maaaring gamitin upang mag-sama ng mga bagay na nag-eendorso o mga pahinang nag hahayag ng plataporma, at hindi maaaring tumakbo sa slate sa iba pang mga kandidato.

Submit your summary sa pagitan ng ika- 00:00, ng ika-6 ng Hulyo taong 2009 (UTC) at ika- 23:59, ng ika-27 ng Hulyo taong 2009 (UTC). Pagkatapos ng ika-27 ng Hulyo, hindi na ito mababago maliban sa mga maliliit na pagtutuwid o mga pagsalin. Kahit anu mang pag-dagdag pagkatapos ng taning ay mamarkahan ng oras ng gawa at i-hihiwalay sa tunay na buod, at maaari lamang ipakita sa mga botante kung sila ay naisalin sa wika ng naunang buod.

Magsumite ng patunay ng pagkakakilanlan kay Cary Bass (Volunteer Coordinator) bago mag ika-27 ng Hulyo taong 2009. Isang bahagi ng lupon ng halalan ay makikipag ugnayan ng pribado sa iyo tungkol sa iba pang mga kailangan mo upang maisakatuparan ang mga ito bilang kandidato.

Ang mga kandidatong hindi makasusunod sa mga kailiangan at taning na panahon ay diskwalipikado o hindi na maaaring maging kandidato.

Page 14: Isyu Patungkol Sa Halalan

H. PARAAN NG PAGBOTO.

Una, dapat munang pagparehistro sa inyong lugar para maging isang botante. Siguraduhing tama lahat ang mga naitalang pagkakakilanlan. At sa araw ng eleksyon, pumunta sa lugar o

11.

paaralan kung saan naroroon ang iyong pangalan para makaboto. Piliing mabuti ang mga kandidatong alam mong makakatulong sa pag-angat ng kabuhayan ng mga tao. Hindi mangungurakot. Tapat sa pagsisilbi. Mabuting tao at may mabuting kalooban. At higit sa lahat may takot sa Diyos.

I. KARAPATAN SA PAGBOTO.

Ang pagboto ay isang malakas na paraan upang ang tinig mo ay marinig. Lahat ng naninirahan sa bansa ay may karapatang bomoto kung ikaw ay nasa rehistrado sa kumisyun ng Eleksyon.

Ganunpaman, maging ang mga hindi citizen ay maari ding makabahagi ng Eleksyon sa pamamagitan ng pagtulong sa ibang mga citizen upang makapagparehistro, o kaya ay bumuo ng mga forums at workshops na magbubukas sa isipan ng mga tao tungkol sa kanilang karapatang ito.

J. BAKIT PINAG’AAGAWAN ANG PWESTU SA POLITIKA?

Batay naman sa isyu ng politika gumawa ako ng pag’aaral tungkol sa anung mga pangunahing dahilan kung bakit pinag-aagawan ang pwestu sa politika. Sa pag’aaral na ito kinuha ku ang mga listahan kung magkano ang sinasahod ng mga taong nakaloklok sa pwesto. Heto’t isa-isahin natin. Ang sahod ng boardmember ay ₱35,000 kada buwan. Sa 766,000 na posisyun ay mayroong 242,000 kandidato sa pagkabokal at ang sahod ni vice-governor pala ay ₱37,000 e sa pagka governor o mayor vice-mayor, konsehal, congressman, magkano ba ang sinasahod ng mga ito at ang iba ay nagpapatayan pa mahalal lamang. Ngayong darating na halalan may kabuoang 17,999 posisyon ang gobyerno na pinaglalabanan mula sa presidente hanggang sa kahuli-hulihang konsehal sa kaliblib-liblibang lugar. Ang mga posisyon na ito ay may 50,262 kandidato ang maglalaban-laban. Bakit nga ba ang dami-daming makikisaw-saw sa politika.? Tulad na lamang ng lungsod ng Davao Isan daan (100) kandidato sa dalawampu’t apat (24) upuan ng pagka konseho. Sa pagka mayor naman Sampu (10) ang gustong maging mayor sa lungsod ng CEBU ang pinakamaraming kandidato na naglalaban-laban sa pagka mayor. Bakit nga ba.? Magkano nga ba sinasahod nila? Bueno ilatag natin. Sa third class na bayan tulad ng BALER at VIRAC CATANDUANES ang isang konsehal ay sumasahod ng ₱33,231 kada buwan

