Upload
ramel-onate
View
150
Download
2
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Filipino
Citation preview
Paglalahad ng K+12
Ang mga dapat isipin ay kung paanong makapaglilingkod ang
kasalukuyang kurikulum sa pinahabàng mga taon ng pag-aaral sa
batayang edukasyon, alinsunod sa implemintasyon sa +6 sa
Elementarya, +4 sa Junior High, at +2 sa Senior High. Kasabay nito
ang pagpapayaman sa nilalaman ng kasalukuyang kurikulum mula sa
Kinder hanggang sa ika-12 antas. Kailangan ang pagpapayaman at
pagbabago sa nilalaman dahil lubhang mababà ang inaasahang antas
ng pagkatuto ng kasalukuyang kurikulum mula Grade 1.
Nangangahulugan din ito ng dagdag na mithiin para sa buong
kurikulum at kaugnay na dagdag na gawain para sa paglinang ng
inaasahang mga kaalaman, kasanayan, at kahalagahan (values).
Nangangahulugan din ito ng wastong pagdudulot ng gawain;
halimbawa, sa paglinang ng wika at ng panitikan na angkop sa bawat
taon mula Kinder hanggang ika-12 antas.
Ang ibig sabihin, kailangang nauuna ang pinakamahalaga (ang
core ideas o core tasks), tungo sa mahalagang malaman at gawin,
tungo sa mainam din namang matutuhan. Sa ganitong paraan ay
laging natitiyak na binibigyan ng higit na panahon sa klase, sa teksbuk,
sa mga ehersisyo, sa pagpaplano at pagtatása, ang pinakamahalaga at
idinadagdag lámang na pampayaman ng karanasan ang mga bagay na
mainam din namang matutuhan ng mga mag-aaral.
Panitikan ang tawag natin sa lahat ng uri ng nakasulat man ito, o
binibigkas o kaya kahit ipinahihiwatig lang ng aksyon ngunit may
takdang anyo o porma katulad ng tula, maikling kwento, dula, nobela
at sanaysay. Nakikilala natin na ang isang pahayag ay may
katangiang pampanitikan kapag ito ay may anyo at gumagamit ng
wikang sinadyang bigyang-anyo bilang pahayag.
Ang totoo, lahat ng panitikan magmula pa sa sinaunang panahon
hanggang ngayon ay mauugat pa sa paggamit ng wika. Nang
matutong magsalita ang tao at buuin niya ang karanasan sa bisa ng
pagbigkas at pagsulat, nagkaroon ng panitikan. Nang likumin ng tao
ang kanyang mga gunita at nagkaroon ng sistematikong paraan ng
pagsulat at pagbasa, nakalikha ng mga teksto. Sa pag-unlad ng
teknolohiya ng komunikasyon, nagawang maiparating sa iba ang
ganitong mga teksto. Ang imbensyon ng panitikan sa gayon, ay
kaakibat ng pagpapalaganap at pag-unlad ng wika o, ng kahit
anumang wika.
Malinaw na nasasaad ang pagpapahalaga sa sining at panitikan
na siyang nasasalamin sa kasaysayan natin. Dito nababakas ang
kahapon at ngayon. Nakikita natin ang ating mga pangarap,
tagumpay at pagkabigo. Ang lahat ng mga ito ang bumubuo sa
malikhaing kaisipan ng mga manunulat na gawa ng ma elektronikong
pagpapahayag. Mga akdang naglalahad ng kagandahan ng kapaligiran
na magsisilbing inspirasyon ng mga ninuno nating Pilipino.
Maliwanag na sa pagkalinang ng wika na napapaloob sa ating
mga panitikan, isa sa mga sangay nito. Ang pagpapahalaga sa ating
mga akdang Filipino na mas higit na mabibigyang diin at malilinang
ang kasanayang pagbasa at pagsulat dahil sa malayang
pagpapahayag ng sariling wika ayon sa itinatadhana ng batas na
maging puspusan ang paggamit ng Filipino bilang midyum at opisyal
na komunikasyon at bilang wikang pampagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon, lalong mabibigyan tuon ang paggamit ng malikhaing
kaisipan ng mga kabataan sapagkat tunay na napakahalaga ng wika sa
karunungang pantao.
Ang Filipino ay isang sangay ng pag-aaral para maging
dalubhasa sa wika (fluency in language) — sa wikang Filipino. Sa
gayon, pinakamahalagang layunin ng asignatura ang pagdudulot ng
mga gawain upang humusay sa paggamit ng wikang Filipino ang isang
bata. Ngunit alinsunod sa pangkalahatang layunin ng edukasyon sa
Pilipinas, kailangang magamit niya ang naturang kahusayan upang
maging mabuti’t kapakipakinabang na mamamayan. Ipagmamalaki
niya at patuloy na paghuhusayin ang paggamit ng wikang Filipino
hanggang pagkatapos ng pag-aaral. Pipiliin niyang magsaliksik,
maging malikhain, at mabuhay sa pamamagitan ng wikang Filipino.
