8

Pagsulat ng balita

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Joirnalism

Citation preview

Page 1: Pagsulat ng balita
Page 2: Pagsulat ng balita

“We don’t want our school to be left behind”.

Ito ang mga binitawang salita ni Gng. Susan S. Canlas, punong-guro ng St. Anthony School (SAS), sa isang panayam ng Ang Antonyan tungkol sa gagawing kompyuterisasyon ng mga marka ng mga mag-aaral.

Sinabi ng punong-guro na ang bagong sistema ng pagtatala ng marka ay gagamitan ng isang computer program kung saan ilalagay na lamang ng mga guro ang marka ng mga mag-aaral at ang kompyuter na ang magkokompyut ng mga ito.

“Hindi na maaring palitan o baguhin ang marka kapag na-encode na ito. Kailangang humingi ang guro ng permiso sa koordineytor ng nasabing asignatura at punong-guro kung may babaguhing marka,” wika pa niya.

Ayon pa kay Gng. Canlas, sumailalim muna ang mga guro sa mga pagsasanay ng tatlong araw ukol sa computerization na ginanap noong Hulyo 6 hanggang 8 upang masiguro na may sapat na kaalaman ang mga guro.

Nilinaw din ng punong-guro na ang nakasanayang report card na ibinibigay sa magulang ay hindi na kailangang isauli sa unang tatlong kwarter subalit sa ikaapat na markahan ay isang report card na nakapaloob na ang lahat ng marka mula una hanggang ikaapat na markahan ang ibibigay sa mga magulang.

Sinabi rin ni Gng. Canlas na ang mga remedial classes para sa English, Araling Panlipunan, Mathematics at Science ay sisimulan ngayong unang markahan at ito ay bukas sa lahat ng may gusto ngunit mula sa ikalawang markahan, ang may bagsak na lamang ang maaring magpatuloy.

Page 3: Pagsulat ng balita

Ginising ng mga mag-aaral ang pamayanan sa Brgy. 581 Zone 57 na nasasakupan ng Paaralang Maceda sa isinagawa nitong community parade bilang pasimula sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrition noong Hulyo.

Layunin nitong ipabatid sa mga ina ng tahanan ang kahalagahan ng pagpapasuso ng ina sa kanilang anak na siyang tema ng pagdiriwang para sa taong ito na “Isulong Breastfeeding! Tama, Sapat at Eksklusibo”.

Bitbit ng mga mag-aaral ang mga ginawang poster at slogan na pawang nakasentro sa tema ng pagdiriwang.

Nagsawaga rin ng essay writing contest at quiz bee bukod sa poster making at slogan upang mapasigla ang isang buwang pagdiriwang sa paaralan.

Pinagkalooban naman ng gantimpala ang mga nagwagi sa iba’t ibang paligsahan sa ginanap na palatuntunan sa paaralan noong Agosto 1.

Pinamahalaan ni G. Victoria Maranan, MT at teacher in-charge sa kagawaran ng Edukasyong Pantahanan at mga guro sa kagawaran ang isang buwang pagdiriwang .

Page 4: Pagsulat ng balita

Kailangang gabayan ng mga magulang at disiplinahin ang kanilang mga anak nang sa gayo’y hindi ito maligaw ng landas .

Ito ang nanguna sa isinagawang sarbey sa 166 na guro kung saan nakakuha ito ng 32% o 52 guro ang sumang-ayon rito kaugnay ng lumalalang problema ng lipunan ukol sa tumataas na bilang ng krimen na pawang mga menor-de-edad ang mga nasasangkot.

Anila, sa tahanan dapat magsimula ang pagdidisiplina sa mga bata na kanilang ipagpapatuloy sa paaralan upang mamulat sila sa mga tama’t maling gawi.

Samantala, mahigit 23% o 38 guro ang nagsabi na kailangan ng malaya’t masinsinang pag-uusap sa pagitan ng magulang at mga anak upang malaman nila kung may problemang itinatago ang mga bata.

