12
ANG BALITANG TOTOO MARSO 26- ABRIL 1,2013 VOL 1 NO 4 www.tapatnews.com @tapatnews facebook.com/tapatnews TAPATAN: i-text ang sagot niyo sa: 0932-1469436 - Basahin sa Pahina 5 Tatapatin kita ni Ate Ami - Pahina 9 sports - Pahina 12 balita - Pahina 3 PRESYO NG PETROLYO, PABABA NANG PABABA Ikatlong panalo puntirya ng Blackwater, Cebuana Lhuillier Low voters precints, ni-recluster ng Comelec Pano tutulungan ang kaibigang nangaliwa? Ang Lihim ni Gandang Humihimbing Opinyon - Pahina 7 Gaano ka-impor- tante ang isyung James-Kris, Chiz-Heart sa mamamayang Pilipino?

Tapat Vol 1 No 4

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang Balitang Totoo

Citation preview

Page 1: Tapat Vol 1 No 4

ANG BALITANG TOTOO

MARSO 26- ABRIL 1,2013 VOL 1 NO 4

www.tapatnews.com@tapatnews facebook.com/tapatnews

TAPATAN:

i-text ang sagot niyo sa:0932-1469436

- Basahin sa Pahina 5

Tatapatin kita ni Ate Ami

- Pahina 9

sports

- Pahina 12

balita

- Pahina 3

PRESYO NG PETROLYO, PABABA NANG PABABA

Ikatlong panalo puntirya ng Blackwater, Cebuana Lhuillier

Low voters precints, ni-recluster ng Comelec

Pano tutulungan ang kaibigang

nangaliwa?

Ang Lihim ni Gandang

Humihimbing

Opinyon

- Pahina 7

Gaano ka-impor-tante ang isyung James-Kris, Chiz-Heart sa mamamayang Pilipino?

Page 2: Tapat Vol 1 No 4

2 MARSO 26- ABRIL 1, 2013balita

may good news ka ba?Maraming nangyayaring positibo araw-araw--kailangan lang namin marinig mula sa inyo

upang maibalita sa iba. Ikwento niyo sa amin ang mga good news na nakikita at naririnig niyo

sa paligid! Mag-email lang sa [email protected] at ilagay ang

“Good News” bilang subject. Salamat po!

good news

Karne ng baboy na may lason mula China, babantayan ng DANi PAUL ANG

NANINDIGAN ang pamunuan ng De-partment of Agriculture (DA) na mahig-pit nitong tututukan ang mga borders, at daungan sa bansa upang mapigilan ang tuluyang pagpasok sa Pilipinas ng mga kontaminado at nakalalasong karne ng baboy na ‘di umano’y mula sa bansang China.

Ayon kay Agriculture Secretary Pro-ceso Alcala, ang mga nasabing karne ng baboy ay maaaring magdulot ng Foot and Mouth Disease sa mga taong makakakain

Local absentee voting application, extended! -COMELEC

Kabilang ang mga gurong magbabantay sa mga polling stations sa mga maaaring mag-aplay bilang local absentee voter.

NAGPASYA ang pamunu-an ng Commission on Elec-tions (Comelec) na i-extend pa ang deadline para sa pag-aaplay sa local absen-tee voting sa bansa hang-gang Abril 2.

Ayon kay Comelec Chair-man Sixto Brillantes Jr., pinalawig ng poll body ang deadline para sa pagsusu-mite ng aplikasyon para sa local absentee voting bun-sod na din ng kahilingan ng iba’t ibang kumpanya at ahensya ng pamahalaan.

Magugunitang batay sa resolusyon ng Comelec, ang deadline para sa gov-ernment employees, mga pulis at sundalo na nais mag-avail ng pribiliheyo ng local absentee voting ay

nakatakda sanang magta-pos noong Marso 15, para naman sa mga miyembro ng media ito ay sa Marso 31 pa.

Sa ilalim ng local absen-tee voting, maaaring bu-moto ang mga pulis, sund-alo, public school teachers at mga mamamahayag, na nag-avail ng absentee vot-ing, dalawang linggo bago ang halalan sa Mayo 13 o mula Abril 28 hanggang 30.

Nabatid naman na ki-nakailangan lamang uma-no na aktibong registered voters ang mga nasabing indibidwal subalit ang maaari lamang iboto ng mga ito ay mga kandidato sa partylist at pagka-sena-dor. (PA)

Listahan ng blacklisted recruiters, ilabas - Sen. BongbongHINIHIKAYAT ni  Sena-dor Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. Philippine Overseas Employment Ad-ministration (POEA) na isapubliko sa pamamagi-tan ng tradisyunal at social media ang mga blacklisted recruitment agency na nambibiktima ng mga ap-likanteng OFWs.

Ito ay kaugnya ng pag-tanggal ng ban sa deploy-ment ng Filipino workers sa Iraq at Yemen, na sigu-radong dudumugin na na-man ng mga Pilipino at ng illegal recruiters.

Hinimok ng senador ang naturang ahensya na maglabas ng malinaw na guidelines hinggil sa pagde-deploy ng OFWs sa naturang mga bansa, pati ang listahan ng mga re-cruitment agency na aw-torisadong magpadala ng trabahador sa naturang destinasyon.

“Palagi tayong nakaka-rinig ng malungkot na ku-wento ng mga aplikanteng Pilipino na nagbenta ng kanilang ari-arian o kinu-ha ang naipon sa bang-ko upang ipanggastos sa pag-aaplay ng trabaho sa abroad, pero nauwi lang sa

wala dahil sa illegal recruit-ers,” pahayag ni Marcos.

Nais din ni Marcos na i-monitor at agad kandadu-han ng POEA ang mga

ahensyang humihingi ng sobrang taas na application at processing fees sa mga nag-aaplay na OFW. (GC)

Inaasahang dadagsa na naman ang mga OFWs sa mga ban-sang Iraq at Yemen dahil sa bagong status nito.

- pahina 5

Gumagawa na ng hakbang ang DA upang manatiling ligtas ang food supply ng bansa mula sa kontaminadong karne ng baboy.

Page 3: Tapat Vol 1 No 4

3MARSO 26- ABRIL 1, 2013 balitaDoLE pay rules para sa Holy Week, nilabas na Ni GRACE CAJILES

NAGLABAS ng pay rules para sa mga manggaga-wa sa pribadong sektor para sa Mahal na Araw ang Department of Labor and Employment (DoLE).

Para sa March 28, Maun-dy Thursday, at March 29 o Good Friday, na pawang mga regular holidays, ang tamang pay rules ay ang mga sumusunod:

Sakaling ang empleyado ay hindi nagtrabaho, ba-bayaran pa rin siya ng 100 percent ng kanyang su-weldo para sa isang araw, gayundin ng kanyang Cost of Living Allowance (COLA); sakaling pumasok naman ang empleyado sa trabaho, babayaran siya ng 200 percent ng kan-yang suweldo para sa isang araw para sa unang wa-long oras ng trabaho, ga-yundin ng kanyang COLA.

Kung ang empleyado naman ay nagtrabaho ng

lagpas sa walong oras, babayaran siya ng kar-agdagang 30 percent ng kanyang hourly rate.

Kung ang empleyado ay nagtrabaho at nataon na ang mga araw na ito ay kanyang day-off o rest day, tatanggap siya ng karagda-gang 30 percent ng kanyang daily rate at 200 percent ng kanyang arawang suweldo.

