41
KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAAL SA IKAAPAT NA TAON ABSTRAK Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa Ikaapat na Taon ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Talavera, Talavera, Nueva Ecija. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labinlimang (15) mga mag-aaral ng unang seksyon sa Ikaapat na Taon. Hinangad sa pag-aral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukwento, pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Sakla w ng pag-aaral na ito ang labinlimang (15) mga mag-aaral na mag- rebyu sa ikaapat na Taon. Nilimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukwento at talumpating impromptu at ekstemporenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa Ikaapat na Taon ay ang walang dayalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuyin ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa pagkukwento at pagtatalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan ng kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral. INTRODUKSYON Kaligiran ng Pag-aaral Lahat ng wika ay sinasalita ng tao bago sinulat at binasa. Dahil dito, lubhang mahalaga ang wasto at mabisang pagsasalita. Ang pagsulong ng kabihasnan ay naging mabilis at makatotohanan sa pamamagitan ng pagsasalita. Sa makatuwid, kailangan ng isang indibidwal na matuto at masanay sa mga gawaing pagsasalita. Sa pamamagitan ng pagsasalita ay nagkakaroon siya ng pagkakataong makipagpalitan ng kuru-kuro, maisalaysay ang kaniyang mga karanasan at magpamana ng karunungan. Hindi mapapawi ang katotohanang ang

Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGAMAG-AARAAL SA IKAAPAT NA TAON

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa Ikaapat na Taon ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Talavera, Talavera, Nueva Ecija. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labinlimang (15) mga mag-aaral ng unang seksyon sa Ikaapat na Taon. Hinangad sa pag-aral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukwento, pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Sakla w ng pag-aaral na ito ang labinlimang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ikaapat na Taon. Nilimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukwento at talumpating impromptu at ekstemporenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa Ikaapat na Taon ay ang walang dayalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuyin ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos.

Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa pagkukwento at pagtatalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan ng kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral. INTRODUKSYON

Kaligiran ng Pag-aaral

Lahat ng wika ay sinasalita ng tao bago sinulat at binasa. Dahil dito, lubhang mahalaga ang wasto at mabisang pagsasalita. Ang pagsulong ng kabihasnan ay naging mabilis at makatotohanan sa pamamagitan ng pagsasalita. Sa makatuwid, kailangan ng isang indibidwal na matuto at masanay sa mga gawaing pagsasalita. Sa pamamagitan ng pagsasalita ay nagkakaroon siya ng pagkakataong makipagpalitan ng kuru-kuro, maisalaysay ang kaniyang mga karanasan at magpamana ng karunungan. Hindi mapapawi ang katotohanang ang pagsasalita ang pinakamadali at pinakamabisang paraan ng pakikipagtalastasan (Sauco, 2001). Madaling makakuha ng kaibigan at kapalagayang-loob ang isang taong mahusay magsalita. Saan mang sektor ng ating lipunan, sa kalakalan, pulitika at relihiyon ay nakakalamang at may higit na oportunidad ang isang taong sanay magsalita.

Isa sa mga kailangang matutunan ng bawat mag-aaral ay ang sining ng pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng pagsasalita. Ang kakayahan ng bawat isa na maipapahayag nang lubos ang sariling damdamin, maisalaysay ang mga karanasan at maisalin ang sariling kaalaman sa pinakamadali at pinakatiyak na paraan ay matatamo sa pagsasalita. Ito’y kanilang magagamit sa pakikipag-usap, pagkukwento o pagsasalaysay, pakikipagtalakayan. Higit na nabibigyang katuparan ng isang indibidwal ang kaniyang mga hangarin sapagkat naipahayag nang lubos ang damdamin, naisalaysay ang kaniyang mga karanasan at nasabi ang kaalaman sa paraang pagsalita. Makikita rin ang kasanayan sa pagsasalita ng isang tao kung nagpamalas ito ng matatag na damdamin, malawak na kaisipan at kasanayan sa wika, retorika at balarila (Macaraig, 2000).

Page 2: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

Ang kasanayan sa pagsasalita ay isang mabisang paraan upang matamo ang matagumpay na pagtuturo. Sa matagal na panahon, ang kasanayan sa pagsasalita ay isang pagsubok sa ginawang pagtuturo ng mga guro. Dito nasusukat ang kakayahan ng mga guro sa tungkuling maturuan ang mga mag-aaral sa mabuting pakikipagtalastasan o makipag-unawaan sa kaniyang kapwa. Ito’y kawakasan ng sunud-sunod at binabalangkas ng mga aralin mula sa pagpapayaman ng talasalitaan hanggang sa malikhaing pagsasalita (Tanawan, 2002).

Isa sa mga kasanayang napapaloob sa paglinang ng makrong kasanayan sa pagsasalita ay ang pagkukwento. Likas na sa tao ang magkwento (Lachica, 2001). Magagamit ng mga mag-aaral ang kahusayan sa pagsasalaysay upang higit na matamo ang kasanayan sa pagsasalita. Ang pagkukwento o pagsasalaysay ay isang paraan ng paglinang sa kakayahang magsalita o magsulat sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga pangyayaring magkakasunud-sunod. Sa pamamagitan ng pagkukwento/pagsasalaysay, nabubuksan ang landas tungo sa malawak na daigdig ng pakikipagtalastasan, nagiging matagumpay sa pakisalamuha sa kapwa at higit sa lahat, natutong makinig, magsalita at magsulat.

Ang pagtatalumpati ay isang kapaki-pakinabang at masining na pasalitang pagtalakay ng paksa. Ito’y masining sapagkat nangangailangan ng mga tiyak na salita at maayos na hanay sa pagbigkas nang malinaw at kawili-wili sa mga nikikinig. Ang kahusayan sa pagtatalumpati ay natatamo sa puspusang pag-aaral at pagsasanay sa pagsasalita. Ang kaalaman at kahandaan ay dapat ipakita sa aktwal na pagsasalita. Dahil dito, kailangang isaalang-alang ng guro ang gawaing ito sa loob at labas man ng klasrum (Lachica, 2001). Sa kasalukuyan, nararanasan ng mga mananaliksik ang kakulangan sa kasanayan sa pagsasalita ng kanilang mga mag-aaral. Sapagkat nilayon nilang mag-ambag ng isang krusyal na paraan o pamamaraan sa paglinang ng nasabing kasanayan, nagsagawa ang mga mananaliksik ng isang pag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng sining pantanghalan particular ang pagsalitang pagkukwento at talumpating impromptu at ekstemporenyo. 72

Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa Ikaapat na Taon ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Talavera, Talavera, Nueva Ecija. Tinugunan ng isinagawang pag-aaral ang sumusunod na mga tiyak na tanong:

1. Ano ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sumusunod na sining pantanghalan?

1.1 Pasalitang Pagkukwento 1.2 Pagtatalumpating Impromptu 1.3 Pagtatalumpating Ekstemporenyo

2. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral?

2.1 Pagkukwento vs. Impromptu 2.2 Pagkukwento vs. Ekstemporenyo 2.3 Impromptu vs. Ekstemporenyo

3. Alin sa mga sining ng pangtanghalan ang madali at mahirap na isinagawa?

Page 3: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

Hipotesis

Binuo ang ganitong hipotesis sa suliranin:

1. May makabuluhang pagkakaiba ang mga kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsasalita pamamagitan ng mga sumusunod:

1.1 Pagkukwento vs.. Impromptu 1.2 Pagkukwento vs. Ekstemporenyo 1.3 Impromptu vs. Ekstemporenyo

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang layunin ng edukasyon ay magkaroon ng produktibo at kapaki-pakinabang na mamamayan na makapagbigay o makapagdulot ng kaunlaran para sa matatag na bansa. Binigyang diin naman sa kurikulum ng BEC ang mga gawain sa paglinang ng apat na mabisang kasanayang kinabilangan ng pagsasalita upang makapagprodyus ng mga mahusay na “komunikeytor”.

Ang mga sumusunod na kinatawan/kumatawan sa edukasyon ay napagkalooban na mahalagang impormasyon hinggil sa isinagawang pag-aaral.

Para sa mga administrador, ang pag-alam sa kinalabasan ng pag-aaral ay mahalaga upang

magamit sa tamang pagplano tungo sa lalong ikahuhusay ng programang hinggil sa kasanayang ito.

Para sa mga guro, maging kapaki-pakinabang sa kanila lalo na sa mga guro ng wika ang kinalabasan ng pag-aaral na ito sapagkat maari nilang gamiting isa sa mga batayan sa pagbuo ng mga gabay sa mga bagong estratehiya sa pagtuturo. Magsisilbi rin itong daan sa pagtuklas ng mga balakid o kahinaan ng mga mag-aaral sa pagsasalita.

Sa mga mag-aaral nabubuksan nito ang kanilang mga isipan at damdamin sa kahalagahan ng kasanayan sa pagsasalita. Sa pamamagitan rin nito, nakita ng mga mag-aaral ang nagagawa ng kahusayan sa pagsasalita sa kanilang partisipasyon sa loob ng klase at sa kanilang pakikisalamuha sa labas ng klasrum.

Para naman sa mga magulang, kailangang malaman ang kinalabasan ng pag-aaral na ito upang

matulungan ang mga guro para sa higit na ikalilinang ng kasanayan sa pagsasalita ng mga anak.

Ang komunidad na nasabing isang malawak na silid-aralan na kung saan dito nangyayari ang pakikipagtalastasan, pagpapalitan ng ideya, kuru-kuro, saloobin at damdamin na maaring makapagpalawak ng kasanayan sa pagsasalita ay maaaring makinabang sa kinalabasan ng pagaaral.

Saklaw at Delimitasyon

Ang isinagawang pananaliksik na ito ay sumaklaw lamang sa 30% o katumbas ng labinlimang (15) mga mag-aaral mula sa Unang Seksyon sa Ikaapat na Taon ng Pambansang Mataas na Paaralan ng

Page 4: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

Talavera, Talavera, Nueva Ecija na may kabuuang bilang na apatnaput siyam (49). Nilimita lamang ng pag-aaral na ito sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa Ikaapat na Taon.

