22
Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier Abril 2014

Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier

  • Upload
    ngotruc

  • View
    266

  • Download
    26

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier

Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier Abril 2014

Page 2: Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier

Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier ng Wrigley

2

MITHIIN AT PAKAY

Ang Wrigley, isang subsidiary ng Mars, Incorporated, ay ikinararangal ang paggawa ng mga matataas na kalidad na mga chewing gum, mint at mga confectionary na produkto.

Ang aming pilosopiya sa pagnenegosyo, na malalim na nakaugat sa Limang Prinsipyo ng Mars, ay nag-aatas na kami'y makipagtrabaho lamang sa mga supplier na may kakayahan na patuloy na nakatutugon sa aming mga pamantayan at mga ispesipikasyon at naninindigan sa mga pagpapahalaga ng pag-uugali na katugma nang sa amin. Ang pananagutan na ito sa walang kaparis na kalidad ay ang batayan ng aming Prinsipyo ng "Tulungan" kung saan "Ang pakinabang ng dalawa ay isang pinagkaisang benepisyo; isang ibinahaging benepisyo na tatagal sa panahon”

Batay sa mga naangkop na legal na pamantayan

Ang Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier ng Wrigley (ang Kodigo) na ito ay nagpapahayag ng mga patnubay at inaasahan ng Wrigley bilang paggalang sa mga pangunahing lugar para sa responsableng sourcing, at tinitiniyak na ipinapatupad ng Wrigey ang Prinsipyo ng Tulungan at nagkakaloob ng hindi nagbabagong ekselensiya para sa aming mga mamimili at stakeholder. Ang nilalaman ng Kodigong ito ay ipinahayag ng International Bill of Human Rights at ang mga prinsipyo na may kinalaman sa pinakamahahalagang karapatan na itinakda sa Pahayag ng mga Mahahalagang Prinsipyo at Mga Karapatan sa Trabaho ng International Labour Organization (ILO) .

Ang Kodigong ito at ang aming programa ng responsableng sourcing ay mas malawak na ipinapataw sa lahat ng aming direkta at hindi direktang supplier sa lahat ng mga kategorya. Ang mga direktang supplier ay iyong mga direktang nag-aambag sa produksyon ng mga panghuling goods, na pangunahin na ang mga raw material at ang packaging. Kasama dito ang mga supplier ng mga pang-agrikulturang kalakal, mga magsasaka at mga sub-contractor. Ang mga hindi direktang supplier ay iyong mga nagkakaloob ng mga kalakal at serbisyo sa labas ng mga ginagamit sa produksyon ng natapos nang produkto. Kasama dito ang mga serbisyo at bagay na binili para gawin at paganahin ang aming mga pabrika, ang transportasyon at paglalagay sa bodega ng aming mga produkto at ang mga serbisyo ng marketing na aming ginagamit para maitaguyod ang aming mga tatak at produkto.

Kinikilala na ang mga pangyayari kung saan nagtatrabaho ang aming mga supplier ay maaaring magbago at dahil dito, aming nirerepaso ang aming Kodigo tuwing dalawang taon para matiyak na ang nilalaman nito at ang pagpapatupad ay nananatiling angkop at mabisa.

Mga Inaasahan mula sa mga supplier

Kinukumpirma ng supplier na sumusunod ito sa mga legal na kahilingan at pamantayan ng industriya nito, at nagtatabi ng mga wastong mga talaan at rekord na nagpapakita ng pagsunod sa mga nasabing legal na kahilingan at pamantayan, hanggang sa hangganan na pinahihintulutan ng batas.

Inaasahan mula sa aming mga supplier na pumanig sa mga sumusunod na pamantayan at hinihimok na lagpasan ang mga kahilingan na nakalahad sa Kodigo na ito. Aming kinikilala na ang aming mga supplier ay nagtatrabaho sa ibang mga legal at kultural na kapaligiran, at kami ay nakahandang tasahin ang mga alternatibong pamamaraan kung nakahanap ang aming mga supplier ng mas mahuhusay na solusyon kaysa roon sa mga tinukoy sa Kodigong ito, sumasailalim sa lahat ng mga kaso para sumunod sa mga angkop na legal na inaatas. Ang Kodigong ito ay isang saligan, at hihilingin lamang namin ang pagbabago sa mga lugar kung saan may natatag na pamantayan sa supplier at ang mga kahilingan sa aming Kodigo ay makabuluhan ang kaibhan. Kung nagtakda sa Kodigo ng mas mataas na pamantayan kaysa sa hinihiling ng angkop na batas, inaasahan ng Wrigley mula sa mga supplier nito ay humanay sa mga prinsipyo na nilalaman ng Kodigo. Kapag ang pagsunod sa Kodigong ito ay maaaring magresulta sa isang pagsasalungat sa o sa paglalabag ng mga angkop na batas o regulasyon, agad na ipagbibigay alam ng supplier ang Wrigley tungkol sa situwasyon at ipapaliwanag kung paano nito balak na magtrabaho sa responsabling paraan.

