37
A NG T INIG NG T A NDA Salamat. Nawa’y manatili tayong nakatayo pansumandali, habang binabasa natin ang Salita, tumungo na agad sa Salita sa gabing ito, para hindi tayo gumugol ng mahabang oras. Nais kong makipagbukas kayo sa akin, sa gabing ito, sa Aklat ng Exodo, at umpisa sa ika-4 na kabanata ng Aklat ng Exodo. At si Moises ay sumagot at nagsabi, Datapuwa’t, narito, hindi nila paniniwalaan ako, ni didinggin ang aking tinig sapagka’t kanilang sasabihin, Ang PANGINOON ay hindi napakita sa iyo. At ang sabi sa kaniya ng PANGINOON, Ano iyang nasa iyong kamay? At kaniyang sinabi, Isang tungkod. At kaniyang sinabi, Ihagis mo sa lupa. At kaniyang inihagis sa lupa, at naging isang ahas; at si Moises ay tumakas sa harap ng ahas. At sinabi ng PANGINOON kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay, at sunggaban mo sa buntot. At kaniyang iniunat ang kaniyang kamay, at kaniyang hinawakan, at naging isang tungkod sa kaniyang kamay: Upang sila’y maniwala, na ang PANGINOONG Dios ng kanilang mga magulang, ang Dios ni Abraham,… Dios ni Isaac,…ang Dios ni Jacob, ay napakita sa iyo. At sinabi pa sa kaniya ng PANGINOON, Ipasok mo ang iyong kamay, sa iyong sinapupunan. At kaniyang ipinasok ang kamay niya sa kaniyang sinapupunan: at nang kaniyang ilabas, ay narito, ang kaniyang kamay ay may ketong, na maputing parang niebe. At kaniyang sinabi, Ipasok mo uli ang iyong kamay sa iyong sinapupunan. At kaniyang ipinasok uli ang kamay niya sa kaniyang sinapupunan: at nang kaniyang ilabas sa kaniyang sinapupunan, at, ay narito, ito… nagsauling gaya ng kaniyang dating laman. At mangyayari, na kung sila’y hindi maniniwala sa iyo, ni makikinig sa tinig ng unang tanda, ay kanilang paniniwalaan ang tinig ng ikalawang tanda. 2 Iyuko natin ang ating mga ulo. At samantalang nakayukod ang ating mga ulo, at ang ating mga puso, na rin, mayroon kayang naririto sa gabing ito na may mga kahilingang ipanalangin? Maaari bang ipaalam ninyo ito habang itinataas ninyo ang inyong mga kamay. Ipagkaloob ng Dios ang inyong mga kahilingan. 3 Aming Makalangit na Ama, ipinalagay namin na isa itong natatanging pribilehiyo, na dumulog sa Iyo sa panalangin,

TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

  • Upload
    lamque

  • View
    219

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

ANG TINIG NG TANDA

Salamat. Nawa’y manatili tayong nakatayo pansumandali,habang binabasa natin ang Salita, tumungo na agad sa

Salita sa gabing ito, para hindi tayo gumugol ng mahabang oras.Nais kongmakipagbukas kayo sa akin, sa gabing ito, sa Aklat ngExodo, at umpisa sa ika-4 na kabanata ngAklat ng Exodo.

At si Moises ay sumagot at nagsabi, Datapuwa’t,narito, hindi nila paniniwalaan ako, ni didingginang aking tinig sapagka’t kanilang sasabihin, AngPANGINOON ay hindi napakita sa iyo.At ang sabi sa kaniya ng PANGINOON, Ano iyang

nasa iyong kamay? At kaniyang sinabi, Isang tungkod.At kaniyang sinabi, Ihagis mo sa lupa. At kaniyang

inihagis sa lupa, at naging isang ahas; at si Moises aytumakas sa harap ng ahas.At sinabi ng PANGINOON kay Moises, Iunat mo ang

iyong kamay, at sunggaban mo sa buntot. At kaniyanginiunat ang kaniyang kamay, at kaniyang hinawakan,at naging isang tungkod sa kaniyang kamay:Upang sila’y maniwala, na ang PANGINOONG Dios

ng kanilang mga magulang, ang Dios ni Abraham,…Dios ni Isaac,…ang Dios ni Jacob, ay napakita sa iyo.At sinabi pa sa kaniya ng PANGINOON, Ipasok mo

ang iyong kamay, sa iyong sinapupunan. At kaniyangipinasok ang kamay niya sa kaniyang sinapupunan: atnang kaniyang ilabas, ay narito, ang kaniyang kamayay may ketong, na maputing parang niebe.At kaniyang sinabi, Ipasok mo uli ang iyong kamay

sa iyong sinapupunan. At kaniyang ipinasok uli angkamay niya sa kaniyang sinapupunan: at nang kaniyangilabas sa kaniyang sinapupunan, at, ay narito, ito…nagsauling gaya ng kaniyang dating laman.At mangyayari, na kung sila’y hindi maniniwala sa

iyo, ni makikinig sa tinig ng unang tanda, ay kanilangpaniniwalaan ang tinig ng ikalawang tanda.

2 Iyuko natin ang ating mga ulo. At samantalang nakayukodang ating mga ulo, at ang ating mga puso, na rin, mayroonkayang naririto sa gabing ito na may mga kahilingangipanalangin? Maaari bang ipaalam ninyo ito habang itinataasninyo ang inyong mga kamay. Ipagkaloob ng Dios ang inyongmga kahilingan.3 Aming Makalangit na Ama, ipinalagay namin na isa itongnatatanging pribilehiyo, na dumulog sa Iyo sa panalangin,

Page 2: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

2 ANG BINIGKAS NA SALITA

dumudulog sa Pangalan ng Panginoong Jesus. At Kaniyangpinangakuan, na kung hihiling kami ng anuman sa KaniyangPangalan, ito’y ipagkakaloob. Ikaw ang nakakaalam ngpangangailangan ng bawa’t isa sa amin. Nalalaman Mo kungano ang pahiwatig ng aming mga kamay sa pagtaas ng mgaito. Aking idinadalangin, Ama, na Iyong tutugunin ang bawa’tkahilingan sa gabing ito. Angkinin ang Luwalhati.4 At ngayon hayaan ang dakilang Guro ng Salita, ang EspirituSanto, sumasa amin, sa gabing ito, at ihayag ang Kaniyangsarili sa amin, at-at ipakilala ang Kaniyang sarili sa amin, sapamamagitan ng-ng katibayan ng Kaniyang pagkabuhay namag-uli. Dumating nawa Siya sa aming kalagitnaan, sa gabingito, Panginoon, at-at dalawin ang aming mga puso. Mangusapsa amin sa mga bagay na Kaniyang ipinangako para sa arawna ito. Nawa’y ang mga Salitang ipinangako para sa oras naito ay mahayag sa aming harapan, upang makatiyak kami, sanapakagulong panahong ito na Iyong sinabing darating sa lupa,upang subukin ang lahat ng tao. At tiyak na dumating na angpanahong yaon, Ama, kung kailan sinusubok ang mga tao. Atmay napakaraming iba’t ibang angulo, hanggang sa wala nanghalos makaalam kung ano ang gagawin. Nguni’t, Panginoon,dalangin ko na ipahahayag Mo sa amin, sa gabing ito, na Ika’ynaririto at kasama namin, Ito’y naririto upang tulungan kami.Ipagkaloob ang aming mga kahilingan, sapagka’t hinihilingnamin ito sa Pangalan Ni Jesus. Amen.

Makakaupo na.5 Ako’y medyo nahuhuli-huli lang ng kaunti sa bawa’t gabi.At naiisip ko parati ang mikroponong ito, nguni’t ito’y angnakakabit sa mga recorder. Nguni’t itong narito, palagay ko, ayang siyang dapat kong pakinggan, omapagsalitaan.6 Bukas ng gabi ay gabi ng bangkete, kaya huwag itongkalimutan. Sa palagay ko ito’y…sa palagay ko ito’y naipaalamna, sa kung saan pupunta ang mga tao.7 Aming lubos na pinahahalagahan ang inyongpakikipagtulungan sa mga dakilang bagay na ginawa ng atingPanginoon.8 Ngayon, sa gabing ito, aking iniisip na, libang atingmalaman ang Salita ng Dios, hindi natin alam kung anonggagawin. Tayo’y hindi magkakaroon ng pananampalatayahanggang sa malaman natin kung ano ang kalooban ng Dios. At,ano, pagkatapos kungmalaman nating ito ang kalooban ngDios,ang Salita ng Dios ay mangungusap ng isang bagay, kung gayonmay kagalakan tayong sundin iyon.9 Ngayon kung lumilibot ang Panginoong Jesus, mismo, salupa sa gabing ito, sa katawang tao, at Kaniyang sinabi, “Bukasay magiging maulan, buong araw,” ngayon napakadali nito parasa akin namagdala ng payong sa pag-alis ko sa umaga, sapagka’t

Page 3: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

ANG TINIG NG TANDA 3

sinabi Niya ito. Ngayon, kung hindi Niya sinabi ito, hindi koalam sa gayon kung ano ang aasahan. Kaya ganiyan ito, saanumang ating ginagawa, nais nating malaman ang oras, angpanahong ating pinamumuhayan.10 At sa mga baguhan, sa sanglinggong ito sinikap natinipakita ang Dios, mula sa pasimula, ay nalaman ang wakas.Iyan ang nagpapaging walang-hanggan sa Kanya. Kung Siya’yhindi walang-hanggan, walang-hanggan, Siya’y hindi Dios. Atkailangan Niyangmaging makapangyarihan sa lahat, nasa lahatng dako, nakaaalam ng lahat ng bagay, at makapangyarihan salahat, upang maging Dios. Iya’y ang lahat ng kapangyarihan,nakaaalam ng lahat ng bagay, nasa lahat ng dako, at-at-atnakaaalam ngwakasmula sa pasimula. Kung hindi Siya ganoon,kung gayon Siya’y hindi Dios.11 Kaya walang anumang bagay na talagang nawawala sakaayusan. Tayo iyon. Nguni’t wala sa Salita ng Dios; ito’ytumitiktak tulad lamang ng isang orasan. At kapag dumating naang oras na iyon para ito maganap, ang Salitang nakalaan parasa kapanahunang iyon, nangyayari ito. Maaring mag-isip tayona ito’y…ay hindi magaganap. Minsan nangyayari ito at hindinatin ito nalalaman. Sinabi ni Jesus, sa isang pagkakataon…12 Sinabi nila sa Kaniya, “Bakit ang–ang…lahat ng mgaeskriba ay nagsabi na ‘Darating muna si Elias’?” Kita n’yo,ngayon, pinaniwalaan nila iyan. Naniwala sila na si Elias aydarating.13 At tumingin si Jesus sa kanila, at nagsabi, “Dumating nasi Elias, at hindi ninyo siya nakilala.” Kita n’yo? Ngayon, kitan’yo, dumaan iyon mismo sa harapan nilang mga eskriba, mgaministro, mga alagad. At si Juan Bautista iyon, at dumatingsiya sa bawa’t paraang pinaniniwalaan na darating ang Elias,gayunpaman hindi nila siya nakilala.14 At ngayon kinakailangang ito’y makikilala natin ang oras naating pinamumuhayan, at ang panahong ating pinamumuhayan.Sa pamamagitan niyan, nais kong mangusap sa gabing itotungkol sa: Ang Tinig Ng Tanda.15 Isang kakaibang teksto, gayunpaman gumagawa angDios ng kakaibang mga bagay sa di–pangkaraniwang mgapamamaraan. Iyan ang nagpapaging Dios sa Kanya, sapagka’tSiya’y–Siya’y supernatural. At lahat ng Kaniyang ginagawa,Kanyang–Kanyang ginagawa ito, Kanyang magagawa ito sasupernatural, sapagka’t Siya ay supernatural.16 Ngayon,Ang Tinig Ng Tanda. At isa itong…May isang tinigsa tanda. May isang tinig sa dugo. Nangusap ang dugo mula salupa, at–at iba pa, “Ang matuwid na dugo ni Abel ay nangusaplaban kayCain.”At sinabi ngBiblia, “Ang dugo ni Jesus Cristo aynangungusap ngmas dakilangmga bagay kaysa dugo ni Abel.”

Page 4: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

4 ANG BINIGKAS NA SALITA

17 Ngayon ang ating tagpo sa gabing ito, o ang ating eksena,ay nagbubukas sa Exodo. At ang panahon ng Exodo ay angpanahon ng pagtawag-palabas, at ang exodo ay nalalapit na.18 Si Moises, ang lingkod ng Panginoon, ay tinawag saisang–isang gawain panunungkulan. At gumagawa kung anoang sa kaniyang kaisipan, siya ay mataas ang pinag-aralan saEgipto, natutunan ang–ang lahat ng karunungan ng mga tagaEgipto, at tila bagang mayroon siyang isang–isang paraan, nasa pagiging isang bantog na sundalong henyo, na kaya niyangiligtas ang kaniyang bayan mula sa ilalim ng pagkaaliping yaon,sapagka’t siya ang susunod na Paraon. At gaano sana iyonnoon kadali para sa kaniya na gawin iyon. Subali’t, kita n’yo,kung ganoon nga ang nangyari, kung gayon magiging isa itongpangkaraniwang bagay.19 Ang Dios ay hindi gumagamit ng natural na mga bagay.Siya ay gumagamit ng supernatural na mga bagay upangpatotohanan ang Kaniyang sarili.20 Kaya mula sa apatnapung taon ng pag-aaral, sapinakamataas na maaari niyang maabot, at ang pinakamahusayna maaari niyang makamit, sa pagiging pinakamahusay namag-aaral niya; na may pagkakaunawa mula sa kaniyang ina,ang kaniyang sariling tagapagturo, na siya yaong magliligtassa bayan; at humayo siya sa kapangyarihan ng kaniyangpang-unawa, at pinatay ang isang Egipcio. At, mula roon,nasumpungang nabigo ang kaniyang mga pagsisikap, atpagkatapos ay tumakas sa ilang.21 At kung ano ang Egipto, sa pinag-aralan, na inilagay sakaniya sa apatnapung taon, kinailangan ng Dios ang isa pangapatnapung taon para alisin iyon sa kaniya, kita n’yo, upangsiya’y hindi magtiwala sa kaniyang tuntunin ng pinag-aralan.Magtiwala siya sa supernatural.22 At ngayon nalalapit na ang panahon na ipinangako ngDios, kay Abraham, apat na raang taon bago ang panahongyaon, na ang kanyang binhi ay makikipamayan sa ibang lupain,at sila ay ilalabas. Pagkaraan ng apatnapung taon, sila ayilalabas sa pamamagitan ng isang makapangyarihang kamay.Ililigtas niya ang kaniyang bayan sa pamamagitan ng isangmakapangyarihang kamay. At nang ang oras ng pangako aymalapit na, diyan kung kailan inilagay ng Dios si Moises satagpo. Si Moises, sa kaniyang ganap na kabiguan, ay pumaroonsa ilang.23 Ngayon ang tipo rito, may isang kahanga-hangang tipo nasiguradong ayaw nating makaligtaan. Kita n’yo? Itinipo, AngDios ay dinadala ang Israel, ang Kaniyang bayan, palabas, isangbansa, isang bansa mula sa isang bansa. Isang Bansa mula saisang bansa, isang napakagandang tipo ng araw na ito, na angDios ay tinatawag ang Kaniyang Nobya mula sa isang iglesya,