Sa paglikom ng datos, inilaan ang tatlong (3) magkakahiwalay na talatakdaan (schedule); pagkukwento – Pebrero 16, talumpating impromptu – Pebrero 19 at ang talumpating ekstemporenyo – Pebrero 24, 2009.

Ang mga gawain sa pagkukwento at pagtatalumpati ay bahagi ng mga aralin sa Filipino IV at isa sa mga inaasahang output ng learning competencies ng mga mag-aaral.

METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik

Ginamit sa pag-aaral na ito ang palarawan na pananaliksik sa pagtanto sa antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa Unang Seksyon ng Ikaapat na Taon ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Talavera, Talavera, Nueva Ecija.

Sabjek ng Pag-aaral

Ang mga mag-aaral mula sa Unang Seksyon ng Ikaapat na Taon ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Talavera, Talavera, Nueva Ecija ay ginamit na mga sabjek sa pag-aaral na ito. May labinlimang (15) mag-aaral ang isinangkot sa pag-aaral na bumuo sa 30% na kabuuang populasyon na apatnaput siyam (49) sa pamamagitan ng stratified random sampling. Ginamit ding batayan sa pagpili ang mga grado ng mga mag-aaral na kung saan pinangkat at binigyan na kategorya.

Instrumentong Ginamit sa Pagkuha ng Datos

Ang walang dayalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” ay ginamit na instrument sa pagkuha ng datos sa pagkukwento, ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis” at ekstemporenyo gamit ang pamantayan/kraytirya sa pagtatalumpati at pagkukwento ni Villafuerte (2008) upang tukuyin ang kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral ay ginamit ding mga instrumento.

Mga Hakbang sa Pagkuha ng Datos

Sa gawaing pakukwento, pinanood ng mga mag-aaral ang walang dayalogong film na pinamagatang “Ang Pamana”. Pagkatapos manood, isa-isang ipinakwento nang pasalita sa bawat mag-aaral. Ang mga mananaliksik ang tumayong mga tagahatol sa performance ng mga magaaral batay sa ginamit na kraytirya.

Sa pasalitang pagkukwento, pinalabas ang mga partisipanteng mga mag-aaral sa klasrum at isa-isang tinawag sa loob upang isinagawa ang pagkukwento ng napanood na film sa loob ng limang (5) minuto. Ang mga mag-aaral na hindi nakasali at ang ikalawang Seksyon ng Ikaapat na Taon ay nagsilbing mga tagapakinig para sa awdyens impak.

Page 5: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

Sa talumpating impromptu at ekstemporenyo, tinalakay muna ng guro sa klase bilang paksang aralin. Pagkatapos isa-isang isinagawa ng mga mag-aaral ayon tuntunin/kraytiryang ibinigay ng mga mananaliksik. Ang tatlong mananaliksik ang nagbigay ng hatol sa performance ng mga magaaral batay sa mga kraytirya o pamantayan.

Sa talumpating impromptu, pinalabas din ang lahat ng mga mag-aaral at isa-isang tinawag upang isagawa ito. Ibinigay lamang ang paksang tinalakay ng mag-aaral sa loob ng limang (5) minuto kapag siya ay nakatayo na sa harap.

Sa talumpating ekstemporenyo, parehong hakbang ang isinagawa sa impromptu maliban lamang sa pagkalood pa ng limang (5) minuto para sa paghanda sa paksang tinalakay sa loob ng limang (5) minuto rin.

Pagsusuring Istatistikal

Sa pagsusuri ng naging bunga ng pag-aaral sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa Ikaapat na Taon ng Mataas na Paaralan ng Fermeldy, ginamit ang antas arbitaryo, percentage, frequency at mean iskor. Ginamit din ang T-test sa pagtanto ng makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa pagkukwento at pagtatalumpating impromptu at ekstemporento.

Sinuri ang resulta ng paghatol sa bawat kategorya na ginamit na datos sa pagtanto ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral.

Para mailarawan ang mga kasanayan ng mga mag-aaral, ang sumusunod na antas arbitaryo at

deskripsyon ay ginamit.

ISKOR DESKRIPSYON96-100 Napakataas91-95 Mataas86-90 Katamtaman81-85 Mababa75-80 Napakababa

Nasuri ang madali at mahirap na sining pantanghalan sa pamamagitan ng mean rating.

Formula sa Pagkuha ng Mean rating Iskor ng mga mag-aaral.

Mean = ∑xi n Ito rin ang formula ng T-ratio na ginamit ng mga mananaliksik.

t-ratio = D_______

2 ∑ x D ∑D

n N (n – 1)

Page 6: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

RESULTA AT TALAKAYAN

Sa bahaging ito binigyang kahulugan ang mga datos na nalikom ng mga mananaliksik tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral mula sa ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Talavera, Talavera, Nueva Ecija.

Ang Talahanayan 1 ay nagpapakita ng antas ng kasanayan sa pagsasalita sa pagkukwento ng mga mag-aaral.

Talahanayan 1. Kasanayan sa Pagsasalita ng mga Mag-aaral sa Pagkukwento Iskor Frekwensi Percent Deskripsyon

96-100 0 0% Napakataas91-95 4 26.67% Mataas86-90 4 26.67% Katamtaman81-85 4 26.67% Mababa75-80 3 19.99% Napakababa

Mean = 85.9 15 100% Katamtaman

Malinaw na walang mag-aaral ang napakahusay magkwento na ipinakikita ng bilang ng 0 o 0%, parehong 4 o 26.67% ang mahusay na sinusuportahan ng mga iskor na may range na 91-95 na may mataas na antas at di-gaanong mahusay sa mga iskor na may range na 81-85 na may mababang antas samantalang may 3 o 19.99% ang di-mahusay na binibigyang-bigat ng mga iskor na may range na 75-80 na may napakamababang antas. Sa kalahatan, nasa katamtamang antas lang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagkukuwento sa mean iskor na 85.9. Nangangahulugan ito na may taglay na kasanayan sa pagkukwento ang mga mag-aaral.

Talahanayan 2. Kasanayan sa Pagsasalita ng mga Mag-aaral sa Talumpating Impromptu Iskor Frekwensi Percent Deskripsyon

96-100 0 0% Napakataas91-95 2 13% Mataas86-90 1 7% Katamtaman81-85 5 33% Mababa75-80 7 47% Napakababa

Mean = 81.2 15 100% Mababa

Ipinakikita ng talahayang ito na sa kabuuang bilang na 15, mayroon lang 2 o 13% ang nakakuha ng mataas na iskor na may range na 91-95 samantalang may 1 o 7% ang nakakuha ng katamtamang iskor na may range na 86-90. Lumabas na mas marami ang nakakuha ng mababang iskor sa agwat na 81-85 na pinatutunayan na bilang na 5 o 33% at 7 o 47% ang nakakuha ng napakababang iskor na may range na 75-80. Nangangahulugan ito na mababa ang antas ng kasanayan sa pagsasalita sa talumpating impromptu ng mga mag-aaral sa Ikaapat na Taon na pinagtitibay ng mean iskor na 81.2. Ang ganitong resulta ay may implikasyon na kulang sa kasanayan sa pagsasalitang impromptu ang mga mag-aaral.

Inilalahad ng Talahanayan 3 ang antas ng kasanayan sa pagsasalita sa talumpating ekstemporenyo ng mga mag-aaral.

Page 7: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

Talahanayan 3. Kasanayan sa Pagsasalita ng mga Mag-aaral sa Talumpating Ekstemporenyo Iskor Frekwensi Percent Deskripsyon

96-100 1 6.68% Napakataas91-95 4 26.67% Mataas86-90 4 26.67% Katamtaman81-85 5 33.3% Mababa75-80 1 6.68% Napakababa

Mean = 87.3 15 100% Katamtaman

Batay sa Talahanayan 3, lumalabas na may 1 o 6.68% ang nakakuha ng napakataas na iskor na may range na 96-100, parehong 4 o 26.67% ang nakakuha ng mataas na iskor na may range na 91-95, 5 o 33.3% ang may iskor sa range na 81-85 samantalang may 1 o 6.68% ang nakakuha ng 77napakababang iskor sa range na 75-80. Ipinapahiwatig lamang ng mean iskor na 87.3 ang katamtamang antas ng kasanayan sa pagsasalita sa talumpating ekstemporenyo ng mga mag-aaral sa Ikaapat na Taon na may implikasyong nasa kasapatan lamang ang paglinang ng mga guro sa kasanayang ito.

Ang pangkalahatang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa pasalitang pagkukwento at pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo ay makikita sa Talahanayan 4.

Talahanayan 4. Pangkalahatang Antas ng Kasanayan sa Pagsasalita ng mga Mag-aaral Sining Pantanghalan Mean Iskor Deskripsyon

Pagkukwento 85.9 KatamtamanImpromptu 81.2 Mababa

Ekstemporenyo 87.3 KatamtamanKabuuan 84.81 Mababa

Kapansin-pansin na ang pangkalahatang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral ay mababa na pinatutunayan ng kabuuang mean iskor na 84.81. Ipinahihiwatig ng ganitong kinalabasan ang kakulangan sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa Ikaapat na Antas ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Talavera, Talavera, Nueava Ecija na nangangahulugang kulang rin ang mga guro sa paglinang ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa kalahatan.

Sa Talahanayan 5, matutunghayan ang mga datos na magpapatunay kung mayroon o walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pasalitang pagkukwento at pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo.

Talahanayan 5. Paghahambing ng mga Antas ng Kasanayan sa Pagsasalita ng mga Magaaral sa Pasalitang Pagkukwento, Talumpating Impromptu at Ekstemporenyo

SiningPantanghalan

Calculated t –value

Tabular T Interpretasyon

.05 .01Pagkukwento vs.

