Ligaya Front

Embed Size (px)

Citation preview

i

KAUGALIANG PILIPINO AT PAGPAPAHALAGANG MORAL NA MASASALAMIN SA MGA SINALITA AT ISINATITIK NA PANITIKANG BAYAN SA APAT NA BAYAN NG CAMARINES NORTE: ISANG PAGSUSURI

____________________

Isang Tesis Na Iniharap sa Kaguruan ng Paaralang Gradwado Pamantasang Manuel Luis Quezon, Maynila

____________________

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa mga Kinakailangan sa Pagtatamo ng Digring Master ng Sining sa Filipino

____________________

Ni LIGAYA O. BRON 2006

ii

TAGUBILIN PARA SA PAGSUSULIT NA ORAL

Ang tesis na ito na may pamagat na KAUGALIANG PILIPINO AT PAGPAPAHALAGANG MORAL NA MASASALAMIN SA MGA SINALITA AT ISINATITIK NA PANITIKANG BAYAN NG APAT NA BAYAN NG CAMARINES NORTE: ISANG PAGSUSURI, na inihanda at iniharap ni LIGAYA O. BRON, bilang bahagi ng pagpapatupad sa mga kailangan para sa digring Master ng Sining sa Filipino ay sinuri at itinagubilin para sa pagsusulit na oral.

DOLORES N. GONZALEZ, Ph.D. Tagapangulo Lupon sa Pagsusulit

iii

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Pinagtibay ng Lupon sa Pagsusulit na Oral na ang kaloob na antas ay 95.8 % noong Mayo 17, 2006 .

Lupon ng Tagasulit:

LETICIA L. LAVA, Ph.D. Kagawad

FELY S. CASTILLO, Ph.D. Kagawad

DOLORES N. GONZALEZ, Ph.D. Tagapangulo Tinanggap bilang bahagi ng pagtupad sa mga kinakailangan para sa digring Master ng Sining sa Filipino. Naipasa ang Pagsusulit na Komprehensibo.

LETICIA L. LAVA, Ph.D. Dekana Paaralang Gradwado

iv

PASASALAMAT

Ang mananaliksik ay buong pusong nagpapasalamat sa mga taong nagbahagi ng kanilang kaalaman ukol sa paksa, sumuporta at tumulong hindi lamang sa pampinansyal na pangangailangan kundi sa iba pang aspeto ng pag-aaral na ito at nag-udyok na ituloy at tapusin ang pananaliksik upang maisakatuparan ang proyektong ito. Rev. Fr. Tamerlane R. Lana, O.P, Rector, Universidad ng Santo Tomas, sa kanyang marubdob na adhikain na

makapagpatuloy sa pagtuklas ng mga dagdag kaalaman ang mga guro at propesor sa ikauunlad at ikapagtatagumpay sa

pagsasakatuparan tungo sa karurukan ng pag-aaral. Rev. Fr. Isidro Abao, O.P., Sec. General, Universidad ng Santo Tomas. Nagpayo at nagbigay ng inspirasyon na ituloy ang pananaliksik at tipunin ang kayamanan ng panitikang bayan ng Camarines Norte sapagkat hanggang sa kasalukuyan ay walang kabuuang naisasaaklat sa lalawigang ito.

v

Dr. Leticia L. Lava, Dekana ng Paaralang Gradwado ng Pamantasang Manuel L. Quezon sa pagmimithing makatulong sa pagsasakatuparan nito. Dr. Fely S. Castillo, Profesor sa Pananaliksik sa Antas Graduado, Pamantasang Manuel Luis Quezon, sa kanyang walang puknat na paghimay sa bawat kataga, pangungusap at talata upang mapahusay ang mga konsepto sa kabuuan ng pag-aaral. Dr. Dolores N. Gonzalez, Tagapayong mananaliksik,

Pamantasang Manuel L. Quezon sa kanyang walang sawang paggabay upang mapabuti ang pag-aaral na ito. Dr. Jeanette Loanzon, Dekana, Kolehiyo ng Komersyo, Universidad ng Santo Tomas sa pagbibigay ng pagkakataon na maharap ang pag-aaral na ito Dr. Ma. Socorro P. Calara, Kawaksing Dekana, Kolehiyo ng Komersyo, Universidad of Santo Tomas sa kanyang pangangalaga at pagpapaalala sa mga gawaing pananaliksik. Rev. Fr. Javier Gonzalez, Regent, Kolehiyo ng Komersyo, Universidad ng Santo Tomas.

