27
LIHAM PAANYAYA

LIHAM PAANYAYA

  • Upload
    bry-an

  • View
    837

  • Download
    8

Embed Size (px)

DESCRIPTION

mga liham

Citation preview

LIHAM PAANYAYA

Poblacion, Bacon District,Sorsogon CityIka-2 ng Marso, 2011

Mahal kong Tita Ana,

Inaanyahan ko po kayong pumunta sa aking graduation na magaganap sa April 6 alas 8 ng umaga. Alam ko pong matutuwa kayo para sa akin dahil magtatapos ako ng elementary na may sertipiko at diplomang matatanggap.

Inaasahan ko po ang inyong pagdating.

Nagmamahal,

Fiona

LIHAM PAGBALITA

337 A. Bonifacio Ave.San Jose, Quezon City, ManilaJanuary 17, 2010

Kaibigan kong Gem gem,

Tol kamusta ka na? tagal na natin di nagkikita ah. Minsan pumarito ka samin at magsaya tayo gaya ng dati kulitan, kwentuhan, tambay dito tambay don. Tol sana Masaya ka sana jan, wag kang malulungkot dito lang kami ng tropang kaibigan mo. Di pa rin magbabago ang turing namin sayo ganon parin parang kapatid, wag kang magalala samin ok lang kami dito ng tropa. May balita ako para sau ako ay naka pasa sa board exam at magiging lawyer na ko. Sana ikaw rin ay maabot mo na ang iyong mga pangarap.

Iyong Kaibigan,

Lawrence

LIHAM PASASALAMAT

1726 LeverizaPasay, Metro ManilaHunyo 18, 1992

Mahal kong Maritess

Labis akong nagpapasalamat sa ipinadala mong bagong damit noong magtatapos ako sa Mababang Paaralan. Ang sabi ng nanay ko ay bagay na bagay raw sa akin ang kulay ng tela at yari niyon. Lalo raw akong nagmukhang dalagita. Hustong-husto iyon sa akin. Ang sabi nga ng kapatid ko ay para raw isinukat. Talagang tuwang-tuwa ako at gandang-ganda sa iyong regalo.

Salamat na muli.

Nagmamahal,Christer James Villafranca

LIHAM PAKIKIRAMAY

130 LealtadSampaloc, ManilaMayo 5, 1992

Mahal kong Linda,

Kaming magkakaklase ay nakikiramay sa pagkamatay ng iyong Lolo Sebyo. Huwag kang labis na malungkot. Ipinagdarasal namin ang kanyang kaluluwa. Nawa ay maging matahimik siya sa kabilang buhay.

Ipahatid mo sa iyong pamilya ang aking pakikiramay at ng aking mga kamag-aral.

Ang iyong kaibigan,

Amy

LIHAM PAUMANHIN

1046 Spring Valley Carson CityLas Vegas NV, USAIka-12 ng Disyembre

Mahal kong kaibigan

Kamusta ka na? sana mabuti ka pa. gusto ko humingi ng paumanhin sa nagawa ko sayo kahapon dahil taba-taba mo kase eh? Ayon nahulog ka sa bukid.

Kaibigan mo,

Winkee Bobako

LIHAM PANGUNGUMUSTA

2719 Ma. AuroraMakati, Metro ManilaIka-16 ng Hulyo, 1992

Mahal kong Cristina,

Kumusta ang iyong pag-aaral? Matataas ba ang iyong mga marka?

Pagbutihin mo sana ang iyong pag-aral upang matuwa ang iyong mga magulang ha?

Sa sunod kong pagsulat ay ipadadala ko sa iyo ang mga litrato natin noong nakaraang pista rito sa Makati.

O sige ha? Kumusta mo na lang ako sa iyong mga kapatid at magulang.

Ang iyong kaibigan,

Alice

LIHAM PAGBATI

885 Coronado St.Makati, Metro ManilaSetyembre 6, 1992

Mahal naming Rosa,

Malugod ka naming binabati sa iyong pagkapanalo sa Timpalak Pagkukwento noong nakaraang Linggo ng Wika.

Kaming lahat ay humanga sa iyong magandang tinig. Tuwang-tuwa kami nang malaman naming ikaw ang nanalo sa siyam na kalahok. Talaga namang mahusay ang ginawa mong pagkukwento. Parang totoo ang iyong sinasabi at natural ang iyong pagkilos. Marahil, ang isa pang ikinapanalo mo'y ang iyong mahusay na paghikayat sa mga manonood.

Talagang magaling ka! Kaming lahat ay bumabati sa iyo.

Ang iyong mga kamag-aral,

6-Molave

LIHAM PAGTANGGI

56 A.Mabini St.Malate, ManilaNobyembre 5,2008

Mahal kong Andrew,

Ipagpaumanhin mo nang hindi ako nakadalo sa inyong kaarawan sa inyong bahay. Dahil ako ay may mahalagang pinuntahan sa aming probinsya. Inilibing kasi namin ang lolo ko noong ika-31. Sana ay naunawaan moa ang naging kalagayan ko.

Maraming salamat sa pag-unawa.

Nagmamahal,

Cliff

LIHAM PAMAMAALAM

Malinis St. San Jose Mandaluyong CityNobyembre 26 2012

Mahal kong Ryella,

Kaya nga pala ako sumulat sa iyo para magpaalam sapagkat ang aming pamilya ay maninirahan na sa ibang bansa. Baka matagal-tagal tayong hindi magkikita.

Hanggang sa susunod na pagkikita.

Nagmamahal,Cathy

PROYEKTOSAFILIPINO

Isinulit ni:

Chloe Antoinette G. CalumGrade V-Earth

Isinulit kay:

Gng. Salazar

MGA URI NG LIHAM