62
Modyul 6: ANG KAUGNAYAN NG KONSENSIYA SA LIKAS NA BATAS MORAL Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Ikalawang Markahan

G7 modyul 6 ang kaugnayan ng konsensiya ayon sa likas na batas moral

Embed Size (px)

Citation preview

Modyul 6: ANG KAUGNAYAN NG

KONSENSIYA SA LIKAS NA BATAS MORAL

Edukasyon sa Pagpapakatao 7Ikalawang Markahan

A. Ano ang inaasahang maipamamalas mo?Bahagi ng buhay ng tao ang gumawa ng pasiya araw-araw. Mula paggising sa umaga magsisimula na ang maghapong pagpapasiya.

A. Ano ang inaasahang maipamamalas mo?Magkagayunman, sa pagpipili o paghuhusgang ginagawa ng tao, may kailangan siyang pag-ukulan ng pansin, Ito ay ang pagpili sa pagitan ng tama at mali na kaniyang gagawin.

A. Ano ang inaasahang maipamamalas mo?Paano nga ba nasasabing tama ang isang kilos samantalang mali ang isa?Paano mo ito makikilala? Higit sa lahat, paano mo ito pipiliing gawin?

A. Ano ang inaasahang maipamamalas mo?Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:a. Natutukoy na ang Likas na Batas Moral ay natatangi sa tao dahil ang pagtungo sa kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama

A. Ano ang inaasahang maipamamalas mo?b. Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moralc. Nahihinuha na nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa kongkretong situwasyon batay sa sinasabi ng konsensiya. Ito ang Likas na Batas Moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao

A. Ano ang inaasahang maipamamalas mo?d. Nakabubuo ng mga hakbang upang mapaunlad ang mga pasya at kilos naginagawa araw-araw

Sagutan ang Paunang Pagtataya pp 138-140 ng Modyul sa EsP 7. (7 minuto)

B. Pagtuklas ng Dating kaalamanPanuto: Tuklasin mo ang paraan ng iyong gagawing pagpipili sasituwasyong ito. Pag-aralan ang case study sa ibaba. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay nahaharap sa ganitong situwasyon? Piliin ang iyong gagawin sa apat na pagpipilian at sagutin ang mga tanong pagkatapos. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Sa apat na pagpipiliang gagawin, tukuyin mo kung ito ay tama o mali. Pangatuwiranan ang iyong naging sagot, isulat ito sa espasyo para sa paliwanag. Gawing gabay ang ilustrasyon sa ibaba.

B. Pagtuklas ng Dating kaalaman

Matapos ang gawain, sagutin mo ang mga sumusunod na tanong na ito sa iyongkuwaderno :1. Alin sa apat na sitwasyon ang sinagutan mong tama? Bakit mo nasabing ito ay tama?

2. Alin sa mga ito ang may sagot kang mali? Bakit mo nasabing ito ay mali?

B. Pagtuklas ng Dating kaalaman

3. Paano mo nalaman ang tama o mali sa situwasyong ito?

B. Pagtuklas ng Dating kaalaman

Araw-araw gumagawa ka ng maraming pagpapasya mula paggising mo sa umaga. Ang ilan sa mga desisyong ito ay pangkaraniwan lamang tulad ng damit na isusuot o kulay ng sapatos na gagamitin, subalit may mga desisyong nakasalalay ang iyong pagkatao at nakaaapekto sa iyong kapwa. Kaya’t nangangailangan ito ng malalim na pag-iisip.

Muling balikan ang situwasyon at ang apat na pagpipilian sa ilustrasyon sa itaas, ano ang iyong gagawin kung ikaw ang nasa ganitong kalagayan? Alin sa apat na kilos ang iyong pipiliing gawin? Ipaliwanag.

B. Pagtuklas ng Dating kaalaman

Kung ako ang nasa kalagayan ng mag-aaral na nakakita ng pitakang naglalaman ng pera ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

B. Pagtuklas ng Dating kaalaman

Ano ang nakatulong sa iyo sa paggawa ng desisyong ito?________________________________________________________________________________________________________________Ano ang pinagbatayan mo para sabihing tama o mali ang isang kilos?________________________________________________________________________________________________________________

B. Pagtuklas ng Dating kaalaman

Marahil naririnig mo ang payo na, “Gawin mong gabay ang iyong konsensya”, sa tuwing nahaharap ka sa isang mahalagang pagpapasya. Maramingpaniniwala ang nakakabit sa salitang ito, gayundin ang iba’t ibang pakahulugan dito.Ikaw, ano ang pakahulugan mo sa salitang ito?