Page 5: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

ANG TINIG NG TANDA 5

Kristiyanong Nobya mula sa isang Kristiyanong iglesya, isangNobyang Iglesya mula sa isang iglesya, na tinawag, sa Biblia,tinukoy.24 Ako’y may ilang mga tala at mga Kasulatang nakasulat dito,sa araling ito ngayong gabi.25 Ito’y tinatawag, kung minsan, “Ang Pinili, ang Hinirang, oang Nalalabi na binhi ng babae.” Tinawag itong, “ang Nobya,”na ang Dios, sa pamamagitan ng Kaniyang paunang kaalaman,itinalaga. Iyon ay, ang Nobya na lumabas sa iglesya. Kita n’yo,ang kabuuan ay isang iglesya, nguni’t naglalabas ang Dios ngmga tao mula sa iglesyang iyan, bilang isang Nobya. SinabiNiyang gagawin Niya. At ginawa Niya ito, pansinin, o gagawinNiya ito.26 Pansinin, tingnan kung paanoNiya ginawa ito, at ang paraanat kung paano Niya ginawa ito. Nais nating tingnan ito ngayon,habang inilalabas Niya ang Israel, kung paano Niya ginawa ito,at ang paraan naKaniyang–Kaniyang ginawa ito.27 Pansinin nang ang panahon na ang ipinangakong Salita ayisasakatuparan na, tinawag ng Dios si Moises, sa pamamagitanng pagtatalaga, at pinili siya para sa tungkuling iyon. Kita n’yo?Ang Dios ay palaging mayroon itinatalaga na tao sa takdangoras, sa panahon. Walang nabibigo sa Dios. Sinabi Niya ito;ito’y hindi mabibigo. Kung mabigo ito, kung gayon ang Dios aynabibigo, ’pagkat ang Dios ay ang Salita.28 Pansinin, ngayon, ang Salita ay kailangang mahayag. Atkapag ang Salita ay dapat nang mahayag, ng isang pangako,ang Dios ay palaging nagsusugo ng isang propeta upang ihayagang pangakong yaon, sapagka’t ang Salita ng Panginoon aydumarating sa kaniya.29 Si Moises, itinalaga para sa layunin, ay tinawag para satungkulin. Wala ng iba pangmakagagawa nito.30 Kapag ang Dios ay–ay tumawag ng isang tao para gampananang isang tungkulin, walang sinumang maaaring pumalitdito. Walang sinumang makapapalit sa iyo, sa iyong sarilingkatangian.31 Gaano kadalas kong naisip, kung gaano kong gustonggampanan ang tungkulin ni Oral Roberts, kung gaano ko gustonggampanan ang tungkulin ni Billy Graham, isang taong tuladniyan. Tulad ni Billy Graham, humayong magsalita sa isanglupon ng tagapakinig, manawagan sa mga makasalanan saaltar; kalimutan ito at uuwi, hindi na kailangang tumayo roonat makipagbakang muli. Hindi ako puwedeng maging si BillyGraham, nguni’t gayundin naman si Billy Graham ay hindipuwedeng maging ako. Kapuwa kami…Hindi ako puwedengmaging si Oral Roberts; si Oral Roberts ay hindi puwedengmaging ako.

Page 6: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

6 ANG BINIGKAS NA SALITA

32 Kayo’y, bawa’t isa, nakatakda sa pamamalakad ng Dios, sakaniyang tungkulin lamang. Ang isa ay laging nag-aayuno atdumadalangin sa Dios, samantalang ang isa pa ay nagpapalayasnaman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito.Nguni’t ito’y ang buong katawan ni Cristo na gumagawangmagkakalakip, ang pagkakaisa. Kapag nakikita nating ang mgamaka-denominasyong hadlang na ito pinaghihiwalay tayo, iyanang nagpapakirot ng aking puso, kita n’yo, sapagka’t iyan angbagay na naghihiwalay sa atin. Tayo ay iisa.33 Walang malalaking tao sa ating kalagitnaan, walangdakilang mga tao sa gitna natin. Magkakapareho tayonglahat. Tayo’y mga anak ng Dios. Iisa lamang ang dakila saatin, at iya’y si Cristo. Kailangang kilalanin natin Siya. Atkung naghahangad tayo ng karangalan, sa isa’t-isa, tayo’yhindi magkakaroon ng pananampalataya, sapagka’t tayo’ynagkakaroon ng pananampalataya sa isa’t isa. Kailangangmagkaroon tayo ng pananampalataya kay Cristo. Siya ang Isangiyon na nasa ating kalagitnaan na dapat nating sampalatayanan,at pagkatapos ay pagsampalataya sa kung ano ang Kaniyangginagawa at ipinagkakaloob sa atin.34 Ngayon, walang sinumang maaaring humalili kay Moises.Kahit gaano pa ang kaniyang pagtakbo, at kahit gaano paang pagsisikap niyang lumayo rito, gayunman nalalaman ngDios kung ano ang Kaniyang ginagawa. Alam Niya kung anoang kailangan Niyang alisin at ihubog kay Moises. Itong mgabagay ay dapat mangyari. Ngayon, masdan, walang sinumangmaaaring pumalit sa kaniyang lugar.35 Ngayon masdan. Binigyan siya ng Dios ng isang tanda,upang patunayan ang kaniyang pagkatawag at mga pag-aangkin, nang pumaroon siya sa Egipto.36 Ngayon, ang Dios ay palaging nagbibigay sa isangmensahero ng isang tanda, at ng isang tinig ng tandang iyon. Atang tandang iyon ay ipinakikilala ang tao, kung ito’y nakasulatsa Kasulatan.37 Tulad ng sinabi ni Juan, “Ako’y ang tinig ng isang sumisigawsa ilang.”

Kanilang sinabi, “Ikaw ba angMesiyas?”38 Kaniyang sinabi, “Hindi ako ang Mesiyas. Nguni’t akoang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, tulad ng sinabi ngpropetang si Isaias.” Kanyang maliwanag na maipapakilala angkaniyang sarili.39 At ngayon, kung gayon, diyan, nalaman nating ang Dios,sa tuwina ay, hindi kailanman nagbabago ng Kaniyangpamamaraan sa paggawa ng anumang bagay. Hindi Siyamaaring magbago. Ang Dios ay ginagawa ang lahat ng bagaysa gayunding paraan, kapag Kanyang-Kanyang isinasaayos angpamamaraan Niya ng magkakasama.

Page 7: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

ANG TINIG NG TANDA 7

40 Tulad ng sinasabi ko noong isang gabi, Kanyang ginawaang isang kapasiyahan, ang tao ay kailangang maligtas sapamamagitan ng pagbuhos ngDugo ng Isangwalang-kasalanan.Sinubukan na natin ang lahat ng bagay, upang maligtas ang tao.Sinubukan nating dalhin siya sa isang dako kung saan nagtayotayo ng isang lungsod, ginawa ni Nabucodonosor. At nagtayosila ng isang Tore, ginawa ni Nimrod. Mayroon silang batas. Atsila’y mayroong mga templo. Sila’y may mga simbahan. Sila’ymay mga organisasyon. Sila’y may mga pamamaraang ukol sapagtuturo, maka-denominasyong pamamaraan, nagsisikap nailapit ang tao sa Dios. Ito, bawa’t kaliit-liitan, ay nabigo. Itoay palaging mabibigo. Iyon ay bumabalik doon sa nabuhosna Dugo!41 Ang pamamaraan ng Dios ng paggawa ng anumang bagayay ipinangusap sa Kaniyang Salita. At ang Salitang ito ay angkabuuang kapahayagan ni Jesus Cristo, walang kahit anongidadagdag Dito o ibabawas mula Rito. “Sinoman ang gagawanito,” ang sabi ng Biblia, “Ang kaniyang bahagi ay aalisin saAklat ng Buhay ng Cordero,” kung magdadagdag man siya omag–aalis ng anumang bagay mula Rito. Tanggapin lang Ito saparaang Ito’y nasusulat.42 Ang Biblia ay hindi nangangailangan nang sinumanpara ipaliwanag ito, Ang Dios ang Kaniyang Sarilingtagapagpaliwanag. Ipinaliliwanag Niya ito sa pagtupad kungano ang sinasabi Niyang magaganap. Tapos na ito. Kungsinabi ito ng Dios, at ginawa Niya ito, Iyon lang. Hindi itonangangailangan pa ng tagapagpaliwanag. Ang sabi ng Biblia,“Ito’y walang pansariling pagpapaliwanag.”43 Ang pamamaraan ng Dios ng paggawa nito! Laging tapatsa Kaniyang isinugong tanda, Siya ay sumunod sa pamamagitanng Kaniyang tinig; bawa’t, mula noon, na ang Dios ay nagsusugong isang tanda sa lupa. “Ngayon ang Dios ay walang kailanmangagawin na anuman,” ang sabi ng Biblia, “hanggang sa ipakitamuna Niya ito sa Kaniyang mga lingkod na mga propeta.”Ngayon na, kayo…Kung iya’y mali, kung gayon ang iba panito’y mali rin, kita n’yo. Wala Siyang gagawing anumang bagayhanggang sa ipakita Niya ito.44 At ang tagakitang iyon, propeta, ay kailangang ipakikilala,na anuman ang kaniyang inihuhula, nalaman natin sa mgaBilang 12:6, na kung ano ang kanyang sinasabi ay nangyayari.Kung gayon, sampalatayanan ito. Nguni’t kung ito’y hindimangyayari, kung gayon huwag paniwalaan ito. At kailangangmaging ganoon iyon, Kaniyang…Kahit gaano pa ang kaniyangsinasabi, at nangyayari ito, at maging anuman; kung hindi itosang-ayon sa Salita, kung gayon ito’y mali parin. Kailangangkatugma ito ng Salita. Kailangang kaayon ito ng Salitapara sa tanda ng panahong yaon, ang panahon na kanilangpinamumuhayan.

Page 8: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

8 ANG BINIGKAS NA SALITA

45 Ngayon, naipangako na ito ng Dios, na Kaniyang palayainang Kaniyang bayan sa pamamagitan ng isang malakas nabisig. Ngayon, nang ang Salitang ito, Hindi Siya tumawag ngisang saserdote, hindi Siya tumawag ng isang rabbi, hindi Siyatumawag ng isang tagapangasiwa. Siya ay tumawag ng isangpastol, mula sa kabundukan, isang takas, isinilang, itinalagangpropeta na hindi ginusto ang kaniyang tungkulin.

46 Kapag nakarinig kayo ng mga taong nagnanais magingganito, ganiyan, o ang iba pa, ng isang bagay, masdan lang,ang Dios ay hindi gumagamit sa kanila. Kinailangang hanapinng Dios si Moises, para makuha siya. Kinailangan Niyanghanapin si Pablo, para makuha siya. Siya…Ito’y tao na hindinagnanais na gawin ito, ayaw nila ng mga bagay; Sa gayon angDios ay gagamitin ang taong iyon, na siyang ayaw gumawa,upang Kanyang maipakita ang Kaniyang kaluwalhatian sapamamagitan nito.

47 Ngayon masdan. Bawa’t-bawa’t totoong ipinadalang-tandang Dios ay sinusundan ng isang Tinig. Ngayon napapansinninyo rito, ang teksto ay ang…ang tanda at ang tinig. “Kungsila’y hindi maniniwala sa tinig ng unang tanda, kung gayonkanilang paniniwalaan ang Tinig ng pangalawang tanda.”Ngayon, ang tanda ay may isang tinig. At, ngayon, bawa’ttotoong ipinadalang-tanda ng Dios ay may isang tinig, at angtinig na iyan ay kailangangmangusap nang naaayon sa Salita naipinagkaloob para sa araw na iyan, nang tamang-tama.

48 Kung ang tinig ay dumarating, ang dati ring lumang tinigng dati ring lumang…Nakikita ninyo ang isang tanda, pala, atang tandang ginagawa ng tao ay ang dati ring lumang paaralanng kaisipan, kung gayon makapagsasabi kayo agad na, “Hindigaling iyan sa Dios,” kung lagi nitong ipinakikilala ang datinglumang paaralan ng kaisipan. Hindi ito kailanman nangyari.Hindi pa nangyari. Magiging taliwas ito sa palatuntunanng Dios.

49 Ito’y dapat na maging isang bagay na bago. Ito’y dapatmaging isang bagay na hindi nauunawaan ng mga tao. Ito’ydapat ang…o hindi ito dapat ipadadala. Ito’y hindi nakailangang ipadala, kung ang dati ring lumang paaralan ngteolohiya. Ito’y dapat isang bagay na naiiba, gayunman ito’ykailangang makilala sa Salita, na para ito sa araw na iyon.Kita n’yo, ang mga kasiguruhan ng Salita ng Dios, kailangangmaging ganiyan iyon. Walang pamali–mali rito. Kailangangito’y ang Katotohanan; kailangang pinagtibay iyon ng Dios,ang Katotohanan. At kailangang pinagtibay ng Dios ang taongnagsasalita nito, upang maging isang propeta mula sa Dios, oito’y mali; hindi man lang nila–hindi man lang nakikita ito, saanumang paraan, hindi man lang pinaniniwalaan ito.

