10
ANG Noong Hulyo 10, ipinatupad ng sunud-sunurang kongreso ang utos ni Duterte na ipasara ang ABS-CBN, bilang hakbanging personal na pag- hihiganti laban sa midyang naging daan sa kritisismo sa rehimen. Isa itong hambalos sa kalayaan sa pa- mamahayag at malinaw na banta sa mga midyang naninindigan laban sa tiraniya. Binibigyan-daan din ng pagpapasara sa ABS-CBN ang tang- kang pag-agaw dito ng mga oli- garkong pinapaburan ni Duterte. Bago nito, pinirmahan ni Duter- te ang kanyang batas sa terorismo na malala pa sa batas militar ni Marcos noong 1972. Inangkin niya ang kapangyarihang arestuhin nang walang mandamyento at ibimbin ang sinuman nang 24 na araw na walang kaso at walang karapatang magtanggol sa sarili. Bubuuin niya ang Anti-Terrorism Council (ATC) na may kapangyarihang ituring ang sinuman na "terorista," "naka-ug- nay" o "sumusuporta sa terorismo" gamit ang malabo at lubhang ma- saklaw na depinisyon ng batas. Du- dugtong ang ATC sa NTF-ELCAC para konsolidahin ang huntang mi- litar ni Duterte. Pagkalipas lamang ng ilang araw, umatake ang mga pwersa ng estado sa buong bansa. Sa Masba- D apat konsolidahin ng lahat ng demokratikong pwersa ang kanilang hanay at suportahan ang isa't isa sa kanilang mga demokratikong pakikibaka laban sa rehimeng Duterte. Kailangang-kailangan ngayon ang pagkakaisa sa harap ng sunud-sunod na pagsalakay ng tirano sa interes ng bayan. EDITORYAL Magkaisa at magtulungan para wakasan ang tiraniya ni Duterte te, minasaker ng pulis at militar ang tatlong magsasaka. Sunud-sunod din ang kaso ng pag-aresto at pa- ninindak sa mga aktibista at taga- pagtaguyod sa karapatang-tao sa Bicol at Maynila. Minamanmanan ng mga pulis ang mga demonstrasyon, pati na ang mga misang Katoliko, sa ngalan ng pagpapatupad ng hakba- nging pampandemya. Ngayong hawak ng estado ang batas sa terorismo, mas marami pa ang aatakehin ni Duterte sa dara- ting na mga linggo at buwan. Tanda ito ng desperasyong supilin ang ku- mukulong galit at lumalakas na protesta ng bayan laban sa palya- dong pagharap sa Covid-19, lumu- lubhang korapsyon, pagwasak sa ekonomya at pagwawalambahala sa kabuhayan at kagalingan ng bayan. Nagkukumahog siyang itulak ang iskemang itatag ang isang pasistang

Magkaisa at magtulungan para wakasan ang tiraniya ni Duterteang pagkakaisa sa harap ng sunud-sunod na pagsalakay ng tirano sa interes ng bayan. $"$ ! )!+$ *** %%% EDITORYAL Magkaisa

  • Upload
    others

  • View
    22

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Magkaisa at magtulungan para wakasan ang tiraniya ni Duterteang pagkakaisa sa harap ng sunud-sunod na pagsalakay ng tirano sa interes ng bayan. $"$ ! )!+$ *** %%% EDITORYAL Magkaisa

ANGPahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Noong Hulyo 10, ipinatupad ngsunud-sunurang kongreso ang utosni Duterte na ipasara ang ABS-CBN,bilang hakbanging personal na pag-hihiganti laban sa midyang nagingdaan sa kritisismo sa rehimen. Isaitong hambalos sa kalayaan sa pa-mamahayag at malinaw na banta samga midyang naninindigan laban satiraniya. Binibigyan-daan din ngpagpapasara sa ABS-CBN ang tang-kang pag-agaw dito ng mga oli-garkong pinapaburan ni Duterte.

Bago nito, pinirmahan ni Duter-te ang kanyang batas sa terorismona malala pa sa batas militar niMarcos noong 1972. Inangkin niya

ang kapangyarihang arestuhin nangwalang mandamyento at ibimbinang sinuman nang 24 na araw nawalang kaso at walang karapatangmagtanggol sa sarili. Bubuuin niyaang Anti-Terrorism Council (ATC)na may kapangyarihang ituring angsinuman na "terorista," "naka-ug-nay" o "sumusuporta sa terorismo"gamit ang malabo at lubhang ma-saklaw na depinisyon ng batas. Du-dugtong ang ATC sa NTF-ELCACpara konsolidahin ang huntang mi-litar ni Duterte.

Pagkalipas lamang ng ilangaraw, umatake ang mga pwersa ngestado sa buong bansa. Sa Masba-

Dapat konsolidahin ng lahat ng demokratikong pwersa ang kanilanghanay at suportahan ang isa't isa sa kanilang mga demokratikongpakikibaka laban sa rehimeng Duterte. Kailangang-kailangan ngayon

ang pagkakaisa sa harap ng sunud-sunod na pagsalakay ng tirano sa interesng bayan.

Tomo LI Blg. 14

Hulyo 21, 2020

www.cpp.ph

EDITORYAL

Magkaisa at magtulunganpara wakasan ang tiraniya ni Duterte

te, minasaker ng pulis at militar angtatlong magsasaka. Sunud-sunoddin ang kaso ng pag-aresto at pa-ninindak sa mga aktibista at taga-pagtaguyod sa karapatang-tao saBicol at Maynila. Minamanmanan ngmga pulis ang mga demonstrasyon,pati na ang mga misang Katoliko, sangalan ng pagpapatupad ng hakba-nging pampandemya.

Ngayong hawak ng estado angbatas sa terorismo, mas marami paang aatakehin ni Duterte sa dara-ting na mga linggo at buwan. Tandaito ng desperasyong supilin ang ku-mukulong galit at lumalakas naprotesta ng bayan laban sa palya-dong pagharap sa Covid-19, lumu-lubhang korapsyon, pagwasak saekonomya at pagwawalambahala sakabuhayan at kagalingan ng bayan.Nagkukumahog siyang itulak angiskemang itatag ang isang pasistang

Page 2: Magkaisa at magtulungan para wakasan ang tiraniya ni Duterteang pagkakaisa sa harap ng sunud-sunod na pagsalakay ng tirano sa interes ng bayan. $"$ ! )!+$ *** %%% EDITORYAL Magkaisa

Hulyo 21 , 2020 ANG BAYAN2

Tomo LI Blg. 14 | Hulyo 21, 2020

NilalamanANG

instagram.com/prwcnewsroom

@prwc_info

[email protected]

Ang Ang Bayan ay ini la lathala dalawang beses bawat buwan

ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pi l ipinas

Ang Ang Bayan ay ini la labas sa

wikang Pi l ipino, Bisaya, I loco,

Hi l igaynon, Waray at Ingles.

Tumatanggap ang Ang Bayan ng

mga kontribusyon sa anyo ng mga

artikulo at bal ita. Hinihikayat din ang

mga mambabasa na magpaabot ng

mga puna at rekomendasyon sa

ikauunlad ng ating pahayagan.