Kapag day-off naman ng empleyado at nagtrabaho siya ng overtime, tatang-gap siya ng karagdagang 30 percent ng kanyang hourly rate para sa nasabing araw.

Para sa March 30, Black Saturday, na isang special non-working day, paiira-lin ang mga sumusunod na pay rules: sakaling ang em-pleyado ay hindi nagtra-baho, ipapatupad ang “no work, no pay” principle.

Kapag nagtraba-ho naman, tatang-

Lucy Torres, stay pa din sa kanyang pwestoNANINDIGAN si Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez na manatili sa kanyang pwesto sa kabila ng desisyon ng Korte Supre-ma na siya ay patalsikin sa Kongreso.

Ayon sa kongresista, hindi siya baba-ba sa posisyon dahil hindi pa pinal ang desisyon ng Supreme Court (SC).

Bukod pa sa nasabing dahilan, hindi pa rin aniya natatanggap ng kanyang abog-ado ang kopya ng ibinabang desisyon. Dahil dito ay nagplaplano ang kanyang kampo na maghain ng motion for recon-sideration.

Bwelta niya sa kanyang kalaban na si

dating Rep. Eufrocino Codilla Jr., na kahit pa madaliin nito ang proseso ay hindi pa rin ito maaaring pumalit sa kanyang pwesto dahil wala itong mandato mula sa taong-bayan. Ayon pa sa mambabatas, mananati-li siya sa pwesto hanggang wala silang na-tatanggap na kopya ng resolusyon ng SC.

Matatandaang nagpalabas ng desisyon ang SC na nagpapatalsik kay Torres-Gomez bilang kongresista ng Ormoc dahil sa hindi balido ang pag-substi-tute nito sa asawang si Richard Gomez na nadiskuwalipika bunga ng kwest-yunableng residency status nito. (GC)

Bagong pasilidad ng PAGASA para sa bagyo, inilunsadINILUNSAD ng Philip-pine Atmospheric, Geo-physical and Astronomic Services Administration – Department of Science and Technology (PA-GASA-DOST) nitong na-karaang linggo ang visual weather system at COS-MO Numerical Model Pre-diction na may layuning magbigay ng mas tamang impormasyon sa publiko tungkol sa bagyo at ulan sa bansa.

Ayon kay PAGASA Administrator Nathaniel Servando, sa pamamagi-tan ng bagong pasilidad na galing pang Germany ay higit na magiging sen-tralisado ang monitoring

station ng PAGASA mula sa limang regional centers nito sa buong bansa.

Sinabi ni Servando, na bagamat hindi pa masabi kung gaano ito ka-accu-rate, ipinagmalaki niya na mas pino ang resolusyon nito kaya’t mas mapapa-bilis na rin ang paglalabas nila ng impormasyon sa weather system.

Sa loob aniya ng apat na oras bago mangyari ang isang simpleng thunder-storm ay makapag-aabiso na sila sa publiko dahil na-kikita ng bagong COSMO model ang pinagsama-sa-mang impormasyong gal-ing sa ground, air at satel-lite. (RP)

- pahina 10

Low voters precints, ni-recluster ng Comelec

NAGLABAS na ng reso-lusyon ang Commission on Elections (Comelec) na naglilipat o nagrere-cluster sa mga polling precints sa 44 na lalawigan sa bansa na napag-alamang may mababang bilang ng mga botante.

Ayon kay Comelec Chair-man Sixto Brillantes, Jr., layunin ng reclustering na ma-maximize ang resourc-es ng poll body at ipagsa-

ma-sama na lamang ang mga kakaunting botante sa iisang voting precint.

Batay sa Comelec Resolu-tion 9244, kabilang sa mga lalawigan na apektado ng reclustering ay ang Abra, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Aklan, Antique, Apayao, Basilan, Benguet, Bohol, Bukidnon, Cagayan, Camarines Sur, Capiz, Cat-anduanes, Cebu, Davao del Sur, Eastern Samar, Ifugao,

Ilocos Norte, Ilocos Sur, Il-oilo, Isabela, Laguna, Lanao del Sur, Leyte, Maguindan-ao, Marinduque, Misamis Occidental, Misamis Ori-ental, Northern Samar, Oc-cidental Mindoro, Palawan, Quezon, Quirino, Rizal, Romblon, Samar (Western Samar), Siquijor, Southern Leyte, Sultan Kudarat, Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga del Norte, at Zamboanga del Sur. (PA)

Upang ma-maximize ang resources ng Comelec nag-recluster ito ng mga precincts na may mababang bilang ng botante.

Page 4: Tapat Vol 1 No 4

4 MARSO 26- ABRIL 1, 2013balita

ADVERTISE WITH US...EMAIL US AT

[email protected]

Oplan ligtas kuwaresma, inilunsad sa mga expressway Ni ROMY PANAHON

MAGKAKASAMANG inilunsad kam-akailan ang Oplan Ligtas Kuwaresma project ngayong taon na tinawag na “Safe trip mo, sagot ko for Holy Week” upang alalayan ang mga motorista na dadaan sa North Luzon Expressway (NLEX) , Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) at Manila-Cavite Expressway.

Ani ni Raul Ignacio, VP for Construc-tion and Engineering Department ng Manila North Tollways Corporation (MNTC), isa sa mga tagapagtaguy-od ng proyekto, na may 24/7 silang mga dagdag na mga tauhan sa ku-waresma na magbabantay at mag-roroving sa mga lansangan ng ex-

Rodriguez, Rizal madadaluyan na ng malinis na tubigMADADALUYAN na ng sapat at malinis na inuming tubig ang mga residente ng Rodriguez, Rizal.

Ito ay makaraang mag-sagawa ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS RO) ng information caravan sa naturang lugar na nasasakupan ng Manila Water sa pagdiriwang ng World Water Week.

Sa naturang caravan, ti-niyak ng tanggapan na an-gkop ang serbisyong nata-tanggap ng mga residente sa lugar, may malinis na maiinom na tubig at sapat ang water pressure sa mga lugar na sakop ng naturang water concessionaire.

Kaugnay nito, hinikayat ni MWSS Regional Office Laboratory Specialist Eve-lyn Agustin ang mga resi-dente ng Rodriguez, Rizal na gamitin ang tubig mula

sa Manila Water dahil hin-di lahat ng water refilling stations doon ay pasado sa microbiological, physical at chemical tests batay na

rin sa inilabas na anunsyo ng Metro Manila Drinking Water Quality Monitoring Committee ng Department of Health. (RP)

Ang access sa malinis na tubig ay nananatiling problema ng maraming lugar sa bansa.

WORLD NEWS Ni JANDEL POSION

Dalawang Italyanong marino, pinabalik sa India dahil sa kasong pagpaslangITALY—Para maiwasan ang diplomatikong ‘di pag-kakaunawaan, sumang-ayon na ang gobyerno ng It-alya na pabalikin sa India ang dalawa nilang marino matapos silang akusahan ng pagpatay sa dalawang mangingisda noong isang taon.

Nagbigay naman ng abiso ang opisina ng Prime Minister ng Italia na papabalikin sa India ang dala-wang marino matapos makatanggap ng sulat ng kati-yakan mula sa gobyerno ng India na bibigyan ng pro-teksyon ang karapatan ng dalawang marino.

Sang-ayon naman ang dalawang marino sa desisy-on ng kanilang gobyerno.

Lalaki, nakitaan ng talim ng kutsilyo sa likodCANADA—Nakitaan ng talim ng kutsilyo sa likod ang isang lalaki sa Canada matapos magreklamo ng pananakit at pangangati.