Page 9: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

ANG TINIG NG TANDA 9

50 Ang mga tanda ay-ay mula sa Dios. Ang tanda nasumusunod…O, ang tinig na sumusunod sa tanda ay dapatang tinig ng Dios na nangungusap mula sa Salita, para sakapanahunang iyon. Nauunawaan ba ninyo ito? [Nagsabi angkongregasyon,”Amen.”–Pat.]51 Nagbibigay ang Dios ng mga tanda. Para saan ba angpaggawa Niya nito? Palaging nagbibigay ng mga tanda! SinabiNiya sa kanila na sa ganiyan nila Siya hahanapin, ang mgatanda. Nagbibigay ang Dios ng mga tanda para tawagin angpansin ng kaniyang bayan. Ngayon pag-aralan natin ito, nanglubusan. Kita n’yo, ang mga tanda ay ibinibigay para tawaginang pansin ng mga tao. Sapagka’t, kapag ibinigay ang isangisinugong-tanda ng Dios, ang Dios ay handa na para mangusap.Ang Dios ay handa nang mangusap, kapag ibinigay na angtanda. Kung nagmumula ito sa Langit, ito’y mula sa Dios, atang Dios ay handa na upang mangusap at Kaniyang sinisikapna tawagin ang pansin ng mga tao.52 At ang Salita ay dumarating sa Kaniyang propeta. At angpropeta ay nakikilala sa pamamagitan ng tandang ipinakikitaniya, at pagkatapos siya ay lumalapit sa Salita at ang Salitaay nahahayag. Iyan na ito; hindi na kailangan pa ng anumangpagpapaliwanag. AngDios ay ipinaliwang na ito. Kita n’yo, ito’ykasing ganap nang dapat mangyari.53 Ngayon pansinin, ang Dios ay nagbibigay ngmga tanda paratawagin ang pansin ng mga tao.54 Narito, ang nagniningas na palumpong ang tanda paratawagin ang pansin ng propeta; ang nagniningas na palumpong.Si Moises noon, sa likurang bahagi ng disyerto, nagpapastolng kaniyang tupa, isang matandang pastol, walumpungtaong gulang, may mahabang balbas; namamaybay, doon sanakasanayang lumang daanan, isang maalinsangan na umaga,marahil. At pagkatapos, bigla na lamang, lumitaw ang isangpalumpong na nagniningas, at ang palumpong na iyon ay hindinatutupok. Buweno, sadyang di-pangkaraniwan ang lahat nangiyan.55 Ngayon, si Moises bilang isang siyentipiko, na, tinuruan siyasa lahat ng karunungan ng mga Egipcio, at mas mahuhusaysilang mga siyentipiko kaysa mayroon tayo ngayon; kaya sapagiging isang siyentipiko, sa wari siya’y nagsabi, “Ngayonaking titingnan kung anong uri ng ma-…ng kemikal angiwinisik sa mga dahong iyon, na hindi nasusunog ang punongiyon.” Kita n’yo, kung tiningnan niya ito sa isang maka-aghamna pamamaraan, Iyon sana marahil ay hindi nakipag-usapsa kaniya.56 At ganoon din ito sa araw na ito, kapag sinusubukan natinglumapit sa pamamagitan ng paaralan at edukasyon, sa isangmaka-agham na pamamaraan, di mo makita ang Dios nang

Page 10: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

10 ANG BINIGKAS NA SALITA

milyon-milyungmilya. Lapitan ito ng tulad ni Moises, na walangpanyapak; mapagpakumbaba, may kababaang loob.57 At, ngayon, hayun ang tanda para tawagin ang pansinng propeta. Ngayon, doon, ang tandang iyon ay kailangangmagkaroon ng isang tinig. At nang mangusap ang tinig na iyon,kung hindi Iyon naaayon sa Kasulatan, hindi ako naniniwalangpakikinggan ito ng propeta. Nguni’t masdan kung gaano kaayonang tinig sa Kasulatan na lumakip sa tanda, pinatunayanNitongDios iyon, sapagka’t sinabi Niya, “Aking narinig ang mga daingng Aking bayan, at naalala Ko ang pangako na ginawa Kosa kanila.” Kita n’yo, ang tanda, pagkatapos ay ang ayon saKasulatang tinig sa likuran ng tanda.58 Ngayon ito’y nagpapakita nang tamang-tama kung ano angaking inilarawan. Kailangang maging isang tanda ito mula saDios, at, kung ito nga, may isang tinig na ayon sa Kasulatan salikuran nito, para sa pangako ng araw na iyon. Hindi ang datiring lumang pagkakaunawa; ang mga rabbi at mga bagay nitoay nagpapatuloy na sa mga pagkakaunawa, o ang lahat-lahat,noon pa, matagal na, ang mga pari, at iba pa. Nguni’t ito’y isangbagay na bago, at ito’y ayon sa Kasulatan, ito’y isang pangako;at isang tanda upang tawagin ang pansin ng propeta.59 At pagkatapos, sinabi Niya ngayon, bago siya pumaroon,kailangan niyang magkaroon ng isang bagay para mapagtibayang kaniyang sarili sa pagiging isang propeta, kita n’yo, bagonila tanggapin siya. Sinabi, “Hindi nila sasabihing nagpakitaang Panginoon sa akin.”60 Sinabi, “Kung gayon, Ako’y magbibigay sa iyo ng dalawangtanda para gawin, at tatawagin niyan ang pansin ng mga tao. Atkapag natawag ang pansin ng mga tao, kung gayon ipangusapangmga salitang ito sa kanila, ‘Ako’y angDios ni Abraham, Isaacat Jacob, at Aking naaalala ang Aking Pangako.’ At isinugo Kitaupang iligtas sila, at ako’y sasaiyo.”61 Napansin ba ninyo ang kaniyang unang tanda? Naroon anglahat ng uri ng panggagaya nila sa kaniya. Lahat ay nagsubokmaghagis ng ahas. Iya’y…Kung hindi iyan ang kalakaran ngmga tao, hindi ko na alam kung ano pa, kita n’yo. Kita n’yo?Nguni’t anong uring tinig mayroon sila sa likuran nito? Wala;ang maka-Egipcio na tinig ng mundo. Gayunpaman kaya nilanggawin ang tanda, nguni’t wala sa kanila ang tinig na nasalikuran nito, para pagtibayin ito. Nguni’t si Moises ay mayroongGANITO ANG SABI NG PANGINOON. Iyan ang kaibhan.Ang mga manggagaya ay nagpatuloy nang mahabang panahon,nguni’t sa bandang huli ay nawala ito.62 Alam ba ninyo na sinabi ng Biblia na mangyayaring muliiyan sa hulingmga araw? “Kung paanong sina Jannes at Jambresay nagsilaban kay Moises, gayundin naman ang taong taliwasang pagiisip patungkol saKatotohanan.” Sino angKatotohanan?

Page 11: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

ANG TINIG NG TANDA 11

Si Jesus Cristo ang Katotohanan. Kita n’yo? “Lihis na kaisipanpatungkol sa Katotohanan.”63 Ngayo’y si Jehova ay mangungusap sa pamamagitan ngKaniyang ipinangakong Salita. KinailanganNiya kung gayon naihanda ang propetang ito para suguin. Sapagka’t, ito’y paratingna sa hanay ng Kaniyang kaisipan, ang hanay ng Kaniyangpaggawa, sa tuwing isinusugo ang Kaniyang propeta na taglayang Salita, at pinagtitibay ang propeta.64 Muli, ito’y isang ipinangakong tanda. Ang propeta, mismo,ay isang tanda. Sinabi iyan ng Biblia. Kapag nakikita ninyongnagtatapos na ang mga panahon, at pagkatapos makikitangdumarating…Kunin ang kasaysayan ng Biblia, pag-aralan ito.Sa panahong nakakita kayo ng mahabang paglipas ng panahon;nguni’t kapag nakita ninyo na ang isang propeta ay dumating,tanda ito ng paghatol. Hahatulan ng Dios ang mundo, kapagKaniyang…o ang bansa, o ang mga tao, kapag nakita ninyongdumarating ang isang propeta. Nangaral ako ng isang sermontungkol dito, kayo ang taga-teyp ay naaalala ito, ang…IsangTotoong Tanda Na Hindi Napansin. Palagi nilang hindi nakikitaiyon, palagi silang ganoon, nguni’t isang tanda iyon ng daratingna paghatol.65 Ngayon ang Kaniyang Salita ay natupad sa Kanyang tinig.Anuman ang Kaniyang ipinangako, kung gayo’y tinutupad Niyaang Kaniyang Salita sa pamamagitan ng tinig.66 Ang pagdating ng isang propeta ay isang tandang babala nanalalapit na ang paghatol. Palaging ganoon. Hayaang magsipiako ng isa.67 Tingnan si Noe na lumitaw sa bandang huli, sa–sa mgakaarawan bago ginunaw ang mundo sa pamamagitan ng tubig,isang propetang nagpu-propesiya. Ano iyon? Dumating kaagadang paghatol pagkatapos na pagkatapos.68 Si Moises nagtungo sa Egipto, isang pinagtibay na propetana may mga tanda ng isang propeta. Anong nangyari? Angpaghatol ay dumating sa Egipto kaagad pagkatapos.69 Lumitaw sa eksena si Elias, ang propeta, at nagpropesiyakay Ahab at sa bansang yaon. Anong nangyari? Ang paghatol aydumating dito agad pagkatapos. Tama.70 Lumitaw si Juan Bautista, bilang isang tanda. Siya ayIsang propeta. Siya ay isang propetang tanda na dumatingsa lupa. Batid nila, kapag dumating siya, ang Mesiyas aymangungusap, pagkatapos niya. Kailangangmagkaganoon iyon,‘pagka’t, kukunin ang-kukunin ang hinirang.71 Sa kung ano ito ay para kunin ang hinirang na mga tao nalalabas, tulad sa mga kaarawan ni Noe. Tulad sa mga kaarawanni-ni Elias, ang pitong libo o pitong daan, o anuman iyon, nahindi nagsiluhod ng kanilang mga tuhod, para tawagin sila

Page 12: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

12 ANG BINIGKAS NA SALITA

palabas. Si Juan na tinatawag palabas ang mga hinirang, atibigay ito kay Cristo sa Kaniyang pagdating, ipinagpalit angkaniyang iglesya, sinabi, “Ako’y kinakailangang bumaba, Siya’ykinakailangang dumakila, sapagka’t,” sinabi niya, “Ako’y tiniglamang Niya, na sumisigaw sa ilang, ‘ihanda ang daan para saPanginoon.’” At si Jesus ay dumating sa ganoon ding paraan.Inihahanda ang mga hinirang upang pakinggan ang tinig ngDios, ganiyan nga ang tandang ayon sa hula. Oh, kung inyongsusundin ang mga mensaheng ito, ihanda ang ta-…ihanda angmga hinirang. Hindi ang iba, hindi diringgin ito. Ito’y ang mgahinirang ang tinatawag.

72 Saan pumunta ang Anghel na iyon, sa Sodoma, na gumawanang tandang iyon? Kay Abraham at sa kaniyang grupo.“Lumayo kayo sa Sodoma; ito’y masusunog!” Kita n’yo?Ipinangako ni Jesus na mauulit iyon, alam n’yo, muli, saSodomang ito. Ngayon pansinin.

73 Ano ang ginagawa nito? Inihahanda nito ang mga hinirangpara sa kanlungan ngDios, tulad sa panahon niNoe, at iba pa.

74 At ano ang ginagawa nito? Ito’y hinahatulan angintelektuwal na di-mananampalataya, sa paghatol. Palagingganoon iyon. Na tanggihang may pagkamuhi ang awa, walanang nalalabi kundi kahatulan. Kaya inihahanda nito ang–angintelektuwal at ang di-mananampalataya sa paghatol. Dahil,ano ba ang kanilang ginagawa? Tinutuligsa nila ito.

75 Iyan ang dahilan kaya kinain ng mga Hudyo ang kanilangsariling laman. Iyan ang dahilan kaya dumanak ang dugo salungsod noong si Titus, ang bantog na Romanong heneral, aysumalakay roon, ay dahil kanilang tinanggihan ang EspirituSanto. Ang paghatol ay kailangang dumating sapagka’t ginawanilang katatawanan Ito. Sinabihan sila ni Jesus, nang tawaginnila Siyang Beelzebub, na Kaniyang sinabi, “pinatatawadKo kayo,” hindi pa nagawa ang bayad-kasalanan, “nguni’t,”sinabi, “kapag dumating na ang Banal na Espiritu para gawinang ganoon ding bagay, ang magsalita laban Dito ay hindimapapatawad.” At hindi pinatawad dito ang henerasyong iyon.Iya’y tama.

76 Paghatol para sa di-mananampalataya! Ito’y inilagaydoon para sa ganoong layunin, upang magbigay ng liwanagsa mananampalataya, at kadiliman sa di-mananampalataya.Tulad niyaong haliging Apoy; naglikha Ito ng liwanag,upang makatawid sa lupang pangako, at kadiliman doon samga di-sumasampalataya. Palaging ganiyan ang ginagawang mga tanda ng Dios, binubulag ang mga mata ng di-mananampalataya, at nagbibigay ng paningin at liwanag sadaan para sa mananampalataya. Iyan ang dahilan kung bakitIto’y ipinadala.

Page 13: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

ANG TINIG NG TANDA 13

77 Kung totoo ang kaniyang propesiya, kung totoo angpropesiya ng propeta at nangyari, kung gayo’y babala iyon ngDios. Ngayon sa mga Bilang 12:6, masusumpungan natin anggayon ding bagay, ang Kasulatan.78 Ang Biblia ay isinulat ng mga lalaking ito. Ngayon kungbabasahin natin ang Ikalawang Pedro 1:21, Ito ang sabi, “Angkalalakihan nang una, nangaudyokan ng Banal na Espiritu,isinulat ang Biblia.”79 Gayundin sa Hebreo 1:1, kung saan nangusap tayo noongisang gabi, “Ang Dios, nang unang panahon at sa iba’t-ibangparaan ay nagsalita sa ating mga magulang sa pamamagitan ngmga propeta, sa mga huling mga araw na ito ay sa pamamagitanni Jesus Cristo, ang Kaniyang Anak.”80 Ang Haliging Apoy, ang tanda; ang tinig…o ang–ang tinigay mangungusap. Ang Haliging Apoy sa palumpong, ay isangkilalang tinig na angDios ay nakatakda nangmangusap.81 Pansining mabuti ngayon, huwag palampasin ito. Nangtumawa si Miriam sa kaniyang kapatid na lalaki, si Moises, atisa siyang propetang babae noong tawanan niya siya, at bumabaang Dios sa Haliging Apoy na iyon, batid ni Moises na ang Diosay handa nang mangusap. Iyon ay isang tanda. At ang tinig nakasunod nito, ang sabi, “Hindi ka ba natatakot sa Dios?” Angsabi, “Walang sinuman sa lupa na tulad ng Aking lingkod, na siMoises.”82 Ginawa ang ganoon din nang naghimagsik sila at nagsabingmay…Nang naghimagsik si Dathan, at nang si Korah, angpagsalangsang niya, “Mas maraming banal na tao kaysa sa iyo.Sa akala mo ika’y nag-iisa lang sa grupo.” Ang Dios nagtalagakay Moises para sa gawaing iyon!83 At nang ginusto nilang isali ang isa pang grupo para sumamasa kanila, gumawa ng sarili nilang organisasyon, ang sabi Niya,“Ihiwalay ang iyong sarili sa kanila. Hahatulan Ko na lamangsila. Uubusin Ko na lang sila,” at ginawa nga Niya. Nilamon silang lupa.84 Ngayon nalalaman nating ganiyan palagi ang pamamaraanng Dios. Ang Haliging Apoy ay ipinakikilala na ang Tinigay nakatakda nang mangusap. Oh, Texas, Gaano ka kabulag?Naalala n’yo pa rin ang Houston. Ngayon may isang Tinig nasumusunod sa tanda.85 Si Moises, isang propetang tanda para sa Israel,pinangakuang nakahanda nang pagtibayin ang Salita.86 Gaano kasakdal ang Salita ng Dios, nasa ayos, sa bawa’tpagkakataon! Tulad din naman ng Urim Thummim, na akingipinangusap, noong isang gabi. Ang Urim Thummim ay naroon,at libang tumugma ang tandang iyan sa Urim Thummim na iyon,ang tinig ay hindi kinikilala. Kailangang may isang tanda. Ang

