14
JOSE P RIZAL Si Jose P. Rizal (19 Hunyo 1861 — k. 30 Disyembre 1896) na may buong pangalang José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda,Ipinanganak sa Calamba, Laguna. si Jose Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. May angking pambihirang talino, siya ay hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, lingguwista, at may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, musika (marunong siyang tumugtog ng plawta), sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima. siya ay ang ika-pito sa labing-isang anak, Si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro na kaniyang ang ama, ay kabilang sa ika-apat na henerasyong apo ni Domingo Lam-co, isang Tsinong mangangalakal na naglayag sa Pilipinas mula sa Jinjiang, Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-labimpitong siglo. Si Lamco ay nakapag-asawa ng isang Pilipina sa katauhan ni Inez de la Rosa at upang makaiwas sa hostilidad ng mga Espanyol para sa mga Intsik ay pinalitan niya ang kaniyang apelyido ng Mercado(pangangalakal). Ang pangalan namang Rizal ay nagmula sa salitang “Ricial” o kabukiran na ginamit lamang ni Francisco (dahil siya ay isang magsasaka) alinsunod

Talambuhay Ng Bayaning Pilipino DRAFT1

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Talambuhay Ng Bayaning Pilipino DRAFT1

Citation preview

Page 1: Talambuhay Ng Bayaning Pilipino DRAFT1

JOSE P RIZAL

Si Jose P. Rizal (19 Hunyo 1861 — k. 30 Disyembre

1896) na may buong pangalang José Protasio Rizal

Mercado y Alonso Realonda,Ipinanganak

sa Calamba, Laguna. si Jose Rizal ay ang

Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga

kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga

nobelang Noli Me Tangere at El

Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng

Espanya sa bansa. May angking pambihirang talino,

siya ay hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring magsasaka, manggagamot,

siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, lingguwista, at may

kaalaman sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya,

etnolohiya, agrikultura, musika (marunong siyang tumugtog ng plawta), sining sa

pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima.

siya ay ang ika-pito sa labing-isang anak,

Si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro na kaniyang ang ama, ay

kabilang sa ika-apat na henerasyong apo ni Domingo Lam-co, isang Tsinong

mangangalakal na naglayag sa Pilipinas mula sa Jinjiang, Quanzhou noong

kalagitnaan ng ika-labimpitong siglo. Si Lamco ay nakapag-asawa ng isang Pilipina

sa katauhan ni Inez de la Rosa at upang makaiwas sa hostilidad ng mga Espanyol

para sa mga Intsik ay pinalitan niya ang kaniyang apelyido ng “Mercado”

(pangangalakal).

Ang pangalan namang Rizal ay nagmula sa salitang “Ricial” o kabukiran na ginamit

lamang ni Francisco (dahil siya ay isang magsasaka) alinsunod sa kautusan

ni Gobernador Narciso Calaveria noong 1849 na magpalit ng mga apelyido ang

mga Pilipino. Kalaunan ay ginamit na rin ni Francisco ang Rizal Mercado upang

makaiwas sa kalituhan mula sa kaniyang kasamang mangangalakal.

Ang ina naman niyang si Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos, ay anak

nina Lorenzo Alonzo (isang kapitan ng munisipyo ng Biñan, Laguna, kinatawan

ng Laguna sa Kortes ng Espanya, agrimensor, at kasapi ng isang samahan ng mga

Page 2: Talambuhay Ng Bayaning Pilipino DRAFT1

Katoliko) at ni Brijida de Quintos (na mula sa isang prominenteng pamilya). Ang

kanilang apelyido ay pinalitan ng Realonda noong 1849.

JOSE P RIZAL

Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng

Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna

noongHunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay

sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora

Alonzo.Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa

Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas

na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang

kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at

Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina

at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika

kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris

at Heidelberg.

