28
MANUEL LUIS MOLINA QUEZON ( 1935-1944) Kapanganakan: August 19, 1878 Lugar: Baler, Aurora Mga Magulang: Lucio Quezon at Maria Dolores Molina Kapatid: Pedro Asaa: Aurora Aragon Mga Anak: Maria Aurora Quezon, Maria !enaida Quezon, Luisa "orazon, Manuel L #uezon $r% &dukas'on: (ni)ersidad ng *anto +o as Korso: Bac-elor o. Arts Ka ata'an: Agosto 1, 19// *an-i: tu)erculosis Talambuhay: (buod) *i Manuel Quezon a' ipinanganak sa Baler,Quezon0nga'o ' Aurora2 noongAgosto 19, 1878%Ang kan'ang ga agulang a' sina 3% Lucio Quezon at 3ng% Maria Molina%*i Manuel a' unang nag4aral sa Baler at pagkatapos a' sa san 5uan de Letrankung saan ni'a tinanggap ang a'an ng pagiging dalu)-asa sa *i'ens'a ngMate atika% *i'a a' u ani) sa Katipunan nang si'a a' la)ing4along taong gulangpa la ang% *a gulang na dalaa pu t isa u ani) si'a sa -uk)o ni 6eneral & ilioAguinaldo% aging piskal sa edad na at naging go)ernador sa edad na 8% *i'a rina' naging Ko is'unado esidente nang si'a a' ;1, pangulo ng *enado nang si'a a';8 at sa edad na < a' naging Pangulo ng pilipinas*i Manuel Luis Quezon ' Molina a' kilala )ilang =A a ng >ikang ?ilipino% %%% *i Quezon a' tinataag ding =A a ng Kasarinlang Pilipino@ da-il sa kan'ang %%% L4 < <2, na nagsasa)ing noong pinata' ang a a a kapatid ni Quezon,ang ga %%%% ang sarilingtala )u-a', ang =+-e 3ood ?ig-t@ o Ma)utingPakikipagla)an@ Pinatupad ni'ang aging piesta opis'al ang kapanganakan ni Boni.acio at si'arin ang nagpagaa ng )anta'og nito sa green park% 3u aa si'a ng -ak)ang upang agkaroon ng >ikang Pa )ansa na -ango sa isang di'alekto sa kapuluan% Kungka'a t ang naging pa )ansang ika ng )ansa a' ?ilipino% At ito ang naging da-ilankung ka'at ta'o a' nagdiriang ng Linggo ng >ika sa )uan ng kan'angKapanganakan%*i Manuel Quezon a' naging kagaad ng Paci c >ar "ouncil at noong 6un'o1/, 19/ , si'aang unang Pilipinong lu agda sa agkakaisang Bansa o (nited ations%*i Manuel Quezon a' na ata' noong A)ril 1 , 19/8 da-il sa sakit natu)erculosis at nili)ing sa Arlington ational "e eter' sa >as-ington at inilipat angkan'ang la)i sa Lungsod ng Quezon sa loo) ng onu ento sa Quezon Me orial"ircle% Ma !"o"ama pinatupad ang eig-t -our La)or la sa progra a sa paggaa sa lupa% 1

Philippine President

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Biography, family and their contribution in the country

Citation preview

MANUEL LUIS MOLINA QUEZON ( 1935-1944)

Kapanganakan: August 19, 1878Lugar: Baler, AuroraMga Magulang: Lucio Quezon at Maria Dolores MolinaKapatid: PedroAsawa: Aurora AragonMga Anak: Maria Aurora Quezon, Maria Zenaida Quezon, Luisa Corazon, Manuel L quezon jr.Edukasyon: Unibersidad ng Santo TomasKorso: Bachelor of ArtsKamatayan: Agosto 1, 1944Sanhi: tuberculosis

Talambuhay: (buod)

Si Manuel Quezon ay ipinanganak sa Baler,Quezon(ngayo'y Aurora) noongAgosto 19, 1878.Ang kanyang mga magulang ay sina G. Lucio Quezon at Gng. Maria Molina.Si Manuel ay unang nag-aral sa Baler at pagkatapos ay sa san Juan de Letrankung saan niya tinanggap ang ayan ng pagiging dalubhasa sa Siyensya ngMatematika. Siya ay umanib sa Katipunan nang siya ay labing-walong taong gulangpa lamang. Sa gulang na dalawampu't isa ay umanib siya sa hukbo ni Heneral EmilioAguinaldo. Naging piskal sa edad na 25 at naging gobernador sa edad na 28. Siya rinay naging Komisyunado Residente nang siya ay 31, pangulo ng Senado nang siya ay38 at sa edad na 56 ay naging Pangulo ng pilipinasSi Manuel Luis Quezony Molina ay kilala bilang Ama ng Wikang Filipino. ... Si Quezon ay tinatawag ding Ama ng Kasarinlang Pilipino dahil sa kanyang ... L-2626), na nagsasabing noong pinatay ang ama at kapatid ni Quezon,ang mga .... ang sarilingtalambuhay, ang The Good Fight o Ang MabutingPakikipaglaban Pinatupad niyang maging piesta opisyal ang kapanganakan ni Bonifacio at siyarin ang nagpagawa ng bantayog nito sa green park. Gumawa siya ng hakbang upangmagkaroon ng Wikang Pambansa na hango sa isang diyalekto sa kapuluan. Kungkaya't ang naging pambansang wika ng bansa ay Filipino. At ito ang naging dahilankung kayat tayo ay nagdiriwang ng Linggo ng Wika sa buwan ng kanyangKapanganakan.Si Manuel Quezon ay naging kagawad ng Pacific War Council at noong Hunyo14, 1942, siyaang unang Pilipinong lumagda sa Nagkakaisang Bansa o UnitedNations.Si Manuel Quezon ay namatay noong Abril 15, 1948 dahil sa sakit natuberculosis at nilibing sa Arlington National Cemetery sa Washington at inilipat angkanyang labi sa Lungsod ng Quezon sa loob ng monumento sa Quezon MemorialCircle.

Mga Programa

Ipinatupad ang eight hour Labor law sa programa sa paggawa sa lupa. Ipinatupad ang Minimum Wage Law Pinaunlad ang Pambansang seguridad sa tulong ng National Defense Act. Ipinatupad ang pambansang Peyne-ALdric Act na nagpababa n gating buwis Nakakabuto ang kababaihan at nakakasali sa pulitika.

