Sagisag Kultura.plants

Embed Size (px)

DESCRIPTION

sagisag kultura

Citation preview

akl Ang akl (Albizzia acle Merr) ay matigas na punongkahoy na ginagamit sa pagtatay ng bahay at paglikha ng muwebles. Mayroon itong katamtamang taas na 25-30 m at diyametro na 70-120 sm. Nalalagas ang dahon tuwing tag-init at malapit nang mamulaklak at hindi nakatatagal sa lilim. Ang bole nit ay silindriko, karaniwang maiksi at baluktot, at mayroong 40-60 sm na diyametro at taas na 10-18 m. Ang mga dahon nit ay magkakatapat sa bawat tangkay at ang mga bulaklak ay putng berde.

Ang pun nit ay walang pansuhay ngunit may malalaking ugat. Ang tuktok ay nakabuka nang palapad. Ang balt ng kahoy ay kayumanggi, marupok, at put kapag bagong tabas na nagiging manilaw-nilaw na pul kapag nahanginan na. Mabagal ang paglaki ng akle. Karaniwang ang 25 tang gulang na pun ang tumataas nang mga 16 m at lumalaki nang mga 23 sm ang diyametro.

Ang kahoy nit ay ginagamit sa paggawa ng aparador dahil sa taglay nitng kulay, magandang hilatsa, at tibay. Bukod dito, ginagamit din ito sa pag-uukit, eskultura, paggawa ng mga instrumento, bahay, barko, at iba pang katulad na konstruksyon.

Matatagpuan ang akle sa sa mga kagubatang mabab at mahalumigmig ng Albay, Bataan, Bulacan, Camarines Norte, Camarines Sur, Capiz, Palawan, Cebu, Davao, Ilocos Norte, Masbate, Mindoro Occidental, Negros Oriental, Nueva Ecija, Surigao, Tarlac, at Zambales. (KLL) edVSA

akaplko Ang akaplko (Cassia alata Linn.) ay isang tuwid na pun na may magaspang na balt at mga sanga na may palumpong na mga dahong kulay berde. Ang dahon ng akapulko ay may kulay kahel sa gitna nit at may mga 16-28 maliliit na dahon. Nagkakaroon ito ng axis na tinutubuan ng mga bulaklak nit na kulay dilaw, may apat na sisidlan ng mga buto, at naglalaman ng mga 50 hanggang 60 lapad at hugis triyanggulong mga buto. Ang bulaklak naman ng akapulko ay napapalibutan ng kulay dilaw hanggang kulay kahel na pinaliit na dahong sumusuporta sa bulaklak nit at kusang nalalagas pagdating ng tamang oras.

Sa Filipinas, ang akaplko ay ginagamit bilang halamang-gamot. Ang dahon nit ay maaaring gamitin sa mga sakit sa balt at pampurga. Ginagamit din itong halamang-gamot para sa mga may hika at brongkitis. Ang akapulko ay ginagamit na sangkap para sa paggawa ng sabon, syampu, at losyon. Katunayan, ang Philippine Council for Health Research and Development ay tumulong sa pagslong ng teknolohiya para sa paggawa ng losyon na akapulko.

Madalng paramihin ang pun ng akapulko sa pamamagitan ng pagtatanim ng buto o kay naman ay pagtatanim ng pinutol na parte ng katawan nit. Dahil hindi ito maselang halaman, madal itong buhayin.

Sa Filipinas, ang akapulko ay kilal sa ibat ibang pangalan na gaya ngantsarasi, andadisi, andalan, bayabasin, bikas-bikas, buni-buni, kapis,kapurko, kasitas, pakayomkom-kastila, at sunting. Mula ang pangalang akaplko sa Acapulco, isang lungsod sa Mexico. (ACAL)agho Ang agho (Casuarina equisetifolia) ay isang laging-lungting punongkahoy o hindi nagbabago ang kulay ng mga dahon sa buong taon. Umaabot hanggang 30 talampakan ang taas ng pun ng agoho.

Kahawig ng punongkahoy ng agoho ang punng pino. Korteng cone ang bunga ng punongkahoy at mala-karayom din na hugis ang mga dahon nit. Makinis ang balt ng mga batng punongkahoy samatalang makapal, maraming kulubot at natutuklap naman ang matandang pun ng agoho.