Impromptu10.75 2.145 2.977 Rejected

Pagkukwento vs.Ekstemporenyo

-6.67 2.145 2.977 Rejected

Impromptu vs.Ekstemporenyo

-13.33 2.145 2.977 Rejected

Page 8: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

*Significance at .05 (two-tailed)

*DF = n-1

Lumabas na higit na mataas ang calculated T-value na may 10.75 sa tabular T na 2.145 sa .05 antas ng kabuluhan na nangangahulugan ng di pagtanggap sa null hypothesis sapagkat ang difference na 8.605 na nagpapakita na may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayam ng mag-aaral sa pagkukwento at talumpating impromptu. 78

Higit na mataas ang calculated T-value na -6.67 sa tabular T na 2.145 sa .05 antas ng kabuluhan na nangangahulugan ng di-pagtanggap sa null hypothesis sapagkat ang difference na -8.815 ay nangangahulugan na may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagkukwento at talumpating ekstemporenyo.

Higit na mataas rin ang calculated T-value -13.33 sa tabular T na 2.145 sa .05 antas na kabuluhan na nangangahulugan ng di-pagtanggap sa null hypothesis sapagkat may pagkakaiba ang performance ng mga mag-aaral sa impromptu at ekstemporenyo na ipinakikita ng difference na nangangahulugan ito na may makabuluhang pagkakaiba (significant difference) ang performance ng mga mag-aaral sa talumpating impromptu at ekstemporenyo.

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang kasanayan sa pagsasalita ng mga magaaral sa Ikaapat na Taon ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Talavera, Talavera, Nueva Ecija.

Layunin nitong masagot ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sumusunod na

sining pantanghalan? 1.1 Pasalitang Pagkukwento 1.2 Pagtatalumpating Impromptu 1.3 Pagtatalumpating Ekstemporenyo

2. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral?

2.1 Pagkukwento vs. Impromptu 2.2 Pagkukwento vs. Ekstemporenyo 2.3 Impromptu vs. Ekstemporenyo

3. Alin sa mga sining ng pangtanghalan ang madali at mahirap na isinagawa? Ang mga naging sabjek na pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral mula sa Unang Seksyon ng Ikaapat na Taon ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Talavera, Talavera, Nueava Ecija na mula sa 30% katumbas ng labinlimang (15) mag-aaral na may apatnaput siyam (49) na populasyon. Ginamit na batayan ang kanilang grado sa pagpili sa pamamagitan ng stratified random sampling.

Page 9: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

Ginamit ang mean rating at T-test sa .05 na antas ng kabuluhan upang matukoy ang kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral at ang makabuluhang pagkakaiba ng mga ito.

Sa mga kinalabasan ng pagsusurig isinagawa, natuklasan na ang kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa tatlong nasabing sining pantanghalan particular ang pagtatalumpating impromptu ay nasa deskripsyong “mababa”, ang pagtatalumpating ekstemporenyo ay nasa deskripsyong “katamtaman” at ang pasalitang pagkukwento ay nasa deskripsyong “katamtaman” na nangangahulugang di pa sapat ang taglay nilang kasanayan sa tatlong nasabing sining pangtanghalan. 79

Konklusyon

Batay sa mga resulta ng pagsusuri, ang mga sumusunod na konklusyon ay nabuo:

1. Masasabing may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa pagkukwento at pagtatalumpating ekstemporenyo.

2. Di-gaanong mahusay o kulang sa kasanayan ang mga mag-aaral sa pagsasalitang impromptu.

3. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.

4. Masasabing may makabuluhang pagkakaiba ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagkukwento at talumpating impromptu, pagkukwento at talumpating ekstemporenyo gayon din sa antas ng kanilang kasanayan sa talumpating impromptu at ekstemporenyo.

5. Halos walang pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa pagkukwento at ekstemporenyo ng mga mag-aaral.

6. Mahirap isagawa ang talumpating impromptu at madali lamang ang pagsasagawa ng ekstemporenyo.

Rekomendasyon

Upang mapaunlad and kasanyan sa pagsasalita ng mga mag-aaral, kinakailangan ang sumusunod na rekomendasyon:

1. Kailangang sumunod at gamitin ng mga guro ang mga bagong estratehiya at paraan sa pagtuturo ng makrong kasanayan sa pagsasalita sa Filipino na itinakda sa Revised Basic Education Curriculum (RBEC) upang ganap na malinang ang kakayahan ng mga magaaral sa pagsasalita.

2. Kailangan ding magbigay ang paaralan ng kaukulang panahon at mga programa tulad ng mga patimpalak at iba pa kaugnay ng kasanayang ito upang lalong mahasa ang mga magaaral sa pagsasalita.

3. Sa mga magulang, kailangang sanayin, ilantad at isangkot ang mga anak sa mga gawaing panlabas o sa komunidad na makakatulong sa debelopment ng kanilang kasanayan sa pagsasalita.

4. Sa mga sumusunod pang mga mananaliksik, kailangang ipagpatuloy ang ganitong uri ng pag-aaral upang masubaybayan kung may pagbabago at pag-unlad sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsasalita.

Page 10: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

BIBLIOGRAPI

Atienza, Obdulia Z., “Pandalubhasang Sining ng Komunikasyon”. Manila: University of the East Press, 2000

Bailstoke, Charles E., “Communication Strategies”. New York: Oxford University Press, 1990 80 Lachica, Veneranda P., “Pandalubhasang Sining ng Komunikasyon”. Navotas: Navotas Press, 2001 Macaraig, Milagros B., “Pagpapahayg Retorika at Bigkasan”. Lungsod Quezon: Rex Printing Company, Inc., 2000

Padilla, Mely M. et al., “Speech for Effective Communication”. Bulacan: Trinitas Pub. Inc., 2003 Sapir, Floris M., “Communication Skills in English”. New York: Free Press, 1991 Sauco, Consolacion P. et al., “Sining ng Komunikasyon”. Quezon City: Goodwill Trading Inc., 2001

Simpson, Malley E., “Talk Thoughts: A Strategy for Encouraging Active Learning Across the Content Area”. The Reading Teacher Vol. XXVIII, Manila: Reading Association of the Philippines, 1994

Tanawan, Dolores S., “Sining ng Mabisang Komunikasyon”. Bulacan: Trinitas Pub. Inc., 2004 Venderber, Rudolf F., “Communcate 9th Edition”. Belmont California: Wadsworth, 1999

Villafuerte, Patronicion V. et al., “Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at Praktika”. Velenzuela

Page 11: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

KASANAYAN SA PAKIKINIG NG MGA MAG-AARAL SA IKAAPAT NA TAON Rene C. Adarme, Antonete C. Gannad, Rosemelyn Q. Mallanao, Jaine Z. Tarun, Ph.D ABSTRAK Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pakikinig ng mga magaaral sa Ikaapat na Taon ng Mataas na Paaralan ng Delfin Albano. Nilalayonnito na malaman ang mga kasanayan sa pakikinig ng mga magaaral batay sa limang dimension ng pang-unawa na binubuo ng literal, interpretasyon, kritkal, aplikasyon at pagpapahalaga. Sinubok kungmay makabuluhang pagkakaiba ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pakikinig batay sa iba’t-ibang dimensyong ito ng pang-unawa. Tiniyak din ang mga pangunahin at di –pangunahing balakid na nakaapekto sa mabuti at mabisang pakikinig. Ang mga instrumentong ginamit sa pagkuha ng datos ay ang limang (5) pagsusulit na binuo mula sa unang dimesyon ng komprehensyon. May isang pagsusulit sa bawat dimensyon. Ginamit ang frequency count, percentage at arithmetic mean sa pagtukoy sa kasanayan ng mga mag-aaral. Para masubok ang kaibhan ng kasanayan sa pakikinig, ang T-test ay nagamit sa .05 antas ng kabuluhan (level of significance). Ang weighted mean sa bawat kasanayn sa pakikinig ay ginamit na basehan sa pagtukoy sa napakataas at napakababang dimensyon. Mula sa mga pagsusuring isinagawa, binibigyang-bigat nito na ang kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral sa kalahatan ay napakahusay. INTRODUKSYON Kaligiran ng Pag-aaral Ang pakikinig bilang isa sa mga makrong kasanayang dinedebelop ay napakahalagang bahagi ng buhay ng mga mag-aaral sa loob ng klasrum at ng eskwelahan o akademya sa kalahatan (Villafuerte at Bernales 2008). Sinasabi ng ilang mananaliksik na ang pinakadirektang paraan at teknik upang higit na madebelop ang kasanayan sa pagsasalita ay ang matutuhang making nang higit na mabisa. 82 Nagiging puhunan para sa mabilis at mahusay na pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa ang pakikinig. Ito’y nakatutulong sa pagtamo ng kalayaan at katarungan ng bawat mamamayan. Nanaisin ng isang doctor na mapakinggan muna ang karaingan ng kanyang pasyente bago siya magtakda ng gamot para rito. Pinakikinggan muna ng mga imbestigador ang pagsasalaysay ng mga taong nakasaksi sa isang karahasan bago siya gumawa ng pag-uulat. Pinakikinggan muna ng abogado ang pagsasalaysay ng kanyang pasyente bago iharap sa korte. Samantala, pinakikinggan muna ng huwes ang pagsasalaysay ng mga akusado, abogado, at testigo sa isang kaso bago niya igawad ang kanyang hatol. Nakikinig muna ang guro sa mga sagot ng mga mag-aaral sa mga tanong mula sa tinalakay na aralin bago magbigay ng pagtataya. Samakatwid, ang pakikinig ay ang kakayahang matukoy at maunawaan ang sinasabi ng kausap (Young 2003 nasa Villafuerte 2005). Patunay lamang na sa lahat ng pagkakataon ay napakahalaga ng pakikinig. Ang pakikinig ay isinasaalang-alang na isang kasanayang nangangailangan ng pang-unawa, pagbibigay-kahulugan, pagtataya at pagsasagawa ng anumang narinig.Dahil dito, kailangan ng isang tagapakinig ang makakuha o makatanggap, maunawaan at higit sa lahat ay matandaan ang mga impormasyong narinig (Padilla et.al. 2003).

