Pagiging Transparent Sa Isyu Ng DAP Hiniling

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Political SciencePagiging Transparent Sa Isyu Ng DAP Hinilingnot mineDAP

Citation preview

Pagiging transparent sa isyu ng DAP hinilingNANAWAGANna si Vice President Jejomar Binay sa Malakanyang na maging transparent at ilantad sa publiko na ang mga proyektong pinondohan ng Disbursement Acceleration Program (DAP).Ginawa ni VP Binay ang pahayag sa kanyang pagharap sa Rotary Club of Manila at binigyang-diin nito na magandang simula ito para sa administrasyon upang patunayan na ginamit ang pondo in good faith.Bilang abogado, sinabi ni Binay na dapat itong gawin ng gobyerno bilang tugon sa mga argumentong inilahad ng Korte Suprema makaraang ihayag nitong unconstitutional ang DAP.Kasabay nito, suportado rin ni Binay ang paglikha ng independent audit para sa DAP funds na ipinanawagan ng ilang mga grupo.

Pagmamatigas ng pamahalaang Aquino sa isyu ng DAP, posibleng lumikha ng constitutional crisis political analyst

MANILA, Philippines Constitutional crisis ang posibleng malikha kung patuloy na nagmamatigas ang Malakaang na legal ang Disbursement Acceleration Program o DAP.Inihayag ng pangulo sa kanyang televised speech noong Lunes na maghahain siya ng motion for reconsideration sa desisyion ng Supreme Court na unconstitutional ang DAP.Sinabi ng political analyst na si Professor Ramon Casiple, tila malabo nang mabaligtad pa ng Supreme Court ang 13-0 decision tungkol sa DAP.Ayon kay Casiple, malaking kwestyon ngayon kung anong mga susunod na hakbang na gagawin ng executive branch.Hindi pa crisis yung ngayon, pero what if in-assert ng Supreme Court yan and then hindi sinunod? Puro masama na ang scenario after that. Pwede niyang i-allegate ang Supreme Court, ibagsak niya. Pwede siyang mag-martial law, pwede niyang i-impeach. Yung ganung frame na matigas na position, pupunta sa ganung scenario.Ayon kay Casiple, karaniwan nang legislative ang nakakabangga ng executive branch samantalang nagsisilbing arbiter ang judiciary. Sa pagkakataong ito, tila imposibleng mamagitan ang kongreso sa banggaan ng ehekutibo at hudikatura lalot ang isyu ay paggamit ng pondo.Hindi ito ang unang pagtatanggol ng presidente sa DAP.Unang ipinagtanggol ng pangulo ang DAP noong isang taon matapos na ibunyag ito ni Senator Jinggoy Estrada sa kanyang privilege speech.May hinahanap sana akong bago eh mukhang wala. In fact, nadiin pa lalo yung matigas na position ng executive versus Supreme Court. I hope hindi mapunta doon. In fact, the president warns against it kaya lang ang context niya eh iatras ninyo na para hindi tayo pupunta sa situation sa standoff. May problema tayo rito na wala nang ibang mag-referee kasi nga kinuwestyon nang executive ang Supreme Court mismo.Upang huwag lumala ang sitwasyon, tanging pag-atras at pag-respeto sa desisyon ng Korte Suprema ang nakikitang paraan ni Casiple.Based on the principle ng ating demokrasya, ibig sabihin, respetuhin dapat ni President Aquino yung desisyon at take the lessons. Mag-appologize kung ano man ang kinakailangan. Magtanggal ng tao kung kinakailangan pero lets go on our lives.(Pong Mercado, UNTV News)