Malimit itong makita sa mabubuhanging lugar, gaya ng mga tabing dagat. Kadalasan din itong itinatanim at ginagawang palamuti sa mga pasyalan o parke at sa mga tabi ng daan. Itinatanim din ang agoho sa matataas na lupa para maiwasan ang pagguho. Madalas din na gawing bonsai ang pun ng agoho, lalong-lalo na sa timog-silangang Asia at Carribean. Matatagpuan ito sa mga bansa mula Aprika hanggang Polynesia. (ACAL) ed VSA

adlpa

Ang adlpa (Nerium oleander) o oleander ay palumpong na tumataas nang 1-3 m, balahibuhin ang hugis sibat na dahon, at may dilaw, put, o pulng bulaklak. Isa ito sa mga nakalalasong halamang ornamental. Matatagpuan sa ibat ibang bahagi ng mundo at hindi pa natutukoy ang tiyak na pinagmulan. Dinala ito ng mga Espanyol sa Filipinas at ngayon ay itinatanim na sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Sa kaniyang Mga Pagsusuri sa mga Halaman (ca 300 BCE), inilarawan ni Theophrastus ang isang palumpong na nakaaapekto sa isipan at tinawag itong onotheras. Sinasabing ang ang alak na may hal ng ugat nit ay nakapagpapahinahon at nakapagpapasay. Ang adelpa ay itinuturing na opisyal na bulaklak ng Hiroshima dahil ito ang unang namulaklak matapos ang pagsabog ng bomba atomika noong 1945 sa naturang siyudad.

Itinuturing na nakalalason ang adelpa dahil nagtataglay ito ng cardiac glycosides na nagiging lason kapag naparami ang konsumo ng mga mammal tulad ng aso at tao. Bagaman mayroon itong nakalalasong katangian, wala namang naiuulat na pagkalason o pagkamatay mula sa pagdikit sa mismong halaman hanggang sa paggamit ng mga pamahid sa balt mula dito.

Pinaniniwalaang nakapagpapagaling ito ng hika, buni, ketong, herpes, eksema, almoranas, kagat ng ahas, malarya, at sakit sa puso at puson. Sa ilang pagkakataon, ginagamit din ito sa pagpapatiwakal at pagpapalaglag. (KLL) ed VSAabokdo Ang abokdo (Persea americana) ay kablang sa pamilya ng mga halamang namumulaklak. Nagmula ito sa bansang Mexico. Karaniwan itong itinatanim sa mga klimang tropiko at mediterraneo sa buong mundo. Ang pun ng abokdo ay may malalag at berdeng dahon. Lumalaki nang 12 sentimetro ang mga dahon at pasalit-salit ang pagkakaayos sa tangkay. Tumataas ang pun hanggang 20 metro. Kulay dilaw ang maliliit na bulaklak nit. Kapag malakas ang hangin, natutuyo ang mga ito. Ang hugis itlog na prutas ng abokado ay may laking 7-20 sentimetro at bumibigat hanggang isang kilo. Mayroon itong isang buto. Inaani ang mga prutas nang hindi pa nahihinog.

Nakaaani ng pitng toneladang abokdo bawat ektarya ng taniman. Ang pamumunga nang dalawang beses sa isang tan ay hindi nakabubuti para sa mga susunod na produksiyon. Mabuting anihin ang bunga ng abokado kapag mayroon na itong hanggang 23 porsiyentong tuyong laman. Madalas na nilalagyan ng ethylene ang prutas ng abokado na hindi pa nahihinog bago dalhin sa pamilihan upang pabilisin ang paghinog at pagbebental nit. Kapag madami ang bunga ng abokado, iniiwan sa pun ang mga bungang sobra sa kyang ipagbili. Magandang katangian ng abokado ang kakayahan nitng mapanatili ang prutas sa pun nang hindi nabubulok sa loob ng ilang buwan. Nakababawas ito sa pagkalugi ng magsasaka matapos ang panahon ng anihan.

Ikinakalakal ang prutas ng abokado sa ibat ibang bansa sa mundo dahil sa mabubuting gamit nit. Masustansiya ang prutas ng abokado. Ang 100 gramo nit ay mayroong 35 porsiyentong potassium na higit kaysa prutas ng saging. Mayaman din ito sa bitamina B, E, at K. Ang himaymay nit ay nakapagpapabab ng cholesterol. Mabisng lunas din ito sa mga sakit tulad ng allergy at panlaban sa pagkakaroon ng cancer.