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.”

naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian

sa pamahalaan ng Kastila.Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose

P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin

ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng

komersiyo, industriya at agricultura.Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas

si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.”

Page 3: Talambuhay Ng Bayaning Pilipino DRAFT1

Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang

pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.

EMILLIO AGUINALDOSi Emilio Aguinaldo y Famy (Marso

22, 1869–Pebrero 6, 1964) ay isang

Pilipinong heneral, pulitiko at pinuno ng

kalayaan, ay ang

unang Pangulo ng Republika ng

Pilipinas (Enero 20, 1899–Abril 1, 1901). Isa

siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan

ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang

bigong pag-aalsa laban

sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi

ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898,

ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at

umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang

kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng

Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga

hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang

isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga

Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang

taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos. Siya rin ang pinakabatang

pangulo ng Pilipinas.  Ipinanganak siya sa Cavite el Viejo, Cavite noong Marso

22, 1869 kina Carlos Aguinaldo y Jamir at Trinidad Famy y Valero (1820-

1916) Si Don Carlos ay isang gobernadorcillo at dahil may lahi siyang Tsino,

Tagalog at Mestizo, nagkaroon sila ng yaman at kapangyarihan. Bilang bata,

nakatanggap siya ng edukasyon mula sa isa niyang lola at maya-mayang nag-aral

Page 4: Talambuhay Ng Bayaning Pilipino DRAFT1

ng elementarya sa paaralang elementarya ng Cavite el Viejo noong 1880.

Pagkatapos, nag-aral naman siya ng sekundarya sa Colegio de San Juan de

Letran.

Page 5: Talambuhay Ng Bayaning Pilipino DRAFT1

EMILLIO AGUINALDO

Pinanganak si Emilio Aguinaldo noong Marso

22,1869sa bayan ngKawit, Cavite sa

Luzonsapanahong kolonya ng Espanya ang

Pilipinas,siya ang ikapitong anak ng alkalde

ng bayan. Saedad na 15, sa tulong ng isang

paringDominican,nagpatala siya sa Colegio de

San Juan deLetran sa Maynila, kung saan siya

nag-aral ng medisina.

Nagbalik si Aguinaldo sa Luzon at tumulong

pangunahan ang isang pag-aalsa na sa

kauntingpanahon ay nagtaboy sa mga

Espanyol sa rehiyon. Bilang bahagi ng

napakasunduan, ipinataponsi Aguinaldo sa

Hong Kongnoong1888.Doon pinag-aralan niya

ng taktikang pangmilitar ngmgaBritanyaat

nagtipon ng mga armas, at palihim na bumalik sa Luzon ilang taon ang

lumipas.Noong1895 sumapi si Aguinaldo saKatipunan, isang lihim na samahan na

pinamumunuan noonni Andres Bonifacio,na may layuning patalsikin ang mga

Espanyol at palayain ang Pilipinas..Noong1898,nagsimula ngDigmaang Espanyol-

Amerikanoat napikapag-ugnayan si Aguinaldosa mga Amerikanong opisyal sa pag-

asang tutulong sila sa kanyang pakikipaglaban para sakalayaan. Sa una

nakatanggap lamang siya ng magkakahalong mensahe, ngunit nakipaglabankaisa

ng mga Amerikano upang patalsikin ang mga Espanyol – kasama ng paglilipat ng

maghigitna 15,000 nahuling tropang Espanyol ay si Admiral George Dewey. Gayon

pa man, angpakikipag-ugnayan sa mga Amerikano ay higit na apektado nang hindi

sila nagpakita ngkagustuhang tulungan ang Pilipinas na maging malaya at

nagsimulang sakupin ang bansa gayang ginawa ng mga Espanyol noon. Walang

tulong ninuman, ipinahayag ni Aguinaldo ang kalayanng Pilipinas noong Hunyo 12,

1898at inihalal siya ng Kapuluan ng Saligang-batas ng Pilipinasbilang pangulo

noong Enero 1, 1899.Nang sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga

