136
The Promise by Garnet Heart The Promise© 2008 Your Story Haven. All Rights Reserved. OVERVIEW: Hindi inakala ni Julia na makakatagpo siya ng isang lasing sa MRT, at hindi rin niya ito ginustong tulungan. Subalit dahil sa pagtangay niya sa pag- aari nitong bracelet ay muli silang nagkita, at hindi na ito ang mukhang kapre na tinulungan niya kundi isang napakakisig na binata. Dahil sa panunukso ng kanyang mga kaibigan ay ginamit niya si Leandro para magpanggap niyang kasintahan. Natupad ang kahilingan niyang inggitin ang mga kaibigan, subalit batid niyang hindi niya lubusang pag-aari ang puso nito. Nagpapakita man ito ng pagtingin sa kanya ngunit may misteryo sa mga mata at ikinikilos nito. Hanggang sa lumabas ang katotohanang dumurog ng husto sa kanyang puso... Chapter 1

The Promise

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: The Promise

The Promise by Garnet Heart The Promise© 2008 Your Story Haven. All Rights Reserved. OVERVIEW: Hindi inakala ni Julia na makakatagpo siya ng isang lasing sa MRT, at hindi rin niya ito ginustong tulungan. Subalit dahil sa pagtangay niya sa pag-aari nitong bracelet ay muli silang nagkita, at hindi na ito ang mukhang kapre na tinulungan niya kundi isang napakakisig na binata. Dahil sa panunukso ng kanyang mga kaibigan ay ginamit niya si Leandro para magpanggap niyang kasintahan. Natupad ang kahilingan niyang inggitin ang mga kaibigan, subalit batid niyang hindi niya lubusang pag-aari ang puso nito. Nagpapakita man ito ng pagtingin sa kanya ngunit may misteryo sa mga mata at ikinikilos nito. Hanggang sa lumabas ang katotohanang dumurog ng husto sa kanyang puso... Chapter 1

Page 2: The Promise

“Matagal pa ba sila?” tanong ni Julia sa dalawa niyang kaibigan habang sila’y nakatayo’t naghihintay sa tapat ng sinehan sa loob ng mall. “Parating na raw si Jasper,” sagot ni Lucy habang binabasa ang text message sa cellphone nito. Tumunog rin ang celphone ni Claire. “Nasa parking area na raw si Benedict.” “ Aba! Dala niya ang kotse niya!” kinikilig na wika ni Lucy. “Sosyal!” dagdag pa ni Julia. “Si Jasper, dala rin niyang kotse niya?” “ Sana.” Hindi naiwasang isipin ni Julia kung ano ang magiging itsura niya kung magkakasama silang lahat at siya lamang ang walang kapares. “Parang ako lang ang walang kapares ah.” “Ikaw kasi eh,” ani Lucy. “Kung sumama ka sana nung birthday ni Ma’am Hermie. Grabe andaming mga rich guys dun.” “Paano naman kasi,” rason ni Julia. “Birthday rin ng mama ko sa province. Alangan namang sa ibang party pa ako pupunta.” “Dumating pa man din yung ipapakilala sana sa’yo ni Ma’am Hermie. Guwapo raw yun.”

Page 3: The Promise

Napatingin si Julia kay Lucy. “Talaga? Nakita mo?” “Hindi nga eh. Umalis agad.” “May manliligaw ka naman di ba?” Sumali si Claire sa usapan. “Si Andrew.” Nagsalubong ang kilay ni Julia nang magtawanan ang dalawa niyang kaibigan. “Che! Sa inyo na lang yung kuripot na yun.” Tumawang muli si Lucy bago nagsalita. “Korek ka diyan. Dapat ang hanapin nating papa yung galante. Like ours. Kita mo ni piso wala kaming gastos pag nagde-date kami, at may car pa. Hindi na kami nakikipagsiksikan sa MRT.” “Hindi naman sa nagmamayabang,” dagdag Claire. “Tingnan mo naman, we’re all twenty four, old enough to be wise. Ba’t ka pa nagpakatanda ng ganito kung di mo rin lang gagamitin ang utak mo?” “Ganun?” and tanging naisagot ni Julia. Tatlong taon na niyang kaibigan ang mga ito. Sabay-sabay silang na-deploy noon sa pinapasukan nilang kompanya at mula noon ay sila-sila na ang nagkasama. “Ay! Andyan na sila!” hiyaw ni Claire. “Sabay pa silang dumating o.”

Page 4: The Promise

Nilingon ni Julia ang direksyon kung saan kumakaway si Claire. Pangatlong beses pa lang niyang nakita ang dalawang guwapong binatang mga ito kaya medyo nahihiya pa siya. Nung unang beses niyang makilala ang mga ito ay talagang abot langit ang inggit niya sa kanyang mga kaibigan. Hindi naman nakakapagtaka na magustuhan sila ng mga ito dahil may itsura naman sina Claire at Lucy. Tisay at matangkad si Claire at si Lucy naman ay morena at sexy kahit may kaliitan. “So, shall we go?” tanong ni Jasper makaraan ang kamustahan. “Ok, let’s go,” sang-ayon ni Claire. “Baka mag-umpisa na yung show..” Paalis na sana ang lahat ng mapansin ni Benedict na parang ayaw sumama ni Julia. “Julia are you not coming?” Medyo nahihiya pang sumagot si Julia. “Kayo na lang muna ang manood. Gabi na eh.” “ Seven thirty pa lang naman ah,” ani Lucy na nakatingin sa relo. “Ihatid ka na lang namin ni Jasper pauwi.” Tumingin si Julia sa nakangiting binata. Parang willing naman ito na ihatid siya. “Thank you na lang pero hindi talaga puwede. Pagod na kasi ako eh.” “Sigurado ka?” tanong ni Claire.

Page 5: The Promise

“Oo naman.” “Hay naku! You’re gonna miss a great movie,” ani Lucy. “Last showing pa man din ngayon.” Pilit ang ngiti ni Julia. “Okey lang yun. Marami namang nagkalat na mga pirated diyan. Bili na lang ako.” Hindi na siya pinilit ng mga ito at nagpaalam na sa kanya. Bumuntung-hininga siyang pinapanood ang papalayong dalawang pares. Napaka-sweet ng mga ito sa isa’t-isa, bagay na dumudurog sa kanyang puso. Hindi niya maipaliwanag ang matinding inggit na nararamdaman niya. Habang naglalakad siya papunta sa estasyon ng MRT na karugtong mismo ng mall ay hindi maalis sa isip niya ang nakitang kakaibang ningning sa mga mata ng mga kaibigan niya. Siguro’y ganun ang pakiramdam ng taong nagmamahal at minamahal. Hindi na niya matandaan kung ganun din siya noong may boyfriend pa siya. Dalawang taon na kasi ang nakaraan mula nung mahuli niya itong may ka-date na ibang babae. Mula noon ay nawalan na siya ng interes sa mga lalaki at nagising na lamang siyang bente kuwatro anyos na pala. Kumpara sa kanyang mga kaibigan ay maganda rin naman siya. Kung tisay at matangkad si Claire, maputi at above average naman siya sa

Page 6: The Promise

taas na 5’3”. Kung sexy si Lucy ay may hubog din naman ang kanyang katawan kahit medyo may kaliitan ang kanyang dibdib. Maitim at tuwid ang mahaba niyang buhok, at mapupula ang kanyang mga labi’t pisngi. Yun nga lang ay kapansin-pansin ang talim ng kanyang mga kilay. Pina-shape na niya ito, ngunit sa tuwing lumalabas ang kanyang katarayan at tumaas ito ay sinisira nito ang ganda ng kanyang mukha. Marami tuloy ang nag-aakalang suplada siya, at marahil ay ito rin ang dahilan kaya natatakot ang mga lalaking manligaw sa kanya. Sa wakas ay narating niya ang estasyon ng MRT. Nakakapagtaka na kakaunti lamang ang mga taong nag-aabang. Dati-rati ay nagsisiksikang parang sardinas ang mga tao kapag ganoong oras. Kahit malayo pa’y nakita niya ang ilaw ng paparating na train. Natuwa siya’t hindi na niya kailangang maghintay ng matagal. Masyado kasi siyang napagod sa trabaho at sa dalawang oras nilang paglilibot sa mall. “Susmaryosep!” Napatingin siya sa katabi niyang matanda. Gaya ng nakagawian niyang habit ay tumaas ang kanyang kilay. Hindi niya maintindihan kung bakit ito naghihisterya. “Sa kanan mo!” Lumingon si Julia sa kanyang kanan at noon niya nakita ang tinuturo ng matanda. May isang

Page 7: The Promise

lalaking nakatayo lampas sa yellow line na nilagay doon para makaiwas sa aksidente. Kapag dumating ang train ay siguradong dali ang nakayuko nitong ulo. Kahit di niya tinignan ang train ay alam niyang malapit na ito. Tinakbo niya ang dalawang metro nilang distansya at hinila palayo ang lalaki. “Hoy, nagpapakamatay ka ba? Tumalon ka na lang kaya doon sa labas. Huwag dito sa harapan ko.” Hustong huminto ang train sa tapat nila. Habang hinihintay niyang makalabas ang mga pasahero ay muli siyang napatingin sa lalaki. Laking gulat niya sa nakitang itsura nito. Mahaba at gulung-gulo ang kulot nitong buhok na ang ilang hibla pay nakadikit sa pisngi nito na marahil ay tinuyuan ng laway. Makapal na rin ang balbas nito na para bang hindi nag-ahit ng dalawang buwan. Ngunit ang lubhang nakapagpakilabot sa kanya ay ang matalim na titig nito sa kanya, na para bang gusto siya nitong patayin. Humakbang siya paatras. Parang isang multo ang kanyang nakita. Sa takot ay pumasok na siya agad sa train kahit may mga ilan pang naglalabasan. Wala ng bakanteng upuan kaya’t tumayo na lamang siya sa isang tabi. Nang makita niyang pumasok ang lasing na lalaki ay lumipat siya sa kabila. Ayaw niyang mapalapit sa halimaw na iyon.

Page 8: The Promise

Habang umaandar ang train ay pinapanood ng lahat ang lasing na ilang beses halos matumba. Mabuti na lamang at may mga nagmamagandang loob pang sumalo dito. Tatahimik na sana ang lahat ng bigla itong lumapit sa isang lalaking nakaupo. “Oy, pare!” aniya sa bata. “Paupuin mo itong matanda!” Nanlaki ang mga mata ng batang lalaking inuutusan nito. Natakot si Julia na baka magkagulo sa loob ng train. Mabuti na lamang at nakapagtimpi ang binatilyo ng makita ang matandang may hawak na bayong. Tumayo ito ng walang reklamo. “Ayan, mabait na bata.” Parang nang-aasar pa lalo ang lasing. “Oy, lola! Upo ka dito o.” “Salamat iho,” sagot ng matandang babae na nakangiti at umupo sa nabakantehang upuan. Hindi mailarawan ang asim sa mukha ni Julia habang pinapanood ang eksena. Iniisip siguro ng lasing na isa na itong bayani, at sa itsura nito ay nagtataka siya kung bakit ito tinawag ng matandang iho. Sa tingin niya’y nasa kuwarenta anyos na ito. Dumating na siya sa kanyang bababaan. Husto namang doon rin pala bababa ang mayabang na lasing. Hinintay na lamang niyang makalabas ito saka siya sumunod.

Page 9: The Promise

Gegewang-gewang sa daanan ang lasing na kanyang sinusundan. Hindi niya ma-imagine kung paano kaya ito makakauwi sa ganoong lagay. Nagulat siya ng may isang taong biglang bumangga sa kanya. Nang mahimasmasan siya’y natagpuan na lamang niya ang sariling nakasalampak sa sahig. “Yung… wallet ko!” Noon lamang naunawaan ni Julia ang nangyari. Dinukot pala ng lalaking nakabangga sa kanya ang wallet ng lasing kaya ito nagtatakbo. Tumayo siya’t pinagpag ang damit, nang biglang natumba ang lasing sa harapan niya. Agad niyang nasalo ang ulo nito na muntikan ng nabagok sa semento. “Uy.” Tinapik-tapik niya ang balikat nito ngunit hindi na ito nagising pa. Dahil sa bigat ng katawan nito ay lumuhod siya at iniunan sa kanyang kandungan ang ulo nito. “Hoy, gising ka nga. Huwag kang matulog dito.” “Miss, bawal po ang lasing dito. Iuwi mo na yang boyfriend mo.” Tiningala niya ang nagsalita. Ang security guard pala iyon. “Hindi ko boyfriend—” Hindi na niya tinuloy ang kanyang sinasabi dahil tumalikod na

Page 10: The Promise

ang guard. Ni hindi man lang siya nito pinakinggan. Maingat niyang ibinaba ang ulo ng lasing sa sahig at saka siya tumayo. Let him take care of himself, ang sinabi niya sa kanyang sarili. Ngunit nakailang hakbang pa lang siya papalayo ay binagabag na siya ng kanyang konsensya. Kung bakit kasi nilikha pa ng Diyos ang konsensya. Naisip tuloy niyang kawawa naman ang lalaking iyon kung iiwanan na lang niya doon, ninakawan pa man din ng wallet. *** Halos hindi makapagsalita sa kahihingal si Julia ng makarating siya sa counter ng pinakamalapit na motel na nakita niya. Napakabigat pala ng lalaking ito na kinarga niya mula pa sa estasyon. Kung hindi pa siya tinulungan ng isang binatilyong nasalubong niya ay talagang iniwanan niya sana ito. Sa laki ba naman ng katawan nito at sa tangkad na siguro’y nasa sixt feet ay hindi niya talaga kakayanin itong mag-isa. “Sige po, ate. Alis na ako,” anang binatilyo matapos paupuin ang lasing sa sofa. “Sandali lang.” Nilapitan niya ang binatilyo at naglabas ng singkuwenta pesos. “Ito pangmeryenda mo.”

Page 11: The Promise

Tinanggap naman ng binatilyo ang pera. “Salamat po.” “Sige, salamat din ha.” Umalis na ang binatliyo at ng bumalik siya sa counter ay napansin niya ang cashier na pinipigil ang tawa habang tinitignan ang lalaking nakahandusay sa sofa. Hindi na niya kailangang makita pa ang dahilan. Sino ba naman ang hindi matatawa sa itsura ng isang napakadungis at lasing na lalaking dala-dala ng isang babae. “Boyfriend ko,” may pagkasuplada niyang wika sa cashier. Sanhi ng matindi niyang pagod, para lamang matulungan ang isang walang kuwentang tao, ay para siyang naiinis. “Nakatulog sa sobrang kalasingan.” Napansin ng cashier ang kanyang reaction kaya’t tumigil ito sa paghagikgik. “Pasensiya na po.” Bumuntung-hininga si Julia. “May vacant pa kayong room?” “Aircon po?” “Ay, hindi! Yung ordinary lang. Yung pinakamura na rin.” “Three hundred fifty po ang three hours.”

Page 12: The Promise

“Ha?” Napanganga si Julia. Kahit pala sa pipitsuging motel na gaya nito ay ganoon kamahal ang singil. “Eh kung overnight?” Gumamit muna ng calculator ang cashier bago sumagot. “Seven Hundred pesos po hanggang six ng umaga.” “Hay naku!” Halos padabog siyang dumukot ng isang libo mula sa kanyang wallet. Iyon na lamang ang natitira sa kanyang suweldo. Naiinis siyang iniisip kung bakit kailangan niyang gastusan ang hindi man lang niya kakilalang tao. “Sa room seven po kayo ma’am.” “Ah, wala bang puwedeng tumulong sa aking ipasok yan? Mabigat eh.” “Sandali lang po.” Tumayo ang cashier at sumilip sa kalapit na pinto. “Kuya Rollie, patulong naman.” Nakahinga ng maluwag si Julia ng lumabas ang isang matabang lalaki. Siguradong kayang-kaya na nitong buhatin ang lasing mag-isa. Mabuti naman dahil talagang pagod na siya. “Salamat po,” aniya kay Rollie matapos nitong ihiga ang lasing sa kama. Tumango lamang ang mahiyaing room boy at lumabas na ng kuwarto. Agad niyang ni-lock ang pinto at animo’y pinasukan ng demonyong hinarap ang nakatulog na lalaki sa kama. Parang gusto niya itong pagsasakalin sa pahirap na dinulot nito sa kanya.

Page 13: The Promise

Hindi rin biro ang seven hundred pesos na ginastos niya at ang fifty pesos pang ibinigay niya sa binatilyo. Nangislap ang mga mata niya ng makaisip siya ng idea. Nilapitan niya ang nahihimbing na lalaki at pinagkakapkap ang mga bulsa nito. Wala siyang nahagilap ni anumang pera, o kahit sana cellphone. Wala pala talagang pakinabang ito. Sa kawalan ng pag-asa’y pinanood na lamang niya ang lalaki habang nagpapahinga. Napansin niya ang suot nitong jeans at belt. Branded ang mga iyon, ngunit hindi iyon sapat upang isipin niyang mayaman ito. Dahil ang isang mayaman ay hindi sumasakay sa MRT ng mag-isa at lasing. Gumalaw ang lalaki at bahagyang nabuksan ang ilang bahagi ng dibdib nito. Napatitig si Julia. Aba, macho pala! Aniya sa sarili at pinagmasdan ang kaaya-ayang senaryo. Mangingiti na sana siya, ngunit ng mapatingin siya sa mukha nito ay labis siyang napangiwi. Muntik na niyang pagpantasiyahan ang isang halimaw. Daig pa nito ang kalaban sa isang horror movie. Kulot na nga ang buhok ay para pang hindi ito nagsuklay ng isang taon. Kahit siguro kapre ay hindi aamining kalahi niya ito. May kung anong kumislap sa ilalim ng sleeve ng polo nito. Umupo siya sa gilid ng kama at itinaas ang sleeve. Isang golden bracelet ang lumitaw. Itinaas din niya ang isa pang sleeve. Laking gulat niya sa nakita. Ang relong ito ay

Page 14: The Promise

kagaya ng suot-suot ng boyfriend ni Claire na si Benedict, at sigurado siyang mga mayayaman lamang ang nakakabili ng ganoong klaseng relo. Natukso siya. Ito marahil ang kabayaran sa pagmamagandang loob niyang tulungan ito, ngunit sa isang iglap ay ginapi siyang muli ng kanyang konsensya. Ang bracelet na lamang ang kanyang kinuha. Naglabas siya ng isang maliit na papel. Sinulat niya doon ang kinuha niyang bracelet maging ang kanyang contact number. Nagbigay din siya ng ultimatum na pagkalipas ng tatlong araw at di pa siya nito tinatawagan ay ibebenta na niya ang alahas. Iniwan niya ang papel sa ibabaw ng mesa at dahan-dahang lumabas. Para siyang nabunutan ng tinik sa kaginahawaang naramdaman habang pababa siya ng hagdanan pabalik sa counter. “Miss, kung di pa siya gising ng six sipain niyo na lang siya palabas,” bilin niya sa cashier. Natawa ang babae. “Ano pong sasabihin ko sa kanya ma’am?” “Sabihin mo ampangit niya.” Hindi na niya pinansin ang tumatawang cashier at lumabas na ng motel. Tiningnan niya ang kanyang relo. Mag-aalas nuwebe na pala. Chapter 2

Page 15: The Promise

Nagising si Julia sa tunog ng kanyang cellphone. Mataas na pala ang araw ngunit napakabigat pa rin ng pakiramdam niya. Dahil siguro iyon sa sobrang pagod niya nung nakaraang gabi. Mabuti na lamang at Sabado, walang pasok. Bumangon siya at inabot ang nag-iingay na cellphone sa ibabaw ng mesa. “Hello?” humihikab pa niyang sagot. “Hoy! Sino ka?!” Napamulagat siya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Boses iyon ng kung sinumang ubod ng hambog at walang modong lalaki. “At sino ka rin?!” mataray niyang balik. “Huwag kang tatawag kung di mo kilala ang tinatawagan mo!” “Yung bracelet ko?” Saglit na natulala si Julia. Alam na niya kung sino ito. “Oh, it’s you. Nasa akin, bakit?” “Ibalik mo sa akin ‘yan!” Para itong commander ng sundalong nag-uutos. “Hoy, hoy, hoy! Hindi mo ba nabasa ang note ko? Bayaran mo muna ako bago mo iyon makukuha.”

Page 16: The Promise

“Magkano ba?” Napangising demonyo si Julia. Kikita siya nito. “Two thousand.” “Ano?!” napasigaw ang lalaki sa kabilang linya. “That stinking dirty motel? Two thousand? Ang init-init pa wala man lang aircon.” “Hoy, pasalamat ka’t dinala pa kita doon. Kung iniwan kaya kita sa kalsada, hindi lang bracelet ang ninakaw sa’yo, kundi pati yang relo mo.” Hindi sumagot ang lalaki. “Ano? Hindi ba? Kaya kung gusto mong makuha itong bracelet mo, bayaran mo ako ng two thousand. Take it or leave it.” “O sige, sige na. Magkita tayo sa—” “Ops! Hindi ikaw ang magsasabi ng lugar. Ikaw ang may kailangan sa akin kaya ako ang magde-decide kung saan tayo magkikita.” “Aahh! Ang arte mo! Saan mo ba gusto? Pupunta ako ngayon din.” “And another thing. Wala akong oras ngayon dahil marami pa akong labada. Gusto ko mamayang alas-sais ng gabi tayo magkita.”