AURORA ARAGON

MANUEL ACUA ROXAS (1946-1948)

Kapanganakan: Enero 1, 1892Lugar: Roxas, CapizMga Magulang: Gerardo Roxas at Rosario AcunaKapatid: Leopoldo Acua Roxas; Mamerto Acua Roxas Asawa: Trinidad de LeonMga Anak: Ma. Rosario ("Ruby") Gerardo Manuel ("Gerry")Edukasyon: Unibersidad ng PilipinasKorso: AbogasyaKamatayan: Abril 15, 1948Sanhi: Atake sa pusoTalambuhay(buod)

Si Manuel Acua Roxas (Enero 1,1892-Abril 15,1948) ay isang pulitiko saPilipinas. Siya ay ang ikalimangPangulongRepublika ng Pilipinas(Mayo 28,1946Abril 15,1948). Isinilang si Roxas noongEnero 1,1892sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay, angLungsod ng Roxassa lalawiganngCapiz. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuna ang kanyang mgamagulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas(University of the Philippines)noong 1912 at naging topnatcher sa Bar.Nag-umpisa siya sa pulitika bilang piskal panlalawigan. Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim ngPamahalaang KomonweltniManuel L. Quezon. Noong1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging speaker. Pagkatapos maitatag ang Komonweltng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National Assembly, nagsilbi(1938-1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon, at naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas.NoongIkalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng mananakop naHapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas naitinaguyod ng mga Hapon. Sa panahon din ito, siya ang nagsilbingintelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli ng mga bumalik napwersangAmerikanosi Roxas sa paghihinalang pakikipagtulungan sa mgaHapon. Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni HeneralDouglasMacArthurkasama kay pangulongSergio Osmenakasama ng mga Pilipinong heneral na galing saSandatahang Lakas ng Pilipinasna sinaheneralBasilio J. Valdesat si heneralCarlos P. Romuloat ibinalik ang kanyang nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ngEstados Unidos. Ito ang nagbigay-buhay sa kanyang buhay politika, at sasuporta ni MacArthur, nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo noongAbril23,1946laban kaySergio Osmea. Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang mga nakipagtulungan sa mga Hapon. NoongAbril 15,1948, inatake bigla si Roxas sa puso at siya ay namatay, habang nagbibigay ng kanyangtalumpati sa dating base militar ngEstados UnidossaClark Air Basewala na ito sa kasalukuyan. Siya ay sinundan ni PangulongElpidio QuirinoMga Programa:

Paglalaagay ng elektrisidad sa ibat-ibang lalawigan Pagtatag ng Rehabilitation Finance Corporation( kilala bilang Development Bank of the Philippines) Pagpapatibay ng Parity rights and Bell Trade Act na nagbibigay ng pantay na karapatan sa Amerikano at Pilipino sa paglinang at paggamit ng likas na yaman ng bansa Pagsasaayos ng elektripikasyon Nagpasimula ng pagtulong sa mamamayang Pilipino hinggil sa pagnenegosyo at pagkakaroon ng sariling bahay.

Rosario Acua Gerardo Roxas

ELPIDIO RIVERA QUIRINO ( 1948-19530)

Kapanganakan: Nobyembre 19, 1890Lugar: ViganMga Magulang: Mariano Quirino at Gregoria RiveraKapatid: Ernesto Quirino; Antonio Rivera Quirino; Eliseo Rivera Quirino; Crisanto Rivera Quirino; Jose Rivera QuirinoAsawa: Alycia SequiaMga Anak: Tomas, Armando, Norma, Victoria at FeEdukasyon: Unibersidad ng PilipinasKorso: AbogasyaKamatayan: Pebrero 29, 1956Sanhi: Atake sa puso

Talambuhay(Buod)Si Elpidio Rivera Quirino (16 Nobyembre 189029 Pebrero 1956) ay isang politiko at ang ikaanim na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (17 Abril 1948-30 Disyembre 1953).Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur noong 16 Nobyembre 1890 kina Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915.Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hiniram na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong 17 Abril 1948. Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya.Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa atake sa puso noong 29 Pebrero 1956 sa gulang na 66.Mga Programa

Pagpapatayo ng ibat-ibang industriya sa bansa Pagtatatag ng PACSA na tumutulong sa pangangailangan ng mahihirap Pagtatag ng Bangko Central ng Pilipinas Pagpapatibay ng minimum wage law at Code of Magna Carta for Labor Nagtuon ng pagpapautang sa mga magsasaka upang maging maayos ang kanilang pagsasaka Pagtatayo ng kooperatiba upang makatulong sa kalagayan ng magsasaka

RAMON DEL FIERRO MAGSAYSAY (1953-1957)

Kapanganakan: Agosto 31, 1907Lugar: Iba, ZambalesMga Magulang: Exequiel Magsaysay at Perfecta del FierroKapatid: Luisa Magsaysay Corpus; Mercedes Magsaysay-Diaz; Concepcion Magsaysay; Soledad Magsaysay Cabrera; Jose MagsaysayAsawa: Luz BansonMga Anak: Teresita Banzon-Magsaysay), Milagros "Mila" Banzon-Magsaysay and Ramon "Jun" Banzon-Magsaysay, JrEdukasyon: Jose Rizal CollegeKorso: mechanical engineeringKamatayan: Marso 17, 1957Sanhi: Sa pagbagsak ng eroplano

Talambuhay(Buod)

Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramn "Monching" Magsaysay (Agosto 31, 1907 Marso 17, 1957) ay ang ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Disyembre 30, 1953-Marso 17, 1957). Si Magsaysay ay isinilang sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal College. Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago magkadigma. Nang bumagsak ang Bataan inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at Pinalaya ng pwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong Enero 26, 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika. Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.