Hindi lahat ng tao ay maaring kumain ng abokado. May dalawang uri ng allergy sa pagkain ng abokado. Ang isa ay ang sakit sa bibig at lalamunan na mararanasan ilang minuto lmang matapos kumain ng abokado. Ang isa pa ay pagsusuka at pagsakit ng tiyan. Nakalalason sa mga hayop na tulad ng pusa, so, bka, kambing, kuneho, daga, ibon, isda, at kabayo ang pagkain ng dahon, balt ng sanga, at ubod ng abokado. Maaari itong makaapekto sa sistema ng katawan ng hayop o maging sanhi ng kamatayan (SSC).ampalay Ang ampalay (Momordica charantia) ay isang halamang gumagapang na nabubuhay sa mga tropikong lugar. Ang baging nit ay humahab ng 20 sentimetro. Ang mga dahon ay hugis puso at lumalaki ng hanggang 15 sentimetro ang diyametro. Malaman ang prutas nito na kulay berde at may kulubot na balt. Hbang nahihinog ang ampalaya, nagiging kulay dalandan ito. Lumalaki ang biluhabang bunga ng ampalaya hanggang 30 sentimetro. Sa loob nit ay may mga buto na tinatanggal bago kainin. Kilal ang ampalaya sa pagiging mapait. Mabuti ang naidudulot ng ampalaya sa katawan ng tao kay naman pinakikinabangan ito bilang pagkain at gamot sa maraming uri ng sakit.

Hbang gumugulang ang ampalay, lalo itong nagiging mapait at ang ubod naman ay nagiging matamis. Kadalasang iniluluto ang bunga at dahon ng ampalaya bago kainin. Sa Tsina, ginagamit ang mapait na lasa ng ampalaya para pasarapin ang mga lutuin nilng nilalahukan ng karne. Ginagawa din itong tsaa. Sa Pakistan, pinakukuluan ito at inihahain kasma ng giniling na bka at sak inuulam sa mainit na tinapay. Sa Filipinas, iniluluto ito na may giniling na bka, itlog, at kamatis. Isang sangkap din ito sa kilalng luto ng mga Ilokano, ang pinakbet.

Ginagamit ang ampalay na panlunas sa sakit sa tiyan. Binubuksan ang ampalaya at ibinababad sa pulut dahil mabis itong pamatay sa bulateng nematode, malarya, bulutong, at HIV. Pinagaganda rin nit ang daloy ng dugo. Mabisng panlaban sa diyabetis ang ampalaya. Isinasaayos nito ang dami ng insulin na ginagamit sa katawan ng tao. Mula sa pagaaral, nakatutulong din ang ampalaya upang labanan ang sakit na kanser. (ACAL)

anhawAng anhaw (Livistona rotundifolia) ay katutubong palma na may makinis na bunged o pun ng kahoy at may mga dahong nakakumpol sa dulo ng bunged. Itinuturing itong Pambansang Dahon ng Filipinas.

Ang dahon ng anahaw ay malapad at pabilog at kulay berde. Ang tangkay ng dahon ay matinik at tumutub nang paikot sa sariling katawan nit. Ang anahaw ay umaabot sa taas na 20 metro kung ito ay tumutub sa likas na kaligiran sa kagubatan. Ngunit kung ito namay nasa hardin o iba pang artipisyal na lugar, tila napipigil ang paglaki at pagtaas ng palmang ito.

Ang dahon ng anahaw ay maaaring gamitin bilang materyal sa paggawa ng bubong ng mga bahay kubo. Dahil sa kintab at hugis ng dahon nit, nagagamit din itong pandekorasyon kapag may espesyal na pagdiriwang. Ang dahon nit ay pinagtatagni at ginagamit noong kalapyaw, ang tawag sa sinaunang kapote. Ang buko nit ay iginugulay at kinakain. Ang pun ng kahoy o katawan nit ay ginagamit namang sahig ng mga sasakyang pandagat o pundasyon ng bahay. (SAO) (ed GSZ)

aptong Isang uri ng matigas na punngkahoy ang aptong na katutubo sa Timog Silangang Asia at India. Dipterocarpus grandiflorus ang siyentipikong pangalan nit. Mainam itong uling at gawing papel. Karaniwang ginagamit na tabla ang kahoy nit para sa sahig at dingding na panloob ng bahay, pansahig ng trak, at playwud. Ang dagta nit ay ginagamit na barnis. Samantala, ang punongkahoy mismo ay mahalaga sa pagpigil ng pagguho ng lupa at pagsasaayos ng nitroheno sa lupa.

