250
LET 2008 PATROCINIO V. VILLAFUERTE Puno, Kagawaran ng Filipino Kolehiyo ng mga Wika, Linggwistika at Literatura Philippine Normal University, Manila

Patrocinio v Villafuerte Puno Kagawaran Ng Filipino

Embed Size (px)

Citation preview

  • LET 2008PATROCINIO V. VILLAFUERTEPuno, Kagawaran ng FilipinoKolehiyo ng mga Wika, Linggwistika at LiteraturaPhilippine Normal University, Manila

  • Bahagi I. Komunikasyon sa Akademikong FilipinoA. Komunikasyon1. Kahulugan ng komunikasyon: 1.1 Itoy itinuturing na sining at paraan ng paghahatid o paglilipat ng informasyon, ideya at kaalaman ng isang tao sa kanyang kapwa.

  • 1.2 Itoy proseso ng paghahatid ng mensahe o pagpapalitan ng ideya, informasyon, karanasan at mga saloobin. 1.3 Itoy isang prosesong daynamiko, tuluy-tuloy at nagbabago.

  • 1.4 Itoy isang mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan / pakikipag-unawaan. 1.5 Itoy pasalita o pasulat na pagpapahayag o pagpapabatid ng iniisip o dinarama sa isang paraang mabisa at kalugud-lugod.

  • 1.6 Itoy isang prosesong transaksyunal na kumakatawan sa apat na katangian:1.6.1 akto, kaganapan, at kilos1.6.2 integral na elemento

  • 1.6.3 nagbabago1.6.4 kumikilos ang taong kasangkot

  • 2. Anim (6) na komponent ng komunikasyon:2.1 konteksto. Ito ang kalagayan kung saan magaganap ang komunikasyon: pisikal, sosyal, historikal, sikolohikal, at kultural

  • 2.2 partisipant. Itoy tumutukoy sa mga taong nag-uusap.2.3 mensahe. Nagaganap ang komunikasyon sa pamamagitan ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe.

  • 2.4 tsanel. Ito ang rutang dinaraanan ng mensahe.2.5 pagkakaroon o kawalan ng ingay. Ito ang nakakasagabal sa pagbabahagi ng pakahulugan.2.6 fidbak. Ito ang tugon sa isang mensahe

  • 3. Mga tungkulin ng komunikasyon: 3.1 Matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan.3.2 Mapataas at mapanatili ang pagkilala sa sarili.3.3 Matugunan ang obligasyong panlipunan.

  • 3.4 Malinang ang pakikipag-ugnayan.3.5 Makipagpalitan ng informasyon.3.6 Makaimpluwensya ng ibang tao.

  • 4. Mga simulaing sinusunod ng komunikasyon:4.1 Ang komunikasyon ay may layunin.4.2 Ang komunikasyon ay patuloy na nagaganap. 4.3 Ang mga mensahe sa isang transaksyon ay nag-iiba-iba.

  • 4.4 Ang komunikasyon ay isang pakikipag-ugnay.4.5 Ang komunikasyon ay natututuhan.

  • 5. Mga pangangailangan ng komunikasyon:5.1 Ang gamit ng wika5.2 Ang anyo ng wika5.3 Ang kagyat na pagtugon5.4 Ang kaangkupan ng sasabihin5.5 Ang paksa

  • 6. Dalawang uri ang komunikasyon:6.1 Berbal. Itoy pasalita o pabigkas na pagpapahayag.6.2 Di-berbal. Itoy mga kilos ng katawan at kalidad ng tinig sa mga mensaheng berbal sa pakikipagtalastasan.

  • B. Gramatika / LinggwistikaPangungusap1.1 May dalawang bahagi ang pangungusap: simuno / paksa at panaguri

  • Simuno / Paksa: Ang calibrated preemptive response (cpr) policy ni GMA ay hindi naaayon sa batas. Panaguri: Ilegal ang pagbabawal sa pagdaraos ng rali.

  • 1.2 May apat na uri ayon sa gamit: paturol o pasalaysay, pautos, patanong at padamdam.

  • Paturol: Sang-ayon ako na magkaroon ng National ID.Pautos: Sumama ka sa rali sa Mayo 1, pakakainin ka na. Babayaran ka pa.

  • Patanong: Makatarungan ba ang ginawang pambabastos kay GMA sa Araw ng Pagtatapos na ginanap sa Cavite State University?Padamdam: Aba, kilala na ang mga nagtataksil sa bayan!

  • 1.3 May ibat ibang kayarian ang pangungusap: payak, tambalan at hugnayan Payak: Isang ideya lamang ang ipinahahayag. May paksa at panaguri.Hal.: Ang patatas ay mayaman sa Bitamina C, B at iron.

  • Tambalan: May dalawang diwa o ideya ang ipinahahayag na maaaring magkatulad, magkasalungat o may pagpipilian.Hal.: Halos walang taba ito at mababa lamang ang taglay nitong calorie.

  • Masustansya ang patatas ngunit bihira ang nagkakagusto rito.

    Sasama ka ba o maiiwan?

  • Hugnayan: Binubuo ng isang malayang sugnay at isang di-malayang sugnay: Hal.: Tag-init at tag-ulan lamang ang mga panahon sa Pilipinas samantalang apat sa mga bansang kanluranin tulad ng Estados Unidos at Europa.

  • Tandaan: Ang di-malayang sugnay ay sinisimulan sa mga pangatnig na na, nang. Kung, samantala, kapag, kaya, dahil sa, kahit, sapagkat atb.

