489
The Game of My Life Mukha akong ewan doon sa loob ng gym habang nag-aayos ako ng mga files ng mga boys sa basketball team. Paano ba naman kasi, sinasaulo ko lahat ng tungkol sa kanila dahil importante daw yun sabi ni Coach para daw at least kilala ko yung mga pakikisamahan ko. Kung may pumasok nga siguro dito na tao maliban kay coach eh siguro napagkamalan na akong nagboboy-hunt. As if naman mahilig ako sa ganoon diba? By the way, sinabi sa akin ni coach kanina na kahit anong mangyari daw eh wag na wag kong ipapakita sa iba yung list. Mayroon daw kasing personal comments si coach dun, kaya ayun na nga. Mukha akong spy dito na patingin tingin pa sa kaliwa at kanan dahil takot mabisto. Binuklat ko naman kaagad yung files. Randomly kong kinuha yun, at una kong nakuha eh yung file ni Mark. Name: Mark Arvin Fellacio Nickname: Mark Birthday: February 12

The GAME of My Life Story

Embed Size (px)

DESCRIPTION

hjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjgggggggggggggggggggggggggggggggggg

Citation preview

Page 1: The GAME of My Life Story

The Game of My Life

Mukha akong ewan doon sa loob ng gym habang nag-aayos ako ng mga files ng mga boys sa basketball team. Paano ba naman kasi, sinasaulo ko lahat ng tungkol sa kanila dahil importante daw yun sabi ni Coach para daw at least kilala ko yung mga pakikisamahan

ko.

Kung may pumasok nga siguro dito na tao maliban kay coach eh siguro napagkamalan na akong nagboboy-hunt. As if naman mahilig

ako sa ganoon diba?

By the way, sinabi sa akin ni coach kanina na kahit anong mangyari daw eh wag na wag kong ipapakita sa iba yung list. Mayroon daw kasing personal comments si coach dun, kaya ayun na nga. Mukha akong spy dito na patingin tingin pa sa kaliwa at kanan dahil takot

mabisto.

Binuklat ko naman kaagad yung files. Randomly kong kinuha yun, at una kong nakuha eh yung file ni Mark.

Name: Mark Arvin FellacioNickname: Mark

Birthday: February 12Ranking: Top 1

Comments: “Masipag maglaro. Tahimik. Suplado sa babae, pero madaling pakisamahan ayon sa mga kateam niya.”

Naks naman itong si Coach. Talagang alam niya pati nangyayari sa mga “love life” ng players niya. Hmm, anu nalang kaya iisipin nung

iba kung malaman nila hawak ko ngayon ang file ni Mark Arvin

Page 2: The GAME of My Life Story

Fellacio?

Kung papansinin niyo kasi sa school, sobrang popular nitong lalaking ito. Marami ngang boys na naiinggit sa kanya pero sa kanya,

balewala lang ang mga iyon. Wala siya talagang pakielam sa mga humahabol sa kanya.

Isang beses nga eh, last year ata iyon, may lumapit sa kanyang babae tapos nagbigay ng sulat…

“Ano ito?” yung mata niya nanlilisik na sa galit.

“S-sulat”

“Alam kong sulat ito. Hindi ako tanga. Para saan ito?”

“Gusto ko s-s-sana makipagkaibigan.”

Sobrang nagulat nalang ang lahat noong bigla niyang tinapon yung sulat sa harap nung babae. At siyempre, anu pa ang reaksyon nung

kawawang girl kung di umiyak nalang.

Naglakad na siya noon pero hindi pa kalayuan ay tumigil siya para magsalita, pero hindi man lang niya nilingon yung babae.

“Hindi ko kailangan ng mga basura niyo. So pwede lang? Tigilan niyo na ako?”

At siyempre, magmula noon, wala nang nagbigay ng sulat sa kanya. Yung mga kawawang admirers naman nung loko, patingin tingin nalang kapag may practice sila. Pero siya, todo dedma talaga.

Initsa ko na yung file niya sa kabilang side ko tapos humugot na naman ng bago. This time, it belongs to Timothy.

Name: Timothy Lian GonzalesNickname: Lian

Birthday: January 26Ranking: Top 1 (Huh? Pantay sila ni Mark!?!?)

Comments: “Napakakulet na bata. Magkapareho sila ni Mark na magaling at top 1 pero ang kaibahan nga lang, mas marunong

makisama ito sa mga tao sa labas ng team.”

Hmmm, mukhang interesting year ito ah? Malamang magkakaalaman kung sino talaga ang top 1 sa taong ito. Kasi naman eh, naimbento yung Player of the Year ng school. Qualified lang ang

nasa Magic 5 ni Coach Roel.

Oo nga pala, ang magic 5 eh yung top 5 players na sobrang galing. Ngayong taon ito, 4 lang sila dahil nga may nagtie sa 1st spot.

Page 3: The GAME of My Life Story

Naaalala ko sa Lian na ito eh siya yung pinakamakulit sa klase. Oo, naging kaklase ko siya dati nung 2nd year palang ako. Sobrang kulit

kamo. Madalas siya pinapababa sa sub-unit head. Hindi naman ganoon kalaki ang punishment since pangungulit lang iyon. Pero

may times na sumosobra na kaya kelangan na rin niyang mag CS.

Nope, hindi Counter Strike yang CS na sinasabi ko at mas lalong hindi yan Common Sense. Ang CS ay short for Community Service. Yan ang parusa parati sa school namin para dun sa mga mag-aaral

na pasaway at palaaway. Usually, ang pinapagawa sa kanila eh maghuhugas ng pinggan, maglilinis ng CR, tatanggalin ang

vandalism sa AVR (kahit na alam naman ng lahat na the next day eh dadami ulit iyon) at syempre, huwag kakalimutan ang magpulot sa

buong high school grounds.

Yung mga parusa na iyon, effective lang iyon para sa high school building. Maawa naman sila siguro kung idadamay pa nila pati Grade

School at Pre-school Buildings.

Anyway, bakit na nga ba tayo nadayo sa CS? Pati tuloy ako natigil ko yung pagbabasa ko sa mga file. Tulad ng ginawa ko sa file ni Mark,

isinantabi ko rin muna yung kay Lian. Tapos humugot na naman ako ng bago.

Name: Andrew Ritchie LeannoNickname: RichieBirthday: April 12

Ranking: Top 3Comments: “Kapag Ikinompare mo ang basketball team sa isang

pamilya, si Richie ang magiging black sheep. Kahit sa mga kateam mates niya eh hindi siya marunong makisama. Magaling siya, pero hindi ibig sabihin noon ay pwede na siyang magpababa ng iba.”

Hmm, black sheep? Hindi ba parang harsh naman yata noon? Ayun, hindi na ako masyado pang nagpaliguy-ligoy. Tinuloy ko nalang ang

pagbabasa sa iba pa nilang files.

Mga nakaka 30 minutes na siguro ako dun sa storage room before ko matapos lahat. At sa wakas! Tapos ko na siya. Wish ko lang sana eh

matandaan ko ang lahat ng aking binasa.

Hmm, test nga, si Mark ang tahimik at suplado; si Lian ang makulet; si Richie ang black sheep; si Kiko ang joker; si Patrick ang nice guy;

si Rio ang smart guy, o baka naman baliktad? Hala! Anu ba iyan, katatapos ko pa nga lang basahin eh nakalimutan ko na agad??

Anung klase naman iyan?? Waah!

Hay naku! Kung bakit ba kasi Basketball pa ang napili kong favorite sport at assistant ng coach pa ang napili ko as extra-curricular

Page 4: The GAME of My Life Story

activity?!?! Nakakabadtrip naman oh!

“Tapos ka na ba??”

Whoa! Andito na pala si Coach!

“Umm, opo…kaso hindi ko pa gaano saulo…” Siyempre nahiya ako.

“Ayos lang yan, may ibang araw pa. Bakit iniisp mo ba na ineexpect ko na isasaulo mo iyan ngayong araw na ito??” natawa pa nga siya

noon eh pero ako, since guilty as charged, natahimik lang.

“Seryoso ka?? Ay naku Miss Kheira, kahit sino pa mang ganoon kagaling ay hindi rin nila masasaulo iyan in 30 minutes!”

Napatingin lang ako sa kanya. Pero siyempre, grateful din dahil hindi ko naman pala kailagan imemorize ngayun.

“Sige po Coach, mauuna na ako.”

Nagpaalam na ako sa kanya noon paagkatapos eh kinuha ko yung gamit ko sa locker girl’s locker room tapos umalis na ako.

Papalabas na sana ako ng school ng biglang may tumawag sa akin.

“Miss Aruello! Miss Aruello!”

Lumingon naman ako kaagad dahil syempre, teacher din yun. Si Miss Roxas pala, yung adviser namin yung humahabol.

“Miss Roxas, bakit po?”

“Miss Aruello, nakalimutan mo yatang ipasa yung homework mo kanina?”

Anak ng tipaklong! Oo nga no! buti nalang mabait itong si Ma’am at kaclose ko pa. Kung di, 0 agad ako sa grade. Ganyan naman si

Ma’am sa lahat sa amin eh. Palibhasa, advisory class niyan kami. Kaya ayun, medyo considerate; kaya naman kami, hindi namin

sinasagad.

“Ma’am! Salamat po at pinaalala niyo. Sorry po at napahabol pa kayo sa akin.”

Nilabas ko naman kaagad yung homework ko at binigay ko sa kanya. Nagnod lang naman siya sa akin tapos tumuloy na rin ako sa pag-uwi

ko.

Page 5: The GAME of My Life Story

“KHEIRA ELIZABETH ARUELLO! BAKIT LATE KA NA NAMAN??”

Hay naku! Eto na naman si Kuya na nagpapanggap na tatay ko!

“AY naku kuya! Mahabang storya!” paakyat na sana ako doon sa kwarto ko pero humarang naman yung isa ko pang kapatid.

“OPS! Teka lang Kheira! Hindi mo naman sinagot yung tanong ni Kyle eh.”

Ito talagang mga kuya ko, ang hilig akong cornerin Anu pa bang magagawa ko kung di mag-explain nalang di ba?

“Kasi naman po, may pinagawa pa sakin si Coach. Tapos nakasalubong ko pa si Miss Roxas at pinasa ko pa yung homework

ko. Okay na ba? Pwede na ba akong umakyat?”

Hay naku! Iba na talaga pag only child ka ng pamilya tapos bunso ka pa!

“Fine sige, umakyat ka na. Mukhang pagod na pagod ka na eh.”

At syempre, ako naman eh takbo kaagad dun sa taas papuntang kwarto ko. Siguro nagtataka kayo kung bakit kuya ko ang

nagsermon sakin at hindi parents ko? Ganito kasi yon.

Papakilala muna kami sa inyo. Yung sumigaw sa akin kanina nung pagkadating ko yun yung pangalawa sa aming 3 magkakapatid. Si Kuya Kyle Enrico a.k.a. Kyle-- ang pinakamakulet sa aming lahat.

Tapos yung sumunod naman sa kanya eh ang pinakamatanda na si Kuya Karlo Erin a.k.a. Kaloy-- the responsible kuya. At syempre, ako naman ang bunso na si Kheira Elizabeth a.k.a. Kheira-- the normal

teenager. At kaming lahat ay galing sa pamilyang Aruello.

Back to the question, bakit hindi parents ko ang nanermon?? Kasi, bata pa lang ako nung mamatay sila. Nagcrash yung airplane na

sinasakyan nila nung pumunta silang probinsya.

So magmula noon, yung uncle na namin nag-alaga sa amin. Pero syempre, hinintay lang ni kuya Kaloy na makatapos siya tapos sinabi

niya na lilipat na daw kami. Syempre naman, may hiya rin naman kami no.

So after nga magtapos ni kuya ng Nursing, umalis na kami sa uncle namin. 3 years narin ang nakakalipas magmula nung grumaduate si Kuya. Marami narin ang nangyari mula noon. Dun lang kami nagstay sa school namin ni Kuya Kyle since yun na daw yung mas mabuti kasi maganda naman daw yung quality ng education. Tapos nun, back to

normal na.

Page 6: The GAME of My Life Story

Minsan nga eh, natatanong sa akin ng mga kaibigan ko kung namimiss ko ba yung parents ko, at parating sagot ko naman ay…

“Paano mo mamimiss ang taong hindi mo naman nakilala?”

So where does it all end? Yung dalawa kong makukulit na kuya ang aking naging “parents”. So syempre, sobrang close ko sa kanila kahit hindi ganoon kahalata.  Wala na masyadong nangyari mula

noon. Medyo naging dull nga pero napagtiyatiyagaan narin.

All I know is, wala nang makakapagpabago sa takbo ng buhay ko. Same normal life. Just like how it should be. Or so I thought.

Chapter 1

“HOY KHEIRA! ANONG ORAS MO PLANONG BUMANGON?? MALALATE KA NA! ALAS-7 NA!”

Wow, ang ganda naman ng wake-up call ko. Grabe talaga itong si kuya. Parang 7 pa lang---ANO DAW!?!?!?

“WHAT!?!? BAKIT HINDI NIYO AKO GINISING!??” tapos takbo naman ako sa C.R. at naligo ng sobrang bilis. Hindi naman kasi ako talaga matagal maligo di tulad ng ibang babae na “kikay”. Ayos na sakin basta ba nakapagshampoo na ako at sabon. Basics lang talaga.

Pagkalabas ko eh dinampot ko kaagad yung gamit ko tapos tumakbo na ako paalis.

“Bye MGA KUYA!!”

“Hindi ka kakain??”

“Hindi na!”

Grabe! Late na talaga ako nito! Bakit ba kasi hindi ako kaagad nagising eh. Pasalamat nalang ako at walking distance lang yung

aming bahay kung di patay na ako!

At sa awa naman ni Papa God, nakarating ako sa school ng buhay at hindi late. Syempre, hindi parin tapos yung marathon ko hangga’t di

pa ako nakakarating sa classroom.

Page 7: The GAME of My Life Story

July na nga pala ngayon. Wala naman kasi nangyari masyado nung June kaya hindi nalang ako magkukuwento tungkol doon. Puro

lessons lang saka nagkaroon ng salihan ng club.

Ayun, nakaratin na rin ako sa aming classroom at laking pasalamat ko nung makita kong wala pang teacher. Grabe, kung nakita niyo

sana ako eh sobra ang pagtagaktak ng pawis ko.

“HoY! Bakit ganyan ang itsura mo at para kang sinagasaan ng 10 elepante?? NARAPE KA BA??

Sasagot na sana ako dun sa biro nung best friend ko na si Lia pero may sumabat naman na tsismosa.

“May mangrarape ba diyan?? Wala naman nagkakanasa sa kanya eh! Anu naman kasi ang pagnanasahan?”

Tapos nun eh tumawa siya kasama nung clones niya. Nakitawa naman yung iba kasi takot sila sa kanya. Oo nga pala, siya nga pala si Reiya. Kung sa Lizzie McGuire eh mayroon Kate Sanders, sa amin din meron sariling ganyan, at tinatawag siya sa pangalan na Reiya

Pastor. The meanest meanie of St. Agustine Academy

“Alam mo Reiya, ang normal na tao, nagpapasalamat na hindi sila marape dahil kahihiyan iyon. Pero sa tingin ko, accomplishment pa iyon para sa iyo eh. So tell me, ilang beses ka na bang narape? Oh,

let me rephrase that, ilang beses ka nang nagparape?”

Napahiya naman siya noon kaya tumahimik nalang. Hindi narin lumaki yung gulo since dumating na yung teacher namin tapos

nagmorning assembly na rin kami.

“Okay, so class, may pinapagawang activity yung guidance sa inyo ngayong araw na ito.”

Hmm, mukhang interesting itong homeroom period na ito ah.

“Lahat kayo ay kailangan kumuha ng papel tapos magsulat kayo ng name niyo sa bond paper na ibibigay ko. Lakihan niyo pero hindi dapat sakop ang buong papel. Kahit nakapagitna lang ito. Tapos

noon, ipagpapasa pasa natin lahat ang papel at bibigyan kayo ng 10 seconds para magsulat ng kung anong meron sa nakuha niyong

paper. Positive trait man o Negative.”

Hmm, interesting nga. Pero, panigurado mayroon kaagad akong 3 na negative trait dahil sa Reiya na iyon saka yung dalawa pa niyang

clones. Who cares?

“Now ipapaalala ko lang sa inyo na bawal ang mga indecent words tulad ng mga mura mura. Pag ako nakakita ng ganoon sa papel eh

Page 8: The GAME of My Life Story

siguraduhin na nung nagsulat na magCS siya for a month!.”

Syempre susunod yang mga yan. CS ba naman ng 1 month eh! Sinong baliw ang may gusto noon?

Nagstart na kaming magsulat ng mga names namin tapos sinimulan na rin ang pagpapaikot nito. Syempre, una kong nakuha yung paper ni Lia kasi katabi ko lang siya. Nagsulat lang ako doon na sobrang

astig niyang kaibigan.

After 10 seconds nagpalit na naman. Ang nakuha ko naman ngayon eh yung kay Richie. Hindi ko actually alam ang isusulat ko since

ayoko naman ilagay ang pagiging “black sheep” niya sa team. Hmm, bahala na. Nagsulat nalang ako roon ng matalino para safe answer.

Wala naman kasing bobo sa section 1 eh.

Ayun so nagpalit na naman tapos nakuha ko yung paper nung isa kong kaklase na sobrang kapal ng glasses. Nagsulat lang ako doon

ng mabait, pero totoo naman talaga.

Matagal din paulit ulit yung ginagawa namin. Nahirapan na nga ako kung anung masusulat ko sa isang tao eh. Yung iba naman, dahil walang magawa, nagsulat ng pare-pareho sa lahat ng tao. Tapos

yung isang kong pilyo na classmate, sinulatan ang lahat ng paper ng lalaki na SEXY tapos yung mga babae naman eh MACHO

Sa wakas, nabalik din sa amin yung papers namin. Infareness talaga, nag-enjoy ako roon sobra. Tinignan ko naman yung paper ko. Ayun, puro friendly at mabait lang ang nakalagay. Hmm, ang weird. Bakit wala yatang negative dito?? Ineexpect ko pa naman na 3 makukuha

ko. Pero ni isa wala. Odd.

“Hoy, patingin ng paper mo.” Sinabi ko kay Lia tapos sabay abot naman siya agad nung akin. Wala rin sa kanyang nakasulat na

negative. Bakit ganoon? Eh pareho kaming hate na hate ni Reiya.

Inikot ko naman yung tingin ko tapos hinanap ko si Reiya. Oh, bakit nawala yata?

Napansin siguro ni Lia na sobrang nagtaka ako kaya bigla siyang nagsalita.

“Wala si Reiya, pinatawag silang 3 nung sub-unit head.”

Kaya naman pala eh. Tumango lang ako sa kanya noon. Tinignan ko ulit yung iba kong mga classmate na nagtawanan dahil sa comment sa kanila. Tapos natigil yung tingin ko kay Mark. Parang wala siyang pakielam sa mga nagcomment sa kanya. Siniko pa nga siya ni Lian

eh para pakita yung nakakatawang comment pero tumango lang siya tapos binaba yung ulo niya at mukhang matutulog na yata.

Page 9: The GAME of My Life Story

Siguro nga dahil na rin sa magkateam sila ay kaya kinakausap ni Mark si Lian. Pero feeling ko hindi naman talaga sila ganoon kaclose di tulad ni Lian sa kabarkada talaga niya. Ewan ko ba dito kay Mark,

marami naman ang may gustong makipagkaibigan pero pilit na tinatanggihan. Para bang, ang gusto lang niya eh maglaro ng

basketball tapos ayun na. Wala na siya pakielam sa iba.

Natapos naman na yung homeroom tapos second period na namin. Health. Wala naman masyadong ginawa. Nagdiscuss lang tungkol sa first aid tapos noon sinabi na samin yung tungkol sa activity for next

week. Tapos nun, Wee! Break na!

Hinatak ko naman si Lia para pumunta kami sa Locker tapos nun habang kumukuha kami ng napakaraming gamit eh biglang may tumakbo sa direksyon namin. Kaya anu pa ba? Nahulog lahat ng

gamit na dala namin.

So wala na kaming magagawa kung di magpulot nalang. Ang nakakainis pa dun, hindi na ng tumulong yung nakabangga, hindi pa

nagsorry! Peste naman oh!

Nagulat kami ni Lia noong biglang may kamay na nakipulot sa amin. Pagtingin ko naman sa mukha nung tao eh nagulat ako.

Si Mark.

Ang weird no? hindi kasi siya yung type na tutulong sayo kapag nahulog gamit mo pero tignan mo nga naman, yun na nga yung

ginagawa niya.

“Thanks” sinabi ko sa kanya pero hindi siya nagsalita tapos dire-diretso siya doon sa stairs para bumaba.

“Hmm, there’s something weird about that Mark Fellacio guy…he’s so…odd.”

“Odd ka diyan? Ang sama mo naman!

“If I know, ganoon din tingin mo sa kanya. Tell me Kheira, hindi rin ba siya palasalita sa basketball court?.”

“Hmmm, hindi rin eh…pwera nalang kung kausap niya si coach”

“Really, odd.”

“Tara na nga!”

Tapos nun bumalik na kami sa classroom para ilagay yung gamit namin dun sa tables namin. Maikli lang naman yung break namin, 20

Page 10: The GAME of My Life Story

minutes lang, kaya mga 5 minutes before the bell eh nagsibalikan na ang lahat.

Next period namin ay CCF.

“Okay Class, ngayong araw na ito ay may pagagawa ako sa inyong activity. ”

Ang saya naman nitong araw na ito, halos lahat eh activity lang.

“So I will group you all to 5 groups. Since 40 kayo lahat lahat, 8 dapat ang members each group. Okay, count off. ”

Nagcount off naman kami tapos nun, group 3 ako. Since katabi ko lang si Lia, obvious na hindi ko siya magiging kagroup. Medyo

nagwhine pa nga siya noon dahil kagroup niya si Richie eh. Yun pa naman ang pinakamahirap pakisamahan sa lahat.

Hay, dumating na nga pala sina Reiya. And to my dismay, kagroup ko siya. Kung si Lia kawawa dahil kay Richie, ako paano pa kaya?

Buti nga siya hindi inaasar asar eh. Besides kay Reiya, naging kagroup ko din sina Lian,  Tricia, Candy, Ann, Kenneth at si Mark.

Pinaupo na kami sa isang side tapos saka lang napansin ni Reiya na kagroup pala niya ako. At alam niyo ba ang sinabi ng loka?

“Eww. Kagroup kita? Ugh, ang malas ko naman.”

Okay, Kheira, cool ka lang. Wag ka nang pumatol sa mukhang baklang iyan. Easy lang. Don’t worry. Titigil din yan kapag napansin

niya na walang epekto ang pang-aasar niya sa iyo.

“Tama na iyan Reiya. Simulan nalang natin itong activity na ito.” nagulat naman ako doon sa sinabi ni Lian. Sino naman ang hindi diba? Isipin mo yun, mabait din naman pala siya? O baka naman kaya lang niya sinabi yung eh dahil sa activity na ito? Anumang

dahilan niya, thankful parin ako.

“My Gosh Lian, kumakampi ka sa kanya? How low can you get?”

RELAX. BREATHE IN, BREATHE OUT.

“Just drop it Reiya. Pwede ba?”

Nakinig naman ang lukaret sa kanya. Ewan ko ba diyan. Kelangan pa kasing makipagtalo bago ang lahat lahat eh. So ayun, ginawa na nga namin yung activity. Pinapagawa kasi kami ng reporting tungkol sa

living a moral life. Ayun, napagdesisyunan nalang ng grupo na pagkakaroon ng isang skit. Syempre, yung iba kasi reporting na, so

para unique nagskit kami.

Page 11: The GAME of My Life Story

Pinakita lang namin yung mga nakalagay sa book. Yung kung paano mabubuhay harmoniously with others saka yung mga against sa 5th

commandment.

Natuwa naman sa presentation namin yung teacher kaya binigyan kami ng mataas na grade. Kami nga yung pinakamataas eh,

nagcongratulate naman yung iba. Pati nga si Lia eh nabilib sa ginawa namin.

“Asar. Bakit hindi namin naisip yun? Haha, ang galing niyo talga grabe. ”

“Well, we couldn’t have done it without Mark.” At syempre, gulat na gulat si Lia. Isipin mo, si Mark pala ang nag-isip nun.

“OH!?!? Talaga?? Siya nag-isip noon?? Oh my gosh! Grabe ang galing naman niya. I never expected. Kala ko nga eh hindi siya nagsalita sa

inyo”

“Sus naman Lia. Never underestimate someone hangga’t di mo pa sila kilala.” Sinermonan ko naman siya tapos siya naman eh

tumango lang sa akin.

Natapos na yung CCF, at ang pamatay na physics na. Hay, kahit kelan talaga, hindi ko nagustuhan ang physics. Naweweirduhan nga sa akin si Lia eh. Paano ba naman, numbers din naman daw yung sa

Physics tapos ayaw ko, samantalang ang Calculus naman eh paboritong paborito ko.

Anyway, naglesson lang kami tapos nun seatwork. At sinuwerte ako dahil nakapasa pa ako.  Tapos ng Physics, CALCULUS! Wee! Ang

weird ko rin minsan eh. Kasi kung yung iba ayaw na ayaw dumating yung oras ng Calculus, ako naman eh excited na excited.

Ayun, may bagong lesson na naman tapos excercises. Medyo nahirapan ako nung una magets kung paano gawin yung isang

number pero inintindi ko talaga siya kaya nakuha ko rin.

At sa wakas, Lunch na.

“Hoy! Ikaw, nagkita lang kayo ng favorite subject mo todo na yang ngiti mo. Tama na nga! Baka sabihin nila eh nababaliw ka na. Sige ka, sasabihin ko na hindi kita kilala” sinabi ni Lia na syempre, may

halong biro.

“Ano ba, hayaan mo nang magenjoy yung tao.”

“O siya, tara na nga!”

Page 12: The GAME of My Life Story

Bumaba na kami ni Lia para kumain. Since kayang kaya na takbuhin lang yung mga bahay namin, umuwi na muna kami para hindi na

mapagastos.

Mas malapit yung bahay ko kesa kina Lia. Pero isang street lang naman yung difference. Hindi parin kelangan sumakay ng tricycle. So ayun, pagdating ko sa bahay, ineexpect ko na walang tao kaya

nagulat ako nung may nakita nalang akong gumalaw.

Hala! Paano kung magnanakaw ito?? Medyo naging matapang ako kaya lumapit ako ng konti tapos biglaan siyang gumalaw.

“AHHHHHHHHHHH!”

“HOY! Anu ba naman Kheira! Wag ka ngang sumigaw!”

“Paano ba naman kasi kala ko walang tao ngayon tapos may biglang gagalaw!” si kuya Kyle ko lang pala.

“Bakit ka nga pala nandito?”

“Wala, kasi yung professor namin. May pinauwi lang sa amin tapos pwede na kami umalis. So ako, umuwi nalang ako. Anu naman kasi

gagawin ko doon?”

Ngumiti lang ako kay Kuya. Si kuya ay hindi tulad ng ibang college people na mahilig maglakwatsa, magpunta ng malls o kung anu-anong place. Mas gusto niyang nasa bahay lang, nagpapahinga o

kaya nanonood ng tv.

“Anu oras daw ang uwi ni Kuya Kaloy?” tinanong ko siya habang naghahanda na ako ng makakain.

“Wag mo nang hintayin yun. Hindi daw siya makakauwi kasi may duty siya ngayon. Baka bukas nalang daw natin ng umaga makita. ”

Kawawa naman si Kuya. Siguro pagod na pagod na siya magtrabaho. Dalawa ba naman ang pinapaaral eh.

Kumain na kami ni kuya noon tapos ako nagpaalam na rin. Maaga pala akong nakaalis sa amin dahil pagdating ko sa school eh

mayroon pa kaming 30 minutes. Hindi ko naman agad na nakita si Lia kaya nagdesisyon akong pumunta nalang muna ng Gym.

Naglalakad pa lang ako papalapit sa may basketball court nang may marinig akong tumatalbog na bola. Pumasok ako hindi hindi na rin

ako nagtaka nung makita ko doon ang nag-iisang…

Page 13: The GAME of My Life Story

Si Mark Fellacio.

Chapter 2

Nakita ko siyang nagshushooting doon sa kabilang side ng court. Pagpasok ko ay napansin niya kaagad dahil maingay ang leather

shoes doon sa may floor. Tumingin lang ako sa kanya tapos nagnod. Siya naman eh tumingin lang saglit tapos bumalik na sa pagshoot.

Dumiretso ako doon sa Office ni Coach Roel tapos naglock ako. Kinuha ko ulit yung files nung basketball boys tapos binasa ko.

Name: Patrick Jonas MarquezNickname: Pat, PatrickBirthday: September 9

Ranking: top 6Comments: “Masipag. Makulet. Pasaway minsan pero masunurin

din.”

Page 14: The GAME of My Life Story

Name: Karlos MenderinoNickname: Kiko

Birthday: February 2Ranking: top 4

Comments: “Maloko. Parating nagbibiro lalo na pag andiyan ang mga babae. Mahilig magpapansin sa mga babae.”

Medyo nagtagal ako doon kasi talagang sinubukan kong isaulo yun. Nagulat nalang ako nung biglang may kumatok. Agad agad naman

akong nag-ayos tapos tumayo para buksan yung pinto.

Nakita ko si Mark sa harap ko tapos nakapagpalit na siya at nagpunas na rin ng pawis.

“Bakit?” Medyo matagal din siyang tumingin bago nagsalita.

“Bell na”

Ako naman, tumingin ako dun sa relos ko tapos 5 minutes na nga lang. Tumango ako tapos lumabas ng room. Sabay kaming umalis ng

gym pero nauna akong maglakad.  Pagdating pa nga namin sa classroom eh nagtinginan naman yung mga tao.

Dumiretso lang ako sa upuan ko at hindi ko pinansin yung mga nagbubulungan at nakatingin sa akin. Gagawa na naman sila ng

tsismis niyan. Pero syempre, wala naman akong pakielam sa kung ano tingin nila sa akin eh. Ang mahalaga, kung ano tingin mo sa

sarili mo at kung kilala mo ba ang sarili mo.

Sakto yung pagdating namin dahil nagring na rin yung bell. English na. Pinagawa kami ng composition the whole period. Medyo mahirap

nga eh pero nakayanan naman.

Pagtapos nun, Filipino naman. Pinagpractice lang kami dahil sa August may contest per batch. Parang, tula ek-ek. Ayun, naglead yung president namin tapos tinanong kami kung anu magandang

idea para doon. May nagsuggest naman na lagyan ng skit. Pero ang kontra naman ng iba masyadong common. Ayun, natapos na yung

subject pero wala parin kami masyadong plano.

“Huy Kheira! May practice ba ngayon yung basketball team??”

“Meron, bakit? Parati naman eh. Every free period. Bakit anu meron?”

“Umm, pwede bang manood ang hindi part ng team?”

“Hindi eh.Uyyy! bakit, may gusto kang panoorin??”

“Wala no! Nagtatanong lang ako.”

Page 15: The GAME of My Life Story

“Wushu! Hiya ka pa! Sino ba gusto mong panoorin?”

“Nasisiraan ka na alam mo yun?”

“Wusus! Guilty naman. Oh sige na. Baka malate pa ako eh. Bye Lia!”

Iniwan ko na siya doon kasi malalate na talaga ako. Kaya ayun, takbo dito, takbo doon hanggang sa makarating ako sa gym. Hindi pa pala kumpleto kaya nagdahan dahan na ako sa paglalakad tapos

nagbihis na sa may locker room ng girls.

Palabas na ako noon sa may locker room nang may marinig akong ingay mula sa court.

“Sige! Gusto mo dito na eh! Hindi ako aatras dahil hindi naman ako duwag eh!”

“Lakas ng loob mo ah! Baka nakakalimutan mo na bawal kayo makipag-away kung di tatanggalin kayo sa team!” Whoa! May nag-

aaway sa labas??

Syempre, takbo kaagad ako sa labas at nakita ko yung siga sa ibang section. Kaharap naman niya si Richie, Lian at Mark tapos yung iba

eh medyo nasa likod na.

“Alam namin, pero kayo rin naman matatanggal sa mga team niyo kapag nakipag-away kayo. Saka masisipa pa kayo for starting the

fight.”

“Kung may witness kayo. Pero sisiguraduhin naman namin na wala nang matitira sa inyo.”

“Puro ka lang naman salita eh!” tapos susugod na dapat siya kaso hinila siya ni Mark.

”Duwag naman iyang kasama niyo eh!

“Bitawan mo nga ako!”

“Nakakalimutan mo Richie. May babae tayong kasama.”

Tapos noon ay lumingon silang lahat sa akin. Tumawa ng malakas yung leader.

”Eh di mas masaya ito! Pagnatalo kayo amin na siya!

Ano daw!?!?! Ano ako premyo!?!?

“Kadiri ka ah! Hinding hindi ako sasama sa iyo!”

Page 16: The GAME of My Life Story

Napatingin siya sakin tapos ngumiti siya ng napakapangit.

”Aba, matapang. Type ko yun!

KADIRI!!! Kinikilabutan ako!! Grabe naman ito! Feel naman niya sobrang gwapo niya eh kabaliktaran naman ang totoo niyang itsura!

Nagulat ako nung biglang pinaglolock nung mga kasamahan niya yung mga pintuan. Grabe, sa totoo lang, natatakot na ako. Hindi nga

sila ganoon karami pero sobrang lalaki naman nila. Waaah!

Susugod na dapat ulit si Richie kasi binitawan siya ni Mark at nagsuntukan na nga sila. Grabe nag-papanic na yung iba doon. Tinry

nga nilang tumakas kaso nga lang pinagbubugbog sila nung mga malalaking lalaki.

Naluluha na nga ako noon pero hindi pwedeng umiyak. Nakita ko naman na may hawak na pamalo yung leader tapos pasugod siya kay Richie. Eh nakatalikod si Richie so syempre, ako takbo to the rescue

at humarang.

Tinulak ko si Richie tapos nung papalapit na yung leader nila pumikit ako. Grabe ayoko pang mamatay!

Hinihintay kong dumating yung palo nung metal kaso hindi dumating. Binuksan ko na yung mata ko at nakita ko si Mark hawak

hawak yung pamalo.

“Mga duwag lang ang nananakit ng babae”

Tapos nun eh sinuntok na niya yung guy. May malakas na kalabog naman galing sa pinto.

“Anong nangyayari dito!?!? Buksan niyo tong pinto!! May nag-aaway ba diyan!?!?”

Tumakbo ako papuntang pinto para buksan yon kaso may humila ng sobrang lakas sa buhok ko.

“ARAYYYYY!!”

“Saan ka pupunta??”

Hinimas pa nung pangit na yun yung pisngi ko kaso bumagsak din ulit siya dahil sinapak siya ni Lian.

“Okay ka lang??” Tumango lang ako sa kanya. Sa totoo lang, naiiyak na ako noon.

Page 17: The GAME of My Life Story

Binukas na nung ibang kasamahan namin yung pinto at tumigil na yung mga tao sa pakikipag-away.

“What is going on here!?!?”

Makikita mo na puro dugo na yung mga mukha nila. Hindi ganoon kadami pero halatang nakipag-away. May mga pumutok yung labi tapos mayroon naman na nahiwa yung ibang part ng mukha nila.

“DON’T MAKE ME REPEAT THE QUESTION!”

Ako na yung lumapit sa teacher tapos nag-explain sa kanya lahat ng nangyari. Tumango siya sa akin tapos tinawag niya yung 5 pangit.

Akala nga namin ligtas na yung basketball team sa parusa kaso bumalik si Ma’am.

“Don’t think na porket hindi kayo ang nagsimula ng away eh hindi kayo kasama sa parusa. You’ll have your own punishment. Bahala na

ang coach niyong magdecide kung ano man iyon.”

We’re doomed.

Chapter 3

Akala ko pa naman ligtas na kami. Pero what do you expect? Pumatol kasi yung iba kaya ayun, may punishment parin na

kelangan ibigay sa amin.

“—masyado niyo kasing inaatupag ang mga sinasabi nila kaya ayan, pumatol kayo! At anu pa ba ang nakuha niyo mula doon! Miss

Aruello, Please escort these three to the clinic.”

HA?? Eh bakit parang kailangan naman ako sumama sa kanila? Kung tutuusin eh kung magcollapse man sila eh pisat agad ako. Buti nalang hindi naman talaga ganoon kagrabe yung sugat nila. AT

least, that was what I thought.

Nakarating kami ng clinic tapos sineparate silang lahat ng places. Since medyo busy yung clinic, nagvolunteer na ako sa nurse na ako

nalang maglilinis at mag-aasikaso sa wounds nung tatlo.

Page 18: The GAME of My Life Story

Hindi kaagad siya pumayag pero nagpilit ako. In the end, si Lian lang at si Mark daw yung aasikasuhin ko since medyo kelangan ng extra

treatment talaga yung mga sugat ni Richie.

Pumunta naman ako kaagad kay Lian since siya pinakamalapit. Lumapit ako at kumuha ng bulak mula sa side table tapos sinimulan

kong itreat yung wounds niya.

”Aray! Dahan dahan naman…masakit eh!”

“Makikipag-away ka tapos magrereklamo kang masakit.”

“Kesa naman sa hindi kami lumaban, e di kahihiyan yun ng basketball team”

“Ayun, yun ang sabihin niyo.”

“Hindi naman kasi kami duwag eh.”

“Hindi kaduwagan ang hindi paglaban Lian. Tandaan mo, at hindi katapangan ang ibig sabihin ng pakikipaglaban. Minsan kahit

lumaban ka eh isa ka paring duwag. Hindi katapangan yang pinakita niyo kanina, kung di ang pagkamapride niyo”

Tumayo na ako at umalis. Iniwan ko siya doon tapos tumuloy na papunta kay Mark. Kamusta naman kaya yung isang iyon?

Pagdating ko sa kanya eh nakakunot yung noo niya tapos parang may hinahanap. Hinawakan niya bigla yung side ng ulo niya tapos

saka ko lang nalaman. Ahh, naghahanap siya ng gamot.

Pumunta ako dun sa side tapos binuksan yung drawer at inabot naman sa kanya yung gamot. Tumango lang siya.

“AHH! Ang sakit.”

Napatingin ako ulit sa kanya tapos nung palapit ako eh bigla nalang akong nagulat dahil natumba siya sa akin. Nataranta ako. Nung una

pa nga eh ang iniisip ko baka maipit niya ako kapag bumigay na yung tuhod ko. Kaso nagworry ako masyado nung may nakita akong tumutulong dugo dun sa side ng ulo niya. Next thing I knew, I was

screaming already.

“TULONG!! TULUNGAN NIYO KAMI!!!”

Sinugod naman siya kaagad sa hospital. Nag-alala nga kami kasi sobrang dami talaga nung dugong tumulo. Nalagyan pa nga yung

Page 19: The GAME of My Life Story

damit ko kaya parang natrauma ako.

Second day na niya ngayon sa hospital. Hindi parin siya nagigising kaya nag-alala talaga yung basketball members. At syempre, dahil mabilis kumalat ang balita sa school, lahat ng mga “fans” niya eh

todo alala rin. Excited na nga ako mamaya kasi buong team kaming dadalaw. Pati si coach Roel sasama din.

Oo nga pala, kung nagtataka kayo kung anu yung parusa ng team dahil nga sa gulo, hindi naman ganoon ka grabe. Dinamihan ni Coach ang practice hours nila tapos sabi pa niya sa first game daw eh 4th

quarter pa ipapasok sina Richie, Lian at Mark. Nagreact nga yung iba na baka matalo daw pero sinabi ni coach na…

“Hindi lang naman sila ang players ng team na ito ah? Bakit kayo nakadepende sa kanila? Tapos nun, case closed na. At syempre, dahil mas mahaba ang practice hours nila, ako din kelangan na

sumama. So in short, mapapatay na naman ako ng mga kapatid ko niyan.

AT sa wakas, dumating din ang aking pinakahihintay na free period. Plano kasi ng team na yun nalang ang gamiting time para bumisita.

Pumayag naman si coach at yun nga, diretso na agad kami sa hospital. Nagtext lang ako kay Lia para sabihin sa kanya yung

pupuntahan ko at agad naman nag-ok.

Nakarating naman kami agad. Room 404 siya kaya medyo nasa 3rd floor pa iyon. Pagdating namin eh ayun, binilisan nila ang lakad para

makita na si Mark.

Ang galing nga eh, kung normal practice hindi mo maiimagine na ganyan ang paki nila sa isa’t isa. One whole family talaga sila.

“Hoy Mark! Ikaw ah! Andaya mo! Gumising ka na nga! Nakakamiss ka na ng mga practices eh!” Nakakatuwa naman itong si Kiko.

Pagtapos nun eh sunud-sunod na silang nagsermon kay Mark kahit na hindi naman niya naririnig.

“Oo nga ‘tol! Gising na! Gaganti pa tayo sa kanila diba?”

Nabatukan naman siya ni coach dahil dun. Haha, buti nga.

“Oy kayo, tara na. Bili muna tayo ng pagkain. Mamaya na kayo mangulit diyan.”

Buti nalang inawat na talaga ni Coach. Paano ba naman kasi, kung anu-ano pinaggagawa dun sa tulog. May isa ginulo yung buhok.

Mayroon din naman na nanundot nung tenga niya. Hay, kung gising lang siguro itong si Mark kanina pa nagwawawala.

Page 20: The GAME of My Life Story

Nakita ko namang paalis na sila pero hindi ako gumalaw. Dito nalang muna ako para bantayan na rin ito, saka sakaling magising bigla.

“Oh, Kheira…di ka sasama?”

“Ahh, hindi na po Coach…kayo nalang.”

Tumango naman siya nun, pero yung ibang pasaway talaga nang-asar pa.

“Yihheee! Ikaw Kheira ah!! Nagbibinata---este nagdadalaga ka na ha! Hahaha, baka kung anong gawin mo kay Mark diyan ah!!”

“Sira! Dun ka na nga Marty!”

Umalis naman na sila tapos ako naman tong naiwan na nagbabantay. Wala akong magawa nung mga oras na yun kaya kinuha ko nalang yung phone ko. Una, tinext ko na si Kuya Kyle na baka gabihin ako.

Aba, akalain mo at biglang tumawag!

“Hoy babae! Bakit ka malalate mamaya?? HA??? BAKIT?? NASAAN KA BA??? NAKIKIPAGDATE KA ANO!?!?!”

Grabe, sa sobrang lakas ng boses ng kuya ko eh kinailangan ko na ilayo pa yung phone mula sa tega ko.

“Whoa! Kuya naman! Hindi ako bingi no. Okay, gagabihin ako kasi kasama ko yung basketball team. Diba nga? Sinabi ko sa yo na may

naospital sa amin? So ngayon binabantayan namin sila.”

“Oh eh ano ngayon?? Bakit kailangan mo parin magpagabi?? Baka nakakalimutan mo Kheira Elizabeth na babae ka at ang mga babaeng

gabi na umuuwi eh kinikidnap!”

Aww..natouch naman ako kay kuya. Dapat sasabihin ko na yun kaso may pinahabol pa eh.

“Hindi tayo mayaman no! walang pambayad sa kikidnap!”

“Nyak! Akala ko pa naman na mag-aalala kayo. Sige na kuya, bye na.”

Tapos nun eh binaba ko na yung phone.

“Hmm, kakainis naman yun. Pambayad lang pala iniisip, kala ko naman eh may paki siya kung makidnap man ako.” alam kong mukha

akong baliw na kinakausap yung sarili. Pero wala naman tao dito maliban sa akin at sa tulog na lalaking ito eh.

Page 21: The GAME of My Life Story

“May paki yun sa iyo, hindi lang pinapahalata.”

What?!?!!? NARINIG NIYA!?? Kala ko naman tulog pa siya?!?

“Ha…ah eh…gising ka na pala.” Yan, tama nga Kheira! Atupagin mo yung pagiging gising na niya.

“Kanina pa actually...narinig ko kasi boses nung kausap mo.” Naku nakakahiya naman.

Teka, hindi ka dapat mahiya Kheira! Dapat proud ka kasi nagising siya dahil sa kuya mo.

“Ahh, sorry…” mukhang gulat naman siya nung nag-sorry ako. tapos tumawa nalang bigla. Not sarcastic, not conceited. Natural laugh

lang.

“Alam mo, you shouldn’t say sorry. Dapat nga magthank you ako sa iyo eh. Dahil kung hindi dahil sa inyo nung kausap mo…”

“There would be a great possibility na hindi na ako magising pa...”

WHAT??

Chapter 4

Dumating naman na sina Coach ilang sandali lang. Ang dami ngang dalang pagkain eh. Parang magcacamping.

“Oh ano Mark? Pinagsamantalahan ka ba nitong si Kheira?? ”

Hay naku! Kahit kelan talaga loko tong mga lalaking ito.

“Ay naku Rio! Tumigil ka nga diyan. Wag kang magselos dahil hindi ko naman siya ginalaw eh!”

Tumawa naman yung iba, pati narin si Mark. Syempre, hindi naman sineryoso ni Rio yung joke. Alam naman niya yun eh.

“Aalis na nga ako. Baka mapatay pa ako nung kuya ko eh. Sige, kita nalang tayo sa Monday.”

Page 22: The GAME of My Life Story

Gaya nga ng sabi ko, umalis na rin ako. Medyo natagalan ako habang bumabiyahe dahil narin sa traffic. Pero mga 8 din eh nakauwi na ako.

Buti pala talaga eh umuwi ako nung mag 6:30 na.

“Kuya Kyle! Kuya Kaloy! Andito na ako!”

 “Oh, andiyan ka na pala. Tara na kain na tayo. Kyle baba na! Andito na si Kheira!”

At ayun nga, gaya ng sabi ni Kuya Kaloy, kumain na nga kami. Nagkuwentuhan pa nga kami kung anu mga nangyari sa school. At ayun, panay kwento naman ako…tapos itong si Kuya Kyle eh panay

comment lang sa akin.

Pagtapos namin kumain, hinugasan ko na yung pinggan tapos umakyat na ako. Ginawa ko naman agad yung mga assignment

namin para hindi na ako magpuyat.

Nagulat naman ako bigla nung biglang nagvibrate yung phone ko. Himala may nakaalala sa akin.

|Hello..=)|

Hmm…sinu naman kaya ito? Hindi pa siya nakasave sa phone ko.

|hu u po?|

Wala pa sigurong isang minuto eh nagreply na kaagad siya. At nakakagulat ang kanyang sinabi.

|hmm…secret =P|

Anu ba naman yan! Paano kaya nito nakuha number ko?

|panu u nakuha number q?|

At syempre, tulad ng kanina, mabilis lang siya nagreply.

|sa kasama q|

Waah! At sinu yung friend niyang yun?? Hala. Ang freaky ah! Baka naman addict ito tapos kinuha lang yung number ko nung nagpaload

ako sa kanto. Waah! Baka stalker pa ito!

Asus Kheira! Feel mo! Hindi ko naman siya nireplayan kaya nagtext ulit siya.

|galit ka miss? Wag u mgalit. Taga st. agustine dn aq prmis..d kta loko kheira.|

Page 23: The GAME of My Life Story

Wah!! Anu ba ito! Kilala pa ako! Huhuhu..nakakatakot na ah!

Hindi ko parin siya sinagot kahit na sinabi niya taga school ko siya. Kaya ayun, nagtext na naman.

|O cge, ppkilala na po aq, c lian to|

Lian?!?!? As in Timothy Lian Gonzales?!?!? Paano naman niya nakuha ang number ko??

|lian gonzales? How’d u kno my num?|

Naks Kheira. May paenglish english ka pang nalalaman.

|yup..i told u na nkuha q sa kasama q..|

|sino?|

Syempre diba curious ako. malay ko ba kung sinong namimigay ng number ko.

|c mark|

WhAT?!? Eh paano naman nalaman nung lalaking yun yung number ko??

|nye. Pano nya nalaman num q?|

|ewn q dun..|

Tapos nun, sinave ko na yung number niya. Grabe, paano kaya nakuha ni Mark yung number ko?? Eh hindi ko naman binigay kanina. O baka naman nagsisinungaling ito?? Hay, bahala na…sa Monday ko

na siguro malalaman.

Nagvibrate ulit yung phone ko. Ngak! Bago na namang number??

|hello|

Anu ba!! Sinu ba namimigay ng number ko?!?

|hu u!?|

Nakakainis na ah!

|antarai..hehe, dis is mark|

Si Mark?? Oh talaga?

Page 24: The GAME of My Life Story

|pnu m nalaman num q??|

|sori kheira ah..knuha q kxe mula sa fne mo..|

|ah..okay lang..musta na ulo mo?|

Mabilis naman din dumating yung reply niya.

|e2 medyo maaus na|

At ayun nga…nagkuwentuhan na kami hanggang mga 12. Inantok na kasi ako nun.

Nung weekend, wala kaming masyadong ginawa. Dahil wala naman kami ganoon kadaming pera, dito lang kami sa bahay ni Kuya Kyle.

Pumunta pa nga si Lia at nagyaya eh. Darating daw kasi cousin niya; sa St. agustine din mag-aaral at baka daw classmate pa namin. Hindi naman ako sumama kasi mag-isa lang si kuya Kyle dito…

kawawa naman, baka mamatay to sa gutom dahil hindi siya marunong magluto.

Mabilis lang lumipas yung mga araw. Next thing I know, Monday na. Nagising naman ako kaagad ng sobrang aga. Mga 4 palang siguro eh gising na ako. since hindi na ako makatulog, nagprepare na ako for school. Mga 5:30 siguro eh tapos na ako kaya pumasok na ako kahit

na magmumuka akong ewan doon at nag-iisa.

Pero pagdating ko, nagulat nalang ako nung may nakita na akong tao sa classroom. Dalawang tao actually.

“Ang aga natin ah. Good Morning.”

“Good Morning din. Ikaw din naman eh..hehehe ”

“Good Morning”

Nilapag ko muna yung gamit ko bago ako lumapit sa kanila.

“Kayo ba talaga yung nagtetext kahapon?”

“Oo, sorry talaga ah. Pinakielaman ko phone mo. Ito naman si Lian, nagpumilit na kunin. ”

Hmm, parang hindi na yata ako makapaniwala na itong Mark na nasa harapan ko eh dating masungit. Anu yan nagbagong buhay

overnight? Hahah.

“Hehe…ayos lang. Natakot nga ako eh, kala ko may addict na kumuha nung nagpaload ako.”

Page 25: The GAME of My Life Story

“Heheh, ganun? ”

Tapos ayun, pinanood ko lang silang magtalo at magkulitan. Una kasi sinasabi ni Mark na mas magaling na player sa NBA. Tapos may

ilan pa silang pinag-usapan na hindi ko naman naintindihan.

At sa lahat pa nung topic na pinag-usapan nila, hindi ko nalang alam kung bakit sila nahantong sa…

“Tol, bakit ang babae, pag sinabihan mong maganda eh nagagalit at iniisip na nanloloko ka lang? ”

“Baka naman mukha kang nanloloko? ”

“Hindi eh…kahit na sobrang seryoso ko naiinis parin.. ”

“Aba malay ko…sa babae ka magtanong. ”

Tapos napansin ko nalang na tumingin siya sa akin.

“Ikaw Kheira, babae ka naman ah.. ”

“Wow, nice observation.” Tapos inikot ko yung mata ko.

“I mean, anu sa tingin mo..bakit nga ba ganoon ang mga babae? ”

“Hindi naman lahat ganoon ah.”

“Oh? Talaga? Ibig sabihin pag sinabi kong maganda ka ngayon hindi ka magagalit? ”

“Nyek!”

“See?” hmmm, bakit nga ba?

Hindi na nasagot yung tanong niya kasi medyo dumadami na yung mga tao. Ako naman, bumalik na ako dun sa upuan ko kasi dumating

na si Lia. Kasama na pala niya yung pinsan niya.

“Oo nga pala Kheira. Ito pala yung pinsan ko. Si Lester. Lester, si Kheira, best friend ko.”

Nagkamay kaming dalawa tapos yun, todo kwento naman si Lia tungkol sa kanya. Mabait naman si Lester and I admit, cute siya.

“Hoy Kheira! Nakikinig ka ba??”

“Ha? Anu yun?”

“Tanong ko kasi kung uuwi ka ba mamaya sa bahay niyo?”

Page 26: The GAME of My Life Story

“Ahh…baka hindi, may dala akong lunch ngayon. Tapos baka dumaan akong basketball court.”

“Hay naku Kheira, ewan ko ba sayo! Bakit ba sobrang mahal na mahal mo ang pagiging assistant ni Coach Roel. I understand na

mahilig kang magbasketball, eh sa club mong yan naman eh hindi ka rin nakakalaro. So tell me, bakit iyan ang pinili mo?”

Anu ba naman itong si Lia. Nilalagyan ng hidden meaning yung club ko.

“Wala lang…gusto ko lang talaga tumulong.”

“Admit it Kheira, you just like the boys’ attention cause you know you’re never going to get it anywhere else.”

At syempre, ang dakilang pakielamera ay nakielam na naman.

“ alam mo Reiya, wag mo akong itulad sa sarili mo ok? At bakit ba napakatsismosa mo?”

“Oo nga naman, I shouldn’t compare you to myself. Kawawa naman ako at maihahalintulad ako sa isang taong tulad mo.”

Pagkatapos nun ay tumalikod na siya. Ang kapal talaga ng mukha niya! Akala mo naman sobrang ganda niya at sobrang mahal siya ng lahat ng tao! Feel niya ah! Ako nga dapat ang ma-offend sa kanya

eh!

Hindi ko nalang siya pinansin pagkatapos nun. Dumating na yung english teacher namin at ayun na nga, todo lesson. Ang boring nga

eh.

Habang nagsasalita siya eh biglang may nag-announce.

“All members of the basketball team, player or non-player, please report to the basketball court. Thank you.”

Aba, sosyal. Pagkasinusuwerte ka nga naman oh. Tumingin ako kina Mark at nakita kong nakatingin din sila. Tumango lang silang

dalawa. Tinignan ko din naman si Richie pero hindi siya lumingon. Nung nakita lang niyang tumayo kaming tatlo eh saka lang siya

sumunod.Dahil naman sa narinig yung teacher yung announcement,

pinayagan na agad kami umalis.  

Pagdating namin doon sa court, hindi pa ganoon kadami yung players. Siguro yung iba eh papunta palang. Nakita ko naman agad si coach kaya nag-excuse ako sa kanilang tatlo tapos lumapit ako.

Page 27: The GAME of My Life Story

“Coach, anu po ba ang meron?”

“Mamaya ko na sasabihin kapag kumpleto na kayo.”

Tumango lang ako sa kanya tapos umupo ako sa tabi nyia. Unti-unting dumami yung players tapos ilang sandali lang ay kumpleto na

kami.

“siguro eh nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinatawag.”

Nag-nod lang yung mga players tapos tumuloy na siya sa pagsasalita.

“Hindi ba sinabi ko sa inyo, na bilang punishment niyo sa away na sinalihan niyo, dadami na ngayon ang practice hours niyo? So gusto

ko lang ipaalam sa inyo na ngayon ang simula noon. Mamaya, pagkatapos ng free period, hindi pa kayo pwede umuwi. Hanggang 7

tayo dito sa school at ang break niyo eh 10 minutes lang at para lang yon sa water break niyo. May tanong?”

“Coach! Paano po kung hindi alam ng parents namin na 7 kami ngayon?”

Oo nga no! hindi ko naisip yun ah! Hindi pa naman alam nila kuya Kyle yung tungkol sa parusa. Hala! Mapapatay ako nito!

“Mamayang lunch eh tumawag o magtext na kayo kung kanino man kayo magpapaalam. Walang hindi aattend mamaya ok?.”

Umoo lang kami lahat. One thing na dapat mong malaman pag kasama ka sa basketball team…

Page 28: The GAME of My Life Story

Hindi mo pwedeng galitin si Coach.Or else

Chapter 5

Pagkatapos naman kaming sabihan ni coach eh pinabalik na kami. May iba nga eh pasaway talaga at nagtago pa sa CR, pero siyempre, dahil kilala na nga ni coach yung mga players niya, tinignan niya ang lahat ng rooms na pwedeng pagtaguan ng mga tinatamad bumalik.

At iyon nga, nahuli din ang mga pasaway.

Nung nakabalik na pala kami eh malapit na din matapos yung second period. Sinabi lang sa amin nung teacher namin yung mga namiss namin. Hindi naman ganoon kadami. Notes lang naman eh. Tapos

nun binigyan kami ng early recess.

“Hoy bruha! Hindi kita masasamahan sa locker ngayon. Sasamahan ko kasi si Lester sa sub-unit head. Irerequest namin na yung bakanteng locker sa tabi natin eh sa kanya nalang. Sige ah.”

“O sige.” Tapos ayun umalis na sila. At ako? siyempre, pumunta na rin sa locker.

Page 29: The GAME of My Life Story

Ang nakakainis pa doon, ang dami ko palang kukunin. Parati ko kasing iniiwan lahat ng gamit ko tuwing uwian, maliban nalang

syempre kung may assignment.

Ayan, steady lang Kheira, kaya mo yan. Ops! Wag kang mahuhulog! Nagmumukha na akong ewan pero wala akong paki. Sinu ba naman

kasing hindi mahihirapan na magdala ng 4 na libro at 5 notebook!?!? Dagdadgan mo na rin ng 2 makapal na clearbook. Waah! Mamatay na ako! Wish ko lang wala nang nagtatatakbo diyan sa corridor.

Dahan dahan akong naglalakad nang maramdaman ko, bakit biglang gumaan yata?

“Tulungan na kita.”

Kinuha pala niya yung dalawa kong clearbook tapos yung 3 kong libro na makapal. Nakakahiya nga eh. Baka isipin pa nito mahina

ako. Pero syempre, ayoko naman mabigatan ulit kaya hindi nalang ako umimik at nagthank you nalang.

“Thanks.”

Dumating na kami sa classroom. Buti nalang wala masyadong tao dun, baka kung anu pa isipin nila.

“Salamat ulit. Akina, kaya ko na.”

Kukunin ko na sana yung mga libro ko pero iniwas niya.

“Sasagarin ko na.”

Tapos dumiretso siya sa upuan ko at nilapag niya yung gamit ko dun. Balak pa nga niyang ayusin pero tinigilan ko na talaga siya.

Nakakahiya na no sobra.

“Salamat ulit Mark.”

Tumango lang siya tapos bumalik na doon sa upuan niya. At syempre, ako naman, nag-ayus ayos na ng gamit.

“Mabuti naman at nakaya mong buhatin yan. Andami pala. Sorry Kheira ah. ”

“Hindi, ayos lang, tinulungan naman niya ako eh.” Tapos tinuro ko si Mark. At gaya ng ineexpect ko, itong si Lia eh sinimulan na akong

asarin.

“Tigilan mo na Lia, namumula na oh. Hahaha.”

Page 30: The GAME of My Life Story

Binabawi ko na yung sinabi kong mabait si Lester. Katulad din pala siya ng pinsan niya!!

Naghigh five naman yung dalawa na parang ewan. Tapos nun eh nagbell na din. Buti nalang P.E. namin na kaya sigurado akong hindi

magiging boring to.

Pumunta naman kami sa field tapos sineparate yung boys and girls. Magkaiba kasi ng teacher ang boys and girls. Nagkataon lang na

yung teacher namin ang sumundo sa buong class. Anyway, pinagwarm-up na muna kami tapos nun nagstart na. Dinivide yung

class into 2, maglalaro kasi kami ng volleyball.

At yun na nga, pinili akong captain nung group namin kesyo daw sporty ako. Tapos sa kabila, si Reiya. Hmm…this will be interesting.

“Magkamay kayo”

Nakipagkamay naman ako pero syempre, pagkatapos nun eh pinunas ko na sa damit ko. Di bale, malalaban naman kung

magkaroon ng germs.

“You’re going down Kheira.”

Aba, at sinong tinakot niya??

“Try me.”

Tapos yun nagsimula na yung game. Sobrang nakakapagod yung first set. Paano ba naman, it would take at least a minute bago

makascore ang isang side. I admit, magaling si Reiya. Ito kasi ang specialty niya eh. Ako naman, ayos lang, pero mas hawak ko ang

basketball.

Nag-end ang first set. Nanalo sila by 1 point lang. Mali kasi yung pagserve nung isa sa amin. Pero ayus lang, babawi nalang.

Second set, ganoon parin. Tulad parin ng first set na sobrang tagal bago may makascore.

“GO GIRLS!”

Whoa, andito na pala yung boys namin??

Ayun, tuluy-tuloy parin. Ang galing nga eh, the first time in my life na nasiyahan ako sa isang gawain na kasama si Reiya. Biruin mo,

pagnaglalaro pala ito eh hindi nang-aasar o kung anu man. Talagang seryoso siya.

Natapos ang 2nd set, kami naman ang nanalo. Napagod yata si Reiya

Page 31: The GAME of My Life Story

dahil mali yung pagspike niya sa bola.

3rd set na. Grabe, yung mga boys sa tabi nung court eh hindi alam kung kanino papanig. Ang iingay na nga nung iba eh. Parang nasa

zoo.

Ilang beses kaming nagtie. There was no time for mistakes. Mga kateam ko pa ang nagsabi nun. Grabe, hindi ko inakala na magiging competitive sila sa ganyan. Gulat nga ako eh, sobrang seryoso nila.

May 10 minutes pa bago magbell, pero hindi parin tapos yung game. Parati kasing tie eh. As in makakascore yung one side, tapos babawi

yung kabila. Hindi mo na talaga malaman kung sino mananalo.

*PRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRT*

Natigil bigla yung game. Tumingin lahat nung girls sa teacher namin kasi siya yung nagwhistle.

“Excellent game girls! Pwede na kayong magpalit.”

“Pero miss, hindi pa tapos yung game”

“OO nga!”

Nagkatinginan kami ni Reiya. Whoa! Did we just agree on something??

“Pag hindi ko pa kayo tinigil, malalate na kayo sa next class niyo. Besides, I don’t think kakayanin ng one day para malaman kung sino

talaga ang winner.”

At ayun nga, pumunta na yug iba sa locker room. Ako naman, kinuha ko muna yung bag ko para uminom.

“Nice game”

“Oo nga! Ang galing niyo sobra! Parang hindi na matatapos!”

Natawa naman ako sa kanila tapos nagpaalam na ako na maliligo. Mabilis lang ako nakaligo dahil hindi tulad ng iba, wala akong

masyadong arte sa katawan. Ako pa nga yata yung unang pumunta sa classroom eh.

“Naks, pinakauna…”

“Heheh, hindi naman kasi ako ganoon katagal maligo eh.”

“Pansin nga namin..hehe”

Page 32: The GAME of My Life Story

Nakipag-usap pa sila ng mga kung-anu ano. Napansin ko rin na parami na ng parami yung mga tao kaya sinabi ko na bumalik na sila

sa upuan nila. Sumunod naman sila.

“Huy! Ikaw ha, ilang beses na kitang nakikita kausap yung dalawang yun ah! Anong meron??”

“Excuse me Miss Lia. Anong ilang beses? Eh ngayon mo nga lang yata kami nakita..”

“Whatever! That’s not the point!”

“Ayan na yung teacher, umupo ka nalang.”

Whew! Buti nalang talaga. Pero, ano nga ba meron? Or ang tamang tanong, meron ba talaga? Hay ewan, baka sumabog lang ang utak ko

dito!

Naglesson lang naman kami sa next subject namin. Pagtapos nun eh Lunch na. Gaya nga ng sabi ni coach kanina, magpaalam na daw

kami during lunch time. Kaya ako, todo excuse lang kay Lia.

Pero anu pa rin ba ang magagawa niya diba? Activity kasi yun eh. Required kung baga.

|kua kyle, bka po gbihn aq mmya, mga 7 cguro..mei prkts kxe..|

Ayan, natext ko na. At ilang minuto lang din eh nagreply na siya.

|Niyak, cnu mglulu2? Nde uuwi c kuya kaloy ngaun no..|

Hala, kawawa naman yung aking brother dearest na hindi marunong magluto! Baka mamatay ito sa gutom!

|mei ulam pa sa ref, imicrowve m nlng|

At yun, pumayag din siya nung malaman na may pagkain na siya. Yun lang naman talaga inaalala niya eh.

Ako naman, dinala ko na yung pagkain ko sa may court. Kahit na bawal, tinatakas ko parin. Pero syempre, nag-iingat din naman ako no. Dumiretso ako dun sa storage para dun kumain at ipagpatuloy

yung pagsasaulo.

*TOK* *TOK* *TOK*

Hmm, sinu naman kaya ito? Tinago ko muna yung mga files tapos tinapon ko yung basura ko. Malay mo teacher pala.

“Hello Kheira!” nye, si Lian lang pala saka si Mark. Anu ba yan. Pero

Page 33: The GAME of My Life Story

tama na rin yung pagtago ko nung files.

“Bakit?”

“Wala lang! Hehe nagtataka kasi kami ni Mark eh, nagiging tambayan mo na yata iyang storage room.”

“Hindi naman siguro…” syempre kelangan pagtanggol ang sarili.

“nung Friday andiyan ka din…”

Naalala pa niya yun? Niyak! Anu ba iyan.

“May pinapagawa kasi sa akin si Coach, may inaayos ako sa loob.”

“Ganoon ba?.” yes! Tatantanan na nila ako! “Tulungan ka na namin!”

Waaah! Anu ba naman ito!

“hindi na! Kaya ko naman eh.”

“Para mas mapabilis, para hindi ka na balik ng balik dito tuwing lunch, hindi ka nga yata nakakakain eh”

Anu ba naman ito! Nakakairita na ah!

“Oh, Mark…bakit parang concerned ka yata? Hahaha ikaw ah! May gusto ka sa kanya no??”

Aba, sira pala tong Lian na ito eh, nahihibang na!

“Tumahimik ka nga diyan, wag mo kong bukuhin”

ANO DAW!?!?

Page 34: The GAME of My Life Story

Chapter 6

Kanina pa hindi mawala wala sa isip ko yung mga sinabi ni Mark. Nagjojoke lang siya hindi ba?? Impossibleng totoo yun! Si Mark yun

eh!

Hindi ako nakapagconcentrate masyado sa klase. Ewan ko, hindi kasi maalis sa isipan ko yung mga pinagsasabi niya eh. Ang weird kasi.

Parang…ewan! Bahala na!

Lumipas agad yung last subject namin, which is Physics. Activity lang kasi kami kaya ganoon kabilis dumaan ng oras. Next thing I

knew, free period na. AT haharapin ko na naman sila.

“Kheira wait lang!”

Napatingin lang naman ako sa kanya. Plano ko kasi mauna eh, kaso

Page 35: The GAME of My Life Story

ayan, hindi ako swerte ngayon at naabutan ako. Ano bang problema Kheira?? Bakit ka naiilang? Hindi mo naman crush si Mark o si Lian

diba?

Duh!

“Bakit?  ”

“Gusto ka kasing sabayan ni Mark!  ”

“Nyek Lian, haha…nakakatawa. Mauuna na nga ako.” papaalis na sana ako nang…

“Sabi sa iyo hindi papayag iyan eh. ”

What!?! 

“Kheira! Hindi ako nagjojoke! Seryoso si Mark!!”

Napatigil ako tapos nilingon ko sila at tinaasan ng kilay. Wow! Ang taray ng lola niyo!

“Kung okay lang sana sa iyo... ”

Medyo nahiya ako nun. Hindi ko alam kung bakit pero tinango ko lang yung ulo ko at dali dali naman siyang tumabi sa akin. Tapos

sabay na kaming naglakad. Kung alam niyo lang, yung mga oras na iyon ay ang pinakamahaba sa buong buhay ko.

“Wag mo nang pansinin yung Lian na iyun ah…”

Ayan, alam ko na! Sasabihin niya na hindi naman totoo yung sinasabi nila kanina at nanloloko lang sila. Dali, go Mark. Sabihin mo

na.

“Mahilig lang kasing mangulit at mambuko yun eh..kung hindi ka comfortable sa sinabi niya, isipin mo nalang wala yun…” 

Anu ba naman iyan!! grabe na ito! Naguguluhan na ako! Please! Sana malapit na kami sa court!!!

At iyon nga, sinagot din sa wakas yung prayers ko at dumating na kami sa court. Andoon na halos yung iba. Si Lian naman eh ilang

sandali lang pagtapos namin eh dumating na din.

Lumapit na ako kay Coach tapos may binigay siya sa aking clipboard.

“Okay, Lian, ilead mo na sila sa warm up. Tapos mag 5 laps kayo.”

Page 36: The GAME of My Life Story

At ayun na nga, nagsimula na sila. Si Lian ang naglead sa warm up nila gaya ng sabi ni coach. Nagstretching dito, stretching doon tapos

5 laps na. Mabilis naman nila natapos yun dahil sanay na sila sa takbo takbo.

“Okay, magprapractice tayo ngayon ng defense. Wag niyong isipin na hindi ko naaalala yung practice game dati. Alam niyo, kahiya hiya

kayo! Kung hindi ko pa pinasok sina Mark, Lian, Richie, Gerard at Kiko eh hindi kayo makakabawi. Anu bang nangyayari sa inyo??

Bakit kayo nakadepende sa 5 players na iyon!?.”

Todo sermon si coach. Tama naman siya eh, kung hindi siguro naglalaro yung nabanggit na lima ni coach kanina eh sigurado talo

na yung team.

“---so ngayon eh may naplano ako. Lahat ng limang nabanggit ko kanina, versus sa natitira. Sila ang magiging kalaban niyo for the whole night. Kapag natalo kayo, hahabaan ko ang practice hours

niyo sa Sabado kesa sa kanila   

Waah!  Coach wag naman. Ibig sabihin noon eh pati ako

mahahabaan ang pagpunta! Waaa, kawawa naman ako  . Grabe, galingan niyo naman kasi!

Binigay sa akin ni Coach yung isang pito dahil mag rereferee din daw ako. Tinoss na ni Coach Roel yung bola, and then the game started.

Hindi ko alam kung naging motivation ba o threat sa hindi top 5 players yung sinabi ni Coach kanina, ang alam ko lang eh first part

palang eh lumamang na sila by 2 points.

Natuwa ako siyempre, pag nanalo yung kabila eh syempre, hindi ko kailangan magextend tuwing Saturdays.

*PRRRRRRRRRRRRRRRRRRT*

“Foul! Hoy jason! Nakakatatlong foul ka na!”

Nagcontinue naman yung game, pinalitan lang ng kabilang team si Jason, si Jon ang pumalit, at syempre, continue na ulit.

*PRRRRRRRRRRRRRRRRRT*

“Back court violation!” wow, feel na feel ni sister ang pagiging

referee  . Hahaha.

Nakailang mistakes din siguro sila, pero syempre, hindi naman ganoon kadami. Natapos yung game, panalo parin yung top 5. Pero

hindi naman halata sa mga mukha nung kabilang team na malungkot

Page 37: The GAME of My Life Story

sila. Actually, hindi talaga sila malungkot. Nag-enjoy sila kaya kahit na maparusahan sila eh okay lang sa kanila.

Si Coach naman, natuwa ng sobra sa performance nila kaya ayun, binawi na yung punishment. Sino ba namang hindi matutuwa doon,

ang lamang lang yata nung top 5 players eh 2 points.

“Napakagaling! Kaya niyo naman pala eh! Kailangan pa kayong takutin! O sige, dahil maganda ang performance niyo ngayon, pwede

na kayong umuwi.”

Wow! Ang bait naman ni Coach! Grabe, 6:00 pa lang yata noon. Pero sabagay, deserving naman talaga yung team. Ayos! Buti nalang

talaga. Medyo nagugutom na din kasi ako eh.

Papaalis na sana ako noon nang marinig ko bigla yung napakaganda kong pangalan. Chika! Haha.

“Kheira! Sandali..”

Lumingon naman ako kay Mark. Kasama niya si Lian tapos yung lokong yun eh nakatawa na parang nababaliw na yata. Hala, dalhin

na sa mental!

“Bakit?”

“Ahh, kasi...uh..pwede bang..”

Hindi siya natapos dahil tinawanan siya ni Lian ng sobrang lakas. At ayun, nabatukan ang loko. Buti nga. Haha!

“Gusto ka niyang ihatid sa inyo.” sinabi niya na medyo natatawa parin.

“Ako?? Bakit?? Eh ang lapit lapit lang ng bahay namin.”

Totoo naman eh. Kayang kayang takbuhin.

“Gabi na kasi, baka kasi may kalat diyan na adik..”

“Ah..wag na! Eh ikaw, paano ka pagtapos mo akong ihatid? Wag na talaga. Kaya ko naman eh.”

“Lalaki ako. Kaya ko yun. Sige na please? ”

Naawa naman ako sa kanya. Naks Kheira! Ayun, anu pa ba’t pumayag na din ako.

Gaya nga ng sabi ko kanina, hindi ganoon kalayo yung bahay namin. Mga 6:30 palang siguro nun eh dumating na kami. And take note,

Page 38: The GAME of My Life Story

6:15 kami umalis sa school, matapos naming magpalit at mag-ayos. Siguro nga eh, 10 minutes yung pag-aayos tapos 5 yung paglalakad. Sobrang layo talaga no? Kelangan mo pa nga tumawid ng bundok eh.

“Dito nalang…” sinabi ko sa kanya.

Papasok na sana ako ng gate nang hilahin niya bigla yung kamay ko.

“Umm…good night.”

Ngumiti lang ako sa kanya.

“Mag-ingat ka  ”

Tapos noon binitawan niya yung kamya ko. Nakatingin ako sa kanya habang patakbo siyang umalis. Hindi ko pa nga kaagad narealize

yung mga nangyari eh. It took my brother to tell me na pumasok na daw ako before I realize na nakahawak ako sa pisngi ko.

“Hoy ano ba! Pasok na!”

Wait, did he just kiss me?

Chapter 7

Wednesday na. AT hindi ko parin makalimutan yung ginawa niya sa akin nung Monday. Talaga bang nangyari yun? Hindi ba ako nag-

iimagine?? Malay mo.

Narealize ko lang na hindi ko pala imagination yun nung break time at parang namumula si Mark. Nakita kong nahihiya siyang lumapit sa

akin. Tapos si Lian naman, todo ang pang-aasar sa akin.

“Uy Kheira ah…ano tong nabalitaan ko.”

At yun nga, tuluy-tuloy na yung pang-iintriga sa akin. Pati nga si Lia eh natanong tanong na kung anong meron. At ako, bwisit na bwisit

Page 39: The GAME of My Life Story

na talaga.

“Bahala nga kayo!” tapos tumayo na ako.

Dumiretso ako doon sa locker ko tapos kinuha ko na yung mga gamit ko. Nakakaasar na talaga, bakit ba parang simpleng ganoon lang eh todo sila kung makaintriga. Bakit hindi nalang nila pag-usapan yung mga ibang tsismis diyan. Tulad nalang nung nakipagbreak na naman si Ken sa girlfriend niya o nag-cheat si Wendy sa boyfriend niya! Anu

ba iyan!

Napansin ko naman na may nakatayo sa harap ko pero hindi ko siya kinausap. Kilala ko naman kung sino yan eh.

“Uh, tulungan na kita.”

“Wag na. Kaya ko to.” Tapos tuluy tuloy ako sa paglalakad. Baka kung ano na naman kasi pag-iisipin nila’t bakit ako tinutulungan

nitong Mark na ito. Sabihin nanlaladi ako or something. As if!

“Sige na..”

ArgH!! Nakakairita na talaga tong lalaking to ah!

“Wag na nga eh. Kaya ko naman eh.”

Tapos hindi na siya nagpilit nun. Sinabayan nalang niya ako maglakad. Baka daw kasi “malaglag” yung gamit ko. Ewan ko sa yo!

Dumating na ako sa room at sina Lian at Lia (tignan mo nga naman, halos pareho lang name nila) eh nagsimula nang mang-asar.

“Hay nako kayong dalawa, bagay kayo. Hindi lang halos magkapareho names niyo, magkaugali pa kayo!” hahaha! Nakabawi

din!

Si Lia naman eh todo ang pablush. Ewan ko ba dito. Parang tungek to eh. Parang si Lian lang, eh kinikilig na. Crush kasi to dati ni Lia. Dati kasi nag-uusap pa sila, eh dahil nagkahiwalay at nawalan ng

communication, medyo nawala yun. Pero I have a feeling na babalik na naman yun soon.

“nge Kheira..bakit mo ba iniiba ang usapan? Eh ikaw ang topic dito eh??

“Aba, ikaw naman ngayon ang nag-iiba. Whatever Lia, tumahimik ka nalang…andiyan na si Ma’am.”

Totoo naman yung sinabi ko eh. Andiyan na talaga yung teacher na amin. So kami, todo pakabait na ulit. Parang mga tungaw.

Page 40: The GAME of My Life Story

Nagquiz lang kami sa english. Tapos AP, discuss lang naman, wala masyadong activity. Itong si Lia na eh, nakatulog pa…ang lakas ng

loob. Buti talaga nasa likuran kami.

Pagkatapos noon eh Calculus naman. Wala lang, exercises lang binigay kasi kakalesson lang namin nung isang araw. Tapos sa

susunod naman daw seatwork na.

At ayun, natapos din at sa wakas, Lunch na! Hahaha. Balak ko sanang kumain sa bahay ngayon kaso nga lang, itong si Lia eh

biglang nagyaya. Manlilibre daw. Sino ba naman hindi makakatangdi doon diba?

Teka nga, bakit parang nag-iba ang ihip ng hangin at manlilibre itong aking very loving best friend?? Anong nakain nito?

“Hoy Bruha, anong nakain mo at bigla ka nalang manlilibre??”

“Bruha ka din! At sino naman nagsabi na ako nga manlilibre sa iyo?? Sinabi ko lang naman kanina na libre na yung kakainin mo eh pag

sumama ka.”

nyek! Kung hindi siya ang manlilibre, sino!?!?

“Kung hindi ikaw…sino!??”

“Ay naku! Sino pa ba? Ayun oh!”

Sinundan ko naman yung tinuturo niya. AT siyempre, ako eh napanganga lang. Grabe! Napakaunexpected. NOT!

Teka nga, bakit parang andami yata nagbago eh iilang araw lang naman yata ang lumipas? Parang kelan lang eh sinabi ko na hindi

naman friendly itong si Mark. Tapos ngayon nanlilibre nA?? WhaT?!?!? Dahil ba yan sa injury niyA?? Tapos nitong mga araw,

parang naging close yata sina Lian at Mark. Anu bayan!?!? Baliktad na ba ang mundo!?!?

Losyang! Maging masaya ka nalang dahil nagkakaroon na ng kaibigan yang “odd” guy na iyan! hAy naku Kheira, pati ikaw eh

nababaliw na! Oh yan na, palapit na! Patay ka!

“Okay lang ba sa iyo?”

With matching smile ever pa ah! Walang hiya, nahahawa na ako sa kabaklaan ni Lia! Oh no!!!!!!

Sasabihin ko sana sa kanya na okay lang, kaso nga lang, itong baliw kong kaibigan eh siningitan ako.

Page 41: The GAME of My Life Story

“Of course! Okay lang kay Kheira yun!”

Ako naman, napatingin lang sa kanya tapos nginitian ko na. Ayun, pumunta na kami sa bilihan at siya naman pili lang ng pili habang

ako eh napaisip.

Hmm, siguro pagtitrip lang ito. OO! TAMA! Di ba nga inaasar ako ni Rio nung nasa hospital kami?? Yun nga!! Ang talino mo talaga

Kheira! Grabe! Astig ka! Elibs ako sa iyo! Hahaha, sige, tanungin mo nalang siya mamaya pagkanakaupo na kayo.

Pumili kami ng table tapos nung umupo na kami, saka ko lang narealize. OH MY GOLLYWOW! Nag-aaksaya ba ito ng pera?!?!?

Napakarami yata ng nabili??

“Andami mo yatang binili. Gutom ka?”

Tapos tumawa lang siya. Nagstart na kaming kumain noon. Tapos kahi, hindi ko nakalimutan yung gusto kong itanong. At ang

nakakabadtrip pa doon, nung tinanong ko na nga, tinawanan ba naman ako. ISIPIN NIYO YUN?!??

Sa totoo lang, ang ineexpect kong sagot na sasabihin niya eh..

“Galing mo ah! Pano mo nalaman?”

Kaso hindi eh. SA kung saan lupalop man niya hinakot yung sagot, yun yung dahilan ng pagkakanganga ng bibig ko.

“Bakit ba ayaw mong maniwala na gusto kita?”

Kasi naman eh! Diba! Hindi ka pani-paniwala!

“Kasi naman diba? Hindi ka naman kasi yung type na magkakagusto lang basta basta. Lalo na sa katulad ko!”

Tama, hindi rin naman kasi ako bulag at tanga para hindi mapansin na hindi naman talaga ako ganoon ka like-able o “crush” material eh. Kung siguro nga kukuha ka ng survey, I would definitely be the last on the list kung tatanongin ang ranking sa class lang namin. Or

better yet, I won’t be in it at all.

I admit, most guys consider me na “one of the boys”. Pero hindi ako tomboy ah! I just find it interesting at fun na nagkakaroon ka ng GUY

friend. Not boyfriend.

“Bakit mo ba dinodown sarili mo? Eh maganda ka naman?”

*CHOKE* HUWAT!? Ako daw?? Maganda??

Page 42: The GAME of My Life Story

“Oh Mr. Fellacio, I think you need glasses.” Malabo na nga siguro mata nito. Isipin mo? Ako daw? Maganda? HA!

“Ayan ka na naman eh. Why don’t you just accept the compliment? Totoo yun. At definitely malinaw ang mata ko.”

“Hah, whatever.” Tapos ako eh nagcontinue lang na kumain doon.

Natapos naman na agad yung lunch. The weird meal with Mr. Fellacio? Ended up na ayos kahit papaano. Hindi nalang siya kumibo

at baka maduraan ko siya ng drink. Muntik na kasi eh. May sinabi siyang comment about me…compliment to be exact, eh ako umiinom

ako nun. Buti nalang nadura ko lang sa tabi ko. Kung di, instant hilamos siya. With coke nga lang.

After lunch, TLE na! Wee! Hahah, retailing kami ngayon. Masaya na sana ako kung hindi ko lang naalala na kagroup ko pala itong si Lian. Buti nalang si Mark hindi. Kung di, todo pang-aasar na naman iyan.

Ayun, nag-ayos na kami ng stand namin. Magbebenta kasi kami ng parang product nung sa ice monster. Buti nalang natapat yung

schedule namin sa may mga 1st at 2nd year. Lunch na kasi nila nung mga time na iyon.

“Bili na kayo dito, mura lang…”

Ayun, nagpakita na ang tindera side ko. Wahaha, nangulit pa nga ako sa iba eh, kaya ayun, napilitan bumili. Hahah, lakas ng

convincing powers ko!

“Bili na kayo! May libreng kiss!”

Nagulat nga ako kay Lian non eh. Tignan mo nga naman. Ayun syempre, yung mga first year at second year na nagkakacrush sa kanya eh nagsilapitan na. Pagkatapos nilang bumili, lahat sila eh nakascore ng isang kiss sa cheeks mula kay Lian. Tuwang tuwa

naman ang mga loka.

“Bili na kayo dito! Masarap naman eh!”

Hindi din naman namin na mapagkakaila na kahit man maraming dumadaan at nakakabili, konti parin. Hindi tulad nung sa kabilang

stand, stand nila Mark, na hindi nawawalan ng customer. Si Reiya ba naman ang nandoon eh. Malay natin kung anong milagro ang

ginagawa.

“Paano na yan? Mukhang nakukuha ata nila yung mga customer?”