Page 17: The Promise

“Naman! Asan ka ba at pupuntahan na lang kita?” “Ay, hindi puwede! Ayaw kong may pumapasok na lalaki dito sa apartment ko, lalo na kung mukhang kapre.” “Ang yabang mo. Baka naman mas pangit ka pa diyan.” “Hoy, lunukin mo ‘yang sinabi mo mamaya. Text na lang kita kung saan tayo magkikita. Bye!” Sa inis niya ay halos ibagsak niya ang cellphone sa mesa. Napakakapal din ng mukha ng lalaking iyon para akusahan siyang pangit samantalang ito naman talaga ang nagmumukhang kapre. Nag-ring uli ang kanyang cellphone at ng tignan niya ito’y parehong number ang tumawag. Hindi na lang niya ito pinansin. Marami pa siyang mga labadang dapat asikasuhin kaysa makipagkulitan sa pangit na iyon. *** Alas-singko ymedya pa lang ay dumating na si Julia sa restaurant na pinagkasunduan nila. Pinili niya iyon para naman kahit minsan lang ay mailibre siya sa isang sosyal na restaurant. Minabuti na niyang dumating ng maaga dahil napipikon na siya sa katatawag ng lalaking iyon na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin niya alam ang pangalan. Siguro’y higit sa dalawampung

Page 18: The Promise

beses siya nitong tinawagan. Naisip tuloy niyang siguro’y mas mahal pa ang halaga ng bracelet na iyon kaysa sa inakala niya. Ganunpaman, sapat na sa kanya ang dalawang libo. Malakas ang ulan noon kaya’t kinailangan niyang magtaxi. One hundred fifty ang binayaran niya, ngunit okey lang yun sa kanya dahil mababawi naman niya ito maya’t maya lamang. Bahagya siyang nabasa paglabas niya ng taxi. Dahil sosyal ang lugar ay hindi na muna siya pumasok. Pinunasan na muna niya ang mga braso niya at nagsuklay ng buhok. Maaga naman siyang dumating kaya’t walang karapatang magreklamo ang kapreng ‘yon. Muling tumunog ang kanyang cellphone. “Ihhhh!” Nanggagalaiti ang mga daliri niyang dinampot iyon sa kanyang bag. Mga sampung minuto pa lang ang lumipas mula nang huli silang nag-usap at ngayo’y tumatawag na naman ito. “Hello!” naiinis niyang sagot. “Asan ka na?” “Andito na ako! Ikaw asan ka?” “Andito ka sa loob?” “Hindi! Dito sa labas!” “Pasok ka na dito. Table nine ako.”

Page 19: The Promise

“Che! Ikaw ang lumabas dito kung gusto mo!” “Ang sungit nito. Sige na, lalabas na ako—” Hindi na niya tinapos pakinggan ang sinasabi nito at pinatay na niya ang cellphone. Nakakainis na talaga ang kakulitan nito. “Hayaan mo siyang maghanap,” bulong niya sa sarili. Bumukas ang glass door. Isang lalaki at isang babae ang sabay na lumabas. Hindi iyon ang hinahanap niya dahil sigurado siyang magsyota ang dalawang iyon. May tatlong kalalakihan pa ang sumunod. Tinignan niya isa-isa ang mga iyon ngunit wala sa mga ito ang kanyang hinahanap. Marahil ay gusto pa nitong magpa-importante. Magmatigasan sila kung ganun. Hinahaplos niya ang basa pa rin niyang buhok ng bigla siyang mabangga ng isang matangkad na binata. “Oh, sorry Miss!” agad nitong paumanhin. Napatingala si Julia, at ng makita ang binata ay ngumiti siya. “Okey lang.” Magkatabi silang tumayo doon, at sa loob-loob ni Julia ay para siyang kinikilig. Hindi niya inakalang makakakita siya ng guwapo doon. Patingin-tingin ang lalaki sa paligid ngunit hindi man lang ito tumingin sa kanya. Lihim niya itong pinagmasdan. Wavy ang buhok nito na lalo

Page 20: The Promise

pang gumaganda kapag nililipad ng malakas na hangin na dala ng ulan. Matangos ang ilong nito at may kapulaan ang mga labi. Ngunit ang pinakamaganda nitong asset ay ang mga malalalim nitong mga mata na kahit siguro sinumang babaeng makakita ay siguradong lilingunin itong muli. Kung tangkad ang usapan ay dehadong mas matangkad ito kumpara kina Benedict at Jasper, at maganda pa ang pangangatawan. Kung ito ang magiging boyfriend niya’y siguradong maiinggit sa kanya sina Lucy at Claire. Napansin niyang may hawak itong celphone at para bang may hinahanap. Kaya siguro hindi siya nito pinapansin dahil hinihintay siguro nito ang kasintahan. Ngunit hindi siya basta sumuko. Naisip niyang ilabas din ang kanyang celphone upang kapag nakita ito ng lalaki ay marahil tanungin nito ang kanyang number. Kunwari ay binabasa niya ang kanyang text message kahit wala naman, ngunit sa kanyang pagkadismaya’y ni hindi man lang siya nito sinulyapan. Siguro nga talaga’y may girlfriend na ito. Biglang nag-ring ang kanyang phone. Isa pa itong distorbong ito. Kung sabagay ay baka sa ganoong paraan niya makukuha ang atensyon ng manhid na ito. “Hello?” Malakas at plastic ang kabaitan ng kanyang boses. Hindi naman niya maaaring sungitan ito dahil baka maging masama pa ang

Page 21: The Promise

impression sa kanya ng katabi niya. Naririnig niya ang ingay sa paligid, ngunit walang sumasagot. “Hello? Asan ka?” Nang hindi pa rin ito sumagot ay nagtaas na siya ng boses. Wala na siyang pakialam kung madismaya sa kanya ang binata. “Hoy! Naririnig mo ba ako? Sumagot ka naman! Kung ayaw mo, uuwi na lang a—” “Ikaw?” Bigla siyang napatingin sa pinanggalingan ng boses. Ilang sandali silang nagtitigan. Sa gulat ay napaatras siya. “I-ikaw?!” Maging ang lalaki ay ilang segundong hindi nakapagsalita, at saka nito ibinaba ang celphone. Hindi rin nito maalis ang tingin sa kanya. Halos sigurado niyang nagagandahan ito sa kanya. “Kaya naman pala ang sungit mo. Ganyan pala ang kilay mo.” “Ang yabang nito!” halos sigawan niya ang lalaki. “Ikaw nga diyan mukha kang kap—” “Oy!” Pinutol ng lalaki ang kanyang pananalita bago pa niya makumpleto. “Nagpagupit na ako. Hindi na ako mukhang kapre.” Natameme si Julia habang tinititigan ang bagong mukha nito. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala na ito yung halimaw na tinulungan niya nung nakaraang gabi. “Nagmukha ka ring tao ah.”

Page 22: The Promise

“Baka gusto mo ahitin ko yang kilay mo para mabawasan yang katarayan mo. Maganda ka sana kung hindi ganyan katulis ‘yan eh.” “Hoy!” Nagalit na si Julia. “Tumataas lang ‘yan kapag nakikipag-usap ako sa mga katulad mo! Gusto mo bang umuwi na lang ako?!” “O, sorry na.” Agad na sumuko ang lalaki. “Asan na yung bracelet ko?” “Yung pera muna.” Tumingin ito sa glass door ng restaurant. “Mabuti siguro sa loob na tayo. Baka maholdap tayo dito.” Walang reklamong sinundan ni Julia ang lalaki papasok ng restaurant. Kagabi pa niya ito nakita at kanina pa niya inaaway ngunit hindi pa pala niya alam ang pangalan nito. Nagtaka siya ng bigla itong huminto sa paglalakad. Nakatingin ito sa dalawang taong nakaupo sa middle table. “Excuse me,” anito sa isang lumapit na waiter. “I think I reserved that table over there.” “Ah, pasensya na po kayo Sir. Akala po kasi namin umalis na kayo.” “But I want that table.”

Page 23: The Promise

“Hayaan mo na,” ani Julia. “Marami pa namang vacant eh.” “No.” Hindi ito pumayag. “I reserved that table.” “Sige po Sir,” mapakumbabang wika ng waiter. “Kakausapin ko lang po sila.” Pinanood ni Julia ang pangyayari. Hindi niya maunawaan kung bakit kailangang doon sila umupo. Hindi naman nagalit ang dalawang babaeng nakaupo doon at tahimik na lumipat sa katabing mesa. “O, asan na yung bracelet?” agad na tanong ng lalaki pag-upung pag-upo pa lang nila. “Ipakita mo muna sa akin yung pera.” Tinanong ng waiter ang kanilang order. Ni hindi man lang siya tinanong ng torpe kung ano ang gusto niya. Basta nag-order na lamang ito ng hindi niya alam. “Oo nga pala,” anito ng umalis na ang waiter at dinukot ang wallet sa bulsa. “Yung wallet ko kagabi, ba’t nawawala? Pati yung cellphone ko?” “Hindi po ako ang kumuha,” supladang sagot ni Julia. “Eh nasaan?”

Page 24: The Promise

“Yung cellphone, di ko alam. Pero yung wallet, dinukot ng isang mama na hindi ko kilala sa estasyon. Kung ba’t kasi sasakay ka sa MRT na lasing at walang kasama.” Huminga ng malalim ang lalaki. “Kahit sana kunin yung pera, basta’t ibalik nila yung wallet.” “Bakit? May importante ba dun?” “Hahanapin ko ba kung wala?” “Ano ba ‘yun?” “Wala ka nang pakialam dun.” Nagsalubong ang matataray na mga kilay ni Julia. Magagalit na sana siya ng biglang ilatag nito ang dalawang libong piso sa harapan niya. “Ayan, two thousand. Now where’s my bracelet?” Hindi na nagbitiw ni anumang salita si Julia. Binuksan niya ang kanyang bag at ilalatag na sana sa mesa ang bracelet ng naisip niyang muli itong isahan. “Sandali, ‘yang two thousand na ‘yan eh bayad lang sa motel. Iba pa yung bayad ko sa lalaking bumuhat sa’yo.” Gumulong ang mga mata ng lalaki. Parang nalalaman nitong pinagkakakitahan na niya ito. “Magkano bang binayad mo?” “Three hundred.”

Page 25: The Promise

“Ano!?” gulat na nasambit ng lalaki. “Sobra naman ‘yan.” “Anong sobra? Sa laki mong ‘yan sa palagay mo ba madali?” Hindi na nagreklamo ang lalaki at naglabas ng limang daan. “Oops, hindi lang iisa. Dalawa sila. Three hundred pesos each.” “Dalawa!” Parang hindi na talaga naniniwala ang lalaki ngunit para matapos na ay naglabas pa rin ito ng isa pang limang daan. “O, ayan. three thousand pesos lahat. Tama na siguro ‘yan. Wala na akong cash.” Napangiti si Julia at ibinaba na rin ang bracelet sa mesa. Kuntentong-kuntento na siya sa tatlong libo. Pinulot iyon ng lalaki at dinampot din niya ang pera. Malaki-laki rin ang kinita niya sa taong ito. Para siyang nakokonsensya ngunit hindi siya nagpagapi. Mukhang mayaman naman ito kaya siguro’y barya lamang nito ang tatlong libo. “Pera lang pala ang makakapagpangiti sa’yo,” anang lalaki habang isinusuot ang bracelet. “Anong akala mo sa akin, mukhang pera?” depensa niya, kahit totoo. “Binawi ko lang po yung ginastos ko sa’yo. Dapat nga may bayad pa ako eh.”

Page 26: The Promise

“Puwedeng ilibre na lang kita? Wala na talaga akong cash eh.” Muling napangiti si Julia. “Sige, puwede na rin.” Nagkaroon ng kaunting katahimikan, at ng mapatingin siya sa binata ay nakita niya itong nakatitig sa kanya. “Bakit? Nagagandahan ka sa akin?” Napangiti ang lalaki sa kapilyahan niya. “Pareho talaga kayo ng ugali… Kamukha pa.” “Nino?” “Wala.” Tumaas ang kilay ni Julia. “Ibaba mo nga yang kilay mo. Nasisira’ng beauty mo.” Hindi malaman ni Julia kung mafa-flatter ba siya o maiinis. “Ba’t ka nga pala nagpagupit?” “Paano kasi, tinawag mo akong kapre. Na-conscious tuloy ako.” Natawa si Julia. “Talaga naman kasing mukha kang kapre kagabi ah.” “Sobra ka naman. Wala nga akong maalala eh.”

Page 27: The Promise

Sa totoo lang, parang nabibihag si Julia sa ningning ng mga mata nito ngunit hindi niya iyon pinahalata. “Ba’t nga pala ganun na lang kaimportante sa’yo yang bracelet na ‘yan?” Tinitigan ng binata ang bracelet bago nagsalita. “May sentimental value kasi ito sa akin. Kaya pasensya ka na kung kinulit-kulit kita. Natakot kasi ako na baka mawala ko ito.” Nagkibit-balikat si Julia. “Kung alam ko lang di sana yang relo mo na lang ang kinuha ko.” “Siguro kung itong relo ang kinuha mo, hindi na kita hinabol pa.” “Ganun? Di ba mahal ‘yan?” “Di naman ‘yun ang importante eh. Kasi itong relong ito, napanalunan ko sa sugal. Pero itong bracelet, niregalo” “Aaah. Sayang pala ‘no. May rolex na sana ako ngayon.” “Pero mas mabuti na rin siguro ‘yun. Dahil kung hindi mo kinuha ang bracelet, hindi sana tayo nagkakilala.” Hindi napigilan ni Julia na mapangiti. Marunong din pala itong manuyo. Buong akala niya’y bastos at mayabang ito.

Page 28: The Promise

“Ano nga palang pangalan mo?” tanong ng binata. “Ikaw muna.” Muling nangiti ito. “I’m Leandro.” “Julia,” sagot niya at kinamayan ang binata. Nagtaka si Julia nang mapansin niyang biglang nanahimik si Leandro. Parang may naalala itong isang mapait na pangyayari. “Hoy, andyan na order natin.” “Ah?” gulat na nag-react si Leandro. Pupunain sana ni Julia ngunit nanahimik siya ng ilatag ang kanilang order sa mesa. Napangiwi siya ng makita ang inorder nito, ang pagkaing pinakaayaw niya sa lahat. “Ba’t palabok?” “Masarap ‘yan. Subukan mo.” “Yuck! Amoy pa lang niyan nasususka na ako eh. Ba’t ‘yan ang inorder mo?” Napawi ang ngiti ni Leandro. “Ayaw mo ba? Sasama ang loob ko kapag di mo kinain ‘yan.” “Puwede bang itong coleslaw na lang?” “Mamaya na ‘yan. Kainin mo muna yang palabok, para pagkatapos nito punta tayo sa bar.”

Page 29: The Promise

“Di ako mahilig pumunta sa—” Pinigilan ni Julia ang bunganga. Hindi niya dapat ito tanggihan. Dahil kung pupunta sila sa bar, ibig sabihin ay may balak na naman itong maglasing. At kapag nalasing ito, may kikitain na naman siya kinabukasan. “Sige. Sabi mo yan ha?” “Basta kumain ka.” “Sure,” nakangiti niyang sagot at kahit labag sa kagustuhan ng kanyang sikmura ay pilit niyang kinain ang pagkaing kinasusuklaman niya. *** “Wow! Sosyal itong bar na ‘to ha, at may banda pa,” puna ni Julia habang nililingon ang paligid ng bar na pinagdalhan sa kanya ni Leandro. “Oo naman. Karamihan ng mga pumupunta dito mga businessmen.” “Ganun ba? Kung alam ko lang sana nag-formal din ako.” Pinagmasdan siya ni Leandro. “Para sa akin mas maganda kung casual. Para kahit saan tayo magpunta, okey lang.” “Kung sabagay,” sang-ayon ni Julia. Hindi naman masama kung nakasuot siya ng miniskirt at fitted na blouse dahil maganda naman ang hubog

Page 30: The Promise

ng kanyang katawan. Hindi man kagandahan ang kanyang legs pero hindi naman yung tipong tinatawanan. Dumating ang waiter at ibinaba ang isang mahabang bote ng wine sa mesa. “Kaya mong ubusin ‘yan?” Nakangiting binuksan ni Leandro ang bote. “Uubusin natin ‘to.” Nang malagyan nito ang dalawang wine glass ay iniabot sa kanya ang isa. “For our acquaintace.” Sinadya ni Julia na unti-untihin ang iniinom. Hindi siya dapat malasing dahil may masama siyang balak. Sa isang sulok ng kanyang isipan ay parang may tumatawag sa kanyang demonyo, pero di niya iyon pinansin. Ang mahalaga’y malasing niya ang lalaking ito. Matapos ang limang tagay ay mukhang naapektuhan na nga si Leandro. Mas madali pala itong malasing kaysa sa inakala niya. Nakarinig siya ng mga taong malakas na nag-uusap sa kanyang likuran. Nang lingunin niya’y dalawang babae na nasa edad thirty at dalawang binatilyo ang kanyang nakita. Sigurado siya, sa pananamit palang ay alam na niya kung ano’ng trabaho ng mga ito, at ang dalawang lalaki, parang wala pa sa eighteen. Hindi na niya ito pinansin, ngunit sa lakas ng boses ng dalawang babae ay narinig niyang nagkakapresyohan na ang mga ito. Kahit alam

Page 31: The Promise

niyang minor ang dalawang lalaki ay ayaw sana niyang makialam, ngunit si Leandro ang biglang tumayo. “Hoy! Kayo!” asik niya sa mga batang lalaki. “Ilang taon na kayo?” Tumayo si Julia at tinabihan si Leandro upang pigilan ito kung sakaling manggulo. Napansin niya ang dalawang batang natakot sa tanong nito. “Huwag ka ngang makialam!” Ang isang babae ang sumagot. “You shut up!” Dinuro ni Leandro ang mukha ng babae. “I’m not talking to you.” “Pssst, Leandro upo ka nga.” Hindi siya pinansin ni Leandro at muling hinarap ang mga bata. “Kayo, kung hindi pa kayo uuwi, tatawag ako ng pulis para arestuhin kayo, kasama yang dalawang gurang na yan.” Napamulagat ang dalawang babae sa inusltong natanggap. Akala ni Julia ay masasampal sa mukha si Leandro, ngunit marahil ay natakot din ang mga ito kaya nanahimik na lamang. “Ano, di pa kayo uuwi?” Mabilis na tumayo ang dalawang binatilyo at mabilis ding lumabas. Sa inis naman ng

Page 32: The Promise

dalawang babae ay inayos na ng mga ito ang mga gamit. “Pakialamero!” mukmok ng isa sa mga babae bago nilisan ang mesa. Tumatawa namang bumalik si Leandro sa upuan. “Ikaw talaga kung anu-anong pinapakialaman mo,” ani Julia na umupo rin sa tapat nito. Nagpasalamat siya’t hindi iyon nakapagdulot ng gulo. Tumigil sa pagtawa si Leandro ng mapansin nito ang puno pa rin niyang baso. “You’re not drinking your wine, Julie. Ayaw mo ba?” Saglit na nagtaka si Julia kung bakit siya nito tinawag na Julie, pero agad din niya iyong binalewala. Marami talagang tumatawag sa kanya sa ganoong pangalan. Mas modern daw kasing pakinggan. “No, it’s good. Hindi lang kasi talaga ako gaanong umiinom. At saka, sa lagay mong ‘yan, baka di mo uli kayaning mag-isa.” “Oh, yes,” sang-ayon ni Leandro. “And by the way, kung dadalhin mo ako sa motel, puwede ba yung may class naman? Hindi mo ba alam na kagat ng surot ang gumising sa akin kanina?” Gumulong pataas ang mga mata ni Julia. Kahit ano pang sabihin nito, kung saan malapit doon niya ito dadalhin. At hindi na ang bracelet ang kukunin niya kundi ang relo. Kung totoo ang sinabi nito na hindi nito hahabulin ang relo ay masuwerte siya.

Page 33: The Promise

Chapter 4 Halos pabagsak na ibinaba ni Julia ang kanyang wallet sa ibabaw ng kanyang mesa. Limang daan na lamang ang natitira niyang pera, at ang tatlong libong ibinayad sa kanya ni Leandro. Akala niya’y makakapagtabi siya ng savings sa buwan na ito ngunit tumawag ang kanyang ina at umuutang ng sampung libo para sa enrollment ng nakababata niyang kapatid na kumukuha ng computer science. Huminga siya ng malalim. Mabuti pa ang kapatid niyang si Joshua at pinag-aral sa isang high standard na university, samantalang siya’y sa isang di-kilalang center nagtapos ng psychology. Kaya kahit nag-graduate siyang Dean’s Lister ay nahirapan siyang makahanap ng trabaho dahil laos daw ang pinanggalingan niyang paaralan. Sinuwerte lamang siyang nakapasok sa paper company na ito dahil nagkataong kakilala ng kanyang ama ang dating HR manager. Sa ngayon, kahit tatlong taon na siyang namamasukan doon ay wala pa sa walong libo ang tinatanggap niya sa isang buwan kung ikakaltas ang lahat ng kanyang mga deductions.