  • 2. Pangngalan: Ngalan ng tao, bagay, lugar, gawa o pangyayari

    TaoLugarBagayGawaPangyayariPauleenkagubataneroplanopaglalabapagdurugobangkerokalangitanrambutanpaglangoypagdarayuhansanggolbantayansimbahanpaglihampanganganaktinderakabayananbayongpag-awitpagtatawanan

  • 2.1 Batay sa kayarian: payak, maylapi, inuulit at tambalan

    Payak Maylapi Inuulit Tambalan gubat kagubatan gubat-gubatan tsaang-gubat langit kalangitan langit-langitan hulog-langit bantay bantayanbantay-bantayan bantay-salakaybayan kabayanan bayan-bayan anak-bayan

  • 3. Panghalip: Panghalili sa pangngalan

    PanauhanPalagyo Paukol Paari Isahan Una Ikalawa Ikatloakoikaw, kasiyakomoniyaakiniyokanyaDalawahan Una Ikalawa Ikatlokita, katakayosilanatinninyonilaatininyokanila

  • PanauhanPalagyo Paukol Paari Maramihan Una Ikalawa Ikatlokamikayosilanaminninyonilaamininyokanila

  • 4. Pandiwa4.1 Pokus ng pandiwa: tagaganap, layon, ganapan, tagatanggap, gamit, sanhi at direksyon.

  • Tagaganap: Sino ang sumulat ng Himno ng Pateros?Layon: Ipamili mo ang natitirang pera ko.Ganapan: Pinagtapunan nila ang basurahan.Tagatanggap: Ipagluto ninyo ang may-kaarawan ng pansit at puto.

  • Gamit: Ipinanghalo ko ang kutsara sa ulam kasi walang sandok.Sanhi: Ikinalungkot niya ang pagkawala ng kanyang aso.Direksyon: Pinuntahan nila ang bagong gusali.

  • 4.2 Aspekto ng pandiwa: perpektibo, imperpektibo at kontemplatibo

  • Perpektibo: Ang kilos ay nasimulan na at natapos na.Imperpektibo: Ang kilos ay napasimulan na ngunit hindi pa natapos.Kontemplatibo: Ang kilos ay hindi pa nasisimulan.

  • 5. Pang-uri: Nagsasaad ng katangian o uri ng tao, bagay, lunan atb.

  • 5.1 Uri ayon sa kayarian:Payak: Sariwa ang hangin sa lalawigan. Maylapi: Masigasig si Brienz gaya ng pinsan niyang si Aegan.Inuulit: Gandang-ganda ako sa mukha ng batang iyan.Tambalan: Lakad-pagong ang paglalakad ni Mark Terry.

  • 5.2 Uri ayon sa kaantasan: lantay, katamtaman at masidhi Lantay: Tahimik ang lugar na kanyang napiling puntahan.Katamtaman: Hindi gaanong matulin tumakbo ang bus hindi tulad ng LRT at MRT.

  • Masidhi: Pinakamayaman sa bayan namin ang matandang iyon.

  • C. Linggwistika1. Ponolohiya. Itoy pag-aaral ng makabuluhang tunog. Ponetiks naman ang tawag sa sangay na ito ng linggwistika.

  • Tatlong salik sa paglikha ng tunog: (1) pinanggagalingan ng lakas o enerhiya, (2) artikulador, at (3) resonador

  • 2.1 Pinanggagalingang lakas o enerhiya: Itoy gumagawa ng pwersa o presyon na nagpapalabas ng hangin na galing sa baga. 2.2 Artikulador: Itoy nagpapagalaw sa hangin na lumilikha ng mga tunog.

  • 2.3 Resonador: Itoy sumasala at nagmomodipika ng mag tunog patungong bibig.

  • 3. Ponema ang tawag sa pinakamaliit na makabuluhang tunog ng isang wika. May 21 ponema ang Filipino (16 katinig at 5 patinig).

  • 4. Ang diptonggo ay magkasamang patinig at malapatinig sa loob ng isang pantig. Halimbawa: aliw, bahay, atb.

  • 5. Ang pares-minimal ay pares ng salitang magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad ng bigkas maliban sa isang ponema. Halimbawa: mesa / misa

  • 6. Ang pagbabago ng morpema sanhi ng kaligiran nito ay tinatawag na pagbabagong morpoponemiko. Ang mga uri ng pagbabagong morpoponemiko ay ang mga sumusunod:

  • 6.1 Asimilasyon - May pagbabagong morpoponemiko sa paraang asimilasyon kapag ang tunog ng isang morpema ay naaasim naaasimila ng isa pang morpema. Ang mga uri ng asilimasyon at halimbawa:

  • 6.1.1. Asimilasyong di-ganap: pang + bahay = pangbahay = pambahaypang + hukay = panghukay

  • 6.1.2 Asimilasyong ganappang + turo = pangturo = panturo = panuropang + silip = pangsilip = pansilip = panilip

  • 6.2 Pagpapalit ng ponema - Sa pagbubuo ng salita ay may mga pagkakataong ang ponemang nasa posisyong inisyal ng salitang nilalapian ay nagbabago o nagpapalitan. Halimbawa:

  • ma + dapat = madapat = marapattawa + han = tawahan = tawanan

  • 6.3 Pagkaltas ng ponema - Itoy nagaganap kapag ang huling ponema ng salitang-ugat na hinuhulapian ay nawawala. Halimbawa:

  • bukas + -an = bukasan = buksandakip + -in = dakipin = dakpin

  • 6.4 Metatesis - Itoy paglilipat ng titik sa loob ng isang binuong salita. Halimbawa:talab + -an = talaban = tablanbukas + -an = bukasan = buksan

  • 6.5 Paglilipat-diin - Sa paggamit ng panlapi ay nakapagpapabago ng diin ng salita. Halimbawa:bukas = kinabukasandakila = dakilain

  • D. Retorika 1. Kahulugan ng retorika1.1 Itoy kakayahan sa pagwawari o paglilirip sa bawat pagkakataon ng anumang paraan ng paghimok (Aristotle).

  • 1.2. Itoy sining ng argumentatibong komposisyon (Whatley).1.3 Itoy isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa kaakit-akit at magandang pagsasalita at pagsulat (Tumangan, 1997).

  • 1.4 Itoy sining ng maganda at kaakit-akit na pagpapahayag maging ito may pasalita o pasulat (Rubin, 1987).

  • 2. Mga salik sa pagbuo ng isang sulatin / komposisyon2.1 Tapik Kailangan ang sapat na kaalaman o informasyon sa paksang susulatin.2.2 Layunin. Ang kaibhan sa anyo o forma ng ng isang sulatin ay nakasalalay nang malaki sa layunin.