C. Paglinang ng mga kaalaman, kakayahan at Pag-unawa

Isulat mo sa mga kahon sa ibaba ang mga salitang nagbibigay kahulugan sa salitang konsensiya. Gabay mo ang halimbawa sa ibaba.

C. Paglinang ng mga kaalaman, kakayahan at Pag-unawa

C. Paglinang ng mga kaalaman, kakayahan at Pag-unawa

Maghanap ng isang kaibigan, pinsan o kaya’y kapatid na nakauunawa na tungkol sa konsensiya. Gawin ninyo ang Think-Pair-Share. Ito ay angpagpili ng kapareha upang magbahaginan ng sariling karanasan, insidente o pangyayari kung saan naranasan ninyo ang gawain ng konsensiya sainyong buhay.

C. Paglinang ng mga kaalaman, kakayahan at Pag-unawa

Magpalitan ng pagbabahagi ng pangyayari. Pagkatapos nito, sagutin ang mga tanong sa iyong dyornal, gamit ang pormat sa ibaba.

C. Paglinang ng mga kaalaman, kakayahan at Pag-unawa

Mga Tanong:1. Saan nagmula ang pananaw mo ukol sa konsensiya?2. Batay sa naging karanasan, ano ang natuklasan mo tungkol sa konsensiya?3. Paano ka nagabayan ng konsensiya sa mga pasya at kilos mo?4. Mabisa bang gabay ang konsensiyang taglay mo? Patunayan.

C. Paglinang ng mga kaalaman, kakayahan at Pag-unawa

C. Paglinang ng mga kaalaman, kakayahan at Pag-unawa

Noong ikaw ay bata pa, ang pagpapasiya ay ginagawa ng iyong mga magulang para sa iyo. Sa pagdagdag ng iyong edad at kamalayan, ikaw na ang gumagawa ng pagpapasiyang ito para sa iyong sarili. Sa bahaging ito, subukin mong gumawa ng sariling pagpapasya.

C. Paglinang ng mga kaalaman, kakayahan at Pag-unawa

Pag-aralan ang sumusunod na situwasyon at gumawa ng sariling pagpapasiya. Isulat ang iyong pasiya at paliwanag kaugnay nito, sa iyongkuwaderno.

C. Paglinang ng mga kaalaman, kakayahan at Pag-unawa

C. Paglinang ng mga kaalaman, kakayahan at Pag-unawa

C. Paglinang ng mga kaalaman, kakayahan at Pag-unawa

Pag-isipan at sagutin mo ang tanong na ito:1. Saan ibinabatay ng iyong konsensiya ang kaniyang paghuhusga kung tama o mali ang isang kilos?2. Paano ka nakasisigurong tama ang paghuhusga nito?

C. Paglinang ng mga kaalaman, kakayahan at Pag-unawa

Malaki ang papel na ginagampanan ng iyong konsensiya sa buhay mo. Dito nakasalalay ang paghubog ng iyong pagkatao dahil ito ang humuhusga sa kilos na iyong pinipiling gawin. Kung ang kilos mo ay nakadepende sa paghusga ng konsensiya, saan nakadepende ang konsensiya sa paghuhusga nito?Kawili-wiling malaman ang sagot sa tanong na ito. Tunghayan sa susunod na bahagi ng modyul na ito.

C. Paglinang ng mga kaalaman, kakayahan at Pag-unawa

ANG KAUGNAYAN NG KONSENSIYA SA

LIKAS NA BATAS MORAL

D. Pagpapalalim

Naaalala mo pa ba noong ikaw ay bata pa? Ano ang sinasabi ng iyong ama at ina, o ng iyong lolo at lola sa tuwing gumagawa ka ng mabuti o ng masama? Ayon sa kanila, may dalawang katauhan sa iyong tabi, isa sa iyong kanan at isa sa kaliwa.

D. Pagpapalalim

Pareho silang nagsisikap na impluwensyahan ka na pumili sa mabuti o masama na dapat mong gawin sa isang sitwasyon.

Ayon sa kanila, kapag pinili mo ang mabuti,sinusunod mo ang katauhan na nasa iyong kanan. Kapag pinili mo ang masama, sinusunod mo ang katauhan na nasa iyong kaliwa.

D. Pagpapalalim

Ngayon naman, marahil naririnig mo ang mga katagang: “Malinis ang konsensiya ko” o kaya naman “Hindi maatim ng aking konsensiya…”

D. Pagpapalalim

KONSENSIYA

D. Pagpapalalim

Ano nga ba ang konsensya?