Page 12: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

Sa eskwelahan naman, isang mahalagang katangian ng isang guro ang pagpapanatili ng pokus ng mga mag-aaral habang siya ay nagtuturo. Ang pagpukaw ng atensyon ay napakahalaga lalo’t ang mga mag-aaral sa lahat ng pagkakataon o panahon ay may magkakaiba-ibang katangian. Bilang isang guro at bilang isang tagapamahala ng silid-aralan, siya ay marapat maging malikhain sa paraan ng pagtuturo tulad ng paggamit ng iba’t-ibang kagamitan, lubusang paghahanda at kaalaman sa ituturo, atmospera o kalagayan ng silid-aralan at pagbibigay-halaga sa kaalamang ibabahagi sa mga mag-aaral. Sapagkat nakita at napagtanto ng mga nagsasanay sa pagkaguro ang kahalagahan at pangangailangan sa pagdebelop ng kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral tungo sa kanilang ganap na pagkatuto, minarapat nilang magsagawa ng isang pag-aaral ukol dito upang makapagambag ng mga konsepto para sa lalong ikahuhusay ng mga estratehiya sa pagtuturo at pagdedebelop ng kasanayang ito. Sa kabilang dako, mahalaga ring matukoy ang mga balakid para sa mabuting pakiknig (barriers to good listening) upang makapagmungkahi ng mga hakbang o solusyon para sa mga balakid na ito sa lalong ikatatamo ng lubusang pagkatuto ng mga mag-aaral. Paglalahad ng Suliranin Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang masuri at matanto ang antas ng kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral sa Ikaapat na Taon ng Mataas na Paaralan ng Delfin Albano. Tinugunan ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod na katanunagn: 1. Ano ang antas ng kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral batay sa limang (5) dimensyon ng pang-unawa? 1.1 Literal 1.2 Interpretasyon 1.3 Mapanuri/Kritikal 1.4 Aplikasyon 831.5 Pagpapahalaga (Appreciation/Valuing) 2. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral sa limang (5) dimensyon ng pang-unawa? 2.1 Interpretasyon vs. Literal 2.2 Kritikal vs. Literal 2.3 Aplikasyon vs. Literal 2.4 Pagpapahalaga vs. Literal 2.5 Interpretasyin vs. Kritikal 2.6 Interpretasyon vs. Aplikasyon 2.7 Pagpapahalaga vs. Interpretasyin 2.8 Aplikasyon vs. Kritikal 2.9 Pagpapahalaga vs. Kritikal 2.10Pagpapahalaga vs. aplikasyon 3. Alin sa mga pangunahing balakid (major barriers) ang higit na makaapekto sa mabuti at mabisang pakikinig ng mga mag-aaral? 4. Alin sa mga di-pangunahing balaikd (minor barriers) ang higit na nakaapekto sa mabuti at mabisang pakikinig ng mga nag-aaral? Kahalagahan ng Pag-aaral Kasama ng tiyak na layunin sa pakikinig, ang pag-aaral na ito ay magsisilbing saligan o batayan upang maintindihan na ang pakikinig ay may lubhang mahalagang papel na ginagampanan sa ibubuga ng nilalayong lubusang pagkatuto (Padilla et.al 2003). Para sa mga mag-aaral, ang pananaliksik na ito ay tutugon sa mga suliraning kinakaharap sa pakikinig bilang isang makrong kasanayan. Ito’y malaking tulong sa kanila sa pasasaalang-alang ng kanilang lubusang pagkatuto.

Page 13: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

Sa bahagi naman ng mga guro, partikular sa mga nagtuturo ng literatura, ang pananaliksik na ito ay magsisilbing mahalagang ambag hindi lamang sa malinaw na paghahatid ng paksang-aralin kundi gayundin sa tiyak at makabuluhang estratehiya sa daloy ng prosesong pagtuturo – pagkatuto. Para sa mga administrador at eskwelahan, ito’y magbibigay ng karagdagang kasagutan at konsepto sa pagbuo ng mga programa at gawaing pang-akademya na lilinang sa kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral Sinaklaw lamang ng pananaliksik na ito ang mga mag-aaral sa unang seksyon ng Ikaapat na Taon ng Mataas na Paaralang Delfin Albano na binubuo ng tatlumpu’t tatlo (33) na babae at siyam (9) na lalaki na may kabuuang bilang na apatnapu’t dalawa (42) sa taong kasalukuyan. Inilimita ang pag-aaral na ito sa kasanayan ng mga mag-aaral at sa mga pangunahin at dipangunahing balakid (major at minor barriers) na nakaaapekto sa mabuti at mabisang pakikinig ng mga mag-aaral. Isinagawa ang pananaliksik na ito mula buwan ng Enero hanggang Pebrero, 2009. 84METODOLOHIYA Uri ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito na may pamagat na “Kasanayan sa Pakikinig ng mga Mag-aaral sa Ikaapat na Taon” na Mataas na Paaralan ng Delfin Albano ay gumamit ng deskriptibong disenyo ng pananaliksik sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pakikinig at pagtukoy sa mga balakid sa mabuting pakikinig. Mga Sabjek ng Pag-aaral Ang mga sabjek ng ginamit sa pag-aaral na ito ay ang mag-aaral sa unang seksyon ng Ikaapat na Taon ng Mataas na Paaralan ng Delfin Albano. Ito ay binubuo ng apatnapu’t dalawang (42) mag-aaral kung saan tatlumpu’t tatlo (33) ang mga babae at siyam (9) ang mga lalaki. Instrumentong Ginamit sa Pagkuha ng Datos Sa pananaliksik na ito, ang mga datos ay nilikom sa pamamagitan ng limang (5) pagsusulit batay sa mga kasanayang napapaloob sa bawat dimensyon ng pang-unawa: ang literal, interpretasyon, kritikal, aplikayon at pagpapahalaga. Binuo ng iba’t-ibang aytem ang mga pagsusulit na pare-parehong may katumbas na sampung (10) puntos. Ginamit din ang kwestiyonaryo na binubuo ng limang (5) pangunahing balakid at limang (5) di-pangunahing balakid na hinango mula sa librong “Speech for Effective Coomunication” ni Padilla (et.al 2003) para matukoy kung alin sa mga ito ang higit na nakaaapekto sa pakikinig ng mga mag-aaral. Idinaan muna sa content validation sa pamamagitan ng mga gurong tagapagsalaysay ng mga mananaliksik bago isinagawa ang pilot-testing sa mga mag-aaral sa unang seksyon ng Ikaapat na Taon ng Mataas na Paaralan ng Sto. Tomas. Ang balidasyon naman ng mga kwestiyonaryo ay isinagawa rin ng mga guro sa Filipino ng nasabing eskwelahan at ng Mataas na Paaralan ng Delfin Albano. Mga Hakbang sa Pagkuha ng Datos Tinaya ang antas ng kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng teyp rekorder. Inirekord sa teyp ang paksang-aralin na maikling kwento na pinamagatang “May Bukas na Naghihintay”. Pinakinggan muna ng mga mananaliksik ang teyp upang masiguradong malinaw ang pagkarekord sa kwento. Pagkatapos ay hinayaang pinakinggan ng mga mag-aaral. Pagkatapos ng gawaing ito, binigyan ang mga mag-aaral ng tigsasampung puntos

Page 14: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

na pagsusulit sa limang (5) dimensyon ng pang-unawa. Samakatwid, may limang (5) pagsusulit na ibinigay upang mataya at matanto ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pakikinig. 85 Pagkatapos ng pagsusulit, ipinamahagi ang mga kwestiyonaryo para sa pagtukoy ng mga pangunahin at di-pangunahing balakid sa pakikinig ng mga mag-aaral. Upang mataya ang kabuluhan ng pagkakaiba sa pagitan ng mga kasanayan sa mga dimensyong pang-unawa, ginamit ang T – test sa .05 na kabuluhan. Ang arithmetic mean sa bawat kasanayan sa dimensyon at ang overall mean ay binigyan ng iskeyl at deskripsyon para matanto ang antas ng kasanayan sa pakikinig ng mga sabjek o respondente. MEAN ISKOR DESKRIPSYON 9.0 – 10 Napakataas 7.0 – 8 Mataas 5.0 – 6 Katamtaman 3.0 – 4 Mababa 0 – 2 Napakababa Ginamit din ang frequency count at ranking sa pagtukoy sa higit na nakaapektong mga pangunahing balakid at di-pangunahing balakid para sa mabuting pakikinig. RESULTA AT TALAKAYAN Inilalahad ng kabanatang ito ang pagsusuri at pagpapakahulugan ng mga datos maging ang kinalabasan o resulta hinggil sa kasanayan ng mga mag-aaral sa Ikaapat na Taon. Ang antas ng kasanayan sa pakikinig sa Dimensyong Literal ay ipinapakita sa Talahanayan 1. Talahanayan 1. Antas ng Kasanayan sa Pakikinig sa Dimensyong Literal Iskor Frikwensi Bahagdan (%) Deskripsyon 9.0 – 10 4 9.52 Napakataas 7.0 – 8 19 45.24 Mataas 5.0 – 6 14 33.33 Katamtaman 3.0 – 4 5 11.91 Mababa 0 – 2 - - Napakababa Mean Iskor 6.64 42 100 Mataas Sa kabuuang bilang ng mga mag-aaral na 42, may bilang na 4 ang napakataas, 19 na bilang ang mataas samantalang sinusuportahan ng bilang na 14 ang katamtaman at 5 ang mababa. Samakatwid, ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa dimensyong literal ay nasa deskripsyong “Mataas” na pinagtibay ng mean iskor na 6.64 na nangangahulugang sapat na ang kanilang taglay na kasanayan sa pakikinig. Ito ay nagpapatunay lamang na mahusay na hinahasa ng mga guro ang kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral sa dimensyong ito. Ang kasanayan sa pakikinig sa Dimensyong Interpretasyon ay ipinapakita ng Talahanayan 2 sa ibaba. 86Talahanayan 2. Antas ng Kasanayan sa Pakikinig sa Dimensyong Interpretasyon Iskor Frikwensi Bahagdan (%) Deskripsyon 9.0 – 10 31 73.80 Napakataas 7.0 – 8 11 26.20 Mataas 5.0 – 6 - - Katamtaman 3.0 – 4 - - Mababa 0 -2 - - Napakababa Mean Iskor 9.10 42 100 Napakataas Lumalabas na napakataas ng antas ng kasanayan sa Dimensyong Interpretasyon ng mga magaaral na sinusuportahan ng bilang na 31 ang nakakuha ng iskor sa agwat na 9.0 – 10. Samantalang