  • 2.3 Interaksyon at isang kamalayan ng awdyens. May nagaganap na interaksyon sa pagsulat.

  • E. Ang Pagbasa1. Kahulugan ng Pagbasa1.1 Itoy interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo na kaisipan.

  • 1.2 Itoy isang paghuhulang siko-linggwistik kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binabasa. (Goodman)

  • 1.3 Itoy isang gawaing pangkaisipan na nagaganap sa tulong ng mabuting paningin, pandinig, pagsusuri, pagbigkas at pag-unawa sa kahulugan ng mga salita, parirala, pangungusap at talata. (Villamin, 1988)

  • 2. Ibat ibang Teorya ng Pagbasa:2.1 Ang teoryang bottom-up Ang pagbasa ay pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbolo (stimulus) upang maibigay ng katumbas nitong tunog ( response).

  • 2.2 Ang teoryang top-down Ang pagbasa ay nagsisimula sa isipan ng tagabasa dahil ang dating kaalaman niya ang nagpapasimula ng pagkilala niya sa teksto at kung wala ito, hindi niya mabibigyang-kahulugan ang anumang babasahin.

  • 2.3 Ang teoryang interaktibo - Ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ginagamit ng mambabasa ang kanyang kaalaman sa wika.

  • 2.4 Ang teoryang iskema - Ang teksto ay nagbibigay lamang ng direksyon sa nakikinig o mambabasa kung paano nila gagamitin o paano bubuo ng pagpapakahulugan mula sa kanilang dating kaalaman.

  • 3. Ibat ibang Batayang Kasanayan ng Pagbasa3.1 Pagtukoy sa paksa o tapik3.2 Pagtukoy sa pangunahing idea o kaisipan3.3 Pagbuo ng mga pangunahing ideya na di-tuwirang inilahad sa teksto

  • 3.4 Pagtukoy sa mahahalagang detalye at mga pantulong na kaisipan

  • 3.5 Pagkilala sa hulwaran o istilo ng awtor gaya ng:3.5.1 Pagtatala o Paglilista3.5.2 Pagsusunud-sunod3.5.3 Depinisyon3.5.4 Paghahambing at Pag-uuri-uri

  • 3.5.5 Sanhi at Bunga3.5.6 Pagtukoy at pag-unawa sa ugnayan ng kaisipang nakapaloob sa teksto3.5.7 Paghihinuha sa damdamin, tono, layunin at pananaw

  • 3.5.8 Pagtukoy at nauunawaan ang mga tayutay3.5.8.1 Simili o Patulad Isang tuwirang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiaba ang uri.

  • 3.5.8.2 Metapora o Pawangis Naglilipat ng mga salitang na ngangahulugan ng isang bagay sa pagpapahayagng ibang bagay.

  • 3.5.8.3 Personipikasyon o Pagtutulad - Itoy pagbibigay katauhan sa isang bagay na walang buhay

  • 3.5.8.4 Hiperbole o Eksaherasyon - Itoy pagpapahayag ng bayong matindi kaysa katotohanan o lagpas sa maaaring mangyari

  • F. Pagsulat1. Kahulugan ng Pagsulat3.1 Ang pagsulat ay isang sistema para sa isang komunikasyon interpersonal na gumagamit ng simbolo at isinusulat. 3.2 Ang pagsulat ay binubuo ng ibat ibang sulatin:

  • 3.2.1 Personal na sulatin - Itoy impormal at walang tiyak na balangkas.3.2.2 Transaksyunal na sulatin - Itoy pormal at maayos ang pagkakabuo at binibigyang pokus ang informasyon.

  • 3.2.3 Malikhaing sulatin - Itoy may masining na paglalahad ng iniisip at nadarama ng sumulat.

  • 2. Ibat ibang anyo ang pagsulat:2.1 Pasalaysay (Narrative) - May layuning pagsunud-sunurin mga pangyayari.2.2 Palarawan (Descriptive) - May layuning magsaad ng kabuuan ng tao, bagay, pook o pangyayari.

  • 2.3 Panghikayat (Persuasive) - May layuning hikayatin ang mambabasa na tanggapin ang iminumungkahi ng manunulat.2.3.4 Eksposisyon (Exposition) - May layuning ipaliwanag ang pangyayari, opinyon at kaisipan.

  • 2.3.5 Pangangatuwiran (Argumentation) - Naglalayong makapagbigay ng katwiran sa kausap/

  • G. Panitikan1. Kahulugan ng panitikan1.1 Itoy pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan at pagpapahayag sa paraang nagpaparanas sa bumabasa ng kaisipan at damdamin ng manunulat.

  • 1.2 Itoy lakas na nagpapakilos ng alinmang uri ng lipunan.1.3 Itoy katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw.

  • 2. Panahon ng panitikan at mga akdang nanaluktok sa bawat panahon2.1 Panitikan Bago Dumating ang mga Kastila2.1.1 awiting bayan at tula Itoy inaawit sa ibat ibang pagkakataon at sinasaliwan ng sayaw. Halimbawa:

  • 2.1.1.1 oyayi awit sa pagpapatulog2.1.1.2 umbay awit sa pagkaulila2.1.1.3 soliranin awit sa pamamangka2.1.1.4 kundiman awit sa pag-ibig

  • 2.1.1.5 tikam / kumintang / hiliman / tagumpay awit sa pakikidigma2.1.1.6 diona awit sa kasalan2.1.1.7 kutangkutang / rawitdawit awit ng mga lasing / awit sa lansanganpagdadalamhati

  • 2.1.1.8 ditso awit sa paglalaro ng mga bata2.1.1.9 dung-ao awit sa patay o sa pagdadalamhati

  • 2.1.2 epiko Itoy mahabang tulang psalaysay tungkol sa pakikibaka, pakikipagsapalaran at kabayanihan ng isang tauhang may kakaibang lakas. Halimbawa:

  • 2.1.2.1 Biag ni Lam Ang epiko ng Iloko2.1.2.2 Kumintang - epiko ng Tagalog2.1.2.3 Hudhud at Alim epiko ng mga Ifugao

