24
KALIGIRANG KASAYSAYAN NG EPIKO

kaligirang pangkasaysayan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

kaligirang pangkasaysayan ng panitikan

Citation preview

PowerPoint Presentation

KALIGIRANG KASAYSAYANNG EPIKOEPIKOIto ay nagmula sa sinaunang salitang Griyego (Greek) na (epikos), at (epos) na nangangahulugang "salita", "kuwento", o "tula". Ito ay mga tulang pasalaysay na naglalarawan sa buhay at kabayanihan ng isang tao (partikular sa isang lalaki).URI NG EPIKO1. Oral Poetry -> mga sinaunang epiko na nabuo lamang sa pamamagitan ng pagkukuwento sa iba't ibang tao.

Oral Epic o World Folk EpicOral Epic o World Folk EpicIto ay mahahabang tula na iniuuri-uri (classifying) batay sa haba ng palabas, konsepto, interes, at kahalagahan. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsasaulo at pagtanghal nito sa entablado o sa harap ng maraming manonood.2. Epyllion -> mas maiikling epiko kumpara sa Oral Poetry na nakilala noong Hellenistic Period dahil sa taglay nitong tema. Bukod sa kabayanihan ay ipinapakiita rin dito ang pag-ibig at romansa.MGA KATANGIAN NG EPIKONagsisimula muna sa isang imbokasyon para kay Muse. Imbokasyon o panalangin na iniaalay kay Muse bilang paggalang, si Muse ay isa sa siyam (9) na anak ni Zeus, ang pinaka-Diyos ng mga Griyego.2. Sinusundan ng medias res. Ang Medias Res ay paraan o estilo ng pagsusulat kung saan ay nauuna munang isinasalaysay ang gitnang bahagi ng kuwento bago ang nakaraan (flashback).3. Ang tagpuan ay napakalawak, sumasakop sa maraming bansa, buong mundo man o kalawakan.4. Naglalaman din ng mahabang listahan na tinatawag na epic catalogue. Ito ay listahan ng mga bagay, lugar, o mga tao sa kuwento na nagpapakilala sa lugar kung saan ito nagmula o isinulat.5. Nagsisimula rin sa paglalahad ng tema ng epiko.6. Ang mga pangalan ay sinasamahan ng paggamit ng mga epithet. Ang epithet ay mga pang-uri o salitang naglalarawan na ikinakabit sa pangalan ng tauhan o sa isang bagay. Halimbawa: "rosy-fingered dawn, "wine-dark sea" at mighty Achilles mula sa akda ni Homer.7. Naglalaman din ng mahahaba at pormal na mga talumpati o kawikaan mula sa mga tauhan.8. Nagpapakita ng pangingibabaw ng kapangyarihan ng mga Diyos o Diyosa sa mga tao.9. Nagpapakilala ng mga bayaning tunay na nagpapahalaga o modelo sa sibilisasyon.10. Kadalasan ding nagpapakita ng pagbaba ng pagkatao ng isang bayani mula sa matayog na katayuan nito.Ano-ano ang sinasalamin ng mga epikong ito sa bawat pangkat o rehiyon kung saan ito nagmula o naisulat?Paano ba makatutulong sa iyo at sa iyong mga karehiyon ang pag-aaral ng epiko?MAIKLING PAGSUSULITAno ang tawag sa epiko ng mga Manobo?

Ano ang pinakamahabang epiko ng Pilipinas?

Saan nagmula ang epikong Bantugan?

4.Ano ang epiko ng mga taga-Maguindanao?

5-6. Ano-ano ang 2 uri ng epiko?7. Sino ang sumulat ng Iliad at Odyssey?Ano ang ibig sabihin ng medias res?

9. Ano ang tawag sa mga pang-uring dinurugtong sa pangalan ng mga tauhan sa epiko?

10. Ano ang pinakasimula ng isang epiko?

SUSI SA PAGWAWASTO1.Tulalang2.Biag ni Lam-ang3.Maranaw4.Indarapatra at Sulayman

5. Oral Poetry6. Epyllion7. Homer8. Pagsisimula sa gitnang bahagi.9. Epithet10. Imbokasyon para kay MuseTAKDANG-ARALINA.Basahin ang kuwentong Tulalang: Epiko ng mga Manobo sa pahina 235 238.B.Bilang isang lider, paano mo malalamang nagagampanan mo nang maayos ang iyong tungkulin lalo na sa mga taong iyong pinaglilingkuran?C.Dalhin ang PLUMA 7.