4
Sec. 8, Article 3 ng 1987 Constitution: Ang karapatan ng bawat mamamayan, kasama na ang mga nagtatrabaho sa pampubliko at pribadong sector na bumuo ng mga union, asosasyon, para sa mga adhikaing hindi kontra sa batas ay hindi maaring malimitahan. Sa kaso ng BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS vs. BPI EMPLOYEES UNION-DAVAO CHAPTER-FEDERATION OF UNIONS IN BPI UNIBANK, ang BPI ay mayroong tinatawag na “Close Shop Agreement” sa Union kung saan sinasabi doon na isang kondisyon na kelangan munang sumali ang mga bagong empleyado sa union bago sila maging iang regular na empleyado, at kung hindi, ay hindi sila maaring magpatuloy sa agtatrabaho sa nasabing bangko. At dahil nga angisang grupo ng mga bagong empleyado ay hindi nagawang sumali o maging myembro ng Unyon ay ito ang naging dahilan kung bakit inirekomenda ng nasabing Unyon ang kanilang pagkakatanggal sa trabaho. Ngunit, ayaw ng mimong pamunuan ng BPI na matanggal sa rabaho ang mga empleyadong ito ng dahil lamangsa hindi nila pagsali sa union. Nagkaron ng tinatawag na voluntary arbitration kung saan nanalo ang BPI, ngunit ng iapela ito sa Court of Appeals ay binaliktad nito ang nunang desisyon kaya umapela naman ang BPI sa Supreme Court. Ngunit kinatigan ng Korte Suprema ang naging desisyon ng CA. Na ang isang Closed Shop Agreement ay hindi lumalabag sa karapatan ng bawat mamamayan o empleyado na sumali sa isang organisasyon o sa karapatan ng mga empleyado sa seguridad ng kanilang trabaho o yung tinatawag nating security of tenure. Ang ating Gobyerno ay isinasaalang alang at pinoprotektahan ang karapatan ng mga mangagawa sa seguridad ng kanilang trabaho. Maari lamang matigil o pahintuin, tanggalin sa trabaho ang isang manggagawa sa isang justifiable at

Opinyong Legal Cases Labor

Embed Size (px)

DESCRIPTION

debate team

Citation preview

Page 1: Opinyong Legal Cases Labor

Sec. 8, Article 3 ng 1987 Constitution: Ang karapatan ng bawat mamamayan, kasama na ang mga

nagtatrabaho sa pampubliko at pribadong sector na bumuo ng mga union, asosasyon, para sa mga

adhikaing hindi kontra sa batas ay hindi maaring malimitahan.

Sa kaso ng BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS vs. BPI EMPLOYEES UNION-DAVAO

CHAPTER-FEDERATION OF UNIONS IN BPI UNIBANK, ang BPI ay mayroong tinatawag na “Close

Shop Agreement” sa Union kung saan sinasabi doon na isang kondisyon na kelangan munang sumali ang

mga bagong empleyado sa union bago sila maging iang regular na empleyado, at kung hindi, ay hindi sila

maaring magpatuloy sa agtatrabaho sa nasabing bangko. At dahil nga angisang grupo ng mga bagong

empleyado ay hindi nagawang sumali o maging myembro ng Unyon ay ito ang naging dahilan kung bakit

inirekomenda ng nasabing Unyon ang kanilang pagkakatanggal sa trabaho. Ngunit, ayaw ng mimong

pamunuan ng BPI na matanggal sa rabaho ang mga empleyadong ito ng dahil lamangsa hindi nila pagsali

sa union. Nagkaron ng tinatawag na voluntary arbitration kung saan nanalo ang BPI, ngunit ng iapela ito

sa Court of Appeals ay binaliktad nito ang nunang desisyon kaya umapela naman ang BPI sa Supreme

Court.

