Upload
others
View
10
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Unibersidad ng Pilipinas
Kolehiyo ng Agham at Sining Departamento ng Agham Panlipunan
Isang pagsusumite ng rekesito para sa asignatura ng Political Science 198 sa Ikalawang Semestre 2011-2012
“BAWAL ANG MAGKASAKIT”:
“Ang Philippine Charity Sweepstakes Office at ang mamamayang Pilipino: Isang pagsusuri sa tungkulin at proseso ng pagbibigay tulong medikal na
gastusin sa mga nangangailangan.”
Isinumite Ni:
Faisah Jevah Gepty Dela Rosa 2008-85006
Isinumite Kay:
Prop. Fatima Alvarez Castillo
Tagapayo
Abril 02, 2012
2
Talaan ng mga Nilalaman
Pasasalamat pp. 4-5
Seminar Paper pp.1-50
Thesis
Kabanata 01: Panimula pp. 51-53
Kabanata 02: Rebyu ng Kaugnay na Literatura pp. 54-62
Kabanata 03: Analytic Framework pp. 63-74
Kabanata 04: Metodolohiya pp. 75-81
Kabanata 05: Ethics Plan p. 82
Kabanata 06: Talakayan at Pag-aanalisa ng Resulta pp. 83-104
Kabanata 07: Konklusyon p. 105
Batisan
Apendiks
I. Halimbawa ng Survey Questionnaires kalakip ang FPIC (Free Prior and Informed Consent) II. Liham ng Pahintulot para magsagawa ng panayam sa Officer in Charge of Fund Allocation Department-PCSO, Dr. Larry Cedro, mga Social Worker at mga kliyente ng IMAP III. Liham ng Pahintulot para sa mga dokumento ng FAD gaya ng IMAP Annual Report at beneficiary rate.
IV. Proseso ng paghingi ng ulong medikal mula sa PCSO V. Mga larawan sa Proseso ng Paghingi ng Tulong Medikal.
3
Katibayan Ng Pagtanggap:
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ni DELA ROSA, Faisah Jevah Gepty na
pinamagatang BAWAL ANG MAGKASAKIT: Ang Philippine Charity
Sweepstakes Office (PCSO) at ang mamamayang Pilipino, Isang Pagsusuri sa
Tungkulin at Proseso ng Pagbibigay Tulong Medikal na Gastusin sa mga
Nangangailangan. Ito ay bahagi ng kanilang rekesito para sa asignatura ng
Political Science 198 sa Ikalawang Semestre ng taon 2011-2012.
________________________
Prop. Fatima Alvarez Castillo
Tagapayo
____________________
Prop. Carl Marc Ramota
Chairman
Kolehiyo ng Agham at Sining
Departamento ng Agham Panlipunan
DEPARTMENT OF SOCIAL SCIENCES College of Arts and Sciences
University of the Philippines Manila
4
Pasasalamat:
Akala ko hindi ako makakarating sa dulo, akala ko hindi ako makakatapos ng
pag-aaral sa kabila ng lahat ng paghihirap at pagsasakripisyo ngunit ang lahat
ng ito ay aking nalagpasan hindi lamang sa tulong na ibinigay sa akin ng
pamilya at mga kaibigan bagkus sa tiwala at lakas ng loob.
Iniaalay ko ang aking pagtatapos sa kolehiyo sa aking pamilya higit sa aking
Mama na kahit hindi man niya ako naabutan na umakyat sa entablado alam ko
nakikita niya lahat ng pagsusumikap ko sa buhay. Matagal man ang panahon
ng paghihintay alam ko sa araw na iyon ay muli tayong magkikita. Kailangan ko
magpakatatag para sa aking sarili.
Sa mga taong lubos na nagtiwala at naniwala sa aking kakayahan, kay Prop.
Josefina Tayag na naging gabay ko sa mga unos ng buhay at nagsilbing
tagapagtanggol ko mula sa pulitika sa loob at labas ng akademiya, kay Prop.