Page 15: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

mayroon lamang bilang na 11 na mga mag-aaral ang may mataas na antas na ipinapakita ng mga iskor sa agwat na 7.8 – 8. Sa kabuuan, ang dimesyong interpretasyon ay may “Napakataas” na antas na pinagtitibay ng mean iskor na 9.10. Nangangahulugan ito na lubusang nalinang ng mga guro ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pakikinig na ito. Talahanayan 3. Antas ng Kasanayan sa Pakikinig sa Dimensyong Kritikal Iskor Frikwensi Bahagdan (%) Deskripsyon 9.0 – 10 22 52.38 Napakataas 7.0 – 8 16 38.10 Mataas 5.0 – 6 4 9.52 Katamtaman 3.0 – 4 - - Mababa 0 -2 - - Napakababa Mean Iskor 8.31 42 100 Napakataas Batay sa inilalahad na datos ng Talahanayan 3, sa agwat ng mga iskor na mula 9.0 – 10, may 22 na bilang ang nakakuha rito na may deskripsyong “Napakataas”, 16 na bilang naman sa “Mataas” samantalang may bilang na 4 sa “Katamtaman”. Sa pangkabuuan, ang antas ng kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral sa Dimensyong Kritikal ay nasa deskripsyong “Napakataas” na pinaninindigan ng mean iskor na 8.31. Nagpapahiwatig ang ganitong resulta na sapat na sapat ang kasanayan sa dimensyong kritikal ng mga mag-aaral. Talahanayan 4. Antas ng Kasanayan sa Pakikinig sa Dimensyong Aplikasyon Iskor Frikwensi Bahagdan (%) Deskripsyon 9.0 – 10 28 66.67 Napakataas 7.0 – 8 11 26.19 Mataas 5.0 – 6 3 7.14 Katamtaman 873.0 – 4 - - Mababa 0 -2 - - Napakababa Mean Iskor 8.76 42 100 Napakataas Kapansin-pansin na higit sa kalahati ng buong populasyon ang nakakuha ng mga iskor sa agwat na 9.0 – 10 sa bilang na 28 na may deskripsyong “Napakataas”, may 11 na bilang ang nakakuha ng mga iskor sa agwat na 7.0 – 8 sa deskripsyong “Mataas” samantalang may 3 na bilang ang nakakuha sa agwat na 5.0 – 6 sa deskripsyong “Mababa”. Ipinahihiwatig nito na ang kahusayan sa pakikinig ng mga mag-aaral sa dimensyong aplikasyon sa mean iskor na 8.76 katumbas ang “Napakataas” na antas ay ganap na nililinang ng mga guro. Matutunghayan ang antas ng kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral sa dimensyong pagpapahalaga sa Talahanayan 5. Talahanayan 5. Antas ng Kasanayan sa Pakikinig sa Dimensyong Pagpapahalaga Iskor Frikwensi Bahagdan (%) Deskripsyon 9.0 – 10 40 95.24 Napakataas 7.0 – 8 1 2.38 Mataas 5.0 – 6 1 2.38 Katamtaman 3.0 – 4 - - Mababa 0 -2 - - Napakababa Mean Iskor 9.43 42 100 Napakataas Binigyang bigat ng bilang na 40 ang napakataas na antas ng kasanayan sa pakikinig sa dimensyong pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa kanilang iskor sa agwat na 9.0 – 10 samantalang mayroon lamang parehong bilang na 1 ang may iskor sa agwat na 7.0 – 8 at 5.0 – 6 na may

Page 16: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

deskripsyong mataas at katamtaman. Sa mean iskor na 9.43 na may deskripsyong “Napakataas”, ipinapakahulugan nito ang napakahusay na kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral sa dimensyong pagpapahalaga na nagpalitaw ng kanilang lubusang pagkatuto sa gawaing pakikinig. Ang pangkalahatang antas ng kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral ay inilalahad ng Talahanayan 6. Talahanayan 6. Pangkalahatang Antas ng Kasanayan sa Pakikinig ng mga Mag-aaral Dimensyon sa Pang-unawa Mean Iskor Deskripsyon Literal 6.64 Mataas Interpretasyon 9.10 Napakataas Kritikal 8.31 Napakataas Aplikasyon 8.76 Napakataas Pagpapahalaga 9.43 Napakataas Overall Mean 8.45 Napakataas 88 Inilalarawan ng Talahanayan 6 ang overall mean ng antas ng kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral sa limang (5) dimensyon ng pang-unawa bilang “Napakataas” sa mean iskor na 8.45. Ito ay nangangahulugan na ang kanilang kasanayan sa pakikinig ay napakahusay. Ipinakikita ng Talahanayan 7 ang paghahambing sa mga antas ng kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral sa limang (5) dimensyon ng pang-unawa. Table 7. Paghahambing sa Antas ng Kasanayan sa Pakikinig ng mga Mag-aaral sa Limang Dimensyon ng Pang-unawa Dimensyon sa Pangunawa Mean Iskor Computed t – value Critical Value at 05.Interpretasyon Interpretasyon vs. Literal 9.10 6.64 9.15 2.021 Significant Kritikal vs. Literal 8.31 6.64 9.20 2.021 Significant Aplikasyon vs. Literal 8.76 6.64 0.40 2.021 Not Significant Pagpapahalaga vs. Literal 9.43 6.64 11.67 2.021 Significant Interpretasyon vs. Kritikal

Page 17: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

9.10 8.31 7.15 2.021 Significant Interpretasyon vs. Aplikasyon 9.10 8.76 6.48 2.021 Significant Pagpapahalaga vs. Interpretasyon 9.43 9.10 6.63 2.021 Significant Aplikasyon vs. Kritikal 8.76 8.31 7.70 2.021 Significant Pagpapahalaga vs. Kritikal 9.43 8.31 7.58 2.021 Significant Pagpapahalaga vs. Aplikasyon 9.43 8.76 5.45 2.021 Significant Ipinapakita ng talahanayan na ang mean iskor sa pang-unawang interpretasyon ay may kaibhan na 2.46 sa dimensyon sa pang-unawang literal. Ang kaibhang ito ay sinubok at lumabas ang computed t-value na t = 9.15. Ang balyung ito ay napag-alamang mas malaki kaysa sa critical value na 2.021 sa antas na .05 na kabuluhan. Nangangahulugan ito na ang kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral sa mga dimensyong ito ay may makabuluhang pagkakaiba. Ang talahanayang ding ito ay nagpapakita na ang mean iskor ng dimensyon sa pang-unawang kritikal ay may kaibhang 1.67 sa dimensyon sa pang-unawang literal. Sinubok ang kaibhan na nagresulta sa computed t-value na t = 9.20. Ang sinubok na balyung ito ay mas malaki kaysa sa 89critical value na 2.021 sa antas na .05 na kabuluhan na nagpapaliwanag na ang kasanayan sa pakikinig sa dalawang nasabing dimensyon ay may makabuluhang pagkakaiba. Tulad ng ipinakita sa talahanayan, ang mean iskor ng dimensyon sa pang-unawang aplikasyon ay may kaibhang 2.12 at ang computed t-value ay t = 0.40 sa dimensyon sa pang-unawang literal. Natanto na ang balyung ito ay mas mababa kaysa sa critical value na 2.021 sa antas .05 na kabuluhan. Nangangahulugan ito na walang makabuluhang pagkakaiba sa dalawang dimensyon ng pang-unawa. Ang talahanayan ding ito ay nagpapakita na ang mean iskor ng mga mag-aaral sa interpretasyon ay may kaibhan na 0.79 sa dimensyon sa pang-unawang kritikal. Binigyang-linaw ng isinagawang pagsubok na ang computed t-value ay t = 7.15. Ang balyung ito ay mas malaki kaysa sa critical value na 2.021 sa antas .05 na kabuluhan na nagpapatotoong may makabuluhang pagkakaiba ang mga natukoy na dimensyon. Ipinapakita rin ng talahanayang ito na ang mean iskor ng mga mag-aaral sa dimensyon sa

Page 18: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

pang-unawang interpretasyon ay may kaibhan na 0.34 sa dimensyon sa pang-unawang aplikasyon. Ito’y sinubok at napatunayang ang computed t-value ay t = 6.48. Napagtantong ang balyung ito ay mas malaki sa critical value na 2.021 na nagsasabing may makabuluhang pagkakaiba sa mga nabanggit na dimensyon sa pang-unawa. Ipinapakita rin ng talahanayang ito na ang mean iskor ng mga mag-aaral sa dimensyon ng pang-unawang pagpapahalaga ay may pagkakaiba na 0.33 sa dimensyon sa pang-unawang interpretasyon. Ang pagkakaibang ito ay sinubok at lumabas ang computed t-value na t = 6.63. Napatunayang mas malaki ang balyung ito kaysa sa critical value na 2.021 kung kaya nasabing ang dalawang dimensyon sa pang-unawa ay may makabuluhang pagkakaiba. Ipinakikita rin ng Talahanayang 7 na ang mean iskor ng mga mag-aaral sa pang-unawang aplikasyon ay may pagkakaiba na 0.45 sa dimensyon sa pang-unawang kritikal. Ang pagkakaibang ito ay napatunayan nang subukin ito at ang computed t-value na lumabas ay t = 7.70. Nakitang mas malaki ang balyung ito kaysa sa critical value na 2.021 kaya may makabuluhang pagkakaiba ang mga natukoy na dimensyon sa pang-unawa. Ang talahanayan ay nagpapakita rin na ang mean iskor sa dimensyon sa pang-unawang pagpapahalaga ay may kaibhan na 1.12 sa dimensyon sa pang-unawang kritikal. Ang pagkakaiba ng mga ito ay idinaan sa pagsubok at lumabas ang computed t-value na t = 7.58. Napatunayan na ito ay mas mataas sa critical value na 2.021 kung kaya nasabing may makabuluhang pagkakaiba ang dalawang natukoy na dimensyon sa pang-unawa. Ang Talahanayang 7 ay nagpapakita na ang mean iskor ng mga mag-aaral sa pagpapahalaga ay may kaibhan na 0.67 sa dimensyon sa pang-unawang aplikasyon. Binigyang-linaw ng isinagawang pagsubok na ang computed t-value ay t = 5.45. Ang balyung ito ay napag-alamang mas malaki kaysa sa critical value na 2.021 sa antas na .05 na kabuluhan na nagpapatotoong may makabuluhang pagkakaiba ang mga natukoy na dimensyon. 90 Ang pangunahing balakid na higit na nakaapekto sa mabuti at mabisang pakikinig ng mga mag-aaral ay makikita sa Talahanayan 8. Inilarawan ang pagbibigay ng ranggo sa mga sumusunod na deskripsyon: 1 – Pinakanakaaapekto 2 – Nakaaapekto 3 – Katamtaman 4 – Di Masyadong Nakaaapekto 5 – Di Nakaaapekto Taglay ng Talahanayan 8 ang mga datos na naglalarawan ng mga pangunahing balakid na nakaapekto sa mabuting pakikinig. Talahanayan 8. Mga Pangunahing Balakid na Nakaapekto sa Pakikinig Mga Pangunahing Balakid Frikwensi Ranggo 1. Maagang Panghusga/Prejudging 17 4 2. Panghuhusga sa Paghahatid ng Teksto/Criticizing the Delivery of the Text 20 2 3. Pagpapakahirap sa Pakikinig/Listening too Hard 18 3 4. Paggunita sa Nakalipas/Intrusion of the Past 16 5 5. Paglalakbay – diwa 23 1 Lumalabas na sa pangunahing balakid ang “Paglalakbay-diwa” ang higit na nakaapekto sa pakikinig ng mga mag-aaral na sinusuportahan ng bilang na 23. Sinundan ito ng “Paghuhusga sa paghahatid ng teksto” na may bilang na 20. “Pagpapakahirap sa pakikinig” na may bilang na 18; “Maagang paghusga” na may bilang na 17 at ang panghuli ay ang “Paggunita sa nakalipas” na