Page 14: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

14 ANG BINIGKAS NA SALITA

tanda ay pinagtitibay ang tinig. At pinagtitibay ng tinig angtanda, na ito’y nagmumula sa Dios. Ang tinig ng tanda angnagsasabi ng “oo” o “hindi.” Kapag tinanggihan ito ng Dios,kung gayon magsasabi ang Tinig ng “hindi.” Kung naroon angtanda, sabihin ng Dios ang “oo.” Ang tuntunin ng Dios ay hindikailan man nagbago. Maaari tayong manatili nang maramingoras diyan, nguni’t hindi kailanman ito nagbago.87 Tingnan, si Jonas na propeta, tingnan ang tandang iyan.Nasa kaniyang daan siya patungo ng Tarsus. Nagsimulangmagtungo sa Niniveh, at tinahak ang-ang landas patungongTarsus. Marami ang humatol kay Jonas. Si Jonas ay hindinararapat hatulan. Isa siyang propeta. “Ang mga lakad ngmatuwid ay itinatag ng Panginoon,” at nagsimula siyangmaglakbay patungong Tarsus. At pinipilit nating hatulan anglalaking iyon, nguni’t hindi si Jesus.88 Pansinin, ang sabi Niya, “Kung paanong napasa tiyanng balyena si Jonas, tatlong araw at gabi,” ito’y magigingisang tanda, “gayundin naman ang Anak ng tao na mapapasailalim ng lupa, tatlong araw at tatlong gabi. Ang isang lahingmasama at mapangalunya ay humahanap ng tanda, at hindisila bibigyan ng anumang tanda mula sa Dios, tandaan,kundi ang tanda ni Jonas”. Ano bang tanda ni Jonas? Angpagkabuhay na mag-uli. At ito ang henerasyon ng Sodomangiyon, mapangalunya, espirituwal na pangangalunya, gu-…gumagawa ng espirituwal na pakikiapid laban sa Katotohananng Dios, pinagtatawanan Ito. “Isang masama at isang lahingmapangalunya ay maghahanap ng tanda, at sila’y makakukuhanito, ito’y ang tanda ng pagkabuhay na mag-uli.” Tingnan, siJonas…89 Silang mga tao ay mga pagano, at iyon ay isang malaking…Iyon ay isang pangkalakal na lungsod. Ang malaking industriyaay isda. Iniluluwas nila ang isda sa buong bansa. Angkalalakihan ay mga mangingisda. Iyan ang hanapbuhay. At silaay mga pagano buhat pa noon, sila ay sumasamba sa mga hayopat mga dios-diosan, at naging napakasama.90 Tulad ng bansang ito ngayon, puno ng sex at Hollywood,at lahat ng uri, maging sa mga simbahan. At pansinin kungano ang nangyayari. Aba, kung minsan maging ang sexappeal sa loob ng simbahan ay tinagurian na makabago.Papaano makapanindigan ang bansang ito sa ilalim ngganiyang bagay? Sinasabi ninyong kayo’y mga Kristiyano, atkumikilos sa ganiyang mga bagay kagaya niyan, papaano itomakapanindigan?91 Tulad ng aking mabuting kaibigan, si Jack Moore, nagsabi,ilang taon na ang nakalipas, “Kung hahayaan ng Dios napalampasin ang bansang ito dahil dito, Siya’y mauubliga, bilangisang makatuwirang Dios, na ibangon ang Sodoma at Gomorra,

Page 15: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

ANG TINIG NG TANDA 15

at humingi ng paumanhin sa kanila dahil sa pagtupok sakanila.”92 Kayo’y patungo sa paghatol. Wala ng ibang paraan pa sapagtanggap nito. Isulat ito sa inyong mga Biblia. Ako’y nagigingmatanda nang tao. Tingnan n’yo kung hindi ito hahantong sapaghatol. Kung ako ay mabubuhay ng isang normal na buhay,makikita ko ito, sa normal ng panahon. Paiinugin ito ng ilanpang mga taon.93 Si Jonas. Silang lahat ay nangingisda, magtatanghalingtapat, at narito’t dumarating ang dios ng karagatan, pumaitaas,ang balyena, lumangoy patungong pampang at iniluwa angpropeta sa pampang. Napakagandang tanda!94 Ang Dios ay inihatid ang Kaniyang propeta, taglay angisang mensahe. Ngayon nakita nila ang tanda, sila’y naniwalasa tanda, ngayon ano’ng mensahe? “Magsisi!” Iyan ang tinig ngtanda. Ang tinig ng tanda ay, “Magsisi, o sa loob ng apatnapungaraw kayo ay matutupok.” Sapat na ang kanilang nalaman paramagsisi.95 Sinabi ni Jesus, “Hahatulan nila ang lahing ito, pagka’tnagsipagsisi sila sa pangangaral ni Jonas; ang isang mas dakilakaysa kay Jonas ay narito.”96 Ang Tinig ay, “Magsisi, o matutupok kayo sa loob ngapatnapung araw.”97 Si Juan na propeta, nagpapakita, isang pagpapakita-ng-propetang tanda, pagkaraan ng apat na raang taon nawalang propeta. Sila ay nagkaroon nagkaroon ng lahatng mga intelektuwal. Aking nakini-kinita kung anongkaguluhan mayroon sila! Apat na raang taon, walang propeta,nguni’t nalalapit na ang panahon ng pagdating ng Mesiyas.Ngayon, si Juan ay ang tanda, bilang isang propeta, na angMesiyas ay nahahanda nang mangusap, ang tinig ng tanda;sapagka’t sa Malakias 3, ating nalalaman, “Susuguin Ko angAking mensahero sa Aking harapan.” Darating si Elias saKaniyang unahan, at dumating si Elias. Si Juan, sa espirituat kapangyarihan ni Elias, dumating at ginanap nang hustokung ano ang sinabi ng Kasulatan, at hindi nila naunawaaniyon. Sinasabi ito ng Kasulatan. Siya ang tanda, isang tanda ngpropeta, na angMesiyas ay mangungusap na.98 Ang propetang iyon, nalalaman itong mabuti, hanggangsa kaniyang sabihin, “Aba, may Isang nakatayo sa inyongkalagitnaan, ngayon. Ang Mesiyas na aking ipinangungusap,ay nasa inyong kalagitnaan. Ako’y hindi karapat-dapat namagtanggal ng Kaniyang panyapak. Siya Yaong magbabautismosa Banal na Espiritu at Apoy. Ako’y nagbabautismo sa tubig,tungo sa pagsisi, nguni’t Siya’y ang magiging kasunod ko. Nasakalagitnaan ninyo Siya ngayon.”

Page 16: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

16 ANG BINIGKAS NA SALITA

99 Isang araw nakita niya ang isang kabataang Lalakingdumarating, naglalakad. Kaniyang nakita ang Haliging Apoyna iyon, sa anyo ng isang Kalapati, bumababa mula sa Langit;isang Tinig, nagsasabing, “Ito ang sinisinta Kong Anak, saKaniya Ako’y nalulugod na mananahan.” Ang sabi, “Sa KaniyaAko’y nalulugod namanahan, ito lamang ay isang pandiwa bagoang pang-abay, kaya’t iisa lamang ito. “Sa kung kanino Ako’ynalulugod na mananahan,” o, “sa Kaniya Ako’y nalulugod namanahan,” ay walang pagkakaiba. Pansinin, “Ako’y nalulugodmanahan sa Kaniya.”100 Ang sabi ni Juan, “Ako ang saksi na Siyang nagsabi saakin doon sa ilang,” hindi sa seminaryo, “doon sa ilang, angsabi, ‘Sa Kaniya na iyong makikitang bumababa ang Espiritu,at mananahan,’ amen, ‘Siya Yaong magbabautismo ng Banal naEspiritu at Apoy.’ At ako’y saksi na ito’y angKatotohanan.”101 Ano iyon? Ang propetang iyon ay isang Tanda na handa nangmangusap ang Mesiyas.102 Ano nga ba ang Mesiyas? Ang Mesiyas ay ang Salita, sakapuspusan. Siya ang kapuspusan ng Dios. Ang mga propetaay ang mga mumunting kumikislap na Liwanag. Subali’t saKaniya ang kapuspusan ng Liwanag na iyon, nasa Mesiyas iyon,sapagka’t Siya ang nahayag na Dios, naging Emmanuel, angDios na sumasa atin sa katawang tao.103 AngMesiyas ay handa nangmangusap. At pansinin, sinasabing Biblia, na, “Ang Salita ng Panginoon ay dumarating sapropeta.”104 Ngayon narito’t nakatayo si Juan, na sinabi ni Jesus na“pinakadakilang propeta na nabuhay.” Sinabi ni Jesus anggayon, sa Mateo ang ika-11 kabanata, “Ano ang nilabas ninyoupang makita, isang taong inuuga ng bawa’t hangin, sinabi ngdenominasyong ito, ‘Bibigyan kita nang mas marami; gawinmo ito’? Hindi si Juan! Hindi, hindi. Isang lalaking maaaringsikuhin, nasisindak? Hindi, isa siyang tapat, mabagsik napropeta. Lumabas ba kayo para makita ang isang lalakingnararamtan ng kasuotang pampari?” At sinabi Niya, “Hindi,naninirahan sila sa mga palasyo ng mga hari. Ikinakasal nilaang mga kabataan, hinahalikan ang mga sanggol, at inililibingang mga matatanda. Ganiyang uri. Sila ay walang alam tungkolsa dalawang-hawakang Espada. Kaya ano ang inilabas ninyoupang makita, isang propeta?” Ang sabi Niya, “Lalo pang higitkaysa isang propeta!” Mangyari pa, siya ang mensahero ngTipan, ipinangako ng Dios na isusugo siya.105 At pansinin dito, si Juan ay nakatayo sa tubig,nagbabautismo, nagsasabi, “Siya ay dumarating.”106 At narito ang Salita, wala na sa Langit, kundi nagkatawangtao na. Ang Salita ay laman, ano ang nangyayari ritopagkatapos? Ano’ng panuntunan ng Kasulatan ng Dios? Ang

Page 17: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

ANG TINIG NG TANDA 17

Salita ay dumating sa propeta, doonmismo sa ilang, doonmismosa pinagbabautismuhan. Ang Salita ay dumating sa propeta.107 Tumingin si Juan, at ang sabi niya, “Ako ang kinakailangangiyong bautismuhan.”108 At ang aking minamahal, matagal ng kapatid, si DoktorDavis, ang simbahan ng Missionary Baptist, na nagbautismo saakin sa pananampalatayang Kristiyano, kung naririto siya sagabing ito, hindi ko nais na saktan ang kaniyang damdamin.Pagka’t, nanirahan siya rito sa Texas, dito sa Davis Mountains.Nguni’t naalala kong nagtatalo kami tungkol dito isang araw,at ako ay isang bata pa lamang. At ang sabi ko, “Hindi yata itotama, Doktor Davis.”109 Ang sabi niya, “Ang nangyari, ay binautismuhan ni Jesussi Juan noon, at pagkatapos binautismuhan ni Juan si Jesus,sapagka’t hindi pa nabautismuhan si Juan.” Parang hindi itotama para sa akin.110 Nagpatuloy akong naghihintay, nagmamatyag, nagtatanong.Ako ay walang masasabi tungkol dito, nguni’t isang araw nanginihayag ito ng Panginoon.111 Ngayon masdan kung ano ang sinabi ni Jesus. Ang sabi niJuan, “Ako ay kinakailangang Iyong bautismuhan, at bakit Ikawang naparirito sa akin?”112 Ang sabi ni Jesus, “Payagan mo ito ngayon, sapagka’tganiyan ang nararapat sa atin ang pagganap ng buongkatuwiran.”113 Batid ni Juan kung Sino Siya. Hayan ang dalawang pinunong mundo, dalawang pinuno ng iglesya, ang Dios at angKaniyang propeta, nakatayong magkasama. Ngayon, masdan,kailangan nilang malaman.114 Ang sabi ni Jesus, “Payaganmo ngayon, tama iyan, sapagka’tganiyan ang nararapat sa atin na ganapin natin ang buongkatuwiran, ang ipinangakong Salita.”115 Ang Hain ay kailangang mahugasan bago ito ialay.Binautismuhan ni Juan si Jesus sapagka’t Siya ang Hain. Kitan’yo? Kailangang mahugasan ang Hain bago ialay. Lumusongdoon, at ang Hain ay hinugasan, at pagkatapos inalay Siyangtama. Ang sabi niya, “Iyan ang Cordero ng Dios.”116 Pagdaka’y umahon Siya sa pampang, at narito dumaratingang Espiritu ng Dios na bumababa sa Kaniya, ang sabi, “Itoang sinisinta Kong Anak.” Kita n’yo, Iniharap Siya sa mgatao pagkatapos. Nguni’t bago maialay ang Hain, kailangangmahugasanmuna ito; iyan ang batas ngLumangTipan. Buweno.117 AngMesiyas ay nakatakda nang mangusap, sapagka’t naritoang tanda ng propeta. At nang nakita nilang dumating na satagpo ang propetang iyon, pagkaraan niyaong apat na raang

Page 18: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

18 ANG BINIGKAS NA SALITA

taon na wala ni isa, batid nila, ang susunod na tinig ay angMesiyas.118 Ngayon kayong mga mambabasa ng Biblia mag-isip nangmabuti sa ilang sandali. Sa pagmamasid sa kaniyang kalikasan,paano nila nakaligtaan siya? Paano nila nakaligtaang alaminna siya iyon, si Juan? Napagkilala ang kaniyang kalikasan, angkaniyang espiritu at kalikasan ay napagkilalang si Elias. Ngayonpansinin kung anong espiritu. Ngayon, siya ay si Juan Bautista,nguni’t ang espiritu ni Elias ang nasa kaniya.119 Pansinin, una, si Elias ay isang taong mahilig sa ilang. Kitan’yo? At si Juan ay isang taong nasa–ilang.120 At si Elias ang lalaking tumuligsa sa sistema ngorganisasyon, sa araw na iyon, nang lahat ng nasa kaniya.Gayon nga ang ginawa ni Juan, “Kayong mga lahi ng ulupong.Sinong nagbabala sa inyo na tumakas mula sa matinding galit?Huwag ninyong sabihing, ‘May ganito ako, ganiyan, o nangiba pa.’ Magagawa ng Dios sa pamamagitan ng mga batong itona magbangon ng mga anak kay Abraham.” Nakita n’yo angdalawang kalikasan?121 At tingnan si Elias, kanyang sinumpa silang lahat na maymga pinintahang-mukha namga Jezabel ng kaniyang kaarawan,silang mga imoral na mga kababaihan. Anong ginawa ni Juan?Gayunding bagay, kay Herodias. Kapuwa sila, ang naging sanhing kanilang kamatayan.122 Tingnan si Elias, pagkaraan niyang gampanan ang dakilanggawaing iyon, nalungkot siya, nahimlay roon at nanalangin saDios na kunin na siya. Ganoon din ang nangyari kay Juan,nahimlay rin doon at isinugo ang kaniyangmga alagad, ang sabi,“Pumaroon at tanungin Siya. Siya na ba Ito o maghihintay patayo ng iba?” Alam ni Jesus iyon.123 Siya si Elias. Sadyang ganoon ang kaniyang kalikasan.Nakilala siyang katulad na katulad ni Elias. Siya’y nasa espirituni Elias.124 Ay darating nang limang beses, ang espiritung iyon, aygagamitin kay: Elias, Eliseo, Juan, sa Malakias 4, at pagkatapossa mga Hudyo. Sa huling mga araw, kung saan naroon tayo sagabing ito, ang espiritu ni Elias. Pansinin ngayon.125 Sa araw na ito, nais kong tingnan ninyo ang atingmakabagong Ahab na mga propeta ngayon, hinahayaan angkanilang mga Jezabel na putulan ang kanilang buhok, magpintang kanilang mukha, magsuot ng syorts, manigarilyo, anumangbagay, “Ito’y ayos lang.” Ang ating–ating Ahab na mga propetang araw na ito, sama ng kanilang mga natutunan, sigurado,pinangungunahan sila sa pamamagitan ngmga kredong gawa ngtao atmga denominasyon. Ano ito?Mga propetangAhab.

