Upload
others
View
6
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
MEKANIKS SA
KOMERSYALAMAN:
MEKANIKS:
Ang gawaing ito ay bukas lamang sa mga mag-aaral
na nasa ikaanim na baitang, taong kasalukuyan.
Ang klase ay mahahati sa dalawang pangkat.
Ang bawat pangkat ay bubuo ng kaniya-kaniyang
komite para sa bubuoing komersyal.
MEKANIKS:
Pumili ng lider ng pangkat na mangunguna at ibahagi
sa kapangkat ang mga gawain.
Ang magiging tema ng komersyal ay may kinalaman
sa wika at panitikan.
Bibigyan ang bawat pangkat ng iisang ”sound” na
magiging padron sa gagawing video-commercial.
MEKANIKS:
Gagawa ang bawat pangkat ng orihinal na liriko ng
kanta na nagpapakilala sa wika at panitikan ng
Pilipinas.
Ito ay tatagal lamang ng 1:30 – 2:00 minuto.
Kung tapos na makagawa ng liriko, maaaring ipakita
sa guro ang inyong nagawa upang mawasto.
MEKANIKS:
Hindi pinahihintulutan ang paggamit ng wikang Ingles
at/o mag-Taglish sa liriko ng kanta.
Ito ay purong wikang Filipino lamang.
Kapag aprubado na ang liriko ng kanta, maayos, at
lapat na sa ”background music”, maaari nang
simulan ang inyong bidyo.
MEKANIKS:
Hinihikayat na halos 40%-60% ng miyembro sa
pangkat ay makikita sa bidyo.
Malaya ang bawat pangkat na gumamit ng kasuotan,
at props na mayroon lamang sa inyong bahay at
hindi na kinakailangan pang bumili.
Ang ayos ng bidyo ay pa-landscape lamang at wala
nang iba pa.
MEKANIKS:
Maaaring gumamit ng anomang editing apps na
makapagpapaganda sa ginagawang bidyo.
Siguraduhing isama ang liriko ng kanta (subtitle) sa
mismong bidyo na ginagawa upang ito ay masundan
ng mga manonood.
MEKANIKS:
Ang gawain na ito ay gagawin sa buong oras sa
Filipino simula ngayong araw hanggang Agosto 24,
2021.
Ito ay magsisilbing isa sa mga Performance Tasks
natin ngayong termino. (Malikhain, Pasalita, Pasulat
na Gawain)
MEKANIKS:
Malikhaing Gawain
• Ginamit na props, edited video, kasuotan,
pagkamalikhain sa kabuoan.
Pasalitang Gawain
• Wikang ginamit at pagbigkas ng liriko ng kanta.
Pasulat Gawain
• Liriko ng kanta
PAMANTAYAN SA MALIKHAIN AT PASALITANG GAWAIN
KRAYTERYA/
PAMANTAYAN
NANGANGAILANGAN PA
NG DAGDAG NA
PAGSASANAY
(BEGINNING)
( 1 )
PAPAUNLAD
(DEVELOPING)
( 2 )
NATAMO ANG
INAASAHANG
PAMANTAYAN
(AT STANDARD)
( 3 )
MAY KAKAYAHAN
(COMPETENT)
( 4 )
KATANGI – TANGI
(EXEMPLARY)
( 5 )
PAGKAMALIKHAIN
Hindi nagpamalas ng
pagkamalikhain upang
maging maganda ang
resulta ng bidyo-
komersyal.
Di-gaanong nagpamalas
ng pagkamalikhain upang
maging maganda ang
resulta ng ng bidyo-
komersyal.
Naipamalas ang
katamtamang
pagkamalikhain upang
maging maganda ang
resulta ng ng bidyo-
komersyal.
Naipamalas ang
inaasahang
pagkamalikhain upang
maging maganda ang
resulta ng ng bidyo-
komersyal.ut.
Naipamalas ang higit sa
inaasahang
pagkamalikhain upang
maging katangi-tangi ang
resulta ng ng bidyo-
komersyal..
ORGANISASYON
Walang organisasyon at
kalinisan ang display ng
ng bidyo-komersyal.
Di-gaanong malinis at
katamtaman ang pang-
akit na ng ng bidyo-
komersyal.
Malinis at katamtaman
ang pang-akit na display
ng ng bidyo-komersyal.
Malinis at nakaaakit ang
display ng ng bidyo-
komersyal..
Napakalinis at higit sa
inaasahang elementong
display ang ng bidyo-
komersyal.
PAGKAKABIGKASMahina ang boses at may
kalabuang magsalita.
Bahagyang malinaw
magsalita, di-gaanong
nauunawaan ang boses.
Malinaw magsalita, tama
at nauunawaan ang
boses.
Malinaw magsalita,
nauunawaan ang boses.
Nagpakita ng tiwala sa
sarili.
Napakalinaw magsalita,
nauunawaan ang boses.
Nagpakita ng tiwala sa
sarili.
TINDIG O TIKAS
Nagpakita ng lubos na
pagkabahala, hindi
mapakali at sobrang
kulang ang tiwala sa sarili.
Nagpakita ng
pagkabahala, hindi
mapakali at kulang ang
tiwala sa sarili.
Nagpakita ng
pagkabahala at kulang
ang tiwala sa sarili.
Nagpakita ng tiwala sa
sarili ngunit may manaka-
nakang manerismo na
nakaka”distract” sa
manonood / tagapakinig.
Nagpakita ng lubos na
tiwala sa sarili at
napanatili ang tikas sa
pagsasalita/pagkanta.