Mga Programa

Pagpapatayo ng ACCFA upang matulungan ang mga magsasakang maipagbili ang kanilang ani Paglikha ng mga kooperatiba at bangko at bangko rural Nagpasimula ng Land Tenure Reform Law na nagtatadhana sa paghati ng mga lupa sa isang malaking asyenda. Pagsasakatuparan ng Laurel Langley- Act nagpalawak sa karapatan ng mga Amerikano na linangin ang mga likas na yaman. Pagpapatupad ng batas ukol sa paghahati ng malaking asyenda

Luz Banzon

CARLOS POLISTICO GARCIA (1957-1961)

Kapanganakan: Nobyembre 4, 1896Lugar: BoholMga Magulang: Policronio Garcia at Ambrosia PolisticoKapatid: Asawa: Leonila DimatagaMga Anak: Linda Garcia CamposEdukasyon: Silliman University at Silliman InstituteKorso: abogasyaKamatayan: Hunyo 14, 1971Sanhi: atake sa puso

Talambuhay( Buod)Carlos Polestico Garcia (1896-1971), presidente ng Republika ng Pilipinas noong 1957 hanggang 1961. Isinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa Lungsod ng Talibon, Bohol sa Kapuluan ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Silliman University at Silliman Institute, sa lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Naging abogado at guro, pinasok niya ang politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan (Philippine House of Representatives) at naglingkod hanggang 1932. Si Garcia ay naging gobernador ng Bohol, isang probinsiya sa Katimugang Pilipinas, mula 1932 hanggang 1942, at naging miyembro ng Senado mula 1942 hanggang 1953. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1945), lumaban siya sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol, at ang tinulungan ng mga tropang Pilipino at Amerikano sa Bohol. Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya sa Senado.Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang bise presidente na kabilang sa Tiket Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, isang politikong Pilipino na bumuo at namuno sa isang pwersang guerilla na lumaban sa pananakop ng mga Hapones. Nakamit nila ang mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay naging bise presidente at Kalihim ng Suliraning Panlabas.Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano, at nagwagi rin siya sa Halalan ng Panguluhan noong Nobyembre 1957.Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na Base Militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa Halalan noong 1961.Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang pulitiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa kanyang diyalektong Bisaya. Namatay siya sa atake sa puso noong Hunyo 14, 1971 sa edad na 75.Mga Programa Paglulunsad ng austerity Program Pagpapairal ng Pilipino First Policy O Pilipino Muna at palatutuntunan ng pagtitipid. Pagtatag ng NAMARCO Act Pagdaraos ng taunang Republic Cultural Heritage Awards. Binigyang diin ang pagbabawad ng pag-angkat ng mga imported good.

DIOSDADO PANGAN MACAPAGAL (1961-1965)

Kapanganakan: Setyembre 28, 1910Lugar: Lubao PampanggaMga Magulang: Urbano Macapagal at Romano PanganKapatid: Araceli Macapagal; Israel Pangan Macapagal; Lourdes Pangan Macapagal and Angel Pangan MacapagalAsawa: Purita dela Rosa, Evangelina MacaraigMga Anak: Gloria, Maria Cielo, Arturo at Diosdado JrEdukasyon: Nagtapos sa Santo TomasKorso: Doktor ng ekonomiya at AbogasyaKamatayan: Abril 21, 1997Sanhi: Sakit sa Puso Pulmonya at Bato

Gloria Macapagal Eva Macapagal

Talambuhay( Buod)Tinangkilik ng pilantropong si Honorio Ventura upang mag-aral ng Abogasya sa Pamantasan ng Sto. Tomas at naging bar examination topnotcher . Naging miyembro ng Pambansang Lehislatura mula 1949-1957. Naging katulong na abogado ni Pangulong Manuel Quezon. Naging propesor sa Unibersidad ng Santo Tomas.Hepe ng Sangay ng Batas, Kagawarang Ugnayang Panlabas, (1946). Kongresista, unang distrito ng Pampanga, dalawang beses nahalal, (1949-1953) Noong 1951 ay naging tagapangulo ng Delegasyon ng Pilipinas sa United Nations Assembly sa Paris at tumutulong sa negosasyon ng mutual defense treaty sa Estados Unidos at tradadong pangkapayapaan sa Japan.Katulong na nag-akda at nagpanukala ng pagsasabatas ng Batas Ukol sa Pinakamababang Pasahod, Batas Ukol sa mga Bangko sa Kanayunan at batas na nagsasabansa ng kalakal na bigas at mais. Tagapangulo: Lupon ng Kongreso sa Ugnayang Panlabas. Isa sa mga pinarangalan ng Sampung Pinakamahusay ng Kongresista ng Congressional Press Club, (1947-1957).Tinawag na Kampeon ng Masa dahil sa pagmamalasakit sa mahihirap.Tinanghal na Pinakamahusay na Mambabatas ng Ikatlong Kongreso. Naging Pangalawang Pangulo ng Pilipinas noong 1957. Naging Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1961.Dahil sa kanyang mahigpit na kampanya laban sa katiwalian ay umani siya ng taguring The Incorruptible. Ipinasa ng Kodigo ng Reporma sa Lupang Pansakahan (Republic Act No. 3844) noong Agosto 8, 1963. Nakatulong sa pagbuo ng MAPHILINDO (Malaysia, Philippines, Indonesia), na hinalinhinan ng ASEAN noong 1963. Nakatulong sa pagpapalit ng Araw ng kalayaan ng Pilipinas mula Hulyo 4 tungo sa Hunyo 12. Nahalal na tagapangulo ng Kapulungang Konstitusyonal, (1971-1972), makaraang mamatay si dating Pangulong Carlos P. Garcia. Siya ang nagpasimuno na angkinin ng Pilipinas ang Sabah mula sa MalaysiaMga Programa Pagpapatibay ng Agricultural Land Reform Code Paglutas sa mga suliraning may kaugnayan sa pagkawala ng hanapbuhay ng maraming Pilipino Itinatag ang codego sa pagbabago ng mga lupang sakahan O Agricultural Land Reform Code

FERDINAND EMMANUEL EDRALIN MARCOS (1965-1986)

Kapanganakan: Setyembre 11, 1917Lugar: Sarrat Ilocos NorteMga Magulang:Mariano Marcos at Josefa EdralinKapatid: Pacifico, Fortuna at ElizabethAsawa: Imelda MarcosMga Anak: Imee Ferdinand Jr at IreneEdukasyon: Pamantasan ng PilipinasKorso: AbogasyaKamatayan: Setymebre 28, 1989Sanhi:

Talambuhay(Buod)Nakakuha ng pinakamataas na karangalan sa Military Science and Tactics sa buong pamantasan. Komandante ng Batalyon, may ranggo na kadete mayor at puno ng koponan ng riple at pistola ng Pamantasan ng Pilipinas. Nakamit niya ang President Manuel Quezon Medal Award dahil sa kanyang Graduation Thesis. Naakusahang nakipagsabwatan sa pagpatay kay Kinatawan Julio Nalundasan, kalaban sa pulitika ng ama noong 1938. Naging topnotcher sa bar examinations noong Nobyembre 1939. Ipinagtanggol ang sarili sa kasong pagpatay sa harap ng Korte Suprema na nagpawalang-sala sa kanya noong Nobyembre 1940. Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakasama sila sa Death March at nakaranas ng hirap at sakit bilang bilanggo ng giyera sa Fort Santiago at Capas, Tarlac. Naging tenyente rin siya na nangasiwa sa pangangalaga ng impormasyon, ika-21 sangay ng USAFFE. Tatlong beses nahalal na kongresista ng Ilocos Norte, (1949, 1953 at 1957). Sa edad na 32, siya ang pinakabatang miyembro ng kapulungang minorya. Senador (1959), ang kaunaunahang kandidato ng minorya na nanguna sa pagkasenador; pinuno ng kapulungang minorya, pangulo ng senado (1936).Pangulo ng Republika ng Pilipinas, (Nobyembre 1965). Pinasikat niya ang islogang Magiging Dakilang Muli ang Bansang ito.Muling nahalal para sa apat na taong panahon (1969); ang kauna-unahang muling nahalal sa kapulungann sa kasaysayan ng Pilipinas. Nakapagpagawa ng maraming patubig at naipalaganap sa buong bansa ang tinatawag na miracle rice. Ang pinakamadugong demonstrasyon ay naganap noong Enero 30, 1970 sa Mendiola Bridge. Sinuspende niya ang Writ of Habeas Corpus noong Agosto 21, 1971 matapos bombahin ang rally ng Liberal Party sa Plaza Miranda. Ipinatupad ang Batas Militar at sinuspende ang 1935 Konstitusyon (Setyembre 21, 1972).Iprinoklama niya ang 1973 Konstitusyon na naglalayong palawigin ang kanyang pamamahala hanggang sa pagtatapos ng pag-iral ng Base Militar. Sa panahon ng Batas Militar ay sumikat ang Bagong Lipunan. Kauna-unahang Punong Ministro sa balangkas ng pamahalaang uring parliyamentaryo. Nilagdaan niya ang pagpapawalang bisa ng Batas Militar noong Enero 17, 1981 sa pamamagitan ng Proklamasyon 2045. Muling nahalal na pangulo sa anim na taong panahon makaraang magwakas ang Batas Militar. Tumawag ng isang snap election sa pagkapangulo noong Pebrero 7, 1986 at nanalo kay Cory Aquino sa kabila ng malawakang dayaan at karahasan. Pinatalsik ng makasaysayang Peoples Power noong Pebrero 25, 1986.Tumakas at napatapon sa Hawaii, U.S.A. Ibinalik ang bangkay sa Pilipinas noong 1992.Mga Programa Pagpapalaki ng produksyon ng bigas at mais. Pagpababa ng krimenalidad Paglulunsad ng Green Revolution para matugunan ang pangangailangan sa pagkain. Pagpapaunlad ng imprastraktura. Pag-akit sa mga dayuhan na mamuhunan sa Pilipinas at pagtatayo ng negosyo rito (Open Door Policy) Imelda Bong-Bong Imee Irene Mariano

MARIA CORAZON AQUINO (1986-1992)

Kapanganakan: Enero 25, 1983Lugar: MaynilaMga Magulang: Jose Cojuanco at Demetra SumulongKapatid: Jose, Josephine, Pedro at maria PazAsawa: Benigno Ninoy Aquino JrMga Anak: Maria, Aurora, Benigno III, Victoria at KristinaEdukasyon: Mt Saint Vincent NY, Ateneo de Manila, Pamantasan ng Boston, Pamantasan ng Fordham, Pamantasan ng Waseda Tokyo, FEU , Sto Tomas at Kolehiyo de stonehill masachussetsKorso: Batsilyer ng sining at Doktor ng humanitiesKamatayan: Agosto 1, 2009Sanhi: Sakit sa bitukaTalambuhay (Buod)

Matapos makapangalap ng isang milyong signature ang mga kakampi ay saka lang siya napapayag na labanan si Marcos sa Snap Election noong Pebrero 7, 1986. Iniluklok bilang Pangulo ng Pilipinas noong Pebrero 25, 1986 dahil sa makasaysayang Peoples Power na nagpatalsik kay marcos sa posisyon. Pinanumpa ni Hukom ng Korte Suprema Claudio Teehankee bilang pangulo ng Pilipinas. Nagpatupad ng rekonsilyasyon at pinalaya ang mga bilanggo ng New Peoples Army at Jose Maria Sison ng Communist Party of the Philippines.Nagpabalik ng pampanguluhang balangkas ng pamahalaan. Nagdaos ng isang pambansang plebisito upang pagtibayin ng bayan ang mga susog sa Saligang Batas ng 1935 noong Pebrero 2, 1987. Tinanghal na Babae ng Taon ng Time Magazine. Ginawaran ng Gawad Eleanor Roosevelt para sa Karapatang Pantao. Napingasan ang pagtingin ng taumbayan kay Cory dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya ng uhaw sa paghihiganti kay Marcos. Nagkaroon ng anim na malalaking coup d etat na nais magpatalsik sa kanyang pamahalaan na ang pinakamadugo ay naganap noong 1987 at 1989. Nakaranas ng malaking problema at kalimidad sa panahon niya tulad ng lindol noong Hulyo 16, 1990; bagyong Rufing at pagtaas ng presyo ng langis bunga ng giyera sa Gitnang Silangan at pagsabog ng Bulkang Pinatubo noong 1991. Jose Cojuanco Josephine C. Reyes Ninoy

Mga Programa

Pagpapatupad ng Trade Liberalization o malayang pagpasok ng mga produkto o serbisyo mula sa ibang bansa. Pagtatag ng PCGG( Presidential COmmision on Good Governance) Pagpapatupad ng bagong probisyon sa CARP-Comprehensive Agrarian Reform Program) ukol sa pagmamay-ari ng magsasakasa kanyang sinasakang lupa. Pagkakaroon ng National Housing Authority Pagpapatibay ng free Public Secondary Education at Generics Law Pagbuo ng NON- Government Organization (NGO) Pagtaas ng halaga ng produktong iniluluwas. Pagkakaroon ng mabilis na pagbabago sa mga kagamitang makinarya sa pagsasaka.FIDEL VALDEZ RAMOS (1992-1998)