"Magkaisa...," sundan sa pahina 3

Editoryal: Magkaisa at magtulungan parawakasan ang tiraniya ni Duterte 1Opensiba sa Negros, Palawan at Sorsogon 3Atake sa malayang pamamahayag 4Protesta ng mga empleyado ng ABS-CBN 4Adyendang neoliberal sa SONA 2020 5Pagpapalayas ng SMC sa mamamayan 6Mga tanod, minasaker sa Masbate 7Hindi terorista ang PKP, BHB 7Sarbeylans sa panahon ng pandemya 8Planong pagbabahay-bahay ng pulis, iligal 8Ligtas na buksan ang mga paaralan 9Pagtutol sa ATA, lumalawak 9Gutom, pinalala ng pandemya 10PPE at sahod, ipinaglaban ng mga nars 10

diktadura at siguruhin ang pagpa-palawig lagpas sa 2022 ng kanyangpaghahari o ng kanyang pipiliing ta-gahalili.

Dapat harapin at puksain anghalimaw na si Duterte ng higantengkapangyarihan ng bayan para ipa-ngibabaw ang demokrasya at kala-yaan. Upang makapagpalakas, da-pat kumilos bilang isa ang iba'tibang sektor. Dapat suportahan angkahilingan ng bawat isa. Sa ganitongparaan lamang matitipon ang lakasat tapang para tumindig laban satiraniya.

Habang isinisigaw angpagbabasura sa ba-tas sa teroris-mo at angpagbabalik saere ng ABS-CBN, dapat dingsuportahan angsigaw ng mganars at manggagawangpangkalusugan para saproteksyon at dagdag-sweldoat libreng mass testingpara masawata angpandemya; ng mga

drayber ng dyip para makabalik-pasada, at ng mga manggagawapara sa dagdag sahod at kaligtasansa trabaho. Dapat sabay-sabay ni-lang igiit ang subsidyo para sa mil-yong nawalan ng trabaho at kita atmaliliit na negosyong nalugi dahil salockdown. Dapat silang makiisa sasigaw ng mga magsasaka at mangi-ngisda laban sa mapangwasak namga proyektong pang-imprastruk-tura, mina at iba pang negosyongmagpapalayas sa kanila mula sa ka-nilang mga tahanan, lupa at pa-

ngisdaan; ng mga katu-tubo at masa sa kana-yunan laban sa okupa-syong militar sa kani-lang mga komunidad,paninindak at mgabrutal na kampanya

ng pama-maslang,

pagdakip,pambobomba,

panganganyon at pag-a-buso sa karapatang-tao natatak ng kontra-insurhen-

sya ng rehimen; ng mgabata, kabataan at mga

titser para ligtas na buksan angmga eskwelahan; at ng mgamigrante para sa ayuda at ligtas napag-uwi.

Mabangis pero maysakit atnaghihingalong halimaw si Duterte.Sinamantala niya ang pandemyaupang angkinin ang malawak na ka-pangyarihan, at magkamkam ng ya-man sa pamamagitan ng korapsyonsa pondong pampubliko. Pinaluhodniya ang malaking negosyo sa pag-babantang ipasasara o aagawin angkanilang ari-arian at operasyon.Ipinailalim niya ang buong popula-syon sa batas militar na paghihigpitna sanhi ng malawakang pagdurusaat paghihirap. Ilampunglibo ang hi-nuli sa ngalan ng "kalusugang pam-publiko." Pinatay niya ang mga ak-tibista at ikinulong ang mga kritiko.Ilambilyong pisong mga eroplano,helikopter, kanyon at iba pang ga-mit pandigma ang binili, habangnangutang ng $5 bilyong para sakanyang pinapaburang mga pro-yektong pang-imprastruktura sakapinsalaan ng lokal na ekonomyaat kabuhayan ng bayan.

Subalit tuwing hinahambalos niDuterte ang bayan, lalo siyang na-hihiwalay sa mamamayan. Nanginatake niya ang kalayaan sa pa-mamahayag sa pagpapasara saABS-CBN, sumiklab ang galit ngmga mamamahayag at manggagawasa midya, pati na ng buong bayan.Nang pinirmahan niya ang batas saterorismo, ginalit niya hindi lamangang sambayanang Pilipino, kundipati ang mamamayan at mga orga-nisasyon sa iba't ibang panig ngdaigdig. Ibayong galit ang sisiklabsa balak na itulak ang pagbabago sakonstitusyon upang pahintulutanang mga dayuhan na 100% ariin angmga empresa at lupa, gayundin,para alisin ang mga hangganan sapananatili sa poder upang bigyangdaan ang pananatili ni Duterte sakapangyarihan lagpas sa 2022.

Malawak na hanay ng mga de-mokratikong pwersa ang ngayo'ynakatindig laban sa tiranikong re-himen ni Duterte, mula sa patriyo-

Page 3: Magkaisa at magtulungan para wakasan ang tiraniya ni Duterteang pagkakaisa sa harap ng sunud-sunod na pagsalakay ng tirano sa interes ng bayan. $"$ ! )!+$ *** %%% EDITORYAL Magkaisa

ANG BAYAN Hulyo 21 , 2020 3

tiko at demokratikong mga or-ganisasyon, alyansa at kilu-sang masa; hanggang sa mgapwersa ng konserbatibongoposisyon, pati na ang simba-hang Katoliko, malaking nego-syo at yaong lihim na nasa bu-rukrasya at sa AFP at PNP.

Dapat pasiklabin ang mgamartsa sa lansangan at mala-laking demonstrasyon sa mgadarating na linggo at buwanupang salagin ang teroristanghambalos ng rehimen. Habangmas malaki at madalas angmga demonstrasyon, lalongmalamang na mag-aalis ng su-porta sa rehimen ang disgus-tadong mga upisyal ng militarat pulis, gayundin ang inter-nasyunal na komunidad, atitutulak ang proseso ng pag-halili alinsunod sa konstitu-syong 1987.

Lahat ng rebolusyonaryongpwersa sa ilalim ng Partido aykaisa sa hangarin ng samba-yanang Pilipino na makitangwakasan ang kanilang pagdu-rusa sa ilalim ng tiranikongrehimen. Habang nagsasagawang serbisyo para sa kalusugangpampubliko at kabutihangpang-ekonomya sa masangmagsasaka, ang mga arma-dong rebolusyonaryong pwersasa ilalim ng Bagong HukbongBayan ay dapat maglunsad ngmga taktikal na opensiba paraipagtanggol ang bayan labansa teroristang mga hambalosng rehimeng Duterte.

Sa gitna ng pandemyangCovid-19, ang patuloy na pra-yoridad ng rehimen sa pagta-tatag ng pasistang diktaduraay nagsasapeligro kapwa samga demokratikong karapatanng mamamayan at sa kanilangkalusugan. May malawak napagkakaisa na dapat tapusinna ang paghahari ng tirano.Dapat mahigpit na magkaisa atmanindigan na ang bayang Pi-lipino!

"Magkaisa...," mula sa pahina 2 Pasistang mga sundalo at pulis,binigwasan sa Negros, Palawan at Sorsogon

Hindi bababa sa 14 ang patay at 10 ang sugatang sundalo at pulis ng re-himeng US-Duterte sa mga taktikal na opensiba ng Bagong Hukbong Ba-

yan (BHB) mula Hulyo 8-16.

Sa Negros Occidental, 12 sun-dalo ang patay at apat ang sugatannang tambangan ng BHB-SouthwestNegros (Armando Sumayang Jr.Command) ang 15th IB noong Hulyo8. Isinagawa ang taktikal na open-siba sa Barangay Pinggot, Ilog.