tropangAmerikano at mga Pilipinong makakalayan, ipinahayag ni Aguinaldo ang

digmaan laban saEstados Unidos noong Pebrero 4, 1899.Pinamunuan ni Aguinaldo

ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya aymahuli

noong1901ni US General Frederick Funston. Tinanggap niya ang alok na ililigtas

angkanyang buhay kung ipapangako niya ang kanyang katapatan sa Estados

Unidos. Isangmalungkot na desisyon ang ginawa ni Aguinaldo dahil matapos

siyang ipagtanggol ng kanyangmga magigiting na heneral,tulad ni Gen.Gregorio

Page 6: Talambuhay Ng Bayaning Pilipino DRAFT1

del Pilar,sumuko lamang siya nang hindilumalaban. Namahinga siya sa mata ng

publiko nang matagal na panahon, hanggang 1935.

ANDRES BONIFACIOSi Andrés Bonifacio (Nobyembre 30,

1863 – Mayo 10, 1897) ay siyang

namuno sa rebolusyon ng Pilipinas

laban sa Espanya, ang unang

rebolusyon sa Asya na lumaban sa

pananakop ng mga bansang

imperyalista sa Europa.

Siya ay isinilang noong ika-30 ng

Nobyembre, 1863 sa Tondo,

Maynila. Ang kanyang magulang ay

sina Santiago Bonifacio at Catalina

de Castro. Siya ay nagsimulang mag-

aral sa paaralan ni Don Guillermo Osmeña sa Meisic sa Binondo, Maynila subalit

siya’y maagang nahinto sa pag-aaral. Bagamat siya’y nahinto sa pag-aaral, may

angkin siyang talino at marunong siyang bumasa at sumulat, at dalubhasa na rin sa

pagsasalita sa wikang Kastila.

Naulila sa magulang nang maaaga sa edad na 14. Naging tindero siya ng ratan at

pamaypay na gawa sa papel de hapon. Nagtrabaho din siya bilang clerk, sales

agent at bodegista (warehouseman). Nahilig siyang basahin ang mga nobela ni

Jose Rizal at nang itinatag ang La Liga Filipina, sumapi siya kasama ni Apolinario

Mabini.

Page 7: Talambuhay Ng Bayaning Pilipino DRAFT1
Page 8: Talambuhay Ng Bayaning Pilipino DRAFT1

ANDRES BONIFACIO

Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30

ng Nobyembre, 1863. Ang kanyang mga magulang

ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de

Castro.Siya ay marunong magbasa at sumulat, siya

ay naging isang kawani ng Kumpaniyang

"Fleeming and Company", isang kumpaniya na

nagtitinda ng rattan at iba pang mga paninda.

Nakapagsulat din siya ng mga artikulo at mga tula, isa na dito ang pinakasikat na

'Pag-ibig sa Tinubuang Lupa.Ang nagsiklab sa kanyang kaluluwa ng paggawa ng

Himagsikan at pagtatag ng Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galang na

Katipunan ng mga Anak ng Bayan). Itinatag niya ang Katipunan noong ika-7 ng

Hulyo, 1892 kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang

kanyang pangalan ay Maypagasa.Mahigit sa 1,000 Katipunero ang sumama sa

kanya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896.Si Bonifacio

kasama ang kanyang pamilya ay umalis sa Naic papuntang Indang at sa kanyang

pagbabalik sa Montalban, si Aguinaldo ay nagpadala ng tauhan para siya ay

arestuhin, subalit si Bonifacio ay lumaban at nasugatan. Humarap siya sa isang

paglilitis dahil sa kanyang gawain na laban sa bagong pamahalan at binigyan ng

sentensiyang bitay ng isang Militar na Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguinaldo

ang bumitay sa kanya sa kabundukan ng Maragondon, Cavite noong ika-10 ng

Mayo, 1897.