Page 15: Isyu Patungkol Sa Halalan

sa second class naman gaya ng CATARMAN at MISAMIS ACCIDENTAL ₱35,077 kada buwan sa mga konsehal naman sa mga syudad tulad ng CORONADAL CITY, SOUTH COTABATO at PUERTO PRINSESA ay meron silang 36,923 sahod kada buwan. Para naman sa mga mayor sa mga third class na lugar gaya ng NAGA CITY,BIKOL at JOLO SULU ang

12.

buwanang sahod nila ay umaabot sa ₱41,347 kada buwan. Sa mga second class naman gaya ng IBA ZAMBALES at SURIGAO CITY sumasahod sila ng ₱43,644 kada buwan. Sa first class naman na syudad tulad ng ANGELES CITY PAMPANGGA ay ₱45,941 kada buwan ang sinasahod. Sa mga governors naman sa third class na mga lugar tulad ng SOUTHERN LEYTE ₱41,347 ang buwanang sahod. Sa second Class namang mga probinsya tulad ng ZAMBOANGA ₱43,644 kada buwan at ₱45,941 naman ang buwanang sahod sa first class na lugar gaya ng MAGUINDANAO, Ang sahod naman ng Congressman ay ₱59,186 kada buwan pariho lamang sila ng sahod ng senador at ang Vice-president naman ay ₱82,400 kada buwan. Kung susumahin naman natin ang sinasahod ng konsehal sa isang taon nila ay aabotion lamang ng ₱443,076. Batay sa impormasyong nakalap ko nakapagtatakang gumagastos ng bilyong peso ang mga kumakandidato mahalal lamang. Ang presidente naman umaabot lamang ng ₱988,800 ang sinasahod sa isang taon. Anu nga ba ang mayroon sa politika at sumusugal sila ng napakalaking halaga manalo laman. Ayun naman sa mga eksperto pinaniniwalaang kapag naloklok ka sa pwestu ay maari mung magamit ang yung kapangyarihan sa pwestu para mapalawak ang iyung kuneksyon kung saan ang kapangyarian mu sa politika ay pwede mung magamit para sa pansariling pangangailangan o hanap buhay.

K. ISYU AYUN SA POLITICAL DYNASTY

Anti-Political dynasty bill, dapat maging ganap na batas bago ang 2016 Presidential elections.Naniniwala si Solidarity Philippines at Kontra Daya lead convenor Rev. Fr.Joe Dizon na sa pamamagitan ng “peoples initiative” ay mabubuwag na ang mga political dynasty sa bansa.

Ayon kay Fr.Dizon, hindi dapat i-asa sa mga Kongresista ang pagsusulong ng anti-political dynasty bill dahil hindi naman ito susuportahan ng mga mambabatas na karamihan sa kanila ay mga magkaka-mag-anak, negosyante, mga landlord at mga gambling lord.

Sinabi ni Fr.Dizon na iniipon nila ang mga nagdaang panukalang batas na may kinalaman sa political dynasty at mula rito ay kakausapin nila ang Catholic Bishops Conference of the Philippines, Peoples Organizations at iba pang Religious groups para isulong ang pagpasa sa panukalang batas bago maganap ang 2016 Presidential elections.

Page 16: Isyu Patungkol Sa Halalan

“Well pinag-aaralan na namin ang sinasabi ngayon na magkaroon ng peoples initiative para diyan. Kasi kung i-aasa mo yan sa Congress na inatasan na gumawa ng enabling law ay wala tayong pupuntahan. You cannot expect these landlord, big business, these people who belong to the political dynasty at mukhang 75 % ay nasa Congress to do their jobs. Kaya ngayon ini-ipon namin yung ibat ibang mga bills that were filed in the previous congress on political dynasty at

13.

mula rito, we will be coordinating from the CBCP, NCCP, other religious groups gaya ng AMRSP and Peoples Organizations na pag-usapan namin kung anu itong political dynasty at mag-committ na bago ang 2016 elections ay mayroon ng enabling law para ipatupad yang anti-political dynasty law”.pahayag ni Fr. Dizon sa panayam ng Radyo Veritas.

Naniniwala si Fr.Dizon na kailangan ng mabuwag ang political dynasty sa bansa para magkaroon ng pagbabago sa political system at matamasa ng mga Filipino ang kaunlaran.

Ayun naman sa pahayag ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na linawin kung ano ang tunay na kahulugan ng political dynasty, iginiit na hindi magiging makatarungan kung hindi papayagan ang isang political family na may maaayos at walang dungis na record sa panunungkulan sa publiko.