Notoryus ang 15th IB sapagsasagawa ng brutal na mga ope-rasyong SEMPO sa Southern Neg-ros. Mga sundalo nito ang maypakana ng mga pagpaslang, pag-babanta at sapilitang pagpapasukosa mga magsasaka sa lugar.

Samantala, dinisarmahan na-man ng BHB-South Central Negrosang pamilya ng isang bandido saSityo Binadlan, Barangay Bi-ao,Binalbagan noong Hulyo 14.Nasamsam mula sa kanila ang isangripleng M16, shotgun, .45 at .38kalibreng mga pistola, mga bala atradyong pangkomunikasyon. Sang-kot ang mga bandido sa pang-aagaw ng lupa, paglabag sa karapa-tang-tao at iba pang mga anti-sosyal na aktibidad mula pa noong1990.

Magkasunod na ambus namanang isinagawa ng BHB-Palawan saTaytay, Palawan noong Hulyo 12 at13. Pinaputukan ng mga Pulangmandirigma ang sasakyan ng Philip-pine National Police (PNP)habang binabaybay nitoang kahabaan ng kalsadasa Sityo Ibangley, Ba-rangay Abongannoong Hulyo 12.Lulan ng sasakyanang hepe ng PNP sabayan ng Dumaran at isapang pulis.

Kinabukasan saparehong lugar,inambus ng hukbongbayan ang nagres-pondeng mga sun-

dalo ng MBLT 3. Isang sundalo angnapatay at tatlo ang sugatan.

Sa Sorsogon, apat ang kaswaltisa dalawang araw na mga opera-syong haras ng BHB laban sa mgasundalo at pulis na nagsasagawa ng"Community Support Program" salimang bayan ng prubinsya.

Noong Hulyo 14, bandang alas-6 ng gabi, pinaputukan ng mga Pu-lang mandirigma ang nag-oopera-syong mga sundalo sa BarangayCalpi, Bulan. Isa ang napatay at isarin ang sugatan sa mga tropa ng91st CMO Company. Nang gabi ringiyon, pinaputukan ng BHB ang mgasundalo sa karatig na barangay ngCalmayon sa Juban.

Noon namang Hulyo 16, dala-wang elemento ng PNP 9th SpecialAction Battalion ang sugatan nangpaputukan sila ng BHB sa BarangayTula-tula Sur, Magallanes.

Bago nito, noong unang linggong Hulyo, pinaralisa ng BHB-Mas-bate ang mapaminsalang operasyonng Matibay Cement Factory sa Ba-rangay Casabangan, Pio V. Corpuz.Winasak ng mga Pulang mandirigmaang mga kagamitan ng kumpanya sapagmimina.

Isinasapanganib ng naturangkumpanya ng semento ang buhay at

kabuhayan ng mgaresidente sa 11 ba-rangay sa magkata-

bing bayan ng Pio V.Corpuz at Esperanza. Daan-

daang ektaryang lupang saka-han at tirahan ang sisirain ng

pabrika upang minahin ang de-positong apog sa lugar. Magta-tayo rin ng planta ng kuryentepara sa tuluy-tuloy na opera-syon ng kumpanya. Ang plan-

tang ito ay patatakbuhin ngkarbon, na magdaragdag sa

polusyon sa lugar.

Page 4: Magkaisa at magtulungan para wakasan ang tiraniya ni Duterteang pagkakaisa sa harap ng sunud-sunod na pagsalakay ng tirano sa interes ng bayan. $"$ ! )!+$ *** %%% EDITORYAL Magkaisa

Hulyo 21 , 2020 ANG BAYAN4

Sa botong 70-11, tuluyan nang pinatay ng Kongreso noong Hulyo 10 angprangkisa ng ABS-CBN, ang pinakamalaking network sa radyo at telebi-

syon sa bansa. Nagkaroon ng 13 pagdinig kung saan samutsaring usapin angibinato ng mga kongresistang alipures ni Rodrigo Duterte sa mga upisyal ngkumpanya. Kasama dito ang indibidwal nilang mga hinanakit at mga alega-syon ng hindi pagbabayad ng tamang buwis at pagdududa sa nasyunalida ngmga Lopez na may-ari ng kumpanya. Sinaklaw ng pagdinig maging ang mis-mong laman ng mga palabas sa telebisyon, gaya ng mga teleserye, bagay nalampas na sa awtoridad ng mga kongresista.

Liban sa mayor na istasyon nitosa Quezon City, mayroong 46 na lo-kal na istasyon ng libreng telebisyonang ABS-CBN sa iba't ibang bahaging bansa. Mayroon din itong 12 di-gital channel na libre, at 10 cable atapat na satellite channel na pare-hong may bayad. Pinatatakbo nitoang DZMM at tatlo pang istasyon ngradyo sa AM at 17 istasyon ng MOR(My Only Radio) sa FM sa MetroManila at 16 na prubinsya. Lahat ngito ay isinara, liban sa mga may ba-yad na channel sa cable at satellitena hindi saklaw ng prangkisa. Ayonsa mga Lopez, nalulugi ang kum-panya ng ₱30-35 milyon sa bawataraw na nakasara ang istasyon.

Paulit-ulit ang pagtanggi ngmga kongresista na utos ni RodrigoDuterte ang pagpapasara. Peronoong Hulyo 13, ipinagmayabangmismo ni Duterte ang pagpapasaraniya sa ABS-CBN. Nagapi na umanoniya ang oligarkiya nang "hindi nag-dedeklara ng batas militar." Mulanang maupo siya sa poder, binanta-an na niya ang istasyon dahil sapagpabor diumano sa kanyang kala-ban sa eleksyong 2016. Lalo siyangnagalit sa pagbabalita nito sa ma-dugong "gera kontra-droga" ngkanyang rehimen. Ipinasara niyaang kumpanya sa gitna ng pandem-ya at lockdown at sa ilalim ng kala-gayang iilan na lamang ang istasyonsa libreng telebisyon na may ka-kayahang magbrodkas sa buongbansa.

Dati nang instrumento ng nag-haharing pangkatin laban sa mala-

yang pamamahayag ang sistema ngpagbibigay ng prangkisa na nakaasasa kapritso ng presidente at mgakongresista. Katunayan, madalas nanababahiran ng maduming pulitikaang prosesong ito dahil ang ka-pangyarihan na magbigay ngprangkisa ay hawak ng mga nasapoder. Nakasaad sa Republic Act3846 na kinakailangan ng mga

kumpanya sa brodkas na kumuha nglehislatibong prangkisa para maka-pag-opereyt. Ang mga aplikasyongito ay dumadaan sa burukratikongbutas ng karayom ng reaksyunar-yong Kongreso at pinipirmahan ng

Pagpapasara sa ABS-CBN,bigwas sa malayang pamamahayag

#LabanKapamilya:Protesta ng mga empleyado at tagasuporta ng ABS-CBN

GABI-GABI MULA HULYO 10, nagtitipon ang mga manggagawa at ar-tista ng ABS-CBN sa tarangkahan ng istasyon nito sa Quezon City paramagsagawa ng noise barrage laban sa pagtanggi ng Kongreso na bigyanang kumpanya ng bagong prangkisa.

Noong Hulyo 18, nagkaraban ang kanilang mga tagasuporta mulaMakati tungo sa istasyon sa Quezon City. Sumabay sa protesta angmga manggagawa, kanilang mga tagasuporta at simpleng manonood ngABS-CBN sa mga syudad ng Cebu, Olongapo, Bacolod, Tacloban, Da-vao, Cagayan de Oro at Zamboanga.