Kapanganakan: Marso 18, 1928Lugar: Lingayen PangasinanMga Magulang: Atty. Narciso Ramos at Angela ValdezKapatid: Leticia Ramos ShahaniAsawa: Amelita MartinezMga Anak: Angelina, Josephine, Carolina, Cristine at GloriaEdukasyon: PMA, US military academy westpoint CA, University of Illinois Pamantasan ng Ateneo de ManilaKorso: Associate Infantry Company Officers Course Fort Benning

Talambuhay(Buod)Si Fidel Valdez Ramos (ipinanganak Marso 18, 1928) ang ikawalong pangulo ng ikatlong Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30, 1998). Isinilang siya noong Marso 18, 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela Valdez. Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950. Kumuha rin siya ng masteral ng civil engineering sa University of Illinois, Msters in Business Administration sa Pamantasang Ateneo de Manila, at nanguna sa klase niya sa Infantry training at kursong Special Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia. Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea at Vietnam. Naging tanyag siya sa pamumuno sa isang pulutong ng mga sundalong tumalo sa pwersang komunista ng mga Tsino sa Labanan sa Burol ng Eerie. Kabilang sa mga medalya at parangal na natanggap niya bilang sundalo ang Philippine Legion of Honor, ang Gold Cross, ang Philippine Military Merit Medal, ang United States Legion of Merit, ang French Legion of Honor at ang U.S. Military Academy Distinguished Award. Inatasan siyang maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ng Integral National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981. Noong 1983, pansamantala niyang pinalitan si Fabian Ver, pinuno noon ng Sandatahang Lakas, nang ito ay masangkot sa pagkakapaslang sa lider-opososyon si Benigno S. Aquino Jr. Noong 1986, tinangkaang agawin ni Ferdinand Marcos ang pagkapanalo ni Corazon Aquino, balo ni Benigno Aquino, sa halalang pangpanguluhan. Nakiisa si Ramos kay Juan Ponce Enrile, noong kalihim ng Tanggulang Pambansa, sa pagkubkobsa mga himpilan ng sandatahang lakas. Ang sumunod dito ay tinaguriang People Power Revolution na nagtulak kay Marcos na lumikas patungong Estados Unidos. Naluklok si Aquino sa pagkapangulo. Ginawang ni Aquino na hepe ng sandatahang lakas si Ramos. Pagkaran ng dalawang taon, si Ramos ay naging kalihim na Tanggulang Pambansa.Noong 1992, tumakbo siya at nanalong pangulo ng bansa. Bilang pangulo, naging priyoridad niya ang pagsasaayos sa estruktura ng pamahalaan, na nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa pamahalaang lokal. Hinikayat niya ang dayuhang pamumuhunan, lalo na sa turismo, na naging bahagi ng kanyang programa para sa kaunlaran.

Leticia Ramos Amelita Ramos

Mga Programa

Pagtatag ng presidential Anti-Crime Commission (PACC) Pagtatag ng special Zone of peach and development. Pagtatag ng programang Phil.2000 na nakapokus sa pagpapatayo ng mga bagong paaralan, relokasyon ng mga iskwater at imprastraktura. Pagpapatuloy ng Clean Air Campaign at Clean and Green Program. Pagtatag ng programang liberalisasyon.

JOSE MARCELO EJERCITOScreen name : Joseph Erap Estrada (1998-2001) Kapanganakan: Abril 19, 1937Lugar: Tondo ManilaMga Magulang: Emilio Ejercito Sr at Maria MarceloKapatid: Jeorge, Jesse, Marita, Pat, Antonio,Pilarica,Paulie, Connieat EmilioAsawa: Luisa PimentelMga Anak: Jose ejercito Jr, Jinggoy at Jackie ejercitoEdukasyon: Mapua Institute of TechnologyKorso: Inheryerya

Luisa Pimentel Jinggoy Jackie

Talambuhay(Buod)

Asawa niya (ang dating Doktor at unang ginang ng bansa na naporma-senador) na si Luisa Pimentel at nagkaroon ng tatlong anak: Jose Ejercito, Jr. (mas mahusay na kilala bilang "Jinggoy Estrada"; dating Alkalde ng San Juan naporma senador / kasal kay Precy Vitug), Jackie Ejercito (kasal kay Beaver Lopez), at Jude Ejercito (kasal kay Weng Ocampo). Joseph Estrada matugunan ang kanyang asawa Loisa Pimentel habang nagtatrabaho bilang isang katulong sa National Center for Mental Health (NMCH) sa Mandaluyong City. Siya rin ay may mga anak mula sa apat na sa labas ng matrimonyo relasyon, kasama Joseph Victor "JV" Ejercito (mula sa mga taong tanyag sa lipunan Guia Gmez) na gumawa rin ng pangalan para sa kanyang sarili sa pulitika sa para sumusunod sa mga yapak ng kanyang ama bilang kasalukuyang alkalde ng San Juan City . Pagsanjan, Laguna Mayor Emilio Ramon P. Ejercito III, na kilala sa Philippine Showbiz na si George Estregan, Jr, o ay Ejercito, ay ang kanyang pamangking lalaki.Sa panahon ng 2000 pagtataluwalagsa pamamaraan, nagkaroon si Estrada ng maraming panlabas ng relasyon at mga anak. Bilang isang aktor at director Huminto sa pag-aaral si Estrada sa kolehiyo upang pumasok sa larangan ng pelikulang Pilipino sa edad na 21. Nakagawa siya ng mga humigit kumulang na 120 pelikula, karamihan sa mga ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya ang bida na ginaganapan ang mga papel ng mga taong mahirap o mga mababang antas ng lipunan. Napagwagian niya ang ilan sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at pagiging Direktor ng Pelikula.Bilang PulitikoPinasok ni Estrada ang larangan ng pulitika noong 1967 nang mahalal siya bilang Alkalde ng San Juan, Kalakhang Maynila. Noong 1971, pinarangalan siya bilang "Outstanding Mayor and Foremost Nationalist" ng Inter-Provincial Information Service at ng sumunod na taon bilang "Most Outstanding Metro Manila Mayor" ng Philippines Princetone Poll. Kabilang siya sa mga alkalde na sapilitang inalis nang humalili si Corazon C. Aquino bilang pangulo ng Pilipinas pagkaraang napatalsik Ferdinand E. Marcos sa pwesto noong Pebrero 25, 1986 sa pamamagitan ng People Power Revolution. Tumakbo si Estrada sa ilalim ng partidong Grand Alliance for Democracy at matagumpay na nahalal sa Senado ng Pilipinas (Ika-walong Kongreso). Nahirang siya bilang Chairman of the committees on Cultural, Rural Development, and Public Works. Siya rin ay naging Vice Chairman of the Committees on Health, Natural Resources and Urban Planning. Kabilang sa mga panukalang batas na isinulong nya ay yaong ukol sa agrikultura, mga proyektong irigasyon sa pagsasaka at pagpapalawig at pag-protekta sa kalabaw. Noong 1989, tinanghal siya ng Philippine Free Press bilang isa sa "Three Outstanding Senators of the Year". Isa si Estrada sa mga senador na tumangging sang-ayunan ang bagong tratado ng US Military Bases na papalit sana sa 1947 Military Bases Agreement na nakatakdang magwakas noong 1992. Nakatulong nang malaki sa pagkakapanalo niya bilang Bise Pangulo ang kaniyang popularidad bilang aktor noong halalan ng Panguluhan at Pangalawang Panguluhan noong 1992, bagama't siya ay tumatakbo sa hiwalay na tiket ng noon ay nanalong Pangulo, Fidel Ramos. Bilang Pangalawang Pangulo, pinamahalaan ni Estrada ang Komisyon Laban sa Krimen (Presidential Anti Crime Commission) mula 1992 hanggang 1997.