vi

Dr. Armando de Jesus, Pangalawang Rector para sa kapakanang Akademiko, Universidad ng Santo Tomas, nagnanais na matapos ang pag-aaral na ito. Dr. Helena Cabrera, Kawaksing Tagapagpaganap ng

Pangalawang Rector sa Kapakanang Pang-akademiko Universidad ng Santo Tomas na matiyagang, nagpapaalala na maghanap ng mga paaralan upang matapos ang nasimulang pag-aaral. Dr. Fortunato Sevilla III, Dekano, Kolehiyo ng Agham, Universidad ng Santo Tomas, sa pagbibigay inspirasyon sa pagaaral na ito. Arch. Chona Ponce, Dekana, Kolehiyo ng Arkitektura, Universidad ng Santo Tomas, sa pang-unawa. Dr. Ramon Sin, Grants Office, Universidad ng Santo Tomas sa tulong pinansyal. Dr. Aurora L. Domingo, Tagapag-ugnay ng mga Wika, Kolehiyo ng Agham, Universidad ng Santo Tomas sa suporta at pagpapalakas ng loob ng mananaliksik.

vii

Sa mga staff ng Tanggapan ng Pangalawang Rector para sa kapakanang Academiko, Universidad ng Santo Tomas Sa bawat tanggapan ng mga Alkalde ng Pamahalaan at sa mga staff ng mga bayan ng Labo, Mercedes, Paracale at Vinzons, sa kanilang pagtangkilik at pagpapaunlak sa mga datos na kailangan ng mananaliksik. Bong Quibral, announcer, radio station DZSL ng Daet, Camarines Norte sa pagpapahiram niya ng aklat na naging sanggunian ng pag-aaral. Atty. Vivencio Abao, nagpayo kung ano ang dapat gawin sa pagtatagumpay sa pagbuo ng paksa upang maging kapakipakinabang sa mga mag-aaral ng Camarines Norte sa

pagpapaunlad at pagpapayaman ng panitikan sa nasabing lugar. G. Jimmy Payot, Kawaksi sa Tanggapan ng Pangalawang Rector sa Kapakanang Pang-akademiko sa walang sawang pagalalay sa mga pangangailangan. Prof. Ofelia Breva, Prof. Amalia Castro at Prof. Aurora Francisco, sa tapat na pagdamay sa mga gawain.

viii

Prof. Lucila Raquepo at Prof. Faith Paulino, sa suportang ipinagkaloob sa mananaliksik. G. Jose Galleta, Prinsipal, Vinzons Pilot High School, sa kanyang pagpapaunlak na kapanayamin ng mananaliksik. Gng. Porferia Bardon, retiradong guro, Guinacutan

Elementary School, Vinzons, Camarines Norte, sa pagkakaloob sa mananaliksik ng ibang impormasyon tungkol sa panitikang-bayan. Susan Galleta may-ari ng LSP Pawnshop, Paracale, Camarines Norte, sa pagtanggap niya sa mananaliksik sa kanilang tahanan. Bb. Nancy M. Palces, sa suportang ipinagkaloob ng pahintulot at pagpapaunlak sa paggamit ng kanyang mga sasakyan. Bb. Fe R. Obusan at Tessie Malacad, mga photographer Gng. Norie O. Magana at Gng. Bea B. Vasquez, mga katulong sa pananaliksik sa pag-aabala sa pagkalap ng ibang

impormasyon sa Vinzons at sa Daet. G. Fernando at Rogelio Obusan, mga gabay sa maaaring pagkunan ng impormasyon at kakapanayamin.

ix

G. Abel C. Icatlo, Nanunungkulang Opisyal, Panlalawigang Tanggapan Pangkultura at Panturista, Tanggapan ng Panlalawigang Gobernador, Daet, Camarines Norte at sa kanyang mga staff sa pagtanggap at pagpapahiram ng ibat ibang datos na kailangan ng mananaliksik na nasa kanilang tanggapan. G. Nelson Villamoran, nagsilbing drayber na nagtiyaga at nagpuyat sa pagmamaneho ng tatlong beses na pagpunta Camarines Norte. Sa Tanggapan ng Komisyon ng Wika. Sa lahat ng staff sa Tanggapan at sa Computer Laboratory ng Kolehiyo ng Komersyo. Sa lahat ng staff sa Paaralang Gradwado, Pamantasang Manuel Luis Quezon. Sa lahat ng faculti ng Kolehiyo ng Komersyo. Sa lahat ng mga kaanak, ka-barangay at kababayan ng mananaliksik sa pag-alalay sa mga pinuntahang lugar. Sa lahat ng mga guro sa Matango Elementary School at Matango National High School; sa