Nakuha sa likuran ni Billy McNeely ang talim ng isang kutsilyo na hinihinalang nakaligtaang mapan-sin ng mga doktor na gumamot sa kanyang sugat tat-long taon na ang nakalilipas nang siya ay saksakin ng limang beses sa isang away.

Noong nakaraang linggo, kinamot ni McNeely ang kanyang likod kung saan nahagilap ng kanyang kuko ang dulo ng 7.5cm na talim at natuklasan ito.

Nang tinahi ang kanyang mga sugat, hindi kinunan ng X-ray si McNeely. Inaalam pa kung sasampahan niya ng kaso ang lokal na kagawaran ng kalusugan na gumamot sa kanya.

Dalawampu patay dahil sa buhawiBANGLADESH—Isang buhawi ang tumama sa timog-kanlurang bahagi ng Bangladeshi capital ng Dhaka, kung saan nag-iwan ng halos dalawampung kataong patay, sirang mga bahay, putol na mga puno at walang kuryente sa malaking bahagi ng nasabing lugar.

Maaaring tumaas ang bilang ng nasawi matapos mag-iwan ang buhawi ng 300 sugatan kung saan ma-higit 500 kabahayan ang nasira.

Isa sa mga nasira ang kulungan ng Brahmanbaria kung saan isang guwardiya ang patay matapos gu-muho ang naturang gusali, pero sinabi ng mga opisyal na wala ni isang bilanggo ang nakatakas at namatay.

Inaasahang dadagsa ang mga motorista patungo sa kani-kanilang probinsya para sa Semana Santa.

- pahina 5

Page 5: Tapat Vol 1 No 4

5MARSO 26- ABRIL 1, 2013 balitaTAPATAN Question!

nito kaya naman puspusan na ang isinasagawa nitong screening at pagbabantay.Inalerto na din ang iba pang concerned government agencies upang mahigpit na

bantayan na hindi makapasok sa bansa ang mga nasabing baboy na di umano’y kontaminado ng porcine circovirus.

Tiniyak naman ni Alcala na walang dapat ikabahala ang publiko at walang out-break na magaganap sa mga inangkat na karne ng baboy dahil galing naman ang mga ito sa Amerika at Canada.

Karne ng baboy.... mula sa pahina 2

pressways para asistihin ang mga biyahero.May mga nakaantabay din silang mga mekaniko para

sa mga papalya ang sasakyan. May ilalagay na mga traffic information signs at may mga naitalagang medical sta-tions na aalalay naman sa mga mahihilong mga motorista.

Oplan ligtas... mula sa pahina 4

Presyo ng petrolyo, pababa nang pababaNi PAULO DE GUZMAN

MANILA, PHILIPPINES – Bumaba muli ang presyo ng petrolyo sa ikalimang pagkakataon pagkatapos ng magkakasunod ng pag-baba nito sa nakalipas na mga araw.

Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp., Phoenix Petroleum Philippines, Inc., Petron Corp., Eastern Pe-troleum Corp., Total Phil-ippines, Inc., SEAOIL Phil-ippines, epektibo ng 12:01 kahapon ng umaga, Lunes, bumaba ng 25 sentimo kada litro ang presyo ng Xtra, XCS at Blaze; 55 sentimo naman kada litro ng Turbo Diesel at DieselMax; at 70 sentimo kada litro ng kero-sene. Ayon kay Raymond Zorilla, assistant vice-pres-ident for external affairs ng Phoenix, ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo ay alinsunod sa pandaigdigang kalakalan.

Sinangayunan ni Depart-ment of Energy (DoE) Oil Industry Management Bu-reau director Zenaida Mon-sada, ang pagbaba ng pr-esyo ay dahil sa may sapat na imbak ng langis. Ayon pa din kay Monsada sa na-kalap nilang balita mula sa US Energy Information Administration, may labis na langis sa huling imben-

toryo ng Amerika. Saman-talang, naniniwala naman ang International Energy Agency (IEA) na ito ay bunsod ng mababang pan-daigdigang pangangailan-gan sa langis sa kasalukuy-ang taon.

Sa kanyang huling text message, sinabi pa ni Mon-sada na sa pag-aaral ng IEA ang pagbaba sa pan-gangailangan ng daigdig sa langis ay dahil na din sa pagtitipid ng gobyerno ng Amerika, ang pagbagal ng ekonomiya ng Europa at Tsina.

Sa kabilang banda, ang presyo ng langis ng Dubai (Dubai crude) ay nasa $ 105.15 kada bariles noong nakaraang linggo. Ang Dubai crude ay ang batay-an ng karamihan ng bansa sa Asya sa kalakalan ng langis at iba pang produk-tong krudo.

Noong Marso 21, ang huling datos ng presyo ng langis sa pandaigdi-gang kalakalan ay $123/bariles mula $125/bariles ng diesel, samantala $122/bariles mula $123/bariles ng gasolina. Mula na din sa datos ng DoE, mula Marso 16, ang presyo ng gasolina ay bumagsak ng P48.55/litro mula P54.84/litro, ha-bang ang diesel naman ay P38.80/litro mula P41.74/litro.

Ikinasaya naman ng libo-libong motorista sa buong bansa ang pagbaba ng pr-esyo ng Pilipinas Shell Pe-troleum Corp., Phoenix Pe-troleum Philippines, Inc., Petron Corp., Eastern Pe-troleum Corp., Total Phil-ippines, Inc., at SEAOIL Philippines, pagkatapos ang pagtaas ng presyo ng petrolyo simula nitong En-ero.

Nagpalabas naman ang Korte Suprema ng isang STATUS QUO ANTE (SQA) para sa R.A. 10354 o RH Law na ikinagalak ng marami, ngunit siya ring kinondena ng iba.

Heto ang iilang reaction na nakalap natin para sa ating Tapatan Question ngayong linggo:

Ano ang masasabi mo sa SQA ng Supreme Court na pumipigil sa pag-implementa ng RH Law? “Mas maganda yan kung ibabasura na yang RH LAW kasi hindi makakabuti sa mga nagdadalang tao yan lalo sa lahat ng Kabataan.” – Jeric San Antonio, Tondo, Manila

“Palagay ko, tungkulin ng pamahalaan na masiguro ang kaligtasan ng mga babae sa panganganak at maging sa kanilang kalusugan habang nagbubuntis. ito ang alam kong adhikain ng RH Law. at malinaw sa ating Konstitusyon na hindi papayagan ang al-inmang batas na magsasaligal ng aborsyon. ginawa lamang ng pamahalaan ang batas na ito para sa ka-pakanan ng ating kababaihan.” – Francis Villar, Binangonan, Rizal

“Sa palagay ko although pro-RH ako at admittedly di ko nabasa whatever reason they gave for the TRO, maybe the SC found merit after all about opposition to RH kaya they implemented the TRO instead. Kasi di ba madami ang nag appeal sa pagpasa ng RH, maybe their arguments proved to be good enough for the SC to delay [implementation] of the [law].” – Jing Jacobo, Quezon City

“I think, the supreme court wants to study the details of the bill. they want to hear the points/arguments of the two sides. i just think the 120 day suspension is quite long. reasonable ung suspension for them to as-sess and decide what’s best pero the period is too long. un lang naman ang opinion ko.” – Joshua Gabor, San Juan City

Page 6: Tapat Vol 1 No 4

6 MARSO 26- ABRIL 1, 2013

”“

editoryal

AREOPAGUS COMMUNICATIONS INC.Publisher

NIRvA DELACRUzEditor in Chief

DIANA UICHANCOManaging Editor

SKY ORTIGASCreative Director / Online Editor

YEN OCAMPOMarketing Director

Tapat is published every Tuesday by the Omnibus Communications for Asia

Foundation, Inc.

