3
Ang Langgam at Tipaklong Isang umagang maganda ang sikat ng araw, may isang tipaklong na masayang naglalaro. Patalun-talon siya sa damuhan. Di nagtagal, dumaan ang isang langgam na karga-karga ang butil ng bigas. "Kaibigang Langgam, bakit gawa ka nang gawa? Tingnan mo ako, masayang naglalaro. Halika, maglaro tayo at maganda ang sikat ng araw," ang anyaya niya sa kaibigang si Langgam. "Salamat, mahal kong kaibigan, ngunit marami. pa akong hahakuting pagkain. Kailangah ko itong gawin upang kapag dumating ang tag-ulan ay may sapat akong kakainin. Sa gayon, hindi ako gugutumin." "Matagal pa iyon. Tingnan mo't napakaganda ng sikat ng araw. Kaysara p-sarap sumayaw! Halika na," pamimilit ng tipaklong. "Iyon na nga. Maganda ang sikat ng araw kaya dapat tayong magtipon ng pagkain," at nagpatuloy ang langgam sa paglakad. Naiwan ang tipaklong na patuloy na naglalaro sa damuhan. Maghapon siyang sasayaw-sayaw at pakanta- kanta. Sumapit ang tag-ulan. Walang makain si Tipaklong. Naisip niya ang kaibigang langgam. Marami itong tinipong pagkain. Isang gabi habang naghahapunan ang langgam, nakarinig siya ng marahang katok sa pintuan. Binuksan niya ang pinto. "Ako'y nagugutom at giniginaw. Para mo nang awa, kahit kaunting pagkain ako'y iyong bigyan," ang pagsusumamo ni Tipaklong. Naawa ang langgam sa kaibigan. Pinatuloy niya ito. Humanga si Tipaklong sa dami ng pagkaing naitabi ni Langgam. "Salamat, kaibigan. Ngayon ay alam ko na ang sinasabi mo na habang maganda ang panahon ay dapat magtipon. Hindi katulad ko na walang ginawa kundi sumayaw-sayaw sa panahon ng tag-araw," ang wika ni Tipaklong. "Huwag ka ng mag-alala. Marami akong pagkain. Heto kumain ka na. Ang mahalaga ay natuto ka na sa iyong pagkakamali," ang may kababaang-loob na sagot ni Langgam. Nahihiyang kumain si Tipaklong. Masaya naman si Langgam sa nakikita niyang pagbabago ng kaibigan.

Mga Pabula

Embed Size (px)

DESCRIPTION

tagalog

Citation preview

  • 5/19/2018 Mga Pabula

    1/3

    Ang Langgam at Tipaklong

    Isang umagang maganda ang sikat ng araw, may isang tipaklong na masayang naglalaro. Patalun-talon siya sa

    damuhan. Di nagtagal, dumaan ang isang langgam na karga-karga ang butil ng bigas.

    "Kaibigang Langgam, bakit gawa ka nang gawa? Tingnan mo ako, masayang naglalaro. Halika, maglaro tayo atmaganda ang sikat ng araw," ang anyaya niya sa kaibigang si Langgam.

    "Salamat, mahal kong kaibigan, ngunit marami. pa akong hahakuting pagkain. Kailangah ko itong gawin upang

    kapag dumating ang tag-ulan ay may sapat akong kakainin. Sa gayon, hindi ako gugutumin."

    "Matagal pa iyon. Tingnan mo't napakaganda ng sikat ng araw. Kaysarap-sarap sumayaw! Halika na," pamimilit ng

    tipaklong.

    "Iyon na nga. Maganda ang sikat ng araw kaya dapat tayong magtipon ng pagkain," at nagpatuloy ang langgam sa

    paglakad. Naiwan ang tipaklong na patuloy na naglalaro sa damuhan. Maghapon siyang sasayaw-sayaw at pakanta-kanta.

    Sumapit ang tag-ulan. Walang makain si Tipaklong. Naisip niya ang kaibigang langgam. Marami itong tinipong

    pagkain.

    Isang gabi habang naghahapunan ang langgam, nakarinig siya ng marahang katok sa pintuan. Binuksan niya ang

    pinto.

    "Ako'y nagugutom at giniginaw. Para mo nang awa, kahit kaunting pagkain ako'y iyong bigyan," ang pagsusumamo

    ni Tipaklong.

    Naawa ang langgam sa kaibigan. Pinatuloy niya ito. Humanga si Tipaklong sa dami ng pagkaing naitabi ni Langgam.

