21
North Central Mindanao College Maranding, Lala, Lanao del Norte Mga Tsokolateng Burol: Isang Panimulang Pagtatalakay Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Filipino 2 Nina: Millang, Raymund D. Dablo, Jenebith D.

Term Paper

Embed Size (px)

DESCRIPTION

ito ay tungkol sa CHOCOLATE HILLS IN BOHOL

Citation preview

Page 1: Term Paper

North Central Mindanao College

Maranding, Lala, Lanao del Norte

Mga Tsokolateng Burol: Isang Panimulang Pagtatalakay Bilang Bahagi ng

Pangangailangan sa Filipino 2

Nina:

Millang, Raymund D.

Dablo, Jenebith D.

March 2012

Page 2: Term Paper

PASASALAMAT

Isang taos pusong pasasalamat ang ipinarating ng mga mananaliksik sa

mga kaklase at kaibigan na walang sawang nagbibigay ng mga ideya para

makabuo ng mga impormasyon.

Para sa kanilang guro na si Bb. Rizza Marie Gonzales na nagbigay ng

pag-aaral na ito at nagsilbing patnubay para magkaroon ng maayos na

pagsasaayos ng mga impormasyon at upang maihanda kami sa paggawa ng

parehong pananaliksik sa hinaharap.

Sa naging insperasyon ng mga mananaliksik para siguruhin na matapos

ang pag-aaral na ito, ang kanilang pamilya at mga mahal sa buhay. Sila’y walang

sawang nagbibigay ng suporta na nagdulot ng lakas ng loob para matapos itong

pag-aaral nila.

At higit sa lahat, isang taos pusong pasasalamat ang ipinarating mga

mananaliksik sa maykapal, para sa mga magandang bagay na naihandog niya.

Binigyan niya ito ng nauukol na talino at galing upang matapos ang pag-aaral na

ito.

Page 3: Term Paper

TSAPTER 1

INTRODUKSYON

Isa ang Pilipinas sa mga napakaraming bansang mayaman sa likas na

yaman; yaman na binabalik-balikan ng mga turista na siyang makakatulong din

sa dagdag kita ng gobyerno ng bansa. Ngunit sa bansa ding ito, makikita ang

mga kapus palad ng mga residente, mga residenting kadalasan ding

nakikinabang sa mga likas na yaman; at sa gawaing iyon,makikita natin kung

gaano ka importante at gaano makakatulong ang isang kalikasan para sa

lipunan.

Kaya pinapahalagahan natin ang mga yaman ng kalikasa dahil dito

magsisimula ang pag-unlad at pag-yaman ng ating bansa. At ito ay nagdulot ng

pagpupursigi ng mga mananaliksik na pag-aralan man lang ang kahit isa sa mga

magagandang tanawin na dinarayo ng mga dayuhan; ito ay ang kakaibang

tanawin na tinatawag na mga tsokolateng burol at chocolate hills sa ingles ng

bohol.

Page 4: Term Paper

1.1 Paglalahad ng Suliranin

1.1.1 Ano ang chocolate hills?

1.1.2 Ilan ang tamang bilang ng mga burol sa chocolate hills ng Bohol?

1.1.3 Gaano kataas ang mga burol sa chocolate hills?

1.2 Kahalagahan ng pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay buong pusong naniniwala na ang pag-aaral na

ito ay napakahalaga. Napakahalaga na magkaroon ng sapat na kaalaman ang

mga mambabasa ukol sa kahalagahan at importansya ng kalikasan.

Ang mga datos at impormasyong nakalahad ditto sa mga mambabasa ay

nagbibigay karagdagang kaalaman tungkol sa isang likas sa yaman.

Sa pamamagitan ng pananaliksik na higit na maiingganyo ang mga

dayuhan gayun din ang mga pilipino’ng hindi pa nakarating sa nasabing tanawin.

1.3 Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa karagdagang kaalaman tungkol

sa isang likas na yaman nang sa gayun ito ay lubos na mauunawaan lalo na ang

mga nakatagong taglay nitong katangian.

Page 5: Term Paper

Ang pananaliksik ng delimitasyon ng pag-aaral nito ay kong paano

nagkaroon ng ganitong tanawin sa Bohol, at basi sa mga teoryang napag-aralan

nila; ayon sa alamat, sinasabing ang mga maliliit na bulubunduking ito ang mga

bakas ng mga tulo ng luha na isang higanteng sawi sa pag-ibig.

1.4 Depinisyon ng mga Katawagan

Upang mas madali at ganap ang pagkaintindi ng mga mananaliksik ng

mga mambabasa minamarapat ng mga mananliksik na bigyan ng depinisyon ang

mga sumusunod sa pag-aaral batay sa kung paano ginagamit ang bawat isa sa

pamanahong papel.

Limestone – ito ay isang uri ng bato na kung saan hindi ito tinutubuan ng kahit na

anong punong kahoy.

