2
MGA SALIK NG TULA – SUKAT at TUGMA Apat ang salik ng tula sa makalumang pananaw – sukat, tugma, makabuluhang diwa at kariktan. Subalit sa araling ito, bibigyan lang ng diin ang dalawa, iyan ang sukat at tugma. a. Sukat – tumutukoy ito sa bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod. Sa mga tradisyunal na tula, pinakagamitin ang sukat na labindalawa (12), labing-anim (16) at labing-walo (18). Hal. Batong tuntungan mo sa pagkadakila Batong tuntungan ka sa pamamayapa Talagang ganito sa balat ng lupa Ay bali-baligtad lamang ang kawawa b. Tugma – tumutukoy sa magkakatulad na tunog ng huling salita sa bawat linya b.1 tugmang ganap – magkakasintunog at magkakatulad ang bigkas ng huling salita sa bawat taludtod Hal. Wala na, ang gabi ay lambong ng luksa Panakip sa aking namumutlang mukha Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga Ni ibon, ni tao’y hindi matuwa b.2. tugmang karaniwan – pareho lamang ang tunog ngunit magkaiba ang uri ng diin ng mga huling salita sa bawat linya o taludtod Hal. Kung magalit ka man at kusang lumayo Na isang hinagap ang baon sa puso May mga sandaling ang aking pintuho Ay magiging tamis sa paninibugho b.3. tugmang katinig

Mga Salik Ng Tula

Embed Size (px)

DESCRIPTION

mga sangkap o salik ng tulang makaluma - sukat at tugma

Citation preview

Page 1: Mga Salik Ng Tula

MGA SALIK NG TULA – SUKAT at TUGMA

Apat ang salik ng tula sa makalumang pananaw – sukat, tugma, makabuluhang diwa at kariktan. Subalit sa araling ito, bibigyan lang ng diin ang dalawa, iyan ang sukat at tugma.

a. Sukat – tumutukoy ito sa bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod. Sa mga tradisyunal na tula, pinakagamitin ang sukat na labindalawa (12), labing-anim (16) at labing-walo (18).

Hal. Batong tuntungan mo sa pagkadakila

Batong tuntungan ka sa pamamayapa

Talagang ganito sa balat ng lupa

Ay bali-baligtad lamang ang kawawa

b. Tugma – tumutukoy sa magkakatulad na tunog ng huling salita sa bawat linya

b.1 tugmang ganap – magkakasintunog at magkakatulad ang bigkas ng huling salita sa bawat taludtod

Hal. Wala na, ang gabi ay lambong ng luksa

Panakip sa aking namumutlang mukha

Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga

Ni ibon, ni tao’y hindi matuwa

b.2. tugmang karaniwan – pareho lamang ang tunog ngunit magkaiba ang uri ng diin ng mga huling salita sa bawat linya o taludtod

Hal. Kung magalit ka man at kusang lumayo

Na isang hinagap ang baon sa puso

May mga sandaling ang aking pintuho

Ay magiging tamis sa paninibugho

b.3. tugmang katinig

b.3.1. tugmang katinig pangkat 1 – nagtatapos ang huling salita ng linya sa katinig b, k, d, g, p, s, at t na pinangungunahan ng patinig na a, e, I, o, u.

b.3.2. tugmang katinig pangkat 2 – nagtatapos ang huling salita ng linya sa tinig l, m, n, ng, w, r at y na pinangungunahan ng patinig na a, e, i, o, u