Nakita ko naman itong si Lian na biglang nag-iisip. Tapos parang

Page 43: The GAME of My Life Story

lumiwanag yung mukha niya at hindi ko iyon nagustuhan.

  “Tinatawag ko po ang attention ng lahat! Yoohoo! Tingin dito! Yooohoo! Dali! May announcement ako!”

Nagulat naman yung mga tao at dahil nga curious sila, nagsilapitan naman. Pati nga yung ibang classmates namin eh.

“Okay! May palaro ako sa inyong lahat! It’s called, the auction game! Pero hindi pera ang required. Ang gagamitin niyo dito eh

yung paninda namin. So here’s the catch. Lahat kami, as in LAHAT ng members ng group namin ay open for auction. !”

Medyo nagbulungan ang lahat. Hmm, mukhang ayos naman itong idea nitong kumag na ito ah. Biruin mo, marunong din palang mag-

isip? Wahaha, joke lang!

“Siguro pinagtataka niyo? Anong auction? Well, simple lang naman. Lahat ng may pinakamataas na bid, or shall we say, pinakamaraming mabibili eh magkakaroon ng FREE DATE with one of the members na

inau-auction namin!”

Nagkatinginan yung mga tao at nagbulungan. Tapos nagcontinue na si Lian sa pagsasalita.

“Our first prize…si LIA!!”

Napatingin ako kay Lia. Grabe, if you could just see her face, sobrang nakakatawa.

“WhaT?!?! Bakit ako!?!?!”

“Sige na Lia, katuwaan lang.”

Tapos ayun pumayag siya. Walang problema kay Lia. Maganda siya tapos kilala din. Mabait pa. Kaya medyo nakarami yata ng bili yung nanalo. Biruin mo, 10 cups! Whoa! Eh per cup namin ay 20 pesos.

Naku po! Butasan ng wallet ito!

Ang pinagtataka ko lang, saan naman kaya nila ilalagay yung mga nabili nila??

“Very nice!!Okay! So ang next prize natin ay si…TRICIA!”

At yun na nga, same routine. Naka 8 cups si Tricia, enjoy nga eh. Naks, wala parin natalo sa best friend ko ah!

“At syempre, hindi mawawala, yours truly!!!”

Sabi ko na nga ba eh. Si Lian lang naman ang pinakahihintay nung

Page 44: The GAME of My Life Story

mga 1st and 2nd year eh. Kaya ayun, umabot yata siya ng 15 cups! OMG! Ang lakas talaga ng appeal nitong lalaking to!

Nagkatawagan pa nung iba pa namin kagroup. Ang saya nga eh, ang dami na naming nabebenta. Tapos matawag yun iba, nagsalita na

ulit si Lian.

“AT syempre, save the best for last, si KHEIRA!!!”

HUWAT!?!!? Best daw??

At syempre, hindi mawawala ang side comment ng wicked witch ng St. Agustine. Sino pa ba? Eh di si Reiya!

“Pwede bang ¼ lang nung cup? Hahaha”

Tumawa naman yung ibang tao. Nakakainis talaga tong Reiya na to! Feeling naman niya! Kaya nung may narinig akong nagbid na 3 cups,

napatingin ako sa kanya. Ang sama nga ng tingin s akin eh.

“3 cups? Sayang ata pera mo kid! Who’d want to date her anyway?”

By then kumulo yung dugo ko. Sasapukin ko na dapat siya kaso may narinig ako bigla.

“6 cups!”

napatingin ako. Hinanap ko yung nagsalita. Pati nga si Lian eh hindi makita.

“Asan ka? Show yourself!!!”

At yun lumabas nga siya---HUWAT?!?? Tama ba itong nakikita ko??? SI LESTER?!?

“Okay, 6 cups for Lester, meron pa ba?!!!”

Ako naman eh parang baliw doon na nakanganga. Napatingin nga ako kay Lia eh pero nakatawa lang. Aba, may hidden agenda pala tong Lester na ito ah. Baka naman gusto lang niya akong tulungan

para hindi mapahiya. Thanks sobra LESTER!

Tapos nun, nung akala na namin na wala ng magbibid, nagbilang na si Lian.

“Going once, going twice…so--”

“10 cups!”

Tapos napatingin lang ako kay Mark. What?? Anu ba yan!

Page 45: The GAME of My Life Story

Magsasayang lang yata sila ng pera ah! Walang hiya tong mga to!

Pero hindi nagpatalo si Lester. Bumanat ba naman ulit eh.

“13 cups!”

“15 cups!”

“17 cups!”

Grabe! Mukha akong ewan doon. Ay teka, hindi lang pala ako. Lahat kami! Paano ba naman, palipat lipat yung ulo namin sa kung sino

nagsasalita. Nakanganga pa!

“20 cups!”

“21 cups!”

Mukhang nauubusan na yata to ng pera ah!

“25 CUPS!!”

HOLY GOLLYWOW! Totoo ba itong narinig ko!?!?

“SOLD!”

Nagulat ako kay Lian, bakit parang hindi na niya yata hinintay si Lester, kahit nga na feeling ko eh wala nang pera to, diba dapat

nagcount pa siya?

“Sorry po folks! Kinailangan ko lang tigilin dahil we only have 25 remaining cups. Kaya yun nalang ang pinakamataas.”

Kaya naman pala. Teka, 25 cups?? At…si MARK!?!?!?!

“Congratulations kay Mr. Mark Fellacio, you win a date with Miss Kheira Aruello.”

Napatingin lang ako kay Mark. Tapos siya naman, ngumiti sa akin habang nagbabayad. Now tell me, saan naman kaya niya ilalagay

ang 25 cups of flavored ice? Pero wait lang…

MAGDADATE DAW?!?!?

Page 46: The GAME of My Life Story

Chapter 8

Natapos na yung TLE namin, kahit pa man labag sa kalooban ko na makikipagdate pala ako, naging enjoy dahil yung group namin yung may pinakamataas na sales sa araw na iyon. Tuwang tuwa pa nga yung teacher namin eh. Lalo na sa creativity na pinakita ni Lian.

Syempre, kami din eh proud na proud kay Lian. Hindi mo man malaman yung takbo ng utak nung lalaking yun, at least may

naitutulong din diba? Swerte pala namin.

Page 47: The GAME of My Life Story

Dumiretso na ako sa classroom para kunin yung gamit ko. Gusto ko mauna dahil ayoko nang makasabay siya. Ewan ko ba. Ang weird

kasi eh. “odd” ika nga.

Papalabas na ako nun nang bigla ko siyang nakasalubong kasama si Lian na tumatawa. Napatigil si Lian tapos nginitian ako ng

nakakaloko.

“Hi Kheira!”

Tumango ako sa kanya tapos naghandang umalis pero may humila sa kamay ko. Si Mark.

Kala ko kung anong sasabihin dahil matagal tagal din kaming nagkatinginan. Nung napansin kong wala siyang balak magsalita,

hinila ko na yung kamay ko tapos lumabas. Pero may pinahabol siya.

“Sa Sabado, 10 am sharp. Susunduin kita.”

Anu daw!?

Nung practice, hindi ako masyado makapagconcentrate. Kasi naman tong si Mark eh. Kung anu-ano pa yung pinagsasasabi. Hmph!

Badtrip talaga tong mokong na ito! Ayan tuloy, madalas ako napapa-isip ng malalim.

“Kheira yung bola!!”

“huh?” tapos nakita ko na yung bola nila eh papunta sa akin. Buti nalang mabilis ang reflexes ko at nasalo ko agad. Binato ko naman

agad sa kanila.

“sorry Kheira ah! Ikaw naman kasi eh, saka mo na isipin yung date niyo ni Mark.”

um! Lokong to! May gana pang mang-asar. Ayan tuloy, nakatinkim siya ng malaking batok mula sa akin. Kala mo ah!

“Aray ko naman Kheira! Hindi mo ba alam, na kada may tumatama sa ulo ng isang tao eh nawawalan siya ng brain cells!?!? Paano

nalang ako niyan?”

Asus, ang arte naman nitong lalaking ito.

“Ang arte mo ah! Bahala ka na nga!”

Tumayo na ako noon. Nagdecide ako na pumunta nalang ng storage room kaso bigla nalang…

*BOOM*

Page 48: The GAME of My Life Story

“Aray!”

“Sorry Kheira!”

Si Mark na naman?!? Hay, bakit ba parati ko nalang siya nakakasalubong? Ah ewan!

Tinulungan naman niya akong tumayo tapos yung iba, what do you expect? Todo asar na naman. AT syempre, dahil nga doon, bigla

nalang akong nabad mood.

Tumuloy lang ako dun sa storage at doon na lang nagkulong. Hindi naman ako yung tipo na pikon pero, ewan ko din. Sa totoo lang,

hindi ko talaga maintindihan. Feeling ko kasi pakana lang talaga yun nung mga kasama ko dahil ayun nga, wala naman kasing nanliligaw

slash nagkakagusto sa akin eh.

At minsan naman, pag naiisip ko iyon, medyo nakakalungkot. Sino ba naman ang hindi malulungkot diba? Kahit nga ang pinakamanhid sa mundo eh makakaramdam parin nun pag mag-isa nalang siya eh. Hay, Kheira, kung bakit ba kasi parang lalaki ka kung umasta eh…

Mabilis lang lumipas yung mga araw. Wala rin naman kasi masyadong ginawa eh. Dahil nga malapit na ang linggo ng wika,

nilaan nalang nung mga teachers yung ibang time para sa practice. Next week na kasi yun. Syempre, paganda ng classroom, design

design, practice dito, ayos doon. AT higit sa lahat, one day before magstart ng linggo ng wika eh 1st game na ng basketball team.

Kaya kami ngayon? Todo training talaga.

Naging strict din si Coach dahil nga doon. At yung mga players naman, ganadong ganado. Nagkaroon nga ng practice game nung

Thursday eh, panalo naman kami. At sobrang laki talaga ng improvement dahil kahit 3rd quarter na ipinasok ni Coach yug 5

magagaling na players, lamang kami all throughout.

At dahil nga sobrang bilis ng panahon, hindi ko namalayan na, Sabado na pala.

Sa totoo lang, dahil nga sa busy sched namin, muntik ko ng makalimutan na may “date” pala kami ni Mark ngayon. Buti nalang

nagtext siya nung mga 8:00 siguro (hindi rin siya excited no?) at nagtanong kung tuloy pa daw ba.

Ayun, nagulat ako at kala ko nabaliw na yun tulad nung kaibigan niya pero bigla ko naman nga naalala na lalabas kami.  Napabilis

tuloy ako ng kilos ng wala sa oras.

Page 49: The GAME of My Life Story

Simple lang ang sinuot ko, white and blue na shirt tapos pants lang. Hindi naman kasi ganoon kadami ang damit ko, saka hindi ako

mahilig pumorma. Syempre, kahit naman mahilig ako eh hindi parin kaya sa budget. Buti nalang talaga, hindi.

“HOY KHEIRA! ANDITO NA YUNG SUNDO MO!”

Bumaba naman ako kaagad. Nakita ko na kausap niya si Kuya Kaloy at Kuya Kyle. Nakakagulat nga eh, nakangiti pa sila. Nagpaalam naman ako sa dalawa kong kuya nun at paalis na sana nung may

pinahabol si Kuya Kyle na nakakainis.

“HOY MARK! PAG MAY GINAWA SA IYO YUNG KAPATID KO SABIHIN MO LANG AH!!”

UGH!! Nakakainis talaga!

Si Mark naman, walang ginawa kung di tumawa lang. Sapukin ko kaya to eh makatawa pa kaya?

“Saan ba tayo pupunta?”

“Uhh, okay lang ba sa iyo na may daanan muna tayo?”

“Sure okay lang.”

At gaya ng sabi niya, may dinaanan nga kami. Nagulat nga ako dahil isang day care yung pinuntahan namin.

“Wait lang ha…”

“O sige.”

Nakatayo lang ako dun sa labas habang naghihintay. Niyaya nga niya akong pumasok pero ayoko. Anu naman kasi gagawin ko sa loob

diba?

Teka nga, anu ba ginagawa niya doon? Wag mong sabihin may anak siya tapos sinusundo niya? Ops, teka lang Kheira, wag masyadong

imaginative.

Pero laking gulat ko nalang na may karga siyang napakacute na batang lalaki.

“Kheira, this is Milo. My cousin.”

“Wow! Ang cute naman niya!” nilapitan ko silang dalawa tapos tinignan ko ng malapitan yung bata. Nginitian niya ako tapos nilabas

niya yung kamay niya sakin. Parang gustong magpabuhat.

Page 50: The GAME of My Life Story

At dahil nga natuwa ako, binuhat ko naman siya.

“Hi Milo, ang cute cute naman ng name mo..”

Tapos yung ngumiti lang siya. Pati nga si Mark eh nakangiti. Who would ever think na mahilig pala sa bata si Mr. Mark Fellacio.

“Heyo. Anu name mo ate?”

“Ako si Ate Kheira.”

“Ate Khi…ate Khi…?”

“Khei-ra”

“Khi…Khi?”

Mukha siyang naiiyak dahil hindi niya mapronounce ng tama yung name ko. At syempre ako naman eh naawa.

“O sige, ate Khi nalang tawag mo sa akin okay?”

“Yey! Heyo ate Khi.”

Napaharap naman ako dun kay Mark na kanina pa ngumingisngis.

“Ano nga pala true name niya?”

Tapos ngumiti lang si Mark at lumapit sa amin.

“Mikylle Loreinze Ongpauco.”

“Oooh, ang nice. Hmm…nakuha yung nickname niya sa first two letters ng name.”

Napatingin sa akin si Mark noon. Para bang nagulat. Anu naman kagulat gulat sa sinabi ko? Did I make a fool out of myself?

“Bakit? Anong meron? Mali ba?”

“Hindi…it’s just that…ikaw lang ang pinakaunang tao na nakaalam ng reason for his nickname.”

“Oh…what’s the big deal?”

“Wala.”

“Asus, yun naman pala eh, grabe ka magreact. Tara na nga…Hehe”

Page 51: The GAME of My Life Story

Tapos nga, ayun, umalis na kami sa Day care. Sumakay kami ng jeep. Nagyaya itong si Milo na pumunta sa playground kaya kami ni

Mark, dahil hindi naman talaga namin alam kung saan kami pupunta, sinunod nalang namin yung chikiting.

Hindi ko naman na pinansin yung over reaction ni Mark kanina. Malay ko ba kung anu man iyon. Hindi naman ganoon kalaki yun eh.

At least, that’s what I thought.

Chapter 9

Pagkadating namin dun sa playground, nagpababa si Milo at yun, tumakbo dun sa may slide na pambata.

“Nakakatuwa talaga siya. Only child ba siya?”

“Hindi ah. 3 silang magkakapatid. May twin sister iyan, hulaan mo kung ano pangalan.”

Tapos ngumiti siya ng nakakaloko. Hmm, Milo yung name niya…ano

Page 52: The GAME of My Life Story

kayang name na pambabae ang pwede irelate sa Milo? Ewan, bakit ko ba ito sineseryoso? Hahaha, parang babagsak ako pag mali yung

sagot ko eh.

“Umm..Nido?” kung ano nalang pinakauna kong naisip yun na yun.

“Whoa! Psychic ka ba Kheira? Ang galing ah!.”

At biruin mo? Tama pala. Hahaha.

“Ano naman yung whole name niya?”

“Nierisha Dorcielle. Tapos yung pinakamatanda, Nestle. Natasha LeeAnn”

Ang unique naman ng lahat ng pangalan nila. Grabe, kamangha. Ang galing siguro mag-isip ng names nung parents nila.

“Wow, ang astig naman nung names nila. Nga pala, asan sila?”

“Ayun, dinala ni tita sa mall. Nagyaya kasing mamili si Nestle.”

“ahh.”

“Kuya, Ate tingin kayo dito!”

Syempre, tumingin naman kaming dalawa. Nakita namin siya nagslide tapos biglang nagbow. Kulit ng batang to. Heheh.

“Wow! Ang galing naman!”

“Try mo ate!!”

Whoa! Swerte ko lang kung magkasya ako diyan.

“Hindi na Milo, hindi ako kakasya diyan eh.”

“Chigi na? Pweease?!”

Sometimes I hate it pagnagpapaawa ang mga bata. Masyado kasing effective eh. Next thing I know, mukha akong ewan at nagslide dun

sa kiddie slide. Buti nalang hindi ako ganoon kalaki at hindi ako nastuck. Kung nangyari yun, kakahiya.

Narinig ko namang tumatawa si Mark kaya napatingin ako sa kanya ng malokong masama.

“Anong tinatawa tawa mo diyan?!?”

“Wala lang, ang cute mo lang kasi eh. Para kang bata.”

Page 53: The GAME of My Life Story

Hmph! Ang yabang nitong kumag na ito! Kala mo ah!

“inggit ka lang, ikaw kasi pagnag-slide ka diyan, hindi ka kakasya!” tapos nagbelat ako sa kanya. Oo mukha kaming ewan doon at

nagmukhang isip bata pero, so what? Wala naman may kilala sa amin dito eh.

“Asa ka! Kasya ako diyan ah!”

Tapos nun binigay niya sa akin laman ng pocket niya, yung cellphone niya at wallet, pagtapos nun eh nagslide siya.

At ako naman, tawa lang ng tawa. Dahil tama nga ako, nastuck siya dun sa bandang baba. Tapos nauntog pa siya. Ang laki kasing tao

eh.

“Hahaha!” tapos nilapitan ko siya.

“Ang yabang nito oh!”

Tapos nun eh inabot ko lang yung kamay ko at tinulungan kong makatayo. Nakakaawa naman kasi eh, baka isipin ng iba retarded

siya. Hahaha.

Hinila ko siya pero medyo na-off balance ako. Hindi naman kasi ako ganoon kalakas eh.

Napapikit ako habang hinihintay yung pagbagsak ko. Pero napansin ko nung magland ako, hindi siya ganoon kasakit. Binuksan ko naman yung mata ko tapos nakita ko si Mark, and his face was just inches

away from mine.

“Tignan mo nga naman yung kabataan ngayon oh, hindi na nahiya. Ku! Kung ako magulang niyan eh pingot sa tenga ang abot sa akin

niyan.”

Narinig kong sinabi nung mga matandang babae na dumaan. Hindi naman ako makatayo since nakapatong siya sa akin.

“Umm Mark…?”

Tapos tumingin siya na parang hindi alam kung anong meron.

“Ang bigat mo…”

Natawa siya tapos saka lang tumayo.

“Sorry…hehe”

Page 54: The GAME of My Life Story

Pagkatayo namin, bigla naman dumating si Milo.

“Ate, kuya, biyi tayo ice cweam!”

“Saan?”

Kinuha niya yung kamay ko tapos hinila niya ako papunta doon sa manong na nagtitinda.

“Magandang umaga po Manong, magkano ice cream?”

“10 piso lang hija”

“Wow! Ang mura naman dito manong! Sana pala dumadaan kayo sa street namin para parati ako nakakabili sa inyo! Heheh.”

Tumingin naman ako kay Milo. Tapos nagpapabuhat siya para makita yung mga flavor.

“Ano pong meron?”

“May, chocolate, cheese, mango at ube”

“Masarap po ba manong??”

Palokong sinabi ni Mark dun kay Manong. At syempre, si manong eh nakitawa lang.

“Syempre naman! Ito yata yung pinakamasarap”

Nakipagchika chika muna kami kay manong tapos bumili kami na. Si Milo, dahil nga bata eh natural na chocolate ang pinili. Si Mark

naman ube tapos ako, cheese.

Matapos namin makabili bumalik kami dun sa may swing tapos si Milo eh nagtatatakbo na naman. Buti nga at hindi nagsusuka yung

batang yun, sobrang harot kasi. Samantalang si Mark eh tumabi lang sa akin.

“Oo nga pala Mark, anu ginawa mo dun sa 25 cups ng flavored ice?” matagal tagal ko rin napag-isipan yun eh. Hindi ko naman

maimagine na kainin niya yun ng mag-isa.

“Yun ba? Hehehe, binigay ko dun sa mga teachers.”

“Hmm..hindi ba sayang?”

“Hindi! Worth it naman eh”

Natahimik lang ako nun. Ayokong magfeeling pero sa tingin ko itong

Page 55: The GAME of My Life Story

lakad na ito yung tinutukoy niya. Ewan ko ba, naguguluhan na ako minsan. Kasi kung pakana lang ito nung grupo, bakit parang ang

tagal naman yata? Basta, bahala nalang.

Sa totoo lang, enjoy ako ngayon. Hindi ko kaagad naisip nga eh na maeenjoy ko tong lakad na ito. Honestly, ito yata ang pinakauna

kong labas with a guy. Wala naman kasi talagang interested eh. Not that I want someone to be.

“Huy Kheira!”

Napansin ko na nagsnasnap siya sa harap ko.

“Huh?”

“Kanina pa kita tinatawag eh..bakit tulala ka?”

“Ako tulala? Hindi no!” hindi nga ba?

“Okay, sabi mo eh. Tara na, nagyayaya na si Milo, mukhang sobrang napagod eh.”

Tumango lang ako sa kanya tapo tumayo narin mula sa swing. Tumabi naman ako sa kanila tapos napansin ko, tulog na si Milo.

Nalow batt din ang chikiting. Heheh.

Hindi ko namalayan na nakatingin pala sa akin si Mark. Nung napatingin ako sa kanya eh biglang lumingon siya tapos namula.

What was that all about?

“Bakit? May dumi ba ako sa mukha?”

Tapos umiling lang siya at ngumiti. Tahimik lang kami hanggang sa makadating kami sa house nila Mark. Ang laki nga eh, halang may

kaya yung pamilya niya.

“Pasok ka…”

“Naku! Wag na…”

“Sige na, papakilala kita kina Nido, andiyan na yata sila eh.”

At syempre, dahil gusto kong makilala ang mahiwagang kambal ni Milo at yung ate nila, napapasok tuloy ako ng di oras.

“Good evening po…” sinabi ko naman kasi may nakita akong babae, either mommy ni Mark o nila Milo.

“Ay, good evening din. Mark, paupuin mo naman yang bisita mo”

Page 56: The GAME of My Life Story

Nakakatuwa nga eh, si Mark naman eh sumunod lang. Umupo naman ako doon sa tapat nung babae tapos nagpaalam si Mark na aakyat

lang daw muna.

“Anong pangalan mo?”

“Ay, Kheira po…umm, mommy ka po ba ni Mark?”

Curious lang talaga ako eh.

“Hindi..heheh, Tita Ellaine ako ni Mark. Tita Elle nalang for short. Yung mommy niya eh nasa US ngayon kasama nung dad niya. Ako

nagbabantay sa kanya. Anak ko sina Milo, Nido at Nestle.”

Whoa, ito pala ang nanay ni Milo.

“Nice to meet you po tita. Hehehe, alam niyo po, ang galing niyo mag-isip ng name ng bata.”

Tapos natawa naman siya sa akin nun. Ayun, nagkuwentuhan lang muna kami. Nakuwento niya sa akin na si Milo pala eh sobrang close kay Mark dahil nga wala naman daw kapatid na lalaki at puro babae ang kapatid niya. Si Mark naman daw, sobrang hilig sa bata. Only

child lang daw kasi siya kaya ayun.

“Alam mo hija, ikaw palang yata ang nadadala ni Mark dito na babae magmula nung last girlfriend nila. Kaklase niyo ata yun

eh..parang--”

“Tita Elle, magkwento daw ba?”

Tumawa lang siya pagtapos nun. Nakapagpalit na pala siya ng damit. Tapos buhat buhat niya si Milo na mukhang gising na yata.

“MAMI!!!!”

Nagpababa si Milo kay Mark tapos ayun, hala, nagtatakbo papunta kay Tita Elle.

“Mukhang namiss yata ako ng anak ko ah. Hehehe, ano bang ginawa niyo dun?” 

“Masaya po mami, nagpunta kami po pyayground. Tapos, tapos, tapos, si Kuya Mark, niyibwe niya ako ng ice cweam. Tapos, tapos,

tapos, pinakiyaya niya ako kay ate Khi.”

Ang daldal din pala nito. Heheh, nakakatuwa talaga.

“Mami, asan po ate Nestle at Nido?”

Page 57: The GAME of My Life Story

“Andoon sa taas, sinusukat yung pinamili nila.” 

“Kami ba pinag-uusapan niyo? HEheh”

Tapos may nakita akong napakacute na batang babae na kamukhang kamukha ni Milo, yun siguro si Nido tapos si Nestle naman, naku,

sobrang puti. Ang ganda ng skin sobra.

“ate Nestle!!”

Hala, nagtatakbo na naman si Milo at yumakap kay Nestle. Si Nido naman, lumapit lang sa mami niya at yumakap na parang nahihiya.

Hmm, magkabaliktad pala tong kambal na ito eh. Kung si Milo, sobrang daldal at kulit, si Nido naman eh sobrang tahimik at behave.

“Oo nga pala, Kheira, yung nakayakap kay Tita Elle, siguro obvious pero, siya si Nido. Tapos ayan naman si Nestle. Kids, si Ate Kheira.”

Tapos ayun, nagsmile naman sa akin si Nestle at tumabi. Sa kanya pala nagmana si Milo dahil sobrang daldal din.

“Hi! Alam mo ate, ang ganda mo”

Naku, walang hiyang bata to, nanloko pa. Heheh.

“Hindi ah, ikaw yung maganda.”

“Totoo po! Di ba kuya? Maganda si Ate Kheira?”

Ayokong tumingin kay Mark pero napatingin ako. Nakangiti naman siya dun at mukhang nababaliw na.

“Syempre naman, hindi naman ako pipili ng hindi diba?”

ANO DAW!?

Chapter 10

Mga 6 na nung hinatid ako ni Mark. Nagyaya pa nga si Tita Elle na doon nalang ako kumain pero tinanggihan ko, nakakahiya na saka

baka walang pagkain sina kuya sa bahay. Mahirap narin, baka hindi na naman umuwi si Kuya Kaloy.

Pagdating ko sa bahay, nagulat ako dahil walang kuya Kyle na nagsisisigaw sa akin. Nakita ko si Kuya Kaloy dun sa may harap ng

tv at nanonood. Tumabi naman ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

Page 58: The GAME of My Life Story

“Oh, kamusta date mo?”

Tapos ayun, ngumiti ng nakakaloko.

“Ayun, ayos naman. Hindi naman talaga siya date eh. Parang tambay lang.”

“Nadisappoint ka??”Pinalo ko naman siya.

“Hindi no! Ano ka ba! Heheh, oo nga pala, asan si Kuya Kyle? Bakit parang ang tahimik yata?”

“Akala mo ba ikaw lang ang may kadate ngayon?”

HUH?? May pumatol kay kuya Kyle?!?

“Ano!? May pumatol dun??”

Tapos nakatanggap naman ako ng hampas.

“Sira ka. Pag ikaw narinig nun, lagot ka.”

“Hmph! Hindi ako takot sa kanya no!”

“Oo nga naman. Eh mas macho pa yata sa akin yan eh!”

Speak of the devil.

“Hi Kuya! Kanina ka pa?”

“Oo, bakit?”tapos ayun, siniksik niya yung sarili niya sa tabi namin ni Kuya Kaloy.

“Kuya!! Dun ka nga sa kabila!! Ang sikip!”

Tapos tinawanan lang kami ni Kuya Kaloy. Madalas kaming ganito sa bahay lalo na pag mga weekends. Sinuwerte pa nga’t andito si Kuya Kaloy. Syempre, madalas eh kailangan talaga niyang magovertime

para naman.

“Gutom na ba kayo?”

Napatingin ako sa kanila. Tignan mo nga naman, iilang minuto pa lang kaming nandoon eh nakatulog na sila. Hay, pagod siguro ang mga mokong na to. Kumiss lang ako sa kanila tapos umakyat na.

Kinuha ko yung marurumi kong damit at pati narin kina kuya tapos naghanda na para sa mahaba habang paglalaba.

Page 59: The GAME of My Life Story

“Musta date?”

Napatingin nalang ako kay Lia. Hay naku, ang tsimosa naman nito. Hehehe. Monday na nga pala ngayon. Wala naman kasi akong

masyadong ginawa nung Sunday kung di maglinis ng bahay. Hindi rin naman kami nakalabas dahil nga wala naman kaming pera.

“Ayos lang.”

Ewan ko kung bakit, pero hindi ko feel na I-share yung nangyari. Kaya nga itong si Lia eh pinalo pa ako at nangulit.

“dun ka na nga!”

“Sus, damot nito…”

Napangiti lang ako nung maalala ko yung nangyari. Wala lang, mukha nga akong ewan doon eh. Parang nababaliw kung tutuusin.

Buti walang nakakakita.

Buong umaga eh naglesson lang kami, kaya nga ba ang laki ng pasasalamat ko noong mag PE na. Pero this time, hindi tulad nung dati, nagturo lang yung teacher ng drills at pinapractice sa amin. May practical daw kasi next week. Mas okay na siguro yun, kesa

naman sa maghapon nakaglue yung pwet mo sa silya.

Mabilis naman natapos yung PE, at syempre, dahil Monday ngayon, ang susunod na subject ay ang aking pinakamamahal na CALCULUS! Heheh, napansin pa nga yata ni bruhang Lia kaya ayun, tumingin sa

akin habang ako eh nagmumukhang ewan na nakangiti.

“Hoy! Tuwa ka na naman…”

“Whatever Lia..heheh”

Tapos yun, naglesson na kami. Nagexercises tapos seatwork. At syempre, dahil pag enjoy mo ang isang bagay, mabilis lang parating

natatapos. Ang badtrip no? Nananadya talaga eh. Pero ayus lang, lunch naman kasunod eh.

“Lia…”

Tumingin naman sa akin yung babaeng yun tapos nagtaas ng kilay. Taray ah.

“Oh? Bakit? Anong problema mo?”

“Uuwi ka ba?”

Page 60: The GAME of My Life Story

“Hindi eh, may practice kasi kami, alam mo na,sa Wednesday na kasi yung contest eh.”

Uu nga no! nakalimutan ko. Hala ibig sabihin nun eh…BUKAS NA YUNG GAME!?!?

“Hoy! Anu ba naman yan! Bukas na yung laro niyo tapos ganiyan parin kayo!?!? Anung klase yan!?”

Hala, si coach nag-iinit na naman. Wala nang masyadong nangyari kanina. Sa sobrang bilis ng takbo ng oras, hindi ko na namalayan na free period na pala. At dahil nga bukas na yung game, todo practice

at hanggang 7 na talaga kami ngayon.

“Sige, magbreak muna kayo, pagtapos ng 5 minutes balik ulit.”

Buti naman at pinagpahinga na ni coach sila. Kawawa naman kasi eh, kung wala siguro silang break eh magstraight one hour practice na sana sila. Kaya yung iba, hindi nila sinayang yung break at takbo

agad sa may drinking fountain.

“HAY! Kapagod naman!”

Tumabi sa akin yung mokong tapos ayun, mukhang may baon na jug at doon na siya uminom.

“Kelangan niyo naman kasi talaga yang practice na iyan eh, bukas na yung game no!”

“Manonood ka ba?”

“Anu bang tanong yan? Syempre oo!”

Tapos napangiti lang siya noon. Ang weirdo nito. Sa totoo lang, bagay talaga sila ni Mark na magkaibigan. Pareho silang “odd”.

Hahaha.

“Eh di maganda, gaganahan kaming maglaro niyan, lalo na si Mark.”

Napalunok naman ako dun sa sinabi niya. Hahah, grabe ang galing talaga nilang magjoke.

“Yeah, right.” Tapos nun umalis na ako dun sa pwesto ko at papunta na sana kay Coach nang may pinahabol siya.

“Baka nga pati ako ganahan eh!”

Page 61: The GAME of My Life Story

HUH!?

Hay, grabe naman to..bakit ba, bakit ba? WAAAAAAAAAAAAH! Anak ng tipaklong!

“MARK! ANONG GINAGAWA MO!?”

Oh my gosh! Wag niyong sabihin na magtatatanggal siya ng…ng---WAAAAAAAAAAAAH!! TANGGAL NA!

Lord patawarin niyo po ako sa mga nakikita ko, di bale tatakpan ko mata ko!

"Ano bang problema hun? Bakit ka nakatakip mata diyan?”

What!?!? Anong tinawag niya sa akin?!?? Hun!?!!? WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT?! WAAAAAAAAAAH! Bakit parang

nahuhulog yata ako!

*oomph!*

Aray ku naman, ang nice naman, san na ba ako!?!?

“Bhe, dalian mo na nga diyan, malalate na tayo, birthday pa man din ni kumpare.”

Huh?? Bhe!?!? At si…LIAN!?!?!? OH MY GOSH! ANO NA BANG NANGYAYARI SA MUNDO!?!?

“Huh? Anong problema mo Lian?? Bakit bhe ang tawag mo sa akin?? At bakit!? Huh? Kanina lang si Mark tapos…tapos…---”

“Don’t tell me bhe na nakipagkita ka na naman sa Mark na iyon!?!? Kala ko ba napag-usapan na natin na hindi ka na ulit makikipagkita

sa kanya?? I thought you wanted this marriage to work out!?.”

ANU DAW!?!?!? MARRIAGE?!?!?! EH 15 pa nga lang ako eh! Anu ba yan!

“Can’t you see Lian? Mas pinipili niya ako kesa sa iyo…”

Waahh, anu na bang nangyari sa magandang mundo?!?

“Hoy! Wag nga kayong mag-away?!?!!? Anu bang pinag-sasabi niyo diyan ha!?!? I can’t get married yet! I’m only 15!”

Page 62: The GAME of My Life Story

Tapos parang tinawanan pa yata nila ako nun. The nerve!

“15? Bhe may sakit ka ba?? Eh nakaka 6 na nga tayong anak eh!.”

WHAT THE?!?!? ANIM?!? ANO AKO BABY MAKER!?!?

“what are you talking about!?!?”

“HA! 6 lang anak mo sa kanya? Eh ako nga 8 na eh, at incoming pa si junior!”

Bigla naman akong napatingin sa tiyan ko dahil naramdaman ko biglang lumalaki.

WHAT THE HECK’S GOING ON!?!!?

“HOY KHEIRA ELIZABETH! ANONG ORAS MONG PLANO NA BUMANGON!?!?”

Binukas ko naman agad yung mata ko. OH my gosh! Panaginip lang pala yun! Whew!! Kala ko naging instant baby maker na ako

overnight!! Waaah!

Tumayo ako ng sobrang bilis at biglang napayakap kay Kuya Kyle, at itong kuya kong napakaloving (as if!) eh tinatanggal ako na parang

may germs ako.

“HOY! Ano bang ginagawa mo?!?!? Kung makayakap ka parang hindi tayo ng kita ng 10 taon! Ano ba! Naligo na ako! ang baho baho mo

pa!!”

“WAAAH! KUYA!! THANK YOU SOBRA SA PAGGISING SA AKIN!!”

Tapos nun eh kiniss ko pa siya sa cheeks at saka lang ako dumiretso sa CR. Whoa! What a weird dream! OH MY Gosh! LATE NA AKO SA

GAME!!

“Kheira! Ano bang nangyari sa iyo at ngayon ka lang nakapasok?!!? Kanina pa nagstart yung game! Hinahanap ka rin kanina pa sa akin

ni---”

Page 63: The GAME of My Life Story

“SORRY BHES! Can’t talk! Nagmamadali ako!”

At yun nga, hindi natapos yung marathon ko hanggang sa makarating ako sa court.

Pagdating na pagdating ko eh yung scoreboard kaagad yung tinignan ko. Whew! 2nd quarter pa lang pala…pero…hala! Lamang

yung kalaban ng 10 points?!?! Ano bang nangyayari?? Sino na bang naglalaro??

Tumingin naman ako doon kina Coach. Si coach eh nag-iinit na sobra at sigaw na ng sigaw. Kawawa nga yung players eh. Lumapit naman na ako kaagad sa kanila nung magresume na yung game. Nagsorry

ako kay Coach pero hindi naman daw big deal dahil hindi kao player. Whew! Buti nalang.

Umupo ako sa tabi ni Coach. Grabe, kaya pala galit na galit itong si Coach Roel eh, sobrang lamya maglaro nina Lian at Mark. Anu bang

nangyayari sa kanila??!

“HOY! ANO BANG NANGYAYARI SA INYO!?!?! BAKIT ANG LALAMYA NIYO MAGLARO!?!!?”

Napatingin naman kaagad yung dalawa sa akin. Si Mark eh biglang ngumiti ng sobrang nakakaloko, pati narin si Lian. At nakita kong

ganadong ganado na silang maglaro. Biruin mo, in 20 seconds nareduce yung lamang ng kalaban by 2 points!!

“Walang hiyang mga bata to, ikaw lang pala ang hinihintay. Sa susunod nga Kheira dumating ka ng maaga!”

Nagulat naman ako doon sa sinabi ni coach. Hindi ko siya pinansin tapos nanood lang ako. Kasi naman eh, inaasar na nga ako nila Lia

pati ba naman si Coach!?!

At yun, dahil nga ganado yung players na, nanalo kami in the end. Ehehe, sobrang saya nga eh. Ang laki ng lamang sobra. Yung final

score eh umabot yata sa 90-55. Grabe no?

Anyways, dahil nga nanalo sila’t lahat lahat, nagdecide naman tong mga mokong na ito na magpaparty. At saan sila magsasaya? Sa

bahay ni Lian. Start na rin kasi ng linggo ng wika bukas kaya pagmagabsent man sila eh wala rin silang mamimiss.

“Oi Lia, tara na nga, bakit ka pa nagpapaganda diyan?”

“Syempre no! pupunta yata tong best friend mo sa party.”

“Nya, bakit ka naman pupunta doon? Eh alam mo namang mag-

Page 64: The GAME of My Life Story

iinuman at maglalandian lang sila dun!”

“Sus! Hayaan mo na, ayaw mo nun, first time natin makakapunta ng party. Para naman hindi nila tayo sabihan na ina-outcast natin sarili

natin.”

“Nye! So? Anong paki natin kung ano iniisip nila? At teka, natin!? Sino nagsabi na sasama ako??”

“Asus! Bhes naman! Ang kj mo talaga. Dali na, andoon naman si Mark eh.”

“Nyi! And so? Ano naman kung andun siya!?”

“Nyo, Nyu, o sige nakumpleto mo na lahat ng expression mo, sumama ka na bheess!!”

“Excuse me, hindi ko expression ang nyo at nyu no! at saka, ayoko nga! Anu naman gagawin ko doon? Mamaya eh makita ko pa si Reiya

dun. No way! Never! Over my dead body!”

Sobrang desidido na ako na hindi pumunta. Saka, may point naman talaga ako eh, paano kung andoon si Reiya? Paano kung pahiyain niya ako? grabe ang dami ng tao dun ah! Anyway, ayoko naman

talaga sa mga party party na ganoon eh, hindi naman sa loner ako or anything, basta! Feeling ko kasi ang point ng party dun eh hindi

para magsaya kung di magpakawasted.

And I didn’t know what Lia did pero ang alam ko nalang…

I was standing in front of Lian’s house at si Lia eh nagdodoorbell na. What have I gotten myself into!?!?

Chapter 11

Hanggang ngayon talaga eh hindi ko maintindihan kung anung kababalaghan ang pinaggagawa ni Lia para mapapayag akong

Page 65: The GAME of My Life Story

sumama. Basta alam ko nalang eh andun na kami sa house nina Lian.

“Alam mo, hindi ko talaga alam kung paano mo ako napasama dito..”

“Hay naku bhes! Just admit it that I’m good!”

“Hmm…hindi eh.”

Tapos nun pinalo lang niya ako. Pinapasok naman kami nung helper yata nila. Tapos nun ayun, nakita namin kung paano ang party ng

mga “wild” sa school. Sa totoo lang? Not as wild as I expected.

Parang normal get together. Sure malakas yung music, sobrang lakas to the point na baka bukas eh bingi ka na, tapos may mga taong nagkukulitan at naghaharutan, pero overall? Hindi siya

ganoon ka “trashy” as I have expected it to be. Weird.

At syempre, mayroon paring mga bagay na inexpect ko andoon nga. Like the wicked witch. Kahit siguro magdasal  ka sa kung saang

simbahan eh hinding hindi mo maaalis si Reiya sa mga parties. At ayun na nga yung witch na iyon, nakikipaglandian sa kanyang toy boy of the week. Honestly, hindi ko maintindihan kung bakit may

nagpapagamit pa sa kanya eh.

“Well, well, tignan mo nga naman kung sino yung lumabas sa lungga.”

I wonder, kelan kaya niya marerealize na kahit anong pang-asar niya sa akin eh hindi na uubra.

“Wala ka na naman magawa no Reiya?”

“Whatever Loser, just stay out of my way.”

Tapos nun eh umalis na siya kasama nung clones niya. Whatever ka diyan, tadyakan ko yang pagmumukha mo tignan natin kung maka

whatever ka pa eh.

Umalis naman na kami ni Lia dun sa pwestong yun. At syempre, lumayo kami kay Reiya. Not that we’re afraid of her, nakakahiya

naman kasi dun sa parents ni Lian kung magkakaroon ng gulo dito.

Nagyayaya nga si Lia na magsayaw pero ako pass muna at sinabi ko na siya nalang. Nakahagilap naman siya ng kasayaw at ayun,

nagwawawala na.

At ako? ayun, nag-ikot ikot muna. Maganda talaga yung house nila Lian. Iba na talaga kung mayaman ka. Biruin mo, ang lawak ng

Page 66: The GAME of My Life Story

garden, ang laki ng swimming pool, at meron pa silang basketball court! OH my! Kung ako nakatira dito eh hindi na ako lalabas ng

bahay!

Pumunta naman ako dun sa may garden, pero hindi rin ako nagtagal dahil dumami yung tao. Sa totoo lang, ayokong makihalo muna sa

kanila. Wala kasi ako sa mood.

Kaya ako, dumiretso na ako dun sa may basketball court. Grabe, matagal tagal na rin pala akong hindi nakakapaglaro. Wala kasing

basketball team ang girls eh.

At suwerte ko nung may makita akong bola sa tabi. Hihilahin ko na sana kaso may nakita akong paa.

“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!!!!!”

Napasigaw naman ako tapos nakita kong biglang tumayo yung may-ari nung paa.

“Bakit ka nasigaw diyan??”

Tapos nag-inat siya doon. Anu ba naman yan Mark! sa susunod nga pumili ka ng pagtutulugan mo!

“Anong ginagawa mo diyan?”

Medyo shocked parin ako syempre. Ikaw ba naman makakita nun tapos akala mo patay na tao eh hindi ka mashock?

“Naglaro kasi ako. tapos nagpahinga, di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Grabe ka ah, lakas mong sumigaw.”

“Umm…sorry.” Tapos medyo nahiya talaga ako nun. Sana naman hindi narinig nung iba.

Tumawa naman siya bigla kaya napatingin ako sa kanya. Walang hiya to, siya na nga nanakot lakas pa tumawa. Batukan ko kaya to?

“Gusto mong mag-shoot?”

Tapos napangiti ako. Kinuha ko yung bola tapos nagshoot shoot na kaming dalawa dun.

“Kamusta na nga pala si Milo?”

“Ayun, makulit parin…hinahanap ka nga eh, buti nalang may picture ka—-.”

Nabitawan ko yung bola. Ano daw?!!? PICTURE?!

Page 67: The GAME of My Life Story

“Picture??”

“Ahh..ehh, wala yun.”

“Nge, ngayon ka pa nag-excuse! Ano nga yun!?”

“Sorry ah, pinicturan kasi kita nung nagslide ka eh. Ang cute mo kasi nun.”

Tama ba naririnig ko?? Ako?! Cute?!

“Kainis naman to oh.”

“Heheh, oo nga pala, sabi ni tita Elle bisita ka daw ulit sa bahay. Ipagluluto ka raw niya.”

“Naku, nakakahiya naman,”

“Sus! Wag ka mahiya. Gustung gusto ka nga ni Tita Elle eh. Tuwang tuwa sa iyo. Ano ba ginawa mo dun at parang parati ka niyang

binabanggit?”

“Wala akong ginawa no!” tapos nagkangitian lang kaming dalawa.

“BHES?”

Napatingin naman kami ni Mark dun sa house ni Lian.

“Si Lia na yun…siguro magyayaya nang umuwi.”

“Bakit naman? Pwede naman mag-absent bukas eh..”

“Kayo pwede, siya hindi. Kasama kasi yun sa contest.”

“Ahh…okay. Hatid ko na kayo.”

“Naku wag na…”

“BHES! Kanina ka pa pala diyan! Kanina pa--”

Napatingin sa aming dalawa si Lia tapos ngumiti ng nakakaloko.

“AY sorry, nakaabala ba ako? sige, alis nalang ako…”

“Actually, paalis na rin ako, tara na bhes.”

“Hindi sige, stay ka muna, mauuna nalang ako..”

“Nyak! As if! Sige Mark…”

Page 68: The GAME of My Life Story

“Teka, hatid ko na kayo.”

“Wag na—”

“Tara!”

Hay naku! Si Lia talaga…at ano pa nga ba? Eh di hinatid din niya kami.

Inuna na niya si Lia, ewan ko ba dito, kesyo para daw makaikot siya. Nagpilit nga akong bumaba eh kaso nga lang, itong magaling kong best friend eh ayun, kinampihan itong si Mark, kaya ayun, ako talo.

Hindi pa nga pala nagdadrive si Mark, kaya nagpadrive siya. At dahil nga hindi ko naman siguro mapipilit yung driver, hindi ko na siya

tinry na iconvince.

Pagkahatid kay Lia eh todo smile parin siya na kumaway sa amin. Umikot naman yung car tapos papunta na ulit sa bahay namin. Ilang

minuto lang eh dumatin na rin agad. Bumaba naman ako tapos sumunod lang si Mark.

“Salamat Mark ah, hindi mo na talaga dapat kami hinatid eh…”

“Ano ka ba, wala yun…”

“Hehe, o sige, ingat ka nalang.”   

Nagpaalam na ko sa kanya tapos nauna na siya. At this time, nung umalis siya eh hindi na ako nakahawak sa pisngi ko.

The next day, gumising ako ng maaga. Ewan ko pero feel ko lang maaga pumasok ngayon. Sobrang aga nga talaga eh, mga 5 pa nga

lang eh ready na kaagad ako. nag-iwan nalang ako ng note kay Kuya para dun sa kakainin niya mamaya at yun, umalis na ako.

Pagdating ko naman sa school, wala talagang tao. Yung guard nga eh wala rin sa pwesto niya. Pero ako, sige tuluy parin sa classroom

kahit na wala pang ilaw.

Binuksan ko naman agad yung ilaw pagdating ko dun, tapos umupo sa pwesto ko. Wala kasi assignment kaya wala talaga akong magawa

nung mga oras na yun. Hindi rin naman ako makatulog.

Kinuha ko yung phone ko tapos naglaro nalang muna ako ng kung anu ano doon. Tapos nagulat ako ng biglang may nagtext. Muntik ko

Page 69: The GAME of My Life Story

na ngang mabitawan eh, buti nalang talaga.

|hi gcng k n?|

Hmph! Pasalamat tong mokong na to gising na ako, kung di, naku makakatikim ng malakas na sapok.

|yup..sa skul n nga aq eh..hehe|

Tapos nun sinend ko na. At wala pang ilang minuto nagreply na agad.

|aga n10 ah? Mei ksama k n?|

|ala hahaha|

Tapos nun nagulat nalang ako nung hindi na siya ulit nagtext. Siguro nakatulog na ulit yun. Hay, anu kayang pwede kong gawin?

Hmm…alam ko na! Iikot muna ako! ayun tama!

Iniwan ko naman yung bag ko pero syempre, kinuha ko yung wallet at cellphone ko. Naglakad lakad ako sa labas. Madilim pa talaga,

tinignan ko naman yung watch ko, 5:30 palang pala. Grabe, sobrang aga ko tlaga. Ang lamig nga eh, ang lamig kasi nung hangin.

Una kong dinaanan yung section sa tabi namin. Sa totoo lang, maraming rumors kasi na may multo daw sa school. Eh ako, hindi naman ako takot dun kaya dati pa eh gusto ko na makakita. Kaya

heto ngayon, explore explore nalang ako.

Nadaanan ko na yung kabilang section eh wala parin akong nakikita. Medyo natatawa nga ako kasi para akong detective doon na may

hinahanap na kung anu-ano. In short, mukha akong baliw.

Okay, tapos na rin yung section 3, hayyyyyy…anu na? Asan na yung sinasabi nilang multo??

Medyo nainip ako dahil nadaanan ko na lahat ng section pero wala parin, kaya ayun, nakapagdesisyon ako na bumalik nalang. Hindi ko alam kung dala ba ng antok o dahil madilim kaya may nakita yata

akong anino na gumalaw.

Syempre, natuwa ako. Lumapit ako dun sa katabing section ng classroom namin at sumilip sa loob pero nadisappoint na naman ako

nung wala akong nakita. At syempre, nag give up nalang ako at babalik na sana ng may biglang humawak sa balikat ko.

“WAAAAAAAAAAAAAH!!! MULTO!!!!!!!!!!” 

Page 70: The GAME of My Life Story

Napatili talaga ako ng malakas. Sino ba namang hindi diba??

“Saan!?!”

Teka, pamilyar tong boses na ito ah. Umikot ako at tinignan yung nagsalita.

“MARK!?”

Chapter 12

Grabe, akala ko talga multo! Kinabahan ako dun ah, sa susunod nga

Page 71: The GAME of My Life Story

Kheira, kung maghahanap ka man ng adventure eh humanap ka ng kasama! Teka lang…bakit siya nandito!?!?

“Anong ginagawa mo dito??”

“Dito ako pumapasok eh.”

Tama ba yun!? Maging pilisopo daw ba?!?

“Ay naku Mark! I mean, bakit ang aga mo?? Akala ko tuloy bigla multo ka na! Muntik na ako ma-heart attack dun no! Sira ka!”

“Sorry po. Kasi naman eh, nung sinabi mo na wala kang kasama eh nag-alala ako. Ang dilim dilim, tapos mag-isa kang babae dito. Tapos

nung dumating pa ako eh wala si manong guard, tapos--”

“Wait, wait! Nag-alala ka?? Bakit?”

Siguro nga ako na ang pinakamanhid sa mga ganyan. Naalala ko nga dati eh, may guy daw na nagkagusto sa akin, pero nalaman ko lang

nung nag migrate na sila sa US. How the heck would I know anyway? Eh best friend ko yung tao, malay ko ba na yung kabaitan niya eh

pang more than friends. At anong inabot ko kay Lia? Syempre, isang napakalakas na batok. Grabe no? Labs na labs ako ng best friend ko.

Anyway, back to the topic.

“Ahh, eh, oo.”

“Hmm..bakit?”

“Hindi ba obvious? May gusto nga ako sa iyo diba?”

At syempre, laglag ang skirt ng lola niyo. Siya?? Si Mark Arvin Fellacio? Pinanganak noong February 12 at girl-magnet

magkakagusto sa isang hamak na babae na kung umasta eh parang lalaki? Hahaha! Nagjojoke ka ba??

“Hahaha, tama na nga yan Mark! Alam ko naman na joke niyo lang iyan nila Rio eh! Tama na, gets ko na point niyo!”

Tapos nun pinalo palo ko pa siya dahil nga tawa ako ng tawa. May mga ilang minuto din bago ko napansin na hindi siya nakikitawa.

“Anu ba Mark! Bisto na nga kayo eh, wag mo na I-deny!”

  “Bakit ba hindi mo nalang tanggapin ang totoo?”

“Ewan ko sa yo Mark! Magulo ka kausap. Diyan ka na!”

Page 72: The GAME of My Life Story

Iniwan ko nalang siya doon. AS if naman maniniwala ako sa mga kalokohan nila no! Ano ako? utu uto?? No way!

Dumiretso nalang ako sa loob ng classroom tapos dun na nagstay. Pumasok naman si Mark pero hindi ko siya pinansin, tapos siya

naman, hindi nalang din lumapit.

Ilang sandali lang, dumating na rin yung mga tao. Binati pa nga yung pagkamaaga naming dalawa eh. Ewan ko ba sa kanila, so what diba

kung maaga kami?

Ayun, mga 10 minutes siguro bago magbell eh dumating narin si Lia. Hawak hawak niya yung costume niya para mamaya sa contest tapos

ako nag good luck sa kaniya. Sinabihan niya ako na hindi siya makakasama sa akin kasi may practice pa sila.

Dahil nga linggo na ng wika, walang classes. Ibig sabihin, yung mga students eh pwedeng pumunta sa mga on-going contests o kaya sa

hanap-gimik. Sa hanap-gimik naman eh puro mga tinda tinda lang na kung anu-ano, buti this year, mas may thrill dahil naglagay sila ng

booth.

Iba iba rin yung booths doon, may game booth, kung saan pwede kang maglaro ng ps2, tapos mayroon din naman wedding booth. At

ang nakakatuwa pa dun, meron din divorce booth.

“Anong meron?”

Napatingin ako kasi mukhang may kinakasal ngayon sa Wedding booth. Aba, at tignan mo nga naman. Ang malas yata ni Lia ngayon.

Kawawa naman.

“May nag-request kasi kay Lia, kaya ayan…tignan mo yung mukha niya oh, halatang ayaw niya.”

Nagets ko naman yung sinabi nung sumagot. Paano ba naman, si Lia mukhang inagawan ng napakadaming bagay. Parang nalugi nga eh.

If I know, maya maya lang eh magpupunta yan sa divorce booth.

Pinanood ko pa nga sila ng kaunti kasi nakakatuwa talaga. Tapos may ring ek ek pa. Hahah, kawawa talaga yung bruha.

“Huy Bruha! Ikaw ah, hindi mo ko inimbita sa kasal mo.” Tapos tawa pa ako ng tawa. Si Lia naman eh bigla akong pinalo.

“Bruha ka rin! Parang naman nag-enjoy ako dun sa kasal na yun! Yuck! Grabe, nakakainis.”

“Ang arte mo! Saan ka na ngayon?”

Page 73: The GAME of My Life Story

“May nag-request kasi kay Lia, kaya ayan…tignan mo yung mukha niya oh, halatang ayaw niya.”

Syempre sumama naman ako, kaso nga lang…

“Excuse lang Lia ah, may nag-request kasi eh…”

“Whoa! Ano ba bitiwan niyo ko! Ayoko ng ganyan no! nakakainis!”

Kala ko naman tutulungan ako ni Lia kasi lumapit siya.

“Good Luck Bhes!”

Hinatak naman ako nung mga lalaki dun tapos pagkatingin ko eh nagulat nalang ako bigla. Sa totoo lang, hindi ko inexpect na siya

yung makakasama ko dito.

“LESTER?”

Wala naman masyadong nangyari dun sa “ceremony”. At dahil nga si Lester naman yun, pumayag narin ako kahit ngayong araw lang na

ito eh magstay kami na “married”. Bukas na daw yung divorce. Natawa naman ako sa kanya. At syempre, yung mga bwisit ko na

kaklase, todo ang pang-aasar sa akin. Grr, sipain ko sila eh.

“Lester, sino nga pala yung nagrequest?”

Kanina ko pa talaga naisip yun eh. Hindi ko lang agad natanong.

“Umm, ano kasi…”

“Sino?”

“Umm, wag ka magagalit ah..?”

“Sus, bakit naman diba? Hehe, sino na?”

Tapos bigla siyang ngumiti sa akin na para bang nababaliw na siya.

“Ako.”

Hindi pala parang, nababaliw na nga talaga!

“Huh? Eh bakit naman?”

Page 74: The GAME of My Life Story

“Secret. Ikaw na bahala magfigure out nun.”

“Naman Lester, mahina ako sa ganyan.”

“Eh di maganda.”

Tapos nag grin lang siya sa akin nun. Hay naku, pahirapan to!

“Bahala ka nga.”

Tapos umalis nalang ako dun, buti at hindi niya ako sinundan at baka masapok ko pa siya. Hmm, bakit kaya? I mean, first nung TLE namin tapos ngayon eto?? Bakit ba niya ginagawa yun? Don’t tell

me…

Kinausap rin siya nila Rio!?

Umabot na ng lunch at nagstick na rin ako sa answer kong yun. Walang hiya talaga yung Rio na yun! Masasapok ko yun eh!

Nakakainis na ah! First si Mark, pati ba naman si Lester?? Sino susunod? Si Lian??

“Hi Kheira!”

“WAH! SUMUNOD NGA!”

Tapos napatakip ako bigla sa bibig ko. Oh my gosh, nakakahiya.

“Sumunod? Sino? May nanggugulo ba sa iyo?”

“Ah, wala…nag-iisip lang kasi ako.”

“Ahh, hehe kala ko kung ano na. Musta na nga pala?”

“Eto, ayos naman. Ikaw?”

“Ayos din. Pwedeng maki-upo?”

Nahiya ako kasi ngayon ko lang napansin na kanina pa pala siya nakatayo dun. Ano ba Kheira?? Bakit kanina ka pa nagkakaganyan??

“Ahh oo, sorry..”

Page 75: The GAME of My Life Story

Tapos tumawa lang siya. Whew! Buti nalang. Nakita ko naman siya na nakatingin lang sa akin. Tapos napunta bigla yung tingin niya dun

sa may kanang kamay ko, particularly dun sa ring. Hindi ko naman pinansin yun at tumuloy nalang ako sa pag-kain.

“Hindi na pala pwede..”

Huh? Anong hindi pwede??

“Ano yun?”

“Wala..”

Tapos ngumiti lang siya. Grabe, bakit ba ang weird ng mga tao ngayon?? O baka ako lang yung weird?

Ewan, tinuloy ko nalang yung pagkain ko. Tapos nung tumingin ako kay Lian eh ngumiti lang siya.

“Lian?”

Napatingin naman ako dun sa nagsasalita. Sino pa ba? Eh di si Mark!

“Uy! Bakit?”

“Bakit andito ka?”

“Obvious ba? Malamang kumakain.”

“Oo pero, bakit kasama siya?”

Oooh, nagseselos si Mark?? Wag mong sabihin. Bakla siya?!?

Ako naman eh nakatingin lang sa kanila nung mga oras na yun. Bigla ko naman naalala yung dream ko na sobrang weird. Grabe, creepy!

Kinikilabutan pa nga ako tuwing naiisip ko yun eh!

“HA! 6 lang anak mo sa kanya? Eh ako nga 8 na eh, at incoming pa si junior!”

Wah! Ayoko nang isipin! Napatingin naman ako sa kanila, teka, kailan pa tumayo tong si Lian??

“—lang ba pwedeng makitabi sa kanya tuwing lunch?!?”

Huh? Anong pinag-aawayan nila?

“OO bakit? Saka, kelan ka pa ba tumatabi sa kanya? Eh ako naman ang nauna!”

Page 76: The GAME of My Life Story

Wait, hold on! Ako ba pinag-aawayan nila?!?

“Teka! Ano bang problema niyo??”

“Hindi ba obvious? Malamang ikaw!”

“Ako?? bakit ako??”

May biglang tumapik sa likod ko. Tapos nakita ko si Lester nakangiti sa akin.

“Pwede ko ba munang kunin yung asawa ko?”

Ano DAW?!?

“ASAWA? At kelan mo pa siya naging asawa!?”

“Kanina, bakit? Hindi niyo ba napanood?”

Tapos biglang umakbay sa akin si Lester. Wait lang, hindi ko magets. Huhuhu. Ano bang nangyayari??

“Ano ba kayo? Bakit ba kayo away ng away diyan?”

Tapos may kamay na biglang humawak sa balikat ko. O thank God! Si Lia!!

“Pasensya na kayo guys, mahina si Kheira pagdating sa mga ganyan. Tara na bruha.”

Tapos hinila na ako ni Lia paalis dun sa tatlong lalaki. At paglingon ko eh nagbabangayan parin sila.

“Bhes, ano bang meron? Bakit sila nag-aaway?”

“Alam mo bhes, naaawa ako sayo. Minsan iniisip ko kung talgang ganyan ka ba o nagpapakamanhid ka lang.”

“Huh?”

“Hindi pa ba obvious?? May gusto sila sayo!”

“ANO!?”

Page 77: The GAME of My Life Story

Chapter 13

“Grabe Lia, nakakatawa, pati ba naman ikaw kinakuntsaba nila Rio?”

“Huh? Anong pinagsasabi mo?? Hindi ah! Totoo ang sinasabi ko! Bakit ayaw mong maniwala?”

Page 78: The GAME of My Life Story

“whatever Lia. Bahala ka nga diyan.”

“Teka sandali!”

Iniwan ko nalang si Lia dun sa pwesto niya dun. Bahala siya sa buhay niya. Kung si Mark nga kanina eh hindi niya ako nauto si Lia

pa? Hah! Wais to!

Ako naman, nag-ikot ikot nalang. Bumili dito ng drinks. Nakakauhaw din naman yung ginawa ko no. Paikot ikot lang ako dun sa mga fair

ng biglang may matangkad ng nakabangga sa akin.

“Ouch!”

“Sorry---err, Kheira?”

The moment na narinig ko yung boses niya eh nakilala ko agad. At anong ginawa ko? Ayun, tumakbo sa malayo, hindi ko man lang siya

nilingon nung tinawag niya ako. Ang bait ko no?

Nung nakita kong wala na siya, naging kampante naman yung loob ko. Nakakapagod din tumakbo, pero dahil sanay na ako, kasi minsan

nakikitakbo ako ng laps kasama ng players, hindi ako masyadong napagod. Kaunti lang naman.

Akala ko nakatakas na ako, pero hindi pala. Kaso nga lang, this time, ibang tao yung nakahuli sa akin.

“Kheira! I badly need to talk to you!”

Naku! May pa-english english pa itong nalalaman! Kung kay Mark nga hindi ako nakipag-usap sa iyo pa kaya? At syempre, takbo na

naman ako. Hay, ang relax din ng araw ko ngayon no? Hahah. NOT.

Grabe, hindi ko alam kung marathon ba ito o ano, pero bakit parang ang dami yatang taong naghahabol sa akin. Hindi rin nagtagal eh si

Lester naman yung nakahabol sa akin pero syempre, dahil nga marathon ako ngayon, takbo na naman ako.

Napag-isip isip ko na dun nalang muna ako sa classroom magtago. Siguro naman hindi nila iisipin na nandito ako dahil I know na ang

pinakaclose na place na paghahanapan nila sa akin eh yung storage room sa court.

Finally! For the first time sa araw na ito, nakaupo din ako! Well, actually, after nung canteen incident. Ah basta, gets niyo naman ako

diba?

“Kheira Aruello!”

Page 79: The GAME of My Life Story

“Ay ANAK NG TIPAKLONG KUBA!”

Whoa! Anu ba yan, sa sobrang gulat ko nagkahalo halo na yung anak ng. Waah, nakakahiya naman.

“AY Miss! Sorry po, hindi ko sinasadyang sumigaw.”

“Anong ginagawa mo dito? Di ba bawal magstay sa classroom?”

Wah! Oo nga no! oh no! please wag niyo akong dalhin sa sub-unit head. Wah ayoko dun! Andun si rubber ducky eh!

“Ma’am. Sorry po! Kasi po kanina pa ako hinahabol.”

“Hinahabol?? Nino?!”

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin or what. Pero naisip ko, kung yun lang din naman ang way para makatakas eh, hayaan mo

na.

“Nila Mark, Lian at Lester po…”

“At bakit ka naman nila hinahabol?”

“Ummm, hindi ko rin po alam eh…”

nagdasal na ako nun sa kung kaninong santo, basta lang ba hindi ako mapapunta sa sub-unit head. At ito yata ang pinakswerteng

nangyari sa akin ngayong araw ngayon dahil…

“Fine Ms. Aruello. But the next time I catch you staying sa classroom eh sa sub-unit na ang bagsak mo ok?”

WAAAAAAAAH! Thank you!!!

“Thank you po ma’am!!”

Umalis na naman kaagad ako dun sa classroom, mahirap na. Buti naman considerate si Ma’am ngayon. Hay, salamat. Kaso nga lang…

”Kheira! kanina pa namin hinahanap !”

OH NO!

“Ang galing talaga niyang best friend mo Kheira, tignan mo oh, sure

Page 80: The GAME of My Life Story

win na yan eh.”

Napatingin naman ako dun sa katabi ko at napangiti. Oo nga, tama siya, sobrang galing nga talaga nila Lia. Oo nga pala, dance

competition yung meron sila. At sa pinakita naman nila, in my opinion, hindi na kailangan ng judges na mag-isip pa dahil

siguradong panalo na naman yan eh.

Nagtataka kayo siguro kung anong nangyari sa akin kanina nung nahuli ako nung tatlong kolokoy na yun? Well ganito yun…

“Ano bang kailangan niyo!?!?"

“Ano bang problem Kheira? Gusto ka lang naman namin makausap eh…”!

“Can’t you see na ayoko naman makipag-usap??”

Wahaha, ang taray ng lola niyo.

“Please Kheira! Just listen.”

“It won’t take long, promise.”

Naawa naman ako dun sa tatlo kaya ayun, nakinig naman ako.

“Ano??”

“Mauna na kayo pare….”

“Hindi, kayo na..”!

“fine! I’ll go first. Kheira, gusto ko sanang magsorry sa inasal namin kanina..”

“Yeah…sorry talaga..”!

“We can’t help it if...”

tapos nun napansin ko na nagkatinginan silang tatlo bago nagsalita muli.

”We like the same girl. And that girlis you.

Page 81: The GAME of My Life Story

Nakakabaliw no? Imagine, kelan lang eh parang naiisip ko na wala naman talagang interested sa akin. Then look at me now, tatlo pa.

Pero syempre ako, todo deny parin sa sarili ko. Sa totoo lang? I guess I would have liked it before nung walang interested.

Kasi noon, I didn’t have to run all the time.

“Hoy! Babae, hindi ka ba papasok ngayon?”

Thursday na nga pala. 2nd day ng linggo ng wika thing.

“Kuya, anong oras na ba?”

“7:00 na!”

Anu nga ba? Wag nalang kaya ako pumasok? Tutal, wala ng contest na sinalihan si Lia na kailangan kong panoorin. At mas lalong walang practice ang basketball team ngayon dahil nga katatapos lang nung

game nila nung Tuesday. Ano ba Kheira? Make up your mind!

“Hindi nalang kuya,”

“O sige, mag-lock ka ng bahay ha??”

Wow, mukhang concerned yata tong si Kuya Kyle sa akin ngayon ah. Ano kayang nakain nito?

“Pag tayo nanakawan ikaw ang isasanla ko.”

Hay, sabi na nga ba, may pahabol pa eh.

“alam mo kuya, gwapo ka sana…you just had to open that big mouth didn’t you?”

Yung kuya ko eh bigla nalang ako hinabol, buti nalang eh mabilis akong nakapasok ng CR. Whew! Safe!

“Hoy babae ka! Lagot ka sa akin pag-uwi ko mamaya!”

“Ingat!”

Page 82: The GAME of My Life Story

“Pa-english english pang nalalaman, sabunin ko bibig mo eh.”

“Sige kuya, I love you too!”

Tapos narinig ko na siyang bumaba ng tuluyan. Grabe kami magmahalan no? Ramdam na ramdam mo yung heat. NoT. Kung anumang heat yun eh panigurado heat sa galit yun. Ewan ko ba diyan kay kuya, favorite yata ako niyan at gustung gusto akong

kausap.

Naligo naman na ako tapos bumaba para kumain. Wow, ang tahimik sa bahay, walang maingay na Kuya Kyle na mang-aasar. Ang malungkot nga lang, wala rin Kuya Kaloy na mabait. :’( . Hay,

kawawa naman si kuya, 3 days na rin yata siyang nag-oovertime.

Siya naman kasi eh, sinabi ko na sa kanya na magstop nalang muna ako hanggang sa makatapos lang si Kuya Kyle pero ayaw naman daw

niya. Importante daw na makatapos ako kahit na mahirapan siya. Hay, grabe, kaya nga ba labs na labs ko yung kuya kong yun eh.

Kumuha na ako ng pagkain ko sa ref. Syempre, left overs lang naman yung pwedeng kainin, at hindi rin naman ako mapili. Anu

naman kasi pipiliin ko diba? Buti nga may nakakain eh.

Minicrowave ko na yung pagkain ko tapos nun eh nagsimula na akong kumain.

Ano naman kaya gagawin ko ngayong araw na ito? Tapos ko na yung gawaing bahay nung isang araw pa, tapos wala rin naman

assignment. Hay, hindi ko alam na magiging broing pala dito sa bahay. Kung pumasok nalang kaya ako?

Hindi, wag na. Nagsabi na ako kay Kuya Kyle eh, baka isipin pag nadatnan akong wala sa bahay eh gumala ako. Todo sermon na

naman yun kung ganoon.

Hay, Kheira..Bakit ka ba kasi hindi pumasok??

Buong araw lang yata akong nakatunganga sa TV. Kung tatayo man ako eh kung kukuha lang ng tubig. Nagtext nga sa akin si Lia kanina eh, nagtanong kung bakit daw hindi ako pumasok. Sabi ko gusto ko lang. Tapos nun, sabi niya na hindi ko naman daw ugali ang mag-

absent lalong lalo na pag walang sakit.

Hindi ko naman mabanggit sa kanya yung tungkol sa 3 kolokoy dahil

Page 83: The GAME of My Life Story

nga aasarin lang niya ako. At buti nalang talaga nag-absent ako dahil nabalitaan ko kay Lia na maghapon akong pinaghahanap nung

3. Hay naku, nakakainis talaga.

*TOK TOK TOK*

anu ba yan, ang ingay? Anu ba yun? Ibon ba yun? O baka naman karpintero?? Hay naku! Nakakainis ah inaantok pa ako!

*TOK TOK TOK*TOK TOK TOK*

ugh!! Walang hiyang karpintero naman oh!

Tumayo na ako mula sa sofa. Whoa, nakatulog pala ako! Pagkalabas ko eh pasigaw na ako ng…

“KHEIRA!”

Oh no!!! Please tell me I’m dreaming!!

Chapter 14

Anong ginagawa nitong 3 kolokoy na to?? Bakit sila nasa bahay ko?? Waaaaaaaaaaah!! Hindi ba talaga ako nananaginip??

“A-anong ginagawa niyo dito??”

Tapos yung tatlo eh nakangiti lang na parang ewan. Tignan mo nga naman, kahapon lang eh magkakaaway sila tapos ngayon eh kala mo

best friends. Hmph, anu kayang pinakain sa kanila??

Page 84: The GAME of My Life Story

“Wala ka kasi sa school kanina, kaya ayun, napag-isipan namin na bisitahin ka.”

Nyak! Hindi ba sinabi ni Lia? Hay, naku mapapatay ko yung babaeng yun eh!

“Ah, eh wala naman akong sakit eh…sana hindi na kayo nag-abala.”

Narinig ko naman silang nagbulungan.

“Tama nga si Lia, idedeny niya nga na nilalagnat siya kanina ng sobrang taas.”

LIAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!

“Eto, kumain ka pa oh, mukhang hindi ka yata kumakain ngayon eh. Namamayat ka.”

Ugh…nakakainis naman. Dinumog nila yung bahay ko, nagluto ng kung anu-ano na gustong isalaksak sa bunganga ko at ayaw pa

nilang maniwala na wala akong sakit! Argh! Humanda yang Lia na yan sa akin bukas!

“Okay nga lang ako, wala akong sakit! Niloloko lang kayo ni Lia!”

“Just as Lia said, sasabihin pa niya na si Lia pa yung nanloloko.”

Bwisit! Minsan talaga I regret na sobrang naging kilala ako ni Lia!

“Ugh, hindi nga ako nilalagnat kanina!”

“HOY KHEIRA! NABABALIW KA NA BA’T MAG-ISA KANG---”

Natigilan si Kuya nung makita niyang may bisita ako. Wait, si KUYA!!! Waah! Kung alam lang niya kung gaano ako kasaya na

nandito na siya!!

“KUYA!!” tapos nun sigaw ko eh agad akong tumakbo sa tabi niya. Kinuha ko pa nga yung mga gamit niya eh.

“Tulungan na kita.”

“May sakit ka ba??”

Tapos pinalo ko lang siya. Magsasalita na sana ako kaso may sumingit na 3 asungot.

Page 85: The GAME of My Life Story

“Opo. Kanina eh nilalagnat po siya.”

Waah. Anu ba tong tatlong to! Kelangan ba talaga eh sabay silang nagsasalita??

Napatingin naman si Kuya sa kanilang tatlo at halatang gulung-gulo.

“Sino naman kayo???”

Sige kuya! Go! Tarayan mo sila! Ipakita mo ang pagkasuplado ng Aruello!

“Nag-alala lang po kasi kami.”

“Akala namin may nangyari na sa kanya..”

“Kaya po dumiretso na kami dito.”

Napatingin lang sa akin si Kuya. Akala niya siguro eh mga retarded tong kausap niya. Hay kuya, masanay ka na dahil I have a feeling na

araw araw mong makikita yang 3 yan!

“Aba, akalain mong may libre na palang nag-aalaga ng gorilla.”

OMG. He did not just say that! WAAAAAAAAAAAAAAAH! Kuya! Sana hindi ka nalang umuwi!!

“Gorilla ka diyan!” tapos hinampas ko siya ng sobrang lakas.

“Ay sorry….”

Ayan, buti naman. Good boy ka rin pala kuya eh. Hindi lang halata.

“Elepante pala.”

Bakit ba ang malas ko ngayon!?

“Dito ba kayo kakain?”

Sabi ni kuya habang yung tatlong kolokoy eh busy sa panonood ng tv. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa sila umuwi. Nagawa na naman nila yung pakay nila eh. And that is to

annoy me. Infareness sobrang effective.

“Hin—”

Page 86: The GAME of My Life Story

“Kung. okay lang po sana ...”

WHAT?!? Grabe naman yan. Hindi nga sapat yung pagkain namin sa aming magkakapatid eh may may sasabit pa na 3 kolokoy? Baka

magutom kami ni kuya niyan!

“Wag niyo sana akong masamain pero, wala kaming pagkain. Sakto lang talaga para sa dalawa.”

Yan! Go Kuya! Hindi ko naisip yun ah! Ang talino mo talaga!

“Okay. lang po may dala kami...”

This day is getting worse by the second!

“Triplets ba kayo?.”

“Ho ?”

Hay naku, si kuya nagbibiro, hindi naman nakakatawa.

“I mean, magkakapatid ba kayo?”

Tapos umiling lang silang tatlo sabay sabay. Infareness may point si kuya ah. Paano ba naman kasi eh kanina pa sila sabay sabay ng kilos

at sinasabi. Feeling ko nga eh nagpractice tong mga to eh. Hmph! Bahala sila.

“Bakit kayo sabay sabay kung magsalita?”

Tapos natawa lang sila. Sumagot lang naman si Lian na coincidence lang yun. At syempre, gaya ng ibang gabi, may bisita man o wala,

ako parin talaga ang tagahugas ng plato. Si kuya naman eh pinaupo muna yung tatlo sa harap ng tv at doon sila nagkuwentuhan.

Lumabas naman ako at naghugas na ng pinggan. Tinry ko ngang makinig sa usapan nila pero wala rin eh, malakas kasi yung volume

ng tv. Sinadya yata nila yun.

Malapit na akong matapos maglinis nun ng…

“O sige, mag-ingat kayo sa pag-uwi!”

Aalis na sila? Talaga? WoOOHOOO!!!

Pumasok naman ako nung natapos na ako. Nakita ko si Kuya na paakyat na. Tapos ako eh todo ngiti. Napansin na naman yun ni Kuya

Kyle kaya ayun, nang-asar naman.

Page 87: The GAME of My Life Story

“Anong ningingiti ngiti mo diyan? Nagkaroon ka lang ng 3 lalaking sumusunod sa iyo eh feeling mo reyna ka na.”

“Whatever kuya.” Tapos nag-ayos ayos ako dun sa gamit. Hindi ko napansin na andoon pa pala siya at hindi pa umaakyat. Nalaman ko

lang yun nung…

“Ayos sila, pasado naman.”

Ano na naman kayang pinagsasabi nito??

“Makulit si Lian, hindi ka mabobore. Si Lester naman polite, gentleman, paniguradong hindi ka babastusin.”

huh?

“Pero pinakaok si Mark. Kakaiba kasi siya.”

Tapos nun eh umakyat na siya. Hmm… don’t tell me..

May gusto si Kuya sa kanila?? Kuya? Bakla ka ba?!

The next day, Friday, last day na ng activities sa school. Pati yung hanap gimik eh last day narin ngayon. Kaya ako, todo ikot kasama si Lia para hindi masayang. Minsan lang kasi sa isang taon magkaroon

ng ganoon no.

At syempre, hindi ko parin nakalimutan yung ginawa ni Lia kahapon. Kaya ayun, todo sermon ang abot niya sa akin.

“---nakakainis ka talaga! Andoon pa naman yung kuya ko! Syempre di ba pahiya ako dun!”

“Sinong kuya? Si Kyle?”

“Syempre, sino pa bang kuya ko ang mahilig mangpahiya sa akin??”

Natawa naman doon si Lia. Nung una ko kasi siyang pakilala sa mga kuya ko, grabe nakakahiya. Tandang tanda ko pa nga yung sinabi

niya sa akin nun eh.

Page 88: The GAME of My Life Story

Andoon kasi kami sa kwarto ko ni Lia tapos parang ang lapit talaga namin. Eh biglang pumasok yung kuya kong mapang-asar tapos

natigil kami sa katatawa.

 “Kuya si Lia, friend ko.”

Tapos nagkamot ng ulo si Kuya, at alam niyo ba kung anong sinabi ng loko?

“Kheira, tomboy ka ba?”

Asar no?? Pahiya talaga ako nun eh. Buti nalang tinake lang yun ni Lia as a joke. Ako naman, pagkaalis ni Lia sa bahay eh maghapon

kong sinigawan yung kuya ko tapos hinabol hanggang sa mapagod ako.

“---I mean, biruin mong tawagin daw ba akong elepa—”

“ano tingin niya sa tatlo??”

“Hmph, bahala ka. Hindi ko sasabihin sa iyo. Magdusa kang bruha ka.”

Tapos nagcross arms ako. At biruin mo, binatukan ang drama ko. Hmph, walang hiyang best friend to. Minsan hindi ko alam kung anong nakita ko dito at naisipan kong makipagkaibigan eh. Baka dahil sobrang inosente pa niya dati at hindi ko pa nakikita yung

sungay niyang napakahaba.

“aray, masakit.”

“Tama na kasi ang drama! Ano ba sabi niya?”

“Ang natatandaan kong pagkakasabi niya eh…Si Lian makulit, hindi ka daw mabobore, si Lester daw eh polite, gentleman, paniguradong

hindi ka babastusin at si Mark naman daw, kakaiba.”

Hindi ko na binanggit sa kanya yung side comment pang iba ni Kuya tungkol kay Mark. Baka asarin ako nito eh.

“Oh? Tingin din ng kuya mo “odd” si Mark??”

“Ewan ko sayo.” Tapos umikot na ulit kami at siya naman eh kinulit lang ako lalo.

Page 89: The GAME of My Life Story

Mabilis naman lumipas yung oras, dahil absent ako kahapon at nung Wednesday eh napagdesisyunan namin ni Lester na dapat kaming magdidivorce nun, napag-isip isip nalang na bakit hindi ngayon? Baka magkalimutan pa at yari ako sa pang-aasar ng kaklase ko.

Mabilis lang naman din yung ceremony, kinuha lang nila yung singsing sa amin tapos eh binalik dun sa may wedding booth, tapos

yun, tapos na.

 Patapos na yung araw, pinauna ko na si Lia kasi pinapauwi na siya ng mommy niya, may pupuntahan daw yata. Ako naman eh dahil

may kailangan pa akong kunin sa locker eh umakyat nalang muna ako.

Hay grabe, nakakapagod tong araw na to. Pero infareness, masaya. Napagastos nga ako eh, naku! Lagot na naman ako kina kuya. Todo sermon naman niyan. At si kuya Kaloy naman ang manenermon nun. Si Kuya Kaloy kasi bihira lang manermon, pagdating lang naman sa

mga gastos siya naiinis minsan eh. Dahil, well, alam niyo naman yung kalagayan niya diba?

Ayun, pagdating ko sa locker eh may kinuha lang akong notebook tapos pababa na ako nung nakita ko si Mark.

At palapit siya sa akin.

Chapter 15

Umm, anu kayang gagawin ko? Tumakbo na kaya ako?? Hmm, think Kheira think!

Oops, too late.

Page 90: The GAME of My Life Story

“Hi.”

Tapos dumaan lang siya at pumasok sa CR. Yung mga locker kasi dito malapit sa entrance ng boys CR.

Yun lang?? Anyway, bakit ka pa nanghinayang Kheira? Ayaw mo nun? Hindi ka kinulit??

Tama! Mas okay na nga yun! Umalis naman ako nun ilang sandali lang. Hay, grabe talaga yung Mark na yun, ang hirap intindihin!

[inner voice]: Nyek! Eh bakit naman gusto mong intindihin? Bakit? Interested ka sa kanya no??

Whatever!

Pagkauwi ko naman sa bahay eh andun na ang aking 2 dear brothers at nasa harap ng tv. Ako naman eh nakisiksik sa gitna nilang dalawa.

“Musta araw niyo mga kuya?”

“Ayos naman, ikaw?”

“Ayos din. Ikaw kuya Kyle?”

Tumango lang siya. Naku, pag nasa harap talaga ng tv eh hindi mo magambala.

“Musta pala nung mga araw na wala ako?”

Hay, namiss ko rin yung pagiging concern ni Kuya Kaloy. Kasi naman itong si kuya Kyle eh, sobrang may paki sa akin to the point na

sobrang strict. NOT.

“Ay—”

“Buti natanong mo kuya Kaloy. Alam mo ba yang si Kheira eh nag-uwi ng lalaki. At wala ka, hindi lang isa. Tatlo Pa!”

AHHHHHHHH!

Nanlaki yung mata ni Kuya Kaloy pero alam kong pabiro lang yun. Ako naman eh ginulo ko yung buhok ni kuya na alam kong ilang oras

niyang pinaghirapan ayusin.

“Anu ba! Panira ka!”

Tapos tumawa lang ako. umakyat nalang ako para magpahinga dahil bukas eh maglilinis na naman ng bahay dahil nga Sabado na. Grabe, ang bilis talaga ng takbo ng oras no? Next thing I know, graduation

Page 91: The GAME of My Life Story

na pala.

Joke! Naniwala naman kayo? Inexaggerate ko lang eh!

Pero talagang mabilis yung panahon. Para ngang hindi ako natulog eh. Or actually, parang hindi nagkaroon ng Weekend dahil ang alam

ko nalang eh Monday na. Ganoon ba talaga kaboring sa bahay at wala na akong maalala?

Nung Monday, ayos lang naman. Dumating ako ng maaga sa school kasi maaga rin akong nagising. Dahil wala naman pina-assignment

last week kasi puro activities, wala akong magawa dun kung di tumunganga lang.

“Hi Kheira.”

Si Lester pala. Ngumiti naman ako sa kanya tapos siya eh tinuro yung upuan sa kabilang side ko.

Page 92: The GAME of My Life Story

“May nakaupo?”

Sasabihin ko na sanang wala kaso mayroong sumingit…

“Meron, bakit?”

Napataas naman yung kilay ni Lester. Tapos hindi niya pinansin si Lian at tumingin lang sa akin na parang nagtatanong parin.

“Ah, wala.”

Tapos nun ngumiti siya. Pupunta na siya sana dun kaso umupo si Lian bigla.

“Sabi naman sayo meron eh diba?”

Nagalit yata si Lester dahil the next thing nalang na nakita ko eh nagbabangayan na silang dalawa.

“—ako nga eh buti pa nagtatanong! Eh ikaW?? Wala kang manners! Hindi mo man lang tinanong si Kheira! Malay mo ayaw ka pala

niyang katabi!”

