24
1

Kasanayan sa Pagsasalita

  • Upload
    opa

  • View
    758

  • Download
    13

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Kasanayan sa Pagsasalita. Pagsasalita. Kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap Kakayahang ipabatid ang nasasaisip o nadarama sa pamamagitan ng pagbigkas. - PowerPoint PPT Presentation

Citation preview

Page 1: Kasanayan sa Pagsasalita

1

Page 2: Kasanayan sa Pagsasalita

PagsasalitaKakayahan at kasanayan ng isang tao na

maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap

Kakayahang ipabatid ang nasasaisip o nadarama sa pamamagitan ng pagbigkas

2

Page 3: Kasanayan sa Pagsasalita

Kahalagahan ng PagsasalitaNaipapaabot sa kausap ang kaisipan at

damdaming niloloob ng nagsasalitaNagiging kasangkapan sa pagkaunawaan ng

mga taoNakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng

saloobin ng nakikinigNaibubulalas sa publiko ang opinyon at

katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan

3

Page 4: Kasanayan sa Pagsasalita

PagtatalumpatiMaituturing na isang uri ng siningIto ay pinaghandaan bago bigkasin sa madlaDito makikita ang katatasan at husay ng

tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang pangangatwiran sa paksang tinalakay

4

Page 5: Kasanayan sa Pagsasalita

Masining na PagbigkasLakas ng Pagbigkas Bilis ng PagbigkasLinaw ng PagbigkasHintoKilos at Kumpas

5

Page 6: Kasanayan sa Pagsasalita

Lakas ng PagbigkasIto ay may kinalaman sa angkop na lakas o

paghina ng tinig.Batay ito sa damdamin at kaisipang nais

ipahayag ng bumigkas

Bilis ng PagbigkasIto ay may kinalaman sa bilis o bagal ng

pagbigkas na dapat iakma at ibatay rin sa damdamin at kaisipang nais ipahayag ng bumibigkas

6

Page 7: Kasanayan sa Pagsasalita

Linaw ng PagbigkasAng salik na ito ay tumutukoy sa tamang lakas ng tinig, bilis ng pagbigkas, tamang bigkas ng mga salita, pagsasaalang-alang ng tamang diin upang maunawaan ang ibig ipakahulugan ng bawat salita. Kasama na rin dito ang malinaw na pagbigkas ng bawat pantig ng mga salita

7

Page 8: Kasanayan sa Pagsasalita

HintoAng paghinto ay maaaring matagal sa bawat

tuldok o sa katapusan ng bawat pangungusap, samantalang sa kuwit sa loob ng pangungusap ay bahagya ang paghinto

Kilos at KumpasUpang ganap na maunawaan ang pagbigkas, ang

angkop na kumpas ng kamay at pagkilos ay kailangan.

Nakatutulong ito upang higit na kawili-wili, nakahihikayat at makulay ang pagbigkas

8

Page 9: Kasanayan sa Pagsasalita

Kasangkapan ng Isang Nagsasalita

Kaalaman sa paksaTiwala sa sariliTindigKasanayanLugarPapel na ginagampananPaksa

9

Page 10: Kasanayan sa Pagsasalita

Kaalaman sa paksaMagiging mabisa ang nagsasalita kung hawak niya

ang halos lahat ng detalye tungkol sa paksang pinag-uusapan. Nakapagpapahayag siya ng mga kinakailangang impormasyon lalo na kung may malawak din siyang talasalitaan kaugnay sa mga kaisipan at konseptong kanyang ipinahahayag. Ang paghikayat o pagkumbinsi sa mga nakikinig o kausap ay madalas depende sa mga ebidensiya at katibayang pinanghahawakan

10

Page 11: Kasanayan sa Pagsasalita

Tiwala sa sariliMadalas na ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay

bunga ng sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusapan at maging sa malawak na talasalitaan

Ito ay natatamo rin sa pamamagitan ng pagsasanay at eksposyur

Ngunit para sa mga taong likas na mahiyain, kailangan ang mga nararapat na pagkakataon upang masanay silang magsalita o makipag-usap hindi lamang sa taong kaharap kungdi lalo na sa madla

11

Page 12: Kasanayan sa Pagsasalita

TindigSa pagsasalita, kailangan ang maayos na tindig na

nagpapakita ng tiwala sa sarili, paggalang at pagiging interesado sa kausap

Lalo itong kailangan ng nagsasalita sa tanghalan, ng nagbibigay ng panayam o lektyur at nagtatalumpati

Madalas na kinikilatis ang nagsasalita sa tanghalan sa kanyang paraan ng pagtindig

Ang pagkilos at pagkumpas ay nasasalig din dito

12

Page 13: Kasanayan sa Pagsasalita

KasanayanNaipakikita ang kasanayan sa paraan ng pagbigkas

ng mga salita, pagpili ng mga talasalitaang gamitin at maging sa kanyang mga kaalaman sa paksang pinag-uusapan