Page 34: The Promise

Dati-rati ay nagpapadala pa siya sa probinsya ng tatlong libo kada buwan para pang-allowance ni Joshua, ngunit nung nakaraang taon ay nakapag-abroad ang kanyang ama kaya’t sinabihan siyang mag-ipon na lamang. Dahil magaling siyang magtipid ay halos kumpleto na ang mga appliances niya sa apartment, ngunit kung savings ang usapan, walang-wala siya nun. Kaya niya sanang ibigay ang hinihiling ng kanyang mommy ngunit biglaan kasi ang pagtawag nito kaya hindi niya napaghandaan. Nagkaproblema daw ang kompanyang pinapasukan ng kanyang ama sa Saudi kaya na-delay ang pagpapadala nito ng pera. Iniligpit niya ang kanyang mga gamit at nagtungo sa opisina ni Lucy. Alam kasi niyang gastador si Claire kaya siguradong wala na itong pera. “Ay!” Nagulat siya ng halos mabangga niya si Lucy na papalabas na rin ng pinto. “O, buti naman di ka na naman nag-overtime.” Bumuntung-hininga si Julia. “Hindi na muna kasi may dapat akong asikasuhin.” “Ano yun?” tanong ni Lucy habang sila’y naglalakad palabas ng building. “May date ka siguro ano?”

Page 35: The Promise

“Hindi no. Kailangan ko lang magpadala ng pera sa probinsya. Late na kasi sa enrollment yung kapatid ko.” Humarap sa kanya si Lucy. “Bakit? Akala ko ba father mo ang nagpapa-aral sa kapatid mo?” “Oo, pero nagkaproblema raw. Tumawag sa akin si mommy kanina umuutang ng ten K.” “Ano?” Napamulagat si Lucy. “Saan ka naman kukuha nun?” “Yun nga eh. Uutang nga sana ako sa’yo ng kahit two thousand. Three thousand lang kasi pera ko dito. Puwede na siguro yung five K, bahala na sila sa kulang.” “Hay naku! Kung sinabi mo sana ng mas maaga. Naunahan ka na ni Claire kanina. Umutang siya sa akin ng two five.” “Ha!?” Nanlumo si Julia. “Talaga itong si Claire kung saan-saan ginagastos ang pera. Asan na siya?” “Nauna na. Magkikita raw sila ni Benedict.” Sa kawalan ng pag-asa’y bumuntung-hininga na lamang siya. “Ah, alam ko na!” Nakaisip ng paraan si Lucy. “Magkikita kami ni Jasper mamaya. Subukan ko na lang siyang utangan.”

Page 36: The Promise

“Huwag! Nakakahiya!” agad na salungat ni Julia. “Ano’ng nakakahiya? Kaso…” Biglang nagbago ang reaksyon ni Lucy. “Baka wala ring pera ‘yun. Alam mo naman, pinaghahandaan na niya yung kasal namin. Baka in two months daw ikakasal na kami.” Nangiti si Julia sa kinikilig na expression ni Lucy. “Ambilis ah.” “Teka sandali.” Nakaisip na naman ng ibang paraan si Lucy. “Di ba may binigay sa’yong necklace si Leandro?” Biglang natigil sa paglalakad si Julia ng maunawaan niya ang ibig sabihin ni Lucy. “Oo nga ‘no,” aniya at mabilis na inilabas ang kuwintas sa bag. “Pero tunay kaya ito?” Inagaw ni Lucy ang kuwintas para kilatisin. “Sa tingin ko oo. Di naman siguro magbibigay ng peke yun. Di ba rich siya?” Pilit ang ngiti ni Julia. Muntik na niyang nakalimutan na pinagkunwari nga pala niyang mayaman si Leandro. “Kailan ba uli kayo magkikita?” “Ah, eh…” Hindi alam ni Julia ang sasabihin. “Ewan ko. Huling nagkita kami nung magkakasama tayo.”

Page 37: The Promise

Nagsalubong ang kilay ni Lucy. “Halos three weeks ago na yun ah.” Napakagat si Julia sa labi. Ewan ba niya kung bakit niya inamin ang totoo, subalit mula talaga ng gabing binigyan siya ng kuwintas ni Leandro ay hindi na ito muling tumawag. Parang gusto na niyang magtapat sa kaibigan na hindi talaga siya nililigawan ng binata ngunit natatakot siyang mapahiya. Nahihirapan na kasi siyang gumawa ng rason sa tuwing tinatanong siya ng mga ito. “Busy lang siguro, pero tumatawag naman siya paminsan-minsan.” “Good,” ani Lucy na agad namang naniwala. “Huwag ka na munang makikipagkita sa kanya. Baka hanapin niya itong kuwintas. Isanla mo muna ito.” “Paano kung bigla siyang nagpakita tapos tanungin niya ako?” “Sabihin mo iniwan mo sa bahay dahil natatakot kang ma-snatch yun. Problema ba yun?” Napakamot si Julia sa leeg. Ang totoong suliranin niya’y baka peke ang kuwintas na iyon at mapahiya pa siya sa pawnshop. Hindi naman niya iyon masabi kay Lucy. “Ano? Tara?” Walang nagawa si Julia kundi sundan si Lucy. Dumiretso sila sa kalapit na mall kung saan

Page 38: The Promise

may pawnshop. Walang kamalay-malay ang kanyang kaibigan sa tindi ng kaba niya ng ipakita nito ang kuwintas sa teller. Kung sakaling peke nga ang kuwintas ay baka mahimatay pa siya sa hiya. “Nine thousand.” Gulat na nagkatinginan ang magkaibigan. Hindi nila akalaing ganun pala kamahal ang halaga ng kuwintas na iyon. “Okey, sige,” ani Lucy sa teller. Nakahinga ng maluwag si Julia. Laking pasasalamat niya’t nailayo siya sa kahihiyan, at kumpleto na rin ang tuition ni Joshua. Subalit nagtataka pa rin siya kung bakit kaya siya binigyan ni Leandro ng ganun kamahal na kuwintas. Kung totoong hindi ito mayaman, saan kaya nito kinuha ang pinambili doon. “Sarado na ang bangko ngayon. Mag door to door ka na lang,” ani Lucy nang matapos na ang transaction. “O sige. Pero saan?” “Alam mo yung pakanang kalye mula sa office natin? Doon may nakita akong door to door delivery. Mabuti siguro lakarin mo na lang, kesa makipagsiksikan ka pa sa jeep tapos traffic pa.” “Magtaxi na lang tayo. Samahan mo ako.”

Page 39: The Promise

“Hay naku! Pasensya ka na sis, pero ito may text sa akin si Jasper. Parating na raw siya.” “Saan kayo magkikita?” Hihintayin ko na lang siya dito. Pagod na akong maglakad eh. Puwede ka naming ihatid kaso baka matagalan siya, masarhan ka pa.” “Okey. Sige.” Nagpaalam na si Julia kay Lucy. Nag-taxi na lamang siya dahil baka nga totoong masarhan siya. Madali naman niyang nahanapan ang lugar at husto namang siya ang pinakahuling customer. Nakahinga siya ng maluwag ng matapos ang transaction. Sa wakas ay wala na siyang problema. Bigla siyang nakaramdam ng gutom. Mag-aalas-sais na nga ng gabi, at hindi pa siya nagmeryenda nung breaktime sa office. May nakita siyang katabing restaurant at iyon na agad ang kanyang tinungo. May pera pa naman siya kaya wala siyang dapat ipag-alala kung mahal man iyon. Papasok na sana siya ng pinto ng husto namang may papalabas na isang lalaki. Nagkabangaan sila at nauntog ang ilong niya sa balikat nito. “Aray!!!” “Oops, sorry miss!”

Page 40: The Promise

Napatingala si Julia sa familiar na boses. Pareho silang nagulat ng makilala nila ang isa’t-isa. Para bang nananadya ang pagkakataong magkita silang muli doon. “Julie! Anong ginagawa mo dito?” nasorpresang tanong ni Leandro. Hindi kaagad nakasagot si Julia. “…K-kakain. Ikaw, tapos ka na?” “Hindi. Kinausap ko lang yung pinsan ko. Siyang may-ari nito.” “Talaga?” Julia almost couldn’t believe it. “Mayaman siya ah. Ba’t ikaw hindi?” “Hindi ako sinuwerte eh. Masipag kasi siya kaya pinamanahan. Saan ka galing?” “Diyan sa kabila. Nagpadala ako ng pera sa kapatid ko.” “May kapatid ka pala.” “Oo naman. Dalawang lalaki. Yung isa college, at yung isa fourth year high school. Ikaw? May kapatid ka rin?” “May ate ako, pero nasa states. Kagagaling ko nga doon eh. Ikinasal siya nung Saturday.” Napatingin si Julia kay Leandro. Kaya pala ito ganun kagalante dahil may kapatid pala ito sa abroad. “Ah, kaya pala di ka man lang tuma—.”

Page 41: The Promise

Agad niyang tinikom ang kanyang bibig. Wala naman siyang karapatang singilin ito kahit di man siya nito tinawagan ng kahit isang taon. “Pasensya ka na ha,” ani Leandro. “Biglaan kasi ang pagpunta namin doon. Tatawagan sana kita kaso baka magtaka ka kung bakit kailangan kong sabihin sa’yo. Mahirap nang mapahiya.” Nangiti lang si Julia. Kung sabagay ay tama ang sinabi nito. Marahil ay magtataka siguro siya kung bakit kailangan nitong magpaalam sa kanya, dahil wala naman silang relasyon at di pa naman sila gaanong magkakilala. “May pupuntahan ka?” Umiling si Julia. “Wala. Kakain sana ako dito.” “Huwag ka diyan kumain. Hindi masarap ang luto nila diyan.” Nagtaka si Julia kung bakit nilalait nito ang restaurant ng pinsan. Hindi rin niya matukoy kung seryoso o nagbibiro lang ito. “Bili na lang tayo sa fastfood, tapos kain tayo sa park.” “Sa park?” “Oo, masaya doon. Gutom na rin ako eh.” ***

Page 42: The Promise

“Ano namang naisip mo’t dito tayo sa park pumunta eh gabi na?” tanong ni Julia bago kumagat sa burger. Nakaupo sila noon sa damuhan at katatapos lang niyang kainin ang dalawang pirasong fried chicken. “Wala lang,” sagot ni Leandro. Sa ningning ng mga mata nitong nakatingin sa kalawakan ay halatang may binabalikan itong alaala ng nakaraan. Nangiti si Julia. “Siguro dito kayo nagde-date ng girlfriend mo noon ano?” Nangiti rin si Leandro at hinarap ang dalaga. “Wala na yun.” “Uuy! Umamin din,” tukso niya, ngunit sa loob-loob niya’y parang may kumurot sa kanyang puso. “Ba’t kayo nag-break?” Malungkot ang naging ngiti ni Leandro. “Siyang nang-iwan eh.” “Bakit?” Tinitigan siya sandali ni Leandro. “Ikaw talaga kung anu-anong tinatanong mo. Wala na yun, tapos na.” “Parang hurt ka pa rin eh.”

Page 43: The Promise

“Kumain ka na nga lang.” Ibinaba ni Julia ang nakalahating burger at pinulot ang extra large na softdrinks. “Ba’t ikaw? Ayaw mong kumain? Akala ko ba gutom ka?” Nagtaka siya ng hindi sumagot si Leandro. Nang tingnan niya ito’y napansin niya ang kakaibang titig nito sa kanya. “Bakit?” Ilang sandali bago sumagot si Leandro. “Ayaw mo ba nung necklace?” Napahawak si Julia sa kanyang leeg. Sabi na nga ba’t hahanapin iyon ni Leandro. Naalala niya ang payo ni Lucy. “Ah, iniwan ko sa apartment. Baka kasi ma-snatch, sayang naman.” Tumango si Leandro. Mukhang naniwala naman ito sa sinabi niya. Pagkakataon niya iyong ibahin ang usapan. “Ayaw mong kumain, di ba? Akin na itong chicken mo.” Nangisi lang si Leandro ng pulutin niya ang pagkain. “Ang takaw mo naman.” “Paano, pinaglakad mo ako ng pagkalayu-layo. Alam mo namang pagod ako.” “Tirhan mo naman ako ng isang chicken.” “Ba’t yang palabok, ayaw mo?” “Sa’yo yan.”

Page 44: The Promise

“Yuck!” napangiwi siya. “Sabi ko naman sa’yo ayaw ko niyan eh. Kainin mo kung gusto mo.” Sumimangot si Leandro, ngunit agad rin itong nakalimot ng may maalala. “Ay, oo nga pala. Birthday ko pala sa Sunday. Mag-date tayong dalawa ha.” Nasorpresa si Julia. Hindi iyon isang request kundi isang utos. “Saan tayo pupunta?” “Siyempre, sa Enchanted Kingdom.” “Ha!!!” napahiyaw si Julia. “Ang layo kaya!” “Sunday naman eh.” “…S-sige,” sang-ayon niya makaraan ang ilang sandaling pag-iisip. “Pero hanggang twelve lang ako ha. May pasok ako ng Monday.” “Mag-rent ka kaya ng kotse, tapos sunduin mo ako.” Napanganga si Julia at ibinaba ang kinakain. “Teka, ikaw ang lalaki. Dapat ako ang sunduin mo.” “Para naman maiba.” “Hay naku! Imposible ‘yan.” “Bakit?”

Page 45: The Promise

“Wala akong pambayad sa kotse.” “Ako’ng bahala dun.” “Kahit na. Hindi rin ako marunong mag-drive.” Nanahimik si Leandro ng ilang saglit. “Sige, kahit taxi na lang.” “Panundo ka sa’yo?” “Oo.” Natawa si Julia. “Ikaw talaga kung anu-anong iniisip mo. Sige na nga kung ‘yan ang gusto mo.” “Ayan!” Sa tuwa ay nagsimula na ring kainin ni Leandro ang fries. “Tapos gusto ko, gawan mo ako ng chocolate cake.” “Ano? Cake? Bilhan na lang kita.” Tinignan siya ng matalim ni Leandro. “Cake lang naman eh. Madali namang gawin yun. Wala ka bang oven?” “Meron, pero di ko pa nasusubukang gumawa ng cake. Bigyan na lang kita ng ibang gift.” Sumimangot na parang bata si Leandro. “Cake lang eh di mo pa ako mapagbigyan. Kahit yung maliit lang.”

Page 46: The Promise

“O, sige na kung ‘yan ang gusto mo,” ani Julia ng napansin ang pagtatampo ni Leandro. “Pero huwag kang magreklamo kung hindi masarap ah.” “Hinding-hindi!” Muling sumigla si Leandro. “Mamaya pala daan tayo sa mall bago magsara. May bibilhin ako para sa’yo.” Nangiti si Julia. Isang rason kung bakit gustung-gusto niyang sumasama dito ay libre na nga siya sa pagkain, binibilhan pa siya ng luho. “Julia?” Napalingon si Julia sa babaeng tumawag ng kanyang pangalan. Kahit madilim ay nakilala niya si Cynthia na office mate niya. “Ay, hello!” Tumayo siya para batiin ang bagong dating. “Namamasyal kayo?” “Obvious ba?” sagot ni Cynthia na kaakbay ang boyfriend. “Si Roger pala, papa ko.” Kinamayan ni Julia ang mahiyaing lalaki na ngumiti lang sa kanya. “Ganda ng puwesto niyo dito ah,” puna ni Cynthia at noon niya nakita ang nakaupong binata sa damo. “Boyfriend mo?”

Page 47: The Promise

Nilingon ni Julia si Leandro na tahimik lamang na nakikinig sa kanila. “Hindi. Kaibigan ko, si Leandro.” “Owww?” Hindi naniwala si Cynthia. “Ikaw may sikreto ka pala ha. Sabi mo wala ka pang boyfriend.” “Hindi talaga!” natawa si Julia. “Ay, Leandro. Come meet my office mate, si Cynthia.” Tumayo si Leandro at kinamayan si Cynthia, pati na rin ang boyfriend nito. Nagkaroon ng tuksuhan at tanungan. Makaraan ang ilang sandali ay nagpaalam na rin ang dalawa. “Kaibigan lang pala ah.” Napalingon si Julia kay Leandro. Parang masama ang loob nito sa kanya. “Bakit?” “Ilang beses na tayong nag-date tapos sasabihin mong kaibigan mo lang ako?” Tulala si Julia. Nalilito siya sa sinasabi nito. “Eh, ano tayo?” “Di ba boyfriend mo na ako, girlfriend din kita.” “Ni hindi ka pa nga nanliligaw eh.” “Di ba MU tayo?” “Anong MU?”

Page 48: The Promise

“Ayaw mo yata eh.” Nagtampong muli si Leandro. “Kung ganun uwi na lang ako. Hindi na ako magpapakita sa’yo.” Naiinis man si Julia ngunit sinakyan na lamang niya ito. “O, sige na. Boyfriend na kita. Sorry.” Ngumiti si Leandro at niyakap ang dalaga. Hindi naman tumanggi si Julia dahil nga boyfriend na pala niya ito. Pero kung sabagay ay mabuti na rin ito para hindi na niya kailangang magsinungaling sa mga kaibigan niya. Hindi rin naman masama kung maging boyfriend niya ang lalaking ito dahil guwapo naman ito at galante. Yun nga lang ay baka balang araw ay malaman nina Lucy na hindi totoong mayaman itong pinagyayabang niya. “ Amoy araw itong buhok mo.” Bigla niyang itinulak si Leandro. “Ayan ka na naman ah,” aniya dito at binalikan na lamang ang kanyang pagkain, habang ang binata’y tumatawang parang baliw. Napahiya siya dahil totoo talagang amoy araw na siya sa maghapong trabaho at paglalakad. Chapter 5

Page 49: The Promise

“Ampait naman nito. Nasobrahan yata ng cocoa,” reklamo ni Julia matapos tikman ang cake na ginawa ni Claire. Tinawag niya ang dalawa niyang kaibigan sa kanyang apartment para lamang tulungan siya sa request ni Leandro. “Mas okey naman yan kaysa yung ginawa mo kanina na hindi man lang umalsa,” ganti naman ni Claire. “Itong sa’yo sobra sa alsa.” “Ganyan naman talaga ang cake, gaga,” tumatawang sagot Claire. “Ba’t ba kasi cake pa ang gusto ng boyfriend mo? Kaartehan na ‘yan ha. Kung ako ikaw sapakin ko yung lokong yun.” “Hoy, mga bruha! Buksan niyo itong pinto!” Natahimik silang dalawa. Boses iyon ni Lucy. Pinabili nila ito kanina ng itlog na gagawing icing. Agad lumabas ng kusina si Claire para pagbuksan ito. “Nakabili ka?” tanong ni Julia pagpasok ng mga ito. “Ayan.” Isang kahon ang inilatag ni Lucy sa mesa. “Ready made na ‘yan, at nang di pa kayo maghirap sa paggawa. Pinapalitan ko pa ang box niyan para di halatang nabili.” Nagkatinginan sina Claire at Julia, saka binuksan ng huli ang kahon. Isang maliit at bilog

Page 50: The Promise

na chocolate cake ang kanyang nakita. Hindi na siya nagsalita dahil mukhang maganda nga iyon at katakam-takam. “Iyan na lang ibigay mo,” ani Claire. “Hindi naman siguro niya malalamang nabili yan.” Tumango si Julia. “At saka pagod na rin ako. Puwede na ito. Kaysa naman gumawa pa tayo baka gabi na natin matapos.” “O, di ba?” Nagpabida si Lucy. “Pasalamat kayo sa akin ginagamit ko ang utak ko. Baka hindi niyo alam kung ano’ng oras na?” Napatingin ang dalawa sa orasan, at saka tumili si Julia. “Diyos ko! Alas-tres na! Late na ako!” At nagtatakbo siyang pumunta ng banyo habang ang dalawa niyang kasama ay natatawa sa kanyang pagkataranta. *** Lampas na ang alas-kuwatro ng marating ni Julia ang number 158 na bahay sa isang malayong subdivision. Agad siyang lumabas ng taxi upang tawagin ang binata ngunit laking gulat niya ng makitang mansion pala sa laki ang nasa likuran ng mataas na gate. Nagduda tuloy siya kung iyon nga talaga ang hinahanap niyang bahay. Nanginginig ang mga kamay niyang pinindot ang doorbell. Ipinagdasal niyang sana’y

Page 51: The Promise

tama ang ibinigay ni Leandro na numero at direksyon ng bahay nito. “Hi Julie!” Kahit medyo gulat siya ay nakahinga siya ng maluwag ng lumabas ang binata. Totoo ngang ito ang tahanan ni Leandro. Humalik ito sa kanyang pisngi. “Special talaga ako. Sinusundo ng girl.” Kung sa ibang pagkakataon ay ikapipikon niya iyon, ngunit sa sandaling iyon ay nasa state of shock pa rin siya sa nakitang laki ng bahay. “L-leandro?” “Hmm?” “Bahay niyo talaga ‘yan?” Tinignan ni Leandro ang bahay at ngumiti. “Oo naman. Nakakagulat ba?” Piniin ni Julia ang labi. “So totoo pa lang mayaman ka.” “Hindi ako. Daddy ko ang mayaman.” “So it is true na father mo si Artemio Jimenez!” Tumango lamang si Leandro.