  • 2.1.2.6 Tuwaang epikong mga Bagobo2.1.2.7 Bantugan epiko ng mga Maranaw

  • 2.1.3 alamat Itoy kuwento tiungkol sa pinagmulan ng tao, bagay, lugar, atb. Halimbawa:2.1.3.1 Pinagmulan ng Sansinukob - Tagalog2.1.3.2 Alamat ng Bulkang Mayon - Bicol

  • 2.1.3.3 Alamat ng Bundok Kanlaon Bisaya2.1.3.4 Bakit Maliwanag ang Araw kaysa sa Buwan? -Kapampangan

  • 2.1.4 kuwentong-bayan Itoy mga kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan. Halimbawa:2.1.4.1 Mariang Sinukuan2.1.4.2 Juan Tamad2.1.4.3 Mariang Makiling

  • 2.2 Panitikan sa Panahon ng Kastila2.2.1 Pangrelihiyon at pangkagandahang-asal2.2.1.1Pinalitan ng mga Kastila ang katutubong Abakadang Pilipino.

  • 2.2.1.2 Ginagamit ang katutubong wika sa pagpapalaganap ng relihiyon.2.2.1.3 Napalitan ng pamahalaang relihiyoso ang pamahalaang politiko.

  • 2.2.1.4 Nahalinhan ng palatuntunang pangrelihiyon ang palatuntunang pang-estado.2.2.1.5 Nailimbag ang mga akdang pangrelihiyon at pangkagandahang-asal gaya ng:

  • 2.2.1.5.1 Doctrina Christiana nina Pari Domingo Nieva at Pari Juan de Plasencia2.2.1.5.2 Nuestra Seora del Rosario ni Pari Blancas de San Jose2.2.1.5.3 Urbana at Felisa ni Pari Modesto de Castro

  • 2.2.2 Pampropaganda at Panghimagsikan2.2.2.1 Tumindi ang damdaming makabayan. 2.2.2.2 Naging kasangkapan sa pagpapahayag ng mga propagandista ang tula, sanaysay at talumpati

  • 2.2.2.3 Lumaganap ang mga akdang may masining na paglalarawan ng marangal na damdamin, at matayog na kaisipan gaya ng:

  • 2.2.2.3.1 Noli Me Tangere, El Filibusterismo, Mi Ultimo Adios ni Jose Rizal (Dimasalang, Laong Laan)

  • 2.2.2.3.2 Dasalan at Tocsohan, Kaiingat Kayo ni Marcelo H. del Pilar (Plaridel, Dolores Manapat, Piping-Dilat, Pupdoh)

  • 2.2.2.3.3 Pag-ibig sa Tinubuang Lupa, Kartilya ng Katipunan ni Andres Bonifacio (Agapito Bagumbayan, May Pag-asa)

  • 2.2.2.3.4 Liwanag at Dilim, A Mi Madre ni Emilio Jacinto (Pingkian, Dimas-Ilaw)2.2.2.3.5 Verdadero Decalogo ni Apolinario Mabini(Katabay, El Paralitico)

  • 2.2.2.3.6 Fray Botod ni Graciano Lopez Jaena

  • 2.2.3 Panahon ng Amerikano2.2.3.1 Pinasok ng mga manunulat ang dula bilang sangay ng panitikan.2.2.3.2 Mapaghimagsik at makabayan ang mga akda tulad ng:

  • 2.2.3.2.1 Walang Sugat ni Severino Reyes (Lola Basiang)2.2.3.2.2 Dalagang Bukid ni Hermogenes Ilagan2.2.3.2.3 Veronidia ni Cirio H. Panganib

  • 2.2.3.3 Nagsimula ang panulaang Tagalog gaya ng mga sumusunod:2.2.3.3.1 Mga Hamak na Dakila ni Lope K. Santos (Verdugo)

  • 2.2.3.3.2 Sa Tabi ng Dagat ni Ildefonso Santos2.2.3.3.3 Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernandez (Julio Abril)2.2.3.3.4 Sa Lumang Simbahan ni Florentino Collantes (Kuntil-Butil)

  • 2.2.3.3.5 Punongkahoy ni Jose Corazon de Jesus (Hyseng Batute)2.2.3.3.6 Damdamin ni Iigp Ed. Regalado (Odalager)

  • 2.2.3.4 Kinilala ang mahuhusay na nobela gaya ng:2.2.3.4.1 Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Pena 2.2.3.4.2 Banaag at Sikat ni Lope K Santos2.2.3.4.3 Lihim ng Isang Pulo ni Faustino Aguilar

  • 2.2.3.4.3 Lihim ng Isang Pulo ni Faustino Aguilar2.2.3.4.4 Sampaguitang Walang Bango ni Iigo Ed. Regalado

  • 2.2.4 Panahon ng Hapon2.2.4.1 Itinuring na Gintong Panahon ng Panitikan2.2.4.2 Ipinag-utos ng Pamahalaang Hapon na sumulat ang mga manunulat na Pilipino ng mga akdang pampanitikan sa Tagalog.

  • 2.2.4.3 Ipinagbawal ng pamahalaang Hapon na sumulat ng mga akdang nasusulat sa Ingles ang mga manunulat na Pilipino.2.2.4.4 Lumaganap ang pagsulat ng mga haiku at tanaga.

  • 2.2.4.5 Naging masigla ang pagsulat ng maikling kuwento gaya ng:2.2.4.5.1 Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes

  • 2.2.4.5.2 Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo2.2.4.5.3 Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan ni N.V.M. Gonzales

  • 2.2.4.6 Nangibabaw ang mga dulang ay init ng damdamin, pagmamahal sa bayan at pamilya gaya ng:2.2.4.6.1 Sino Ba Kayo?, Dahil sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda

  • 2.2.4.6.2 Sa Pula, Sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo 2.2.4.6.3 Tatlong Maria ni Jose Esperanza Cruz

  • 2.2.5 Panahon ng Pagpapalaya2.2.5.1 Naging malaya sa pagsulat ang mga manunulat.2.2.5.2 Nag-unahan sa pagpapalathala ng mga akdang pampanitikang mga magasing Liwayway, Sinagtala, Kayumanggi at iba pa.