Ang Kodigong ito ay maaaring mabasa kasama ng nilalaman tungkol sa responsableng

Page 3: Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier

Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier ng Wrigley

3

pagkuha ng nilalaman sa www.mars.com. Ang Mars ay gumagawa rin ng mga pahayag sa posisyon sa mga pangunahing raw material na maaaring ipakita kasama ng dokumentong ito bilang dagdag na kahilingan para sa mga supplier na nasa ilalim ng kategorya sa mataas na panganib.

Page 4: Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier

Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier ng Wrigley

4

BATANG MANGGAGAWA

Mga Inaatas

Ang supplier ay hindi nag-eempleyo ng mga indibiduwal na mas bata sa edad na 16 taong gulang, maliban kung pinahihintulutan ng lokal na batas at ang nasabing hindi pagsasama ay kaayon sa mga patnubay ng ILO o International Labor Organization (Samahan ng Internasyonal na Paggawa). Nagmementina ang supplier ng mga dokumento ng petsa ng kapanganakan ng bawat indibiduwal o may mga lehitimong paraan ng pagkukumpirma ng edad ng bawat indibiduwal.

Mga Patnubay

■ Ang supplier ay sumusunod sa mga batas at regulasyon na may kaugnayan sa pinakabatang edad upang makapagtrabaho. Walang empleyado sa kahit na anong edad, kabilang na ang mga apprentice o mga bokasyonal na estudyante, ay maaaring maempleyo upang magtrabaho na lumalabag sa mga lokal na regulasyon na namamahala sa pinakabatang edad upang magtrabaho o ang itinakdang edad upang pumasok sa paaralan, nang alinsunod sa ILO Minimum Age Convention No. 138.

■ Tinitiyak ng supplier na ang mga manggagawa na mas bata sa 18 taong gulang ay hindi pinapahintulutan na:

• Magtrabaho sa ilalim ng mapanganib na kondisyon o iyong trabaho na kailangang humawak o gumamit ng mga mapapanganib na materyales sa isang hindi ligtas na paraan.

• Magtraaho nang higit sa 8 oras kada araw

• Pangunahing magtrabaho sa gabi

• Magtrabaho sa isang paraan na walang katuwiran na sumasagabal sa bokasyonal na edukasyon

■ Kapag ang mga independiyenteng dokumenton ay hindi makukuha, ang Supplier ay magsasagawa ng ibang lehitimo at maaasahang paraan upang alamin ang mga edad ng mga empleyado.

Page 5: Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier

Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier ng Wrigley

5

BOLUNTARYONG PAG-EEMPLEYO / SAPILITANG PAGTRABAHO

Mga Inaatas

Mag-eempleyo ang supplier ng lahat ng mga empleyado sa isang boluntaryong paraan at hindi gagagamit ng manggagawa na mula sa bilangguan, alipin, may bond, sapilitan o manggagawang nagbabayad ng utang, o uugnay sa anumang iba pang uri ng sapilitang pagtrabaho, o iba pang uri ng pag-aalipin o pangangalakal ng tao (human trafficking).

Mga Patnubay

■ Ang mga kahulugan ng a) pag-aalipin at b) pangangalakal ng tao o human trafficking ay umaalinsunod sa a) Supplementary Convention on the Abolition of Slavery, the Slave Trade, and Institutions and Practices Similar to Slavery (1957) at b) Palermo Protocol to Prevent, Suppress and Punish Trafficking in Persons, Especially Women and Children (2000).

■ Hindi inaatas ng supplier mula sa mga empleyado nito na ideposito ang mga dokumento ng pagkakakilanlan, mga dokumento ukol sa biyahe o iba pang personal na legal na dokumento sa pagsisimula ng pagtatrabaho sa Supplier.

■ Tinitiyak ng supplier na sa buong proseso ng pag-angkat sa trabaho at panahon ng pagkakaempleyo, walang kokolektahin na mga deposito (pera o iba pang uri) mula sa mga empleyado, kasama na ang pansamantala, panahunan at migranteng trabaho at empleyado na ipinagkaloob ng mga ahensya, recruiter o broker. Ang pagtrabaho sa pamamagitan ng pribadong ahensya ng trabaho ay susunod sa ILO Private Employment Agencies Convention No. 181. Sa mga kaso kung saan may nakolektang singilin na lumalabag sa patnubay na ito, ang supplier ay agad na magbababayad, tulad nang naaangkop, ng lahat ng nasabing mga singilin nang direkta sa mga contractor ng manggagawa/ahensya o iba pang mga tagakaloob ng serbisyo ng paggawa ,o agad na isasauli ang bayad sa naapektuhang manggagawa. 1

■ Hindi pinipilit ng supplier ang mga empleyado na magtrabaho nang overtime.

■ Hindi ipaaantala o kikimkimin ng supplier ang bayad para sa suweldo ng mga manggagawa nang higit sa isang buwan sa regular na batayan.

■ Hindi pinipigilan o ipinapasailalim ng supplier ang mga empleyado mula sa mga limitasyon ukol sa kalayaang gumalaw.

■ Ang supplier ay hindi gumagamit o kumukuha ng mga raw material o produkto na naauugnay sa sapilitang pagtrabaho o human trafficking.