Nakiisa sa mga protesta ang mga kongresista ng blokeng Makaba-yan na nanguna sa paghahapag ng panukala para manatiling bukas angistasyon. Kasama rin ang mga myembro ng National Union of Journa-lists of the Philippines, Altermidya, Photojournalists' Center of the Phi-lippines Inc., Kilusang Mayo Uno, Alliance of Concerned TransportOrganizations at iba pang sektor na naninindigan para sa malayangpamamahayag. Nagpaabot naman ng suporta ang mahigit 500 mama-mahayag sa iba’t ibang pahayagan.

Umaabot sa 11,000 manggagawa ang matatanggal sa trabaho ha-bang tatanggap ng mas mababang sahod ang mga matitira. Nagsimulanang isara ang mga rehiyunal na istasyon nito sa iba’t ibang prubinsya.Una nang isinara ang mga libre nitong istasyon sa telebisyon at radyo.Liban sa mga manggagawa ng istasyon, mawawalan din ng trabaho angmga manggagawa na kinokontrata nito mula sa iba pang mga ahensya,at maging ang samutsaring maliliit na negosyo sa paligid ng istasyon saQuezon City. Sa ngayon, tanging ang mga programa nito na nasa inter-net at cable ang nasa ere.

"Pagpapasara...," sundan sa pahina 5

Page 5: Magkaisa at magtulungan para wakasan ang tiraniya ni Duterteang pagkakaisa sa harap ng sunud-sunod na pagsalakay ng tirano sa interes ng bayan. $"$ ! )!+$ *** %%% EDITORYAL Magkaisa

ANG BAYAN Hulyo 21 , 2020 5

pangulo sa porma ng isangbagong batas. Bagamatisinasalang ang bawat ap-likasyon sa mga pagdinigat diskusyon, pangunahingnakasalalay ang pag-ap-ruba sa pusisyon ng kungsinumang nasa poder,imbes na sa isang inde-pendyenteng komisyon.Malawakan ding ginagamitang sistemang ito bilangmalaking palabigasan ngmga burukratang kapita-lista sa porma ng pag-tanggap ng suhol.

Direktang pinahihinang sistemang ito ang ka-rapatan ng midya sa ma-layang pamamahayag. Tu-lad ng nangyari na saABS-CBN, maaari itonggamitin para busalan angmidya sa pagsisiwalat ngpang-aabuso at kapalpa-kan ng mga upisyal nggubyerno. Sa bagong mgaprangkisa na inaprubahansa panahon ni Duterte ga-ya ng sa GMA at The 5Network, isiningit angprobisyon na nag-obliga samga kumpanya na maglaanng 10% ng kabuuang orasng mga binayarang pata-lastas para sa gamit nggubyerno. Nagagamit itong nakaupo sa poder sapamamagitan ng pagpa-palabas ng mga patalastasat programang tinatauhanng mga upisyal ng rehimen.Nakasaad sa lahat ng mgaprangkisa na may espesyalna karapatan ang presi-dente na agawin sa mgamay-ari ang istasyon, ga-mitin ang brodkas o paga-nahin ang lahat ng mgapasilidad ng kumpanya samga panahon ng "gera,rebelyon, panganib sapubliko, kalamidad, emer-gency, sakuna o laganapna kaguluhan."

"Pagpapasara...," mula sa pahina 4

Sa kanyang nalalapit na State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 27, asahanna muling itutulak ni Rodrigo Duterte ang mga hakbanging neoliberal sa eko-

nomya upang higit pang pigain ang mga Pilipinong subsob na sa hirap sa gitna ngkrisis sa ekonomya. Gaya ng pagratsada sa pagpapatupad ng Anti-Terrorism Law,ang mga iskemang ito ay tiyak na ilulusot ng kanyang supermayorya.

Adyendang neoliberalsa SONA 2020

Ang mga repormang ito ay bina-langkas ng mga teknokrata ni Dutertesa ngalan ng "pagpapasikad" sa eko-nomyang dumausdos dulot ng pandem-yang Covid-19. Nakatuon ang mga itosa pag-akit ng dayuhang pamumuhu-nan, pangungutang at pagpapatupadng dagdag na mga buwis na papasaninng mamamayan.

Naglunsad ngayong buwan ang mgaupisyal sa ekonomya ni Duterte ng kam-panya para agresibong itulak ang lub-hang pahirap sa masang “Junk FoodTax” na naglalayong buwisan ang sa-mutsaring produktong pagkain. Kabi-lang na rito ang tuyo at delata na kara-niwang pagkain ng mahihirap. Papata-wan din ng karagdagang buwis ang mgapinrito at maaalat na pagkain; kendi,minatamis na pagkain at inumin; at mgaproduktong fastfood. Upang bigyangkatwiran ang bagong buwis, tinagurianitong “sin tax” na naglalayon umanongpigilan ang Pilipino na kumain ng hindimasustansyang pagkain. Kung sakalingmaipatupad ang batas na ito, dagdag naP72.97 bilyon ang papasanin ng mgakonsyumer kada taon. Malaking bahaginito ang manggagaling sa bulsa ng na-kararaming masang anakpawis na silangpangunahing kumokonsumo ng natu-rang mga produktong pagkain. Dagdagna pabigat ito sa mamamayang nagda-rahop sa gitna ng malawakang kawalanng kabuhayan dulot ng ipinataw na pag-hihigpit sa panahon ng pandemya.

Nagkukumahog ang mga upisyal niDuterte sa paghahanap ng mga bagongmabubuwisan upang makalikom ngpondong pambayad-utang. Kamakailan,nagbanta ang Department of Trade andIndustry na haharap ng kasong krimi-nal ang maliliit na negosyante sa inter-net kung hindi nila iparerehistro angkanilang mga negosyo at hindi magba-

bayad ng buwis. Sinundan ito ng pag-sabing "iligal" at “kailangang buwisan”ang barter trading (pagpapalitan ngprodukto na di gumagamit ng salapi).Umusbong ang mga bagong paraan sapagbabarter gaya ng “online bartertrading” bilang alternatibong mapag-kukunan ng pagkain at iba pang bata-yang pangangailangan ng mamamayansa harap ng pandemya at restriksyonsa pagtatrabaho.

Noong Hulyo 9, inianunsyo ngMalacañang na nagkasundo na angKongreso at mga upisyal ni Duterte samga programang bibigyang prayoridadat pondo sa ilalim ng tinaguriang “Ba-yanihan 2” para diumano pasikarin angekonomya. Magiging pangunahing la-yunin nito ang pagkaltas sa buwis samga korporasyon, pagpapabilis sa pag-papatupad sa mga proyektong impra-struktura ng rehimen, at pagpapalawigsa "emergency powers" ni Duterte.(Basahin ang kaugnay na artikulo saAng Bayan, Mayo 21.)

Kasabay nito, itinutulak ng mga ali-pures ng rehimen ang pagpapabilis sapribatisasyon ng mga pampublikongpag-aari para umano madagdagan angkaban ng bayan. Inihain ni SenatorFrancis Tolentino kamakailan ang“Covid-19 Economic Lifeline Act,” isangpanukalang batas na binalangkas ngDepartment of Finance na bubuo saCovid-19 Privatization Commission. Itoang mangangasiwa sa pagbebenta ngmga pag-aari ng gubyerno. Noong Abril,binanggit mismo ni Duterte na nais ni-yang ibenta na ang lupa kung saan na-katirik ang Cultural Center of the Phi-lippines at Philippine InternationalConvention Center, kapwa nasa bayba-yin ng Manila Bay, na pinaglalawayanng malalaking kumprador na interesadosa patuloy na reklamasyon sa lugar.