Grabe naman to. Bakit ba kasi dumating pa tong dalawang to sa buhay ko eh.

“Tumahimik nga kayo. Hindi niyo ba napapansin na naiistorbo niyo yung tao? Mabuti pa wag nalang kayong dalawang umupo diyan.”

Whoa, nagulat ako dun ah. Bakit parang ang cold ng dating niya?

“Para ano? Para tabihan mo rin siya? Wag na oy!”

“At sino naman nagsabi na tatabi ako sa kanya?”

Tapos nun eh tumalikod na siya. SA totoo lang? Ang ouch nun. Hindi ko alam kung ano bang irereact ko kasi sa totoo lang? Hindi ako

pwedeng masaktan dun dahil baka isipin pa nila na may gusto ako sa kanya, which is not true.

Hindi nalang ako umimik. Pero infareness, may saysay yung pagsabi niya nun dahil hindi na tumabi sa akin yung dalawang kolokoy. May

tumabi lang sa akin na classmate ko tapos sa kabila ko eh si Lia.

As usual, lesson na naman, lapit na kasi exams kaya medyo naghahabol narin kami.

“Psst.”

Hindi ko nilingon yung nanunutsot dun kasi malay ko ba kung hindi

Page 93: The GAME of My Life Story

pala ako yun diba? Saka, hindi naman psst ang pangalan ko eh so dedma lang.

“Kheira!”

Hala, ako pala tinatawag. Lumingon naman ako dun sa kung sino man yung tumawag sa akin pero lahat yata ng classmate ko eh

nakikinig sa teacher. Hmph, baka nanloloko lang.

“Huy, Kheira!.”

Ayoko nang magpauto no! baka mamaya eh tinatawanan na ako ni Reiya o kung sino pa man ang nakakakita sa akin.

“Kheira.”

“Ano?”

Nagulat ako kay Mark. Napatingin ako sa kanya tapos napakunot yung noo ko. Biruin mo, tinawag niya ako para lang ngumiti. Bwisit na ito, kanina lang eh ang taray tapos ngayon, hmph! Bahala ka sa

buhay mo.

Hindi ko siya nginitian kaya ayun, tinawag ulit ako.

“Kheira.”

Nope, dedma parin, ayoko na nga siyang pansinin.

“Kheira.”

Bahala ka diyan sa buhay mo.

“Kheira!”

“ANO!?!”

oops, napalakas yata yung sabi naming dalawa dahil next thing I know, nakatingin na yung teacher namin at nanlilisik yung mata.

“Excuse me Mr. Fellacio but do you have a problem? You’re disturbing my class! Get Out! Go to the sub-unit head!”

Whoa, kawawa naman to. Napatayo tuloy ng di oras si Mark. Ayan kasi, bakit kasi hindi maghintay ng recess. Nakalabas na siya nun pero hindi parin tumuloy si miss sa lesson. Napansin ko pa nga na

nakatingin din siya sa akin.

“Why are you still here Ms. Aruello? You’re coming with him!”

Page 94: The GAME of My Life Story

At syempre, napahiya ako. Kaya ayun, todo kung tumawa si Reiya. Ako naman inis na inis lang at lumabas narin. Nakita ko naman si

Mark na nakatayo lang dun sa labas ng classroom. Hinintay niya yata ako. Bwisit na Mark to, yan tuloy, makikita ko na naman si rubber

ducky. Waaah.

Lumapit siya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Anu siya sinuswerte?? Matapos niya akong ipahamak papansinin ko siya?? No

way!

“Kheira…sorry na.”

Tuloy parin ako naglakad at siya eh humahabol lang na parang buntot. Argh, nakakainis na ah!

“Please Kheira. I’m really really really sorry.”

Bahala ka sa buhay mo Fellacio.

“Gusto mo lumuhod pa ako eh. Please, patawarin mo lang ako.”

Napatingin naman ako sa kanya ng masama tapos tumuloy lang ako ng lakad. Napansin ko lang na parang wala na akong kasabay. Napalingon ulit ako tapos nakita ko yung kolokoy number 1 na

nakaluhod. LOKO TALAGA TO!

“Hoy! Ano bang ginagawa mo diyan?!?”

“Sabi sa iyo eh luluhod ako! Please sorry na talaga!”

“bahala ka sa buhay mo Mr. Fellacio, ikaw din naman ang mapapahiya eh.”

Tapos nun eh nagbell na, recess na kaya labasan na ng mga classroom yung students. Tapos nakita pa nila si Mark na nakaluhod at nakaharap sa akin. Bigla akong namula. Nakakainis naman tong

taong to eh, dapat siya yung nahihiya eh!

“Kheira sorry na talaga!”

“Yiheee!! Kheira patawarin mo na oh! Kawawa naman. LQ ba yan??”

Tinignan ko naman ng masama yung taong nagsabi nun at natahimik siya.

“Ano ba! Tumayo ka na nga diyan!”

“No! Not until you forgive me.”

“Pag hindi ka tumayo diyan lalo kitang hindi papatawarin!”

Page 95: The GAME of My Life Story

Tapos ayaw parin niya, ang tigas talaga. Argh! Tapos nakakainis pa yung mga taong nasa paligid namin na todo parin yung hiyawan.

Kesyo LQ daw or whatever. Argh!! Fine Kheira!

“FINE! Pinapatawad na kita! Tumayo ka na nga!”

Lumiwanag naman yung mukha niya at tumayo. Lumapit siya sa akin tapos hinawakan niya yung dalawang kamay ko.

“Thank you!”

Tapos yung iba eh naghiyawan na naman. Bad trip talaga. Kinuha ko naman ng mabilis yung kamay ko tapos tumalikod na at umalis. Bad

trip na araw to oh!

“Hoy bruha! Ano tong narinig ko na may eksena daw kayo ni Mark kanina sa hallway??”

Lunch na pala ngayon, wala masyadong nangyari kanina matapos yun. Sa sub-unit head eh nakita ko si Rubber ducky tpaos

pinagsabihan kami. Binigyan pa nga kami ng CS eh, pero para bukas lang. Hindi naman kasi ganoon kagrabe yung ginawa namin. At anu yung CS na yun? Aba, lilinisin namin yung buong basketball court.

Nung sumunod na subject naman nun eh hindi na nangulit si Mark, nadala na siguro. Nung PE eh nagpractical lang kami tapos lesson sa

ibang subject.

“Wala yun. Asus, maniwala ka sa mga yan.”

“I think I will. Mas may sinasabi kasi sila kesa sa iyo eh..”

Napatingin lang ako kay Lia tapos siya eh natawa.

“Joke lang! Ito naman, bakit ba sobrang seryoso at badtrip mo ngayon??”

Page 96: The GAME of My Life Story

“Sino ba namang hindi mababadtrip sa nangyari no?? maglilinis kami ng buong gym bukas sa uwian! Sabihin mo nga? Masaya ba yun??”

“Oh, bakit sa akin mo nilalabas yung galit mo??”

“Ewan ko sa yo Lia, tara na nga nagugutom ako eh.”

“Teka, uuwi ka?”

“Oo. Ikaw?”

“Wala kasi sina Mama sa bahay eh.”

“Ganun? O sige, kita nalang tayo sa classroom mamaya, bye.”

Tapos nun eh nauna na ako sa kanya. Gutom na rin ako no! sino ba naman ang hindi magugutom sa mga nangyari kanina?

 Pagkadating ko sa bahay, walang tao as usual. Tumingin ako sa ref tapos may nakita ako note na nakadikit.

Kheira, Kyle… hindi ako makakauwi ulit mamaya. Kelangan mag-overtime. Baka sa Wednesday pa balik ko. Nag-iwan ako ng pera para sa panggastos niyo. Alam niyo na kung saan nakalagay yun.

Kuya Kaloy

Aww, overtime na naman…naaawa na talaga ako kay kuya. Kahit nga minsan may sakit yan eh pumapasok pa para lang magkaroon kami

ng panggastos. Hay, that’s life nga siguro.

Mabilis lang ako kumain. Hindi naman kasi kelangan magluto eh, ininit ko lang sa microwave yung ulam kagabi tapos kumain na ako.

“Tao po!”

Naku! Sino na naman kaya to? Wag niyong sabihin meralco yan eh kababayad lang namin nung isang linggo.

Niligpit ko muna yung kinain ko tapos saka ako lumabas, at nanlaki yung mata ko.

“Lester?? A-anong ginagawa mo dito?”

“Umm, sinusundo ka…pero kung di ka pa tapos, hihintayin na kita.”

Tapos ngumiti lang siya dun. Ewan ko kung bakit pero, napangiti lang din ako. Weird.

Page 97: The GAME of My Life Story

Kinuha ko naman na yung mga gamit ko tapos saka lang ako naglock ng bahay at ayun nga, gaya ng sabi ni Lester, sabay na kaming

bumalik sa school.

Pagbalik namin eh napansin kng pinagtitinginan kami ng mga tao. Nakakahiya nga na nakakainis eh. Ayos lang na tumingin sila, pero

yung manghusga na parang kilala nila ako? hindi yata tama.

“Grabe, I never imagined na ganyan pala siya. Ang landi naman niyan. Kanina lang si Kuya Mark tapos ngayon si kuya Lester

naman!”

“Oo nga eh! Palibhasa kasi ngayon lang may nagkagusto sa kanya kaya ayan, feel na feel niya.”

Ang sakit nung mga sinabi nila pero hindi ko nalang pinansin. Pagpumatol pa kasi ako sa mga yan eh parang nagpababa lang ako

sa level nila. Saka mga junior lang naman yan eh, ano bang alam nila?

Pero hindi ko alam na hindi lang pala ako yung nakarinig nung pinag-uusapan nila. Nalaman ko nalang na may iba pala nung nakita

kong wala na si Lester sa tabi ko at andoon na sa harapan nung dalawang babae kasama sina Mark at Lian.

“Ano bang problema niyo sa kanya??”

Tapos tinuro nila akong tatlo.

“Wala siyang ginagawa sa inyo”

“Kaya pwede ba tantanan niyo na siya??”

“Hindi niya kasalanan na walang lalaking gustong pumatol sa inyo!”

Nagulat ako sa mga sinabi nila. Hindi ko sinasabing natutuwa ako pero, masyadong harsh yun. Kaya umalis yung dalawa na umiiyak. Ako naman eh talaga in state of shock parin. Lumapit silang tatlo

ginawa ko ang pinakamadalas kong gawin.

Tumakbo ako.

Chapter 16

Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta sumunod

Page 98: The GAME of My Life Story

nalang ako kung saan ako dinala ng paa ko.

Naguluhan nga ako sa sarili ko eh. Hindi ba dapat akong matuwa dahil pinagtanggol nila ako? pero bakit parang lalong lumala yung pakiramdam ko. Napansin ko naman na sa CR pala ako nagpunta.

Wala naman tao nung mga oras na yun kaya dun nalang ako. Kahit nga si Lia eh ayoko munang makausap.

Hay, ano na bang nangyayari sa iyo Kheira?? Bakit ka ba nagkakaganyan??

“AHHHHHHH!!!!!!!!!!!!”

Kahit anong sigaw na gawin ko hindi parin maalis sa akin yung nararamdaman ko. Ang hirap nga eh, hindi ko maintindihan kung ano man yung feeling na yun. Sobrang…weird. Ngayon ko lang ito

naramdaman.

“Bhes?”

Nakita kong pumasok ng CR si Lia. Tapos biglang nanlaki yung mata niya.

“Bhes bakit ka umiiyak?!?”

Tumingin naman ako sa mirror. Umiiyak nga ako. Grabe, hindi ko napansin yun ah. Pero…bakit nga ba?

Umiling lang ako tapos lumapit si Lia sa akin at niyakap ako.

“Hindi kita kukulitin ngayon. Sabihin mo nalang sa akin kung ready ka na ok? Basta tandaan mo andito lang ako.”

Tapos matagal din kami dun. Hindi ko alam kung mga anong oras na ako tumigil umiyak. Ang alam ko lang, nalate kami sa klase pero

hindi na kami pinababa. Hindi ko rin alam kung bakit, siguro kinausap ni Lia yung teacher, buti nalang.

Free Period na wala parin ako sa mood. Nanonood lang ako ng mga practice nung players. Pati nga mga cheerleaders eh nandito, sa

susunod daw kasing game, which is sa ibang school naman, kelangan na ng cheerleaders.

Page 99: The GAME of My Life Story

“Aruello, tawag ka ni Coach.”

Napatingin ako dun sa nagsalita. Si Richie pala. Tapos nun eh hindi na siya namansin. Ganyan naman yan eh. Parang may sariling

mundo. O baka ako lang yun?

Lumapit naman ako kaagad kay Coach.

“Bakit po coach?”

“Pwede ka nang umuwi Kheira”

Huh? Umuwi? Eh hindi pa nga sila tapos eh. Saka, mag 30 minutes palang.

“Pero coach—”

“Go.”

Dahil ayoko naman suwayin yung utos ni Coach, umuwi nalang ako. Hay, siguro mas magiging okay din ito. Umuwi na ako sa bahay nun.

Pagdating ko eh nagulat pa nga sa akin si Kuya Kyle.

“Bakit ang aga mo? Nag-cutting ka no? Lagot kay kay kuya Kaloy niyan.”

Pero hindi ko na pinansin siya nun. Dumiretso naman ako sa taas at humiga. Ang sama talaga ng araw ko ngayon, hindi ko pa

maintindihan kung bakit. Siguro, kung itutulog ko lang ito, magiging maayos na ang lahat…

Page 100: The GAME of My Life Story

Pagkagising ko, sobrang dilim pa. Ang lamig lamig nga eh, feeling ko tuloy naka-aircon kami. Tinignan ko yung bintana, sarado naman.

Tapos lumapit din ako sa electric fan tapos nakita kong nasa pinakamahina. So bakit ako nilalamig?

Hinipo ko yung noo ko tapos naramdaman ko na sobrang init ko. Ang taas pala ng lagnat ko ngayon. Tinignan ko yung orasan, 3 a.m. pa

lang, panigurado eh tulog pa si kuya Kyle. Anu naman kaya gagawin ko nito??

Bumaba nalang ako tapos dun ako sa sala umupo. Binuksan ko yung tv tapos nun eh nanood nalang muna. Inantok ako bigla kaya nung

pagpikit ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

“Huy! Nagsasayang ka ba ng kuryente?”

Si Kuya Kyle pala. Grabe, ang bigat ng ulo ko. Hindi parin pala nawawala yung lagnat ko. Pero hindi ko nalang siguro ipapahalata,

ayoko naman umabsent eh.

“S-s-sorry.” Tapos nun tatayo nalang sana ako pero biglang bumigay yung legs ko.

“Ang lampa naman nito.”

Tapos eh lumapit siya sa akin. Nung mahawakan niya ako eh nanlaki yung mata niya.

“Alam mo bang sobrang taas ng lagnat mo!? Pumanik ka nga dun sa kwarto mo at dadalhan kita ng makakain.”

“W-wag na..papasok ako ngayon.”

“Baliw ka ba? Gusto mong bumigay yang katawan mo? Hindi ka pwedeng pumasok ngayon. Wag matigas ang ulo.”

“Ano naman gagawin ko ditto?”

Page 101: The GAME of My Life Story

“Malamang magpapahinga ka. Tetext ko narin kay kuya Kaloy na may lagnat ka.”

“Wag na! baka umuwi yun!”

“Para alam niya no! anu ka ba!”

Tapos napatingin lang ako sa kanya. Nagtext naman na siya kay Kuya Kaloy tapos nun eh ako umakyat nalang gaya nga ng bilin sa

akin ni Kuya. Dinalhan niya ako ng pagkain tapos nun eh bumaba na ulit. Tinignan ko yung orasan, 7:30 na pala. Siguro nakapasok na

yun.

Kumain na ako pero hindi ko pa nakakalahati yung dala ni Kuya Kyle eh ayoko na. Parang wala kasing lasa. Siguro nga dahil sa may sakit

ako kaya ganun.

Bigla naman bumukas yung pinto kaya napasigaw ako.

“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!”

“Oi! Ano ba? Ang ingay mo naman! Para kang walang sakit!”

“K-kuya Kyle? Bakit andito ka pa??”

“Wag ka nalang matanong. Eto gamut oh, inumin mo na.” Napatingin siya dun sa pinag-kainan ko tapos bigla ba naman nag

freak out. O baka tingin ko lang yun.

“Anu ba yan, ubusin mo nga yang pagkain mo! Paano ka nalang gagaling niyan? Ayoko ngang araw araw hindi pumasok dahil sayo!”

Kahit na todo sermon sa akin si Kuya eh nakasmile parin ako. Pakipot pa to, eh concerned lang naman siya eh.

Buong araw ako sigurong nakahiga sa kwarto ko. Minsan tutulungan akong bumaba ni Kuya pag gusto kong manood ng tv. Aba, bumabait

yata ang aking kuya dearest.

Nagtext din pala si Lia kanina. Siguro break time nila nun. Tinanong kung tinamad na naman akong pumasok, sinabi ko, this time, may

sakit na talaga ako.

Sinabihan ko rin naman siya na wag nang banggitin sa 3 kolokoy dahil nga baka dumugin na naman tong bahay ko at kung anung

gawin pa ditto. Ayoko na no. Nadala na ako kay Kuya Kyle.

“Oi, bumaba na ba lagnat mo?”

“Magmula kanina oo. Pero hindi parin nawawala.”

Page 102: The GAME of My Life Story

“Oi ikaw, pag nalaman ko na pinaglololoko mo lang ako at wala ka ng lagnat humanda ka sa akin.”

Tapos nun eh umalis na siya. Grabe, love talaga ako nun no??

Bandang mga hapon na siguro bago mawala yung lagnat ko. Laking pasalamat ko naman dahil ayokong mag-absent. Next week na kasi exams eh, mahirap nang humabol. Nakipagtalo pa nga si Kuya na wag daw muna akong pumasok bukas pero siyempre, dahil nga

dinahilan ko na exams na sa susunod na linggo, ayun pumayag din naman.

Narinig kong tumunog yung phone ko kaya hinanap ko naman. Hay, asan ko ba nilagay yun??

Halos naikot ko na siguro yung buong kwarto ko pero wala parin. Nahilo nga ako bigla eh kaya humiga nalang ako ulit sa kama. May naramdaman ako dun sa tabi ng unan ko tapos nung tinignan ko

eh…yung cellphone ko!

| ‘sta pakrmdam?|

Kakainis naman si Lia eh, sabi ng wag sabihin sa 3 kolokoy eh.

|umm..aus nmn. pnu m lamn?|

Tapos ilang sandali lang rin eh nagreply na siya.

|na mei sakit k? e1 q. hula lng.|

Whoa, ibig sabihin hindi dapat ako magalit kay Lia.

|gleng m nmn hula|

|hehe, nmention kxe dti ni lia na bhira k lng tlga magabsent, at kng mgabsent k mn daw ng mei lesson, bg sabihn eh mei sket ka.|

Whoa.

|haha.|

|ppsok k n b 2m?|

|hopefully, yes|

|buti nmn, nkakawalng gna kxe magprkts sa bball eh|

|whatever|

Page 103: The GAME of My Life Story

|haha, cryoso nga.|

Mga hanggang gabi rin siguro kami nagtext text nun. Siya pa nga nagsabi na matulog na ako para daw makapasok ako bukas, at syempre, sumunod nalang ako dahil gusto ko naman talagang

pumasok na.

The next day, sobrang taas ng energy ko. Ako yata pinakaunang nagising eh. Oo nga pala, ngayon uuwi si Kuya Kaloy. Eh di tama

pala yung pagkahigh ko! Heheh!

“GOOOOOOOOD MORNINGGGGGGGGG!”

Mukha siguro akong ewan dun dahil nagsisisigaw ako eh ang makakausap ko lang naman eh si kuya Kyle. Kaya ayun, ang sama ng

tingin sa akin.

“May mali ba akong gamot na binigay sa iyo??”

Natawa pa nga ako kahit na alam kong pang-asar sa akin ni Kuya yun. Kumain na ako tapos kumiss kay Kuya, which I never do pagka umaalis ako. Narinig ko pa nga siyang bumulong sa sarili niya na..

“Lagot ako kay kuya Kaloy. Baka kung anong drugs yung nabigay ko dun. Nahibang na yata. O baka nasobrahan.”

Pagkadating kong school, sobrang onti palang ng mga tao, pero meron parin. Nagtanong ako sa mga namiss ko. At sinuwerte ako

dahil nagkaroon ng program kahapon buong araw, that means, wala akong namiss! Yes!

“Anong program?”

“Kasi sa September eh magkakaroon ng accreditation yung school. Kaya magkakaroon ng ilang programs. Yung practices daw

magsisimula after exams.”

Page 104: The GAME of My Life Story

Tapos nun eh binigyan niya ako ng list ng programs na gaganapin. Ikaw na mismo pala yung magsisign-up sa sarili mo sa kung anong

gusto mong program.

“Oh, kamusta na pakiramdam mo?”

“Eto, maayos naman. Bakit? Miss mo ba ako??”

“syempre naman! Pero hindi lang ako nakamiss sa iyo no!”

“Huh? Anong ibig mong sabihin?”

“AY naku bhes, kelan ka ba magpapakatotoo at aaminin sa sarili mo na may gusto sa yo yung ayun oh! Yung tatlong kolokoy na yun!”

Napatingin naman ako dun sa tinuro niyang tatlo. Nakangiti sila lahat tapos kumaway isa isa.

“Ay nako bhes, ewan ko sayo.”

“Self denial Is a game so strange i never really should've wanted til there was you…”

Bruha to, kinantahan pa ako. Tinawanan ko lang naman siya habang nagconcert siya dun. Grabe nga eh, ginawa pang mic yung brush na hawak hawka nung kaklase namin. Kaya ayun, pati siya natawa rin

sa kalokohan ni Lia.

Buong araw eh wala kaming ginawa kung di magreview at maglesson. Minsan nga sobrang napapabilis to the point na after ng isang klase eh hindi ko feel na may natutunan ako. Kaya nga laking

pasalamat ko nalang nung magfree period na namin.

Dumiretso ako sa gym tapos tumabi lang kay Coach. Nagtanong ako tungkol sa practice kahapon, wala daw kasi nga may parang program. So ayun, dumating din naman yung players tapos

nagsimula na silang maglaro.

“Kumpleto na ba??”

Tumango naman yung iba sa kanya. Nakinig ang lahat kasi mukhang importante naman yung sasabihin ni Coach.

“Okay, gusto ko lang ipaalam sa inyo na after ng exam week niyo, exactly on Monday, ay ang 1st away game natin.”

Away game means sa ibang school kami makikipagcompete. Hmm, interesting. Saan naman kaya yun?

Page 105: The GAME of My Life Story

“Coach, anong school po yung makakalaban namin?”

“St…hmm anu ba ulit yun…letter C yata simula.”

Namutla ako bigla. C?? Wag mong sabihin…Claravalle? Hindi! Napakaimposible Kheira! Maraming school ang letter C ang start.

Gaya nalang ng Claire o kaya Cambridge. Imposibleng Claravalle yan

“Umm…Ayun! St. Claravalle.”

Oh HINDEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!

“Umm…coach, pwede bang hindi sumama dun?”

Napatingin naman si Coach sa akin. Pati nga yung players eh. And syempre, yung 2 kolokoy.

“Bakit naman? May kailangan ka bang puntahan??”

“Sana…” binulong ko sa sarili ko.

“Anu yun??”

“Ummm, wala naman po…”

“Kelangan mo sumama Kheira. Kelangan ko ng tagarecord dun. Saka, alam mo naman bano yung mga players natin pag wala ka eh.”

Tapos nun eh tumawa yung iba. Hala, patay ka Kheira. Wala kang lusot. *gulp*

I guess I have to face him again…

Chapter 17

Page 106: The GAME of My Life Story

Hay, anu kaya gagawin ko?

“Bakit Kheira? May problema ba??”

“Umm…wala po coach.”

Tapos nun eh nagtuloy na siyang mag-explain. Hay, anu ba yan. Panibagong problema na naman! Kawawa naman ako.

Pagkatapos ng practice eh dumaan ako ng locker. Magsisimula na kasi akong mag-uwi ng gamit para pang-review ko. Aim ko kasi na magkaroon ng graduation honor. Alam ko naman kasing imposible

na yung Valedictorian, Salutatorian at 1st honorable kasi kina Mark, Chessie at Lia na yun.

Anyway, sinaksak ko nalang lahat ng iuuwi ko dun sa bag ko tapos naglakad na paalis.

“Tulungan na kita.”

Napangiti naman ako nung makita ko si Lester.

“Wag na, salamat nalang. Kaya ko na.”

“Sige na please?”

Hay, para matapos narin ang pangungulit, eh di ano pa bang nagawa ko?

“Okay na ba pakiramdam mo?”

“Umm…oo.”

Hmm, hindi nga sinabi kina Mark, pero kay Lester naman sinabi. Hay naku, lagot ka sa akin Lia!

Nakarating na kami sa bahay tapos nagthank you na ako kay Lester. Pagpasok ko eh nandoon na si Kuya Kaloy. Tumakbo kaagad ako

tapos yumakap sa kanya, napausog siya kasi nagulat. Pero si Kuya Kyle, nagside comment pa.

“Speaking of the elephant.”

Hmph! Ewan ko ba dito kay Kuya Kyle kung bakit niya ako tinatawag na elephant. Eh hindi na naman ako malaki at mataba. Nung bata kasi ako eh mataba ako. AS in parang lobo at bolang pinagdikit.

Kaya parati akong tinatawag noon na elephant. Pero syempre, dahil nagpursigi ako, pumayat ako ng sobra. Pero ewan ko dito sa kuya

ko, bakit hanggang ngayon eh inaasar parin ako.

Page 107: The GAME of My Life Story

“Ay bahala ka sa buhay mo Kuya Kyle, hindi kita pagluto ng lunch mo eh sige ka! Magdusa ka!”

Tapos biglang nag-iba yung expression ng mukha niya.

“Sabi ko ba elephant?? Ang sabi ko yung maganda at cute at sobrang loving na sister ko.”

Nagtawanan naman kami nun tapos kumain na kami sabay sabay. Hinugasan ko yung pinggan tapos dumiretso sa kwarto. Naglinis

lang ako ng katawan saglit, nagtooth brush, hilamos tapos nagpalit ng damit at natulog narin.

The next day, wala kaming ginawa kung di puro review. Monday, Tuesday at Wednesday kasi ang exams namin next week. Pati nga yung free period namin eh ni-cancel na para daw may time kaming mag-aral. So ako, hindi ko na sinayang yung time na yun at diretso

uwi. Hay, nerd mode na naman ako nitong weekend na to.

Buong weekend wala rin akong ginawa kung di mag-aral. Lalabas lang ako ng kwarto ko kapag kakain na. Sabi nga ni Kuya Kyle, hayaan nalang nila ako sa sarili kong mundo. May pagkagrade

conscious kasi ako eh, ayoko naman kasing sayangin yung pinaghihirapan ni Kuya Kaloy para sa pag-aaral namin.

Ayun, sobrang bilis ng pangyayari, namalayan ko nalang na Monday na. Feeling ko nga eh ang kaunti lang nung pinag-aralan ko, eh nung

sinabi ko naman yun sa kuya ko, sabi sa akin eh…

“Wag ka nga Kheira, halos maisaulo mo na nga yung buong libro mo kulang pa ba yun?!?”

Kaya ako, eh medyo nacomfort din sa sinabi ni kuya. First test namin ngayon, English. Ayos lang siya, hindi ganoon kahirap. Medyo

magulo lang yung ibang parts pero feeling ko pasado naman ako.

Pagkatapos nun eh CCF naman, parang ganun din tulad ng English.

Page 108: The GAME of My Life Story

At syempre, last but not the least, Computer. Ayos lang siya, hindi pa naman sumabog utak ko nun.

Ayun, after ng tests, uwian na. Maaga kasi dismissal tuwing Exams eh. Ako naman, hinarang muna ni Lia.

“Hoy, kain naman tayo sa tindahan. Kahit sa OB lang. Masyado ka na yatang nagpapakanerd eh, take a break first.”

Dapat nga eh hindi ako papayag kaso itong si Lia, ewan ko kung anong milagrong ginawa at napa-oo niya ako.

Pagdating naman namin sa OB (isang kainan na sobrang mura) eh kumuha na kami ng upuan. Medyo marami din students dun kaya

siguro matatagalan yung service nila sa amin.

“Hindi ka pa mag-oorder?”

Tapos biglang ngumiti lang sa akin si Lia. I think I know kung bakit, kasi hindi nagtagal, nakiupo yung 3 kolokoy dun sa table namin.

“Hi Kheira, musta test?”

 “Umm…ayos lang naman.”

Tapos ayun, nagkuwentuhan muna kaming lahat. Tapos kumain. Nagulat nga ako eh, nanlibre yung tatlo. Kaya pala hindi pa kami nakakaorder eh may pagkain na kami. Kala ko magic, nagmukha

tuloy akong ewan dun. Bahala na.

Hindi rin naman kami nagtagal dun. Pagtapos namin kumain eh nagkayayaan nang umuwi. Yung 3 kolokoy nga eh nagyaya pang ihatid ako. Ayun, mukha ako tuloy ewan na may 3 bodyguard pa.

Nyek.

Pagdating ko sa bahay eh nandoon si Kuya Kaloy. Pinakilala ko yung 3 tapos nun si Kuya eh ngumiti lang ng nakakaloko. Hay, tapos itong si Kuya Kyle, nagside comment na naman. Ay naku, kelan kaya yung araw na may bisita ako at hindi ako ipapahiya ni Kuya Kyle. At alam

niyo bang sinabi?

“Oi, inalagaan niyo ba ng mabuti yung elepante namin?”Ako naman eh tumingin ng sobrang sama sa kanya, tapos siya

tumahimik. Lagot sa akin yan, hindi ko ipagluluto yan, akala niya.

Umalis rin naman sila kasi kelangan din nilang mag-aral. At ako, nakipagmarathon sa kuya ko hanggang sa sumakit lalamunan ko.

The next day, hindi ako masyadong kinabahan, kahit pa man Physics yung exam. Alam ko kasing napag-aralan ko naman siya ng mabuti

Page 109: The GAME of My Life Story

kaya ayun, hindi ako natakot.

Ganun din naman sa next test namin nung sumunod na araw.  Sa totoo lang, mas kinabahan pa ako para dun sa away game namin eh

kesa sa test.

AT sa wakas! Natapos rin ang lahat ng exams namin, hiyawan lahat ng tao at nagkayayaan yung iba naming classmates na magcomputer

shop o kaya gumala.

“Oh, anong lakad natin ngayon?”

“Hmm, sa totoo lang? wala ako masyadong naplano eh…hmmm, sana kaya tayo pwede?”

Ganyan kami parati ni Lia, kapag tapos ng mga exams eh gagala kami. Kahit walang pera ayos lang, basta ba makaalis at makarelax

kami kung saan man kami dalhin ng paa namin.

“Kheira, tawag ka ni Ma’am.”

Ano na naman kaya kailangan ni Ma’am??

Lumapit naman ako kaagad tapos nakita kong kasama niya si Mark. Nung nakita naman ako eh nagsign na bilisan ko daw, kaya ako…

ayun nga, binilisan ko na.

“Ano po yun ma’am?”

“Dahil absent ka nung dapat magCS kayo, napagpasiyahan na ngayon nalang daw niyo linisin yung basketball court.”

Nagulat naman ako dun kaya napanganga ako.

“Miss pwede po bang ako nalang yung maglinis?”

“Hindi pwede Mr. Fellacio, pareho kayo ni Miss Aruello na may kasalanan kaya kelangan kayong dalawa ay pantay na maglinis.”

Tumango lang kami nun tapos pinadiretso na kami sa gym. Dahil hindi naman alam ni Lia na ngayon pala minove yun, kelangan ko pa

siyang sabihan.

“Wait lang ah…”

Tapos lumapit ako kay Lia at kinalabit siya.

“Woist, bruha…kelangan ko gumawa ng CS ngayon, text nalang kita ah…”

Page 110: The GAME of My Life Story

“O sige, pero baka lumabas narin ako kasama nila Sandra. Nagyaya kasi eh, ayos lang sayo?”

“Oo, sige ayos lang…”

Tapos umalis na ako at sabay kami ni Mark na pumuntang basketball court.

Okay lang naman talaga sa akin na sumama si Lia kina Sandra, hindi ko rin naman kasi hilig yung masyadong maraming tao. Plano ko lang kasi talagang magrelax ngayon kaya ayoko sa masyaqdong

maraming tao.

Dumating na kami sa court at nagvolunteer si Mark na siya na daw magmomop at ako naman yung maglilinis ng mga bola. Ayos narin

yun. At least hindi ako nakatayo.

Matagal tagal rin namin ginawa yun. Hay, bakit kaya sobrang daming bola dito?? 10 yata yung sa basketball, 8 pang volleball, 9

pang soccer, tapos mayroon din mga 5 para sa water polo. Hay, ang hirap, sumasakit na likod ko kakayuko.

“May pupuntahan ka ba pagkatapos nito?”

Napatingala naman ako at nakitang nakatingin pala sa akin si Mark at mukhang tapos na siya. Kanina pa ba siya nakatingin??

“Uhmm, dapat meron…si Lia kasi nakina Sandra, hindi ako sure kung susunod ba ako…bakit?”

“Kung gusto mong sumunod, sunod ka…kung ayaw, wag.”

Nice, dedmahin daw ba yung tanong ko. Hmm, ano na naman kayang drama nito?

“Uhmm…bakit mo natanong?”

“Nag-iimbita kasi si Tita Elle, nagluto siya.”

Wah, nakakahiya naman kung humindi ako eh nakapagluto na. Ayos lang, magkikita na ulit kami nung 3 chikiting na napakacute.

“Ahh…okay, sige.” Mukhang napansin niya yung parang pagkawalang choice ko kaya ayun, nagsalita ulit.

“Kung ayaw mo ayos lang. Pwede naman next time eh.”

“Ayos lang talaga…gusto ko rin naman makita sina Nestle, Nido at Milo eh.”

Page 111: The GAME of My Life Story

“Okay, magtetext ako.”

Tapos nun eh naglabas siya ng phone at tumabi sa akin. Ako naman eh nagtext na rin kay Lia, sabi ko na pagod ako at okay lang naman

sa kanya.

“T-teka, anong ginagawa mo??”

Bigla ba naman kumuha ng isang bola dun. Nakakahiya, siya tapos na niya trabaho niya tapos ako hindi at ngayon tutulungan pa niya

ako.

“W-wag na. Ako nalang, kaya ko naman eh.”

“Para mapabilis, pagkatapos ko kasing magtext eh nagreply na sobrang excited na daw yung tatlong makita ka.”

Napangiti naman ako kaya ayun, dalawa kaming naglinis nung bola. At gaya ng ng sabi niya, mas mabilis kaming natapos. Nathank you

ako syempre tapos siya eh ngumiti lang sa akin. Kinuha ko yung bag ko tapos sabay na kami ulit lumabas ng court.

Page 112: The GAME of My Life Story

“Kheira! Buti nalang talaga at nakapunta ka. Ang tagal ka nang---”

Hindi na nakasalita si Tita Elle kasi biglang may 3 chikiting na sumugod sa akin.

“ATE KHI!!”

Biglang tumalon si Milo at ayun, anu pa bang magagawa ko kung di buhatin siya. Ang cute nga eh. Nakakatuwa talaga.

“Ate! Ayam mo? Miss na miss ka namin!”

Tapos ako eh natawa naman at syempre, natouch din sa sinabi nila.

“Bumitaw muna kayo at baka mahulog yang si Kheira.”

Pagkapasok nila eh nakita kong tumatawa si Mark.

“Anong tinatawa tawa mo diyan?”

“Wala, nakakatuwa ka kasi eh.”

Ano ako clown??

“Ngek. Bahala ka nga.”

Tapos nun eh pumasok na kaming dalawa. Si Milo, sa sobrang pagkaexcited eh naglabas ng sangkatutak na laruan. At syempre, si Nido, na akala ko dati eh tahimik yun pala hindi, hindi nagpatalo sa kambal niya at naglabas ng napakaraming barbie. Grabe, feeling ko

nga eh pwede na akong mabaon dun.

“Huy, wag kayong masyadong magkalat.”

Pero halata parin na natatawa si Tita Elle. Ako naman, hindi ko alam kung kanino ako makikipaglaro ng una.

“ate! Laro tayo barbie! Ganda barbie oh!”

tapos si Milo naman eh hinatak ako palapit sa kanya.

“Indi! Makikipagyawo sa akin si Ate Khi! Magyayawo kami ng aiwpyane! Tsaka kotse!!”

Tapos ayun, nagtalo yung dalawa. Si Nestle naman eh pinaghiwalay sila tapos tawa lang ng tawa. Grabe, ang sana ako rin magkaroon ng

mga batang pinsan. Hay, sa amin kasing magpipinsan eh ako na yung pinakabata. Yung iba eh mga may asawa na o kaya

nagtratrabaho naman. Malas nga lang kasi yung mga may anak eh

Page 113: The GAME of My Life Story

nasa ibang bansa na.

“Mamaya na kayo maglaro, kumain na muna tayo at baka lumamig yung pagkain.”

Pagkalapit ko naman sa kanila eh nakita ko si Mark na nakapagpalit na ng damit at nakangiti na parang tungaw dun sa kabilang side ng

table.

Tinaasan ko siya ng kilay tapos tinaas lang niya yung balikat at tumawa. Hay, baliw na yata tong lalaking to eh.

“Ano pala sasalihan mo sa accreditation week?”

“Hmmm, hindi ko parin alam eh. Baka theater siguro. Kahit sa props ayos na. Ikaw?”

“Sasali kasi kami sa battle of the bands.”

Whoa, may banda sila?! Astig naman!

“Oh? Sinu-sino kayo? Anong tinutugtog mo?”

“Ako para sa lead guitar tapos minsan vocalist, si Lian naman sa drums, tapos si Gino sa bass. Dati may lead vocalist kami kaso nga

lang lumipat na siya ng school. Magpapa-audition nga kami sa Friday eh. Gusto mo try?”

Hmmm, gusto ko naman yung kanta pero nakakahiya. Isipin mo, kakanta ka sa harap ng napakaraming tao. At least sa theater club

eh kaunti lang naman yung usually na nanonood.

“Hmm, gusto mong bumagyo sa contest? Baka magiyakan mga pusa niyan.”

Tapos tumawa naman siya.

“Magaling ka naman eh.”

Nyek, eh hindi pa nga ako nito naririnig kumanta eh! Magaling ka diyan, sapukin ko to eh.

“Anong magaling? Hindi mo pa nga ako naririnig eh!”

“AT sino nagsabi sa yo?”

“Huh?? Anong---?”

“Miss Personality ng St. Agustine Acadamy noong 2000.”

Page 114: The GAME of My Life Story

WAAAAAAAAAAAH!?!? Bakit alam niya yun!?!? Grade 3 pa ako nun eh!!!

Page 115: The GAME of My Life Story

Chapter 18

“Naaalala mo pa yun?? Eh grade 3 palang ako nun eh! Bata pa ako! Hindi pa ako nahihiya!”

Tapos siya eh sobrang tumawa nun. Grabe, nakakahiya naman. Nung grade 3 kasi eh pinasali ako ni Kuya Kaloy dun sa Miss Personality of St. Agustine. Kasi naman eh, may ang dami kasing incentives kaya ayun. Grabe, sa lahat pa ng makakaalala nun, bakit si Mark pa?!?

“Anu ulit kinanta mo nun? Hmmm…wait…”

Wah, wag mong sabihin pati yung kinanta ko nun naalala pa niya?? Wag na!! nakakahiya talaga!

“Bakit pa yata yun ni Jessa Zaragosa.”

WAAAAAAAAAAAAH! PATAYIN NIYO NA AKO!!

Tapos namula ako bigla. Napansin naman niya kaya tumahimik nalang siya. Si Tita Elle naman eh natatawa narin. Grabe, kasing

pula ko na siguro yung sauce nung spaghetti na hinanda ni tita Elle.

“Sali ka na, o kaya try mo mag-audition. Please? Yung mga teachers naman yung pipili eh. Sige na please?”

Buti nalang teachers. At least dun eh mas malaking chance na hindi ako mapili. Sige, try lang naman eh.

“O sige na nga. Pero gusto ko parin sumali sa theater eh.”

“Ayos lang, at least maximum of 3 activities naman ang pwedeng salihan eh. Saka, I doubt na magkakasabay yun. First day ang

theater at last day pa ang battle of the bands.”

“Sige na nga.”

Kaya siguro teachers yung pipili eh kasi ayaw na nilang maulit yung battle of the band last year. Dati kasi eh nung linggo ng wika namin yun sinelebrate. Tapos eh yung mga sumali, hindi lahat marunong. Mayroon pa nga eh, tumugtog ng Sugod, tapos nung ginawa yung solo part eh mali yung tono, ayun tuloy, napahiya. Kawawa naman.

“Salamat!!”

Pagkatapos kumain eh nagpaalam na ako sa kanila. Pinagbalutan pa nga ako ni Tita Elle eh…para daw sa kapatid ko. Grabe, nakakahiya

talaga.

Page 116: The GAME of My Life Story

Hinatid naman ako ni Mark sa amin. Andoon na nga si Kuya Kyle eh kaya ako pinauwi ko na siya agad, baka kung ano pang sabihin ni

Kuya Kyle at mapahiya na naman ako nun.

“Kuya, andito na ako!”

“Oh, bakit hindi si Lia ang kasama mo?? Ikaw nga sabihin mo sa akin, boyfriend mo ba yun?”

Sus itong si Kuya Kyle, akala mo naman sobrang strict. Alam naman niyang hindi ako mahilig sa ganyan eh.

“SI Lia kasi sumama sa isang party, eh ako ayoko naman ng may maraming tao dahil nga gusto kong magrelax. Si Mark nagyaya kasi nagluto daw yung tita niya eh hinahanap ako kaya hindi naman ako makahindi. Eto nga eh oh, pinagdalhan pa kayo. At kuya, hindi ko

boyfriend si Mark ok? Kung magkakaroon man ako eh kayong unang unang makakaalam. At I doubt na malapit na yun.”

 Natulala sa akin si Kuya tapos nun eh biglang kinuha yung plastic.

“Tamang tama, gutom ako. Pakisabi nalang salamat ah?”

Tapos eh natawa ako dahil hindi na ako tinanong tungkol kay Mark. Tignan mo nga naman, basta may kinakain eh wala nang pakielam sa

mundo. Hindi ko rin naman siya maintindihan dahil sobrang takaw pero hindi tumataba kahit kelan. Hindi rin naman nag-eexercise

dahil sobrang tamad. Hay naku, andaya talaga.

Umakyat na ako sa kwarto ko nun tapos tinignan ko yung bulletin na binigay sa amin nung isang araw.

Aba, ayos to ah…walang classes. Puro auditions lang para sa mga activities para sa accreditation week. Hay, buhay…pagkasarap

talaga minsan.

Tinignan ko naman yung mga scheduled auditions. Gaya ng sabi ni Mark, sa Friday yung sa battle of the bands. At buti nalang, bukas

yung para sa theater. Mahirap na kasi kung sabay sabay.

Naghanda naman ako ng gamit para bukas. Siguro, at least isang notebook tapos ballpen lang yung dadalhin ko eh ayos na yun. Tapos

nilagay ko na sa maliit na bag ko at humiga na ako sa kama. Sa totoo lang, maaga pa lang ngayon eh. Mga 6 pa lang siguro. Kaya

ako eh hindi pa ako inaantok at nagmuni muni muna ako dun. Hindi ko nalang namalayan, nakatulog narin ako.

Page 117: The GAME of My Life Story

“Ano ka naman ba? Ang bagal mo ha! Gaano ba katagal para makuha mong paibigin yang Kheira sa yo? Gusto ko na siyang makitang

nasasaktan ok?!?”

Teka, si…si Reiya yun ah! Ako daw? Papaibigin? Tapos sasaktan?? Huh? Sino yung kausap niya??

“Wag mo akong madaliin Reiya, mas mahirap yung ginagawa ko no.”

Sino yun? Sino yung kausap ni Reiya?!?

Tapos bigla silang tumingin sa direksyon ko tapos ngumiti si Reiya. Pekeng ngiti.

“Well, well, tignan mo nga naman kung sino yung tsismosa. Sayang, hindi ka na namin mapapahiya. Pero no worries, at least alam mo na

ngayon, na the only reason a guy would like you is either for collection, o para sa mga pustahan.”

Nananaginip lang ako…This can’t be real. Hindi pwede! It’s not possible!

Page 118: The GAME of My Life Story

“AH!” Whoa, dream nga. Grabe, hind ko alam kung bakit takot na takot ako pero…ang weird. It’s not like someone died or something.

Humawak ako sa mukha ko para punasan yung pawis ko. At doon ko narealize na…

I was crying.

“Huy babae! Anong sasalihan mo?”

Break namin ngayon. Mamaya pang mga hapon yung audition ng theater play.  9:40 na ngayon. At fresh parin sa isipan ko yung panaginip ko. Hindi ko talaga maintindihan nun kung bakit ako

naiyak eh parang simpleng panaginip lang yun. Weird.

“Sasali ako para sa props committee sa theatrical presentation. Tapos baka rin try ako sa battle of the bands. Ikaw?”

  “Sasali ka sa battle of the bands? Anong banda mo?? Marunong ka bang tumugtog?”

“Ikaw, masyado mong minamaliit yung powers ko! Sasali po ako sa

Page 119: The GAME of My Life Story

banda nila Mark at vocalist lang po ako.”

Nanlaki yung mata ni Lia sa akin. Minsan hindi ko maintindihan kung paano ko to naging best friend. EH parang opposite naman kami. Siya masyadong maingay, ako…hindi gaano. Kaya nga siguro sa

sobrang tagal naming magkaibigan eh yung ibang attitude niya eh nalilipat sa akin at ganun rin naman yung akin sa kanya.

“Ikaw ha! Hindi na kayo nahiwalay ni Mark ah!”

Tapos inikot ko lang yung mata ko at tumayo na. Nagbell na kasi. Magsisign up pa pala ako sa Theatrical presentation.

“Ikaw, ano sasalihan mo?”

“Dapat kasi, lahat ng sasalihan mo eh yun din sa akin. Since wala naman akong bandang masasalihan, siguro sa play nalang.”

Ngumiti naman ako sa kanya tapos sabay kaming naghanap ng forms. Bukas pa naman yung pagsign-up para sa banda tska audition

para kina Mark eh, so hindi ko kailangan masyadong problemahin yun.

“Ayun yata! Tara…”

May kinuha si Lia mula sa bulletin board tapos nagsulat sulat kami at chanan! Nakasign up na kami sa wakas. So ngayon, parang free

time nalang namin.

“Saan tayo?”

“Hmm, canteen?”

“Excuse me Ladies,”

Naks, may pa ladies pa tong nalalaman ah.  Si Lia naman, ngiti lang sa akin. Malapit ko na talagang masapok tong babaing to. Nagpipigil

lang ako.

“Anu yun?”

“Lia, okay lang ba na kunin muna namin sa yo si Kheira. Inusog kasi audition para sa band namin. EH ang sabi sa akin ni Mark eh si

Kheira daw magiging vocalist namin. Ok lang?”

“Sure no problem! Pwede bang manood?”

“Pwedeng pwede!”

hAy, oo nga pala. Magkaiba yung audition na sinasabi ni Lian para sa

Page 120: The GAME of My Life Story

audition para makapasok sa battle of the bands. Yung sinasabi ni Lian eh para sa place ng vocalist ng banda nila. Tapos yung entry para sa battle of the bands, well…get niyo na naman siguro diba? Kasi ayaw na ng teachers yung mga bands na hindi naman talaga

marunong. Remember, accreditation to. So kelangan maayos lahat.

Sumunod lang kami ni Lia kay Lian tapos nun eh dinala niya kami sa ballet room. Ang saya nga eh, aircon kasi. Ewan ko kung bakit dito

nila gagawin yun.

Nakita ko naman agad sina Mark at parang tinotono nila yung gitara nila. Katabi pa nga niya si Gino dun eh. Nagulat ako bigla kasi hindi

ko inexpect na marami rin palang magtatry out. Si Lia eh umupo dun sa malapit sa teachers or judges.Sina Miss Cabuyaw, Miss Roxas at

Mr. Fajardo yung judges.

Bigla akong kinabahan. Paano kung ako pala yung may pinakapangit na boses dito?? Hala! Pero wait lang, di ba try lang naman to? Saka,

hindi mo naman talaga gustong sumali eh, try lang talga.

Pero nakakahiya parin yun pag napahiya ako no! Harap pa ng teachers at ibang babae.

“Okay, magandang umaga po sa inyong lahat.  Ayoko naman maging masyadong formal sa inyo. So, gusto ko munang pakilala yung

members ng band.”

Nagpause siya sandali tapos tumingin sa mga kabanda nyia. Actually, dalawa lang sila. Nagulat pa nga ako nung may isa pang

taong kasama. Sino kaya yun?

“On lead guitar, at minsan eh vocalist ng banda…si Mark!”

May mga babaeng nagtilian tapos ang lalakas ng palakpak nila.

“On bass, si Gino!”

May mga pumalakpak din naman pero hindi kasing lakas nung kay Mark.

“Sa drums, yours truly!”

Ayan, lumakas ulit yung hiyawan. Nakakabingi na nga eh. Grabe talaga.

“At syempre, ang aming band manager”

Wow sosyal.

“Si Marco! At syempre ang vocalist namin eh malalaman na namin

Page 121: The GAME of My Life Story

mamaya. So ano pang hinihintay natin? Tara na, Let’s start!”

Biglang palakpakan silang lahat. Nung dumating ako eh medyo marami na yung mga tao. Pero hindi parin ganoon kadami.

“Yung first na mag-audition ay si…Sheila!”

Lumapit yung si Sheila. Tapos nun eh binulong niya yung kakantahin niya kina Lian. Whoa, ibig sabihin sila parin yung tutugtog. Astig

naman.

Nung nagsimula sila eh napanganga ako. Grabe, mas pinansin pa yata yung pagkamagaling na pagtugtog nung banda kesa sa audition

ni Sheila eh. Medyo magaling siya, ayos lang.

Habang patagal ng patagal, sobrang namangha akong lalo sa banda nila. OO nga pala, hindi ko pala natanong yung name ng band nila,

at hindi rin nila namention.

Anyway, yung next na kumanta eh si Jayla. Grabe, ang galing niya. Kung kanina eh hindi ko napapansin yung mga kumakanta eh siya naman sobrang mapapansin mo. As in ang galing niya. Makalaglag

panga.

Kinanta niya yung Choose ng Mojofly. Alam niyo yun? Yung sa commercial ng shampoo ba o conditioner yata.

“I can see fire in your eyes You make your own future, don’t be afraid to try

Be ready to seize the moment Take a chance, make a statement

Fuel the passion in your soul

Listen to your heart Don’t you hesitate to seek your fate You are destined to make a change”

Grabe, ang galing talga niya. Pati nga yung judges eh nakangiti na.

“Stand up, be proud Stand out

Choose to let your beauty shine

Page 122: The GAME of My Life Story

Speak up and shout Speak your mind

Let the world know who you are

Your turn has come, the world is waiting See all your dreams begin unfolding

Break out and break free Be true to who you are

Feel the yearning in your heart Eager to make a difference and be more of who you are

Choose to live life’s passions Embrace your beauty, ambitions

Live to touch another soul

Listen to your heart Don’t you hesitate to seek your fate You are destined to make a change

*Stand up, be proud Stand out

Let your girl power shine Speak up and shout

Speak your mind Let the world know who you are

Your turn has come The world is waiting See all your dreams

Begin unfolding Break out and break free Be true to who you are

(repeat *)

Your turn has come The world is waiting See all your dreams

Begin unfolding Break out and break free

Be true to who you are

Be true to who you are”

Nung natapos siya eh todo palakpak nung iba. Pati nga sina Lian eh nakipalakpak narin. At syempre, the moment has come. Ako na pala.

“Magaling Jayla! Okay, next natin…si Kheira!”

Page 123: The GAME of My Life Story

Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong kakantahin ko. Paano ba naman, malay ko bang ngayon pala yung audition. Hmm, bahala na

Kheira.

Lumapit naman ako dun sa tatlo.

“Anong kakantahin mo?”

“Ummm…carousel. Alam niyo yun?”

Tapos tumango lang sila. Buti nalang. Yun lang kasi yung pinakamemorize kong kanta ngayon.

“Good Luck.”

Napatingin ako sa kanya tapos siya eh ngumiti lang. Pagkatapos nu eh nagstart sila. Grabe, ang galing talga nilang tumugtog. Nakaka-

wow! Lalo na yung intro grabe. Astig talaga.

“Hey, i thought of you todayi thought that i should tell you

how much i miss youremember what you used to say

"friends forever, i hope that we'll remain this way.. oh.."

**All this time, i've been thinkin' bout the way we used to play/the promises we made../

you're everywhere i go i can't escape you,when i close my eyes i see you

even in my sleep i dream of you.. oh..i miss you..

can we put the blame on the changing times?where have all the years gone by?

so fast, so young, so sure that this will never end

i'll always stand by you, my friendbut forever was just too long.. (repeat ** 2x)

I miss you so…I miss you

I miss you so…I miss you so…I miss you so..

I miss you so…ohh….”

Page 124: The GAME of My Life Story

Pagkatapos nun eh pumalakpak sila at nakita kong nakangiti yung judges. Grabe, kinabahan ako dun. Whew. Kala ko mapapahiya ako.

Buti nalang hindi.

“Bhes!!! Grabe! Ang galing mo! Tapos bagay pa yung boses mo sa pagtugtog nila! Grabe!! Astig ka!”

Napangiti naman ako kay Lia. Mas magaling naman talaga sa akin yung si Jayla. Pero, ewan…bahala na.

May the best singer win.

Chapter 19

Nagkaroon muna ng maiksing break bago I-announce yung matatanggap sa band nila.

Malas ko lang eh nung break na yun eh nagstart na pala yung pag-audition kaya ako, tumakbo kaagad sa may auditorium.

“Sino pa ba ang sasali?”   

“Miss ako po!”

Page 125: The GAME of My Life Story

sinigaw ko mula sa entrance tapos nagnod siya sa akin. Whew! Buti nalang.

“Kheira Aruello?”

“Opo.”

Tapos nun eh lalapag ko na sana yung gamit ko sa mga upuan at uupo kaso pinapunta ako sa center ng stage. Hmm…siguro

magtatanong ito.

“Anong role?”

“Sa props po..”

Tapos tumawa siya. Yung iba nga rin eh tumawa. Napatingin ako kay Lia tapos parang nagsesenyas siya na ewan. Hindi ko naman

maintindihan.

“Hija, hindi ako nakikipaglokohan okay? Anong role sa mga “CHARACTERS” ang gusto mo?”

Ano!?!? Eh, hindi naman ako nag-sign up para sa character ah!

“Pero miss---”

“Nakalagay ang pangalan mo sa listahan ko ng actors. So ibig sabihin, sa ayaw at sa gusto mo, mag-audition ka para sa isang

character and I don’t want to waste my time!”

Grabe, nakakatakot talagang magalit si Miss Caticlan. Parang galit na lion. Wah, pano na ako niyan? Hindi ko naman alam kung anong

play to!

May nag-abot sa akin na script. Buti nalang may nakalagay na description dito kung di patay ako.

Hmm…sino kaya ako dito, bahala na.

“ummm…si Kirsten po.”

Tapos tumango lang sa akin yung babae. Huminga ako ng malalim. Okay, goodluck nalang sa akin.

“Bakit Joshua? Bakit ka nagkakaganyan? Bakit mo ko sinasaktan? Ano bang nagawa ko sa iyo?? Anong kasalanan ko sa ‘yo!? Bakit mo

ko niloko!?”

Sa hindi ko malaman na dahilan, bigla kong naramdaman yung mga luha kong tumutulo. Ewan ko, bigla ko nalang naisip yung panaginip

Page 126: The GAME of My Life Story

ko at bigla nalang rin lumabas yung luha ko. Akala nga siguro ni Miss Caticlan eh part yun ng acting ko.

“Mahusay!! Napakahusay! Everyone, pinapakilala ko sa inyo ang inyong Kristen!”

Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya. Natutuwa ako dahil natanggap ako. Pero hindi mawala sa isipan ko yung panaginip

ko.

Ano bang meron at sobrang sakit kapag naiisip ko yun??

“Grabe bhes! Hindi ko alam na pareho pala tayong may future sa pagarte!”

Lunch na namin ngayon, namiss ko na siguro yung pag-announce kung sino yung magiging vocalist. Ayos lang naman, obvious naman

na si Jayla na yun eh.

“Hehe, anong part pala ang nakuha mo?”

“Ako si Olivia. Ang matalik na kaibigan ni Kristen.”

Tignan mo nga naman, kahit sa play eh best friends parin kami.

“Naks, ayaw tayong paghiwalayin ah.”

Page 127: The GAME of My Life Story

“Syempre. Alam mo ang weird ni Miss Caticlan kanina. Hindi kasi siya nagpaudition para dun sa leading man. Ewan ko dun.

Nakareserve na daw kasi yung pwesto.”

“Hehehe, ganun ba?”

Kumakain kami ni Lia nun nang biglang nakiupo sina Lian at Mark sa tabi namin.

“Hmm, better luck next time.”

Sabi na eh, mananalo si jayla. Tapos nun eh nakipagkwentuhan na kami. Ewan ko, ang galing nga eh. Parang dahil sa accreditation na

to eh naging instant friends namin sila ni Lia. Hindi rin naman nagtagal eh sumali narin si Lester sa amin.

Pagkatapos kumain eh free time na naman. Pumunta na ako dun sa theater dahil kelangan daw namin magkaroon ng “get together” sa mga lahat ng kasali sa presentation. Minsan talaga weird si miss.

“Kristen! Halika dito!”

Napatingin naman sa akin yung iba tapos ngumiti. Grabe, kinarir talaga ni miss ang pagiging Kristen ko ah. Lumapit naman ako

kaagad tapos umakbay siya sa akin.

“Gusto ko lang malaman mo na yung leading man, which is Joshua, ay hindi muna makakasali sa mga practices. Busy kasi siya. Pero

don’t worry, may sarili siyang script at bahala na siyang magpractice mag-isa.”

“Okay po.”

Pagkatapos nun eh nagkaroon na kami ng throwing of lines. Grabe, ang hirap pala pag yung kasama mo dapat eh wala naman. Hay,

good luck nalang sa kanya.

Pagkatapos naman ng practice eh pinayagan na kaming umuwi. Hindi na ako dumaan sa locker ko kasi wala parin naman class bukas eh. Diretso uwi nalang ako nun. Wala pa ngang tao sa bahay eh kaya

ako, naglinis na muna.

“Aga mo ah..”

“Kuya Kaloy!” Tapos nun eh yumakap ako sa kanya. Tawa naman siya ng tawa. Hala, baka nahahawa na ito kay Kuya Kyle.

“Ilang araw lang naman ako nawala…ito naman oh. Parang 10 taon akong di nakita.”

Page 128: The GAME of My Life Story

Tapos nun eh tumawa ako. Tumulong na din si Kuya sa paglilinis para daw mapabilis na. Ako naman eh syempre, natuwa kasi mga 7 palang eh natapos na kami. At noong time na yun, nakauwi narin si

kuya Kyle.

Pagkakain namin eh tinapos ko muna yung gawain bago umakyat sa itaas at matulog na.

Habang nakahiga, napaisip ako. Hanggang ngayon eh ayaw parin mawala sa isip ko yung panaginip ko. Nakatulog ako ng mga 9 na

siguro.

“May we request Ms. Kheira Aruello to please report to the 2nd floor gym. Ms. Kheira Aruello please proceed to the 2nd floor gym. Thank

you.”

Hala, ano na naman kaya ginawa ko?

“Samahan mo naman ako Lia oh.”

Page 129: The GAME of My Life Story

Tapos nun eh nagbabye kaming dalawa dun sa kasama namin tapos nagdiretso sa 2nd floor gym. Ano na naman kaya to? Wala naman sinabi si Miss Caticlan na dito yung practice eh. Hay, bahala na.

Pagdating naman namin ni Lia dun eh biglang sumalubong habang tumatakbo si Lian.

“Ang tagal mo naman eh. Tayo na sunod!”

“Huh? Tayo!?!?”

“OO! Bakit?!?”

“Di ba si Jayla yung natanggap?? Kaya nga sabi ni Mark na “Better luck next time.”

Tumawa naman siya nun.

“Hindi naman sinabi sa iyo ni Mark yun eh. Kausap niya sarili niya! Anyway, tara na!”

Tapos si Lia naman eh todo yung ngiti sa akin. Hala! Eh ano na naman yung kakantahin ko ngayon!?!? Anu ba yan!

Lumapit naman ako sa kanila tapos sila Mark eh todo ngiti lang rin. Hay naku, grabe.

“Anu ba yan. Sana sinabi niyo kaagad. Hindi ko tuloy alam kung anong kakantahin.”

“Kaya mo yan, pwede pa naman daw ngayon may kopya eh. Saka 2 songs yung tutugtugin, isa sa iyo, isa sa akin.”

Whoa, kakanta rin si Mark? Ayos to ah.

“Ano kakantahin ko ngayon??”

Tapos binigay nila sa akin yung kopya. Yung kantang “Gusto na kitang Makita” ng session road pala. Pero teka, duet to ah.

Tapos napatingin ako kay Mark. kinindatan niya ako tapos ngumiti. Nginitian ko rin siya tapos tumango. Hay, buti nalang. Parang alam niya yata na hindi pa ako ganoon kaready na magperform sa harap

ng marami eh. Buti pala duet.

Gaya ng sabi ni Lian, malapit na talaga kami. Last song na kasi nung isang banda. Nagcomment saglit yung teachers dun tapos ayun,

kami na.

“Okay, first song natin yung sa session road tapos yung kay Mark

Page 130: The GAME of My Life Story

okay?”

“Teka,”

Tapos napatingin sila sa akin lahat.

“Bakit?”

“Anong name ng band?” ngumiti silang tatlo tapos pumunta na sa pwesto.

“Makinig ka.”

Tinaasan ko siya ng kilay tapos nun nagsalita yung parang emcee.

“And now, ang susunod na band ay from the seniors. Matagal na rin silang tumutugtog sa school natin pero magmula nung lumipat yung vocalist nila eh hindi na sila tumugtog. Pero ngayon, heto sila with

their new vocalist. Please welcome, Our Sassy Romance!”

Oh my gosh, sila yung OSR?!? Grabe! Sila pala yung band na sobrang gandang ganda ako nung 2nd year ako! Oh my gosh!! Ibig sabihin

yung vocalist nila eh si Chuck Oliveros? Yung crush na crush ko dati?? Hala Kheira, ano tong pinasukan mo?!?

Tumingin ako kay Lia tapos nakita kong nakanganga siya. Si Lia din kasi eh fan ng OSR nung 2nd year kami. Malay ba namin na sina Mark at Lian pala eh member nun. Grabe, matagal din kasi silang

nawala. Ngayon lang talaga yung comeback nila. Whoa, sana hindi ko sila mapahiya.

“Okay, salamat po. Pakilala lang po kami. On drums po si Lian Gonzales. SA bass naman eh si Gino Guevarra. Lead guitar po, yours

truly, Mark Fellacio po. At syempre, ang aming vocalist, si Kheira Aruello. Our first song, “Gusto na kitang makita” by session road.”

Nagsimula na yung pagtugtog nila. Grabe, lalo akong kinabahan. Okay, breathe in…breathe out…game. Kaya mo yan Kheira!

Parang ang bagal ng takbo ng panahon pag wala ka Alam kong walang dapat sisihin na ako'y

Nandito at nandiyan ka

Refrain: Pero dahil malayo ka Ako'y nalulungkot na

Chorus:

Page 131: The GAME of My Life Story

Gusto na kitang makita (Kita kita sa mata)

Gusto na kitang makasama (Magsama tayong dalawa)

Pininta mong larawan ko Ang mga una kong nakikita sa umaga

Pagbangon sa kama siguradong Ang araw ay may bagong pag-asa

Refrain: Pero dahil malayo ka Ako'y nalulungkot na

Chorus: Gusto na kitang makita

(Kita kita sa mata)Gusto na kitang makasama (Magsama tayong dalawa)

Refrain: Pero dahil malayo ka Ako'y nalulungkot na

Chorus: Gusto na kitang makita

(Kita kita sa mata)Gusto na kitang makasama (Magsama tayong dalawa)Gusto na kitang makita

(Kita kita sa mata)Gusto na kitang makasama (Magsama tayong dalawa)Gusto na kitang makita

(Kita kita sa mata)Gusto na kitang makasama (Magsama tayong dalawa)

Pumalakpak naman yung iba. Ako eh hinihingal na pero infairness, sobrang naenjoy ko talaga. Ang lakas pa nga ng tibok ng puso ko eh.

Sobrang kaba kasi.

“Maraming salamat po. Our next song is…Alam niyo na siguro…”

Tapos tinapat niya yung mic sa may audience. Kahit na audition pa lang to eh sobrang dami na kaagad ng mga nanonood. Tapos

sumigaw naman yung mga tao sa audience.

Page 132: The GAME of My Life Story

“STARS!!”

At biglang nagsimula na silang tumugtog.

A picture of you reminds meHow the years have gone so lonely

Why do you have to  leave meWithout saying that you love me

Grabe, ang galing pala talaga nitong si Mark. Sa totoo lang, sobrang ganda ng boses niya. Hindi ko nga alam kung bakit hindi nalang rin siya vocalist nila eh madalas naman talaga na kumakanta rin siya.

Hmm, bakit kaya?

I’m saying i love you againAre you listening

Open your eyes once againLook at me crying

If only you could hear meShout your name

If only you could feelMy love again

The stars in the sky willNever be the same

If only you were here

A picture of you reminds meHow the days have gone so empty

Why do you have to leave meWithout saying that you love me

I’m saying i love you againAre you listening

Open your eyes once againLook at me crying

If only you could hear meShout your name

If only you could feelMy love again

The stars in the sky willNever be the same

If only you were hereI’m saying i love you again

Are you listeningOpen your eyes once again

Look at me crying

Page 133: The GAME of My Life Story

If only you could hear meShout your name

If only you could feelMy love again

The stars in the sky willNever be the same

If only I had wingsSo i can fly

I want to be with youFor all of time

My love for youWill never die

If only you could hear meShout your name

If only you could feelMy love again

The stars in the sky willNever be the same

If only you were here(If only you were here)

Natapos na yung kanta. Hiyawan lahat ng mga tao dun sa gym. Grabe nga eh. Tapos kami naman, tuwang tuwa talaga. Pagbaba ko

nga eh may mga tao na nagsabi na galing ko daw.

Whoa, biruin mo yun? Napagtiyatiyagaan pa pala yung boses ko??Swerte pala yung bakit pa ni Jessa Zaragosa.

Parang di ko yata kaya..

Yuck…wag nalang. Hahaha.

“Hoy bhes! Grabe ang galing mo talaga! Hindi mo naman sinabi sa akin na magaling ka kumanta. Ikaw ah, nagtatago ka ng galing aH!”

Tinawanan ko naman siya nun. Paalis na kami nung pigilan kami nila Lian.

“Kheira! Ang galing mo kumanta…

Page 134: The GAME of My Life Story

Grabe nakaka-inlove.”

Chapter 20

Grabe nakaka-inlove.”

Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon eh hindi parin mawala sa isipan ko yung sinabi niya. Boses lang naman yung pinag-uusapan diba? O baka naman dahil ginawang big deal yun ni Lia kaya kahit ngayong Sunday na eh yun parin yung nasa isipan ko. Hay, ano na

ba nangyayari?

” nakaka-inlove..nakaka-inlove...nakakai-inlove…nakaka-inlove””

WAH!!!!

“TAMA na!!”

“Hoy Kheira! Nababaliw ka na naman! Tumahimik ka nga diyan! Hindi porket tapos na exams niyo eh pwede ka nang mag-ingay!”

“WHATEVER KUYA KYLE!”

Hay, anu ba yan…nakakainis naman. Bakit ba ayaw niya matanggal sa isipan ko?? Parang yun lang naman sinabi niya eh, as if naman

Page 135: The GAME of My Life Story

nagsabi siya ng “I love you” o kaya something. Hay nako, bahala na si batman!

Okay, so wala naman masyadong nangyari nung Sabado. Normal routine, naglinis ng bahay, kumain, laba, kumain tapos matulog. Hindi rin naman kami lumabas kasi nga tama lang yung pera sa

pang-araw araw na gastos namin. Wala nang extra para sa lakwatsa.

“Kheira! Kakain na nakahanda na ang hapunan!”

Gabi na pala ngayon.

Bumaba na ako kaagad tapos nandoon na sina kuya.

“Oo nga pala, bukas may duty ako. Hanggang Thursday yun, so baka Friday na ako makauwi.”

Ay, naman. Mamimiss ko na naman nito si Kuya Kaloy. Grabe, sana naman eh magkaroon ng miracle at magkaroon kami ng pera, yung enough pangsupport sa needs namin. Para at least hindi parating

pagod si kuya Kaloy.

“Mag-iingat ka kuya ah, baka magkasakit ka niyan.”

Ngumiti naman sa akin si Kuya nun tapos si kuya Kyle, no reaction.

“Kheira, diba this week na yung accreditation week niyo?”

Nagulat naman ako sa tanong ni Kuya Kyle. Bakit alam niya? Eh hindi naman niya ako tinatanong.

“Oo, paano mo nalaman?”

“yung bulletin kasi nakita ko kahapon sa may upuan. Ano naman sinalihan mo?”

Oh, bakit para yatang interested to. Hinawakan ko yung leeg niya nun tapos napakunot yung noo niya.

“May sakit ka ba?”

Tapos tinapik niya kamay ko.

“Sagutin mo nalang yung tanong!”

natawa naman sa aming dalawa si Kuya Kaloy.

“hmm…sa theatrical presentation saka battle of the bands. Bakit?”

“Play?? Baka gumuho stage sa yo niyan. Tapos banda?? Eh anu yun

Page 136: The GAME of My Life Story

kakanta ka? Naku, mukhang babagyo this week kuya Kaloy. Wag ka na kaya muna magduty.”

“Ang yabang mo ah!”

Tapos pinalo ko siya sa braso tapos sila ni Kuya eh tawa lang ng tawa. Ako naman, eh hindi nagtagal, nakitawa narin.

Monday na. Shortened lahat ng klase para magbigay daan sa mga practices. SA Wednesday na kasi darating yung mga magoobserve sa amin. At bukas na yung away game namin. Grabe, hindi rin siya

nakakapagod no? Not.

“Kheira, bukas na yung away game ah. Paano yan, sa St. Claravalle pa kayo.”

Yun na nga ba yung kinakatakot ko eh.

“Hay, hindi ko alam Lia, bahala na si batman.”

“Ngek! Oo nga pala, may practice tayo ngayon ah. Before lunch time pa naman.”

Tumango lang ako sa kanya tapos tumingin ako sa labas. Hay, paano na nga ba talaga bukas?

“Kheira.”

Napatingin naman ako sa tao sa harapan ko. Si Mark pala.

“Bakit?”

Page 137: The GAME of My Life Story

“Mamaya may meeting. Pero 1 and a half hours lang kasi may training pa. Don’t worry, after lunch yung practice ng banda. Hindi

kasabay ng sa play.”

Napangiti naman ako sa kanya. Teka, paano niya alam yung schedule?

“Paano mo nalaman na may practice kami?”

“Ahh…ehh…ano…kasi…umm…n-narinig..yun..tama…narinig ko kayo ni Lia.”

Tinignan ko siya ng may pagsususpetsa pero hinayaan ko nalang. Tapos tumango lang ako sa kanya at siya naman eh nagpaalam na.

Hindi ganoon kadami yung lesson namin. Light lang kasi alam naman ng teachers na lumilipad lipad mga utak namin ngayong week na to. Sayang naman yung effort nila kung magturo ng sobrang detalyado.

At sa wakas! Natapos din yung klase! Practice na! Wee.

Sabay naman kami ni Lia na pumunta sa auditorium tapos pagdating namin eh hindi pa ganoon karami yung tao. Buti nalang. Galit kasi si

Miss Caticlan sa mga late eh. Pero mukhang siya yata malalate ngayon ah…

“Saan si Miss?”

“Absent si miss ngayon eh. May parang presentation yatang pinuntahan. Pero nag-iwan ng gagawin. Practice lang daw para sa

mga actors tapos start na daw gumawa yung props.”

“Kawawa ka naman bhes, wa ka parin partner. Paano nalang kaya yung presentation? Eh sa Wednesday na yun eh!”

Yun na nga bang kinakatakot ko eh. Paano na talaga?

“Ewan, bahala na.”

Tinulungan naman ako ni Lia magpractice ng lines. Pero syempre, dahil may part din na kasama ko siya eh nagline throwing din

kaming dalawa para sa scene namin.

Mabilis dumaan yung oras, lunch na. At maya maya lang eh may practice naman ang banda tapos sa basketball team naman. Hay, Aja

Kheira. Kaya mo yan.

Pinapunta naman ako nila Lian at Mark sa may ballet room ulit. Ewan ko ba kung bakit dun nila gustong magpractice.

Page 138: The GAME of My Life Story

“Ano bang tutugtugin natin?”

“Tulad nung audition, 2 songs ulit. Pero this time, yung song mo eh hindi na duet. Solo mo na yun. May konting parts na 2nd voice ako

pero konti lang talaga.”

Grabe, kaya ko kaya yun?

“Anong songs?”

“yung song mo ay…My Heart ng Paramore. Tapos yung kay Mark naman ay…Magbalik ng Callalily.”

Hindi rin sila mahilig sa Callalily no? Heheh. Anyway, binigyan nila ako ng copy nung kanta tapos nun eh nagstart na magpractice.

Grabe nga eh, ang galing talaga nilang tumugtog. Sobrang elibs ako sa kanila.

Natapos naman kaagad yung practice. Diretso na ako kaagad sa gym dahil time na para naman sa basketball team.

“Okay, bukas na yung away game natin sa St. Claravalle. Magpahinga kayo ngayon ah, wala munang maglalakwatsa. Saka na kayo lumabas kapag kayo ang panalo. Pero mamaya eh magpahinga

lang kayo.”

Nagsimula na yung practice. Kitang kita mo sa mga mukha nila na ganado sila at talagang excited na para bukas. Ako lang ba ang

hindi? Hay, ewan, bahala na.

Hindi ko alam pero parang feeling ko sobrang bilis ng takbo ng panahon at ang sumunod eh uwian na. Talaga bang dapat maging sobrang bilis ng oras at dapat magbukas na?? Anu yun? Pagdating

ng bukas eh mabagal naman? Nananadya ba?

Page 139: The GAME of My Life Story

Nakauwi naman ako kaagad. Andoon na nga si Kuya Kyle eh, nag-aaral. Himala! Hindi, joke lang. Talagang masipag yan si kuya.

Parang ako, wahaha, kapal no? Basta, nagmana ako diyan eh. Kasi naman, ayaw namin sayangin yung opportunity na makapag-aral no.

Kumain naman kami pagdating ko tapos nun ako na yung nagligpit at hinayaan ko na siyang mag-aral. May exam ata sila bukas eh.

Pagkatapos ng lahat ng gawain, naligo na ako tapos diretso sa kwarto para magpahinga. Kekelanganin ko ng maraming energy

para bukas. Hindi dahil sa game, pero para sa pagharap sa kanya.

Maaga palang eh nagising na ako. Mga 5 yata nun, hindi ko alam. Pero nag-ayos na kaagad ako ng sosootin. Pag-away game kasi, kelangan pati yung mga coach at assistants nila eh nakaparang

jersey. For identification syempre.

Pagdating ko sa school eh hindi na ako nagtaka nung makita kong halos kumpleto na kami dun. Pati nga mga cheerleaders andun na eh. Maaga kasi kelangan talaga eh. Sobrang layo talaga nung St. Claravalle sa school namin kaya ayun. Eh mga 10 pa naman yung

game namin.

Page 140: The GAME of My Life Story

“Kumpleto na ba?”

Tinignan ko naman yung mga players at syempre, binilang. Teka, kulang pa ng 2.

“Coach, kulang po ng 2.” Tinignan ni Coach yung mga lalaki tapos kumunot yung noo niya.

“Asan na sina Fellacio at Gonzales?!?”

Hala, galit na yata si Coach.

“Present coach!”

Tapos nakita kong sabay na tumatakbo yung dalawa.

“Bakit ba ang tagal niyo?”

Tapos nun eh nagsimula nang sumakay sa bus. Saan kaya ako uupo nito? Hay, kung andito lang sana si Lia eh, may kakwentuhan ako.

Malas naman. Ayoko naman tumabi dun sa mga cheerleaders namin. Maarte kasi yung iba dun eh, alam mo na, baka manlait pa. Kawawa

naman ako.

Pagpasok ko eh medyo puno na yung nasa harap, kaya ayun, sa likod ang bagsak ko. Hay, buti pala at nagdala ako ng mababasa ko

ngayon. Whew!

Nilabas ko naman kaagad yung libro ko tapos nung eh nagsimula na akong magbasa. At yun nga, umalis na kami sa school.

Ang ingay ingay ng mga tao dun, grabe hindi mo iisipin na puro puro lalaki mga kasama mo dahil daig pa yata yung mga cheerleaders namin kung makipagkwentuhan eh. Oh baka sila lang yun. Ewan.

At ano naman pinag-uusapan nila? What do you think?

“Oo nga ‘tol! Narinig ko rin na sexy daw talaga mga babae dun! Lalo na yung cheerleaders nila. Sabi nga ng pinsan ko mas okay daw kesa

sa cheerleaders natin.”

Natawa naman ako bigla kasi biglang nag-butt in yung isang babae dun. Ayan tuloy, nagbabangayan sila ngayon. Ako? Dinedma ko lang

sila. Ayoko naman makigulo sa kanila eh.

“Alam mo bang masamang magbasa habang gumagalaw ang sasakyan?”

Napatingin naman ako dun sa dalawa. Tapos si Mark eh kinuha pa yung binabasa ko.

Page 141: The GAME of My Life Story

“Avalon High…mahilig ka kay King Arthur?”

Tinignan ko lang siya.

“Hindi masyado.”

Tapos nun ngumiti siya. Grabe, may pagkaweird parin pala to.

Hindi na rin ako nakapagbasa nun dahil kinulit na ako nung dalawa. Ayaw nga akong tigilan eh. Nakipaglaro pa ng 21 questions.

Inimbento lang yata nila yun eh. Lahat daw may turn na magtanong. Tapos kahit ano pwedeng tanungin. May isa naman chance na mag-pass para sa question na ayaw sagutin. At ayun, naglaro na kami.

“Okay, ako una. So…ang question ko ay para kay Kheira. Anong feeling ng part ka na ng OSR?”

“Hmm, masaya naman. Dati kasi nung mga 2nd year pa ako, favorite ko talaga yung band. Kaya ayun, masaya.”

Syempre hindi ko na binanggit yung pagkakaroon ko ng crush kay Chuck. Malay mo may contact parin sila sa isa’t isa. Pagkatapos nun eh nagtanungan parin kami. Mga walang kwenta pa nga rin yung iba

eh. Kasi minsan tanong pa nila eh kelan birthday. Sus, alam ko na yung kanila. Pero syempre, hindi ko pinapaalam. Secret yata namin

ni Coach yun.

“Ikaw Kheira? Kelan birthday mo?”

“umm…December 24.”

“Naks naman…one day before christmas.”

Nakitawa nalang ako sa kanila.

“okay, tig-iisa nalang tayo ng questions na dapat sagutin. Tamang tama, malapit na tayong dumating dun. ”

Turn ni Lian, nagtanong naman siya ng walang kwenta kay Mark. Ewan ko dito. Parang tungek eh.

Tapos ako naman.

“Lian, marami naman nagkakagusto sa iyo, bakit wala kang nililigawan?”

 Tapos nakatingin lang silang dalawa sa akin. Parang nagulat pa yata

na ganun yung tanong ko sa kanya.

Page 142: The GAME of My Life Story

“May gusto sila sa akin, pero ako wala sa kanila.”

Tapos nun eh ngumiti lang siya. Si Mark na, at ako na yung tatanungin niya.

Seryoso siyang humarap sa akin tapos nun eh tumingin muna, parang nag-iisip ng mangdang tanong.

“Kheira…may pag-asa ba ako?”

Sobrang nagulat ako sa kanya. Pag-asa saan?? Tapos buti nalang…

“Okay, baba na dali! At para makapagpractice pa. Dalian niyo ah! Ayokong parang naglalakad kayo sa luneta!”

whew! Safe! Grabe, thank you Coach!

“umm, kelangan na bumaba…”

Tapos nun eh tumango lang sila at nauna na sa akin. Nasa may pintuan na si Mark nun nung bigla siyang humarap sa akin. Eh ako nasa medyo gitna parin kasi pinauna ko na yung mga cheerleaders.

Hindi ko naman alam na nagpaiwan din si Mark.

“Don’t worry, may iba pang time.”

Tapos nun eh umalis na siya ng tuluyan, ako? Natulala. Kung hindi ba nagsalita si Coach, anong sasabihin ko?

Oh well, buti nalang talaga nagsalita siya. Pero hindi pa doon nagtatapos yung problema ko, hay bahala na si batman…

St. Claravalle, here I come!

Page 143: The GAME of My Life Story

Chapter 21

Pagkababa ko eh kaunti nalang yung tao dun. Wah, bakit ba ako nagpahuli? Hindi ko naman alam tong school na to eh. Hala naman.

Pumasok ako dun sa entrance nila, at pagka minamalas ka nga naman oh, walang tao! Anu ba yan! Umikot ako dun, liko dito, kanan

doon. Waaa…nawawala na ako…san na ba to??

SA sobrang paglalakad ko, hindi ko napansin na may parating pala kaya…oh well, alam niyo na..

*BOOM*

“Miss sorry! Okay ka lang?

Natigilan ako. Familiar yung boses niya. Sobrang familiar. Paglingon ko, tama nga yung hula ko.

“Kheira?

Hay, swerte ka sa bus Kheira, pero sa school na to, hindi.

“Ummm…hi Kian.”

Tapos nun eh nagkatinginan lang kami.

Page 144: The GAME of My Life Story

Sinamahan naman ako ni Kian papuntang basketball court nila. Ang daldal nga eh. Oo nga pala, si Kian ay…

“Namiss ko talaga yung mga days na yun. Hehe, I’m not kidding. Totoo pala yung kasabihan na mapapahalagahan mo lang yung

taong importante sa yo pag wala na sila.”

Let’s just say na hindi ako part ng NBSB club. Yup, si Kian ang very first boyfriend ko. Isipin niyo yun, si Kheira Aruello, nagkaroon ng

boyfriend?!? Tungek, babae parin naman ako no.

“yeah…”

Tapos nun eh nagkuwento pa siya tungkol sa mga nangyari sa kanya after niyang umalis ng St. Agustine. Ako rin naman nagkuwento.

Nasabi ko sa kanya yung pagiging vocalist ko sa OSR band.

“OSR? Eh di ba favorite na favorite mo yun? Hehe, swerte mo talaga. Naalala ko tuloy nung grade 3.”

Oh no.

“Uhh…wag na…nakakahiya.”

TApos nun eh tumigil siya at tumawa. Ayos naman pala si Kian eh. I guess, people really do change after some years. Nag-exchange pa nga kami ng phone numbers eh, para daw macocontact parin niya

ako.

Grabe, nagbago talaga siya…he’s not the same jerk I’ve met before. Ano kayang nakapagbago sa kanya?

“Sige Kheira, punta na ako dun…nagpapractice na yata sila eh. Nice talking to you. Text text nalang ah?”

