4
IKA-121 TAONG ANIBERSARYO (1898-2019) KALAYAAN NG BANSANG PILIPINAS IKA-1 DEKADANG ANIBERSARYO NG LPMPC JOSE PANGANIBAN BRANCH IPINAGDIWANG Nakilahok ang Pamunuan at kawani ng Labo Progressive Mul- Purpose Cooperave (LPMPC) sa pagdiriwang ng kalayaan ng Pilipinas. Sinimulan ang programa noong ika-12 ng Hunyo, Inatag ang sangay ng LPAN noong ika-31 ng Mayo, 2009 upang maipaabot ang serbisyo sa naturang bayan at kalapit na bayan ng Paracale. “Reaching out to help people grow” ang gabay sa pagsisimula ng operasyon. Nagsimula ang LPAN sa dalawamput-walong (28) kamay-ari at naging 2,2159 sa kasalukuyan, Mayo 31, 2019. Patuloy ang pagdagdag ng mga kamay-aring walang sawang tumatangkilik sa mga serbisyo at produkto June 2019 2019 ng isang Misa ng Pasasalamat na sinundan ng pagtataas ng watawat ng Pilipinas. Ang pagtataas ay pinangunahan ni Mayor Joseph V. Ascua at pag- awit ng Lupang Hinirang na pinangunahan ni Gng. Vilma Ferrer. Sinundan ito ng pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Dr. Jose P. Rizal ng Lokal na Pamahalaan ng Labo, kasama ang mga pinuno ng mga paaralang sakop ng Labo, TESDA, Boy and Girl Scout of the Philippines, Pederasyon ng SB ng Kabataan ng Labo, mga Pinuno o kinatawan ng ibat-ibang NGOs, PO, Kooperaba, pederasyon at samahan. Ang parada naman ay pinangunahan ng Labo PNP na nagsimula sa Labo Plaza at nagtapos sa Labo Sports Plaza para sa Panggunitang Palatuntunan, Pangkultural na Pagtatanghal at Pagtatanghal ng mga Larawan at Patotoo ng Pagkamakabayan sa Museo ng Labo. Ang paksang Diwa ng pagpon: KALAYAAN 2019: TAPANG NG BAYAN, MALASAKIT SA MAMAMAYAN. ng sangay. Ito ay isang kabayan na malaki ang naitulong at matutulungan pa ng LPAN sa pag-angat ng antas ng kabuhayan ng komunidad. Bilang pasasalamat at paggunita sa pagkakatatag ng sangay, naghandog ang pamunuan ng libreng gupit para sa mga kamay- ari (lalaki at babae) at mga anak nito at pameryendang sorbetes naman sa mga bisita ng opisina noong ika- 31 ng Mayo, 2019. Ang nagupitan ay 62 (L=37, B=25) kasama na rito ang 27 kabataan. Ikinagalak ng mga kamay- ari ang hakbanging ito at hiniling na ipagpatuloy ito sa mga susunod na taon. Sa patuloy na pagtangkilik at kooperasyon ng (3) tatlong pinakamahalagang elemento ng kooperaba: opisyales, kawani at miyembro at higit sa lahat, ang patnubay ng Poong Maykapal, maliwanag na makakamit ng sangay ang katuparan ng mga inakdang layunin nito para sa mga kamay-ari, kanilang pamilya at sa pamayanan.

June 2019 IKA-121 TAONG ANIBERSARYO (1898-2019) … · people grow” ang gabay sa pagsisimula ng operasyon. Nagsimula ang LPAN sa dalawamput-walong (28) kamay-ari at naging 2,2159

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: June 2019 IKA-121 TAONG ANIBERSARYO (1898-2019) … · people grow” ang gabay sa pagsisimula ng operasyon. Nagsimula ang LPAN sa dalawamput-walong (28) kamay-ari at naging 2,2159

IKA-121 TAONG ANIBERSARYO (1898-2019) KALAYAAN NG BANSANG PILIPINAS

IKA-1 DEKADANG ANIBERSARYO NG LPMPC JOSE PANGANIBAN BRANCH IPINAGDIWANG

Nakilahok ang Pamunuan at kawani ng Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative (LPMPC) sa pagdiriwang ng kalayaan ng Pilipinas. Sinimulan ang programa noong ika-12 ng Hunyo,

Itinatag ang sangay ng LPAN noong ika-31 ng Mayo, 2009 upang maipaabot ang serbisyo sa naturang bayan at kalapit na bayan ng Paracale. “Reaching out to help people grow” ang gabay sa pagsisimula ng operasyon. Nagsimula ang LPAN sa dalawamput-walong (28) kamay-ari at naging 2,2159 sa kasalukuyan, Mayo 31, 2019.