Layunin nito na malinang ng mga bata ang mga kawil-wiling
mga pagkatuto at maikintal ang kahalagahang pang-ispiritwal,
pananagutan sa tahanan at sambayanan, magkaroon ng pambansang
kamalayan at kaisahan, sa karunungang pangkalusugan, at maging
kasangkapan para sa pagpapatuloy ng pag-aaral gayon din ang
pagkakamit ng kaalamang angkop sa katayuan ng buhay. Bukod pa
roon mapupukaw ang kawilihan ng mga mag-aaral at kabataan sa
paglikha ng mga bagay na makakatulong na maunawaan ang mga
sining na may kaugnayan sa akda batay din sa sarili nilang
kakayahang mapukaw ang kanilang guniguni at kaisipan.
Sa mga instruksyunal materyal na ito ay malilinang ng mga
mag-aaral sa elementarya ang kolaboratibong pagkatuto,
sosyalisasyon ng mga mag-aaral na higit na mahalaga upang
matugunan ang kakulangan ng mga kinakailangang aklat na
mapagkukunan ng mga akda at mga paraan at tuntunin sa pagbuo at
pagbasa ng mga akda na may kaugnayan sa kasalukuyang sitwasyon
ng ating panahon at sa ating bansa. Sa lahat ng kalakaran,
nagpapayaman din ito sa iba pang asignatura bilang kagamitang
pampagtuturo. Bukod dito, sa bawat gawain gamit ang mga
pamamaraan na ito ay matuturuan pa ang kabataang makialam sa
lipunan dahil sa napukaw ang kanilang kamalayan sa kapaligiran.
Mahalaga ang paggawa ng instruksyunal materyal dahil
makatutulong din ito sa paglinang sa kaisipan ng mga bata sapagkat
nagiging madali para sa kanila kung makukuha na nila ang
ipinahahayag ng diwa ng mga sining pampanitikan, makatutulong pa
ito sa kanila sa paghubog sa kanilang kaisipan at katauhan,
pagkamulat sa kapaligiran, paggunita sa mahahalagang araw,
pagpapanatili sa kahalagahang pantao at pagmamahal sa sariling Wika
at sa Bayan.
Kaugnay na Kasaysayan
Inilabas nang Kagawaran ng Edukasyon ang detalye ng kanilang
planong pagdaragdag ng parehong isang taon sa primarya at
sekundarya o K+12. Ito ay bahagi ng President Benigno "Noynoy"
Aquino III's, “Educational Reform Program”. Ang Administrasyong
Aquino ay naniniwala na ang pagdaragdag ng mas maraming taon sa
pangunahing edukasyon sa Pilipinas ay maaaring makatulong na
malutas ang problema sa pagkawala ng trabaho, panatilihing mataas
sa mga global na pamantayan, at tulong sa mga estudyante na
magkaroon ng mas maraming oras upang piliin ang mga karera na
pinakamahusay na nababagay sa kanilang kasanayan.
Ang K+12 ay ang pagdaragdag ng isang taon sa parehong
primary at sekundarya (kindergarten + 6 na taon sa primarya + 6 na
taon sa sekundarya). Kahit na ang mga opinyon at reaksyon ng publiko
ay nahahati, ang ilan ay sa pabor at ang ilan ay sa hindi. Kabilang sa
mga pangunahing isyu na may kaugnayan sa programang K+12 ay
ang mga pinansiyal na kapasidad ng mga magulang, ang bilang ng
mga paaralan, ang bilang ng mga guro, at kahit na ang pagkakaroon
ng mga libro at iba pang kagamitang pang-eskuwela.
Upang ipatupad ang programa, ang Kagawaran ng Edukasyon
(DepEd) ay may trabaho sa Kongreso na baguhin ang umiiral na batas,
ang Batas Pambansa 232 o ang "Education Act of 1982," na
nagsasabing ang pangunahing pormal na edukasyon ay 10-taong
programa.
Ang modelong K+12 ang tumutukoy sa isang taon ng
kindergarten at 12 taon ng pangunahing edukasyon. Ang bagong
programa ay magdaragdag ng dalawang taon sa kasalukuyang modelo
ng edukasyon sa Pilipinas, ang tanging bansa sa Timog Silangang Asya
na nagpapatupad ng 10 taong modelo ng edukasyon.
Malaki ang kontribusyon ng panitikan sa kasaysayan, dahil dito
natin makikita kung ano ang buhay ng mga tao noon. Sa pamamagitan
ng mga Maikling Kuwento, Tula, Dula, Pabula, Alamat, at Kanta,
nalalaman kung ano ang obserbasyon ng mga may-akda sa kanilang
paligid at sa kanilang mga buhay.
Ang panitikan din ay nagsisilbing patunay sa mga pangyayari sa
nakaraan. Tulad ng mga sulatin ni Jose Rizal na nagpapatunay sa
kalupitan na sinapit ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila.
Isang tradisyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa at
pagpapaliwanag ang mga akdang pampanitikan. Isa itong metodong
nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at puwersang pangkasaysayan
na nagbigay ng impluwensiya tungo sa paggawa, pagsulat, paghubog,
at pag-unlad ng panitikan.