4
Nakalaang tumulong sa mga taong nangangailangan sa loob ng ating komunidad Libreng Tawag 1800 627 727 Department of Human Services www.salvationarmy.org.au/crisisservices

Nakalaang tumulong sa mga taong nangangailangan sa loob ng

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Nakalaang tumulong sa mga taong nangangailangan sa loob ng

Nakalaang tumulong sa mga taong nangangailangan sa

loob ng ating komunidad

Libreng Tawag 1800 627 727

Department of

Human Services

www.salvationarmy.org.au/crisisservices

Page 2: Nakalaang tumulong sa mga taong nangangailangan sa loob ng

Ang SAlvAtion Army CriSiS ServiCeSAng Salvation Army Crisis Services ay nakalaang tumulong sa mga taong nangangailangan sa loob ng ating komunidad. Nakalaan kaming matamo ang positibong mga resulta sa sumusunod na mga larangan: –

• Pagbibigay ng praktikal at tumutugong mga serbisyo • Paghahatid ng programa sa isang nakikita at may pananagutang paraan • Pagpapaunlad ng malakas at aktibong mga samahan sa komunidad • Pagtataguyod para sa pantay-pantay at makatarungang lipunan

mgA SerbiSyo ng SuportAng pAngkriSiS

4�Crisis Contact Centre (Sentrong Tawagan sa oras ng Krisis)4�Interim Support Linkage Program

(Programa ng Pag-uugnay sa Pansamantalang Suporta)

CrISIS ConTaCT CenTreAng Crisis Contact Centre ay nagbibigay ng suportang pangkrisis at impormasyon sa kabuuang estado, na may naaangkop na mga reperal sa lokal na mga serbisyo para sa mga indibiduwal at mga pamilyang nahihirapan sa kanilang mga kalagayang may kaugnayan sa pabahay, karahasan sa tahanan, pinansiya, bawal na gamot at kalusugang pangkaisipan.

Ang Centre ay nagbibigay din ng 24 na oras na suportang pantelepono para sa mga taong dumaranas ng kawalan ng tirahan sa pamamagitan ng Linyang Pansuporta sa Kawalan ng Tirahan (Homelessness Support Line).

Mayroon ding hanay ng mga serbisyong pansuporta na nasa parehong lokasyon na makatutulong sa mga tao ukol sa pangmatagalang pabahay, suporta sa kita sa pamamagitan ng Centrelink at payong pambatas.

InTerIm SuPPorT LInKage Program Ang Interim Support Linkage Program ay nagbibigay ng masinsinang tulong sa maikling panahon para sa mga indibiduwal at mga pamilya upang makagawa ng mga plano para sa pangmatagalang pabahay at iba pang suporta kasabay ng iba pang mga serbisyong pansuporta na nakabase sa komunidad.

Ang Crisis Support Services ay bukas sa bawat araw ng taon, kabilang ang mga Pista Opisyal, mula alas 9:00n.u hanggang alas11:00n.g. Hindi kailangan ang appointment. Ang Homelessness Support Line ay bukas 24 oras sa buong araw sa bawat araw ng taon.

Ang lokasyon at mga detalye ng pagkontak para sa Crisis Support Services ay ang mga sumusunod –

29 Grey Street St Kilda VIC 3182 PO Box 2027 St Kilda VIC 3182 Telepono (03) 9536 7777 Facsimile (03) 9536 7778 Crisis Support Services – Libreng Tawag 1800 627 727 Homelessness Support Line 1800 825 955

ChAplAinCy Community Support ServiCeS

4Chaplaincy Program (Programa ng Chaplaincy)

CHaPLaInCy Program

Ang Chaplaincy Program ay nagbibigay ng suportang pastoral para sa sinumang nagnanais na talakayin ang mga isyung nauukol sa pananampalataya o isprituwalidad. Ang mga pakikipag-usap sa mga Chaplain ay kompidensyal, hindi naghuhusga at bukas sa mga tao anuman ang pananampalataya o relihiyong pinagmulan.

Ito ay bukas Lunes hanggang Biyernes alas 9 n.u. hanggang alas-5 n.h.