x

Sa tanggapan ng USTFU sa tulong pinansyal. Sa mga librarian ng UST, MLQU, CCP, National Library, National Historical Institute, Kapitolyo ng Daet, Camarines Norte, sa walang sawang pagtulong pangangalap ng mga datos.

L. O. B.

xi

PAGHAHANDOG

Sa mga mahal sa buhay na naging inspirasyon sa kabuuan ng ano mang mumunting pangarap na nagsilbing tanglaw sa landas na tinatahak, at sa lahat ng mithiin, buong pusot pagmamahal na inihahandog ang tesis na ito sa kanyang dalawang anak na sina: Karen at Diane. Sa maunawain, at mapagmahal na kabiyak na si: Jun. Sa kanyang mga magulang na nagbigay buhay, na kung hindi sa kanila, ay hindi makakamit ang karunungang ito na sina: Bernardo at Josefina (+). Sa kanyang mga kapatid, hipag, bayaw, pamangkin at apo; Sa kanyang Ninang sa kasal na para na ring magulang, kapatid at kaanak, na anging inspirasyon sa buhay;

At higit sa lahat ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa Poong Maykapal sa lahat ng tulong, gabay at pagsubaybay na

xii

ipinagkaloob sa mananaliksik sa buong panahon ng kanyang pagsusulat ng tesis na ito. Salamat po!

L.O. B.

xiii

ABSTRAK

Pamagat

:

KAUGALIANG PILIPINO HALAGANG MORAL NA SA MGA SINALITA AT PANITIKANG BAYAN BAYAN NG CAMARINES PAGSUSURI LIGAYA O. BRON

AT PAGPAPAMASASALAMIN ISINATITIK NA SA APAT NA NORTE: ISANG

Mananaliksik Digri Paaralan Taon

: : : :

Master ng Sining sa Filipino - Literatura Pamantasang Manuel L. Quezon 916 R. Hidalgo, Quiapo, Maynila 2006

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay malikom at masuri ang mga panitikang bayan sa apat na bayan ng Camarines Norte. Upang mabigyan ng katuparan ang isinagawang pag-aaral, sinaalang-alang ang mga sumusunod na mga katanungan:

xiv

1.

Anu-ano

ang

paksa

ng

panitikang

bayan

na

pinapahalagahan magpahanggang sa kasalukuyan ng mamamayan sa Camarines Norte ang nakatuon sa: 1.1 Kwentong Bayan; 1.2 Alamat; 1.3 Awit at Tula; 1.4 Salawikain;1.5

Pamahiin; at

1.6 Bugtong ? 2. Paano ipinakita sa mga uri ng panitikan ang

pagpapahalagang moral sa:2.1

Lipunan;

2.2 Kultura; 2.2.1 2.2.2 2.2.3 2.2.4 2.2.5 pagbisita; panliligaw; pagkakasal; pagdadalantao; pagsilang ng sanggol;

xv2.2.6 pagbibinyag;

at

2.2.7

paglilibing;2.3 3.

Relihiyon? maipakikita sa panitikang bayan ang mga

Paano

kaugaliang Pilipino tuon sa: 3.1 pag-aasawa; 3.2 pagpapalaki sa anak; 3.3 pakikitungo sa kapwa; at 3.4 paghahanapbuhay?4.

