9
ARALING PANLIPUNAN GRADO 8

K to 12 AP Grade 8 Sample Test Questions ppt

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: K to 12 AP Grade 8 Sample Test Questions ppt

ARALING PANLIPUNAN

GRADO 8

Page 2: K to 12 AP Grade 8 Sample Test Questions ppt

• Ang pagdating ng mga ibat-ibang mananakop sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay nagdulot ng maraming mabubuti at masasamang epekto. Alin sa mga sumusunod ang magandang epekto nito sa aspetong pulitikal ng mga ibang bansang sinakop?

a. Pagtataguyod ng magandang sistema ng edukasyon

b. Pagpapatayo ng mga imprastraktura

c. Sistemang pamahalaan at batas

d. Pagkakaroon ng malawakang eleksyon

Kaalaman

Page 3: K to 12 AP Grade 8 Sample Test Questions ppt

• Sagot # C

c. Ang sistemang pamahalaan at batas ay napapailalim sa aspetong pulitikal

Ang A ay napapailalim sa aspetong edukasyon

Ang B ay napapailalim sa aspetong arkitektura

Ang D ay napapailalim din sa aspetong pulitikal pero hindi ito malawakang nangyari noong panahon ng kolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

Page 4: K to 12 AP Grade 8 Sample Test Questions ppt

• Isa ang Tsina sa mga bansang nakaranas ng pananakop ng mga Kanluranin.Magkakaiba ang pamamaraan at layunin ng mga Tsino na nakipaglaban para makamit ang kanilang kalayaan. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari na may kaugnayan sa pagpapakita ng mga Tsino ng damdaming Nasyonalismo.

I. Pagtatatag ni Sun Yat Sen ng partidong Kumintang

II. Paghihimagsik ng mga Boxer laban sa Kanluranin

III. Pagsiklab ng Rebelyong Taiping laban sa mga Manchu

IV. Pagsikat ng partidong Kunchantang sa pamumuno ni Mao Zedong

 

a. III,II,I at IV c. II,III,I at IV

b. I,II,III at IV d. IV,III,I at II

Proseso

Page 5: K to 12 AP Grade 8 Sample Test Questions ppt

• Sagot #C

c. II,III,I at IV

Ipinapakita dito ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa Tsina na may kaugnayan sa pagkamit ng kalayaan mula sa mga Kanluranin. Nagsimula ito sa mga grupo na tinatawag na Boxer, sinunundan ng mga Taiping, sumunod ang pamumuno ni Sun Yat Sen at ang huli ay si Mao Ze Dong

Page 6: K to 12 AP Grade 8 Sample Test Questions ppt

Pag-unawa

( http://www.google.com.ph?q colonialism in southeast asia)

Page 7: K to 12 AP Grade 8 Sample Test Questions ppt

• Suriin ang larawan sa itaas, Ano ang makukuha mong impormasyon sa uri ng pamumuhay ng mga Asyano sa ilalim ng mga mananakop na Kanluranin?

a. Ang pagsasaka ay kinontrol ng mga mananakop

b. Mas napalago nila ang buhay agrikultura

c. May kalayaan ang mga sinakop sa kanilang pamumuhay

d. Sila ay lubos na binabantayan sa kanilang pagtatrabaho 

• Sagot# A

a. Ang pagsasaka ay kinontrol ng mga mananakop

Ipinapakita at ipinauunawa ng larawan ang pagkontrol ng mga mananakop sa agrikultura ng kolonya

Page 8: K to 12 AP Grade 8 Sample Test Questions ppt

• Ikaw ay miyembro ng isang organisasyon na nagbibigay halaga sa mga pagpupunyagi ng mga Asyano na makamit ang kalayaan mula sa mga mananakop. Nakipagkasundo sa inyong organisasyon ang isang publishing house upang makagawa ng pamphlet tungkol sa talambuhay,kontribusyon at kahalagahan ng kanilang mga nagawa sa kasalukuyan. Ito ay ipamamahagi sa mga mag-aaral ng Grado 8. Ilalahad mo ang mga disenyo at nilalaman ng iyong pamphlet sa pamunuan ng publishing house. Alin sa mga sumusunod na pamantayan ang dapat mong isaalang-alang?

a. Kawastuhan ng mga datos, medaling maunaaan, bilang ng pahina

b. Kaangkupan ng salita,kawastuhan ng datos,pagkamalikhain

c. Kawastuhan ng grammar,bilang ng pahina,laki o liit ng mga larawan

d. Pagkamalikhain, laki o liit ng larawan, haba ng nilalaman

Pagganap

Page 9: K to 12 AP Grade 8 Sample Test Questions ppt

• Sagot # B

b. Kaangkupan ng salita,kawastuhan ng datos, pagkamalikhain

Mahalaga ang mga nabanggit na pamantayan dahil ang pamphlet ay ibabahagi sa mga mag-aaral ng Grado 8 

• Pamantayan sa paggawa ng pamphlet

Natatangi (4)

Mahusay (3)

Hindi Mahusay (2)

Marka

Kaangkupan ng salita

Kawastuhan ng datos

Pagkamalikhain