“Ang issue talaga ay kung sino ang corrupt at sinong hindi. Kung magkakamag-anak kayo sa gobyerno pero pare-pareho kayong malinis, mas mabuti ba ‘yun sa isa ka lang sa gobyerno pero napaka-corrupt mo,” ani Cayetano.

“Why not have a clear understanding kung sinong dapat hindi?” tanong ng Senador.

Page 17: Isyu Patungkol Sa Halalan

14.

IV. KONKLUSYON

Batay sa aking pananaliksik dito ay nadagdagan ang aking kaalaman at pag-unawa sa karapatan at isyu patungkol sa halalan. Dito ko mas naintindihan ang kahalagahan at pati narin ang negatibong mga pahayag ukol dito. Nakapaloob din dito karapatan nating bumoto at kung paano tayu bubuto ang mga klwapikasyon para maging kandidato at mga paraan ng pagboto. Tayong mga mamamayan ang lubos na may kakayahan para piliin ang sa tingin nating mapagkakatiwalaan sa larangan ng politika. Nakasalalay sa ating maayos na pagpili kung sinu ang syang paniniwalaan nating gagawin ang pangakong maglingkod ng tapat sa bayan. Ang isang mamamayang may pagmamahal sa bayan ay hindi kailangan man papabulag sa kapangyarihan o kakayahan ng isang tao para pwersahin at kontrolin ng sinu mang tatakbo sa halalan. Walang karapatan ang sinu man na mag-utos sa kung sinu-mang kandidato ang napupusuan nating iloklok.

Dito ko rin nalaman ang samo’t saring problema na kinakaharap natin at pati narin sa mga kumakandidato. Ang problema dito ng mga kumakandidato ay kung paano nila mailalatag ang kanilang plataporma para ibigin at gustuhin sila ng mamamayan.

Kailangan nilang patunayan ang kanilang dignidad at lubos na pagtulong sa sambayanan. Kung papaanu nila masususlusyunan ang mga kinakaharap na mga problema ng ating bansa. Madaming kandidato ang tapat at may isang salita ngunit ang malaking kinakaharap nilang problema ay ang paglaganap ng mga panunuhol sa parte ng halalan. Dito kahit gaanu kalinis ang hangarin mo na maglingkod sa bayan ay mahihirapan ka paring manalo. Kapag pera

na ang nagsalita ang karamihan ay nakikinig dahil sa panahon ngayun. Nagiging praktikal na ang mga tao, dahil mas inu’una na ng iilan na pakinggan ang sigaw ng kalam ng kanilang sikmura dahil narin sa kahirapan. Hindi iniisip ng iba ang magiging epekto nito sa bayan. Ganun pa man marami parin namang kababayan natin ang sumusunod sa malinis na paraan ng pagpili sa magiging pinuno ng bayan. Tayong mga mamamayan ang gumagawa ng gobyerno kung kaya’t hindi natin masisisi ang mga taong nakaloklok kung hindi nila magawa ang kanilang papel sa gobyerno isa lamang ang dahilan nito, ito ay dahil hindi tayo naging maingat sa pagpili at hindi natin kinilatis ng masusi ang pinili nating ihalal. At kung ibibinta naman natin ang ating boto wala tayong karapatan na magreklamo kung wala siyang ginagawa para sa bayan natin dahilan sa

Page 18: Isyu Patungkol Sa Halalan

parang ibininta narin natin ang ating tiwala at dignidad sa kanya. Bago bumuto surin at kilatisin natin kung sini ang tapat at tunay na mapagkakatiwalaan.

15.

V. BIBLIOGRAPI

http://meta.wikimedia.org at http://fil.wikipilipinas.org http://xiaochua.wordpress.com/2013/02/12/xiaotime-12a-february-2013-kasaysayan-ng-halalan-at-pangangampanya-sa-pilipinas/

KASAYSAYAN NG HALALAN

MGA PATAKARAN PARA MAGING KANDIDATO.

KWALIPIKASYON PARA MAGING KANDIDATO

MGA KINAKAILANGAN BAGO MAGING KANDIDATO

PAANO MAG SUMITE NG IYONG KANDIDATURA

PARAAN NG PAGBOTO

KARAPATAN SA PAGBOTO

http://tl.wikipedia.org/wiki/Komisyon_sa_Halalan_(Pilipinas)

A. Bakit pinag’aagawan ang pwestu sa politika (Failon ngayon abs-cbn channel 2)

B. ISYU AYUN SA POLITICAL DYNASTY (http://www.balita.net.ph at Veritas846)

Page 19: Isyu Patungkol Sa Halalan

16.