Page 19: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

may bilang na 16. Ang resulta ng pagsusuring ito ay may implikasyon na mahalaga ang pagpapanatili ng guro sa aktibong atensyon at pokus sa pakikinig ng mga mag-aaral. Makikita sa Talahanayan 9 ang mga di-pangunahing balakid na higit na nakaapekto sa mabuti at mabisang pakikinig ng mga mag-aaral. Talahanayan 9. Mga Di-Pangunahing Balakid na Nakaapekto sa Pakikinig Mga Di-Pangunahing Balakid Frikwensi Ranggo 1. Kakulangan sa Pahinga/Lack of Rest 12 3 2. Hindi Mabuting Kalusugan/Poor Nutrition 8 4 3. Kawalan ng Interes o kawilihan sa Paksa/Lack of Interest in the Topic 26 2 4. Kapaligiran/Environment 27 1 5. Hindi Magandang Pagkarekord ng Kwento 7 5 91Kapansin-pansin sa mga di-pangunahing balakid na ang higit na nakaapekto sa mabuti at mabisang pakikinig ng mga mag-aaral ay ang “Kapaligiran” na may 27 na bilang. Pumapangalawa ang “Kawalan ng interes sa paksa” na may 26 na bilang; kasunod ang “Kakulangan sa pahinga” na may 12 na bilang, di mabuting kalusugan na may 8 na bilang. Ang ganitong kinalabasan ay may ganitong implikasyon: (1) Kailangan ang Kaaya-ayang kapaligiran; (2) Kawili-wiling paksa; (3) Sapat na pahinga; (4) Mabuting kalusugan at malinaw na pagrerekord sa gawaing pakikinig na kailangang isaalang-alang ng mga guro. LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON Lagom Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral sa Ikaapat na Taon ng Mataas na Paaralan ng Delfin Albano. Hinangad ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang antas ng kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral batay sa limang (5) dimensyon ng pang-unawa? 1.1 Literal 1.2 Interpretasyon 1.3 Kritikal 1.4 Aplikasyon 1.5 Pagpapahalaga 2. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral sa limang (5) dimensyon ng pang-unawa? 2.1 Interpretasyon vs. Literal 2.2 Kritikal vs. Literal 2.3 Aplikasyon vs. Literal 2.4 Pagpapahalaga vs. Literal 2.5 Interpretasyon vs. Kritikal 2.6 Interpretasyon vs. Aplikasyon 2.7 Pagpapahalaga vs. Interpretasyon 2.8 Aplikasyon vs. Kritikal 2.9 Pagpapahalaga vs. Kritikal 2.10Pagpapahalaga vs. Aplikasyon 3. Alin sa mga pangunahing balakid (major barriers) ang higit na nakaapekto sa mabuti at mabisang pakikinig ng mga mag-aaral?

Page 20: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

4. Alin sa mga di-pangunahing balakid (minor barriers) ang higit na nakaapekto sa mabuti at mabisang pakikinig ng mga mag-aaral? Konklusyon Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod na konklusyon ay nabuo: 1. Mahusay sa pakikinig ang mga mag-aaral sa dimensyong literal. 922. Napakahusay sa pakikinig ang mga mag-aaral sa mga dimensyong interpretasyon, aplikasyon, kritikal at pagpapahalaga. 3. Ang kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral sa kalahatan ay napakahusay. 3.1 May makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa pakikinig ng mga magaaral sa mga sumusunod na dimensyon: (a) Interpretasyon at Literal; (b) Kritikal at Literal; (c) Pagpapahalaga at Literal; (d) Interpretasyon at Kritikal; (e) Interpretasyon at Aplikasyon; (f) Pagpapahalaga at Interpretasyon; (g) Aplikasyon at Kritikal; (h) Pagpapahalaga at Literal; at (i) Pagpapahalaga at Aplikasyon. 3.2 Walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kasanayan sa pakikinig ng mga magaaral sa dimensyong Aplikasyon at Literal. 4. Sa kabila ng napakataas na antas sa pakikinig ng mga mag-aaral, may mga balakid pa ring nakaapekto sa kanilang pakikinig. 4.1 Ang pangunahing balakid na higit na nakaapekto sa mabuti at mabisang pakikinig ng mga mag-aaral ay ang “paglalakbay diwa/drifting thoughts”. 4.2 Ang di-pangunahing balakid na higit na nakaapekto sa mabuti at mabisang pakikinig ng mga mag-aaral ay ang “kapaligiran/environment”. Rekomendasyon Batay sa nakalap na mga datos, ang mga sumusunod ay inirerekomenda: 1. Sa mga guro, panatilihin ang pagpapakita ng kawilihan at pagkamalikhain tulad ng paggamit ng nairekord na mga kagamitang pampagtuturo upang lalong maging mabisa, kapaki-pakinabang at kawili-wili ang pagtuturo. 2. Ugaliing magbigay ng pagtatalakay, pagtatanong at pagtataya/ebalwasyon matapos ang gawaing pakikinig upang masukat ang natutunan ng mga mag-aaral. 3. Nararapat lamang na may kaaya-aya at tahimik na kapaligiran ang silid-aralan maging ng buong eskwelahan upang higit na epektibo ang mga gawaing pakikinig. 4. Ang pagbibigay-puri at pagkilala sa magandang kasanayang ipinamamalas ng mga magaaral ay marapat ibigay at pahalagahan upang sila ay higit na maganyak sa pakikinig. BIBLIYOGRAPI Adler, R.B., et al., Understanding Human Communication. 4th ed., Fort Worth, Tx: Holt, Rinehart and Winston, 2003. Beatty, M.J., et al., “Listening Comprehension as a Function of Cognitive Complexity: A Research Note”, Communication Monographs, 1998. Flores, C.S. et al., Effective Speech Communication – Revised Edition, Philippines: National Bookstore, Inc., 1996 Goss, B.R. “Listening as Information Processing Communication”, Belmont CA: Wadsworth Publication, 1994 Hamilton, C.F. et al., ”Communicating for Results, 3rd Ed. Belmont CA:Wadsworth Publication, 1990 93Padilla, M.M. et al., Speech for Effective Communication, Bulacan: Trinitas Publishing inc.,

Page 21: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

2003 Rivers, W.M., Interactive Language Teaching, New York, Cambridge University Press, 1998 Villafuerte, P .V., “Ang Epektibong Pakikinig: Mabisang Paraan sa Pagkatuto ng Wika”, The RAP Journal, Vol. XXVIII Manila, Reading Association of the Philippines, 2005 Vivencio, E.M., “Paglinang at Pagtaya sa Kakayahan ng mga Bata sa Pakikinig”. Nasa Guro: Mula Tsok Hanggang Internet, Manila: KWF, 1996 Zimmerman, G.I. et al., Speech Communication. A Contemporary Introduction, 3rd Ed., University of Nevada Reno: West Publishing Co., 1998

MAKRONG KASANAYANG PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA IKAAPAT NA TAON Mariflor G. Quilang Dr. Jaine Z. Tarun ABSTRAK Isinagawa ang pag-aaral na pinamagatang “Makrong Kasanayang Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Ikaapat na Taon”ng Isabela School of Fisheries – Main Campus, Palanan, Isabela. Nilayon ng isinagawang pag-aaral na matanto at masukat ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa iba’t ibang kasanayan sa pagbasa kung saan tinugunan ang mga sumusunod na tiyak na tanong: 1. Ano ang antas/lebel ng kasanayang pagbasa (reading skill) ng mga magaaral sa bawat isa sa mga sumusunod na uri ng kasanayan/kompitensi sa pagbasa (skills/competencies in reading)? 1.1 Pagkuha ng pangunahin at tiyak na detalye (Iskiming at Iskaning) 1.2 Paghihinuha 1.3 Paghula 1.4 Paglalahat 1.5 Pagwawakas 1.6 Pagkilatis sa katotohanan at opinion 1.7 Pagtukoy sa layunin ng teksto 1.8 Pagsusuri sa mga teknik na ginamit ng awtor sa pagpapahatid ng

