jfhsjhfsd

Embed Size (px)

DESCRIPTION

jhsd.sdhfjgds

Citation preview

UNIT LEARNING PLANIkalawang Markahan

Baitang: Grade 8Asignatura: Araling Panlipunan: ASYAPaksa: Sinaunang Kabihasnan sa AsyaMga Kababaihan sa AsyaDesigner:Angel Rose Suansing

UNIT SUMMARY

Ang Kabihasnan ay nakatutulong sa pagkakakilanlan ng isang nasyon. Marahil ay maraming tanong sa ating kaisipan tungkol dito at sa mga pangyayaring naganap nang sumibol ang kabihasnan sa Asya.Paano nga ba nabuo ang sinaunang kabihasnan sa Asya? Naniniwala ka ba na ang pilosopiya, relihiyon at kaisipang Asyano ay may kinalaman sa pag-usbong at pag-unlad ng kabihasnang Asyano? Sa modyul na ito, ikaw ay inaaasahan na kritikal na makapagsusuri sa mga pilosopiya, relihiyon at kaisipang Asyano na nagbibigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.Gayundin ay mapapahalagahan mo at mauunawaan ang mga ambag ng kabihasnan sa kasaysayan Asyano at ang pagbabago at pag-unlad nito sa kasalukuyang panahon.Dapat mong maunawaan sa modyul na ito ang mga sagot sa mga sumusunod na katanungan: Paano nahubog ang kasalukuyang sibilisasyon ng mga bansa sa Asya? Paano nagsimula ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya? Paano nakatulong ang kabihasnan sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng kabihasnan tungo sa pagkakakilanlang Asyano?

Stage 1: DESIRED RESULT

PAMANTAYANG PANGNILALAMANPamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.

PAMANTAYANG PAGGANAPPamantayang Pagganap: Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano.

BIG IDEAS mag-aaral, kaisipang Asyano, pilosopiya, relihiyon , sinaunang kabihasnan sa Asya , pagkakakilanlang Asyano. mag-aaral, kaisipang Asyano,pilosopiya, relihiyon, sinaunang kabihasnan sa Asya pagkakilanlang Asyano.

Essential Understanding

Ang mga mag-aaral ay mauunawaan na ang pag-aaral ng mga kaisipang Asyan, pilosopiya at relihiyon ng mga sinaunang kabihasnan ay siyang humuhubog sa pagkakakilanlang Asyano.

Essential Question

Sa paanong paraan nahuhubog ang pagkakilanlang Asyano?

Transfer Goals

Ang mga mag-aaral sa kanilang sariling kakayahan ay kritikal na nakapagsusuri ng mga pilosopiya, relihiyon at iba pang ambag ng sinaunang kabihasnan sa pamamagitan ng pagpropromote ng mga ito sa publiko upang makapagbigay ng pandaigdigang kamalayan.

Transfer Task

(Math, AP at Filipino) Circumnavigation in Asia

Nabibigyang kahulugan ang konsepto ng kabihasnan at nailalahad ang mga katangian nito. Naihahalintulad ang Kabihasnan sa sibilisasyon. Nasusuri ang heograpiya ng kabihasnang Mesopotamia. Nakakabuo ng mga konklusyon hinggil sa kalagayan, pamumuhay at debelopment ng mga sinaunang pamayanan Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kabihasnang Mesopotamia at mga lungsod estadong napapabilang dito. Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari sa Mesopotamia, paano umusbong, mga mahahalagang tao, at kanilang kontribusyon at kung paano nawala o bumagsak. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kabihasnang Indus at mga lungsod estadong napapabilang dito. Nasusuri ang heograpiya ng kabihasnang Indus. Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari sa Indus, paano umusbong, mga mahahalagang tao, at kanilang kontribusyon at kung paano nawala o bumagsak. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kabihasnang Tsina at mga lungsod estadong napapabilang dito. Nasusuri ang heograpiya ng kabihasnang Tsina. Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari sa Tsina, paano umusbong, mga mahahalagang tao, at kanilang kontribusyon at kung paano nawala o bumagsak. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kabihasnang Korea at mga lungsod estadong napapabilang ditto. Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari sa Korea, paano umusbong, mga mahahalagang tao, at kanilang kontribusyon at kung paano nawala o bumagsak. Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya Napahahalagahan ang mga bagay at isipang pinagbatayan( sinocentrism, divine origin, devajara) sa pagkilala sa sinaunang kabihasnan Napapahalagahan ang mga kaisipang Asyano,pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnang sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano Nabibigyang kahulugan ang mga konsepto ng tradisyon, pilosopiya at relihiyon Natataya ang impluwensiya ng mga paniniwala sa kalagayang panlipunan,sining at kultura ng mga Asyano Nasusuri ang bahaging ginampanan ng mga pananaw, paniniwala at tradisyon sa paghubog ng kasaysayan ng mga Asyano Napapahalagahan ang mga kaisipang Asyano,pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnang sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano Nabibigyang kahulugan ang mga konsepto ng tradisyon, pilosopiya at relihiyon Natataya ang impluwensiya ng mga paniniwala sa kalagayang panlipunan,sining at kultura ng mga Asyano Nasusuri ang bahaging ginampanan ng mga pananaw, paniniwala at tradisyon sa paghubog ng kasaysayan ng mga Asyano.