Bayang hirap na hirap na, pipigain pa

Page 6: Magkaisa at magtulungan para wakasan ang tiraniya ni Duterteang pagkakaisa sa harap ng sunud-sunod na pagsalakay ng tirano sa interes ng bayan. $"$ ! )!+$ *** %%% EDITORYAL Magkaisa

Hulyo 21 , 2020 ANG BAYAN6

Sa likod ng mapagkawanggawang mukha ng SMC

Ipinagmamayabang ng San Miguel Corporation (SMC) ang kaliwa't kanangkontribusyon nito sa laban diumano sa pandemyang Covid-19. Pero sa li-

kod ng mapagkawanggawang mukha nito, dala nito’y pang-aapi sa mamama-yan sa walang kabusugang pagkakamal ng mas dambuhala pang kita. Habangabala ang tagapangulo nitong si Ramon Ang sa pagbibigay ng donasyon, abalarin ang kanyang mga tauhan sa pagpapalayas sa libong maralita sa kanayu-nan, magsasaka at mangingisda.

Hindi alintana ang pandemya,bantang pagpapalayas ang "dona-syon" ng SMC sa 3,000 residente samga barangay ng Castañas, Guisgu-is San Roque, Guisguis Talon, at Ta-laan Aplaya sa Sariaya, Quezon pa-ra bigyang daan ang pagtatayo ngcoal-fired power plant nito sa lugar.Nagsimula nang palayasin ang mgaresidente sa Sityo Tayawak, Bara-ngay Castañas noong Hulyo 6.Noong 2018, inaprubahan ng lokalna gubyerno ang proyekto matapossuhulan ng SMC ang mga myembrong konseho ng prubinsya. Liban saplanta sa enerhiya, balak ng SMC namagtayo ng planta ng semento atbeer, gayundin ng pantalan saSariaya.

Bago nito, pinalayas ng SMCang 400 pamilya sa Taliptip, Bula-kan, Bulacan, para bigyang daanang Aerotropolis, ang proyektongpaliparan na pinahintulutan ni Du-terte. Pinalabas ng kumpanya nakusang umalis ang mga mangingis-da, pero ang totoo ay binantaan si-lang walang matatanggap na kum-pensasyon kung hindi sila lumayas

sa lugar.

Katuwang ng SMC ang lokal nagubyerno ng Bulacan at 48th IB sapagpapalayas sa mga residente. Si-sirain ng Aerotropolis ang kabuha-yan ng 1,000 mangingisda at 2,500ektaryang bakawan na mahalaga sasistema ng ekolohiya ng Manila Bay.

Ang Aerotropolis ay isang “un-solicited proposal” o proyektonginihapag ng isang pribadong kum-panya at hindi bahagi ng plano nggubyerno. Ipinampalit ito ng rehi-meng Duterte sa planong rehabili-tasyon ng kasalukuyang in-ternasyunal na paliparan sa MetroManila.

Isa si Ang sa oligarkong tang-gap na tanggap ni Rodrigo Duterte.Itinuturing niya itong "malapit nakaibigan" lalupa't bilyun-bilyon naang naging "donasyon" ng SMC saiba't ibang proyekto ng mapanupilna rehimen. Kabilang dito ang ₱2bilyong pondo para sa drug rehabi-litation center sa ilalim ng "gerakontra-droga," ₱330 milyong dona-syon sa mga pamilya ng mga sun-dalong namatay o nasugatan sa pa-nanalakay nito sa Marawi at dagdagna ₱2.52 bilyon para sa "rehabili-

tasyon" ng Marawi atmga lugar sa Davao nawinasak ng madugongkampanyang kontra-

insurhensya ng AFP.

Sa panahon ng pandemya, ipi-nagmamayabang ng SMC na ₱13bilyon na ang katumbas ng ipina-mahagi nitong ayuda sa iba't ibangsektor na nangangailangan. Itinu-ring nitong "ayuda" ang P3 bilyonna kumpensasyon sa sariling mgamanggagawa at pagtatayo ng isangpribadong testing center na para rinsa mga manggagawa ng kumpanya.Ang buong ₱13 bilyon ay ituturingna buwis ng kumpanya sa estado,alinsunod sa kautusan ni Duterte naibawas sa babayarang buwis angmga donasyon—pera, bagay o ser-bisyo—na may kaugnayan sa pan-demyang Covid-19.

Kapalit nito, iginawad ng rehi-men ang pinakamaraming kontratasa SMC sa ilalim ng programangBuild, Build, Build. Liban sa Aero-tropolis, ibinigay sa SMC angkonstruksyon ng Skyway 3, SkywayExtension, Skyway 4, MRT-7 atTPLEX. Ang MRT-7, dating hawakng mga Ayala, ay nagpalayas sa 300pamilya at responsable sa ekstra-hudisyal na pamamaslang sa mgalider-magsasaka sa San Jose delMonte, Bulacan. Nakatakda itongmagpalayas sa dagdag na 40,000residente ng Caloocan City. Angmga proyektong nabanggit ang ilansa mga dahilan ng pagmamadali niDuterte na luwagan ang restriksyonsa subsektor ng konstruksyon bagopa ang ibang industriya sa ilalim nglockdown.

Noong 2019, nagtala ang SMCng ₱1.02 trilyong netong benta at₱48.6 bilyong netong kita. Sa gitnang pandemya, plano nitong magtayong 12 karagdagang pabrika ngpakain ng hayop, pabrika ng beer saCagayan de Oro City at Laguna.Balak din ng kumpanya na dag-

dagan ang mga pasilidad sabagong-bili nitong Masinloc

Power Plant sa Zambales. Ma-laking bahagi ng kumpanya aypagmamay-ari ng pamilya nidating Eduardo Cojuangco, isasa pinakamalaking kroni ngdiktadurang Marcos.

Page 7: Magkaisa at magtulungan para wakasan ang tiraniya ni Duterteang pagkakaisa sa harap ng sunud-sunod na pagsalakay ng tirano sa interes ng bayan. $"$ ! )!+$ *** %%% EDITORYAL Magkaisa

ANG BAYAN Hulyo 21 , 2020 7

Mga tanod, minasaker ng PNP sa Masbate

Tatlong barangay tanod sa Masbate ang dinukot ng mga pulis at sundalonoong hatinggabi ng Hulyo 4 at minasaker sa hangganan ng mga bara-

ngay ng Bagacay at Marintoc sa bayan ng Mobo. Pinaslang sina Edgar Mingoy,Marlon Bajar at Rolly de la Cruz sa sumunod na araw at pinalabas na mgakasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB).

Kabilang sa mga nangmasakerang Regional Mobile Force Battalion5, 9th Special Action Battalion, Re-gional Intelligence Unit, MasbateProvincial Mobile Force Company atMobo Municipal Police Office. Sang-kot din sa krimen ang 96th MilitaryIntelligence Company.

Upang palabasin na nagkaroonng engkwentro, mahigit isang orasna nagpaputok ng kanilang mga ba-ril ang mga pulis sa lugar.

Si Mingoy ay 20 taon nang ta-nod. Si Dela Cruz naman ay nagsi-silbi rin bilang kagawad sa kanilangbarangay.