You can reach us through the following:Landlne # (02) 788 07 04

Fax # 0871 314 1470Email: [email protected]

Website: www.tapatnews.com

All rights reserved 2013

Editoryal

Ano ang tunay na tayo ng SUCs?Marami ang nabahala sa pag-papakamatay ni Kristel Tejada, isang estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang pagkitil niya sa sariling buhay – maski marahil, hindi lamang ang pagtigil sa pag-aaral ang dahilan sa likod ng kan-yang kawalan ng pag-asa – ay tu-matak at patuloy na gumagambala sa maraming Pilipino.

Lingid sa kaalaman ng karami-han, nito lamang Marso matapos pumutok ang balita sa pagpa-patiwakal ng naturang dalaga, nagpalabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng higit kumulang P831.8 mi-lyon na pondong nilaan para sa mga ilang ahensya ng pamaha-laan, kabilang na ang State Col-leges and Universities (SUC).

Halos kasabay nito ang pro-grama naman ng SSS at Pag-IBIG Fund Educational Loan na

nagbibigay ng oportunidad sa mga miyembro na makalikom ng pautang para sa pangan-gailangang pang-edukasyon.

Nakapagtatakang isipin na du-mating sa puntong may isang pamilyang paulit-ulit nagtang-kang makalusot sa mahigpit na pa-takaran ng U.P. tungkol sa usaping bayaran ng tuition. Isang tanong tuloy ang bumabagabag sa mara-

mi: Sapat na ba ang pondong inila-laan ng pamahalaan para sa SUCs? Sapat na ba ang mga educational loan na nakalaan para sa kabataan?

Hindi na bago ang mga protesta ng ating mga estudyante patung-kol sa mga tuition hikes at subsi-dy ng mga SUC. Matatandaan na noong 2011, tatlong estudyante ng U.P. ang lakas loob na nag-protesta habang nagtatalumpati si

Pangulong Benigno Aquino III sa naturang unibersidad. Ito ay mata-pos tapyasan ng pangulo ng 1.39 billion ang budget ng mga SUCs.

Nagpasya man ang gobyer-no na dagdagan ang budget ng SUCs, hindi pa rin ito sapat dahil malaking porsiyento naman nito ay nakalaan para sa mga insen-tibo ng mga opisyal at empleyado.

Ngayong buwan ng pagtatapos, inaasahang dadaming muli ang mga bagong gradweyt na hindi malaman kung saan makakahanap ng trabaho. Ang natitirang opsyon nalang ba para sa mga magagal-ing at matatalas na isipan ng mga Pilipino ay ang maging OFW at makipagsapalaran sa ibang bansa? Pahirap sa pag-aaral at pahirap sa paghahanap ng trabaho. Hang-gang kailan magtitiis ang ating mga kababayan sa tila bulag at tutulog-tulog nating gobyerno?

Nagpasya man ang gobyerno na dagdagan ang budget ng SUCs, hindi pa rin ito sapat dahil malaking porsi-yento naman nito ay nakalaan para

sa mga insentibo ng mga opisyal at empleyado.

Page 7: Tapat Vol 1 No 4

7MARSO 26- ABRIL 1, 2013 opinyonALAGAD

Anthony PerezSi Kristel, Ang Santo Papa, at

Si Vincent

TABI PO...Melo Acuña

Usapang taxi

MUNDONG DALISAYJenny Bermudez

Ang Lihim ni Gandang Humihimbing

(The Secret of Sleeping Beauty)

- pahina 10

- pahina 10

Kaawa-awa ang sinapit ng pamilya ni Kristel Tejada. Nag-patiwakal ang isang estudyante ng UP Manila nang mabigo syang mabigyan ng palugit sa pagbayad ng kanyang tuition sa nasabing paaralan. Malaking dagok ito hindi lamang sa mga opisyal ng UP, kundi sa gobyerno natin mismo. Inilabas ng Korte Suprema ang desisyon na suspendi-hin ang pagpapatupad ng batas RH, na dapat sana ay ipatutupad sa

Pasko ng Pagkabuhay ng ating Panginoon. Paano nasisikmura ng ating mga lider na gumastos ng bilyon-bilyong piso para la-mang sa RH samanta-lang kulang na kulang ang badyet para sa edukasyon?

Nitong linggong ito ay opisyal nang itinal-aga si Pope Francis bilang Santo Papa ng Simbahang Katolika. Marami ang natuwa sa unang linggo mata-pos siyang mahalal bilang Papa: ipinakita ng media na siya ay

may tunay na mala-sakit sa mahihirap, at pinagsabihan pa nga ang kanyang mga ka-babayan sa Buenos Aires, Argentina, na huwag nang dumalo sa kanyang inaugu-ration, at ibigay na lamang ang perang gagastusin sa mga ma-hihirap. Sa kanyang sermon, sinabi niya na dapat nating ipagtang-gol ang mga mahihina at mga mahihirap.

Swak ang kanyang mga sinabi sa mga nangyayari dito sa Pilipinas. Obligasyon ng ating mga lider na unahin ang kapa-kanan ng mga mahi-hirap; pero sila-sila, nagpapayaman. Sin-imulan ng lolo, si-nundan ng anak, at akala ninyo matata-pos sa apo? Hindi!

Ginawang negosyong pampamilya ang poli-tika ng ating bayan!

Ang pagkamatay ni Kristel ay sumisim-bulo sa kamatayan ng pangarap ng mga maliliit na taong tulad natin dahil ang mga namumuno ay masya-dong ganid sa pera at sa kapangyarihan.

Habang sinusulat ko ito ay naalala ko pa ang kumpil ng aking dating estudyante na si Vincent kaninang umaga. Kinuha niya akong ninong, at sino ba naman ako para tumanggi? Nagtungo kami sa isang restoran pagkatapos ng kumpil, at nang bayaran na ay nagpilit akong ako na ang magbabayad, da-hil alam kong mahirap lamang ang pamilya

Nakakatulog ka ba nang mahimbing tu-lad ni Sleeping Beauty, o ikaw ba’y parang Princess and the Pea na hindi maka-idlip kung may butil na nararamdaman? Ayon sa Helpguide.org ng Harvard Health Publi-cations, ang ingay, liwanag at lubhang ka-paguran ay pangkaraniwang dahilan ng in-somnia; ngunit sa katotohanan, may ibang mga malalim na dahilan nito. Nangin-gibabaw rito ang lubos na pagdadalamhati kung tayo ay nakasakit ng mahal sa buhay o nandaya ng kapwa-tao. Bakit nga ba tayo tila inaantok sa araw at nakamulat sa gabi?

Ayon kay Ashley Morris ng Sleep.com, ang pagsisisi at pagdadalamhati sa masa-mang kinagawaan ay nagdudulot ng kalungkutang pilit tinatalikuran at ng di-mapakaling pakiramdam sa pagsapit ng gabi. Ang kaalamang tayo ay naging ma-panakit, mandaraya, may itinatanim na galit, o naging biktima ng maljusticia, ay nagbibigay-kusa sa pagninilay-nilay at laking-pagdilat ng mga mata sa kadiliman. Sa ganitong kalagayan, mahirap talagang matulog na ng mahimbing! May kasabi-hang , “The softest pillow is a clean con-science.”