Ang apitong ay tumataas ng 43 metro, walang sanga hanggang 30 metro, at mat balt na bahagyang dilaw. May dahon itong biluhaba at 10-18 sentimetro x 5-12 sentimetro ang laki, at may malaking bulaklak na may samyo. Ang pangalan nit sa Latin ay tumutukoy sa pagkakaroon ng malaking bulaklak. Nagkakaroon ito ng bulaklak at bungang nuwes taontan at nahihinog ang bunga sa loob ng 3-5 buwan. Ang isang punongkahoy na nagsisimulang mamulaklak at magbunga bago sumapit ang ika-30 tan nit.

Mainam na proteksiyon ng watershed ang apitong. Nakapag-iimbak ito ng maraming tubig-ulan at natitimpi ang daloy nit sa mga batis, latian, at mga imbakang-tubig ng irigasyon. (VSA)amorsko

Ang amorsko (Digitaria) ay isang uri ng ilahas na dam na mabilis dumami kapag tag-araw. Tinatawag din itong murskos at tinly at crab grass sa Ingles. May dalawang uri ng Digitaria: ang Digitaria sanguinalis na mabalahibo, mataas (umaabot sa tatlong talampakan ang taas), at may dahong maputlang asul-lungtian; at ang Digitaria ischaemum na makinis, maliit (umaabot lmang sa 15 pulgad ang taas), at may dahong madilim na lungtian na humahab nang apat na pulgada. Ang dalawang uri ay kapuwa may kakayahang magbunga ng 150,000 hanggang 180,000 buto tan-tan at maaaring maban sa lupa nang matagal bago magkaugat, kay mahirap lipulin ang amorseko.

Karaniwang tumutub ang amorseko sa mga gilid ng kanal, pilapil, at landas sa piling ng ibang ilahas na damo. Kay ikinabubuwisit ng taganayon ang pagkapit ng mga buto nit sa pantalon at palda ng nagdaraan. Isang bugtong na pampatawa dahil sa erotikong pahiwatig ang tungkol sa amorseko ngunit isinasadula ang ablang idinudulot ng amorseko sa sinumang makapitan ng mga buto nit:

Sa bukid nagsaksakan,

Sa bahay nagbunutan.

Itinuturing na peste ang amorseko sa pag-aalaga ng damuhan o lawn dahil pinapatay nit at inaagawan ng espasyo ang ibang damo. Makokontrol ito sa pamamagitan ng pagtatanim ng higit na matibay na uri ng damo at sa paraang higit na makapal. May nabibili ring abono na may halng pestesayd upang puksain ang buto ng amorseko bago magkaugat. (VSA)

alugbtiAng alugbti o alukbti ay may malambot, makinis, at matubig na sangang gumagapang. Mabilis ang paglago nit. Hindi nit kailangan ang masusing pag-aalaga. Nabubuhay ito sa mga tropikon na lugar tulad ng Asia at Aprika.

Ang mga dahon nit ay malaman, hugis puso at manipis na tulad ng okra at saluyot. Nagkukulay berde o lila ang kulay nit depende sa edad. Ang mga tangkay nit ay patusok ang mga dulo at lumalaki hanggang 12 sentimetro. Ang bunga ng alugbati ay matubig, walang tangkay, at hugis biluhaba. Kulay lila ito kapag magulang na. Namumulaklak din ang alugbati at ang nagiging bunga nit ay nagkukumpol-kumpol kapag tumanda na. Paborito din itong pagkain ng mga ibon.

Ang alugbati ay may kalsiyum, iron, at mga bitamina A, B at C. Ang mga dahon, sanga, at buto nit ay makakain lahat. Ginagamit naman ang dagta sa paggamot ng acne. Ang mga dahon na kulay lila ay ipinanggagamot sa sakit ng ulo at tiyan. Kinukuha naman ang katas ng mga dahon at inilalahok sa langis para gamiting gamot sa pas. Maaari din itong pampakinis ng pisngi at lab. Ang natural na kulay nit ay ginagamit na pangkulay sa iba pang pagkain. Bukod pa sa mga ito, maganda ding ipandisenyo ang alugbati sa mga hardin.

May ibat ibang tawag din ang alugbati sa Filipinas, gaya ng arogbati sa Bikol, dundul sa Sulu, ilaibakir sa Iloko, at libato at grana sa Tagalog. (ACAL)

alibangbng

Ang alibangbng ay malaking punongkahoy (Bauhinia malabarica). Mula ito sa family na Fabaceae o Leguminosaemas kilala bilang legume, pea, o beanna kinabibilangan ng mga halamang namumulaklak. Mula sa genus na Bauhiniakilala rin bilang Mountain Ebony, Orchid, at Kachnarna ang bulaklak ay may limang talulot, 7-12 sm na diyametro, kulay pul, dilaw, rosas, kahel, o lila, at kadalasang mabango.