Page 9: Talambuhay Ng Bayaning Pilipino DRAFT1

APOLINARIO MABINISi Apolinario Mabini y

Maranan (Hulyo 23, 1864—Mayo

13, 1903), kilala bilang ang “Dakilang

Lumpo” o “Dakilang Paralitiko“, ay

isang Pilipinotheoretician na nagsulat

ng konstitusyon ng Unang Republika

ng Pilipinas noong 1899-1901, at

naglingkod bilang ang kauna-

unahang punong ministro noong 1899.

Ipinanganak siya sa

Talaga, Tanauan, Batangas sa

mahihirap na mga magulang, sina

Inocencio Mabini at Dionisia

Maranan. Siya ay natuto ng abakada

mula sa kanyang ina at ang pagsulat ay

sa kanyang ingkong natutuhan. Nag-aral siya sa mataas na paaralan at nagpatuloy

sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan natamo ang katibayan sa pagka-

Bachiller en Artes at naging propesor sa Latin. Sa Unibersidad ng Santo

Tomasnaman siya nakapagtapos ng pagkaabogado noong 1894. Samantalang

nag-aral ng batas, sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal.

Si Mabini ay nagkasakit noong 1896 ng “infantile paralysis“ na lumumpo sa

kanya. Ipinasundo siya ni Aguinaldo at sila’y nagkamabutihan. Siya’y lihim na

ipinatawag ni Aguinaldo at hinirang siyang opisyal na tagapayo. Nang pasinayaan

ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan niya si Mabini bilang kalihim

panglabas (prime minister) at pangulo ng mga konseho. Sa panahong ito isinulat

Page 10: Talambuhay Ng Bayaning Pilipino DRAFT1

niya ang kanyang tanyag na akdang “Tunay na Dekalogo“. Noong 1899, si

Mabini ay nadakip ng mga Amerikano sa Nueva Ecija at ipinabilanggo. Kanyang

isinulat noon ang “Pagbangon at Pagbagsak ng Himagsikang Filipino”, “El

Simil de Alejandro“, at “El Libra“. Noong ika-5 ng Enero, 1901, si Mabini ay

ipinatapon sa Guam, ngunit kusa siyang nagbalik sa bansa

noong Pebrero, 1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan sa Estados Unidos. Siya

ay nagkasakit ng kolera at namatay noong ika-13 ng

Mayo, 1903sa Nagtahan, Maynila.

Page 11: Talambuhay Ng Bayaning Pilipino DRAFT1

JUAN LUNASi Juan Luna y Novicio ang nagpinta ng

pamosong larawan “Spolarium”. Siya ay nakilala sa

buong mundo sa pamamagitan ng kanyang pinsel

gaya ng pagkakilala sa kanyang mga kaibigan sa

pamamagitan ng pluma at espada. Siya ay

ipinanganak noong Oktubre

23, 1857 sa Badoc, Ilocos Norte kina Joaquin

Luna at Laureena Novicio sa Badoc, Ilocos

Norte. Nag-aaral siya sa Ateneo Municipal de Manila. Ang pangarap niyang

maging isang mandaragat ay natupad matapos siyang mag-aral at magtrabaho sa

brako sa murang gulang na 16. Marami siyang napuntahang magandang lugar at

iba’t ibang tao ang kanyang nakasama. Bagamat napagtala siya bilang mandaragat

huminto para lamang maipagpatuloy niya ang pag-aaral sa pagpinta.

Sa taong 1898, si Luna ay itinalaga ni Heneral Aguinaldo na isang sugo

sa Europa para ipresenta ang panig ng mga Pilipino sa usaping pagkapayapaan.

Siya ay inatake sa puso at namatay noong Disyembre 7, 1899 sa Hong Kong

Page 12: Talambuhay Ng Bayaning Pilipino DRAFT1

GREGORIO DEL PILARSi Gregorio del Pilar ay ang

pinakabatang heneral na lumaban

sa Digmaang Pilipino-Amerikano.