Si Dr. Frederic Luskin, direktor ng Stan-ford Forgiveness Project at manunulat ng Forgive for Good (Harper Collins, 2010) ay nagbigay ng mga tiyak na payo upang makatulog na ng mahimbing sa gabi. It-inuro niya ang pagpapakumbaba at pagh-ingi ng kapatawaran. Minsan, ayon kay Dr. Luskin, maaring sarili natin ang kailangang kilalanin: ang pagpapakumbaba na tayo ay nagkamali, ang pagdurusa sa lungkot na naibaling sa iba, at ang pagnanasa ng bagong pagkakataon upang bumangon na muli.

Sa Katolisismo, may panukalang paraan sa paglutas ng lubhang kasalanan – ang Sakramento ng Pangungumpisal. Subukan mo – ang paghingi ng tawad mula sa taim-tim na puso at tapat na pagsisisi, kasama na rin ang panatang matatag na pag-iwas sa kasalanan at pangakong di gagawing muli ang kasamaan, ay magdudulot ng ngiti sa gabi, at kusang mapayapa’t mahimbing ang mararanasan sa pagtulog sa gabi. Kung nais

- pahina 10

Ugali kong makipag-usap sa bawat taxi driver na aking na-kakasama sa paglalak-bay. Mula sa kumus-tahan at pagtatanong kung naka-boundary na ba sila, nakararat-ing ang huntahan sa larangan ng pulitika, ekonomiya, kultura at iba pang paksang hin-di mo halos marinig sa mga regular na mamamahayag lalo pa’t abala sila sa mga kwentong pulitiko, sa mga naghahangad maging senador, gob-ernador, mayor atbp.

Nakalulungkot nga na natatakpan ng

usaping Kris-James-Baby James at Chiz-Heart ang nagaganap sa Sabah na ayon sa ilan ay kusang sinasa-dya upang pagtakpan ang kakulangan ng pamahalaan.

N a p a g - u s a p a n namin ng ilang tsu-per ang kanilang kal-agayan sa ilalim ng isang malaking opera-tor. Karaniwang higit sa isang libong piso ang kanilang bound-ary, depende sa kung bagong-bago ba ito o ilang turnilyo na lang ang kailangan at mag-kakahiwa-hiwalay na. Mapapaisip ka tuloy

kung paano nakalusot sa istriktong mga tau-han ng Land Trans-portation Office ang mga ito.

Naikwento ng ilang tsuper na pag nagas-gasan ang kanilang taxi, pinababayaran sa kanilang mga tsu-per ang pinsala. Ki-nakaltasan sila ng kontribusyon sa SSS subalit ayaw namang pirmahan ng kump-anya kung sila’y man-gungutang sapagkat baka raw takbuhan ng tsuper na nangan-gailangan ang kayang obligasyon.

Nakatutuwang reg-ulasyon ng kumpanya ng taxi na kung ku-lang ang iyong bound-ary, sasamsamin ang lisensya ng pobreng tsuper hanggang sa hindi nababayaran ang kakulangan. Hin-di natin maikakaila na

mayroong mga tsuper na kusang manunu-nog ng boundary sub-alit karamihan nama’y tapat sa kanilang han-apbuhay.

Ang siste pa nito’y obligado kang bumili ng basahan sa hala-gang sampung piso, kailangan mo ring bu-mili ng sampaguita na lima o sampung piso, magbabayad ka ng P 30.00 para sa sanda-lang rattan. Sa oras na magpapagawa ka sa mekaniko’y susuhu-lan mo pa ng P100 upang gawin kaagad ang iyong unit at nang ika’y makapasada.

At hindi lamang iyan, kwento ng isang nakausap ko, natrang-kaso siya ng isang linggo at naratay sa banig ng karamda-man. Pagpasok niya, may utang siyang

Page 8: Tapat Vol 1 No 4

8 MARSO 26- ABRIL 1, 2013tampokKapag iniintindi, tumitindi ang pananampalataya

Ni DIANA UICHANCO

Tulad ng kahit anong bagay (o re-lasyon) na hindi inaalagaan, ma-daling makalimutan ang halaga nito sa buhay natin. Ang panan-ampalataya, kapag hindi pinag-aaralan o sinasariwa, ay ganoon din. Pero tulad din ng tao (kai-bigan man o mga iniidolo), kapag mas kinikilala ang pananampal-ataya o ang Panginoon ay nagig-ing mas matindi pa.

May inang laging nagdadasal para sa kanya

“Hindi ko na-appreciate dati yung turo ng Simbahan tungkol kay Maria. Sa tingin ko dati ay sobrang taas ng trato kay Maria na parang ka-level na niya ang Diyos,” kwento ni Aaron Ching. Matapos niyang mas seryoso-hin ang kanyang pagka-Katoliko at lumalim ang kanyang pag-kakaintindi sa mga bagay-bagay, nakita niyang mali pala ang kan-yang paniniwala dati. Nakatulong ng husto ang kanyang pagdarasal at pagbabasa ng mga turo ng Sim-bahan upang matanggap niya ang katotohanan tungkol sa papel ni Maria sa buhay ng Katoliko, pali-wanag ng inhinyero.

“Nakakatulong [ang pag-kakaintindi ko nito] kasi mas nag-ing maayos ang pagdarasal ko. At mas umayos ang paniniwala ko sa turo ng Simbahan. At saka alam ko na mayroon akong ina na lagi akong ipinagdarasal,” dagdag ni Ching.

Si Meldy Fider naman ay nag-aral sa eskwelahang walang kate-sismo, at hindi pinag-uusapan ang relihiyon sa kanyang tahanan dahil magkaiba ang pananam-palataya ng kanyang ina at ama. Kakaunti ang kaalaman niya ukol sa mga turo ng Simbahang Kato-lika sa kabila ng kanyang pagiging Katoliko. ‘Mas Katoliko na ako ngayon’

“Dati madalas kong pinipin-

tasan yung mga Catholic tradi-tions.. .hanggang sa pinadala ako ng Panginoon sa isang pilgrimage sa Vatican, Lourdes sa France, at iba pa,” kwento ni Fider na isang nagdi-disenyo ng mga produkto.

“Ipinakita sa akin ng Diyos ang richness ng ating pananampal-ataya at ang pangangailangang ibahagi din ito sa iba, lalo na yung Salita Niya at lalo na sa mga ma-hihirap. Kung iwanan natin ang pananampalataya natin, sino ang magpapakita ng kapangyarihan ng Salita ng Diyos sa mga Kato-liko? Kailangan ding matutunan ito ng mga Katoliko.”

Natutuwang kwento pa ni Fid-er na naging buhay at nagbunga ang pananampalataya niya “dahil sa paglingkod sa mga mahihirap at pagbahagi ng Salita ng Diyos. Masasabi kong mas Katoliko na ako ngayon. God is merciful and did not allow me to remain igno-rant!”

‘Di ka talaga nag-iisa’Ang nakapagpatindi sa panana-

mpalataya ni Lara Martin ay ang turo ng Simbahan tungkol sa com-munion of saints, o komunyon ng mga banal, “kasi dito mo makikita na di ka talaga nag-iisa. Lagi kang may kaibigan sa langit, o kahit sa purgatoryo.”

Dahil sa pag-iintindi niya sa konseptong ito, na kung saan ang pagiging banal ng bawat Kris-tiyano ay nakatutulong sa pag-kabanal ng ibang tao sa mundo, ramdam niyang tila “may mata-takbuhan ako for every concern!” Ano ang epekto nito sa buhay-pananampalataya ni Martin?