Ang tao ay biniyayaan ng kakayahan na kumilala ng mabuti o masama. Ang kakayahang ito ay tinatawag na konsensiya. Ang salitang konsensiya ay mula sa salitang Latin na cum ibig sabihin ay “with” o mayroon at scientia, na ibig sabihin ay “knowledge” o kaalaman.

D. Pagpapalalim

Samakatuwid, ang konsensiya ay nangangahulugang “with knowledge” o mayroong kaalaman. Ipinahihiwatig nito ang kaugnayan ng kaalaman sa isang bagay; sapagkat naipakikita ang paglalapat ng kaalaman sa pamamagitan ng kilosna ginawa.

D. Pagpapalalim

Ang paglalapat ng kaalaman ay maaaring magawa sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan, ayon kay Santo Tomas de Aquino:a. Sa tulong ng konsensiya, nakikilala ng tao na may bagay siyang ginawa o hindi ginawa. Ang konsensiya ay tumatayong testigo sa pagkakataong ito sapagkat nagpapatunay ito sa kilos na ginawa o hindi ginawa ng tao.

D. Pagpapalalim

b. Sa pamamagitan ng konsensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat sana’y isinagawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isinagawa subalit ginawa. Ang konsensiya sa sitwasyong ito ay pumupukaw sa tao upang magpaalala ng dapat at hindi dapat gawin.

D. Pagpapalalim

c. Gamit ang konsensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali.

D. Pagpapalalim

Sa kalagayang ito, ang konsensya ay mararamdamang nagpapahintulot, nagpaparatang o maaaring nagpapahirap sa tao. Ang konsensya ang bumabagabag sa tao kapag gumawa siya ng masama. Ito ang tinutukoy ng katagang “hindi akomatahimik, inuusig ako ng aking konsensya”.

D. Pagpapalalim

Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng tama o mali.

Paano nga ba nalalaman ng konsensiya ang tama at mali? Ibinabatay ng konsensiya ang pagsukat o paghusga sa kilos sa obhetibong pamantayan ng Likas na Batas Moral.

D. Pagpapalalim

Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Ito ay sa dahilang nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang tao ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama.

D. Pagpapalalim

Dahil sa kalayaan, ang tao ay may kakayahang gumawa ng mabuti o masama. Nakaugat ito sa kanyang malayang kilos-loob dahil ang pagtungo sa kabutihan o sa kasamaan ay may kamalayan at kalayaan.

D. Pagpapalalim

Hindi kailangan ng isang tao na pumasok sa paaralan upang matutuhan o malaman ang batas na ito. Nakaukit ito sa pagkatao ng isang indibiduwal kaya’t ang unang prinsipyo nito ay: Likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama.

D. Pagpapalalim

Ang tao ang natatanging nilalang na nararapat tumanggap ng batas mula sa Diyos. Ito ay dahil kailangan niyang pamahalaan ang kanyang kilos sapamamagitan ng tamang paggamit ng kanyang kalayaan at kilos-loob.

D. Pagpapalalim

Ang Likas na Batas Moral ay likas sa tao dahil sa kanyang kalayaan. Kaya’t ang walang kalayaan ay di sakop ng batas na ito. Nakasaad sa batas na ito ang dapat gawin at di dapat gawin ng tao; kaya’t ito ang gumagabay sa kilos ng tao.

D. Pagpapalalim

Layon ng batas-moral na pagkalooban ang tao ng kinakailangang batayan upang makagawa siya ng tamang pasya at kilos. Higit sa lahat, layunin ng batas na ito ang kabutihan ng tao.

D. Pagpapalalim

Narito ang mga Katangian ng Likas na Batas Moral:a. Obhetibo – Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan. Ito ay nagmula sa mismong katotohanan – ang Diyos. Ang katotohanan ay hindi nililikha; kaya hindi ito imbensyon ng tao. Ito ay natutuklasan lamang ng tao. Pangkalahatang katotohanan ito na may makatuwirang pundasyon. Naaayon sa reyalidad ito at hindi nakabatay sa tao. Hindi ito naiimpluwensyahan ng anumang bagay lalo na ng pagtingin ng tao dito. Palagi itong umiiral dahil hindi ito naaapektuhan, kilalanin man ito ng tao o hindi.

D. Pagpapalalim

b. Pangkalahatan (Unibersal) – Dahil ang Likas na Batas Moral ay para sa tao, sinasaklaw nito ang lahat ng tao. Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay dahil nakaukit ito sa kalikasan ng tao; kaya’t ito ay nauunawaan ng lahat at ito ay katanggaptanggap sa lahat ng tao.