Page 19: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

ANG TINIG NG TANDA 19

126 Kailangan natin ang isa pang Micheas na lumitaw sa tagpo.O sa panahon ni Ahab, lumitaw si Elias sa tagpo. Siya yaong,ipinangako.127 Pinangungunahan sila, saan mang daan nila naisingpumunta. Kung hindi nila gagawin, tratuhin sila ng taliwas sagusto nila saanman, sila’y paroroon at sasapi rito at mananatilipa rin sa kanilang–kanilang–kanilang pag-aangkingKristiyano.128 Buweno, sila kailanman ay hindi ligtas, sa pasimula pa. Angkanilang pinaka kalikasan ay nagpapatunay nito. Makakakuhaka ba ngmga ubas mula sa isang tinikang puno?Makakakuha kaba ng mga pakwan mula sa baging ng kalabasa? Nagpapakitaang pinaka kalikasan na wala silang pakialam sa Salita.Ginagawa nila Itong katatawanan, at nilalapastangan Ito.Kapag ito’y nasusulat, “GANITO ANG SABI NG PANGINOON,magaganap ang mga bagay na ito,” at pinagtatawanan nila Ito,ginagawang katatawanan Ito.129 Hindi nakapagtatakang sinabi ni Jesus, “Ang reyna ngTimog ay magbabangon kasama ang lahing ito, sa huling mgaaraw, at hahatulan ito; sapagka’t nagmula pa siya sa kadulu-duluhang bahagi ng mundo, upang makita ang isang lalakingmay kaloob ng karunungan.”Ang sabiNiya, “Isang lalong dakilakaysa kay Solomon ay narito.” Siyanga. Si Salomon ay, angkaniyang kaarawan, ay isa samga bantog na kaarawan. Angmgatao ay lahat pinaniniwalaan ang kaloob na ito na ipinagkaloobsa kanila ng Dios, ang Salomong ito, at ang kaniyang–kaniyangkatanyagan ay nakarating sa lahat ng dako. Ano kaya kungtayong mga tao sa araw na ito…130 At tayong mga Amerikano, tayo parating nagsisikaphumanap ng mga programa laban sa komunismo. Narito angpamamaraan ng Dios, “Magsisi! Magbalik-loob sa Dios!” Ilangprograma? Kung babaling lamang sila Riyan, malilimutan natinang komunismo.131 Nang pinaniwalaan ng buong Israel ang kaloob na iyonna ipinagkaloob sa kanila ng Dios. Kung ang Amerika aybibigyan lamang ng…paniniwalaan ang kaloob na ibinigay saatin ng Dios, nitong huling mga araw, ang Kaniyang Anak,sa anyo ng Banal na Espiritu, nabuhay mula sa mga patay,nabubuhay sa ating kalagitnaan ayon sa Kaniyang pangako.Kung pakamamahalin lamang natin Iyan!132 Pupunta lamang ito sa mga hinirang. “Dahil walang taongmakalalapit sa Akinmalibang ilapit siya ngAkingAma. At lahatng ibinigay sa Akin ng Ama, sila’y magsisilapit.” Paghahasiklang ng binhi; nahuhulog ito, ang ilan sa ganitong daan at saganiyang daan, nguni’t may paghahasik ng binhi, paano man.Ito’ymag-uugat saanman itomahuhulog. Sasaluhin nila ito.133 Pansinin, heto sila, at nalaman nating sa araw na iyon, siAhab, ang bansa ay nahayaan silang mga Israelita na ginagawa

Page 20: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

20 ANG BINIGKAS NA SALITA

ang anumang bagay na naisin nilang gawin, at nag-aangkin paring mga Israelita sila.134 Gaanong sinumpa ni Elias ang lahing iyon, nang lahat ngnasa kaniya, at pinagtitibay siya ngDios. At isa siyang propeta.135 Bago pa ang pagdating, ganoon din si Juan! Pumaroonmismo sa Israel…Ikinasal ang babaing ito kay–kay Hero-…kay Herodes, asawa ng kapatid niyang si Felipe. Pumaroonmismo sa kaniyang harapan; wala siyang inurungan. Hindisiya natakot na maaari siyang paalisin ng ilang mga presbiter.Wala siyang anumang fellowship card; kasama lang ang Dios.Siya ang Kaniyang propeta. Taglay niya ang Salita. Hindina niya kailangang magpaalam pa sa kaninumang obispo omga diyakono. Siya ay pinahiran. Taglay niya ang Salita.Pumaroon siya mismo sa kaniyang harapan, at ang sabi, “Hindimakatarungan para sa iyo na angkinin siya!” Tama. Wala siyanginuurungan, na sinuman.

Silang mga kababaihang iyon na nakikipangalunya,nagpapatuloy!136 Tulad ni Amos, noong lumitaw siya sa tagpo, tumingin sadakong iyon. Ni hindi natin alam kung saan siya galing. Naku,gaano niya marahil tiningnan ang lungsod na iyon ng Samaria!Tulad ng ginawa ng mga turista, lahat magaganda, at ang mgamangangaral ay nagkakaisa kasama ang-ang mga bansa, atang liga na kasama ang mga bansa at lahat na, at nanatilingnamumuhay sa kasalanan! Naningkit ang kaniyang mga mata,kuminang ang kalbo niyang ulo, at gayon nga siya bumaba.Hindi siya…hindi gaanong magandang tingnan, nguni’t taglayniya ang GANITOANGSABI NGPANGINOON.137 Kailangan natin sa tagpo ng isang Amos sa araw naito. Tatanggapin ba natin siya? Siguradong hindi, hindihihigit kaysa ginawa niya. Darating siya sa tagpo, wawasakinniya ang bawa’t organisasyon, bawa’t denominasyon, bawa’tkababaihang nagsusuot ng syort, bawa’t maikling-buhok naJezabel. Pagpipira-pirasuhin niya sila. Sisipain nila siyasa lansangan, at sasabihing, “Ang matandang panatikongiyon!” Nguni’t tataglayin niya ang GANITO ANG SABI NGPANGINOON, sapagka’t sadyang nasusulat iyon sa gayongparaan. Tinanggap ba siya ng denominasyon? Hindi.138 Wala siyang sinuman na tatangkilik sa kaniyangpalatuntunan. Ito bang bantog, mahusay na lungsod ng–ngpita, tulad ng Samaria noon, tatanggapin ba nila itong maliit atdi-kilalang lalaki na walang fellowship card, walang sinumangmagtataguyod sa kaniya, o anuman? Wala siyang anumangnagtataguyod. Wala siyang anumang fellowship card, walasiyang anumang paaralang pinanggalingan. Nguni’t mayroonsiyang GANITO ANG SABI NG PANGINOON. At ang kaniyangpaglitaw, bilang isang propeta, ay isang tanda. Ang kaniyang

Page 21: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

ANG TINIG NG TANDA 21

tinig ay buhat sa Dios, at nakilala ito sa mga kaarawan ngPangalawang Jeroboam. Lahat ng kaniyang sinabi ay nangyari.139 Ngayon ating napag-alaman, nitong araw na atingpinamumuhayan, ito’y pag-uulit lang niyaon uli.Mgaministro atmga tao, nahihiyang tumayo sa pulpito, at ang-ang Ebanghelyoay nagiging isang tiket ng pagkain sa kanila. Sila’y natatakotmagsalita ng anumang bagay, may taong magtatanggal sa kanilasa ganito, ganiyan, o ang iba pa.140 Mayroon lamang iisang Lalaki ang maaaring magpalayas sainyo sa Langit, ang Dios iyon. At papaano kayo mapapalayas saLangit, na nananatili sa Kaniyang Salita? Iyan kung ba’t isinugoka Niya.141 Alalahanin, sinabi ng Biblia, sa panahong tulad ng mgakaarawan ni Elias, sa kaarawang tulad ng mga kaarawanni Juan, magbabalik muli ang Malakias 4 na iyon sa lupa.“Susuguin Ko si Elias.”142 Ngayon huwag paghaluin iyan sa Malakias 3 ngayon, “Akingsusuguin ang Aking mensahero sa Aking harapan.” Iyan ay siElias, din.143 Nguni’t sa Malakias 4, sinabi Niya, “Bago dumating angdakila at kakilakilabot na Kaarawan ng Panginoon, kung kailanmagniningas ang sangkalupaan ng parang hurno, at yayapakanng matuwid ang mga abo ng masasama,” iyan ang Milenyum,“Aking susuguin si Elias na propeta.” At ano ang kaniyanggagawin? “Kaniyang pagbabalikingloob ang pananampalatayang mga anak pabalik sa apostolikong mga ama,” pabalik saSalita. Siya ay kailangang maging isang propeta. “Akingsusuguin siya.” Siya’y lubusang makikilala. Ang kaniyangkalikasan ay magiging katulad ng kay Elias, parehong-pareho.Ang Kaniyang Mensahe ay maging tugma sa linyang iyan.Siya’y hahatol, mangwawasak. Walang pakikisama, walangpakikipagtulungan, walang anuman, datapuwa’t mayroonsiyang GANITOANGSABI NGPANGINOON.144 Ngayon, alalahin, nagkaroon ng lahat ng uri ng mga grupona tumatayo at nagsasabi, “Ito ang balabal ng Elias, at itoang doktrina ng Elias.” Ang buong grupo, isang organisasyon,ay naging grupo ni Elias, o balabal ni Elias. Iyo’y hindiKasulatan. Hindi kailanman nakitungo ang Dios sa isanggrupong tulad niyan.145 Nang lumitaw sa tagpo si Elias, at si Juan Bautista, kapuwanila isinumpa ang kalipunan at ang organisasyon. Hindi silakailan man umayon. Kaniyang hinahatulan sila, ang paraangkanilang ginagawa; si Elias at Juan, kapuwa. Hindi isang grupoo denominasyon. Nguni’t ang dalawa, sa kapuwa nila mgapanahon, hinatulan angmga grupo at angmga organisasyon.146 Ano pagkatapos? Ang tanda sa huling kapanahunan aytiyak kasama ng Tinig sa huling kapanahunan. Si Elias ay

Page 22: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

22 ANG BINIGKAS NA SALITA

pinaniniwalaang darating sa tagpo, isang lalaking pinahiranng gayong espiritu; isang taong gubat, at iba pa, at mahilig saganiyan, at lilitaw sa tagpo upang magpatibay. Ngayon masdankung ano ang sinasabi ng Kasulatan ngayon, at sa gayon hindikayomadaya, kita n’yo, ang tanda sa huling kapanahunan at angTinig sa huling kapanahunan.

147 Hindi kailanman nakitungo ang Dios sa isang grupo, walasaanman sa Kasulatan. Nakikitungo Siya sa isang tao, sapagka’tbawa’t tao ay magkakaiba sa isa’t isa. Bawa’t tao, ang ating mgahinlalaki ay magkakaiba, ang ating mga ilong ay magkakaiba,ang ating mga pagkilos ay magkakaiba. Pipiliin Niya ang isangtao, magagawa Niya siyang katugmang-katugma hanggang samaging siya na ang Salitang iyon.

148 Iyan ang dahilan kaya si Pablo, ang sabi niya, “Upanghindi ako magmayabang sa kasaganaan ng kapahayagan, mayisinugo sa akin na isang mensahero ni Satanas.” Kita n’yo?Sumulat si Mateo, sumulat si Lucas, sumulat si Marcos, lahatsila, nguni’t, sumunod lamang sila kay Jesus at isinulat kung anoang sinabi Niya. Nguni’t may kapahayagan si Pablo kung SinoSiya, kita n’yo, iyan ang bagay na kaniyang–kaniyang nakita.Ang kaniyang kapahayagan ay napakadakila, pinahintulutanNiyang isulat niya ang Biblia, tulad ni Moises ng LumangTipan. Ang dakilang taong iyon, si Pablo, ang taglay niyangkapahayagan, batid niya na si Jesus ng bagong Tipan ay si Jehovang Luma. May kapahayagan siya Nito, at maaaring ilatag niyaito sa Mga Hebreo, sa mga…at saka sa-sa mga taga Roma, at samga taga Efeso, at-at lahat na. Kanyang–kaniyang isinulat angmga liham na ito. Pansinin, pagkataposmaipakita angKaniyangtanda, isinulat niya angmga sulat pagkatapos.

149 Ang kalikasan na ito ng pagparito ay magiging ganoondin. Ito’y hindi magiging isang grupo. Ito’y sa isang tao. Hindikailanman nakitungo ang Dios sa anumang paraan liban saisang tao. Ngayon, si Elias ay hindi isang grupo, si Juan Bautistaay hindi isang grupo, sila’y mga taong nag-iisa. Ang Dios,sa Malakias 4, hindi nagsasabing, “Aking susuguin ang isanggrupo.” Ang sabi, “Aking susuguin si Elias!” Ang Salita ay hindimaaaring baguhin.

150 Ngayon, masdan, ang huling–panahong tanda at Tinig aydarating alinsunod sa kaayusan sa Kasulatan kung paano itoipinangako.