Stage 2: ASSESSMENT

Pre-Assessment Aking Alam/Nais Malaman/Mga Natutunan Chart.

Formative Assessment Venn Diagram Mga relihiyon sa Asya Matrix Hagdan ng Kaalaman (kasagutan) Oral Quiz

Summative Assessment

Sanaysay (Mga tanong na may kinalaman sa pamantayan sa pagkatuto o learning competencies.) Sanaysay (Mga tanong na may kinalaman sa pamantayan sa pagkatuto o learning competencies.) Story Analysis Epikong Gilgamish Maari mo itong panoorin (www.youtube.com/watch?v=oSZg5DTW7Hw) The Epic of Gilgamesh-An Animation) Story Board Comic Strips Tri-Question Sheet Paper-pencil Quiz (Knowledge, Process, Understanding)Sagot sa WHAT matrix Listening quiz pagsagot ng mga tanong mula sa pelikulang napanood. Kontribusyon ng mga kabihasnan Info ChartPaggawa ng simbolo ng Kababaihan

Self-Assessment Reflection Quiet Time

Stage 3: Learning PlanAugust 25-29Aralin 1: Kabihasnang MesopotamiaPagtuklas: Pagsagot sa grapikong pantulong na tungkol sa kaibahan ng kabihasnan at sibilisasyon. 1. Anu-ano ang mga katangian ng kabihasanan? Pagsagot sa chart ng Aking Alam, Nais Malaman, at Mga Natutunan. Ang sasagutan lamang ay ang Aking Alam at Nais Malaman tungkol sa kabihasnang Mesopotamia. Samantlang and Mga Natutunan ay sasagutin pagkatapos ng Aralin.

Paglinang:Socratic Method (Sagot-Tanong) sa klase. 1. Ano ang kinalaman ng ilog Tigris Euphrates sa pag-usbong ng Mesopotamia?2. Ano ang kahalagahan ng Ziggurat sa mga Sumerian?3. Sinu-sino ang mga lider na naging tanyag at mayroong malaking kontribuasyon sa Mesopotamia. 4. Anu-ano ang mahahalagang kontribusyon ng mga lungsod estado ng Mesopotamia?

Pagpapalalim: Sang-ayon o di Sang-ayon? Pag-usapan ang mga isyung sosyal sa Mesopotamia noon at ihalintulad sa kasalukuyan. Anu-anong mga isyung sosyal ang nangyayari noon na maaari mong ihalintulad sa kasalukuyan? September 1-5Paano nakakatulong ang mga lungsod estado sa Mesopotamia sa paghubog na pagkakakilanlang Asyano?Aralin 2: Kabihasnang IndusPagtuklas Pagsagot sa chart ng Aking Alam, Nais Malaman, at Mga Natutunan. Ang sasagutan lamang ay ang Aking Alam at Nais Malaman tungkol sa kabihasnang Indus. Samantalang ang mga Natutunan ay sasagutin pagkatapos ng Aralin. Paglinang Pag-usapan Natin! (Timeline) Pagkatapos nito ay gumawa ng Empire Diagram. Pamprosesong tanong:1. Ano ang pakinabang ng Indus Valley River sa pag usbong ng Kabihasnang Indus?2. Paano nakaapekto ang ilog na ito sa pamumuhay ng mga tao?3. Anu-ano ang mga ambag ng kabihasnan sa kasalukuyan?4. Anu-anong mga isyung sosyal ang nangyayari sa panahon ng Indus?

Pagpapalalim Diskusyon tungkol sa mga isyung sosyal sa India noon hanggang ngayon. 1.Ilarawan ang mga Indo Aryan, ano ang kanilang kontribusyon sa sinaunang pamumuhay ng taga Timog Asya ? 2. Paano itinatag ang sistemang Caste sa India? Akma ba ito na gamitin sa ating bansa ? pangat-wiranan 3.Patunayan na nakatulong si Alexander sa pagsakop sa ilang bansa sa Asya 4.Ano ang mga kontribusyon ni Chandragupta sa kabihasnan ng Timog Asya? 5.Naging matagumpay ba ang mga muslim sa pagsakop sa Hilaga at Gitnang Asya.?Patunayan ang sagot? 6.Paano lumaganap ang imperyong Mogul ? 7.Batay sa gawain blg .Anong pangyayari sa sinaunang kabihasnan sa Timog asya ang may ma-lawak na impluwensiya sa paghubog ng kasalukuyang sibilisasyon sa mga bansang Asyano ? 8.Batay din sa mga naunang gawain paano nahubog ng mga pangyayaring ito ang kasalukuyang pamumuhay ng mga Asyano ?