■ Ang supplier ay gagamit lang ng mga lehitimo at marangal na recruitment agency, na wastong may lisensya na magtrabaho sa ilalim ng mga angkop na batas.

1. Kung naningil ng mga singilin sa mga manggagawa ang ikatlong panig na recruitment agency, kailangang masakop nito ang gastusin sa segundaryang mga gastusin lang, katulad ng mga gastusin sa pagbiyahe. Kailangang tiyakin ng supplier na ang nasabing mga singilin ay makatuwiran at dapat hindi magkaloob sa mga manggagawa ng utang o advance sa suweldo para masakop ang mga gastusin na binayaran ng sinumang manggagawa sa isang recruitment agency.

Page 6: Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier

Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier ng Wrigley

6

MIGRANTENG TRABAHO2

Mga Inaatas

Kinikilala ng supplier ang bukod tanging legal, panlipunan at kultural na situwasyon na hinaharap ng mga migranteng manggagawa at titiyakin na ang nasabing mga manggagawa ay pinakikitunguhan nang may dignidad, paggalang at alinsunod sa parehong mga pamantayan tulad ng ipinapataw sa iba pang mga manggagawa.

Mga Patnubay ■ Ang supplier ay nagkakaloob ng mga

kondisyon sa pagtrabaho (mga suweldo, oras ng trabaho, atbp.) sa mga migranteng manggagawa na ayon sa batas at maikukumpara sa ibang mga manggagawa na nagsasagawa ng halos parehong trabaho. Patotohanan ng supplier ang katayuang legal ng lahat ng mga migranteng manggagawa at titiyakin na iyong may bisang permiso sa pagtatrabaho lang na mula sa angkop na awtoridad ng pamahalaan ang ie-empleyo.

■ Hindi panghahawakan ng supplier ng mga opisyal na dokumento sa pagkakakilanlan, kasama na ang mga pasaporte, mga permiso para makapagtrabaho, at mga birth certificate, kahit na hilingin ng migranteng manggagawa.

■ Babayaran ng supplier ang lahat ng mga singilin na may kaugnayan sa ipinagkaloob na serbisyo ng ikatlong partido na contractor o labor agency.

2. Ang terminongg “mga migranteng manggagawa” ay kinabibilangan ng parehong dayuhan at sa loob ng bansang migrante, iyon ay, ang mga nagtatrabaho sa isang bansa na hindi sila mamamayan at iyong mga umalis sa loob ng kanilang bansa kung saan sila ay mamamayan para makahanap ng permanente, pansamantala o seasonal na trabaho.

Page 7: Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier

Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier ng Wrigley

7

PANG-AABUSO, PANLILIGALIG, KILOS NA PANDISIPLINA:

Mga Inaatas

Hindi sumasali ang supplier sa pisikal, pangkaisipan, pananalita, seksuwal o iba pang uri ng pang-abuso, di makatao o pagpapahiyang pakikitungo, korporal na parusa o o iba pang uri ng panliligalig. Pinakikitunguhan ng supplier ang lahat ng mga empleyado nang may galang at dignidad at sumusunod sa lokal na batas ukol sa mga pamamalakad sa pandisiplina.

Mga Patnubay

■ Ang supplier ay magmementina ng isang pormal na nakasulat na pamamaraan na pandisiplina at lahat ng mgapamamaraan na ito ay dapat malinaw na maikomunika sa lahat ng mga empleyado at mga posibleng empleyado. Ang lahat ng mga pamamaraang pandisiplina ay dapat na itala at ang (mga) empleyado na naapektuhan ng pandisiplinang pagkilos ay dapat kilalanin ang pagkilos na nagawa sa pamamagitan ng kasulatan.

■ Hindi magpapataw ng multang binabayaran ang supplier at/o mga pagbabawas sa suweldo para sa mga pandisiplinang dahilan.

■ Magtatatag ang supplier ng nakasulat at/o pananalitang pamamaraan para sa pamamahala sa mga karaingan mula sa mga manggagawa hinggil sa mga kondisyon at pakikitungo sa lugar ng trabaho.

■ Ang supplier ay nagsasagawa ng mga pamamalakad sa seguridad sa isang angkop sa kasarian at di nangingialam na pamamaraan, kung naaangkop.

MAKATARUNGAN AT PATAS NA PAKIKITUNGO / DISKRIMINASYON Mga Inaatas

Ang mga tuntunin at kundisyon ng supplier sa sa pag-eempleyo, kasama na ang pag-angkat sa trabaho, pagsasanay, mga kundisyon sa pagtatrabaho, kabayaran, mga benepisyo, mga promosyon, disiplina, pagwawakas ng trabaho o pagreretiro, ay batay sa mga indibiduwal na kuwalipikasyon, pagganap, kakayahan, at karanasan.

Mga Patnubay

■ Ang supplier ay nagpapanatili ng mga pinagtatrabahuhan na malaya mula sa diskriminasyon nang batay sa lahi, kulay,edad, kasarian o pagkakakilanlan ng kasarian, kasta, politikal na pananaw, pinagmulang bansa, relihiyon, katayuan sa kasal, pinipiling seksuwalidad, kapansanan o genetic na impormasyon, pagbubuntis, pagiging miyembro, kaanib o iba pang katayuan ng indibiduwal na walang kaugnayan sa kakayahang gawin ang trabaho.