  • 2.2.5.3 Kinilala ang mga kritiko ng Panitikang Tagalog gaya nina Alejandro G. Abadilla at Clodualdo del Mundo2.2.5.4 Nakilala ang mgaakdang nagwagi sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature gaya ng:

  • 2.2.5.4.1 Kuwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza Matute2.2.5.4.2 Kapangyarihan ni B.S. Medina Jr.

  • 2.2.6 Panahon ng Bagong Lipunan2.2.6.1 Nilinang ang kaisipang Isang Bansa, Isang Diwa2.2.6.2 Maraming akdang pampanitikan ang naisulat tungkol sa populasyon, pagpaplano ng pamilya, wastong pagkain, atb.

  • 2.2.7 Panahon ng Bagong Republika2.2.7.1 Naging sensitibo ang mga paksa ng mga manunulat na kadalasan ay tumatalakay sa mga isyung sosyo-pulitikal.

  • 2.2.7.2 Dumami ang mga kabataang makata at manunulat.2.2.7.3 Sumigla ang mga akdang pambata.

  • 2.2.7.4 Dumami ang ibat ibang patimpalak sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan bukod sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature gaya ng:

  • 2.2.7.4.1 Gawad Surian Gantimpalang Collantes2.2.7.4.2 Gawad Komisyon Gantimpalang Collantes2.2.7.4.3 Gawad CCP2.2.7.4.4 Gawad Carlos Palanca2.2.7.4.5 Gawad Amado V. Hernandez

  • H. Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino1. Kahulugan ng mga Katawagan sa Pagtuturo ng Filipino 1.1 Dulog - Itoy set ng mga pagpapalagay hinggil sa

  • 1.2 Estratehiya - Itoy isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad ng wika at batay sa isang dulog (Anthony, 1963)

  • 1.3 Kognitibo - Itoy isang estratehiyang nagbibigay ng istruktura na humihikayat sa pag-unawa at pagsasaulo ng mga kaalamang pangkaisipan sa pamamagitan ng paggamit ng mga estratehiyang nagtutulak upang mabatid ang hangganan ng isip.

  • 1.4 Sosyo-apektibo - Itoy isang estratehiyang ang pokus ay ang Pakikipag-ugnayan sa ibang tao at ang mga pagpapahalagang natutuhan.

  • 1.5 Teknik - Itoy mga tiyak na gawain na malinaw na makikita sa pagtuturo at konsistent sa isang pamaraan at katugong dulog

  • 1.6 Metakognitibo - Itoy teoryang tumutukoy sa proseso ng pagkatuto, gamit ang estratehiyang tutugon sa sa pangangailangan ng ibat ibang uri ng mag-aaral.

  • 1.7 Pagdulog Interaktibo - Tumutukoy sa pagsasangkot sa mga mag-aaral sa makabuluhang interaksyon.

  • 1.8 Pagdulog Integratibo - Sa pagdulog na ito, malawak na sinisiyasat mga mag-aaral ang mga kaalaman sa ibat ibang asignatura.

  • 1.9 Pagdulog Kolaboratibo - Itoy nakasentro sa mga mag-aaral na sama-samang gumagawa ng mga gawain.

  • 2. Mga Katangian ng Isang Mabuting Estratehiya2.1 Ang mabuting estratehiya ng pagtuturo ay payak at madaling maisakatuparan.2.2 Itoy dapat magsangkot ng mga mag-aaral sa lahat ng mga gawain.

  • 2.3 Itoy nagbibigay ng mabuting bunga ng kahihinatnan.2.4 Itoy humuhubog sa mabuting pag-uugali at kaasalan ng mga mag-aaral.2.5 Itoy humahamon sa kakayahan ng mga mag-aaral.

  • 2.6 Itoy dapat magtaglay ng maraming gawaing pangguro kaysa gawaing pang-mag-aaral.2.7 Itoy umaayon sa makabuluhang kahulugan mga simulain ng pagkatuto at sa pilosopiya ng pagtuturo.

  • 3. Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino3.1 Batay sa Pagdulog Integratibo3.1.1 Pagtuturong Tematik - Itoy pagsasanib ng ibat ibang asignatura upang lalong mapaunlad at maging higit na makatotohanan ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

  • 3.1.2 Pagtuturong Batay sa Nilalaman - Itoy pagpili ng nilalaman na gagamitin sa makabuluhang pagtuturo ng wika.

  • 3.2 Batay sa Pagdulog Kolaboratibo3.2.1 Brain Storming - Itoy teknik na gumagamit ng imahinasyon at / kritikal na pag-iisip upang malutas ng isang problema.

  • 3.2.2 Simposyum - Inilalahad dito ang paksa at nagsasagawa ng malayang talakayan pagkatapos makapaglahad ng impormasyon at saloobin ang mga tagapagsalita

  • 3.2.3 Paggamit ng Awtentikong Materyales - Ginagamit sa pagtuturo ang mga babasahin mula sa mga polyeto, magasin, dyaryo bilang lunsaran o inilalaman ng araling ituturo.

  • 3.3 Batay sa Pagtuturo ng Komprehensyon3.3.1 Ugnayang Tanong-Sagot - Itoy estratehiyang sumasanay sa mga mag-aaral upang magsuri ng mga tanong ungkol sa binasa.

  • 3.3.2 Estratehiyang Pinatnubayang Pagbasa at Pag-iisip - Itoy pagbibigay ng pagkakataon sa mga bata na magbigay ng sariling hula o palagay na ginagamit ang dating kaalaman buhat sa teksto.

  • 3.3.3 Estratehiyang Biswal - Sa pamamagitan nito, ang mga mag-aaral ay nakapagbibigay ng malinaw na pag-uugnay sa mga kaisipan o pangyayari mula sa binasa.