Bilang Pangulo (1998-2001)Noong 1998, nanalo si Estrada sa halalan sa ilalim ng partidong Laban ng Makabayang Masang Pilipino (LAMMP). Nakakuha siya ng 10,956,610 boto o 39.6% ng lahat ng boto. \"Erap Para sa Mahirap\" ang kaniyang islogan sa pangangampanya.

Mga Programa Pag-aalis ng Pork Barrel. Pagpapatupad ng Asst Privatization. Pagtataas ng pondo para sa edukasyon. Pagsasagawa ng Enhance Retail Accsess for the poor(ERAP) Binigyang diin ang pagahon ng mga mamayan sa kahirapan. Pangangalaga sa mga OFW sa paghahanda ng isang komprehensibong programa para sa kanila Pagsasagawa ng Mass Rapid Transit System Pakikibahagi sa ASEAN at APECMARIA GLORIA MACAPAGAL ARROYO (2001-2010) Kapanganakan: Abril 5, 1947Lugar: San Juan RizalMga Magulang: Diosdado Macapagal Sr at Evangelina MacaraigKapatid: Diosdado Macapagal Jr. At Cielo MacapagalAsawa: Atty. Jose Miguel T. ArroyoMga Anak: Juan Miguel, Evangelina Lourdes at Diosdado IgnacioEdukasyon: Asumption Convent, George Town University Washington DC, Japan Foundation Grant, Ateneo De Manila University, Rockfeller Foundation Scholarship,Pamantasan ng Pilipinas,Korso: Bachelor of Science and Commerce, Bachelor of Arts in Economics, PHD in economics

Diosdado Sr. Jose Miguel Mikey Eva Diosdado Jr.

Talambuhay(Buod)

Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal noong Abril 5, 1947) ay ang ikalabing-apat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas(Enero 20, 2001 - Hunyo 30, 2010). Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosdado Macapagal. Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong 1987, na naglingkod bilang pangalawang kalihim at undersecretary ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya sa pag-talaga sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador mula 1992 hanggang 1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph Estrada kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido. Pagkatapos maakusahan si Estrada ng korupsyon, nagbitiw siya sa posisyon niya bilang gabinete bilang kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunladat sumali sa lumalaking bilang ng mga oposisyon sa Pangulo, na humarap sa paglilitis. Si Estrada ay napaalis sa pwesto sa pamamagitan ng tinatawag ng mga tagapagtaguyod nito bilang mga mapayapang demonstrasyon sa lansangan ng EDSA, ngunit binansagan namang ng mga kritiko nito bilang pagsasabwatan ng mga elitista sa larangan ng politika, negosyo, militar at ni Obispo Jaime Kardinal [1] Sin ng Simbahang Katoliko . Si Arroyo ay pinanumpa bilang Pangulo ng noon ay Punong Mahistrado na si Hilario Davide, Jr. noong Enero 20, 2001 sa gitna ng lipon ng mga tao ng EDSA II, ilang oras bago nilisan ni Estrada ang Palasyo ng Malakanyang. Siya ay nahalal upang maupo bilang pangulo sa loob ng anim na taon noong kontrobersyal na eleksyon ng Pilipinas noong Mayo 2004, at nanumpa noon Hunyo 30, 2004. Si Pangulong Arroyo ay isinilang na Maria Gloria Macapagal ng pulitikong Diosdado Macapagal, at ng kanyang asawa, Evangelina Macaraeg Macapagal. Siya ay kapatid ni Dr. Diosdado "Boboy" Macapagal, Jr. at Cielo Macapagal-Salgado. Nanirahan siya sa Lubao, Pampanga noong unang mga taon niya [2] kasama ang kanyang dalawang nakatatandang kapatid mula sa unang asawa ng kanyang ama. Sa [3] edad na apat, pinili niyang manirahan sa lola niya sa ina, sa Lungsod ng Iligan. Nanatili siya doon ng tatlong taon, at hinati niya ang kanyang oras sa Mindanao at Maynila hanggang sa siya'y maglabing[3] isang taon. Mahusay siya sa Wikang Ingles, Wikang Tagalog, Kastila at iba pang wika sa Pilipinas. Noong 1961, nang si Gloria ay 14 na taon gulang pa lamang, ang kanyang ama ay nahalal na pangulo ng Pilipinas. Lumipat siya kasama ang kanyang pamilya sa Malakanyang saMaynila. Nag-aral siya ng elementarya at sekundarya sa Assumption College at nakapagtapos na valedictorian noong 1964. Pagkatapos ay nag-aral si Gloria ng dalawang taon sa Walsh School of Foreign Service ng Georgetown University sa Washington, D.C. na kung saan ay naging kamag-aral niya noon ang magiging pangulo ng Estados Unidos na siBill Clinton at napanatili ang pangalan nito sa talaan ng [4] Dekano. Nakuha niya ang kanyang Batsilyer sa Arte sa Ekonomiks mula sa Assumption College, na kapagtapos na magna cum laude noong 1968. Noong 1968, napangasawa ni Gloria ang isang abugado at negosyanteng si Jose Miguel Arroyo na tubong Binalbagan, Negros Occidental, na nakilala niya nang [2] siya ay nasa kanyang kabataan pa lamang. Sila ay may tatlong anak, sina Juan Miguel (1969), Evangelina Lourdes (1971), at si Diosdado Ignacio Jose Maria (1974).

