sampol editoryal

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/31/2019 sampol editoryal

    1/5

    Kalidad ng Edukasyon, kailan mapapaunlad?Bukang-bibing sa mga Pilipino ang sinabi ng ating pambansang bayani na si Dr Jose

    Rizal: "Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan." At sa direksyong ito, binigyang diin na angedukasyon ng kabataan ang tanging susi sa pagbabago ng ating bayan.

    Kung talamak man ang korapsyon sa ating bayan, mababawasan ito kung sisimulan

    nating ituro na mali ang korapsyon. Dahil dito, dapat nating pasalamatan ang Department ofEducation (DepEd) sa pagsasama ng anti-corruption lessons sa curriculum. Mahusay itongparaan para ituro sa mga bata ang halaga ng pagiging matapat, may integridad, malinis,may maipagkakapuri at maayos na pamumuhay. Ito sa palagay ko ang mga unanghakbang para sa hinaharap kung saan ang pamahalaan ay walang bahid ng dungis atkorupsyon.

    Ang mga leksyon na ito ay laman ng may 2,000 kopya ng bagong Graft andCorruption Teaching Exemplars (GCPETE) na initial delivery para sa may 44,000 publicelementary at secondary schools sa buong bansa. Ang mga exemplars na itoy binubuo ng52 teaching modules para sa buong school year. Pinagtulungan ng DepEd at ng Office ofthe Ombudsman ang proyektong ito, at nagbigay naman ng pondo ang ibang bansa tulad

    ng European Union at United States.

  • 7/31/2019 sampol editoryal

    2/5

    Maganda ang proyekto dahil nagtatanim ito ng mabuting binhi sa isipan ng mgakabataan. Sa kanilang paglakiy lalong lalago ang ideya na hindi tama ang mangurakot sakaban ng bayan, dahil ang tanging dapat biyayaan nito ay ang mga mamamayan napinanggagalingan ng buwis na iyan na ginagamit ng gobyerno sa pang-araw-araw nitonggastusin. Subalit pagkatapos ng palakpakan, kailangan din nating tanungin ang DepEd sakanilang bersyon ng ZTE: Ang Cyber Education Project, na nagkakahalaga ng P26.5 billion.Layon ng proyektong turuan ang mga estudyante ng leksyon sa pamamagitan ng satellite-fed instruction modules na kanilang makikita sa mga TV screens sa eskwelahan. Angproblema dito ay simple: Kulang tayo ng mga silid-aralan at kung meron man, ang iba sakanilay walang kuryente. Saan mo isasaksak ang plug ng mga TV sets para mapanoodang mga modules na galing sa mamamahaling satellite? Ang modules na ito ay enrichmentlessons lamang, o pandagdag sa sentrong kaalaman na dapat ay makukuha ng mgaestudyante sa mga textbooks. Eh ang kaso nga, minsan ay limang estudyante, o masmarami pa, ang nagsi-share ng isang textbook sa ating mga pam-publikong paaralan.

    Malaking pera ang P26.5 billion. Katumbas na ito ng kuryente para sa mga paaralan,mapapaaral na nito mga guro para magkaroon sila ng masters degrees - kalahati bilang ngmga guro sa DepEd, maaari din itong budget para sa mga pre-school education sa buong

    bansa para sa mga Pilipinong edad 4-6.Gayunpaman di maikaila na karamihan sa mga estudyantey nagkaklase sa ilalim ng

    mga puno, o may tatlong shifts na tig-apat na oras lamang kada araw. Ano angmatututunan ng mga estudyante sa apat na oras isang araw? At huwag na nating pag-usapan ang di-umanoy scam sa textbooks na maraming mali sa mga facts at figures. Baryarin lang ang ipinasusuweldo natin sa mga guro, na tinawag nating "noblest profession." AngP26.5 billion na ito ay puwede nang pandagdag sa kanilang mga suweldo, nang ipakitanatin sa gawa at hindi lang sa salita ang ating paggalang sa kanilang propesyon.Mahalaga ang cyber education, subalit mahalaga rin ang mga basics - silid-

    aralan, textbooks, teacher-training, kuryente sa paaralan, at maging nutrition

    programs para hindi mag drop-out ang mga mahihirap na estudyante.Sa

    pamamagitan lamang ng edukasyon natin mapapaunlad ang susunod nahenerasyon - at ngayon na ang panahon para ito ay simulan.