■ Ang supplier ay hindi nagsasagawa ng

mga medikal na pagsusuri sa mga empleyado na maaaring magamit sa diskriminasyon (hal. pagsusuri kung buntis). Ang mga resulta ng kahit na anong mga pagsusuri na hinihiling ng lokal na batas ay hindi gagamitin sa isang may paghuhusgang paraan.

Page 8: Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier

Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier ng Wrigley

8

MGA BAYAD AT BENEPISYO

Mga Inaatas

Patas na babayaran ng supplier ang lahat ng mga empleyado sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga suweldo at benepisyo nang alinsunod sa lahat ng naaangkop na mga batas.

Mga Patnubay

■ Tinitiyak ng supplier na ang mga suweldo ay bayad para sa lahat ng mga oras na natrabaho ay tumutugon kahit man lang sa legal na minimum wage (pinakamababang pasahod) o sa mga pinakamababang pamantayan sa sahod ng lokal na industriya, kung alinman ang mas mataas.

■ Ang supplier ay magbabayad nang nasa oras sa mga empleyado, alinsunod sa mga legal na inaatas; sa lahat ng mga pangyayari, ang mga suweldo ay dapat bayaran nang hindi bababa sa buwanang batayan.

■ Sinisigurado ng supplier na, kapag ang bayad sa manggagawa ay hindi inaasahan sanhi ng dami ng nagawa (bayad kada piraso, mga quota, atbp.), parating kumikita ang mga manggagawa nang hindi bababa sa katumbas ng angkop na pinakamababang suweldo para sa bawat 8 oras na trabaho at hindi pipiliting magtrabaho nang mahigit sa 8 oras kada araw para umabot sa pinakamababang suweldo . Kung saan walang natakda sa batas na pinakamababang suweldo , tinitiyak ng mga supplier na ang mga manggagawa ay kumikita ng hindi bababa sa average na suweldo sa partikular na industriya o ayon sa lugar.

■ Nakakatugon ang supplier sa lahat ng mga legal na inaatas para sa pagbabayad sa overtime at takdang halaga ng insentibo. Ang supplier ay nagbabayad ng overtime sa isang premium na nakatakdang halaga / sa isang takdang halagang katumbas ng normal na halaga ng bayad o suweldo.

■ Nagkakaloob ang supplier ng lahat ng mga benepiyo na isinautos sa batas, tulad ng piyesta opisyal, may bayad na bakasyon/taunang leave, mga araw na may sakit at maternity/paternity/family leave.

■ Kung kailan posible, tinitiyak ng mga supplier na makakapagkaloob sila sa lahat ng mga manggagawa ng (permanente, pansamantala, seasonal, domestic at migrante) na may nakasulat na kontrata sa angkop na wika na may paglalarawan ng mga tungkulin sa trabaho, mga benepisyo, mga

Page 9: Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier

Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier ng Wrigley

9

pamamaraan sa pagdidisiplina, at mga panahon ng pagbibigay ng abiso. Kapag hindi posible ang isang kundisyon sa nasa kasulatan na kontrata o hindi ito praktikal, ang mga supplier ay magkakaloob sa mga manggagawa ng nasabing paglalarawan ng mga patakaran sa kanilang pagtatrabaho. 3

■ Nagkakaloob ang supplier sa baway empleyado ng isang

nakatalang pahayag ng suweldo sa sandaling suwelduhan. Ang pahayag na ito ay kinabibilangan ng, nang hindi bababa sa, halaga ng bayad, panahon ng pagbabayad, takdang salaga ng bayad, regular at overtime na oras na natrabaho, mga binabawas na halaga at benepisyo, kung naaangkop.

3. Mapupunan ng supplier ang inaatas na ito sa pamamagitan ng pagpapaskil ng mga karapatan at titulo ng manggagawa / mga patakaran sa pagtrabaho sa isang malinaw at nauunawaang wika at sa (mga) wika na salita ng mga manggagawa.

Page 10: Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier

Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier ng Wrigley

10

MGA ORAS NG TRABAHO

Mga Inaatas

Sumusunod ang supplier sa lahat ng mga naaangkop na batas hinggil sa mga regular na oras ng trabaho, mga oras ng pahinga at mga oras ng overtime.

Mga Patnubay

■ Ang mga supplier ay dapat magkaloob sa mga manggagawa ng hindi bababa sa 24 magkakasunod na oras ng pahinga tuwing 7 araw na panahon. 4

■ Ang supplier ay hindi humihiling ng linggo ng trabaho na hihigit sa 60 oras, kasama na ang overtime, maliban sa mga pangyayari sa trabaho na kailangan ang pansamantalang pagdami ng oras ng trabaho. Nakikipagkonsulta ang supplier sa mga empleyado tungkol sa pansamantalang pagdami ng oras ng trabaho at nagkakaloob ng natumbas na panahon ng bakasyon para sa mga karagdagang oras na ito o bayad sa overtime sa premium na halaga nito.

