10
NGAYÓNG BAGONG TAÓN

NGAYÓNG BAGONG TAÓN

  • Upload
    winka

  • View
    92

  • Download
    4

Embed Size (px)

DESCRIPTION

NGAYÓNG BAGONG TAÓN. “ Pagpasok ng taon ay magbabagong buhay.” Kay dalás marinig, mga tainga’y nasanay. Dapat patunayan na taimtím sa kalooban, Upang pahayág na ito’y pahalagahán. Kung hindi tutupdin, laway ay h’wag sayangin, Walang katuturán kahit ulit-ulitin. - PowerPoint PPT Presentation

Citation preview

Page 1: NGAYÓNG BAGONG TAÓN

NGAYÓNG BAGONG TAÓN

Page 2: NGAYÓNG BAGONG TAÓN

“Pagpasok ng taon ay magbabagong buhay.”Kay dalás marinig, mga tainga’y nasanay.Dapat patunayan na taimtím sa kalooban,

Upang pahayág na ito’y pahalagahán.

Page 3: NGAYÓNG BAGONG TAÓN

Kung hindi tutupdin, laway ay h’wag sayangin,Walang katuturán kahit ulit-ulitin.

Likás marahil sa tao itong mangakò,Kahit na ang kahihinatnán, malimit mapakò.

Page 4: NGAYÓNG BAGONG TAÓN

Kung paninindiga’y ipagwawalang bahalà,Hindi kagalang-galang sa matá ng kapwà.Tao daw na masalitâ ay kulang sa gawâ,Ang makiníg sa kanya ay nakakasawà.

x

Page 5: NGAYÓNG BAGONG TAÓN

Bawat isa sa atin, sa aking pananáw,May naghihintay na pagsubok sa araw-araw.

Ang sarili ay ihandâ sa pakikibaka,Nang sa gayo’y maiwasan ang madlang dusa.

Page 6: NGAYÓNG BAGONG TAÓN

Sulirani’y katunggaling ‘di dapat hanapin,Ngunit isang paghamong dapat na harapín.

Bigyan ng kalutasan, isip ang gamitin,Silakbo at dahas ay ‘di dapat paghariin.

Page 7: NGAYÓNG BAGONG TAÓN

Huwag baguhin ang hindi kayang ibahín,Hindi yata wasto ang iba’y laging gayahin.

Laging magpakatotoó sa iyong sarili,Nang hindi ka magsisi pagdating sa hulí.

Page 8: NGAYÓNG BAGONG TAÓN

May ‘sang bagay na dapat muling matutunan,Pagmamahal sa kapwa na tila nalimutan.

Puso’y halughugin, matapos itong buksan.Kahit sa ‘sang sulok, malasakit ay ilaan.

Page 9: NGAYÓNG BAGONG TAÓN

Higit sa lahat, sa Maykapal ay manalig,Pasasalamat o daing, Kanyang naririnig.

Tayo’y magsikhay nang makamit ang biyayà,Ating hinaharap sa Kanya ipaubayà.

Page 10: NGAYÓNG BAGONG TAÓN

HINDI ITO ANG WAKAS

ITO AY SIMULÂ LAMANG!

MANIGONG BAGONG TAÓN SA LAHÁT!

MANIGONG BAGONG TAÓN SA LAHÁT!