Fatima Castillo na hindi lamang aming tagapayo sa pag-aaral na ito ngunit
higit naging isang ina na nagsilbing aming tanglaw sa kaalaman, na siya rin
tumayong pangalawang magulang sa akin sa panahon ng pagsubok. Sa aking
mga tinitingalang guro mula kay Prop. Mary Dorothy Jose na siyang aking
takbuhan sa lahat ng oras ng pangangailangan at nakikinig sa aking mga
suliranin at kung minsan ay masasayang kwentuhan. Kay Prop. John
Ponsaran na sa kabila ng lahat ng aking pagliban sa klase ay buong puso
akong inunawa sa mga pagkakataon ng pagkukulang, kay Prop. Nymia
Simbulan na nagbukas ng aking interes sa pag-aaral ng sikolohiya na siyang
aking naging inspirasyon sa malalim na pag-aaral. Sa buong pamunuan ng
OCS sa ilalim ni Prop. Josefina De Los Reyes na kahit kailan ay hindi ako
pinabayaan sa kabila ng lahat ng suliranin ko sa buhay.
5
Sa aking mga matatalik na kaibigan na laging nakikinig at nagpapasaya sa akin
sa kabila ng lahat ng aming pinagdaanang hirap na makatapos ng kolehiyo.
Kay Anna Leah Pallon na lagi ko kasama sa lahat ng saya at hirap lalo na sa
Diliman, sa mga araw at gabi ng aking pagtulog sa kanilang bahay. Kay
Jeannette Claveria na nagsilbing isang mabuting kaibigan kahit na siya ay O.C
na aming nagamit sa pagsasagawa ng seminar paper.
Sa mga extra-curricular activities ko mula sa RVC, QED, Pahinungod, UP One
Earth at BIGKIS na siyang nagbigay kulay sa apat na taon ko sa kolehiyo. Sa
tulong na ibinigay sa akin ng APC Inc. (Association of Parents and
Counselors) upang makadagdag sa aking ga pangangailangan. At sa
pamunuan ng FAD-PCSO kay Dr. Larry Cedro at mga kawani nito at sa mga
kliyente ng IMAP na bagama't naabala ko sa pag-aaral na ito ay lubos naman
nakibahagi at nagbigay ng pag-unawa.
At higit sa lahat, ako ay lubos na nagpapasalamat sa Panginoon na Lumikha sa
akin, Mula Sa Kanya ang lahat ng lakas ng loob at pagtitiwala na malalagpasan
ko ang Kanyang mga pagsubok sa kasalukuyan at sa hinaharap.
Maraming Salamat.
6
ABSTRACT
Ang pag-aaral na ito ay tumutukoy sa tungkulin at gampanin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pagbibigay nito ng tulong medikal na gastusin sa mga nangangailangan at may sakit bilang bahagi ng serbisyong panlipunan nito na siyang sumasagot sa layunin na mapatunayan ang teorya ng ISA o Ideological State Apparatus. Dahil sa umiiral na kalagayan ng sistemang pangkalusugan sa bansa kaakibat ang kondisyon ng malawakang kahirapan, higit na hindi nabibigyan ng tamang pagtingin ang pagkakaroon ng isang epektibong pagtulong sa mga mahihirap, may sakit at sa mga higit na nagangailangan. Sa pagtatalakay ng pag-aaral na ito gumamit ang mananaliksik na mga pamamaraan gaya ng sarbey at panayam upang mabatis ang antas, pananaw at kasalukuyang pagtingin ng mga kliyente sa pakikibahagi nito sa proseso ng Individual Medical Assistance Program ng PCSO. Sa tulong ng paggamit ng teorya at paglalapat nito sa Ideological State Apparatus (ISA) ni Louis Althuser at iba pang mga literatura, napag-alamanan at batay sa resulta ng mga sarbey at panayam na kahit ang mga medical assistance at mga