Dilaw kayumanggi ang balt ng B. malabarica at mayayabong ang sanga. Ang mga dahon ay may hab na 5-10 sm. Ang bulaklak ay malalaki at mapuputi. Karaniwang matatagpuan ito sa mga lugar na may mahahabng tag-araw sa Luzon, partikular sa Ilocos Norte hanggang Laguna. Maaaring magamit bilang pampatunaw ng pagkain, pampapurga, pamparegla, antibacterial, antioxidant, antifungal, at pumipigil sa pag-ulit ng sakit. Nagagamit ang dahon nito bilang pansigang bukod sa gamot sa lagnat, kolera, at sugat.

Ang alibangbng ay salit ring Sebwano para sa paruparo. Maaaring ito ang pagkakahawig ng punongkahoy sa kulisap, dahil hugis paruparo ang dahon ng punongkahoy.(KLL)

aksya Ang aksya (order Fabales) ay isang uri ng pun na nabubuhay sa mga tropiko at maiinit na lugar. Ang pangalan nitng akasya ay nagmula sa salitng Griyego na akis o tinik. Ang kakaibang katangian ng akasya ay ang pagkakaroon nit ng mga maliit at pinong dahon. Sa mga tuyong lugar, hindi sapat ang kaunting dahon upang mabhay ang isang malaking pun ng akasya, kayt ang mga sanga ang nagsisilbing tila mga dahon na gumagawa ng mga gawain nit. Pahiga ang oryentasyon ng mga dahon nit na nagsisilbing proteksiyon ng pun laban sa matinding sikat ng araw. Kapansin-pansin din ang mababangong bulaklak na kulay dilaw, pul, o lila depende sa lugar na pinagmulan nit. Lulan nit ang maliliit na buto na may kabagalan ang pagsibol.

Inilalahok ang mga parte ng akasya sa paggawa ng mga pagkaing ipinoproseso, tulad ng beer, cola, at mga inuming nagbibigay enerhiya. Ang mga buto ng akasya ay iniluluto upang gawing pampalasa. Ginagamit din ang akasya sa paggamot ng mga sakit na tulad ng rabies.

Maganda ang kahoy ng akasya kay ginagamit ito na materyales sa paggawa ng mga kagamitan sa bahay na tulad ng mesa, papag, at upuan. Sa Indonesia, ginagamit ang akasya sa paggawa ng papel. Ang kagandahan ng mga hibla nit ang nagpapalambot sa mga papel na ginagamit sa pagggawa ng Bibliya, diksiyonaryo, at ensiklopidya. Nakakapagpalambot din ito sa paggawa ng mga tisyu.

Dahil sa magaganda nitng mga bulaklak at makikintab na dahon, ginagamit din itong halaman na pandekorasyon, lalo na sa mga lugar pasyalan. Ang iba naman ay gumagawa ng pabango mula sa mga bulaklak. Sa Ehipto, tinatawag ang pun ng akasya na pun ng buhay. Ginagamit nila ito sa ibat ibang ritwal, tulad ng pagpapaalis ng masamng espiritu. (ACAL)

kadna de amr

Ang kadna de amr (cadena de amor sa Espanyol) ay gumagapang paakyat na baging, bahagyang may tigas, salit-salit ang dahong hugis puso, lungtian, at tila nilagare ang gilid, at may kumpol-kumpol na bulaklak na put o mapusyaw na pink. Katutubo ito sa Mexico bagaman laganap ngayon sa buong Filipinas. Dalawa sa pangalang siyentipiko nit angAntigonon leptopus Hook & Am. at A.cinerascens M. Martens & Galleotti. Tinatawag naman itong brides tears, coral vine, Chinese love vine, queens wreath sa Ingles.

Ginagamit itong palamuti, lalo na ang tila tanikalang bulaklak na ipinampapaganda sa bouquet o korona ng bulaklak. Sa ilang pook sa Filipinas, ginagamit na pantapal sa sugat ang dahon. Nakakain ang bulaklak, at idinudulot na salad sa isang restoran sa Bohol.(VSA)kabalyro

Kabalyro (Delonix regia) ang tawag sa isang malaking punongkahoy na may dahong bahagyang mabalahibo, maliliit at pares-pares sa isang tangkay, malalaki ang bulaklak na kaakit-akit at kulay pula o pula at dilaw. Ang punng ito ay katutubo sa Madagascar at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Espanyol. Kilala rin ang punng ito sa mga pangalang arbol del fuego, fire tree, flame tree, flamboyant tree, o royal ponciana.