151 Nais nating malaman kung ano ba ang magiging tandang katapusan? Sinabi sa atin ni Jesus, sa Mateo 24 at 25. Saatin ay sinabi, rin, sa Apocalipsis, magmula sa ika–6…o saika–1, tuloy–tuloy sa, buweno, sa ika–10 kabanata. Pagkataposdumating Siya sa ika–19 na kabanata, ang Milenyum aymagsisimula sa pagdatingNiya, sakay ng isang puting kabayo.

Page 23: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

ANG TINIG NG TANDA 23

152 Ito’y darating, ang huling-panahong tanda. Ngayonmakinig, sa pagtatapos. Ito’y darating nang tamang-tama ayonsa paraang sinabi ng Kasulatan. Ngayon pansinin ang Tinig ngtanda.153 Ngayon, si Jesus, sa Lucas 17:30, ipinangako ang tanda nghuling panahon. Ang huling tanda, ay ang Dios na nahayag saisang katawan ng tao na nakakikilala ng mga kaisipan na nasaisipan ni Sarah, sa tolda sa kaniyang likuran. Iyan ang Kaniyangsinabi. Iyan ang tanda na Kaniyang ipinangako sa katapusan.La-…Ano’ng sinabi Niyang gagawin nito? “Mahahayag ito samga araw, ang hulingmga araw, kapagmaihayag na angAnak ngtao.”Mahahayag! Kapagmaihayag na ang Anak ng tao, iyan angmagiging tanda na siya’y mahahayag na. Ngayon tingnan kunghindi nga iyan ang sinasabi Niyan. Tiyak iyan nga.154 Ngayon maaari ba ninyong sabihin, na, “Hindi, ito’ymagiging ibang bagay. Hindi, ito’y maitatayo sa isang malakinggusali, isang malaking ganito, o ito, o ilang kilalang konsehongekumenikal, o iba pa”? Oh, hindi. Hindi, iya’y napakalayo. Iya’ynasa kabilang panig. Ito’y taliwas sa kung ano ang sinabi ngDiosna gawin, na gagawin Niya.155 Pansinin kung ano ang ating sinasabi ngayon. Ang mgaKasulatan ay sadyang tamang-tama, ’pagkat nasa atin angtanda ng Sodoma, sa natural. Kailan ba nagkaroon ng higitna maraming homoseksuwal, mga kabaluktutan at mga bagay-bagay, na gaya ng mayroon ngayon, “isang napakasama atmapangalunyang lahi,” kung kailan ni hindi mo man lamangmabuksan ang iyong telebisyon ‘baka may kung anong marumi,mahalay na mga bagay ng Hollywood? At ang mga tao,tinatawag ang kanilang sarili na mga Kristiyano, na mananatilisa bahay kaysa sa prayer meeting para panoorin ang ganiyan.Nagpapakita ito kung ano’ng espiritu ang nasa sa inyo. Tama.At ang mga kababaihan ay mangagdadamit nang tulad ng mgayaon, at ang kalalakihan ay hahayaan na pangunahan sila nilatulad ng ginagawa nila roon. Gagawin ba natin ang Hollywoodna halimbawa natin, o maniniwala tayo sa Salita ng Diostungkol dito?156 At ang grupo ding iyon ay nakikita ang Salita ng Diospinagtitibay, at ano ang kanilang ginagawa? Tinatawananito. Sapagka’t, patay sila, patay Magpakailanman. Kailanma’yhindi sila nabuhay. Kung buhay sila noon, sila’y mananatilingbuhay, ang Walang-hanggan. Nguni’t kailanma’y hindi silanabuhay. Sila’y patay sa tuwina. Oh, maari silang pagandahin,at paniwalaan ito, iyan, o ang iba pa.157 Ang sabi ni Jesus, “Kayong mga mapagkunwari,” sa kanila,sa kanilang mga saserdote nang araw na iyon. “Papaanoka makapagsasabi ng mabubuting bagay, gayong mula sakasaganaan ng puso ang bibig ay nagsasalita? Tinatawag Akong

Page 24: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

24 ANG BINIGKAS NA SALITA

mabuti, ‘Mabuting Guro, mabuting Panginoon’?” Batid Niyakung ano ang naroroon sa kanilang puso. Talastas Niya kung anoang naroroon sa kanilang puso. Siya ang Salita.158 Sinabi ng Biblia, “Ang Salita ng Dios ay mas matalas kaysadalawang talim na tabak, at kumikilala ng mga pag-iisip nanasa puso.”159 Ngayon, iyong tanda ng Sodoma ay bumalik, sa natural. Atkung nakaayos ang lahat ng bagay nang tamang-tama ayon sadapat nitong maging kaayusan sa natural, kung gayon papaanomo ito maiwawaglit, sa iyong isipan, na ang espirituwal ayhindi rin nito kasabay? Kapuwa na kaayusan ay nasa tagpo.Oo, ang lahat ay sumasang-ayon, tama ang natural; datapuwa’t,oh, sa espirituwal, hindi nila gustong paniwalaan ito, sapagka’tnakasasagabal Ito sa kanilang doktrina.160 Ang Lucas 17 ay ang tanda. Ang Lucas 17 ay ang tanda nasinabi ni Jesus, na, sa huling mga araw, ang bansa at ang mgaiglesya atmga tao aymagiging kagaya nang nangyari sa Sodoma,ang mundo ng mga Gentil, bago ang pagsunog ng Sodoma.At magkakaroon ng isang grupo, parang, tulad ni Abraham.Balikan, nang sinabi ni Jesus, “kung paano sa mga kaarawan ngSodoma,” balikan at tingnan kung ano ang naroroon sa Sodoma.Kanyang binasa ang gayunding Biblia na ating binabasa, siyaring Biblia, ngayonmagbalik at tingnan kung ano iyon.161 Heto ang isang hinirang na grupo, tinawag palabas, anggrupo ni Abraham, naghihintay sila sa isang ipinangakonganak. Ang mga Sodomita ay walang pinaniwalaan tungkoldito. At hayun ang malahininga, ang mga kaanib ng iglesya saSodoma. Tingnan yaong tatlong Anghel na dumating sa bawa’tisa sa kanila, masdan kung anong mga tanda ang ipinakitanila, sa gayon makikita n’yo kung anong mga tanda ang atingpinamumuhayan.162 Ngayon, iyan ang magiging tanda. At ang tinig ng tandaay ang Malakias 4, “upang papagbabalikingloob ang mga taopabalik sa apostolikong Pananampalataya ng mga magulang.”Hayan ang tanda, hayan ang Tinig, tamang-tama ayon saKasulatan. Kita n’yo? Ang tanda ay ang siya ring tanda saSodoma, ang Dios na nahayag sa mga tao.

At ang sabi Niya, “Nasaan ang iyong asawa, si Sara?”Ang sabi, “Siya ay nasa tolda, sa Iyong likuran.”

163 Ang sabi, “Ako’y dadalaw sa iyo ayon sa panahon na Akingipinangako sa iyo.” At Kanyang sinabi…164 At si Sara, sa likod, sa likuran Niya, nagsabi, “Paanongmangyayari iyon, isa na akong matandang babae, isa na siyangmatandang lalaki? At gaya ng asawa ko na nasa labas, isangmatandang lalaki,” ang sabi, “wala kaming ganiyan sa amin.”Ang sabi, “Sadyang hindi maaaringmangyayari ito.”

Page 25: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

ANG TINIG NG TANDA 25

165 Ang sabi Niya, “Bakit pinag-alinlanganan ni Sara iyan,sinasabi sa kaniyang puso, ‘Paano mangyayari ang mga bagayna ito?’”166 At sinabi ni Jesus na magbabalik muli iyon. Ngayon,tandaan, tinawag ni Abraham ang Lalaking iyon, “Elohim,” angDios. Siya nga ang Dios na iyon. Bakit? Nakakikilala Siya ngmga kaisipan, at Siya ay eksaktong nasa panahon. At si Elohim,ang Banal na Espiritu, (hindi ibang persona) iisang Personangbumabalik sa iglesya at gagawa ng ganoon ding bagay, iyan angmagiging tanda. At ang Tinig ay magiging, “Pababalikin sila saSalita, papanumbalikin ang pananampalataya ng mga anak samga ama.” Hayan ang tanda at ang Tinig.167 Ang mga tanda ay kadalasang tinatanggap, datapuwa’thindi ang Tinig. Hindi nila gusto ang Tinig, nguni’t tatanggapinnila ang tanda. Kadalasan, tinatanggap nila ito. Gusto nilaang tanda, ‘pagka’t gusto nilang panoorin ito, naaaliw sila.Datapuwa’t, ang Tinig, ayaw nilang-nilang gawin ito. Tandaanngayon ang Tinig.168 Bumalik sa Salita muli. Ang tanda ng Jesus na Mesiyas,ayon sa Isaias 35, “Ang pilay ay luluksong parang usa,” at lahatnang ito.169 “Iyan ay kahanga-hanga!” Oh, tinanggap nila iyan. Mabutiiyan. Kanilang pinaniwalaan iyan. Pinaniwalaan nila angtanda. “Pumarito, Guro, sa aking iglesya, kami ay lubosmakikipagtulungan sa iyo. Totoo, pinaniniwalaan Ka namin.Ikaw ang kamangha-mangha. Ikaw ang Guro. Ikaw ang batangPropeta. Halika! Lahat ng uri ng pakikipagtulungan! Kahanga-hanga ang tanda.”170 Subali’t nang mangusap ang Tinig, at nagsabi, “Ako at angAma ay Iisa.”171 Oh, naku, hindi nila mapaniwalaan Iyon. “GinagawaMo angIyong sarili na Dios.” Hindi nila gusto ang Tinig. Nagustuhannila ang tanda. Nalalaman nila iyan, inamin nilang tanda ito ngMesiyas, datapuwa’t, ang Tinig, hindi nila Iyon gusto.

“Ang mga gawang Aking ginagawa ay gagawin din namanninyo.”

At ang sabi nila, “Siya’y si Beelzebub.”

Ang sabi Niya, “Kayongmga lahi ng ulupong.”172 Oh, kanilang kinasuklaman ang Tinig na iyon. Ano angkanilang ginawa? Tinanggihan nila ang Tinig na iyan sa gitnanila. Pinalabas nila Siya.173 Ang sabi ni Jesus, “Kung tawagin nila ang Panginoon ngsambahayan, ‘Beelzebub,’ gaano pa kayang tatawagin nila angKaniyang mga alagad?”

Page 26: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

26 ANG BINIGKAS NA SALITA

174 Alalahanin, sa Apocalipsis 3, sa Kapanahunan ng Laodicea.Ito ang Laodicea; ang tanda ng Sodoma ay darating. Ang Tinig,“Magbalik sa Salita, palayo samga kredo atmga denominasyongito, at manumbalik sa Salita,” nang dumating Ito, sang-ayon saApocalipsis 3, pinalabas Siya sa iglesya, gaya nang nangyari saKaniya noon.175 “Ang tanda aymabuti, nguni’t hindi ang Tinig.” Ayaw nilangmagkaroon ng kinalaman sa Tinig. Hindi, hindi; ang Tinig.Nguni’t sinabi ni Moises, kung ayaw nila, o…176 Sinabi ng Dios kay Moises, “Hindi sila maniniwala sa unangtinig na iyan ng unang tanda, subukin sila sa pangalawangtinig. At kung hindi nila gagawin iyon, kung gayon kumuhaka ng tubig at ibuhos ito sa lupa.” Iyan na ito. Iyon lang.“Hugasan, pagpagin ang-ang alikabok sa iyong mga paa,” saibang pananalita, tulad ng sinabi ni Jesus. Ang sabi, “Kumuhang tubig mula sa ilog, ibuhos iyon sa lupa, magiging dugo, atipakita na na sa gayon siya ilulubog, sa dugo.” Kaya’t sadyangganiyan na ganiyan kung ano ito.177 Kung hindi nila paniniwalaan ang tanda, kung gayon angikatlong tanda ang talagang makagagawa nito. Ang lahat ngministeryo ay may tatlong tanda, kung ito’y isinugo mula saDios. Si Jesus ay may tatlong tanda. Si Moises ay may tatlongtanda. Si Noe ay may tatlong tanda. Si Elias ay may tatlongtanda. Ang lahat ay dumarating sa tatlong tanda. Pansinin.Makinig, mga kaibigan.178 Medyo nahuhuli na ito ng kaunti. Ako’y…Oh, naku, hindiko namalayang ganiyan na ito kahuli, lampas na ng labinlimangminuto.179 Kung iyong mapaniniwalaan ang tanda ng Sodoma, ngLucas, kita n’yo, tulad ng Kaniyang ipinangako rito; iyongpinaniniwalaan ang tanda ng Sodoma, kung gayon bakit hindimo matanggap ang Tinig ng Malakias na sumusunod sa tanda,para “bumalik sa Salita”? [Blankong bahagi sa teyp–Pat.]Ganiyan ang sinasabi ng Biblia, at nakita mo ito, kung gayonmakinig sa Tinig ng tanda.180 Takasan ang matinding poot na darating! Huwag isipin,“Dahil kasapi ako sa UPC, Assemblies of God, Metodista,Baptist, Presbyterian, may karapatan akong makapasok.” Maykakayahan ang Dios sa mga batong ito na magpalitaw ng mgaanak kay Abraham. Bumaling sa Salita! Lumayo mula sa inyongmakasanlibutang-ismo at sa sistema ng inyong organisasyon,at mga bagay-bagay. Lilipulin sila ng Dios sa ibabaw ng lupa.Kaniyang ilulubog sila sa kalaliman ng dagat ng pagkalimot,tulad lamang ng ginawa Niya sa Egipto nang tawagin Niyaang Israel, bansa mula sa isang bansa. Kapag tinawag Niyaang Nobya palabas ng iglesya, siya’y tutuloy sa kapighatian,