Page 52: The Promise

Napanganga si Julia. Buong akala niya’y gumagawa lang ito ng kuwento noon ngunit totoo pala lahat ng mga sinabi nito. “Ano? Tara?” nakangiting tanong ni Leandro. Parang wala pa rin sa sarili si Julia na sinundan si Leandro sa loob ng taxi. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala sa kanyang natuklasan. Ngunit kung susuriin ang pangyayari ay parang umaayon sa kagustuhan niya ang lahat. Wala na pala siyang dapat ipag-alala kung mabuking man ng mga kaibigan niya ang kanyang pagsisinungaling dahil totoo naman palang mayaman itong si Leandro. “Ito ba yung cake?” Nilingon ni Julia ang katabi. Hawak na ni Leandro ang binili ni Lucy na cake. “Ah, oo.” “Sweet talaga ng girlfriend ko. Thanks ha.” Hinalikan siya nito uli sa pisngi. Napangiti si Julia. Sira talaga ang lalaking ito. Masasabi bang sweet kung pinilit lang siya nitong gumawa ng cake. At saka hindi lang nito alam na nabili lang ang cake na yun at hindi niya pinaghirapan. ***

Page 53: The Promise

“Hay naku! Ayaw ko na talaga!” Galit na tumalikod si Julia ng hindi uli niya mai-shoot ang ika-limampung metal ring. Nais kasi ni Leandro ay mapanalunan niya ang higanteng stuff toy panda. “Ikaw na lang kaya. Pagod na ako eh.” Sumimgangot si Leandro. “Andali-dali lang eh. Ikaw talaga, alam mo namang birthday ko ngayon.” “Eh talagang hindi ako marunong eh! Subukan mo kaya. Baka mas magaling ka sa akin.” “Ayoko. Gusto ko ikaw magbigay niyan sa akin.” Napahawak si Julia sa magkabilang baywang. Parang bata talaga itong si Leandro. “Nagsasayang lang tayo ng pera eh.” “Kahit isang libo pa. Makuha mo lang ‘yan, ako’ng bahala sa lahat.” Bumuntung-hininga si Julia at muling humingi ng metal rings. “Sige, pero bilhan mo muna ako ng hotdogs. Dalawa ha, at saka softdrinks.” “Takaw mo talaga.” Tumatawang tinungo ni Leandro ang food corner. Sa pag-alis nito ay para bang nawala ang malas ni Julia. Nai-shoot ang ikalawang ring na inihagis niya. Halos tumili siya sa tuwa ngunit

Page 54: The Promise

tinakpan niya ang kanyang bunganga. Baka isipin ng mga tao sa paligid na nababaliw siya. Hindi na niya hinintay pang bumalik si Leandro. Kinuha na niya ang panda at nagtungo sa hotdog corner. Nang mahanapan niya ang binata ay kinalabit niya ito sa likod. Nang lingunin siya nito ay ipinakita niya ang panda. Napamulagat si Leandro. “Nakuha mo!” hiyaw nito at niyakap siya ng mahigpit, hindi nito ininda ang mga matang nakatingin sa kanila. “Galing mo talaga. Thanks ha.” Nangiti si Julia kahit kanina lamang ay gusto na niyang mag-walk-out sa sobrang inis. “Asan na yung hotdog ko?” “Nasa griller pa. Upo muna tayo.” May isa pang bakanteng mesa sa sulok. Dahil sa sobrang pagod ay nauna na si Julia na umupo habang si Leandro ay bumibili pa ng canned softdrinks. “Ano ba’ng nagustuhan mo diyan sa stuff toy na ‘yan?” tanong ni Julia ng dumating si Leandro na dala ang hotdogs at coke. “Akala ko babae lang mahilig niyan eh.” Nilaru-laro muna ni Leandro ang stuff toy bago sumagot. “Ang ganda nga nito eh. Lahat talaga gagawin mo mapasaya mo lang ako ano?”

Page 55: The Promise

Halos mabilaukan si Julia. Napansin iyon ni Leandro kaya binuksan nito agad ang coke at ibinigay sa kanya. “Ang takaw mo kasi eh.” “Kung anu-anong sinasabi mo.” Sa inis ni Julia ay nilakihan pa niya ang kagat sa hotdog. Wala siyang pakialam kung nawalan man siya ng poise. “Pareho talaga kayo,” ani Leandro na kanina pa siya tinititigan. “Nino?” Ngumiti si Leandro. “Nang ex ko. Kasintakaw mo rin siya.” “Talaga? Siguro naaalala mo siya pag nakikita mo ako ano?” Tawa lamang ang naging tugon ni Leandro. “Ba’t wala kang balak makipag-balikan sa kanya?” Naparam ang ngiti sa mukha ni Leandro. “Kahit gustuhin ko, hindi na puwede.” “Bakit?” tanong ni Julia, kahit ang totoo’y nasaktan siya sa nakitang lungkot sa mukha ni Leandro. Para kasing mahal pa rin nito ang dating kasintahan. Ayaw man niyang aminin subalit ang totoo’y nagseselos siya.

Page 56: The Promise

Isang ngiti lamang ang isinagot ni Leandro sa tanong niya, ngunit hindi na niya ito kinulit pa. “Siguro, nag-asawa na siya ano? Kawawa ka naman. Hurt ka siguro to the max.” Nangisi si Leandro. “Hindi na ngayon. Nagbalik na siya eh.” Nagsalubong ang kanyang mga kilay, ngunit naintindihan rin niya ang ibig nitong sabihin ng senyasan siya ng halik ng binata. Napangiti siya at para bang tumaba ang kanyang puso. Napakasaya ng gabing iyon. Para silang mga batang nagpadalusdos sa mga giant slides, sumakay sa roller coaster at sa ferris wheel. Kahit naparami ng kain si Julia ay nakayanan ng sikmura niya ang mga nakakahilong mga bagay-bagay doon, subalit nang nasa bus na sila pauwi ay bigla siyang nagsuka. Nahiya siya noon kay Leandro, ngunit napakabait naman nito’t pinunasan siya at hinaplus-haplos pa ang kanyang likod. Inihatid pa siya nito sa kanyang apartment hanggang sa kanyang kuwarto. “Sandali,” ani Julia ng pahigain siya ni Leandro sa kama. “Kailangan kong maligo. Ang asim na ng amoy ko.” “Kaya mo?” nag-aalalang tanong ni Leandro.

Page 57: The Promise

“Okey lang ako.” “Sige, ingat ka. Tawagin mo lang ako kung nahihilo ka.” Hindi pinansin ni Julia ang sinabi ni Leandro at dumiretso na sa banyo. Naghalong pawis at suka ang amoy niya kaya’t hindi maaaring di siya maligo, kahit hinang-hina na siya. Paglabas niya ay wala na doon si Leandro. Hindi niya alam kung umuwi na ito o baka nasa labas lang. Nagbihis siya ng pantulog, at ng lalabas na sana siya’y husto namang pumasok si Leandro. “O, dito ka na lang,” anang binata na may dala-dalang isang tasa ng mainit na kape. “Inumin mo ito para mainitan ang sikmura mo.” Walang imik na sumunod si Julia kay Leandro. Umupo siya sa kama at humigop ng kape. Natutuwa siyang malaman na very caring din pala ito. “Okey ka na?” mahinahon nitonh tanong makaraan ang ilang sandali at umupo sa tabi niya. Tumango si Julia. “Thanks ha.” Ngumiti si Leandro at hinaplos-haplos ang basa pa niyang buhok. “Oo nga pala. Sa Friday na ang monthsary natin.”

Page 58: The Promise

Parang sa isang iglap ay nawala ang masamang pakiramdam ni Julia. “Friday?” “Oo. Nakalimutan mo na?” Nagsalubong ang kanyang mga kilay. Ni hindi nga niya alam kung kailan sila naging mag-on, monthsary pa kaya. “Gusto ko mag-date uli tayo,” pagpapatuloy ni Leandro. “And this time ako naman ang susundo sa’yo.” “Ayoko! Mas masaya kung ako’ng susundo sa’yo,” ani Julia. Minsan lang niya ito ginawa ngunit parang gusto na niya. Ewan niya kung bakit, siguro’y gusto lang niyang maiba sa karamihan. Leandro laughed. “Hindi na. Ako naman para quits. Darating ako dito ng six PM. Dapat isuot mo yung dress na binili natin, at saka yung kuwintas na binigay ko.” Natameme si Julia. Para siyang pinutukan ng bomba ng maalala ang isinanla niyang kuwintas. Saan siya ngayon kukuha ng pangtubos niya sa pawnshop? “Okey lang ba?” “Ah?” Tumango si Julia. “Oo, okey lang. Kung yan ang gusto mo.”

Page 59: The Promise

Napakalagkit ng titig sa kanya ni Leandro, maya-maya’y gumapang ang mga mata nito pababa. Natakot si Julia na baka tanungin siyang muli tungkol sa necklace kaya minabuti niyang unahan ito. “Seryoso ka ba talaga, Leandro?” “Sa ano?” “Sa monthsary natin, kasi…” “Oo, seryoso ako. Ba’t ikaw, hindi?” “…Di ba dapat kaming mga babae ang umaalala niyan? Pero sa atin baligtad.” “Paano, ikaw wala kang pakialam.” “Hindi naman sa ganun.” Ibinaba ni Julia sa katabing mesa ang tasa. “…Tayo na ba talaga?” “Akala ko ba napag-usapan na natin ‘yan? Di ba girlfriend na kita, at boyfriend mo ako?” Natameme ng ilang saglit si Julia. Sa itsura ni Leandro ay mukhang seryoso nga talaga ito. “Kasi, tingnan mo naman, iilang beses lang tayong nagkita, tapos malalaman ko na lang na mag-iisang buwan na pala tayo. Tapos wala naman tayong masyadong communication. Kung minsan basta ka na lang mawawala at hindi ko alam kung saan ka nagpupunta. Kung tatawagan naman kita, off yung cellphone mo. So paano mo masasabing may relationship tayo sa lagay na yan?”

Page 60: The Promise

Hindi agad sumagot si Leandro, at gaya ng dati, dinaan na naman nito sa biro ang lahat. “Di punta ka sa bahay kung nami-miss mo ako. O kaya tawagan mo ako sa landline.” “Diyos ko! Ano na lang sasabihin sa akin ng parents mo?” “Eh, kung ayaw mo punta ka na lang sa likuran ng bahay namin tapos batuhin mo yung window ko.” “Sira! Kung anu-ano talagang iniisip mo. Seryoso akong nakikipag—” Natahimik si Julia ng biglang idinampi ni Leandro ang mga labi nito sa kanyang bibig. Nung una’y nagulat siya, ngunit dahan-dahang pumikit ang kanyang mga mata at tinugunan ang halik ng binata. Maya-maya’y lumapit pa si Leandro upang yakapin siya ng mahigpit. Mula noong una silang magkita ay ito ang unang pagkakataon na naramdaman ni Julia ang tunay na init ng mga halik at yakap ni Leandro. Hindi nagtagal ay tuluyan na siyang tinangay ng binata sa isang lugar na tanging sila lamang ni Leandro ang nakakaalam. Napadaing siya ng maramdaman ang mas mainit pang hubad na katawan nito at noon lamang niya namalayang nakahiga na pala siya sa kama. Tinanggal na pala nito ang suot na T-shirt at noo’y isa-isa nang inaalis ang mga butones ng

Page 61: The Promise

kanyang blouse. Hindi niya ito pinigilan kundi tinulungan pa niya itong tanggalin iyon. Lalo pang sumidhi ang init ng apoy na nanunuot na sa kanyang kaibuturan. “I love you so much, Julie!” daing ni Leandro na noo’y nakahalik na sa kanyang leeg. Nangiti si Julia, at dahil ayaw niyang tawagin siya sa ganung pangalan ay kinorek niya iyon. “Julia.” Biglang tumigil si Leandro at dahan-dahang tumingin sa kanya. Sa pagtataka ay dumilat siya para malaman kung ano’ng nangyari. “Julia,” ibinulong ni Leandro at ngumiti. Ngumiti rin si Julia at muling nagsalubong ang kanilang mga labi. Kinilig siya ng husto at halos manginig ang buo niyang katawan ng maramdaman ang mainit na hininga ng binata sa kanyang tenga. “Julia, I like this so much!” Ibinulong nito sa kanyang tenga, nakapalibot ang mga braso nito sa kanyang katawan. “God knows, I really like to do it with you, but it’s not yet time.” Gulat at nagtatakang napatingin si Julia kay Leandro. Nagtitigan sila ng ilang sandali, hanggang ngumiti ang binata. Napahiya at nainsulto si Julia kaya itinulak niya si Leandro at isinuot nang muli ang blouse.

Page 62: The Promise

Nakita pa man din nito ang kanyang dibdib dahil wala siyang suot na bra. “Julia! Julia!” Niyakap siya ni Leandro sa likuran upang hindi siya makatayo. “Please listen to me!” “Che!” Nagbalik ang katarayan ni Julia. “Ikaw diyan nag-umpisa, tapos…” “Well, if you want, then let’s do it,” seryosong hamon ni Leandro. Napatingin siya sa binata at nawala na rin ang kanyang galit. “Huwag na… Sorry.” Hinalikan ni Leandro ang leeg ni Julia. “It’s my fault. I’m sorry.” Ngumiti si Julia. Mas mabuti na rin ito kaysa tinuloy nila ang muntikan ng mangyari. Baka pagsisisihan lang niya ito kung sakali. “C’mon. Let’s sleep,” paglalambing ni Leandro at muli siyang pinahiga. “I’ll stay right by your side tonight.” Pumikit si Julia at umunan sa malapad na dibdib ni Leandro. Napangiti siya habang pinapakiramdaman ang bawat pintig ng puso nito. Napakasarap palang matulog sa ganoong posisyon. Pakiramdam niya’y wala ni anumang kasamaan sa mundo na makakadapo sa kanya hangga’t nasa piling siya nito.

Page 63: The Promise

Chapter 6 Bumuntung-hininga si Julia nang makita ang kanyang suweldo sa ATM. Napakarami niyang overtime ngunit higit sa apat na libo lamang ang nakuha niya para sa kinsenas. Wala pa ito sa kalahati ng kailangan niyang halaga para matubos ang kuwintas. “Mukhang malaki-laki suweldo natin ah.” Halos magulantang siya sa biglang pagsulpot ni Lucy. Kasama pa pala nito si Claire na tumatawa sa naging reaksyon niya. “Kayo talaga!” “Tapos ka na? Tara sa canteen?” Claire invited. “Tapos na kayong mag-withraw?” “Kanina pa. Tara na at nagugutom na ako.” Dahil gutom na rin siya ay sumama na siya sa dalawa. Gusto rin niyang samantalahin ang pagkakataong iyon para mautangan ang mga ito. “Oo nga pala, Julia,” ani Claire ng nakaupo na sila sa canteen at kumakain ng pansit. “May bad news ako sa’yo.”

Page 64: The Promise

Natigilan sa pagsubo si Julia. “Ano yun?” “Pasensya ka na sis ha.” Hinawakan ni Lucy ang kamay ni Julia. “Kasi susunod na sina Claire na ikakasal pagkatapos namin.” “Ha!!!” gulat na nasambit ni Julia. “Puwera biro!” “Serious.” Si Claire na mismo ang sumagot. “Yesterday night nag-propose si Benedict.” Nakangangang tinitigan ni Julia ang kaibigan. Kaya pala kakaiba ang glow sa mukha nito kanina pa. Para siyang nanamlay. Masaya naman siya na ikakasal na ang dalawa niyang kaibigan subalit nakakalungkot isipin na mapag-iiwanan na siyang mag-isa. “Kaya okey lang naman siguro sa’yo kung si Claire muna ang bride’s maid sa kasal ko,” ani Lucy. “Tapos, ikaw naman ang bride’s maid ko,” dagdag ni Claire. Napangiti si Julia. “Ba’t di na lang ako ang bride’s maid niyong dalawa?” “Uy, huwag!” Lucy exclaimed. “May kasabihan, Twice a bride’s maid is never a bride.”

Page 65: The Promise

“Ganun?” Shock din si Julia. “Huwag na lang. Sige, kay Claire na lang ako.” Pumalakpak si Claire. “Ayan. Akala namin baka magselos ka eh.” “Dahil lang doon. Okey lang yun no. Bride’s maid ka muna bago bride.” “Correct.” “Oo nga pala. Lucy.” Iniba ni Julia ang usapan. “Yung necklace na sinanla natin. Gusto ni Leandro isuot ko raw sa date namin this weekened.” Maging sa pagnguya ay natigilan si Lucy. “Paano ngayon yan? May pangtubos ka ba?” “Wala nga eh.” “One K lang maipapahiram ko sa’yo sister,” ani Claire. “Ganun din siguro sa akin,” dagdag ni Lucy. “Hay!” Julia sighed. “Ano na naman kayang palusot ang sasabihin ko. Feeling ko nakakahalata na yun eh kaya gusto niyang isuot ko para makita niya.” May naisip na paraan si Claire. “Try mo kayang mag-loan?” ***

Page 66: The Promise

Nangiti si Julia na tinititigan ang kumikinang na kuwintas sa kanyang leeg. Bagay na bagay iyon sa suot niyang low-necked na black dress na ibinigay ni Leandro. Tatlong araw din siyang naghintay bago ibinigay ang emergency loan niya, kaya natubos niya ang isinanla niyang kuwintas. May kumatok sa pinto. Sigurado siyang si Leandro na iyon. Iniligpit na niya ang kanyang mga make-up at pinulot ang maliit na purse saka siya lumabas. “Hi Leandro!” nakangiti niyang bati ng pagbuksan niya ito ng pinto. Napakakisig ng itsura ni Leandro sa suot nitong light brown na long-sleeved shirt. Nakaayos ng husto ang buhok nito at malinis ang pagkakaahit ng balbas nito. Talagang pinaghandaan nito ng husto ang kanilang first monthsary… DAW. “Hi Julie!” he replied and pressed a kiss on her lips. Pagkatapos ay pinagmasdan siya nito mula ulo pababa, then he stared at the necklace on her neck. “You’re very beautiful.” “Thank you!” flattered na sagot ni Julia. “Pero puwede ba, don’t call me Julie.” “Mas modern naman ang Julie kaysa sa Julia. O baka gusto mo Hulia na lang.”

Page 67: The Promise

Tumaas ang kilay ni Julia. “Sige, hindi na ako sasama sa’yo.” “Okey, okey, Julia.” Leandro gave up. “Huwag mo nang itataas yang kilay mo ha.” “Hmm, tara na nga.” Ni-lock ni Julia ang pinto, at pababa pa lang sila ng hagdanan ay nagulat na siya sa nakitang magarang asul na kotse sa labas ng gate. “Kotse mo yun?” tanong niya kay Leandro. Leandro smiled and held her hand. “Oo. Nakakahiya naman kasi kung sa ganda mong yan eh sa taxi lang kita isasakay.” Todo flattered si Julia sa narinig. Wala na talagang tatalo kay Leandro sa pagpapa-impress. Pakiramdam tuloy niya’y tinatamaan na siya ng husto sa binata. “Bored ka ba?” mahinahong tanong ni Leandro nang nasa isang mamahaling restaurant na sila Katatapos lang nilang kumain at habang umiinom ng champagne ay pinapanood nila ang babaeng kumakanta sa stage. “Hindi naman,” sagot ni Julia. “Medyo naninibago lang siguro ako sa atmosphere. Alam mo namang hindi ako kagaya ninyong mga rich na sanay sa ganito.” “Mister Jimenez!”

Page 68: The Promise

Dumating ang isang matipunong lalaki na sa palagay ni Julia ay nasa edad thirty-five na. “Attorney! Nice to see you!” Tumayo si Leandro at kinamayan ang bagong dating. Magsasalita na sana ang abogado ngunit parang nagulat ito na nakita siya doon. “Isn’t she—” “My girlfriend. Julia Valencia,” proud na sagot ni Leandro. “Ohh! Congratulations! She looks just like that girl.” Tumayo si Julia at kinamayan ang abogado. Napansin niya ang lihim na kindat sa mga mata ng dalawa. “Nice to meet you Attorney…” “Gomez. Nice to meet you too!” Ngumiti si Julia at makaraan ang ilan pang pag-uusap ay nagpaalam na ang abogado sa kanila. Saka sila muling umupo. “Kamukha ko pala ex mo,” Julia teased. “Kaya mo siguro ako nagustuhan ano?” Ngumiti si Leandro at tahimik na uminom ng champagne. “Gusto mo labas tayo?” “Saan tayo pupunta?”