■ Hindi pinipilit ng supplier ang mga empleyado na magtrabaho nang overtime, at ang mga empleyado ay hindi paparusahan, mumultahan, o aalisin sa trabaho para sa pagtatangging magtrabaho ng overtime

KALAYAAN SA PAGKAKA-UGNAY / SAMA-SAMANG PAKIKIPAGSUNDO

Mga Inaatas

Nirerespeto ng supplier ang karapatan ng mga empleyado na bumuo o sumali sa mga unyon at sama-samang makipag-areglo sa isang naaayon sa batas at mapayapang paraan, na sumasailalim at alinsunod sa angkop na batas.

Mga Patnubay

■ Ang supplier ay sumusunod sa lahat ng mga naaangkop na batas na tumutukoy sa kalayaan ng pagkaka-ugnay at sama-samang pakikipag-areglo.

■ Ang supplier ay hindi nagdidiskrimina batay sa kaugnayan o di-pagkakaugnayan.

■ Ang supplier ay hindi nagpapahintulot ng pakikialam ng pangasiwaan sa samahan ng mga manggagawa. Hindi ipinapailalim ng supplier ang mga empleyado nito sa panliligalig, pananakot, o paghihiganti sa kanilang pagsisikap na malayang maka-ugnay o sama-samang makipag-areglo.

■ Ang supplier ay nagkakaloob ng mga kompidensyal at hindi nagpapakilalang paraan upang makapagsampa ng hinaing at itala ang prosesong ito ang

Page 11: Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier

Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier ng Wrigley

11

mga empleyado.

4. Kung gumawa ng eksepsyon sa kundisyon na ito, kailangan ay umaalinsunod ito sa mga angkop na batas at sa mga katangi-tanging pagkakataon, tulad ng trabaho na likas na patuloy o sa kaganapan ng aksidente o emerhensya. Sa nasabing kaso, kailangang bigyan ng pambayad na panahon ng pahinga sa sandaling makatuwiran itong gawin. Sa ilalim ng normal na pagkakataon, dapat iwasan ng mga Supplier ang mga situwasyon kung saan pinagtatrabaho ang mga manggagawa nang mahabang panahon ng oras nang hindi nakakakuha ng mga lingguhang araw ng pahinga.

Page 12: Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier

Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier ng Wrigley

12

KALUSUGAN AT KALIGTASAN

Mga Inaatas

Ang supplier ay sumusunod sa lahat ng mga naaangkop na batas na tumutukoy sa kalusugan at kaligtasan sa pinagtatrabahuhan.

Mga Patnubay

■ Ang supplier ay nagkakaloob ng ligtas, malinis, malusog, at produktibong lugar ng trabaho, kasama ang pagbibigay ng malinis na tubig na maiinom sa lahat ng mga manggagawa at sapat na bilang ng mga banyo para sa parehong mga lalaki at babae.

■ Ang supplier o ikatlong panig na ahensya na nagkakaloob ng mga dormitoryo sa manggagawa ay magbibigay sa mga manggagawa ng hustong pailaw, temperatura, bentilasyon, mga pasilidad ng banyo, mga pasilidad ng paliguan at paraang makakuha ng malinis na maiinom na tubig. Ang mga dormitory ay nararapat na malinis at ligtas at may mga emerhensyang labasan, makatuwirang personal na espasyo, at makatuwirang pribilehiyo sa pasukan at labasan.

■ Ang supplier ay magkakaloob sa mga manggagawa ng nakasulat na impormasyong at babalang pangkalusugan at pangkaligtasan, sa (mga) pangunahing wika ng mga manggagawa nito. Ang supplier ay magpapaskil, sa spangunahing wika ng mga manggagawa nito, ng Material Safety Data Sheet na naglalarawan sa nakakalason o mapanganib na sangkap na ginagamit sa lugar ng trabaho at mainam na pangangasiwaan ang paggamit ng lahat ng mapanganib na sangkap at makinarya.

■ Ang supplier ay magkakaloob ng angkop na kagamitan para sa personal na proteksyon.

■ Ang supplier ay nagbibigay ng sapat na pagsasanay sa mga empleyado sa naaangkop na lokal na kasanayan sa kaligtasan sa sa lugar ng trabaho, kasama na ang mga pamamaraan para sa paglikas kapag may emerhensya. Ang supplier ay nagkakaloob ng mga sistema at pagsasanay na dinesenyo upang makatulong na maiwasan ang mga aksidente at pinsala.

■ Ang supplier ay magmementina ng mga talaan ng pagsasanay sa kalusugan at kaligtasan at mga aksidente at pinsala sa lugar ng trabaho.

■ Ang supplier ay magtatatag at

Page 13: Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier

Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier ng Wrigley

13

magpapanatili ng isang angkop na kagamitan para sa first aid sa isang pasilidad at gagawin itong handang magamit ng mga manggagawa sa lahat ng oras. Ang lokasyon ng kagamitan na ito ay prominenteng mamarkahan at ipagbibigay alam sa mga manggagawa.

■ Ang supplier ay nagkakaloob ng sapat na access sa mga medikal na pasilidad, mga fire exit at kagamitan para pampuksa ng apoy at kagamitang pangkaligtasan.

