2
John Anthony B. Teodosio 1. Isang Rebisyon ng Tula 2. Isang malayang taludturan Shotgun -Si Kurt Cobain, 27, ay isa sa mga kinikilalang rock icon noong dekada 90. Nagulantang ang lahat nang matagpuan siyang patay sa kanilang bahay noon pang ika-5ng Abril, 1994. Isang shotgun ang ginamit sa kanyang pagpapatiwakal kalakip ang isang suicide note na naglalaman ng marahil ay pamamaalam sa mundo ng musika. Nakarating na marahil kay Boddah ang iyong pamamaalam Na ngayo’y alingawngaw pa rin. Dala ba ito ng paglalaro sa ibang mundo? Ng pagkasawi? Ng masamang pinagkabihasnan? O ng Paghahanap ng ganap na katahimikan? Hindi kita naintindihan Sa mga itinititik mong awit Ng pagkahibang? Ng pagkamatulain? O ng pagnanais ng makapag-isa? Hindi rin kita naintindihan Kung ano ba ang nasa loob ng malikot mong dalumat? Gayunpaman, patuloy akong sumasamba Sa mga pira-pirasong gunita ng pagkagalit at pagkatuwa At sa pagkitil ng gitara. Di ko akalaing Matatapos sa isang baril Ang lahat ng ito. Napabalitaang nakabulagta sa iyong silid At ikinalabit ang gatilyo ng katapusan. Bang! Sumambulat ang maraming alaalang

Shotgun

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Shotgun

John Anthony B. Teodosio

1. Isang Rebisyon ng Tula2. Isang malayang taludturan

Shotgun

-Si Kurt Cobain, 27, ay isa sa mga kinikilalang rock icon noong dekada 90. Nagulantang ang lahat nang matagpuan siyang patay sa kanilang bahay noon pang ika-5ng Abril, 1994. Isang shotgun ang ginamit sa kanyang pagpapatiwakal kalakip ang isang suicide note na naglalaman ng marahil ay pamamaalam sa mundo ng musika.

Nakarating na marahil kay Boddah ang iyong pamamaalamNa ngayo’y alingawngaw pa rin.Dala ba ito ng paglalaro sa ibang mundo?

Ng pagkasawi?

Ng masamang pinagkabihasnan?

O ng

Paghahanap ng ganap na katahimikan?

Hindi kita naintindihanSa mga itinititik mong awitNg pagkahibang?Ng pagkamatulain?O ng pagnanais ng makapag-isa?Hindi rin kita naintindihanKung ano ba ang nasa loob ng malikot mong dalumat?Gayunpaman, patuloy akong sumasambaSa mga pira-pirasong gunita ng pagkagalit at pagkatuwaAt sa pagkitil ng gitara.

Di ko akalaingMatatapos sa isang barilAng lahat ng ito.Napabalitaang nakabulagta sa iyong silidAt ikinalabit ang gatilyo ng katapusan.

Bang!

Sumambulat

ang maraming

alaalang

nagkalat

sa buong paligid.

Nagkawatak-watak din

ang masasayang gunita.

Page 2: Shotgun

Tinapos ng baril na itoAng musikerong tinatanglawanNg nakararami.Ang baril na itoAy kailangang isundo kaSa walang hanggang mundoNa iyong hinahanap.

“Na hindi ko nahanapnoong buhay ka pa.”

Binabalikan ko ngayonAng liriko ng pagluluksa,Ang tinig na umungol sa murang pandinig.Marahil ay sawa ka na sa lupang maraming nangmamataAt salat sa pag-unawa.

Marami ka pang tatakbuhing milya ng pagkabantog.Ngunit sadyang matulin ang kawit ng dilim at lumbay.Malayo pa sana ang babagtasin mong mga himigKung hindi ipinaubaya ang sarili sa baril ng pagwawakas.

Iisiping nasa langit ang simoy ng iyong tinig.Mistulang pinaparinig ang melodya ng dalangin.