Page 69: The Promise

“Anywhere. I think may peryahan dyan sa kabila. Want to try?” Tinignan niya ang kanyang sarili. “Hindi kaya tayo pagtawanan doon sa suot nating ito?” “Who cares?” sagot ni Leandro. “Let’s go.” Gaya ng dati ay naging masayang muli ang gabing iyon. Ang bawat sandali ay puno ng tawanan at tuksuhan, at sa pagkakataong iyon ay si Leandro naman ang nagpakahirap na mapanalunan ang higanteng elepanteng stuff toy para lamang ibigay sa kanya. Ngunit ang tunay na nagpasaya kay Julia ay ang napanalunan niyang dalawang libong piso. “Akalain mo, yung one hundred ko naging two thousand sa kati-triple at double. Ang suwerte ko talaga!” tuwang-tuwang pagsasalaysay ni Julia kahit nang nasa kotse na sila papunta sa bahay ni Leandro. Ipapakilala raw kasi siya ng binata sa nanay nito. “Buti ka nga. Ako halos isang libo tinaya ko doon, ubos lahat.” “Malas mo.” “Oo nga eh. Ikaw yatang malas ko.” Kinurot ni Julia ang beywang ni Leandro na nakaabala sa pagmamaneho nito. Napasigaw siya ng muntikan na silang mabangga sa isang poste ng

Page 70: The Promise

kuryente, mabuti na lamang at mabilis si Leandro kaya’t nakaiwas sila sa tiyak na disgrasya. “Ikaw kasi eh, lagi mo akong inaasar,” mangiyak-ngiyak na bintang ni Julia. Bakas pa rin ang takot sa kanyang mukha. Instead na magalit ay natawa si Leandro sa itsura ng kasintahan. “I don’t mind dying if I am by your side… pero I don’t want you to die with me. Kaya don’t kurot me when I’m driving.” Hindi alam ni Julia kung maiinis siya o matatawa sa sinabing iyon ni Leandro. Pinili na lang niyang huwag ng magsalita at baka maabala niya itong muli. Sa totoo lang, takot pa siyang mamatay. “Hindi ba masungit ang mommy mo?” tanong ni Julia ng abutin ni Leandro ang kamay niya pababa ng kotse. “Don’t worry. Mabait yun,” sagot ni Leandro at isinara ang pinto. “Siya nga ang nag-request na dalhin kita dito ngayon para makilala ka naman niya.” Kahit pigilan niya ay hindi maalis ang kaba sa kanyang dibdib. “Nahihiya ako eh. Baka hindi niya ako magustuhan.” Ngumiti si Leandro at hinawakan ang kanyang kamay. “She will like you. I’m sure.”

Page 71: The Promise

Gumaan ang loob ni Julia. “Okey,” aniya at huminga ng malalim bago sila pumasok ng bahay. Naroon nga ang isang magandang babae sa edad na sixty na naghihintay sa sala. “Oh, iho! She’s the one?” Excited pa nitong sinalubong at hinalikan ang anak. “Yes mommy. This is Julia.” Nahihiya man ngunit ngumiti pa rin si Julia para batiin ang matanda. Nagtaka na lamang siya ng mapansin niya itong tulalang nakatitig sa kanya, para ba itong horrified sa isang bagay na nakita. “Your name is Julia?” halos hirap sa pananalita si Mrs. Jimenez. Tumango si Julia. “Opo. Julia Valencia po.” Medyo tulala pa rin ang matanda, subalit pinilit pa rin nitong ngumiti. “Oh, nice to meet you iha.” Naparam ang ngiti ni Julia nang mapansing hindi nasiyahan si Mrs. Jimenez sa pagkakakilala nila. Hindi niya alam kung bakit, ngunit sigurado siyang may bagay sa mukha niyang ikinakilabot nito. Wala naman siyang muta dahil nagsalamin siya bago siya lumabas ng kotse. “Give me water Leandro.”

Page 72: The Promise

Napamulagat si Julia ng biglang manghina si Mrs. Jimenez at bumagsak sa sofa. Sinalo ito ni Leandro at iniayos ang upo bago tumakbo papuntang kusina. Nasaktan man si Julia ay umupo pa rin siya sa tabi ng matanda at hinaplus-haplos ang likuran. “Here’s the water, mom,” ani Leandro ng magbalik at pinainuman ang ina. Saka lamang lumuwag ang hininga ni Mrs. Jimenez ng makalahati na ang tubig sa baso. Umurong palayo si Julia ng masiguradong okey na ang lagay nito, baka kasi ikagalit nito kung hahawakan pa niya. “Oh, Leandro, what in the world are you doing?” May bakas ng galit ang boses ni Mrs. Jimenez. “Mom, let’s not talk about this now,” ani Leandro na nakaluhod sa harapan ng ina. “No! We will talk about this right now!” Biglang tumayo si Mrs. Jimenez na animo’y wala itong naramdaman kanina lamang. “Mommy, please!” Pagsusumamo ni Leandro na tumayo rin para harapin ang ina. “Ihatid ko muna si Julia. Malayo pa’ng uuwian niya.” “No, because I’m sure uuwi ka na namang lasing, and then you’re going to sleep until I’m gone.”

Page 73: The Promise

“Mommy—” Hindi pinansin ni Mrs. Jimenez ang anak at kinatok ang isang kalapit na kuwarto. “Brenda! Brenda!” “Mommy, please! I will be back soon!” “Bakit po ma’am?” tanong ng katulong na nagbukas ng pinto, kagigising lamang nito. “Brenda, gisingin mo si Dodong sa ibaba. Sabihin mo ihatid niya itong bisita natin.” “Mommy, ako ng maghahatid sa kanya—.” “I said no! You will stay here!” “It’s okey, Leandro.” Biglang nagsalita si Julia na nagpatahimik sa mag-ina. “Uwi na ako.” “Julia, I’m sorry—” Hindi na naituloy ni Leandro ang sinasabi ng tumalikod si Julia at sumunod sa katulong. Pagsara pa lang ng pinto ay nagpatuloy sa pag-aaway ang mag-ina. Pinaghintay siya ni Brenda sa loob ng kotse, at makaraan ang limang minuto ay dumating na ang matandang family driver ng mga Jimenez. Bago umandar ang kotse ay narinig niyang nagsisigawan na ang mag-ina.

Page 74: The Promise

“You are crazy, Leandro! You are crazy!” “I know what I’m doing mommy!” “It’s time for you to let go, iho! Forget about her and live your life! She’s gone, and she is not coming back anymore!” Isang butil ng luha ang tumulo mula sa mata ni Julia. Nagtataka siya sa kanyang sarili kung bakit ganito kasakit ang pangyayaring ito sa kanya. Siguro ay umiibig na nga siya kay Leandro, at hindi man lang niya iyon namalayan. Chapter 7 Isang buwan ang lumipas at hindi na muling nagpakita o tumawag si Leandro. Hindi na rin niya ito tinawagan dahil sa pangambang baka hindi na ito interesado sa kanya. Nung unang gabi’y umiyak siya, ngunit sa pagdaan ng mga araw ay unti-unti rin siyang naka-recover. Dumating ang sandaling pinakahihintay ni Lucy. Isang araw na lang ay ikakasal na ito kaya nagtakda ito ng isang Bridal Shower kung saan imbitado lahat ng mga babaeng kaibigan at pinsan nito. Sa kalagitnann ng gabi ay isa-isa ng nagsi-alisan ang mga bisita, at tanging sila lamang ni Claire ang naiwan.

Page 75: The Promise

“Oo nga pala, mga sis.” Tinapos ni Lucy ang pag-uusap nila tungkol sa honeymoon at iniba ang usapan. “Magre-resign na ako sa work.” “Ha?! Bakit?” halos sabay na tanong nina Julia at Claire. “Kasi… pinagre-resign na ako ni Jasper.” “…ayaw ka niyang magtrabaho?” tanong ni Claire. “Ayaw eh. Sa bahay na lang daw ako.” “Ay,” Julia sighed. “Ibig sabihin dadalawa na lang kami ni Claire na maiiwan?” “Nakakalungkot naman.” Nalungkot din si Claire. “Magkikita-kita pa rin naman tayo eh.” Humarap si Claire kay Julia. “Paano ‘yan Julia? Kung magpapakasal kami ni Benedict baka magre-resign din ako. Maiiwan kang mag-isa.” Napatingin si Julia kay Claire. Sinimulan na naman siyang kutyain ng mga ito, pero kung iisipin niyang mabuti ay may katuturan ang sinabi nito. Paano nga pala kung nagkaganun? “Naka-schedule na ba kasal niyo?” “Hindi pa naman. Medyo matatagalan pa siguro kasi next month magpapakasal daw ate ni

Page 76: The Promise

Benedict. Nakakahiya naman kung sasabay kami kaya baka next year na.” Lalong nanlumo si Julia. Ilang buwan na lamang ay magtatapos na ang taon. Malapit na siyang mapag-iwanan. “Asan na pala si Leandro?” biglang tanong ni Lucy. “Parang matagal na kayong di nagkikita ah.” Hindi alam ni Julia ang sasabihin. Ni minsan ay hindi pa niya sinasabi ang nangyari sa kanila dahil nahihiya siyang malaman ng mga ito na iniwan na naman siya ng lalaki. “Hindi na masyado, pero nagtatawagan pa rin kami. Busy kasi siya ngayon eh.” “Naku! Mahirap na yan. Dapat may oras pa rin siya sa’yo.” “Wala ba kayong balak magpakasal?” Nagulat si Julia sa tanong ni Claire. “Ikaw talaga. Hindi pa naman kami gaanong magkakilala.” “Pero ang saya niyong magkasama, alam mo ba? Kung minsan nga nakakainggit kayo eh.” “Julia, imbitahin mo naman si Leandro sa kasal ko bukas,” pakiusap ni Lucy. “Kung may oras siya.”

Page 77: The Promise

Napatingin si Julia sa dalawang pares ng matang nakatingin sa kanya. “Ah, sure. Tatawagan ko siya mamaya. Baka nakalimutan lang niya.” “Sinabi mo ‘yan ha?” “Y-yes. Don’t worry.” Subalit ang totoo’y siya ang nag-aalala kung paano siya magpapalusot kinabukasan. *** “L-leandro!” Nagulat si Julia ng madatnan niya ang binatang nakaupo sa paanan ng naka-lock niyang pinto. “Ano’ng ginagawa mo diyan?” Dahan-dahang dumilat si Leandro at tumingin sa kanya. Kung nagulat man ito ay hindi halata. Tinitigan lang siya ng ilang saglit saka ito tumayo na para bang kay bigat ng pakiramdam. “Hi Julia,” halos pabulong nitong bati. “Himala. Buti naman at hindi mo ako tinawag na Julie.” Malungkot ang naging ngiti nito. “Di ba ayaw mo?” “Buti alam mo.” Nakataas ang kilay ni Julia at may pagkasuplada ang kanyang tono. Natural lang na may sama siya ng loob sa binatang ito matapos itong mawala ng matagal. “Halika sa

Page 78: The Promise

loob. Para kang namamalimos diyan,” aniya at sinusihan ang doorknob. “Julia.” Leandro held her hand to stop her from taking a step inside. Wala siyang nagawa kundi harapin ito. “Galit ka ba?” Natawa si Julia. Kahit totoo ay hindi niya ito aaminin. “Of course not. Ba’t naman ako magagalit sa’yo?” Tahimik si Leandro. Sa itsura nito ay halatang hindi ito naniwala sa sagot niya. “Sigurado ka?” “Oo. Ikaw talaga. Halika sa kitchen, mag-coffee tayo.” Sumunod sa kanya si Leandro papuntang kusina. Habang nagtitimpla siya ng kape ay napansin niya ang kakaibang katahimikan ng binata, kahit nang ilatag niya sa harapan nito ang tasa. “Bakit?” tanong niya sa nakatunganga pa ring lalaki at saka siya umupo sa harapan nito. Bahagyang nagulat si Leandro sa kanyang boses, saka ito umiling. “Wala. Medyo inaantok lang ako.” Tiningnan ni Julia ang kanyang dibdib. Sigurado siyang yun ang kanina pang sinusundan ng mga mata ni Leandro, ngunit hindi naman low-necked ang suot niya para may dahilan itong tumitig doon. Hinawakan niya ang kanyang

Page 79: The Promise

lalamunan at naramdaman ang pendant ng kuwintas. “Kinaiinggitan ito ng mga kaibigan ko. Sabi nila ang ganda raw.” Ngumiti si Leandro. “Siguro mas maganda kung bigyan na lang uli kita ng bago.” Takang-takang nagsalubong ang kilay ni Julia. “Bakit?” “Basta. Huwag mo na uling isuot ‘yan.” “Eh, ano’ng gagawin ko dito?” “Bahala na. Ibenta mo, o itapon mo.” Tulalang tumitig si Julia kay Leandro. “S-sige, pero walang sisihan ha.” “Don’t worry. I won’t.” Nginitian siya ni Leandro, ngunit hindi niya iyon tinugunan. Naalala niya ang isang buwang paglalaho nito. Nais niyang malaman kung ano ang nangyari at ano’ng dahilan ng pagbabalik nito. “Biglaan yata ang pagpapakita mo. May kailangan ka ba kaya hinintay mo pa ako sa ganitong oras?” Ngumiti si Leandro. “Gusto lang siguro kitang makita.”

Page 80: The Promise

Tumaba ang puso ni Julia, ngunit hindi pa rin siya nagpahalata. “Ba’t naman daw? Nami-miss mo ako?” “…Kasi… second monthsary natin ngayon.” Natawa ng malakas si Julia. “Sira ka talaga. Mawawala ka ng isang buwan tapos babalik ka para sabihin ‘yan. Nagbibiro ka ba?” Seryoso ang mukha ni Leandro na umiling. Nang napansin ni Julia na hindi ito nagbibiro, tumigil siya sa pagtawa, ngunit hindi niya ito dapat paniwalaan. “How can you say it’s our second month together kung sa isang buwan eh wala man lang tayong communication? Ano ba talaga tayo ha?” Matagal na nanahimik si Leandro. “Ayaw mo na ba sa akin?” “Gush!” Hinaplos ni Julia ang kanyang noo. “You’re becoming ridiculous Leandro. And one more thing, alam ba ng mommy mo na andito ka?” “She doesn’t have to know.” “Paano kung malaman niya? Alam mo namang ayaw niya sa akin.” Nangisi si Leandro. “That’s not true.”

Page 81: The Promise

“Not true? Hindi ba nag-away pa kayo dahil sa akin? I was there and I heard it all.” “Hindi mo naintindihan. Hindi sa ayaw ka niya—” “Ano’ng hindi ko naintindihan? She told you to forget about me and live on. Sa akala mo ba hindi ako nakakaintindi ng English?” “Julia!” “Ano!?” Bumuntung-hininga si Leandro at tinapik ng mahina ang mesa. “My mother likes you. Ang hindi niya gusto, is the way I am.” Pinaikot ni Julia ang mga mata. Sa palagay niya’y sinusubukan lang nitong pagtakpan ang ina. “And even if she doesn’t, ang desisyon ko pa rin ang masusunod.” “And that is?” “Why else would I come here?” Tumayo si Julia at kinuha ang vitamins sa loob ng ref. Pagtalikod niya’y nasa harapan na niya si Leandro. Na-corner siya kaya’t wala siyang nagawa kundi manatili sa kinatatayuan niya. “Julia, I’m sorry about the whole month. Confused lang talaga ako.”

Page 82: The Promise

“Naiintindihan ko. Even a man wouldn’t wish to go against his mother’s will.” “That’s not it.” “Then what?” Huminga ng malalim si Leandro. “Bumalik ako dahil masaya ako sa’yo, and I want to be with you for a long time. Pero kung ayaw mo, I can settle for a friend or anything.” “Okey, okey.” Kahit nakaharang ang malaking katawan ni Leandro ay nalusutan niya iyon. Kumuha siya ng baso at bumalik sa mesa kung saan naroon ang isang pitsel ng tubig. “Maglokohan tayo kung ‘yan ang gusto mo. As you say, second month na natin ngayon. Then let’s celebrate.” Dahan-dahang tumabi si Leandro sa kanya. “Sino bang nakikipaglokohan?” “Ah, wala. Kalimutan mo na nga lang.” Julia took in her vitamins, at nang muli siyang tumingin sa binata ay para bang naawa siya sa itsura nito. Parang naluluha ito dahil hindi siya naniwala sa sinabi nito. Kinabig siya sa dibdib, kaya’t nakapag-isip siya ng kapilyahan. Ngumiti siya at kumandong kay Leandro, na ikinagulat naman ng binata. “Buti pa siguro, halikan mo na lang ako. Nakaka-miss eh.”

Page 83: The Promise

Ngumiti si Leandro at hinalikan ang naghihintay na mga labi ni Julia. Sa isang saglit ay parang nakalimutan na nila ang lahat. “By the way,” pansamantalang bumitiw si Julia para matingnan sa mata ang binata. “Kasal na pala bukas ni Lucy. She wants you to come.” “Talaga?!” Surprised si Leandro. “On time palang pagdating ko.” “Sabay tayo bukas ha.” “Sure. So dapat pala matulog na tayo. Mahirap nang mapuyatan.” Nag-isip si Julia. “Mamaya na. Beso-beso muna tayo.” Natawa si Leandro at sinalubong muli ang mga mapupulang labi ng dalaga. “Miss mo talaga ako. Ang galing ko sigurong humalik ano?” Kinurot niya ito sa beywang. Tumawa ito, ngunit hindi nito kailanman binitiwan ang kanyang mga labi. *** “Lucy! Dito mo ihagis!” sigaw ni Julia sa bagong kasal bago ang traditional na paghagis ng

Page 84: The Promise

boquet sa mga dalaga. Nasa gawing likuran siya noon dahil nahuli siya ng dating. “Lakasan mo!” sigaw din ni Claire sa tabi niya. Inihagis nga ni Lucy sa gawing likuran ang boquet. Akala ni Julia ay masasalo na niya iyon dahil hustong sa lugar niya iyon paparating, ngunit may isang kamay na nanggaling sa taas ang umagaw doon. Nang lungunin niya ang nakakuha ay isang matangkad na babae ito, mas matangkad pa kay Claire. “Iiihhhh! Nakakainis!” Nanigas sa panggagalaiti ang mga daliri ni Julia habang pinagmamasdan ang tuwang-tuwang babae. “Malas mo lang. Yung boquet ko na lang ang saluin mo,” biro pa ni Claire habang papunta sila sa kinaroroonan nina Leandro at Benedict na parehong tumatawa sa nakitang eksena. “Kung bakit kasi ang liit ko eh? At kung bakit kasi may maga higanteng babae sa mundo?” Tumawa si Leandro sa narinig at sa nakitang reaksyon ni Julia. “Pagbigyan mo na yun. Mukhang mas matanda naman sa’yo eh.” “Che!” Nakasimangot pa rin si Julia. Naiinis na nga siya lalo pa siyang inaasar.

Page 85: The Promise

“Halikayo, pictorial uli tayo bago umalis sina Lucy,” ani Claire pero hindi interesado si Julia. “Dito na muna ako. Naiinis pa ako eh.” Tumatawang umalis sina Claire at Benedict. Maging si Leandro na naiwan sa tabi niya ay natatawa rin sa itsura niya. “Hindi mo na kailangan pang saluin iyon. Pagkatapos nina Claire, tayo naman ang susunod.” Tumaas ang kilay ni Julia. Wala siya sa mood noon para magpadala sa mga biro nito. “Sira.” Lalong natawa si Leandro. “Ang ganda talaga ng kilay mo.” “Tara na nga. Sama tayo sa pictorial.” “Pero talaga,” ani Leandro habang papalapit sila sa bagong kasal na nagpapa-picture pa rin sa harapan ng simbahan. “Ayaw mo bang magpakasal tayo?” “Puwede ba sumeryoso ka naman?” “I’m serious.” Hinarap ni Julia ang binata. “So nasaan ang singsing ko?”

Page 86: The Promise

“Ah.” Napakamot si Leandro sa ulo. “Eh, saka na yun. Alam mo namang kabibigay ko lang yang necklace mo.” Sinulyapan ni Julia ang diamond pendant na nakasabit sa kanyang leeg. Binili nila iyon kani-kanina lamang na halos ma-late pa sila sa kasal. Hindi niya alam kung bakit ito ipinagpilitan ni Leandro. Ang sinabi lang nito’y mas bagay daw ang diamond sa kanya.. “Kung magpo-propose ka, siguraduhin mong may singsing kang ibibigay,” pagtataray uli ni Julia at dumiretso palapit kina Lucy at Jasper. Nang lingunin niya si Leandro ay wala na pala ito sa likuran niya. Na-guilty siya. Marahil ay nasaktan ito sa sinabi niya. Baka iniisip nitong mga alahas lamang ang habol niya dito. Hindi naman niya sinadyang sabihin iyon. Dahil lamang sa hindi niya pagsalo ng boquet ay hindi na niya inisip ang mga binitiwan niyang mga salita. Agad niyang hinanap si Leandro. May kotse ito kaya’t sigurado siyang sa parking area ito nagtungo. Nadatnan niya itong papasok na sana ng kotse. “Leandro, wait!” Humihingal pa siya ng makarating sa kinaroroonan ng binata. “Saan ka pupunta?” “Bibili ng singsing,” agad na sagot ni Leandro. “Di ba yun ang gusto mo?”