“Mas natitibayan ako ng loob kasi kahit anong pagsubok ang hinaharap ko, alam kong may kakampi ako at laging nagdadasal para sa akin. Hindi tuloy ako bas-ta-basta na mawawalan ng pag-asa,” paliwanag ng manunulat.

Maraming mga bagay ukol sa pananampalataya na hindi pinahahalagahan (“taken for granted” ‘ika nga), pero kapag iniintindi – tulad ng mga Katolikong nakausap namin – ay nakapagpapalalim ng pananampalataya.

Page 9: Tapat Vol 1 No 4

9MARSO 26- ABRIL 1, 2013 tampok

Pa’no tutulungan ang kaibigang nangaliwa?

Ate Ami

Tatapatin kita… ni Ate AmiDear Ate Ami, Nalaman ko po na ang kaibigan ko at kasama sa trabaho ay na-kipagsiping sa ibang babae, at itoy’ nalaman ng kanyang asawa. Ngayon hindi na siya kinakausap ng misis niya at pinalayas pa sa bahay nila. Sorry naman siya sa ginawa niya pero hindi ko talaga alam kung anong sasabihin sa kanya o pano siya tutulungan. Hindi ko lang talaga maintindihan dahil tatlong taon pa lang silang kasal at ganito ang nangyari. Bakit po nagkaganon? At pano ko po ba siya matutulungan maliban sa pagdarasal para sa kanya?

- ConcernedDear Concerned:

In the first place, nagtataka lang ako kung bakit ganoon kang ka-concerned. Mukhang close kayo somehow, kasi nal-alaman mo ang namamagitan sa kanila, pero … sila ba mismo ang humihingi ng tulong mo? Tuloy, ang masasabi ko lang sa iyo ay: ingat… kung hindi ka nila ga-sinong kilala, baka isipin pa nilang paki-kialam ang concern mo.

Natural lamang siguro sa iyo na mag-ing concerned ka. May mga taong ganong mag-aruga sa kapwa. At sa maganda at mahinahong paraan ay maipararating mo sa kanila ang pagiging concerned mo sa nangyayari sa kanilang pag-aasawa-han.

Kung makakausap mo nang mahi-nahon ang lalaking sumiping sa ibang babae, gawin mo. Ipaalala mo lang sa kanya na malinis ang hangarin mong magkaayos sila ng misis niya, at kung sa tingin niya ay may maitutulong ka para umayos ang kalagayan nila, ay nandyan ka lang, tawagin ka lang niya. That’s all you can do for the moment dahil hindi ka naman yata niya talagang hinihingan ng tulong, so alukin mo lang siya at bahala na siya kung gusto ka niyang lapitan para magkaayos ulit sila ng misis niya.

Baka naman gusto lang niya ng “hin-gahan”, ng isang taong makikinig at makakaunawa o dadamay sa kanya? In short, isang kunsintidora? Ikaw ba yon? Gusto mo bang maging ganon sa kanya? Nauunawaan mo din ba ang sakit sa loob ng misis niya kaya siya nagawang palayasin sa panlalamig nito? Delika-do yang isang party lang ang naririnig mo, sa lalaki, at hindi sa babae. Kapag nagpatuloy iyan, baka sa kahinaan mo, e mawala ang pagka-objective mo at ku-mampi ka na lang sa nagkamali, at mak-ita ang lahat through his eyes. Lumang tugtugin na ‘yan, baka bukas makalawa,

ikaw na ang sipingan niyan! Ingat!May gusto lang akong sabihin para sa

kapakanan ng mga ibang mambabasa natin: tungkol sa “SORRY”.

Sabi mo kasi, “Sorry naman siya sa ginawa niya…” Tanong ko: paano niya ipinakita ang “sorry” niya? Bukam-bibig lang, pero walang damdamin? Kiss and make-up lang ba ang katapat ng pagtataksil niya? Merong nagso-sorry ang bibig habang ang mga mata’y malagkit pa ring sinusundan ng tingin ang ibang babae. Meron ding ugaling-anghel sa harap ng pinagtaksilan, pero pagtalikod, balik sa dating pangloloko sa asawa, hangga’t hindi nahuhuli ulit.

Ang “sorry”, higit sa lahat, ay ipi-nakikita sa gawa, sa pagkukumbaba, sa pagbabago ng gawi. At mangyayari la-mang ito kung tapat at tiim sa kalooban ang pagsisisi. Para tuluyang mapawi ang kasalanan sa puso niya, kailangan niyang manahimik at makipagniig sa Panginoon, nang walang ibang pinak-inggan kungdi ang tinig Niya, pagkat tanging Siya lamang ang nakapag-papamukha sa ating mga nilalang ng sarili nating kabuktutan. Kung maga-gawa mong ipakita ang katotohanang iyan, at matutuho siyang lumuhod sa harap ng Diyos at magtika, nagawa mo na ang dapat mong gawin bilang isang concerned na kaibigan.

Bad mood? Pa’no tanggalin ang konsumisyon

Alam mo ba’ng maaaring madik-tahan ang mood o

emosyonal na pakiramdam mo sa pamamagitan ng pagsusuri kung bakit bad mood ka? Una, tanungin mo ang iyong sarili: “Bakit ba ang init ng ulo ko?”

Ikaw ba’y:• nag-aalala tungkol sa

pera?• nababagot sa trabaho/

eskwelahan?• kulang sa tulog?• gutom?• kailangang maghin-

tay ng isang oras para makasakay ng bus o jeep?

• namomroblema dahil baka may iba na ang sinisinta mo?

Ang pagkainis ay maaar-ing dulot ng iba’t ibang dahilan, at makabubuting suriin mo paminsan-min-san kung bakit ka ba talaga bad mood. Isa pa, huwag mong hayaang madala ka ng iyong negatibong emos-yon. Kaya mo namang kontrolin ‘yan eh. Ito ang panimula – mga puwedeng “antidote” sa pagiging ir-itable:

Isipin ang ibang tao, hindi muna ang sarili.

Sa maniwal ka’t sa hin-di, ang pagka-iritable ay maaaring mawala (kahit na pansamantala lamang) kapag bawasan natin muna ang pag-iisip tungkol sa “ako, ako at ako” at mas pagkaabalahan ang ibang tao. Kadalasan kasi, puro sa mga kagustuhan at pan-gangailangan natin tayo

Ni SNEAKERS DOMINGO

naka-focus, kaya’t kung hindi natin makuha ang gusto natin, parang ang sarap magdabog.

Halimbawa, imbis na makipagtalo tayo sa ka-patid o sa asawa tungkol sa papanooring palabas sa TV, pagbigyan na lang natin sila. Palabas lang na-man ‘yan eh.

Umidlip o kumain. Baka pagod o gutom lang

ang dahilan ng konsum-isyon mo. Napuyat ka ba? Nalipasan ng gutom? Kahit 15 minuto lang subukan mong matulog sa lunch break (huwag kalimutang i-set ang alarm) kung ito ang kailangan mo; kung hindi ka nakapag-almusal at tila hindi na tatagal ang tiyan mo hanggang lunch break, mag-merienda ka ng kahit kaunting biskwit para bumuti ang pakiram-dam mo. Kapag inaantok o kaya’y gutom, hindi lang bad mood ang maaaring abutin mo; mahirap ding magtrabaho ng maayos.