  • Pagsusulit

  • I. Bilugan ang titik ng tamang sagot na bubuo sa pangungusap sa bawat bilang.1. Ang komunikasyon ay paglilipat ng _________.A. siningB. kasanayanC. kaangkupanD. informasyon

  • 2. Ang komunikasyon ay isang prosesong dinamiko, tuluy-tuloy at ________.A. nagpapalitB. naglilipatC. nanghihikayatD. nagbabago

  • 3. Ang kalagayan kung saan nagaganap ang komunikasyon ay tinatawag na _____.A. tsanelB. mensaheC. tagpuanD. konteksto

  • 4. Ang kalagayang emosyonal at damdaming nasasaloob ay mauuri sa kalagayang ___________.A. sosyalB. sikolohikalC. kulturalD. historikal

  • 5. Ang tugon ng tagatanggap ng mensahe sa komunikasyon ay tinatawag na _____.A. fidbak B. tsanelC. midyumD. saloobin

  • 6. Ang ingay ay matatawag na isang ________.A. inspirasyonB. midyumC. istimulusD. transaksyonal

  • 7. Kasama sa komunikasyong di-berbal ang __________.A. kilos ng katawanB. pagtataloC. pagkukuwentoD. deklamasyon

  • 8.Ang paggawa ng parol ay magiging malinaw kung gagamitan ng _______.A. paglalarawanB. pangangatuwiranC. paglalahadD. pagtatalo

  • 9.Ang Para kang pagong, ang bagal maglakad ay isang uri ng _____.A. metapora o pawangisB. simili o patuladC. personipikasyon o pagtutuladD. hiperbole o eksaherasyon

  • 10.Sa salitang panakot, ang naganap na pagbabagong morpoponemiko ay _______.A. asimilasyong ganapB. asimilasyong di-ganapC. metatesisD. paglilipat-diin

  • 11.Ang din, pala, yata ay tinatawag na _________.A. panandaB. pangatnigC. panuringD. ingklitik

  • 12.Sa pangungusap na Huwag kang maglakad nang mabilis, ang salitang may salungguhit ay tinatawag na ________.A. pangngalanB. pang-uriC. pandiwaD. pang-abay

  • 13.Ang samakatuwid, alalaong baga, kung gayon ay tinatawag na _________.A. pang-angkopB. panghalipC. pangatnigD. pantukoy

  • 14.Ang pagsulat ng maikling kuwento ay isang magandang halimbawa ng ______.A. personal na sulatinB. kolaboratibong sulatinC. malikhaing sulatinD. transaksyonal na sulatin

  • 15.Ang kauna-unahang aklat na naipalimbag sa Pilipinas ay ang __________.A. Doctrina ChristianaB. Urbana at FelisaC. Nena at NenengD. Barlaan at Josaphat

  • 16.Ang aklat na naglalarawan ng buhay at pagpapakasakit ni Hesukristo ay __________A. karagatanB. duploC. pasyonD. senakulo

  • 17.Ang panunuluyan, salubong at tibag ay ilan lamang sa mga dulang ________.A. pantahananB. panlansanganC. pangsimbahanD. pantanghalan

  • 18.Ang nagsasalaysay sa tula ay tinatawag na ________.A. tauhanB. kwentistaC. mananalaysayD. persona

  • 19.Ang Krakkk! Krakkk! Krakkk! sa tula ay tinatawag na ________.A. aliterasyonB. asonansyaC. onomatopeyaD. tayutay

  • 20.Ang maikling kuwento ay nagtataglay ng isang ________.A. kakintalanB. tugmaC. sukatD. onomatopeya

  • 21.Ang tinaguriang Batobalani ng panulaang Tagalog ay si _________.A. Amado V. HernandezB. Lope K. SantosC. Teodoro GenerD. Fernando Monleon

  • 22.Ang kauna-unahang nagsalin sa Tagalog ng Mi Ultimo Adios ni Rizal ay si ______________.A. Rafael PalmaB. Epifanio de los SantosC. Mariano PonceD. Andres Bonifacio

  • 23.Ang obra maestra ni Aurelio Tolentino ay ang ____________.A. Igorota sa BaguioB. PinaglahuanC. Sinag sa KarimlanD. Kahapon, Ngayon at Bukas

  • 24.Ang katipunan ng mga tula ni Iigo Ed. Regalado ay nasa aklat niyang _____________.A. DamdaminB. Puso at DiwaC. Isang Dipang LangitD. Sino Ka? Akoy Si .. . .

  • 25.Ang sagisag-panulat ni Amado V. Hernandez ay ________.A. PingkianB. Dimas-IlawC. Piping DilatD. Julio Abril

  • 26.Ang tulang may bilang 5-7-5 na saknong ay tinatawag na ________.A. duploB. tanagaC. haikuD. malaya

  • 27.Nakilala si Alejandro G. Abadilla sa kanyang tulang _______.A. Isang Dipang langitB. Ako ang DaigdigC. Kung Tuyo na ang Luha Mo Aking BayanD. Peregrinasyon

  • 28.Kapag inugnay ang kahulugan ng bagong salita sa pamilyar na konsepto at karanasan gayundin ang mga salitang alam na ng mga mag-aaral, itoy tinatawag na _________.

  • A. integrasyonB. pakikisangkotC. interpretasyonD. holistic

  • 29.Ang mga salitang nakalimbag ay tinatawag sa Ingles na word ________.A. analysisB. desriptionC. knowledgeD. recognition

  • 30.Ang biswal na representasyon ng ugnayan ng mga salita at konsepto ng isang paksa ay makikita sa paggamit ng __________________. A. habing semantikaB. etimolohiyaC. salitang laroD. komprehensyon

  • 31.Ang pagpapalawak sa kapasidad ng kaisipan na lumilikha ng mga ideya ay tinatawag na __________.A. mapanuring pag-iisipB. malikhaing pag-iisipC. sensitibong pag-iisipD. lubusang pag-iisip

  • 32.Ginagamit sa pagtalakay ng mga isyu at naoorganisa ang mga argumento sa pamamagitan ng __________.A. discussion webB. pamaraang sitwasyunalC. pamaraang pasaklawD. argumentasyon

  • 33.Ang representasyong biswal ng mga kaalaman na nagbabalangkas sa mga impormasyon sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mahahalagang aspeto ng mga konsepto o paksa sa isang hulwaran o disenyo ay tinatawag na __________.