Ang lokasyon at mga detalye ng pagkontak ay ang mga sumusunod:

29 Grey Street St Kilda VIC 3182 PO Box 2027 St Kilda VIC 3182 Telepono (03) 9536 7777 Facsimile (03) 9536 7778 Libreng Tawag 1800 627 727

mgA SerbiSyong nAuukol SA kArAhASAn SA tAhAnAn

4�Family Violence outreach Program (Programang outreach ukol sa Karahasan sa Pamilya)4�Private rental access Program

(Programa ukol sa Pagkuha ng Pribadong Paupahan)

FamILy VIoLenCe ouTreaCH Program

Ang The Family Violence Outreach Program ay nagbibigay ng suportang 'outreach' na may namamahala sa kaso sa mga kababaihang may mga anak na dumaranas o nanganganib na dumanas ng karahasan sa tahanan. Kabilang sa suportang ito ang pagpaplano ng kaligtasan, mga isyung pambatas, pagtataguyod, pabahay, impormasyon at mga reperal.

Ang tungkuling pagtugon sa pagtataguyod sa krisis sa loob ng programa ng Family Violence Outreach ay nagbibigay ng harap-harapang pagtugon sa krisis sa mga kababaihan at mga batang naninirahan sa panloob na Gitnang rehiyon, sa pakikipagtulungan sa SECASA, WDVCS at Pulisya ng Victoria.

PrIVaTe renTaL aCCeSS ProgramMay isang Private Rental Access worker na tutulong sa mga kababaihan na makahanap ng ligtas na pribadong tirahang mauupahan.

Ang Family Violence Services ay bukas Lunes hanggang Biyernes mula alas 9:00n.u. hanggang alas 5:00n.h.

Ang lokasyon at mga detalye ng pagkontak para sa Family Violence Services ay ang mga sumusunod –

31 Grey Street St Kilda VIC 3182 PO Box 2027 St Kilda VIC 3182 Telepono (03) 9536 7777 Facsimile (03) 9536 7778 Libreng Tawag 1800 627 727

mgA SerbiSyong pAngkAluSugAn

4access Health Program (Programang 'access Health')4�Health Information exchange Program

(Programang nauukol sa Pagpapalitan ng Impormasyong Pangkalusugan)

aCCeSS HeaLTH ProgramAng Access Health Program ay nagbibigay ng madaling makuha, tumutugong pangunahing pangangalagang pangkalusugan na nagpapahusay sa kalusugan at kagalingan para sa mga nadidisbentaheng mga grupo tulad ng mga taong gumagamit ng iniiniksyong bawal na gamot na nakabase sa kalsada, mga street sex worker at mga taong dumaranas ng kawalan ng tirahan.

Ang Access Health Program ay nag-aalok ng mga libreng serbisyong hindi nakabase sa paggawa ng appointment at ginagawang madali ang mga pag-uugnay sa mga pangunahing mga serbisyo.

Ang programa, sa pakikipagtulungan sa iba pang mga ahensyang pangkalusugan at pansuporta, ay nagbibigay ng –

• Pangkalahatang mga Praktisyoner • Pangkomunidad na mga Pangkalusugang Nars • Diyetisyan

Nakalaang tumulong sa mga taong nangangailangan sa loob ng ating komunidad

Page 3: Nakalaang tumulong sa mga taong nangangailangan sa loob ng

• Mga Tagapayo ukol sa Bawal na Gamot at Inuming Alak • Mga Pangkalahatang mga Tagapagyo • Podiyatrista • Pisiyoterapiko • Sikayatriko • Nars ng Kalusugang Seksuwal • Mga Pasilidad para sa Paliligo

Ang Access Health Program ay bukas Lunes hanggang Biyernes mula alas 9:00n.u. hanggang alas 5:00n.h.