Chocolate hills – tsokolateng burol sa Filipino, ito ay isang anyong lupa sa

sa pilipinas na matatagpuan sa hangganan ng mga lalawigan ng

Carmen, Bohol.

Kalikasan – ay ang lahat ng bagay na natural at katutubong mula sa at nasa

Swansinukob. Hindi ito artipisyal o gawa na tao.

Page 6: Term Paper

TSAPTER 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

2.1 Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ang anyong lupa na ito ay nagdudulot ng maraming benepisyo; dulot na

rin sa mga turistang dumadayo nito, unang-una ito’y nagbibigay ng mga

karagdagang trabaho para sa mga residenteng naninirahan malapit ditto.

Pangalawa; ito ay makapagpalakas sa turismo ng bans – makapagpatindi sa

mabuting relasyon ng mga Pilipino at ng mga iba’t ibang lahing dayuhan. At para

sa ekonomiya ng bansa ang tanawing ito’y napakahalaga at importante dahil

hindi lang sa nakapagbibigay ito ng mga tarbaho kundi malaking karagdagang

kita din ng bansa ang maiambag nito. Ilan lang ito sa mga benepisyong

maidudulot nitong likas na yaman ng bansa; mga benepisyong higit na

makakatulong hindi lang sa mga mamamayang Pilipino kundi gayun din sa

bansang pilipinas mismo.

2.2 Mga kaugnay na Literatura

Ang pananaliksik ay maituturing yaman ng mga mananaliksik sapagkat

ditto makikita at matutunan ang mga iba’t ibang impormasyon tungkol sa isang

Page 7: Term Paper

bagay. Tulad na rin sa mga iba’t ibang literatura ditto sa pilipinas na gawa mismo

ng mga Pilipino. Minsan, sa pananaliksik ; ang mga mananaliksik ay nagkaroon

ng mga iba’t ibang problema at hadlang para ituwid at maipagpatuloy at lalong

lalo na itoy matagumpay na matapos; ngunit ito’y matagumpa’ng natapos dulot

narin sa pagpupursigi ng mga mananaliksik.

2.3 Batayang Teoritikal

Ang mga tsokolateng burol ay binubuo ng mga nagagandaha’t

dambuhalang burol; ngunit alam nyu ba kung bakit nagkaroon ng ganitong

tanawin sa Bohol? Sa pag-aaral ng mga mananaliksik, natuklasan nila ang

kasagutan para sa tanong na ‘yan; isang teorya ang nagsasabing ang mga burol

nay un ay likha ng isang higante na sa kasawiang palad ito ay bigo sa pag-ibig;

ito’y nagkaroon ng panahon ng umiyak nang umiyak, mg luha’y dumaloy at sa

lupang patak nang patak at tumubo bilang mga nagagandahang burol na ngayo’y

tinatawag na mga tsokolateng burol.

Page 8: Term Paper

2.4 Batayang Konseptwal

Figyur 1. Iskima ng Paradaym ng Pananaliksik

Ang hugis tatsulok ay lumalarawan sa mga tsokolateng burol ng Bohol; at

ang mga parisukat naman ay sa mga benepisyo at mga mabuting naidulot at

maidulot ng likas na yamang ito para sa lipunan at maging sa bansa.

Mga tsokolateng burol

Nakapagbigay ng mga karagdagang trabaho sa mga residente ng

Bohol.

Makapagpalakas ng turismo ng bansa.

Makapagpabuti sa ekonomiya ng bansa

sapagkat makakapagbigay ito ng karagdagang kita

ng gobyerno dulot ng ng mga turista.

Page 9: Term Paper

Ang konseptong ito ay inilalahad ng mga mananaliksik hindi lamang para

sa mga mambabasa kundi sa mga tao na rin a buong mundo na dito sa pilipinas

makikita ang mga magagandang tanawin lalong lalo na ang mga tsokolateng

burol. Higit sa lahat, ang mga likas na yaman ding ito, ay may mga taglay na

benepisyo at mga mabubuting dulot; kaya naman ito ay pinapahalagahan at

nilalaanan ng importansya ang mga Pilipino.

Page 10: Term Paper

TSAPTER 3

METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

3.1 Pangungulikta at Pagsasayos ng mga Datos

Ang pangungulikta ng mga datos mananaliksik na ayon sa paksa ay

tungkol sa mga tsokolateng burol. Ito ay makakatulong sa kanilang bansa kundi

rin sa kanilang gobyerno dahil bawat punta ng mga turista sa kanilang bansa ay

nakadagdag kita. Kaya pangalagaan ang likas na yaman na ipinagkaloob na

diyos sa ating bansa. Ang mabuting maidudulot ng mga tanawing ito ay

napakalaki isa na ang pag-unlad ng ekonomiya sa kanilang bansa.