Gaano kahalaga ang panitikang bayan na sinalita at

isinatitik tuon sa: 4.1 tahanan; 4.2 paaralan; 4.3 pamahalaan; at4.4

lipunan?

xvi

Lagom ng mga Natuklasan Matapos ang masusing pananaliksik sa isinagawang pagaaral at pagsusuri, natuklasan ang mga sumusunod: 1. Mga Paksa ng Panitikang Bayan na Pinahahalagahan Magpahanggang sa Kasalukuyan ng mga Mamamayan sa Camarines Norte 1.1 Kwentong Bayan Nagtataglay ng ibat ibang paksaing karaniwang nauukol sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao at mga bagay na kanilang nakakasalamuha, kanilang mga kaugalian, at mga saloobin. Pinapaksa ito sa mga kababalaghan, sumpa, pangitain, pamana, pagtitiyaga at kamatayan. 1.2 Alamat Ang mga alamat ng Camarines Norte ay pumapaksa sa pinagmulan ng bayan, tungkol sa isla, ermitanyo, di man kapanipaniwala, sapagkat mga likhang isip lamang, malaki naman ang naitutulong ng mga ito sa mga tao, katulad ng paggalang sa kapwa, pagmamahal, at pag-ibig.

xvii

1.3 Awit Malaki ang naitulong ng awit sa pagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya, gawain o hanapbuhay ng taong naninirahan sa isang lugar. Nagpapahayag ito ng reaksyon ng mga mamamayan batay sa kanilang mga karanasan sa buhay. 1.4 Saliwakain Ito ay batay sa kagandahang asal mula sa mga patulang pahayag na kadalasan ay may sukat at tugma na naging bahagi ng pananalita ng bayan. Binigyang diin sa mga salawikain ang ibinibigay nitong aral. Ang pangkalahatang katotohanan at mga batayang tuntunin sa kaasalan. 1.5 Pamahiin Sa tulong ng mga pamahiin na minana sa ating mga ninuno, ang ginawang gabay, sa paghahanap-buhay, pagtatrabaho sa bukid, kapag may ikakasal, may ililibing, at kapag may bibinyagan. Ginawa nila itong basehan, kung paano nila isasagawa

xviii

ang mga bagay na may kaugnayan sa kanilang mga gawain o trabaho. 1.6 Bugtong Sa panahon ng ating mga ninuno ginagamit nila itong pang-aliw sa mga naulila, hindi ito basta binabanggit, maririnig mo lamang ang bugtong sa lamayan sa patay. Ngunit ngayon sa pagpasok ng makabagong teknolohiya, ginagamit itong isang lunsaran ng mga guro sa kanilang pagtuturo. 1.7 Tula Ang mga sinaunang tulang Pilipino ay binubuo ng mga epiko, salawikain, sawikain, bugtong, at kasabihan. Mga sinasalita lamang ito, at nagpapasalin-saling dila hanggang dumating sa panahong kasalukuyan at naitala o naisatitik na ang mga ito. Sa pamamagitan ng mga tulang ito ay naipahahayag ang damdaming gustong iparating sa kinauukulan.

xix

2. Mga Uri ng Panitikan na Nagpapakita ng Pagpapahalagang Moral 2.1 Panlipunan Lubos ng kagandahang asal ang lipunang ginagalawan ng mga tao sa Camarines Norte partikular sa apat na lalawigan ng Labo, Mercedes, Paracale at Vinzons. Napatunayan ng

mananaliksik, kung gaano sila kahusay makitungo sa mga tao, ganyan din ang kanilang mga pinuno ng pamahalaan, may kalugudlugod na pagtanggap sa mga taong nangangailangan. Palibhasa ang mga tao sa mga nabanggit na lugar ay namulat sa pananampalataya sa Diyos, kaya nakikita at nababakas sa kanilang puso ang kabutihang loob. 2.2 Kultura Mababakas magpahanggang sa kasalukuyan na sa bawat pook o lugar ng Camarines Norte, ang repleksyon ng

kabihasnan, kaugalian, paniniwala at mga tuntunin ng mamamayan, sa pag-aasawa, panliligaw, pagsilang ng sanggol, pagbibinyag, pagkamatay at marami pang iba ay masasalamin para sa mga

xx

kultura ng Camarines Norte. Ang pagkakabuklod buklod o pagkakaisa ng mga tao, pagpapahalaga sa mga magulang sa kinabukasan ng kanilang mga anak, pagmamalasakit sa kapakanan ng kapwa, pagiging masipag, matiyaga at matatag, pagiging maagap at magiliw na pagtanggap sa panauhin ay nasa kultura nila. Ipinokus ng mananaliksik ang kultura at tradisyon ng mga taga-Camarines Norte sa larangan ng pag-aasawa. 2.3 Panrelihiyon Ang mga Pilipino ay relihiyoso at panatiko. Naniniwala sila sa maraming espiritu na iniuugnay sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Mula sa kanilang pagsilang hanggang kamatayan, marami silang pinaniniwalaang buhat sa mga kaugalian at tradisyon. Ang mga kaugaliang ito ay nanatili pa rin at patuloy na minamana ng mga sumusunod na henerasyon. Naniniwala ang mananaliksik, na nag-uumpisa sa lalawigan ang pagiging matibay na paniniwala sa mga nakagisnan o ipinamana sa kanila ng mga ninuno. Nangungunang nasaksihan, ang pagpapahalagang moral sa mga taga-Camarines Norte na