kaugnay na institusyon ay nagiging kasangkapan ng umiiral na ideolohiya kung saan laganap ang opresyon at pagkait na magkaroon ng isang maayos at aksesibong sistemang pangkalusgan sa bansa sa pamamagitan na hindi nagkakaroon ng pangmatagalang epekto sa pagsugpo sa kalagayan ng mga nangangailangan bagkus ay nagdudulot pa ito ng panibagong suliranin at nanatili sa kaisipan ng mga mamamayan na ito ang tadhana na nakasalalay sa kanila at walang sapat na kakayahan ito upang labanan at baguhin ang kasalukuyang sistema na siyang bumubuo ng obhekutibong pagtingin sa anyo ng pagkakaroon ng utang na loob (sense of gratitude) sa ginagawang pagtulong ng ahensya sa kanilang kalagayan. Sa huli, nakikita ng mananaliksik na hindi sapat ang pagkakaroon ng reporma sa mga batas patungkol sa pampublikong sistemang pangkalusugan ng bansa sa halip ang mabisang pangangailangan ng bawat indibidwal ay magmumula sa panawagan na maging masiyasat at responsable sa kanyang gawain na mapaunlad hindi lamang para sa kanyang sarili bagkus ang kabutihan at kaayusan ng kanyang lipunan.
7
Ang Paglalakbay sa (daang) matuwid:
Marami ang nagkakasakit at hindi kayang magpagamot kahit nasa isang
pampublikong ospital, maraming Pilipino ang tumataya sa lotto upang
magbakasakali na sa isang pagkakataon ay makamit nila ang inaasam na
pangarap na maging milyonaryo, at marami din ang nangyayaring ibat-ibang uri
ng mga kalamidad na lubos na nakakaapekto sa pamumuhay ng bawat
Pilipino. Kung ating susuriin ang bawat pangyayaring nagaganap sa ating
kapaligiran, iisipin ng isang ordinaryong tao na ito ay bahagi lamang ng sistema
ng pang-araw-araw na buhay at natural na ito ay nanyayari sa kanyang lipunan.
Sa kabilang banda, ang mga pagyayaring ito ay sumasalamin sa uri ng
tungkulin at gampanin ng isang pamahalaan na mabigyan ng isang maayos at
matiwasay na pamumuhay ang mga mamamayan nito at sa kabuuan ang
kaayusan ng lipunan.
Ang PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office bilang pangunahing
ahensya na naitatag noong taon ng 1934 ay pangunahing naglalayon na
makalikom ng pondo upang magsagawa ng mga serbisyong panlipunan gaya
ng pagbibigay hanapbuhay sa mga komunidad at mga operasyon gaya ng
tulong medikal na siyang naging bahagi ng pagkakatatag ng programa nito na
IMAP (Individual Medical Assistance Program). Sa paglipas ng panahon, ito ay
naging daanan at takbuhan ng mga nangangailangan upang ang mga
serbisyong panlipunan na hindi natutugunan ng pamahalaan ay mapunan at
maibigay sa mga higit na nangangailangan, sa pamamaraan na dapat ito ay
aksesibo sa kakayahan ng mga humihingi ng tulong. Ngunit sa kabilang
pagtingin, gaano nga ba ito nakakatulong sa mga mahihirap o may sakit at
paano nito binibigyan ng sapat na tulong ang mga nangangailangan sa paraan
na hindi ito mas lalong nagdudulot ng kahirapan sa kanilang panig. Sa
8
pagsagot sa mga katanungan na nais mabatid, makikita natin ang ugnayan at
epekto ng bawat programa ng PCSO para sa mamamayang Pilipino at masuri
ang kulturang kinagisnan sa pangkalahatang pagtatalakay sa sistemang
pangkalusugan ng bansa.