Mga Programa Paglikha ng milyong trabaho Pagpapatupad ng KALAHI program( Kapit Bisig Laban sa Kahirapan) Pagpapatibay ng batas hinggil sa Power Reform Program Act. At Anti- money Laundering Act, E-Vat Pagpapatupad ng DEP-ED Basic CurriculumBENIGNO SIMEON AQUINO III (2010-2016)

Kapanganakan: Pebrero 8, 1960Lugar: Sampaloc ManilaMga Magulang: Benigno S. Aquino Jr at Corazon CojuancoKapatid: Maria Elena Ballsy Aquino-Cruz, Aurora Corazon Pinky Aquino-Abellada, Victoria Eliza Viel Aquino-Dee at Kristina Bernadette Kris Aquino.Asawa:Mga Anak:Edukasyon: Ateneo de ManilaKorso: Bachelor Degree in economics

Noynoy Corazon Ballsy Pinky Viel

KrisTalambuhay(Buod)

Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino, III (ipinanganak noong Pebrero 8, 1960) na mas kilala sa palayaw na Noynoy Aquino o sa tawag na P-Noy ay ang ikalabing-limang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 2010 hanggang kasulukuyan) . Noong Hunyo 30, 2010, matagumpay siyang umakyat sa puwesto sa tulong ng kanyang Transition Team. Siya ang nag-iisang anak na lalaki ng dating Senador Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino may mga kapatid rin siya na sina Maria Elena Ballsy Aquino-Cruz, Aurora Corazon Pinky Aquino-Abellada, Victoria Eliza Viel Aquino-Dee at Kristina Bernadette Kris Aquino. Siya rin ay dating Kongresista at Senador ng Bansang Pilipinas. Habang pangulo, kilala sa sa katawagang "P-Noy" na ngangahulugang "Pangulong Noynoy".

Mga Programa

Nilagdaan na ang panibagong kasunduan para sa isang bagong power plant sa Luzon upang pagdating ng 2014, may mas mura at mas maaasahang pagmumulan ng enerhiya sa bansa. Programang Pang- edukasyon(K-12) Pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon Pagtataguyod ng Cyber Education Project Pagpapatupad ng programang Government Assistance to Students and Teachers in Private ( GSATPE) Pagkakaloob ng pautang at scholarship sa mahihirap ngunit magagaling na estudyante. Pangangalaga sa ating kalusugan. Pagpapaunlad ng agham at teknolohiya

EMILIO AGUINALDO (1899-1901)

Kapanganakan: Marso 22, 1869Lugar: Kawit, CaviteMga Magulang: Trinidad Famy at Carlos AguinaldoKapatid: Crispulo, Felicidad, Primo, Ambrosio, Tomasa, Esteban at Benigno AguinaldoAsawa: Hilaria del Rosario (1896-1921) at Maria Agoncillo (Mga Anak: Miguel, Maria, Carmen, Cristina at Emilio Aguinaldo jr.Edukasyon: San Juan de letranKorso: Kamatayan: Pebrero 6, 1964Sanhi:

HilariaMga Programa/ Mga nagawa Nagtatag ng Asociacion de los Veteranos de la Revolucion Pinanguluhan ang Pamahalaang Rebolusyunaryo makaraang buuin ang Kongreso sa Malolos at ratipikahin ang kasarinlan at konstitusyon nito noong Enero 21, 1899. Si Emilio Aguinaldo mismo ang nagdisenyo sa bandila ng Pilipinas na iwinagayway sa balkonahe ng kanyang bahay sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898. Pinuno ng pangkat Magdalo ng Katipunan sa Cavite.

Talambuhay(Buod)Itinanghal na Cabeza de Barangay sa gulang na 17.Sa edad na 26 ay nahalal bilang Capitan Municipal na ang katumbas ng posisyon ay Gobyernadorcillo. Sumapi sa samahang Masonry (na kinabibilangan rin ni Jose Rizal, Apolinario Mabini, Juan Luna, Marcelo del Pilar at Graciano Lopez Jaena) sa layuning mapabuti ang kalagayan ng bayan.Siya ang kusang nagsadya kay Andres Bonifacio upang sumanib sa Katipunan. Pinuno ng pangkat Magdalo ng Katipunan sa Cavite. Pinangunahan ang kanyang mga lawal sa pagkakapanalo sa mga labanan ng Kawit, Imus at Binakayan sa Cavite.Pangulo ng Pamahalaang rebolusyonaryo, Kapulungang Tejeros. Sumang-ayon sa kasunduan sa pact of Biak-na-Bato na nilagdaan nya noong Disyembre 14, 1897 dahil sa paniwalang hindi na mapagtatagumpayan ang digmaan.Pumayag sa kusang loob na pagkakatapon sa Hongkong kapalit ng bayad-pinsala (sinasabing P 400,000.00) na ginamit nman nya sa pagbili ng mga armas na inilaan sa pagbabalik sa bansa.Sa pagsiklab ng digmaang Estados Unidos at Espanya noong Abril 1898 ay nakipagkasundo kina Commodore George Dewey ay U.S. Consul Pratt na pagsanibin ang Hukbong Amerikano at Pilipino laban sa mga Kastila. Nagbalik sa bansa noong Mayo 19, 1898 at iprinoklama ang kasarinlan nito noong Hunyo 12, 1898. Si Emilio Aguinaldo mismo ang nagdisenyo sa bandila ng Pilipinas na iwinagayway sa balkonahe ng kanyang bahay sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898. Pinanguluhan ang Pamahalaang Rebolusyunaryo makaraang buuin ang Kongreso sa Malolos at ratipikahin ang kasarinlan at konstitusyon nito noong Enero 21, 1899. Naglaho ang pangarap ni Emilio Aguinaldo na makapagsarili at mapalaya ang bansa sa kamay ng mga Amerkano nang madakip ni Heneral Frederick Funston at ng mga tauhan nito sa Palanan, Isabela noong Marso 23, 1901. Napilitang manumpa ng Katapatan sa pamahalaang Amerkano noong Abril, 1901. Nagretiro sa pagiging pangkaraniwang mamamayan makaraang maitatag ang pamahalaang kolonyal ng Amerika. Tumakbo bilang pangulo sa isang halalang pampanguluhan noong 1935 ngunit natalo siya ni Manuel L. Quezon. Nagtatag ng Asociacion de los Veteranos de la Revolucion, isang samahan ng mga lumalaban sa mga Kastila at mga Amerikano upang magkamit ng benepisyo.