Pag-aanalisa ng Epikong Gilgamesh Gumawa ng Story Analysis tungkol sa epiko. Story Analysis Epikong Gilgamish Maari mo itong panoorin (www.youtube.com/watch?v=oSZg5DTW7Hw) The Epic of Gilgamesh-An Animation

September 8-12Aralin 3: Kabihasnang TsinaPagtuklas: Pagsagot sa chart ng Aking Alam, Nais Malaman, at Mga Natutunan. Ang sasagutan lamang ay ang Aking Alam at Nais Malaman tungkol sa kabihasnang Tsina. Paglinang Timeline: Mga Dinastiya sa Tsina1. Ano ang Dinastiya ?Saang prinsipyo nakabatay ang dinastiya? 2. Paano hinubog ng mga dinastiya ang pamumuhay ng mga bansa sa Silangang Asya? 3. Gaano kahalaga si Wang Geon sa lipunang Korea ? 4. .Paano naimpluwensiyahan ng Tsina ang lipunang Korea ? 5. Ano ang mga mahalagang pangyayari sa panahon ng Hapones? 6. .Ilarawan ang Minamoto at Ashikaga ? ano ang mahalagang ambag nila sa pamumuhay at lipunang Hapones ? 7. Paano naka impluwensiya ang kulturang hapones sa paghubog ng pamumuhay ng mga Silangang Asyano ? 8. Paano nakatulong ang heograpiya ng hilagang Asya sa pag-usbong ng kanilang kabihas-nan?

Story Board Ko! Ang mga mag-aaral ay gagawa ng storya tungkol sa mga dinastiya sa China. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng isang dinastiya na kanilang gagawan ng story board. Pamprosesong tanong:1. Anu-ano ang mga mahahalagang pangyayari sa Tsina?2. Paano nakaapekto ang mga dinastiya sa China sa kasalukuyan?

Pagpapalalim Kritikal na pagsusuri sa ginawang story board ng mga mag-aaral. Kritikal na diskusyon tungkol dito. 1. Anu-ano ang mga isyung tinukoy sa estorya?2. Paano mo maikokonek ang mga isyung ito sa kasalukuyang panahon?

September 15,16,17Aralin 4: Kabihasnang KoreaPagtuklas: Pagsagot sa chart ng Aking Alam, Nais Malaman, at Mga Natutunan. Ang sasagutan lamang ay ang Aking Alam at Nais Malaman tungkol sa kabihasnang Korea. Pag-usapan natin ang KPOP!Pamprosesong Tanong:1. Ano ang mapapansin sa KOP sa kasalukuyan?2. Sa tingin mo ba malaki na ang ipanagbago ng Korea sa kasalukuyan?3. Mayroon pa bang naiwan na identidad ng sinaunag Koreano sa kasalukuyan?

Paglinang Timelining of Events. (Graphic Organizers)1. Anu-ano ang mahahalagang pangyayari?2. Ano ang naging epekto ng pamumuhay noon sa kasalukuyan? Pagpapalalim Panoorin natin ang Miracle in Cell No. 7 Pag-usapan natin ang mga isyung nakapaloob sa Pelikula at ihalintulad ito sa mga isyu sa Kabihasnang Korea at kasalukuyan. Quiet Time (Gunawa ng repleksyon tungkol Aralin)

September 18,19Aralin 5 Kabihasnang Hapon

Pagtuklas: Pagsagot sa chart ng Aking Alam, Nais Malaman, at Mga Natutunan. Ang sasagutan lamang ay ang Aking Alam at Nais Malaman tungkol sa kabihasnang Tsina. Let us talk about Naruto, Manga ! Pag-uusapan ang tungkol sa ipinapakita ng mga gawang hapon na ito.

Paglinang Timeline Pag-usapan natin. Anu-ano ang mga pangyayaring naganap sa Hapon noon? Anu-ano ang mga isyung sosyal? Paano mo ito maiuugnay sa kasalukuyan?Gabay na Tanong:1. Ihalintulad ang Hapon noon at ngayon.2. Paano nakatulong sa paghubog ng Hapon ang kulturang ipinamana ng kanilang mga ninuno? Ipaliwanag. Pagpapalalim Comic StripsGabay na tanong:1. Ano ang koneksyon ng iyong Comic Strip sa Kabihasnang Hapon?