Page 27: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

ANG TINIG NG TANDA 27

ibubuhos ang kaniyang dugo sa ibabaw ng lupa. Takasan angmatinding poot na darating, sapagka’t ito’ymalapit na!181 Hindi ninyo makikita ang mga bagay na ito kung walang…Hindi ko alam kung ano ang iniisip ninyo tungkol sa kanila.Aking pananagutan lamang ang pagbasa sa kanila at angmangusap tungkol rito. Nasa sa inyo! Inyong mapapaniwalaanang tanda, kung gayon paniwalaan ang Tinig na sumusunod satanda. Oh, naku!182 Tingnan, si Moises, ang tipo ng paglabas ngayon. Siya noonang magsasabi sa mga taong iyon ang tungkol sa isang pangakona ibinigay sa mga ama. “Aking naalala ang Aking pangako sakanilang mga ama.” At ngayon ano-ano’ng gagawin ni Moises?Panunumbalikin ang mga puso ng mga tao pabalik sa kung anoang sinabi ng mga ama. At tulad ng kung ano si Moises noon, aygayundin naman ang Malakias 4, “upang ipanumbalik ang mgatao sa Pananampalataya ng mga ama.”183 Lahat nitong mga pag-aalinlangan ng mga denominasyon,at iba pa, magbalik sa Salita! Kilala ko kayo, maraming mga taoang gustong gumawa niyon; hindi lang kayo ang pinagsasabihanko rito. Lumilibot ang mga teyp na ito sa buong mundo, kitan’yo, saanman. Hindi kayo ang pinagsasabihan ko, nguni’tpinagsasabihan ko kung sinuman ito, saanman ito nararapat.Ako’y isang maghahasik ng Binhi. Iyan lang ang alam konggawin. Ito’y nasa sa inyo ang paggawa ng kapasiyahan. Takasanang matinding poot na darating, bayan!184 Huwag isipin dahil ika’y Pentecostes. Huwag isipin dahilang iyong ina ay isang mabuti, banal na Metodista, o angiyong ama ay isang mabuti, sumisigaw na Baptist. Huwag isipinna iyan ay may anumang bagay na magagawa para sa inyo.Huwag isipin dahil sa kaanib ka sa simbahang itinayo nila,o ng simbahang inyong itinatayo ngayon. Huwag isipin dahilsa nakapagsalita kayong mga Pentecostal ng ibat-ibang wikaat sumayaw sa Espiritu, at tumatakbong patalun-talon sa mgasahig, apatnapung taon na ang nakalilipas. Huwag isipin dahilsa nagkaroon kayo ng mga pagpapagaling na pagtitipon, atiba pa.185 Huwag mabigong makita ang tandang iyan, ng isangHaliging Apoy, na pinagtibay ng Dios; at ang Tinig salikuran Nito, upang bumaling, pabalik sa Dios. Huwag hayaanglumampas Ito sa inyo.May isang tanda at isang Tinig.186 Kapag ang isang lalaki ay lumitaw na may isang tanda, angdati ring paaralan ng kaisipan, may isang bagay na mali, ito’yhindi nagmumula sa Dios. Oh, naku! “Tuwirin ang Kaniyangmga landas ngayon!” Ngayon, pinaniniwalaan ba ninyo ito?“Kung gayon magbalik, O bulag at mga nangalat, sa inyong pag-aari.” Ang Biblia…Ang sabi ngmanunulat ng awit:

Page 28: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

28 ANG BINIGKAS NA SALITA

Ang mga bansa’y nangagkakawatak-watak,ang Israel ay nagigising,

Ang mga tandang inihula ng Biblia;Ang mga araw ng mga Gentil ay bilang na,kaguluha’y kaakibat;

“Magbalik, O nangalat, sa inyong pag-aari.”187 Bumalik! Magbalik! Sinabi ng propeta, “Ito’y magigingLiwanag sa panahon ng gabi.” Bago pa lubusang magdilim angAraw, ito’y magiging Liwanag. Lumakad sa Liwanag habangmay Liwanag. Hindi magtatagal ang Konsehong Ekumenikalay makukuha kayo, at wala nang puwang para sa Liwanagkung gayon.

Iyukod natin ang ating mga ulo.188 Makalangit na Ama, ito’y nasa Iyong mga kamay na ngayon.Ako-ako ay naghasik na ng Binhi. Hindi ko alam kung saannahulog ang mga Iyon. Aking idinadalangin na Iyong pagpalainang mga Iyon saanman Sila naroroon. At nawa Kanilangmatagpuan ang Kanilang dako sa ibaba, at bungkalin lahat ngmababatong dako, at lahat ng mga ugat ng luntiang matitinikna palumpong, at gaya nang dati, at alisin sa daan ang lahatna kawalan ng pananampalataya. Ipagkaloob ito, Ama. Amingipinagkakatiwala ito ngayon sa Iyo, sa Pangalan ni JesusCristo. Amen.189 Samantalang ang inyong mga ulo ay nakayuko, ang inyongmga mata nakapikit. Bukas ng gabi ay may isang salu-salo. Mga makasalanan ng lungsod, ako’y…kung ipahihintulotng Panginoon, kailangan kong mangusap sa kanila. Ako’ynagsasalita sa magkakahalong kongregasyon ngayon. Hindi akomangangahas na ipangaral ito; lalong bubulagin lamang silanito, sa isang pagtitipon tulad niyan.190 Subali’t, kayo, sa gabing ito, naniniwala ba kayong nakita naninyo ang tanda, at naririnig ba ninyo ang Tinig, kung nagawaninyo at inyong sinasampalatayanan? At kayo-kayo’y hindi pa,naniniwala kayo gayunman hindi pa ninyo Ito tinanggap, siCristo sa Kaniyang kapuspusan, maari bang itaas ang inyongkamay? At hayaang nakayuko ang bawa’t ulo ngayon, atang bawa’t mata nakapikit. Itaas ang inyong kamay, sabihin,“Alalahanin ako, Kapatid na Branham, habang nananalanginka.” Ikagagalak kong gawin ito. Pagpalain kayo ngDios.191 Ama naming Makalangit, sinabi ng Biblia, “Ang lahatng mga sumampalataya ay nangabautismuhan.” Dalangin ko,Panginoon, na ang mga taong ito na nagtaas ng kanilangmga kamay, na sumampalataya sila rito. Hindi pa silanababautismuhan sa Kristiyanong bautismo, makasumpongnawa sila ng simbahan na nagsasagawa nito, at mabautismuhan.Ipagkaloob ito, Panginoon.

Page 29: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

ANG TINIG NG TANDA 29

192 Hindi lang nawa sila mabautismuhan sa tubig, na isang-isang panlabas lamang na tanda na may nangyaring isang bagaysa loob. Ang sabi ng Biblia, “May isang Pananampalataya,isang Panginoon, isang bautismo,” at ang bautismong iyanay espirituwal na bautismo. Ang katawan na hinuhugasan,ito’y isa lamang pagsasalarawan, o para magbigay ng isangtanda na may naganap na isang bagay sa loob. Nguni’t ito’yang kaluluwang iyon na kailangang mabautismuhan ng Banalna Espiritu, iyan ay ang pananahan ng Eternal sa pantaongkalikasan at pagbabago nito sa kabuuan, upang gawin itongisang mananampalataya. Aking dalangin na tanggapin nila angEspiritu Santo. Inaatasan ko sila patungo sa Iyo ngayon, bilangmga tropeo ng Mensahe, at ng biyaya ni Cristo. Sa KaniyangPangalan, ako dumadalangin. Amen.

Ngayon samantalang nakayukod ang inyong mga ulo, ngmapitagan.193 May nalalabi na lamang akong pitung minuto, ako–ako’yhindi makatatapos sa takdang oras. Ako–ako–ako’y hindi namakapagsasagawa pa ng isang hanay ng panalangin sa ganiyangkaikling panahon. Aking hihilingin na maupo kayo riyan mismosa inyong kinaroroonan. Pasensiya na kayo kung naantala kokayo. Mananalangin tayo para sa bawa’t isa. Kayong mga tao,ang ilan sa inyong naririto na may mga kard ng panalangin,huwagmag–alala, aasikasuhin namin kayo.194 Nguni’t sadyang tingnan natin kungmaghahayag sa atin angEspiritu Santo ngayon, kung sumasampalataya kayo sa Kaniyaat naniniwala kayong ito ang tanda. Alalahanin, ang Anghel, isaSiyang tao; kumain Siya, uminom Siya sa harapan ni Abraham,gayunpaman magagawa Niya, at si Sara sa tolda, nakikilalaNiya ang mga hakang naroroon sa kaniyang puso. Iyan angtanda. Siya ang Salita. Ngayon kung darating lang ang Salitasa atin, kung gayon, muli, ipinangako Niyang gagampanan angganoon ding bagay.195 Ngayon kayong naririyan sa mga tagapakinig, na walangmga kard ng panalangin, at alam ninyong hindi kayomapapasama sa linya, hindi ko makikilala kung alin ang alinmalibang ipakita sa akin ng Panginoon. Ako’y…At naniniwalakayong totoong pinagagaling ng Dios ang maysakit. Ako-aking ninais kayo na–na sumampalataya ngayon din, sa ilangminuto. At manalangin lamang, at sabihin, “Panginoong Jesus,alam ko ang lalaking iyan, na nangungusap, ay–ay isang tao,nguni’t sinabi niya sa akin na, nagsabi sa amin sa gabing ito,at pinatunayan ito sa amin; na, ang Espiritu Santo, na hindikayang patayin ng mundo.”196 Magagawa nilang patayin si Jesus noong nasa laman Siya;kanilang pinatay Siya. Nguni’t ngayon bumangon Siya, saisang niluwalhating kalagayan, hindi na Siya mapapatay pa

Page 30: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

30 ANG BINIGKAS NA SALITA

kailanman. At sinabi Niya, “Sandali na lamang at hindina Ako makikita ng sanlibutan. Gayunman, kayo,” ang mgapredestinado, yaong mga naitalaga sa Buhay na WalangHanggan, ang Iglesya, ang Nobya, “makikita ninyo Ako,sapagka’t Ako’y makakasama ninyo, sasainyo, hanggang sakatapusan. Ang mga bagay na Aking ginagawa ay gagawin dinnamanninyo.” Lahat ngmga pangakong ito na ipinangakoNiya.

197 Ngayon, alam ko noong naririto Siya sa lupa, Siya, ang Diosay nasa Kaniya. Siya ayDios. Siya ang kapuspusan ngDios. Siyaang kalahatan ng Salita ng Dios na nahayag.

198 At angBiblia ayDios pa rin, ang Salita, atmaymga ilan pangmga kapahayagan na ihahayag pa lang. At Kaniyang sinabi,“Sa mga huling araw, kapag naging tulad muli sa Sodomaang mundo, ang Anak ng tao ay mahahayag.” At ang tandang Sodoma ay magbabalik, pagkatapos ang Tinig ay tatawaginpabalik angmga tao, yaongmga nakatalaga sa Buhay.

199 Alam natin, noong naririto Siya, may milyun-milyong mgatao sa lupa, na hindi nakaaalam na narito na Siya; walangdahilan para malaman. Kita n’yo? Dumating Siya roon sa mganaitalagang makakita nito.

200 Ngayon manalangin kayo. Ngayon manahimik nang husto.Huwag pagalaw-galaw. Saanman kayo naroroon, sa mgapalko, sa mababang palapag, saanman kayo naroroon, huwag-huwag pagalaw-galaw, manatiling tahimik sa pagkakaupo, atmanalangin.

201 Sabihin, “Panginoong Jesus, ang sabi ng Biblia, sa Hebreo4, na Ikaw ngayon mismo ay ‘isang Dakilang Saserdote namaaaring mahabag sa aming kahinaan.’ At nakita Ka naminsa lupa, noong narito Ka sa lupa, isang abang babae anghumipo minsan sa Iyong kasuotan, at lumingon Ka, at nagsabi,‘Sino ang humipo sa Akin?’” Ikinubli niya ang kaniyang sarili,gayunpaman nakilala pa rin ang pananampalataya niya. Sinabisa kaniya ni Jesus ang tungkol sa pag–agas ng kaniyang dugo, atsinabi sa kaniyang “ang iyong pananampalataya ang nagligtassa iyo.” Ngayon Siya pa rin yaong Dakilang Saserdote. KungSiya ang noon, ngayon at magpakailanman, kailangan Niyanggumawa sa gayon pa ring paraan, kung kayo-kung hihipuinmo Siya.

202 At ano ang nagagawa niyan kung gayon? Kailangangmagkaroon ng katawang tao, sa lupa, para ipangusap angKaniyang Tinig. “Ako ang Puno, kayo ang mga sanga.” Walanganumang paraan upang makarating dito, mga kaibigan. Ito’y saKasulatan lamang. Ito ang Katotohanan. Kayong mga ministropinaniniwalaan n’yo ba iyan, diyan sa likuran? [Nagsabi angmgaministro, “Amen.”–Pat.]

Page 31: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

ANG TINIG NG TANDA 31

203 Ngayon banda riyan, maging totoong mataimtim atmanalangin, sabihin, “Panginoong Jesus, hayaang hipuin koang Iyong kasuotan.”204 At inyong nakikita ang pinakamalapit sa akin, aydalawampung talampakan o mahigit. Wala akong kilala na isamang kaluluwa sa banda riyan. Wala man lang akong makitangsinuman na talagang kilala ko, sa gabing ito, sa nakaupo roon;maliban kay Pat Tyler na nakaupo rito sa harapan, isa kongkaibigan.Maymga taong nasa tiheras, samga estretser.205 Nasaksihan natin kagabi ang isang nabakanteng estretser,at bumangon ang lalaki at umalis. Bakit hindi kayong lahat,sa gabing ito? Kita n’yo, manampalataya lamang, iyan lang angkailangan ninyong gawin. Ang Kaniyang Presensiya ang gagawanito. Naririto Siya, kailangan ninyong manindigan sa Kaniyaupang ibangon kayo sa mga huling araw.206 Ngayon, kayong sumasampalataya, at sa palagay ay tapos nakayongmanalangin, tumingin lang sa dakong ito ngayon.207 Tulad ng sinabi ni Pedro at Juan, “Tumingin sa amin.” Atbuong tapat silang tumingin, ginawa iyon ng lalaki, umaasangmakatanggap ng isang bagay. Ang sabi niya, “Pilak at ginto aywala ako, datapuwa’t ang nasa akin…”208 Ngayon, sa pagpapagaling ay wala ako, nguni’t ang nasaakin, isang kaloob mula sa Dios, ay ibinibigay ko sa inyo. Kungsasampalatayanan lamang ninyo ito, gagawin ito ng Dios. Angtanging hiling ko lamang sa inyo ay sampalatayanan ito. Angnasa akin, ibibigay ko sa inyo. Kung sasampalatayanan ninyoito, gagawin ito ng Dios. Subukan lamang ito.209 Heto, narito na Ito ngayon. Amen. Gusto ko iyan. Mayisang binibining nakaupo sa gawing ito. Siya ay medyo mataba,nakaupo sa gawi rito sa dulo. Mayroon ka bang kard ngpanalangin, binibini? Medyo may katabaan…Wala ka bang…Banda rito, wala ka bang kard ng panalangin? Opo. Walakang kard ng panalangin? Gayunman, sumasampalataya kaba? Hindi mo na kailangan ang kard ng panalangin, kungsumasampalataya ka.210 May umalingawngaw sa tinig, iyan ang dahilan kayamahirap tumawag ng mga tao tulad nito, nguni’t sikapingmakinig ng maigi sa akin.211 Hindi kita kilala. Wala kang kard ng panalangin, dahil diyanhindi ka makakaakyat sa entablado. Kung ihahayag sa akin ngDios kung ano ang suliranin mo, paniniwalaanmo ba iyan (ano?)magiging gayon din ito tulad lang ng ipahayag Niya sa babaekung ano ang kaniyang suliranin? Ang babae sa balon? Si Sara,kung ano ang kaniyang sinabi, at iba pa? Pinaniniwalaan mo baiyan? Naniniwala ka ba namagigingmabuti ang lahat?