Ngunit kinatigan ng Korte Suprema ang naging desisyon ng CA. Na ang isang Closed Shop

Agreement ay hindi lumalabag sa karapatan ng bawat mamamayan o empleyado na sumali sa isang

organisasyon o sa karapatan ng mga empleyado sa seguridad ng kanilang trabaho o yung tinatawag nating

security of tenure. Ang ating Gobyerno ay isinasaalang alang at pinoprotektahan ang karapatan ng mga

mangagawa sa seguridad ng kanilang trabaho. Maari lamang matigil o pahintuin, tanggalin sa trabaho ang

isang manggagawa sa isang justifiable at valid na dahilan. Sa kasong ito, ang pagkakaroon ng isang

Closed Shop Agreement sa pagitan ng BPI at BPI Union ay nararapat lamang respetuhin. At ang hindi

pagsali ng isang manggawa sa nasabing union ay isang balidong dahilan para sa BPI na tanggalin sa

trabaho ang nasabing empleyado, at nararapat lamang na respetuhin ng BPI ang mga nakasaad sa

kanilang Collective Barganing Agreement. Kung ating titingnan sa ika ngay hierarchy of labor rights o

ung pagkakasunod sunod ng krapatan ayon sa importansya, mas mattas ang posisiyon o masasabi nating

mas mahalaga ung unionism kesa sa security of tenure.Kung hindi natin poprotektahan yung pinirmahang

Closed Shop Agreement nay un ay malamang malagay sa alanganin yung mga manggawa at maaring

gamitin ito ng management ng kompanya laban sa kanila.

Sa isa pang kaso na dinisisyunan ng Supreme Court, ANG UNITED PEPSI COLA

SUPERVISORY UNION VS LAGUESMA, pinagtalunan ditto ang karapatan ng mga managerial

employees na sumali o bumuo ng isang union. Sabi kase sa Art. 245 ng Labor Code, “ ang mga

managerial employees ay hindi maaring sumali o bumuo ng isang union. Ngayon, kinukwestyon ng mga

Page 2: Opinyong Legal Cases Labor

petitioner o ng union ang constitutionality ng probisyong ito at sinasabing lag daw ito sa karapatan nila

bilang isang manggawa na makisali sa mga organisasayon. Ngunit sabi ng Supreme Court, ang Article

245 daw na ito ay isang valid at legal na probisyon dahil ang karapatang iginawad n gating konstitusyon

para sa mga tao at manggagawa ay batay pa rin sa kondisyon na dapat ito ay hindi contrary to law. Sa

kasong ito, ang paglilimita sa karapatan ng mga tinatawag nating managerial employees ay may isang

rational basis na sa akin naming palagay ay tama. Dahil nga naman ang isang managerial employee ay

parte na rin ng management mismo ng kumpanya. So kung sasali pa sila sa union ng mga manggawa ay

magkakaroon na tayo ng tinatawag na conflict of interest. Hindi magiging sigurado ang union sa

katapatan ng mga managerial employees na ito if ever magkaroon ng problema sa pagitan ng management

at ng union. Mahirap ang sitwasyong iyon kase tiwala ang nakasalalay. Isa pa, baka naman pag pinayagan

natin na sumai sila ay maging company dominated ang union since ang mga managerial employees ngang

ito ay may mataas nang posisyon so possible na sila din ang mga may boses sa union.

At isa pa ito sa isang mahalagang nagging desisyon ng Hukuman na sa aking palagay ay marami

ang hindi nakakaalam.Ito ay ang kaso ng OCCEÑA VS COMELEC. Alam niyo po ba na ipinagbabawal

ng batas ang kahit sinong kandidato sa isang barangay election ang kumatawan o hayaang siya ay

irepresenta bilang isang kandidato ng kahit anong political party at ipinagbabawal din ang kahit anong

political party, grupo o komite na magbigay ng tulong o suporta, directly man o indirectly, material o

hindi, na papabor para sa o laban sa kampanya ng isang barangay candidate.

Ngunit hindi ba ito labag sa ating pinagtatalakayang karapatan ditto na bumuo ng mga

asosasyon?

Hindi ito labag sa karapatang iyon since ang righto associate naman ay hindi absolute o my mga

exceptions na binibigay ang batas. Tulad nga ng kasong yan ng mga kakandidato sa barangay elections.

Ang intension lamang ngbatas na ito ay ay ang pigilan ang kahit anong peligro o panganib ng

pagpapahina ng ating electoral process. At isa pa, ang barangay officials, inatasan yan na maging neutral

o walang pnapanigan since sila mismo ang kumakatawan sa taong bayan. Dapat ang pinakaunang

isinasaalang alang ditto ay yung kapakanan ng mga mamamayan at hindi ung mga partido nay an.