3.2 Pag-aanalisa na mga Datos

Ang paraan ng mananaliksik sa pag-aanalisa ng mga datos, ay kung saan

ang mga detalye ng paksa na ito ay isinasagawa ng mananaliksik bilang ng

paraan na pag-aarange ng mga datos na ito. Isa sa bahagi na ang paksang ito

ay ineresearch muna ng mga mananaliksik para ang mananaliksik ay

makapangalap ng mga datos.

Page 11: Term Paper

TSAPTER 4

PRESENTASYON, ANALISIS AT ENTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa pananaliksik ang paggawa ng pamanahong papel ay isa sa

pinakamatinding hamon sa buhay, dahil dito naibuhos at maipakita ng

mananaliksik kung anuman ang makakayahan ritong makapangalap ng mga

impormasyong ukol sa paksa, peru sa buhay estudyante mahalaga para ito

upang may matutunan tayong lahat na mananaliksik na kung paano maisagawa

ang mga ito. Ang paglalahad ng mananaliksik ng paksa na ayon sa sumusunod

ng suliranin.

Ang mga tsokolateng burol ay isang malawak na lupain kung saan

matatagpuan ang napakaraming burol. Ito ay tinatawag na tsokolateng burol

dahil ito ay kulay tsokolate tuwing tag-init o tag-tuyot at ito naman ay kulay berde

tuwing tag-ulan. Ito ay makikita sa Brgy. Carmen sa Bohol. Ang dahilan kong

bakit hindi ito tinutubuan ng kahit anong puno dahil sa ilalim nito ay puno ng

limestone.

Ang pag-aanalisa ng mga impormasyon na kung saan ang mga detalye

ng paksang ito ay ipinaghahanay ng mananaliksik para ito ay maipakita ang

pagprepresenta ng mananaliksik sa mga tao.

Page 12: Term Paper

TSAPTER 5

BUOD

Mga tsokolateng burol

Layunin ng tsokolateng burol na makakapagbigay ng iba pang

impormasyon sa mga taong may gusto pang malalaman.

Ang paglalahad na ito ay ang mga tsokolateng burol binabalik balikan ng

mga turista. Marami talaga ang naiingganyung mga turistang gusting makapunta

sa pilipinas para lang mapuntahan ang mga tourist spot.

5.1.1. Ano ang tsokolateng burol?

5.1.2. Ilan ang tamang bilang ng mga burol sa bohol?

5.1.3. Gaano kataas ang mga daan’daang burol sa bohol?

Ang mga tsokolateng burol ay isang malawak na lupain kung saan

matatagpuan ang napakaraming burol. Ito ay tinatawag na tsokolateng burol

dahil ito ay kulay tsokolate tuwing tag-init o tag-tuyot at ito naman ay kulay berde

tuwing tag-ulan. Ito ay makikita sa Brgy. Carmen sa bohol. Ang dahilan kung

bakit hindi ito tinutubuan ng kahit anong puno dahil sa ilalim nito ay puno ng

Page 13: Term Paper

limestone. Ang tsokolateng burol ay binubuo ng 1,268 na hugis tatsulok na mga

burol. Ang burol ay kadalasang may taas na 30 hanggang 120 metro. At ang

mga ito ay tumubo sa buong 50 kilometro kwadrado sa bahagi ng lupain ng Brgy.

Carmen, Bohol.

Page 14: Term Paper

BIBLIYOGRAPI

Chocolate hills._ _ 1995._ _Nakuha noong ika- 19 ng Pebrero mula sa

websayt:Wikipedia.org/wiki/chocolate_hills.com

Bundok._ _1991._ _Nakuha noong ik-1 ng Marso mula sa wikibooks:www.bohol-

philippines.com

Page 15: Term Paper

5.2 Konklusyon

Nais iparating ng mga mananaliksik na sa mga mambabasa na bigyan nila

ng pansin ang kanilang kalikasan upang mapanatili ang kagandahan at

kasiglahan ng kanilang bayan. Ayon sa pananaliksik na ito, maraming mga

turista ang dumarayo sa pilipinas para lang makapunta sa bohol at Makita ang

mga tsokolateng burol. Marami ang humahangang turista dahil sa hugis tatsulok

nito at magandang tanawin habang nasa ibabaw naka nito, kaya pabalik balik

ang mga turista at isa din kaya sila naiingganyo dahil nagiging magiliw anng mga

tao sa kanila.

5.3 Rekomendasyon

Pagkatapos na pananaliksik tungkol sa mga tsokolateng burol naisaad ng

mananaliksik kung ano nga talaga ang tsokolateng burol ito ay isang likas na

yaman kung saan matatagpuan sa pilipinas, yaman na binabalikbalikan ng mga

turista. Naibahagi rin ng mananaliksik ang mga posibleng maraming mga turista

ang makapunta hindi lang sa bohol kundi sa iba’t iba pang mga magagandang

tanawin sa pilipinas.