15
Paghubog ng Konsensiya Ikaapat na Pangkat – Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Paghubog Ng Konsensiya

Embed Size (px)

DESCRIPTION

EsP 10

Citation preview

Paghubog ng Konsensiya💡Ikaapat na Pangkat – Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Bakit mahalaga ang paghubog ng konsensiya?

Una• Nakatutulong ito sa

tao na makilala ang katotohanan na kailangan niya upang magamit ng mapanagutan ang kaniyang kalayaan.

Ikalawa • Nag-uugat sa

pagnanais ng tao na paunlarin ang kaniyang kaalaman ukol sa katotohanan at ang kaakibat nitong pagnanais na gawin ang mabuti.

Paano nga ba mahuhubog ang konsensiya ng tao upang kumiling sa mabuti?

1. Matapat at masunuring isagawa ang paghahanap at paggalang sa katotohanan.

Simulan ang paghubog ng konsensiya sa pamamagitan ng pag-unawa na ang katotohanan ay nangangahulugan ng pag-unawa sa mga bagay na umiiral.

Mahalaga ang pagtutugma ng sinasabi o iniisip ng tao tungkol sa isang bagay at sa kung ano ang tunay na layon ng pag-iral nito.

Kung talagang nais na mahubog ang konsensiya, kailangang mangibabaw ang layuning gawin ang mabuti at piliin ang katotohanan sa lahat ng pagkakataon.

Hinuhubog natin ang ating konsensiya kapag kumikilos tayo nang may pananagutan.

Maipakikita ang pananagutan sa kilos ng tao kung gagawin niya ang sumusunod:

a) Kilalanin at pagnilayan ang mga tunay na pagpapahalagang moral na sangkot sa isang kilos. Tinitimbang ng mga mapanagutang tao ang mga katotohanan bago kumilos sa halip na sinusunod lamang ang sariling kapritso at maling palagay.

b) Suriin ang mga sariling hangarin upang matiyak na kumikilos mula sa mga mabuting layunin at hindi mula sa makasariling interes.

c) Unawain at pagnilayan ang mga karanasan at hamon ng buhay. Kung sapat ang panahon na inilalaan ng isang kabataan sa pagninilay sa mga bagay na nagawa niya sa bawat araw, mas magiging mulat siya sa kaniyang mga pagkukulang o pagmamalabis.

d) Alamin at unawain ang mga talakayan tungkol sa mga napapanahong isyung moral at mga implikasyong panlipunan ng mga ito. Mahalagang kilalanin ang mga pagpapahalagang nilabag ng mga ito.

2. Naglalaan ng panahon para sa regular na panalangin.

▪ Hinuhubog natin ang konsensiya kapag nagdarasal tayo.

– Ang regular na pakikipag-ugnayan sa Diyos sa takdang oras sa bawat araw ng nakatutulong sa pagpapanatag ng kalooban, paglinaw ng pagiisip, at kapayapaan ng puso.

– Matutukoy ito sa pagtataya ng kabutihan o kasamaan ng kilos dahil panatag tayo na ang ating konsensiya ay ginabayan ng panalangin.

Kapag pinag-uusapan ang konsensiya, pinag-uusapan din ang pagbubukas ng kalooban sa pag-unlad ng pananampalataya at espiritwalidad.

▪ Masasabing may kinalaman ang paghubog ng konsensiya sa pag-unlad ng buong pagkatao tungo sa pagiging personalidad. [Sapagkat] umuunlad ang

ating konsensiya kasabay ng pag-unlad ng sarili, ang ating buhay bilang mananampalataya ay sangkot sa buong proseso.

Isang mahalagang hakbang sa pagkilala ng ating sarili ang kamalayan sa dahan-dahang proseso ng paghubog ng konsensiya na nagaganap mula pa noong bata pa tayo hanggang sa kasalukuyan (Lipio, 2004 ph. 58). Katulad ng iba pang mga kakayahan ng tao, dahan-dahan din ang proseso ng paghubog ng konsensiya ng tao. Mahalagang matalakay ang iba’t ibang antas nito.

Makatutulong kung susundin ang mga hakbang ayon kay Sr. Felicidad Lipio (2004, ph 55-58)

Maraming salamat sa

pakikinig!😉