Page 14: Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier

Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier ng Wrigley

14

KAPALIGIRAN

Mga Inaatas

Ang supplier ay sumusunod sa lahat ng naaangkop na batas at regulasyong pangkapaligiran. Patuloy na nagsusumikap ang Supplier na mapahusay ang pagganap nito hinggil sa kapaligiran.

Mga Patnubay

■ Ang supplier ay nagmementina ng mga dokumento at nagtatabi ng mga talaan na tumutupad sa lokal at pambansang mga batas at regulasyon sa kapaligiran, na kinabibilangan ng mga pahintulot hinggil sa kapaligiran at pag-uulat ng mga kahilingan.

■ Ang supplier ay maayos na nag-aasikaso at nagtatabi ng mga mapapanganib na materyales at basura, ay may plano sa pamamahala ng pagtatapon ng mga mapanganib na basura, at itinatapon ang mga ito sa isang ligtas at legal na paraan.

■ Tinitiyak ng supplier na ang nauugnay na kawani ay may sapat na kaalaman sa mahalagang mga epekto sa kapaligiran ang kompanya at sinanay sa sistema ng pamamahala ng kompanya para sa kapaligiran.

■ Pinapakaunti at binabantayan ng supplier ang epekto nito sa kapaligiran kung saan maaari sa pamamagitan ng pagbabawas sa mga greenhouse gas emission, mga inisyatibo sa kakayahang magkaloob ng enerhiya, pagbabawas at pagreresiklo sa paggamit ng likas yaman, kasama na ang tubig at papel / mga materyal sa pagpapakete.

Page 15: Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier

Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier ng Wrigley

15

MGA ETIKAL NA PAMAMALAKAD SA

PAGNENEGOSYO

Mga Inaatas

Ang Supplier ay nagnenegosyo nang alinsunod sa mga pinakamataas na mga pamantayan para sa etikal na pag-uugali at alinsunod sa lahat ng mga naaangkop na batas at regulasyon.

Mga Patnubay

■ Ang Supplier ay sumusunod sa lahat ng mga naangkop na legal na kahilingan, panlokal man o banyaga, na gagamitin sa mga pamamalakad sa ibang bansa, kasama na ang U.S. Foreign Corrupt Practices Act at ang UK Bribery Act. Ayon sa pangkalahatang tuntunin ng Foreign Corrupt Practices Act, labag sa batas ang pagbibigay ng kahit na anong bagay na may halaga sa mga opisyal ng pamahalaan, mga dayuhang politikal na partido, mga opisyal ng partido, o mga kandidato para sa tanggapang pampubliko para sa layunin na matamo o mapanatili ang negosyo o pagkakaroon ng hindi wastong kalamangan.

■ Ang supplier ay magkakaroon ng mga nakasulat na patakaran na naglalabag sa panunuhol, mga kickback, katiwalian at mga katulad na ipinagbabawal na pamamalakad sa pagnenegosyo.

■ Kailangang sanayin ng supplier ang mga empleyado, consultant, subcontractor at vendor nito sa mga tuntunin at pamamaraan ng kompanya na may kaugnayan sa mga etikal na pamamalakad sa pagnenegosyo.

■ Ang supplier ay hindi nag-aalok o tumatanggap ng mga suhol, kickback o iba pang paraan ng pagtatamo ng di nararapat o di wastong pakinabang.

■ Ang supplier ay hindi nagbibigay sa kahit na sinong empleyado ng Wrigley ng regalo o magbibigay ng donasyon sa ngalan ng, o para sa pakinabang ng kahit na sinong empleyado ng Wrigley, maliban kung pinahintulutan ng parehong makabuluhang bahagi ng negosyo at ng pangkalahatang tagapagpayo ng rehiyon. Anumang mga pagkain na ipinagkaloob ng Supplier sa isang empleyado mula sa Wrigley ay may makatuwiran at katamtaman na halaga at ipinagkaloob lamang sa tinagal ng pagnenegosyo ng Supplier sa Wrigley.

■ Ipapaalam ng Supplier sa Wrigley ang kahit na anong sitwasyon na maaaring tila isang pagsasalungat sa interes, at ipapapaalam sa Wrigley kung mayroong kahit na sinong empleyado o miyembro ng pamilya na nasa Wrigley na maaaring may kahit na anong uri ng interes sa negosyo ng Supplier o

Page 16: Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier

Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier ng Wrigley

16

kahit na anong uri ng kaugnayang ekonomiko sa Supplier.

■ Hindi makikisali ang Supplier sa palihim na subastahan, pagtatakda ng presyo, diskriminasyon sa presyo, o iba pang di-makatarungang pamamalakad na lumalabag sa batas ukol sa patas na kompetisyon o mga batas ukol sa anti-trust na namamahala sa mga hurisdiksyon kung saan ito nagnenegosyo.