Nagtala naman ng 21% o 34 guro ang nagsabing kailangan pagukulan ng oras at panahon ang mga edad 15 pababa samantalang 8% o 14 guro ang naniniwala sa pagbibigay ng spiritual guidance sa kabataan.

Bukod pa rito, nagtamo naman 6% o 10 guro, nagsabing malaki ang impluwensya ng midya; 4% o pitong guro ang sumang-ayon sa pagiging isang mabuting huwarang mamamayan, kapantay ng mga nagpanukala sa Reverse Psychology at 2% o apat na guro sa pagbibigay ng maraming gawain sa mga mag-aaral.

Page 5: Pagsulat ng balita

Nangibabaw ang tinig ng Ramon Magsaysay High School Chorale sa dalawang magkaibang pambansang paligsahan, ang Hallmark Music and Memories Chorale Competition at ang Eco-Chorale Competition.

Sa kauna-unahang pagkakataon na sumali ang RMHS Chorale sa Hallmark Chorale Competition, naagaw nito ang kampeonato mula sa dating nangungunang Muntinlupa Science High School.

Inawit ng RMHS Chorale ang “Hallmark Memories” na naging piyesa rin ng lahat ng mga kalahok at ang “Deck The Hall”.

Itinaguyod ng Filstar Distributors Corporation, namamahala sa Hallmark Cards sa bansa, ang nasabing kumpetisyon na ginanap sa Robinsons Manila, Dis. 10. Pinagkalooban ang RMHS Chorale ng sertipiko at P50,000 bilang gantimpala.

Samantala, makaraang manguna sa buong Pilipinas noong 2009, muling inuwi ng Magsaysay Chorale ang kampeonato sa Eco-Chorale Competition na ginanap sa Mall of Asia, Set. 24.

Sa nasabing paligsahan na pinamahalaan ng Philippine Tour Operators Association (PHILTOA), inawit ng grupo “Masdan ang Kapaligiran” at “Chua-Ay”.

Tumanggap sila ng tropeo, sertipiko at P30,000 matapos magwagi sa naturang paligsahan.Binubuo ang RMHS Chorale nina Liageba Altar, Ma. Emilia Dianne Garcia, Margaret de

Lalinde, Angela Grace Malabanan, Kristine Jane Mora, Arynd Kendra Nacion at Erha Kristina Malate, pawang mga soprano.

Ang mga alto naman ay sina Andrea Julienne Camena, Jamaica Duron, Camille Escober, Shiara Dara Eloise Romero at Sushmita Sigua.

Samantala, sina Daniel Diaz, Jolive Carl Fredeluces, Khristian Emmanuel Manrique, Aries John Yuson at Neil Cedric Bonifacio ang mga tenor.

Ang mga bass ay sina Christian Paul Aquino, John Paulo Cabusao, Norris Escarcha, Eric Kabigting, Christian Mendoza, Marc Lester Palomeno at Yasser Sampang.

“Hinahangad namin na makalabas ulit ng bansa ang grupo upang maipagmalaki ang kakayahan ng mga Pilipino sa pag-awit at muling magtagumpay sa tulong at awa ng Diyos,” pahayag ni G. Michael dela Pena, tagapagsanay.

Page 6: Pagsulat ng balita

Dumalaw sa magkahiwalay na pagkakataon sa Mataas na Paaralang Ramon Magsaysay ang mga kinatawan ng mga Ministry of Education ng Bangladesh at Red Cross Youth Volunteers ng South Korea.

Pinangunahan ang nasabing pangkat nina Joint Secretary Md. Rafiquzzaman ng Ministry of Education, Deputy Secretary Mohammad Mainuddinchowdhury, Deputy Chief Md. Anasr Ali, Deputy Director Md. Atiar Rahman ng Secondary Education Sector Development Project.

