5
Oo Nga’t Pagong  Aralin 2

OO NGA'T PAGONG

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Filipino 6 Pagbasa

Citation preview

Page 1: OO NGA'T PAGONG

7/15/2019 OO NGA'T PAGONG

http://slidepdf.com/reader/full/oo-ngat-pagong 1/5

Oo Nga’t Pagong 

 Aralin 2

Page 2: OO NGA'T PAGONG

7/15/2019 OO NGA'T PAGONG

http://slidepdf.com/reader/full/oo-ngat-pagong 2/5

•  Alam kong batid mo na ang kwento ng pagong at matsing nanakapulot ng punong saging. Natapos ang kwento nangitapon ng hangal na matsing ang pagong sa ilog. Hindi ba'tmalaking kahangalan iyon? Pero hindi doon natapos ang

kwento. Ganito iyon.

Matagal-tagal ding hindi umahon ang pagong. Natatakot kasisiyang muling magkita sila ni matsing. Nang inaakala niyangmatagal nang panahon ang lumipas, naglakas-loob siyangumahon sa ilog at maglakad-lakad naman sa dalampasigan.

Nakarating si Pagong sa isang taniman ng mga sili.Marahang-marahang naglalakad si Pagong sa paligid ngtaniman. Natutuwang minamasdan ni Pagong ang mga punong sili na hitik na hitik sa bungang pulang-pula dahil sa

kahinugan. Wiling-wili siya sa panonood sa mga mapupulangsili at hindi niya namalayan ang paglapit ni matsing.

" Aha! Nahuli rin kita! Hindi ka na makaliligtas ngayon saakin," ang sabi ni Matsing sabay sunggab sa nagulat napagong. "Kung naloko mo ako noon, ngayon ay hindi na.Hinding hindi na," nanggigigil na sigaw ni Matsing.

Page 3: OO NGA'T PAGONG

7/15/2019 OO NGA'T PAGONG

http://slidepdf.com/reader/full/oo-ngat-pagong 3/5

• "Teka, teka, Ginoong Matsing, hindi ko kayo naiintindihan sa pinagsasasabi ninyo," ani Pagong.

" Ano? Hindi ba't ikaw ang pagong na nagtanim ng saging? Ikaw ang pagong na inihagis ko sa ilog?" sabi ni Matsing.

"Aba! Hindi po. Hindi ko po nalalaman iyon. At hindi ko rin kilalakung sino mang pagong iyong inihagis nyo sa ilog ," tugon niPagong.

"Hindi nga ba ikaw iyong damuhong pagong na iyon?" tanongni Matsing na pinakasipat-sipat ang hawak na pagong.

"Talaga pong hindi!" ani Pagong. "Matagal na po ako rito. Ang gawain ko po ay magbantay ng mga mapupulang bungang ito," dugtong pa ni Pagong.

"Bakit, ano ba ang mga mapupulang bungang iyan?" angtanong ni Matsing.

"A, e, ito po ay gamot sa mata ng lola ko. Inilalagay niya po ito

sa mata kapag kumakati. Pero hindi po kayo maaaring kumuhanito, para sa lola ko lamang ito," sabi ni Pagong.

Page 4: OO NGA'T PAGONG

7/15/2019 OO NGA'T PAGONG

http://slidepdf.com/reader/full/oo-ngat-pagong 4/5

• "Makati rin ang mata ko. At sa ayaw mo't sa gusto, kukuha akonito," ani Matsing at namitas agad ng maraming pulang sili. Piniganiya't niligis ang mga sili sa dalawang palad at kanya itong ipinahid sakanyang mga mata.

"Kra-kra-kra..." nagtatatarang na sigaw ni Matsing pagkat halosumusok ang dalawang mata nya sa hapdi at kirot. Mainit na mainit angmga mata niya. Kinapa-kapa ni Matsing si Pagong. Subalit wala na itoat nakalayo nang nagtatawa. Naisahan na naman ang hangal namatsing.

Maraming araw ding nangapa-ngapa ng mga bagay sa kanyangpaligid si Matsing. At si Pagong naman ay malayangnakapamamasyal.

Isang araw, nasa isang bakuran si Pagong. May handaan doon atnagkakatay ng baboy. Sa malapit sa kinalalagyan ni Pagong ay maymga taong nagpapakulo ng tubig sa isang malaking kawa. Tahimik na

nagmamasid-masid doon si Pagong. Nagulat siya. Bigla kasi siyangsinunggaban ni Matsing.

"Nahuli na naman kita. Niloko mo ako noon. Hinding hindi na kita paliligtasin ngayon," ang sabi ni Matsing. "Dahil sa iyo, matagal akong hindi nakakita."  

Page 5: OO NGA'T PAGONG

7/15/2019 OO NGA'T PAGONG

http://slidepdf.com/reader/full/oo-ngat-pagong 5/5

• "Ako po ang dahilan? Bakit po?" t anong ni Pagong.

"E, ano pa! Hindi ba't ikaw ang Pagong na kinunan ko ng sabi mo'y gamot sa mata ng lola mo? E iyon pala'y nakabubulag," ang sabi ni Matsing.

"Aba, naku! Hindi po. Ako po'y matagal na rito sa pwesto kong ito. Ako po'y nagbabantay ng kawang iyon na paliguan ng aking nanay," ang sabi niPagong. Itinuro kay matsing ang tubig na kumukulo sa kawa.

"Iyang tubig na iyan ang pampaligo ng nanay mo?" manghang tanong niMatsing.

"Opo! Pero sekreto po namin iyan. Huwag po ninyong sasabihin kahit kanino. Iyan po ang pampapula ng pisngi ng Nanay ko," paliwanag niPagong.

"Ibig ko ring pumula ang pisngi ko," sabi ni Matsing.

"Ay hindi po maaari ito para sa inyo. Talagang para sa nanay ko lamang poiyan," sabi ni Pagong.

"A, basta! Gusto ko ring pumula ang pisngi ko," sabi ng hangal na matsing attumakbong mabilis at lumundag sa loob ng kawa ng kumukulong tubig.

•  At doon natapos ang makulay na buhay ng hangal na matsing.