xxi

kinapapalooban ng malaking paggalang, pananampalataya at pagmamahal sa kapwa. 3. Mga Uri ng Panitikang Bayan na Nagpapakita ng mga Kaugaliang Pilipino 3.1 Pag-aasawa Malaki ang impluwensya ng uri ng panitikang bayan tulad ng tula, awit, pamahiin, salawikain, alamat, kwentong bayan, bugtong at mga pamahiin na nagpapakita ng mga kaugalian sa larangan ng pag-aasawa. 3.2 Pagpapalaki sa Anak Sabi nga, ang pagpapalaki sa anak ay isang gawaing napakahirap. Maraming dapat na isaalang-alang. 3.3 Pakikitungo sa Kapwa May paniniwala tayo, na kung naging maganda ang pakikisama sa ating kapwa, susuklian ito ng mabubuting gawa. Ang sabi dadaigin pa ang tunay na kapatid ng isang tunay na kaibigan.

xxii

Marami ang hindi totoong makisama nang tapat, may kaplastikan. Ang mga taong ganito ay may kakulangan sa buhay, kulang at salat sila sa mga bagay na magaganda. 3.4 Paghahanapbuhay Isang kaugalian ng mga Pilipino ang pagiging matiisin sa mga hirap na dinaranas sa paghahanapbuhay, sapagkat sa bandang huli ay may kasaganaang makakamtan. 4. Kahalagahan ng Panitikang Bayan na Pasalita at Naisatitik 4.1 Tahanan Ang mensaheng naiwan ng mga uri ng panitikan ang matibay na patunay ng pagkakaisa ng bawat mamamayan at bawat pamilya. Matibay ang kanilang paniniwala sa mga kaisipang tinataglay nito. Natuklasan ng mananaliksik na ang mga taong may matibay na paniniwala ay matatag, at marunong magpahalaga sa kanilang mga sarili.

xxiii

4.2 Paaralan Natuklasan na ang pakikipag-ugnayan at pakikiisa sa pagpapalaganap ng mga panitikang bayan ay may malaking kapakinabangan sa mga mag-aaral. Ang guro ang tagapaghatid, tagapagturo, tagapagmulat at tagapag-ugnay sa mag-aaral ng kabutihan at kahalagahan ng panitikang bayan. 4.3 Pamahalaan Natuklasan ng mananaliksik na nakatulong ang mga salawikain, pamahiin, alamat, sawikain, awit at tula, at kwentong bayan sa pamumuno sapagkat may paniniwala sila na: ang mga taong gumagawa ng masama, ay hindi pinagpapala, ang mga panitikang bayang ito ay nagpapaalala upang huwag gumawa ng masama at magkaroon ng takot sa Panginoon. 4.4 Lipunan Natuklasan ng mananaliksik na ang pamilyang Pilipino ay isang maliit na yunit ng lipunan, na nagbubuklod nang mahigpit. Kinakailangang sa maliit na lipunang ito mag-uumpisa ang kabutihan

xxiv

sa pamamagitan ng paglinang sa kanilang isipan, hinggil sa nagagawa ng lipunang ito upang maging mabuting mamamayan.

Mga Kongklusyon Batay sa mga lagom ng natuklasan naitala ang mga sumusunod na kongklusyon: 1. Ang mga hinabing paksa ng mga panitikang-bayan ng bayan ng Camarines Norte ay repleksyon ng pang-araw-araw na pakikisalamuha ng apat na bayan ng Camarines Norte sa kanilang kapwa at sa mga bagay sa kanilang kapaligiran, at nagtataya ng mga katangiang sadyang likas sa Camarines Norte. 2. Ang panitikang-bayan ng apat (4) na bayan ng Camarines Norte ay kasasalaminan ng mahahalagang implikasyon hinggil sa pagpapahalagang moral, at edukasyon ng mga taga-Camarines Norte na nakasentro sa pagkilala at pagtitiwala sa Dakilang Lumikha, sa pakikipamuhay ng maayos at sa pag-ambag sa kalinangan at kagalingang panlipunan ng bansa.