PASULAT NA GAWAIN
KRAYTERYA/PAMANTAYAN
NANGANGAILNGAN PA NG
DAGDAG NA PAGSASANAY
(BEGINNING)
( 1 )
PAPAUNLAD
(DEVELOPING)
( 2 )
NATAMO ANG INAASAHANG
PAMANTAYAN
(AT STANDARD)
( 3 )
MAY KAKAYAHAN
(COMPETENT)
( 4 )
KATANGI – TANGI
(EXEMPLARY)
( 5 )
KAISIPAN AT NILALAMAN
Hindi nakalikha ng isang kabuuang
ideya tungkol sa pinapaksa.
Kulang na kulang sa detalye.
May bahagyang linaw sa
paglalahad ng nais ipakahulugan
subalit hindi nagbigay ng iba pang
detalye na higit na
makapagpapalinaw ng diwa ng
paksa.
May bahagyang linaw sa
paglalahad ng nais ipakahulugan
subalit kakaunti ang detalye na
higit na makapagpapalinaw ng diwa
ng paksa.
Sa pangkalahatan ay nauunawaan
ang isinulat dahil sa mga detalyeng
nagbigay kabuuan sa nais
ipakahulugan.
Tinalakay nang buo ang pinapaksa
at nagbigay ng malinaw na mga
halimbawa o mga detalye upang
maiparating sa tagapanood ang
gustong ipahatid.
PAGPILI SA SALITA AT
KONTROL NG WIKA
Maraming pagkakamali sa gamit ng
salita.
Marami ring kamalian sa
pagbabaybay ng mga salita.
May apat – anim na pagkakamali
sa gamit ng salita at bagong
bokabularyo. Hindi gumamit ng
angkop na gramatika.
May isa – tatlong pagkakamali sa
balarila.
Sa kalahatan, mabuti ang paggamit
ng bagong bokabularyo at ibang
bahagi ng pananalita.
Wasto ang paggamit ng mga
salitang natutuhan at akma ang
gamit sa konteksto ng pinapaksa.
Walang pagkakamali sa balarila.
Wasto ang paggamit ng mga
bagong salitang natutuhan at akma
ang gamit sa konteksto ng
pinapaksa.
Walang pagkakamali sa balarila.
ORGANISASYON
Maligoy ang panulat.
Hindi lohikal at hindi maayos ang
pagkakasunod-sunod ng ideyang
gustong ipahayag.
Walang malinaw na simula,
katawan at katapusan.
Wala o hindi wasto ang mga bantas
sa panulat.
May simula, katawan at katapusan
ngunit hindi lohikal ang
pagkakasunod-sunod ng mga
pangungusap sa kanta na
sumusuporta sa pangunahing
kaisipan.
Isang kahinaan ang wastong
pagbabantas.
May simula, katawan at katapusan.
Medyo lohikal ang pagkakasunod-
sunod ng mga pangungusap na
sumusuporta sa pangunahing
kaisipan ng panulat.
Isang kahinaan ang wastong
pagbabantas.
May simula, katawan at katapusan.
Lohikal ang paglalahad na
ginagamitan ng iba’t ibang bahagi
ng pananalita.
Gumamit ng akmang transisyon.
Ang ilang maling bantas o kawalan
ng bantas ay nakalilito sa ideyang
nais ipahatid.
Maayos at lohikal ang paglalahad
na ginagamitan ng iba’t ibang
bahagi ng pananalita.
Gumamit ng mga angkop na salita
para sa bagong ideya at akmang
transisyon.
Malinaw ang simula, katawan at
katapusan.
Pamamahala ng Oras at
Pagtupad sa Responsibilidad
Natapos ang gawain ngunit
sumobra ng higit sa limang minuto
sa itinakdang oras ng pagganap.
Maraming hindi tumupad sa
responsibilidad sa bawat kasapi ng
pangkat.
Natapos ang gawain ngunit
sumobra ng tatlo-limang minuto sa
itinakdang oras ng pagganap.
May ilang hindi tumupad sa
responsibilidad sa bawat kasapi ng
pangkat.
Natapos ang gawain ngunit hinabol
lamang ang itinakdang oras o
sumobra ng isa-dalawang minuto
sa itinakdang oras ng pagganap at
may 1-2 nakaligtaan sa gawain.
Pantay-pantay ang pagtupad sa
responsibilidad ng bawat kasapi ng
pangkat.
Nakasunod ng tumpak sa
itinakdang oras ng pagganap at
walang nakaligtaan sa gawain.
Pantay-pantay ang pagtupad sa
responsibilidad ng bawat kasapi ng
pangkat.
Nakapagpasa nang mas maaga sa
itinakdang oras ng pagganap at
walang nakaligtaan sa gawain.
Pantay-pantay ang pagtupad sa
responsibilidad ng bawat kasapi ng
pangkat.
PAMANTAYAN SA
MEKANIKS:
Deadline ng Pagpapasa:
Agosto 25, 2021, 12:00 ng tanghali
Ipapasa ito sa ating Eliza, i-click ang tile ng
”KomersyaLaman” at hanapin ang inyong section.
Filename: Section_Bilang ng Pangkat_KomersyaLaman 2021-2022
MEKANIKS:
Ang pangkat na magwawagi sa patimpalak ay
makatatanggap ng sertipiko at awtomatikong
dagdag-puntos 5 puntos sa Maikling Pagsusulit, 10
puntos sa Performace Task (BAWAT ISA).
PAALALA:
Tanging ang mga mag-aaral lamang na nakisangkot
sa gawain ang mabibigyan ng dagdag-puntos.