Page 22: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

mensahe 1.9 Pagtitimbang-timbang sa mga ebidensya at pangangatwiran 2. Ano ang may pinakamataas na antas sa kasanayang pagbasa ng mga magaaral sa ikaapat na taon? 3. Ano ang may pinakamababang antas sa kasanayang pagbasa ng mga magaaral sa ikaapat na taon? 4. Ano ang pangkalahatang antas ng kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon? 5. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral sa mga kasanayan/kompitensi sa pagbasa? 174 Ginamit ang deskriptib na disenyo ng pag-aaral sa pagsukat sa kakayahan ng mga mag-aaral sa bawat isa sa mga kasanayan sa pagbasa sa pamamagitan ng pagsusulit na may katumbas na limang (5) puntos. Ang mga sumusunod ang naging mga resulta ng pag-aaral: 1. Tahasang masasabi na ang pagiging katamtaman ng makrong kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral ay nagpapakita ng kanilang kakulungan ng kahusayan sa pagbasa. 2. Ang kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral sa iba’t ibang kasanayan o kompitensi sa pagbasa ay mayroong makabuluhang pagkakaiba-iba. Tanging sa pagkuha ng pangunahing at tiyak na detalye (iskiming) na pagbasa ang kinakitaan ng ganap na kalinangan ng kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral. 3. Di-gaanong nalinang sa mga mag-aaral ang kasanayan sa pagbasa sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga teknik na ginamit ng awtor sa pagpapahatid ng mensahe na ipinapapahayag sa napakababang antas ng kasanayang pagbasa. Batay sa konklusyon, narito ang mga rekomendasyon: 1. Kailangan ang ibayong paggabay at pagdebelop ng mga guro sa mga kognitibong kasanayan at kahusayan sa maunawang pagbasa sa mga magaaral upang higit na matamo ang mas mataas na kasanayan sa pag-iisip (HOTS). 2. Kailangan ang ibayong pagmomonitor ng mga administrador sa mahusay at mahigpit na implementasyon ng mga programang ipinapatupad sa ilalim ng BEC/RBEC hinggil sa pagtuturo ng pagbasa. 3. Magsagawa ng palagiang pagtataya o ebalwasyon sa kasanayang pagbasa sa mga mag-aaral upang malaman ang kahinaan nila rito at nang sa gayon din ay mapaglaanan ito ng mga gawaing magpapahusay nito. INTRODUKSYON Kaligiran ng Pag-aaral Ang pagbasa ay “isang proseso ng pagtanggap at pag-interpreta ng impormasyong nakakoda sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na midyum” (Urquhauf at Wein 1998 nasa Arrogante 2007). Isang proseso ito sapagkat binubuo ng mga paraan sa pagsasagawa ng mga aktibidad na kinasasangkutan ng awtor na siyang nagsulat ng mga simbolo o letra para maghatid ng mensahe sa bumabasa, ang tagatanggap na ang ginagamit na midyum ay ang wika. 175Sa panhong ito, ang mga mag-aaral ay dapat matuto ng kasanayang pagbasa tulad ng pagkuha ng pangunahin at tiyak na detalye (Skimming at Scanning), paghihinuha, paghula, paglalahat, pagwawakas, pagkilatis sa katotohanan at opinion, pagtukoy sa layunin ng teksto, pagsusuri sa mga teknik na ginagamit ng awtor sa pagpapahatid ng mensahe, pagtitimbang-timbang sa mga ebidensya at pangangatwiran. Bilang isang guro sa pagbasa, kinakailangang paunlarin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang uri ng kasanayang pagbasa sa wastong pag-unawa sa

Page 23: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

paksang binabasa. Ang pagtuturo ng pagbasa sa mga lawak pangnilalaman ay bahagi ng pagtuturo ng mga konsepto ng disiplina. Hindi dapat magkahiwalay ang mga ito (Jacobson, 1998). Sa mga nakikitang suliranin sa kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral, nilayon ng mananaliksik na matulungan ang mga ito upang mapaunlad, mapahusay at malinang ang kawilihan nila sa pagbasa. Sa kabilang dako, kung ang mga suliranin sa kasanayan sa pagbasa ay hindi bibigyang-pansin, tunay na ang kaunlaran ng pagkatao ng mga mag-aaral ay apektado. Paglalahad ng SuliraninNilalayon ng isinagawang pag-aaral na matanto at masukat ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa iba’t ibang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ng Isabela School of Fisheries Main Campus, Palanan, Isabela. Narito ang mga tiyak na tanong ninais na matugunan sa ginawang pag-aaral: 1. Ano ang antas/lebel ng kasanayang pagbasa (reading skill) ng mga mag-aaral sa bawat isa sa mga sumusunod na uri ng kasanayan/kompitensi sa pagbasa (skills/competencies in reading)? 1.1 Pagkuha ng pangunahin at tiyak na detalye (Iskiming at Iskaning) 1.2 Paghihinuha 1.3 Paghula 1.4 Paglalahat 1.5 Pagwawakas 1.6 Pagkilatis sa katotohanan at opinion 1.7 Pagtukoy sa layunin ng teksto 1.8 Pagsusuri sa mga teknik na ginamit ng awtor sa pagpapahatid ng mensahe 1.9 Pagtitimbang-timbang sa mga ebidensya at pangangatwiran 2. Ano ang pangkalahatang antas ng kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon? 3. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral sa mga kasanayan/kompitensi sa pagbasa? 176Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pag-alam sa antas ng kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral ay isang hakbang upang mapaunlad at mapahusay ang pag-unawa sa mga kasanayan/kompitensi sa pagbasa. Inaasahan na ang kinalabasan ng isinagawang pag-aaral ay magsisilbing batayan at saligan ng mga administrador at mga guro upang gabayan ang mga mag-aaral sa pagkatuto at pag-unlad ng kanilang katayuan. Sa pamamagitan ng resulta ng pag-aaral na ito, inaasahan na ang mga guro ng Filipino ay magsagawa ng mga hakbangin tungo sa ikalilinang ng pagunawa ng mga mag-aaral at sa lalong ikahuhusay nila sa makrong kasanayang ito. Magsisilbi rin itong mahalagang hakbang sa mga mag-aaral sa kanilang pagpapaunlad ng kanilang kasanayang pagbasa tungo sa kanilang lubusang pag-unawa at pagkatuto. Para sa mga magulang, magagamit nila itong batayan sa paggabay ng kanilang gma anak sa paglinang o pagdebelop ng mabuting gawi sa pagbabasa. Mahalaga rin itong gamiting saligan ng mga gurong nagsasanay upang mabigyan sila ng pokus o direksyon sa pagtuturo sa mga mag-aaral sa wastong pagbabasa. Nabibigyan din nito ang mga paaralan/administrador ng krusyal na impormasyon ukol sa pagbasa nang sa gayon ay makagawa sila ng mga hakbang na kinakailangan sa pagtuturo ng mga kasanayang ito ng mga mag-aaral na lalo ring nagpapalakas sa pagsasakatuparan ng mga layunin ng batayang edukasyon sa bansa. Saklaw ng Pag-aaral Sinaklaw ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral sa ikaapat na taon ng Isabela School of

Page 24: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

Fisheries Main Campus, Palanan, Isabela na may kabuuang bilang na limampu (50). Limitado lamang ang pag-aaral na ito sa antas ng kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral sa mga kasanayan o kompitensi na nililinang sa pagbasa na tinukoy sa libro ni Buensuceso (et al. 2001) na may pamagat na “Retorika”. Ang pag-aaral ay isinagawa mula Nobyembre 2008 hanggang Mayo 2009. METODOLOHIYA Disenyo ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptib na disenyo ng pananaliksik sa pagtanto o pagsukat sa antas ng Makrong Kasanayang Pagbasa ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ng Isabela School of Fisheries Main Campus, Palanan, Isabela. 177Instrumentong Ginamit sa Pagkuha ng Datos Sa pagbasa, ginamit ang sampung (10) seleksyon mula sa Wika at Panitikan IV, aklat ng ikaapat na taon. Iba’t ibang seleksyon para sa iba’t ibang uri ng kasanayan sa pagbasa. Upang matanto at masukat ang antas ng kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral sa pag-unawa mula sa seleksyon, binuo ang tiglilimang (5) aytem na pagsusulit na ang katumbas ay limang (5) puntos para sa iskiming, iskaning, paghihinula, paghula, pagkilatis sa katotohanan at opinion at pagtitimbang-timbang sa mga ebidensya at pangangatwiran. Samantalang ang pagtukoy sa layunin ng teksto, pagwawakas, pagsusuri sa mga teknik na ginamit ng awtor sa pagpapahatid ng mensahe ay may tigdadalawang (20 aytem ay may katumbas rin na limang (5) puntos. Ang paglalahat ay mayroon lamang isang (1) aytem na may parehong katumbas na limang puntos. Ang Talaan ng Ispesipikasyon ay makikita sa Appendiks A. Bago itinakda ang oras na ginugol sa pagbasa, idinaan muna ito sa balidasyon. Ipinabasa ang mga seleksyon sa ibang grupo ng mag-aaral na nasa ibang mataas na paaralan particular ang Palanan National High School upang makuha ang sinabing oras na itinakda sa pagbasa. Pagkatapos, idinaan din sa “content validation” ang mga aytem ng pagsusulit ng mga guro sa Filipino at isinagawa ang “pretest” sa mga ibinigay na pagsusulit sa mga mag-aaral ng nasabing paaralan.Pinagkunan ng Datos Lahat ng limampung (50) mag-aaral sa nag-iisang seksyon sa ikaapat na taon ng Isabela School of Fisheries Main Campus, Palanan, Isabela na binubuo ng 23 na lalaki at 27 na babae ang ginamit na mga sabjek ng pag-aaral. Mga Hakbang sa Pagkuha ng Datos Ang pagbabasa at pagsusulit ay isinagawa ng dalawang (20 araw na may itinalagang oras na ginugol sa bawat uri ng kasanayan sa pagbasa. Sa unang araw, ang mga sumusunod na kasanayan sa pagbasa ang isinagawa. Narito ang oras na itinakda. 1. Pagkuha ng pangunahin at tiyak na detalye Iskiming – limang (5) minuto Iskaning – limang (5) minuto 2. Paghihinuha – labinlimang (15) minuto 3. Paghula – labinlimang (15) minuto 4. Paglalahat – sampung (10) minuto 5. Pagwawakas – sampung (10) minuto Sa pangalawang araw: 6. Pagkilatis sa katotohanan at opinion – labinlimang (15) minuto 1787. Pagtukoy sa layunin ng teksto – sampung (10) minuto8. Pagsusuri sa mga teknik na ginagamit ng awtor sa pagpapahatid ng mensahe –