Page 145: The GAME of My Life Story

Tapos nun eh nagwave siya at ngumiti sa akin. Ako naman eh pumunta na sa side namin.

“Hindi mo naman sinabi sa akin na may kakilala ka pala dito Kheira. Kaya pala ganoon nalang ang reaction mo.”

Napangiti lang ako kay Coach. Chismoso rin kasi yan minsan eh. Hehehe, anyways, nag-explain na siya sa mga players tapos nun eh

nagstart na magshooting at lay up yung players.

“Uy, sino yung kasama mo kanina?”

“Ah yun? Si Kian…ummm…friend ko.”

Tapos tumango lang siya tapos bumalik na dun sa pagshushoot. Sinaway kasi ni coach eh. Hindi nagtagal, may lumapit na naman sa

akin.

“Sino yung kasama mo kanina?”

Bakit ba gusto nilang malaman? Anu ba yan…

“Friend ko…si Kian.”

“You don’t have to lie you know.”

“Huh?”

Tapos handa na siya sanang umalis pero humarap ulit siya nung last minute.

“Narinig kong sabi niya na ex-girlfriend ka daw niya.”

Then he went back kasi nagpito narin yung referee. Sinabi ni Kian yun? I mean, hindi ko talaga ineexpect. Parang…ang weird kasi.

After all that had happened. Hay, bahala na.

Nagsimula na yung game at syempre todo cheer na ang mga cheerleaders namin. Ako naman eh sobrang focused dun sa game.

Sino ba namang hindi diba? Lagpas na yatang mga 1 minute eh wala paring nakakascore. Whoa, magaling talaga ang St. Claravalle. Even

Kian.

Natapos ang first quarter, 25-30 ang score, leading ang st. Claravalle. Kaya si coach, pumutok na parang bulkan.

“Ano bang ginagawa niyo!?!? Nakalimutan niyo na ba kung paano magblock at mag depensa?? Ayus ayusin niyo nga yang laro niyo!”

Page 146: The GAME of My Life Story

Tapos yun, start na ulit ng 2nd quarter. Nilabas na nung coach ng kabilang team si Kian kaya ayun, lumapit sa akin.

“Ang galing nila. Grabe, ang hirap bantayan. Lalo na yung number 9 oh.”

Si Mark yung tinutukoy niya.

“Syempre, taga St. Agustine eh.” Proud ako syempre, nakita ko kung gaano sila kagaling naman talaga eh.

“Pero magaling din kami, hindi ba?”

Tumawa lang ako nun. Tapos nun eh medyo nakalead kami kahit papaano pero nabawi parin nila. At least ngayon, 1 point lang yung

lamang nila.

3rd quarter na, hindi parin pinapasok si Kian. Kaya ayun, todong makipagusap sa akin.

Kaso nga lang eh biglang humangin tapos napuwing ako. Ang sakit nga eh.

“Ow…”

“Bakit?”

“napuwing ako…”

“patingin…”

Tapos nun eh hinipan niya kaya mas umayos naman.

*PRRRRRRRRRRT*

“Foul! Number 9!”

Oh, si Mark yun ah. Napatingin ako sa kanila tapos nakita kong nakatingin din siya. Pero yung tingin niya, grabe…nakakatakot

sobra. Parang galit na galit.

Natapos yung 3rd quarter. Nilabas ni coach si Mark dahil muntikan na siyang mafoul-out.

“Ano bang problema mo Mark! hindi ka naman ganoon kadaling magkaroon ng foul ah?!? Sige, labas ka muna. Richie! Pasok ka.”

Tapos nun eh mukhang nabadtrip si Mark kaya lumabas siya ng court. Ako naman, nagsabi ako kay coach na susundan ko si Mark.

Page 147: The GAME of My Life Story

Pagkalabas ko eh wala masyadong tao, hindi ko nga siya kaagad nahanap pero buti nalang, may nakapagturo sa akin. Pumunta pala

siyang playground.

Nung nakarating naman ako sa playground eh nakita ko siya kaagad. Nakaupo siya dun sa may swing at nakayuko.

“Mark!”

Tumingala siya tapos nung makita niya ako eh naghandang umalis kaya ako, napatakbo ng hindi oras.

“Teka nga! Ano bang problema?!”

“Wala. Wag ka nalang makielam.”

“Wag makielam!?!? Eh si coach sobrang galit sa iyo! Bakit ba hindi mo inaayos yung laro mo!? Dahil ba dun sa pagsabi kong friend ko

lang si Kian?? Dahil nagsinungalin ako!?”

“Don’t make everything be about you Kheira. Wag kang feeling.”

Ouch. Ang sakit. Hindi ko alam pero, dahan dahan kong naramdaman na tumulo yung luha ko. Hindi ako ganoon kadaling umiyak, bihira lang talaga. Lalo na pagtungkol sa mga pang-aasar eh hindi naman

talaga ako iyakin. Pero yung sinabi niya, sobrang sakit.

“Kheira…I’m sorry, hindi---”

“No. Wag mong sabihin na hindi mo sinasadya yun. Because I know you na you meant to say it.”

Tapos aalis na sana ako pero hinila niya yung braso ko.

“let go Mark! please lang!”

“Kheira…sorry! Please! Listen first!”

“Please rin Mark…just let go.”

Binitawan niya ako at yun, tumakbo na ako. hindi ko actually alam kung saan ako pupunta pero, bahala na. Kung saan man akong

dalhin ng mga paa ko. Hayaan ko nalang. Hindi ko masyadong nakita yung dinadaanan ko. Blurred kasi yung vision ko. Buti walang tao at

lahat ay nasa court. Napatigil nalang ako nung feeling ko eh ang layo na ng natakbo ko.

Nakarating pala ako sa soccer field nila tapos ayun, umupo nalang ako dun sa ilalim ng puno. At doon na talaga ako umiyak ng husto.

Page 148: The GAME of My Life Story

Nagulat ako nung biglang may narinig akong naglalakad. Hinanap ko kung saan galing yung sound ng footsteps pero wala akong nakita.

Babalik na sana ako dun sa posisyon ko kanina ng may makita akong nag-abot ng panyo.

“Here, you need it more than I do.”

si Lian. Nasa kabilang side ng puno. Tinanggap ko naman yung panyo tapos bumalik sa dating pwesto ko.

“P-paano mo nalaman na nandito ako?”

“I followed you guys. Hindi niyo lang napansin. I’m sorry pala, narinig ko kasi lahat.”

“A-a-ayos lang. Paano yung game?”

“Pinabalik ko si Mark. Sabi ko ako na susunod sa iyo...”

Natapos natahimik kami nun, pero sandali lang rin. Nagsalita siya pagkatapos ng ilang sandali.

“Pwedeng magtanong?”

“Sure, pero ako rin may tanong.”

“Okay, ako muna. Who’s Kian? I know hindi siya basta friend lang.”

Napahinga ako ng malalim. Ok. Kaya mo yan Kheira. You can do it.

“Kian’s…he’s my ex-boyfriend.”

Tapos nun eh tahimik ulit siya. Hindi ko alam kung anong tumulak sa akin pero I wanted to tell him the story.

“Nung summber before second year, nagkakilala kami ni Kian sa isang summer program. Naging friends kami nun tapos minsan

lumalabas labas kami. Buong summer kami textmates at syempre chatmates din. Nung start ng 2nd year, I knew na I liked him a lot.

Tapos siya, sinabi rin niya sa akin na gusto niya ako. Kaya he started courting me.”

Nag-pause ako for a while. Pero hindi naman siya nagreact so tuloy parin.

“2 months niya akong niligawan. Tapos nun, naging kami. Sobrang saya ko nun. Feeling ko na ako na siguro yung pinakamasayang tao sa buong mundo. Syempre, tulad ng ibang magsyota, parati kaming

magkasama. We were inseparable.

Page 149: The GAME of My Life Story

“Nung malapit na mag-end yung year, he broke up with me. Sabi niya sa akin na…nakipagbet lang sa kanya yung friends niya, and

that he didn’t really love me. Sobrang nasaktan ako noon. Hindi ko alam gagawin ko. Feeling ko tumigil yung pagtibok ng heart ko sa sobrang sakit. Sabi nga ni Lia dati sa akin eh, nung mga times na yun, I created a barrier. Isang barrier na ako lang ang pwede. Na lahat ng gustong lumapit sa akin eh natutulak paalis. At lahat ng

iyon ay dahil lang kay Kian.”

Tumulo ulit yung luha ko tapos nung naramdaman kong hinawakan niya yung shoulder ko.

“HE’s a jerk.”

“Dati, pero he’s not one anymore. He’s a better person. At least, for a friend.”

Tapos nun eh humarap na siya sa akin tapos nakangiti. Ako naman eh napangiti naman.

“ano yung tatanong mo?”

“bakit nagkaganoon si Mark? I mean, hindi siya madalas nakakafoul diba?”

Tumawa siya bigla.

“Let’s just say na hindi ganoon kagaling si Mark na magtago ng feelings niya.”

“What do you mean?”

“Nakita ka namin. Nung napuwing ka.”

“SO? Anu naman, tinulungan lang ako ni Kian…”

“you still don’t get it do you?”

Umiling ako. Tapos siya eh natawa na naman.

“We like you.”

We?!? Hindi ko yata ineexpect yun.

“Nyek, very funny. Sasbihin ko nga kina Rio na tigilan na nila ako sa joke nila.”

“Bakit ayaw mong maniwala? Pati nga si Lester eh, may gusto rin sa yo. Kaya kami away ng away dati.”

Page 150: The GAME of My Life Story

“Whatever Lian.”

Tapos patayo na ako nun pero hinawakan niya ako sa braso. Tumingin siya sa akin ng diretso. Sobrang seryoso nung expression

niya.

“I’m serious Kheira. Sa tingin mo ba tatanungin ka ni Mark kung may pag-asa siya kung wala siyang gusto sa iyo?”

Hindi na ako nagsalita. Ayoko na makarinig ng ganun. I’ve learned from my experience. I’m not going to commit the same mistake

again.

“We really--”

“Stop.”

Napatingin lang siya sa akin. Nagulat nga eh. Ako naman, tinake ko yung chance para makaalis. Iniwan ko siya dun at dumiretso sa gym.

May mga 2 minutes pa bago mag-end yung 4th quarter. Grabe, ang laki ng lamang namin sa kanila. Nakatingin naman ako kay coach at nakita kong sobrang tuwa niya. Biruin mo, yung score eh umabot na

sa 72-93. Ang laki nun.

In the end, nanalo kami. Hindi nila nahabol yung score since 2 minutes na nga tapos dumadagdag pa minsan. Nakipagkamay naman na yung players namin, pati nga yung cheerleaders eh.

Wuuu, If I know gusto lang nila magpapansin sa boys ng St. Claravalle.

Ako naman eh nagcongratulate sa akin si Kian. Ang galing daw talaga namin. Lalo na si Mark. Hindi ko parin pala siya pinapansin. Ewan ko, masakit talaga kasi yung sinabi niya eh. Pero sooner or

later, I think I have to. Magkabanda kami eh.

Pagdating namin ng school eh sinalubong ako ni Lia.

“Panalo?”

Tapos nagthumbs up lang ako sa kanya at ngumiti naman siya. Dumaan si Mark sa amin pero nakayuko at sobrang tahimik.

“Anong drama nun?”

“ewan.”

Tapos umalis na ako. Pero syempre, dahil best friend ko tong si Lia, alam na alam niya na kahit Ewan ang sabihin ko eh may hidden

meaning parin yun. Malas ko nga eh.

Page 151: The GAME of My Life Story

“Ano na naman ginawa mo??”

“Wala. Bakit ba ako parati may kasalanan? Ako nga yung—wala.”

Muntikan na. Pero syempre, palalagpasin ba yan ni Lia? Of course not!

“ikaw yung ano??”

“Just drop it Lia.”

“Ayoko nga! Sabihin mo na kasi!”

“Ako yung biktima. Okay? Happy?!”

Umalis na ako at diretso sa may auditorium.

“Teka!”

Ang kulet!!!

“Ano?!?”

“Bhes naman…ang dami mo nang hindi sinasabi sa akin eh…”

Medyo tama siya. Huminga ako ng malalim. This will be a long story.

“Oh?? Andoon si Kian?! Grabe!”

“Oo nga eh. Kulit mo naman eh.”

“anong masasabi mo?”

“He’s…changed. Mas okay siya, as a friend of course.”

“Ahh okay. Talaga bang sinabi ni Mark yun?”

Page 152: The GAME of My Life Story

Tumango lang naman ako. Wala kasi ako sa mood para pag-usapan muna yun.

“Anong nangyari sa practice?”

“Ayun? Wala. Cancelled yung play. Sa end of the schoolyear nalang daw. Sobrang onti naman kasi talaga nung time eh. What do they

expect!?”

Natawa naman ako kay Lia. Pagkatapos nun eh dumaan kaming locker. May iniwan kasi siya dun kanina.

“Lia, daan tayo ng ballet room, naiwan ko yung kanta para sa Friday eh.”

Tumango lang siya. Pero nung pagdating namin dun. May narinig kaming music. Tumutugtog sila.

“Ayan na dali! Pwesto niyo!”

Anu na naman kaya meron. Pagpasok ko eh biglang nakapatay yung ilaw. Bubuksan ko na sana pero biglang nagstart silang tumugtog.

In life nothings certainYou’ll never know when it’ll happen

Some burn out while some fade awayIt doesn’t matter we’re heading that way

If I had the timeI’ll spend it with you

Time gets you old and wearyLike a lifeless ordinary

Some burn out while some fade awayI don’t want you to go

I want you to stay

If I could turn back the timeI’d spend it with you

I want you to knowEven though you’re gone

That I’m drowning in tears

I wish you were hereAnd hear me say

Believe me, I’m sorry

Feels like everything’s undonePeace of mind still I haven’t found

Page 153: The GAME of My Life Story

And time will heal those broken mendsI know it will come, but when will it end

Nakita kong palapit sa akin si Mark. nagulat nga ako eh, nakanganga pa nga yata ako eh.

“Believe me, I’m sorry…Kheira.”

Matagal lang siyang nakatingin sa akin. Ako rin naman. Ewan ko ba, parang hindi ko mapigilan tumingin sa mata niya. Narealize ko na

parang hinihintay nila yung sagot ko kaya ako naman, hinawakan ko yung pisngi niya…

Then I slapped him.

Page 154: The GAME of My Life Story

Chapter 22

Nagulat silang lahat sa akin. Tingin ko lahat sila eh nag-eexpect na ngumiti ako at yakapin siya. Anu sila sinuswerte?! Masakit din

naman yung ginawa niya sa akin no!

“Okay lang na sampalin mo ako kahit ilang beses. Patawarin mo lang ako Kheira please?

Hanggang ngayon wala parin akong sinasabi. Nakita ko na yung papel kasi bukas na yung ilaw. Lumayo naman ako sa kanya tapos

kinuha ko na yung paper. Tapos nun eh palabas na ako pero huminto ako.

“See you tomorrow.” Tapos ngumiti ako.

Hay, ewan ko ba. Bakit ba hindi ko yata makayang magalit? Ngumiti rin naman siya. Pati nga yung iba eh nakangiti narin. Ewan ko, basta

ako, tuluy tuloy nalang na lumabas at umuwi na.

|pnaptwad m n tlga ako? |

Ang kulit din nito eh. Hay, oo nga pala, nasa bahay na ako. At kanina pa text ng text itong si Mark. Grabe naman to. Sasapukin ko na to

eh.

|mkulet k lm m un?|

|yup so nu nga? Just say yes…||OO nga, pnaptawad na kta. Ankulit!|

Page 155: The GAME of My Life Story

|hehe thnk u po|

And weird din nito. Matagal din kaming nagtext. Siguro inabot na ng mga 10. Ewan ko ba, wala rin naman kaming pinag-uusapan. Weird

talaga.

Nagtext na din pala si Kian. Ayun, nangamusta lang naman. Nagsorry nga siya eh, dun sa nagawa niya dati, sabi ko naman eh wala na yun. Past is past. What matters most is what’s present.

The next day, since delayed na yung play namin, nagkaroon yung banda ng chance para magpractice. Nakita nga namin na yung mga

observers eh. Dumadaan daan nung classes namin. May iba, nakikisit in o di naman kaya eh nandoon lang sa labas. Kaya nga ba

nakakatakot matulog sa klase o kaya gumawa ng kung anu-ano.

Nung practice time na namin, diretso kaagad kami ni Lia sa may ballet room. Si Lia kasi eh, sobrang gustong manood. Sus, if I know,

gusto lang niya bisitahin si Marco.

“Andiyan na si Kheira. Tara practice na tayo.”

Nagtayuan na sila tapos eh pumuwesto na. Una naming pinractice yung My heart. Ayos naman, pero kelangan ko talagang imemorize

kasi nung tinry kong walang copy eh mali mali na yung mga sinasabi ko.

Nung tinugtog naman yung Magbalik, grabe, nakaka-amaze yung boses ni Mark. Ang galing niya talaga. Tapos memorize pa niya yung

kanta. Hay, feeling ko mapapahiya sila dahil sa akin. Sayang, ang astig pa naman nilang tumugtog.

Mukhang napansin nila yung pagkadown ko kaya lumapit si Mark.

“Kaya mo yan..we still have 2 days…wag ka mag-alala.”

Tapos napangiti ako. ang bait talaga ni Mark. Natapos rin kami at medyo improving. Medyo memorize ko na yung kanta, konti nalang

talaga.

Nagpack up na yung iba tapos nauna ng umalis. Si Lia naman eh iniwan na ako kasi niyaya daw siya ni Marco kumain sa OB. Kilig na

kilig ang bruha.

Ayos lang naman sa akin na iwan niya ako, masaya naman si eh. Pero ayun, dahil wala pa ako sa mood para umuwi, nagpaiwan ako

tapos kumanta mag-isa.

 “I am finding out, that maybe I was wrong. That I’ve fallen down

Page 156: The GAME of My Life Story

And I can’t do this alone..stay with me..this is what I need…argh!!”

Grabe, akalimutan ko na naman! Badtrip naman oh.

“Please…”

Nagulat ako. Hindi pa pala siya umuuwi?

“Oh Mark, hindi ka pa pala umuuwi?”

“May nakalimutan lang ako. Ikaw? Bakit hindi ka pa nauwi?”

“Heto, nagpapractice kahit wala ng pag-asa.”

“Sus, hindi yan.”

Tumabi siya sa akin. Kinuha niya yung paper tapos nun eh tumingin siya sa akin.

“Alam mo kung anong mas madaling way para mamemorize yan?”

Nakatingin lang ako sa kanya nun. Ewan ko, sobrang seryoso niya tapos ang lalim pa ng tingin niya.

“Ano?” lumapit siya ng konti tapos nung katapat na niya yung tenga ko eh bumulong siya.

“Don’t just sing. Sing with your heart.”

Nagulat naman ako dun sa sinabi niya, siya naman eh nakangiti lang na parang nababaliw na.

“Sing with my heart? Paano yun?”

“Corny to pero wag mo akong tawanan ah…”

Tumango lang ako sa kanya tapos nun nagpatuloy na siya.

“Close your eyes, feel your heartbeat at maririnig mong kumakanta rin siya kasama mo. Just listen.”

Napangiti ako. Sa totoo lang, natatawa na ako, pero dahil nga sabi kong hindi ko siya tatawanan, pinigil ko nalang. So ako, ayun, tinry

naman yung “way” niya tapos pumikit.

Pinakiramdaman ko yung heartbeat ko. Sa totoo lang? Parang nakakarelax din yun ah. At pagkatapos eh nagsimula na ulit akong

kumanta. Take note, my eyes were still closed.

Page 157: The GAME of My Life Story

“I am finding out that maybe i was wrongThat ive fallen down and i cant do this alone

Stay with meThis is what i need please

Sing us a songAnd we'll sing it back to you

We could sing our ownBut what would it be without you”

Dumilat na ako nun at nakita kong nakangiti lang si Mark sa akin. Ngayon ko lang narealize na ang lapit parin pala ng mukha niya sa akin. Kanina kasi diba, may binulong siya, so ngayon, hindi pa pala siya fully na nakakausog. Naramdaman ko naman na sobrang lakas

ng heartbeat ko.

Anong pinaplano nito? Teka, bakit, bakit lumalapit siya?!

“Mark?”

“Bakit?”

Pero hindi parin siya tumitigil sa paglapit. Grabe, kung naririnig niyo lang yung heartbeat ko. Parang kung paano magdrums si Lian.

Sobrang lakas!

Ayan na Kheira! Palapit na! Think! Think!

“KUYA MARK!”

Umusog naman na siya nun. Whew! Napatingin ako dun sa doorway tapos nakita ko si Milo, si Nido, si Nestle at syempre, si Tita Elle.

Lahat eh nakangiti lang sa amin.

Page 158: The GAME of My Life Story

Tumayo na si Mark tapos lumapit sa kanila. Nagwave naman sa akin sina Tita Elle tapos umalis na sila. Si Mark eh huminto muna saglit,

“You’re a good singer Kheira. But a great one when you sing with your heart.”

Tapos umalis na siya. Nangyari ba talaga yun!?!?

The next day, parang wala lang. Ganun parin, normal lang. May classes tapos may mga nag-oobserve. Pero ngayon, yung activity eh

mayroon parang dance contest na naganap.

After ng lahat ng lessons eh lahat ay pinapunta dun sa 2nd floor gym para manood sa contest.

“Daming magagaling na sumali. Nakita ko yung audition nila nung Tuesday eh. Grabe, ang gagaling nila.”

“Bakit nga pala hindi ka sumali Lia?”

“Bawal daw kasing sumali yung nasa varsity. Eh syempre, para fair naman daw.”

Magaling kasi talaga itong si Lia sumayaw eh. Sobrang galing. Siya yung pinakamagaling sa lahat ng kasama sa varsity. Kaya nga ba siya yung captain nila eh. Ang bilis pa nitong mag-isip ng steps.

Kaya kung makikipagsayaw kayo sa kanya at parehong kaliwa ang paa niyo, mahiya na kayo. Kasi talagang mapapanganga kayo sa

galing nitong best friend ko.

“Sinu sino ba mga kasali?”

“Hindi ko lahat kilala eh. Marami kasi from the lower batch. Yung kayear natin eh hindi ganoon karami. Ang kilala ko lang talaga dun

eh si Reiya saka yung clones niya.”

Nag-usap pa kami ni Lia kasi hindi pa naman nagstart. Tumabi pa nga sa amin si Lester eh at mukhang pagod na pagod.

“Oh, bakit parang pagod na pagod ka yata?”

“Galing kasi ako sa practice. Soccer.”

Whoa, soccer player pala tong si Lester? Naks naman.

Page 159: The GAME of My Life Story

“May we request everybody to please keep quiet, we’re about to start the program. Thank you.”

Nakinig naman lahat tapos hindi nagtagal, tumahimik rin sila. Nagstart na nga yung program, gaya ng sabi nung babae na emcee.

At ayun, nagkaroon ng opening remarks, etcetera etcetera. Tapos eh yung contest na.

Tama nga si Lia, grabe sobrang daming magagaling na sumasayaw. Kahit nga yung mga freshmen eh magagaling talaga. Kagulat gulat

man tong sasabihin ko pero, si Reiya sobrang galing. Hindi mo akalain sa kanya pero ang galing niya talaga.

Yung clones niya ayos lang, tamang tama lang para sa back-up dancing. Pero siya nakuha talaga niya yung spotlight. Ang dami

ngang nagpalakpakan pagkatapos nun eh.

“Tignan mo kung sino kausap ni witch.”

Sinundan ko yung tinuro ni Lia tapos nakita kong kausap niya si Mark. Whoa, hindi ko alam na close pala sila. Mas kinagulat ko nung

humawak si Reiya sa pisngi ni Mark. Ewan ko nga eh pero parang nainis ako nun kahit na tinanggal naman kaagad ni Mark.

Bakit ganun? Bakit ganun nalang yung naramdaman ko? Nagseselos ba ako? pero bakit? Bakit ako magseselos? Hindi naman kami. Hindi

ko rin naman siya gusto. Diba?

Pagkatapos nung presentation eh nagsiuwian na ang lahat. Bukas pa kasi I-aannounce yung mga panalo. Uwian na ng iba pero kami eh nagpractice parin. Syempre, gusto rin naman namin manalo eh.

Pagdating ko sa ballet room, andoon na yung iba, pero si Mark, wala parin. Teka nga, bakit ko ba siya hinahanap?? Ano bang meron??

Hindi naman kami makapagstart ng wala siya, syempre, lead guitar eh. Dumating siya ilang sandali lang, pero kasama niya ulit si Reiya.  Tumingin pa nga sa akin si Reiya nun eh bago siya umalis. Ewan ko

kung bakit.

Pagkapasok ni Mark eh nagstart na kaming magpractice. Hindi ko alam kung distracted ba ako pero hindi ko masyadong nafeel ang

pagkanta nun. Siguro nga eh napansin nila.

“Kheira? Ayos ka lang ba?”

“Ahh…oo. Medyo pagod lang.”

Tapos nun eh nagcontinue na ulit kami. Mas umok naman. Tinanggal

Page 160: The GAME of My Life Story

ko na kasi sa isipin ko yung mga nangyari kanina. Sa totoo lang, I don’t know why it even bothered me.

Pagkatapos naming magpractice, ako yata yung pinakaunang umalis. Ewan ko, nung mga time na yun eh gustung gusto kong

umuwi. Pagdating ko naman sa bahay eh parang gusto kong umalis ulit. Ang weird ng feeling.

“Kheira!! KAKAIN NA!

“Hindi ako gutom!”

Nagulat nga sa akin si kuya Kyle eh, umakyat pa sa kwarto ko. Pero nung nakita niya ako eh hindi na siya nagtanong o nang-asar. Ewan

ko, hindi ako nagugutom nung mga oras na yun.

Tinry ko naman na matulog kaagad pero wala rin eh, mga 11 na siguro nung napagod na talaga ako.

Kinabukasan naman, maaga akong nagising pero hindi ako pagod. Hindi ko nga naramdaman na puyat ako. Isa lang talagang

naramdaman ko, gutom.

Bumaba ako kaagad tapos nagluto ng makakain. Nagulat nga sa akin si Kuya Kyle tapos nagcomment pa.

“Ayan kasi, may nalalaman pang pag-skip ng meal, hindi naman pala kaya. Anu ba Kheira, walang elepanteng payat no!

Binatukan ko lang siya. Dumiretso naman ako kaagad sa CR at nag-ayos narin pagtapos kumain. At syempre, nung ready na ako,

nagpaalam na ako sa aking brother dearest at pumasok sa school.

Maaga pa nun nung makarating ako, paano ba naman eh 6 pa lang yata nun. Wala pa masyadong tao. Kung meron man, janitor at guard lang siguro. Iilan lang talaga ang students na nandoon. Buti nga eh

may classmate ako nun.

“Good Morning.”

“Good morning din!

Umupo na lang ako since wala naman akong gagawin. Wala palang lessons ngayon kasi ibibigay yung buong araw para sa battle of the bands. Marami rami din kasi yung sumali this year eh. Tapos tig 2

songs pa, hindi siguro kakayanin ng 2 hours yun. Saka, may awarding pa kaya talagang kailangan na 1 day ang ibigay.

Unti-unting dumami yung tao. Ilang sandali lang eh nagbell narin. At lumakas na naman yung tibok ng puso ko.

Page 161: The GAME of My Life Story

“Nervous?”

Lahat eh nandito na sa gym. Siguro in 5 minutes eh magsisimula na rin. Kami yung pang 4th na tutugtog. Buti nalang. Kelangan ko pa

kasi tanggalin yung kaba sa katawan ko.

“Sobra.”

“don’t worry, kaya niyo yan.”

Ngumiti lang ako ka Lia nun. Hay, sana nga.

Pumunta na ako dun sa mga kabanda ko tapos si Lia eh nagdiretso na sa bleachers.

“Kinakabahan ba kayo?”

Lahat kami tumango sa kanya. Sino namang hindi kakabahan no?

“Kaya natin to…Matagal tagal din naman tayong nagpractice eh.”

“Welcome! To our annual battle of the bands!”

Nagpalakpakan yung mga students sa labas. Nagsisimula na yung program nun tapos kaming 5 (kasama si Marco) eh nagsimula ng

magdasal.

Page 162: The GAME of My Life Story

“Let’s give a round of applause for Pink Stripes! Now for our next contestant. They’ve gained experience through the years by joining every annual battle of the bands. But since their vocalist transferred to another school last year, they weren’t able to join. I don’t want to keep you all waiting, so now, without further ado, let’s all welcome,

the comeback of…OUR SASSY ROMANCE!”

Ang daming nagpalakpakan, lumabas na kami nun at lalo pang lumakas.

“Ready na ba kayo??”

Napangiti lang ako kasi sobrang ang daming sumoporta sa band na to.

“Syempre bago kami tumugtog, papakilala muna kami. Alam kong kilala niyo na kami pero yung judges hindi pa. So, ako po si Mark

Fellacio, lead guitarist at minsan vocalist ng OSR.”

Nagtilian yung mga babae dun sa kabilang side ng gym. May mga iba pa nga na nagdala ng banner eh.

“Mr. Gino Guevarra for bass”

At gaya ng kanina, mayroon na naman tumili. Naku, nakakahiya naman, mukhang ako lang yata ang hinidi nila sisigawan. Tuwang

tuwa na naman siguro si Reiya nito.

“Mr. Lian Gonzales for drums!”

Wah, earth! Swallow me!

“and of course! The one and only, Miss Kheira Aruello our new vocalist!”

Nagulat ako kasi biglang may mga sumigaw dun. At napanganga pa nga ako nung may mga lalaking nakahawak sa isang banner. Whoa.

“So guys ano na? Wag na natin silang paghintayin. Ladies and gentlemen, Our Sassy Romance with…My heart by Paramore! ”

Okay, here I go!Chapter 23

Page 163: The GAME of My Life Story

Nagstart na yung music. Relax Kheira…breathe in…breathe out…

“Sing with your heart.”

Pinikit ko yung mata ko, nakinig sa heartbeat ko and then…I sang with my heart.

I am finding out that maybe I was wrongThat I’ve fallen down and I can’t do this alone

Stay with meThis is what i need please

Sing us a songAnd we'll sing it back to you(sing it back to you.)

We could sing our ownBut what would it be without you

I am nothing nowAnd it’s been so long

Since I’ve heard a soundThe sound of my only hopeThis time I will be listening

Sing us a songAnd we'll sing it back to you (sing it back to you.)

We could sing our ownBut what would it be without you

This heart, it beats, beats for only youThis heart, it beats, beats for only you

Ooooh

This heart, it beats, beats for only youMy heart is yours

This heart, it beats, beats for only youMy heart is yours

This heart, it beats, beats for only youMy heart is yours

This heart, it beats, beats for only youMy heart, my heart is yours

My heart is yours…My heart is yours…

My heart is…

When I opened my eyes, nakita kong nakatayo na yung iba at pumapalakpak, and it felt really good. Tumingin din nga ako sa mga

kabanda ko tapos todo ngiti sila sa akin. Nagthumbs up pa nga si

Page 164: The GAME of My Life Story

Lian eh.

Bago pa hawakan ni Mark yung mic, tumingin siya sa akin at bumulong.

“That’s how you sing with your heart.”

Ngumiti lang ako sa kanya.

“Okay, our next song po, ako naman ang kakanta and the song is…Magbalik by Callalily..”

Grabe, halos mabingi ako dahil sa lakas ng tili nila. Ganoon ba talaga siya kagusto ng mga students namin? O baka may Impact din yung

kakantahin niya?

Nagready naman na kami. Ako eh dun lang sa gilid since hindi ako kakanta or tutugtog. Nagsimula na yung intro at lalong lumakas pa

yung pagsigaw nila.

Wala na ang dating pagtinginSawa na ba saking lambing

Wala ka namang dahilanNgunit bakit bigla nalanng nangiwan?

Hindi na alam ang gagawinUpang ika’y magbalik sakinGinawa ko naman ang lahat

Bakit bigla nalang naghanap?

Refrain: Hindi magbabagoPagmamahal sa iyo

Sana’y pakinggan moAng awit ng pusong ito

Chorus:Tulad ng mundong hindi tumitigil sa pag-ikot

Pag ibig di mapapagodTulad ng ilog na hindi tumitigil sa pag agos

Pag ibig di matatapos

Alaala’y bumabalikMga panahong nasasabikSukdulang mukha mo ayLaging nasa panaginip

Bakit biglang pinagpalitPagsasamaha’y tila nawaglit

Page 165: The GAME of My Life Story

Ang dating walang hangganNagkaroon ng katapusan

(Repeat Refrain)(Repeat Chorus 2x)

Tumitigil (pag-ibig di matatapos)Tumitigil..

Pag-ibig di matatapos..

Ang galing talaga niyang kumanta. Pati nga ako eh nakipalakpak ng sobrang lakas.

“Thank you Our Sassy Romance for that wonderful comeback.

Whoa, pati emcee nabilib. Ang lakas talaga ng appeal nila. Syempre, bumaba narin kami ng stage since meron pang susunod sa amin. Sinalubong pa nga kami ni Lia na yumakap sa akin eh. Kala niya

hindi ko napansin, hawak kasi niya kamay ni Marco bago siya yumakap.

“Oh my gosh!! Ang galing niyo sobra!”

“Ehem..” napatingin naman si Lia sa akin na nagtataka. Tinuro ko yung kamay niya at kamay ni Marco. Natawa pa nga yung iba eh.

“Umm…uhh…si Marco..umm…nanliligaw.”

Tapos natawa naman ako.

“Wow, I have to hand it to you, marunong ka palang kumanta. Well, hindi man siya nakakabasag tenga, it still wasn’t the best.”

Natatawa na ako nun. Ang weird naman ng attempt niyang manlait. She ended up complimenting me without noticing. Hahaha.

“Stop it Reiya. Ang sobrang ganda nga ng boses niya kanina eh. ”

Nagulat ako kasi pinagtanggol niya ako. Whoa.

Pagkatapos niyang sabihin yun eh umirap lang si Reiya tapos umalis na siya. Kami naman eh sumama na kina Lia at Marco dun sa pwesto

nila kanina.

Grabe, ang tagal pa nga bago nung announcement eh. Naantok na nga ako nun pero siniko naman ako ni Lia. Hay, grabe…

“Baba lang ako saglit ah…”

Page 166: The GAME of My Life Story

Tumingin naman sila sa akin pero hindi ko narin pinansin. Diretso nalang ako sa pagbaba. Lumabas ako ng gym tapos naglakad lakad

lang muna. Mas mabuti pa dito, sobrang hanging. Sa loob kasi parang ang init ng singaw.

“Oh, bakit ka nagsosolo diyan?”

Tumingin naman ako sa kanya tapos siya eh nginitian lang ako ng todo.

“wala lang, ang init kasi dun eh.”

“I really meant what I said kanina.”

“huh?”

“Na maganda yung boses mo. You really did sing with your heart.”

Napangiti lang naman ako.

“Did you want to win??”

“Hmm, ayos lang.”

“Honestly?”

“Yes.”

“Ganun? Hehe, ako kasi…okay lang na hindi.”

“Oh? Bakit naman?”

“Okay na sa akin yung experience.”

“Hehehe. Grabe nga eh, hindi ko maimagine na nakaya ko yun.”

“Sus, ikaw pa? Eh miss Personality of 2000 ka eh.”

Pinalo ko naman siya. Bwisit na ito pinaalala pa ulit.

“naman…”

“Heheh.”

Tahimik kami nung mga oras na yun. AT sa hindi kaalamang dahilan, bigla kong natanong sa sarili kung ano ba yung iniisip niya. Ewan ko,

ang gulo nga eh. Para bang, I wanted to know him more. To know kung anong nagpapasaya sa isang Mark Fellacio. O kaya

nagpapalungkot, nagpapagalit. Lahat.

Page 167: The GAME of My Life Story

Wait…am I…am I…am I falling for him?

“Tara na?”

Napatingin ako sa kanya. Nakangiti na naman.

“Tara.”

I hope not.

Pagkapasok namin eh tamang tama lang kasi nagsimula na yung awarding. Nanalo para dun sa singing contest isang junior. Tapos may mga mini-awards pa like Miss Sarah Geronimo award. Parang

nga ewan eh.

Pagkatapos nun eh sa dance naman. At syempre, si Reiya nanalo. Magaling naman talaga siya eh. That I have to admit.

Nagkaroon pa ng awarding sa iba pang activities. Hindi na ako masyadong nakinig kasi isa lang naman ang pinakahihintay ko eh.

“And now! The moment we’ve all been waiting for…the winner of the annual battle of the bands!”

Grabe, nagsigawan na kaagad yung mga tao. Halatang excited eh. Kami naman, eh pinapunta na sa stage.

“First off, what would be their prize? The third placer of this contest would have a free day. The second play winner will be having a free

trip to Tagaytay and one free day. And of course, the champion. Oooh!”

Natawa naman ako. Ang galing din magemcee nitong taong no. Hehe, nakakatuwa.

“The Champion will be having a free 3-day trip to Batangas! And they are allowed to bring a maximum of 2 people. Not each okay? Heheh. Anyway, now that we know what they would be winning…

what are we waiting for? Let me call on Mr. Fajardo to announce the winners.”

Page 168: The GAME of My Life Story

Umakyat naman kaagad si Mr. Fajardo. Syempre, halos lahat, even teacher ay excited talaga sa results.

“Napakahusay! Lahat ng mga sumali sa palahok ay sobrang galing! Palakpakan natin silang lahat!”

Pumalakpak naman sila tapos nun eh humina rin, gusto na kasi talagang malaman yung winner.

“Okay, ang nagkamit ng ikatlong pwesto ay ang…ang OUR SASSY ROMANCE!!”

Mukhang lahat nagulat. Kasi ni-isang tao eh walang pumalakpak. Bigla naman may sumigaw na mali yun kaya nag-ingay narin ang

lahat.

“Ano ba kayo, hindi na kayo mabiro!”

Tumawa naman yung lahat at tumahimik.

“Ang totoong nagkamit ng ikatlong pwesto ay ang Hailstorm band!”

Syempre, palakpak dito, palakpak dun…tapos handshake. Alam niyo

Page 169: The GAME of My Life Story

na? The usual.

“Ang nagkamit ng ikalawang pwesto ay ang…Sawndtrip! At ang nagkamit ng unang pwesto ay ang…mukhang alam niyo na eh…

sigaw niyo nga!”

“OUR SASSY ROMANCE!!!”

“Ang nag-iisang, OUR SASSY ROMANCE!!”

Napatalon kami tapos nun kinuha ni Marco yung trophy at binigay sa amin! Oh my gosh! Pupunta kaming Batangas! Astig!!

“Okay, settle down everyone. Okay, I would like to congratulate all the winners of the programs. Let me hand the microphone to Mrs.

Feliciano for the closing remarks”

Nagkaroon ng closing remarks tapos uwian na. Kinausap pa kami ni Mrs. Feliciano tapos sinabi na next week daw, Wednesday, Thursday

at Friday daw yung trip namin. Nagcongratulate pa nga siya bago siya umalis.

“WOW! ASTIG TALAGA! I mean, pupunta tayong Batangas for 3 days! Astig!!”

“Oo nga eh.”

“Umm, guys okay lang ba sa inyo na si Lia na yung isa nating isasama? Para din naman may kasama tong si Kheira.”

Tumango lang sila tapos si Lia naman eh nagtatatalon. Hehe ang saya naman! Yung isa pang sinama eh yung girlfriend ni Gino.

“Victory party naman diyan!”

“Hahaha, saan naman tayo magcecelebrate?”

“SA bahay ni Kheira!!”

“Nyek! Anu ba kayo! Ang liit liit ng bahay namin eh!”

Tumawa naman sila nun. Ang final decision? Sa bahay ni Mark. Para daw mapagluto kami ni tita Elle.

Nagpaalam naman ako kina kuya, at ayun, payag naman. Basta daw ba eh may uwi akong pagkain eh. Loko talaga yun.

Pagkadating naman namin kina Mark eh tuwang tuwa yung kambal. Marami silang kalaro ngayon. Si Tita Elle din nga eh natuwa kasi

mapapagluto niya kami. At ayun nga, habang naghihintay eh

Page 170: The GAME of My Life Story

nagkayayaan na magkantahan. Paano ba naman, naglabas si Tita Elle ng magic sing kaya ayun, kumanta kaming lahat. Ang saya nga

eh.

Unang kumanta si Lian. Kinanta niya yung Don Romantiko. Hmmm, comment ko? Magaling siyang sumayaw ah! Haha. At mukhang hindi

lang ako yung nakapansin nun.

“Tol, mukhang pangsayaw ka lang talaga.”

Nagtawanan lang kami nun. Sumunod naman si Lia. Kinanta niya yung ‘Someone’s watching over me’ ni Hilary Duff. Ayun, ayos lang

naman.

Syempre, hindi rin daw mawawala ang yours truly. Nung una nga eh ayaw ko pa. Pero ayun, napilit ako eh.

Di mo lang alamNaiiisip kita

Baka sakali lang maisip mo ako‘Di mo lang alam

Hanggang sa gabi inaasam makita kang muliNagtapos ang lahat sa di inaasahang pahanon

At ngayon ako ay iyong iniwanLuhaan, sugatan, ‘di mapakinabangan

Sana nagtanong ka langKung ‘di mo lang alam

Sana’y nagtanong ka langKung ‘di mo lang alamAko’y iyong nasaktan

Baka sakali lang maisip mo namanHindi mo lang alam

Kay tagal na panahonAko’y nandirito pa rin hanggang ngayon para sa’yo

Lumipas mga araw na ubod ng saya‘Di pa rin nagbabago ang aking pagsintaKung ako’y nagkasala patawad na sanaPuso kong pagal ngayon lang nagmahal

‘Di mo lang alamAko’y iyong nasaktan

Baka sakali lang maisip mo namanPuro s’ya na langSana’y ako naman‘Di mo lang alam

Ika’y minamasdanSana’y iyong mamalayang hindi mo lang pala alam

‘Di mo lang alamKahit tayo’y magkaibigan lang

Napapaligaya lang sa tuwing nagkukulitanBaka sakali lang maisip mo naman

Ako’y nandito lang

Page 171: The GAME of My Life Story

Hindi mo lang alamMatalino ka namanKung ikaw at ako

Ay tunay na bigo sa laro na itoAy dapat bang sumuko

Sana hindi ka lang pala aking nakilalaKung alam ko lang ako’y masasaktan ng ganito

Sana’y nakinig na lang ako sa nanay ko‘Di mo lang alam

Ako’y iyong nasaktanBaka sakali lang maisip mo naman

Puro s’ya na langSana’y ako naman

Isang kindat man lang‘Di mo lang alam

O, ika’y minamasdanSana iyo’y mamalayang di mo lang pala alam

OoooooooMalas mo

Ikaw ang natipuhan koDi mo lang alam

Ako’y iyong nasaktan

“Bakit bhes? Sinong nanakit sa iyo?”

Tapos tumawa nalang kami. Tuluy tuloy parin ang saya, mga 7 na siguro nung nagkayayaan na. Pinag-uwi naman ako ulit ni tita Elle, para daw sa mga kuya ko. Hehe, buti nalang…hindi ako malalagot

nito.

Nung pauwi, gusto sana akong ihatid ni Lian at Mark pero sabi ko wag na. Mapapalayo lang sila. Pero syempre, hindi naman ako

nanalo sa kanila. Si Lian eh mas nauna na sa akin kasi hinahanap na siya sa kanila. Nag-sorry pa nga eh, pero syempre ayos lang sa akin.

Sa huli, si Mark lang din ang naghatid sa akin.

“Salamat.”

“Wala yun..”

Paalis na siya nun. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatalikod siya. Ewan ko kung bakit ko ginawa pero, hayaan nalang.

“Mark!”

Humarap ulit siya tapos lumakad ng konti. Hindi pa naman siya nakakalayo. Ako naman eh pinuntahan ko na siya.

Page 172: The GAME of My Life Story

“Goodnight.”

Tapos pumasok na ako. Well…

not before I kissed him sa cheeks.

Chapter 24

Hindi ko talaga malaman hanggang ngayon kung anu yung tumulak sa akin na gawin yun kay Mark. Basta alam ko lang nung gabing yun,

madaling araw na ako nakatulog.

Ewan ko, ang gulo ko rin kasi eh. Monday na nga pala ngayon. Nung nagkita naman kami ni Mark eh parang konting ngiti lang. Alam ko, nahihiya ako. Iniisip ko ba kasi kung tama ba yung ginawa ko nun. Diba? I mean, diba usually guys do the first move. Pero…ah ewan!

Bahala na si batman!

“BHESSS! Alam mo ba excited na talaga ako!”

Page 173: The GAME of My Life Story

“Maghunos tili ka Lia! Sa Wednesday pa yun no!”

“Sus if I know excited ka na rin!”

Nagkatwanan naman kami nun. Tumabi pa sa amin si Lester nun. Sayang pala, hindi siya makakasama. Pero ayos lang daw sa kanya basta ba mag-uwi kami ng kahit anong remembrance. Nagpromise

naman kami at yun, ayus na.

Nagsimula na yung classes. Ayun, normal na ulit. Kahit na may konting hangover pa kami wala nang magagawa, kelangan kasing

mag-aral parin. Hehehe, lalo na kaming mga 4th year.

“To all of the participants of the play at the end of the schoolyear, please proceed to the auditorium. Thank you.”

Whoa, pagkasinusuwerte ka nga naman oh. Tumayo kami ni Lia tapos nagpaalam sa teacher tapos lumakad na.

“Lia! Kheira! Wait!”

Napalingon naman kami kung sino yun tumawag. Pagkakita ko eh napanganga nalang ako bigla. Si MARK!?

“Heheh,”

“Mark!!? Kasama ka sa play?!?”

Tapos tumango syia at tumawa.

“Syempre, pwera nalang kung ayaw niyo magkaroon ng Joshua.”

Oh my, siya si Joshua!?!?

“Ahh…okay. Kaya pala alam mo yung schedule ng practice dati!”

Tapos tumawa na naman siya. Wala na ba siyang alam gawin kung di tumawa!?

“Ah yun…oo.”

“Tara na nga Kristen at Joshua! Malalate na tayo! Alam niyo naman si Miss Caticlan! Galit na galit sa late!”

“Whatever Olivia!”

Nagkatinginan naman kami nun at nagtawanan. Hay, nahawa na ako sa kanya. Si Lia naman, walang ginawa kung di asarin kami

hanggang sa makarating kami sa auditorium.

Page 174: The GAME of My Life Story

“Okay, kumpleto na tayo. So gaya nga ng sabi ko dati, madedelay yung play. Iuusog siya sa March. Napag-usapan din kasi ng mga

teachers na para magkaroon ng time para sa practice. At syempre, dahil sa lahat kayo ay seniors, naisip namin na ito ay gawing parang,

last play niyo na.”

Nagdaldalan naman yung iba. Whoa, ibig sabihin parang farewell play na yun? Grabe, sa totoo lang? Ang layo pa sa isip ko ng

graduation. Minsan nga eh, natatakot pa ako. hindi pa ako ready eh. I’m not ready to leave my friends yet.

“Pero let me remind you guys. Dahil sa last play niyo ito, tiyak na dadalo pati mga parents. So I expect perfection! Okay, you are all

dismissed.”

Nagsalita na ulit yung mga tao. Ako naman eh humarap kay Lia.

“Whoa,”

“That means, may parents?!? Oh my gosh! Baka tawanan lang ako

Page 175: The GAME of My Life Story

nila mama at papa!”

I don’t know what happened pero bigla akong nalungkot. Hay, minsan talaga eh kahit anong try ko na hindi malungkot eh wala rin

saysay. I still yearn to have my parents.

Not that I’m not contented with my brothers pero…hindi parin kasi pareho yun eh. Napansin naman yata ni Lia yun expression ko kaya

bigla siyang tumahimik.

“Ay, sorry bhes…”

“Sus! Ayus lang yun! Ako na rin eh! Aasarin pa ako ni kuya Kyle! For sure!”

Tapos nun tumawa ako. pero halata yatang peke lang kasi si Lia hindi nakitawa sa akin.

“tara na nga!” Tumayo na ako at hinila si Lia.

Dahil break na naman, dumiretso na kami ni Lia sa may canteen kasi nagyaya siya. Bumili lang kami sandali tapos nun eh umakyat na at

dumaan sa may locker namin.

Next subject, P.E. Wala naman masyadong nangyari. Nagkaroon lang ng discussion. Sport na kasi namin ngayon eh badminton. Ako

naman eh hindi ganoon kahilig dun. Nakakatamad kasi eh. Hindi ganun ka exciting. Ewan ko, gusto ko kasing sport yung mga

hinahawakan mo yung bola eh or at least tumatama sa katawan mo. For me, ganun ang sport. Kung baga, yung nasasaktan ka. Weird no?

Anyway, pagkatapos ng PE eh calculus naman. Todo ngiti na naman ako. minsan talaga naweweirduhan na talaga sa akin si Lia. Hindi lang pinapahalata. Ang bilis nga ng oras eh. Hindi ko namalayan

kaagad pero Free Period na pala.

Dumiretso na ako dun sa court at syempre nakita ko na nag-wawarm up na yung players. Hay, grabe…minsan boring din yung ganitong

trabaho. Biruin mo, 1 hour kang nakaupo tapos nagsusulat ka lang. Hay, boring talaga.

“Mukhang bored na bored ka ah.”

“Oo nga eh. Ewan ko ba.”

Tumawa naman siya. Ayan na naman siya. Tawa ng tawa. Ganun ba talaga ako nakakatawa?

Natapos din yung free period. Sa wakas! Dismissal na! Papaalis na sana ako ng tawagin ako ni Mark.

Page 176: The GAME of My Life Story

“Gusto mo magshoot?”

Napangiti ako.

“Sige!”

Binaba ko ulit yung bag ko. Buti nalang naka-PE ako ngayon.  Kumuha ako ng bola tapos nagshoot ako. Yes! Pasok!

“Galing ah. Hmmm, let’s make this interesting.”

“huh? Paano?”

“Well, eto lang yun. It’s called the shooting game. Paramihan ng mashoshoot in one minute.”

“oh, tapos?” interesting.

“Pagnanalo ako, hmmm, ikaw magiging date ko sa prom.”

Nyak! Anu ba yan! September pa lang eh prom na kaagad iniisip!

“Nyek, bakit naman prom kaagad nasa isip mo?? Haller! September palang po may I remind you!”

Tumawa lang siya.

“Syempre, nirereserve lang kita.”

“Ano ako?? pwesto sa restaurant?!” this time, pareho kaming nagtawanan.

“Okay, so pagnanalo ka…hmmm…ako parin makakadate mo sa prom.”

“Wah! Ang daya nito oh!”

“Sige na nga. Dalawa. Pag nanalo ka, date mo ko at…ikaw na bahala dun sa isa.”

Ano bang gusto ko? Wala akong maisip. Grabe naman. Hirao naman mag-isip. Hmmm…alam ko na!

“Pag nanalo ako, magdadamit ka ng pambabae for one day. Ako pipili kung kelan. Deal?”

Ngumiti naman siya.

“Deal.”

Page 177: The GAME of My Life Story

Nagshake hands na kami and then the game began.

“Ang saya naman…” nakahiga kami ngayon parehas dun sa floor ng court, pagod na pagod.

“Kapagod kamo…”

“hmph! Ikaw kasi eh!”

Anong nangyari? Well, ganito kasi yun..

”YEY!! Panalo ako!!”

“Wait! Ang daya mo! Stepping ka.”

“Hmph! Hindi kaya! Bleh!”

Tapos nun eh hinabol niya ako sa buong basketball court.

Ayun, sa sobrang takbuhan namin eh napagod din kami. Pero infairness? Masaya talaga.

“Nawala yung pagkabored mo ah.”

Page 178: The GAME of My Life Story

“Galing mo nga eh. Hehehe.”

Tumayo naman na ako nun. Nagayos na ako ng suot tapos kinuha yung bag ko. Pagkalingon ko sa kanya eh nakahiga parin siya tapos

nakapikit. Lumapit naman ako sa kanya at tinignan yung mukha. Ang cute pala niya pag natutulog. Parang Ang—

“BOO!”

“Ahhhh!!!!”

“Ikaw ah! May pagnanasa ka sa akin no?”

Tumawa siya ng malakas. At ako naman? Binatukan ko siya! Angel? Hindi! Baka baliktad. Hmph! Walang hiya to. Ginulat ako.

“Ewan ko sa yo!”

Tumayo na ako at umalis. Humabol naman siya sa akin at nagsosorry. Ako eh nagpipigil ng pagtawa kasi ang kulit ng itsura

niya.

“Oo na!!” at yun, nagtawanan ulit kami. Ganda ng hobby namin no?

“Hatid na kita.”

“Ay naku! Wag na. Andaming beses mo na akong hinahatid eh!”

“Alangan ikaw ang maghatid sa akin??”

“Hmm, pwede rin.”

Nanlaki naman mata niya dun at ako, tinawanan ko siya.

“Joke. Tara na nga.”

“Bakit? Ihahatid ba kita?”

HMph! Nakakainis naman to oh!

“Bahala ka nga!”

At syempre, siya eh humabol na naman. Para kaming aso’t pusa. Weird. Hala, nahahawa na talaga ako sa kanya. Pati yung

pagkaweird niya eh nakukuha ko na! Oh no!!!

Page 179: The GAME of My Life Story

“Umuwi ka na nga!” ang kulit nito. Kanina pa kasi niya ako nahatid. At syempre dahil andiyan si Kuya eh nayaya pa siyang pumasok sa

loob.

“Ouch naman!”

Si Kuya Kyle kasi eh, kanina pa ako inaasar. Nakakahiya na talaga. Tumayo narin si Mark tapos hinatid ko siya hanggang labas ng

bahay.

“Goodnight Mark.”

“Wala akong surprised goodnight kiss??”

Namula ako nun. Binatukan ko naman siya.

“wala!”

Page 180: The GAME of My Life Story

“Aww…okay…ako nalang.”

Umiling ako bigla kaya ayun. Nagkatinginan kami. Namula na’t lahat lahat. Please earth! Lamunin mo na ako.

Tumalikod na ako at naglakad na pabalik. Sobrang pula ko na siguro, as in. parang mas mapula pa yata kesa sa kamatis.

“Good night Kheira.”

hindi ko na siya nilingon. Tuluy tuloy na talaga ako hanggang sa makapasok. Pagdating ko sa loob eh dali dali akong sumandal dun

sa pintuan at huminga ng malalim.

“Oi! Anong nangyari sa iyo?”

Tumingin ako kay Kuya at uminling lang.

Shocks! I can’t believe na si Mark ang first real kiss ko!Chapter 25

The next day, sobrang naglililipad yung isipan ko. Sa sobrang walang concentration ko eh bumagsak ako sa seatwork sa Calculus. Isipin niyo yun? Bumagsak ako sa favorite subject ko! I mean, whoa! I had it bad! Really bad. At hindi lang pala ako ang nakapansin nun.

“Bhes! Ano bang nangyari sayo? I mean, calculus binagsak mo!?”

Hindi ko naman masabi sa kanya yung nangyari kagabi kasi aasarin lang talaga ako niyan ng sobra. Hay, bahala na nga si batman.

Bestfriend ko parin yan and she has the right to know!

Hinila ko siya at binulong ko sa kanya lahat ng nangyari ng mabilis, hoping na hindi niya maintindihan.

“Teka wait..hindi----OH!?!!??”

Nanlaki yung mata niya tapos ngumiti siya sobra. Ako naman eh namula at parang nagsign ako na quiet lang siya. Pero no use, bigla

ba namang kinilig. Buti nalang break namin nun.

“Shh! Wag ka nga maingay!”

“OH my gosh! Bhes!! Anong feeling!?? Masarap ba?? Sweet ba?? Soft ba!!?”

Page 181: The GAME of My Life Story

Whoa!! Mukhang andaming alam nito ah.

“Teka nga lang! Accident yun okay? So hindi siya matagal. Parang, peck lang okay?”

“Oh, my, gosh!!!!!!!”

ugh, ang ingay naman nito.

“So, that means, kayo na??”

“No!”

Tumawa naman siya at inasar asar pa ako. Sabi ko nga eh, some things should be kept secret.

Umabot ng free period at todo parin ang pang-aasar sa akin ni Lia. Sinundan nga ako hanggang court eh. Buti pinagalitan ni coach at

hindi naman daw siya kasali sa team bakit nandun.

Ayun, nagpalit na ako ng damit ko tapos lumabas narin. Pagkalabas ko naman eh bigla kong nakabunggo si Mark.

Please mother earth, swallow me!

“Hi.”

Ako naman eh ngumiti lang at umalis na. Grabe, feeling ko namumula na naman ako. At napansin pa ni Richie.

“Oi, anong problema mo Aruello? Bakit mukha kang kamatis diyan?”

“Wala! Dun ka na nga!”

Ayun, tumawa naman siya. Hay, bakit ba lahat ng tao tawa ng tawa sa mga sinasabi ko?? Pagkatapos nung training, lumapit sa akin si Mark. Dapat nga eh lalabas na kaagad ako, kaso si Lian, kahit hindi

niya sinasadya, naharangan ako.

“Umm, sunduin kita bukas.”

nYek, eh maaga kami dapat tapos susunduin niya ako. Ano oras kaya to gigising? Eh kelangan 5 andito na sa school. Baliw ba to?

“Wag na no! anong oras ka pa gigising niyan??”

“Ayos lang! Wala naman akong planong matulog eh. ”

“Nyek! Eh di nagmukha kang kalansay na zombie!”

Page 182: The GAME of My Life Story

“Heheh, hindi yun. Gusto mo samahan mo ko?”

“gusto mong mapatay ako ng kuya ko!?!”

“Anu ka ba, eh di ako kakausap. Saka, tatambay lang naman tayo sa inyo eh.”

Sa amin!?!?

“Anong sa amin? Bakit sa amin?”

“Eh kasi naman po, mas malapit po yung school sa  inyo.”

Hmmm…teka nga! Bakit ko ba pinag-iisipan pa to?? Eh tiyak naman na hindi ako papayagan eh!

“Kayo bahala, kung gusto niyong magmukhang multo eh nasa sa inyo yun.”

Teka nga, si Kuya Kaloy ba ito!?!? No!! baka inabduct siya ng alien! Hala! Asan na yung conservative, caring at strict kong kuya?!!?

“Seryoso ka!?”

“Mabuti narin at matuto kang maging responsible Kheira.”

Whoa! Seryoso nga siya! Hala naman! Mukhang panalo tong si Mark ah.

Page 183: The GAME of My Life Story

“Salamat po. Wag kang mag-alala hindi ko naman pababayaan to eh.”

At syempre, andiyan ang aking pinakaloving na Kuya Kyle para pahiyain ako.

“Wala naman siguro magkakainteres sa elepante eh no? masyado kasing malaki saka mahirap itago. Baka makasira pa.”

GRRR!! At ito namang si Mark, tumawa lang. Ay ewan ko sa inyo.

Okay, so let me get this straight. Pumayag si kuya Kaloy na hindi ako matulog mamaya at sumama sa Mark na to?!? Why? Para daw

matuto akong maging responsible para sa sarili ko?!? Wait nga, ano na ba nangyari sa mundo!?!?

8:00 p.m.

Okay, so 8 na. At nasaan kami ni Mark? Eto, nasa may playground. Ewan ko ba. Pero ayos lang naman dito. Mahangin kasi. Ayun,

kwentuhan lang muna kami.

Bago pala kami dumiretso dito eh kung anu-anong pagkain ang binili ni Mark. iniwan niya nga yung iba sa bahay eh. Para daw sa

Batangas trip yun.

“hmm, kelan kayo last na nagkita ng parents mo?”

“Hmmm, siguro eh…mga last year? I don’t know.”

“Ahh…bakit hindi ka sumunod sa kanila?”

“Ayoko dun eh.”

Page 184: The GAME of My Life Story

“Weird mo. Maraming tao diyan na gagawin lahat makarating lang sa America tapos ikaw nasa harap mo na eh tinatanggihan mo pa.”

“Hehe, basta…pagnakarating ka dun, malalaman mo kung bakit ayaw ko dun.”

“good luck nalang sa akin.”

“Oo nga pala, yung parents mo? Saan sila? Parang hindi ko yata nakikita? Nasa America rin ba? O kaya sa ibang place?”

“Wala sila sa America. Nasa ibang place sila.”

“oooh, saan? Sa Japan? England? Africa?”

“Sa heaven.”

Natigilan siya at napatingin sa akin. Hindi naman talaga ako nalungkot nun. Ewan ko, parang nawalan lang ako ng gana na

magsalita.

“Sorry.”

“Ayos lang yun! Sus!”

“Hindi mo sila namimis??”

“hmm, eto nalang. Ikaw ba eh mamimiss mo yung taong hindi mo naman nakilala?”

At lalo pa yata siyang naawa sa akin dahil humawak siya sa balikat ko. Sinandal niya yung ulo ko dun sa dibdib niya at sa hindi ko alam

na dahilan, umiyak ako.

Sa totoo lang? First time kong umiyak ng dahil sa parents ko. Ewan ko kung anong ginawa ni Mark at napaiyak niya ako ng ganito pero parang mas guminhawa yung pakiramdam ko. Sobrang guminhawa.

“Shh...”

“Mark, alam mo…” Tumingin naman siya sa akin. Yung mata niya, para ayoko nang ialis yung tingin ko dahil sa mata niya. Parang,

nakakacomfort kasi eh.

“First time kong umiyak ng dahil sa parents ko. Usually kasi eh, hindi ko talaga sila iniiyakan. I don’t know kung anong meron

ngayon, pero feeling ko may isang mabigat na load ang nawala sa akin.”

Page 185: The GAME of My Life Story

Tinapik naman niya yung likod ko.

“Nakakainis naman. Ayokong umiiyak eh. Weak kasi ang umiiyak.”

“Hindi totoo yan Kheira. Hindi dahil sa umiiyak ka ibig sabihin weak ka na. You’re even stronger when you cry. Kasi alam mo sa sarili mo,

at tanggap mo kung ano ang kinakatakutan mo at ang kahinaan mo.”

Siguro nga eh hanggang mga 10 akong nakayakap lang sa kanya. At ewan ko rin. Feeling ko eh parang walang mangyayari sa akin na

masama nung mga oras na yun. Na para bang poprotektahan niya ako kahit anong mangyari. At dahil sa nararamdaman kong yun, I

realized something.

I think I have fallen for him already.

Madilim pa nun nung biglang sumakit yung leeg ko. Teka nga, asan ba ako!? bakit parang ang tigas yata ng kama ko. At, kelan pa

naging kaamoy ni Mark!?!?

Dumilat na ako tapos nakita ko, nasa playground pa kami. Oo nga pala. Hindi pala kami umuwi. Inangat ko naman yung ulo ko pero

biglang sumakit yung leeg ko.

“Ow..”

Ayoko naman magising si Mark kasi nakakahiya na. Pero no use, sobrang light sleeper yata nito eh. Nagising din kaagad.

“Sorry, sumakit ba leeg mo?”

Page 186: The GAME of My Life Story

Hindi naman ako nakapagsinungaling sa kanya. Kaya tumango lang ako.

“Sorry.”

“Hindi mo kasalanan yun…”

Umupo na kami parehas ng tuwid tapos nag-inat inat. Siguro maya maya lang eh mawawala narin yung sakit ng leeg ko.

“Anong oras na?”

Tumingin naman si Mark dun sa orasan niya.

“Exactly…4:15 a.m.”

“Whoa! Eh di kelangan na pala natin mag-ayos. TarA! Dun ka narin sa bahay maligo.”

Hinila ko naman siya tapos tumakbo kaming papunta ng bahay. Buti pala may susi ako. At yun, dahil dinala na ni Mark yung gamit niya

dito kahapon.

Mabilis lang kami pareho kumilos. Mga 4:30 siguro noon nung parehas na kaming nakababa at ready na. Buti pala talaga eh nung

weekend pa ako nag-ayos. Kung di, panigurado sobrang magmamadali ako.

“Tara?”

Tumango lang siya sa akin at tinulungan niya ako sa bag ko.

Page 187: The GAME of My Life Story

“Naks naman, sabay sila.”

“Grabe Lia, ang aga aga eh nang-aasar ka na.”

Kumpleto na sila nun. Kami nalang pala hinihintay.

“Dude, tumawag ako sa inyo kahapon. Wala ka daw?  Mga 10 yata yun?”

“Oh my gosh! Wag niyong sabihin? Nagsleep over ka kina Kheira?!? Oh my gosh!!! Paano mo napapayag si Kuya Kaloy!?”

Argh! Bwisit na Lia to oh.

“HE didn’t sleep sa bahay namin okay?!?”

“Hmm, that means…you stayed up all night??”

Ugh!! Why do I have to have a best friend na sobrang talino!?!?

“Whatever Lia.”

“AHHH!! TAMA ako!!!”

Tumingin ako kay Mark. Nakangiti lang siya. Ugh, paano niya nakakaya na ngumiti lang kahit na todo na yung pang-aasar sa

amin?!? Why does everything have to be easy for him?? Is it a guy thing?!?

“Tara na nga kayo! Alis na tayo para maraming time for fun.”

“If I know Lian, jealous ka lang kasi si Mark dagdag pogi points.”

LIAA!!!!

“Bakit naman ako magseselos?”

Tama yan Lian! Sige go lang!

“Eh kahit ano naman gawin ko eh parati nang dumadagdag yung pogi points ko”

UGGHHH! Why did you have to open that big mouth!

“Ang hangin grabe!”

Page 188: The GAME of My Life Story

“Tara na nga, baka bumagyo pa eh.”

Nagtawanan naman kaming lahat. Si Lian eh nakisali narin sa tawanan. At yun nga, sumakay na kami sa bus na pinrovide para sa

amin. Hindi ganoon kalaki yung bus pero spacious parin.

Tinanong kami nung driver kung ready na daw kaming lahat at syempre kami, umoo naman. Okay!

Batangas, here we come!

Chapter 26

Medyo matagal yung trip dun. Kaya kami ayun, nagpahappy happy muna. Naglaro laro dun. Yung bus kasi hindi tulad ng normal na bus. Sa first 2 rows kasi nung upuan eh normal pa. Pero yun sa sumunod eh kakaiba na talaga. Yung sa likod kasing seats e naka-square siya

so harap harap kami habang nakaupo. Astig nga eh.

“Oi guys, laro naman tayo. Nababato na ako eh!”

“anong game naman?”

“Hmmm, truth or dare kaya tayo?”

“Wag yun, pagdating nalang dun. Mahirap gumawa ng dare sa gumagalaw na sasakyan no.”

“So ano na talagA?”

“Hmm, bakit hindi tayo mag killers?”

Killers? Anu na naman kayang laro yan?!

“Oo nga masaya yan! Tara sige!!”

“Teka, anu yung Killers?”

“Killers is a game na mayroong 4 characters. Civilian , Police, Judge at yung killer. Ang main point ng game na ito eh magbubunutan tayo

at kung anong mabunot natin na character eh yun tayo.”

“Ang killer kasi, ang pinakagoal niya sa game ay para patayin yung judge. Yung police naman eh para hulihin yung killer. Yung civilian…

Page 189: The GAME of My Life Story

ah eh…wala lang. Wala siya talagang nagagawa. Napapatay lang ng killer.”

“So ayun, ang killer, kelangan niyang kindatan yung isa sa mga tao tapos nun eh kungwari pag civilian yun, sasabihin niya ‘I’m dead.’ Pag police, pwede niyang hulihin, sasabihin lang niya na ‘caught you’. Pag judge eh ‘i’m dead din’. Pero syempre kelangan hindi

makindatan ang judge.”

“yung police eh pwede lang hulihin ang killer kung siya na yung kinindatan. Yung judge naman pwedeng humuli ng killer kung nakita

niyang may kinindatan siyang iba. Pero pag yung judge na kinindatan, end na yung game. So, gets niyo na ba?”

Oooh! Mukhang interesting.

“Tara game na!”

Sumulat na sila sa maliliit na papel at pinagbunot na kami. Dahil daw 7 kami. Lalagyan daw nila ng joker at 2 pang civilian.

“Teka, ano naman yung joker?”

“Yung joker eh pangloko lang. Pwedeng kumindat kahit na sino. Kung sasabihin mong I’m dead tapos civilian ka, eh sorry nalang. Naloko ka ng joker. Tapos naman pag judge ang kinindatan, tapos

nag-I’m dead ka kelangan lang ng joker na umiling tapos hindi ka na ulit dead. Kahit sino pwedeng ilingan nun joker pero pag civilian ka,

kahit umiling sa yo eh patay ka parin.”

“Ang police eh hindi niya pwedeng hulihin yung joker. Pag sinabi niya na caught you sa joker, kelangan lang ulit umiling. Okay, gets

na ba?”

Tapos ayun nagstart na kami. Grabe nga eh, sobrang tahimik. Nakakakilabot. Nabunot ko pala eh joker. Oooh, masaya to. Tumingin ako sa tao tao. Kindat ako ng kindat. Nag-caught you nga sa akin si Gino pero umiling ako. so alam na nilang joker ako. Hay, where’s the

fun in that? Pero at least, napatay ko si Lia. Mwahahaha!

“Ang daya mo bhes! Kasi naman eh, bakit ba ang dull maging civilian??”

Tawanan lang kami nun at syempre, continue ng game.

“Caught you Lian.”

Napatingin naman ako kay Lian. Siya yung killeR?! Grabe hindi halata!

Page 190: The GAME of My Life Story

“Galing mo dude. Police ka?”

“Nah…judge ako.”

Grabe, ang talas naman ng mata ni Mark! At ang galing ng pasimple ni Lian. So ayun, next round na ulit. Yun lang nilaro namin hanggang

sa makarating kami sa Batangas. Ang saya nga eh, naging judge ako. malas nga lang, napatay ako ni Mark. hmph. Bwisit.

Pagdating naman namin sa may Batangas, diretso kaagad kami dun sa resort na pagtutuluyan namin. Ang ganda nga eh. Dahil daw hindi summer eh walang tao. Parang nakareserve lang yun para sa amin.

Cool.

Magkakaroom lahat ng girls at syempre, yung boys din naman. Saya nga eh, nakabonding pa namin ni Lia yung girlfriend ni Gino na si

Celine. Sobrang bait nga niya eh.  Kwentuhan lang kami nun, chika to the max hanggang sa tawagin na kami kasi kakain na daw.

“Grabe, ang ganda talaga dito.”

Dumiretso na kami sa dining area. Swerte namin talaga, buffet siya tapos kami lang yung nandoon. Kakabusog ng eh.

Pagkatapos naman naming kumain eh nagkayayaan sa beach. May nagsabi kasi sa amin na sa kabilang side daw eh white sand beach.

Kaya ayun, excited kaming pumunta.

Sasakay pa pala kami ng bangka bago dun. Paakyat na sana ako nun ng biglang may dalawang kamay na nakaoffer sa akin. Tumingala

ako at nakita ko sina Mark at Lian.

Parehas kong kinuha yung kamay nila para patas. Kahit na alam ko sa sarili kong mas lamang yung isa. Wait, teka nga! Did I just??

Argh! Whatever! Magsaya ka nalang Kheira.

Medyo matagal din yung pagpunta dun. Syempre kami, tuwang tuwa parin kahit na nakaka 30 minutes na kaming nagbubutas ng

inuupuan namin.

At sa wakas! Nakarating din kami sa beach. Grabe!! White sand na white sand talaga!

Pagkababa palang mula sa bangka eh nagbasaan na kagad yung mga boys. Hay, boys will be boys. Kaso nga lang, biglang may

naramdaman akong malamig sa likod ko.

“ARGH!!! LIAN!!!”

Page 191: The GAME of My Life Story

“Wag kang kj Kheira!

Kj pala ah?

Hinabol ko siya at dumamba ako sa kanya, kaya yun, natumba kaming dalawa sa tubig. Nabasa na siya ng sobra.

“Kj pala ah?”

tawa naman ng tawa yung iba. At ayun din, nakisali na rin sa wrestling match. Nagkaroon pa nga ng chicken fight eh. Kaming 3

nina Lia at Celine. Ang ayos nga eh, nga lang, si Marco hindi sumali kasi hikain daw. Baka biglang atakihin. Kaya si Lia eh buhat buhat

ngayon ni Lian.

And let the games begin!

Page 192: The GAME of My Life Story

“Wahaha! Nakita mo sana yung mukha mo Lia!”

Heto kami ngayon, all covered in sand. Paano ba naman, yung chicken fight namin sa water eh inabot ng wrestling sa sand. Ang

saya nga eh. Si Celine din tawa ng tawa. Si Lia parang nababaliw na.

“Ako? Eh ikaw nga yung mukhang constipated kanina eh!”

“Hahahaha!” grabe, imagine niyo how simple things can really be fun.

“Oi, dun lang kami ah? Magpupulot lang kami ng mga bato. Dito lang kayo ha? Wag kayo aalis!”

Pagkaalis na pagkaalis ng boys eh biglang huminga ng malamim si Lia.

“Finally! Some alone time! Hehe…tara chika tayo to the max.”

Natawa naman kami ni Celine. Sobra kasi kung makachismis tong si Lia eh. Pero at least kung anong sabihin mo sa kanya eh hindi na

lumalabas.

“Umm, Kheira…question lang. Kayo ba ni Mark?”

Namula naman ako dun. Tapos itong si Lia, ano pa bang ginawa kung di tawanan at asarin ako.

“Umm, hindi no!”

“Pero gusto niya!”

I know na she meant it as a joke. Pero ako naman, biglang napaamin ng hindi oras. Kaya ayun, shock na shock si Lia nung makita niyang

hindi ako nagdeny.

“OMG, bhes? Talaga? Grabe I’m so happy for you!”

Napangiti lang kaming tatlo. Nagkuwentuhan kami sa mga love life ek ek. How unusual. Siguro back when I was still the Kheira with the

barrier, I would never have imagined myself  na nakikichika sa kanila. Pero ayun nga, I changed. And I like this “me” better.

“Anong greatest fear niyo?”

Page 193: The GAME of My Life Story

“Ako? yung mawala yung parents ko.”

“Call me OA pero sa akin eh yung mawala si Gino.”

“Aww…you really love him do you?”

tumango siya at kami ni Lia eh napangiti talaga.

“Kaw bhes?.”

“Medyo complicated yun akin. Ewan ko. Greatest fear ko, siguro, as of now. College. Takot na na magtake ng bagong step. Kasi alam

kong wala na kayo sa side ko para magsupport sa akin. I’m afraid to be alone, sa totoo lang. Kaya nga minsan ayokong isipin muna pag sinasabi nila eh graduations, grad ball, prom, alam niyo na. Yung mga nagpapaalala sa akin na this year would be my last to spend

with you guys as my classmates.”

Pagtingin ko sa kanila eh nakita kong umiiyak na silang dalawa.

“Bhes ano ka ba, kahit na magcollege, tayo tayo parin ang barkada! Itatak mo yun sa isip mo!”

At yun, nagkaroon kami ng group hug. At sakto naman, dumating yung mga lalaki.

“Huy Kheira, anong sa kanila? Bakit umiiyak na??”

Natawa naman kami nun. Nagkatinginan at…

“Secret”

Tinaasan lang kami ng kilay nung boys pero dedma lang kami sa kanila syempre. Mga 3 na siguro nung nagsawa na kami at nadecide na bumalik nalang. Pagdating namin dun eh nagpahinga muna kami

sa kanya kanya namin kwarto.

Page 194: The GAME of My Life Story

“Bhes gising, maglalaro na tayo ng truth or dare!”

Pagbukas ko ng mata ko, nakita ko madilim na. Grabe, nakatulog pala ako. anong oras na kaya?

“Ano oras na?”

“9 na.”

Nanlaki yung mata ko. “Ano? Bakit di niyo ako ginising?”

“Ayaw ka niyang pagising eh!”

Napatingin naman ako dun sa gilid ko. Sa kabilang bed eh nakahiga si Mark Fellacio, halatang knock-out. Sobrang himbing ng tulog.

“Siya nagbantay sayo kanina pa.”

Napangiti naman ako.

“Sige bhes, kaw na manggising diyan ok?”

Tumango lang ako sa kanila. Ako naman, may mission. Gisingin ang isang Mark Fellacio.

Okay, tinry ko munang sundutin yung gilid niya, hay…no use.

“Mark…”

Anu ba naman to, sobrang himbing yata matulong ngayon ah! Siguro nga sobrang napagod, eh wala pa naman kaming tulog kahapon.

“MARK..”

Ayaw parin. Hmph.

“MARK!” anu ba yan! With matching palo na nga eh ayaw parin.

Page 195: The GAME of My Life Story

Hmmm…alam ko na!

Pumunta ako sa CR at kinuha yung tabo. Nilagyan ko ng konting tubig, enough lang para mabasa yung mukha niya. Tapos ayun

dinala ko sa loob. Pero pagdating ko eh wala na siya. Nagvanish!?

“BOO!”

“AHHHH!!! BWISIT KA MARK!!!”

Tawa siya ng tawa nun. Walang hiya to!

“At ano naman plano mong gawin diyan? Aber?!!”

Grabe, nakakatawa yung mukha niya. Kung nakita niyo lang! Mukha siyang matandang landlady!

“Para dito!” tapos tinapon ko sa mukha niya yung tubig. Siya naman eh bigla akong hinabol. Mukha nga kaming ewan nun eh kasi naghahabulan kami sa isang square na room. Hahaha, grabe,

nahawa na talaga ako sa pagkaweirdo niya.

Nung napagod na kami eh napahiga kaming dalawa, sidet to side sa kama.

“Ang kulit mo alam mo yun?”

“Yup!”

“Pero ang saya mo kasama.” tapos eh tumingin ako ng diretso sa kanya. Ngumiti ako sa kanya at siya naman eh ngumiti rin pero

naging seryoso din kaagad yung mukha niya.

“bakit? Anong problema?” And to my shock, niyakap niya ako. Real tight.

“Don’t ask why, please just let me do this. While I can...”

Nagulat naman ako sa kanya. While he can? Bakit? Ano bang meron? Sa totoo lang, hindi ko naman siya planong itulak eh. Ewan ko, I really felt comforted dun sa yakap niya. Malas nga lang kasi…

“HOY bakit ba ang tag---”

Nung nakita niya kami eh parang nanlaki yung mata niya. Tapos nun eh bigla siyang tumungo.

“Hinahanap na kayo.”

And then he went outside. Napatingin naman ako kay Mark, nagtaas

Page 196: The GAME of My Life Story

lang siya ng balikat niya, parang sinasabi na hindi rin niya alam.

“tara…”

Lumabas narin kami at andoon nga, kanina pa kami hinihintay nung iba. Pero nung napatingin ako kay Lian, ayun, badtrip parin siya. Ano

bang nangyari?!?

Nagstart na kaming maglaro. Ewan ko, pero wala parin ako sa mood nun. Tumitingin naman ako kay Mark pero parang wala lang sa

kanya yung pagkabadtrip ni Lian. Ako lang ba yung affected?? Teka nga muna..

Bakit ba ako affected in the first place!?

Page 197: The GAME of My Life Story

Chapter 27

Pagkatapos nung game, hindi na ako nakapagpigil. Hinila ko siya sa gilid. Lian, I mean.

“anong problem Lian? Bakit parang kanina ka pang badtrip?”

“Wala.”

“sinong niloko mo? Ano nga yun Lian? You helped me nung nasa St. Claravalle tayo, now it’s my time to help you.”

“Forget it. Hindi mo ako kayang tulungan this time.”

“Try me!”

“Wag ka nalang makulit please Kheira.”

“Why can—”

“cAuse you’re my problem!.”

Napadilat lang ako sa kanya.

“A-anong ibig mong sabihin?”

“Bakit ba Kheira hanggang ngayon eh hindi mo parin magets na gusto nga kita!?”

Tama nga siya, mukhang hindi ko siya matutulungan. I stepped back. Hindi ko alam gagawin ko. I wished so much na sana nasa loob nalang ako. sana hindi nalang ako nagpaiwan. Sana…I never forced

him to talk.

“Just leave.”

As much as I wanted to, hindi ko kaya. Lumapit ako sa kanya tapos niyakap ko siya.

“I’m sorry.”

Alam kong gulat siya. Obvious naman eh. Hindi kasi siya kaagad yumakap. Pero hindi nagtagal, yumakap naman din. Ewan ko, I

guess we stayed like that for minutes.

Humiwalay na ako sa kanya tapos nakita kong hindi parin ganun ka-

Page 198: The GAME of My Life Story

ok siya pero at least eh hindi kasing sad kanina.

“Sige, pasok na ako.”

“Kheira..?”

“bakit?”

“Thanks.”

And for the first time that night, he smiled.

“hoy bruha! Gising! Tanghali na no! sayang yung time!”

“Lia…anong oras na ba!?”

“Ayon sa aking very handy watch…exactly…12 noon!”

Page 199: The GAME of My Life Story

Napamulat naman ako at napatayo ng mabilis. 12 na!?

“What? Bakit hindi niyo ako ginising?!”

“Sila eh, ayaw kang pagising eh. Saka, sabi nila, since 2 naman kayong tulog pa eh maya maya nalang siguro. Pero yung mamaya eh

umabot na nga sa…ngayon. 12 noon.”

“Sino yung isa pang tulog?”

Hmm, tinanong mo pa Kheira, eh duh! Si Lian yan. Siya naman yung kasama mo kagabi eh.

“Si Mark.”

“Huh?”

WhaT?! Bakit siya?!

“Bakit?”

“Sabi kasi sa aking ni Marco luviduds ko eh siya daw ang pinakahuling pumasok dun sa room. Ewan ko.

Hmmm…bakit kaya? Hindi ko na masyadong pinag-isipan yun. Tumayo naman na ako kaagad. Nagutom ako eh.

Pagdating ko dun eh nakasalubong ko si Mark. Ngumiti ako sa kanya pero…hindi siya ngumiti. Nagtuluy tuloy lang siya. Odd. Bakit kaya?

Dahil ba sa puyat? Anyway, kumain na kami nun, pero walang kibuan. Grabe, feeling ko nga eh mabibingi na ako.

“Bakit late ka na nagising?”

Ang sama naman nito, hindi man lang ako tinignan. Ang ouch. Lalo na dito *points at her heart*. Hay, bahala nalang.

“Oi Mark, bakit ba late ka na nagising?”

“Late na ako natulog eh.”

Ang sakit. Obvious, hindi niya ako pinapansin. Impossible naman na hindi niya ako narinig eh ang lakas ng pagkakasabi ko at tahimik

naman kung nasaan kami. Okay Kheira, easy lang. Wag kang magbreak down. Breathe in…breathe out…

Napatayo ako bigla.

“Umm, dun lang ako…papahangin.”

Page 200: The GAME of My Life Story

“Paano yang pagkain mo? Hindi mo pa ginagalaw ah??”

“Hindi ako gutom.”

Sasabat pa sana si Lia pero tinignan ko nalang siya. At ayun, tumahimik nalang. Ako? pumunta dun! Sa malayo. Lumabas muna ako ng resort tapos diretso dun sa malapit na beach. Katapat lang kasi siya ng resort eh. At ayun, dun ako nagmukmok. Ewan ko ba.

Sabi ko na nga ba eh, I shouldn’t have fallen for him. Hay…

Siguro dala narin ng pagiging tulala ko na hindi ko napansin na may tumabi pala sa akin. Nalaman ko nalang nung tinapik niya yung

balikat ko.

“Ayos ka lang ba?”

Umiling ako tapos tinungo ko yung ulo ko. Huminga siya ng malalim at inakbay niya yung kamay niya sa balikat ko. Ewan ko kung anong meron, pero hindi ko malabas yung nararamdaman ko. Gusto kong umiyak pero ayaw lumabas at tumulo nung luha. Ang sakit nga eh.