Patuloy ang pagdagdag ng mga kamay-aring walang sawang tumatangkilik sa mga serbisyo at produkto

June 2019

2019 ng isang Misa ng Pasasalamat na sinundan ng pagtataas ng watawat ng Pilipinas.

Ang pagtataas ay pinangunahan ni Mayor Joseph V. Ascutia at pag-awit ng Lupang Hinirang

na pinangunahan ni Gng. Vilma Ferrer. Sinundan ito ng pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Dr. Jose P. Rizal ng Lokal na Pamahalaan ng Labo, kasama ang mga pinuno ng mga paaralang sakop ng Labo, TESDA, Boy and Girl Scout of the Philippines, Pederasyon ng SB ng Kabataan ng Labo, mga Pinuno o kinatawan ng ibat-ibang NGOs, PO, Kooperatiba, pederasyon at samahan.

Ang parada naman ay

pinangunahan ng Labo PNP na nagsimula sa Labo Plaza at nagtapos sa Labo Sports Plaza para sa Panggunitang P a l a t u n t u n a n , Pangkultural na Pagtatanghal at Pagtatanghal ng mga Larawan at Patotoo ng Pagkamakabayan sa Museo ng Labo.

Ang paksang Diwa ng pagtitipon: KALAYAAN 2019: TAPANG NG BAYAN, MALASAKIT SA MAMAMAYAN.

ng sangay. Ito ay isang katibayan na malaki ang naitulong at matutulungan pa ng LPAN sa pag-angat ng antas ng kabuhayan ng komunidad.

Bilang pasasalamat at paggunita sa pagkakatatag ng sangay, naghandog ang pamunuan ng libreng gupit para sa mga kamay-ari (lalaki at babae) at mga anak nito at pameryendang sorbetes naman sa mga bisita ng opisina noong ika-31 ng Mayo, 2019.

Ang nagupitan ay 62 (L=37, B=25) kasama na

rito ang 27 kabataan. Ikinagalak ng mga kamay-ari ang hakbanging ito at hiniling na ipagpatuloy ito sa mga susunod na taon. Sa patuloy na pagtangkilik at kooperasyon ng (3) tatlong pinakamahalagang elemento ng kooperatiba: opisyales, kawani at miyembro at higit sa lahat, ang patnubay ng Poong

Maykapal, maliwanag na makakamit ng sangay ang katuparan ng mga itinakdang layunin nito para sa mga kamay-ari, kanilang pamilya at sa pamayanan.

Page 2: June 2019 IKA-121 TAONG ANIBERSARYO (1898-2019) … · people grow” ang gabay sa pagsisimula ng operasyon. Nagsimula ang LPAN sa dalawamput-walong (28) kamay-ari at naging 2,2159

2 Asenso Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative Newsletter

PAG-UULAT SA SANGAY NG JOSE PANGANIBAN

KAPISTAHAN SA CAPALONGA OWNERSHIP MEETING SA STA. ELENA

Isa sa mga gawain ng pamunuan ng LPAN ay magsagawa ng Ownership Meeting o Pag-uulat para sa mga kamay-ari nito upang ipabatid ang kasalukuyang estado ng sangay at maiparating ang mga bagong serbisyo at produkto ng LPMPC. Ang nasabing pagpupulong ay ginanap noong ika-25 ng Mayo, 2019 sa Mambulao Pacific Hotel. Dinaluhan ng 90 (L=17, B=83).

Sinisikap ng Pamunuan na sa bawat programa ng LPMPC ay mayroong “learning session. Nagkaroon ng pagsasanay sa “Financial Literacy” na pinangunahan ng MREDT. Nagkaroon ng malayang talakayan at aktibong pakikilahok ng mga kamay-ari. Binigyang diin dito ang kahalagahan ng pag-iimpok at wastong pamamahala ng pananalapi ng bawat tao upang mayroong madudukot

Nagdesisyon ang pamunuan ng Parish of St. Lucy at Diocesan Shrine of Jesus the Black Nazarene sa pamamagitan ng kanilang Parish Priest at Rector na si Rev. Fr. Salvador Babala IV, na iurong ang petsa ng kanilang kapistahan upang magbigay daan sa halalan. Dahil dito sa halip na Mayo 11-13, 2019, ang pagdiriwang isinagawa noong Mayo 10-12, 2019. Ayaw ng simbahan na maging hadlang ang debosyon kay Poon para hindi magawa ng mga deboto ang kanilang karapatang bomoto.