■ Nirerespeto ng supplier ang mga karapatan sa pagmamay-aring intelektuwal ng iba. Ang Supplier ay nagsasagawa ng mga angkop na hakbang upang bantayan at panatilihin ang kompidensyal ukol sa pagmamay-ari at impormasyon o mga segreto sa pangangalakal ng Wrigley at gagamitin lamang ang nasabing impormasyon para sa mga layuning pinahintulutan ng Wrigley na gamitin.

Page 17: Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier

Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier ng Wrigley

17

PAG-ALINSUNOD

Mga Inaatas

Ang Supplier ay sumusunod sa mga legal na kahilingan at pamantayan ng industriya nito sa ilalim ng lahat ng mga naangkop na batas, at nagtatabi ng mga wastong mga talaan at rekord na nagpapakita ng pagsunod sa mga nasabing batas at mga pamantayang ito, hanggang sa hangganan na pinahihintulutan ng batas.

IBA PANG MGA RESPONSIBILIDAD

SUB-CONTRACTING

Ang Wrigley ay hindi gumagamit ng mga subcontractor o nagtatalaga ng iba pang panig sa mga obligasyon nito sa kontrata sa Wrigley, nang walang nakasulat na pahintulot mula sa Wrigley o sa mga kaanib nito. Isang naunang nakasulat na pagtanggap sa Kodigong ito ng naaprubahang subcontractor o itinalaga ay kinakailangan bago simulan ang produksyon.

PAGBIBIGAY-ALAM NG KODIGONG ITO:

Kailangang ipagbigay alam ng mga supplier sa mga manggagawa ang mga inaasahan na nilalaman ng Kodigong ito. Maaaring kabilang dito ang pagpapaskil ng Kodigo sa lugar ng trabaho sa isang lugar kung saan madaling makita ng mga manggagawa, pagsasagawa ng pang grupo o indibiduwal na pagpupulong para marepaso at ipaliwanag ang Kodigo, pamamahagi ng mga nagpapaliwanag na pamphlet sa mga manggagawa, o pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga on-line na channel.

PAGTATALAGA NG RESPONSIBILIDAD

Ang supplier ay nagtatalaga ng isang senior officer na patuloy na nagbabantay sa pagsusunod ng Supplier sa Kodigong ito. Ipapaalam kaagad ng supplier sa Wrigley ang anumang nauugnay na isyu na naiiba sa Kodigong ito. Ipinagbibigay alam ng Supplier sa Wrigley ang anumang mga paglalabag sa Kodigong ito kasama na ang mga paglalabag na naulat sa pamamagitan ng kompidensya na whistleblowing (pagsusumbong) na hotline. Ang nasabing mga programa ay magpoprotekta sa pagkakompidensyal ng pagsumbong ng manggagawa at ipagbabawal ang paghihiganti.

Ang mga supplier ay may pananagutan sa nasa panahong pag-uulat ng aktuwal o pinaghihinalaang mga paglalabag sa batas, ng Kodigong ito at anumang naka kontratang ugnayan sa Wrigley. Kabilang dito ang mga paglalabag ng sinumang empleyado o ahente na kumikilos sa ngalan ng supplier o ng Wrigley. Maaari ninyong iulat ang anumang paglalabag sa pamamagitan ng email gamit ang sumusunod na address: [email protected]

Page 18: Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier

Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier ng

Mars 13

PAGBABANTAY SA PAGSUNOD

Upang matasa ang pagsusunod ng Supplier sa Kodigong ito, nakalaan ang karapatan sa Wrigley upang magsagawa ng napahayag o di-napahayag na independiyenteng ikatlong panig na audit sa site ng mga pasilidad, pabahay na kaloob ng Supplier, pamamalakad, mga talaan, at rekord ng pasilidad at magsagawa ng kompidensyal na mga panayam sa manggagawa bilang kaugnayan sa nasabing mga audit.

Sa pagtanggap ng kahit na anong hindi kasiya-siyang mga resulta ng pag-audit at ang kabiguan ng Supplier na ipatupad ang mga inirekumendang kilos ng pagwawasto ng Wrigley, nakalaan ang karapatan sa Wrigley, na mayroong natatanging paghuhusga para rito, na isuspinde ang kahit na anong pagbili mula sa Supplier hanggat naipatupad ang mga kilos ng pagwawasto, o upang wakasan ang ugnayan nito sa Supplier.

Ang mga supplier ay may pananagutan sa pagtuturo at pagbabantay sa kanilang mga vendor, subcontractor at mga independent na kontratista.

PAGIGING MAKIKITA

Ang supplier ay nagpapatupad ng isang nakikitang pamamaraan sa pakikipagtrabaho sa Wrigley, kasama na ang pahayag ng mga nauugnay na patakaran at pamamaraan. Kung hilingin, ipapahayag ng supplier ang heyograpikal na lokasyon ng mga pasilidad na gumagawa ng raw material para sa Wrigley, at pati na rin ang pinagmulan ng raw material sa loob ng sariling direktang supply chain ng mga supplier. Ang supplier ay aako ng responsibilidad sa pagpapatupad ng mga inaatas ng Kodigong ito at ang nauugnay na dapat na proseso doon sa mga nasa direkta nitong supply chain.

