16
PAGSASALITA “Ang isang taong epektib na magsalita sa harap ng pangkat ng mga tao ay higit na madaling nakakakuha ng respeto ng ibang tao.”

PAGSASALITA (1)

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: PAGSASALITA (1)

PAGSASALITA

“Ang isang taong epektib na magsalita sa harap ng pangkat ng mga tao ay higit na madaling

nakakakuha ng respeto ng ibang tao.”

Page 2: PAGSASALITA (1)

Kahalagahan ng paglinang ng Kasanayan sa Mabisang

Pagsasalita• Ang mga pangunahing pinunong natanyag sa

kasaysayan ng daigdig ay may isang katangiang ipinagkatulad sa isa’t isa. Lahat sila’y may mataas na antas ng kakayahang magpahayag ng ideya ng kanilang naging kasangkapan upang umakit ng mga tagahanga at tagasunod.

Page 3: PAGSASALITA (1)

MGA PINUNO

• Abraham Lincoln – dating pangulo ng Estados Unidos, ay natanyag at nagiwan ng hindi na mabuburang bahagi sa kasaysayan hindi lamang sa Amerika kundi maging sa buong mundo.

• Hindi ,mataas ang pinag-aralan sapagkat wala siyang pormal na edukasyon at siya’y mahirap na mamamayan lamang.

• Ang tagumpay ni Lincoln ay maiuugnay sa kanyang determinasyon na linangin at paunlarin anf kanyang kakayahang magsalita sa harap ng publiko

Page 4: PAGSASALITA (1)

• Dahil sa kakulangan ng “speech schools”, matamang inobserbahan at pinakinggan ni Lincoln ang paraan ng pagsasalita ng ibang tao kahit noong bata pa lamang siya.

• Hanggang sa kasalukuyan, ipiapalagay na ang kanyang Gettysburg Address at ikalawang Inaugural Speech ay ilan sa natatanging pinakamahusay na talumpati sa buong kasaysayan ng daigdig.

Page 5: PAGSASALITA (1)

• Franklin Delano Roosevelt – nanatali sa White House nang apat na sunud-sunod na termino mula 1923-1945.

• Nilinang niya ang kanyang kakayahan sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagbibigay ng matamang atensyon sa mga malalayang simulain ng pagsasalita.

• Halos lahat ng kanyang talumpati sa radyo ay praktisado ng lubusan.

• Maging ang kanyang mga kalaban sa pulitika ay umaming ang kanyang sunud-sunod na tagumpay ay nakaugat sa kanyang impluwensya sa kanyang tagapakinig.

Page 6: PAGSASALITA (1)

• John F. Kennedy – Isa sa mga susi ng kanyang tagumpay ay ang husay na ipinakita niya sa serye ng mga debateng ipinalabas ng mga programang pantelebisyon.

• Dahil sa Kanyang epektib na pagsasalita, tinalo niya si Nixon sa nasabing halalalan.

Page 7: PAGSASALITA (1)

• Demosthenes – tanyag na isang dakilang orador.• Pautal magsalita ngunit tinuruan niya ang

kanyang sarili magsalita nang tuluy-tuloy at tuwid sa pamamagitan ng pagtatalumpati sa harap ng hampas ng alon sa dalampasigan.

• Madalas na nagsusubo siya ng maliit na bato upang maituwid lamang ang kanyang pananalita.

Page 8: PAGSASALITA (1)

Mga Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita

• KAALAMAN – Upang maging epektib na tagapagsalita, kailangang alam mo ang paksa ng usapan.

• Kailangang may sapat kang kaalaman sa gramatika.

• Kailangan rin na may sapat kang kaalaman sa kultura ng pinanggalingan ng wikang ginagamit mo, sa iyong sariling kultura at maging sa kultura ng kausap mo.

Page 9: PAGSASALITA (1)

• KASANAYAN – Ang pagsasalita ay isang kasanayang maaaring linangin.

• Kailangang may sapat siyang kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamikling panahon. (May mga sitwasyon kasing nangangailangan ng presence of mind.)

• Kailangang may sapat siyang kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa pagsasalita tuland ng tinig, tindig, galaw at iba pang anyong di-berbal.

• Kailangang may sapat siyang kasanayan sa pagpapahayag sa iba’t ibang genre tulad ng pagsasalaysay, paglalahad, paglalarawan atbp.

Page 10: PAGSASALITA (1)

• TIWALA SA SARILI – Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniang nagiging kimi o hindi palakibo.

• Mapilitan man siyang magsalita paminsan-minsan, inilalantad naman ng kanyang mahinang tinig, garalgal na boses, mabagal na pananalita, pautal-utal o ang panginginig ang kakulangan niya ng tiwala sa sarili.

• Ang mga ganitong tao ay mahirap na makaakit o makahikayat ng pagsang-ayon sa mga tagapakinig.

Page 11: PAGSASALITA (1)

MGA KASANGKAPAN SA PAGSASALITA

• TINIG – Sa maraming pagkakataon, kinakailangan ang tinig ay maging mapanghikayat at nakakaakit pakinggan.

• BIGKAS – Kailangang maging malinaw at mataas ang pagbigkas niya sa mga salita.

• TINDIG – Kinakailangang may tikas, ika nga mula ulo hanggang paa. Hindi magiging kapanipani-paniwala amg nagsasalita kung siya’y nanghihina o mukhang sakitin

• KUMPAS – Kung wala nito, ang nagsasalita ay mukhang tuod o robot. Ngunit ang kumpas ng kamay ay kailangang maging angkop sa dia ng salita o mga salitang nababanggit.

Page 12: PAGSASALITA (1)

• KILOS – Ang mga mata, balikat, paa at ulo ; Ang pagkilos ng mga ito ay maaaring makatulong o makasira sa isang nagsasalita

Page 13: PAGSASALITA (1)

ANG TAKOT SA PAGSASALITA SA HARAP NG MADLA

• Ang takot sa pagsasalita sa harap ng madla ay tinatawag na “xenophobia” o stage fright. Ito ang takot na mapagtawanan bunga ng maling gramar, maling bigkas, masagwang tindig o postyur, kakatwang ideya o anyong pisikal.

Page 14: PAGSASALITA (1)

Iba’t ibang Dahilan sa Stage Fright

• Takot sa malaki at di-pamilyar na madlang tagapakinig.

• Di kaaya-ayang karansan sa pagsasalita sa harap ng madla.

• Kakulangan o Kawalan sa karanasan sa pagsasalita sa harap ng maraming tao.

• Damdaming kakulangan o insekyuriti bunga ng anyong pisikal.

• Kakulangan o kawalan ng kahandaan.• Kakulangan o Kawalan ng pamilyaridad sa lugar o

okasyon.

Page 15: PAGSASALITA (1)

Narito ang mga mungkahi kung paano labanan ang Stage

Fright : • Magkaroon ng positibong atityud.• Magtiwala sa iyong sarili.• Tanggapin mo ang iyong sarili, ang iyong mga tagumpay at

kabiguan, ang iyong mga kalakasan at kahinaan, ang iyong mga kagandahan at kapintasan.

• Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging mausay na tagapagsalita.

• Harapin mo ang takot, at huwag itong takasan.• Magpraktis ka ng magpraktis.• Isipin ang mga madlang tagapakinig ay palakaibigan at hindi

mapanghusga.• Magbihis nang naaayon sa okasyon.

Page 16: PAGSASALITA (1)

• Mag-imbak ng maraming kaalaman.• Dumating ng maaga upang maging pamilyar sa lugar at

madlang tagapakinig.• Magdasal.