Ang “Pontifical Mass” ay ginanap sa Capalonga Baywalk na pinangunahan ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon,

Ang LPMPC- Capalonga (LCAP) ay patuloy na nagbibigay ng serbisyong pang kaalaman at pagsasanay sa mga kamay-ari nito. Kaugnay nito, isang “Ownership Meeting” ang isinagawa sa Sta. Elena noong ika 27- ng Abril, 2019. Dininaluhan ito ng 62 (L=11, B=51) kamay-ari.

Ang layunin ng nasabing pagpupulong ay bigyan ng bago at tamang impormasyn ang mga kasapi. Ang bagong polisiya at mga detalye ng mga programa at serbisyo ng LCAP, tulad ng Loans Products ay ipinaliwanag. Ang pinansyal

sa oras ng pangangailangan. Sinundan ang pagsasanay

ng pagpupulong tungkol sa mga bagong produkto at teknolohiya ng sangay. Ang “KAYA Payment Platform” ay isang teknolohiya para sa nagmamay-ari ng teleponong “android” na magbayad, magdeposito at mag-withdraw sa mga Kooperatibang may kahalintulad na teknolohiya. Mababawasan ang gastos at abala ng mga kamay-ari. Ang “TEXT BLAST” naman ay nagsisilbing tagapagpa-alala sa mga nalalapit na bayarin ng mga kamay-ari. Sila ay makatatanggap ng paalala

galing sa LPAN tuwing nalalapit na ang oras ng bayaran at kompirmasyon matapos ang transaksyon tulad ng deposito, “withdrawal” at pagbayad ng utang. Maaari ring iparating ang mga pagbati, imbitasyon sa mga pagsasanay at iba pang mahahalagang paunawa.

Ang huling bahagi ng pagpupulong ay ang pagpapahayag ng ulat sa iba pang serbisyo ng LPAN. Ibinahagi ang kasalukuyang kalagayan sa Programang Pagtutulungan sa Panahon ng Pangangailangan (P-4) tulad ng claims, bilang ng kasalukuyang kasapi sa

tatlong (3) sangay at ang iba pang paglilinaw sa patakaran ng programa. Nagkaroon ng tanungan at maayos namang natugunan ng mga kawani. Sa bahaging ito, tinalakay din ng namumuno ng sangay ang kasalukuyang estado ng operasyon. Bago natapos ang pagpupulong, nagkaroon ng “Member’s Satisfaction Survey” para sa ginanap na programa upang mapulsuhan din kung nasisiyahan pa ba ang mga kamay-ari sa mga gawain ng kooperatiba. Sa kabuuan, naging matagumpay ang nasabing Pag-uulat ng sangay ng LPAN.

ika-4 ng madaling araw. Ang piling kasapi ng

Pamunuan ng LPMPC at mga kawani ng sangay ng LPMPC sa Capalonga (LCAP) ay nakilahok naman sa Fluvial Parade at prusisyon noong Huebes, Mayo 9, 2019 sa Capalonga Lake tungo sa Black Nazarene Shrine, Brgy. Tapagpucao, Capalonga. Isang misa ang idinaos para sa mga debotong sumama sa Fluvial Parade and Procession.

Ang kapistahan, prusisyon ay Fluvial Parade para sa Poong Black Nazarene ay dinadayo ng mga deboto galing sa iba’t-ibang pook sa bansa, lalung-lalo na ang mga negosyanteng Tsino na buo ang paniniwala at panata kay Poong Black Nazarene.

na kalagayang noong nakaraan hanggang sa kasalukuyang operasyon ay ipinaliwanag din upang malaman ng mga kamay-ari ang katotohanan.

Nagbigay din ng Financial Literacy Training si G. Jaslor Laviña, ng MREDT, upang madagdagan ang kaalaman ng mga kamay-ari sa kahalagahan ng pag-iimpok at tamang paggamit ng kanilang salapi: sa pampamilyang pagba-badget at maging sa pagnenegosyo.

Nagpa-raffle din ng mga tasa ang mga kawani sa mga dumalo na labis na ikinatuwa ng mga kamay-ari.

Page 3: June 2019 IKA-121 TAONG ANIBERSARYO (1898-2019) … · people grow” ang gabay sa pagsisimula ng operasyon. Nagsimula ang LPAN sa dalawamput-walong (28) kamay-ari at naging 2,2159

3AsensoLabo Progressive Multi-Purpose Cooperative Newsletter Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative Newsletter

MGA PROYEKTO AT KASALUKUYANG MGA PROGRAMA NG LPMPC AGRIBUSINESS DEPARTMENT SAGISAG PANULAT: PAGUTPOT

PINEAPPLE DECO FIBER PROJECT

HANDLOOM WEAVING PROJECT

INTEGRATED PINEAPPLE PROCESSING

Ang proyektong ito ng Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative (LPMPC) ay nangangailangan ng tulong at suporta ng ating

Sa una at ikalawang yugto ng taong ito, maganda ang naging operasyon at kalakaran ng pagnenegosyo ng proyetong ito. Natapos at naibenta ang 5,055 na yaring “Academic Regalia” o Alampay sa Bicol University na ginamit ng mga nagsipagtapos sa kanilang unibersidad. Ang halagang Php 2,699,890.00 ay katumbas ng humigit kumulang sa 3,085 na nayari.