September 22,23Aralin 6: Mga Kabihasnan sa Asya (PaghahambingPagtuklas: Venn Diagram Paghahambing sa mga kabihasnan sa AsyaMga Tanong:1. Anu-anong katangian ang magkakapareho? Ano naman ang magkakaiba?

Paglinang: Pagsagot sa Tri-question Sheet. Gabay na tanong:1. Ano ang bahaging ginampanan ng pangyayaring ito sa kanilang bansa na kinabibilangan ? 2. Bakit mahalaga ang mga pangyayaring ito sa kanilang bansa ? 3. Paano nakatulong sa pagbuo at pa-ghubog ang mga pangyayaring ito sa kanilang pamumu-hay ?

Pagpapalalim: Kritikal na pag-aanalisa sa mga Sagot sa Tri-question Sheet.

September 24, 25Aralin 7: Pilisopiya at Relihiyon sa AsyaPagtuklas Para sa iyo?Anong Pilipospiya ang pinaniniwalaan mo sa buhay? Bakit?Paglinang Mga Relihiyon sa Asya Matrix Kritikal na diskusyon tungkol sa pilosopiya at reloihiyon sa Asya.Gabay na tanong:1. Paano itinatag ang mga relihiyon sa Asya? 2. Ano ang nagtulak sa mga tagapagtatag ng relihiyon na talikuran ang masarap na buhay at magtatag ng isang relihiyon ? 3. Bakit nagkakaiba iba ang relihiyon at paniniwala ng mga tao sa Asya? 4. Aling relihiyon na tinalakay ang higit na pinaniniwalaan at niyayakap ng mga Asyano? Bakit?5. Paano nakatulong ang mga relihiyon sa pagbuo at paghubog ng kabihasnang Asyano ? 6. Paano nakaimpluwensiya ang relihiyon sa buhay at pamumuhay ng mga Asyano, anong aral, paniniwala at gawain ng kanilang relihiyon ang higit na nakapagpaunlad sa kanilang sarili? 7. Paano mo pinili ang kasalukuyang relihiyon na iyong pinaniniwalaan? 8. Aling turo o aral ng iyong relihiyon ang higit na nakakaapekto sa iyong buhay ?Bakit ?

PagpapalalimDiskusyon tungkol sa mga sumusunod: Pagbasa sa tekstong pinamagatang May Rason Kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling pilosopiya. Kahalagahan ng relihiyon.

1. Sa anong bahagi ng aralin may kaugnayan ang mga sinalungguhitang mga paniniwala ? 2. Anong relihiyon ang may kaugnayan sa lathalain at paano ito nagtutugma sa aral at panini-wala? 3. Sa iyong pagsusuri paano nakatulong ang lathalain sa pagpapalalim ng iyong pag-unawa sa relihiyon at paniniwala? 4. Bilang mag-aaral at kabataan paano ka naaapektuhan ng relihiyon sa iyong pamumuhay? 5. Kung ikaw ang magwawakas ng lathalain paano mo ito wawakasan kasama ang paniniwala na ang relihiyon, pilosopiya at paniniwala ay pundasyon ng isang maningning at maunlad na sibi-lisasyon?

September 26, 29Aralin 8: Impluwensya ng Sinaunang kabihasnan sa kababaihanPagtuklas Hagdan ng Kaalaman1. Bawat hagdanan ay mayroong ibat-iban tanong na sasagutin ng mga mag-aaral. Kinakailangang masagutan nila ito upang makarating sa katapusang bahagi ng hagdanan. Paglinang Pagsusuri ng Teksto (Kodigo ni Hammurabi vs. Kodigo ni Mannu) tungkol sa pagbibigay-halaga sa mga kababaihan.Pagpapalalim1. Ano ang kalagayan ng kababaihan sa sinaunang lipunan ? 2. Ano ang bahaging ginampanan ng kababaihan sa sinaunang lipunan? 3. Bakit limitado ang karapatan ng kababaihan sa lipunan? Hanggang ngayon ba ay nan-gyayari pa ito sa mga bansang Asyano ? 4. Sa kabila ng mababang pagtingin ng lipunan paano sila naging makabuluhang bahagi sa pagbuo at pagpapayaman ng sibilisasyong asyano?

September 20, October 1Aralin 9: Kababaihan sa Asya Pagtuklas Kumusta na ang mga kababaihan sa kasalukuyan? (Pagbabahagi ng opinion.)Paglinang News Analysis (Balita tungkol sa mga kababaihan sa Asya) Paghahalintulad sa mga kababaihan noon at ngayon Pag-usapan ang isyu sa VAWC1. Anu-ano ang mga isyung kinakaharap ng mga kababaihan noon? Ngayon?2. Kumusta na ang kababaihan ngayon? Pagpapalalim Kababaihan sa Asya Kontribusyon ng mga kabihasnan Info Chart1. Paggawa ng simbolo ng Kababaihan.