  • A. text framesB. brain stormingC. concept mapD. graphic organizer

  • 34.Ang isang kolaboratibong estratehiya na nagiging eksperto tungkol sa isang bahagi ng teksto ay tinatawag na __________.A. panel discussionB. round table discussionC. JigsawD. silent way

  • 35.Karaniwang ginagamit ang unang wika ng mag-aaral sa pamaraang _______________.A. silent wayB. pananaw cognitive codeC. kakayahang komunikatiboD. grammar translation

  • 36.Ang paraan upang makakuha ng impormasyon na magagamit sa ebalwasyon ay ang ____________.A. pagsasalinB. pagspagsusulitC. pagbabalangkasD. portfolio

  • 37.Mithiin ng 2002 Kurikulum na ang proseso ng pagtuturo at pag-aaral ay_______________.A. integratiboB. interaktiboC. kolaboratiboD. komunikatibo

  • 38.Ang pamaraang nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng halimbawa bilang paglalapat ng tuntunin ay ang pamaraang _______________.A. pasaklawB. pabuodC. pabalakD. konseptwal

  • 39.Sa pamaraang pabuod, hindi kabilang ang hakbang na ________.A. paghahandaB. paglalahadC. paglalahatD. pagpapaliwanag ng tuntunin

  • 40.Ang isang kagamitang nagpapakita ng isang sistematimatikong pamamaraan ng pagtatakda ng lawak ng paksang sasaklawin ay ang _________.

  • A. talahanayan ng IspesipikasyonB. individualized instructionC. long range planD. pagsasalin

  • MAHABANG PAGSUSULIT

  • I. Bilugan ang titik ng tamang sagot1. Ang wika ay balangkas ng masistemang _____.A. letraB. tunogC. simboloD. salita

  • 2.Ang unang paraan ng pagsulat ay tinatawag na ______.A. alibataB. abakadaC. alfabetoD. ortograpya

  • 3.Ang salitang banyuhay ay maihahanay bilang _______.A. likhaB. kolokyalC. balbalD. salin

  • 4.Ang apat na makrong kasanayan sa Filipino ay ang pakikinig, pagsasalita,pagbasa at ______.A. pangangatuwiranB. pagtataloC. pagsasalaysayD. pagsulat

  • 5.Ang wikang Pilipino ay ibinatay sa _________.A. TagalogB. CebuanoC. KastilaD. Ingles

  • 6.Ang wikang Filipino ay ibinatay sa ibat ibang _________.A. salitaB. wikainC. tunogD. sintaks

  • 7.Ang /p/, /b/ at /m/ ay ______.A. palabiB. pangngipinC. pangngalangalaD. pang-glotal

  • 8.Ang bana ay salitang ______.A. TagalogB. BikolC. HiligaynonD. Cebuano

  • 9.Ang ispeling o palabaybayan ay lalong kilala sa tawag na ______.A. gramatikaB. ortograpyaC. cognatesD. sintaks

  • 10.Kung ang unang wikang natutuhan ay Tagalog, at Ilokano ang pangalawang wika, ang Ingles ay tinatawag na ______ wika.A. unangB. pangalawangC. pangatlongD. katulong na

  • 11.Sa alin mang uri ng pakikipagtalastasan ay nangangailangan ng mabuti at mabisang _________.A. pagpapahayagB. pangungumustahanC. pangungusapD. pakikipag-kapwa

  • 12.Para makabuo ng isang mabisang pangungusap ay kakailanganin ang ________.A. kaisahanB. kakipilanC. pagbibigay-diinD. lahat ng sagot

  • 13.Ang pangungusap na Pinatay ko ang puno ay isang uri ng pangungusap na __________.A. naglalarawanB. matalinghagaC. may masidhing damdaminD. may dalawang kahulugan

  • 14.Ang komunikasyon ay prosesong _________.A. transaksyunalB. imahinatiboC. panliteraturaD. korespondensya

  • 15.Ang taong maraming alam na wika ay tinatawag na ________.A. linggwistaB. polyglotC. informantD. tagasaling-wika

  • Sa pangungusap na Ang mga guro ay maituturing na mga bayani, ang simuno o paksa ay _________.A. Ang mgaB. Ang mga guro C. ay maituturing na mga bayaniD. mga bayani

  • Ang namin ay pang-uring _______.A. paariB. paukolC. pamatligD. palagyo

  • Sumali ako sa timpalak sa pag-awit ngunit hindi ako nagwagi dahil nagkamali ako. Ang pandiwang sumali ay nasa aspektong _______.A. peropektiboB. inperpektiboC. kontemplatiboD. pangnakaraan

  • Sa pangungusap na Ikinahihiya ko ang pagkakadulas ko kanina, ang pokus ay nasa ______.A. tagaganapB. tagatanggapC. layonD. sanhi

  • 20.Sa pagbabaybay, hinihiran nang walang pagbabago ang mga simbolong _____.A. panteknikalB. pampanitikanC. pang-aghamD. pampalakasan

  • 21.Sa Konstitusyon 1935, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay ibinatay sa ____.A. InglesB. CebuanoC. KastilaD. Tagalog

  • 22.Ang taong maraming alam na wika ay tinatawag na _______________. A. linggwistaB. polyglotC. informantD. purista

  • 23.Ang mnorpolohiya ay makaagham na pag-aaral ng ________.A. tunogB. yunit ng salitaC. pagbaybayD. pangungusap

  • 24.Sa pangungusap na Ikaw rin ang maaawa kapag iniwan ka ng kuya, ang diptonggo ay ____________.A. IkawB. maaawaC. iniwanD. kuya

  • 25.Sa pangungusap na Si Big Boss ang gumawa ng transaksyon kaya narito tayo ngayon, ang klaster ay _________.A. gumawaB. transaksyonC. naritoD. ngayon

  • PAGSUSULIT SA PANITIKAN

  • Dungawin mo hirangAng nananambitanKahit sulyap mo man lamangIyong idampulay.