Page 87: The Promise

“Ulol!” Hindi napigilan ni Julia ang bunganga. Kung minsan talaga ay parang may pagkatanga itong si Leandro. “Sorry na. Naiinis lang ako sa boquet.” “Sigurado ka sa boquet? Hindi dahil sa wala akong dalang singsing?” “Ito naman. Ano’ng tingin mo sa akin? Sorry na talaga.” “Sige.” Isinara ni Leandro ang kotse. “Saka ko na lang bibilhin yung singsing mo. O mas maganda siguro kung ipagawa ko na lang, para mas special.” Napanganga si Julia. “Seryoso ka talaga?” “Oo.” “Gusto mo talaga akong pakasalan?” Masuyo siyang tinitigan ni Leandro at hinawakan ang magkabilaan niyang pisngi. “I do, Julia. I promise you, I will marry you. That is if you will accept it.” Nakatingin lang siya sa mukha nito. Wala siya ni anumang salitang nasabi. “Will you marry me, Julia?”

Page 88: The Promise

“D-don’t you think it’s too fast?” Julia startled. “Ni hindi pa nga tayo magkakilala ng husto.” “Soon you will know everything about me,” positibong sagot ni Leandro. “From now on lagi ko ng dadalhin ang celphone ko. Anytime, you can contact me.” Kahit gulung-gulo ay ikinatuwa ni Julia ang sinabing iyon ni Leandro. Ito talaga ang matagal na niyang gustong mangyari, na sana’y magkaroon sila ng open communication. “Let’s go, sweetheart. Mauna na tayo sa reception.” Nakakagulat at nakakataba ng puso ang pagtawag sa kanya ni Leandro ng sweetheart. Mukhang nagpapakita na nga ng signs na seryoso na talaga ito sa kanya. Hindi nga lang niya sigurado kung seseryosohin na rin ba niya ito o bahala na ang tadhanang mag-decide kung ano’ng mangyayari sa hinaharap. May hinala siyang marahil ay tanging companionship siguro ang hanap nila sa isa’t isa. Siya’y minsa’y nalulungkot dahil sa pag-iisa at marahl ay ganun din si Leandro. Sa isa’t-isa nila natagpuan ang kasiyahang hinahanap-hanap kaya siguro sila nagkalapit ng husto. Chapter 8

Page 89: The Promise

Ibinaba ni Julia ang cellphone at humiga nang muli. Ala-una na ng madaling araw. Nagtataka siya kung ba’t sa ganoong oras pa siya tinawagan ni Lucy para lamang sabihin nitong nami-miss na nito ang trabaho at ang samahan nilang tatlo. Dalawang buwan na ang lumipas mula ng ikasal si Lucy att mula noon ay hindi na ito muling pumasok sa opisina. Noong una’y nahirapan din sila ni Claire na maka-recover sa pagkawala ng isa nilang kaibigan, ngunit ng lumaon ay nasanay na rin sila. Iyon lang naman ang masasabi ni Julia na masamang pangyayari sa buhay niya sa loob ng dalawang buwan. Sa opisina naman ay naging maayos ang lahat. May natanggap pa nga siyang promotion offer bilang trainor sa isang branch ng company nila, ngunit pinag-iisipan pa niya ito. May kalayuan kasi ang lugar sa tinitirhan niya at mahirap na namang mag-adjust sa bagong environment. Natigil ang kanyang pagmumuni-muni ng dahan-dahang bumukas ang pinto. Sigurado siya, si Leandro na naman iyon. Ilang ulit ng ginagawa ng binata ang pagpasok sa kuwarto niya ng madaling araw at panoorin siya sa magdamag. Mula nang magbalik si Leandro ay napakalaki ng pinagbago nito. Parang ang laru-laro lang nila noon ay nagkaroon na ng katuturan.

Page 90: The Promise

Dalawang beses sa isang araw kung tumawag ito sa kanya at halos araw-araw din ang kanilang pagkikita. Madalas ay sinusundo siya sa opisina at kung hindi man ay dadatnan na lang niya itong nagluluto sa apartment habang hinihintay ang kanyang pagdating. Every Saturday din sila kung lumabas at kung saan-saan ang naiisip na puntahan. Maging sa bar, restaurant, disco house, sa park o kahit sa peryahan ay nagiging masaya ang bawat sandali. Para silang malapit na magkaibigan na laging nag-aasaran at nagtatampuhan, ngunit madalas ay nagtatawanan. Marami rin sa kanyang mga ka-office mates ang nakakita’t nakakilala na kay Leandro. May mga ilang no comment raw, ngunit karamihan ay pinupuri siya’t kinaiinggitan. Napakasuwerte raw niyang nakahanap ng isang katulad ni Leandro, na guwapo na, mayaman at mabait pa. Daig pa raw niya ang nanalo sa lotto. Proud na proud naman siya kapag pinupuri siya ng ganun. Hindi niya alam kung bakit siya biniyayaan, ngunit pinasasalamatan na lang niya ang Maykapal at nangakong bibigyan niya ng halaga ang mga biyayang iyon. Perfect na sana ang lahat ngunit para bang may kulang. Alam niyang mahal na mahal siya ni Leandro, pinaparamdam ito madalas ng binata sa kanya, ngunit may mga pagkakataong kung pinagmamasdan niya ito ay para bang napakalayo ng mga tingin at isip nito. Ilang beses niyang tinanong kung ano’ng problema nito, o kung bakit kung minsan ay napakalalim ng iniisip nito, ngunit

Page 91: The Promise

lagi nitong dinadaan sa ngiti o tawa ang lahat. Pakiramdam tuloy niya’y may isang invisible wall na nakaharang sa pagitan nila. Pinikit niya ang kanyang mga mata para hindi malaman ni Leandro na gising pa siya. Naramdaman niya itong dahan-dahang umupo sa gilid ng kama. Kahit hindi niya ito makita ay alam niyang tinititigan siya nito. Makaraan ang ilang segundo ay banayad nitong hinalikan ang kanyang noo, at naramdaman niya itong dahan-dahang tumayo. Binuksan lang niya ang kanyang mga mata ng narinig niyang nagsara ang pinto. Bumaba siya ng kama at dahan-dahang binuksan ang pinto. Sumilip siya sa labas at nakita niya si Leandro na nakaupo sa isang upuan na malapit sa bintana, nakatitig ito sa kalawakan. Mas malayo pa kaysa sa mga bituin ang direksyon ng mga mata nito. Hindi na niya ito inabala pa at nagbalik na siya sa kama. Isang bagay ang natuklasan niya ng gabing iyon. Malungkot na tao si Leandro, iyon ang totoo. Lagi nitong ikinukubli ang tunay na damdamin sa pagtawa, ngunit sa mga mata nito, may isang malalim na kirot na hindi nito maitago. Noon lang iyon nakita ni Julia. Noon din lang niya napansin dahil noon lang tunay na tumibok ang kanyang puso. Kung dati-rati ay gusto lang niya ang binata dahil sa mga pansarili niyang interes, noo’y mahal na niya ito.

Page 92: The Promise

“Ano ba talagang problema mo ha?!” galit na sumbat ni Julia. Nasa loob sila ng mall noon at papauwi na sana ng mapuno siya sa pamumuna ni Leandro. “Ano bang masama kung suot ko itong kuwintas na ito at ano naman kung naka-braid itong buhok ko!?” “Hindi ba binigyan na kita ng ibang kuwintas,” sagot ni Leandro. Mataas na rin ang tono nito ngunit hindi kagaya ni Julia. “Ba’t hindi na lang yun ang gamitin mo? Akala ko ba binenta mo na ‘yan?” “Ano? Ba’t ko naman ibebenta eh bigay mo ‘to? Hanggang ngayon ba iniisip mo pa rin na pera lang ang habol ko sa’yo.” “Hindi ba totoo?” balik ni Leandro. Hindi nila alintana ang mga taong nagtitinginan sa kanila. “Kaya mo ako nagustuhan dahil napapakinabangan mo ako. Akala mo ba hindi ko alam na seven hundred lang ang binayad mo noon sa motel?” “Eh, ba’t di ka umangal? Ba’t ka naman nagbigay ng three thousand eh alam mo naman pala. Uto-uto ka rin naman pala eh.” “Sinadya kong magpa-uto sa’yo dahil gusto kita. Paraan ko yun para mapalapit sa’yo. Masama ba?” Parang natatawang naiinis si Julia. Daig pa nila ang mga batang nag-aaway. “At hanggang ngayon iniisip mo na ganun pa rin ako?”

Page 93: The Promise

Leandro sighed and raised his arms to give up. “Okey! Siguro nga hindi na, but I really don’t like you wearing that necklace, and especially that kind of hair!” Muling uminit ang ulo ni Julia. “Ano bang masama sa buhok ko eh ito nga ang nagustuhan mo sa akin noon di ba? I just wanted to please you!” “I don’t have to tell you why!” “…Fine,” aniya at hinila ang dalawang tali ng kanyang buhok, saka niya ito inilugay. “Ayan, masaya ka na?” Nanahimik si Leandro. Mukhang nakuntento ito sa kanyang ginawa. “And this necklace.” Tinanggal niya ang suot na necklace at isinampal sa dibdib nito. “Ayan, ibabalik ko na lang sa’yo. Ang totoo mas gusto ko yan dahil yan ang unang regalo mo sa akin! Goodbye!” “Julia!” Hinila ni Leandro ang kanyang kamay “Don’t leave yet.” “I want to go home!” Bumitaw si Julia sa mga kamay ni Leandro. “And don’t take me home. Kaya kong umuwing mag-isa. Bukas na lang tayo mag-usap.”

Page 94: The Promise

Sa pangalawang beses na pagtalikod niya’y hindi na siya hinadlangan ni Leandro. Kung sinundan man siya nito ay hindi na niya alam dahil hindi na niya ito nilingon pa. Mula nang magkakilala sila ay iyon na yata ang pinakamalalang pag-aaway nila. Maraming beses na silang nag-away dahil sa kuwintas at sa pag-aayos niya ng kanyang buhok, at hanggang noon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit ito ikinagagalit ni Leandro. Hindi naman niya mapigilang i-braid ang kanyang buhok dahil nasanay na siya sa ganoong pag-aayos. Kadalasan ay sa opisina lang niya ginagamit ang kuwintas at hinuhubad kung magkikita sila, ngunit ng araw na iyon ay nakalimutan niya itong tanggalin. Huminga siya ng malalimbago siya pumasok ng elevator. Munting away lang naman iyon, natural lamang na nangyayari sa mga magkasintahan. Sigurado siya, bukas ay susunduin siyang muli ni Leandro at aasta itong parang walang nangyari. *** Hindi nagkatotoo ang inakala ni Julia. Kinabukasan ay hindi siya sinundo ni Leandro. Pinauna pa niya si Claire sa pag-uwi at naghintay siya ng thirty minutes ngunit wala pa ring dumating. Mukhang mas malala kaysa sa inakala niya ang ipinalagay niyang simpleng away lamang.

Page 95: The Promise

Naglakad siya papunta sa estasyon ng MRT. May katagalan na rin mula nang huli siyang sumakay doon dahil kadalasan ay nagta-taxi sila ni Leandro pauwi o kung wala man siyang sundo ay sa bus siya sumasakay. Paalis na sana siya ng ticket booth ng mapansin niya ang picture sa ID na naka-lost and found. Nilapitan niya iyon at binasa ang pangalan. Hindi nga siya nagkamali, si Leandro ang may-ari ng ID na iyon. “Miss, puwedeng i-claim itong ID?” tanong niya sa babaeng nagbabantay. “Ma’am, kailangan po yung may-ari ang mag-claim.” “Wala kasi siya eh. Kung gusto mo ipakita ko pa picture niya para proof na kilala ko siya.” Inilabas ni Julia ang kanyang wallet at ipinakita ang larawan nilang dalawa ni Leandro. Napakamot sa noo ang babae. “Sige na nga. Matagal na rin kasi ‘yan dito eh. May wallet siyang kasama pero walang cash.” “Okey lang,” sagot ni Julia. Batid niyang ito ang wallet na dinukot kay Leandro nung una silang nagkita. Matapos niyang makuha ang wallet ay tumabi siya sa isang sulok para tawagan si Leandro. Ang totoo’y kanina pa niya ito gustong tawagan ngunit nag-aalangan siya na baka galit pa

Page 96: The Promise

ito sa kanya. Ngayo’y may dahilan na para sila’y magkausap. “Hello?” Nagulat si Julia. Boses ng babae ang sumagot sa telepono. Sigurado siya, si Mrs. Jimenez iyon. Gusto niya sanang babaan ngunit baka isipin nitong bastos siya’t lalo siyang hindi magustuhan. “Ah—Hello po.” “Oh, Julia!” Kinagat niya ang kanyang labi. Alam pala nitong siya ang tumawag. Kung sabagay ay naka-register sa cellphone ni Leandro ang kanyang number. “You need something Dear?” Nagtaka si Julia kung bakit napakabait ng tono nito sa kanya. “Ah, opo. Andyan po ba si Leandro? Nahanapan ko po kasi yung wallet niya.” “Yes, iha. Andito siya, but you cannot talk to him right now. He is very drunk.” Hindi nakaimik si Julia. Pakiramdam niya’y kasalanan niya ang paglalasing na iyon ni Leandro. “Julia?” Biglang siyang nagising sa pagkatulala. “Ah… bakit po?”

Page 97: The Promise

“Do you have time tonight? Would you like to drop by here for a few minutes? Huwag kang mag-alala, you will have a service home.” Biglang kinabahan si Julia at natakot na iniisip kung anong rason at bigla siya nitong pinapapunta sa bahay nito. Hindi kaya para pagsabihan siya na iwasan na si Leandro? “Sige po… Pupunta na po ako dyan.” “I will wait for you, iha. Bye!” “Bye!” Nanginginig ang mga kamay ni Julia na ibinaba ang cellphone. Naguguluhan talaga siya ngunit mas mabuti na rin siguro kung magkaharap sila ni Mrs. Jimenez para malaman niya ang dahilan kung bakit ganun na lamang ang pagsalungat nito sa kanilang relasyon ni Leandro. Si Brenda ang nagbukas ng gate ng makarating siya sa mansion. Inihatid siya nito sa sala kung saan naghihintay si Mrs. Jimenez. “Oh, Julia! Nice to see you again!” masayang bati ng matanda at hinalikan siya nito sa pisngi. Bilang paggalang ay hinalikan din niya ang matanda, ngunit pakiramdam niya’y nagpa-plastikan lang sila. “Ganun din po sa inyo.”

Page 98: The Promise

“Come, sit down,” ani Mrs. Jimenez na umupo sa dulo ng mahabang sofa para bigyan siya nito ng space. “You want some tea?” “Hindi na po.” Umupo si Julia at nanahimik. Hinihintay lamang niya kung ano ang sasabihin nito sa kanya. “How are you and Leandro doing?” Yumuko si Julia. Ayaw niyang sagutin ang tanong na iyon. Para maiba ang usapan ay inilabas niya ang wallet mula sa kanyang bag at iniabot sa matanda. “Nakita ko po sa MRT. Sabi po kasi ni Leandro noon may importante raw na laman yan.” Ngumiti si Mrs. Jimenez at binuksan ang wallet. Mga ilang segundo niya iyong tinitigan bago muling tumingin sa kanya. “Nakita mo na ba ito?” Umiling si Julia. “Hindi ko na po pinakialaman ‘yan.” Bumuntung-hininga si Mrs. Jimenez bago nagsalita. “Julia, I’m sure you’re thinking that I didn’t like you the first time you came here, and I’m sorry about that. Masyado akong naawa sa’yo.” Nagtatakang tumingin si Julia sa matanda. Hindi niya maunawaan ang ibig nitong sabihin.

Page 99: The Promise

“Kung ako lang ang tatanungin,” pagpapatuloy ni Mrs. Jimenez. “I like any girls na magustuhan ni Leandro, but I don’t like him for you. He has no right to do that to you.” Lalong nagtaka si Julia. Kung ang nais nitong palabasin ay niloloko lang siya ni Leandro, mahirap paniwalaan iyon. Batid niya kung gaaano siya kamahal ng binata. “Julia, did he tell you anything about his past girlfriend?” Umiling si Julia. “Binanggit lang po niya. Hindi naman po siya nagku-kuwento ng tungkol sa nakaraan. Boring daw po kasi ang past niya.” “Ganun ba?” Iniabot sa kanya ni Mrs. Jimenez ang isang larawang nakuha nito sa wallet. “That was her. She died on a car accident more than a year ago.” Nagulat si Julia. Ni minsan ay hindi binanggit sa kanya ni Leandro ang tungkol sa bagay na iyon. Kaya pala minsan ay sinabi nitong hindi na sila maaaring magkabalikan kahit gustuhin nito. Tumingin siya sa larawan at napamulagat ng husto ng mapatunayang totoo nga ang sinasabi nilang kahawig niya ang ex ni Leandro. Pareho sila ng kulay ng buhok, hugis ng mukha at maging ang nipis at pula ng mga labi nila ay walang pinagkaiba. Kung susuriin ding mabuti ay magkatulad maging ang kanilang mga mata,

Page 100: The Promise

ngunit magkaiba sila ng kilay. Maganda ang hugis ng kilay ng babae sa larawan, samantalang siya’y napakasungit ng itsura. Nakakahiya man dahil patay na ang babaeng ito, ngunit para siyang nagseselos na nasasaktan. Pakiramdam kasi niya’y kaya siya nagustuhan ni Leandro ay dahil kamukha niya ang nasira nitong kasintahan. Noo’y binibiro lang niya si Leandro tungkol dito, ngunit totoo pala. “Come iha.” Tumayo si Mrs. Jimenez. “May ipapakita ako sa’yo.” Walang imik na sumama si Julia pataas ng hagdanan hanggang marating nila ang isang malaking pinto. “This is Leandro’s room. He is inside, sleeping. Buksan mo.” Alanganin si Julia na gawin ang pinapagawa ni Mrs. Jimenez, ngunit ayaw niyang suwayin ang utos nito. Very Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Isang malaking larawan ng kahawig niyang babae ang bumungad sa kanya. Natulala siyang nakatitig sa larawan. Nakadamit ito ng low-necked na black dress at ang kuwintas sa leeg nito, kagayang-kagaya ng kuwintas na ibinigay sa kanya noon ni Leandro. Lalo pa siyang natulala ng makita ang marami pang larawang nagkalat sa pader, at ang

Page 101: The Promise

iba’y naka-frame sa ibabaw ng mesa, at karamihan sa mga larawan ay naka-braid ang buhok nito, gaya ng pag-aayos niya. Sa isang sulok pa ay may isa pang malaking larawan nito sa park at masaya itong kumakain ng palabok. Sa ibaba ng larawang iyon ay ang malaking kama, at naroon si Leandro. Totoo ngang lasing ito at mahimbing na natutulog. Yakap-yakap pa nito ang isang stuff toy. Mas malaki ang pandang iyon kaysa sa napanalunan niya nung birthday ng binata. Tinakpan ni Julia ang kanyang bibig upang hindi siya mapahagulgol. Sapat na ang lahat ng kanyang nakita para maliwanangan ang misteryong nakatago sa pagkatao ni Leandro. “And do you know her name?” tanong ni Mrs. Jimenez. Nakatitig lang siya sa matanda, natakot siyang magsalita. “Read the message behind that photo.” Nanginginig ang mag kamay ni Julia na binaligtad ang hawak niyang picture at binasa ang nakasulat doon. Dear Leandro, Remember I will always be loving you. Love, Julie! “Ha!!!” Nabitawan ni Julia ang maliit na papel at nalaglag iyon sa sahig. Kahit takpan pa niya ang kanyang bibig ay hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng luha.

Page 102: The Promise

Napakaraming mga alaala ang animo’y nagkakarerahang nagbalik sa kanya. Ang gabing sinigaw ni Leandro na “I love you Julie!” sa disco bar, ang bawat pagkikita nila na binabati siya ng “Hi Julie!”, at ang gabing ibinulong nito sa unang pagkakataong “I love you so much, Julie!” Hindi pala siya si Julie. Isa pala siyang manikang ginamit ni Leandro upang buhayin ang pinakamamahal nitong si Julie. You’re crazy! She’s gone and she is not coming back anymore! Ang mga salitang narinig niya mula kay Mrs. Jimenez. Hindi nga pala talaga siya ang tinutukoy nito kundi ang babaeng muling nabuhay sa kanyang katauhan. Si Julie pala ang lahat at hindi si Julia. “And do you know why he is drunk today?” Kahit alam ni Mrs. Jimenez na durug-durog na ang puso ni Julia ay hindi pa rin ito nagpakita ng awa. “Because today is supposed to be their fourth year anniversary.” Hindi na nakayanan pa ni Julia ang paninikip ng kanyang dibdib. Bago muling bumuhos ang marami pang luha ay tumakbo na siya palabas ng kuwarto. Kung tinawag man siya pabalik ng matanda ay hindi na niya alam dahil ng sandaling iyon ay parang nagsara ang kanyang mundo. Tuluy-tuloy siya sa pagtakbo palabas ng bahay at dumiretso sa kalsada. Walang katapusan ang kanyang pagtakbo. Kung saan man siya makarating ay hindi na mahalaga.