Page 32: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

32 ANG BINIGKAS NA SALITA

212 Dumaranas ka ng isang sakit sa dugo,may problema sa iyongdugo. Kung iya’y tama, itaas ang iyong kamay. Mabuti. Wala naito sa iyo ngayon. Naging Liwanag ito sa ulunan mo. Tinanggapka ni Jesus Cristo.213 Ngayon, hindi ko pa nakita ang babae kailanman, sa akingbuhay. Ngayon ano ba iyon? Ito’y dapat Espiritu. Ngayonmaaari n’yong sabihin gaya ng mga Fariseo, “Iya’y ang diyablo,”buweno, tatanggapin ninyo ang kanilang gantimpala. Inyongsasabihin, “Ito’y si Cristo,” tatanggapin ninyo ang gantimpalani Cristo. Naniniwala akong ito’y ang Salitang ipinakikilala sahuling mga araw na ito; hindi ako.214 Heto, narito ang isa pang munting binibining nakaupo sadakong ibaba rito. Siya ay dumaranas ng pamamaga ng mgaugat sa mga binti niya. May mga komplikasyon siya. Maysakit siya sa puso. Nanalangin siya para sa isang mahal sabuhay, iya’y isang kapatid na lalaki. Umiiyak siya ngayon.Siya’y nakikipag-ugnayan. Malubhang–malubha ang kapatidna lalaking iyon. Ito’y isang kaso ng diyabetis. At, gayundin,may isa pa siyang anino, isa siyang lalaking makasalanan. Atnananalangin ka para sa kaniya. Iya’y tama. Binibining Welton,kung sasampalataya ka ng iyong buong puso, gagawin ito ngDios para sa kaniya. Sinasampalatayanan mo ba ito? Iyan angiyong pangalan.215 Ngayon iyan ba’y mas hihigit pa kaysa sa sinabi niJesus kay Simon, “Ang pangalan mo ay Simon, ika’y anakni Jonas”? Manampalataya lang. Huwag mag-alinlangandito. Sampalatayanan ito ng iyong buong puso. Kungsampalatayanan mo ito, papangyarihin ito ng Dios. Kungmagagawa mo lang…216 Heto, narito ang isang munting binibini nakaupo sa gawingito, nakatingin mismo sa akin dito. Siya’y parang maymapulangbuhok. Nakapusod ang kaniyang buhok.217 Hindi n’yo ba nakikita ang Liwanag na iyon, parangisang nagbabagang bagay, na paikot-ikot sa ulunan ng babae?Nalalaman niyang ito’y nagaganap ngayon mismo, ’pagkatnararamdaman niya Ito. Ito’y napakalapit sa kaniya, hindi niyamaiwasang maramdaman ito. Kung ito’y tama, binibini, itaasang iyong kamay. Hayan siya.218 Ngayon ako’y isang ganap na estranghero sa iyo. Walaakong nalalaman tungkol sa iyo. Nguni’t nakaupo ka riyannananalangin. Iya’y tama. Kung iya’y tama, ikaway mo angiyong kamay na tulad nito. Ngayon, kung si Jesus Cristo angAnak ngDios, na talagang Siya nga, isangDakilang Saserdotengnakaupo sa kanan ng Dios…At ako’y nakatayo lamang ditosa pamamagitan ng isang kaloob, sa aking sariling pang-…nang labas, nang labas sa makataong pangangatuwiran, hindi saaking sariling kaisipan; isang paraan para pagpahingahin ang

Page 33: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

ANG TINIG NG TANDA 33

aking sariling isipan at pag-iisip, at hayaang kumilos lamangang Dios. Pinaniniwalaan mo ba na Siya…Ako, batid ng Diosna hindi kita kilala; at batid mo rin. Kaya’t kung ihahayagsa akin ng Dios ang iyong suliranin, o isang bagay na iyonginaasahan, minimithi, o bagay na higit pa, naniniwala ka banggagawin ng Dios, na magagawa iyan?219 May sakit ka sa iyong likod. Isa ‘yan sa mga bagayna iyong idinadalangin. At may problema ka sa iyong mgamata. Sumasampalataya ka bang pagagalingin ang mga iyanng Dios at pabubutihin sila? Sinasampalatayanan mo ba?Sinasampalatayanan mo ba? Naniniwala ka bang magagawang Dios na sabihin sa akin kung sino ka? Gng. Hallman,sampalatayanan mo nang buong puso mo ngayon, makakamtanmokung ano ang iyong hinihiling. Sinasampalatayananmoba?220 Heto ang isang matandang babaing nakaupo may ilangagwat lang diyan sa likuran niya. Siya ay nananalangin, din.Siya ay may diyabetis. Umaasa akong hindi niya mapapalampasito. Ito’y nasa ulunan niya. Mukhang matanda na siya.Sandali lang, tulungan nawa ako ng Panginoon ngayon. Angkaniyang…Hayun nakuha na niya ito. Mabuti. Nakikita konang siya’y nakikipag-ugnayan. Hindi siya tagarito. Mula siyasa Louisiana. Ang kaniyang–kaniyang lungsod ay isang lugarna tinatawag na Singer, Louisiana. At siya ay nagdurusasa diyabetis. Ang pangalan niya ay Gng. Doyle. Kung iya’ytama, itaas ang iyong kamay. Mabuti. Ako’y isang ganap naestranghero sa kaniya, hindi ko pa siya kailanman nakita saaking buhay. Subali’t si Jesus Cristo, ang Anak ng Dios, aynakaaalam ng lahat tungkol sa iyo.221 May isang babaing nakaupo roon sa likuran, galing dinsa lungsod na iyon, isang lugar na tinatawag na Singer.Dumaranas siya ng alta presyon. At Clark ang kaniyangpangalan. Naniniwala ka ba, Gng. Clark? Mabuti, makakamtanmo kung ano ang kahilingan mo.

Sumasampalataya ba kayo? [Nagsabi ang kongregasyon,“Amen”–Pat.]222 Hayan ang tanda! Makinig sa Tinig! Magsisi, magbaliksa Dios nang simbilis ng magagawa ninyo! Si Jesus Cristoay naririto sa Kapangyarihan ng Kaniyang pagkabuhay namag-uli; ang isang napakasama at mapangalunyang lahi aynakakatanggap ng isang tanda ni Jesus Cristo na nananahan sagitna ng mga tao. Hindi Niya magagawa iyan nang ako lamang,ito’y dapat kayo, din. Kita n’yo, ang babae ay kinailanganghipuin ang Kaniyang kasuotan. Inyong kailangang hipuin angKaniyang kasuotan. Kami’ymga instrumento lamang.223 Sumasampalataya ba kayo nang inyong buong puso?Ngayon kung sinasampalatayanan ninyo iyan…Ilan ba ang

Page 34: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

34 ANG BINIGKAS NA SALITA

sumasampalataya rito, itaas ang inyong mga kamay, tulad nito,sabihin, “Tunay na sinasampalatayanan ko ito.”224 Ngayon kung pinaniniwalaan ninyo ito, ito ang sabi ni Jesus,“Ang mga tandang ito ay lalakip sa kanila na sumasampalataya;kung ipapatong nila ang mga kamay sa maysakit, sila’ymagsisigaling.” Sinasampalatayanan ba ninyo iyan?225 Ngayon gabing-gabi na. Wala na tayong oras. Tayo’ydalawampu’t-limang minuto na ngayon bago mag-ikasampu.Puwede bang ipatong ninyo ang inyong mga kamay sa isat-isa,kung gayon? At gawin lamang ang sasabihin ko sa inyo ngayon,ipatong lamang ang inyongmga kamay sa isat-isa.226 Ngayon nalalaman ninyo, sa itaas, saanman kayo naroroon.Ngayon nalalaman ninyo, pati ang anumang bagay ngayon,pagkatapos na maipangaral ang Kasulatan at malinaw nanaipakilala sa buong gusali.227 May isa pa akong nakikita, ngayonmismo. Kita n’yo? At mayisa pa sa banda rito, sakit sa prostrate. Babaingmay TB.Uh-huh.Aba, ito’y nasa lahat ng dako ngayon, nguni’t nakapagpapahinaIto sa iyo.228 Anong kaibahan, ano pa? Nasaksihan ninyo ang limampu,pagkaminsan nariyan iyan, at gusto ninyong makita angpitumpu sa susunod. Ginawa iyan minsan ni Jesus sa Sychar, atsumampalataya sa Kaniya ang buong lungsod. Naghihintay silasa Mesiyas.229 Naririto ang Mesiyas, ang Espiritu Santo, ang Mesiyas ngarawna ito; angMesiyas na pinagtitibay ang Salita, ngKaniyangpangako.230 Ngayon nais kong ang bawa’t isa sa inyo, habangipinapatong ninyo ang inyong mga kamay sa isa’t isa,kung kayo’y mga mananampalataya. Ngayon hindi kayomananalangin para sa inyong sarili. Manalangin kayo parasa taong iyan, at sila’y mananalangin din para sa inyo. Ngayon,ang Salita ring nangako nito sa mga huling araw, ipinangakorin…231 At alalahanin, ang sabi ni Jesus, “Ang mga tandang itoay lalakip sa mga sumasampalataya.” Ang pagpapagaling, naibinalik, ay ang tinig na kinilala ng tanda. Magpapatong silang mga kamay sa mga maysakit, bilang isang tanda; ang tinigay isang “aleluya, pinagaling ako ng Panginoon!” Ngayon kungnilalakipan ng mga tandang ito ang isang tinig, ang tandangiyan, kung isa kang mananampalataya, lalakip ito. Ang tinig aysasamahan ang tanda.232 Kung ibibigay ko sa inyo ang tandang ito, na sinabi ko sainyong nagmumula ito sa Dios, at ipinangako ito ng Dios sa arawna ito; ito’y ganap nang nailatag, walang sinuman liban sa isangtaong hindi naniniwala sa Dios ang hindi maniniwala rito. Kita

Page 35: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

ANG TINIG NG TANDA 35

n’yo? Pagkatapos bumaling ang Dios at pinatunayan ito, upanggawin ang gayon. Ngayon naririto Siya.233 Ngayon bawa’t isa, sa inyong paraan ng pananalangin sainyong sariling simbahan, kung ito’y sa inyong sarili, malakas,anuman ito, ipanalangin ninyo ang taong napapatungan nginyongmga kamay, ’pagkat nananalangin sila para sa inyo.234 At ngayon tumingala. At sa Presensiya ng Mesiyas, angCristo, ang Isang Nabuhay na mag–uli, nananatiling buhaypagkaraan ng dalawang libong taon, papaanong nagingnapakamanhid natin sa Espiritu? Nararapat lamang na pag-alabin Niyan ang bansang ito sa Apoy. Nararapat lamangna papagsisihin Niyan ang Beaumont, sa pagsuot ng kayongmagaspang at ngmga abo. Nguni’t gagawin ba niya ito?Hindi.235 Nguni’t kayong naghahanap sa Kaniya, atsumasampalatayang gagawin Niya ito at tutuparin angKaniyang Salita, ito’y sa inyo na ngayon ibinigay ang pangako.Ipatong ang inyong mga kamay sa iba at manalangin, habangmananalangin ako sa inyo rito.236 Panginoong Jesus, sapat na ang mga sinabi, sapat na angnagawa. Ang Salitang ipinangako ay naipahayag na. AngMesiyas, ang Cristo ng Dios, ay nasa Banal na Presensiya.Nadadama namin Siya. Nakikita namin Siya. Batid namingipinangako Niya ito sa huling mga araw. “Kung paano samga kaarawan ng Sodoma, gayon din naman ang mangyayarisa araw na ang Anak ng tao ay mahayag.” Kung gayon,nalalaman namin.237 Nakikita namin ang-ang apoy sa kalangitan, ang mgabombang atomika. Nakikita namin ang mga bansang kinain nang bulate, bansang nagkakabaha-bahagi. Nakikita naming nasakanilang bayan na ang Israel. Bawa’t tanda na maipapangako,ay natupad na. Ang susunod na bagay ay ang ipinangakongAnak, ang Pagdating.238 O Walang hangganang Dios, sa Presensiya ni JesusCristo, ang dakilang Espiritu Santo na naririto ngayon napinatutunayang Siya’y naririto, dinggin ang panalangin ngmga taong ito, dinggin ang mga Cristiyanong ito; na, kapaglumisan na ako, hindi nila sasabihin, “Si Kapatid na Branhamang gumawa nito.” Ibang taong hindi nila kilala, pinatungan silang mga kamay, at sila’y gumaling. Nguni’t Iyong ipinangako naang Tinig ay may tanda ito. At nawa sila’y gumaling, habangipinagkakatiwala ko sila sa Iyo, sa Pangalan ni Jesus.

Page 36: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

ANG TINIG NG TANDA TAG64-0313(The Voice Of The Sign)

Ang Mensaheng ito ni Kapatid na William Marrion Branham, orihinal naipinangaral sa Ingles noong Biyernes ng gabi, Marso 13, 1964, sa MunicipalAuditorium sa Beaumont, Texas, U.S.A., ay hinango mula sa magnetikong teyprekording at inilimbag na walang pagbabago sa Ingles. Itong Tagalog na salinay inilathala at ipinamamahagi ng Voice of God Recordings. Muling inilathalanoong 2010.

TAGALOG

©2007 VGR, ALL RIGHTS RESERVED

VOICE OF GOD RECORDINGS

P.O. BOX 950, JEFFERSONVILLE, INDIANA 47131 U.S.A.www.branham.org

Page 37: TAG64-0313 Ang Tinig Ng Tanda VGR - download.branham.orgdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG64-0313 The Voice Of The Sign VGR.pdf · naman ng mga demonyo dahil nag-aayuno ang isang ito

Abiso Ukol Sa Karapatang Maglathala

Ang lahat ng karapatang maglathala ay saklaw ng may-ari lamang. Ang aklat na ito ay maaaring i-print sa home printer para sa personal na gamit o maipamahagi sa iba, nang walang bayad, upang magamit sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo ni Jesus Cristo. Ang aklat na ito ay hindi maaaring ibenta, kopyahin nang maramihan, i-post sa website, i-store sa retrieval system, isalin sa ibang wika, o gamitin upang manghingi ng pondo nang walang inilalabas na kasulatang nagpapahintulot galing sa Voice Of God Recordings®.

Para sa karagdagang impormasyon o para sa iba pang ipinamamahaging materyales, kontakin lamang ang:

Voice of God RecoRdinGsP.o. Box 950, JeffeRsonVille, indiana 47131 U.s.a.

www.branham.org