Sobrang sakit.

“May I know why?”

Tumingin ako sa kanya ulit. Punung puno ng concern yung mata niya. Pero hindi ko feel na sabihin sa kanya. Ayoko. Lalo pa’t sinabi niya sa akin kagabi na…well…alam niyo na. Hindi siya yung tamang

tao para makatulong sa akin.

“Sorry.”

Umiling ako nun. Pero siya, naintindihan niya at ngumiti lang sa akin.

“Tawagin ko si Lia?” At yun, tumango ako. I really needed by best friend ngayon.

Ilang sandali lang eh dumating narin si Lia. Ayun, sinabi ko sa kanya yung naramdaman ko. Pero ang nakakainis dun, hindi ko parin ako maiyak kahit anong gawin ko. Si Lia naman eh sinasabi parati na iiyak ko lang daw yun, ang problema, ayaw lumabas ng luha ko.

Medyo um-ok na yung pakiramdam ko nung medyo hapon na. Naglaro pa nga kami ng beach volleyball eh. Kakampi ko si Lian, at si Celine. Tapos sa kabila naman sina Mark, Gino at Lia. Si Marco ang referee since yun nga, may hika siya at hindi siya pwede sa mga

ganoong laro.

“Okay guys, I want a clean fight!”

Page 201: The GAME of My Life Story

Aba, kinarir ang pagrereferee! Haha, natawa lang kami nun at yun, nagsimula na yung game.

“MinE!”

Ayun, tira doon, tira dito. Spike minsan, serve madalas. Last set na nun, lamang kami ng 1 point. At kami naman eh 1 point nalang

mananalo na. Kaya sobrang karir talaga. As in. wala pa nga nakakascore magmula kanina eh.

“Yours Kheira!”

At syempre ako, takbo doon. Kaso nga lang, hindi ko nakita yung bato dun sa gilid kaya ayun, nadapa ako. sobrang sakit nga eh.

“bhes okay ka lang?!”

“Uhh, ang sakit ng ulo ko. Wait, bakit parang…ang pula niyo yata? Lia?? Bakit may dugo ka??”

nakita ko naman na nanlaki yung mga mata nila.

“Bhes hindi ako ang may dugo! Ikaw! Bhes dumudugo yung ulo mo!”

Narinig ko silang nagpanic dun. Kaya pala sobrang sakit ng ulo ko. Nahilo ako sobra. Hindi  ko na masyadong  naintindihan yung mga

sinasabi nila. Ang last ko nalang na narinig ay…

“Hang on Kheira.”

and then I passed out.

Page 202: The GAME of My Life Story

Pagkagising ko, hindi ko alam kung anong oras na. Puro puti lahat ng nasa paligid ko at pagtingin ko sa tabi ko eh may nurse dun.

“Buti naman at gising ka na. Teka, tatawagin ko mga kaibigan mo.”

Lumabas na sila ulit at ako naman eh naghintay lang dun. Ilang sandali lang eh dumating na kaagad sina Lia. Tumakbo nga kaagad

si Lia eh at ayun yumakap.

“Bhes wag ka ngang mananakot ng ganun! Kala ko mawawala ka na eh!”

Nakita ko siyang umiiyak. Pati nga si Celine eh umiiyak din. Ako naman, napangiti lang.

“Anong oras na?”

“10 ng gabi.”

“Oh, bakit hindi pa kayo matulog? Bukas na yung uwi natin diba??”

Pero napadilat lang sila sa akin.

“Umm, Kheira. Nasa PGH tayo. Wala na tayo sa batangas. And it’s already Sunday.”

Whoa! That means, 3 days na akong tulog??

“Haha, nagjojoke kayo diba?”

Pero umiling lang sila. Oh my gosh.

“Asan sina kuya?”

“Nung Friday pa nakabantay si Kuya Kyle sa iyo. Kanina eh pinauwi na namin siya kasi mukhang kulang sa tulog. Si kuya Kaloy mo naman eh may duty parin. Pero alam na niya ang nangyari.”

Si Kuya Kyle?? Friday pa nagbantay sa akin? Whoa! Anong sakit nun?

“Ahh…”

At ang pinakanakakahiyang bagay na nangyari sa akin, bigla ba naman tumunog yung tiyan ko. At syempre, dahil tahimik lang un.

Rinig na rinig nila. Buti nalang tumawa lang sila.

“bibili lang kami ng food sa baba ah!”

Page 203: The GAME of My Life Story

Umalis naman na sila Lia nun. Pero, nagpaiwan yung isa diyan. Sino kaya yun?

“Musta na pakiramdam mo?”

“Ayos naman.”

Sa totoo lang? Call me corny pero, mas masakit pa yung nararamdaman ko dito *points at her heart* kesa dun sa head injury ko. Hay, pero teka, ang alam ko siya ang last na kumausap sa akin

eh.

Bigla ko naman napansin na nagsnap si Lian sa harap ko.

“B-bakit?”

“Sabi na eh, hindi ka nakikinig. Hehehe.”

“Heheh, sorry. Napaisip lang kasi ako.”

“Ano naman yun?”

“Sino yung bumuhat sa akin?”

“Umm…ako. Ang bigat mo nga eh. Heheh.”

“Wah. Sorry ah ehheheh..”

“Naniwala ka naman na mabigat ka. Joke lan nu! Para ka ngang isang piraso ng papel eh. Kumakain ka pa ba??”

“Sira ka!”

At yun, tinawanan lang niya ako. Maya maya lang eh dumating na sina Lia. Grabe nga eh, ang dami nilang dalang food. Tapos

ineexpect pa nila na kainin ko lahat ng yun?? HA! Bahala sila. Pero syempre, tinulungan din nila akong ubusin yun.

Mga 11 na siguro nung nagpack up na sila. Hindi pa kasi ako makakapasok bukas, sabi ko naman sa kanila na hihiramin ko notes

nila para makahabol ako. At yun, promise nila na every dismissal daw eh dadaan sila sa akin para hindi daw ako mabagot.

Siguro dala narin ng pagkasakit ng ulo ko kaya medyo inaantok na ako nung nakaalis na sila. Pinatay narin nila yung ilaw nun eh kaya

ako, wala nang nagawa kung di pumikit.

Pero saktong pagpikit ko eh biglang bumukas yung pinto. Hindi ko nalang pinansin kasi alam kong nurse lang naman yun. Ang weird

Page 204: The GAME of My Life Story

nga lang kasi hindi niya binukas yung ilaw.

Lumapit siya sa akin tapos umupo dun sa tabi ko. Wait, nurse ba ito?? Tinry ko ibukas konti yung mata ko pero no use, madilim kasi

talaga. Hinawakan niya yung noo ko tapos biglang humalik.

Hmm, baka naman si Kuya to. Tama, si Kuya. Nahihiya siguro na malaman kong may paki kaya ayaw buksan yung ilaw.

Tinanggal na niya yung kamay niya sa noo niya at parang may kinuha. And the next thing I know, may tumutugtog na gitara na. Wait, si Kuya? Marunong mag gitara?!? After a while, he started

singing. At nashock ako.

Wish I could be the oneThe one who could give you loveThe kind of love you really need

Wish I could say to youThat i’ll always stay with you

But baby that’s not me

You need someone Willing to give their heart and soul to you

Promise you forever, Baby that’s something i can’t do

Oh i could say that i’ll be all you needBut that would be a lieI know i’d only hurt you

I know i’d only make you cryI’m not the one you’re needing

I love you, goodbye

I hope someday you can Find some way to understand

I’m only doing this for you

I don’t really wanna goBut deep in my heart i know

 This is the kindest thing to do

You’ll find someone Who’ll be the one that I could never be

Who’ll give you something betterThan the love you’ll find with me

Oh i could say that i’ll be all you need

Page 205: The GAME of My Life Story

But that would be a crimeI know i’d only hurt you

I know i’d only make you cryI’m not the one you’re needing

I love you, goodbye

Leaving someone when you love someoneIs the hardest thing to do

When you love someone as much as i love you

Oh I don’t wanna leave youBaby it tears me up inside

But I’ll never be the one you’re needingI love you, goodbye

Baby, its never ganna work outI love you, goodbye

Binaba niya yung gitara niya at humawak ulit sa noo ko.

“I love you, goodbye Kheira...”

Lumabas na siya nun. Ewan ko kung bakit pero sobrang natamaan ako dun sa song. Ang weird nga eh, bakit parang…parang, he really

meant to say those things to me? And then I realize…for the first time since nung Thursday…

I was crying.

Chapter 28

Monday na ngayon. And still, I can’t get his voice out of my head. Especially yung huli niyang sinabi.

“I love you, goodbye Kheira...”

Ewan ko nga eh. Dapat masaya ako ngayon kasi pwede na na daw akong makauwi. Pero, hindi eh. Sobrang sakit. Lalo na sa puso. Call

me corny pero, yun talaga nararamdaman ko.

“Oi dalian mo naman,”

Page 206: The GAME of My Life Story

Hay, ito talagang si kuya. Siya yung nagpumilit na wag pumasok at para masamahan ako sa bahay tapos yan siya ngayon, sobrang

naiinis. Hmph, if I know, sobrang nag-alala yan sa akin.

“Teka lang po diba, medyo umiikot pa kasi paningin ko.”

Nagulat naman ako at bigla niya akong nilapitan.

“Eh di dapat pala hindi ka muna umalis ngayon.”

“Sabi ko naman medyo lang eh. Sandaling pahinga lang ayos na,”

Nagtaka naman ako sa kanya kasi bigla siyang pumuwesto sa harap ko at yun, tumalikod.

“Anong ginagawa mo?!”

“Sakay na, dali. Bago pa magbago yung isip ko.”

Napangiti naman ako sa kanya. Ayun, sumakay ako sa kanya. Nung mga may nadaanan nga kami eh, kala magsyota kami. Ew, that

would be incest!

“Oi Kheira, hindi ka ba nila pinakain sa Batangas?!? Bakit yung elepante namin eh naging kasing gaan nalang ng langgam?”

“Bahala ka nga kuya.”

Ayun, buhat buhat niya ako hanggang sa makasakay na kami sa jeep. Hindi nga ganoon katraffic kaya mabilis lang kaming

nakarating sa bahay. Siya naman eh pagod na pagod. Paano ba naman kasi, sabi ko na kaya ko nang maglakad ng hindi nahihilo eh

hindi parin ako binababa. Hmph, bahala siya.

“salamat.”

“Salamat ka diyan, may kapalit yun no.”

Natawa lang ako sa kanya. Binuksan ko yung tv tapos siya naman eh tumayo at pumunta sa may kusina.

“Gusto mo kumain?,”

Wah? Si kuya magluluto?!!? Baka mapoison ako!

“M-m-magluluto ka??”

Takot na takot yung expression ko nun kaya siya naman eh tumawa ng malakas.

Page 207: The GAME of My Life Story

“Sira. Iinit ko lang sa microwave yung pagkain.”

whew! Natakot ako dun ah! Dati kasi nung nagluto si Kuya Kyle para sa amin, mga grade 6 yata ako nun, bigla akong nafood poison.

Grabe nga eh, suka ako ng suka noon. Pero mas malala nung first year ako. Nagtimpla lang siya ng juice eh nagkaamoebiasis na ako.

Ewan ko, siguro hindi talaga para sa kanya ang pagluluto.

Pagkatapos namin kumain eh kinuha ko yung phone ko. Sinabihan ko naman sina Lia na nakauwi na ako at ayun, nangamusta lang

silang lahat. Dadaan nga daw sila mamaya dito.

Bigla naman ako nalungkot. Ewan ko, gusto ko sana na sumama si Mark pag bumisita siya eh. Kaso, parang anlabo. Especially after

what happened. Pero, malay mo…hindi naman niya alam na narinig ko eh. Ayos narin yun. Act normal nalang, kahit sobrang sakit na.

“HOY bheS! Alam mo! Buti nalang wala ka kanina kasi sigurado maiinis ka sa nangyari! Paano ba naman kasi…”

Hapon na pala. Kanina eh wala lang ako masyadong ginawa. Nanood lang at natulog. Andito pala silang lahat sa bahay namin ngayon.

Ewan ko, ang weird nga eh, andito siya, pero hindi rin naman namamansin. What’s the point diba? Si Mark pala tinutukoy ko. Sino

pa ba? Alangan naman si Lian. Eh yun nga eh pagkadatin na

Page 208: The GAME of My Life Story

pagkadating palang eh todo na magsalita. Parang itong si Lia. Teka nga ano na bang kinukuwento nito??

“---alam mo yun! Sobrang kapal ng mukha niya! As in! feeling talaga! Sobrang feeling! Kala niya reyna siya! Leche!”

“Teka?? Sino bang tinutukoy mo??”

“sino pa ba? Eh di si Reiya! Ang feeling niya kanina sobra! Paano ba naman kasi, may new kid na pumasok. Oo nga pala, pinabalik na kasi ni tita si Lester sa states kaya ayun, nagdrop. Eh yung new kid, ayun

siya yung pumalit kay Lester.”

“Ganun? Sayang naman. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Lester.”

“Okay lang yun. Pero isipin mo yun! Si Reiya sobrang landi talaga! Wala pa ngang isang minuto eh tinabihan na kaagad. Kasi nga diba vacant yung seat mo at yung kay Lester. So dun sa chair ni Lester

umupo si new kid at si Reiya pumunta dun sa seat mo. Argh!! Kapal ng muks!”

Natatawa na talaga ako kay Lia pero pinigilan ko. Baka ako pa mabugahan niya ng apoy eh.

“So, ano bang pangalan nitong New kid na to??”

“Ang kulit nga ng pangalan niya eh! True name niya is Hansel Cordero pero yung gusto niyang tawag sa kanya eh Sel lang. Para

tuloy babae.”

Hansel? Nice name.

“Ganun? Ano pang ginawa niyo kanina?”

“Ayun si Reiya nga sobrang---”

“Yung hindi concern si Reiya.”

Pero ayun, natahimik siya. Nag-isip isp, lingon dito, tingala, yuko.

“Er? Wala.”

Hahah, si Lia talaga yan. Basta hindi na chika kasama eh minsan wala na siyang pakielam. Weird no? Pero honor parin yan kahit

ganun.

9 pm na. Nauna ng umalis sina Gino at Celine. Hahatid pa daw kasi ni Gino si Celine sa bahay nila eh medyo malayo din. Sumunod naman

eh si Lian, sabay pa nga sila ni Marco.

Page 209: The GAME of My Life Story

Nag-offer si Marco na ihatid si Lia, pero dahil nga sobrang lapit ng bahay niya sa amin, hindi tinanggap ni Lia. Sabi ko naman eh

sasamahan ko siya pag-uwi niya.

At yun nga, ang naiwan eh ako, si Lia at…si Mark.

“Grabe! Kapagod.” Weird talaga. Isipin mo, nagstay pa siya dito pero hindi naman din niya ako kakausapin. Hay, buhay. Kelan ka ba

magiging normal?

“Oh bhes, sige gabi narin…gagawa pa ako assignments.”

“Hatid na kita.”

“Sus! Wag na no! Lapit lapit lang eh. Saka baka mapagod ka lang.”

“Anu ka ba? Hindi yan!”

At yun, pumayag din ang bruha. Sumama pa nga si Mark eh. Hindi man lang nagsabi na sasama. Basta nalang tumayo. Ako naman,

hindi ko nalang kinausap kasi baka mapahiya lang ako tulad ng dati.

“Sige bhes, Mark..ingat!”

Pumasok na siya at ako naman eh tumalikod na at naglakad na pabalik sa bahay. Alam kong sinusundan niya ako kasi rinig ko yung footsteps niya. Hindi ko lang alam kung hanggang saan. Nakakailang

na nga eh. Tapos sobrang tahimik pa. Nakakabingi!

Nung malapit na kami, bigla akong tumigil at humarap sa kanya. Hindi yata siya prepared dun kasi nakayuko siya. Kaya anong

nangyari? Ayun, nagkabungguan kami at ako, natumba. Sakit nga eh, lalo na sa pwet.

Napatingin naman siya agad sa akin. And for the first time sa araw na iyon, kinausap niya ako.

“Sorry.”

Pero yun lang. Wala man lang, okay ka lang? O kaya banggitin man lang name ko. Hay, parang bumabalik na siya sa dati. Ano bang

nangyari? Bakit siya nagkakaganyan?

Hindi ko na siya kinausap nun. Tumango lang ako. Ayokong mapahiya no. Masakit eh. Sobra. Pagdating ko sa bahay eh lumingon

ako ulit sa kanya pero nakatungo lang siya. Pagpasok ko sa bahay eh sumilip ako agad sa bintana at nakita ko, wala na siya.

Umakyat na ako sa taas noon at gumawa narin ng mga assignment.

Page 210: The GAME of My Life Story

Buti nalang wala akong namiss na quiz or seatwork. Nakakainis kasi yung kukuha ka nun sa faculty tapos ikaw lang mag-isa.

Pagtapos ko naman gawin lahat ng kailangan ko eh natulog narin ako.

“Hi Kheira! Ayos na ba pakiramdam mo??”

Kumalat pala sa mga kaklase ko yung nangyari. At syempre, si Lia lang naman ang mabablame ko dun. Madaldal kasi yan eh. Wala

nalang akong magawa kung tumango sa kanila at sabihin na ok lang ako. May mga iba pa nga na gustong ikuwento ko daw kung anong feeling ng may tumutulong dugo sa ulo mo at pumunta na sa mata.

Pero buti nalang at hinila na ako ni Lia.

Pagkaupo ko naman sa seat ko, nakita ko yung sinasabi ni Lia na new kid na si Hansel. Nakalean siya sa desk at mukhang natutulog.

Hmmm, hayaan nalang.

Nagbell na. Pero hindi parin tumatayo itong si Hansel. Tinignan ko naman si Lia at sabi naman niya sa akin eh gisingin ko. Kaya ako,

pinoke ko siya sa may braso.

Okay, hindi parin siya gising.

“Psst *poke*”

Ayaw parin.

“Huy *mas malakas na poke*”

Anak ng pating, mantika naman matulog eh.

“Hansel!”

At yun, nagising din ang loko. Tumingin siya sa akin tapos nagtaas ng kilay. Aba, ang taray.

Page 211: The GAME of My Life Story

“Andiyan na yung teacher.”

Tumingin naman siya sa harap at nakita na niya yung teacher, pero alam niyo kung anong ginawa? Naglean ulit sa desk at natulog. Ang

bait niya no? Not.

Lesson kami nung mga oras na yun. Si Hansel naman, mukhang hindi nakikinig. Ewan ko ba dito, siguro sobrang talino nito. Kasi hindi

naman siya mapupunta sa section 1 kung hindi eh. Pero, hindi halata no?

Napansin naman niya na nakatingin ako sa kanya at tumingin siya sa akin. Kumunot yung noo niya.

“Alam kong gwapo ako Miss, pero you have to know that it’s rude to stare.”

Uh! Ang kapal ng mukha nito!

“Ang hangin. Grabe.”

“Nilalamig ka? Patayin mo yung fan.”

Ugh! First time ko palang siyang nakilala, and I know I’m not going to like him that much. Bwisit.

Hindi ko na siya pinansin nun at tumingin nalang ako sa board. Ang yabang naman pala nito eh. Bagay lang sila ni Reiya.

Nung break namin eh lumapit sa kanya si Reiya. Ang landi nga ng approach. Gets ko na kung bakit asar na asar si Lia kahapon.

“Hi! *with matching beautiful eyes*. Remember me?”

Nakatingin lang ako sa notebook ko nun. Hindi ako nagpuntang locker ngayon kasi nakuha ko na yung gamit ko kanina.

“No.”

At yung expression ni Reiya eh parang naoffend. Pero pinalitan niya kaagad yun ng napakalanding ngiti. I don’t know kung paano niya

nagagawang haluan ng kalandian lahat ng ginagawa niya.

“Okay, ako si Reiya Pastor. Ako yung unang kumausap sa yo kahapon. Remember? ”

Siguro nga may pagkarude talaga itong lalaking to. Kahit si Reiya man yan, as much as I want na mapahiya siya, sobra parin ginawa

niya.

Page 212: The GAME of My Life Story

“I don’t care kung sino ka man so just leave me alone!”

Nashock nga ata siya at ayun, ayaw na niyang mapahiya at kaya lumabas nalang siya. Ako naman, hindi ko alam kung anong

pumasok sa utak ko at pinagtanggol ko siya.

“Alam mo?? You’re so rude! Hindi ka marunong magtrato ng tama sa babae!”

Tinaasan lang niya ako ng kilay tapos tumawa. Conceitedly. Ugh, nakakabadtrip siya!

“Alam mo miss?”

“Kheira.”

“Okay, alam mo Kheira. Kung ako sa iyo, you’d mind your own business. Hindi mo alam, baka masali ka pa sa gulo niyan. Besides, why’d you want to stand up for someone you hate? Ang plastic lang

ng dating nun, if you know what I mean.”

Teka, paano niya nalaman na ayaw ko kay Reiya?

“Pero hindi parin tama yun! I may hate her but she’s still a girl like me! At kaming mga babae, kahit magkakagalit man, we have each

others’ backs. Especially when it comes to rude guys like you!”

“ReallY? Tingin mo that girl would also stand up for you pag ginawa ko sayo yung ginawa ko kanina?”

Napaisip naman ako. Kung sa akin nga niya ginawa yun eh, tiyak na tinawanan lang ako ni Reiya.

“See what I mean?” 

Hindi ko nalang siya pinansin after that. Ewan ko ba, wala pa sigurong 1 minute eh kumukulo na dugo ko pag siya kinakausap ko.

Natapos naman kaagad yung break since mabilis lang talaga. Nung next lesson which is AP, walang ginawa itong si Hansel kung di

mangulit.

Nung una nga eh sobrang nanunusok pero pag titignan ko siya eh sasabihin bigla,

“Ano? Naiinlove ka na naman sakin?”

ugH! So syempre ako, lalayo na ng tingin. Nakakainis naman tong lalaking to! Bwisit! Bakit ba kasi naging katabi ko pa.

Page 213: The GAME of My Life Story

Hanggang sa next subject ganun siya. Minsan pa nga eh kukunin niya yung gamit ko tapos pag sasbaihin ko sa teacher na nawawala eh bigla niyang lalagay sa table ko ng hindi nakikita ng iba. So sa huli, napapagalitan ako kasi nanloloko daw ako. At ako naman,

syempre, napahiya. Nakakainis talaga to. Ang sama sama ng ugali! Leche!

By lunch time, tuwang tuwa ako dahil hindi ko na siya makikita! whew! Buti nalang talaga! Pero palabas na sana ako nung may

marinig ako…

“Miss Aruello, please come back for a second.”

Syempre dahil teacher yung tumawag, ano pa bang magagawa ko kung di lumapit nalang muna.

“yes ma’am?”

“Mr. Cortez, are you sure about your decision?”

Anung decision?

“Yes ma’am.”

“Very well.”

“Ma’am ano pong meron?”

“Well Miss Aruello, it seems as gusto naman ni Mr. Cortez na ikaw nalang so.. ”

Wait…don’t tell me…

“You have to tour Mr. Cortez sa school. That’s all. Don’t worry, I’ll excuse you two from your classes this afternoon. Okay, you two may

go. ”

WHAT!??? Bakit ba ang sama ng mundo sa akin?!?

Paglabas ko naman eh nakita kong humabol sa akin si Hansel. Bwisit na to! Teka…gusto niya na ako nalang?!? Aba!! Nananadya to ah!

“Excuse me Ms. Aruello, pero ang alam ko inassign ka ni Miss na itour ako.”

UGH!!! Calm lang Kheira. Breathe in…breathe out…hoo!

“Hoy! Sige ka, susumbong kita kay Miss para magkaCS ka.”

Page 214: The GAME of My Life Story

ARGH!!!

“Excuse me rin Mr. Cortez! Pero it SEEMS that kaya mo akong napili na magtour sa yo eh to make my life miserable! So congratulations!

You win! I’m so miserable now dahil sa iyo! Kaya pwede ba! Humanap ka nalang ng iba!?!?”

At tignan mo nga naman yung loko! Tawanan daw ba ako! hmmm! Makikita nito!

“Anu ba yan Kheira. Hindi ka pa nga nagsisimula, nag gigive up ka na? Weak.”

“Anong sabi mo??”

“W-E-A-K. Weak.” ARGH!!! I’ll show you!!

Kinuha ko naman yung braso niya at hinila ko siya kung saan saan.

“Teka? Saan mo ko dadalhin?”

“Malaman I totour kita! Weak pala ah!”

“That’s the spirit!”

Tapos nun eh ngumiti siya ng sobrang nakakaloko. Spirit spirit ka diyan.

Sapukin kaya kita?!?

Chapter 29

“Okay, so ito yung guidance office. Kapag new student ka, usually eh---”

“Yah, I know that place. Diyan ako galing kahapon. Next na nga Kheira. You really bore me.”

“As if you don’t do the same to me.”

“Ano yun?”

“Wala, sabi ko tara na.”

Hay, kanina pa tapos yung Lunch, at kanina ko parin siya tinutour sa buong campus. Grabe nga eh. Lahat ba naman ng mga places na

Page 215: The GAME of My Life Story

pinapakita ko eh either sasabihin niya na “alam ko na yan” o di naman “wag na tayo dito, boring eh.” Argh! Kakaskasin ko na mukha

nito sa bato eh! Nakakainis na talaga.

Dumiretso na kami nun sa ballet room at syempre, inexplain ko siya.

“Let me guess? This is where they do ballet?”

Napangiti ako. Ha! Mali ka!

“Not quite. Wala kaming ballet club. Ewan ko nga kung para saan pa tong room na ito eh wala naman gumagamit kung di yung banda

namin for practices.”

“you’re in a band?”

Ugh, ang daldal mo Kheira.

“Err, yeah.”

“Hmmm, ano ka naman dun? Hmm, let me guess…tagaligpit?”

Grr, ang yabang nito!

“Actually, I’m the vocalist.”

“Whoa, talaga? Hindi kaya bumagyo nun?”

“Alam mo? Ang sama sama mo! Wala naman akong ginagawa sa iyo! Hmph!”

Naglakad na ako nun. Ang bilis nga eh. Grabe! Nakakainis siya sobra. Gusto ko siyang tirisin! Wala naman akong ginagawa sa

kanya pero siya eh parati niya akong iniinis at pinapahiya. Ugh! I hate him!

Nung narealize ko na ang layo ko na pala sa ballet room, tumigil ako. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko hindi pala niya ako sinundan.

Ugh! Kelangan ko na naman bumalik niyan! Bwisit.

Ayun so pagbalik ko eh may narinig akong tumutugtog. Akala ko si Mark. Pagkasilip ko sa pintuan eh si Hansel pala. Whoa, marunong

siya?

Pumasok ako at napatingala naman siya. Nagtuluy tuloy siyang tumugtog at ako naman eh lumapit lang. Tinignan ko yung piece na

tinutugtog niya. AT nagulat ako sobra.

Ito yung kantang tinugtog ni Mark sa hospital. Naramdaman ko na naiiyak ako pero pinigilan ko. Kung iiyak man ako, mamaya nalang.

Page 216: The GAME of My Life Story

Ayokong sa harap ng lalaking to. Baka asarin pa ako eh.

Tumigil siya sa pagtugtog.

“Kanta ka nga.”

“ayoko, baka bumagyo eh.”

“Ikaw naman. Alam mo? You have to learn na kapag inaasar ka ng isang tao at alam mong hindi totoo yun, you have to prove it. Kaya

ka nagiging weak eh. Nagpapatalo ka.”

Huh? Si Mr. Cortez? Binibigyan ako ng advice?? Wah! Guguho na mundo!

“I’m not weak.”

“Really? Then prove it.”

One thing you should know about me, hindi ako umuurong sa mga challenges. Humanap ako ng pwede kong makanta. Magiging weird sigurong pakinggan kasi halos lahat ng piece dito eh may kasamang drums. Pero ayos lang. Bahala na. Binigay ko naman sa kanya yung

napili ko at ayun nagstart na siya.

Buti pala dalawa yung kopya.

Nahihirapan na ang aking isipNauubusan na ng sasabihin sa iyo..

Nanlalamig na ba ang pag-ibig mo sa ‘kin..giliw?

Ewan ko ha. Pero kahit na gitara lang yung meron, ang ganda parin nung tunog. Magaling pala to. Hindi ko naimagine. Masyado ko yata

siya minaliit.

Verse 2:

Nalilito ako, nais kong sagipin ang atingNalulunod na pag-ibig

Nguni’t handa akong palayain ka

Kung ito ang ‘yong hilingGaano man kasakit sa akin

Ibibigay sa yoAng tanging pakiusap langWag mo akong kalimutan..

Page 217: The GAME of My Life Story

Refrain:Kay rami nang nagdaan

Na pagsubok sa ting pag-ibigKakayanin pa kayang mabawi pa

Ang mga nasabi nang masasakit na salita..Oohh…

Grabe, ang galing niya talaga. Kuhang kuha niya yung solo.

Kung ito ang yong hilingGaano man kasakit sa akin..

Ibibigay sa yo..

Nanlalamig na bang pag-ibig mo?Nanlalamig na bang pag-ibig mo? Nanlalamig na bang pag-ibig mo? Nanlalamig na bang pag-ibig mo?

(ooh..)

Nung natapos eh napanganga ako sa kanya at ngumiti.

“Wow, magaling ka pala.”

“Ikaw din. Mapagtiyatiyagaan na.”

At yun naman, pinalo ko lang siya. Palabas kami ng ballet room nun nung makita kong may nanood pala sa amin. Si Mark.

Lalabas na sana kami pero andun siya at nakaharang. Hindi ko naman siya makausap kasi baka hindi ako pansinin.

“Pwedeng lumabas?”

Tapos tumingin lang si Mark kay Hansel.

“Sorry, hindi mo yata ako narinig...”

Oh no! Hansel wag mong gawin yan!

“PWEDENG LUMABAS?”

Loko talaga tong lalaking to. Biruin mo, lumapit kay Mark at nilakasan ng sobra yung boses. Si Mark naman, cool lang. Tinignan

lang niya si Hansel. Kaso nga lang, yung tingin niya eh parang makakapatay na.

“Members lang ng OSR ang pwede dito.”

“OS—what? Ano yun?”

Page 218: The GAME of My Life Story

Tumingin naman siya sa akin.

“Our sassy romance. Name ng band namin.”

“Ohh..okay…”

“Bakit ka nandito? Last time I checked hindi ka namin kasama sa banda.”

Wow, ang rude naman nitong si Mark. bago pa lang naman si Hansel eh, hindi na pagbigyan. Saka, kelan pa nabuo yung rule na yun? Eh

si Lia nga eh nakakatambay dito.

“Pagbig—” pero pinutol ako ni Hansel.

“Oo nga. Hindi nga ako kasali. Pero wala rin naman kasing nakapost dito na OSR members only. Kaya paano ko malalaman? And I doubt na alam naman ni Kheira yun kasi kung alam niya eh hindi niya ako

dadalhin dito. Di ba?”

Tumingin lang ako sa kanya at tumango. Grabe, ayoko na dito.

“Saka, paano naman kami aalis? Eh nakaharang ka sa daan.”

May point siya. Si Mark naman eh hindi na nagpahalata na napahiya. Pero ayun, umalis na siya. Pero not until…

“Sa susunod, wag kang basta basta nagdadala ng kasama sa room na iyan. At ayokong ginagamit ng iba yung gitara ko ng walang

paalam.” 

At yun, umalis na siya. Napayuko lang ako nun. Hay, bakit ba ang laki ng galit niya sa akin?

“Mayabang siya ah. Feel naman niya may interes ako sa gitara niya. Tara na nga.”

Hindi ko nalang siya inimik. Hay, bakit ba ganito? Kakausapin nga niya ako pero ganyan naman siya. Parang galit. Sana hindi nalang niya ako kinausap kung ganoon din naman pala yung pagtrato niya

sa akin. Bad trip.

Next stop namin ni Hansel eh yung sa 2nd floor gym. Free period na pala nun kaya andoon na yung mga players, pati…siya.

“Kheira!”

Napalingon ako. si Lian pala. Buti pa siya, matino.

“Uy, pasabi naman kay coach na hindi ako makakasama ngayon. May

Page 219: The GAME of My Life Story

tinutour kasi ako.”

“alam na niya!”

“Oh? Buti naman sinabihan siya ni miss Roxas.”

“Miss Roxas?! Hindi! Si Mark yung nagsabi sa kanya.”

“Oh. Okay. Nga pala Lian, ito si Hansel. Hansel, Lian.”

“Kilala ko na siya.”

Nakipagkamay naman si Hansel sa kanya. At yun, umalis narin kami kaagad kasi dito sa court, bawal na talaga yung hindi part ng team

pag time ng practice.

“Huy, hindi ka pa ba pagod?”

“Hindi pa eh. Bakit? Pagod ka na?”

Sino ba namang hindi mapapagod? Eh kanina pa kami akyat baba mula 4th floor hanggang 1st floor. Ewan ko ba sa taong to. Ang weird kasi eh. Kesa tuluy tuloy sa isang floor, mas gusto niyang

unahin yung sa kabila. Ugh.

“Sinong hindi mapapagod dun eh kanina pa tayo akyat baba mula 4th floor!”

Tinawanan lang niya ako. Bwisit na to.

“sige na nga, pahinga na muna tayo.”

Page 220: The GAME of My Life Story

Umupo ako dun sa isang side ng hallway tapos siya naman sa opposite ko.

“Hay, ang saya.”

“Saya ka diyan! Nakakapagod nga eh!”

“I mean yung araw na to. Hehe, you’re a great tour guide Miss Aruello.”

“Why, thank you Mr. Cortez.”

“And a great singer.”

Napatingin naman ako sa kanya. Siya eh nakangiti lang habang nakapikit. Hmmm, okay naman pala siya eh. Basta ba hindi niya

masyadong binubuksan yung bunganga niya’t magsabi ng masama.

“Ikaw naman ang pinakamahirap na I-tour sa buong campus!”

Tinawanan niya ako. Pero nakapikit parin siya. Kaya ako, napapikit din.

“Pero honestly? I had fun.”

Pagkadilat ko eh nakita ko siyang nakatingin na sa akin. Ewan ko pero parang may kakaiba dun sa tingin niya.

“Good.”

At yun, ngumiti kami pareho sa isa’t isa. Well would you look at that? May pag-asa palang maging friends kami eh. Basta ba hindi

niya ako kinukulit eh.

Page 221: The GAME of My Life Story

“Oi, may ballpen ka ba diyan? Naubos yung akin eh.”

Monday na ulit ngayon. Wala na masyadong nangyari last week kung di puro lesson at quiz lang. At sa mga oras na ito eh nakasettle narin

itong si Hansel. Friends na nga kami eh. Pero minsan lang. Hahah.

“Meron, kaso nga lang blue.”

“Ayos lang, basta sumusulat.”

Hmm ano kaya magiging reaction nito kung…

“Nyak! Palit nalang tayo! Ayoko nito!”

“Bakit naman? Ikaw na nga tong nanghihiram eh ikaw pa itong magrereklamo!”

“Ano ba! Sige na palit na tayo! Nakakahiya eh.”

“Bakit ba? Ano bang masama diyan?”

“Ano ka ba? Ako?? Sa gwapo kong ito? Hahawak ng barbie na ballpen?? Gusto mong pagkamalan akong bakla??”

“Eh di sabihin mo akin yan.”

“Sus! Hindi parin sila maniniwala no! sasabihin excuse ko lang yun, bwisit naman oh. Please?!?”

Hay, fine! Nagsabi naman siya ng please eh.

“Oh eto na nga.”

“Ano ba yan, meron ka pa pala isa pang extra na matino eh. sus.”

Natawa naman ako sa kanya. Can he blame me? Gusto ko kasi malaman kung ano magiging reaction niya kung ballpen na barbie

yung papahiram ko eh. At syempre, masaya ako kasi nalaman ko rin.

Page 222: The GAME of My Life Story

Ang arte naman nitong lalaking to.

Nagbell na, wee! Lunch break na! Grabe, hindi parin ako makapaniwala na October na. Tapos in 3 weeks eh sem break na!

Whoa, ang bilis naman yata ng panahon!

“Bhes tara.”

“Oo wait.”

Inayos ko muna syempre yun gamit ko no. Naiirita kasi ako pag nakikita kong magulo eh. Kaya ayun, umandar na naman ang pagka

OC ko. Hay, bahala na.

“Oist.”

Bahala ka sa buhay mo. Hindi oist pangalan ko.

“Huy!”

Whatever Hansel.

“Pretty Lady!”

hUH??! Napatingin naman ako sa kanya ng masama.

“Ano? Feel mo naman ikaw tinatawag ko?”

UGH!!! Nakakahiya!! Bwisit to. Tumalikod nalang ulit ako tapos nun eh binilisan ko na ang pag-aayos. Ayoko na dito! Bwisit naman na

Hansel yan oh!

“Hoy Kheira joke lang naman! Ito oh! Masyado!”

“Bahala ka sa buhay mo Hansel!”

Tuluy tuloy parin ako pero nahabol niya ako. Ang bilis ba naman maglakad eh.

“Joke nga lang Kheira eh. peace na tayo.”

“Bahala ka.”

“Ay, pikon.”

“HINDI AKO PIKON!”

“Oh? Eh bakit ka galit?”

“Hindi ako galit!”

Page 223: The GAME of My Life Story

“Bakit ka nasigaw?!”

UGH!!! Ang kulit ng lahi nito!

“alam mo hansel? Ang kulit ng lahi mo!”

“Ano? Ang cute namin? Wow! Thank You Kheira!”

UGH!!!!

“Hoy san ka pupunta Kheira?”

“Somewhere far from you!”

“Wushu, taray nito. Peace na nga tayo eh.”

“Ang kulit mo Hansel! Bahala ka nga!”

“Wait lang!”

“Ano!?”

“Sama ako sayo.”

“Hindi pwede, bawal makukulit na taong nagngangalang Hansel dun.”

“Haha, oo na. Dali na. Please?”

Talaga namang hindi pwede eh. Gusto ba niyang magrambulan sila ni Mark dun??

“hindi talaga pwede.”

“Bakit?”

“Kasi andoon si Mark!”

“Yun? Sus, hindi naman ako makikipag-away dun eh. Ang pikon, laging talo.”

Hmph. Nakakainis naman to oh.

“Dali na. Magpapakagood boy ako promise.”

Ugh…ewan ko kung bakit ko ginagawa to pero…

“FINE!”

Page 224: The GAME of My Life Story

Sinama ko naman nga siya dun sa table namin. Nagulat nga sila eh pero syempre, dahil friendly naman sila, winelcome nila si Hansel.

“See? I told you good boy ako.” 

“Bahala ka sa buhay mo.”

“Uyy! Kayo ah! Anong pinagbubulungan niyo?”

“Wala, sinasabi ko lang kay Kheira na pangit tignan ang babae ang nagyaya makipagdate.”

WHAT?!?! Bwisit na to!

“Kapal mo Hansel!”

Nang-asar naman yung iba nun. Nung tinignan ko naman si Mark, hay, what do you expect Kheira? Wala naman siyang paki. Bakit

ganoon? He can make a girl feel special pero…

He can also take it all back just like that.

Chapter 30

Natapos na ang lunch. Hindi man lang nagsalita itong si Mark. Grabe, ayoko na ng ganito. Bakit ganoon? Did he really mean to say

goodbye? Ang unfair naman niya. Sobra siya kung makalaro ng feelings ng tao.

Mag-iilang weeks narin sigurong ganoon si Mark. Lahat na nga eh napapansin na. Sinusubukan naman nilang kausapin pero ayun, wala

parin. Tumatango at umiiling lang siya. Ang weird talaga. Sobrang weird.

Oo nga pala, Friday na ngayon. At next week eh sem break na namin. Ang saya nga eh. kaso nga lang, nagpabaon pa yung mga

teachers ng assignment. Hay, KJ talaga. Hahah joke!

“All 4th year students, please proceed to the auditorium for a batch meeting. Thank you.”

At syempre, masaya kami kasi nacut yung class. Buti nalang! Ang boring kasi eh. Pagdating naman namin dun eh nakatayo sa stage

yung vice principal at yung student council president namin.

“guys settle down”

Page 225: The GAME of My Life Story

Tumahimik naman kami kaagad. At yun, nagsimula na siyang magsalita.

“Guys so may nagsuggest kasi sa akin na why don’t we try something new this sem break. Kasi nga diba, last year narin natin

dito sa school so it would be better kung magiging time rin yun para magbonding tayo. ”

Ano na naman kaya ito? Mukhang interesting ah. Hmm ano---aray!

Tumingin ako sa gilid ko at ito na naman si Hansel, nanusok. Bwisit na to. At anong ginawa ko? Kinurot ko siya.

“AH!!”

Napatayo pa nga siya eh. Tapos ako nagpipigil ng tawa.

“Yes Mr. Cortez?”

“Continue mo na! Excited na akong malaman.”

Tapos tumango lang yung sc president. Si Hansel naman eh ang sama ng tingin sa akin kaya yun, nagbelat ako sa kanya. Haha! 1 all

na kami.

“Paano ba yan Hansel? Pantay na tayo. Pareho na tayong 1 all.”

Ngumiti lang naman siya tapos bumulong din.

“Don’t worry, makakaganti din ako. ”

Tapos nun eh nagwink siya. Hmph, bahala ka.

“Okay so ang plano namin eh, magkaroon ng trip for all the 4th year students for 3 days sa Baguio. Para lang magkaroon ng bonding

yung students.”

Ooh, ayos yun ah!

“AW!!”

Nagkatinginan lahat ng tao sa akin. Ako naman eh dahil sa ayaw kong mapahiya, eh…

“Ang ganda ng idea niyo! Grabe!”

At yun umupo na ako pero yung president eh nagduda na kung anong meron. Biruin niyo itong si Hansel, tama bang tusukin ako ng

safety pin?? Bwisit to.

Page 226: The GAME of My Life Story

Tinignan ko naman yung tusok niya. Grabe, nagdugo! WaaaH!

“2-1. ”

“Ang sama mo Hansel, tignan mo nga oh…nagdugo tuloy.”

Tinignan naman niya tapos kumunot yung noo niya.Kumuha siya ng panyo tapos pinunasan niya. Hay, ang sakit.

Nakakinis.

“Sorry.. ”

Whoa! First time! Si Mr. Hansel Cortez eh nagsorry sa akin?? It’s a miracle!

Napadilat naman lang ako sa kanya. Pero siya eh nakinig na dun sa president.

“Hindi naman required na pumunta; lahat lang ng pwede…oo nga pala, may fee yun. 500 each kasi maganda yung place na nahanap

namin. Libre na yung food kasi dun.”

500!? Naman. Hindi kaya. Hay, kawawa ka naman Kheira hindi ka makakasama. Ayos lang yan. At least sure ka na na hindi mo

makikita si Hansel sa sem break. Tama, ayos nga yun.

Nagdaldalan na yung iba tungkol dun. Halatang excited. Sabi pa ng president eh iforward nalang lahat ng bayaw sa adviser. Hay.

Kawawa ka naman Kheira. Ikaw lang yata ang hindi makakapunta sa class niyo. Naku, baka asarin pa ako ni Reiya niyan. Palibhasa kasi

siya mayaman eh. Hay…

“Oi, bakit hindi ka nagsisign up?”

Sasagot na sana ako pero…

“Hindi kasi nila afford eh. Alam niyo na, pagsumama siya dito eh baka hindi pa sila makakain ng isang linggo. O baka isang buwan?”

Grabe, nainis talaga ako nun. Pero syempre, dapat calm lang. Hindi dapat ako magpababa sa level niya. Easy lang Kheira.

“Ang bobobo naman kasi ng mga kapatid niya eh. Nasa harap na ang tulong, tinanggihan pa. Hmm, no wonder bobo rin yung bunso”

At hindi na ako nakapagpigil. Sinampal ko siya ng malakas.

“Laitin mo na ako Reiya, pero wag na wag mong idadamay ang mga kapatid ko.”

Page 227: The GAME of My Life Story

At pagkatapos nun, tumakbo na ako paalis. Gustung gusto kong umiyak. Pero parang ayaw lumabas ng mga luha. Nakarating ako dun sa playground sa school at umupo sa may swing. Nakakainis

talaga siya! Akala niya kung sino siya!

May naramdaman akong tumabi sa akin tapos hinawakan yung braso ko pero hindi ko tinignan. Wala ako sa mood makipag-usap noon.

“Wag mo nalang siyang pakinggan.”

Napatingala ako, si…si Mark. pagkatingin ko sa kanya eh bigla niyang nilagay yung kamay niya sa mukha ko. Saka ko lang

napansin…umiiyak na ako.

“Ang unfair niya Mark! Bakit ganoon!? Sana ako nalang yung pinagsabihan niya ng masama! Sana ako nalang yung sinabihan niyang bobo! Sana hindi na niya dinamay yung mga kapatid ko.”

By this time, parang lahat ng luha na naitago ko eh nalabas ko na. Ewan ko, nagulat nga ako eh nung yumakap sa akin si Mark. There’s something about him na kahit anong gawin ko eh napapaiyak ako. Pag siya yung nagcocomfort sa akin eh gumiginhawa talaga yung

pakiramdam ko.

“Mark?”

“Shh…saka nalang.”

Tumango naman ako sa kanya. Pinikit ko yung mata ko, pagod na pagod na ako. Sana…maging maayos na ang lahat…

Page 228: The GAME of My Life Story

“Don’t worry Kheira, feeling ko after niyang mapahiya eh hindi ka na niya pa makakayang asarin pa.”

Nakabalik na kami ni Mark sa classroom. Sina Lia na nga lang yung natitira dun eh. Yung iba nakauwi na.

“Mapahiya?”

“Ewan ko, basta may sinabi si Hansel tapos ayun, sobrang napahiya siya.” Mabuting kaibigan din naman pala si Hansel eh. Napatingin pa

nga ako sa kanya at nginitian ko lang siya.

Nakita kong lumipat yung tingin ni Lia sa kamay namin ni Mark.

“Uy!! Kayo ah! May paholding hands pa kayong nalalaman ah!”

Namula naman ako at hinila ko na yung kamay ko.

“Ewan ko sa yo Lia.”

“Nagbublush oh!”

Hay, nahawa narin pati si Celine kay Lia. Kawawa naman. Medyo nagkulitan pa kami muna tapos nun eh nagkayayaan nang umuwi.

“Teka bhes, ibig sabihin hindi ka sasama?”

“Oo. At no Lia, wag ka nang magpaiwan dahil alam ko naman gusto mo yan eh. Ayus na yun, bonding narin kasama sina kuya.”

Page 229: The GAME of My Life Story

Bonding? HA, talaga lang. Hindi naman na humirit si Lia nun, hinayaan nalang.

Nung papauwi eh hinatid ako ni Mark sa bahay. Pero hindi kaagad siya umalis. Sinamahan niya muna ako saglit.

“Wag mo nang isipin yun ha?”

Ako naman eh tumango lang at ngumiti. Hindi ko na alam kung anong meron sa amin ni Mark, pero masaya ako dahil nag-uusap na ulit kami. Hindi ko mapagkakaila na andiyan parin yung takot ko.

Syempre, ayokong maulit yung nangyari nung 2nd year, hay…bahala nalang. Hayaan nalang natin ang Fate na magdecide sa bagay na

yan.

“Kheira! Aalis na kami ni Kuya Kaloy!”

“Okay!”

Monday na ngayon. Ngayon yung alis ng 4th year para sa trip sa Baguio. Hindi ko naman masabi na hindi ako naiinggit kasi hindi

naman yun totoo. Hay, di bale…sa susunod, makakasama rin ako.

Page 230: The GAME of My Life Story

Nung weekend eh ginawa ko na kaagad yung mga assignment ko para wala na akong poproblemahin. Hindi rin naman kasi ako mahilig magcram eh. Kaya ayun, pagkatapos kong gawin yung mga yun eh

ginawa ko naman yung mga chores ko sa bahay. Naglaba, naglinis at kung anu-ano pa.

“Kheira!”

Hay naku! Siguro si kuya na naman to at may naiwan na gamit! Naku, napakaburara kasi eh! hindi muna inaayos lahat. Kakainis.

Lumabas naman ako kaagad at dirediretso sa pagbukas ng gate. Napanganga ako nung makita na hindi pala si kuya yun. Kung di si…

“HANSEL?!?!? ANONG GINAGAWA MO DITO!??”

“Well, hello to you too!”

“A-akala ko nasa…nasa trip ka!?”

Ano ba naman yan! Ang saya saya ko pa naman na hindi ko to makikita tapos ngayon…wait…teka nga…paano niya?

“PAANO MO NALAMAN KUNG SAAN AKO NAKATIRA?!?? STALKER KA NO?!?!”

“Sus! Wag kang masyado. Dali, may dala akong food oh!”Tapos tinaas niya yung plastic na dinala niya at inakbayan ako.

“Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko.”

Page 231: The GAME of My Life Story

“Sa loob nalang. Ang init init dito eh!”

Pumasok naman na kami sa loob. Actually, hinila lang niya ako. At ayun, pagpasok na pagpasok eh diretso kaagad siya sa may kainan namin at binaba yung plastic niya. Infairness ang dami niyang dala.

Anu ba to? Magpipicnic?!

“Teka nga! Bakit ka ba andito!?”

“Since alam mo naman, sobrang bait ko, naisip kong bisitahin ka kasi alam ko namang nababato ka na dito.”

“Wait, eh pano yung trip sa Baguio??”

“Sino ba nagsabi na nag-sign up ako dun? Eh tinignan ko lang naman kung andoon ka eh!”

“Huh!?”

“Hindi kasi magiging masaya araw ko dun kung wala akong naasar no.”

Ugh! Bwisit na to!

“Pero…ano naman gagawin mo dito!?”

“Hmmm, di ko alam. May dvd player ba kayo diyan?”

“Meron. Bakit? Ano kala mo ganun kami kahirap!?”

“Ops, wala akong sinabi.”

Ang sarap nitong tirisin!!!

“Ayun nalang, food trip tayo at syempre, movie marathon. Ano?!”

“Ewan ko sayo!”

Ako naman eh umupo lang dun sa may sofa at tinignan siya. Walang hiya to, parang kung sinong critic na nangrarate ng bahay.

“Hoy, alam kong hindi kasing laki ng bahay namin yung mansyon niyo.”

Napangiti naman siya. Pero nahalata ko naman na medyo malungkot  yung mata niya. Hmm, bakit kaya?

“I like your house better. Madali kayong magkakitaan.”

Page 232: The GAME of My Life Story

“Fine sige, laitin mo pa!”

“Hindi ko sinasabing masama yun. Mas gusto ko nga dito eh. Kasi naman sa bahay namin, bihira ko nalang makita parents ko tapos

mahirap pa makasalubong.”

Nanlaki mata ko. Tignan mo nga naman, hindi lang pala puro biro ang meron sa buhay ni Hansel.

“Exchange kaya tayo ng bahay?”

“Nababaliw ka na ba?!?”

At yun, tumawa lang siya.

“San kwarto mo?”

“At bakit ko naman sasabihin sa iyo?? Hoy! San ka pupunta! Hoy wag ka diyan! May mumu diyan!”

Grabe naman to! Nakakinis. Mangraraid ng bahay tapos, ugh!! Bumaba naman siya kaagad at yun, naka arms crossed.

“May tao sa labas.”

At ako naman, syempre lumabas. Malay mo sina kuya na yun! Tamang tama! Para palayasin na itong si Hansel! Mwahahaha!

Paglabas ko naman eh nanlaki mata ko.

“Hi Kheira.”

“Mark! a-anong ginagawa mo dito?”

“hindi kasi ako sumama sa trip kasi alam kong wala kang kasama.”

Okay, pareho ba mag-isip tong mga kumag na ‘to!?!?

Napatingin naman si Mark sa may pintuan at nakita niyang nakalean si Hansel.

“May bisita ka pala Kheira.”

“Hello Mr. Fellacio.”

“bakit siya nandito?”

“Ewan ko sa inyo! Pareho kayong darating sa bahay ko at mag-iingay! Bahala nga kayo.”

Page 233: The GAME of My Life Story

Tapos pumasok na ako. alam ko namang sumunod na yung dalawa. Inaayos ko yung dala ni Hansel kanina tapos biglang lumapit si Mark na may dala rin. Grabe naman tong mga to! May plano yata akong

patabain!

Pagkatapos nun eh lumapit naman siya kay Hansel. Ako eh, syempre, nakinig lang sa pinag-uusapan nila at kunwaring nag-

aayos.

“Anong ginagawa mo dito??”

“Hmm, the same reason kung bakit andito ka rin.”

Bakit nga ba!?

“Don’t tell me na…may gusto ka rin sa kanya???”

At syempre to my clumsiness, nahulog ko yung isang bote ng coke na babasagin. Nagmadali naman ako kaagad na---teka…

ANONG SINABI NI MARK!?!!?

Page 234: The GAME of My Life Story

Chapter 31

“ouch!”

Lumapit sila sa akin tapos sabay nilang kinuha yung kamay ko. Teka nga, baka yung sugat ko eh mauwi sa bali na buto.

“Ayos lang ako.” tapos hinila ko yung kamay ko.

“Saan first aid kit niyo?”

“Sa may CR, ako na kuku---”

Pero hindi na niya ako pinakinggan. Dumiretso nalang siya dun sa CR namin sa baba at yun, pagbalik niya eh dala dala na niya yung

first aid kit.

“Ang clumsy mo pala.”

Dumaan siya sa harap ko tapos kinuha yung walis. Pinunasan niya muna yung basa dun at syempre, winalis na yung bubog.

“Akin na kamay mo.”

Hindi na naman ako nakipagtalo sa kanya. Nilinis niya yung sugat ko tapos nilagyan ng betadine at syempre, band-aid.

Nung natapos na ang lahat lahat, sabay silang nagkatinginan sa akin at..

“So, ano na gagawin natin ngayon?”  

Napatingin lang ako sa kanila.

“Nood ng dvd?”

At yun, tumango yung dalawa.

“ Ako na maghahanda ng makakain,”

Page 235: The GAME of My Life Story

“Ako na sa inumin.”

“Ikaw na sa dvd”

Anu ba yan, talaga bang coincidence lang pagkakasabay nila!?

Tumango lang ako at nagpunta na dun sa may tv namin. Sila naman eh ginawa na yung sinabi nila. Hay, ang dami rin pala nilang dvd na dala. Ang galing din mag-isip nitong dalawang to eh. Biruin mo, may

dalang food at drinks, tapos dvd. Whoa.

Page 236: The GAME of My Life Story

“Wag kang papasok diyan!”

Grabe, mukha na akong tungaw dun kasi kinakausap ko eh nasa loob ng tv.

“Ano ka ba! Hindi ka maririnig niyan.”

Tinawanan naman nila akong dalawa.

“whatever!”

Ayun, kanina pa kami nanonood ng mga movies dito. From funny to suspense to drama (astig nga eh pumayag pa) at syempre, horror. Current movie? The grudge! Grabe nga eh, sobrang nakakagulat.

“Waaah!!”

“Grabe ka Kheira, kung sumigaw ka eh parang wala nang bukas.”

Hmph! Bahala silang tawanan ako. Ewan ko sa kanila. Kasi naman eh, nakakatakot naman talaga eh. Actually, sobrang nakakagulat

siya.

“Saka hindi naman yan magkakatotoo eh. Anong iniisip mo biglang bubukas yung front door?”

Tinawanan ulit nila ako pero…

“AHHHHH!”

This time, turn ko naman tumawa. Paano ba kasi, bigla ngang bumukas yung front door. Sina Kuya andiyan na.

“hahahaha!!!”

“Hoy Kheira, anong ginawa mo diyan sa dalawang yan?”

“Ahahahah! Grabe! Nakita niyo sana mukha niyo!! Hahaha!”

Tinignan lang naman nila ako ng masama at ako eh lumapit na sa aking 2 dearest kuya. Sinabi ko sa kanila kung bakit andito yung 2

kolokoy na yun at yun, ayos lang sa kanila.

Umakyat na sila nun at ako naman eh bumalik sa pagkakaupo ko dun sa may carpet.

“Grabe kayo…hahaha, ang lakas niyo rin palang sumigaw.”

Page 237: The GAME of My Life Story

“Not funny!”

Pero hindi parin ako makatigil sa kakatawa. Paano ba naman, grabe talaga eh. Mukha silang bading nung sumigaw sila. As in!

“Fine, at least ako sigaw…siya tili.”

Tumingin naman si Hansel sa kanya ng masama. At yun pinalo ng unan. And the next thing I know, napagitna ako sa isang

napakatagal na pillow fight.

“Thanks sa inyo ah…”

“For whaT?”

“Wala lang…ang saya ko kasi ngayon.”

“Ang drama nito oh!”

“hAhah, basta…salamat.”

“No problem!”

Nagkuwentuhan naman kami nung tinamad na kaming manood ng dvd. Wala na rin kasi kami masyadong mahanap na mapapanood.

Yung iba kasing tapes na dala nila eh magkakapareho. Galing no? if I know, nag-usap tong dalawang to eh.

“Kayo ngang dalawa, turuan niyo naman ako mag gitara…”

“Bakit naman?”

“wala lang, kasi eh pag ikaw na yung kakanta ako eh nakatunganga lang doon.”

Page 238: The GAME of My Life Story

“Sus”

Nagkatinginan naman silang dalawa. Minsan hindi ko maisip kung magkaaway ba talaga sila o ano eh. hindi naman kasi halata eh. Para

nga silang magbest friends eh.

“Magstick ka nalang sa pagkanta.”

“Oo nga.”

“Hay, if I know ayaw niyo lang akong turuan eh kasi tinatamad kayo.”

“Galing ah! Psychic ka ba???”

Hmph, batukan ko kaya to?

“Joke lang.”

Napatingin ako sa orasan namin, 7 na pala. Ang tagal din pala nilang nandito sa bahay namin. Mga 10 palang kasi kanina nung dumating

sila.

“Oi gabi na, magsiuwian na kayo.”

Ngumiti lang silang dalawa at tumayo. Hinatid ko naman sila sa may gate namin at syempre umuwi na sila. Ako naman eh diretso pasok

sa loob.

“Kaw ah, hindi ka nagsasabi na pinalitan mo na pala si Lester.”

“Whatever kuya.”

Umakyat na ako nun at humiga. Hindi pa ako inaantok nun eh. Hay, sana ganito palagi. Sana masaya parati at walang problema. Hay,

kung pwede lang sana magkatotoo lahat ng sana…

Page 239: The GAME of My Life Story

Nung mga sumunod na araw, wala kami masyadong ginawa sa bahay. Puro linis dito at linis doon lang. Kaya nga nakakabato eh. Nung Wednesday naman, nagyaya si Mark sa bahay nila. Birthday

kasi nila Milo. Ayun, masaya naman. Nagulat nga ako nung nandoon din si Hansel. Isipin mo, instant friends? Haha. Galing eh no.

Nung mga sumunod na araw naman eh kung hindi kami lalabas eh andoon lang sa bahay namin. Kahapon nga eh dumalaw pa si Hansel sa amin, iniimbita kasi niya ako sa kanila. Papakilala daw niya ako sa

parents niya. Ewan ko naman kung bakit. Hindi rin naman ako makatanggi. Kaya heto ako ngayon…

“Wait lang ha…heheh naghahanda kasi sila.”

…nakaupo sa sofa sa mansion ng mga Cortez.

“Ayos lang…”

Ang ganda pala talaga ng bahay ni Hansel. As in grabe…ang laki! Daig pa yata yung bahay ni Lian eh. Grabe.

“Sir, andun na po sila sa may dining room.”

“Tara?”

“Okay.”

Sumunod lang ako sa kanya nun. Nahiya nga ako eh. kasi feeling ko ang dumi ko para sa bahay nila. Ang linis kasi sobra! Grabe, iba

talaga pag mayaman no? Ilan kaya katulong nila?

“Umm, Kheira. Daddy ko, Henry Cortez, and my mom, Ezra Cortez”

“Nice to meet you po.”

Nakipagkamay naman ako sa kanila at yun, pinaupo na nila ako kasi kakain na daw.

“So, tell me about yourself Kheira. Anong activities mga sinasalihan mo sa school?” Tanong sa akin ni Mr. Cortez.

“Umm, kasali po ako sa band. Vocalist po. Tapos assistant po ako ni Coach Roel ng basketball team. At ano po, kasali din po ako sa

theatrical presentation para po sa end ng schoolyear.”

“Wow, so you’re into a lot of activities? Sayang nga itong si Hansel eh…paano ba naman kasi bigla ba namang nagsabi na gusto daw

Page 240: The GAME of My Life Story

niyang umuwi ng Philippines. Sayang tuloy, sana noon pa niya sinabi para naman nakasali pa siya sa mga activities.”

“Ma, you know I’m not into those things.”

Grabe sila, mag-uusap lang eh kailangan talagang English.

  “By the way Hansel, hindi mo yata namention yung last name niya. Ano nga pala full name mo hija?” Tanong sa akin nung daddy niya.

“Umm, Kheira Elizabeth Aruello po.”

Tapos narinig kong nahulog yung spoon nung nanay ni Hansel.

“Umm sorry…what did you say hija? Your last name?”

“Umm, Aruello po.”

Nagulat nga ako sa nangyari. Biglang nanlaki mata ni Tita Ezra tapos parang nagkaroon ng panic attack. Tinulungan naman siya ni tito

Henry at pumunta sila sa isang room.

“Wait lang ah…”

At syempre, dahil hindi ko naman bahay to, ako eh nagwait naman talaga. Kaso…

*RING!*

“Hello?”

“Hui Kheira, anong oras mo ba balak umuwi? Gutom na ako!”

“Niyak! Asan si Kuya Kaloy?”

“Nanibago ka pa! Ayun, may duty.”

“O sige, magpapaalam lang ako kay Hansel.”

“Dalian mo ah!”

Binaba ko na kaagad yung phone at lumapit ako dun sa may pintong pinasukan nila. Slightly open siya kaya sumilip ako. Andoon nga sila.

Kakatok na sana ako ng…

“---no dad! Ang rude nun!”

“Sa ayaw at sa gusto mo Hansel, you have to do it! And I don’t want you to see her again!”

Page 241: The GAME of My Life Story

Teka, may nagawa ba ako??

“Bakit dad?!?! Why don’t you tell me why I can’t see her anymore!!”

“I don’t like your tone Hansel!”

“How can I not be like this dad?!?!? You’re telling me to stay away from the girl I love!”

Nanlaki mata ko. Love?!?? EH iilang linggo pa lang yata kaming magkakilala nito eh.

“What!?!”

“I love her Dad. I really love Kheira.”

Tapos nakita kong bumangon yung mommy niya mula sa pagkakahiga.

“You can’t love her hijo…”

“Why the hell not?!?!?”

“Hansel! Don’t talk to your mom like that!!”

Grabe, he’s fighting with his parents because of me?

“Well then don’t tell me to stay away from heR! Cause unlike you two, nandiyan siya pag malungkot ako! She’s there! Kahit hindi niya napapansin, natutulungan niya ako everytime that I have a problem

concerning you!”

“What are you talking about!?!?”

“I don’t expect you to know. Wala naman kasi kayo parati eh.”

“Stop it! Just, follow your father. Hindi mo talaga siya pwedeng mahalin Hansel.”

Nakita ko yung mom niya eh lumuluha na.

“WHY NOT!?!?! WHY CAN’T YOU---”

“BECAUSE SHE’S YOUR SISTER!”

Nanlaki yung mata ko. Natulak ko nga yung pintuan eh kaya napatingin silang lahat sa akin. Walang nagsalita nung time na yun. What did she mean by that? Si Hansel? Kapatid ko?? Is that a joke?!?

“That’s not possible!”

Page 242: The GAME of My Life Story

“Hija, please…leave.”

“No! Not until you tell me how I became his sister!”

Alam kong naging rude ako nun. Pati nga si Hansel eh nagulat.

“Yeah mom, tell us.”

“Fine. But first of all…”

Napatingin ako kay Mr. Cortez. Lumapit naman siya sa akin.

“I think, you should take a seat first. At dapat tawagan mo muna sina Kyle at Kaloy.”

Nagulat ako. Hindi ko naman sinabi names ng kapatid ko ah?

“how did you---”

“Your tita Ezra will explain later.”

Sinunod ko naman yung utos niya, sina kuya naman eh nagmamadaling nagpunta dito. Kahit nga si Kuya Kaloy eh, umalis sa duty niya at dumating dito. Ako naman, hanggang ngayon eh tulala lang. Tinry akong kausapin ni Hansel pero hindi ko siya kinibo. I just

wanted to know what’s going on.

But I didn’t know that I was in for the biggest shock of my life.

Chapter 32

Pagkadating nila kuya eh lumipat kaming lahat sa may sala nila. Pinagdalhan narin sila ng maid ng maiinom. At nagulat naman ako

nung iba yung tingin nila kay tita Ezra. Kakaiba talaga.

Page 243: The GAME of My Life Story

Tapos nung nakapagsettle na kaming lahat, nagsalita narin si tito Ezreel.

“Where shall we start?” 

“Start from where it all began mom.”

“Okay, first of all, alam kong nakilala ako kaagad nila Kyle at Kaloy. Para sa iyo Kheira…my name is Karmina Ezra Aruello Cortez. I’m

your mother.”

Hindi ako kumibo. I wanted to know kung paano ko siya naging mom.

“how can you be my mother? Namatay siya sa plane crash kasama ng dad ko!”

“I didn’t die Kheira. I wasn’t even at the plane when it crashed. I was with…Henry.”

Gulung gulo na talaga ako.

“Bata pa kayo nun. Siguro nga eh baby palang si Kheira nun. Your dad and I had conflicts regarding our marriage. Henry was your

dad’s best friend.”

Best friend? Talaga?

“Henry and I had an affair. At dahil sa affair na yun, I got pregnant with Hansel. Your dad found out about it kaya sobrang nagalit siya.

Hindi namin sinabi sa inyo since alam namin na hindi niyo maiintindihan.”

“And until now, I still can’t.”

Nagulat ako dahil nagsalita si Kuya Kyle.

“I don’t blame you Kyle. We were so happy. Pero ayun nga, happiness doesn’t last forever. Nung day na sinabi naming aalis

kami at pupunta dapat ng province, your dad went to Henry’s house. Nagkaroon ng gulo dun at syempre, he wanted me to pick between

him and Henry. At dahil nga sobrang mahal ko si Henry since he really was my first love, I chose him.”

“Despite the fact that you were about to leave 3 children behind.”

First time kong narinig si Kuya Kaloy na magsalita. Tama siya. Hindi man lang inisip ni Tita Ezra na may maiiwan siyang anak. At kami

yun.

Page 244: The GAME of My Life Story

“Yes, and I fully regret that. Your dad died in that crash kasi he decided to go sa province nung malaman niya yung choice ko. And

then…it happened.”

“Pero bakit ka nagpanggap na kasama ni dad? Why didn’t you come back for us??”

“Cause I wasn’t ready na ipaliwanag sa inyo na I chose someone else rather than your dad. Hindi ko kayo kayang harapin nun. So Henry

and I decided to go sa America at doon na palakihin si Hansel.”

“Kaya pala pumayag kayo agad na umuwi dito...”

“Yes Hansel. I’ve decided na hanapin sila. And I did.”

Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Nung matapos niyang magkuwento, sina kuya Kyle eh nagtanong pa sa kanya. Lumabas muna ako saglit. Ewan ko, I didn’t know what to do.

Pumunta ako dun sa may garden nila at umupo sa isa sa mga chairs dun.

“Kheira..”

Hindi ko siya kinibo. It’s not that I’m mad at him. Wala naman akong dapat ikagalit sa kanya eh. I just didn’t feel like talking.

“Alam kong mahirap tanggapin…”

“Right.”

“I’m sorry.”

Tinaasan ko siya ng kilay.

“I’m sorry for what my dad did. Sorry talaga. Dahil sa kanya, nawalan ka ng parents. Well, not both pero…hay…”

“it’s not your fault Hansel. I’m just…confused. Can you blame me? Lahat ng yan nalaman ko in one day.”

I mean, first nalaman ko na in love sa akin tong lalaking to. And then malalaman ko na yung mom kong akala kong matagal ng patay eh buhay pa pala at siya rin yung mom nung lalaking nasa harap ko ngayon. Tapos nagkaroon pa ako ng instant half brother. Whoa,

what a normal thing to happen. Not.

“Ako rin confused. Especially with what I’m feeling now. ”

Naawa naman ako sa kanya. Grabe, why does life have to be complicated?!?

Page 245: The GAME of My Life Story

“So I guess…ate pala kita. Hehehe”

“Excuse me, halos magka-age lang naman tayo eh. Months lang pagitan.”

“So ano na plano mo ngayon?”

“I don’t know. It’s not a decision I have to make. Sina kuya ang bahala.”

As if on cue, bigla naman lumabas sina Kuya. Nakita nila ako at tumabi sila sa akin.

“Kheira, wag ka magagalit ha.”

“Bakit naman?”

“Nagdecide kasi kami na pumayag sa gusto ni mama.”

“Which is?”

“Sa kanila tayo titira.”

“WhaT?!”

“intindihin mo naman Kheira si Kuya Kaloy. Hirap na hirap din siya ngayon eh. If you can’t do this para kay mama, at least, para kay

kuya man lang.”

At syempre napaisip ako. At ilang sandali lang eh tumango na ako.

“Okay, para sa yo kuya Kaloy.”

“Thanks. Everybody deserves a second chance. This time, I hope gagamitin ni mama yun wisely.”

Napangiti kaming tatlo. At ito naman si Kuya Kyle, biglang humarap kay Hansel.

“Paano ba dude, eh di kadugo ka pala namin. Sorry nalang, bawal na pala ligawan itong si Kheira..”

Tumawa naman siya nun. Nakipagkamay kay Hansel. Lumabas naman sina tita---err mama at si tito Henry.

“Kheira…”

Lumapit ako kay…mama at tumigil sa harap niya. Ngumiti ako at yumakap kaya nagulat sina kuya at si Hansel.

Page 246: The GAME of My Life Story

“You better make the most of that second chance…mama.”

Tapos naiyak pa siya nun.

Friday yun nung nangyari yun. Sunday na ngayon, and by now, nakwento ko na kay Lia lahat ng nangyari. Pati narin kay Celine.

Pero syempre, ayokong sabihin muna nila yun sa iba. Ewan ko pero yun talaga gusto kong mangyari nun eh.

Nagkaroon din naman kami ng conditions. Plano namin eh hihintayin munang makatapos ako ng highschool bago kami lumipat sa bahay

na nila Hansel. Syempre since mas malapit talaga yung bahay namin ngayun kesa dun kina Hansel, mas convinient. Pero si Kuya Kyle eh pinalipat na sa kanila. Ang pumalit naman sa kanya sa room niya eh

si Hansel.

Ang saya nga eh, nagkaroon kami ng bonding moments. Isipin mo yun? First time kong makaabot ng mall. Ahaha, hindi naman,

actually, ngayon lang ulit. Yung tipong dahil gusto ko lang. Dati kasi hindi naman namin afford eh.

Page 247: The GAME of My Life Story

“Ikaw nga Kheira, matanong kita…do you love him?”

“sino?”

“Sino pa ba? Eh di si Mark!”

Nagulat naman ako sa tanong niya. Hindi ko namalayan, nagblush pala ako.

“Okay, oo nga. You do love him.”

“Shhh!”

Walang hiya to, tawanan daw ba ako.

“Pero sa totoo lang? I like him for you.”

“Talaga?”

“Yeah. Nung hindi ko pa alam na magkapatid pala tayo eh napagdesisyunan ko, nung andoon tayo sa bahay niyo na if you don’t

end up with me, mas gugustuhin ko na sakanya ka mapunta.”

Natuwa naman ako sa sinabi niya. At yun, todo kwentuhan parin kami at nung mag gabi na eh umuwi na kami sa bahay namin. Yung

smaller version. Hahah.

Nag-aayos ako nun ng gamit ng biglang may sumusot sa akin.

“Psst.”

Alam ko naman na si Hansel yun eh. Pero ewan ko, may topak ako ngayon kaya hindi ko siya pinansin.

“Ayaw mo ng psst ah? Hoy!”

Hahah, bahala ka diyan kumag ka…

“Fine! Hey pretty lady!”

Napatingin naman ako ng masama sa kanya. Ugh!! I can’t believe I fell for that one again.

“Nax naman, talagang sa pretty lady ka titingin ah.”

“What do you need?”

“Wala lang…mag goodnight lang sana sa aking ate.”

Page 248: The GAME of My Life Story

Binatukan ko naman siya.

“Ate ka diyan.”

“Sige…good night na.”

“Night.”

“Night ate Kheira.”

“Che!”

“Night Pretty Lady.”

“Matulog ka na nga!”

“Sweet dreams Kheira…”

At yun, umalis na siya sa room ko. Hay…ang saya ko ngayon. Sobrang saya. Hindi ko nalang inisip yung mga negative things ng

mga nangyari, tinignan ko nalang yung positive side. And that night…I slept really well.

Page 249: The GAME of My Life Story

“Hoy KHEIRA GISING NA!”

WAHH!! Kala ko pa naman makakaligtas na ako sa wake up call ni Kuya Kyle, pero pati pala itong si Hansel may sarili. Isipin mo,

magdala daw ba ng sandok at kaldero sa kwarto ko.

“HANSEL!!!!”

Ayun, naghabulan kami hanggang sa sawayin na kami ni Kuya Kaloy.

Sabay kami ni Hansel pumasok sa school. May mga nang-asar pa nga eh pero dedma lang. If only they knew…kaso hindi eh. Haha!

Pagdating naman namin sa classroom eh nandoon na sina Lia, Lian, At syempre, Mark. Nakita ko nga na kumunot yung noo ni Mark eh.

Alam kong nagtataka siya. Pero I wasn’t ready to tell him.

“GOOD MORNING!”

Natawa naman silang lahat sa pagkahigh ni Hansel. Mukha nga siyang tungek eh.

“Oi Sel, bakit ang saya saya mo yata?”

“I don’t know! Why don’t you tell me Lia?” At yun, siniko ko siya. Sabi ko nga eh secret lang eh. Bwisit na to.

Lumapit sa pwesto namin si Mark tapos ngumiti sa akin. Ako naman, nginitian ko siya in return. Nagkuwentuhan lang kami nun hanggang sa magbell na. At syempre, bumalik na kami sa pwesto namin nun.

Page 250: The GAME of My Life Story

“Oi kaw, nga magpataba ka na. Sobrang payat mo oh! Tignan mo sarili mo! Para kang papel! Sobrang nipis!”

Natawa nga yung iba nun eh. Ito namang lokong to, bigla ba namang maglalagay ng kung anu-anong mga pagkain sa plato ko. Hmph!

Bwisit na to.

“Oi ano ba Hansel.”

Tapos yun, tumigil na siya. Lunch na pala namin ngayon, kanina eh wala naman masyadong nangyari. O baka sobrang bored lang ako

kaya feeling ko wala? Whatever.

Isa isa narin silang nagsi-alisan. Kesyo may gagawin daw. Ewan ko sa kanila. Pati nga itong si Hansel eh iniwan ako. Hmph, bahala siya

sa buhay niya.

Ako naman, dumiretso ako sa ballet room since gusto ko tumingin sa iba’t ibang piece dun. Wala lang, feel kong kumanta ngayon eh. Pero

nung makarating ako dun, nakita ko si Mark na nakaupo at hawak niya gitara niya.

“Uy Mark, nagsesenti ka?” tapos natawa ako. siya naman eh tumingin lang. Bakit ganoon? Parang ang lungkot niya yata?

“Ako? senti?”

Tumawa siya pero alam kong fake lang. Kung hindi fake, pilit. At ako naman, lalo lang napasimangot.

“Anong problema?”

“Sus! Wala no!”

Page 251: The GAME of My Life Story

“Hay,” tapos nun eh tumabi ako sa kanya. Siya naman eh nakatingin lang.

“Wag ka ngang ganyan…ang saya saya ng araw ngayon eh…”

“Para sayo oo…sa akin? Ewan ko.”

“Anu ba kasing problem??”

“Wala nga eh.”

“Hay naku Mark, ang kj mo.”

“At ako pa naging kj ngayon??”

Nagulat lang ako sa kanya. Pero syempre, nakasimangot parin ako.

“Fine! Gusto mo malaman?”

Tumango naman ako nun. Huminga siya ng malalim at nagready.

“Nagseselos ako okay?”

Gusto kong tumawa noon. Pero syempre nagpigil ako. hay, bakit ba kasi ayaw mo pang sabihin Kheira eh!

“Bakit---”

“Ay nako.”

“May dapat ka bang pagselosan?”

Napatingin naman siya sa akin nun. Ako eh tumayo na at naglakad na paalis. Pero nung bago ako makalabas may pinahabol ako..

“Trust me, wala talaga.” And then I left.Chapter 33

Hindi ko alam kung naintindihan ba niya yung point ko or what. Hindi ko na kasi siya nilingon ulit after kong lumabas eh.

Nagbell na kaya ayun back to normal. Lessons ulit at puro mga seatwork na naman. Malapit na naman kasi exams eh. Sa December na bago mag christmas break. Kaya eto na naman, nagkakahabulan

na naman.

Oo nga pala, sa school namin eh 3 quarters lang per year. Para daw pantay pantay narin yung length per quarter at hindi mahirapan ang

students.

Page 252: The GAME of My Life Story

So enough about that, habang ineendure ko yung sobrang boring class na yun, biglang tumunog yung speaker.

“Would following bands who joined the annual battle of the bands, please proceed to the auditorium; OSR, Hailstorm, Sawndtrip ang

Band-aid. Thank you..

Hay! Buti nalang! Yes! Makakatakas na ako. Tumingin naman ako kay Hansel tapos siya eh tumango na.

“Thanks.”

Ibig sabihin nun eh papahiramin niya ako ng notes na mamimiss ko. Hehe. Sabay sabay naman kami nina Lian at Mark na pumunta dun

sa auditorium. Pagdating namin dun eh nakita namin na nakaupo na sina Gino at Marco.

“Anong meron?”

“dunno. Hindi pa nila sinasabi eh.”

Hinintay na namin makumpleto lahat ng bands at yun, nagsalita narin si Mr. Laurel a.k.a. Rubber ducky, yung sub-unit head.

“Okay, siguro eh nagtataka kayong lahat kung bakit namin kayo pinatawag dito”

Hindi ba obvious?

“Gusto lang namin ipaalam sa inyo na sa november 12-13 eh magkakaroon ng convention para sa mga may potential na banda.

Dahil nga may mga outsider na nanood sa battle of the bands natin noon eh nirequest nila na isali daw kayo dun. ”

Nagbulungan naman yung mga tao dun.

“Pero not to worry, free yun since mga piling bands lang talaga yung mga pupunta at sponsored kayo nung outsider na nanood ng battle

of the bands.”

Oooh, ang nice naman.

“Oo nga pala, gaganapin yung convention na yun sa Tagaytay. Overnight yun kaya kelangan muna namin ng mga parental approval

niyo.”

Buti nalang hindi pa kinakausap nila mama yung school about dun sa amin. Pero syempre, kelangan ko parin magpaalam diba.

“Astig naman nun! Grabe…next week na pala yun.”

Page 253: The GAME of My Life Story

Hmm, oo nga no? Monday at Tuesday. Grabe...makakatulog pa kaya ako nito? Panigurado eh magiging sobrang excited lang ako nito eh.

Pagbalik namin eh bell na pala para sa free period. Kinuha ko lang gamit ko. Paalis na sana ako kaso hinatak ako ni Hansel.

“Oi, bakit?”

“San punta mo?”

“Court, bakit?”

“Tara.”

“Hoy bawal ka dun Hansel!”

“At bakit naman?”

“Ayaw po kasi ni coach na may hindi kasali na pumupunta dun. Okay??”

“Sige na nga. Later.”

Tapos eh pinat niya yung ulo ko. Ano ako aso?!!?

Lumabas naman ako at diretso na sana sa court pero may pumigil sa akin. Bakit ba ayaw nila akong papuntahin ng court??

“Seryoso ka ba talagang wala Kheira? Mahirap kasi eh. masakit din. Lalo na dito *points at his heart*”

Nagulat naman ako dun sa sinabi niya. Matapos niyang sabihin yun eh iniwan na niya akong tulala. Whoa.

Page 254: The GAME of My Life Story

Wala masyadong nangyari sa practice. Yung next game kasi namin eh sa January pa. So kanina eh parang training lang talaga.

After nun eh nakasalubong ko si Mark pero hindi siya tumingin sa akin. Alam kong nakita niya ako, hay…babalik na naman ba tayo sa

ganito?? No. I won’t let it.

Hinabol ko siya kasi nasa kabilang side na siya ng court.

“Mark wait!”

Tumingin naman siya sa akin at nagtaas ng kilay.

“Trust me Mark. Seryoso talaga akong wala.” Tapos kong sabihin yun eh ngumiti siya.

“Kheira tara!”

Tinignan ko si Mark pero ngumiti lang siya.

“Sige. See you tomorrow.”

“Bye. Ingat.”

Hay, buti naman ayos na. Tumakbo naman ako papunta kay Hansel at sabay kaming umuwi na.

Pagdating namin sa bahay eh wala si Kuya Kaloy.  Ewan ko naman kung anong pumasok sa isip nitong si Hansel at biglang nagkalikot

ng kung anu ano dun sa may sala.

“Hoy! Wag ka ngang manggulo diyan. Mahirap maglinis no!”

“Linis!?! Sus, padala nalang tayo ng maid dito eh.”

“Ngek! Tamad ka rin no?”

“Why thank you dear ate!”

“Ate ka diyan.”

Page 255: The GAME of My Life Story

Ako naman eh pumanik na sa taas para gumawa ng assignment. Hindi naman ako yaya para maghapon bantayan kung anong mga

kalokohan ni Hansel eh. Anu siya? Sinuswerte? Hahah.

Hindi pag ako nakakatagal sa kwarto ko na mag-isa eh biglang pumasok si Hansel. Nagulat nga ako eh.

“Oh, ba’t andito ka?”

“Kheira may tanong ako sa ‘yo”

Napakunot naman ng noo ko. Ano na naman?

“Anu yun?”

“May plano ka bang sabihin kay Mark?”

“Ano bang tanong yan…syempre oo!”

Pero napansin ko na seryoso talaga siya kasi naman eh, hindi parin siya tumatawa o kaya ngumingiti.

“Kelan Kheira?”

“Bakit interesado ka?”

“Hindi naman sa ganun pero…advice ko lang? You have to do it soon.”

Nagtaka naman ako.

“Huh?”

Tumayo na siya at papalabas na pero nung nasa tapat na siya ng pinto eh pinahabol  niya…

“Cause you might loose him if you don’t”

At pagkatapos nun eh lumabas na siya. Totoo kaya yung sinabi niya? Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ewan ko ba, parang… ang weird ng feeling. Hindi ko naman masabing masakit kasi hindi ako sure

kung yun nga ba talaga nararamdaman ko.

Kakainis naman tong Hansel na to eh, matutulog na lang eh tatakutin pa ako…

Page 256: The GAME of My Life Story

Nung mga sumunod na araw eh pareho lang tulad nung Monday. Lessons lang talaga. Kaya nga laking pasalamat ko nung dumating na yung Friday eh. That means, 3 tulog nalang eh convention na!

Weee! Excited na nga ako sobra eh. Feeling ko sa Sunday hindi ako makakatulog.

Hindi ko parin pala nasasabi kay Mark yung totoo. Ewan ko ba, hindi ko maintindihan yung sarili ko eh. Parang…ang hirap sabihin kahit

na alam kong hindi naman talaga. Minsan magsasalita ako pero walang lalabas na sound. Gets niyo? Parang may pumipigil sa akin

na sabihin sa kanya yung katotohanan.