Pambobomba. Gamit ang dala-wang FA-50 fighter jet, naghulog ngwalong bomba ang militar malapitsa dalawang komunidad ng mgaLumad sa Diatagon, Lianga, Surigaodel Sur noong Hulyo 15, dakong

alas-2 ng madaling araw. Nagpali-pad ng dalawang drone ang militarsa naturang lugar. Nagdulot ito ngtroma sa mga residente laluna samga bata. Nagbakwit ang 37pamilya matapos ang insidente.

Pag-aresto. Noong Hulyo 7 saBarangay San Isidro, Nabua, Cama-rines Sur, iligal na inaresto ng mgaelemento ng estado si Jenelyn Nag-rampa-Caballero. Si Nagrampa aytagapangulo ng Bicolana-Gabriela atkasalukuyang Pambansang Pangala-wang Tagapangulo ng Gabriela.

Inaresto rin noong Hulyo 9 saSipocot, parehong prubinsya si Rev.Dan San Andres ng United Churchof Christ in the Philippines. Si SanAndres, 61, ang tagapagsalita ngKarapatan-Bikol.

Ang dalawang beteranong akti-bista ay sinampahan ng gawa-ga-

wang kaso ng pagpatay sa dalawangsundalo noong Mayo 2018.

Naglunsad ng mga piket angmga aktibista sa Legazpi City atNaga City noong Hulyo 10 bilangpagkundena sa iligal na pag-aresto.

Militarisasyon. Hinahalihaw nghindi bababa sa limang yunit militarat pulis mula pa noong huling linggong Hunyo ang mga bayan ng Juban,Magallanes, Bulan, Irosin at Mat-nog sa Sorsogon. Sa Irosin, 23 sa28 barangay ng bayan ang saklawng mga "Community Support Prog-ram" ng militar. Nagsimula namangmagtayo ng kampo ang 22nd IB saBarangay Calomagon sa Bulan.

Nagbabahay-bahay ang mgapasista at inililista ang pangalan ngmga residente. Inoobliga rin angmga konseho ng barangay na mag-pasurender ng kanilang mga kaba-baryo.

Noong Hulyo 7 at 8, hinalughogat ninakawan ng mga sundalo atpulis ang bahay ng walong residenteng Barangay Maalo at Calmayon sabayan ng Juban.

Justice Carpio: Hindi pwedeng ideklarang terorista ang PKP, BHB

Iginiit ng isang dating upisyal ng Korte Suprema na hindi pwedeng idekla-rang terorista ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at ang Bagong

Hukbong Bayan (BHB) sa ilalim ng bagong batas na Anti-Terror Act (ATA).

Inilahad ni dating AssociateJustice Antonio Carpio ang pana-naw na ito bilang reaksyon sa sina-bi ni Duterte na "terorista ang PKPdahil iyon ang sabi ko" at sa gina-wa namang paglilinaw ni Sen.Panfilo Lacson na korte lang angpwedeng gumawa ng pormal na ha-tol na terorista ang isang organi-sasyon. Ani Carpio, mali kapwa siDuterte at Lacson dahil mga "re-belde" at hindi terorista ang PKPat BHB.

Pinunto ni Carpio na sa ilalimng ATA, "ang mga rebelde ay hinditerorista at hindi pwedeng idekla-

rang mga terorista." Tinukoy niyana ang rebelyon ay hindi itinuturingng ATA na "predicate crime" o sa-lalayang krimen ng terorismo.Naiiba ito sa dating Human SecurityAct (HSA) of 2007 na nagsasaad naang rebelyon ay isa sa krimeng ka-bilang sa terorismo. Ipinalit angATA sa HSA.

Dagdag ni Carpio, ang rebelyon,na may layuning "alisin ang kata-patan ng alinmang teritoryo opwersang militar ng Pilipinas mulasa gubyerno," ay naiiba sa depini-syon ng terorismo sa ATA. "Angmga rebeldeng PKP/BHB, na klarong

may layuning rebelyon, ay hindi mgaterorista sa ilalim ng ATA, at dahildito, hindi sila pwedeng ituring ngkorte, bilang indibidwal man o gru-po, na mga terorista sa ilalim ngATA," dagdag ni Carpio.

Sa gayon, lalong malinaw naipinasa ang ATA para supilin angmga pwersa at aktibistang hayag nakumokontra sa rehimen. Marapatlamang na kwestyunin nila sa mgakorte ang batas, lalupa't nilalabagnito ang kanilang mga karapatan sailalim ng mga batas ng bansa.

Taliwas sa pinalalaganap ngmga upisyal ng rehimen, wala salistahan ng mga terorista ng UnitedNations Security Council, Australia,United Kingdom at Canada angPartido at hukbong bayan.

Page 8: Magkaisa at magtulungan para wakasan ang tiraniya ni Duterteang pagkakaisa sa harap ng sunud-sunod na pagsalakay ng tirano sa interes ng bayan. $"$ ! )!+$ *** %%% EDITORYAL Magkaisa

Hulyo 21 , 2020 ANG BAYAN8

Sarbeylans sa panahon ng pandemya

Noong Hulyo 8, pinahintulutan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) onEmerging Infectious Diseases ang pagbubukas ng mga barberya, parlor

at salon nang hanggang 50% ng karaniwang kapasidad ng mga ito sa MetroManila. Kabilang sa mga rekisitong inilatag ng task force ay ang pagrerehistrong lahat ng kostumer ng mga negosyo gamit ang “contact tracing application”tulad ng StaySafe.Ph.

Ang StaySafe.Ph ay programasa “smartphone” na nagrerehistrosa lokasyon ng isang indibidwalsaan man siya makarating. Layunindiumano ng mga “app” na ito angmabilis at madaling pagbibigay ngimpormasyon sa mga indibidwal namay nakasalamuhang nagpositibosa Covid-19 sa pamamagitan ngpagrehistro ng kanilang numero samga tinatangkilik na negosyo.

Ang app na ito ay gawa at pina-tatakbo ng MultiSys TechnologyCorp. Inendorso ito ni HermogenesEsperon ng National SecurityCouncil (NSC) at ng mga heneral ngIATF. Ginawa itong upisyal na gamitng IATF noong Abril 22. Target ngMultiSys na saklawin ang kalahating populasyon ng Pilipinas. May ak-ses ito sa lahat ng aktibong selponat direktang pumapasok ang mgapabatid nito sa pamamagitan ng De-partment of Information and Com-munications Technology (DICT).

Ang Multisys TechnologiesCorp. ay itinayo ni David Almirol Jr.,dating empleyado sa base militar ngUS sa Iraq. Nakilala siya ni Esperonnoong 2016 at nagsilbing teknikalna konsultant ng NSC noong 2017.Tumanggap siya ng ilang proyek-tong may kaugnayan sa "technicalsurveillance" mula sa ahensya. Na-pabalitang ang StaySafe.Ph ay sad-yang pinagawa ng NSC at ng Natio-nal Intelligence Coordinating Agen-cy. Hawak ng PLDT ang 45% ngkumpanya mula 2018.