Aming kinikilala na karamihan sa mga isyu na hinaharap ng mga manufacturer tulad ng Wrigley ay buhat sa mas mababang antas ng mga karagdagang supply chain kung saan ay mas marami pang mga supplier ang nasasangkot. Samakatuwid, ay mahalaga na ang ating mga direktang supplier ay kumikilala sa tungkulin na dapat nilang gampanan sa pagtataguyod ng responsableng pamamalakad sa pagkuha ng trabaho sa kanilang sariling mga supplier, kasama na ang pagtitiyak sa mga prinsipyo ng Kodigo na ipinapataw hanggang sa, at sinusunod ng, mas mababang mga antas na supplier at ang pagbabantay sa pagsusunod dito ay nagaganap sa lahat ng antas ng supply chain.

Page 19: Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier

Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier ng

Wrigley 14

MGA SANGGUNIAN

Ang Wrigley ay kumonsulta sa mga sumusunod na

sanggunian: Eco-Management and Audit Scheme

www.quality.co.uk/emas.htm

Electronic Industry Code of Conduct

www.eicc.info/eicc_code.shtml

Ethical Trading Initiative

www.ethicaltrade.org

ILO Code of Practice in Safety and Health

www.ilo.org/public/english/protection/safework/cops/english/download/e000013.pdf

ILO International Labor Standards

www.ilo.org/public/english/standards/norm/whatare/fundam/index.htm

ISO 14001

www.iso.org

National Fire Protection Association

www.nfpa.org/categoryList.asp?categoryID=143&URL=About%20NFPA

OECD Guidelines for Multinational Enterprises

www.oecd.org

OHSAS 18001

www.bsi-global.com/index.xalter

SA 8000

www.cepaa.org

SAI

www.sa-intl.org

The Mars Five Principles

www.mars.com/global/about-Wrigley/the-five-principles-of-Wrigley.aspx

United Nations Convention Against Corruption

www.unodc.org/unodc/en/corruption/index.html?ref=menuside

United Nations Global Compact

www.unglobalcompact.org

Universal Declaration of Human Rights

www.un.org/Overview/rights.html

UN Norms on the Responsibilities of Transnational Corporations

and Other Business Enterprises with Regard to Human Rights

www.ohchr.org

Page 20: Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier

Mars Supplier Code of Conduct 15

Ang Kodigong ito ay sinusunod, ipinapatibay at ipinatupad ng aming mga Segment Leaders tulad nang ipinapahiwatig ng mga lagda na kasama ng dokumentong ito.

Pascal Baltussen VP Commercial, Mars Global Chocolate

Patrick Mitchell CPO, Commercial @ Mars Transversal Team

Brice Russell

Global CPO Mars Inc.

Denis Winkler

Global VP Commercial & Supply Chain, Mars Food

Steven Brunner VP Global Procurement and CPO, Wrigley

Andrew Parton VP Commercial, Mars Global Petcare

Juliana Saretta Global VP Supply and Commercial, Mars Drinks

Page 21: Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier

Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier ng

Wrigley 16

Kinikilala ng mga lumagda sa ibaba ang kanilang pagkakaunawa sa, at pagsunod sa, lahat ng mga naaangkop na batas at ang nakasaad sa itaas na Kodigo ng Pag-uugali sa Supplier (Kodigo) ng Wrigley. Inaasahan mula sa mga supplier ay magsagawa ng mga kinakailangang hakbang ng pagwawasto upang agaramg malutas ang kahit na anong hindi pagpapatupad. Nakalaan ang karapatan sa Wrigley na wakasan ang ugnayan sa pakikipagnegosyo sa kahit na sinong Supplier na hindi handang sumunod sa Kodigong ito.

Pahayag ng Responsibilidad

Makalipas na mapunan ang mga patlang, mangyari lamang alisin ang mga salita na naka

italic.

------------------------------------------------------ (pangalan ng kompanya), isang kompanya

na legal na itinatag sa (pangalan ng bansa) -------------------------------------,

na may numero ng rehistrasyon / lisensiya na , -----------------------------

------------- ay ipinapahayag sa pamamagitan nito na:

(a) nauunawaan nito at tinatanggap ang nilalaman ng Kodigo, kasama sa Pahayag ng Responsibilidad na ito;

(b) ibabahagi, sa Wrigley at sa sarili nitong network ng mga supplier iyong mga pagsisikap, kahirapan at natamo sa pagpapatupad ng Kodigong ito;

--------------------- (araw ng linggo), ------------------ (petsa), ------------- (taon).

------------------------------------------------------------------------------------------

(Pangalan at posisyon, kung angkop) [Opisyal ng Kompanya]

Mangyari lamang tiyakin rin (lagyan ng tsek kung naaangkop) kung…

Ang inyong kompanya ay isang miyembro ng Sedex at iuugnay ang impormasyon sa Sedex sa account sa Wrigley

Ang inyong kompanya ay may panlabas na responsabileng sourcing audit para sa naugnay na sektor sa industriya at lokasyon / mga lokasyon na nakumpleto nitong nakaraang dalawang taon at ibabahagi ito sa Wrigley

Page 22: Kodigo ng Pag-uugali ng Supplier

WRIGLEY Isang subsidiary ng Mars.Incorporated