    Kabataan sa makabagong henerasyon

    Claire G. EnsomoNapansin ninyo ba ang pagdalas ng mga karumal-dumal na krimen sa ating

    kapaligiran? Na nag mga ito ay kadalasang kinasasangkuta, hindi ng mga pusakal nakriminal kundi ng mga kabataang mula 15 hanggang 25 anyos ang gulang? Baka hindinatin namamalayan na may nag-uumpisa ng reign of terror, ang paghahari ng lagim sa

    ating lipunan at ang nasasangkot madalas ay mga kabataan!Ito na nga ang katuparan ng mga hula sa bibliya. Habang patapos na ang istorya ngsangkatauhan ay lalawak ang sari-saring kalupitan at katampalasanan. Kung nais mongbasahin, ito ay matatagpuan sa 2Timoteo 3: 1-9. Maaari nating sabihing huli na anglahat ,e di wala na tayong magagawa diyan.

    Pero kaibigan, ipinamamanhik naming gumising na tayo. Huwag tayong magwalang-bahala! Baka dumating ang panahon na ang nasasangkot sa mga krimeng ito a hindi ibangtao na hindi natin kilala, kundi ang mga anak natin na naging kriminal pala o biktima kaya!

  • 7/31/2019 sampol editoryal

    3/5

    May magagawa ba tayo ngayon? Nasaan ba ang anak mo, o kapatid sa oras na ito?Gabi na, at madilim na sa labas. Baka wala pa ang mga bata o kabataan sa higaan. Dapatay hinahanap mo na siya. Kadalasan ang mga napapahamak ay yaong inaabot ng dilim sadaan.

    Alam mo ba kung anu-ano ang pinaglalaruan o pinagkakaabalahan ng mgakabataan o bata ngayon? Ano ang kanilang pinapanood? Ilang beses na natingnatunghayan na ang mga bayulenteng laro o panoorin kaya ay nakakaimpluwensiya ngmalaki sa pag-uugali ng mga kabataan. Hindi ba't kailangan nila ng gabay mula sa atingmga magulang? Nakakakita ba naman sila ng magagandang halimbawa sa ating tahanan?

    Ano ang kanilang mga binabasa? Hindi kaya kailangan maging alisto tayo na iiwassa masamang impluwensiya ng mga di-wastong babasahin ang ating mga anak? Sino angkanilang mga kabarkada at ano ang ginagawa nila? Hindi kaya mga paglalasing opagtitipon na nag-iimbita ng krimen?

    Totoo na dumarami ang kasamaan sa mga huling panahon. Pero malaki angkinalaman mo at ako sa pagkakasangkot o di pagkasangkot ng ating mga anak sa mgakrimeng nagaganap ngayon. Mayroon tayong magagawa kung kikilos tayo. Higit sa lahatkung ituturo nating wastong pamumuhay, kung ipapakilala natin ang isang mapagmahal na

    Diyos, kung ipadarama natin ang isang tahanang pupos ng pagmamahalan, marahil angmga karahasang dapat maganap ay magaganap na rin. Pero ang tahanan natin aymananatiling ligtassa mga ito sa tulong ng Panginoon at sa pag-iingat di natin, ngayon na. Sa ating mga

    opisyales ngg gobyerno, marahil hindi ang pagpatay sa mga kriminal na menor de edad

    ang kasagutan sa problema kundi ibayong pagpapahalaga sa tahanan at pamilay.

    Tatak Pinoy!Janine M. Lanzarrote

    Basta Pinoy Matatag,Matibay,ugali at puhunan ng mga Filipino sa pagharap sabuhay.Pagiging matatag sa kabila ng mga suliranin at kahirapan,di nga ba ngiti pa rin sa gitna ng mga

    pagsubok.