Siya ay isinilang

sa Bulakan, Bulakan noongNobyembre 14, 1875 kina Fernando del Pilar at

Felipa Sempio. Si del Pilar ay unang nag-aral kay Maestro de la san jose at

pagkatapos ay nagpatuloy sa paaralan ng mananagalong na si Pedro Serrano

Laktaw. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila noong 1880 at tumira sa

bahay ng kanyang tiyo na si Deodato Arellano kung saan sinasabing itinatag

ang Katipunan.

Sa murang gulang sumapi siya sa Katipunan. Naging pinuno ng mga katipunero

at sumanib siya sa tropa ni Col. Vicente Enriquez kung saan napalaban siya at

bunga ng maigting na pagtatanggol siya ay nahirang bilang tinyente sa gulang na

19. Ginawa siyang heneral ng isang brigada sa gulang na 22. Ang pagsalakay niya

sa Paombong, Bulakan at Quingwa (ngayon ay Plaridel, Bulakan) ang

nagpatanyag sa kanya. Napahanga niya siAguinaldo at itinaas siya bilang tinyente

kung saan pinalaya niya ang lalawigang ito. Nang mamatay si Hen. Antonio Luna si

del Pilar ang humalili sa maliit na hukbo ni Aguinaldo. Nang tinugis sila ng

Page 13: Talambuhay Ng Bayaning Pilipino DRAFT1

mga Amerikano sa Pasong Tirad noong Disyembre 2, 1899, nagpaiwan siya

upang abangan ang mga kaaway habang tumatakas si Aguinaldo.

Page 14: Talambuhay Ng Bayaning Pilipino DRAFT1

VICENTE LIM

Si Vicente Lim ay isinilang noong Pebrero 24, 1888 sa bayan ng Calamba sa Laguna, kina Jose Lim, isang mayamang Tsino at ina na si Antonia Podico, isang kilalang negosyante. Ang kanyang pamilyang pinagmulan ay may malaking kabuhayan.

Siya ang unang Pilipinong nagtapos ng pagaaral sa West Point Academy sa Estados Unidos noong 1914 kung saan nanguna siya sa pagsusulit sa military academy. Bago ito, nagtapos din siya ng kursong edukasyon sa Pamantasang Normal ng Pilipinas noong taong 1908. Siya ang nahirang na pangalawang tenyente ng Philippine Scouts sa Kuta ng San Pedro sa Iloilo. Mas mahirap ang sinapit niya nang ilipat ang pgkakadestino nya ng pwesto sa Sulu, sumunod ay sa Zamboanga at

nang huli ay sa For McKinley sa Lalawigan ng Rizal. Nahirang siyang Kapitan noong taong 1922 at naging Major noong 1923. Noong bumalik siya sa Pilipinas pagkatapos magaral sa Estados Unidos. Nagturo din siya sa Philippine Military Academy sa Baguio. Pagkatapos nito ay bumalik siya sa Estados Unidos para muling magaral at naging unang Pilipino nakakuha ng kurso sa Kolehiyo ng Hukbong Katihan (Army College) sa Washington noong 1929. Naging ROTC Commandant ng Colegio de San Juan de Letran noong bumalik sa Pilipinas. Nagretiro noong 1936 na may ranggong Colonel.

Nang taong sumiklab ang World War II, siya ang naging Brigadier General ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Napiit si Vicente Lim sa Capas, Tarlac pagkatapos makubkob ng mga Hapon ang Bataan noong taong 1942. Nakalaya siya at naging miyembro ng kilusang gerilya.

Dahil sa paglaban sa pamahalaang Kolonyal, siya ay dinakip ng mga Hapon noong 1944. Nakulong sa Fort Santiago at inilipat sa Bilibid Prison sa Maynila. Noong taong din yaon,siya binitay sa Chinese Cemetery.