Page 25: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

labinlimang (15) minuto 9. Pagtitimbang – timbang sa mga ebidensya at pangangatwiran – labinlimang (15) minuto Pagkatapos malikom ang mga datos, sinuri at binigyang interpretasyon ang pagsusuring istatistikal. Pagsusuring Istatistikal Sa pagsusuri ng datos, ginamit ang “Two-Way Analysis of Variance (ANOVA)” upang matanto kung may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral sa mga kasanayan/kompitensi sa pagbasa. Ginamit din ang “frequency count, percentage weighted mean, ranking at Duncan’s Multiple Range Test (DMRT) sa .05 antas ng kabuluhan upang matanto kung may makabuluhang pagkakaiba ang mga antas ng kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral sa mga kasanayan/kompitensi sa pagbasa. Ginamit ang ganitong “scale” sa pagsukat at paglalarawan sa antas ng kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral sa siyam (9) na kasanayan/kompitensi sa pagbasa. Iskor Deskripsyon 4.50 – 5.00 Napakataas 3.50 – 4.49 Mataas 2.50 – 3.49 Katamtaman 1.50 – 2.49 Napakababa RESULTA AT TALAKAYAN Talahanayan 1.1 Ang Antas/Lebel ng Kasanayang Pagbasa ng mga Mag-aaral. Uri ng Kasanayan sa Pagbasa Mean Iskor ng mga Magaaral Deskripsyon Rango 1. Pagkuha ng pangunahin at tiyak na detalye (Iskiming at Iskaning) 4.49 Mataas 1 2. Pagwawakas 4.02 Mataas 2 3. Pagtitimbang-timbang sa mga ebidensya at 3.30 Katamtaman 3 179pangangatwiran 4. Paghihinuha 3.10 Katamtaman 4 5. Pagtukoy sa layunin ng teksto 3.08 Katamtaman 56. Paghula 3.06 Katamtaman 6 7. Pagkilatis sa katotohanan at opinyon 2.92 Katamtaman 7 8. Paglalahat 2.68 Katamtaman 8 9. Pagsusuri sa teknik na ginamit ng awtor sa pagpapahatid ng mensahe 2.38 Mababa 9 Pangkalahatang Mean Iskor 3.6 Katamtaman Inayos ang mga uri ng kasanayan/kompitensi sa pagbasa ayon sa rango: 1) Pagkuha ng pangunahin at tiyak na detalye (Iskiming and Iskaning) (4.49)-Mataas, (2) Pagwawakas (4.02) – Mataas, (3) Pagtitimbang-timbang sa mga ebidensya at pangatngatwiran (3.30) Katamtaman, (4) Paghihinuha (3.10) – Katamtaman, (5) Pagtukoy sa layunin ng teksto (3.08) – Katamtaman, (6) Paghula (3.06) – Katamtaman, (7) Pagkilatis sa katotohanan at opinyon (2.92) – Katamtaman, (8) Paglalahat (2.68) – Katamtaman, at (9) Pagsusuri sa teknik na ginamit ng awtor sa pagpapahatid

Page 26: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

ng mensahe (2.38) – mababa. Samakatuwid lumalabas na ang kasanayan ng mga mag-aaral sa iskiming na pagbasa ay may pinakamataas na antas/lebel samantalang ang kanilang kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri sa teknik na ginamit ng awtor sa pagpapahatid ng mensahe ang may pinakamababang antas/lebel. Ang pangkalahatang antas ng kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay may deskripsyong “Katamtaman” na pinagtibay ng mean rating na 3.36. Ang ganitong kinalabasan ng pagsusuri ay may implikasyong di pa ganap na nililinang ng mga guro ang pagpapalawak at pagpapahusay ng makrong kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng nasabing kasanayan/kompitensi sa pagbasa. Matutunghayan ang komparison ng mga kasanayan sa pagbasa sa Talahanayan 2. Talahanayan 2. “Two-Way” Analisis ng Variyans (Analysis of Variance) para sa Komparison ng mga Mean Iskor ng mga Mag-aaral sa Iba’t Ibang Kasanayan sa Pagbasa. Pinagmulan ng Varyasyon (Source of Variance) Mga Digri ng Kalayaan (Degrees of Freedom) Kabuuan ng mga Square (Sum of Squares) Mean ng Square (Mean Square) Nakompyut na F (Computed F) Kritikal na Valyu (.05) (Critical Value) Mga Uri ng Kasanayan sa Pagbasa 8 170.30 21.29 41.69 1.94 Mga Magaaral 49 39.91 0.81 Pagkakamali (Error) 392 200.15 0.51 180Kabuuan

Page 27: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

(Total) 449 410.36 Ang “Two-Way” Analisis ng Variyans (Analysis of Variance) ay nagpapakita na may makabuluhang pagkakaiba ang kasanayan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang uri ng kasanayan sa pagbasa sa nakompyut na F Valyu (Computed F Value) na 41.69 na mas mataas sa Kritikal na Valyu (Critical Value) na 1.94, sa .05 antas ng kabuluhan (level of significance). Ito ay nangangahulugang may makabuluhang pagkakaiba ang kasanayan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang uri ng kasanayan sa pagbasa na nangangailangan pa rin ng malawakang pagdedebelop ng mga guro sa mga mag-aaral. LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON Lagom Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa makrong kasanayang pagbasa ng mgamag-aaral sa ikaapat na taon ng Isabela School of Fisheries Main Campus, Palanan, Isabela. Tinugunan ng pag-aaral ang mga sumusunod na tiyak na tanong: 1. Ano ang antas/lebel ng kasanayang pagbasa (reading skill) ng mga mag-aaral sa bawat isa sa mga sumusunod na uri ng kasanayan/kompitensi sa pagbasa (skills/competencies in reading)? 1.1 Pagkuha ng pangunahin at tiyak na detalye (Iskiming at Iskaning) 1.2 Paghihinuha 1.3 Paghula 1.4 Paglalahat 1.5 Pagwawakas 1.6 Pagkilatis sa katotohanan at opinyon 1.7 Pagtukoy sa layunin ng teksto 1.8 Pagsusuri sa mga teknik na ginamit ng awtor sa pagpapahatid ng mensahe 1.9 Pagtitimbang-timbang sa mga ebidensya at pangangatwiran 2. Ano ang pangkalahatang antas ng kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon? 3. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayan pagbasa ng mga mag-aaral sa mga kasanayan/kompitensi sa pagbasa? Sinaklaw ng pag-aaral na ito ang paaralang Isabela School of Fisheries Main Campus, Palanan, Isabela kung saan ginamit ang mga mag-aaral na limampu (50). Sinuri ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa sa pamamagitan ng mga pagsusulit ng kasanayan sa pagbasa na may katumbas na limang (5) puntos ang bawat pagsusulit.Konklusyon 181Ginamit na batayan ang mga kinalabasan o resulta ng pagsusuri sa pagbuo ng mga sumusunod na konklusyon: 1. Tahasang masasabi na ang pagiging katamtaman ng makrong kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral ay nagpapakita ng kanilang kakulangan ng kahusayan sa pagbasa. 2. Ang kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral sa iba’t ibang kasanayan o kompitensi sa pagbasa ay mayroong makabuluhang pagkakaiba-iba. Tanging sa pagkuha ng pangunahing at tiyak na detalye (iskiming) na pagbasa ang kinakitaan ng ganap na kalinangan ng kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral. 3. Sa uri ng kasanayan sa pagbasa na pagwawakas, magaling magbigay ng wakes mula sa binasang akda ang mga mag-aaral. 4. Hindi gaanong magaling ang mga mag-aaral sa mga kasanayan sa pagbasa sa: 1) Paghihinuha, 2) Paghula, 3) Paglalahat, 4) Pagkilatis sa katotohanan at opinyon, 5) Pagtukoy sa layunin ng teksto at 6) Pagtitimbang-timbang sa mga ebidensya at pangangatwiran.

Page 28: Kasanayan Sa Pagsasalita Ng Mga

Rekomendasyon Iminumungkahi ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod: 1. Kailangan ang ibayong paggabay at pagdebelop ng mga guro sa mga kognitibong kasanayan at kahusayan sa maunawang pagbasa sa mga mag-aaral upang higit na matamo ang mas mataas na kasanayan sa pag-iisip (HOTS). 2. Kailangan ang ibayong pagmomonitor ng mga administrador sa mahusay at mahigpit na implementasyon ng mga programang ipinapatupad sa ilalim ng BEC/RBEC hinggil sa pagtuturo ng pagbasa. 3. Magsagawa ng palagiang pagtataya o ebalwasyon sa kasanayang pagbasa sa mga mag-aaral upang malaman ang kahinaan nila rito at nang sa gayon din ay mapaglaanan ito ng mga gawaing magpapahusay nito. 4. Bumuo ng mga Disenyo ng Pagsasanay (Training Designs) para sa ikauunlad ng kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral. 5. Magsagawa pa ang mga susunod pang mananaliksik ng iba pang pag-aaral; na may kaugnay sa debelopment ng kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral. BIBLIOGRAPI Mga Libro Arrogante, J. A. 2007. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: J. Creative Labels and Printing Corp. Napkil, L. R. et al. 2005. Gintong Pamana, Quezon City: SD Pub. Inc. Bond, L. et al. 2004. Reading Difficulties, U.S.A.: Simon and Schester, Inc. Batayos, P. B. et al. 2003 Gangsa, Mandaluyong City: Cacho Hermanos, Inc. 182Tesis Mangulabnan, Miriam M. 1997. “Kakayahang Pangwika ng mga Mag-aaral na may Iba’t Ibang Katutubong Wika sa Unang Antas ng St. Paul Vocational and Industrial High School,” Di Nalathalang Tesis, Isabela State University, Cabagan, Graduate School.