Anyway, pinatawag lahat ng members dun sa play. Magkakaroon daw kasi kami ng practice. This time, kasama na si Mark.

“Places everyone! Okay, yung mga propsmen diyan gawin niyo na trabaho niyo. Yung mga actors na hindi pa nila scene magpractice

kayo! At yung mga may scene na, pumunta na sa stage.”

Ang bilis maglakad nung mga tao. Ayaw naman kasi nila magtake ng risk eh, pag naglakad kasi sila ng mabagal eh pagagalitan sila ni

Miss Caticlan.

“Okay asan na si Kristen at si Joshua?!”

“Present!”

Page 257: The GAME of My Life Story

At yun nagstart na kami ng line throwing. Dami ngang comments ni Miss eh, kesyo kulang daw sa feelings, at nagkakailangan kami.

Kami?? Nagkakailangan?!?

“From the top!”

Hay, naku…kakapagod na ah. Mag 20 minutes na siguro kaming nakatayo dito.

“Joshua, anu ka ba!! Nababaliw ka na ba?!”

“OO KRISTEN! Nababaliw na ako sayo!!”

“A-a-anong ibig mong sabihin?”

“Mahal kita Kristen. Matagal na.”

“hAhah! Nagjojoke ka eh! ang galing mo talaga! Nakaka-elibs ka!”

“Bakit ba sa tuwing nagtatapat ako eh hindi mo ako sineseryoso?? Seryoso ako Kristen! Mahal na mahal kita!”

“At sa tingin mo maniniwala ako sa yo Joshua?? Crush ka ng bayan! Kilala ng lahat! Varsity player! Ikaw yung tipo ng lalaki na kahit

walang effort na manligaw sa babae eh sasagutin agad! So tell me, ganoon ba kadaling paniwalaan na ang isang lalaking tulad mo eh magmamahal sa isang babaeng tulad ko?? Isang babae na kung

umasta eh parang lalaki!?”

Whoa, teka nga. Bakit parang natatamaan ako??

“Every girl deserves to be loved Kristen. Kahit ano pa mang sabihin mo, ikaw lang ang mamahalin ko.”

Nung part na kelangan hawakan ni Mark yung mukha ko eh bigla akong kinabahan. Ewan ko, feeling ko nga eh nagbublush na ako.

Buti nalang, kasama parin sa script yun, kung di, naku…todo asar na naman galing sa mga tao.

“J-Joshua wag!”

“Bakit ba Kristen? Ano bang kelangan kong patunayan sa iyo para maniwala ka na mahal kita?!”

Grabe…bakit ba ang tagal matapos ng scene na to!!

“Dahil…dahil…imposible talagang mangyari ang sinasabi mo.”

“Well nagkakamali ka dahil…”

Page 258: The GAME of My Life Story

At lumapit lalo yung mga mukha namin at ako naman eh napausog patalikod. Grabe talaga. Nanlalamig na ako sa kaba.

“Mahal na talaga kita Kheira…”

Lumalapit na lalo---teka! Anong sinabi niya?!? Kheira?!?!?

Hindi lang ako nakapansin nun kasi ilang sandali lang eh naghiyawan na yung mga kasama namin. Ako naman, lalong namula.

“Umm, Kristen pangalan ko, diba Joshua?”

Tapos parang natauhan siya bigla. Whoa, hindi lang pala ako yung natamaan sa scene na yun pati pala siya.

“Magaling! Napakahusay ng pagdedeliver! Dapat ganyan kayo parati para hindi na pinapaulit. Pero Mark, kelangan mong tandaan na

Kristen ang pangalan ng leading lady at hindi Kheira ok?”

Namula lang si Mark nun at yung iba eh nang-asar na naman. Hay, napatingin ako sa kanya tapos siya eh nginitian niya lang ako.

Naghiwalay narin kami kasi tapos na yung scene, yung iba naman yung magpapractice.

Umupo ako dun sa isa sa mga chair dun sa dulo. Ayoko kasi sa harap kasi mang-aasar lang yung iba for sure. At least dun, tahimik,

walang istorbo.

“Hey.”

Parang kakaisip ko lang na walang istorbo. Weh, anyway.

“Hi.”

“Umm..susunduin kita sa inyo sa Monday ah…”

“O-”

Wait lang, sa amin na nakatira si Hansel! Naku pagnakita yun ni Mark eh baka magtaka lang yun. Umm…ayan kasi! KHeira naman eh!

bakit ba ayaw mong sabihin sa kanya yung totoo?!

“-oi wag na. Ang lapit lapit lang ng bahay ko eh. abangan mo nalang ako sa gate.”

Ayun, nakuntento naman siya at ngumiti. Nagkuwentuhan nga kami nun eh. Tapos pinakita niya sa akin yung mga nahanap niyang kanta

na maganda. Sabi kasi niya na tutugtog daw kami sa Christmas dance namin kaya ayun, kelangan ng bagong kanta para naman

hindi nagsasawa yung mga students sa paulit ulit. Gasgas na daw

Page 259: The GAME of My Life Story

kasi yung Stars sa kanila eh.

“Miss Aruello? May nakapagsabi sa akin na Marunong ka raw kumanta?”

Tumayo naman ako at lumapit sa kanya.

“Opo.”

“Okay. Kakanta ka sa presentation. Part kasi ng isang band si Kristen. At dun sa bahagi na maheheart broken siya ehh may kakantahin siya. Bibigay ko nalang yung piece sayo bago mag

Christmas break okay?”

“Opo.”

Umalis na si Miss nun at lumapit naman sa akin si Lia. Tapos narin kasi yung scene niya.

“Grabe no bhes? Pang telenobela yung buhay ni Kristen eh. Nakakaiyak. Nabasa ko kasi kahapon yung buong script. Sobrang

nakakaawa siya kasi pinagpustahan lang pala siya nila Joshua. Pero in the end happy ending parin kasi narealize ni Joshua na matagal na

pala niya talagang mahal si Kristen. At dati pa niya tinatry na ibalewala yung pustahan.”

“Grabe, kawawa naman si Kristen.”

AT yun, nagkuwentuhan pa kami tungkol sa mga pangyayari sa script. Ay wait, si Lia lang pala yung nagkuwento.

Pagkatapos ng practice eh dumating bigla si Hansel.

“Oi Kheira, dalian mo, gutom na ako.”

“Eh bakit hindi ka na mauna?!”

“Wag ka nalang magdaldal diyan. Dalian mo nalang.”

“Fine.”

Kinuha ko yung gamit ko dun sa may harap at nakasalubong ko pa nga si Mark eh.

“Bye Mark.”

Tumango lang siya at ngumiti, tapos nun eh napatingin kay Hansel. Ewan ko, bigla naman akong kinabahan. Naalala ko kasi yung sinabi

ni Hansel sa akin eh. Hay…

Page 260: The GAME of My Life Story

Kelan ba kasi ako magkakaroon ng lakas na sabihin sa kanya?!?

Chapter 34

Pagkauwi namin ni Hansel eh umakyat na ako kaagad. Sa Saturday pala eh bibisita kami kina mama. Saka kay Kuya Kyle narin. Biruin

mo, mamimiss ko rin pala yung kuya kong yun?! Heheh.

Nag-ayos naman ako ng gamit para sa convention. Monday na kasi yun eh. Nagpack lang ako ng ilang damit tapos ayun, naghanda na akong matulog. Hay, buti nalang at hindi nangbulabog si Hansel

ngayon. Heheh.

Page 261: The GAME of My Life Story

Asan na ba ako?? Hmm..bakit parang ang dilim naman yata?!?

“Pakibukas yung ilaw!”

Ayun, finally lumiwanag din. Oh teka, si Mark yun ah! Whoa, bakit ako nasa playground? Nagsleep walk ba ako!?

“Mark!”

Tumingin naman siya sa akin pero hindi man lang ngumiti or what. Aba, ang taray. Nilapitan ko naman siya.

“Mark anong problema?”

“Ang sama mo Kheira…pinaasa mo lang ako sa wala…I should never have loved you…goodbye.”

Waah! Teka lang!! Anong pinaasa?!?!

“MARK KAPATID KO SI HANSEL!!”

Pero hindi niya ako narinig dahil just like that, nawala siya na parang bula.

Page 262: The GAME of My Life Story

“AAAAAAH!” Grabe, panaginip lang pala yun.

Bigla ko naman nakitang pumasok sina Hansel at Kuya Kaloy.

“Huy ayos ka lang?!”

“Bakit ka umiiyak??”

Napahawak naman ako sa mata ko. Umiiyak pala talaga ako.

9 am na pala nung nagising ako nun. Kinuwento ko sa kanila yung panaginip ko at ayun, kinomfort naman nila ako. Pagkatapos kong

tumahan eh kumain na kami sa baba. Mamaya lang kasi eh pupunta na kami kina mama.

“Gusto mo tulungan kita na sabihin sa kanya?”

“Wag. Gusto kong ako magsabi sa kanya.”

Page 263: The GAME of My Life Story

“Pero kelan pa Kheira?”

“I don’t know!”

Alam kong nagulat siya sa bigla kong pagsigaw. I couldn’t help it. Nafufrustrate na ako eh. Gustung gusto ko nang sabihin sa kanya. I

just needed the right time. Tama. Siguro nga dapat sa convention ko na sabihin sa kanya.

Nandito na pala kami sa bahay ni mama. Si Kuya Kyle nga eh ayun, kahit na maraming binili sa kanya si Mama na gamit eh hindi parin

nagbago. Ganoon parin, hindi parin spoiled. Hehehe. Kaso nga lang, mapang-asar parin siya.

“Kheira, wag mo akong titigan. Baka matunaw ako. Alam kong namiss mo ko pero tama na titig. Mamaya tumulo pa laway mo.”

Pinalo ko lang siya ng malakas nun at nagtawanan naman kami. Tama yung sabi sa akin ni Hansel dati na bihira lang sa bahay sina

Mama. Paano kasi, nakuwento rin sa akin ni kuya Kyle yun. Nagrereklamo nga eh, mas gusto daw niya talaga dun sa bahay

namin kasi at least dun, may nakakausap siya kahit kaasaran lang.

Wala sina mama ngayon, may business trip daw. Bukas pa ang balik. Nagplano naman kami nina Hansel na dito nalang matulog para may

kasama si Kuya. Kawawa naman eh, baka mabaliw siya.

Nung kinagabihan, eh nagbonding kaming magkakapatid. Kawawa nga ako eh kasi nagsimula sila magpillow fight. Hay, pisat na naman

ako nun.

Gabi narin kami siguro nakatulog nun. Syempre, magkakaibgang room kami. Hindi nga naging problem kina mama nung pumayag kaming mag move dito kasi sa dami ba naman ng kwarto eh. Ang

dami pang guest room.

Anyway, dun naman sa kwarto ko, grabe tuwang tuwa ako. Syempre diba, ang ganda tapos ang laki pa. May aircon pa! Wahahah. Kaya

ayun, pagkapasok ko eh nilamig ako kasi bukas na yung aircon. Nax, mukhang mapapasarap yata tulog ko nito ah.

Page 264: The GAME of My Life Story

The next day nagising ako kasi biglang tumunog yung phone ko. Hmm, ang aga aga sino naman kaya to?

|hi kheira, gcng k n?|

Hay Mark, kung di lang kita labs eh---teka! Inisip ko ba talaga yun!?!?

|yup..y?|

At wala pang ilang minuto eh nagreply na sya kaagad.

|invite sna kta d2 sa haus|

|oh? Nu meron?|

|bday ng kmbal|

Oooh! Saya yun. Sige sasama ako.

|count me in |

Chance ko narin para I bring up yung topic about sa amin ni Hansel. Syempre, mas maaga kong sasabihin, mas maayos.

Lumabas na ako ng room at pumunta sa dining area. Andoon na sila kuya at si Hansel. Nagpaalam naman ako at pumayag naman sila

since kilala naman nila si Mark. Si Hansel nga eh nagpuilit na sumama pero sabi ko para walang sagabal at para masabi ko narin.

Hehehe. Ayun pumayag naman siya.

Page 265: The GAME of My Life Story

“Buti nakarating ka”

Ngumiti lang ako sa kanya nun. Grabe ang dami palang mga bata dito. Mostly pa ka-age nung kambal. Nakakatuwa nga eh, minsan

kasi may manghihila nung pants mo at magpapabuhat kahit na hindi ka kilala. At yun bagay na yun eh nangyari sa akin ng 5 times.

Tinawanan pa nga ako ni Mark eh pero hindi ko siya pinansin. I love kids. Nakakatuwa kasi sila sobra eh.

“Kheira…kain na muna. Mamaya ka na magbaby sit! Heheh. Mark pakainin mo na nga yan”

Hinila ako ni Mark at dinala dun sa may buffet table.

“Wow, ang daming handa ah. Si tita nagluto ng lahat niyan?”

“Yeah. Tara, kain tayo.”

Ayun, kumuha na kami ng mga kakainin namin. Ito namang si Mark, kung anu ano na yung pinaglalalagay sa plato ko. Ang dami nga eh.

“Huy tama na.”

At yun, tumawa lang siya. Umupo kami sa dulong table. Ayos narin yun kasi at least dun eh medyo tahimik pa. Wala masyadong

sagabal.

“Tumawag ako sa house niyo kahapon…bakit walang nasagot?”

Time na kaya para sabihin yung totoo? Okay, breathe in…breathe out Kheira…Okay…

“UmkasinasabahaykaminiHanselkasekapatidkosya”

Tumingin ako sa kanya at hinihintay yung reaction niya. Pero…

“Huh? Anu yun? Sorry, may sinasabi kasi si tita.”

WhaT?!? Hindi niya narinig?? Waaaaaaaa…

“Umm…wala.”

“Sorry talaga…”

“Wala yun..heheh”

Kumain nalang kami. Hay, nasabi ko na nga…hindi naman pala

Page 266: The GAME of My Life Story

narinig. Pagtapos namin kumain eh balik na ulit kami dun sa mga makukulit na bata batuta. Ang kukulit nga nila eh, ang dadaming

tanong. Daig pa yung sa the buzz. Hahah.

“Ate! Ilan taon ka na po?”

“15 na ako…”

“Ate! Kelan birthday mo?”

“Sa december 24 po…heheh”

Ang kukulit naman nitong mga batang to.

“Ilan po kayong magkakapatid??”

Wah…umm okay…sasabihin ko nalang safe answer.

“Marami.”

Grabe, born to be chikadora ata tong mga bata batuta na ito eh…hala ka Kheira…

“Ate…gwapo ba para sa iyo si kuya mark??”

Nyak! Bakit naman yan ang tanong nila? Hmmm, mukhang nakakahinala na ako ah…

“Uhmmm…next question? Haha.”

“Ano ka ba! Syempre hindi niya sasabihin. Secret niya yun eh!”

Wah, ang kulit naman nitong lokong to. Hay, sabagay, tama ka. Pssht! Pero secret lang ah. Hahah. Grabe, nababaliw ka na talaga

Kheira.

Medyo naipi yung panyo ko dun sa upuan kaya inayos ko sandali at bigla naman nagsalita yung isa sa kanila.

“Ate! Mahal mo ba si Kuya mark???”

At bigla naman akong nahulog sa upuan ko. Ano daw?!?

“Uhh…ehh…syempre, as friends.” At ang pinakanakakainis pa dun eh…

“Yan na ang safest answer kasi ngayon eh.”

Teka nga, mga 3 at 4 years old ba talaga ang kausap ko?!? Bakit parang daig pa yata nila ako sa mga bagay na yan??

Page 267: The GAME of My Life Story

“Oh kids tama na yan…”

Umalis naman na sila at naglaro sa kabilang side. Nakita kong may bumulong kay Mark na bata at tapos nun eh pinat lang niya sa ulo.

“Thanks.”

“Ang kukulit ng mga batang yun. Grabe kung makatanong parang nasa the buzz.”

“Oh? Useful nga eh.”

“HuH? Useful? Bakit naman?”

“Akalain mo…sa kanila ko pa pala malalaman na tingin mo eh gwapo ako at mahal mo ko.”

Nanlaki naman mata ko. Aba! Ang feeler nito ah!

“Nyek! Feeling mo ah! Wala kaya akong sinasabi!”

“Sure Kheira…tara na nga, nagbubukasan na yata sila ng regalo eh.”

Sabi na eh! dapat sinundan ko yung kutob ko! Ayan tuloy, lalaki na ulo niyan. Hmph! Bahala siya sa buhay niya.

Pumunta na kami dun kina Milo at Nido. Nagbubukas na nga sila ng regalo, at ang dami nga eh. nakakahiya tuloy, ako lang siguro yung pumunta ng walang binigay na regalo. Paano ba kasi, kanina lang naman sinabi sa akin ni Mark eh. Pero sabi ni Mark, okay na daw

para sa kambal na pumunta ako kahit walang regalo, gift ko na daw sa kanila yung pagdating ko. Nyek.

Tuwang tuwa naman yung kambal nung makita nilang sobrang dami nilang laruan pero si Tita Elle eh parang sumimangot ng paloko.

Paano, siya naman kasi parati magliligpit niyan eh. Yung asawa kasi niya nagtatrabaho sa ibang bansa kaya sa kanya lang talaga naiiwan

yung mga bata.

“Ang lalim yata ng iniisip mo ah...”

“Oo nga, pero you’re not in it.”

Wah, taray mo sister.

“Uy guilty. Hindi ko naman sinabi na andoon ako eh. Ikaw ah.”

Argh!! Bakit ba parati niya ako nakokontra. Hmph! Asar!

Page 268: The GAME of My Life Story

“Bahala ka nga.”

At yun, nagwalk out ako. Well, nagpaalam ako kay tita Elle syempre, sabi ko na kelangan ko na umuwi. Nagoffer pa nga na ihatid ako eh pero syempre, sabi ko wag nalang. Kakahiya nu, saka sino matitira

sa kambal at kay Nestle?

Lumabas na ako nung bahay nila at naglakad lakad lang muna. Hindi na ako nagpaalam kay Mark, ewan ko, naiinis ako kasi parang naloko

niya ako kanina. Naku, gumamit pa ng bata. Hmph! Bahala siya.

Pero hindi pa siguro ako nakakalayo eh may tumatawag na sa pangalan ko.

“Kheira wait!”

Tuluy tuloy lang lakad ko. Ewan ko, tinopak na naman ako eh. Haha.

“Kheira!”

Grabe ang bilis nito tumakbo. Nakahabol na kasi siya sa akin tapos hawak na niya dalawa kong braso. Pero hindi ako nakatingin sa

kanya.

“Kheira naman…tingin nga dito.”

Hmph. Hinawakan niya yung mukha ko at hinarap niya sa kanya pero yung mata ko eh nilipat ko ng direksyon.

“Sige ka! Pag hindi mo ako tinignan hahalikan kita!”

Napatingin naman ako sa kanya.

“ANO?!” Ngumiti siya.

“Uuwi ka na hindi ka man lang magpapaalam.”

“Nagpaalam kaya ako…kay Tita Elle.”

“Sa kanya oo, eh paano naman ako?”

“Ewan ko sa yo.”

Tapos aalis dapat ako pero hinila niya ako.

“Galit ka?”

“Hindi. Gusto ko lang umuwi.”

Page 269: The GAME of My Life Story

“Galit ka eh.”

“Hindi nga eh!”

“bakit ka nasigaw?”

“Ang kulit mo eh!” tignan mo nga naman, tawanan daw ba ako.

“Sorry talaga kanina. Alam kong mali yung ginawa ko na utusan yung mga bata na tanungin ka.”

Hindi ko naman siya inimik. Hindi naman kasi yun yung kinaiinis ko eh.

“Masama ba talaga kung…”

Tumigil siya saglit at napatingin lang ako sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay kasi ang tagal niya.

“Kung ano?”

Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa noo at pagkatapos nun eh umalis na siya.

“Hoy! Kung ano!?”

Lumingon siya at nakangiti parin. Ang weird talaga nito.

“Gusto mo malaman?”

Tumango lang ako sa kanya. Pero siya eh tumawa tapos nginitian ako.

“Saka nalang!”

At pagkatapos nun eh umalis na siya. Hmph! Bwisit na yun, nangbitin daw ba! Ngayon sabihin niyo sa akin…

Page 270: The GAME of My Life Story

Paano ako makakatulog nito mamaya?!?

Chapter 35

AT gaya nga ng sabi ko kanina, hindi ako gaano nakatulog. Bwisit naman kasi yung Mark na yun eh, ayan tuloy, napaisip ako kung anu

man yung sasabihin niya. Asar nga eh, mga 12 na yata ako nun nakatulog.

Kinabukasan, nagising ako ng mga 4:30. nag-alarm kasi ako ng ganoong oras eh. Kelangan kasi nasa school na by 5:30. So ayun, nag-ayos na ako, naligo. Kumain. At kung anu-ano pa. Pagkatapos kong gawin lahat yun, dumaan ako sa mga kwarto nila Hansel at Kuya Kaloy. Si Kuya eh tulug na tulog pa. Si Hansel naman, aba

tignan mo…gising pala.

“Uy, bakit gising ka na?” 5:00 palang nun.

“Wala lang. Trip ko lang.”

“Nge.” Tumabi naman ako sa kanya at tinignan yung binabasa niya. Akalain mo nagbabasa pala siya? Hahaha joke lang.

“Anu yan?”

“Libro, di ba obvious?”

Binatukan ko siya, duh alam kong libro yun.

“Pilosopo ka no?”

“bakit di ka pa naalis?”

“Aga pa eh.”

“eh bakit ka gumising ng maaga?”

Page 271: The GAME of My Life Story

“Para makaalis ng maaga.”

“ang gulo mo.”

“Sige, pinapalayas mo na ako eh. bye bye!”

“Ingat dun ah! Wag sumama kung kani-kanino! Don’t talk to strangers!”

Tapos nun eh tumawa siya. Ako naman eh nauna na at pumunta ng school. Since sobrang lapit lang talaga eh within 10 minutes

nakarating na ako dun. Nakita ko pa nga na nakaabang sa labas si Mark eh.

“Huy!”

“Andiyan ka na pala. Tara, pasok na tayo sa bus. Andoon na yung iba eh.”

“Okay.”

Pumasok naman na kami sa loob ng bus. Marami rami narin yung mga tao dun.

“Hi Kheira!”

“Hi.”

Nakiupo na ako sa kanila. Ang weird nga eh, ako lang kasi ang babae dun, mayroon na iba kaso nga lang, kelangan daw namin umupo

kasama nung banda. Eksaktong 5:30 eh umalis na kami ng school.

Page 272: The GAME of My Life Story

“Wag kang makulit Lian, baka magising.”

Huh? Ano ba yan? Bakit ba ang ingay ingay nila? Ano bang meron?

Binuksan ko yung mata ko tapos nakita kong nakapalibot sila sa akin. Don’t tell me, naghilik ba ako!?!? O kaya may tulong lawaY?

Napahawak naman ako sa tabi ng bibig ko tapos yung iba eh tumawa naman.

“Don’t worry Kheira, hindi tumulo laway mo, at lalong hindi ka naghilik.”

Medyo nagblush ako nun, syempre no nakakahiya tapos bigla kong napansin na parang ang lapit ko masyado kay Mark kaya ayun,

napausog ako. Nauntog pa nga ako eh.

“Ow.”

“Ayos ka lang? Ang kulit mo kasi Lian eh!”

“Ayos lang ako.”

Hinawakan niya yung likod ng ulo ko tapos parang minasahe niya.

“Really, ayos lang ako.”

Tumango lang siya tapos kinausap na uli yung iba naming kasama. Napatingin naman ako kay Lian pero nilipat niya kaagad tingin niya

at umupo ng maayos. What was that all about?

Hindi nagtagal, nakarating narin kami dun sa place ng convention. Marami rami rin yung tao dun. At syempre, dahil mga banda nga eh

kanya kanya ng dala ng instrumento.

Ang original na plano, magsasama lahat ng banda sa isang room, tapos kung may babae man eh ihihiwalay. Pero sa kaso namin nila Mark, dahil ako nga lang yung nag-iisang babae, di tulad ng iba na

may kasama, eh pinagsama sama nalang lahat ng babae na galing sa school namin. Ang nakakainis pa dun, ako lang yung senior. Puro

Page 273: The GAME of My Life Story

mga sophies at junior yung kasama ko.

“Hi po! Ikaw po yung si Ate Kheira diba—”

“Ah..oo—”

“----yung nililigawan ni Kuya Mark?”

Ano daw?!? Ligaw?!

“Ah, hindi niya ako nililigawan…”

“Wag mo na ideny ate, alam naman ng halos lahat ng high school students eh.” Tapos nginitian niya ako. Anu ba yan, totoo naman eh.

Hindi naman talaga siya nanliligaw eh. DibA? Kelan ba siya nagtanong?

After namin makapagsettle dun sa rooms, tinawag na kami nung guide doon at tinipon kaming lahat sa isang parang auditorium.

Pinaupo kami by bands tapos sabi eh maghintay lang daw para dun sa coordinator nila.

“Kamusta sa room niyo?”

“Ahh…okay lang.”

Nginitian niya ako nun at hindi na nagsalita kasi dumating na yung speaker.

“Magandang umaga sa inyo. Naku, hindi naman sinabi sa akin na marami rami yung mga talented na banda. Anyway, mas maganda

naman kung marami eh kasi mas magiging exciting.”

Nagsalita pa siya ng kung anu-ano doon. Sinabi niya na yung schedule daw namin eh nakapost lang kaya kami na daw bahala maghanap. At ang first event daw, lahat ng banda tutugtog ng 1

song at mamayang hapon na yun.

“At syempre, hindi rin mawawala ang sarili nating battle of the band.”

Nag-usap usap yung iba dun kaya medyo umingay pero tumahimik din kasi sinaway sila.

“---and to make this battle of the bands more interesting, may hinalo kaming pampagana.”

Ooh, interesting. Ano na naman kayang pakulo ito?”

“Ang 1st place winner sa contest na gaganapin bukas ay

Page 274: The GAME of My Life Story

magkakaroon ng chance na mafeature sa MYX at sa MTV!”

WHOA! Sosyal nila ah!

“Wow, grabe…ang astig naman nun.”

“oo nga eh! nasasabik na tuloy ako!”

“At dahil nga yung band na iyon ay naprove nila na silang best of the bests, bibigyan sila ng 1 year Contract with ***** records.”

Oh my gosh! Ibig sabihin kung sino man ang mananalo eh sisikat!? Wow naman!

“Okay, lahat ng bands ay bibigyan ng kani-kanilang room para magpractice na. At exactly 12 noon ay kelangan andito na kayo for

lunch. Sabay sabay tayong pupunta sa cafeteria.”

Yikes, parang field trip ah. Saya naman, libre nga pala dito no? Iba na talaga pag sponsored.

“Okay, since nasabi na ang lahat…you may all go.”

May tumawag naman sa mga pangalan ng bands. Sila kasi yung mag guide sa amin kung saan kami magpapractice.

Pagdating namin dun sa isang practice hall, nakaayos na yung gamit. May nakalagay pa nga sa pinto na OSR eh. Pumasok na kami

nun tapos nagsettle na sila sa mga pwesto nila.

Halos kapareho lang siya ng ballet room, kaso nga lang isang side lang yung mayroong mirror sa wall.

“Ano bang tutugtugin natin mamaya?”

“Mas maganda kung maiba naman tayo, kasi baka sabihin ng iba eh wala na tayong ibang alam na tugtugin.”

“Nge, eh iilang banda lang naman may kilala sa atin dito..tatlo lang naman diba?”

“Tama naman si Gino eh, kasi kahit pa man 3 sila, baka parin isipin nila yun. Saka napakacommon ng mga tinutugtog natin. Baka nga

marami pa tayong kapareho eh.”

“Tama rin naman si Lian. SAka, ano naman kung may kapareho, eh mas mapoprove nga natin na magaling tayo tumugtog kung may

mga banda na icocompare sa atin.”

Wah, anu ba yan, bakit ba sila nagtatalo??

Page 275: The GAME of My Life Story

“Kaw Kheira? Ano sa tingin mo?”

Hala, anu naman to. Sinama pa ako. Hay, bakit kasi hindi kami 6 sa banda eh. Ayan tuloy, ako yung last vote. Grr, nakakainis ah.

“Umm…mas okay kung…ummm…bago kasi, parang…ummm nakakasawa rin kung paulit ulit.”

Tumango naman silang lahat.

“Okay, bagong song nalang siguro. Anong gusto niyo?”

Napaisip naman silang lahat sa tanong ni Marco. Hay, yan nga lang ang disadvantage. Baka kung makahanap kami ng common ulit na song na hindi pa namin natutugtog eh may kapareho parin kami.

“Wait, solo ba muna o duet?”

“duet/solo”

Nagkatinginan kami ni Mark. Ayoko nga magsolo.

“Solo, pero ikaw kakanta.”

“Hindi pwede, kaya ka nga naging vocalist eh..”

Nag-agree naman sila. Hay naku Kheira…bakit ka ba nakasali sa bandang iyan? Namili pa sila ng mga kanta doon tapos ayun, finally

nakapili kami. Yung song na “Akap” ng Imago. Nagsimula narin kami magpractice nun.

Hindi ko nga alam kung anong himala yung nangyari pero mabilis ko lang namemorize yung kanta. Buti nalang talaga, kung di nakakahiya

kung ako lang may copy dun.

Saktong 11:30 eh tapos na kaming magpractice kaya diretso na kami sa auditorium nila. Medyo marami na nga rin yung tao dun eh. At

nung dumating na yung coordinator, sabay sabay na kami sa cafeteria nila. Grabe, bongga nga eh, ang laki ba naman eh tapos

separate pa yung mga magkakaiba ng schools. May isang side para sa isang certain school. Pero symepre, pare-pareho lang yung food.

Madaya kung hindi. Hehe.

Kumuha kami ng food namin tapos nag-isang table lang yung mga magkakabanda. May mga babae pa nga na taga iba na nagpapansin

kina Mark at Lian eh. Hmph, ang lalandi.

“Taga ST. Agustine kayo?”

Page 276: The GAME of My Life Story

Grabe, hindi ba obvious? Kaya nga may sign eh! Hmph! Teka nga Kheira! Bakit ba ang taray ng dating mo??

“Ahh, oo.”

“I’m Shane pala. Itong friend ko naman eh si Trish. ”

“Lian. AT mga kasama ko, sina Mark, Gino, Marco at Kheira.”

Grabe todo ngiti nila ah. Pati nga si Trish eh, lalo na kay Mark.

“Hi Mark,”

Sabi nung Trish kay Mark. With matching pacute with the eye lashes pa. Bunutin ko yun isa isa eh.

Kheira!! Easy Lang! Anu ka ba!

“Hi.”

Yun lang sinabi ni Mark tapos kumain na ulit siya. Bwisit na dalawa to, nakiupo pa sa amin. Wala bang rule na dapat seat you’re your

band mates?!

Sina Marco at Gino hindi masyadong nakihalo sa kanila, hindi rin naman kasi sila yung pinunta nung dalawa eh. Obvious naman na

sina Mark at Lian yung hanap nila eh. Saka kahit naman siguro interested man yung dalawang babae kina Marco eh hindi parin nila

papansinin. Di ba nga? May Lia at Celine na sila.

“Oh Kheira, san ka pupunta?”

“Diyan lang sa labas…maglalakad. Sige ah.”

Lumabas naman na ako. Grabe, hindi ko na matake yung pangfiflirt nung dalawa eh. Nakakairita. Lalo na yung pagpapabeautiful eyes

nila. Nakakairita tlaga.

Pumunta naman ako dun sa may garden nila at umupo dun sa grass. Hay, ang sarap naman dito…ang lamig pa. Napakasarap magrelax

dito grabe. Parang lahat ng iniisip ko kanina eh nawala nalang bigla.

Humiga ako nun kasi sobrang kanina ko pa gusto magrelax. At yun, medyo guminhawa pakiramdam ko.

“Bakit ka nakahiga diyan ng mag-isa? Baka kung sino bigla lumapit sa iyo at kung ano gawin sa yo..”

Napatingin naman ako kay Mark. Kelan pa siya dumating? Ah ewan.

Page 277: The GAME of My Life Story

“Sus,”

Tumabi siya sa akin, pero hindi siya humiga. Naglean back lang siya tapos tumingala.

“Bakit umalis ka dun?”

“Wala. Bakit? Masama?”

“Hindi. Baka lang kasi mamiss ka ni ‘Trish’.”

Tapos tumawa naman siya. Hay, baliw na yata tong kasama ko eh. Bwisit na to.

“Wag mong sabihin sa akin Kheira na…nagseselos ka?”

Aba! Kapal ng mukha nito ah!

“Kapal mo! Hindi no!”

“Bakit nangtataray ka?”

“Hindi kaya!”

“Sure.”

Hmph! Bwisit to.

“Diyan ka na nga!”

Tumayo na ako nun at paalis kaso may pinahabol siya.

“Kheira.”

“Ano!?”

Pero hindi ko siya nilingon. Bahala siya sa buhay niya.

“I think it’s my turn to tell you na…”

Napatingin ako sa kanya at nagulat ako kasi nasa likod ko lang pala siya. Tapos humawak siya sa magkabilang balikat ko at ngumiti.

“Trust Me. Wala kang dapat pagselosan.”

Nanlaki mata ko tapos hinalikan niya ako sa noo tapos umalis na siya. Alam kong pang mga grandparents yung ganoong kiss pero…

ewan ko, nagblush ako bigla. Grabe nga eh, sobrang bilis pa ng tibok ng puso ko. Buti nga eh hindi bumigay yung tuhod ko.

Page 278: The GAME of My Life Story

Wait…ano sabi niya?? Wala daw ako dapat pagselosan?? Ako!?!? Nagseselos?!!? HA!

Paano naman niya nalaman!?Chapter 36

Natapos na yung lunch time. Diretso na lahat sa may auditorium. Napansin ko nga na iniba na nila yung place nung podium eh. Tapos may drums na sa gitna. Kanya kanya na kasing dala ng gitara kasi mahirap at matagal magtono. Tapos syempre, dahil napakahirap

maglipat ng drum set, nagprovide na sila dun.

Nagstart na sila. Dahil S ang start ng name ng school namin (St.) medyo matagal tagal pa siguro kami. Alphabetical kasi yung order

para daw maayos at walang daya na.

Tama pala yung decision namin kanina na bago naman yung tugtugin. Paano, first performance palang eh nakuha na nila yung

Stars. Tapos sunod na yung iba pa naming kinanta. Badtrip nga eh. buti nalang talaga eh wala pang nakakakuha sa kanta na napili

namin.

Palapit na yung sa school namin. Ilang banda nalang siguro eh yung amin naman.

“Okay, that’s a very nice presentation McJolliC with the song, Choose ng Mojofly. Our next batch of bands will be coming from the

school, St. Agustine Academy! Let’s start off with Band-aid!”

Tinugtug nila yung Beer by Itchyworms. Ang cute nga eh, ang kulit nung lead singer nila. Parang lasing talaga.

Yung sumunod naman eh yung Hailstorm at kinanta nila yung tuliro. Grabe, ang galing nga eh. Tapos ang hyper pa nung lead singer.

Tuliro…Tuliro…Tuliro…Tuliro…

“Wow! What a presentation by Hailstorm with Spongecola’s Tuliro. Now for our next presentor, let’s welcome, Our sassy Romance! ”

Wa! Kami na pala sunod! Hala Ka Kheira! Okay, whoooo! Breathe in, breathe out. Then, sing with your heart. Okay! Game! Let’s do this

Syempre, hindi mawawala yung pagpapakilala sa banda. Nung namention yung mga Names ni Mark at Lian eh nagtilian yung ibang girls. At nanguna

Page 279: The GAME of My Life Story

dun yung dalawang babaeng lumapit kanina. Hmph. Bahala sila.

“Okay, without further ado, here’s Akap by Imago.”

Nagtatanongbakit mahirap

sumabay sa agosng iyong mundo

NagtatakaSimple lang naman sana

Ang buhayKung ika'y matino

Sabihin sa akin lahat ng lihim moIingatan ko

Ibaling sa akin ang problema mokakayanin ko

Pikit matakong iaalay

ang buwan at arawpati pa sapatos kong suot

Nagtatanongsimple lang naman sana

ang buhaykung ika'y lumayo

Sabihin sa akin lahat ng lihim moIingatan ko

Ibaling sa akin ang problema mokakayanin ko

Sasamahan ka sa tamisSasamahan ka sa dilim

Sasamahan ka hanggang langitSasamahan ka sa tamisSasamahan ka sa paitSasamahan ka sa dilim

Sasamahan ka hanggang langit Sasamahan ka

Pagkatapos namin eh pumalakpak yung iba. Grabe, kinabahan ako dun ah. Buti nalang maayos naman.

Yung ibang mga banda eh tumugtog narin. Mga bandang 5 na siguro

Page 280: The GAME of My Life Story

kami natapos. Sabi nila eh bibigyan nila kami ng 2 hours para magpahinga tapos may parang welcome party daw mamaya sa

activity hall nila. Hindi naman daw formal, yung parang casual lang, kung baga, mga pang get together party lang. Ayun.

Nagpaalam na ako dun sa mga kabanda ko at symepre, diretso na dun sa room. Pagpasok na pagpasok ko palang eh binulaga na

kaagad ako nung mga kasama ko at nagtatanong ng mga kung anu anong maisip nila.

“Sis! Anong susuotin mo mamaya?”

“Sis! Magmamake up ka ba?”

“Sis! Gusto mo ayusan ka namin?”

“Whoa! Time out lang! Isa isang tanong lang! Mahina ang kalaban!”

“Sinong kasayaw mo mamaya?

Si Lian o si

Mark?”

Wah! Anu ba yan! Ang hilig naman nila sa tsismis! Hmph!”

“Wala!”

Napalakas tuloy boses ko ng di oras. Sila naman eh napangiti.

“Wushu! Aminin”

Ugh!

Kinulit kulit pa nila ako, pero syempre, sabi ko sa kanila eh mamaya nalang kasi pagod ako at gusto kong matulog. Tinantanan naman

nila ako tapos nakatulog din ako.

Page 281: The GAME of My Life Story

“Ate…gising na…6:30 na po!”

Napamulat naman ako at nagulat dahil yung mga mukha nila eh nakapalibot sa akin.

“aH! Bakit ang lapit niyo?!?”

“Sorry po! Kasi kanina ka pa namin ginigising”

“ahh…okay.”

“Aayusan ka na po namin”

Wah! At kelan ako pumayag?!?

“Wag na—ah!!”

Bigla ba naman akong buhatin! Tama ba yun!?!?

“Ako bahala sa eyebrows…bawasan lang ng konti.”

Ano daw?!?! Babawasan!?!? Huh?!?!? Hindi pwede!!!

“Wag!! Wag mong babawasan kilay ko sinasabi ko sayo!”

Napatingin siya sa akin at nagtaas lang ng balikat.

“Okay.”

Ang kukulit talaga nitong mga babaeng ito. Nakakainis. Kung anu-ano yung pinaglalagay sa mukha ko. Mukha nga siguro akong clown

pagtapos nito eh.

“Tapos na!”

Page 282: The GAME of My Life Story

Nakapikit ako nun at inikot nila ako para iharap sa may salamin. Okay, Kheira…be ready for the greatest shock of your life!

Dahan dahan kong binuksan yung mata ko at…WAH!!!!!!! KHEIRA?!?! ANONG NANGYARI SA YO!?!?! GUMANDA KA!!

Seriously, tumino hitsura ko. Nagmukha yata akong tao. Wahehee. Napangiti ako at nagapir yung mga kasama ko.

“Mission complete!”

Simple lang naman yung ginawa nila sa mukha ko eh. Bagay daw kasi sa akin ang simple. Nilagyan lang ako ng light na lipstick at lip gloss. Tapos powder sa mukha(skin tone) at blush on. Yun na. Pero grabe, ang ganda ng ginawa nila sa buhok ko. Ang cute nga eh. Half pony siya tapos yung lower part eh kinulot nila. Grabe, ang cute nga eh. Pang grad ball ang dating. Hmm, sila rin kaya pagayusin ko sa

akin? Waheheh. Joking.

“Salamat ha.”

“Wala yun sis! Anything para lang gumanda ka lalo para kay Kuya Lian.”

Napatingin naman ako sa kanya.

“Kuya Lian ka diyan…mas bagay sila ni kuya Mark no!”

“Agree ako kay Sheryl, Kate. Mas bagay siya kay kuya Lian”

Aba, kawawa naman si Kate. Pinagtulungan nina Sheryl at Hannah.

“Whatever girls! Tara na nga, bihis na tayo.”

Nagbihis na kami. Ako naman eh pinipilit nilang magskirt.

“Wala nga akong skirt na dala!”

“Anong wala? Anong tawag mo dito?”

Tapos nag-angat siya ng jean skirt mula sa bag ko. What the---sinong naglagay niyan diyan!?!?

“Pero---”

I’m guessing isang napakakulit na lalaking nagising at kunwaring nagbabasa nung dumaan ako sa room niya. Bwisit na iyon! Kaya pala

ang aga gumising eh! Lagot ka sa akin pag-uwi ko Hansel!!!

Page 283: The GAME of My Life Story

Tinignan ko pa nga yung iba kong. Mga damit. Nanlaki naman yung mata ko. Teka nga! Bakit ang puro skirt at sleeveless na damit to!!

ARGGHHH PATAY KA SA AKIN HANSEL!!!!

Pumunta na kami dun sa party ng mga 7:15. Matagal tagal din kasi nila akong pinilit na okay naman daw yung suot ko eh. Ugh. As if! Mukha siguro akong ewan dito. Pinilit kasi nilang suotin ko yung isang jean skirt at sleeveless na top. Plain lang yung design pero presentable naman. Kaso nga lang, hindi ako sanay na sleeveless

suot ko kaya ayun…hindi ako mapakali.

“Anu ba sis, maganda ng eh.”

Sipain ko tong mga to eh. Bakit ba kasi hindi nalang nila pinasuot yung shirt o kaya yung long sleeves. Bwisit.

“Sige Ate Kheira…una na kami. Doon kami sa kabanda namin.

Page 284: The GAME of My Life Story

Byebye! Goodluck sa mga papa mo!”

Hmph! Papa ka diyan!

“Che!”

Ako naman eh naglakad lakad na. Grabe sobrang nailang ako kasi yung iba eh nakatingin pa. Hinanap ko naman kaagad sina Marco at

dahil hindi naman ganoon kasiksikan dito eh madali ko lang sila nakita. Yun nga lang…hindi nila kasama sina Lian At Mark.

“Uy!”

Lumingon sila sa akin tapos napanganga.

“Umm, hi miss?”

Loko to ah!

“si Kheira to no! Sira ba kayo!?”

“KHEIRA?”

“Oo nga eh! ang kulit niyo!”

Tapos tumawa silang dalawa at umakbay sa akin.

“Kheira kaw ba talaga yan?! Hindi kita namukaan ah!”

“Nyek! Ano ba yan.”

“Seriously Kheira…ang ganda mo ngayon.”

“Che! Wag na nga kayong mambola.”

“We’re notjoking!!”

“Bahala kayo. Saan na yung iba?”

“Sina Mark? Ayun oh…hinila kasi sila nina Trisha at Shane.”

Napatingin naman ako dun sa direksyon na tinuro niya. Ewan ko, feeling ko nahulog yung heart ko sa may bituka ko kasi nakita kong

nagsasayaw sila. Tapos ang lapit pang magsayaw nina Mark at Trish.

Okay Kheira…easy lang.

“Ahh okay. S-sige…kuha lang ako ng inumin.”

Hindi ko na nakayanang tignan. Ewan ko, ang sakit eh. Bakit ba kasi

Page 285: The GAME of My Life Story

kung kelan binuksan ko na ulit yung puso ko para sa iba eh masasaktan lang pala ako? Wala ba akong karapatan na magmahal?

Pagkatapos kong kumuha ng inumin eh bumalik nalang ako sa table namin. Feeling ko tuloy loner ako. Paano ba kasi eh sina Marco at Gino eh nakikipagusap dun sa dj yata. Tapos sina Mark…well, alam

niyo na.

“Hi,”

Napatingin ako dun sa nagsasalita.

“hi.”

“I’m Sid. Umm, pwede ba tayong magsayaw?”

Tama Kheira…para mawala sa isip mo yung nakita mo kanina. Makipagsayaw ka nalang.

“Sure.”

Sinama naman niya ako dun sa dance floor tapos nagsayaw na kami. Ang lively nga nung beat kaya medyo nakakapagod din siya. Ang dami ko ngang nakabangga pero syempre, nagsorry naman ako.

Hindi naman kasi talaga maiiwasan na magkabanggaan.

Matagal tagal din siguro kaming nagsayaw dun. Iba’t ibang kanta rin yung mga pinatugtog. And this time, slow song naman yung

pinatugtog.

“Umm, pagod na ako…”

Napasimangot naman si Sid pero ngumiti din kaagad. Nagpaalam na kami sa isa’t isa tapos ako eh bumalik nalang sa may table namin.

Bakit nga ba ayaw kong magsayaw noon? Don’t tell me na inaasahan kong…Hindi! Hindi yun ang dahilan Kheira. Tama lang yung sinabi mo kay Sid kanina. Pagod ka na diba? Sobrang sakit na nga ng paa

mo eh diba?

Oo tama nga siguro. Hay, nakita ko naman sina Marco, nasa may labasan sila. Napalingon pa nga sa akin eh, nagsign sila na babalik

na sila sa room nila. Naks, ang faithful talaga nung dalawa oh. Matapos yung slow song eh sinundan pa ulit ng isa pa. Ewan ko ba

dun sa dj, parang nananadya yata. Ang bad trip pa dun eh, pinatugtog yung I Love you Goodbye. Hay, may naalala tuloy ako…

“I love you Goodbye Kheira.”

Argh! Nakakaasar naman oh! Bakit kelangan ko pang maisip yun!

Page 286: The GAME of My Life Story

Badtrip, feeling ko tuloy maiiyak na ako eh.

May mga iba pang lalaking nagyaya sa akin na sumayaw ng slow song, pero tinanggihan ko silang lahat. Hindi kasi sila yung…fine! I

admit. Hindi kasi sila si Mark.

Napagod na ako nun at inantok na ako kaya tumayo na ako at umalis. Tinignan ko ulit kung nasaan silang dalawa pero wala na si

Mark. si Lian nalang yung nandoon. Hindi na ako nagpaalam sa kanya, ewan ko…wala rin naman akong sasabihin sa kanya eh.

Lumabas na ako dun sa activity hall at syempre, naglakad lakad muna. Bumalik ako dun sa parang garden na pinuntahan ko at

umupo. Grabe, pag nandito ako eh narerelax ako. Tapos isama mo pa yung pagiging malamig ng hangin…hay…heaven.

“Sabi sayo wag kang humiga diyan mag-isa eh.”

Tinignan ko lang siya habang nakatayo siya pero hindi ko siya kinausap. Wala ako sa mood at baka kung ano lang magawa ko.

Mahirap na.

Pumikit nalang ako ulit tapos naramdaman ko naman na tumabi siya sa akin.

“Bakit umalis ka dun?”

“Wala lang.”

“Ahh.”

At yun, tumahimik na naman. Walang nagsalita sa amin nung mga oras na yun. Ako naman, kahit anong gawin ko eh dahan dahang tumulo yung luha ko. Buti nga at madilim eh, hindi niya nakikita.

Ayoko ngang malaman niya na umiiyak ako dahil sa kanya.

“Ang ganda mo ngayon, alam mo ba?”

“T-thanks.”

Argh, bwisit naman.

“Umiiyak ka ba?”

“Hindi!”

Tumayo na ako nun. Ayoko nang magstay dun kahit kanina eh parang sobrang sarap.  Aalis na sana ako pero hinila niya ako. Ako

naman eh nakapikit parin.

Page 287: The GAME of My Life Story

“anong problema?”

“W-wala. Gusto ko nang matulog.” Pero hindi parin niya ako binitawan, instead, niyakap niya ako ng mahigpit.

“Sorry.”

“H-ha?”

“Sorry Kheira. Sorry.”

At dahil dun, napaiyak pa ako lalo. Mukha siguro kaming ewan dun pero wala na akong pakielam.

Kahit papaano, medyo umayos yung pakiramdam ko. Ewan ko kung alam ba ni Mark nung mga oras na yun na siya yung dahilan ko kung

bakit ako umiyak, pero feeling ko oo.

“Hatid na kita sa room niyo.”

Tumango lang ako sa kanya at naglakad na kami. Ang weird pa doon eh nakahawak siya sa kamay ko tapos nakaakbay pa. Para bang

ayaw niya akong bitawan.

Pagdatin namin dun sa room, as expected, eh wala pang tao. Siguro nagsasaya pa yung iba dun. Binuksan ko yung pinto tapos yung ilaw

at pagkatapos eh humarap na ako sa kanya.

“Thanks.”

Tumango lang siya sa akin tapos nun eh humawak sa balikat ko. Naramdaman kong palapit yung mukha niya sa akin at sa hindi ko

malamang dahilan, hindi ako lumalayo. Ang weird nga eh, parang iba ang may control sa akin nung mga oras na yun.

“Good night.”

At yun, umalis na siya. Ako naman, parang natauhan at natulala. He kissed me again, and this time…

Page 288: The GAME of My Life Story

It wasn’t an accident.

Chapter 37

Maaga akong nagising the next day. Ang himbing kasi ng tulog ko. Ang weird pa dun, sobrang hyper ko.

Lumabas kaagad ako dun sa room. Wala pa yatang gising eh. paano, anong oras na ba natapos yung party? 1? 2? Hindi ko alam. Pumunta ako sa garden para maghanap ng signal, may kailangan kasi akong

tawagan eh. Kilala niyo naman kung sino diba?

“Hello? Sino ba to? Ang aga aga eh!”

“HOY HANSEL ENRICO CORTEZ! AKALA MO HINDI KO ALAM AH! BAKIT MO PINALITAN LAHAT NG DAMIT NA PINACK KO!??!? Ha?!?!

SUMAGOT KA!!”

“Wow! Good morning din Kheira. Masaya ba diyan?”

“DON’T YOU DARE CHANGE THE SUBJECT HANSEL! SAGOT!”

“Fine. Okay, gusto ko lang naman kasi na magdamit ka ng

Page 289: The GAME of My Life Story

pambabae for a change! Hindi yung puro jeans! Okay? Happy?”

“HAPPY?!? HAPPY?!!?”

“Puso mo!”

“Bwisit ka talaga Hansel!! Pagbalik namin eh babatukan at sisipain kita!!”

“Sige! I LOVE You TOO!!”

“BWISIT!”

Tapos nilayo ko sa tenga ko yung phone kasi I love you siya ng I love you. Hmph! Akala niya mababago niya isip ko?? Binabaan ko na siya

ng phone at babalik na sana ako sa kwarto ko nang…

“Ano ba talagang meron Kheira? Naguguluhan na ako.”

“Ahh…ehh…”

Waah! Paano na? Okay, sabihin mo na kasi yung totoo Kheira. Kaya mo yan! Aja!

“Si Hansel ay---”

“Boyfriend mo na?”

“Hindi!”

“Then ano!?”

“He’s---”

“Mark? Hey, andiyan ka lang pala. TAra, may nakaserve na pala na food---oh, I’m sorry. Did I interrupt something?”

“Wala Trish. Dahil wala rin naman kaming pinag-uusapan eh.”

At pagkatapos nun eh umalis na ako. Wala na akong pakielam kung tawagin niya ako. Grabe, bakit ba kelangan kong masaktan ng

ganito? Bakit??

Dumiretso ako dun sa room namin at naglock. Napalakas nga yata yung pagsarado ko ng pintuan eh, kaya nagising yung mga kasama

ko.

“Ate? Ate anong nangyari?”

Bigla silang pumalibot sa akin tapos niyakap nila ako. nung napansin

Page 290: The GAME of My Life Story

nilang hindi na ako nagsalita, hindi narin sila nagtanong.

Mga 9 siguro nung nakatahan na ako. Nagthank you naman ako dun sa tatlo na kasama ko at pinauna ko na sila. Pagkaalis nila eh nag-ayos nalang ako ng sarili ko. Naligo at nagpalit na ng para susuotin

ko mamaya hanggang sa contest. Tapos dumiretso na sa may cafeteria. Andoon pa nga si Lian nung dumating ako eh, nakangiti pa

nga sa akin eh.

“Uy Kheira! Heheh, hindi yata kita nakita kagabi?”

“Oh? Talaga? Ako kasi nakita kita eh.”

“Ahh..sayang naman, gusto pa naman sana kitang isayaw.”

“Hahaha.”

Kumain lang kami nun at nagkuwentuhan. Binigay pa nga niya sa akin yung kakantahin mamaya eh. Whoa, ito yung kinanta ko dati

kasama si Hansel ah. Okay, hindi na siguro ako mahihirapan magmemorize nito.

Umalis na kami dun at sabay na kaming pumunta dun sa practice hall namin. Magsisimula na sana kaming magpractice nun kaso nga

lang si Mark wala pa daw, kaya naman si Lian eh hinanap na kaagad.

Ilang sandali lang eh nakabalik naman na sila.

“Saan mo nahanap?”

“Andun, kasama ni Trish.”

“Akala ko ba magpapractice na tayo?!”

At yun, nagsimula na kami. Grabe, sobrang sakit ng pakiramdam ko habang nagpapractice kami. Kaya nga hindi ako makakanta ng

maayos eh. Ang hirap. Dagdag mo pa yung fact na natatamaan ako dun sa lyrics ng kanta? Grabe, sobrang hirap talaga.

“Kheira…anong problema?”

“Ha?? Ahh..wala. Sorry, medyo may iniisip lang ako.”

“Ahh okay.”

“Mamaya na kasi isipin yung mga boyfriend o kung sino man.”

Alam kong sa akin niya pinatama yun, pero hindi nalang ako umimik. Si Lian naman…well,

Page 291: The GAME of My Life Story

“Dude ano bang problema mo? Bakit ganyan ka kung umasta?”

“Ewan ko. Ganyan lang talaga siguro kung niloloko ka ng taong mahal mo.”

Nagkatinginan sila ng nakakatakot. Ako naman eh pinigilan ko nalang sila.

“Tama na Lian. Practice nalang tayo.”

At yun nga, wala ng umimik after nun.

Nanlalamig na bang pag-ibig mo?

Argh, badtrip naman oh.

Tumigil na naman kaming tumugtog. Grabe, sobrang nahihirapan ako.

“I think, dapat break muna tayo. Kahit 15 minutes lang.”

Tumango kami tapos naramdaman ko naman na hinila ako ni Lian sa labas. Nagulat nga ako eh. hindi ko pa alam kung saan niya ako

dadalhin.

“Lian teka lang!”

Tumigil naman na kami at napansin kong nasa may garden kami.

“Now, sabihin mo sa akin. Anong problema?”

Umupo ako dun tapos tumabi siya sa akin. Huminga naman ako ng malamim.

“Promise mo muna na wag mong sasabihin kahit kanino.”

“Promise. Cross my heart.”

“Lian, I’m sorry pero…”

Tumigil ako sandali at tumingin sa kanya ng diretso. Grabe, ang hirap naman sabihin na mahal mo ang isang tao dun sa isa pang tao

na may gusto sa iyo. Pero tingin ko naman na nawala na yun eh. Sana.

“I think I love Mark”

Nagulat siya at nanlaki yung mata. Parang hindi siya makapaniwala na sinabi ko yun. Tumingin siya sa baba tapos parang may sinasabi

siya na mahina pero hindi ko maintindihan.

Page 292: The GAME of My Life Story

Tahimik lang kami nung mga oras na yun. Wala siyang sinabi sa akin, at ako rin naman sa kanya. Hindi ko kasi alam yung sasabihin

ko eh.

May narinig kaming tumawag sa amin, si Marco pala. Pinababalik na kami nun at syempre, sumunod naman kami. Ang problema nga

lang, hindi parin niya ako kinakausap. Anu ba yan…dalawa na yung may galit sa akin.

Page 293: The GAME of My Life Story

“Kinakabahan ako.”

Contest na ngayon. Natapos na yung iba na magperform at sobrang nakakakaba talaga kasi ang gagaling talaga nilang lahat. Grabe nga

eh. Nakakaamaze.

“Kaya niyo yan. Kayo pa.”

Nung makabalik pala kami ni Lian eh medyo ayos narin yung practice. Siguro nga kinailangan ko lang ng malalabasan ng sakit ng

loob ko. Kaso nga lang, hanggang ngayon eh hindi parin ako pinapansin ni Lian. Hindi ko naman siya kinakausap kasi baka hindi

niya ako pansinin. Nakakahiya.

Tulad nung presentation kahapon, ganoon ulit yung order nung pagpepresent namin. Para daw hindi na mahirapan sa draw lots ek

ek.

“Thank you Hailstorm for that awesome presentation. Grabe, natangay talaga kami dun. For our next contestant we have, Our

Sassy Romance!”

Pumunta na kami sa stage at nag-ayos ayos na sila. Ako naman eh tinest ko na yung mic. Ewan ko kung anong meron pero ako na yung

pinag-introduce nila sa amin.

“Magandang hapon sa inyong lahat. Kami po ang Our Sassy Romance from St. Agustine Academy and we’re here to play, Hiling

by Paramita.”

Nagsimula na silang tumugtog nun at ako naman eh huminga ng malalim. Okay. Kaya mo yan Kheira.

Nahihirapan na ang aking isip Nauubusan na ng sasabihin sa 'yo

Nanlalamig na ba ang pag-ibig mo sa 'kin, giliw

Nalilito ako Nais kong sagipin ang ating nalulunod na pag-ibig

Ngunit handa akong palayain ka

Page 294: The GAME of My Life Story

CHORUS Kung ito ang iyong hiling

Gaano man kasakit sa akin, ibibigay sa 'yo Ang tanging pakiusap lang, 'wag mo akong kalimutan Kay rami pang dadaan na pagsubok sa ating pag-ibig

Kakayanin ko kaya babawiin ko Ang mga nasabi na masasakit na salita

Kung ito ang iyong hiling Gaano man kasakit sa akin, ibibigay sa 'yo

Nanlalamig na ba ang pag-ibig mo

Nanlalamig na ba ang pag-ibig moNanlalamig na ba ang pag-ibig moNanlalamig na ba ang pag-ibig moNanlalamig na ba ang pag-ibig mo

Ohh..

Nung matapos kaming magpresent eh ang lakas ng mga palakpak nila. Pero hindi ko na masyadong tinignan yung audience dahil

dumiresto na ako sa may CR. Sobrang natamaan ako ng kantang yun to the point na umiiyak na pala ako.

May mga sumunod naman sa akin pero wala rin. Hindi narin nila ako nacomfort. Bawal kasi sina Marco at Gino sa may girls’ bathroom eh. Hinintay nila akong makalabas pero mga ilang minuto rin siguro ako

nagkulong dun.

“Okay ka na ba?”

Tumango lang ako at sabay sabay na kaming bumalik dun. Sa pwesto namin kanina. Nandoon nga sina Mark at Lian eh pero hindi

ko sila pinansin. Hindi rin naman kasi nila ako papansinin eh so what’s the point diba?

Natapos na lahat ng mga banda. Binigyan kami ng 5 minutes break para daw mafinalize na ng judges yung winners. Sinamahan ako nina

Gino sa may cafeteria at bumili kami dun ng maiinom.

Dahil mabilis lang naman ang 5 minutes, bumalik na kaagad kami at ayun, nagresume na yung program.

“Okay, let’s not delay this any further dahil bibiyahe pa kayo pauwi. Okay, ang nagkamit ng 3rd place ay ang…”

Hindi ko ineexpect talaga na manalo kami. Feeling ko kasi kulang pa yung ginawa kong pagkanta kanina eh. Pero sabi naman nila Marco

eh maganda daw.

Page 295: The GAME of My Life Story

“BittersSweet Symphony!”

Wow, yun yung kumanta kanina ng Pare ko. Ang galing nga nila eh. Deserving silang manalo. Honestly.

“Ang second placer ay…well let me tell you guys first, talagang napiga ang mga utak ng judges dahil sobrang galing talaga nung

nag 1st at nag 2nd place. Okay anyway, ang nagkami ng 2nd place ay ang…Our Sassy Romance! At ang nagkamit ng 1st place ay ang

Evolution Theory!”

Wow! I mean, nanalo pa kami ng 2nd place nun?? Ang astig naman! Umakyat kaming lahat sa stage at isa isa kaming binigyan ng

certificate of participation. Tapos may trophy pa nga eh.

May mga sumalubong sa amin na taga school din namin at sabi nila na ang galing daw namin. To think na out of 25 bands eh naka 2nd

place kami. Ang galing daw talaga.

Nagkaroon ng ng closing ceremony tapos pinabalik na kami sa mga rooms namin para magpack.

“Sis grabe ang galing niyo talaga kanina! Sobra as in!”

Napangiti naman ako sa kanila. Mabilis lang kami nag-ayos ng mga gamit kasi hindi naman namin nilabas lahat. Lumabas din kami

kaagad tapos dumiretso na sa may bus. Hay, sino kaya katabi ko ngayon? Ang hirap naman nito.

Pag-akyat namin ng bus eh nakita kong may space pa sa tabi ni Mark at meron din sa tabi ni Lian. Sa totoo lang, ayokong tumabi sa

kanila, kaya buti nalang talaga ng…

“Sis! Tabi tayo dali!” Wah! Lifesaver ka Kate! Sobra!

Ngumiti ako sa kanya tapos sinundan ko siya. Hindi ko na tinignan sina Mark kasi alam ko naman na wala na yang mga pakielam. Umupo kami sa likod ng katapat na seat ni Mark sa left tapos nakipagdaldalan na sa akin si Kate. Ang hyper nga niya eh.

*RIIING!!*

“Teka Kate.” Tumahimik siya nun at ako naman eh sinagot ko na yung phone ko.

“Hello?”

“Hey, san na kayo?”

Page 296: The GAME of My Life Story

“Pauwi na why?”

“Wala lang. Miss kita ate!”

“Sira! Humanda ka talaga sa akin pagbalik ko.”

“Ito naman, naglalambing lang ako eh.”

“Whatever.”

“Tumawag kanina sina Mama.”

“Oh? Ano sabi?”

“Mawawala daw sila sa Christmas vacation natin kasi may kailangan asikasuhin sa ibang bansa. Kaya kung pwede daw eh dun na tayo sa

bahay magspend ng vacation.”

“Ahh…okay. Grabe naman yun.”

“Hay, sinasabi ko sayo Kheira, masanay ka na.”

Pero parang sobra na eh no? Biruin niyo, mas pipiliin nilang magspend ng Christmas sa trabaho kesa kasama ang pamilya nila sa

bahay. Grabe talaga.

“Oi sige, bye na.”

“WAH! Bakit naman?”

“Inaantok ako.”

“Ah ok. Sleep tight ate!”

“Bwisit.”

Tapos binabaan ko na siya. Gaya ng sabi ko sa kanya, matutulog na ako nun. Si Kate nga eh mas nauna pa sa akin. Isipin niyo?

Nakatulog siya sa may maingay? Whoa, galing niya ah.

Ngumiti lang ako at pumikit na, in no time, nakatulog narin ako.

Page 297: The GAME of My Life Story

“Ate Kheira, gising na po, andito na tayo!” 

Binuksan ko yung mata ko. Napansin ko naman na kami nalang yata ni Kate yung nasa bus kaya ako eh tumayo na.

“San yung iba?”

“Kanina pa po bumaba.”

“Sorry ha…”

Ngumiti lang siya sa akin at sabi eh wala naman daw yun sa kanya. Pagbaba namin sa school eh Madilim na. Tumingin naman ako sa

orasan ko, whoa, 6:00 na pala.

Page 298: The GAME of My Life Story

Naghiwalay narin kami ni Kate kasi dumating na yung sundo niya. Ako naman eh hindi ako nagpasundo, bakit pa diba? Ang lapit lang

ng bahay namin eh.

Maglalakad na sana ako nun paalis ng…

“Hoy san ka pupunta?!”

“Huy! Anong ginagawa mo dito??”

“Oo nga Hansel. Anong ginagawa mo dito?”

Napatingin ako sa likod ko. Andoon si Mark at si Lian at pareho silang nagtataka.

“Oh. Hindi ba obvious? Sinusundo siya why?”

Tumingin silang dalawa sa akin nun pero hindi ko sila pinansin.

“tara na Hansel.”

Aalis na sana kami nun pero hinawakan ako ni Mark sa braso ko.

“Akala ko ba wala Kheira? Naguguluhan na ako! naglolokohan lang ba tayo!?”

“Tama na Mark. Please, hindi lang ikaw ang naguguluhan.”

“Bakit hindi mo masabi sa akin ang totoo Kheira?!? HA? Bakit?! Dahil ba ayaw mong malaman ko na pinapaasa mo lang ako sa wala?!

Dahil yun lang naman ang nangyayari sa atin eh!”

Naiiyak na ako nun. No, umiiyak na pala ako nun. Kaya ito namang is Hansel eh…

“Bitiwan mo nga siya! Nasasaktan na siya hindi mo ba nakikita?!?”

“Ano Kheira??? Bakit hindi ka magsalita?!?”

Napatingin ako sa kanya at nakita kong may luha na yung mga mata niya. Si Mark?? Umiiyak?

“Wag mo naman akong paglaruan Kheira! Masakit. Sobra! Masakit ang maloko ka ng taong mahal mo!”

At sinampal ko na siya. Masyado nang masakit yung mga sinasabi niya. Hindi ko siya pinaglalaruan. At Mas lalong hindi ko siya

pinaaasa.

Nauna na akong maglakad nun pero tumigil ako nung nasa may gate

Page 299: The GAME of My Life Story

na at humarap na ulit sa kanila.

“HE’S MY BROTHER!”

Chapter 38

Pagdating ko sa bahay eh dumiretso na kaagad ako sa kwarto ko at nagkulong. Humiga ako dun sa kama ko at nagtakip ng unan sa

mukha at saka lang sumigaw.

“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!”

Nakakainis siya! Nakakainis yung mga sinasabi niya tungkol sa akin! Pero ang mas nakakainis dun eh hindi ko kayang magalit sa kanya!

Nakakaasar! Bakit ba ganito?? Ang hirap, ang sakit!

“Kheira buksan mo yung pinto!”

Hindi ko siya pinansin. Ayokong may makakita sa aking ng ganito. Ayokong may makakita sa akin na sobrang nasasaktan dahil kay

Mark. Ayoko!

Narinig kong bumukas yung pinto pero hindi parin ako lumingon. Umupo si Hansel dun sa tabi ko at tinapik yung likod ko.

“Kheira,”

“Hansel please wag ngayon!”

“Kheira alam mo namang andito lang ako kahit anong mangyari eh!”

“I know! Pero wag ngayon! Ayokong nakikita ako ng tao na nagkakaganito. Lalo na ng dahil lang sa love.”

Page 300: The GAME of My Life Story

“Kheira walang problema sa pagiging ganyan!”

“Meron Hansel! Dahil ang hina ko! Sobrang hina ng loob ko pagdating dito! At ayoko ng nanghihina ako!”

“Hindi ka mahina Kheira! Malakas ka dahil nakaya mo nang sabihin sa kanya ang hindi mo kaya noon.”

“Hansel…hindi ko alam ang gagawin ko ngayon.”

“Kheira kaya mo yan. Sundan mo lang kung anong sinasabi nito.”

Tinuro niya yung puso ko at ngumiti sa akin.

“Trust me Kheira…”

Niyakap ko siya noon. Hindi ko na nalaman ang mga nangyari sunod. Ang alam ko lang, eh nakatulog na ako habang kayakap ko siya.

“Bhes.”

Page 301: The GAME of My Life Story

Tinignan ko lang siya pero hindi ko kinausap. Ang bigat parin ng nararamdaman ko hanggang ngayon. 2 weeks has passed mula nung

nangyari, pero fresh parin parati sa akin yung sakit.

Yan kasi ang problema sa akin eh, pag nasasaktan ako, mahirap ng makarecover, lalo na pag yung nanakit sa akin eh yung taong

sobrang mahal ko.

December na pala ngayon, next week na yung aming exams, at next week narin yung Christmas dance namin kung saan kami ang

tutugtog. Hay, paano kaya yun?

“Kheira.”

Si Gino pala, ano kaya kelangan nito?

“Oh Gino, bakit?”

“May practice kasi mamaya…kung pwede--” 

“Okay.”

Tapos lumiwanag yung mukha niya. Nagthank you siya sa akin at umalis na. Si Bhes naman, ayun nakatingin parin sa akin. Tinabihan

na nga niya ako eh.

“Kaya mo yan Kheira. Alam kong kaya mo.”

Ngumiti naman ako sa kanya tapos kumain na kami. Nung mga sumunod na subjects puro review lang kami. Next week na nga kasi diba? Meron din mga naglesson, yung mga pahabol na hindi namin

natapos last week.

Free Period na namin. Dahil exams next week at dahil sa January pa yung game, pumayag si coach na wala munang practice. Tuwang tuwa naman kaming magkakabanda, makakapractice kasi kami.

Dumiretso kami kaagad sa may ballet room at dun nagsimula na. Tinanong ko kina Marco at Gino yung piece. Hindi ko parin kasi

kinakausap si Lian at Mark. Naiintindihan kong hindi ko pinapansin si Mark, pero si Lian? Siya kasi naman ang naunang hindi mamansin

eh.

“Marco, Gino, ano ba yung kakantahin ko?”

Lumapit si Gino kay Mark tapos may kinuhang mga papel at lumapit narin sa akin. Binigay niya sa akin yung 5 piraso ng papel. Grabe

naman, 5 kanta yung isasaulo ko!?

Page 302: The GAME of My Life Story

“5?”

“Yeah, actually 7 songs ang kakantahin mo. Yung 2 kasi eh alam mo na so hindi mo kelangan na imemorize. Tapos si Mark naman eh may

8 songs na kakantahin, mahaba haba kasi yung Dance eh, mula 6 hanggang 12 or 1 yata so kelangan marami tayong songs na

matutugtog.”

Whoa, ang dami pala talaga.

“Anu yung 2 pang kanta ko?”

“Yung My Heart at yung Hiling.”

“Ahh, okay.”

Tinignan ko ulit yung listahan ko. Grabe, ang dami talaga. Binigyan pa nga ako ni Marco ng listahan ng kanta at yung order nung

kakantahin namin.

1.   (K)Suntok sa Buwan by Session Road.2.   (K)When I met you by Barbie Almabis

3.   (M)Lunes by SpongeCola4.   (M)Bitiw by SpongeCola5.   (K)Brighter by Paramore

6.   (K)7 Black Roses by Chicosci (Wait, ako rin kakanta nito?? Sabagay parang mahihirapan yata si Mark pag siya ang kumanta

eh.) 7.   (M) Awit ng Kabataan by Rivermaya

     -------------------------- break----------------------

“Marco, ano tong break?”

“Ah, kasi magpapatugtog naman sila ng mga disco music alam mo na, yung pang mga sayaw sayaw talaga. Para din daw

makapagpahinga at makakain tayo.”

Oo nga naman no?

8.   (M)Hari ng Sablay by SugarFree9.   (K) Taralets by Imago

     10.(K) Hiling by Paramita11.(m) Prom by Sugarfree

12.   (m) Bakit ang babae by Sugarfree13.   (K) My HEart by Paramore14.    (M) Tuliro by SpongeCola15.    (M) Magbalik by Callalily

Grabe, ang dami rin kakantahin, ang dami ko pang imememorize. Bahala na, kaya yan!

Page 303: The GAME of My Life Story

Nagsimula kaming magpractice. Una naming tinugtog yung sa Session road. Ayos naman kinalabasan, medyo nabubulol ako konti

dahil hindi pa ako familiar sa words pero pwede narin.

Mga 6 na siguro natapos yung practice namin. Friday ngayon at kelangan ko na mag-uwi ng gamit dahil Monday, Tuesday at

Wednesday na ang exams namin. Dumiretso ako kaagad sa may locker ko para kumuha ng gamit. Hay, bakit ko ba pinauna umuwi si

Hansel?

Pagkatapos kong kunin yung sangkatutak kong libro at notebook, na feeling ko babagsak anytime, umalis na ako. Grabe, ang layo pa ng

lalakarin ko, feeling ko mapuputol na yung kamay ko niyan eh. Kawawa naman ako.

“Kheira.”

Napalingon ako. Boses ni Mark yun ah? O baka guni guni ko lang. Tama, impossible naman na kausapin niya ako eh. Ang weird nga eh, siya tong may kasalanan tapos hindi man lang siya gumawa ng effort

na magsorry.

Tumuloy nalang ako sa paglalakad ko. Medyo natakot pa nga ako kasi paano kung multo pala yun? Hala naman! Kaya ayan tuloy,

napabilis lakad ko ng di oras.

“Kheira.” 

Anu ba yan…grabe ah…natatakot na talaga ako.

“Kheira!”

Lumingon ulit ako tapos nakita ko si Mark na nakatayo at may mga papel na dala. Tinignan ko lang siya tapos lumapit naman siya sa

akin.

“Yung mga kanta…”

Inabot niya sa akin yung mga papers. Grabe, yun lang pala. Hay, nakakalungkot naman talaga oh.

“Salamat.”

AT yun, umalis narin ako. Baka mamaya pagkinausap ko pa siya eh mapahiya pa ako at hindi niya ako pansinin. Siguro nga okay na na ganito kami, nakakalungkot man at masakit, tanggapin mo nalang

Kheira. Wala ka ng magagawa.

“Kelangan mo ng tulong?”

Page 304: The GAME of My Life Story

Nagulat ako, hindi pa pala siya umaalis. Tumabi pa siya sa akin at nakatingin lang.

“Hindi na ayos lang.”

Tumigil siya nun at ako naman eh tuluy tuloy lang. Siguro may gagawin pa siya na importante.

“I’m sorry.”

Napatigil ako. Ano daW? Tama ba narinig ko? Nagsosorry siya?

“Ano?”

“Sorry sa mga sinabi ko. Sorry sa mga ginawa ko. Sorry at sinaktan kita. Sorry Kheira. Alam kong wala akong karapatan na mapatawad mo pero gusto ko lang na malaman mo na sobrang pinagsisisihan ko yung mga sinabi ko. Hindi ko lang kasi talaga alam na magkapatid kayo kaya nagpadala ako sa pagseselos ko. Sorry talaga. Hindi ko kasi mapigilan na hindi magselos eh, mahal na kasi talaga kita. I’m

really sorry.”

Nakaramdam ako ng luha na tumutulo mula sa mga mata ko. Tama ba ang narinig ko? Nagsorry siya. Oo Kheira, nagsorry siya at sinabi

pa niyang mahal ka niya talaga. Ngayon, ano na gagawin mo?

“Kheira kaya mo yan. Sundan mo lang kung anong sinasabi nito.” 

Tama si Hansel. Dapat sundan ko ang sinasabi nito. Pero, ano nga ba ang sinasabi ng puso ko ngayon?

Binaba ko muna yung gamit ko dun sa table at lumapit ako sa kanya. Nagkatinginan kami ng matagal tapos ngumiti ako sa kanya at

ngumiti rin naman siya sa akin.

“Hindi ka na----?”

*PAK!*

Sinapak ko siya. Hindi sampal, pero sapak. As in sapul dun sa isang side ng cheeks niya. Grabe, nagulat siguro siya. Ikaw ba naman ang

ngitian at sapakin ng isang tao eh hindi ka magugulat? So kung tatanongin niyo ako kung bakit ko nagawa yun…well eto sagot ko.

“Nakakainis ka.”

At yun, umalis na ako. Kinuha ko yung gamit ko at bumaba na. Nice no? Pero itong si Mark, hindi siya nagpatigil. Sumunod siya sa akin.

Page 305: The GAME of My Life Story

“I’m really sorry Kheira. Sobra. Okay lang, sige sapak sapakin mo ko. Kaya kong tanggapin lahat ng yan, basta kausapin at pansinin mo lang ako. Kahit magkapasa na buong katawan ko wala akong

paki, basta hindi ka na galit sa akin.”

“Wag ka nga makulit. Mabigat eh.”

Tapos diretso parin ako sa paglalakad. Bakit? Masisisi ko ba yung puso ko kung ito yung gusto niyang gawin? Diba sabi nga ni Hansel

na sundan ko daw? Ayun, sinundan ko nga.

“Akin na…tutulungan kita.”

“Hindi na. Kaya ko.”

“Kheira…”

“Ano?”

“Galit ka parin ba?”

Tumigil ako. Nandoon na kami sa mag labas ng gate pero nakasunod parin siya.

“Sino ba nagsabi na galit ako?”

Nagtaka naman siya sa akin. Hindi naman talaga ako nagalit eh diba? Sabi ko nga nun eh, nakakainis sarili ko dahil hindi ko kayang

magalit sa kanya.

“Pero…”

“Mark, kung galit ako, hindi ako makikipag-usap sa iyo no.”

“Eh bakit---?”

“Ikaw kaya ang hindi kumakausap sa akin. Pati nga yung Lian na yun eh, wala naman akong ginawa sa kanya.”

“Hay…”

Kinuha niya yung ibang gamit ko kaya ayan ngayon, magaan nalang. Hindi ko na siya pinigil, feeling ko kasi masasayang lang oras ko sa

pakikipagtalo.

“Sorry din pala.”

“Hindi mo kailangan mag---”

“No, kelangan ko. Dapat kasi noon ko pa sinabi sa iyo.”

Page 306: The GAME of My Life Story

Nginitian lang niya ako at yun, hinatid niya ako pauwi. Kinuwento ko naman sa kanya kung paano kami naging magkapatid ni Hansel.

Ayun, nagulat nga rin siya eh, kasi nga diba alam niyang ang akala namin dati na patay na parents ko. Kinomfort naman niya ako at

sinabi na kung kelangan ko daw ng tulong eh nandiyan lang siya.

“Thanks Mark.”

“No problem. Good luck sa pag-aaral.”

“Heheh, ikaw rin.”

Papasok na dapat ako nun pero bigla naman siyang nagsalita.

“Kheira…”

“Yeah?”

“Yung deal natin, tuloy parin yun diba?”

Deal? Yung deal! Grabe, muntik ko na makalimutan yun. Oo nga pala no. Ako pala panalo dun.

“Yeah. Tuloy parin siya.”

“Okay…”

Ngumiti kami sa isa’t isa at nagtuloy na ako pumasok pero ayan na naman siya, tinigil na naman ako.

“Kheira…”

“What?”

Lumapit siya sa akin tapos niyakap niya ako. Ang weird pa doon, yung yakap niya eh sobrang higpit. Yun bang parang mawawala ako

sa kanya. How odd.

“No matter what happens, always remember na mahal na mahal kita.”

Pagkatapos nun eh humiwalay na siya. Nagulat ako pero nakita kong may tumulong luha sa mata niya. Hindi ako sure kung luha ba talaga

yun kasi tumalikod agad siya at umalis na.

What was that all about? Kung magsalita siya parang nagpapaalam na siya? Bakit ba ang weird niya ngayon? May nangyari ba? May

dapat ba akong malaman?

Page 307: The GAME of My Life Story

Hay naku Mark, ngayon ka pa nagsabi sa akin ng ganyan. Hindi na naman ako makakatulog ng maayos nito eh. Badtrip.

Ano ba talagang ibig sabihin nun??Chapter 39

Gaya ng hinala ko, hindi ako masyado nakapagconcentrate at nakatulog. Paano, parati kong naiisip yung sinabi niya. Badtrip nga eh, baka tumagilid pa grades ko nito. Walang hiya naman kasi yun

eh.

Besides dun, naisip ko rin kung kelan ko siya pagdadamitin ng pambabae. Hmm, sa dance kaya? Haha, wag, sobra naman yun. Pero

Kelan? Hay, bahala na nga.

Nung weekend wala akong masyado ginawa kung di mag-aral lang. Tahimik sa bahay namin, pati nga si Hansel eh hindi nanggugulo.

Syempre, kelangan talaga mag-aral eh.

“Hansel?” at kumatok ako.

Sunday nga pala ngayon, at katatapos ko lang kasi mag-aral. Alam ko naman na hindi siya busy kasi kahapon eh sabi niya na tapos na

siya. Pinagyabang daw ba.

Binuksan naman niya yung pinto at nanlaki yung mata ko dahil wala siyang pang-itaas. Bigla ko naman tinakpan yung mata ko at

tumalikod tapos narinig ko siyang tumawa.

“Huy, alam mo para kang baliw.”

Oo nga magkapatid kami pero, hindi ako sanay eh! Kung sina kuya nga hindi ito ginagawa eh.

“Mag t-shirt ka nga muna.”

“Sus, anu naman kung makita mo akong ganito? Kapatid mo naman ako eh..”

Page 308: The GAME of My Life Story

“K-kahit na! Sina kuya Kaloy nga eh hindi nagpapakita sa akin ng walang shirt eh. Dali na Hansel.”

“Fine..”

Naramdaman kong naglakad siya papasok tapos narinig ko yung closet na bumukas at sumara. Ilang sandali lang lumapit na siya ulit.

“Oh ayan, happy?”

Ngumiti lang ako sa kanya tapos pumasok na ako dun sa kwarto at umupo sa may kama niya.

“Bakit ka ba napadaan?”

“Hmm, wala lang. katatapos ko lang kasi mag-aral kaya heto, gusto kong manggulo.”

“Nice naman.”

Nagkaroon kami ng panandaliang katahimikan bago ako muling nagsalita.

“Bati na kami ni Mark.”

Napatingin lang siya sa akin nun.

“Dapat lang no. Nakakapagod ka rin kasi I comfort eh.”

Pinalo ko naman siya at yun, tumawa. Alam ko naman na joke lang yun eh.

Napatingin ako sa kwarto niya. Or should I say, dating kwarto ni Kuya Kyle. Malaki laki rin pala. Dati kasi eh hindi ako pinapapasok ni

Kuya Kyle sa kwarto niya. Hindi naman ako makatiyempo dahil nakalock parati pag wala siya. So in short, first time kong

makapasok.

Tumayo ako at naghalungkat sa mga drawers niya.

“Hoy, anong ginagawa mo diyan? Wag ka nga, baka magulo gamit ko eh.”

“Oo nga pala Hansel, bakit hindi ka sumama sa banda, magaling ka naman mag gitara.” Bigla kong nasabi habang naghahalungkat ng

mga gamit niya.

“Ayoko lang. Saka saang banda naman ako sasali diba?”

Page 309: The GAME of My Life Story

“Sa amin.”

“Nyek, ayoko nga..”

“Hmph. Bahala ka.”

Ang dami palang abubot dito sa drawers nitong lalaking to eh. Tapos lumipat ako sa kabilang table tapos pagbukas ko eh iba ang

bumulaga sa akin.

“Ahhh!” napatakip tuloy ako ng mata ng hindi oras.

“Ayan kasi eh, ang kulit mo.”

Drawer pala niya yun para sa mga underwear niya. Ugh, nakakahiya. Lumapit siya at sinara niya yun tapos bumalik na ulit sa pagkakaupo

niya sa kama.

Binuksan ko naman yung sumunod na drawer, wala puro kaekekan lang. Tapos napatigil ako dun sa last drawer dahil may photo album

doon, at may pangalan ko pa sa harapan.

Pasimple kong kinuha yun at binuksan. Nagulat ako dahil yung laman nung album na yun eh puro ako. May mga captions pa nga eh.

 May picture ako dun tapos nakalagay na “first day kong makilala si

Kheira”. Grabe, nakakagulat talaga.

“So, nakita mo na pala…”

Nagulat ako dahil tumabi siya sa akin bigla. Nakaupo kasi ako nun sa sahig so siya eh umupo narin.

“Kelan pa ito?”

“Tagal na.”

“Oh.”

