Upload
tosca
View
299
Download
8
Embed Size (px)
DESCRIPTION
- PowerPoint PPT Presentation
Citation preview
NGAYONG TAG-ULANni: Kiko Manalo
Magdala ng kapote ngayong tag-ulan,Sa sakit at sipon, magandang panlaban,
Sakto rin sa lahat ng kalalakihan,Upang AIDS, STD sadyang maiwasan!
Payong naman para sa mga babae,2-folds, 3-folds o kahit na iyong malaki,
Double purpose ito lalo na sa gabi,Sa holdaper at rapist, pwedeng pang-
garote!
SAWSAWANni: Kiko Manalo
Ikinasal kahapon si Mama Sita,Si Papa Ketsup po ang napangasawa,Umiyak ang karibal ng masuwerteng
binata,Si Mang Tomas ito na nakakaawa!
Ang nagkasal po sa magkasintahanSi Datu Puti na lider ng angkan,
Namroblema naman bisita sa handaan,Sapagkat ang nakahain ay puro sawsawan!
KAHULUGAN SA TAGALOG
ni: Kiko Manalo
SALUMPUWIT ang tawag at kahuluganSa "chair" o "bangko" na silyang upuan,At kung nagtatanong at naguguluhan,
Sa "wheelchair" ang tawag ay SALUMPO naman!
Ang tagalog word naman para sa "panty",SALUNGGUHIT na siyang tugma sa
babae,At kung tatanungin ang "brief" ng lalakiSALONGGANISA itong sa iyo'y masasabi!
MAIIKSING TULA HAIKU
TANAGA PANTUM
ay isang uri ng maikling tula o saknong (stanza) o taludturan sa larangan ng panulaan (poetry) na nagsimula sa bansang Japan. Sa literature ng mga Hapon, ito ay binubuo ng tatlong (3) taludtod at may bilang ng mga pantig na lima-pito-lima (5-7-5) ayon sa pagkakasunud-sunod. Ito ay karaniwang hindi nangangailangan ng tugma sa bawat hulihang bahagi ng salita ngunit ginagamitan ng paghahambing ng isa o dalawang ideya o kaya naman ay paglalarawan ng dalawang magkaibang (juxtaposition) tao, hayop, bagay, pangyayari o lugar. Mahigpit ang mga Hapones sa pagpapatupad ng mga alituntuning kaakibat ng ganitong uri ng sining.
HAIKU
At dahil na rin sa likas na pagkamalikhain ng mga Hapones, naipaimbulog sa kanilang kultura ang haiku at magpahanggang ngayon ay kinakikitaan ng katangiang maaaring maging paraan upang mapagyaman ang kanilang sining. Ang mga salita na may wastong sukat na
mga pantig na 5-7-5 at may tugma sa hulihang bahagi at may iisang diwa, ideya, paglalarawan, at katugmaan ang kalimitang nagiging dahilan ng ikagaganda ng isang haiku.
HAIKU
PIYESTABulate’t uod
Sa patay mabubusogKapag may tigok.
WALANG LIGTASItong kamatayan
Darating kanino man,Isang hangganan.
BOREDKung mamatay na
Lagi nang nakahigaWalang magawa.
TULDOK NATinutuldukan,
Kung puro kasamaan
Buhay na hiram.
ay isang tulang Tagalog na palasak na bago pa dumating ang mga Kastila. Ito ay may mataas na uri. Binubuo ito ng apat na taludturan na may pituhang pantig. Ang tanaga ay nahahawig sa haiku at muling naging palasak ang tanaga noong panahon ng Hapon. Ang tanaga ay itinuturing na malayang tula at sagana sa talinghaga.
TANAGA
Totoong sinungaling,At talagang malihim,Pipi kung kausapin,
Walang kibo’y matabil,
Ang isa sa kaaway,Na marami ang
bilang,Ang iyong
pangilagan,Ayan... katabi mo
lang!
-- Ildefonso Santos
ay isang anyong tradisyonal mula sa Malaysia na binubuo ng apat na taludtod. Ang unang dalawang linya sa bawat saknong ay dapat na walang pormal o lohikong kaugnayan sa ikalawang dalawang linya.
PANTUN/M
AMAG Ang amag ay berde sa
kalmadong tubigPero asul sa hawak ng
huling hangin.Ang kanilang sakit sa gitna
ng dibdib,Ay hindi maaayos kung
hahaplusin.
~ John Aspen P. Catingub