    "Salamat, kaibigan. Ngayon ay alam ko na ang sinasabi mo na habang maganda ang panahon ay dapat magtipon.

    Hindi katulad ko na walang ginawa kundi sumayaw-sayaw sa panahon ng tag-araw," ang wika ni Tipaklong.

    "Huwag ka ng mag-alala. Marami akong pagkain. Heto kumain ka na. Ang mahalaga ay natuto ka na sa iyong

    pagkakamali," ang may kababaang-loob na sagot ni Langgam.

    Nahihiyang kumain si Tipaklong. Masaya naman si Langgam sa nakikita niyang pagbabago ng kaibigan.

    http://3.bp.blogspot.com/-iqBCzkpTqu4/UH_tz6h3voI/AAAAAAAAANY/jfNGsHTc_DM/s1600/ant+and+grasshopper2.jpeg
  • 5/19/2018 Mga Pabula

    2/3

    Ang Agila at ang Maya

    Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka

    ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubongniya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito. "Hoy Maya, baka gusto mong subukan

    kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?" buong kayabangan ni Agila, kaya naipasya

    niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon. "Sige! Tinatanggap ko ang

    hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?"Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya. "Aba, nasa sa iyon

    'yan. Kung kailan mo gusto," buong kayabangang sagot ni Agila. Napatingin ang Maya sa

    kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay

    malakas sa pag-ulan."Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging

    masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit ano ng

    bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak."Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman

    hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na

    dadalhin naman nito."O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni Maya. "Aba oo, payag na payagako."

    "Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon tayo hihinto sa ituktok ng mataas na

    bundok na iyon," wika pa ni Maya. Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang

    panalo niya, subalit hindi siya nagpahalata.At sisimulan nga nila ang paligsahan. Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya

    namang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito

    ng husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya. Samantalang ang mabigat sa asukal

    na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.

    Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok attinalo niya ang mayabang na Agila.

  • 5/19/2018 Mga Pabula

    3/3

    Ang Tigre at ang Lobo

    Isang araw ay nahuli ng Tigre ang isang Lobo sa kasukalan. Kakainin na sana ng mabangis na Tigre ang

    kaniyang huli nang itaas ng Lobo ang kaniyang leeg at nagwikang, "Teka, teka. Alam mo bang

    kaproproklama lamang ng mga Bathala na ako na raw ngayon ang Hari ng Kagubatan?"

    "Ikaw? Hari ng mga Hayop?" hindi makapaniwalang sabi ng Tigre.

    "Kung hindi ka naniniwala ay sumama ka at maglakad tayo sa buong kagubatan. Tingnan mo lang kung

    hindi matakot ang lahat makita lang ako!"

    Hindi malaman ng Tigre kung paniniwalaan ba o hindi ang tinuran ng Lobo.

    Mayabang na lumakad sa harapan ng Tigre ang Lobo. Nang ayain ng Lobo ang Tigreng umikot sa

    kagubatan ay napasunod ito.

    Malayo pa lamang sa mga Usa ay kumaway-kaway na ang Lobo sa mga hayop na may mahahabang

    sungay. Takot na napatakbong papalayo ang mga Usa. Ganoon din ang naging reaksiyon ng mgaKambing, ng mga Kuneho at ng mga Tsonggo.

    Takot ding nagsilayo ang mga Baboydamo at mga Kabayo.

    Takang-taka ang Tigre.

    Nang magtakbuhan sa sobrang takot ang mga hayop ay mayabang na nagsalita ang Lobo, "Kaibigan,

    naniniwala ka na bang ako na nga ang Hari ng Kagubatan?"

    Napansin ng Tigre na kapag lumalapit na silang dalawa sa mga hayop ay lagi at laging nasa likod niya ang

    tusong Lobo.

    Napag-isip-isip niyang hindi sa Lobo takot ang Usa, ang Kambing at Kuneho. Hindi rin dahil dito kaya

    kumaripas ng takbo ang Tsonggo, ang Baboyramo at Kabayo. Nang manlisik na ang mga mata ng Tigre at

    magsitayo na ang mga balahibo nito sa galit ay mabilis pa sa alaskwatrong nagtatakbong papalayo ang

    takut na takot na Lobo.

    Aral: Dapat na maging mapanuri upang malaman ang layunin ng mga taong nakapaligid sa atin.

    http://3.bp.blogspot.com/-oX28lUmGaz0/UFJSe1IHVNI/AAAAAAAADDY/G1q_iJ0-A_M/s1600/tiger-and-the+fox.jpg