Upload
scps
View
2.302
Download
181
Embed Size (px)
Citation preview
KALIGIRANGPANGKASAYSAYA
N
Ang Ibong Adarna ay isang Korido. Ito ay
kadalasang nagsisimula sa panalangin o pag-aalay ng akda sa Birhen o sa isang
santo.
Tulang RomansaKorido
Awit
Binalbal na salitang Mehikano na buhat sa
“occurido” o isang pangyayaring naganap.
Awit Korido
Binubuo ng 12 pantig sa loob ng isang taludtod.
Binubuo ng walong pantig sa loob ng isang taludtod.
Awit KoridoAng
himig ay mabagal
na tinatawag
na andante.
Ang himig ay
mabilis na tinatawag
na allegro.
Awit KoridoAng mga tauhan
ay walang kapangyarihang
supernatural ngunit siya ay nahaharap
din sa pakikipagsapalaran
ngunit higit na makatotohanan o hango sa tunay na
buhay.
Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa ng
mga kababalaghan
na hindi magagawa ng karaniwang
tao.
Buong pamagat ng Ibong Adarna
Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng
Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando
at nang Reina Valeriana sa Cahariang
Berbania
Ang Ibong Adarna ay:Tinatayang noong 1610, mula sa Mexico, ito ay nakarating sa Pilipinas. Hindi matukoy kung sino talaga ang sumulat. Pinaniniwalaang ito ay maaring hinango lamang sa kuwentong – bayan mula sa mga bansang Europa. (Pura Santillan-Castrence)
Ang Ibong Adarna ay:Ang mga tauhan ay may
pagkakatulad sa mga anyong pampanitikan sa mga
bansang Europa, Gitnang Silangan at maging sa Asya
Umaangkop sa kalinangan at kultura ng mga Pilipino.
Higit na naging tanyag sapagkat bukod sa ang mga sipi nito ay ibinebenta sa mga perya, ito rin ay itinatanghal sa mga entablado.
Nananatiling lihim ang awtor nito, bagaman
may ilang naniniwala na ang nasabing tula ay
isinulat ni Huseng Sisiw na palayaw ni Jose de la
Cruz.
Si Jose de la Cruz…-binigyan ng karangalang Hari ng mga Makata sa Katagalugan-Isinilang siya sa Tondo,Maynila noong Disyembre 20, 1746-Kinilala siya sa kahusayang sumulat ng mga tula kaya marami ang nagpaturo sa kanya ng pagtutugma ng mga salita.
Si Huseng Sisiw… Ikinapit sa kanya ang taguring
Huseng Sisiw dahil kung may nagpapagawa sa kanya ng patulang liham ng pag-ibig, ang hinihingi niyang kabayaran ay sisiw.
Ayon kay Julian Cruz Balmaseda, ang nagturo umano kay Francisco Balagtas kung paano sumulat ng tula.
Kasama rin sa Elemento ng Tula
Ang matimyas na pag-iibigan
Ang relihiyosong paniniwala Ang kagila-gilalas o
pantastikong pangyayari
Kabuuan ng Ibong Adarna
ang koridong Ibong Adarna ay binubuo ng 1,056 saknong
umabot ito sa 48 pahina
Nagkaroon ng pagkakaiba-iba sa gamit at baybay ng
salita dahil na rin sa pasalin-saling sipi, ngunit
noong 1949, dahil sa matiyaga at masusing pag-aaral ni Marcelo P. Garcia
ng iba’t ibang sipi ng Ibong Adarna ay isinaayos niya
ang pagkakasulat ng kabuoan ng akda partikular ang mga sukat at tugma sa
bawat saknong.
Paggamit sa KoridoHinalaw ang Ibong Adarna, at isinapelikula, isinalin sa dulang panradyo, teatro, sayaw, at sa kung ano-ano pang
pagtatanghal. Pinakialaman din ng kung sino-sinong editor ang nasabing korido pagsapit sa teksbuk, at ang orihinal na anyo nito ay binago ang pagbaybay at isinunod ayon sa panlasa o paniniwala ng editor at publikasyon.