Magdasal.Kapag may pinoprob-

lema, puwedeng uminit ang ulo. Ayaw mo naman ng ganoon, di ba? Subu-kan mong magdasal – ano ba naman ang sampung minuto para kausapin ang Panginoon tungkol sa gu-mugulo sa iyong isipan? Dumaan ka sa simbahan kung may pagkakataon, umupo ka sandali at manalangin. Kadalasan, pagkatapos nito, mas mag-inhawa na ang pakiram-dam dahil naliwanagan ka na sa pinoproblema mo.

May problema ka ba? Ikwento kay Ate Ami at ipadala sa [email protected]. Huwag kalimutang ila-gay ang iyong edad at trabaho para sa mas angkop na payo.

Page 10: Tapat Vol 1 No 4

10 MARSO 26- ABRIL 1, 2013

www.tapatnews.com

@tapatnews facebook.com/tapatnews

ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT [email protected]

ni Vincent. Bandang huli ay pumayag ako na sila ang magbayad, upang hayaan silang makagawa ng kabutihan, masuklian man lang ang ginawa kong pagtuturo sa anak nila. Ganyan ang digni-dad na mayroon ang ating mga kapatid na mahihirap. Naisip ko tuloy na kung sino pa ang hindi pinalad sa salapi ay sila pa ang labis kung magbigay.

Mas tao pa sila kaysa karamihan sa mga politiko natin.

Si Kristel, Ang Santo Papa .... mula sa pahina 7

mo ng mundong dalisay, mangyaring alisin muna ang “bumubu-kol” sa unan bago tumihaya – humingi ng kapatawaran, kalimu-tan ang galit; at pagbangon ng madaling-araw ay mag-handang mag-bagong buhay. Early to bed, early to rise. Akmang aksyon ito gabi-gabi, araw-araw. Alalahanin natin ngayong Mahal na Araw, “All roads lead to forgiveness.” Ang paghingi ng kapatawaran ay susi sa katahimikan, kagalakan at mahimbing na pagtulog. Ma-ligaya Bati sa Muling Pagkabuhay!

Ang Lihim ni Gandang Humihimbing .... mula sa pahina 7

P3,000 dahil “nabitin” daw ang unit na kanyang dinadala na kara-niwan nama’y ipinadadala sa mga “extra.”

“Nagkasakit ka na nga, hindi ka na nga kumita, nagkautang ka pa,” daing ng pobreng taxi driver na kakwentuhan ko. Nakalu-lungkot ang ganitong mga pagkakataon na tila hindi nalalaman at nasisiyasat ng mga alagad ng pamahalaan. Sino ang mangan-gahas na ipasiyasat ito? Sino ang nakababatid ng tunay na kala-gayan ng mga tsuper ng taxi? Nasaan ang magagaling na party list lawmakers? Nasaan ang maeepal na senador na karamiha’y nagpapa-cute sa taong bayan?

* * *Nadagdagan ang aking mga kaibigan. Naiwan ko ang aking wal-let sa Cris-Iris Taxi (UVU 191) Linggo ng gabi. Tinawagan po ako ni Monet Timbol at ang sabi’y natagpuan ng tsuper na si Ricky ang aking wallet. Pinuntahan ko sa Kamuning area at walang anumang nawala sa laman nito. Kahit pa umano hirapan si Ricky na may apat na anak at dalawang ampong pamangkin, hindi siya nag-atubiling ibalik ang aking wallet. Salamat po sa inyo. Nag-iwan naman ako ng kahit kaunti at nangako sa aking sariling ba-balikan ko si Ricky at ang kanyang pamilya.

Usapang Taxi .... mula sa pahina 7

Ang Blackwater Sports naman ay galing sa 95-91 double overtime na kabiguan kontra Fruitas.

Gumawa ng 22 puntos si Allan Mangahas at 19 puntos si Pari Llagas ngunit hindi ito naging sapat para mapanatili nito ang malinis na kar-tada.

Sa isa pang laro sa Martes ay susubukan ng NLEX Road Warriors na masungkit ang una nitong panalo sa tatlong laro sa pakikipagharap nito sa bagong koponang Hog’s Breath Cafe.

Ang Hog’s Breath naman ay may 1-2 kartada at galing sa tambakang kabiguan laban sa isa pang bagong koponang EA Regen Med, 83-58. 

Magkakaroon naman ng Lenten Break ang liga at magbabalik sa Lunes, Abril 1, kung saan magsasagupa ang Big Chill at Cafe France, magtatapat ang EA Regen Med at Boracay Rum at magtutuos ang Ca-gayan Valley at Jumbo Plastic Linoleum.

Ikatlong panalo.. mula sa pahina 12

gap ang manggagawa ng dagdag na 30 percent ng kanyang daily rate para sa unang walong oras at kapag nag-overtime na-man ay babayaran siya ng 30 percent ng kanyang hourly rate.

Sakaling nataon naman sa rest day at nagtrabaho pa rin, tatang-gap ang empleyado ng dagdag na 50 percent ng kanyang daily rate para sa unang walong oras, at kapag nag-overtime naman ay babayaran ng dagdag na 30 percent ng kanyang hourly rate.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, kailangang sun-din ng employers ang panuntunan para sa general occupation-al safety at health labor standards para sa mga manggagawa.

DoLE pay rules.... mula sa pahina 3

Page 11: Tapat Vol 1 No 4

11MARSO 26- ABRIL 1, 2013 sportsEditor, MENERE RICAMATA NASIAD

TAPAT HIRINGACCOUNT EXECUTIVE- Graduate of Mass Communication or any related course- Willing to work under pressure and able to meet deadlines- Willing to extend hours to finish deadlines- Excellent oral and written communications skills- Good interpersonal skills- Team player- Computer Literate- Attentive to details- Passionate, hard working and well organized profes-sional with ability to prioritize and multitask- With pleasing personality

Email your resumes to:[email protected]

Coca-Cola PBA Youngstars Basketball League bubuksan sa Abril

Mabibigyang muli ng pagkakataon ang mga kabataang basketball players na makapaglaro sa mataas na lebel na kumpetisyon sa pagba-balik ng  Coca-Cola PBA Young-stars Basketball League sa Abril.

Ang torneyong ito ay bukas sa mga kabataang may edad 13 hanggang 16 taong gulang. 

Magsasagawa rin ng nation-wide tryouts ang liga sa Abril, at ang national finals, na paglalaba-nan ng apat na regional finalists (Northern Luzon, Southern Lu-

zon, Visayas at Mindanao) at ng top two finishers ng Metro Manila leg, ay nakatakda sa Mayo 19-26.

“If there is one surefire way to gain PBA’s attention and support, it is through time and resources invested on our youth as the Coke management has done by helping us organize this tournament,” sabi ni  PBA commissioner Chito Salud.

Ang mga taga-Metro Manila ay maaaring mag-tryout mula Abril 1 hanggang 13 sa Valenzuela, Marikina, Caloocan, San Juan, Manila, Taguig, Rizal, Navotas, Muntinlupa, Cainta, Pasig at Las Piñas.

Magkakaroon din ng tryouts sa Abril 2-14 sa Cagayan de Oro, Laoag, Iloilo, Zamboanga, Cav-ite, Laguna, Bacolod, Pangasinan, Davao, Cebu at Batangas.

 “I’d like to assure everyone, es-pecially the parents of our youth, of PBA’s unwavering commitment to our responsibility to serve as a role model to our precious youth. We take pride in it. We derive tre-mendous satisfaction and mean-ing from it,” dagdag pa ni Salud.

Para sa iskedyul ng tryout at clinic bumisita lamang sa   www.coca-cola.com.ph o sa  Coca-Cola Facebook fan page www.face-book.com/presidentforhappiness.