xxv

3. Ang kaugaliang Pilipino ang tanging batayan sa anumang gawaing kaugnay ng mga salawikain, alamat, tula at awit, at iba pa. 4. Ang tradisyong panrelihiyon ng mga Pilipino ang isa sa mga pangunahing tagapag-ugnay ng mga tao. Ang lipunan ang lumikha ng karapatan ng magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Sa pamilya nagsisimula ang kagandahang asal ayon sa itinakda nito.

Mga Rekomendasyon Batay sa mga kinalabasan ng pag-aaral at sa mga kongklusyong naitala ang mga sumusunod ay itinagubilin ng mananaliksik. 1. Nararapat na magkaroon pa ng karagdagang pag-aaral hinggil sa mga panitikang-bayan na sumasaklaw sa ibat ibang bayan ng Camarines Norte at iba pang lalawigan ng Rehiyon V. 2. Ang mga nakalap na mga panitikang-bayan, sinasalita o naisatitik ay nararapat na maging bahagi ng kurikulum sa paaralan

xxvi

upang ang mga itoy higit na mabigyang halaga, mapanatiling buhay at mapangalagaan ang kulturang Pilipino. 3. Itimo sa isipan ng mga magulang at guro ang mga bagay na makapagpapabuti sa kabataan. 4. Pahalagahan, at bigyan ng importansya ang ganitong uri ng panitikan sapagkat dito nakasandig ang ating pinagmulan. 5. Sa mga mag-aaral, itanim sa isipan ang mga itinuturo ng guro at magulang, mga mahalagang bagay na mag-uugnay upang magamit sa pang-araw-araw na buhay at madala nila hanggang sa kanilang pagtanda.

xxvii

TALAAN NG MGA NILALAMAN Pahina i ii iii iv xi xiii xxvii

TITULO NG PAMAGAT TAGUBILIN PARA SA PAGSUSULIT NA ORAL. DAHON NG PAGPAPATIBAY PASASALAMAT PAGHAHANDOG. ABSTRAK. TALAAN NG MGA NILALAMAN Kabanata 1 ANG SULIRANIN AT ANG SANLIGAN NG PAG-AARAL Panimula Sanligan ng Pag-aaral. Balangkas Teoretikal.. Paradigma ng Pag-aaral. Paglalahad ng Suliranin.. Kahalagahan ng Pag-aaral.. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral Kahulugan ng mga Katawagan.. MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAGAARAL Kabanata Mga Kaugnay na Literatura Dayuhan... Lokal. Mga Kaugnay na Pag-aaral Dayuhan.. Lokal...

1 11 24 30 32 34 37 38

2

Pahina 42 43 48 48

xxviii

3

4

Sintesis.. PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK Paraan ng Pananaliksik... Teknik.. Instrumento. Pagpapahalaga sa mga Datos.. PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAHALAGA SA MGA DATOS

56 63 64 65 66 68

5

BUOD NG MGA NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON Lagom ng mga Natuklasan. Mga Kongklusyon. Mga Rekomendasyon.TALASANGGUNIAN.

155 164 165167

Kabanata APENDISESA.

Pahina Mga Kwentong Bayan ng Camarines Norte.................................................... B. Mga Alamat ng Camarines Norte. C. Mga Halimbawa ng Awit at Tula D. Mga Salawikain ng Camarines Norte E. Mga Halimbawa ng Pamahiin. F. Mga Halimbawa ng Bugtong ng 212 215 Camarines Norte.. G. Mapa ng Camarines Norte. 172 185 200 206 209

xxix

H.

Mga

Larawan

Bilang

Patunay

ng 216 248

Panayam at Pananaliksik PANSARILING TALA NG MANANALIKSIK...

xxx

KAUGALIANG PILIPINO AT PAGPAPAHALAGANG MORAL NA MASASALAMIN SA MGA SINALITA AT ISINATITIK NA PANITIKANG BAYAN SA APAT NA BAYAN NG CAMARINES NORTE: ISANG PAGSUSURI

Ni LIGAYA O. BRON

Pamantasang Manuel L. Quezon Paaralang Gradwado Maynila 2006