    Katatagan ang pangunahing sandata upang muling makabangon sa gitna ng krisis at

    kalamidad.Marami ng pagkakataon na ito ay pinatunayan ng mga Filipino matapos na maganap flashflood sa Mindoro,sa Queson Province,Leyte,Pagputok ng Pinatubo,Lindol sa Baguio at Cabanatuian

    marami pang iba at ngayon ang Oil Spill sa Guimaras,Pag alburuto ng Mayon at dulot ng Milenyo.

    Sa kabila ng kahirapan kapag tinatanong ang mga Filipino ang karaniwang sagot Tibay at

    Lakas ng Loob,upang matawid ang mga pagsubok sa buhay.

    Ito rin ang maging puhunan ng milyon-milyong Pinoy na dumarayo sa ibang bansa upang

    makipagsapalaran.Isipin na lamang na mawalay sa sariling pamilya upang kumita ng panustos sapangangailangan o dili kaya ay hanapin ang mas magandang kapalaran.

    Sa kanilang tagumpay agad nilang mauusal Tibay at Lakas ng Loob lamang ang katulong nila

    upang matagalan ang pakikipagsapalaran

    Ganun din sa mga kapus-palad na malakas ang loob na kaharapin ang buhay,nagpilit namakapag-aral,makapagtayo ng sariling kahit maliit ng negosyo,sari-saring pagkakakitaan sa marangal

    na paraan,ang sasabihin nila Tibay at Lakas ng Loob lamang iyan upang magtagumpay.

  • 7/31/2019 sampol editoryal

    4/5

    Tatak Pinoy isang ugali at magandang panuntunan sa pagtahak ng ano mang gawain.Naiibatayo mga Pinoy,nangunguna at hindi basta-basta susuko,kung saan mas lamang ito at nagiging daan

    tungo sa tagumpay.

    PINOY YATA YAN,MATIBAY AT MAY LAKAS NG LOOB,basta PINOY di susuko

    Editoryal

    Basta trapo, amoy at anyo hindi mababago

    ANG mga tinatawag nating traditional politician (trapo) kahit anong gawin, ang amoy at anyo ayhindi nababago.

    Tingnan nyo ang ilang miyembro ng Liberal Party, mga datihan at mga sumanib lamang kay

    President Benigno Noynoy Aquino III, trapung-trapo ang pag- iisip, kilos at anyo nila. Kahit

    magbalatkayo, maging mga hunyango, ang amoy nila kasing baho pa rin ng mga trapo, ang hitsura

    nila babalik at babalik pa rin ang pagiging plastic.

    Pero sino ba ang mga ito mga kaibigan? Sila yung 2012 pa lang ngayon ay 2016 na ang

    iniisip. Mga taong ngayon pa lang kanya-kanya ng posisyon at ambisyon ang inuuna at hindi ang

    kapakanan ng bayan.

    Nitong nakaraang mga araw, ang amoy kalansahan nila sumingaw na naman ng todo drama pagka-

    anunsiyo ni P-Noy na nais niya isama sa kanyang Gabinete sina Senators Panfilo Ping Lacson at

    Kiko Pangilinan.

    Kanya-kanya sila ng gapang hindi lamang sa media kundi sa mga taong naniniwala silang kayang

    kumbinsi-hin si P-Noy upang baguhin ang isipan nito. Takot na takot sila dahil ang balita, siLacson ay ilalagay sa Department of Interior and Local Government (DILG) samantalang si

    Pangilinan ay sa Department of Agriculture (DA).

    Kung si Lacson ay malalagay sa DILG, titino ang PNP. Napatunayan niya na ito noon atmagdadalawang isip ang mga corrupt na governor at mayor. Sisikat uli si Lacson kaya pagdating

    ng 2016, major personality na naman siya. Matindi pa nito, hindi nila kayang hawakan si Lacson at

    paano ang manok nila.

    Ganoon din kay Pangilinan kung sa DA. Ang idealism niya ay magiging maganda para sa mag-sasaka. Magiging asset siya sa administrasyon at maipapakita nya ang hu-say niya sa ehekutibo.

    Ayaw ng mga trapo na may mas sikat sa kanila o amo nila, kaya lahat gagawin upang hindi

    magtagumpay si Lacson at Pangilinan at si P-Noy.

    Ganoon kabantot ang mga trapong ito.

  • 7/31/2019 sampol editoryal

    5/5