Ang lokasyon at mga detalye ng pagkontak para sa access Health Program ay ang mga sumusunod –

31 Grey Street St Kilda VIC 3182 PO Box 2027 St Kilda VIC 3182 Telepono (03) 9536 7780 Facsimile (03) 9536 7781 Libreng Tawag 1800 627 727

HeaLTH InFormaTIon exCHangeAng Pagpapalitan ng Impormasyong Pangkalusugan ay isang libreng kompidensyal na programa ukol sa karayom/hiringgilya na nagbibigay ng ligtas na mga kagamitan para sa pag-iiniksyon at ligtas na pakikipagseks katulad ng mga hiringgilya, mga swab, kondom at mga tapunang konteyner.

Ang programa ay nagbibigay din ng impormasyon at reperal para sa mga isyung may kaugnayan sa bawal na gamot at mga babasahing pang-edukasyon ukol sa virus na naisasalin sa pamamagitan ng dugo at mga impeksyong naililipat sa pamamagitan ng pakikipagseks.

Ang Health Information Exchange Program ay bukas Lunes hanggang Biyernes mula alas 9:00n.u. hanggang alas 5:00n.h.

Ang lokasyon at mga detalye ng pagkontak para sa Health Information exchange Program ay ang mga sumusunod –

29 Grey Street St Kilda VIC 3182 PO Box 2027 St Kilda VIC 3182 Telepono (03) 9536 7703 Facsimile (03) 9536 7778 Libreng Tawag 1800 627 727

reSeArCh & progrAm Development ServiCeS

4�research & Development Program (Programa ng Pananaliksik at Pagpapaunlad)

reSearCH & DeVeLoPmenT Program Ang Programa ng Pananaliksik at Pagpapaunlad ay may pananagutan para sa tatlong pangunahing mga saklaw ng Mga Serbisyong Pangkrisis bilang bahagi ng mas malawak na organisasyonal na programa ng pagpapaunlad at estratehikong proseso ng pagpaplano. Ang mga ito ay:

• Koordinasyon ng programang nauukol sa student placement at pagpapaunlad ng mga ugnayan sa mga institusyong tersyaryo,

• Pagpapaunlad at pangangasiwa ng usaping tatalakayin sa pananaliksik at pagtataguyod

• Pangangasiwa ng mga proseso ng pagpapahusay ng kalidad

Ang Programa ng Pananaliksik at Pagpapaunlad ay bukas Lunes hanggang Biyernes mula alas 9:00n.u. hanggang alas 5:00n.h.

Ang lokasyon at mga detalye ng pagkontak para sa research & Development Program ay ang mga sumusunod –

29 Grey Street St Kilda VIC 3182 PO Box 2027 St Kilda VIC 3182 Telepono (03) 9536 7777 Facsimile (03) 9536 7778 Libreng Tawag 1800 627 727

mgA SerbiSyong pAngkAbAtAAn At pAmpAmilyA

4�youth & Family Crisis accommodation Program (Programang nauukol sa akomodasyong Pangkrisis para sa Kabataan at Pamilya)4�youth & Family outreach Program

(Programang outreach para sa Kabataan at Pamilya)4�youth Private rental access Program

(Programang Pangkabataan ukol sa Pagkuha ng Pribadong mauupahang Tirahan)

youTH & FamILy CrISIS aCCommoDaTIon ProgramAng Youth & Family Crisis Accommodation Program ay isang pangkagipitang akomodasyong pasilidad na nagbibigay ng 24 na oras na suportadong akomodasyon para sa mga kabataan at mga magkapartner na nasa edad na 16 hanggang 25 taon at mga pamilyang na nasa hanggang sa edad na 25 taon.

Ang programa ay nagbibigay ng suporta para sa masinsinang pangangasiwa ng kaso at pagtataguyod upang tumulong sa mga kliyente sa paghanap ng naaangkop at naipagpapatuloy na pabahay. Layunin din ng programa na magbigay ng suporta sa kliyente sa mga usaping katulad ng pag-aabuso sa bawal na gamot, kalusugang pangkaisipan, kita, kasanayan sa pamumuhay, karahasang pantahanan at seksuwal at usaping pambatas.

Ang programa ay bukas 24 na oras sa isang araw sa bawat araw ng taon at lahat ng mga reperal para sa akomodasyon sa pasilidad ay ginagawa sa pamamagitan ng Crisis Contact Centre.