Maraming eksperto sa teknolo-hiya ang nagpahayag ng agam-a-gam sa paggamit ng StaySafe.Ph.Anila, malaki ang posibilidad na ga-gamitin ito ng estado para tiktikanang mamamayan at labagin ang ka-nilang karapatan sa pribasiya. La-

bis-labis ang kinukuha nitong mgapermiso at impormasyon mula saselpon na gumagamit dito. Liban sapagtumbok sa lokasyon ng may-aring selpon, maaari nitong basahin atbaguhin ang mga teks at kontak,buksan ang kamera at mikroponopara kumuha ng larawan, bidyo oaudio, tingnan ang iba’t ibang im-pormasyon sa selpon, baguhin ang“settings” nito at iba pa.

Walang deklaradong patakaransa pribasiya ang app at hindi mali-naw kung saan dadalhin at paanogagamitin ang impormasyong maku-kuha nito pagkatapos ng pandemya.Maaari itong gamitin ng nakaupo sapoder para abutin ang mga botantesa susunod na eleksyon. Maaari rinitong ipagbili ng kumpanya sa mgainteresadong negosyo.

Pinangangambahang gagamitinito para sa sarbeylans sa mga kriti-ko at kalaban ng rehimeng Dutertesa pulitika, laluna sa ilalim ng ba-gong-pasang Anti-Terror Law. Isasa magkakaroon ng akses sa mati-tipong impormasyon ay ang Natio-

nal Bureau of Investigation, angahensyang naghahabol sa mga kri-tiko ni Rodrigo Duterte sa tabing ng"pagpigil" sa pagkalat ng pekengmga balita.

Noong Hunyo 29, naghapag ngpanukala ang blokeng Makabayanpara imbestigahan ng Kongreso angmga iregularidad at usapin sa pri-basiya ng app. Pinansin ng mgakongresista ang mga reklamonginihapag ng dating upisyal ng DICTna si Eliseo Rio Jr. Ayon sa upisyal,wala talagang kakayahan sa contacttracing ang app. Ang tanging naga-gawa nito noong panahong inen-dorso ng IATF ay kumulekta ng mganumero ng selpon at ng mga loka-syon nito. Hindi ito nakaugnay sadatabase o mga pagsisikap ng De-partment of Health at mga bara-ngay na direktang nagsasagawa ngcontact tracing.

Planong pagbabahay-bahay ng pulis, iligal

ISA NA NAMANG militaristang hakbang ang utos ni Department ofInterior and Local Government Sec. Eduardo Año sa Philippine Natio-nal Police na "magbahay-bahay" upang hanapin at "hulihin" ang mganagpositibo sa Covid-19 upang sapilitan silang dalhin sa mga pasilidadpangkwarantina.

Ang bagong utos na ito ni Año ay ibayong yuyurak sa mga karapa-tang sibil. Taliwas ito sa isinasaad kahit sa reaksyunaryong batas nakailangan ng pulis ng isang mandamyento para pasukin at halughuginang anumang pribadong bahay. Labag din ito sa batayang karapatan sapribasiya, na itinataguyod kahit sa mga sitwasyong medikal. Una nanginiutos ni Año sa mga lokal na gubyerno ang pag-aresto sa sinumang"lumalabag sa kwarantina" para bigyan sila ng leksyon. Halos 900 anginaresto at pinagmulta sa loob lamang ng isang araw noong Hulyo 9.Hindi naman bababa sa 300 ang hinuli sa Navotas noong Hulyo 16.

Page 9: Magkaisa at magtulungan para wakasan ang tiraniya ni Duterteang pagkakaisa sa harap ng sunud-sunod na pagsalakay ng tirano sa interes ng bayan. $"$ ! )!+$ *** %%% EDITORYAL Magkaisa

ANG BAYAN Hulyo 21 , 2020 9

Ligtas na pagbubukas sa mga paaralan

Inirekomenda noong Hunyo ng American Academy of Pediatrics, pangu-nahing samahan ng mga espesyalistang duktor pambata sa US na

may 67,000 myembro, na buksan na ang mga eskwelahan at papa-sukin sa lalong-madaling panahon ang mga bata at kabataan. Nag-hapag sila ng walong prinsipyo na dapat isaalang-alang para sa lig-tas na pagbubukas sa mga eskwelahan sa dokumentong "Mga Kon-siderasyon sa Pagpaplano: Gabay sa Muling Pagpapasok sa mgaEskwelahan," na huling inamyendahan noong Hunyo 25. Diin nila,lahat ng mga plano ay "dapat magsimula sa layunin na makapasokang mga estudyante sa mga eskwelahan."

Iginigiit ng mga duktor na hindilamang nagbibigay ng kaalamangakademiko ang mga paaralan samga bata, binatilyo at dalagita.Nagsisilbi rin itong lugar para ma-paunlad nila ang kanilang mga ka-sanayang sosyal at emosyunal, paramakapag-ehersisyo at magkaroonng suportang mental. Hindi nila itomakukuha sa pamamaraang online.Pero ayon din sa mga duktor, dapatding handa ang mga eskwelahan samga pagbabago, at dapat lahat ngpagdedesisyon ay pleksible at mabi-lis na maaksyunan.

Marami nang pag-aaral angnagdedetalye sa natatanging aspetong pandemya, kung saan hindi gaa-no nahahawa ang mga bata kumpa-ra sa mas nakatatanda, at kung silaman ay mahawa, hindi lumulubhaang kanilang mga sintomas. Angmga batang 12-taong gulang (10-taong gulang sa ibang pag-aaral)pababa ay hindi rin gaanong naka-hahawa, kumpara sa mas nakata-tanda. Sa mga kasong nagpositiboang bata, mas madalas na nahawasiya ng mas nakatatanda.

Sa United Kingdom, umapela rinsa kanilang gubyerno ang mahigit2,500 myembro ng Royal College ofPaediatrics and Child Health. Anila,peligroso sa isang henerasyon ngkabataan ang dulot ng pagsasara ngmga eskwelahan. Sa pangkalatahan,hindi minamaliit ng mga dukor angposibilidad na magkaroon ng big-lang pagkakahawaan sa mga eskwe-lahan, at sa aktwal ay malamang nahindi ito maiiwasan. Pero anila, mas

malaking banta kumpara sa bayrusang samutsaring problemang ibu-bunga ng patuloy na pagsasara ngmga paaralan. Idiniin nila na lahatng bata ay may karapatan sa tuluy-tuloy na pagkatuto.

Dahil sa pandemya, nasa 1.3bilyong bata sa buong mundo angnapilitang tumigil sa pag-aaralnoong Marso-Abril. Ayon saUNICEF, malaki at lalupang lalakiang pinsala sa mga batang wala saeskwelahan laluna sa mga atrasa-dong bansa. Malaki ang panganib nahindi na makababalik kailanman samga paaralan ang mga bata mula samahihirap na pamilya. Magreresultaito sa mas matinding hindi pagka-kapantay-pantay, mahinang pa-ngangatawan, karahasan, pagsasa-mantala sa lakas-paggawa ng mga

bata at maagang pag-aasawa.Hindi madaling desisyon kung

kailan at paano bubuksan ang mgapaaralan, ayon pa sa ahensya. Ma-ngangailangan ito ng malaking pon-do at matamang pagsubaybay. Ayonpa sa ahensya, hindi maaaring buk-san ang mga paaralan nang hindiinaayos ang mga kahinaan nito sanakaraan. Anito, dapat mulat angmga gubyerno sa mga bentahe atdisbentahe nito kumpara sa paglipatsa pagkatutong online. Liban sa mgapasilidad pangkalusugan, kakaila-nganin ng matinding pagpaplano atkoordinasyon sa pagitan ng mgaahensya ng gubyerno, mga guro atmagulang. Kakailanganin din ng sa-pat na pondo para masalo angnahuhuli at may espesyal na pa-ngangailan na mga mag-aaral.