JOSE P. LAUREL (1943 -1945)

Kapanganakan: Marso 9, 1891Lugar: Tanauan, BatangasMga Magulang: Sotero Laurel, Jacoba GarciaKapatid: Maria Paz Garcia Laurel; Rosario Garcia Laurel and Alberto Garcia LaurelAsawa: Pacencia HidalgoMga anak: Jos B. Laurel, Jr.,Sotero Laurel,Natividad Laurel-Guinto,Potenciana LaurelYupangco,Mariano Laurel,Salvador Laurel,Arsenio Laurel,Rosenda Laurel AvanceaEdukasyon: Unibersidad ng PilipinasKorso: AbogasyaKamatayan: Nobyembre 6, 1959Sanhi: Atake sa puso at Istrok

Talambuhay(Buod)Si Jos Paciano Laurel y Garca (Marso 9, 1891 - Nobyembre 6, 1959) ay pangulo ng Republika ng Pilipinas sa ilalim ng mga Hapon mula 1943 hanggang 1945. Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891 anak nina Sotero Laurel at Jacoba Garcia. Nagtapos siya ng abogasya sa U.P. noong 1915. Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging Associate Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre 6, 1959, namatay si Laurel sa grabeng atake sa puso at istrok. Pacencia Laurel Arsenio Hidalgo, Salvador Roman

Mga Programa/nagawa Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon. Nakipag tulungan siya sa mga hapon upang mabawasan ang pag hihirap ng maraming pilipino.SERGIO OSMEA (1946-1946)

Kapanganakan: Setyembre 9, 1878Lugar: Cebu, CityMga Magulang: Juana Suico, -Kapatid: Asawa: Stefania chiong Veloso 2nd Esperanza LimjapMga anak: Sergio Osmea Jr.Edukasyon: Sto. Tomas, San Juan de LetranKorso: Abogasya, Batsilyer ng siningKamatayan: Setyembre 9, 1978Sanhi:

Talambuhay(Buod)

Si Sergio Osmena, Sr. ay ang ikalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas (Agosto 1, 1944 - Mayo 28, 1946). Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmea ay nanguna sa mga nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng sekundarya sa Seminario ng San Carlos sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya siManuel L. Quezon. Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmea. Ipinadala siya ng lokal na liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong 1900, naging tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia. Dalawampu't limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang gobernador at pagkapiskal ng lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang taon, naging gobernador siya ng lalawigan. Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag ang Asemblea Filipina noong 1907. Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu. Nahalal siyang ispiker ng asemblea, isang posisyong hinawakan niya ng sumunod na 15 taon. Naging senador siya mula 1923 hanggang 1935. Tinanghal siyang "Senate President Protempore" noong1923-1933. Naging kasapi rin siya ng Misyong OsRox (Osmea-Roxas), isa sa mga misyong ipinadala sa Estados Unidos para ikampanya ang kasarinlan ng Pilipinas. Nahalal siyang pangalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1935. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel L. Quezon sa Estados Unidos. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong Agosto 1, 1944 at si Osmea ang humalili sa kanya. sina dating pangulong Osmena at ang kasama ng mga pandigmang kabinete na huling ipagpatuloy ng ating pagapapalaya ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Estados Unidos at ang puwersang Kakampi kasabay ng mga gerilyang Pilipino at Hukbalahap na mula sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas na ituloy ng akikipaglaban sa Hapon, Kasama siya ng mga Pilipinong Heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na si Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo pati ang mga puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte noong Oktubre 20, 1944. Sinabi ni pangulong Osmena at ang iba pang opisyal at mga kabinete nagsimula ng Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas noong 1944 hanggang 1945 sa pagitan ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at ang mga pwersang gerilya na silang kalabanin ng mga Hapones.Template:Fact Nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas. Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmena sa kanyang tahanan sa Cebu.

Mga Nagawa at Programa na NaipatupadNagtatag at namatnugot, katulong sina Jaime de Veyra at Rafael Palma ng isang pahayagang makabayan. Naging kaklase niya sa University of Santo Tomas sina Manuel Quezon at Emilio Jacinto. Pangalawang pinakamataas na pumasa sa pagsusulit ng Bar Examinations noong 1903. Nagsilbing Acting Governor ng Cebu (1903) sa edad na 25 kahalili ni Juan Climaco.Hinirang na Panlalawigang piskal ng Cebu. Nanalo bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu sa Unang Asembleya ng Pilipinas noong 1907 kung saan nahalal siyang ispiker na hinawakan niya sa loob ng 15 taon. Isa sa tagapagtatag ng kilalang partido. Ang Partido Nacionalista at naging una nitong pangulo. Nahalal na senador noong 1922.Kasama si Manuel Roxas ay sinikap nilang mapagtibay ng Pamahalaang Amerikano ang isang Constitutional Convention na magbibigay daan sa kasarinlan ng Pilipinas. Natamo ang batas ukol sa Kasarinlan, ang Hare-Hawes-Cutting mula sa Kongreso ng Estados Unidos. Naging Pangalawang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong Nobyembre 15, 1935. Nagtungo sa Estados unidos kasama si Quezon upang itatag ang Komonwelt ng Pilipinas sa panahon ng pananakop ng Hapon. Tumayong kahalili ni Quezon sa karamihan ng pagkakataon habang ang Pangulong Quezon ay nagkasakit ng Tuberculosis. Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1944 nang mamatay si Pangulong Manuel L. Quezon. Ang pinakamatandang naging pangulo ng Pilipinas sa edad na 67. Kasama sa makasaysayang paglunsad sa Red Beach, palo, Leyte nina Heneral MacArthur at ang mga Pilipinong heneral na sina Carlos P. Romulo at basilio Valdez noong Oktubre 20, 1914. Nagretiro sa pribadong buhay sa Cebu makaraang maitatag ang ikatlong Republika ng Pilipinas.

Esperanza Limjap Stefania chiong Veloso Sergio Osmea Jr.

29