Ang kabalyro ( Cesalpinia pulcherrima) ay isa ring masangang palumpong na may dahong maliliit at pares-pares sa mga tangkay na nakakabit sa payat na sanga, at may bulaklak na pula o dilaw. Katutubo ito sa Tropikong Amerika at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Espanyol.

Ang kabalyero ay karaniwang may taas na taas na 1.5-5 metro. Ang mga sanga nito ay may kaunting kalat-kalat na mga tinik. Dilaw, pula, at dalandan ang karaniwang kulay nito. Ang dahon ay maayos na nakahanay sa magkabilang gilid, 20-40 sentimetro ang haba. Ang prutas ay isang pod o bayna na may habng 6-12 sentimetro.

Kompara sa iba pa nitong uri, ang kabalyero ang siyang pinakakaraniwan sapagkat madali itong lumago kaya ginagamit din ito bilang pambakod sa ibang maliliit na halaman. Ngunit sa kabila ng kagandahan ng halamang ito, kilala rin ang kabalyero bilang isang uri ng halamang nakapaglalaglag ng sanggol sa sinapupunan. Sa katunayan, gamit ang apat na gramo ng ugat nito, naisasagawa na ang aborsiyon sa mga unang tatlong buwan ng pagdadalantao. (ACAL) (ed GSZ)alagw

Ang alagw (Premna odorata blanco) ay isang halamang medisinal, maliit na punongkahoy na tumataas nang tatlo hanggang walong metro, balahibuhin ang ibabaw ng dahon, mapusyaw na lungti hanggang put ang bulaklak, malaman na lila ang bilugang prutas, at nabubuhay sa aplaya. Matatagpuan ito sa halos lahat ng bahagi ng Filipinas.

Ginagamit ang murang dahon nit sa pagluluto ng paksiw at bopis. Ang pinakuluang dahon na may halng kalamansi at asukal ay nakapagpapagalng ng ubo, lagnat, at sakit ng tiyan. Ang pinakuluang ugat, dahon, bulaklak, at bunga ay gamot pampapawis, pampaihi, at pantanggal ng sakit ng dibdib. Ang dinurog na dahon ay mainam pampahid sa sakit ng ulo. Ang paglunok ng laway na nalikha mula sa pagnguya ng ugat nit ay pinaniniwalaang nakapagpapagalng ng sakit sa puso. Ginagamit din ang dahon at bulaklak nit bilang pampaligo ng mga sanggol at panlinis ng puwit at ari ng babae. Ang dahon ay isa sa pitng sangkap ng pit-pit. (KLL) ed VSA

almasga

Katutubong punongkahoy ng Filipinas ang almasga (Agathis philippinensis) at malaganap na ginagamit ang tabla sa industriya ng konstruksiyon. Dahil lubhang ginagamit sa paggawa ng bahay, nanganib itong mawala, kay ipinagbawal ng pamahalaan ang pagputol ng almasiga. Ang dagta ng almasiga, na tinatawag na resin, ay sinasahod din at ginagamit noon pa upang gamiting pampaningas at insenso. Hinigpitan din ng pamahalaan ang pag-ani ng resin bukod sa itinuro ng Forest Products Research and Development Institute (FPRDI) ang teknolohiya ng ligtas na pag-ani ng dagta nang hindi napipinsala ang punongkahoy.

Ang almasiga ay malaking punongkahoy, tumataas nang mahigit walong metro, laging-lungti, tuwid ang pun, makinis ang balt na kulay kayumanggi at may mga patseng put at abuhin. Maaari itong tumanda ng ilang sansiglo. Magandang lilim ito sa bakuran o sa tabing lansangan. Ang resin ay tinatawag ngayong Manila Copal at hilaw na sangkap para sa barnis, pintura, insenso, at iba pa. Ang tabla ay ginagamit sa paggawa ng bangka, panloob na dingding, playwud, at muwebles. (VSA)

amarlyo

Ang amarlyo (Tagetes patula) ay isang yerba na may halimuyak ang saltsalt na dahon; dilaw, mamul-mul, at malago ang bulaklak; at tumataas nang 60 sentimetro. Nagmula sa Espanyol na amarillo ang pangalan nit at katutubo sa Mexico. Kilala rin ito sa Filipinas bilang mrigld na nsa genus na Calendula Tagetes.