Page 103: The Promise

Nang mahimasmasan siya’y natagpuan niya ang sariling nakatayo sa harapan ng pinto ng bagong bahay nina Lucy at Jasper. Hindi niya alam kung paano siya napadpad doon. Dahil sa tahol ng mga aso ay nagising ang kanyang kaibigan at nadungawan siya nito sa bintana. Agad siyang pinapasok, at doon siya humagulgol sa iyak. Chapter 9 “Okey ka lang?” tanong ni Claire kay Julia nang papalabas na sila ng office. Pulang-pula ang mga mata ni Julia sa magdamag at maghapong pag-iyak. “Gusto mo ihatid ka na lang namin ni Benedict?” Pinilit ngumiti ni Julia. “Hindi na. Don’t worry, okey na ako.” “Sigurado ka?” Nahinto silang lahat ng nakita nila si Leandro na nakatayo sa harapan ng gate. Nagkatinginan ang magkaibigan. “Mabuti siguro kung mag-usap muna kayo,” ani Claire. “Mahirap ang naghihiwalay na hindi man lang nag-uusap.”

Page 104: The Promise

Yumuko si Julia. Wala siyang intensyon na iwasan si Leandro, ngunit nagtaka siya kung ano pa ang dapat nilang pag-usapan. Sinamahan lang siya ni Claire palabas ng gate, pagkatapos ay tinapik siya nito sa balikat at umalis na. Makaraan ang ilang sandali ay naramdaman niyang nakatayo na si Leandro sa harapan niya. “Hi!” malungkot na bati nito. “Kumusta ka na?” Nanatiling nakayuko si Julia. Ayaw niyang makita ang mukha nito. Bumuntung-hininga si Leandro bago muling nagsalita. “So my mother told you all about it.” Parang gustong sampalin ni Julia ang binata, subalit ayaw niyang mag-eskandalo sa publiko. “Julia… I’m sorry.” Hindi na nakatiis si Julia at nagtangka na siyang umalis, ngunit pinigilan siya ni Leandro. “Julia, please listen to me!” Nilunok na lamang ni Julia ang hinanakit at galit. Ayaw niyang magpakita ng anumang emosyon. “Ano bang gusto mong sabihin?” malamig niyang tanong.

Page 105: The Promise

“Julia,” halos pabulong na wika ni Leandro. “It’s true I couldn’t forget about her, but that doesn’t mean that I don’t love you.” Matapang na tumingin si Julia sa mga mapanlinlang na mata ni Leandro. “Hindi naman ako ang mahal mo eh, si Julie.” He opened his mouth to speak, but no words came out. “Everytime pala na tinatawag mo akong Julie, hindi ako ang nakikita mo, kundi ang aninong nabubuhay sa akin. You made use of me as a vessel, para buhaying muli ang kinababaliwan mong si Julie.” “Julia—” “Mabuti pa yung patay at pilit mong binubuhay, pero ako, si Julia na buhay, pinapatay mo mabuhay lamang si Julie!” “Julia, please—” “Hindi ba totoo? Kaya mo ako binigyan ng necklace at ng dress para maging kamukha ko ang namatay mong girlfriend. Tama nga ang mommy mo, baliw ka talaga. Pero malas mo hindi ako kailanman magiging si Julie. Dahil ako si Julia Valencia, isang ordinaryong office girl pero hindi pa ako patay!”

Page 106: The Promise

“That’s right, she’s gone.” Sa wakas ay nakapagsalita na rin si Leandro. “But you are alive, and we can still make it.” Umiling si Julia. Nagbabadyang muli ang luha sa kanyang mga mata. “Tama na ang paggamit mo sa akin. You are going too far.” “It’s you who made use of me,” ani Leandro. “You didn’t really like me. You just made use of me for your personal interests. Para ipakita sa mga kaibigan mo na may boyfriend kang mayaman, hindi ba totoo?” Hindi agad nagsalita si Julia. Nanatili lang siyang nakatingin sa malayo. “Noon yun, Leandro. things has changed now… dahil mahal na kita ngayon.” Natameme si Leandro sa confession ni Julia. Hindi nito nagawang makapagbitiw man lang ng salita bago umalis ang dalaga. Pagtalikod ni Julia ay tumulo na ang pinipigil niyang luha. Hindi na niya muling nilingon pa ang lalaking iniwan niyang nakatunganga. Nakonsensya marahil ito. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala na sa kabila ng pagmamahal na ipinakita sa kanya ni Leandro ay isang malaking panlilinlang pala ito. Nakatawid na siya ng highway ng tumunog ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya’y galing iyon kay Leandro. Right then and there, binasa niya ang message.

Page 107: The Promise

I’ll wait for you at the park tomorrow. Even for the last time, please let’s talk! Nilingon ni Julia ang binata. Naroon pa rin ito sa harapan ng gate at nakatingin sa kanya. Pinagmasdan niya rin ito ng ilang sandali, at siya’y umalis na papalayo. *** Buong gabing nag-isip si Julia, at iisa ang naging desisyon niya. Hindi niya sisiputin si Leandro. Hahayaan niya itong maghintay sa wala, ngunit pagdating ng hapon, habang nag-aagawan ang dilim at liwanag, ay natagpuan niya ang sariling patungo sa park. Pagdating pa lang niya sa lugar kung saan sila umupo noon ay nakita na siya agad ni Leandro. Ngumiti ito, isang malungkot na ngiti, ngunit hindi niya ito tinugunan. “I thought you’re not coming anymore,” ani Leandro at umupo sila sa damuhan. Mga isang hakbang ang layo nila sa isa’t-isa at pareho silang nakaharap sa nananahimik na lake. Dahil gabi na’y wala na ring tao sa paligid. Sa labis na katahimikan ay naririnig pa nila ang paghinga ng bawat isa. “Dito kami parating nagde-date noon.” Nagsimulang magsalaysay si Leandro. “Everytime

Page 108: The Promise

na pumunta kami dito, lagi siyang nagpapabili ng palabok. Paborito niya kasi yun.” Nagkaroon uli ng maiksing katahimikan, at malungkot na tumawa si Leandro. “She was a very cheerful person. She’s the kind of girl na gustong baliktarin ang mundo. She likes to pick me up at home, and she likes to drive cars. Hindi ko akalain na iyon ang magiging cause ng death niya… That day na nakita mo ako sa MRT, it was her first death anniversary.” Parang isang dagok sa dibdib ni Julia ang mga sinabing iyon ni Leandro. Kaya pala hindi nito makalimutan ang pumanaw ng dalaga dahil hindi pala ito pangkaraniwang babae na kagaya niya. “…Nung araw na tinawagan kita para ibalik yung bracelet ko, hindi ko akalaing doon tayo sa restaurant na iyon magkikita. Doon kasi kami unang nag-dinner noon, right on that table.” “Iyong bracelet ba…” Napakahina ng boses ni Julia. If she had spoken louder, Leandro might notice the crack on her voice. “Galing ba yun kay Julie?” Leandro sighed, then he nodded. “She gave me that on our first anniversary. Iyon ang dahilan kaya hinabol kita ng ganun na lamang. Kaya binayaran kita ng three thousand, kahit alam kong niloloko mo lang ako.” “So it’s not true na nagpaloko ka sa akin dahil gusto mong mapalapit sa akin?”

Page 109: The Promise

“That is also true.” Naguluhan si Julia, ngunit hinintay na lamang niya ang sasabihin ng binata. “ Noon kasing una kitang nakita, hawig na hawig mo siya. Pati ayos ng buhok, pareho kayo, and the way you smile and speak. Kilay niyo lamang ang magkaiba. Pakiramdam ko noon, parang siyang nabuhay uli.” Pinilit ngumiti ni Leandro bago nagpatuloy. “ Doon na rin nagsimula ang kahangalan ko. I forced myself to believe na ikaw ang girlfriend ko.... But after our first meeting, I decided na huwag kang idamay sa kabaliwan ko. Kaya kahit nung relo ko naman ang kinuha mo, hindi na kita inabala pa. Pero ikaw itong makulit. Tumawag ka, at hindi naman kita matanggihan dahil ang totoo’y gusto rin kitang makita uli.” Kinurap-kurap niya ang kanyang mga mata para pigilin ang nagbabadyang luha. “Yung necklace na binigay mo, kay Julie ba yun?” “No,” umiling si Leandro. “She was buried with that necklace. Naghanap ako ng necklace na gaya ng sa kanya, para mas lalo kong iisipin na ikaw nga siya. Napanganga ng ilang segundo si Julia, at pagkatapos ay yumuko na uli. Tama nga ang iniisip niya, lahat ng ginawa ni Leandro ay para buhaying muli si Julie sa pamamagitan niya.

Page 110: The Promise

“Yes, I admit that I tried to bring her back to life through you.” Parang nabasa ni Leandro ang kanyang iniisip. “All those things I did with you were all patterned from those events me and Julie had. Remember our second meeting when I forced you to meet me on that night club? Dahil doon rin kami nag-date ni Julie noon for the second time.” “…And when you screamed at the stage, para kay Julie iyon di ba?” Tumango si Leandro. “Yes. That was a very crazy thing to do... And after that nag-decide uli akong iyon na ang huli nating pagkikita, pero siguro’y nakatadhana na muling mag-krus ang landas natin.” Tahimik na nakinig si Julia, ngunit ng huminto si Leandro ay dahan-dahan niya itong tiningnan. Nagsalubong ang kanilang mga mata. Tinititigan pala siya ni Leandro kaya ito huminto sa pananalita. Muli siyang yumuko, at nagpatuloy ang binata. “…From then, I was determined to turn you into someone exactly like her. Kaya huwag kang magtaka kung bakit kita pinilit na gumawa ng cake. Noon kasing birthday ko noon, she impressed me with a cake she made herself. While you gave me something from a bakeshop.” Nagulat si Julia. Hindi niya alam kung paano iyon nalaman ni Leandro.

Page 111: The Promise

Nangiti si Leandro sa nakitang reaksyon ng dalaga. “You changed the box, but you forgot the tray. Tha name of the bakeshop was printed there.” Hindi na nagsalita pa si Julia. Alam niyang bistado na siya at hindi na siya makakapagpalusot pa. “That time, she picked me up with her car and we went to enchanted kingdom.” Ipingpatuloy muli ni Leandro ang pagsasalaysay. “That’s when I knew na expert pala siya when it comes to shooting those rings. She got the prize on her second try.” Habang nakikilala ni Julia ang pumanaw na dalaga ay lalo siyang naiingiit. Napakarami pala nitong talents na wala sa kanya. Kung buhay pa siguro ito’y siguradong wala siyang kalaban-laban dito. Kahit nga ngayong patay na’y hindi pa rin niya ito matalo-talo sa puso ni Leandro. “And so with our first monthsary. You looked exactly like she did that day, especially with the necklace. Doon rin kami sa restaurant na iyon nag-dinner, at nagpunta rin kami sa perya. After that I introduced her to my mother. Tuwang-tuwa noon si mommy. I thought she would be happy to know you too, pero nung dinala kita sa bahay, na-shock siya. Hindi niya akalaing ganun na pala kaluwag ang turnilyo sa utak ko.”

Page 112: The Promise

Tumawa si Leandro, ngunit tahimik lang si Julia. Para sa kanya’y hindi nakakatuwa ang ginawang iyon ng binata. Kung maramdaman lang sana nito kung gaano kasakit ang lahat. “After my fight with my mother, nakonsensya rin ako, at naawa ako sa’yo. That was why I did not show up for one month.” “Then why did you show up again?” tanong ni Julia. “…Because I didn’t like to lose you.” Parang may humaplos sa puso ni Julia. Parang sa isang iglap ay nawala ang lahat ng sakit, ngunit ang isip niya’y nagsasabing isa na naman ito sa panloloko ng binata. “When I waited for you at your door, I was determined to love you as Julia and not Julie. . From that moment on, I stopped wearing that bracelet, I stopped taking you to places where we had been before, and I never called you Julie anymore, but from time to time, whenever you smile at me and whenever we kiss, you always remind me of her.” Leandro paused, and when he spoke again, his voice cracked like he was on the verge of crying too. “But I tried. God knows how I tried to forget and I tried to love you as another person. If I told you about this earlier, you could have understood why I didn’t like you wearing that necklace and that kind of hair.”

Page 113: The Promise

Hindi na nag-comment pa si Julia tungkol sa bagay na iyon. Nung sandaling nakita niya ang larawan ni Julie sa kuwarto nito ay alam na niya ang dahilan kung bakit ganun na lamang siya nito inaaway dahil lamang sa necklace at sa braid ng kanyang buhok. “…and as I fell in love with you, I felt her getting jealous. As my feelings for you grow deeper, the more that she grows jealous too.” Hindi maintindihan ni Julia kung paano magseselos ang isang taong patay na. At kung totoo man, bakit hindi na lang nito pakawalan si Leandro dahil wala naman na ito sa mundo. Ngunit ano nga bang magagawa niya kung ganun pa rin kahalaga ito kay Leandro. Hindi naman niya ito maaaring sapilitang agawin. Naramdaman niyang lumapit si Leandro sa kanya. Tinignan niya ito sa mata at hinawakan nito ang kanyang kamay, saka niya naramdamang may idinampi itong bagay sa kanyang palad. “I can’t take this back. This was my first gift to you so please keep it.” Nang bitawan ni Leandro ang kanyang kamay ay nakita niya ang kumikislap na necklace na isinaksak niya noon sa dibdib nito. Nilaru-laro niya iyon, at saka niya inilagay sa dala niyang purse. “This might be the last time that we will see each other.”

Page 114: The Promise

Iyon ang hindi in-expect ni Julie na sasabihin ni Leandro. Tulala siyang napatingin sa binata, seryoso nga ito sa sinabi. Noon niya naramdaman kung gaano niya ito kamahal at ayaw niya itong mawala sa kanya, subalit siguro’y hindi talaga nito kayang kalimutan si Julie. “I’m going to the States,” paliwanag ni Leandro. “I will go there to fix my life. That is the best place where I can forget about her the easiest way, somewhere that no places I see can remind me of her. After that, I can start loving someone else.” Napakagat siya sa labi. Sa isang iglap ay nabigyan siya ng kaunting pag-asa. “Another reason is… I will go there to make myself worthy of you… But before that, there is one final thing that I want to give you.” Nilabas nito ang isang maliit na box mula sa bulsa, at ng binuksan nito iyon ay kuminang ang dalawang mamahaling diamond rings. Nasorpresa si Julia, ngunit hindi siya nagsalita dahil hindi niya sigurado kung para saan ang mga iyon. “I remember I promised you a ring, and I promised you a wedding too, and this time I’d like to make another promise to you.” Hinawakang muli ni Leandro ang kamay ni Julia at hinaplos-haplos ito. “That after three months, I will return. And if you still like me, I will marry you.”

Page 115: The Promise

Kung hindi lang masama ang pakiramdam ni Julia ay tatalon siya sa tuwa at yayakapin ng mahigpit ang binata. Hindi nito alam kung gaano siya nito pinasaya sa binitiwang pangako. Maluha-luha pa siyang sumisinghot habang isinusuot ni Leandro ang singsing sa kanyang daliri. “With this ring, hold on to my promise. I will come back for you.” Naluluhang ngumiti si Julia habang tinititigan ang singsing sa kanyang daliri. Siguro’y ganito rin ang naramdaman nina Lucy at Claire noong nag-propose ang kanilang mga kasintahan. Subalit iba ang sitwasyong kinalalagyan niya, masaya at malungkot. Kahit hindi sinasabi ni Leandro ay pinulot niya ang mas malaking singsing sa box at isinuot niya iyon sa daliri nito. “Don’t forget that you made a promise.” Ngumiti si Leandro at pinisil ang kanyang kamay. “I won’t. I will never,” sagot nito at para bang sabik na sabik na hinalikan ang malalamig niyang mga labi. Sa isang saglit ay ibinalik nito ang init ng mga iyon. Chapter 10 Simula ng umalis si Leandro ay para bang napakabagal ng bawat araw para kay Julia, at sa

Page 116: The Promise

bawat uwi niya sa kanyang apartment, sa bawat lugar na madaanan niya, at sa bawat bagay na makita niya ay nagbabalik ang mga masasaya at mga malulungkot na alaala ng binata. Bagay na lalong nagpalala sa kanyang pangungulila. Lumipas ang pasko na hindi man lang niya naramdaman. Ang mga masasayang awitin at ang mga nagkikislapang ilaw sa lansangan ay hindi man lang nagbigay ningning sa kanyang mga mata. Ni isang sulat o tawag sa telepono ay wala siyang natanggap mula kay Leandro. Para ba itong naglahong parang bula. Ganunpaman, ang singsing na lagi niyang suot sa kanyang daliri ang nagbibigay pag-asa sa kanya. Sa tuwing nakikita niya iyon ay saka lamang siya napapangiti. May tiwala siyang tunay ang pangakong hawak ng singsing na iyon. Sa pagdating ng buwan ng mga puso ay napipinto na rin sa wakas ang pinakahihintay niyang sandali. Unti-unting nagbalik ang sigla sa kanyang mga mata at umaapaw ang kanyang pananabik sa muli nilang pagkikita ni Leandro. Gabi pa bago ang itinakdang araw ay kabadong-kabado na siya. Maging sa opisina kinabukasan ay wala siyang ibang inisip kundi ang magiging itsura niya at kung ano ang kanyang sasabihin kapag kaharap na niya si Leandro. Hindi niya isinuot ang necklace, at hindi rin niya tinirintas ang kanyang buhok. Gusto niyang umiwas sa anumang komplikasyon na maaaring idulot nito.

Page 117: The Promise

Nag-undertime siya kinahapunan sa trabaho. Si Claire, na siyang tanging nakakaalam sa opisina, ay buong-buo ang suporta sa kanya. Tumawag din sa kanya si Lucy para palakasin ang kanyang loob. Masayang-masaya siya sa pagtungo niya sa park. Parang napakaaliwalas ng panahon at animo’y naririnig niya ang tinig ng mga ibong hindi naman niya nakikita. Wala pa doon si Leandro ng makarating siya kaya’t umupo siya sa damuhan at naghintay. Anumang sandali ay darating ito kaya’t halos every five minutes ay tinitingnan niya ang kanyang mukha sa maliit na salamin. Punung-puno siya ng pag-asa ng sandaling iyon na sa wakas ay matatapos na rin ang kanyang pangungulila. Nasasalamin sa kanyang mga ngiti ang kaligayahang nararamdaman ng kanyang puso. Kung minsan nga ay napapalingon sa kanya ang mga taong dumadaan. Hindi niya binigyang halaga kung iisipin ng mga itong nababaliw na siya. Lumubog ang araw, dumilim ang langit, at lumamig ang hangin. Wala na ang mga taong namamasyal sa paligid. Sa sobrang expectation niya ay hindi niya namalayan ang paglipas ng oras… Wala pa rin si Leandro. Unti-unting naparam ang kanyang ngiti, at ang ninging sa kanyang mga mata ay kumupas na rin. Nawalan muli ng kulay ang kanyang mundo.

Page 118: The Promise

Ngunit hindi siya sumuko. May kaunti pa rin siyang liwanag na nakikita. Hangga’t naroon ang kislap ng singsing sa kanyang daliri ay may pag-asa pa. Kilala niya si Leandro. Hindi nito kailanman sinira ang binitiwang pangako. Nanatili siya doon. Ang akala niya’y mag-isa na lamang siya ngunit may naramdaman siyang kaluskos sa kanyang likuran. Lumingon siya, at apat na anino ang kanyang nakita, apat na pares din ng mga matang malungkot na nakatitig sa kanya. Hindi siya umimik at yumuko na lamang habang papalapit ang apat sa kanyang kinauupuan. Nakakahiya sa mga kaibigan niya. Nakita pa ng mga ito ang kanyang kaibiguan. “Kanina pa kami doon sa likod ng halaman.” Ingat na ingat sa pananalita si Lucy habang nagsiupuan ang lahat sa paligid niya. “Nagtago kami doon para hindi mo kami makita.” “Gusto sana namin kayong sorpresahin…” Tinikom ni Claire ang bibig ng bigla siyang sikuhin ni Benedict, at iniba ng binata ang usapan. “May dala kaming foods. Baka gutom ka na.” “Balita ko matakaw ka raw.” Masaya ang tono ni Jasper. Siguro ay gusto lang nitong ibahin ang malungkot na atmosphere. “May burgers dito, fries, hotdogs. Sige, mauubusan ka.”

