9
Liksyon 7 para sa ika-17 ng Agusto, 2019

Liksyon 7 para sa ika-17 ng Agusto, 2019KANYANG SAKRIPISYO Namatay para sa mga nangangailangan ... lamang bilang tagagawa ng himala o manggagamot ng may sakit. Nais Niyang ... Kanyang

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Liksyon 7 para sa ika-17 ng Agusto, 2019

KANYANG MISYON

Inihayag ni Maria

Inihayag ni Jesus

KANYANG PAGLILINGKOD

Pagtulong sa mga nangangailangan

Propeta ng mga nangangailangan

KANYANG SAKRIPISYO

Namatay para sa mga nangangailangan

Ang paglilingkod ni Jesus ay may kaugnayan sa mganangangailangan mula nang pasimula.

Ang mga hula tungkl kay Jesus ay nagsasabing Siya ay gagawang malapit sa mga naaapi, mahihirap, at may sakit.

Inapi rin si Jesus, at namatay siyang hindi makatarunganupang tulungan ang mga nangangailangan (hal. tayo), at iligtas tayo sa mapang-aping pamatok ng kasalanan.

“Ibinaba niya ang mga prinsipe sa mgaluklukan nila, At itinaas ang mga maymababang kalagayan.” (Lucas 1:52)

Tinawag ni Elizabeth si Maria na "mapalad" (Lucas 1:45). At, napuno ng Banal na Espiritu si Maria at umawit ng awit ng hula (t. 46-55).

Punuri niya ang Dios sa ginawa Niya sa kanya(t. 46-48), at dahil sa Kanyang lakas, pag-ibigat katarungan para sa lahat (t. 49-51).

Inihayag din niya ang kaharian ng Mesias (t. 52-55). Inaalala Niya ang:

❑ Mga mababa (t. 52)❑ Mga gutom (t. 53)❑ Mga api (t. 54)

Ang kahariang ito ay maaaring tawaging “pabaligtad nakaharian”. Sa kahariang ito, ang makapangyarihan at mayaman sa mundong ito ang pinakamaliit, at ang mgamahihirap at api ay pinalaya, “pinuno” at itinaas.

“At siya'y nagpasimulang magsabi sa kanila, Ngayo'y naganap ang kasulatang ito sa inyongmga pakinig.’” (Lucas 4:21)Binasa ni Jesus ang Isaias 61:1-2 sa sinagoga saNazaret. Ito ang kanyang misyon:

Magbigay ng mabuting balita sa mga mahihirapPagalingin ang mga bigoMagpahayag ng kalayaan sa mga bihagBuksan ang mga mata ng mga bulagBuksan ang kulungan ng mga bilanggoIpahayag ang katanggap-tanggap na taon ng Panginoon

Ang misyon ni Jesus ay parehong espiritwal at praktikal. Ang pagkalinga sa pisikal ng mganangangailangan ang nakikitang bahagi ng pagkalingan ni Jesus sa espiritwal na kalusugan.

Hinihikayat ni Jesus ang Kanyang mga alagad naganun din ang gawin (Mateo 10:8).

“At siya'y lumabas, at nakita ang isang malaking karamihan, at nahabag siyasa kanila, at pinagaling niya ang sa kanila'y mga may sakit.” (Mateo 14:14)

Pinalaya ni Jesus ang mgabihag ng karamdaman, kahit may sakit sila ng 12, 18 o 38 taon.

Nakakita angbulag

Nakalakadang lumpo

Gumaling angmay ketong

Napalayasang mgademonyo

Nabuhay angpatay

Hayag ang kapangyarihang magpagaling ng Banal na Espiritu sa pammagitan ni Jesus, ngunithindi nagpakita ng mga himala si Jesus upang mapadami ang kanyang mga alagad. Lagingsinisikap ni Jesus huwag maging tanyag (Marcos 1:44; 8:26).

Nanggamot Siya dahil mahal Niya ang mga tao, at nais Niyang dahil sila sa buhay na walanghanggan.

“Hindi nasiyahan si Jesus na kilalanin

lamang bilang tagagawa ng himala o

manggagamot ng may sakit. Nais Niyang

palapitin ang mga tao sa Kanya bilang

Tagapagligtas. Habang nais ng mga taong

paniwalaan na Siya’y dumating upang

upang maging hari ng isang kaharian,

ninais Niyang baguhin ang kaisipan nila

mula makamundo tungo sa espiritwal.

Tanging pagtagumpay dito sa mundo ang

makakahadlang.”E.G.W. (The Ministry of Healing, cp. 2, p. 31)

“At sinabi ng mga karamihan, Ito'y ang propeta, Jesus, na taga Nazaret ng Galilea.’” (Mateo 21:11)

Gaya ng mga naunang propeta, nagingmalupit din si Jesus sa mga taongginawang palengke ang Templo.

Ibinibenta nila ng mahal ang mga handogna kumakatawan sa libreng pambayad-salang kamatayan ni Jesus.

Matapos mapaalis ni Jesus ang mganegosyante sa Templo, “nagsilapit sakaniya sa templo ang mga bulag at mgapilay, at sila'y kaniyang pinagaling” at pinuri Siya ng mga bata (t. 14-15).

Ang mga naunang mga propeta ay inusig, at si Jesus din ay uusigin at papatayin ng mga relihiyosong tao na kababayan Niya.

Si Jesus ay inosente, dalisay at mabait. Lagi Niyang inaalagaan ang mganangangailangan, ngunit nakatanggap Siyang pag-usig, kawalan ng katarungan, pagdurusa, at malupit na kamatayan.

Ginawa Niya iyon dahil mahal ka Niya. Nais Niyang mapalaya ka sa kasalanan at bigyan ka ng buhay na walang hanggan.

Anuman ang nararanasan mong kaapihan, pagdurusa, o pangangailangan, Alam Niya, nakikinig Siya, umuunawa at gumagawang paraan.

Walang ibang nakakaunawa ng iyong mgasuliranin gaya ni Jesus (Hebreo 4:15).

“May espesyal na biyaya ang Panginoon sa mga

nagluluksa, at ang kapangyarihan nito ay tutunaw

sa puso, upang mahikayat ang mga kaluluwa. Ang

Kanyang pag-ibig ay nagbubukas ng daan tungo sa

mga nasugatang kaluluwa, at maging nakagagaling

na gamot sa mga nagdadalamhati. 'Ang Ama ng awa,

at ang Dios ng lahat ng kaaliwan... ang umaliw sa

atin sa ating mga pagsubok, upang makapang-aliw

din tayo sa mga nababagabag, ng kaaliwan kung saan

tayo ay inaaliw ng Dios.’ 2 Corinto 1:3, 4.”

E.G.W. (Thoughts From the Mount of Blessing, cp. 2, p. 13)