Ang mga dahong hugis sibat ng amarlyo ay makikitid at may ngipin-ngipin ang mga gilid; magkakapares ang mga dahon sa bawat tangkay. Ang langis na nagmumula rito ay ginagamit na pampalasa sa pagkain. Paisa-isa naman ang bulaklak sa bawat tangkay na umaabot sa kalahating pulgada ang diyametro ng mga talulot. Makakain ang bulaklak ng amarlyo, at maaaring ihal sa mga pampalamig. Ang mga natuyong bulaklak ay ginagamit ding pamalit para sa mamahaling saffron, upang magbigay ng kulay-dilaw sa pagkain o tela.

Ilan sa katutubong gamit ng amarlyo ay ang pagpapakulo nit sa tubig para maibsan ang kabag. Ipinaiinom din ang katas nit para sa mga hindi matunawan, may ubo, nag-iiti, o may apd o pananakit o paninigas ng tiyan. Ipinampapahid din ang langis nit para magkaroon ng ginhawa sa rayuma. Ang katas naman ay ipanggagamot sa sore eyes o bsil. Ang mga katas ng ugat ng amarlyo ay pinaniniwalaang nakapapatay ng insekto sa lupa gaya ng mga bulate o sus. Ang halimuyak nit ay nakapagbubugaw din ng mga langaw. Karaniwang itinatanim at pinararami ang amarlyo rito sa Filipinas bilang pampaganda ng kapaligiran. (ECS) ed VSA

amugs

Ang amugs (Koordersiodendron pinnatum) ay malaking laging-lungting punongkahoy na 25 m ang taas, may mga dahong nakahanay sa magkabilang gilid ng tangkay, mga bulaklak na put hanggang madilaw-dilaw na lungtian, mga bungang maliliit, madidilaw, at mapipintog, at katutubo sa Filipinas. Ang pangalang siyentipiko nit ay nangunguhulugang malabalahibo sa Latin at tumutukoy sa itsura ng mga dahon nit. Nabibilang ito sa pamilyang Anacardiaceae na mayroong bungang nababalot ang mga buto gaya ng kasoy at mangga. Ang propagasyon nit ay sa pamamagitan ng buto.

Ginagamit ang exudates nit sa medisina. Ang balt ay pinaniniwalaang maaaring gawing gamot. Ang kahoy nit ay mainam na sangkap para sa konstruksiyon, paggawa ng sahig, aparador, at iba pang muwebles. Matatagpuan ito sa mga kagubatang hindi pa nagagalaw na may taas na 500 m hanggang 800 m. Matatagpuan ang mga amugis sa halos lahat ng isla at probinsiya ng Filipinas bagaman hindi sa maraming bilang; at sa mga karatig isla ng Borneo, Celebes, Moluccas, at Kanlurang New Guinea. Sa Filipinas, tinatawag din itong bangkalari, bangkasi, dangila, gagil, karogkog, sambulawan, uris, at urisan. (KLL) ed VSA

api-api

Ang api-api (Avicenniaalba) ay isang uri ng bakawan. Ito ay kadalasang lumalaki ng dalawampung metro (66 na talampakan). Ang pun nit ay kulay abo kapag tuyo at kulay itim naman kapag nabas ang balt. Ang dahon nit ay makintab na kulay berde sa ibabaw at maput naman sa ilalim, kadalasang hugis itlog o hugis sibat na matulis ang dulo. Ang bulaklak ng api-api ay parang mga krus tulad ng inflorescence nit. Ang mga talulot nit ay kulay dilaw na may habng apat na milimetro. Ang kulay ng bunga ng api-api ay maputla na berde, pahab, at may mga sumisibol na buto sa loob. Ito ay siksik o maraming palumpong na korona na madalas sumasanga sa katawan ng bakawan. Ang ugat ay mababaw at nagdadala ng maraming bilang na hugis lapis na pneumatophores.

Ito ay matatagpuan sa mga nabuong putikan (mudbanks) sa may gilid patungong dagat o sa kahabaan ng ilog. Ito ay umaakit ng mga malilit na kulisap (fireflies).