Page 119: The Promise

Dahil doon ay nabigyan ng lakas si Julia na tumingin sa kanyang mga kaibigan. Abala ang lahat noon na binubuksan ang dalawang malalaking bag ng pagkain na dala nila. Ngunit batid ni Julia na kunwari lang ang mga ito, dahil ang totoo’y awang-awa ang mga ito sa kanya. Instead na umiyak ay nginitian ni Julia ang malungkot niyang kapalaran. Nagtaka ang mga kaibigan niya ng bigla siyang lumapit at nagsalita na parang walang nangyari. “Sigurado kayong naka-budget ako dyan ha.” “Kahit sa’yo pa lahat,” sagot ni Jasper. “Basta sa akin itong burger.” Natawa ang lahat sa laki ng kagat ni Jasper na halos makalahati ang burger. Habang tumatagal ay nagiging kampante na rin ang dalawang lalaki sa company nila. Akala ni Julia noon ay puro sosyal na mga lugar lamang ang alam ng mga itong puntahan, ngunit hindi pala. Sumakay siya sa mga biro, nakipagtawanan, at kumain ng tatlong packs ng fries at dalawang spaghetti. Napuno ang paligid ng tuksuhan, lalo na tungkol sa katakawan ng bawat isa. Noon nila nabatid na lahat pala sila ay matatakaw. Ngunit wala ni sinuman ang nagbanggit sa pangalan ni Leandro. Sa loob ni Julia ay ganun na lamang ang pasasalamat niya sa mga anghel na dumating sa sandaling kailangan niya ng karamay. Ngayo’y kailangan na niyang tanggapin na hindi na darating pa si Leandro. Kinalimutan na nito ang

Page 120: The Promise

binitiwang pangako, at ang singsing sa kanyang daliri ay magiging alaala na lamang ng isang nasirang pangako. *** Parang napakabilis ng paglipas ng panahon. Nalalapit na naman ang kasal ng isa pa niyang kaibigang si Claire. Maaga pa lang ay nag-resign na ito sa trabaho gaya ng gustong mangyari ni Benedict. Mag-isa na lang siyang naiwan, at sa labis na kalungkutan ay minabuti na lang niyang tanggapin ang offer sa kanyang transfer at promotion sa isang sister company ng pinapasukan niyang kompanya. Dahil medyo malayo ang pinaglipatan sa kanya ay lumipat na rin siya ng apartment. Trainor na siya doon, at higit sa twenty thousand ang tinatanggap niyang suweldo. Maari na niyang sabihing marangya na ang kanyang buhay, ngunit hindi niya maitatanggi na may malaking puwang pa rin sa kanyang puso. Lalo na ng makita niya ang labis na kagalakan ng mag-asawang Lucy at Jasper nang malamang magkakaroon na sila ng baby. Napakaliwanag ng mukha ni Claire ng araw ng kasal nito, at tinupad nito ang pangakong siya ang gagawin nitong bride’s maid. Maraming tao ang dumalo. Habang naglalakad siya sa aisle ay panay ang tingin ng ilang mga binata sa kanya. Naisip tuloy niyang siguro’y iyon na ang panahon

Page 121: The Promise

para makilala niya ang lalaking karapat-dapat sa kanya. “You may now kiss the bride,” anang pari ng matapos ang seremonya. Wala ng hihigit pa sa selos na nadarama ni Julia habang ang mga tao’y nagpapalakpakan. She wondered kung kailan din kaya siya maglalakad sa altar at sino kaya ang lalaking makakatabi niya doon. Matapos ang pictorial ay lumabas na ang bagong kasal, at nang oras na para ihagis ang boquet ay nagmamadaling nagtungo sa crowd si Julia, kasama pa niya si Lucy. “Tutulungan kitang saluhin yung boquet,” anito. Natawa si Julia. “Kaya mo kaya eh mas maliit ka sa akin?” “Malay mo,” sagot ni Lucy at tumingin kay Claire na nakahanda nang ihagis ang bulaklak. “Dito Claire! Para makapag-asawa na itong kaibigan natin!” “Sira!” Tumawa si Claire at sa direksyon nga ni Julia inihagis ang bulaklak, ngunit medyo nalakasan yata nito.

Page 122: The Promise

Nahawakan ni Julia ang boquet ngunit lumagpas iyon sa dulo ng kanyang daliri. Isang matangkad na tao na naman ang nakakuha sa bulaklak. Sumimangot siya at aalis na sana nang nagtawanan ang mga tao. Humarap siya sa kanyang likuran kung saan nakatingin ang lahat at laking gulat niya ng makita kung sino ang umagaw sa kanyang boquet. Si Leandro Jimenez. Habang tulala si Julia ay ngumiti si Leandro at ibinigay sa kanya ang bulaklak. “Tayo naman ang susunod.” Napaurong si Julia. Gulat pa rin siya at hindi makapaniwala. “Leandro?” Namukhaan ito ni Lucy. “Ikaw yan?” Nginitian ni Leandro si Lucy, at sa di kalayuan ay kinawayan din siya ni Claire. Halatang gulat din ito. “Insan, ikaw ‘yan?” Ginising ng boses na iyon si Julia. Si Hermie iyon na dati niyang supervisor. Pinsan pala nito si Leandro. “Hi, ma’am Hermie!” bati ni Lucy. “Ate Hermie, you’re here!” Leandro said in surprise.

Page 123: The Promise

“Of course! Hi Lucy!” Natigilan si Hermie nang makita si Julia, at tumingin ito kay Leandro. “Magkakilala kayo?” Ngumiti si Leandro. “Matagal na.” “You know Julia?” tanong ni Hermie kay Leandro. “Siya dapat yung ipapakilala ko sa’yo nung birthday ko last year pero hindi siya dumating. Nagulat na naman si Julia. Hindi niya akalaing si Leandro pala ang tinutukoy noon ni Hermie na guwapo at mayamang pinsan nito. “Well, that means we really were destined to meet,” ani Leandro. Naputol ang usapan nang muling nagpalakpakan ang mga tao. Papaalis na pala ang bride at groom papuntang reception. “Ay sandali!” Hermie almost screamed. “Dyan muna kayo at magpapaalam lang ako kay Claire. Hindi na kasi ako makakapunta sa reception.” Nang makaalis si Hermie ay si Lucy naman ang nagsalita. “Mabuti naman at dumating ka, Leandro.” “Hindi nga ako invited eh,” ani Leandro. “Nabasa ko lang sa newspaper. Sigurado ko kasing andito si…” Hindi na nito tinuloy ang

Page 124: The Promise

sinasabi at tumingin na lamang kay Julia na hanggang noon ay pulang-pula pa rin. Ngumiti si Lucy. “Iwanan ko na nga kayo. Mag-usap kayo ha.” “Sure Lucy,” nakangiting sagot ni Leandro at kumaway sa papalayong babae, saka niya hinarap si Julia. “Ba’t narito ka?” tanong ni Julia. Hindi niya alam kung na-offend si Leandro ngunit wala siyang ibang maisip na itanong. “I came to see you… like I promised you.” Kani-kanina’y walang emosyon si Julia, subalit sa sandaling iyon ay parang gusto niyang yakapin si Leandro at umiyak sa dibdib nito. Ngunit natuto na siya. Ayaw na niyang magtiwala. “I see you are still wearing the ring.” Julia looked at her fingers. Naroon pa nga ang singsing na matagal nang naghihintay sa pagbabalik ng isang taong nangako, ngunit ngayong narito na ito’t nakatayo sa harapan niya ay para bang nagbalik ang hinanakit sa hindi nito pagsipot sa pinagkasunduan. “I’ve always worn this too,” ani Leandro at ipinakita ang daliri na suot-suot ang pares ng singsing. “This always reminds me of my promise to you.”

Page 125: The Promise

“It’s too late, Leandro.” Hindi alam ni Julia kung bakit niya sinabi iyon, pero natutuwa siyang makita at malaman na nasasaktan din pala ito. Wala pa iyon sa sakit na pinagdaanan niya. “Tell me, Julia.” Hindi sumuko si Leandro. “Do you still love me? Or is there someone else?” “Yes, there is someone else.” Tumalikod si Julia. Hindi na niya kayang tagalan na makitang nasasaktan ito. Hindi na siya interesado kung ano ang kailangan nito at biglang nagpakita sa hindi niya inaasahang pagkakataon. Kung kailan pa siya unti-unting nakakalimot ay saka ito nagbalik. Ayaw na sana niyang guluhin pa nito ang tahimik na niyang buhay. *** “Julia?” Nilingon ni Julia si Lucy na paparating sa kanilang table. Kasalo niya noon ang mga katrabaho niya noon sa dati niyang office. Sa hotel na iyon nila ginanap ang reception ng kasal nina Claire at Benedict. Sinenyasan siya ng kaibigan kaya tumayo siya’t nilapitan ito. “Bakit?” Bumuntung-hininga si Lucy. “Pasensya ka na ha. Andito si Leandro, tinatanong kung

Page 126: The Promise

totoong may boyfriend ka na. Sinabi ko hindi totoo.” “Ha?!” Julia exclaimed. “Bakit?” “Julia, please give him a chance. Let him explain. Baka naman may nangyari noon sa kanya.” Hindi umimik si Julia. Nagtataka siya kung bakit parang pinapanigan ni Lucy si Leandro. “He is waiting for you inside my room. Kasama niya doon si Jasper, at hindi raw siya aalis hangga’t hindi kayo nakakapag-usap.” Bumuntung-hininga si Julia. Kung sa kanya lamang ay wala na siyang sasabihin kay Leandro, ngunit dahil nakikiusap si Lucy ay pagbibigyan niya ito. Sabay silang nagtungo sa hotel room. Pagbukas pa lang ni Lucy sa pinto ay nakita niya agad si Leandro na nakaupo sa sofa, kaharap si Jasper, at naghihintay. Tumayo si Leandro ng pumasok silang dalawa. Sinenyasan naman ni Lucy ang asawa na lumabas muna. “Iwanan muna namin kayo dito. Don’t worry nobody will disturb you,” ani Lucy at isinara nito ang pinto.

Page 127: The Promise

Nang tahimik na ang paligid ay lumapit si Leandro sa kanya. Bigla siyang nahiya, lalo na’t halos naririnig pa niya ang kaba sa dibdib ng lalaki. “It’s not true you have someone else.” Binasag ni Leandro ang katahimikan. “I know you still love me, or else you wouldn’t be wearing that ring, and that necklace.” Hinawakan ni Julia ang kanyang leeg. Suot nga pala niya ang kuwintas na lagi nilang pinag-aawayan noon. “Magagalit ka na naman ba kung suot ko ito?” “No.” Umiling si Leandro. “It’s perfect on you.” Parang gustong ngumiti ni Julia sa narinig, ngunit may ibang bagay na gusto niyang mapag-usapan. “Tell me, Leandro. Ba’t hindi ka dumating sa usapan natin?” Ilang segundo ang pinalipas ni Leandro bago sumagot. “Because I wasn’t ready that time to see you again.” Tinitigan niya ang naluluha nitong mga mata. “Why? Dahil hindi mo pa rin makalimutan si Julie?” “…Not exactly… but perhaps.” Muling nasaktan si Julia. Parang gusto niyang mag-walk-out.

Page 128: The Promise

“There were nights when I dreamed of her... then suddenly she disappeared, and then I saw you there, smiling at me. And when I came to you, bigla na lang niya akong hahawakan sa kamay, and she refused to let me go.” Ito rin ang sinabi ni Leandro sa kanya noon bago umalis, na nagseselos raw si Julie sa kanya. She wondered kung totoo ba talaga ang mga ganitong pangitain. “But I wanted to come to you, and I wanted to love you, but while she held me like that, I could not… So on that day na magkikita sana tayo, I did not, but I swear I was there watching you from afar.” Napanganga si Julia. Hindi niya akalaing dumating pala ito sa park nung araw na iyon ngunit hindi lang nagpakita. “Then why did you not show up? You knew I was waiting.” “…I swear I wanted to come to you, but… my heart was still confused. So I went to visit Julie’s grave… It was there where I got the answers… I stayed there the whole night. Inipon ko all those moments through our two year relationship, and then I left it all there. Saka ako nagbalik sa States. Eventually, the past turned as beautiful memories that I will never forget. Then I let her go…” Ngumiti si Leandro, isang malungkot na ngiti. Ngunit napansin ni Julia ang kakaibang

Page 129: The Promise

ningning sa mga mata nito. Totoo ngang nakalimutan na nito ang nakaraan. “… It was then that I realized how much I love you, and how I wanted to see you again. So I struggled harder. Until I was confident that I was ready to see you again. I came back here, full of hope that I will get my girlfriend back, but then I found out that you already left your apartment. You weren’t working on that company either, and nobody could tell where you were. I tried asking the HR office but they said any information about you is strictly confidential. But I didn’t give up. I kept on searching for you until I learned about this wedding. “…And Julie? Did she let you go now?” Leandro nodded with confidence. “Yes, she did. She finally understood that I am still alive, and as I live I need to love again.” “If that is true…” Hinati ni Julia sa dalawa ang buhok at tinirintas iyon. Mabilis niya iyong nagawa dahil sanay na siya sa ganoong pag-aayos. “Tell me, sinong nakikita mo ngayon?” Salungat sa akala ni Julia na baka tatalikod na naman si Leandro, isang ngiti ang gumuhit sa mga labi nito. Ngiti na nagpapatunay na hindi nakaapekto sa binata ang kanyang ginawa. “I see Julia, a girl who is almost exactly the same like my ex girlfriend, but different in some special ways.” “Hindi ba magkamukha kami?”

Page 130: The Promise

“Maybe, except from those eyebrows that I like so much.” “Di ba ayaw mo ‘yan?” “No, it’s the best thing I like from you. Na-miss ko na nga katarayan mo eh. Kindly show me again?” Kahit naluluha na’y itinaas pa ri ni Julia ang kilay. Natawa si Leandro. “You’re very beautiful when you do that.” Hindi napigilan ni Julia ang emosyon at niyakap ang leeg ng binata. Napakahigpit ng naging yakap ni Leandro sa kanya na para bang ayaw nitong mawala pa siya sa kanyang mga bisig. “So, do I get another chance?” tanong ni Leandro. Tiningnan ni Julia ang binata at saka siya tumango ng dalawang beses. Sa tuwa’y niyakap pa siya ng mas mahigpit ni Leandro na halos maluha na rin sa galak. “I love you so much, Julia!,” ibinulong ni Leandro at hinalikan siya sa labi. “Not Julie?” Nagawa pang magbiro ni Julia sa gitna ng halik.

Page 131: The Promise

Leandro laughed soflty. “It’s Julia, my love.” At muli nitong siniil ng halik ang kanyang mga labi. Totoo nga ang sinabi nito. Natutunan na ni Leandro ang pagkakaiba ng dalawang taong minamahal nito na noo’y pilit nitong pinag-iisa. Ngayo’y pinaghiwalay na nito at inilagay sa dapat na katayuan. Si Julie, bilang isang magandang alaala ng nakaraan, at si Julia bilang isang taong minamahal nito sa kasalukuyan. Epilogue Napakabilis ng paglipas ng araw. Dumating ang buwan ng Hunyo, isang taon na ang lumipas mula ng una silang magkita. Ayon kay Leandro ay ito rin ang araw ng kanilang first anniversary. Natatawa man si Julia sa paniniwala ng kasintahan ay sinakyan na lamang niya ito. Wala ng mahihiling pa si Julia sa piling ni Leandro. Kung gaano ang ipinakita nitong pagmamahal sa kanya noon ay doble pa ang iniukol nito mula ng sila’y nagkabalikan. Kahit i-braid man niya ang buhok niya o isuot man niya ang kuwintas araw-araw, hindi na nila iyon kailanman pinag-awayan. Parati pa nga siya nitong pinupuri na para daw siyang bumabata sa ganoong ayos. Kaya ng nag-propose ng kasal ang binata ay wala siyang pagdududang tinanggap iyon. Sa araw ng kanilang anniversary ay isinabay nila ang announcement ng kanilang kasal.

Page 132: The Promise

Dumalo halos lahat ng mga malalapit na kamag-anak ng mga Jimenez upang makilala ang mapapangasawa ng tagapagmana. Hindi akalain ni Julia na ganun kainit ang magiging pagtanggap ng mga tao sa kanya. Kahit abala sa trabaho ay dumating rin mula Cebu ang ama ni Leandro na si Artemio. Tuwang-tuwa pa nga itong makilala ang magiging manugang. Sa panig ni Julia ay iilan lamang ang dumalo. Ang kanyang ina at ang nakababata niyang kapatid na si Joshua, at ang mga kaibigan niyang sina Lucy at Claire kasama ang kani-kanilang mga asawa. Nangako naman ang kanyang ama sa Saudi na dadalo ito sa araw ng kanyang kasal. “Sweetheart, feeling ko kailangan ko na ring magpahinga,” humihikab na ani Julia kay Leandro matapos nilang ihatid sa gate ang mga kaibigan nila. Leandro gently caressed his fiance’s cheeks, like they were the most precious things on earth. “Are you tired, my love?” Tumango si Julia. “Then we’d better go upstairs now. I’ll take you to our room.” Kakaunti na lamang ang mga natirang bisita sa garden, kung saan idinaos ang party, at lampas alas-dose na rin ng gabi kaya naintindihan naman sila ng mga ito ng magpaalam na sila. Pagpasok

Page 133: The Promise

nila ng bahay ay nasalubong nila doon ang mommy ni Leandro na hanggang noon ay abala pa ring pinagsisilbihan ang mga panauhin. “Iha, are you going to sleep now?” tanong ni Mrs. Jimenez. Tanggap na tanggap na nito si Julia at para bang mas-excited pa ito sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib. Gusto na raw kasi nitong magka-apo, dahil ang ate ni Leandro na nasa States ay hindi pa rin nagkakaanak. Nakunan kasi ito sa unang pregnancy. “Opo, mommy. Nagpaalam na rin po kami kay Daddy.” “O sige, iha. Magpahinga ka ha.” “Opo,” ani Julia at humalik sa matanda. “You too, iho. Better get some rest.” “Sure, mom,” sagot ni Leandro at hinalikan din ang ina. Pagbukas ni Leandro sa pinto ng kuwarto ay agad napatingala si Julia sa malaking painting sa gitna ng dingding. Dati ay ang larawan ni Julie ang naroon, noo’y ang letrato nilang dalawa sa park na pina-painting pa nito. Maliban doon ay may mga larawan pa siyang naka-frame sa ibabaw ng mesa, katabi ng kaisa-isang larawan ni Julie na natira sa kuwarto. Tinanggal na ni Leandro ang mga iba.

Page 134: The Promise

“Ba’t mo naman pinagtabi itong pictures namin dito?” tanong ni Julie habang pinagmamasdan ang dalawang frames. Pumalibot sa mga baywang ni Julia ang mga braso ni Leandro. “Well, maybe to remind me that Julie and Julia are two different people.” “Hmm, talaga?” paglalambing ni Julia. “Sinong magaling mag-bake ng cake?” “Si Julie.” “Sinong masuwerte sa perya?” “Si Julia.” “Sinong expert sa metal rings?” “Julie.” “At sinong mahal mo?” Leandro smiled and whispered his answer. “Si Julia,” and he kissed those luscious red lips tempting him. In a few moment, the tiny flame that ignited between their mouths spread out. Namalayan na lang ni Julia na nasa kama na sila’t dumudulas na pababa sa kanyang leeg ang mga labi ni Leandro. “Leandro, stop.”

Page 135: The Promise

Tumigil si Leandro sa ginagawa at tumingin sa mga mata ng dalaga. “Is there something wrong, my love?” Julia couldn’t tell exactly what she felt at that time. “Baka kasi… si Julie na naman ang maibulong mo.” Napangiti si Leandro. He held her hand, which wore the ring, and lifted it up for her to see. “Julia, let go of your fears. Remember the promises on this ring?” “After the wedding, all the promises are done.” “True,” tumango si Leandro. “And tonight I will make another promise… that I will make you the happiest and the most content wife in the world.” Napangiti si Julia. Nang muli siyang halikan ng kanyang fiancé ay hindi na siya natakot pa. Kung anuman ang mangyayari sa kanila ng gabing iyon ay siguradong hindi niya iyon pagsisisihan kundi ikagagalak niya habang buhay. Sigurado rin siyang hindi na si Julie ang ibubulong nito kundi ang kanyang pangalan. Pinakiramdaman niya ang singsing sa kanyang daliri. Minsa’y pinagkatiwalaan niya ang pangakong hawak ng singsing na iyon, at natupad ang lahat, hindi man sa paraang inakala niya. Ngayo’y kailangan uli niyang pagkatiwalaan ito,

Page 136: The Promise

para sa isang bagong pangako na mas mahirap pa sa dati. “Juliaaa! I love you so much, Julia!” Nangiti si Julia at pinikit ang mga mata matapos marinig ang mga salitang ibinulong ni Leandro. Iyon ang mga pinakahihintay niyang mga kataga. Wala na siyang dapat na ikatakot pa. Hangga’t nasa kanya ang singsing at ang lalaking pinakamamahal niya, the promise will never be broken. “I love you too… Leandro!” - W A K A S -