D. Pagpapalalim

c. Walang Hanggan (Eternal) – Ito ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas na ito ay walang hanggan, walang katapusan at walang kamatayan dahil ito ay permanente. Ang kalikasan ng tao ay permanente kaya’t ang batas na sumasaklaw sa kanya ay permanente rin. Ito ay totoo kahit saan at kahit kailan.

D. Pagpapalalim

d. Di-nagbabago (Immutable) – Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man). Maging ang layon ng tao sa mundo ay hindi nagbabago. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura, ang Likas na Batas Moral ang nagbibigkis sa lahat ng tao. Ito rin ang nagpapatupad ng iisang alituntunin para sa lahat.

D. Pagpapalalim

Ayon kay Lipio, binibigyang direksiyon ng batas-moral ang pamumuhay ng tao. Sinusunod niya ang batas-moral upang magawa ang mabuti, magkaroon ng paggalang sa kapwa at makipagtulungan sa mga taong binigyan ng kapangyarihang pangalagaan ang kapakanan ng lahat.

D. Pagpapalalim

Ang konsensiya ay ang personal na pamantayang moral ng tao. Ito ang kakayahang isagawa angmga malalawak na pangkalahatang batas-moral sa pamamagitan ng sariling kilos.Ito ang ginagamit sa pagpapasiya kung ano ang tama at kung ano ang mali sa kasalukuyang pagkakataon.

D. Pagpapalalim

Kailangan lagi ang isang paghatol sa pagsasagawa ng isang pamantayan o pagtupad sa batas moral at dito kailangan ang konsensiya. Subali’t, kung ang paghatol ay hindi naaayon sa Likas na Batas Moral, ang konsensiya ay maaari pa ring magkamali.

D. Pagpapalalim

Uri ng Konsensya1. Tama. Ang paghusga ng konsensya ay tama kung lahat ng kaisipan at dahilan na kakailanganin sa paglapat ng obhektibong pamantayan ay naisakatuparan nang walang pagkakamali. Tama ang konsensya kung hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at bilang mali ang mali (Agapay, ).

D. Pagpapalalim

2. Mali. Ang paghusga ng konsensya ay nagkakamali kapag ito ay nakabatay sa mga maling prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan. Ayon pa rin kay Agapay, mali ang konsensya kung hinuhusgahan nito ang mali bilang tama at ng tama ang mali.

D. Pagpapalalim

Sa pamamagitan ng tamang uri ng konsensiya kung gayon, naisasagawa ang pangkalahatang pamantayang moral sa pang-araw-araw na buhay. Ito ang personal na pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang iniisip, salita at gawa ayon saLikas na Batas Moral na siya namang batayan upang malaman ang mabuti at masama sa natatanging situwasyon.

D. Pagpapalalim

Taliwas sa komersiyal ng sabon o sa katauhan nanasa kanan at kaliwang bahagi ng tao, ang paghuhusga ng konsensiya ay hindi nagmumula sa labas ng tao. Ang tao mismo ang naghuhusga ng mabuti o masama na kaniyang gagawin gamit ang kaniyang konsensya.

D. Pagpapalalim

Kung patuloy na babalewalain ng tao ang kaniyang konsensya, darating ang pagkakataon na ito ay magiging manhid sa pagkilala ng tama. Epekto nito, ang tao ay maaaring maging katulad ng hayop sa kanyang pagpasya at pagkilos.

D. Pagpapalalim

Tayahin natin ang iyong pag-unawaAno ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:a. Saan dapat ibatay ng tao ang kanyang gagawing pagpapasya at pagkilos? Pangatwiranan?

D. Pagpapalalim

b. Bakit natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral?c. Saan dapat nakabatay ang pagkahubog ng konsensya? Ipaliwanag.d. Paano nauugnay ang Likas na Batas Moral sa konsensya ng tao?e. May tao bang walang konsensya? Ipaliwanag ang ibig sabihin nito?

D. Pagpapalalim

Anong konsepto ang naunawaan mo mula sa babasahin. Sagutin ito sa iyong kuwaderno gamit ang graphic organizer.

D. Pagpapalalim

LIKASNA

BATASMORAL

KONSENSIYA

GAWIN ANG MABUTI

IWASAN ANG MASAMA

KA

MA

LAYA

N

KA

LAYA

AN

Punan ang kahon ng mabuting kilos

na dapat mong gawin

Punan ang kahon ng masamang kilos na dapat mong iwasan