Simula noong Enero hanggang Mayo, 2019, ang proyektong ito ay naghatid ng benta na may halagang Php 1,067,199.00. Umangat ng Php 28,455.00 na benta kumpara sa nakaraang taon na may 2.73 ang bahagdan (2.73%). Alinsunod nito, tumaas ang produksyon ng halos nasa sampung bahagdan (10%).

Ang pagtaas na ito ay dulot ng makabuluhang

mga kamay-ari lalo na ng mga magsasaka ng pinya. Ayon sa datos ngayong Mayo, 2019, bumaba ang produksyon kumpara sa nakaraang taon. Nagkaroon lamang ng kabuuang benta na Php 200,550.00 na taliwas sa inaasahang target na tatlong(3) tonelada. Ito ay sa kadahilanang bumaba ang produksyon ng hibla ng pinya. Dalawang (2) grupo na lamang ang

patuloy na gumagawa at aktibong nagbebenta ng kanilang yaring hibla sa ating Kooperatiba.

Patuloy pa rin ang walang sawang suporta ng ating lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng mga pagsasanay sa mga nagnanais gumawa nito. Noong ika-5 ng Abril, 2019, ang pagsasanay sa “Pineapple Good Agricultural Practices” isinagawa. Ito ay pinangunahan ng

Agricultural Training Institute (ATI) Rehiyong Bikol at Panlalawigang Tanggapang Pansakahan (OPAG-Cam Norte) sa Pamumuno ni G. Almirante Abad. Bunsod nito, nais po ng Pamunuan na patuloy pong suportahan ng ating mga kamay-ari at magsasaka ng pinya ang proyektong ito upang palakasin at maparami ang produksyon na kailangan ng ating merkado.

Patuloy pa rin ang produksyon at pagbebenta ng ating Pineapple Cloth. Kaugnay nito, nakapagbigay ng hanapbuhay sa mga kababaihang kamay-ari at tatlumpong (30) pamilya bilang

maghahabi, magbuburda at mananahi. Hangad at dasal po namin na patuloy pang maisagawa ang mga proyektong kahalintulad nito at madagdagan pa ang mga kliyenteng unibersidad ng ating Kooperatiba. Sa

mga nagbigay suporta upang maisakatuparan ang gawaing ito, sa ating mga kamay-aring maghahabi, mananahi, nagbuburda at agribusiness staff:

Maraming Salamat po! Mabuhay po kayo!

serye ng pagplaplano ng mga kawani na ibinahagi ng mga kasamahang NGO mula sa ng AGRITERRA, TRIAS at implementasyon ng Philippine Rural Development Project (PRDP). Ang PRDP ang pangunahing programang ipinapapatupad ng Kagawaran ng Pagsasaka sa pamamagitan ng World Bank na siyang pinanggalingan ng

proyektong “Camarines Norte Pineapple Trading and Processing Project”. Ito ay na naglalayon na palakasin ang tulong sa mga magsasaka ng pinya sa ating lalawigan.

Kaugnay nito, ang aming panawagan sa mga kamay-ari at ating mga kababayan na patuloy po nating tangkilikin ang QUEENCH PRODUCTS! REFRESHINGLY HEALTHY, 100% NATURAL

FRUIT JUICE DRINK! HELP OUR FARMERS, BUY THIS PRODUCT!

MABUHAY ANG PAMILYANG MAGSASAKA!!!

Page 4: June 2019 IKA-121 TAONG ANIBERSARYO (1898-2019) … · people grow” ang gabay sa pagsisimula ng operasyon. Nagsimula ang LPAN sa dalawamput-walong (28) kamay-ari at naging 2,2159

4 Asenso Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative Newsletter4 Asenso Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative Newsletter

A.M.S. PRESSNAGA-DAET-LEGAZPI

Ang Member Relations and Enterprise Development Team (MREDT) ay patuloy na nagbibigay at nagsasagawa ng mga pagsasanay at karagdagang impormasyon tungkol sa matagumpay na pagnenegosyo ng mga kamay-ari sa iba’t-ibang sangay ng LPMPC.