Pangunahing katanungan ng mga Bangladesh Educators ng pumunta sa paaralan noong Hulyo 21 ay kung paano napamamahalaan nang matagumpay ng RMHS sa kabila ng pagkakaroon nito ng tinatayang 6,000 estudyante. Ayon sa kanila, hindi aabot sa 2,000 ang mag-aaral sa kanilang bansa.

Layunin ng mga bisita na makakuha at makipagpalitan ng mga impormasyon ukol sa sistema ng edukasyon sa bansa. Naging interesado rin sila sa mga kwalipikasyon sa pagiging guro, partisipasyon ng mga magulang ng mga mag-aaral at pagpapanatili ng kagalingan sa akademikong aspeto.

“We are very lucky that we are able to visit Ramon Magsaysay High School. We are here to learn valuable experience for tomorrow’s generation,” ani Rafiquzzaman.

Ipinaliwanag pa niya na mahalaga na mataas ang kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral dahil ito ang huhubog upang maging isang mabuti at produktibong mamamayan sila ng bansa.

Samantala, sa layunin magkaroon ng matibay na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Korea, isinagawa ng Korean Red Cross Youth (RCY) mula sa Daegu Chapter, South Korea ang International Friendship Project sa Paaralang Magsaysay.

Pinangunahan ni Chang Ik SIk, tagapamahala, ang 33 kasapi ng Korea RCY sa pagbisita sa RMHS.

Upang mabigyan ng sapat na kaalaman tungkol sa RMHS, naghanda ang mga guro ng Media Specialist ng audio visual presentation na nagpapakita ng kultura at tagumpay ng paaralan sa loob ng 50 taon.

Ipinakilala naman ni Gng. Nelia Alcazar, tagapayo ng RCY-RMHS ang mga opisyal ng nasabing pangkat sa pangunguna ni Kiara Nicole Rodriguez, presidente.

Page 7: Pagsulat ng balita

Dalawampu’t lima katao ang nasugatan makaraang magbanggaan ang dalawang pampasaherong jeepney sa kahabaan ng National Highway ng Lumbia sa Cagayan de Oro City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na nakarating sa Nation Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bandang alas-4:00 ng madaling araw nang maganap ang sakuna sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya karamihan sa mga sugatan ay mga estudyante at guro ng Lumbia City High School.

Sa imbestigasyon, isa sa pampasaherong jeepney ang nawalan ng preno dahilan upang makabanggaan nito ang kasalubong na isa ring pampasaherong jeepney na bumabagtas sa lugar.

Samantala, agad namang sumuko sa Lumbia Police ang drayber ng pampasaherong jeepney matapos ang aksidente.

Nagsasagawa na ang mga awtoridad ng masusing imbestigasyon sa kasong ito.

Page 8: Pagsulat ng balita

Hindi na nagawang makakain ng tanghalian ang mag-asawa matapos na pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo habang ipinaparada ang kanila sasakyan sa isang restaurant kahapon ng tanghali sa Pasig City.

Kapwa namatay noon din ang mag-asawang kinilalang Bienvenido at Nelia Tan, residente ng Felipe St. Brgy. Bagong Ilog ng naturang lungsod..

Batay sa pagsisiyasat ni SPO1 Randy Aurelio dakong alas-12:00 ng tanghali ay kasalukuyang ipinaparang ng mag-asawa ang kanilang Toyota Innova (ZNT-210) sa parking lot ng Barrio Fiesta Restaurant sa Marcos Highway, Barangay Dela Paz upang mananghalian.

Ditto ay biglang sumulpot ang isang motorsiklo na kinalululanan ng dalawang lalaki at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mag-asawa.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa ulo at katawan ang mag-asawa na naging dahilan ng agad nila kamatayan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo na hindi naplakahan nang masigurong patay na ang mag-asawa.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaslang sa mag-asawa na kung saan ay limang basyo ng bala ng kalibre 45 baril ang narekober sa lugar ng krimen.