Para sa lahat ng mga reperal ukol sa akomodasyon tawagan ang Crisis Contact Centre sa (03) 9536 7777 o sa Libreng Tawag 1800 627 727

youTH & FamILy ouTreaCH ProgramAng Youth & Family Outreach Program ay isang serbisyo ng pabahay at suporta na nagbibigay ng akomodasyon, suporta at reperal para sa mga kabataang mayroon o walang anak na nasa edad na 16 – 25 taon na nagnanais na manirahan sa Panloob at Gitnang Katimugang rehiyon ng Melbourne.

Ang programa ay tumutulong sa mga kabataan na makakuha ng isang hanay ng mga mapagpipiliang akomodasyon kabilang ang pangkagipitan, transisyonal at pribadong paupahan at nagbibigay ng suporta sa mga kasanayan sa pamumuhay, pagbabadyet at pangangasiwa ng pinansya, mga isyung pangkalusugan, suporta sa pagbubuntis at mga kasanayan sa pagiging magulang at pagkakaroon ng access sa edukasyon, pagsasanay at pagtatrabaho.

youTH PrIVaTe renTaL aCCeSS ProgramMay isang Private Rental Access worker na maaaring tumulong sa mga kabataan upang makakuha ng ligtas na pribadong tirahang mauupahan.

Ang lokasyon at mga detalye ng pagkontak para sa youth & Family Services ay ang mga sumusunod -

4B Upton Road St Kilda VIC 3182 PO Box 2027 St Kilda VIC 3182 Telephone (03) 9536 7730 Facsimile (03) 9536 7731 Libreng Tawag 1800 627 727

BalaclavaStation

AlmaPark

Inkerman St

Alma Rd

Wellington St Dandenong Rd

Bar

kley

Str

eet

Pun

t R

oad

Acland St

RailwayStation

LunaPark

St KildaJunction

CityAlbertParkLake

St KildaHarbour

Pier

Beaconsfield PdeGrey St

Canterbury Rd

Aughtie Dve

Princess St

Carlisle St

Blessington st Town

Hall

TownHall

Jasp

er R

d

Stat

ion

St

South Rd

MoorabbinStation

Nepean H

wy

Arts Centre

Nepean H

wy

WE ARE HERE

WE ARE HERE

QUEENS ROAD

QUEENS WAYWELLINGTON ST

NELSON ST

ALBERT STREET

UPT

ON

RD

ROBE

RTSO

N A

V

CRIN

MEA

ST

GREY ST

LITTLE GREY ST

OCTAVIA ST

CHARNWOOD RD

CHARNWOOD CRES

ST KILDA RD

ST KILDA RD

BARKLY ST

PRINCES ST

ALMA RDDALGETY LA

DALGETY ST

JACKSON ST

BURNETT ST

GURNER ST

FITZROY ST

CANTERBURY RD

LAKESIDE D

R

PUN

T RD PEEL ST

Department of

Human Services

www.salvationarmy.org.au/crisisservices

29 & 31 Grey Street St Kilda VIC 3182

4B Upton Road St Kilda VIC 3182

Ang Salvation Army Crisis Services ay magkasamang pinondohan ng Victorian Department of Human Services, Commonwealth Department of Health & Family Services at sa pamamagitan ng mapagbigay na suporta ng pampublikong mga donasyon na ginagawa sa pamamagitan ng Salvation Army Red Shield Appeal at sa pamamagitan ng direktang mga programa.

Kinikilala din ng Crisis Services ang suporta ng marami pang pangkomunidad na mga organisasyon na nagbibigay ng patuloy na tulong sa pamamagitan ng ating mga samahang programa.

Para sa karagdagang impormasyon mangyari lamang na huwag mag-atubiling sumulat, pumunta o tumawag sa serbisyo anumang oras.

Naririto kami

Naririto kami

Page 4: Nakalaang tumulong sa mga taong nangangailangan sa loob ng

29 & 31 Grey Street, St Kilda VIC 3182

4B Upton Road, St Kilda VIC 3182

PO Box 2027, St Kilda VIC 3182

Libreng Tawag 1800 627 727

Department of

Human Services

www.salvationarmy.org.au/crisisservices

Filipino