Hindi ako makasalita nun. Weird kasi eh.

“Papakita ko dapat sa iyo yan kung wala na akong nararamdaman para sa iyo. Pero, ayan na eh, nakita mo narin”

Pag wala na siyang feelings para sa akin?? Wait, ibig sabihin…

“You…?”

“I’m still trying Kheira. Hindi ako nagjojoke nun kina dad na mahal kita. I really do love you. Kaya nga ang hirap ngayon eh, lalo na’t

Page 310: The GAME of My Life Story

kapatid kita. Pero ayos lang ngayon dahil medyo nawawala narin yun. Yun nga lang, kinailangan kong lumayo.”

Grabe, hindi ko alam na hanggang ngayon pala eh mahal parin ako ni Hansel, tapos kung makuwento ko sa kanya na sobrang mahal ko si Mark, hay, ang hirap pala ng position niya. Naaawa ako sa kanya

grabe.

“Hansel…”

“Ops, baka lumaki ulo mo ah…”

Tapos tumawa siya nun pero ako tahimik lang. Tumingin ako sa kanya tapos yumakap. Nagulat nga yata siya dahil napaatras siya.

“Thank you Hansel, sa lahat…”

Naramdaman ko siyang yumakap din sa akin tapos medyo napansin ko na nababasa yung may gilid ng mukha ko. Umiiyak siya.

“No, ako dapat ang mag thank you sa iyo Kheira. For everything. For giving me a chance na makilala ka.”

Ang weird siguro namin dun kasi magkayakap lang kami tapos tahimik pa. Pero buti nalang wala si Kuya Kaloy ngayon, nagpunta kasi siya sa bahay nila mama. Kami lang kasi ni Hansel ang naiwan

kasi nga diba gusto namin mag-aral, and I doubt na makakaaral kami dun dahil nga maraming temptations gaya nalang ng PS2.

Nagstay kami ng ganoon for ilang minutes tapos naghiwalay narin. Bumalik na ako nun sa kwarto ko at siya naman eh dun lang sa

kwarto niya.

Maaga akong natulog nung araw na yun kaya nung sumunod na araw eh maaga rin akong nagising. Nagready ako ng mabilis para

makapunta kaagad sa school. Syempre diba, para naman may time pa ako para magreview.

Sabay kami ni Hansel pumasok, as usual, pero hindi kami magkasama na nagreview. Ewan ko, sabi niya eh mahihirapan daw siya na itry yung kelangan niyang gawin kung parati ako nandito.

Gets ko naman siya kaagad.

“Wah Bhes, kinakabahan ako.”

Whoa, first time atang kabahan nitong bruhang ito. Siya kasi madalas na matataas sa exams eh. Diba? Ang talino!

“Ikaw? Kakabahan?? Nagjojoke ka ba??”

Page 311: The GAME of My Life Story

“Sira.”

Binatukan niya ako at ako naman eh tinawanan ko lang siya. Nagreview na ulit kami, nakijoin pa nga sina Mark at Lian eh. Bati narin pala kami ni Lian. Nagsorry siya dahil nagalit nalang siya ng

basta basta at ako naman eh tinanggap ko yung sorry niya.

After ilang minutes, start na ng exams…

Page 312: The GAME of My Life Story

“Hoy ano ba dalian mo nga diyan Lia, maraming naglalast minute shopping no, mahaba mga pila ngayon.”

Yep that’s right, naglalast minute christmas shopping kami ngayon ni Lia. Wednesday na ngayon. Tapos na exams namin, at masasabi

ko lang eh ayos naman siya.

“Wait lang po, si Marco eh nagpapahintay.”

“Pupunta siya?? Naku sabihin mo wag na. Baka malaman pa niyan regalo niya sige ka.”

“Ay, uu nga no. Sige na nga..”

Nagtext text naman si Lia at ako eh tumingin tingin na. First stop namin nun eh blue magic. Infareness, first time ko yatang

magreregalo na ito ang tatak. Hehehe. Bumili ako ng unan para dun sa ka-exchange gift ko. Tapos bumili narin ng maliliit na stuff toy

para kina Celine at Lia. Whew, buti nga hindi nakita ni Lia eh.

Next stop naman namin eh sa Bench. Binilhan ko ng cap si Lian, Marco at Gino, yung simple pero maganda. Si Lia naman eh binilhan

si Marco ng shirt na may nakalagay na “Sorry I’m happily taken.” Aba, protective? Hahah.

After nun eh may pinuntahan kaming souvenir and gift shop. Bumili ako ng key chains para sa mga players ng team. Syempre, hindi ko makakalimutan yung mga tungek na yun, kahit man madalas nila

akong asarin, special parin sila. Oh diba?

“Oh ano? Tapos na ba? Ako tapos na..”

“Teka hindi pa. Two more.”

Yeah, si Mark at Hansel nalang ang walang gift galing sa akin. Gusto ko kasi special yung bibigay ko sa kanila eh. Ayoko naman yung

common gift na damit or something. Gusto ko galing sa puso. Naks, sosyal.

“Lia, tulong naman oh, hindi ko kasi alam kung ano bibigay ko sa kanila eh.”

“Kina Mark at Hansel? Hmmm, tingin ko kahit ano naman ibigay mo eh maaappreciate nila. Basta ba galing sa iyo eh.”

Page 313: The GAME of My Life Story

“Sira. I’m not joking.”

“Well ako rin hindi..”

Hay, nag-ikot ikot pa kami ni Lia hanggang sa sumakit yung paa namin. Grabe, nakakahilo. Mag 5:30 na siguro nun eh wala parin

akong nakikita. Hay, bahala na nga, bumalik kami ni Lia sa may blue magic at doon ulit nagtingin tingin. Nakakita ako ng cute na cute na unan dun. May nakalagay, “To the best brother in the world.” Kaya

ayun, binili ko na.

Sina Kuya Kyle pala matagal ko ng nabilhan. Syempre, yung mga sinasabi nila dati na gusto nilang matanggap nalang yung binili ko.

Yun kasi yung maaappreciate talaga nila eh.

Okay, solve na si Hansel. Si Mark nalang. Nagtagal na naman kami. Si Lia nga eh pinapauwi na ng mom niya kasi mga 6:00 narin nun.

Sabi ko sa kanya okay lang ako at mauna na siya. Siguro magpapasundo nalang ako sa driver nina Hansel. Dun kasi kami

nagstay ngayon sa bahay nila mama eh.

Hay, grabe hanggang ngayon wala parin ako mahanap. Siguro nga napansin na nung nagbebenta dun na kanina pa ako naghahanap

dun since kanina pa ako ikot ng ikot. Nilapitan na nga ako eh. Nakakahiya grabe.

“Miss may maitutulong po ba ako?”

“Umm..ano po kasi, may gusto po akong bilhin para sa isang tao. Hindi ko alam kung ano…”

“Boyfriend mo?”

“Umm..hindi po.”

“Special someone?”

Namula naman ako at tumango.

“Yun lang ba? Eh di sagutin mo nalang siya.”

Sagutin?? Hindi naman yun nanliligaw eh…diba?

“Umm, hindi siya nanliligaw.”

“Ahh…okay, mukhang meron ako dito na magugustuhan niya. Wait ha.”

Umalis yun babae at pumasok dun sa storage room nila. Ako naman eh hinintay ko lang siya. Ilang sandali lang eh bumalik na siya at

Page 314: The GAME of My Life Story

may hawak siyang box na maliit.

“Ano iyan?”

“Special to miss.”

Nilabas niya yung laman tapos napangiti ako. Hawak hawak nung babae ngayon eh isang silver necklace tapos yung design niya eh

key. Ang cute nga eh.

“May kwento iyan miss. Dalawa actually itong necklace na ito, kaso nabigay ko na siya sa isang tao nung isang linggo. Ang story kasi

nito miss, yung 2 tao na may suot ng necklace na ito saka yung isa eh destined sa isa’t isa.”

“Aw, sayang naman, bakit hindi niya kinuha yung isa?”

“Ewan ko nga eh, sabi niya hindi na daw.”

“Ah, o sige, ako nalang bibili niyan ate. Sabi sabi lang naman siguro yung kwento niyan eh.”

Tapos tumawa kaming dalawa.

“Libre lang ito Miss. Ibigay mo nalang sa taong sobrang special sa iyo.”

“Talaga ate? Thank you!”

Tapos binalot niya ulit yun at umalis na ako. Wow naman, excited na ako para bukas ah.

Nagpasundo na ako dun sa driver at dahil nagkaroon ng himala at hindi gaanong traffic nung araw na iyon, maaga kaming nakauwi.

Pumasok naman ako kaagad sa room ko at naglock para walang abala. Nagbalot ako ng mga regalo dun at syempre pagtapos nun eh

nagmemorize na ako nung mga kakantahin namin para bukas.

“So this is how it goes…well I…I would have never known…”

“Kheira?”

Hmm, ano kayang kelangan ni Hansel? Tumigil ako sa pagkanta at binuksan yung pinto. Pinapasok ko naman siya tapos umupo siya sa

sofa sa tapat ng kama ko.

“uy, bakit?”

“bibigay ko lang sana to sa iyo…”

Page 315: The GAME of My Life Story

Inabot niya sa akin yung maliit na box tapos ngumiti siya.

“Christmas gift ko sa iyo”

“Ang aga naman yata? Bakit ngayon mo na binibigay?”

“Wala kasi ako bukas eh. Pupunta akong US, kelangan ko kasing dalawin yung mga pinsan at ibang kamag-anak namin dun.”

Ow, sayang naman. Hay, kala ko makakasama namin for Christmas si Hansel.

“Kelan balik mo?”

“Mga, december 26 na siguro.”

Ay, hindi siya makakapunta sa birthday ko? Napasimangot naman ako. Naramdaman kong lumapit siya at tumabi sa akin. Inakbayan

niya ako tapos nilean niya yung ulo ko sa dibdib niya.

“Sorry Kheira ah…wala ako sa birthday mo.”

“Okay lang Hansel…”

tapos tumingin ako sa kanya.

“Yung gift mo pala…”

Tumayo ako sa kama tapos kinuha ko yung gift niya.

“Buksan ko na to, buksan mo narin yan.”

Tumango ako tapos pareho kaming nagbukasan ng regalo dun. Nakita ko na may silver na bracelet dun tapos may heart. Sa gitna

nung heart eh meron nakalagay na K. napangiti naman ako sa kanya.

Tinignan ko yung reaction niya nung makita niya yung pillow. Nakangiti siya.

“Thanks Hansel.” At yun, yumakap ako ng mahigpit sa kanya.

“No problem. Thanks din ah…natouch naman ako.”

Nagtawanan kami dun at syempre, kwentuhan. Sabi pa nga niya sa akin na pag-uwi niya eh kwento ko daw lahat ng mangyayari. Aba,

tsismoso? Hahah. Pero kahit naman hindi niya sabihin yun eh gagawin ko parin yun.

Page 316: The GAME of My Life Story

“Merry Christmas!”

Christmas party na namin ngayon. Mga 1 pa lang siguro eh nagsisimula na siya. Kelangan kasi bago mag 6 eh tapos na kaming

maglinis ng mga classroom.

“Ito naman, ang aga mo bumati ah.”

“Syempre naman! Teka nga, asan ba yung kapatid mo?”

“Huh sino? Si Kuya Kaloy? Si Kuya Kyle?”

“Sira! Si Hansel.”

Natawa naman ako sa kanya. Uyy, hinahanap.

“Ikaw ah, may Marco ka na may Hansel pa?”

Pero syempre biro lang yun. Faithful yata yang friend kong yan,

Page 317: The GAME of My Life Story

kahit hindi halata. Joke!

“Tangi! May gift kasi ako sa kanya eh.”

“Wala si Hansel. Nasa America, dun magspend ng christmas.”

“Ay, how sad naman. Ibig sabihin wala rin siya sa birthday mo?!”

“Sadly, yes.”

“Aw, ang corny naman!”

“Hayaan mo na, babawi naman daw yun after eh. Sa 26 kasi balik niya.”

“Kahit na no bhes! Iba parin yung nasa exact day siyang nandoon!”

Hay naku, mas lalo akong pinapalungkot nitong bruhang ito eh.

“Tigilan mo na nga siya, ako nalang magbibigay.”

Tapos hinablot ko yung gift niya para kay Hansel. May mga nagbigay rin naman sa akin ng mga gifts at syempre dahil mabilis kumalat ang

balita, marami kaagad nakaalam na wala si Hansel, so sa akin tinambak yung mga regalo.

*RING!*

“Hello?”

“Kamusta?”

“Argh! Eto, mababaon na sa mga regalo na natanggap mo. Bwisit ka.”

Tumawa lang siya nun pero halata naman na pilit lang eh.

“Bakit ka pala tumawag? Miss mo na ako kaagad? Grabe ka, parang kanina hindi tayo nagkita.”

“Wag kang feeling Kheira. Hahaha”

“Sira, oh ano? Bakit ka nga tumawag?”

“Miss kita eh.”

Loko to, tapos ako pa pala yung feeling? Hmph!

“Whatever Hansel.”

Page 318: The GAME of My Life Story

“Good luck pala sa inyo mamaya ah”

“Thanks.”

“Oh sige, bye na, inaantok ako eh. tatawag nalang ako siguro bukas okay?”

“Okay. Bye! Ingat diyan ah!”

“Yeah sure. Ikaw rin.”

Pagkababa ko ng phone eh napangiti lang ako.

“Ngayon paano ko iuuwi lahat ng ito?!”

“Need help?”

Tumingin ako dun sa likod ko, si Lian pala. Nagkangitian kami at tumango ako sa kanya. Mga 4 siguro nung nag-end yung party. 2

hours ang binigay sa amin para makapaglinis at makauwi. Buti nga by 5 eh natapos na kaming maglinis.

Gaya ng sabi ni Lian, tinulungan niya akong iuwi yung mga gamit ko. Dun ko nalang iniwan sa may bahay namin para mas malapit.

Pagtapos nun eh sabay na kaming bumalik sa school. Baka maglast minute practice pa siguro kami.

Page 319: The GAME of My Life Story

“Kaya niyo yan Guys, kayo pa!”

Naipon na yung students sa may gym. Ilang minutes nalang siguro eh magstart na yung dance, at kahit na mag-iilang beses ko narin

nagawa ito, sobrang kinakabahan parin ako. Weird nga eh.

“Anu ulit first song?”

“Suntok sa buwan.”

Okay, inalala ko muna yung lyrics. Nakakahiya naman kung dun pa ako makalimot no. Pagtapos nun eh lumabas na kami.

“Good evening at Merry Christmas sa inyong lahat!”

Grabe, ang taas ng energy ng mga students. Pati nga ako eh, ginanahan.

“Handa na ba kayo!? ?”

Tumingin ako sa mga kasama ko at tumango. Let’s do this thing!

Page 320: The GAME of My Life Story

Chapter 40

Itanong mo sa akinAt tatanungin ko rin

Kung ika’y aamin ooh.Kung ika’y aamin..ohhh..

Lahat ay gagawin

Wow ang galing talaga nilang tumugtog. Imagine, pagkatapos na pagkatapos nung first song eh start kaagad kami sa next ng walang

hinto. Wow, Amaze ako sa kanila ah.

There I was an empty piece of a shellJust minding my own world

Without even knowingWhat love and life were all about

Habang kumakanta ako eh napatingin lang ako sa mga tao tao. Ang daming pumunta kaya medyo puno yung gym. Grabe nga eh, buti

nagkasya pa sila dun. Kawawa siguro yung iba na sobrang naiinitan na.

Ayun, natapos naman na yung second song. Si Mark naman ngayon kaya ako bumaba muna para kumuha ng tubig. Kinuhanan ko narin

yung mga kasama ko dahil alam kong uhaw na yung mga yun.

Dahan-dahang lumalamigUnti-unting dumidilim

Sa saliw ng ‘yong pagtinginAng oras ay…

Grabe, ang galing talaga nila. Tapos si Mark, wah, the voice. Hahah. Anu ba yan, mukha kang ewan Kheira.

Dumiretso na ako dun sa  mag table ng drinks tapos bumili ng 4 na water. Pabalik na ako nun ng…

“Oo nga, totoo nga yun eh. Ang kulit niyo. Oh, heto na pala yung girl eh. Hey Kheira…”

Tumingin ako sa kanya at nakangiti siya sa akin na parang sobrang smug.

Page 321: The GAME of My Life Story

“Ano na naman problema mo?”

“Ako? Magkakaproblem? Wala ah! Baka ikaw…you know…after all…”

Nagpause siya at tumingin kay Mark tapos ngumiti.

“Ano??”

“Nah, saka nalang Loser.”

Tapos umalis na sila nun. Grabe ang kapal ng mukha niya ah! Pag-akyat ko sa stage inabutan ko sila ng mga inumin tapos umupo na

ako sa gilid. Nagstart na ulit yung next song which is Bitiw. At pagtapos niyan eh ako naman ulit kakanta.

Hay, good luck Kheira. Makaya sana ng powers mga susunod mong kanta, lalo na yung 7 black roses. Yikes!

Page 322: The GAME of My Life Story

Nakakaraming songs narin kami after nun. Yung 7 black roses, maganda naman yung kinalabasan. Tama pala sila na sa babae

nalang iyun ipakanta, masyado kasing mataas kung si Mark yung kakanta eh. Ayun, tuluy tuloy parin yung kantahan hanggang sa mag break na at time naman na para sa disco music. Yung mga students,

hala, sayawan to the max. Saan ka pa?

Syempre, hindi naman ako kj kaya nakisayaw narin ako. si Lia nga eh grabe, sobrang wild talaga.

“Ilagay na nga yan sa cage..”

“Whatever Bhes, wag kang kj..”

Ako? Kj? Nuh-uh! Hahah.

“Whatever ka rin. O sige, kuha lang ako ng inumin ah…”

Umalis na ako nun at syempre pumunta dun sa may bilihan. Buti nga halos lahat ng tao eh nagsasayaw dun sa may gitna, kung di siguro

siksikan ngayon dito.

Pabalik na ako nun, bigla naman may nag-announce.

“Okay guys, isang slow song muna bago tumugtog ulit yung banda…”Tama, malapit narin kasi mga slow songs namin so on time

pala yun.

Nakita ko sa table sila Lia kaya dun na ako pumunta.

“Oh, napagod kayo ah?”

“4 songs straight ba naman eh hindi ka kaya mapagod…hehehe…”

Natawa naman ako dun. Paano, kung sumayaw sila eh parang wala ng bukas.

Nakita kong lumapit si Marco kay Lia tapos halata sa mukha nung bruha na kinikilig.

“Sayaw tayo Lia.”

Tinanggap naman ni Lia yun at andoon na ulit sila sa may area ng mga sumasayaw. Ako naman naglakad na papunta dun sa stage

Page 323: The GAME of My Life Story

since malapit na nga kami ulit tumugtog, para narin makabasa ng mga lyrics in case may makalimutan ako.

“Kheira!”

Lumingon naman ako, si Lian pala.

“Uy, bakit?”

“Umm…s-sayaw tayo!”

At tama ba yun? Bigla akong hinila. Grabe, nastretch yata yung kamay ko.

“Para sigurado ah…”

“Hehe, sorry..”

Ewan ko, kung normal person siguro yung sinasayaw ni Lian ngayon, siguro kinilig na ng sobra. Kaso, hindi ako normal person eh. Si

Kheira ako eh. Iba ang takbo ng utak ko.

“Maniniwala ka ba na ikaw ang first dance ko ngayong gabi na ito?”

“Hindi.”

“Wow. Galing mo!”

Napatawa naman ako nun. Saka hello?! Bakit ako maniniwala, eh siya pa! Siya si Lian eh!

Natapos narin yung song at umakyat na kami pareho ni Lian. Sa totoo lang, nung nagsasayaw kaming dalawa nun, inisip ko kung

nasaan kaya si Mark? Sino kasayaw niya? Hay, ang lakas na ng tama mo Kheira.

“Okay, hello ulit mga schoolmates. Ang next song po namin ay…Hari ng sablay by Sugarfree.”

Nagstart na silang kumanta nun. Ako naman, naka upo dun sa tabi, mukha nga akong autistic eh. haha, joke lang, hindi pa naman.

Mabilis lang natapos yung kanta at syempre, ako na next, ang kulit nga nung kinanta ko eh. Napagod tuloy ako ng di oras. Magtatatalon

ka ba naman sa stage eh di ka mapagod nun? Pati nga sina Lian natawa na sa akin eh. Mukha daw akong nakainom.

After nung kantang napakulit na Taralets, Hiling naman. At syempre, dahil halos matagal ko na siyang kinakanta, ang bilis tuloy nung

feeling kasi alam na alam ko na lyrics niya.

Page 324: The GAME of My Life Story

Ayun, patuloy tuloy lan kaming ganoon hanggang sa maabot na yung last song. At sa wakas! Natapos rin kami. Grabe, pagod na pagod nga talaga kami nun eh. biruin mo, 15 songs! Hindi ko nga

alam kung paano ko nakaya na kumanta ng 7 dun eh. Tapos si Mark naman, hindi kaya mapaos yang mokong na yan?? 8 kinanta eh!

Bumaba na kami nun, pagod na pagod at yun, nagstart na ulit yung music. Pero ngayon nga lang, puro love songs na. Malapit narin noon

matapos yung party eh.

“Grabe, nakakapagod yun ah.”

“Oo nga eh, hindi kaya ako magkaroon ng kalyo nito sa kamay?”

Oo nga, nakakaawa pala talaga sila. Isipin mo ako kakanta lang, sila with matching tugtog. Hay, buhay.

“Grabe guys, ang galing niyo talaga!”

“Thanks”

Kanya kanya kaming nagthank you nun. Hindi nagtagal hinila narin ni Marco si Lia para sumayaw ulit. Ako? May mga nagyaya sa akin na mga classmates ko. Syempre, dahil nga hindi ako kj, nakipag-sayaw

naman ako nun.

Si Lian din umulit na makipagsayaw sa akin. Ayun, ang kulit at ang daldal pa. Malapit ng matapos yung party. 1 last song nalang daw eh

officially closed na. Ang nakakalungkot dun…hindi parin ako sinasayaw ni Mark. Kahit nga nung last song na eh wala parin. Hindi ko na nga tinapos eh, nagpaalam na ako sa kanila dahil alam kong mamaya eh mapupuno ng students yung entrance lalo na sa mga

nagpapasundo kaya ayoko naman makisiksik dun.

Medyo kinikilabutan pa nga ako noon kasi naman ang lamig lamig na nga, ang dilim pa! Grabe, sana pala nagpasama o nagpahatid man

lang ako kahit kanino dun.

“Psst…”

Tumingin ako dun sa likod ko. Hala! Wala naman. Grabe! Kinikilabutan na ako ah! Tapos yung pag psst pa niya sa akin eh yung mahaba at hindi yung mabilis na “psst!” Waaaaaah…okay

continue lang Kheira. Dedmahin mo lang yan. Guni guni mo lang yan dahil 12 na eh diba?

“Psst…”

Wah! Ayaw niyang umalis! Anu ba yan! Guni guni ba talaga yan.

Page 325: The GAME of My Life Story

Binilisan ko na yung lakad ko syempre natakot na talaga ako. Sana pala hindi nalang muna ako umalis. Pero ayoko rin naman na

bumalik dun dahil malayo narin nalalakad ko. Bahala na Kheira, kaya mo yan!

“Psst…Kheira…” 

Huhuhu, ayaw niya talagang tumigil. Alam pa niya name ko! Waah, sino ka bang mumu ka!?

 Lilingon na sana ako ulit ng may humawak sa balikat ko!

“WAAAAAAAH MUMU!!!! WAG MO KONG SASAKTAN!!!”

Page 326: The GAME of My Life Story

“WAAAAAAAH MUMU!!!! WAG MO KONG SASAKTAN!!!” 

“Huh? Asan ang mumu?”

Napadilat naman ako tapos si Mark nasa harap ko. Grabe, bigla ko siyang niyakap ng mahigpit kasi talagang takot na takot ako nun.

Napansin kong medyo nailang siya at syempre ako rin kaya humiwalay na ako nun.

“Kakainis ka naman eh!”

“Huh? Bakit? Anong ginawa ko?”

“Malaki!! Bakit ka ba nananakot?!?”

“Ako? nananakot?? Kelan??”

“Kanina!! TAPOS YUNG PAG PSST MO PA SA AKIN NAKAKATAKOT!”

“Oh? Sorry..”

“Saan ka ba at bakit hindi yata kita nakita?”

“Andoon kaya ako sa tabi ng chapel.”

Tapos tinuro niya yung pwesto niya. Niyak! Binatukan ko siya nun at tinignan ng masama.

“Aray. Bakit mo naman ako binatukan??”

“Paano kita makikita dun eh ang dilim dilim.”

“Heheh, ayoko kasi makita ng iba eh. tara dun tayo.”

“Wah! Ayoko nga. Baka may…may…”

“Walang mumu dun. Andoon ako kanina eh. Saka, andito naman ako

Page 327: The GAME of My Life Story

eh. akong bahala sa iyo.”

Ayun, sumunod narin ako sa kanya. Di bale, pag may nangyari sa akin siya sisisihin. Hahaha!

Pagdating namin dun eh gaya ng pagkatingin ko kanina eh madilim parin talaga. Nakakatakot nga eh, pero buti nalang binuksan ni Mark

yung ilaw ng cellphone niya.

“Bakit andito tayo?”

Tinignan ko siya pero mukhang may kinakalikot siya dun sa cellphone niya. Aba, hindi raw ba mamansin.

“Huy.” Sinamahan ko pa ng konting tulak.

“Ay, basta. Secret.”

Hmph! May pa secret secret pa siyang nalalaman.

“Anong oras na?”

“Teka, wag ka muna makulit.”

Sama nito! Nakakainis na ah. Magsasalita sana ulit ako nun para tarayan siya kaso bigla kong narinig na tumunog yung phone niya.

May song siyang pinatugtog. Tapos bigla ba naman nilagay sa harap ko yung kamay niya.

“Ano yan?”

“Pwede ba kitang isayaw Kheira Elizabeth Aruello?”

Napatingin naman ako sa kanya. Hindi ako nagsalita pero tinanggap ko yung kamay niya. Ang weird nga eh.

Cause it's you and me and all of the peopleWith nothing to do, nothing to lose

And it's you and me and all of the people andI don't know why I can't keep my eyes off of you

Grabe, ang weird ng feeling nung mga oras na yun. Sobra as in. feeling ko magmemelt ako any minute tapos sobrang lakas pa ng

kabag ng dibdib ko.

“Dinala kita dito kasi gusto kong ikaw ang maging first and last dance ko, and…it’s exactly 12:30.”

Natawa naman ako dun. Lahat ng tanong ko kanina eh nasagot pa

Page 328: The GAME of My Life Story

niya.

“Bakit dito? Nahihiya ka no na kasayaw ako?”

Joke ko lang dapat yun pero mukhang sineryoso niya.

“Never akong mahihiya na makasayaw ka Kheira. Never.”

Nagblush pa ako nun kasi hawak hawak niya yung mukha ko nun. Grabe, buti nalang medyo madilim dito ngayon. Kung di, patay na.

Natahimik kaming dalawa. Mabilis lang natapos yung song dahil maikli lang siya, pero for some odd reason, hindi kami naghiwalay ni Mark. sa totoo lang? Mas naglapit pa nga kami eh. Mukha na kaming

nagyayakapan ngayon. Maybe yun na nga yung ginagawa namin.

“Mark…”

“Bakit?”

“I have one question…”

“Anu yun?”

“Matagal narin kasing bumabagabag sa isipan ko ito eh…”

“Okay, go.”

“Sa dami ng babae diyan…anong meron sa akin? Bakit ako yung napili mo? why me?”

Nagulat yata siya nun dahil umusog siya para makita yung mukha ko. Nagkatinginan lang kami nun ng matagal. Akala ko nga hindi na siya sasagot dahil binalik lang niya yung ulo ko dun sa pagkakalean

sa may shoulder niya.

“It’s not anything that you have. It’s plainly the state of being you that I chose you.”

Wait, naguluhan ako dun ah.

“Hindi ko---”

“I love you Kheira not because of what you have. Ewan ko, hindi rin ako makahanap ng reason for loving you. Basta alam ko lang, I do.”

Alam kong hindi ko ganoon naintindihan talaga pero at that moment, hindi na ako nagkaroon pa ng ibang tanong. Dahil nung mga oras na

nagtry siyang sagutin yung question ko, nasagot niya ng hindi namamalayan.

Page 329: The GAME of My Life Story

Hindi yung sinabi niya ang nakasagot sa tanong ko. Kahit nga hindi siya sumagot nung mga oras na iyon eh makukuha ko na yung

answer sa tinatanong ko eh.  It was his heart who answered it. And I am satisfied with what I heard.

|im rily xri Kheira, mei klangan kxe aqng sunduin eh. xri tlga d aq mkkapnta. Bbwi nalang aq sayo prmise. Btw, I luv ur gift. =)|

Napasimangot naman ako nung makita ko yung message na iyon. 23 na pala ngayon, ibig sabihin, bukas na yung birthday ko. Badtrip naman oh, hindi pa siya makakapunta. Nakakainis naman, bakit

kung kelan last minute pa saka lang niya masasabi na hindi pala siya makakapunta? Eh excited pa naman ako nun nung sabihin niyan

wala daw makakapigil na pumunta siya. Grabe naman.

Maybe sinadya niya na ihabol yung last sentence niya. Kasi kahit papaano, napangiti parin ako nun. Hay, what a birthday. Excited na

tuloy ako. Not.

|okei c u nlang sa pasukan..|

Hay, first si Hansel tapos ngayon si Mark? Nakakalungkot.

“Kheira! Kakain na!”

Page 330: The GAME of My Life Story

Bumaba na ako nun at sumali na kina kuya dun sa dining table.

“Oh, bakit di ka kumain diyan?”

“Hindi ako gutom kuya Kaloy…”

“Asus, if I know nalulungkot lang yan dahil hindi makakapunta si Mark.”

Nakakainis naman itong si kuya Kyle oh. Talagang kelangan niyang ipaalala.

Since hindi naman talaga ako kakain nun at wala talaga akong balak, umakyat nalang ako. Humiga nalang sa kama at mabilis ng

nakatulog. Ano kayang mangyayari bukas?

“Oh my gosh…bhes…di ba si Mark yun?”

Napatingin naman ako dun sa tinuro ni Lia. Grabe. Totoo nga. Si Mark yun. And worse, may kasama siyang babae. Mukhang tuwang

tuwa sila.

Nasa mall pala kami ngayon ni Lia, may pinabili kasi sina kuya Kyle. Hay, kung alam ko lang na ito ang mangyayari…kaso hindi eh.

“Tara na bhes. Baka hinahanap na tayo dun.”

“Bhes ayos ka lang?”

“Yeah.”

Pero hindi talaga. Grabe ang sakit. Baka naman yun yung susunduin niya? Hindi. Pero…hay, mukha silang masaya. Mukha nga silang

nagdadate eh. Am I really that easy to forget?

Nakarating naman na kaagad kami ni Lia sa bahay nila mama. Hindi

Page 331: The GAME of My Life Story

kasi ganoon katraffic eh. Marami rami narin bisita namin nun. Actually, close friends ko lang talaga saka yung mga kakilala kong

friends nila kuya kyle at officemates ni kuya Kaloy.

Ayun, batian dito, batian doon. Abot ng regalo, tanggap at lagay doon. Hay, para akong robot. Kakausapin man nila ako eh parang

wala rin.

“Hey Kheira. Ayos ka lang? Birthday na birthday mo tapos parang biyernes santo yang mukha mo.”

Ni bati wala man lang. Kahit text oh tawag. Grabe talaga.

“Hello!?.”

“Ay, sorry Lian. Ano yun?”

“You’re not yourself.”

“Hindi ah! Anu ka ba.”

“Sinong niloko mo Kheira...”

“Hay, Lian. Ewan ko. Naguguluhan narin ako eh.”

“Siya na naman ba?”

“Yeah. I saw him na may kasamang girl kanina sa mall.”

“Oh…Kheira…sorry.”

Ngumiti lang ako sa kanya at nag-excuse. Dumiretso ako dun sa kwarto ko dahil hindi ko na kaya sigurong makihalo at

magpakaplastik dun. Ang hirap tanggapin. Ang sakit pa lalo na dito. *points at her heart*.

May kumatok sa kwarto ko pero hindi ko pinansin. Bahala sila, ayoko naman makipag-usap muna. Panigurado si Lia lang yan na sinabihan

ni Lian na icomfort ako.

Naramdaman ko naman siyang umupo dun sa gilid ng kama ko at hinawakan yung likod ko.

“Kheira…”

“Go away Lia…wala ako sa mood na makipag-usap.”

Tapos niyugyog pa niya yung katawan ko kaya ayun, tumayo narin ako. Pagtayo ko eh nagulat nalang ako.

Page 332: The GAME of My Life Story

“What are you doing here…

You liar!”

Chapter 41

“Ano?! Bakit hindi ka makasagot?”

I know na nagulat siya sa sinabi kong liar. Totoo naman eh.

“Kheira.”

“Umalis ka na Mark. dun ka na sa girl na kasama mo sa mall!”

Tapos nagtalukbong ulit ako at tinakip pa yung unan sa ulo ko.

“Kheira, makinig ka kaya muna?”

“NO! ayoko makinig sa iyo! Sinungaling ka!”

Page 333: The GAME of My Life Story

May naramdaman akong nagtanggal nung comforter at inalis yung unan na nakatakip sa akin.

“Just listen!”

“Ayoko!!”

“Makinig ka Kheira.”

“Shut up Hansel hindi ka kasa----”

Natigilan ako. si Hansel!? Napatayo ako at nakita ko nga na nakatayo siya dun sa may doorway ng kwarto ko. Oh my gosh!

“Hansel??”

“Now, will you listen?”

Tumango lang ako sa kanila. Si Hansel naman tumabi sa akin tapos umakbay.

“May sinundo nga ako...”

“Per---”

“At yun si Hansel..”

Napatinign naman ako kay Hansel, tapos tumango lang siya. Ako naman eh napayuko. Grabe nakakahiya. Inangat niya yung mukha ko

tapos nakangiti sa akin.

“Yung girl na kasama ko, si Hansel na mag-eexplain sa iyo...”

Tumingin ako kay Hansel tapos mukha pa siyang natatawa.

“Waitress yun dun sa restaurant na pinuntahan namin. Planado ang lahat sis.”

“huh?”

“Yung pagturo ni Lia sa amin. Yung pagkausap sa iyo ni Lian. Lahat ng yun.”

“Pero…”

“At nung mga time na nasa mall kayo, andoon na rin kami. Nagtago lang ako nun.”

Hinampas ko naman siya ng napakalakas.

Page 334: The GAME of My Life Story

“Ang sama mo alam mo yun?!”

“Wah, ako na nga itong pumunta sa birthday mo eh.”

“Kala ko ba 26 pa balik mo?”

“Di ako makakapayag na mamiss birthday ng sister ko no.”

Napangiti naman ako nun tapos siya eh tumayo bigla.

“Oh siya, iwan ko muna kayo para mag-usap. See yah.”

Pagkalabas ni Hansel eh bigla naman akong yumuko.

“Ummm…s-sorry.”

“For?”

“For calling you a liar. For being mad at you.”

“Don’t be. At least nalaman ko na…”

Tumayo narin siya at pumunta sa may pinto.

“Tama si Hansel…”

Huh?

“Anong tama?”

“Tara na nga. Birthday na birthday mo nagmumukmok ka diyan.”

Hay, wag ko na nga lang itanong. Mukhang hindi rin naman nila sasagutin eh. HMph, bahala na.

Page 335: The GAME of My Life Story

Ang saya nung party ko. At syempre, dagdag kasiyahan pa nung dumating ang 2 pinagkakamukmukan ko nung isang araw.

Nagkantahan kami at kung anu ano pa. Gabi narin nung natapos. Ako naman, hinintay ko ng umonti yung tao bago buksan yung gifts

nila para sa akin.

May mga natira parin nun nung nagdecide akong magbukas. Actually, si Mark lang pala pero kasama niya sina Kuya dun sa baba.

Malapit na akong matapos magbukas ng gifts nun. Yung kay Mark at Lian nalang yun kelangan kong buksan. Inuna ko na yung kay Lian. Ang cute nga ng bigay niya eh, puppy na may hawak na pillow na

nakalagay… “to someone special…are you special?”

Kung sa unang tingin, sweet siya. Pero pag pinag-isipan mo yung meaning nun, matatawa ka. Dapat kasi may karugtong yan na child.

Special Child. Hahah, ang kulit nga eh.

Tapos nun syempre, last but not the least, yung kay Mark naman. Ang laki nga nun paper bag na eh. Grabe. As in. mukhang malaking

stuff toy ito ah.

Pagbukas ko naman eh ang bumulaga sa akin ay isa pang paper bag. Pero mas maliit nga lang dun sa una. Grabe, ano to joke? Regalo

niya sa akin paper bag? Hahah. Kulit ah.

Binuksan ko ulit yung paper bag tapos nun eh may laman na naman siya. Hay, ilang paper bag kaya nasayang niya para dito??

Inabot na siguro ako ng ilang minutes at habang patagal ng patagal eh paliit ng paliit yung lalagyanan hanggang sa umabot sa isang

Page 336: The GAME of My Life Story

envelope. Pagbukas ko eh…natawa ako. Walang hiya to, pinahirapan pa ako. Alam niyo kung anong laman?

“Merry Christmas!”

Hmph. Kala ko pa naman kung ano, pinahirapan pa ako. May maliit na note dun sa baba na muntik ko nang hindi mapansin.

“Flip the card.”

Tapos syempre, sinunod ko naman  aba, may message palang nakalagay.

”Look at the 2nd to the last paper bag. May nakaipit sa ilalim ng handle nun” (alam niyo yun yung fold ng opening sa paperbags?

Hehe)

So syempre tinignan ko naman. Nagulat ako dahil nung pag angat ko nun eh may lumabas na maliit na box. Teka, paano nagkasya yun

dun??

Pinulot ko yung box at pagbukas ko eh bigla akong napanganga. Lumabas ako kaagad ng kwarto tapos bumaba kung nasaan sina

kuya. Pagkakita ko sa kanila eh napatayo si mark.

“Oh Kheira bakit---”

I hugged him. You wanna know what his gift was?

“Now I know kung bakit mo sinabi na gusto mo yung gift ko sa iyo.”

Coincidence? Maybe. Fate? Siguro. Destiny? Baka nga. Cause what he gave me was yung kapartner nung binigay kong necklace na susi

sa kanya. Paano ko nalaman na partner? Dahil yung locket na binigay niya sa akin eh heart na may design sa gitna na parang

pwedeng lusutan ng key. Galing no? Naalala ko tuloy yung story ni Ate.

Maybe we really are destined for each other.

Page 337: The GAME of My Life Story

Mabilis lang yung takbo ng panahon. Nung Christmas eh dun lang kami sa bahay nagcelebrate. Ang saya nga dahil umuwi sina mama. Truthfully, yun ang pinakamasayang Christmas na naexperience ko.

Nung 26 naman nang-imbita si Mark sa bahay nila kasi may party daw yun. Masaya naman, nakalaro ko ulit yung kambal pati si Nestle.

Nung New Year, pumunta kaming lahat dun sa bahay namin at dun nagcelebrate. Sabi kasi ni Mama para daw hindi mawalan ng grasya

yung bahay namin, saka dun naman daw sa bahay nila pwedeng yung mga maid nalang daw ang magpaputok kaya ayun.

“Hey Kheira, dalian mo nga, baka mainip si Miss Caticlan niyan.”

Yeah, back to school na ulit kami. At syempre, dahil nga 2 months nalang eh nagstart na kaming magpractice nun para sa play.

“Oo na, wait lang. Wag ka ngang atat.”

“Paano hindi kita mamadaliin eh baka maputukan tayo ng bulkan no!”

Totoo yun, kasi parang bulkan kung magalit si Miss Caticlan, lalo na sa mga latecomers. Galit yun dun eh.

“O siya, tara na nga.”

Pumunta na kami ni Lia dun sa auditorium. Whew, buti nalang wala pa si Miss. Marami rami narin pala yung students nun, yung iba eh

Page 338: The GAME of My Life Story

nag-aayos na ng mga props samantalang yung natitira…well…natutulog yata.

“Okay, buti walang late sa inyo…”

“Hmph, siya nga yung late eh…”

Siniko ko lang si Lia kasi nga baka may makarinig pa diyan.

“Starting tomorrow, magkakaroon tayo ng after school practices. Pero no worries, hanggang 7 lang yun. Hindi ko naman kasi makuha

yung mga free period niyo dahil may mga ibang hindi pwedeng I-excuse gaya nalang ng 2 leading characters natin.”

Nagkatinginan naman silang lahat sa akin. May iba nakatingin kay Mark.

“So Ngayon, start na tayo sa mga ibang parts ng play,”

Tinawag na ni Miss yung mga actors na kelangan niya at yung mga walang ginagawa eh nandoon lang sa isang tabi. Isa na ako dun.

“Oh, bakit mag-isa ka diyan?”

“Wala lang…”

“Heheh, musta nga pala new year niyo?”

“Ayun, dun kami sa bahay namin nag-celebrate…”

“Umm, teka, aling bahay?”

“Pag sinabi kong bahay namin, yun yung malapit dito sa school…pag sinabi ko naman bahay nila mama…well, yun yung bahay nina

Hansel.”

“Oh..bakit naman hindi mo consider na bahay niyo rin yun?”

“Ewan ko. Hindi ko feel eh. heheh. Ikaw, musta yung new year niyo?”

“Ayun, pinagkukukulit ako nung 3 bata batuta. Namiss ka daw kasi nila eh kaya pinipilit akong papuntahin ka sa amin. Sabi ko naman

na baka may mga ginagawa ka.”

“Ahh..heheh…”

“Gustung gusto ka nung 3 yun, alam mo ba?”

“Hmm..pansin ko nga eh.”

Page 339: The GAME of My Life Story

“Nakakagulat nga nun eh nung first time kang makilala ni Milo eh mabait na kaagad siya sa iyo. Dati pag may pinapakilala ako sa

kanya eh minsan hindi niya pinapansin at minsan gagawa pa yun ng kalokohan.”

“Ahhh…baka kasi hindi naman talaga totoo yung ugaling pinapakita nung mga pinapakilala mo kaya ganun.”

“Hmm, sabagay…si R--- ahh..yung isa nating kabatch na masungit minsan…”

Bakit hindi niya tinuloy? Anong meron? Sino yung dapat sasabihin niya?

“Ahh…sino yung si..R??”

“Ahh..yun…w-w-wala yun…”

“Nge, sino nga?”

“Umm…si ano…si---”

“KHEira, halika muna dito sandali.”

Argh, sayang. Malapit na niyang sabihin eh.

“Teka lang ah.”

Lumapit naman ako kaagad kay Miss at may inabot siya sa akin na papel.

“Yan ang kakantahin mo sa part na maghihiwalay sina Kirsten at Joshua.”

“Okay.”

Tinignan ko naman yung papel. “Only reminds me of you” ng MYMP yung nakalagay dun. Paano kaya yung tono nito?

Bumalik ako dun kay Mark tapos pinakita ko sa kanya yung paper. Sabi niya hindi rin niya alam yung tono nung song kaya ako,

nagtanong tanong pa sa iba. Buti nga nakahanap ako nung may alam eh, ayun, kinanta naman niya sa akin. Ang ganda pala nung tono

nun.

Hindi na kami nakabalik sa iba pa naming class kasi inexcuse na kami ni Miss. Buti nga daw pumayag yung mga teachers eh, pero

ngayon lang daw yan kaya daw bukas eh may after school practices na.

Page 340: The GAME of My Life Story

Nung free period na, sabay kami ni Mark na umalis kaya ayun, naghiyawan na naman mga kasama namin pero syempre, dedma lang namin sila. Pagdating namin sa court andoon na yung iba at nagsisimula na silang magpractice. Nagsorry naman kami ni Mark

kay Coach dahil ng late kami.

“Okay, dahil complete na tayo ngayon, lapit muna kayo dahil may sasabihin ako.”

Lumapit naman sila kaagad tapos umupo dun sa harap ni coach.

“Okay, gusto ko lang malaman niyo na next Monday na ang susunod na away game natin. Pagtapos nun eh sa February ang

championship. Sinasabi ko sa inyo na hindi porket wala pa tayong talo eh ibig sabihin nun magpapa-easy nalang kayo. Tandaan niyo,

kahit na first time niyong matalo dito sa larong ito eh wala na tayong pag-asang makaabot pa ng Championship.”

Oo nga pala no, muntik ko na makalimutan na malapit na yung next away game. Saan na naman kaya kami nito ngayon?

“Coach, saan naman po tayo ngayon niyan?”

“Sa Marcus Academy tayo ngayon.”

Whoa dun? Grabe last year eh nung nakikinood palang ako at hindi pa ako yung assistant ni Coach Roel eh grabe sobrang mangha ako sa mga players nila. Sobrang galing kasi talaga eh. sila nga yung nagchampion last year eh, naku, mukhang mahihirapan yata kami

nito ah.

“----kaya sinasabi ko sa inyo na wag kayong magpa-easy easy okay? Mahirap na kalaban yang school na iyan dahil sila ang nagchampion

last year. Actually, 3 years in a row na silang nagchachampion.”

Whoa, grabe, ang galing naman talaga nun.

“Well coach this year mawawala yang streak nila dahil ang St. Agustine Academy naman ang magchachampion!”

Tapos naki-oo naman yung iba. Aba, naks naman. Mukhang naging ganado ata players namin ngayon ah.

“Wag niyong sabihin, ipakita niyo!”

Nagsitayuan yung players at ayun, nagstart na magpractice. Grabe nga eh, ang seryoso ng practice nila ngayon. Napangiti ako dahil kitang kita mo ang pagiging isang team nila ngayon. Nakakatuwa

talaga tignan.

Page 341: The GAME of My Life Story

“Yeah, I mean, have you seen her?? Feel naman niya aH!”

Bakit ba pag parati nalang akong dumadaan malapit kay Reiya eh madalas ganyan mga sinasabi niya? Anu yan, nagpaparinig ba siya?

Sakto napatingin siya sa akin nung dumaan na nga ako tapos bigla ba naman may humawak sa akin. Yung clones pala niya at yun,

dinala ako malapit sa kanya.

“Hmm…”

“Ano na naman kelangan mo ReiyA?? Wala ka na naman bang magawa sa buhay mo kaya nanggugulo ka??”

“Hmph, maaawa na sana ako pero…nevermind.”

Ano na naman kaya meron sa bruhang ito??

Page 342: The GAME of My Life Story

“Maaawa?”

“Wala Loser. If I were you, I’d watch my back.”

“What’s that supposed to mean?”

Pero hindi na siya sumagot nun dahil umalis na sila. Weird. Ano bang problema nung babaeng iyon?!

Pumunta naman na ako kaagad sa classroom. Buti nga hindi pa nagbell eh. Thursday na nga pala ngayon, excited na ako dahil sa Monday na yung away game, ang pinakamasaya pa doon, dahil

malaki ang court ng Marcus Academy at maraming space, lahat ng high school students ng school namin eh pupunta at manonood.

Napansin nga siguro ni Lia yung pagiging masyadong masaya ko kaya ayan, nangungulit na naman. Pati nga si Hansel eh nangulit

narin.

“Oh, bakit todo ngiti ka yata ngayon?”

“Hay naku ‘sel, hindi ka na masanay diyan. Alam mo namang may pagkaweirdo yang kapatid mo eh.”

Binatukan ko naman siya. Weirdo pala ah?

“Weirdo ka diyan.”

“Heheh, ito naman, di na mabiro.”

“Whatever Lia.”

“Kheira, may practice ba ulit kayo ngayon sa play?”

“Yeah, bakit?”

“Wala lang. Ako kasi ang napapagod eh lalo na sa pagsundo sa iyo.”

“Hmph. Sino ba nagsabi na sunduin mo ko??”

Tawa naman siya ng tawa nun at yun, ginulo pa buhok ko. Kesyo nagjojoke lang naman daw siya. Bahala nga siya sa buhay niya. Ang

kulit kulit nila. Magsama sila ni Lia.

Page 343: The GAME of My Life Story

”I needed my freedomThis what I’ve thought

But I was a fool to believeMy heart breaks while you cry

Rivers of tearsBut I was too blind to see”

“More feelings Kheira. Remember, ang goal natin pag kinanta mo iyan eh mapaiyak mo dapat yung audience”

Ang hirap naman kaya nun. Paano kung hindi naman talaga madaling umiyak yung audience? Paano kung mga manhid yung

nandoon diba? Hay, wish ko lang diba.

“Sorry po…”

“Okay, from the top.”

Hay, mag 7 na ngayon at kanina pa kaming nagpapractice nung kanta kong iyon. Ang hirap talaga eh, kesyo hindi ko raw macapture

yung emotion na kelangan dun o kaya kulang sa feelings. Hay, sumasakit na nga lalamunan ko eh.

“I see you, beside me,It’s only a dream,

A vision of what used to be…”

Page 344: The GAME of My Life Story

“Okay, that’s better.”

Hay, salamat…for the first time simula nung nagpractice kami eh nasatisfy din si Miss. Whoa, nakakapagod ah.

“Miss time na po.”

“Okay. Nice practice everyone. Lahat ng actors eh improving na. Practice more para sa susunod eh hindi na tayo paulit ulit okay? You

may go.”

“Uy Bhes! Mukhang pagod na pagod ka yata ah.”

“Mukha lang? Eh pagod na pagod na talag ako no! sakit na nga ng lalamunan ko eh.”

“Hayaan mo na. Ang ganda naman ng pagkanta mo eh.”

“Hay naku.”

“Bahala ka nga. O sige, una na ako…bye bhes!”

“Ingat!”

Maglalakad na sana ako nun paalis pero may humila sa kamay ko.

“Oh, Mark, bakit?”

“Pwede ba kitang makausap? Importante lang kasi…”

Ang seryoso sobra ng mukha niya. Tumango lang ako nun tapos siya naman eh hinila niya ako palabas ng auditorium.

“Ano yun?”

“May kelangan kasi akong sabihin sa iyo na napakaimportante…”

“bakit ba parang sobrang seryoso mo yata. Nakakatakot na ah Mark!”

Hindi parin siya ngumiti or what. Grabe, ang freaky ah.

“May kelangan akong sabihin sayo about R---”

“KheirA! Hoy antagal kong naghihintay dito tapos----ay…sorry, nakaabala ba ako?”

“Umm Me—”

“Nope. Sige, nagpapaalam lang ako kay Kheira.”

Page 345: The GAME of My Life Story

Tumingin naman ako sa kanya. This time nakangiti na siya. Weird. Really weird.

“Pero Mark…”

“Sa susunod nalang….”

Tapos umalis narin siya. Anu ba yung gusto niyang sabihin? At bakit parang sobrang seryoso naman niya yata??

“huy! Ano pang hinihintay mo diyan? Tara na oy!”

“Oo!”

Hay, whatever that is I guess I just have to wait…

Kung kelan man yung “susunod” na sinasabi niya.

Chapter 42

“OMG Kheira! Nakascore na naman sila!”

Tumingin ako sa score board, hay lamang na naman sila by 10 points. Grabe, ang galing talaga ng Marcus Academy.

Monday na nga ngayon. Wala masyadong nangyari maliban lang dun sa weird behavior ni Mark nung Thursday. Pagtapos nun eh same

normal self na naman siya. Sa theater eh improving na talaga kami, nagpractice pa nga kami nung Saturday eh, ang saya dahil maaga

kami natapos at nagbonding pa lahat ng mga tao dun.

Nun Sunday naman eh nandoon kami sa bahay nila mama tapos nagsimba kami sabay sabay. Wow diba? Pagtapos nun eh kumain

lang kami sa labas.

“Darn.”

“And that’s another point for Marcus Academy who is now in the lead with 56-44.”

Nagtime out si coach at kami naman ni Lia eh kumuha ng drinks para sa players.

“What the heck are you doing?! Akala ko ba mag-eend na yung streak nila?!? Akala ko ba kayo ang magiging champion!?!? Pero ano

yang pinapakita niyo!?”

Page 346: The GAME of My Life Story

Galit na galit na si Coach. Halata naman eh. Pagod na pagod narin yung players namin, and yes, kahit pagsama samahin man ni coach yung top 5 players niya eh wala parin epekto. Talagang magagaling

ang taga Marcus Academy.

Natapos na yung time-out at yun naglaro na ulit. Medyo mas umok na nung mga sumunod na oras dahil nakakabawi na kami. At

nagtatatalon lahat ng taga St. Agustine nung mag-tie yung score at 30 seconds nalang ang natitira..

“OH MY GOSH BhES! TIE NA!! MAY PAG-ASANG MAGOVERTIME!!

“5…4…3…2…”

Natigilan ang lahat. Yung spirit kanina biglang nawala. Ang next nalang naming narinig ay…

”Whoa! By the last second naka-3 points si Rivera! Marcus Academy wins with 73-70”

Napatingin ako dun sa players namin. Grabe sobrang lungkot nilang lahat. Pati nga yung mga schoolmates namin eh sobrang nalungkot.

Pinapila na yung mga players namin pagkatapos eh nagkamayan na sila, pero halata mo parin ang disappointment sa mukha ng players. Pagkatapos nun eh diretso kaagad sila sa locker room. Kami naman

ni Coach eh sumunod lang matapos siyang kausapin ng coach ng kabilang team.

Pagpasok na pagpasok namin dun eh nakita namin yung players na nakaupo sa sahig at nakayuko.

“Sorry Coach. We failed you.”

Napatingin naman ako kay Coach. Straight lang yung mukha niya at walang ka rea-reaction.

“You didn’t fail me boys. You made me very proud.”

alam kong hindi lang ako yung nagulat dun sa sinabi ni coach. Proud daw siya? Eh natalo nga kami eh!

“Coach natalo kami, bakit proud ka pa sa amin ngayon? Talunan kami coach.”

“Kung ganyan ang attitude na ipinapakita niyo eh talunan talaga kayo.”

Anu na naman kayang pakulo to?

Page 347: The GAME of My Life Story

“Napakaganda ng game na pinakita niyo hindi niyo ba alam? Sabi sa akin ng coach kanina na kayo daw ang first na nakalaban ng Marcus

Academy na nilamangan lang nila ng 3 points.”

Hmph, ang yabang naman ng dating na yun.

“Pero coach…ibig sabihin niyan, wala na tayo sa championship. Sayang.”

“Hindi sayang Rio, dahil ang laki ng naprove niyo sa lahat. By just playing that game nicely, naipakita niyo sa kanila na kaya niyo ang

Marcus Academy.”

May mga iba pang kumontra sa kanya na kesyo mga losers daw sila or whatever. Pero sa totoo lang? Tama talaga si coach. They’re not losers. Para sa akin, winners sila kahit man talo dahil they showed

their best.

“In all my years sa st. Agustine academy, itong taon na ito ang pinakagusto ko. You all did great. Especially sa 5 seniors ko na sina Mark, Lian, Richie, Gino at Rio. Proud na proud ako sa inyong lahat.”

And for the first time that day…ngumiti rin yung mga players.

Page 348: The GAME of My Life Story

“OMG BHES! Nakita mo ba yung suot ni Mark kanina?!?”

Natawa naman ako dun sa sinabi niya.

“Ganda ba?”

“I mean isipin mo magdedres---hUH? Don’t tell me Kheira Aruello na ikaw ang may pakana nun?!”

Yup, Lia’s right. Hehe, Last week of January na pala. Thursday ngayon at ngayon din ang araw kung kelan si Mark ay magdadamit

na pambabae.

Tumango ako sa kanya tapos tumawa.

“Paano mo siya napilit bhes?!”

“Easy---”

“On second thought. Wag mo na explain. For sure gagawin naman niya lahat dahil mahal ka nun eh.”

“Sira! *batok kay Lia*. Nagkaroon lang kami ng bet tapos ako panalo.”

Kinuwento ko naman sa kanya yung kondisyon namin ni Mark sa bet namin at yun, natawa siya. Nakuha pa nga niyang mang-asar kasi nga diba part parin nung bet yung siya partner ko sa prom slash

grad ball.

Nagkukuwentuhan pa kami ni Lia nun nung biglang dumating si Mark na nakasuot ng pambabaeng uniform kaya kami ni Lia eh tawa ng

tawa.

“very funny.”

“umm…new student ka ba? Ngayon lang kasi kita nakita eh.”

Nagtawanan ulit kami tapos si Mark naman eh tumabi lang sa amin.

Page 349: The GAME of My Life Story

“Ano nga pala name mo?”

Tumingin sa akin si Mark tapos nag grin ng nakakaloko. What was that all about?

“Elizabeth. Eliza for short.”

Anak ng, talagang second name ko yung kinuha niya no?

“Oh? Elizabeth name mo? You look like a Markita to me.”

Tapos tumawa kami ni Lia, siya naman nakitawa na lang rin. Syempre, ang pikon laging talo.

“Kheira, wag mong sabihin na hanggang practice mamaya eh ganito ang suot ko?”

Hmm, nakakaawa naman siya. Siguro nga marami na ang nang-aasar at nangloloko sa kanya. Hmph, sige na nga. Magpakabait ka na

Kheira at pumayag ka na.

“Fine. Hanggang mamayang 4 lang, bago mag free period.”

“Hey Kheira, ganda ng new friend mo ah. Pakilala mo naman ako.”

Tumawa kami ni Lia tapos si Lian naman eh tumabi kay Mark at umakbay.

“Hi Miss. I’m Lian. Maari ko bang malaman ang pangalan ng magandang binibini sa aking harapan?”

“sapak gusto mo?”

“Ouch. Di bale, sasabihin mo rin sa akin ang pangalan mo. Sige guys, bye…miss taray. Hahaha.”

Kumunot yung noo ni Mark tapos binato niya ng maliit na bato si Lian. Si Lian naman eh tumawa lang tapos tumuloy sa classroom.

Nagbell narin nun kaya kami eh tumayo na para pumuntang classroom namin.

Hmm, anu kaya magiging reaksyon ng mga teachers tungkol dito?

Page 350: The GAME of My Life Story

“Mr. Fellacio! That is not the proper dress code for male students! Change your clothes this instant!”

Tumawa yung mga classmates namin tapos ako naman, hay naawa lang ako. Mukhang mapapahamak pa yata ito eh.

“Sige na Mark, magpalit ka na…”

Tumingin sa akin si Mark pero umiling. Naku, ang tigas ng ulo nito ah.

“Sorry Ma’am. But I’m afraid I can’t do that.”

“And why is that?!”

“Because I want to prove to someone that I am willing to do anything for her, even get myself humiliated.”

Namula naman ako dahil yung ibang classmates namin eh nang-asar na. Napatingin ako sa teacher namin na si Miss Reyes at ngumiti siya

ng mabilis at nagwink sa akin. Wait, tama ba nakita ko!?

“I guess I won’t be able to change your mind? Okay, just go to the sub-unit head.”

Paalis na si Mark nun nang hinila ko yung kamay niya.

“Sabi naman sa iyo magpalit ka na eh.”

“Ayoko nga. It’s way too fun to stop.”

Tapos ngumiti siya ng nakakaloko at ayun, nagdisappear na at pumuntang sub-unit head.

Nagtuloy tuloy na kami sa lessons at hindi parin bumabalik si Mark. Medyo nag-aalala ako kasi ako nga yung guilty kung bakit siya

nagdamit ganoon eh. Ano na kayang nangyayari dun?

Umabot na ng lunch time at wala parin siya kaya ako eh nagdecide na pumunta na sa sub-unit head. Ang gulo nga ng nadatnan ko dun

kasi…

Page 351: The GAME of My Life Story

“Hijo, ito lang naman yun eh, just change your clothes at tatanggalin na namin yung parusa mo.”

“Sorry sir pero ayoko. Kahit damihan niyo pa yang punishment ko okay lang sa akin.”

Ang tigas naman ng ulo nitong lokong ito. Ano bang problema niya?

“Hay, you leave us with no other choice, Miss Lavado, can I have his student record.”

What?!? Hindi pwede yun! Hindi magiging maganda pag nalagay pa sa student record niya yun. Naku naman.

“U-u-umm sir?”

Tumingin sila sa akin at halatang gulat na gulat.

“Miss Aruello, I don’t remember asking someone to call you.”

“U-u-ummm sir, about to kay Mr. Fellacio.”

Tumigil siya sa pagbabasa sa student record ni Mark at binaba muna yun. Tumingin siya sa akin tapos ako naman eh lalong kinabahan.

“Sir, nagkaroon po kami dati ng bet ni Mark at iyan po yung consequence niya…sir kung may kelangan kayong pagalitan, ako po

dapat yun…”

“Sir wag, ako naman ang may offense eh at kusang loob ko rin tong gustong gawin kaya please wag niyo siya idamay.”

“Sir please, sa akin nalang niyo ipasa yung blame. Ako ang may kasalanan.”

“Kheira ano ba. Wag mo na kasing palalain ang sitwasyon. Okay na ito.”

“Okay?? OKAY?! Ito bang sinasabi mong okay?!? Masusulatan ang student record mo Mark!”

“Mas okay na yun kesa naman sa ikaw pa ang maparusahan!”

“Okay lang naman yun at least wala kang masamang nakalagay sa record mo!”

“Fine, I won’t write anything sa record ni Mr. Fellacio. But the two of you would have to do community service tomorrow is that clear?

Kayo ang maglilinis ng buong auditorium bukas.”

Page 352: The GAME of My Life Story

Oh well, at least aircon yung place. Ayos narin siguro yun. After niyang I-explain yung gagawin at pagsabihan kaming dalawa eh pinaalis na niya kami. Ako naman eh mauuna na sana kaya lang

hinila ako ni Mark.

“Nasali ka pa tuloy…”

“Anu ka ba Mark, ayos lang sa akin, parang lilinisin lang yung auditorium eh.”

“Kahit na. Dapat ako nalang eh..”

“Ako naman talaga ang may kasalanan. Saka naguiguilty ako eh bakit ba?”

Ngumiti naman siya nun at umakbay sa akin.

“Tara na nga, gutom na ako eh.”

“Oh, bakit ka naka-akbay pa?”

“Ito naman, ang sungit.”

Tapos tinanggal niya. Sinabi ko bang tanggalin niya? Nyahaha! Secret lang natin yun!

Tumuloy na kami sa may canteen at pumunta dun sa sinave na pwesto nila Lia at yun, kumain narin.

“More emotions!”

Grabe, ayan na naman yang more emotions na yan. Hay, bakit ba

Page 353: The GAME of My Life Story

kulang nalang parati? Dahil ba sa hindi ko feel yung music kaya kulang? Ah ewan, bahala na.

Mga ilang ulit din ako pinakanta ni miss bago kami nag-move sa ibang characters. This time, pinractice na namin yung scene kung

saan malalaman ni Kristen ang totoo.

“Gusto ko ng todong emosyon ah. Napaka-importanteng scene niyan okay so I want the best. Okay, go.”

“Ganoon Joshua?? Bet lang pala ako para sa iyo?? Lahat ng ginawa mong maganda para sa akin dati eh dahil lang para sa manalo ka sa

bet niyo?! Ang selfish mo!”

“Kristen Wait! Let me explain!”

“Explain what Joshua?!? I don’t think there would be any valid reason kung bakit mo magagawa iyon!”

“Okay, pero just listen!”

“I’m tired of listening. Dahil nung mga panahong nakinig nga ako sa iyo, binigay ko ang buong attensyon ko sa iyo, puro panloloko lang pala ang mga sinabi’t ginawa mo. Ayoko na Joshua. Pagod na ako.”

“Kristen…I know sobrang sinaktan kita and I’m sorry. Pero I just want you to know, I tried backing out of that bet, dahil narealize

ko…na mahal nga talaga kita.”

Tapos part na yun ng pag-alis ko sa stage at time na para sa song ni Mark na “Makita kang muli” ng Sugarfree. Ewan ko, ayos lang yung

kanta pero in my opinion, mas bagay na song na kakantahin dapat ni Joshua eh yung kantang “Magbalik”. Pero yan ang napili ni Miss eh.

Pero pwede narin siguro yan.

“Grabe bhes, ang galing mo.”

“Asus, ikaw nga diyan eh.”

“Hay,”

Napatingin naman ako sa kanya, anong drama na naman kaya yan?

“Oh, bakit parang natalo ka yata?”

“Wala lang bhes. Hindi lang ako makapaniwala na magtatapos na ang high school life natin. Tapos, hindi na tayo magiging

magkakaklase pa. Swerte nalang pero I doubt na malaki yung possibility.”

Page 354: The GAME of My Life Story

“Ano ka ba naman bhes, di ba nga, nagpromise tayo nina Celine? Kahit anong mangyari walang iwanan. Kahit magkakalayo tayo,

magbebest friend parin tayo no!”

“Sana nga…Pero, ang bilis talaga eh. In two weeks Valentine’s ball na. Tapos one week after nun eh exams na. At syempre, graduation

day. Hay, huli huling pagkikita na natin ang grad ball bhes.”

Naluha naman ako dun sa sinabi ni Lia. Sa totoo lang? Yan ang kinakatakot ko. Hindi pa talaga ako ready na magtake ng step eh.

Parang, nakakatakot pumasok sa tunay na mundo.

“Para naman malayo ang bahay mo sa amin eh.”

“Ano ka bhes, di ba nga sabi mo na lilipat na kayo sa bahay ng mama mo after natin maggraduate?”

Muntik ko na malimutan yun ah. Hay, tama siya. Magkakalayo pala talaga kami ni Lia. Ang hirap naman.

“BRAVO! NAPAKAGANDANG SCENE! NEXT SCENE MAGREADY NA!”

“Cue mo na yun bhes…kayo na.”

“Yeah...”

Paalis na siya nun ng tawagin ko siya ulit.

“Bhes.”

“Yeah?”

Tapos lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

“Best friends forever. Promise yan.”

Naramdaman kong umiiyak si bhes at ako rin, naiiyak na. Grabe, bakit ba ganoon talaga ang mga tao? Naaappreciate at napapansin

lang nila ang mga bagay bagay kung kelan malapit nang matapos at magkalayo?

“Miss! Sina Lia at Kheira nagiging tomboy na!”

natawa kami ni Lia tapos tumingin kami ng masama kay Darwin.

“Shut Up Darwin!”

Page 355: The GAME of My Life Story

Totoo yung sinabi ni Bhes na malapit na talagang matapos yung taon. In fact, mas lalo yatang nanadya yung time kasi lalong bumilis ang panahon at next thing we know, sa Friday na yung valentines

ball. 

Oo nga pala, tradition na kasi ng school namin na magkaroon ng valentines ball ever february 14. Ang masaya pa doon, para siyang  JS prom na kelangan magpakaformal and everything. Kaya nga isa pang tawag namin diyan eh JS Prom narin kasi, yun nga, sobrang

maraming pagkakapareho.

May mga nominees rin like sa prom pero hindi king and queen ang tawag, kung di Mr. And Miss Valentine. Corny nga eh pero hayaan mo na. Saka isa pa, may group of students na tatawaging cupids. Pero hindi sila magpapakilala. Sila yung pipili ng mga nominees at

swerte mo nalang pag hindi ikaw ang napagtripan nila.

Tuesday na pala ngayon. Sobrang busy ng school, well actually 3rd

Page 356: The GAME of My Life Story

and 4th year students lang dahil nag-aabala ang lahat para sa preparations ng ball ilang days nalang kasi kaya ayan, marami na

ang excited.

“Hoy bhes, ano pala plano mo for tomorrow?”

“Huh? Bakit Lia? Anong meron bukas?”

“Wah, don’t tell me hindi mo alam?!”

Hmm, wait wag mong sabihin birthday niya? Hindi naman, September ang birthday ng bruhang yan eh. umm, monthsary nila ni Marco? (Yep sila na!) Nyek, eh bakit naman niya tatanong kung ano

plano ko diba? Hmm…ano ba?

“Sorry, hindi eh. Ano ba yun?”

“Oh my gosh bhes. Birthday po ni Mark bukas if you must know!”WHAT?!?

Chapter 43

Grabe! Hindi ba siya nagjojoke? Birthday na ni Mark bukas?!? Seryoso!?!?

Nanlaki naman mata ko. Grabe wala na akong oras para bumili ng regalo! Naman Lia! Bakit ngayon pa sa akin pinaalala, sana kanina

pa nung mga lunch break para nakapunta ako ng mall.

“Xemots! Bakit naman ngayon mo lang sinabi?!”

“Aba, malay ko bang naforget mo.”

Ugh! Nakakainis naman oh.

“Waah…paano na yan ngayon…?”

“Asus, basta pumunta ka nalang sa bahay nila after school para sa party niya eh magiging masaya na iyan sobra.”

“Ngek! Hindi pwede bhes. Kelangan may gift ako.”

“Alam ko na, kiss mo nalang kaya?”

“Batok gusto mo?!”

Kiss, asa naman!

“fine, hmm…kantahan mo nalang!”

Page 357: The GAME of My Life Story

“Nyek, napakanormal naman nun eh.”

“Bahala ka, lahat naman ng sinusuggest ko tinatanggihan mo eh. Diyan ka na nga, tawag pa ako ni Miss Javier eh.”

Bwisit na ito, mang-iwan daw ba. Ugh, think Kheira think! Anong bang pwede regalo dun sa guy na iyon! Kasi naman eh, pag

pangbasketball ang bibilin ko sa kanya eh parang ang common naman. Naman oh, nakakainis.

“Oh ano bhes? May naisip ka na ba?”

Ugh, great. Bakit ba kelangan pa niyang ipaalala. Grabe, Wednesday na pala ngayon, birthday na ni Mark, at ako, wala paring naiisip na

gift na maibibigay ko para sa kanya.

“Wala pa okay?”

“Sungit nito. Meron ka ngayon no?”

“Sira. Lia…ano ba pwede kong bigay o gawin?”

“Kantahan mo nga eh.”

“Per----”

“Hi Lia, Hi Kheira.”

Nanlaki mata ko. Teka nga, saan galing to?

Page 358: The GAME of My Life Story

“Hi Mark, happy birthday nga pala.”

“Thanks Lia...”

Ako eh nasa state of shock kaya hindi parin nakapagreact. Siniko pa nga ako ni Lia eh kaya ayun, medyo napahiya.

“Umm…happy birthday”

“Thanks Kheira. Sige una na ako sa inyo, see you guys later. Pupunta kayo right?”

“Yeah.”

Tapos ngumiti siya at umalis na. Pagkaalis na pagkaalis niya eh bigla ba naman naghaharurot sa tawa itong bruhang ito.

“Anong tinatawa tawa mo diyan?”

“ *Ginagaya yung boses ni Kheira* Umm…happy birthday.”

Aba, ang sama talaga ng ugali nitong bruhang ito.

“Sira. Ang sama mo.”

Pero hindi parin niya ako tinigilan. Nagbell narin nun kaya bumalik na kami sa Classroom. Naglesson lang kami sa ibang subjects namin, meron naman nagpaactivity pa kaya napabilis tuloy lalo yung oras.

Nung free period namin eh kami ni Mark ay pinatawag sa auditorium. Pumayag daw si Coach kasi hindi na naman na daw

kelangan na magpractice dahil nga out na kami para sa championships. Napaaga tuloy yung practice namin and for sure,

maaga rin siyang matatapos.

“Okay, scene nina Olivia and Kristen.”

Pumunta naman na kami ni Lia kaagad dun. Hay, ito pala yung part na maghahagulgol si Kristen sa best friend niyang si Olivia.

“Bakit Olivia?!? Bakit niya nagawa sa akin ito!?”

“Kristen, I think he has his reasons. Bakit hindi ka makinig sa kanya?”

“Makinig? Para ano pa? Para maloko na naman niya? Para magmukha na namang tanga?! Ayoko na!”

“Mahal ka niya Kristen. I know he does.”

Page 359: The GAME of My Life Story

“Ganoon ba ang pagmamahal Olivia? Masyado na ba nagbago ang panahon na ang pagmamahal ay napapakita na sa pangloloko ng

ibang tao??! Ganoon na ba talaga ngayon!?”

“Alam kong mali yung ginawa niya at hindi nga pagmamahal iyon, pero Kristen nagbago siya. Dahil yun sa pagmamahal niya sa iyo.

Tunay na pagmamahal.”

“Pero—”

“Paniwalaan mo ako Kristen dahil alam ko ang pagkakaiba ng tunay na pagmamahal sa panloloko lang. Wag mong kalimutan na nangyari

narin sa akin iyan.”

“Olivia…”

Hay finally! Natapos din yung scene namin. At infareness, tuwang tuwa si Miss Caticlan kaya ayun, dinismiss kami ng napakaaga. Plano

namin ni Lia na sabay ng pumunta sa bahay nila Mark kasi ayoko naman na magpunta mag-isa dun eh. buti pumayang ang bruha.

Paalis na sana kami nun nung mapansin kong wala sa bag ko yung script namin.

“Teka bhes, naiwan ko yata yung script sa loob.”

“Okay, dalian mo ha?”

Tumakbo naman ako pabalik sa loob ng auditorium. Nakita ko naman kaagad yung script dun sa isang side ng stage. At paalis na sana ako

nun ng…

“Sa Friday. Sa valentine’s ball.”

“Sabi ko sayo na out na ako diba?”

“No one backs out in this. Alam mo iyon.”

Si Reiya yun ah. Teka, sino yung kasama niya?? Umusog ako sandali pero hindi ko parin makita kasi tinatakpan ng curtain yung taong

kasama niya.

“Whatever. Desisyon parin namin yun.”

“If you won’t do it, I would.”

“bakit ba hindi mo na kami tantanan?!”

“Because, the fun’s not over yet..”

Page 360: The GAME of My Life Story

“FUN?! FUN BA ANG MANAKIT NG TAO?!?!”

“OO. Bakit? At kelan ka pa ba naging against dito? Dati nga wala kang reklamo eh.”

“Dati yun. Iba na ngayon. Ayokong manakit. Just leave us alone Reiya. Sinasabi ko sa iyo.”

“Bakit Lian? May magagawa ka pa ba?”

Lian?! Si Lian ang kausap niya? Nakita ko naman na si Lian nga kasi bigla siyang nagpunta sa harap ni Reiya. Teka, ano ba itong pinag-

uusapan nila.

“Wala, pero I would do everything in my power para lang pigilan ka.”

At pagkatapos nun eh naglakad na siya palayo. Pero hindi pa siya nakakalabas nun ng…

“Keep on dreaming Lian. You weren’t a hero before, what makes you think you’d be one now?”

Grabe naman yun, anu kaya yung pinag-uusapan nila? Mukhang napakaseryoso. At wait, kelan pa ba naging close sina Reiya at Lian?

Whoa, mukhang ang dami ko yata talagang hindi alam ah.

Lumabas na kaagad ako nung makita kong wala na si Reiya. Si Lia nga eh tanong ng tanong kung bakit daw ako tinagal, kaya ayun,

kinuwento ko yung nakita ko. Grabe nga eh, pati siya nagulat.

Umuwi muna kami ni Lia syempre para magpalit kasi ang pangit naman kung naka-uniform kami tapos makikicelebrate dun. Mabilis lang kaming nagbihis pagtapos nun eh dumiretso na kami kaagad

kina Mark.

“Uy, buti naman at nakapunta kayo..”

Yumakap sa amin si Tita Elle tapos nilead niya kami kung nasaan yung iba. Andoon silang lahat sa sala at may mga kumakain pa at

nagkakantahan. Sosyal.

Nung makita kami ni Mark eh lumapit naman na siya kaagad sa amin ni Lia.

“Buti nakarating kayo…”

Ngumiti naman kami sa kanya tapos ayun, naki-join narin kami sa kasiyahan.

Page 361: The GAME of My Life Story

“Okay, ingat kayo ha?”

Marami rami narin yung mga tao na nakaalis. Kaunti na nga lang kaming natira dito eh. Mabibilang mo nalang siguro sa 2 kamay mo. Pagtapos niyang magpaalam dun sa mga umalis na eh lumapit siya

sa akin.

“Kheira?”

“Bakit?”

“Gusto mo lumabas?”

“Huh?”

“diyan lang, sa garden…”

“Umm…okay.”

Sumama naman ako sa kanya. Pagbigyan narin, birthday naman eh saka wala pa man din akong regalo para sa kanya. Pagdating namin dun sa garden nila eh naupo kami sa swing. Magkatapat pa nga kami

Page 362: The GAME of My Life Story

nun kaya lalong nakakailang. Titigan ka ba naman ng matagal eh hindi ka pa ba mailang noon?

“Umm Mark sorry ha, wala akong gift sa iyo. Sa totoo lang, nakalimutan ko kasi na birthday mo ngayon eh kahapon lang ng

hapon pinaalala sa akin ni Lia. Sorry talaga.”

Tumungo ako nun kasi hiyang hiya na talaga ako pero siya, tinaas niya yung ulo ko.

“The point na pumunta ka ngayon eh parang regalo mo na sa akin yan.”

“Pero…gusto ko may mabibigay ako kahit anong gift. Nakakahiya kasi eh.”

“Gusto mo talagang may mabigay?”

tumingin ako sa kanya tapos siya eh seryoso yung mukha niya.

“Oo..”

“Okay. Isa lang naman gusto ko eh.”

“Ano yun?”

Lumapit siya sa akin kaya ako naman eh napausog ng di oras. Kinuha niya ng isang kamay yung kamay ko tapos yung isa pa

niyang kamay eh nilagay niya sa pisngi ko. Grabe feeling ko nun mukha na akong kamatis sa sobrang pagkapula.

“Go to the valentine’s ball with me”

Nagulat naman ako sa kanya. Kasi kung tatanungin mo ko, parang ang liit lang nun eh.

“Yun?”

“Yup,”

“Umm, okay.”

“Talaga??”

“Yeah. Talaga.”

Nagkangitian kaming dalawa and to my surprise…

Page 363: The GAME of My Life Story

He hugged me.

Nung mga sumunod na araw, todo yung pagiging busy ng mga tao. Ewan ko ba, pati nga yung mga walang kinalaman sa pag-aayos ng

gym (kasi dun gaganapin yung ball) eh nagpapakabusy narin. Pautot lang siguro nila yun pero minsan nakakairita narin.

Hindi rin naman natigil yung pagpapractice namin. Actually this time, humaba yung practice hours namin para sa play. Isang araw

nalang kasi ang meron kami para magpractice. At ngayon yun kaya buong araw eh binigay na sa amin.

Hindi naman kasi kami makakapagpractice ng Friday dahil nga ball na nun at panigurado, preparations parin ang gagawin sa umaga.

Tapos the next week naman hindi rin pwede dahil review week namin yun para sa finals. At syempre mas lalong hindi pwede sa week after nun dahil finals na namin. Ang saya no? at pagtapos

naman ng finals graduation practice then graduation na. Grabe no? ang bilis talaga ng panahon. Parang kelan lang eh grumaduate ako ng grade 6 tapos ngayon, malapit na akong maging isang alumni.

Whoa, scary.

“Give your best people. Manonood mamaya ang principal para I-check ang progress ng play. Isipin niyo eh presentation na talaga

okay?”

“Miss Caticlan, andiyan na po si Sir.”

“Okay, thank you. Places everybody!”

Okay heto na. Kelangan daw performance level.

Tumingin ako dun sa audience, anak ng…nagdala pa pala ng class si Sir Villanueva. Grabe naman iyan. Pag nagkamali pa kami eh baka

pagtawanan lang kami. Hay, bahala na.

Nagstart yung 1st scene. Ayos naman siya so far. Akala nga namin perfect na eh kaso nga lang nabulol bigla si Kia. Sayang pero okay

lang daw yun.

Page 364: The GAME of My Life Story

Ganoon din naman sa mga ibang scenes namin. Ayos lang naman. Pati nga yung mga songs na kinanta namin eh maganda raw. Kaya

nung delibiration, ayun, maganda yung feedback ni Sir Villanueva at nag keep up the good work pa siya. Napangiti nga si miss Caticlan

nun eh, kaya kami, mga pilyong studyante, inasar namin si miss kay Sir.

“We’re nothing more than colleagues.”

Asus, pakipot pa si ma’am oh. Hahaha. Pagkatapos nun eh pinauwi na kami, deserve daw namin kasi yung rest dahil nga ang ganda ng

performance “daw” namin.

Umuwi naman na ako kaagad dahil nga si Hansel eh tutulungan pa raw akong mamili ng mga damit. Wala pa pala akong masusuot para

bukas, oh no!

“Hansel ano ba! Dali naman!”

“Heto na po mahal na prinsesa. Oh, mamili ka na diyan.”

Napanganga ako sa mga damit na nilatag ni Hansel sa kama ko. Grabe, ang gaganda lahat! May strapless, mayroon din naman may

mga ruffles tapos halter..grabe ang gaganda lahat!

“Ano sa tingin mo bagay?”

“Kahit ano naman bagay sa iyo eh.”

“Asus, dali na please? Help?”

“Yung blue.”

Napatingin naman ako dun sa blue at napangiti. Pinili niya yung strapless. Plain, pero maganda.

“Carry kaya?”

“sus ikaw pa? Wag nga lang macho ang paglalakad sis ah.”

“Sira!”

At binato ko sa kanya yung pillow ko, and then the next thing I know, nagkaroon kami ng isang napakahabang pillow fight.

“Hansel?”

“Ano?”

“Ano kaya mangyayari pag college na tayo?”

Page 365: The GAME of My Life Story

“Marami. Matututo tayong uminom, manigarilyo at magdrugs…”

“Yuck!”

“Joke lang, heto naman hindi na mabiro. Syempre, new step yun. Parang hinahanda na tayo sa real world.”

Tumingin ako sa kanya at nakatingin lang siya sa kisame.

“Natatakot ako.” bigla niyang nilipat yung tingin niya sa akin.

“Bakit naman?”

“Ayoko kasing mag-isa eh.”

“Ano ka ba, hindi ka naman mag-iisa eh. andito ako, si Lia, si Mark….”

“Eh paano kung…”

“Shh..masyado ka kasing nag-iisip eh. Why don’t you just enjoy now rather than worrying about tomorrow? Remember, what’s more important is what’s present and how we make most out of it.”

“Thanks bro.”

“No problem. Kheira.”

Tignan mo to, kung kelan tinatawag ko na siyang bro saka naman niya akong tatawagin na Kheira. Hay, Hansel ,you’re such a weird

guy. Great, but weird.

“Huy babae! Dalian mo! Naghihintay na sila lahat no!”

“Teka! Hindi pa ako ayos eh!”

Grabe, nakakairita narin tong Hansel na ito ah, kanina pa ba naman

Page 366: The GAME of My Life Story

akong minamadali eh. Kesyo malalate na raw kami para sa ball or whatever. Hmph, bahala nga siya.

“Hoy ano---”

“I’m DONE!”

Napatingin siya sa akin tapos nanlaki yung mata niya at napanganga. Sobrang pangit ko ba?

“Do I look that ugly?”

“No. You look beautiful.”

“Exagge ka.”

“Seriously.”

“Tara na nga. Malate pa tayo.”

Sumakay na kami ng kotse nun tapos hinatid na kami nung driver sa school. Sa bahay kasi ako nila mama nagstay para maraming

equipment. You know, make-up and everything. Haha.

Pagdating namin dun eh marami kaagad yung tao. May mga nagulat pa nga nun paakyat na kami ni Hansel sa gym eh. Ako daw ba talaga

si Kheira. Hmph, sama naman nila.

“There goes your date. See yah.”

Napalingon naman ako dun sa tinuro ni Hansel. Andoon nga si Mark at wow, ang gwapo niya. Nakatux siya tapos yung tie niya eh light

blue, naks, kamatch nung dress ko? Wow naman.

“Hi.”

“You look pretty.”

Napangiti naman ako at syempre kilig to the bones.

“Ikaw rin.”