Naihahanay niya ng maayos at lohikal ang kanyang mga ideya

Ang kasanayan ay naipakikita din sa maayos na pagtindig kasabay ang nararapat na kilos at kumpas

13

Page 14: Kasanayan sa Pagsasalita

LugarNasaan ang nag-uusap?(sa palengke, sa parke, sa

eskwelahan)

Papel na ginagampananAno ang relasyon ng nag-uusap? (kaibigan vs

kaibigan, amo vs utusan, namimili vs nagbibili, mag-asawa, magkasintahan, magkapatid)

PaksaNosyon o kaisipang pag-uusapan (libangan,

hanapbuhay, laro, artista, pagkain, pag-aaral)

14

Page 15: Kasanayan sa Pagsasalita

Mga Katangian ng Mahusay na Tagapagsalita

KahandaanKahusayan sa Pagsasalita

15

Page 16: Kasanayan sa Pagsasalita

KahandaanMalalaman agad ng mga tagapakinig kung

pinaghandaang mabuti ang talumpati sa panimula o introduksyong binibigkas ng tagapagsalita

Kung maganda ang panimula, makukuha agad ang atensyon ng mga tagapakinig

Dalawang mahalagang salik para sa panimula ng pananalita: a. kilalanin ang tagapakinig b. isaalang-alang ang okasyon kung pormal o di-pormal

Layunin ng dalawang ito na makapukaw ng atensyon ng tagapakinig

16

Page 17: Kasanayan sa Pagsasalita

Kahusayan sa pagsasalitaMadaling maganyak na makinig ang publiko kung

mataas at mahusay magsalita ang mananalumpati/tagapagsalita

Ibinabagay ng tagapagsalita ang kanyang tinig sa nilalaman ng kanyang talumpati

Dito rin makikita ang kasanayan sa wika ng tagapagsalita gaya ng paggamit ng angkop na salita, wastong gramatika at wastong pagbigkas ng mga salita

17

Page 18: Kasanayan sa Pagsasalita

Iba’t ibang uri ng talumpatiImpromptuExtemporeIsinaulong talumpatiPagbasa ng papel sa panayam o kumperensya

18

Page 19: Kasanayan sa Pagsasalita

ImpromptuIto ay biglaang talumpati na binibigkas nang

walang ganap na paghahandaIbinibigay rito ang paksa sa oras na mismo ng

pagsasalita

ExtemporeAyon kay James M. Copeland, ang unang

kahirapan sa pagsasagawa ng pagbigkas ng exte,pore sa isang kompetisyon ay ang kawalan ng tiyak na kahandaan sa pagbigkas

Ang paghahanda sa ganitong tipo o uri ng pagtatalumpati ay limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at sa mismong paligsahan

19

Page 20: Kasanayan sa Pagsasalita

Ang ikalawang konsiderasyon ay ang pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati

Sa ibang paligsahan, ang mananalumpati ay tinatanggal kung lumalampas o kaya’y kulangin sa oras

Samakatwid, ang pagpili ng materyal at ang pag-aayos ng panimula, katawan at kongklusyon ay apektado sa itinakdang oras

Ang ikatlong konsiderasyon ay pag-uulit ng paksaIbig ng lupon ng inampalan na makarinig sa mga

tagapagsalita ng iba’t ibang pagtalakay tungkol sa magkaparehong paksa

20

Page 21: Kasanayan sa Pagsasalita

Iminungkahi ni Copeland na mas maganda kung orihinal at maayos ang organisasyon ng pagtalakay sa paksa

Isinaulong talumpatiSa bahaging ito ang tagapagsalita ay gumagawa

muna ng kanyang talumpatiSamakatwid, may paghahanda na sa ganitong tipo

ng pagtatalumpati at kailangang memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati

21

Page 22: Kasanayan sa Pagsasalita

Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya

Makikita sa bahaging ito ang kasanayan sa pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya

Ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula, katawan at wakas/kongklusyon ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan

22

Page 23: Kasanayan sa Pagsasalita

Tsart ni Gordon Wells kaugnay sa tungkulin ng komunikasyon at gawi ng pagsasalita

Tungkulin ng Komunikasyon

Gawi ng Pagsasalita

A. Pagkontrol sa Kilos o Gawi ng Iba

Pakikiusap, pag-utos, pagtanggi,

pagmumungkahi,

pagbibigay babala

B. Pagbabahagi ng Damdamin

akikiramay, pagpuri, paglibak, paninisi, pagsalungat

23

Page 24: Kasanayan sa Pagsasalita

C. Pagbibigay o Pagkuha ng Impormasyon

pag-uulat, pagpapaliwanag, pagtukoy, pagtatanong, pagsagot

D. Pagpapanatili sa Pakikipagkapwa at Pagkakaroon ng Interaksyon

Pagbati, pagpapakilaa, pagbibiro, pagpapasalamat, paghingi ng paumanhin

E. Pangangarap at Paglikha

Pagkukuwento, pagsasatao, paghula, pagsasadula

24