Pagtutol sa Terror Law, lumalawak

PINANGUNAHAN NG MOVEMENT Against Tyranny at Concerned Law-yers for Civil Liberties ang pagtitipon sa tanggapan ng Commission onHuman Rights sa Quezon City noong Hulyo 11 laban sa Anti-Terror Act.

Kasama ang grupo sa nagsampa sa ika-10 petisyon sa KorteSuprema noong Hulyo 19 para sa pagpapawalambisa sa batas.

Noong Hulyo 16, naglabas ng pastoral letter ang Catholic BishopsConference of the Philippines na nagpahayag ng “pagkaalarma” saprobisyon nito para sa walang mandamyentong pang-aaresto atdetensyon. Binanggit ng simabahang Katolika na marami sa mga pariat obispo nito ang inaakusahang mga “komunista” at sa gayon ay “te-rorista” dahil sa isinusulong nilang mga adbokasiya.

Samantala, 45 mambabatas sa US ang nananawagan para sakagyat na pagpapawalambisa sa batas. Anila, gagamitin lamang ito niDuterte para higit pang supilin ang mga ordinaryong Pilipino. Isi-numite ng mga mambabatas sa embahada ng Pilipinas sa US angkanilang sulat noon ding Hulyo 16.

Rekomendasyon ng mga duktor pambata

Page 10: Magkaisa at magtulungan para wakasan ang tiraniya ni Duterteang pagkakaisa sa harap ng sunud-sunod na pagsalakay ng tirano sa interes ng bayan. $"$ ! )!+$ *** %%% EDITORYAL Magkaisa

Hulyo 21 , 2020 ANG BAYAN10

Gutom sa daigdig, pinalala ng pandemyang Covid-19

Tuluy-tuloy na pinalala ng pandemyang Covid-19 ang kagutuman sa mgabansang pinakamatindi ang krisis sa pagkain. Kasabay nito ang paglitaw

ng bagong mga sentro ng gutom sa malalaking bansa at hindi ligtas ang ma-mamayan kahit sa mga imperyalistang bansa. Sa isang pag-aaral ng OxfamInternational na inilabas noong Hulyo 9, binigyang pansin nito ang 10bansang pinakamatindi ang gutom, gayundin angapat na bansang lumalala ang kagutuman dulotng pandemya. Ang Oxfam ay kalipunan ng 20 or-ganisasyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo nanakatuon sa usapin ng kahirapan at kagutuman.

Gamit ang estadistika ng WorldFood Programme, tinataya ngOxfam na aabot sa 12,000 kataokada araw ang maaaring mamataysa gutom. Mas mataas ang bilangna ito kaysa sa 10,000 namatay ka-da araw dahil sa Covid-19 noongAbril na pinakamataas na naitalamula nang manalasa ang pandemya.Tinatayang aabot sa 270 milyon angmakararanas ng matinding kagutu-man na mas mataas nang 82% kum-para sa naitala noong 2019 na 149milyon.

Kabilang sa mga tinukoy na sa-lik ang pagkaantala ng produksyonng maliitang mga sakahan na nagsi-silbing gulugod ng lokal na sistemang pagkain sa maraming mahihirapna bansa. Apektado ang magsasakang mga paghihigpit sanhi ng mgalockdown na humahadlang sa kani-lang pagbubungkal, pagtatanim atpag-ani sa kanilang lupa. Hindi rinsila makabyahe patungong mga pa-milihan para bumili ng mga binhi atkagamitan sa pagsasaka. Ang pag-kaantala ng lokal na produksyon aynagresulta sa pagsirit ng presyo ngmga bilihin sa maraming mga bansa.

Dagdag pa rito, nagresulta angmalawakang pagsasara ng mga eko-nomya sa malawakang pagkawalang mga trabaho sa nakalipas namga buwan. Sa pinakahuling ulat ngInternational Labor Organization,tinatayang umabot na sa 305 mil-yong pultaym na trabaho ang nawa-la sa buong mundo. Hindi pa saklawng taya na ito ang mga nawalan ngtrabaho sa impormal na sektor.Ayon sa Oxfam, milyun-milyong ma-mamayan ngayon ang hindi nakaka-

kain nang sapat dahil sa pagka-wala ng kanilang mga hanap-buhay at kawalan ng subsid-yo mula sa kani-kanilangmga gubyerno. Inilahad nitona pinakamasidhi ngayon ang ka-gutuman at krisis sa pagkain sa mgabansang Yemen, Democratic Re-public of Congo (DRC), Afghanistan,Venezuela, West African Sahel,Ethiopia, Sudan, South Sudan, Syriaat Haiti. Nagsisimula na ring tu-mindi ang kagutuman sa iba pangmahihirap na bansa gaya ng India,

South Africa at Brazil.Sa gitna ng matinding gutom,

patuloy na tumatabo ngkita ang walong pina-kamalaking kumpanyasa pagkain at inuminsa buong mundo.

Tinukoy ng Oxfam namula Enero ngayong

taon, namahagi ng ka-buuang $18-bilyong dibi-dendo ang Coca-Cola($3.5 bilyon), Danone($1.35 bilyon), General

Mills ($594 milyon), Kel-logg ($391 milyon), Mon-

delez ($408 milyon), Nestlé ($8.2bilyon para sa buong taon), PepsiCo($2.7 bilyon) at Unilever(tinatayang $1.2 bilyon). Anito, anghalagang ito ay sampung beses namas malaki sa hinihiling ng UnitedNations na tulong para mapakainang pinakagutom na mga mama-mayan.

PPE at sahod, ipinaglaban ng mga nars

Nagprotesta ang mga nars ng San Lazaro Hospital Maynila noongHulyo 16 para manawagan ng mas maayos na kundisyon sa pag-

gawa. Ayon sa mga nars, nasa 60 manggagawa na ang nahawa ngCovid-19. Kabilang sa kanila ang 48 o 60% ng mga pasyentengginagamot ngayon sa ospital.

Nakikita nilang pangunahing dahilan ang kakulangan ng personalprotective equipment (PPE) at maling tipo ng mga face mask. Binatikosdin nila ang mabagal na paglalabas ng dagdag nilang sahod, pagkait nghazard pay at iba pang benepisyo.

Noong Hunyo 30, nasa 2 milyon pa lamang ng mga PPE ang naipa-mahagi ng Department of Health, gayong may badyet ito para sa 10milyong PPE. Wala pa sa kalahati sa kinakailangang gamit medikal angbinili at ipinamahagi ng ahensya. Sa huling mga ulat, puno na ang mgapasilidad ng karamihan sa mga ospital sa Metro Manila at hindi na kayang mga ito na tumanggap ng mga kritikal na pasyente.

Ayon sa Filipino Nurses United, sobra-sobra ang trabaho ng mganars nang hindi naman nila natatanggap ang angkop na sahod, lalunakapag kailangan nilang magkwarantina. Noong Hulyo 18 lamang nag-labas ng kautusan ang Department of Budget and Management paraipatupad ang probisyon ng Philippine Nursing Act na nagtataas sasahod ng mga nars sa mga pampublikong hospital mula ₱22,000-₱24,000 tungong ₱32,000-₱34,000. Naipasa ang naturang batas noonpang 2002 o 18 na taon na ang nakalilipas, subalit ngayon pa lamangito ipinatupad.