4
Department of Education Region V Division of Camarines Sur TAMBO NATIONAL HIGH SCHOOL Buhi, Camarines Sur EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO G7 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT August 6-7, 2015 I. TAMA O MALI: Isulat ang salitang TAMA kung tama ang sinasaad sa bawat bilang; kung ito ay mali, isulat ang salitang MALI. (1 puntos bawat tamang sagot) 1. Kailangan ang pagdarasal bago at pagkatapos ng bawat asignatura. 2. Ang mga guro ay itinuturing na mga awtoridad sa loob ng paaralan kaya nararapat lamang na sila ay bigyan ng tamang pagrespeto at paggalang. 3. Ang kalinisan ng silid-aralan ay mahalaga upang maging maaliwalas at kaaya- aya ito sa pag-aaral. 4. Ang pagkakaroon ng kasintahan ay normal lamang sa isang nagdadalaga o nagbibinata. 5. Ang pangangalaga sa kalinisan ng katawan ay mahalaga upang makaiwas sa mga sakit. 6. Ang paghuhugas ng kamay ay kailangan gawin lamang bago kumain. 7. Ang mga kamag-aral ay hindi kinakailangang bigyan ng paggalang dahil kasing edad lamang sila. 8. Walang karapatan ang mga mag-aaral sa loob ng paaralan kaya kailangan lamang silang sumunod sa lahat ng ipinag-uutos ng mga guro. 10. Ang katalinuhan ng tao ay nasusukat lamang sa kanyang kagalingan sa loob ng paaralan. II. PAGPIPILI A. Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot. (1 puntos bawat tamang sagot) 1. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang nagdadalaga o nagbibinata, maliban sa: a. Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo. b. Nahihilig sa pagbabasa. c. Nakagagawa na ng mga paraan upang maghanapbuhay para sa pamilya. d. Lumalayo sa mga magulang at naniniwalang makaluma ang mga magulang. 2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata? a. pagtanggap ng papel sa pag-aasawa at pagpapamilya b. pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki c. paghahanda para sa paghahanapbuhay d. pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad 3. Ano ang maari mong gawin upang maihanda ang iyong sarili sa paghahanapbuhay? a. Magkaroon ng plano sa kursong akademiko o teknikal-bokasyonal na ibig kunin sa hinaharap. b. Paunlarin ang hilig sa paglalaro at paglibang. c. Mahalin ang iyong sarili. d. Ipakita sa iyong mga kaibigan ang iyong talento. 4. Paano mo maipapakita ang paglalapat ng tamang pagmamahala sa iyong katawan? a. Pagtulong sa mga gawain at programa ng paaralan.

TQ EsP 1stQ

Embed Size (px)

Citation preview

Department of EducationRegion VDivision of Camarines SurTAMBO NATIONAL HIGH SCHOOLBuhi, Camarines Sur

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO G7UNANG MARKAHANG PAGSUSULITAugust 6-7, 2015

I. TAMA O MALI: Isulat ang salitang TAMA kung tama ang sinasaad sa bawat bilang; kung ito ay mali, isulat ang salitang MALI. (1 puntos bawat tamang sagot)1. Kailangan ang pagdarasal bago at pagkatapos ng bawat asignatura.2. Ang mga guro ay itinuturing na mga awtoridad sa loob ng paaralan kaya nararapat lamang na sila ay bigyan ng tamang pagrespeto at paggalang.3. Ang kalinisan ng silid-aralan ay mahalaga upang maging maaliwalas at kaaya-aya ito sa pag-aaral.4. Ang pagkakaroon ng kasintahan ay normal lamang sa isang nagdadalaga o nagbibinata.5. Ang pangangalaga sa kalinisan ng katawan ay mahalaga upang makaiwas sa mga sakit.6. Ang paghuhugas ng kamay ay kailangan gawin lamang bago kumain.7. Ang mga kamag-aral ay hindi kinakailangang bigyan ng paggalang dahil kasing edad lamang sila.8. Walang karapatan ang mga mag-aaral sa loob ng paaralan kaya kailangan lamang silang sumunod sa lahat ng ipinag-uutos ng mga guro.10. Ang katalinuhan ng tao ay nasusukat lamang sa kanyang kagalingan sa loob ng paaralan.

