20
KASAYSAYAN NG KOMPYUTER Abacus – ito ay binubuo ng mga buto at beads na nakatuhog sa patpat o rod. Ginamit ito ng mga mangangalakal na Intsik sa pagkukwenta. Taong 1641, Blaise Pascal - isang Matematisyan na taga-France ang kauna-unahang nakaisip gumawa ng isang adding machine. Ang unang mechanical calculator ay tinawag na Pascaline . Gottfried Leibniz – Isang Alemanyang Matematisyan ang nakalikha ng calculator na nakapagsasagawa ng apat

Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )

KASAYSAYAN NG KOMPYUTERAbacus – ito ay binubuo ng mga buto at beads na nakatuhog sa patpat o rod. Ginamit ito ng mga mangangalakal na Intsik sa pagkukwenta.Taong 1641, Blaise Pascal- isang Matematisyan na taga-France ang kauna-unahang nakaisip gumawa ng isang adding machine. Ang unang mechanical calculator ay tinawag na Pascaline.Gottfried Leibniz – Isang Alemanyang Matematisyan ang nakalikha ng calculator na nakapagsasagawa ng apat na pangunahing

Page 2: Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )
Page 3: Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )

operasyon sa Matematika. Tinawag itong Leibniz’ Step Reckoner.Taong 1883,Charles Babbage – isang Ingles na matematisyan ay nakalikha ng isang Analytical Engine na nakapagsasagawa ng mga bagay sa tulong ng mga program na ipinapasok sa makina. Lady Ada Byron – lumikha ng program para sa Analytical Engine ni Babbage na tinatawag ngayong computer program. Si Charles Babbage ang tinaguriang Father of Modern Computer dahil sa kanyang nalikha.

Page 4: Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )

Leibniz’ Step Reckoner

Page 5: Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )

Analytical Engine

Page 6: Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )

Taong 1887, si Harman Hollerith, isang Amerikanong statistician ay nakalikha ng Tabulating Machine na gumagamit ng punch cards sa pagtatago at pagpoproseso ng mga impormasyon. Sa taong 1890, nagsimulang gamitin ng Amerika na bilangin ang populasyon ng kanilang bansa sa tulong ng Tabulating Machine.

Ang mga taong ito ang mga nanguna upang sa taong 1900, ang mga unang kompyuter ay malikha.

Page 7: Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )

Tabulating Machine

Page 8: Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )

MARK 1 (1944) – nilikha ni Howard Aiken kasama ang mga inhenyero ng IBM. Ito ang pinakamalaking electromechanical calculator at ang kauna-unahang automatic digital calculator sa Estados Unidos. Ang kompyuter na ito ay halos kasinglaki ng isang silid at kumukunsumo ng sobrang dami ng elektrisidad.ENIAC – ang ENIAC o Electrical Numerical Integrator and Calculator na gumagamit ng vacuum tubes ang unang electronic digital computer na sinimulang gawin ng taong 1943 at natapos ng taong 1946.

Page 9: Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )

MARK 1

Page 10: Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )

ENIAC

Page 11: Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )

EDVAC – o ang Electronic Discrete Variable Computer ang unang kompyuter na gumamit ng magnetic tape. Natapos ito noong taong 1952 sa pangunguna ni John Neumann.UNIVAC – (1951) o Universal Automatic Computer ang unang matagumpay na commercial electronic computer at tinaguriang kauna-unahang general purpose computer.Intergrated Circuit (1958) – pinagbuti pa ang sumunod na kompyuter dahil nalikha ang integrated circuit na napagsasama-sama ang mga bahagi ng kompyuter sa isang maliit na bahagi lamang. Lumiit ang mga kompyuter.

Page 12: Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )

EDVAC

Page 13: Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )

UNIVAC

Page 14: Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )

Silicon Chip (1968) – lalong napagbuti ang kompyuter dahil sa paggamit ng silicon chip. Ang silicon chip ay maliit pa sa baryang coin ngunit nakagagawa ng mahahalagang bagay tulad ng pagtatabi ng impormasyon kung ano ang gagawin ng kompyuter at nabawasan din ang kunsumo ng kuryenteng kailangan upang patakbuhin ang kompyuter.Personal Computer (1981)- ang kauna-unahang personal computer ay nilikha ng International Business Macine o IBM. Ito ay halimbawa ng microcomputer, ang pinakama-

Page 15: Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )

INTEGRATED CIRCUIT

Page 16: Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )

SILICON CHIP

Page 17: Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )

liit na kompyuter na isang tao lamang ang maaring gumamit. Ang personal computer ay kamangha-mangha dahil nakagagawa ito ng maraming bagay tulad ng paggawa ng mga posters, reports, laro, at marami pa. Hindi kataka-taka kung bakit ang kompyuter ay naging malaking tulong sa ngayon di lamang sa mga opisina maging sa loob ng tahanan at ng mga paaralan.

Page 18: Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )

PERSONAL COMPUTER

Page 19: Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )

PERSONAL COMPUTER

Page 20: Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )

PERSONAL COMPUTER