2
Repleksyon sa Masaya ang Alitaptap sa Labi ng Kabibi ni E. San Juan Minsan ang bawat isa sa atin ay dumarating sa punto ng “dilemma”-mga panahon na tingin natin ay wala na tayong silbi,para bang lahat ng araw ay pare-pareho na lang,di na tayo masaya sa mga bagay na nais nating gawin.Ang pangunahing tauhan sa akda,si Kikong “Buntot-Page” ay masasabing nasa ganitong punto ng kanyang buhay sa pagsapit ng kanyang ika-60 na kaarawan. Sikat si Kiko bilang makata.Sa mundong kanyang iniinugan kinikilala sya bilang “hari” na rinerespeto at hinahangaan.Ngunit sa kanyang sarili,tingin nya siya ay pa-laos na,anupa't matanda na siya at marami nang batang makata ang nakahandang pumalit sa kanyang pwesto.Ito ang nagsilbing pundasyon ng istorya-paanong hinaharap ni Kiko ang mga pagbabagong dulot ng katandaan,mga isyung propesyunal,ang kanyang silbi bilang isang tao para sa sining,at ang isyu ng buhay at kamatayan. Interesante kung tutuusin ang pagkasulat ng akda sa paraang marami sa atin ang makakakunekta sa buhay ni Kiko.May iba't ibang punto de vista ang natumbok ni G. San Juan sa pagsulat nito.Marahil ang isang sikat na artista ay maiisip ang realidad sa shiwbiz-na lahat ng artista ay sumisikat at lumulubog.Kung isa ka namang propesyunal,maiintindihan mo kung bakit parang sawa na si Kiko sa kanyang mga gawain (gaya ng kanyang trabaho bilang taga-sulat ng press releases). Ang pagharap ni Kiko sa realidad na unti-unti nang nawawala ang kanyang mga kaibigan ay isyung hinaharap nating lahat. Nakakatuwa ring pansinin na hindi ginawang “romantic” ang tauhang si Kiko.Sa halip na “ilagay siya sa pedestral” at gawin siyang kakaiba,binigyang punto ng akda na ang mga taong-sining tulad ni Kiko ay mga ordinaryong tao din.Mayroon siyang pamilyang dapat suportahan,napapagod din siya sa trabaho,naiinigit,naiinis,nalulungkot,at natutukso (gaya ng kanyang mga malisyosyong mga tingin sa katulong).Ang kanyang “pagsuko” sa pagsusulat ng mga tula ay patunay na siya ay isang tao din-marahil ang mga masasamang pangyayaring naganap sa kanya ay nagbigay sa kanya ng trauma upang talikuran ang pagiging makata,kahit na sa kanyang mundong iniinugan ay masidhi pa rin ang panawagan na siya'y bumalik sa kanyang sining. May lihim bang nababalot sa pamagat ng akda? Sa akda,mapapansin na pinipilit na ayusin ni Kiko ang kabibeng puwente sa patyo (upang masayahan ang mga panauhin).Yun din ang nagtulak sa kanya na ayusin ito pagkatapos ng party. Nakakatawa

Masaya Ang Alitaptap Sa Labi Ng Kabibi (Review)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Minsan ang bawat isa sa atin ay dumarating sa punto ng “dilemma”-mga panahon na tingin natin ay wala na tayong silbi,para bang lahat ng araw ay parepareho na lang,di na tayo masaya sa mga bagay na nais nating gawin.Ang pangunahing tauhan sa akda,si Kikong “Buntot-Page” ay masasabing nasa ganitong punto ng kanyang buhay sa pagsapit ng kanyang ika-60 na kaarawan.

Citation preview

Page 1: Masaya Ang Alitaptap Sa Labi Ng Kabibi (Review)

Repleksyon sa Masaya ang Alitaptap sa Labi ng Kabibini E. San Juan

Minsan ang bawat isa sa atin ay dumarating sa punto ng “dilemma”-mga panahon na tingin natin ay wala na tayong silbi,para bang lahat ng araw ay pare-pareho na lang,di na tayo masaya sa mga bagay na nais nating gawin.Ang pangunahing tauhan sa akda,si Kikong “Buntot-Page” ay masasabing nasa ganitong punto ng kanyang buhay sa pagsapit ng kanyang ika-60 na kaarawan.

Sikat si Kiko bilang makata.Sa mundong kanyang iniinugan kinikilala sya bilang “hari” na rinerespeto at hinahangaan.Ngunit sa kanyang sarili,tingin nya siya ay pa-laos na,anupa't matanda na siya at marami nang batang makata ang nakahandang pumalit sa kanyang pwesto.Ito ang nagsilbing pundasyon ng istorya-paanong hinaharap ni Kiko ang mga pagbabagong dulot ng katandaan,mga isyung propesyunal,ang kanyang silbi bilang isang tao para sa sining,at ang isyu ng buhay at kamatayan.

Interesante kung tutuusin ang pagkasulat ng akda sa paraang marami sa atin ang makakakunekta sa buhay ni Kiko.May iba't ibang punto de vista ang natumbok ni G. San Juan sa pagsulat nito.Marahil ang isang sikat na artista ay maiisip ang realidad sa shiwbiz-na lahat ng artista ay sumisikat at lumulubog.Kung isa ka namang propesyunal,maiintindihan mo kung bakit parang sawa na si Kiko sa kanyang mga gawain (gaya ng kanyang trabaho bilang taga-sulat ng press releases). Ang pagharap ni Kiko sa realidad na unti-unti nang nawawala ang kanyang mga kaibigan ay isyung hinaharap nating lahat.

Nakakatuwa ring pansinin na hindi ginawang “romantic” ang tauhang si Kiko.Sa halip na “ilagay siya sa pedestral” at gawin siyang kakaiba,binigyang punto ng akda na ang mga taong-sining tulad ni Kiko ay mga ordinaryong tao din.Mayroon siyang pamilyang dapat suportahan,napapagod din siya sa trabaho,naiinigit,naiinis,nalulungkot,at natutukso (gaya ng kanyang mga malisyosyong mga tingin sa katulong).Ang kanyang “pagsuko” sa pagsusulat ng mga tula ay patunay na siya ay isang tao din-marahil ang mga masasamang pangyayaring naganap sa kanya ay nagbigay sa kanya ng trauma upang talikuran ang pagiging makata,kahit na sa kanyang mundong iniinugan ay masidhi pa rin ang panawagan na siya'y bumalik sa kanyang sining.

May lihim bang nababalot sa pamagat ng akda? Sa akda,mapapansin na pinipilit na ayusin ni Kiko ang kabibeng puwente sa patyo (upang masayahan ang mga panauhin).Yun din ang nagtulak sa kanya na ayusin ito pagkatapos ng party. Nakakatawa man ang pagsambit nya ng “upang masiyahan ang mga panauhin”,ngunit totoo.Marahil nga dahil dumadaloy na ang tubig doon,ngunit di sa katotohanang pumanaw na sya.