II. PAGPIPILIA. Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot. (1 puntos bawat tamang sagot)

1. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang nagdadalaga o nagbibinata, maliban sa:a. Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo.b. Nahihilig sa pagbabasa.c. Nakagagawa na ng mga paraan upang maghanapbuhay para sa pamilya.d. Lumalayo sa mga magulang at naniniwalang makaluma ang mga magulang.2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata?a. pagtanggap ng papel sa pag-aasawa at pagpapamilyab. pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalakic. paghahanda para sa paghahanapbuhayd. pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad3. Ano ang maari mong gawin upang maihanda ang iyong sarili sa paghahanapbuhay?a. Magkaroon ng plano sa kursong akademiko o teknikal-bokasyonal na ibig kunin sa hinaharap.b. Paunlarin ang hilig sa paglalaro at paglibang.c. Mahalin ang iyong sarili.d. Ipakita sa iyong mga kaibigan ang iyong talento.4. Paano mo maipapakita ang paglalapat ng tamang pagmamahala sa iyong katawan?a. Pagtulong sa mga gawain at programa ng paaralan.b. Pakikipag-ugnayan at pakkikipagkaibigan sa mga kasing edad.c. Pagkain ng masustansiyang pagkain, sapat na ehersisyo at malusog na pamumuhay.d. Pagpapaunlad ng mga hilig at libangan.5. Ang mga sumusunod ay makatutulong upang mapataas ang iyong tiwala sa sarili at magkaroon ng positibong pananaw at damdamin sa iyong sarili, maliban sa:a. Hayaang mangibabaw ang iyong mga kalakasan.b. Palagiang magin positibo sa iyong mga pag-iisip.c. Huwag umasa sa ibang tao.d. Huwag matakot na harapin ang mga hamon sa buhay.

B. PAGSUSURI NG SITWASYON: Piliin kung ano ang inaasahan at pinakatamang gawin sa mga sumusunod na sitwasyon. (2 puntos bawat tamang sagot)6. Dumating na ang inyong guro at maingay ang buong klase.a. Sisigawan ang buong klase na tumahimik.b. Tatayo at hintaying ang ibang kamag-aral para magbigay galang sa guro.c. Tatahimik na lamang sa upuan para hindi na makadagdag sa ingay.d. Lalabas ng silid-aralan para makaiwas sa ingay.7. Nakita mo ang iyong kamag-aral habang nagtatapon ng basura sa sahig ng inyong silid-aralan.a. Isusumbong mo siya sa inyong guro para mabigyan ng parusa.b. Pupulutin mo na lang ang dumi at itatapon sa basurahan.c. Sisigawan mo siya at papagalitan para hindi na ulitin.d. Pagsasabihan mo siya at papakiusapan ng pulutin ang dumi na kanyang itinapon.8. Napansin mo na nagkalat ang basura sa buong paaralan matapos ang recess.a. Kukuha ng walis at magwawalis sa buong paaralan.b. Magpaalam sa guro na hindi muna papasok sa klase dahil gusto mong mamulot ng dumi.c. Pupulutin ang mga basura na nakikita at hihimukin ang ibang kamag-aral na mamulot din ng dumi.d. Gagawa ng programa sa paaralan upang hulihin at parusahan ang mga nagtatapon ng basura.9. Nais mong pumunta ng banyo o CR ngunit kasalukuyang nagtuturo ang inyong guro.a. Tatayo na lang at dederetso sa banyo upang hindi na maistorbo ang guro.b. Tatayo at lalapit sa guro upang magpaalam kung pwede kang pumunta ng banyo.c. Magtataas ng kamay at hintayin na tawagin ka bago magpaalam na pupunta ng banyo.d. Magtataas ng kamay at magpaalam sa guro na pupunta ka ng banyo.10. Lumiban ang inyong guro at iniwanan kayo ng gawain, ngunit maingay ang iyong mga kamag-aral.a. Hahayaan ang mga kamag-aral na mag-ingay dahil mahalaga na matapos mo ang iniwang gawain.b. Gagawa ka ng gawain ng tahimik sa upuan upang hindi na makadagdag sa ingay.c. Ililista ang mga maiingay at isusumbong sa guro upang maparusahan.d. Pupunta ka sa guro sa kabilang silid-aralan at magpapatulong na sawayin ang iyong mga kamag-aral.