Ang pagsasanay sa “Financial Literacy and Personal Entrepreneurial Competencies for the Youth” para sa mga kabataan ay isinagawa noong ika-4 ng Abril, 2019 sa LPMPC Training Hall. Ito ay dinaluhan ng 48 (L= 7,B=41 ) kabataan galing sa sangay ng Labo, kasama na rin ang mga mag-aaral ALS at YECS. Sila ay masigasig na ginagabayan upang maging

Isinagawa ang 2nd International Summer Youth Camp 2019 sa Palm Farm Resort Cayucyucan, Mercedes Camarines Norte noong ika 1-4 ng Mayo, 2019. Ito ay dinaluhan ng mga kabataang kamay-ari ng: SDCC, KAENTREP at PATAMABA ng Maynila; GSAC, SPPC,

MGA PAGSASANAY NG MREDT SA IBA’T-IBANG SANGAY NG LPMPC

SUMMER YOUTH CAMP

 MREDT

malakas na sektor at boses ng LPMPC.

Ang “Cash Flow Recording Seminar with Financial Literacy“ ang idinaos para sa Small Scale Entrepreneur (SSE) sa sangay ng Labo noong ika-13 ng Abril, 2019 sa apatnapung (40-L=10, B=30) SSEs. Isang “Appreciation to Competency based Economies through Formation of Enterprise (CEFE)” para pa rin sa SSEs sa sangay ng Labo ang isinagawa noong ika-28 ng Mayo, 2019. Sa tatlumpong-limang (35) dumalo: 31 ang kababaihan, 4 ang kabataan at 35 ang SSEs.

Ang CEFE ay isang paraan ng pagtuturo sa mga negosyante (entrepreneur) upang mapaganda, mapalawak,

at maging maayos ang kanilang negosyo. Ito rin ay pagsasanay tungkol sa wastong pagpla-plano at makabuo isang bagong negosyo ayon sa kakayahan at pangangailangan ng komunidad. Ang mga dumalo ay madaling matandaan ang mga hinahatid ng mga konsepto sa pamamagitan ng laro: matagumpay na pagplaplano, maayos na pakikipag-usap, pag-aaral sa takbo na kalakaran sa merkado at iba pang mga kaalamang kailangan ng isang maginhawang pamumuhay dulot ng maunlad na pagnenegosyo.

Noong ika- 27 ng Abril, 2019, isang “ Financial Literacy” ang isinagawa sa Sta. Elena

Service Center ng sangay ng Capalonga kasabay ng kanilang Ownership Meeting o Pag uulat.

Sa mga kamay-ari ng sangay ng Jose Panganiban (LPAN), isa ring “Financial Literacy” ang idinaos kasabay ang kanilang Ownership Meeting o pag uulat noong ika-25 ng Mayo, 2019. Ito ay danaluhan ng 90 (L=17 , B=83): 15 ang kabataan at 88 ang SSEs.

Mula sa MREDT, ipinagbibigay-alam at hinihikayat namin ang lahat ng kamay-ari ng Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative (LPMPC) na “TARA MAG-ARAL TAYONG MULI” sa ika-uunlad ng ating mga sarili, ng ating kabuhayan at ng pamayanan.

GABAY at ALPAS ng Sorsogon; BFDC at PDCI ng Camarines Norte; at LPMPC, TKFPI, TAMUCO, CANOFECO kasama ng mga Primary Coops. Ang organisasyon ng KLJ at Groone Kring ng Belgium ay dumalo rin. Nais nilang palawakin at patatagin ang sektor ng mga

kabataan sa pamumuno at maging halimbawa ng isang komunidad o organisasyon sa hinaharap.

Ang layunin ng nasabing Youth Camp ay pag-ibayuhin at patatagin ang kooperasyon ng sektor ng kabataan sa mga gawain at misyon ng Kooperatiba: lokal at nasyonal. Ang LPMPC ay nagpadala ng

sampung (10) kabataang na nanggaling sa hanay ng ALS, YECS Laboratory Coop at kamay-ari ng sangay ng Labo. Sa Kabuuan may 67( L=45, B=27) na kabataang ang dumalo.

Ang mga gawaing sa mga kabataang dumalo ay nakatuon sa “mental health awareness, enhancing individual leadership potential, mental health awareness, enhancing individual leadership potential, gender identity and equality“, pagsasaka, pagpapalakas at pagpapatatag sa sektor ng kabataan sa pamamagitan ng pag-hubog ng kanilang kakayahan bilang isang namumuno at ang kahalagahan ng pagiging responsible sa pag-papaplano ng pamilya.