Pacers-Rockets preview ng NBA pre-season game sa Huwebes Ang mga Pinoy basketball fans na excited nang mapanood ang kaunaunahang NBA game na gaganapin sa bansa ay may pag-kakataong mapanood ang dala-wang koponan na maghaharap sa season na ito.

Sa Marso 28, Huwebes, naka-takda ang sagupaan ng Houston Rockets (38-31) at Indiana Pacers (43-26).

Kasalukuyang nasa pangala-wang puwesto sa Eastern Confer-ence ang Pacers at nakasisiguro na ito ng puwesto para sa NBA Playoffs.

Ang Rockets naman ay nasa ika-pitong puwesto sa West at kailan-gan pang magpursige para huwag mahulog sa Top 8 ng kanilang conference.

 Nakatakdang maglaro ng 2013-14 NBA pre-season game ang Houston at Indiana sa Oktubre 10 sa Mall of Asia Arena, Pasay City. 

Ang Rockets ay pinangungu-nahan nina Jeremy Lin, Chandler Parsons, Carlos Delfino at James Harden, na kasamang naglaro sa

NBA Ultimate All-Star Weekend na ginanap sa Araneta Coliseum noong Oktubre 2011.

Pero hindi tulad noong 2011, ang laro sa darating na Oktubre ay bahagi ng pre-season tournament ng liga.    

Ilan sa mga pangunahing man-lalaro ng   Pacers ay sina Paul George, Roy Hibbert, George Hill at Danny Granger.

Azkals tiniris ang Cambodia, isusunod ang Turkmenistan Pinagbidahan ni Phil Younghusband ang 8-0 pagwawagi ng Philippine Azkals laban sa Cambodia sa pagbubukas ng kampanya nito sa Group E ng AFC Challenge Cup qualifying tournament, Linggo ng gabi sa Rizal Memorial Stadium sa Malate, Maynila.

Apat na goals ang ipinasok ng striker ng bansa para pangunahan ang panalo sa larong sinuspindi ng mahigit isang oras dahil sa malakas na pag-ulan at pagbaha ng playing field.

Dalawang goals naman ang ginawa ni Javier Patino sa kanyang un-ang laro bilang Azkals at nag-ambag ng tig-isang goal sina Stephan Schrock at Carli de Murga.

Noong Biernes pa sana unang maglalaro ang Azkals ngunit umatras sa torneyo ang Brunei.

Natalo rin ang Cambodia sa unang laban nito kontra Turkmenistan, 0-7, noong Biernes.

Magsasagupa sa Martes ang Pilipinas at Turkmen kung saan draw lamang ang kakailanganin ng Azkals para pagharian ang torneyong ito at awtomatikong makakakuha ng silya para sa 2014 AFC Challenge Cup na gaganapin sa Maldives.

Page 12: Tapat Vol 1 No 4

12 MARSO 26- ABRIL 1, 2013sportsEditor, MENERE RICAMATA NASIAD

Mga Laro sa Martes (March 26)

(San Juan Arena)

2 p.m.

Blackwater Sports vs

Cebuana Lhuillier Gems

4 p.m. NLEX Road Warriors

vs Hog’s Breath Cafe

Game SchedulesMga Laro sa Miyerkules

(March 27)(Smart Araneta Coliseum)

5:15 p.m.

GlobalPort vs

Meralco

7:30 p.m. Petron

vs Alaska

TeamStandings

Alaska          Rain or Shine      Petron  Talk ‘N Text      Air21 SanMig Coffee     Ginebra           Meralco    Barako Bull      GlobalPort 

W7765555432

L3335555578

Alaska, Petron babangon sa masaklap na kabiguan Kapwa galing sa mapait na kabiguan ang Alaska Milk at Petron Blaze na magtatapat sa Martes, Marso 27, sa pagpapatuloy ng Philippine Basketball Association (PBA) Com-missioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Noong Sabado ay bini-go ng SanMig Coffee ang Alaska, 84-83, sa isang kontrobersyal na laro na na kinatampukan ng mul-ing pagharap ni Mixers head coach sa dati niyang koponan.

Ito ang ikawalong pag-kakataon na makalaban ni Cone ang koponang mi-nanduhan niya ng maha-bang panahon at hinatid sa maraming kampeonato at sa ikawalong pagkakataon din ay nanaig ang koponan ng beteranong coach.

Nagkaroon ng kontrob-ersiya ang pagtatapos ng labang ito bunga ng

“double lane violation” na itinawag ng referee ha-bang nasa free throw line ang ace rookie ng Alaska na si Calvin Abueva.

May 12.1 segundo na la-mang ang natitira sa laro nang ma-foul si Abueva. Nag-mintis siya sa una ni-yang tira ngunit bago pa man niya mabitawan ang pangalawa niyang gift shot ay tumawag ng double lane violation ang reperi at pinigilan si Abueva sa kanyang pangalawang at-tempt. Sa halip ay nagka-roon ng jump ball sa gitna ng court.

Ayon kay Alaska coach Luigi Trillo, nagkamali sa tawag ang reperi. Sa halip na magkaroon ng jump ball ay warning lang dapat ang ipinataw nito at binig-yan dapat ng isa pang pag-kakataon si Abueva sa free throw line.

Bagaman nagbanta ang

Aces na maghahain ng protesta sa PBA Commis-sioner’s office ay nagpasya itong iurong ang reklamo.

Sa huling laban naman ng Petron ay pinataob ito ng Talk ‘N Text sa overtime nitong Biernes, 93-85. Ang masaklap sa kabiguang ito ay matapos na maghabol ang Tropang Texters at makapuwersa ng over-

time ay napigilan nito ang Petron na maka-iskor sa five-minute extension.

Abante ng anim na pun-tos ang Petron, 37.1 seg-undo na lang ang natitira sa laro nang mag-rally ang Tropang Texters at maka-puwersa ng overtime, 85-all.

Sa overtime ay lalong hinigpitan pa ng Talk ‘N Text ang depensa habang nagmintis naman ang Petron sa lahat ng kanilang mga tira.

Matapos na biguin ng Talk ‘N Text ang Petron ay sila naman ang pinabag-sak ng Rain or Shine, ang koponang kanilang tinalo sa nakalipas na Philippine Cup finals.

Pinahiya ng Elastopaint-ers ang Tropang Texters, 116-85, Linggo ng gabi para makasalo ng Rain or Shine ang Alaska sa liderato at bumagsak naman ang Talk ‘N Text sa pang-apat na puwesto katabla ng Air21, SanMig Coffee at Ginebra.

Ikatlong panalo puntirya ng Blackwater, Cebuana Lhuillier

Maghihiwalay ng landas ang   Blackwater Sports at   Cebuana Lhuillier sa pagpapatuloy ng PBA D-

League Foundation Cup sa Martes, Marso 26, sa San Juan Arena.

Parehong may dalawang

panalo at isang talo ang Elite at Gems at ang ma-nanalo sa larong ito ay ma-nanatili sa pangalawang puwesto sa likod ng wala pang talong Fruitas Shak-ers (3-0).

Ang Cebuana Lhuillier ay galing sa maigting na panalo laban sa nagdede-pensang kampeong NLEX, 71-64. Sa larong iyon ay naglikom ng 16 puntos at 11 rebounds si Gab Banal at nagdagdag naman ng 10 puntos si James Mar-tinez kabilang ang isang importanteng tres sa hul-ing minuto na laro na nag-siguro ng panalo para sa Gems. 

- pahina 10