C. MORAL DILEMMA: Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot. May kaukulang puntos ang napiling sagot. Apat (4) na puntos ang pinakamataas at isa (1) ang pinakamababa.11. Nakita ni Andrew na naiwan ng kanyang guro ang pitaka sa kanilang silid-aralan. Nalalaman ito ng limang libong piso. Naalala niyang may sakit ang kanyang tatay at kinakapos sila ng perang pambili ng kanyang gamut. Ano ang dapat niyang gawin?a. Kukunin niya ang pitaka at gagastahin sa pagpapagamot ng kanyang tatay.b. Itatago muna ang pitaka at ibabalik ito sa kanyang guro.c. Gagastahin niya muna ang pera sa pitaka at saka sasabihin sa kanyang guro na nagamit niya ito.d. Gagamitin niya ito bilang panustos sa pangangailangan sa paaralan.

12. Umamin si Juan sa kanyang pagkakamali sa kanyang tatay sa nagbigay sa kanya ng panibagong pasya at kilos. Alin kaya sa mga sumusunod ang pagbabagong ito?a. Palagi na siyang magiging malungkot dahil napagalitan siya ng kanyang tatay.b. Pag-aaralan niyang magsinungaling para hindi mapagalitan.c. Magpapasalamat dahil sinabi niya ang totoo at hindi niya na ito uulitin.d. Magiging masaya na siya sapagkat nawala na ang bigat ng kanyang dibdib.

13. Napansin ni Pedro na kakaiba ang hitsura ng isa niyang kamag-aral kaya ito ay naging tampulan ng tukso ng mga kamag-aral. Alin kaya sa mga sumusunod ang dapat niyang gawin?a. Kausapin ang kamag-aral niyang ito na huwag nang pumasok sa klase upang di na siya tuksuhin.b. Hayaan na lang ang panunukso ng kanyang mga kamag-aral.c. Kausapin ang mga kamag-aral ukol sa panunukso at paalalahanan na igalang ang bawat isa, anuman ang hitsura.d. Pagalitan ang mga kamag-aral na nanunukso at isangguni sa school discipline committee upang bigyan ng parusa.

14. Lumaking walang ama si Alma at maayos siya sa piling ng kanyang ina. Ngunit alam niya an hindi siya kayang pag-aralin ng kanyang ina sa kolehiyo, at dahil sa hindi siya masustentuhan sa kanyang pangarap naglayas it. Tama kaya ang kanyang ginawa?a. Tama ang kanyang layunin ngunit mali ang paraang kanyang ginawa.b. Malaya siyang gawin iyon kaya tama lang.c. Mali dahil ang magulang ay may katungkulang pag-aralin ang anak.d. Tama dahil may pangarap siya sa buhay.

15. Ikaw ang hinhangaan ng inyong mga kaklase at gusto ka nilang gawing lider. Isa sa inyong kaklase ang naiinggit sa iyo dahil alam niyang kaya rin niya ang nagagawa mo. Sinabi niya ito sa iyo nang buong katapatan at walang pag-aalinlangan. Ano ang gagawin mo?a. Bibigyan ko siya ng pagkakataonng patunayan ang kayang kakayahan at pabayaan siya kung sakaling nagkaproblema.b. Bibigyan ko siya ng pagkakataon, susuportahan at tutulungan ko siya sa panahong magkaroon ng problema.c. Hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon at hahamunin siyang gawin ang nagwa ko kung talagang kaya niya.d. Hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon kahit kalian dahil siya ang maaring umagaw sa natatamasa kong kasikatan.

Inihanda ni:Mr. Sharik P. Salvo