“I look pretty?”

“Sira! Heheh. Tara na doon kina Lia.”

“Okay.”

Andami narin nun sumasayaw. Grabe nga eh, ang wiwild ng mga tao nakakatuwa.

Page 367: The GAME of My Life Story

“Wag kang kj Kheira, tara sayaw tayo dun!”

“Hay naku Lia, palibhasa kasi magaling ka eh kaya madaling magyaya!”

“Whatever bhes! Tara na!”

Hinila naman niya ako dun sa area ng sayawan at yun, para kaming nakawala sa cage. Haha joke lang. Ang tagal tagal rin namin

sumayaw nun, napagod nga ako ng sobra eh kaya ayun, nagyaya na akong bumalik. Time narin naman kasi para I-announce yung

nominees eh.

“Settle down everyone, we’re about to announce the nominees for Mr. And Miss Valentine. Okay for the Mr. Division, our nominees

are…”

Mga apat rin yung natawag mula sa 3rd year at nung may namention naman na 4th year bigla akong natawa dahil ang nanominate ay si…

“…Hansel Cortez.”  

Grabe, gulat na gulat nga siya eh. Sobra, if you could see his face, matatawa talaga kayo. At syempre, nanominate si Mark. Hindi rin

naman bago yun eh, lalo na si Lian.

“Okay now for the Miss Valentine Division…Reiya Pastor…”

 Wow, shocker.

“…Lia Paraiso”

Wow, sosyal si bhes nanominate! Naks! Haba ng hair ng bruha. May iba pang namention nun, mga dalawang 3rd year din.

“…and last but not the least Kheira Aruello”

Page 368: The GAME of My Life Story

WHAT?!Chapter 44

Teka nga, naglinis naman ako ng tenga kanina, bakit parang narinig ko yata pangalan ko??

“Kheira akyat na!”

Ohmygulaywow! Narinig ko nga!

Umakyat naman ako at nakita kong nakathumbs up sa akin si Lia while si Reiya…well, feeling ko sasabog na sa sobrang panggagalaiti.

“Okay, the deadline for votes is exactly at 10 pm and then we’ll know who will be crowned Mr. And Miss Valentine. Okay, so voting

starts now..”

“OMG bhes, I can’t believe nanominate tayo!! OMG!!”

“Grabe, joke ba yun??”

“Why can’t you just accept that you deserve it?”

“Kasi----”

“Cause she doesn’t deserve it!”

ugh, here we go again.

“Get a life Reiya.”

“Why don’t you?!!” 

“Cause I already have one.”

Tumawa yung ibang nakikiusisa kaya ayun, napahiya siya.

“You’ll pay for this Aruello.”

“Whatever.”

AT yun, umalis din siya. Hmph, if you show you’re not affected, they’ll leave you alone. Ganoon lang naman talaga eh. At least, with

the witch.

Page 369: The GAME of My Life Story

“Tara bhes.”

Bumalik kami sa table namin at kumain muna. 30 minutes before 10 pa naman kaya pwede pa kaming mag gala gala. Ako eh dahil medyo nainitan dun sa gym eh nagdecide munang lumabas dun sa parang balcony. Grabe nga eh, ang sarap dun tapos ang lamig lamig pa.

“Hay, heaven…”

“Heheh.”

Nagulat naman ako tapos nakita ko si Mark andun nakasandal sa dingding. Napangiti lang ako sa kanya tapos nun eh naglean na ulit sa railings. Nagkaroon kami ng Ilang sandaling katahimikan tapos

nun eh bigla naman siyang nagsalita.

“Umm Kheira, I need to tell you something.”

Tumingin ako sa kanya, ayan na naman yung pagkaseryoso niya. Grabe, nakakatakot talaga.

“O-okay.”

“Well you see…ako at si R---”

“Bhes! Tara na! I-aanounce na yung winner!”

“Um Mark, maya nalang okay?”

“Uhh okay.”

Sabay sabay na kaming pumasok nun dahil kelangan yung nominees sa stage.

“Now, the moment we’ve all been waiting for…”

Sa totoo lang? I want Lia to win. She deserves it rather than Reiya diba?

“Our Mr. Valentine is no other than…Mr. Mark Fellacio!”

Whoa, galing ah. Pumalakpak kami siyempre tapos siya naman eh binigyan ng parang crown. Nakakatuwa nga eh.

“And for our Miss Valentine…drum roll please..”

 Nagulat kami kasi may biglang nagdrums dun sa likod, si Lian pala. Haha, loko talaga yun. If I know pasikat lang yan eh.

Page 370: The GAME of My Life Story

“Our Miss Valentine is…wow the perfect couple, Miss Kheira Aruello!”

Ako!? Teka na, nababaliw na ba sila?!? Ako nanalo?!?

Tinulak ako ni Lia kasi hindi ako gumalaw sa pwesto ko. Binigay naman nila sa akin yung crown tapos naks, may sash pa. Weird.

“Now, a dance for our Mr. And Miss Valentine.”

May tumugtog na music tapos si Mark eh todo yung pagkakangiti niya sa akin. Ako naman eh inaccept ko yung kamay na inoffer niya

tapos ayun nagsayaw kami.

Grabe, ang saya saya ng gabi kong iyon. Considered as one of the best night I’ve ever had. Grabe, nothing could ever ruin it.

“You deserved it.”

“Nyek, hindi kaya.”

“Asus, pahumble pa oh. Really Kheira. You really do deserve it.”

Ngumiti naman ako sa kanya at yumakap. Nagulat nga siya eh kasi parang napausog siya for a while pero after nun yumakap narin.

“Thanks Mark. For making this night really special.”

This time, no doubts. I really am in love with him.

“Excuse me everyone.”

Si Reiya, ano na naman kayang pakulo nito ngayon? Tumigil yun music at lahat ay nabali yung attention sa kanya.

“May I call on the winners to please come up here.”

Humawak si Mark sa kamay ko at sabay kaming pumunta nun. Pagdating namin eh nagtaka ako dahil parang lalong humigpit pa

yung hawak niya sa kamay ko.

“So, Kheira. Siguro you’re so happy na you got your prince.”

“Ano na naman ba ito Reiya?”

“Let me talk Kheira. Hintayin mo nalang na matapos ako.”

“Stop it Reiya.”

“Aww, where’s the fun in that? Hon?”

Page 371: The GAME of My Life Story

Napatingin ako kay Mark. Hon? Bakit siya tinawag ni Reiya na hon? Teka nga, what’s going on?

“Don’t call me that. It disgusts me.”

“Ganun ba, hon?”

“Why are you calling him that Reiya?”

“Hindi mo alam Kheira? Oh my gosh! He didn’t tell you? Naging kami for 2 years.”

Nanlaki yung mata ko at napatingin ako kay Mark. Naging sila?

“And you know what else you don’t know?”

“Tumigil ka na Reiya!”

“Why? Cause you don’t want her to know the truth??”

Truth? Ano bang pinagsasabi nila? Naguguluhan na ako.

“Reiya stop it! Pwede ba!”

“I told you Lian, you can’t stop me.”

Ibig sabihin, kami yung pinag-uusapan nila. Kami ni Mark. Pero…anong meron?

“Anong truth Reiya?”

“Kheira don’t listen to her!”

Tumingin ako sa kanya sandali pero bumalik din yung tingin ko kay Reiya.

“Anong truth?”

“Willing pala siyang malaman eh. why stop her? But let me tell you Kheira. Curiosity killed the cat.”

“Anong…truth?”

“Kheira…please, don’t listen to her.”

Hindi ko siya tinignan. Ewan ko, hindi ko maintindihan yung mga nararamdaman ko nun mga oras na iyon. Ang gusto ko lang,

malaman yung totoo.

Page 372: The GAME of My Life Story

“ don’t listen to Me? Eh puro truth naman sinasabi ko eh. hindi tulad mo. Puro lies.”

“REIYA!”

“ Don’t you know Kheira?”

“Tumigil ka na!!”

“He’s been lying to you from the beginning.”

“Kheira...”

“He only pretended to like you kasi I made I deal with him.”

And that was it. Hindi na ako nakinig pa dahil tumakbo na ako paalis. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko pero I

didn’t care. All I wanted was to get away.

“KHEIRA!!”

Hindi ko siya nilingon. Why should I?!? Niloko niya ako!

“KHEIRA WAIT!”

Naabutan niya akong syempre, basketball player yan eh. hinawakan niya yung magkabilang braso ko at hinarap niya ako sa kanya.

“Leave me alone!”

“Kheira please makinig ka…”

“Para ano pa?? Para maloko na naman sa iyo?! Para magmukha na namang tangA?!”

Why do these lines seem so familiar?

“Kheira please…”

“Okay, go on. I’ll listen. But tell me the truth Mark. complete truth.”

“What do you want to know?”

“Totoo ba yung sinabi ni Reiya?”

Nagdalawang isip siya, I know, nahalata ko sa mukha niya.

“Yes.”

“Why?”

Page 373: The GAME of My Life Story

“Because...”

“What do you want?”

“I want you to do me a favor”

“Why would I do that? Akala ko ba tatantanan mo na ako?”

“Okay, promise last na ito and then, I’ll be out of your life forever.”

“Ano yun?”

  “I want you to make Kheira Aruello fall for you..”

“Bakit ko naman gagawin yun?”

“Then, I want you to hurt her real bad, na kahit anong gawin niya eh hindi na siya ulit makakatayo.”

“Yun lang ba?”

“Yup.”

“Deal.”

Natapos na siyang magkuwento.

“You did it for your own sake. Wala kang pakialam kung may masaktan man.”

“I didn’t care then. Wala akong pakialam sa nararamdaman ng iba nun. I only cared about myself. But…you changed me.”

“Yeah right.”

“totoo Kheira. I tried not to, pero everytime na mas nakakasama kita nun, I started to fall hard for you. Maybe that was my karma,

bumaliktad yung plano ko.”

“No Mark. hindi siya bumaliktad. You succeeded in your plans Mark. You made me fall for you. Masaya ka na ba? Natapos mo yung deal

Page 374: The GAME of My Life Story

niyo ni Reiya. Congratulations Mr. Mark Fellacio, you successfully made me fall hard for you, and too weak to stand up again.”

Umalis na ako after nun, hindi ko na nakayanan. Hindi ko narin pinansin kahit yung mga pagtawag niya sa akin. I just wanted to go

home. Kaya tinawagan ko kaagad si manong tapos in no time, dumating na agad siya.

Pagkauwi ko sa bahay nila mama diretso kaagad ako sa room ko at nagkulong. Ang sakit, sobrang sakit.

“I hate you Mark! Bakit mo ako ginanito!? Why do you have to make me fall for you!? Bakit kelangan mo pang gawin yun!? If you really loved me eh di sana hindi ka nagcontinue sa deal niyo! You’re so

unfair! Ang selfish mo! Bakit gusto mo lang parati ang dapat masunod! Paano naman yung iba! Paano naman ako! I hate you!!!”

May narinig akong kumatok sa pintuan pero hindi ko sinagot. Siguro nakailang katok din yung kung sino man sa labas na yun bago siya

pumasok. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ng kama ko at tinanggal yung comforter ko.

“Leave me alone.”

“Kheira.”

Napatingin ako dun sa nagsalita. Si Kuya Kyle. Niyakap ko siya ng mahigpit at iniyak ko lahat ng hinanakit na nararamdaman ko. Grabe, sobrang sakit talaga. Why did he have to do that to me?

Page 375: The GAME of My Life Story

Nung week after nun, para akong bangkay. Walang buhay. Kahit anong try na gawin ng mga kaibigan ko, sina Lia at Celine, hindi parin ako bumabalik sa normal na masiglang Kheira. Isa lang ang ginawa ko nun para mawala sa isip ko yung ginawa niya sa akin,

sinubsob ko sarili ko sa pag-aaral.

“Bhes labas tayo mamaya, para at least bago magexams.”

“Kayo nalang.”

“Bhes ano ba, wag mo naman ganyanin ang sarili mo!”

Tumingin ako sa kanya tapos umiling lang, pagkatapos nun eh binalik ko na yung tingin ko dun sa notebook ko.

“Bhes hindi na normal yan! Ano ka ba! Hindi ka na nga rin kumakain eh!”

“Lia please, wag mo nalang akong pakielaman.”

“How can I not Kheira! Pinapatay mo ang sarili mo niyan eh! Why can’t you just move on and forget him!?”

“Easy for you to say Lia, hindi kasi ikaw ang nasaktan!”

Tumayo na ako nun at umalis. Dumiretso ako dun sa may school garden at dun nagmukmok. Grabe, I hate it when I’m crying.

Nakakainis pa dahil pag nakita ako ng iba na umiiyak, tatawanan lang nila ako dahil ang iniiyakan ko eh si Mark. Kung hindi sila

tatawa, maaawa lang.

Hay, ayoko ng ganito. Ayoko ng nakikita nilang mahina ako.

“Kheira..”

Tumingala ako. Si Lian pala. Niyuko ko lang ulit yung ulo ko.

Page 376: The GAME of My Life Story

“I’m sorry. Natigil ko sana yun ng mas maaga...”

“No Lian. Tama lang na malaman ko ang totoo. Na the only reason someone would like me ay dahil may bet or deal lang.”

“That’s not true.”

“IT IS!”

Naiyak na naman ako. Ang badtrip talaga. Bigla ko naman naramdaman yung kamay ni Lian sa shoulder ko.

“There’s Lester…and well Hansel nung hindi niya pa alam na magkapatid kayo..”

“Ugh…”

“I’m not done Kheira…you’re forgetting the guy who loves you very much...”

“At sino naman yun?”

“Sino pa? Si Mark.”

“Nagjojoke ka ba Lian? Cause it’s not funny.”

“Hindi ka kasi nakinig sa kanya. He backed out sa deal matagal na, pero si Reiya ang ayaw pumayag.”

“Whatever. Diyan ka na”

Iniwan ko na siya dun, ayoko ng makarinig pa ng kahit ano tungkol kay Mark from now on. Bumalik ako dun sa classroom namin at

nagpakasubsob na naman sa pag-aaral. Napansin ko na bawat taong dumadaan sa side ko eh either may comment na naaawa sila o

sadyang nagcocomment lang tungkol sa pagbabago ko. Pero hindi ko na sila pinansin, ano naman mapapala ko diba?

“Look at her, she’s so ugly.”

Wag mo nang pansinin Kheira. Don’t let her get to you. Masyado na siyang maraming nagagawa sa iyo, wag mo ng hayaang dumagdag.

“Hey Loser, anong feeling ng maloko?”

Hindi ko siya kinibo at patuloy lang akong nag-aral. Kaso nga lang, hinawakan niya ako sa buhok at hinarap sa kanya.

“Hey, I’m talking to you!”

Page 377: The GAME of My Life Story

Pero kahit na ginanun niya ako, hindi parin ako pumatol cause the truth is…panalo siya eh. Tama, bakit ko pa kelangan lumaban kung may panalo na? Nanalo na siya, ano pa bang kelangan niya sa akin? Hindi pa ba siya satisfied na sobrang miserable ko na ngayon? Hindi pa ba siya satisfied na nakuha na niya ang pinaka…Hay. Ayoko na.

“Hoy Loser, sumagot ka nga!”

“Para ano pa? Bakit mo pa ba ako ginaganito Reiya? Panalo ka na. Tapos na yung laban at sobrang nasaktan na nga ako. Hindi ka pa ba

masaya dun?”

Pinigilan kong tumulo yung luha ko pero walang nangyari, sunod sunod na bumagsak yung mga luha ko at nanghina nalang ako. Ang

sakit, sobrang sakit.

“Tigilan mo na siya Reiya!”

Nakita kong lumapit si Lian sa kanya at kinuha yung kamay na nakahawak sa mukha ko.

“Bitiwan mo ako Lian nasasaktan ako!”

“Bibitawan kita, yun ay kung titigilan mo na si Kheira!”

May isa pang taong lumapit sa akin, hindi ko masyado nakita dahil punung puno ng luha yung mata ko. Ang alam ko lang, hinila niya ako paalis dun sa lugar na iyon at dinala niya ako sa field. Binigay niya sa akin yung panyo niya tapos umupo sa tabi ko. Ako naman pinunasan ko yung mata ko tapos tinignan siya at sakto, nagsalita

siya.

“Wag mo naman gawin yan sa sarili mo Kheira.”

Umupo ako dun tapos tumingin sa langit.

“Hindi lang kasi ikaw ang nasasaktan eh. Marami kami. Hindi mo lang napapansin.”

 “Ang sakit Hansel. Sobrang sakit. Gustung gusto ko na mawala ito,

pero hindi ko lang alam kung papaano.”

Tumingin siya sa akin tapos hinawakan niya yung kamay ko.

“Alam mo naman andito ako Kheira pag kelangan mo ng karamay eh. I’m here for you no matter what happens.”

“Hansel…”

Page 378: The GAME of My Life Story

Yumakap ako sa kanya at hindi ko alam kung anong oras na yun nung bumalik kami sa classroom. Ewan ko nga kung anong sinabi ni Hansel kay Ma’am at okay lang sa kanya na nalate kami. Basta ako,

diretso nalang sa upuan at yun, nagpakasubsob na naman.

Pagtapos ng klase (walang free period ngayon dahil malapit na exams) diretso ako uwi sa bahay. Friday pala ngayon kaya kelangan ko na mag-aral. Next week na yung exams eh. Tapos the week after

that, Graduation, Play at Grad ball na. Gaganapin kasi yung play namin sa umaga tapos yung grad ball sa gabi.

Bigla kong naalala yung story ng play namin. Grabe, ang dami palang similarities sa kwento ng buhay ko. Pagtapos naman nun,

yung dream ko na dating sobra kong kinatakutan. It came true. Bakit ba sadyang ang malas ko yata? Why can’t I be happy? Akala ko ba lahat ng story may happy ending? Akala ko everyone deserves to

live happily ever after?! Bakit ganoon!?

May kumatok bigla sa pintuan tapos bumukas agad. Si Lia pala.

“Hey…”

“Hi.”

“Sorry pala kanina…”

“No…ako dapat ang magsorry…”

Nagkayakapan kami nun tapos may konting iyakan then si Lia eh nagkuwento na ng mga kung ano ano.

“Anong plano mo?”

“Plano? Para saan?”

“Sa play? Sa Grad ball?”

Yung sa play gets ko, pero sa grad ball? Huh?

“Sa play, act professional nalang. Pero…anong meron sa grad ball?”

“The deal??”

Yung deal namin.

“Sige na nga. Dalawa. Pag nanalo ka, date mo ko at…ikaw na bahala dun sa isa

“Ahh…yun. I don’t know Lia.”

Page 379: The GAME of My Life Story

“Hindi ka ba pwedeng mag back out??”

“Madaya…ginawa niya part niya…”

“Pero I think…mas gugustuhin naman niyang willing ka kesa napipilitan di ba??”

“A deal’s a deal.”

“Bahala ka bhes,”

“Lia May tanong ako sa iyo…”

“Sure, what??”

“Anong naaalala mo pag naiisip mo yung nangyari sa akin?”

“Huh? Anong tanong yan??”

“I mean, basta…may naaalala ka bang kapareho na nangyari sa akin?”

Kumunot yung noo niya sandali tapos nun napatingin siya sa akin.

“Yung play…”

“Yeah…”

“It’s identical.”

“Hindi.”

Napatingin naman siya sa akin at mukhang nagtataka. Huminga ako ng malalim at…

“Dahil sa play, nung huli, nagkabati sina Joshua at Kristen pero kami ni Mark…?

…mukhang malabo.”Chapter 45

Mga gabi narin siguro nung makauwi si Lia. Nagpasalamat naman ako sa kanya dahil nagstay siya para sa akin. Ako naman, matapos

niyang umuwi eh nag-aral nalang muna. Mag 2 hours straight na nga eh, kung hindi pa ako pinigilan ni Hansel siguro wala akong balak

tumigil.

Humarap ako dun sa salamin, grabe ang laki na ng eyebugs ko. Mukha na akong multo. Wag niyong sabihin dahil to kay…? Hay,

Page 380: The GAME of My Life Story

siguro nga.

Napatingin naman ako dun sa silver necklace na binigay niya sa akin.

“Destiny? Talaga?”

Akala ko pa naman na yun yung point ng necklace, ang pagsamahin ang dalawang taong habang buhay. Yun naman yung sabi nung

babae sa blue magic eh. Pero mukhang malabo mangyari sa amin yun. Sobrang labo.

Bumaba ako sa sala at nakitang andoon sina kuya at Hansel.

“Labas lang ako sandali.”

Tumango naman sila. Simula nung umuwi akong umiiyak nung valentine’s ball, hindi na naging ganoon kasigla sa bahay. Si Kuya

Kyle nga eh hindi na ako inaasar. Ang ikinakatuwa ko pa, siya yung andoon para sa akin nung mga oras na yun. Hindi niya ako

hinusgahan, hindi niya ako inasar, tumabi lang siya sa akin at kinomfort ako.

Nagpahatid naman ako kay Manong dun sa isang place na hindi ko malilimutan. Yung ilog. Nung bata kasi ako, dahil sa sobrang tampo,

umalis akong bahay. Pagtapos nun eh kung saan saan nalang ako napadpad, hanggang sa marating ko yung ilog na yun.

Matagal tagal rin akong hindi nakapunta dito. Marami kasing ginagawa eh. Last ko yatang punta dito eh nung magbreak kami ni

Kian.

Umupo ako dun sa gilid tapos tumingin sa ilog. Hindi katulad ng ibang ilog, ito lang yata yung natitirang malinis. Wala naman kasi

masyadong may alam dito eh. feeling ko nga ako lang ang nagpupunta dito.

Tinanggal ko yung necklace na bigay sa akin ni Mark at tinignan saglit.

“Kung tayo nga para sa isa’t isa, mababalik sa akin tong necklace na ito.”

Tapos binato ko siya dun sa umaagos na ilog. Hay, bumibitiw na ba talaga ako? Ang sakit na kasi eh, sobrang sakit. Gusto ko man

mabalik yung dati pero mukhang napakalabo. Hay, bakit ba kung kelan binuksan ko ulit yung puso ko para magmahal eh masasaktan lang ulit ako? Wala na ba talaga akong pag-asa na magmahal muli?

Maybe I am destined to be alone…

Page 381: The GAME of My Life Story

Buong weekend wala akong ginawa kung di mag-aral. May mga times na magbebreak ako para kumain at maligo pero after nun wala

na. Mag-aaral na ulit ako. Dumating ang Monday, normal lang, maraming natataranta na kesyo kulang daw yung inaral, marami naman na walang pakielam at syempre meron parin yung mga

tahimik na nag-aaral, isa na ako dun.

“Memorize mo na yata yang buong libro eh!”

Tumingin ako kay Lia saglit tapos bumalik sa pagbabasa. Pati nga si Hansel eh nag side comment narin pero hindi ko na siya pinansin. Nagtest naman na kami nung nagbell na. Sa totoo lang, nadalian

lang ako dun. And to think na physics yun. Ganoon pala talaga pag wala kang ginawa kung di mag-aral. Hindi mo napapansin na yung

mga dating mahirap eh dumadali nalang basta basta.

Nung last test na namin, sobrang aga kong natapos. May mga 30 minutes pa nga yata nun nung matapo ako kaya natulog nalang ako

kasi bawal pa naman umalis.

“Kheira.”

Si Mark yun ah, teka anong ginagawa niya sa panaginip ko? Pati ba naman dito manggugulo siya?

“I’m sorry. I Love You.”

Page 382: The GAME of My Life Story

“Pati ba naman sa panaginip ko Mark sinasaktan mo parin ako?”

“Alam kong nasasaktan ka na…kaya nga, bumibitaw na ako. I’m letting you go Kheira. And I hope na maging masaya ka...”

Bibitawan niya ako? ganun nalang? Hindi niya ipaglalaban?

“Sige, sabi mo eh.”

Bigla kong binuksan yung mata ko at naramdaman kong parang basa yata yung arms ko. Paghawak ko sa mata ko, may mga luha, umiiyak pala ako. pinunasan ko muna yung mga luha ko bago ako tumingala.

Teka, bakit ako nalang ang nasa room? Tinignan ko naman yung compartment ko, wala na yung paper ko. Ibig sabihin, napag-iwanan

na ako?! Grabe, nakakahiya. Hindi man lang ako ginising.

Tumayo na ako nun at paalis na sana ng may makita akong nakasulat sa board.

“I’m sorry. I love you”

Sino nagsulat niyan? At bakit parang pareho yata sa sinabi ni Mark sa panaginip ko? Hay, yung panaginip ko…sabi niya bibitaw na siya. Sabi niya hahayaan na niya ako. Mas makakabuti narin siguro yun

dahil…

binitawan ko narin siya nung itapon ko yung necklace.  

“Kheira dalian mo naman, baka umalis na si ma’am at hindi pa tayo maclear niyan.”

Clearance signing kami ngayon. Yep, tapos na yung exams at tuwang tuwa na yung ibang studyante. Yung iba naman,

napakamiserable dahil kulang kulang yung clearance nila.

“Oo na, saglit lang.”

Medyo um-ok naman yung pakiramdam ko kahit panandalian lang. Dahil yung tatlong araw na iyon eh kahit papaano, nakalimutan ko

siya. Masaya na ako dun.

Page 383: The GAME of My Life Story

“Ma’am wait!”

Hinabol namin ni Lia yung teacher namin sa Physics at ipinakita yung pang clearance namin tapos pinirmahan na niya yung paper

namin.

“Hay salamat, cleared narin sa wakas.”

“Oo nga.”

“Bhe, gusto mo kumain sa labas?”

Tumingin sa akin si Lia na parang nagmamakaawa, hay ano pa bang magagawa ko?

“Sige. Tara.”

Dumiretso kami sa kainan ng bayan. Ang OB. Marami rami rin kaming students na nakita dun. For sure sila yung mga tapos narin sa clearance gaya namin. Umorder kami ni Lia ng makakain tapos

umupo na sa isang table.

“Grabe, ilang days nalang graduation na tapos play tapos grad ball. Whoa, pagtapos nun college na. Ang bilis, pwede bang mag-time out

muna?”

Napangiti naman ako kay Lia. Pero tama nga siya, ang bilis nga ng oras.

“Nakabili ka na ng susuotin mo?” 

“Yep, nung weekend pa. Ikaw?”

“Hindi pa nga eh.”

“Yikes Kheira ano ka ba! Sa Tuesday na yun.”

“Yeah I know. Samahan mo naman ako mamaya oh.”

“Okay.”

“Yey, thanks.”

Pagtapos namin kumain dumiretso muna kami sa bahay nila mama para magpalit tapos nun eh nagpahatid na kami sa driver at

nagpunta na ng mall. Una kaming tumingin sa may Glamour Shop. Hindi namin natipuhan dahil mukhang pangmatatanda yung mga

gown dun, pagkamalan pa akong gurang.

Sumunod nun eh sa Gownz and Everything kami pumunta. Medyo

Page 384: The GAME of My Life Story

okay naman yung mga gown dun kaya dun na muna kami nagstay.

“Eto oh, bagay sa iyo.”

Ang cute nung sinasabi ni Lia. Pink siya na halter tapos hindi ganoon ka hipit sa katawan. Kaso nga lang ang daming parang ruffles sa

may baba. (pic)

Next naman na pinakita niya eh black and pink na dress na may mga jewels pang design (pic) Pero sabi ko sa kanya, ang gusto ko plain

lang kaya ayun, naghanap na naman kami.

Nag-ikot ikot ako nun at may nakita akong plain blue dress. Nagandahan ako kaya tinawag ko kaagad si Lia. (pic)

“Perfect. Blue really fits you.”

“Miss eto po.”

Tinanong nila yung size ko tapos ayun, tumingin tingin naman kami ng jewelry dun since kumpleto na yung store na yun. May shoes pa nga eh kaya swerte ko nung nakahanap ako ng katerno ng dress ko.

“Alam mo, dapat yung heart necklace mo nalang yung suotin mo, mas bagay pa yun.”

Natigilan ako kasi nga diba, tinapon ko na yun. Tumingin ako kay Lia tapos tinaasan niya ako ng kilay.

“Tinapon ko na yun eh…”

“WHAT?”

Nag-explain naman ako sa kanya at yun, nasabihan tuloy ako na tungek. Nung matapos kaming mag “shopping” para sa damit ko, kumain muna kami dun sa ice cream parlor na bago. Nakita pa nga

namin sina Gino at Celine dun eh kaya ayun, nakisabit kami.

“Ano nga pala ginawa niyo dito?”

“Ah, bumili lang ng damit para sa grad ball.”

“Oh? Anong design nung napili niyo at saan kayo bumili?”

Sumagot nun si Lia. Napansin ko naman na nagroll ng eyes si Gino kaya natawa ako sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.

“Pwede magtanong Kheira?”

“Sure, go ahead.”

Page 385: The GAME of My Life Story

“Kamusta ka na ngayon?”

Medyo nagdalawang isip akong sumagot pero, hayaan mo na, nag-aalala lang naman yan eh gaya ng iba.

“Medyo…hindi parin okay.”

Napansin kong tumigil narin sa pag-uusap sina Celine at nagfocus yung attention nila sa akin.

“Sorry sa nagawa niya ah.”

“hindi ikaw ang may kasalanan Gino kaya hindi mo kelangan magsorry.”

Humawak naman si Celine sa kamay ko tapos ngumiti sa akin.

“Miss mo siya?”

Tumingin ako sa kanya at halatang gulat sa tanong. Namiss ko ba siya? Napaisip ako kung ano pero ang pumasok lang sa isip ko eh

yung mga oras na magkakasama kami…

Nagulat kami ni Lia noong biglang may kamay na nakipulot sa amin. Pagtingin ko naman sa mukha nung tao eh nagulat ako.

Si Mark.

Ang weird no? hindi kasi siya yung type na tutulong sayo kapag nahulog gamit mo pero tignan mo nga naman, yun na nga yung

ginagawa niya.

“Thanks” sinabi ko sa kanya pero hindi siya nagsalita tapos dire-diretso siya doon sa stairs para bumaba

*****

Nakita ko si Mark sa harap ko tapos nakapagpalit na siya at nagpunas na rin ng pawis.

“Bakit?” Medyo matagal din siyang tumingin bago nagsalita.

“Bell na”

Page 386: The GAME of My Life Story

*****

“Alam mo, you shouldn’t say sorry. Dapat nga magthank you ako sa iyo eh. Dahil kung hindi dahil sa inyo nung kausap mo..there would

be a great possibility na hindi na ako magising pa...”

*****

“Para mas mapabilis, para hindi ka na balik ng balik dito tuwing lunch, hindi ka nga yata nakakakain eh”

Anu ba naman ito! Nakakairita na ah!

“Oh, Mark…bakit parang concerned ka yata? Hahaha ikaw ah! May gusto ka sa kanya no??”

Aba, sira pala tong Lian na ito eh, nahihibang na!

“Tumahimik ka nga diyan, wag mo kong bukuhin”

*****

“Umm…good night.”

Ngumiti lang ako sa kanya.

“Mag-ingat ka”

Tapos noon binitawan niya yung kamya ko. Nakatingin ako sa kanya habang patakbo siyang umalis. Hindi ko pa nga kaagad narealize

yung mga nangyari eh. It took my brother to tell me na pumasok na daw ako before I realize na nakahawak ako sa pisngi ko.

“Hoy ano ba! Pasok na!”

Did he just kiss me?

*****

“Sa Sabado, 10 am sharp. Susunduin kita.”

*****

“Hindi…it’s just that…ikaw lang ang pinakaunang tao na nakaalam ng reason for his nickname.”

“Oh…what’s the big deal?”

“Wala.”

Page 387: The GAME of My Life Story

*****

“Totoo po! Di ba kuya? Maganda si Ate Kheira?”

Ayokong tumingin kay Mark pero napatingin ako. Nakangiti naman siya dun at mukhang nababaliw na.

“Syempre naman, hindi naman ako pipili ng hindi diba?”

*****

“Sorry ah, pinicturan kasi kita nung nagslide ka eh. Ang cute mo kasi nun.”

*****

“WAAAAAAAAAAAAAH!!! MULTO!!!!!!!!!!” 

“Saan!?!”

*****

”We like the same girl. And that girlis you.

*****

“At sino naman nagsabi na tatabi ako sa kanya?”

*****

“Magaling ka naman eh.”

Nyek, eh hindi pa nga ako nito naririnig kumanta eh! Magaling ka diyan, sapukin ko to eh.

“Anong magaling? Hindi mo pa nga ako naririnig eh!”

“AT sino nagsabi sa yo?”

“Huh?? Anong---?”

“Miss Personality ng St. Agustine Acadamy noong 2000.”

*****

“Kheira…may pag-asa ba ako?”

*****

Page 388: The GAME of My Life Story

“Teka nga! Ano bang problema?!”

“Wala. Wag ka nalang makielam.”

“Wag makielam!?!? Eh si coach sobrang galit sa iyo! Bakit ba hindi mo inaayos yung laro mo!? Dahil ba dun sa pagsabi kong friend ko

lang si Kian?? Dahil nagsinungalin ako!?”

“Don’t make everything be about you Kheira. Wag kang feeling.”

Ouch. Ang sakit. Hindi ko alam pero, dahan dahan kong naramdaman na tumulo yung luha ko. Hindi ako ganoon kadaling umiyak, bihira lang talaga. Lalo na pagtungkol sa mga pang-aasar eh hindi naman

talaga ako iyakin. Pero yung sinabi niya, sobrang sakit.

“Kheira…I’m sorry, hindi---”

“No. Wag mong sabihin na hindi mo sinasadya yun. Because I know you na you meant to say it.”

Tapos aalis na sana ako pero hinila niya yung braso ko.

“let go Mark! please lang!”

“Kheira…sorry! Please! Listen first!”

“Please rin Mark…just let go.”

 *****

“Sing with your heart.”

*****

Wait…am I…am I…am I falling for him?

“Tara na?”

Napatingin ako sa kanya. Nakangiti na naman.

“Tara.”

I hope not.

*****

“Ang kulit mo alam mo yun?”

“Yup!”

Page 389: The GAME of My Life Story

“Pero ang saya mo kasama.” tapos eh tumingin ako ng diretso sa kanya. Ngumiti ako sa kanya at siya naman eh ngumiti rin pero

naging seryoso din kaagad yung mukha niya.

“bakit? Anong problema?” And to my shock, niyakap niya ako. Real tight.

“Don’t ask why, please just let me do this. While I can...”

*****

“I love you, goodbye Kheira...”

*****

“Nagseselos ako okay?”

*****

“Seryoso ka ba talagang wala Kheira? Mahirap kasi eh. masakit din. Lalo na dito *points at his heart*”

*****

“Bakit ba Kristen? Ano bang kelangan kong patunayan sa iyo para maniwala ka na mahal kita?!”

Grabe…bakit ba ang tagal matapos ng scene na to!!

“Dahil…dahil…imposible talagang mangyari ang sinasabi mo.”

“Well nagkakamali ka dahil…”

At lumapit lalo yung mga mukha namin at ako naman eh napausog patalikod. Grabe talaga. Nanlalamig na ako sa kaba.

“Mahal na talaga kita Kheira…”

*****

“Masama ba talaga kung…”

Tumigil siya saglit at napatingin lang ako sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay kasi ang tagal niya.

“Kung ano?”

Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa noo at pagkatapos nun eh umalis na siya.

Page 390: The GAME of My Life Story

“Hoy! Kung ano!?”

Lumingon siya at nakangiti parin. Ang weird talaga nito.

“Gusto mo malaman?”

Tumango lang ako sa kanya. Pero siya eh tumawa tapos nginitian ako.

   “Saka nalang!”

*****

“I think it’s my turn to tell you na…”

Napatingin ako sa kanya at nagulat ako kasi nasa likod ko lang pala siya. Tapos humawak siya sa magkabilang balikat ko at ngumiti.

“Trust Me. Wala kang dapat pagselosan.”

*****

“Good night.”

At yun, umalis na siya. Ako naman, parang natauhan at natulala. He kissed me again, and this time…

It wasn’t an accident

*****

“Wag mo naman akong paglaruan Kheira!”

*****

“Sorry sa mga sinabi ko. Sorry sa mga ginawa ko. Sorry at sinaktan kita. Sorry Kheira. Alam kong wala akong karapatan na mapatawad mo pero gusto ko lang na malaman mo na sobrang pinagsisisihan ko yung mga sinabi ko. Hindi ko lang kasi talaga alam na magkapatid kayo kaya nagpadala ako sa pagseselos ko. Sorry talaga. Hindi ko kasi mapigilan na hindi magselos eh, mahal na kasi talaga kita. I’m

really sorry.”

*****

“No matter what happens, always remember na mahal na mahal kita.”

*****

Page 391: The GAME of My Life Story

“It’s not anything that you have. It’s plainly the state of being you that I chose you.”

Wait, naguluhan ako dun ah.

“Hindi ko---”

“I love you Kheira not because of what you have. Ewan ko, hindi rin ako makahanap ng reason for loving you. Basta alam ko lang, I do.”

*****

  “Because I want to prove to someone that I am willing to do anything for her, even get myself humiliated.”

*****

“I didn’t care then. Wala akong pakialam sa nararamdaman ng iba nun. I only cared about myself. But…you changed me.”

“Yeah right.”

“totoo Kheira. I tried not to, pero everytime na mas nakakasama kita nun, I started to fall hard for you. Maybe that was my karma,

bumaliktad yung plano ko.”

Tumulo yung mga luha ko at naramdaman kong humigpit yung hawak sa akin nila Lia. Grabe, ang dami rin pala naming

napagdaanan.

“Yes…I really miss him so bad.”

Tumayo na sila nun at niyakap ako. Mark, bakit mo ginagawa sa akin ito? Akala ko ba mahal mo ako? Lahat ba ng mga sinabi mo nun sa

akin eh kasinungalingan lang? Akala ko ba kahit anong mangyari eh dapat kong isipin na mahal mo ako? Pero I guess, isa lang yun sa

mga tactics mo para lokohin ako…

Ang sakit. Sobrang sakit Mark. kung alam mo lang na nagdudusa na ako ngayon. Pero sa tingin ko wala ka ring pakialam na. Dahil you

only cared because I was your ticket to finishing your deal.

“Gusto mong kausapin namin siya for you?”

“No.”

Tumango naman sila. Nagstay lang kami dun for ilang hours tapos nun eh nagkayayaan nang umuwi. Bukas may pasok pa kasi kami eh,

announcement ng valedictorian and other awards.

Page 392: The GAME of My Life Story

Pag-uwi ko naman sa bahay eh diretso lang ako sa kwarto ko at dun nalang nagmukmok. Naiinis ako sa sarili ko kasi ang hirap kong

makalimot. Nung si Kian nga eh mga 1 year bago ko siya nakalimutan, ngayon si Mark. I doubt it would be less than 1 year.

Kasi sa totoo lang? Sobrang mahal ko talaga siya.

Hay, sana matutunan ko siyang kalimutan…

“Okay, for best in Physics…”

Nasa school kami ngayon at inaannounce na yung mga awards at lahat lahat. Pati yung mga instructions eh sinabi narin. Sa Monday

narin kasi yung graduation namin eh, malapit narin.

“Now for our First honorable mention, we have…Aleia Paraiso!”

Nagpalakpakan kaming lahat. Will you look at that? Si Lia pala magiging first honorable. Nice naman. Halata nga rin sa mukha niya

ang pagkagulat eh, pero I think deserving naman siya.

“Congratulations…now for our Salutatorian, we have none other than…Hansel Cortez!”

Whoa! Nice bro! Tuwang tuwa naman yung loko oh. Grabe, ang galing talaga niya, mukha siyang hindi nag-aaral pero sa totoo lang?

Napakatalino niyan.

“Now, for the most awaited Valedictorian, oh we have a tie…”

Tie? Wow, mukhang first time yatang magkaroon ng tie na Valedictorian ah? Astig!

Page 393: The GAME of My Life Story

“Our Valedictorians are…Kheira Aruello and Mark Fellacio!”

Nanlaki yung mata ko. Not because ako yung valedictorian, pero dahil kapartner ko si Mark. pinaakyat kami nun sa stage kasi

kelangan daw kaming kausapin ng unit-head. Medyo nailang pa nga ako nun kasi pinauna niya ako at nasa likod ko lang siya.

“Okay, pinapunta namin kayong dalawa dito kasi may kelangan kayong gawin sa graduation. Since it’s not every year na magkakaroon kami ng 2 valedictorians naplano namin na

magkasama nalang kayong magbibigay ng valedictory address.”

Nagulat naman ako dun sa sinabi nila. Teka nga, magkasama kami?! Kami?! Seryoso ba sila?!

“I want the two of you to work on what you’re planning to say to your batchmates now tapos ipasa niyo mamaya. Sige, maiwan na

namin kayo.”

Lumabas na yung unit-head tapos kami ni Mark eh naiwan sa loob. Wow, ang swerte mo Kheira. Not. Wala pa nga yata itong planong

gumawa eh.

“Okay, so ano dapat ilagay sa speech?”

Act professional. Hindi ko siya kinakausap dahil gusto ko, kinakausap ko siya dahil kelangan.

Tinignan ko siya tapos parang tulala lang siya. Napansin ko naman na yung mga mata niya eh nakatingin sa may leeg ko. Wait,

napansin niya?

Kunwari akong nagpunas ng leeg para malaman niyang napansin ko na at ayun, nagsalita narin siya.

“Experiences.”

“Pwede rin unforgettable moments.”

Nagsulat ako dun sa paper tapos siya eh dinikta lang niya yung mga pwedeng sabihin.

“Okay na siguro to, bibigay ko na kay Sir.” Nagmadali na akong lumabas nun dahil naiilang na talaga ako. Mamaya baka magtanong

pa siya tungkol sa necklace. Ayoko nga.

The next day, nagpractice lang kami para sa flow nung graduation. Para din naman hindi magulo tignan. Tapos pinractice narin yung

mga kanta tapos syempre yung songs para sa mass namin sa

Page 394: The GAME of My Life Story

Sabado. Nakakapagod nga eh pero we survived it.

Nung Saturday na, nagkaroon nga ng mass. Mabilis nga lang siya eh, hindi tulad ng expected na 2 hours kasi nga may kung ano ano pang

mentioning of awards para sa ibang year. Pagtapos mismo nung misa eh pinatawag kami ni Mark nung unit-head.

“I just want to check on your progress with what you’re saying. I’d like to commend the topics you chose. Maganda iyon at

makakainspire yun sa mga kabatch niyo.”

“Thanks sir…”

“Sino bang nag-isip nung mga topics na iyon?”

“Siya po/ Kaming dalawa po.”

Napatingin naman ako sa kanya.

“Kaming dalawa po sir.”

“Okay, well sige mauna na ako sa inyo. Marami pa kasing aasikasuhin para sa graduation. Congrats ulit sa inyong dalawa!”

Iniwan na niya kami tapos paalis na sana ako nun ng biglang hinawakan ni Mark yung kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya

“Tinapon mo?”

Alam ko yung tinutukoy niya pero nagkunwari akong hindi.

“Ang alin?”

“Yung…nevermind.”

Paalis na siya nun at ako naman eh may pinahabol. Hindi ko nga maintindihan kung bakit eh.

“Oo.”

Tumingin lang siya sa akin. Ang lungkot niya sobra pati yung mga mata niya. Bumalik siya sa harapan ko tapos tinignan niya ako ng

diretso.

“Are you letting go?”

Tumingin naman ako sa kanya. Naiiyak na naman ako. Why does he have to make it hard for me?

“Y-yes. So please, ikaw rin…please let go.”

Page 395: The GAME of My Life Story

Nanlaki yung mata niya sa akin tapos huminga siya ng malalim.

“Yun ba ang gusto mo?”

Pinikit ko yung mata ko dahil alam kong anytime eh lalabas na yung mga luha ko. Ayoko naman na makita niya akong umiyak. Ayoko.

“Oo.”

“Kung yun ang talagang magpapasaya sa iyo eh…”

Tapos naramdaman kong naglakad siyang papalayo kaya binuksan ko yung mata ko. Hindi ko napansin na tumigil pala siya. Nalaman ko

nalang ng…

“…gagawin ko ang lahat. Even if it means that I should let you go.”

Tapos nun umalis na siya. At saktong sakto, bumuhos yung mga luha ko.

Paalam Mark…Chapter 46 Ending Part I

“Margie Alcaraz”

Grabe, ang bilis sobra, hindi ako makapaniwala na in a few minutes, certified alumni na kaming lahat.

Tumingin ako kay Lia at ngumiti. Grabe, mamimiss ko yang bruha na iyan kahit minsan nakakainis dahil todo kung mang-asar sa akin.

Tapos si Celine, grabe, kahit this year lang kami naging best friend parang feeling ko kaclose ko na siya dati pa.

Ang basketball team, mamimiss ko silang lahat, sina Rio? Grabe yang mga malokong lalaking yan na walang magawa sa buhay. Pati

nga siguro yung pagiging masungit ni Richie mamimiss ko eh.

Ang members ng play. Grabe, mga bonding moments namin mamimiss ko, sana sa college ganun parin ka saya. Plano ko kasing

gawing extracurricular ko naman ngayon ang theater club.

Ang OSR…grabe, mamimiss ko yang mga yan sobra. Si Gino, si Lian, si Marco…pati narin siguro si…Hindi…mali yan Kheira. Wag mo na

siyang isipin okay?

“now, may we call on our valedictorians, Miss Kheira Aruello and Mr. Mark Fellacio to give their speech.”

Page 396: The GAME of My Life Story

Whoa, kami na pala, hindi ko namalayan. Ang bilis naman nilang magtawag ng graduates.

Tumingin ako kay Mark at nakita kong naglalakad na siya papuntang podium kaya ako eh lumakad narin. Pagdating namin pareho dun

may mga nagbulungan pero hindi ko nalang pinansin.

“Magandang gabi mga minamahal naming magulang, mga guro…”

“at sa aming mga kamag-aral. Sabi nga ng nakakarami, ang pinakamasaya daw na parte ng buhay mo ay ang high school life.

Minsan natanong ko rin sarili ko, paano ito nagiging masaya?”

“Narealize ko na hindi yung events mismo ang nagpapasaya nito, kung di yung mga taong kasama mo sa mga panahon na iyon. Yung

mga kaibigan natin na walang tigil na sumosoporta sa atin.”

“Silang mga kaibigan natin na tumutulong sa atin na marating ang mga gusto nating bagay. Kung baga, kung sa bahay ang

nagpapalakas ng loob natin ay ang mga pamilya natin, sa eskwela naman, mga kaibigan natin. Sila ang tumulong sa atin makatayo

nung tayo ay masyadong mahina.”

Napansin kong napatingin sa akin si Mark nun. Hindi ko sinadyang matamaan siya dun sa sinabi ko pero…hay ewan.

“Sila yung nandiyan nung iniwan na tayo ng iba.”

“Nung mga oras na niloko tayo at sinaktan ng mga taong importante sa atin, andiyan sila parati para tulungan tayo.”

Nanlungkot yung mga mata ni Mark pero tumuloy siya sa pagsasalita. Nagsabi siya ng mga bagay tungkol sa mga

unforgettable moments niya at syempre yung mga funny moments at mga most embarassing. Natawa pa nga yung mga tao nun eh. At para sa closing namin, dapat ako na yung magsasalita pero hindi

siya tumigil.

“Nitong buong high school life natin, marami tayong natutunan. Maraming mga bagay bagay na ikinalito natin na naging maliwanag sa tulong ng mga taong nakapaligid sa atin. Ako, sa lahat ng mga

bagay na natutunan ko, ang pinakamahirap tanggapin ay ang pagbitiw…”

Nagulat ako sa sinabi niya. Feeling ko nga maluluha na naman ako eh.

“Nung una sobrang hirap akong bumitiw. Lalo na hindi ako handa na I-give up lahat ng mga nagawa ko. Pero natutunan kong bumitaw dahil iyon ang ikakasaya ng taong pinakamamahal ko. I let go not

Page 397: The GAME of My Life Story

because I want to, but because I had to. At yun ang greatest lesson na natutunan ko. How to let go.”

Napansin kong may mga taong umiiyak na syempre may mga iba rin naman kasi kaming sinabi na natamaan sila. Tinapos ko na yung

speech namin dahil baka kung ano pang bago ang sabihin ni Mark. Sa totoo lang? Ang sakit dito *points at her heart*…lalo na yung...

“I let go not because I want to, but because I had to.”

Grabe, sapul yun. Pagtapos nun eh bumaba na kami pareho ni Mark at kinanta na yung graduation song. This time, iyakan na talaga lahat. Pati nga ako umiyak eh, kasi I know we’re near the end.

“Bhes…”

Yumakap si Lia sa akin tapos pareho kaming nag-iyakan dun.

“Good luck.”

Tapos humiwalay siya.

“For what?”

Tapos ngumiti lang siya sa akin. Weird. May mga iba pa akong mga classmates na nakiyakap rin kasi mamimiss daw nila ako. yung ibang

boys nga eh umalis ng mga upuan nila para yumakap sa amin. Si Lian, sina Gino, sina Rio pati nga si Marco yumakap rin sa akin eh. Siya lang yata ang “dati” kong close na hindi yumakap. Hayaan mo

na, mas mabuti narin yun.

Hindi na muna kami kumain sa labas ngayon dahil nga may play pa ako bukas tapos kelangan maagang pumasok. Dun nalang kami sa

bahay nagstay at nagluto si mama. Ang sarap nga eh.

Pagtapos nun eh kanya kanya na ulit kami. Sina Kuya Kyle at kuya Kaloy kasi may inaasikaso tapos si Hansel…well, hindi ko alam kung

anong ginagawa ni Hansel.

Binasa ko ulit yung script nung gabing yun para hindi ko makalimutan yung mga lines ko para bukas. Mga nakailang oras rin akong nagbabasa dun ng biglang bumukas yung pintuan. Si Hansel

pala.

“Oh, bakit?”

Tumabi siya sa akin tapos tinignan yung binabasa ko.

“Wala lang, naisip ko lang dumaan. Good luck pala sa play niyo ah.”

Page 398: The GAME of My Life Story

“Thanks”

Hmm, baka yung good luck ni Lia sa akin eh parang eto? Na good luck lang sa play para bukas? Hindi kaya yun nga?

“Wag ka magkalat ha? Sige ka idedeny ko na kapatid kita.”

Hmph! Lokong to!

“ang sama sama ng ugali mo alam mo yun?!”

Tumawa lang siya tapos umakbay sa akin. Tapos nun ginulo pa niya yung buhok ko kaya ako hinabol ko siya ng pillow. And the next thing we know, nagkaroon kami ng napakahabang pillow fight.

“Bwisit ka Hansel, pinagod mo ko.”

“Kelangan eh…”

“Kelangan ka diyan! At bakit naman?!?”

“Ang tagal mo na kasing hindi nagsasaya’t tumatawa ng totoo eh.”

Nagulat nama ako dun sa sinabi niya. Pero sa totoo lang? Tama siya, nitong pillow fight lang talaga ako sumaya.

“Hansel…”

“Kaya ikaw, tama na ang pagmumukmok ah? Ayokong nakikita ang kapatid ko na nalulungkot.”

Ngumiti ako sa kanya tapos yumakap ng napakahigpit. Grabe sobrang laki ng mga nagawa ni Hansel para sa akin. Kung wala siguro siya, sa tingin ko hindi ko nakayanan ang lahat ng ito.

“Thank you Hansel. Para sa lahat.”

Siguro dala narin ng katagalan namin na nakahigang ganoon kaya nakatulog na kaming dalawa.

Page 399: The GAME of My Life Story

“Places everybody!”

Grabe, sobrang hectic ng auditorium ngayon. Paano, in 10 minutes eh magisismula na kami. Grabe nga eh, nakakakaba tapos feeling ko

makakalimutan ko lahat ng lines. Pero kaya ko yan! You can do it Kheira!

“Ito lang masasabi ko sa inyong lahat…good luck and do your best!”

Tapos nun eh nagsimula na. Ayos nga yung start namin eh, walang nagkamali. Ang ganda nga rin ng flow nung play eh, tuluy tuloy lang.

“Niloko niya ako Olivia. Hindi niya talaga ako mahal.”

“Kristen…mahal ka niya. Alam kong mahal ka niya dahil kitang kita sa mga kinikilos niya.”

“Mahal!? Ganoon na ba ang pagmamahal!?!? Nanloloko ka ng ibang tao!”

“Pero Kristen...”

“Ewan ko Olivia. Diyan ka nya.”

Hay, natapos din yung scene. May mga ilang scenes pang dumating tapos ayun din, perfect naman. At last time narin para sa song ni

Mark, plano ko talagang pumunta dun sa may likod para hindi makinig kaso itong si Lia bigla akong hinila malapit dun.

“Ipaglalaban ko, ang ating pag-ibig.”

Hindi ko mapigilan yung sarili ko na magandahan sa boses niya dahil yun nga, maganda naman talaga. Kinabahan na ako nung mga

sumunod na oras dahil pagtapos ng kanta niya…ako naman pala.

Kukunin ko sana yung kopya ko dahil parang may nakalimutan ako

Page 400: The GAME of My Life Story

kaso nga lang tinawag na ako. *gulp* Please sana maging maayos.

Ang scene kasing iyon eh nasa kwarto ako at magmumukmok tungkol kay Joshua. Teka nga, bakit parang…parang familiar ito?

Bumukas na yung curtain kaya nagstart na akong umiyak.

“I hate you Joshua! Akala ko ba minahal mo ako?!? akala ko ba may pakiealam ka sa akin!? Yun pala…yun pala…manloloko ka rin katulad

ng iba! I hate you!”

Tumayo ako dahil kelangan kong umikot ikot sa stage. Ilang sandali lang, nagsimula na yung intro and time na para sabihin yung last

line.

“Pero bakit hindi kita makalimutan!?”

I see you, beside meIt’s only a dream

A vision of what used to beThe laughter, the sorrow

Pictures in timeFading to memories

How could I ever let you goIs it too late to let you know

Chorus:I tried to run from your side

But each place I hideIt only reminds me of you

When i turn out of the lightsEven the night

It only reminds me of you

I needed my freedomThis what I’ve thought

But I was a fool to believeMy heart breaks while you cry

Rivers of tearsBut I was too blind to see

Everthing we’ve been through beforeNow means so much more

That I tried to run from your sideBut each place I hide

It only reminds me of youWhen I turn out of the light

Even the nightIt only reminds me of you

Only you…

Page 401: The GAME of My Life Story

So come back to meI’m down on my knees

Boy can’t you see…How could I ever let you goIs it too late to let you know

That I tried to run from your sideBut each place I hide

It only reminds me of youWhen I turn out all the lights

Even the nightIt only reminds me of you

I tried to run from your sideBut each place I hide

It only reminds me of youWhen I turn out all the lights

Even the nightIt only reminds me of you

You, You,It only reminds me of you

Pagtapos nung song may mga taong tumayo at pumalakpak. Ang weird nga eh, hindi pa naman ending. Nung saktong pagsara ng

curtain bigla akong tinawang ni Lia.

“Gosh bhes ang galing mo! Naiyak ako dun ah!”

Naiyak? Talaga? Sa totoo lang? Ang iniisip ko, hindi naman talaga silang naiyak sa story ng play namin eh. Naiyak sila, dahil yung role

ko eh kaparehas ko sa totoong buhay. Dahil lahat ng nangyari sa play na ito eh nangyari din sa akin. Yun nga lang…malabo yatang

magkabati kami.

Hindi ko na yun masyadong inisip dahil alam kong mamomroblema lang ako. I just wanted one thing, at yun ay matapos na ang araw na

ito para hindi ko na ulit siya makita.

Page 402: The GAME of My Life Story

Masasabi kong naging successful yung play namin, nagkaroon nga kasi ng standing ovation eh. Ang astig nga eh! Pagtapos naman ng

play, diretso kami ni Lia sa bahay namin. 1 hour lang kasi yung pagitan ung play saka nung grad ball. Yep, inabot ng hapon yun play namin. Ang haba kasi eh. para ngang telenovela. Pero enjoy naman daw yung audience kahit na muntik nang mabutas yung mga upuan

nila sa sobrang tagal nilang umupo dun.

Kinakabahan ako para mamaya. Hindi ko alam kung kelangan pa bang ituloy yung deal. Pero sabi ko nga dati, a deal’s a deal kaya

kelangan tapusin.

“Bhes ready ka na?”

“Yeah…tara.”

Nagpahatid naman kami nun kay Manong kasi hindi sa school gaganapin yung grad ball, kung di sa isang hotel. Matagal tagal nga rin yung biyahe dahil malayo yun sa lugar namin kaya ayun, muntik

pa kaming makatulog ni Lia.

Pagdating naman namin dun, grabe ang daming tao. Ang ganda sobra ng design nila dun tapos aircon pa! Nakakatuwa nga eh kasi may nagtutugtog pa na banda. Hay, ang OSR kaya tutugtog? Wala

naman kasi silang sinabi eh so…bahala na.

Page 403: The GAME of My Life Story

“Ayun sila oh!”

Hinatak naman ako ni Lia dun sa pwesto nila Marco at hindi narin ako nasurprise nung makita kong andoon si Mark. Mukha nga siyang

malungkot eh…pero teka! Wala kang paki right?

Pagdating namin nun, nagbatian muna bago magkayayaan sumayaw. Ako naman lumapit ako kay Mark, for the sake of our deal.

“Yung deal.”

“Kalimutan mo na yun.”

At syempre, naging matigas na naman ulo ko at ayun, pinilit ko siya.

“Hindi pwede. A deal’s a deal okay?”

Tumingin lang siya sa akin nun tapos huminga ng malalim.

“I’d rather go alone than to know that my partner’s just forced to go with me.”

At pagtapos nun eh iniwan na niya ako. Kung ganoon, sana hindi nalang pala ako nagpunta. Badtrip naman, kaya lang naman kasi ako

nagdesisyong pumunta dito eh para tapusin na yung deal naming dalawa. Tapos ngayon heto ang sasabihin niya? Nakakaasar no!

Dahil ayokong fully masira yung gabi ko, nakipagsayaw nalang ako sa ibang tao tulad nila Lian, Hansel at yung iba ko pang mga

kaklase. Nung medyo napagod ako lumabas muna ako at pumunta ng rooftop nung hotel.

Grabe, ang ganda pala dito, mahangin tapos parang meant siya na pinupuntahan dahil may mga chairs dun tapos may mga flowers pa.

Ang cute nga eh. Nagulat ako nung biglang may gumalaw kaya napalingon ako ng di oras. Si Mark pala. Teka, anong ginagawa niya

dito!?

Hindi ko siya pinansin tapos nun eh dumiretso lang ako sa may railings at tumingin tingin sa paligid. Tumingala ako sa langit at

huminga ng malalim.

Lord, kayo na pong bahala sa aming dalawa ha. Kung ano mang plano niyo para sa amin, kayo na pong bahala. Isa lang naman po ang hiling ko eh, wag na wag niyo siyang pababayaan. Dahil kahit

ilang beses kong subukan, mahal na mahal ko parin siya.

Naramdaman kong tumulo yung mga luha ko kaya yumuko na ulit ako at pinunasan yun. Pagtalikod ko eh nagulat ako dahil wala na pala dun si Mark. whoa, hindi ko yata siyang narinig na umalis?

Page 404: The GAME of My Life Story

Anyways, bumalik na ako dun sa hall na pinagdadausan ng grad ball namin at yun, nakita kong kumakain na sila kaya ako rin kumain na.

Mag-12 narin nun. Ibig sabihin malapit nang matapos yung party. Dapat pala magpasundo na ako kay Manong. Hindi kasi ako

pinayagan nila kuya na magstay dito sa hotel eh. Ewan ko sa kanila, eh sina mama naman pumayag, pero…hay ewan. Mas sinunod ko

sina kuya. Weird din eh.

“Sige bhes, hindi na namin tatapusin yung party, dun na ako kina Celine ah. Bye! Ingats”

Yumakap lang kami sa isa’t isa tapos nun eh nauna na siya. Si Hansel naman hindi ko mahanap, malay ko ba kung saan na yun

napadpad. Ang badtrip nga eh, sabay pa man din kami uuwi.

“Hello Manong? Pasundo na po ako.”

“Okay hija, hintayin niyo nalang ako.”

Hay, asan na naman kaya yung Hansel na iyon?

Tumingin tingin ako sa paligid, grabe ang kaunti nalang nung tao. Mga 10 nalang yata yung natira eh. paano, yung iba eh nauna na sa mga rooms nila tapos for sure nagkukulitan lang yung mga yun dun.

Palabas na sana ako ng hall nun ng biglang narinig ko na may nagsasalita sa mic.

“Kheira.”

Nanlaki yung mata ko nung nilingon ko yun. Si Mark. Anong ginagawa niya?

“Kheira…I’m sorry.”

Please ayoko na naman umiyak. Please tama na. Tumalikod ako nun pero hindi ako umalis sa pwesto ko.

“I’m sorry kasi…I can’t let go of you.”

Nagulat ako at biglang napaharap. Pagtapos niyang sabihin yun eh biglang may tumugtog. Yung staff yata nung hotel yung nandoon

kasi alam kong hindi ko naman kabatch yung mga yun. Teka, parang alam ko tong introng ito ah.

Di ko maintindihanAng nilalaman ng puso

Page 405: The GAME of My Life Story

Tuwing magkahawak ang ating kamayPinapanalangin lagi tayong magkasama

Hinihiling bawat oras kapiling ka

Natulala ako sa kanya habang kumakanta siya.

Sa lahat ng aking ginagawaIkaw lamang ang nasa isip ko sinta

Sana’y di na tayo magkahiwalayKahit kailan pa man

Ikaw lamang ang aking minamahalIkaw lamang ang tangi kong inaasam

Makapiling ka habang buhayIkaw lamang sinta

Wala na kong hihingin paWala na

Ooh..Ooooohhhh..

Teka…si H-hansel yung nag gigitara ah! Grabe, ang galing nila.

Ayoko ng maulit paAng nakaraang ayokong maalala

Bawat oras na wala kaParang mabigat na parusa

Huwag mong kakalimutan na kahit nag-ibaHindi ako tumigil magmahal sayo sinta

Sa lahat ng aking ginagawaIkaw lamang ang nasa isip ko sinta

Sana’y di na tayo magkahiwalayKahit kailan pa man

Ikaw lamang ang aking minamahalIkaw lamang ang tangi kong inaasam

Makapiling ka habang buhayIkaw lamang sinta

Wala na kong hihingin paWala na

Ooh..Ooooh…

Page 406: The GAME of My Life Story

Ikaw lamang ang aking minamahalIkaw lamang ang tangi kong inaasam

Makapiling ka habang buhayIkaw lamang sinta

Wala na kong hihingin paWala na

Ooh..Ooooh…

Pagtapos niyang kumanta eh bumaba siya at lumapit sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya nun at siya naman eh seryosong

seryoso yung mukha niya.

“I’m really sorry Kheira. Please give me another chance to prove how much I love you.”

Hindi ako makapagsalita nun. Parang bigla nalang akong nawalan ng boses. Buti na nga lang kasi sa totoo lang, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam kung papatawarin ko ba siya oh

hindi.

Lord? Ito po ba ang plano niyo para sa amin? Kung ganoon…

Tinignan ko siya ng malalim. Pinagmasdan ko ng mabuti yung kanyang mata at nakita ko ang sincerity niya.

“Mark…” hinawakan ko yung mukha niya at…

Page 407: The GAME of My Life Story

Chapter 46: Ending Part II

…I kissed him. Nagulat nga pati yung mga tao eh dahil hindi ko siya sa cheeks hinalikan. Kung di sa…well, alam niyo na. Pero mabilis

lang. Peck lang siya. Pero pagkatapos nun…

*PAK!*

Syempre, hindi mawawala ang sampal diba? Sinaktan parin niya ako no!

“Pasalamat ka mahal kita!”

Ngumiti siya sa akin nun tapos niyakap ako ng napakahigpit. Nakita ko naman na nagsidatingan sina Lia at Celine. Naku, tong mga

babaeng to, planado kaya nila to??

“Did it work?”

Naku, planado nga. Hmph, pero infareness…thank you sa kanila.

“Hindi pa ba obvious?”

Nung marinig ko yung boses ni Hansel eh lumapit ako sa kanya at pinalo ko siya.

“Aray! Ano na naman nagawa ko?”

“Ikaw kanina pa kita pinaghahahanap! Bwisit ka! Nagpasundo na ako kay manong no!”

“Asus, hindi naman darating yun eh.”

“Huh? Anong ibig mong sabihin?”

“Sabi ko sa kanya na wag siyang pupunta hangga’t hindi ako yung tumatawag sa kanya.”

“Hmph! Daya mo nakakainis ka Hansel!”

“Sorry, pero syempre mas susunod yan sa mas matagal na pinagsilbihan, hindi ba?”

Page 408: The GAME of My Life Story

Ngumiti ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit kaya ayun, nagtaka naman yung loko.

“Thanks Hansel. For everything.”

Dumating pa sina Lian at Marco na nagtatanong kung gumana daw. Ngumiti naman ako sa kanila at nagpasalamat ng todo. Nung medyo dinalaw na kami ng antok, nagpasya na kami lahat na magsiuwian, para sa mga uuwi, at magpunta na sa mga kwarto nila, para dun sa

mga matutulog dito.

Sumabay naman sa amin si Mark kasi pinilit siya ni Hansel. Sinabi pa nga na dun na daw sa bahay namin matulog eh basta daw ba hindi

ako katabi. Loko talaga itong si Hansel.

Pagdating naman namin tatlo eh hindi na nagtaka sina Kuya Kyle at Kuya kaloy. Isipin niyo yun? Kakunchaba din pala itong dalawang ito.

Alam kong gabi narin iyon nung mga oras na yun pero hindi parin ako makatulog kaya pumunta ako sa garden. Nagulat ako dahil

andoon din si Mark.

“Hi,”

“Oh, bakit gising ka pa?”

“Di ako makatulog eh.”

“Ahh…okay.”

Lord, salamat ha. Sa lahat.

“Anong iniisip mo?”

“Wala lang, nagpapasalamat ako kay Lord.”

“Bakit naman? Dahil ayos na tayo?”

Hmph, ang feeling naman nito, pero..hay totoo naman eh. Pero hindi niya kelangan malaman yun syempre.

“Nah, dahil graduate na ako.”

tinignan naman niya ako tapos tumawa ako.

“joke.”

Walang nagsalita sa amin pagkatapos nun. Feeling ko nga nakatulog na itong Mark na ito eh. Pero hindi pa pala kasi biglang tumayo.

Page 409: The GAME of My Life Story

Lumapit siya sa akin tapos nun eh inoffer niya yung kamay niya. Yung bang parang magshake hands.

“Ano to?”

“Let’s start over. Naisip ko kasi na hindi naman talaga tayo properly introduced noon eh. so, Hi I’m Mark Arvin Fellacio. You are?”

Ngumiti ako sa kanya. Okay, sakyan na nating yung kalokohan niya.

“I’m Kheira Elizabeth Aruello-Cortez.”

Yep, soon to be Cortez na kaming 3 nina kuya dahil I-aadopt daw kami ni tito Henry. Astig no?

“Nice to meet you Miss Kheira. Elizabeth pala 2nd name mo.”

Nagtaka naman ako, matagal naman nyang alam yun ah?

“Yeah, why?”

“Wala lang. May kilala kasi akong babae na pangalan eh Elizabeth. Eliza nga nickname niya eh. Pero one time, nasabihan daw siya na

hindi bagay sa kanya ang Eliza. Mas mukha daw siyang Markita. And tignan mo nga naman, kapangalan mo pa yung nagsabi nun.”

Natawa naman ako dun sa kakulitan niya.

“Well tell Markita—este Eliza, I’d like to hang out with her some other time.”

Umiling iling naman siya nun na parang ewan.

“Hindi pwede eh, strict kasi ang parents niya”

tapos pareho na kaming tumawa nun. Hay, this is the life.

Page 410: The GAME of My Life Story

Mag-iilang weeks narin siguro after grad ball. Heto kami ngayon na magbabarkada sa Ilog. Yep, tinuro ko sa kanila yung favorite place

ko. Natuwa nga sila kasi ang peaceful daw.

“Naku, mukhang magiging maingay na yata dito. Sana pala hindi ko kayo sinama.”

Tinawanan lang naman nila ako nun. Marami narin nangyari after grad. Si Mark eh nagsimulang manligaw sa akin para daw formal,

kasi hindi naman niya talaga ako niligawan eh diba?

“Hoy kayong dalawa, mamaya na kayo maglambingan, dali laro tayo killers.”

“Killers na naman? Eh kalalaro lang natin nun kagabi eh!”

“Dali na, wag kang kj!”

Page 411: The GAME of My Life Story

Syempre sumali din naman kami agad, masaya rin naman magkillers no!

Nung first round nga eh, judge ako tapos wahaha, nahuli ko si Mark. siya kasi yung killer. Bleh! Nakaganti din ako sa kanya sa wakas!

Wuhoo!

Nung second round, civilian ako tapos si Lia yung killer. Nagulat nga ako kasi napatay niya ako. Aba si bhes gumaganti.

Matagal tagal din siguro kaming naglaro nun. Pagtapos nun eh kumain na kami. At syempre dahil pagod na nga kami ayun, yung iba

eh nakatulog na ako nga lang yata yung hindi eh kaya naglakad lakad lang muna ako.

Grabe, ang saya saya ng buhay ko ngayon, kumpleto na talaga. Isipin niyo, complete na family ko, tapos ayos yung barkada ko at

syempre…si Mark. Hindi naman yan mawawala eh.

Bigla akong napatingin sa ground kasi may nakita akong kuminang. Pag-upo ko para pulutin yun ay nanlaki yung mata ko.

Yung necklace.

“Kheira anong ginagawa mo diyan?”

Tumingin ako kay Mark tapos ngumiti.

“Mark oh.”

Tinaas ko yung kamay ko tapos nakita niya yung necklace at ngumiti din siya.

“Ikaw ah, hindi mo naman pala tinapon eh.”

“Tinapon ko! Swear! Dito ko pa nga siya tinapon eh! actually sa ilog!”

“Pero paano---?”

Ngumiti ako sa kanya.

“Who knowS?”

Lumapit siya sa akin tapos isinuot niya yung necklace tapos nun eh niyakap niya ako. Ang sarap talaga ng feeling ng kasama mo yung

mga mahal mo sa buhay.

“Mark?”

Page 412: The GAME of My Life Story

“Bakit?”

“Parhiram ako nung necklace mo.”

Tinanggal naman niya yung necklace tapos ako rin tinanggal ko ulit yung akin. Nagkaroon ng hole itong heart for a reason, siguro may

laman ito sa loob.

Inilusot ko yung susi dun sa may heart tapos bumukas nga. Pagtingin ko sa loob eh may message na nakaukit.

“Destiny will bring us together. I love you Marcella”

Whoa, sino kaya yung Marcella na iyon? Hmm, matanong nga si Ate na taga blue magic.

“Marcella? Sino yan?”

“Ewan ko, pero I think kelangan natin pumunta sa blue magic na pinagkunan natin nito…”

“Bakit naman?”

“Because…destiny is done with our love story. It’s time to pass it on to make a new one.”

Ngumiti naman siya sa akin tapos niyakap niya ako ng mahigpit. Niyaya niya ako pabalik tapos nagpaalam kami sa kasama namin. Nagulat pa nga eh kasi kakagising lang ng iba tapos kami aalis na.

Si Mark ang nagdrive sa amin papunta sa mall. Yep, may student’s license na siya. Pasaway nga eh pero maingat naman. Pagdating namin dun eh dumiretso kami kaagad sa may blue magic. Sakto,

andun si ate.

“Ate!”

Tumingin sa amin yung babae tapos ngumiti.

“Ate oh, isosoli namin ito sa iyo.”

“Bakit naman?”

“Kasi po, ate Marcella, kelangan mong malaman ang message para sa iyo.”

Nagulat si Ate sa tinawag sa kanya ni Mark. yep, I guess nagets niya rin na si ate at si Marcella ay iisa.

“Paanong?”

Page 413: The GAME of My Life Story

“Basahin mo nalang po.”

Tapos binukas namin para sa kanya yung heart tapos ngumiti naman siya.

“Kayo na po ang bahala diyan.”

“It’s powerful.”

Tapos tumingin sa akin si Mark at ngumiti.

Nagpaalam na kami sa kanya pagkatapos nun eh hinatid na ako ni Mark sa bahay namin. Nope, not the small one, but yung bahay

namin nila mama.

“Bye.”

“Yeah, ingat sa pagdrive okay?”

“of course, wala pa naman akong planong mamatay eh no.”

“Sira ka talaga! Umuwi ka na nga.”

“Wala man lang kiss?”

“Kiss ka diyan! Saan ka ba nakakita ng babae na kinikiss yung guy eh suitor pa lang naman yung guy. Hindi pa bf.”

“Hmmm…wala, pero I’m different naman eh diba? Kasi hindi mo pa nga ako suitor eh nakakakiss na ako sa iyo.”

Namula naman ako nun tapos pinalo ko lang siya.

“Che! Alis na nga!”

tumawa naman siya nun at hinawakan ako sa kamay.

“I love you Kheira. I love you! I love you! I love you! I love you! Forever kitang mamahalin Kheira Aruello-Cortez!”

Ngumiti ako sa kanya tapos ayun, pinagbigyan ko rin yung kiss na sinasabi niya. Pero sa cheeks lang. Hehe.

Pagpasok ko sa loob eh tinadtad ako sa pang-aasar nila Hansel at Kuya Kyle. Hay naku si Kuya talaga, nakahanap ng kakampi. Bahala

nga sila.

Dumiretso ako dun sa kwarto ko at humiga. Wow, what a day. Ang daming nangyari ah. First nagpicnic ang barkada tapos naglaro ng

Page 414: The GAME of My Life Story

killers. And then…nakita ko ulit yung necklace. Naaalala ko tuloy nung day na tinapon ko yun.

“Kung tayo nga para sa isa’t isa, mababalik sa akin tong necklace na ito.”

Coincidence? Nah…I’d rather call it…

DestinyEpilogue

Hey! Hehe, hindi porket tapos na ang story ko eh hindi niyo na ako

Page 415: The GAME of My Life Story

makikita. Heheh, andito parin ako at syempre, oras na para ikuwento ko ang mga nangyari sa buhay namin after ng lahat ng

iyon.

Si Kuya Kaloy eh sa wakas nakapuntang states at dun na nagtatrabaho. Kumikita na nga siya ng malaki eh, asensado narin siya pero syempre hindi parin siya nakakalimot sa pinanggalingan

niya. At heto pa, balita ko eh may nahanap siyang babaeng napusuan niya. Nakakatuwa nga eh. Sobrang saya ko para sa kanya.

Si Kuya Kyle naman ayun, hindi parin nagbago, mapang-asar parin pero syempre kahit papaano eh nagbago rin siya. May nililigawan na

kasi. And it’s my turn to get my revenge. Hahaha.

For my friends? Si Lia at si Marco going strong parin. Nakakatuwa nga eh, si Marco kasi sinundan niya si Lia kung saan man siya nag-aral. Swerte ni Marco dahil may course siya dun kung saan napili ni

Lia.

Sina Gino at Celine, ayun sila parin. At ang balita ko, nireserve narin ni Gino si Celine. They’re engaged! Hahah, galing nga eh. Payag naman yung families nila kasi matagal tagal narin naman silang

magkakakilala eh.

Si Lian? Ayan, sobrang kulit parin. Super pasaway as in. Kinuwento nga niya sa akin na one time daw nagsuot siya ng uniform ng St.

Agustine tapos nagpunta ba naman sa computer shop na kung saan maraming teachers. Tawa nga siya ng tawa nung kinuwento niya sa

akin yung nangyari eh.

”Young man, hindi mo ba alam na bawal yang ginagawa mo?! What year are you in!?”

”Umm…ma’am 2nd po.”

”Second! Niloloko mo ba ako? Eh sa tangkad mong yan mukha ka ng 4th year! Magsabi ka ng totoo kung di mas lalaki ang punishment

mo!”

”Second year college po.”

Tuwang tuwa siya nun kasi napahiya daw niya talaga yung teacher. Kaso nga lang ngayon, everytime na bibisita siya sa school, ayan, parati siyang nagtatago, paano hinahunting siya nung teacher na yun eh. Biruin niyo, mga 5 beses din niya kasi yun inulit. Pasaway

talaga.

Si Hansel naman nasa ibang college. Sabi niya kasi magkasama na nga daw kami sa bahay, hindi kaya masuka suka na kami sa isa’t isa kung pati sa school eh magkasama pa kami. Alam ko namang joke

Page 416: The GAME of My Life Story

lang niya yun eh. Yan pa. About his feelings for me? Nawala rin yun. Kasi nakahanap narin siya ng kapalit. Deny nga lang pero sus! Hindi ko siya pinaniniwalaan. Paano yung ginagawa niya sa girl na yun eh

yun din yung ginawa niya sa akin dati. Nangulit, nanusok at syempre, nangpahiya. Kakaiba talaga tong bro ko eh no? Galing

pumorma. NOT.

Well, si Mark? Sinagot ko siya nung february 12. Ayun, tuwang tuwa naman yung loko. Going strong kami ngayon at kahit na magkaiba

kami ng school, nakayanan parin namin. How can we not? Eh magkatapat lang yung school namin.

As for me? Ayun, natuloy yung dream ko na sumali sa theater club at tuwang tuwa sa amin yung adviser namin. Ang galing ko daw. Wow,

haba hair ko ah. Haha. Basta ayun, masaya naman lahat so far.

Nakilala rin pala ang OSR sa maraming lugar. Kami kami parin yung members siyempre, dumagdag lang si Hansel. At ngayon naman eh nagstart na kami gumawa ng 2nd album namin. Yup! Ang astig nga eh, lalo na nung first time kaming mafeature sa myx. Whoa, todo

celebrate kami nun.

Now I can say na ang high school life nga ang pinakamasaya. Pero of course, life itself is better. Kasi ang high school, once mo lang maeexperience, pero ang life, parati yan andiyan. And it’s not

destiny that controls our lives. Tayo mismo ang nagcocontrol ng sarili nating mga buhay. Parang game, tayo ang magpapanalo sa

sarili natin, at tayo rin ang magpapatalo. Pero what’s important is that manalo ka man o matalo, you know sa sarili mo na you did your

best and you played your game well.

And that is how I played the Game of my Life.

“I’m going back sa States…”

Nagulintang yung tenga ko nung marinig ko yung mga salitang yan. Wait lang, nagjojoke ba siya?

“Umm, gaano naman katagal?”

“Well, sabi sa akin nina mommy na kelangan ko daw magstay dun at least for 3 months…”

3 monthS?! Eh pano naman kaya yung pag-aaral niya!

“Paano yung school?”

“I don’t know. Maybe, they’re going to enroll me there…”

Page 417: The GAME of My Life Story

What?! Ano ba naman yan! Akala ko tapos na ang lahat. Akala ko happy ending na pala. Yun pala…Hay.

Naramdaman ko naman na namumuo yung mga luha ko pero syempre pinigilan ko siya. Ayoko talaga ng umiiyak.

“Ganon?”

“Yeah.”

Bakit ba parang wala lang sa kanya yun? Okay lang sa kanya na magkahiwalay kami? Ganoon nalang ba talaga yun?!

“Bakit parang wala lang yata sa iyo yan?”

Mukhang nagulat pa nga siya sa tanong ko kasi nanlaki yung mata niya.

“Alam mo namang wala akong pwedeng gawin---”

“Wala kang pwedeng gawin o wala kang gustong gawin?!”

Naiinis na talaga ako. Bakit ganoon siya? Parang binabalewala lang niya yung relationship namin.

“Bhie---”

“Don’t you “Bhie” me Mark.”

Nalungkot yung mukha niya sobra tapos ako eh tumalikod sa kanya. At saktong pagtalikod ko eh bumagsak kaagad yung mga luha kong

pilit na tinago. Next thing I know, yakap yakap na ako ni Mark.

“Nakakainis ka sobra! After all we’ve been through magiging ganyan ka nalang! Siguro nga kaya okay lang sayo yun kasi gusto mong

makahanap ng babaeng mas maganda at mas may katawan kesa sa akin!”

I know, sobrang babaw ng mga dinadahilan ko at alam ko rin na hindi ganoong klaseng lalaki si Mark pero…ewan ko.

“Hindi totoo yan. Alam mong ikaw ang pinakamaganda para sa akin Kheira at never akong maghahanap ng ibang babae, saka---”

“Well bakit ayaw mo man lang pumalag sa parents mo!?”

“Pero Kheira----”

“Nakakainis ka talaga eh! Siguro nga hindi mo ako ganoon kamahal!

Page 418: The GAME of My Life Story

Siguro nga hin---”

Napadilat ako kasi bigla niya akong hinalikan. Whoa! Ano ba naman ito! Namula yung buong mukha ko tapos nun eh yumakap narin ako

sa kanya. After ng ilang sandali eh kumalas na kami sa pagkakayakap sa isa’t isa.

“Before you react, let me first say na…”

Nag-pause siya sandali pagtapos nun eh huminga ng malalim.

“You didn’t let me finish.”

Tumingin ako sa kanya. Ano na naman kayang sinasabi nito?

“Huh? Eh---”

“Hey…”

Opo, tatahimik na po.

“I’m going back sa States…and I want you to come with me.”

Nanlaki yung mata ko tapos nakita kong nakangiti siya sa akin. Is he serious?!?

“Seryoso ka?”

“Ano ka ba, of course I am! Hindi yata ako papayag na malayo sa iyo ng ganoon katagal no. Baka kasi masyado mo akong mamiss.” pinalo

ko naman siya.

“Pero paano yung school?”

“I’ve talked to my professors at okay lang sa kanila na mawala ako ng 1 month basta daw I would make up for the things I missed.”

Ngumiti na ako ng todo sa kanya at kiniss siya sa cheeks. Akala ko pa naman balak niya akong iwanan.

Oh my gosh! Ito pala ang first time kong makakapunta ako ng States! Yes! Makikita ko rin si Kuya Kaloy saka yung girl na sinasabi

niya. At…

“Makikilala ko parents mo?!”

Nagulat siya sa tanong ko at nagtaas ng kilay sa akin. Okay fine, medyo kabado ako kasi syempre diba, malay mo Ala Dao Ming Feng

(nanay ni Dao Ming Si) pala yung nanay ni Mark or something.

Page 419: The GAME of My Life Story

“They’re nice people. At kaya nga nila ako pinapapunta dun kasi gusto ka nila makilala. Marami kasi akong nasabi about you.”

Nabuhayan naman ako nun. Okay. Ikaw naman kasi Kheira eh, masyado kang naaaddict sa Meteor Garden kaya akala mo kahit totoong buhay eh meron pang love story gaya ng kay San Cai

lantang gulay at Dao Ming Si.

“Oh,”

Niyakap ulit ako ni Mark tapos nun eh ganoon lang kami ng matagal ding oras. Hay, so I guess dito na talaga nagtatapos ang story namin no? Hindi man siya tapos as in END of relationship pero END of story na. Ang dami rin naming pinagdaanan at masaya ako dahil sa lahat

ng yun eh kasama ko si Mark.

Biruin niyo, ang dating Kheira na akala mo eh just the plain normal girl na nakikita mo sa mga antayan ng sasakyan araw araw…meron din palang love story na kakaiba? Oh well, we never know what will happen to our lives. Hayaan na natin ang Destiny magdecide kung anu pang pakulo ang gusto niya and then, we continue it sa kung

papaano natin ito gusto.

Well, paalam na sa inyo! Mag-iimpake pa pala ako eh, walang hiya kasi tong mark na ito at ngayon lang sinabi, bukas pala ng ala-5 ng umaga yung flight! Eh anong oras na? 10 pm! Sige, bye bye to all!

-W A K A S-