  • 1.Ang awit sa itaas ay isang halimbawa ng awit ng __________.A. pag-ibig B. pakikidigmaC. pagpapatulog ng sanggol D. tagumpay

  • 2. Ang Atin Cu Pung Singsing ay isang halimbawa ng ______.A. laro B. bugtongC. awiting-bayan D. sawikain

  • 3. Ang Ibalon ay mahabang epiko ng Bicol na isinalin sa Kastila ni ______.A. P. Jose Cayetano B. P. Arsenio ManuelC. P. Dr. Otley Beyer D. P. Pedro Bukaneg

  • 4. Ang Urbana at Felisa ay isinulat ni ___________.A. P. Modesto de Castro B. B. P. Mariano PilapilC. P. Gaspar Aquino de Belen D. P. Antonio de Borja

  • 5. Ang isang paligsahan sa tula na ginaganap sa bakuran ng namatayan ay tinatawag__________.A. duplo B. balagtasan karagatan D. karilyo

  • 6.Ang Akademya ng Wikang Tagalog ay naganap noong Panahon ng ________.A. Kastila B. HaponC. Amerikano D. Aktibismo / Bagong Lipunan

  • 7. Ang Lola Basiang ng Panitikang Tagalog ay si ____________.A. Jose Corazon de Jesus B. Valeriano Hernandez PenaC. Inigo Ed. Regalado D. Severino Reyes

  • 8. Ang La India Elegante Y El Negrito Amante ni Balagtas ay isang uri ng ____.A. sainete B. kurido C. duploD. awit

  • Ang Makata ng Manggagawa ay si _____________.A. Jose Corazon de Jesus B. Amado V. HernandezC. Julian Cruz Balmaceda D. Lope K. Santos

  • 10.Ang Gintong Panahon ng Panitikan ay ang Panahon ng __________.A. Bago Dumating ang mga Kastila B. Hapon C. Batas MilitarD. Kasalukuyan

  • 11. Ang Ang Lumang Aparador ay isang halimbawa ng ______________.A. Maikling Kuwentong PambataB. Maikling KuwentoC. SanaysayD. Tula

  • 12. Krakkk! Krakkk! Krakkik! ay isang halimbawa ng __________.A. asonansyaB. aliterasyonC. alusyonD. onomatopeya

  • 13. Ang sagisag ni Amado V. Herandez ay ____________.A. OdalagerB. Julio AbrilC. Kuntil-ButilD. Dimas-Ilaw

  • 14. Ang tulang Panata sa Kalayaan ay isa sa mga tula sa librong ___________.A. Pusot DiwaB. Parnasong TagalogC. DamdaminD. Isang Dipang Langit

  • 15. Ang Bataan ay isang mahabang ___________.A. tulaB. nobelaC. maikling kuwentoD. dula

  • 16. Ang kapana-panabik na bahagi ng maikling kuwento ay ang ____________.A. tunggalianB. simboloC. pahiwatigD. kasukdulan

  • 17. Naiiba ang maikling kuwento dahil sa taglay nitong ____________.A. diyalogoB. simboloC. kakintalanD. tunggalian

  • 18. Ang salin sa Filipino ng dulang Portrait of a Filipino Artist ay _________.A. LarawanB. Larawang BuhayC. Larawan ng ArtistaD. Artistang Buhay

  • 19. Ang tinawag na Reyna ng Bodabil ay si ___________________.A. Rustica CarpioB. Zenaida AmadorC. Atang dela RamaD. Katy dela Cruz

  • 20. Ang LEnfant Terrible of Philippine Theatre ay si __________.A. Hermogenes IlaganB. Rolando TinioC. Severino MontanoD. Naty Crame-Rogers

  • 21. Ang maikling kuwentong nagwagi ng unang gantimpala noong Panahon ng Hapon ay ang _________________.A. Lupang TinubuanB. Uhaw ang Tigang na LupaC. Lungsod, Nayon at Dagat-dagatanD. Kuwento ni Mabuti

  • 22. Ang kauna-unahang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan ay si _______.A. Gerry de LeonB. Bienvenido LumberaC. Virgilio AlmarioD. Amado V. Hernandez

  • 22. Ang manunulat na nabilanggo dahil sa kanyang makabayang dulang Ang Tanikalang Ginto ay si ____________.A. Amado V. HernandezB. Aurelio TolentinoC. Juan AbadD. Julian Cruz Balmaceda

  • 23. Ang Napabayaan ang pagsasaka dahil sa sapilitang paggawa ay matutunghayan sa __________________.A. Hinggil sa Katamaran ng mga PilipinoB. Noli Me TangereC. El FilibusterismoD. Ang Kapulungan ng mga Bathala

  • 24. Ang nagtatag ng Iglesia Filipina Independencia ay si ______________.A. Fernando CanonB. Isabelo delos ReyesC. Epifanio delos SantosD. Pedro Paterno

  • 25. Ang Ama ng Pahayagan ay si ______________. A. Graciano Lopez JaenaB. Pedro PaternoC. Pascual PobleteD. Jose Maria Panganiban

  • 26. Ang Katabay ay sagisag-panulat ni _______________.A. Apolinario MabiniB. Julian FelipeC. Jose Maria PanganibanD. Jose Palma

  • 27. Ang Miss Phatuphats ay maikling kuwentong __________.A. IlokanoB. KapampanganC. TagalogD. Cebuano

  • 28. Kung may Balagatsan sa tagalong at Crissotan sa Kapampangan, sa Ilokano ay may ______________.A. YawyawenanB. Lam-AnganC. BukaneganD. Benguetan

  • 29. Ang Liwayway noong panahon ng Hapon ay nasa pangangasiwa ng ________.A. Manila Simbun-syaB. Japanese Imperial ArmyC. Japanese CommitteeD. Philippines-Japan Treaty

  • 30. Ang isang akdang nanaluktok sa buong daigdig ay ang __________.A. MahabharataB. HamletC. Me Ultimo AdiosD. The Old Man and the Sea

  • MARAMINGMARAMINGSALAMAT PO!