Ang troso ng api-api ay hindi pwedeng gamiting panggatong o uling ngunit ito ay mainam gamitin na pampausok ng goma o ng isda. Ang katas ng heartwood ay ginagamit sa mga herbal na gamot upang makagawa ng isang gamot na pampalakas. Ang abo ng kahoy ng api-api ay maaaring gamitin upang makagawa ng sabon. Ang mga buto naman nit ay pinakukuluan at kinakain bilang gulay. Paminsan-minsan may mabibili nit sa mga lokal na pamilihan (ACAL) ed VSA

aratils

Ang aratils (Muntingia calabura) ay isang uri ng punongkahoy na namumulaklak, mabilis lumaki, at katutubo sa Gitnang Amerika at Timog Amerika. Tumataas ito nang lima hanggang sampung metro. Ang mga palapad na dahon nit ay mabalahibo, madikit, salit-salit, biluhaba, may mga pagitan na parang maliliit na ngipin, patulis, at humahab nang 8-13 sm. Ang mga bulaklak ay may diyametrong dalawang sentimetro, kulay put, at maaaring mag-isa o may kapares. Ang mga talulot ay may isang sentimetro ang hab. Makinis at bilog ang mga bunga nitng berde kapag hilaw at pul naman kapag hinog, matamis, at maraming maliliit na buto sa loob. Nabubuhay ito kahit sa mahinang klase ng lupa at nakakatagal sa mga asido at alkalinong kondisyon, maging sa tagtuyot.

Maraming gamit ang aratiles. Ang hinog na bunga nit ay maaaring kainin. Sa Mexico, ginagawang jam ang prutas nit at tsaa ang mga dahon. Sa Brazil, itinatanim sa gilid ng mga ilog upang ang mga mahuhulog na bunga ay maging pang-akit sa mga isda. Ang mga bulaklak naman ay ginagamit bilang antiseptiko at panggamot sa sakit sa tiyan at katawan, sipon, at sakit ng ulo. Ang mga balt naman ng kahoy ay ginagawang lubid. Nagbibigay naman ng magndang lilim ang makakapal na sanga at dahon nit. Popular na pagkain sa mga kabataan sa Filipinas ang mga bunga nit.

Nagmula ang aratiles sa maiinit na lugar sa Amerika at naipakilala sa Thailand at Java, Indonesia. Naturalisado ito sa Filipinas at matatagpuan sa halos lahat ng bayan sa bansa. Tinatawag din itong Jamaican cherry, Panama berry, Singapore cherry, Bajelly tree, Strawberry tree sa Ingles; bolaina, yamanaza, cacaniqua, capulin blanco, nigua, niguito, memizo sa Espanyol; at kersen sa Indones. (KLL) ed VSA

asla

Ang asla o azolla ay kimpal ng yerbang pantubig na may maliit na sanga, at payt ang mga ugat. May pangalang siyentipiko ito na Azolla pinnata. Katutubo ito sa Filipinas, at matatagpuan din sa ilang bahagi ng Aprika, Asia at Australia. Dalawampu hanggang 30 bahagdan ng asla ay protina kay idinadagdag din ito sa patuka ng manok.

Nabubhay ang asla sa tahimik at may mabagal na agos na anyong tubig, dahil sinisira ng malakas na agos o alon ang halaman. Humahab nang hanggang 2.5 sentimetro ang patatsulok nitng sangang maberde na lumulutang sa tubig. Tinutubuan ang sanga-sanga nit ng bilugan o may kantong mga dahon na nagpapatong-patong at may habng isa hanggang dalawang milimetro. May kulay na berde ang dahon nit, na mangasulngasul, o kung minsay madilim na pul na nababalutan ng maliliit na tila buhok kaya may datng itong tila tersiyopelo. Dahil sa mabuhok na rabaw ng dahon kay ito hindi napapasok ng tubig at lumulutang kahit itulak pabab sa tubig. Inilalay rin nit ang asla sa ibang mga halaman. Nagtataglay ang dahon nit ng cyanobacterium Anabaena azollae na tumutulong sa pagsasaayos ng nitroheno sa atmospera upang magamit ng halaman. Tinutulungan nit ang asla na mamuhay sa mga lugar na may mababng nitroheno. Humahab naman ang ugat nit palalim sa tubig.

Madalas na ituring na peste ng daang-tubig ang asla dahil binabawasan nit ang oksiheno sa tubig. Samantala, pinatutub naman ito ng mga magsasaka sa kanilang taniman ng palay dahil nga tumutulong ito sa paglikha ng nitroheno, na nakatutulong naman sa pagpapataba ng lupa. May kakayahan din ang asla na sumipsip ng polusyong metal, tulad ng tingga, sa tubig. (ECS) ed VSA