Mga Layunin:
1. Malaman kung naging epektibo ang mga pamamaraan ng PCSO sa
pagbibigay ng tulong medikal sa mga mahihirap at may sakit sa pagtugon sa
mga pangangailangan nitona siyang paglalapat sa teorya ng Ideological State
Apparatus ni Louis Althuser.
2. Masuri kung ang mga batas ng institusyon patungkol sa medikal at
serbisyong panlipunan ay angkop upang mabigyang ng sapat na tulong ang
mga nangangailangan.
3. Mabatid at bigyang kahulugan ang paggamit sa konsepto ng “effectiveness”
sa pananaw ng mga nangangailangan at kung paano nito iniuugnay ang isang
maayos na pagbibigay ng serbisyong panlipunan.
Ang tunay na kalagayan ng kalusugan ng mamamayan:
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Asya na maituturing na may
dekalidad at maayos na pagtuturo ng kaalaman pagdating sa usapin at isyu ng
kalusugan. Makikita din sa ating bansa ang ilan sa mga murang pagamutan at
mga serbisyong may kinalaman sa pangkalahatang kalusugan ng isang lipunan
at indibidwal. (IBON Facts and Figures, 2009). Sa kabila ng magandang uri ng
sistemang pangkalusugan, nananatili pa rin hirap ang karamihan lalo na sa
mga tinaguriang “marginalized sector” ang makakuha ng patas at sapat na
impormasyon at tulong pagdating sa medikal na aspeto. Sila ang mga grupo
9
kung saan kinabibilangan ng mga mahihirap o yung may mababang antas ng
“family income and expenditure rate” na siyang nagiging batayan upang
makakuha ng sapat na serbisyo ang isang pamilya o indibidwal.
Sa konteksto ng Pilipinas sa mga nagdaang henerasyon, masasabi na
isa sa mga isyu na kinahaharap ng ating bansa ay kung bakit nananatili pa rin
hirap ang mga mamamayang Pilipino sa pagkamit ng isang patas at sapat na
impormasyon pagdating sa usapin ng sistemang pangkalusugan. Mula dito ay
mas lalong bumababa ang tantos ng kalidad ng serbisyong pangkalusugan
kahit na nanantili tayo na isa sa mga bansa na may pinakamalaking
naiiaambag sa populasyon ng mga manggagamot at narsing sa ibang bansa.
Sa pagtatalakay at pagpapatuloy ng mga layunin, nais malaman ng
mananaliksik kung ano ang nagiging gawain at tungkulin ng PCSO bilang
pangunahing ahensya at takbuhan ng mga mahihirap at may sakit sa usapin ng
paghingi ng tulong medikal at mabatid kung ang mga pamamaraan na ito ay
epektibo sa pagsugpo ng kahirapan lalo na sa aspeto ng kalusugan ng lipunan
at mga nangangailangan.
Isang pagsulyap sa pag-unlad ng sistemang pangkalusugan ng bansang Cuba:
Gaano nga ba kaunlad ang sistemang pangkalusugan sa ibang
bansa? Maituturing na isa sa mga halimbawa dito ay ang bansang Cuba kung
saan makikita natin sa ating kasaysayan na parehas naging bahagi ng
kapangyarihan ng mga Espanyol sa panahon ng pananakop ang nasabing
bansa at ang Pilipinas, ngunit sa panahon ngayon ang bansang Cuba ay
mayroon isang “accessible” o abot-kamay na pagamutan para sa lahat ng
mamamayan nito. Kung atin susuriin ang mga pangyayari noong taong 1961,
ang pagkakatatag ng “Cuban Constitution”, kung saan isa sa mga bahagi ng
10
pagkilala nito na “Ang kalusugan ay isang karapatang pantao at hindi isang
produkto upang gawing pagkakakitaan para sa ekonomiyang aspeto.” (IBON
Facts and Figures, 2009) Kaya naman ang lahat ng mamamayan nito ay
nakakamit ang isang patas at sapat na impormasyon pagdating sa kalusugan
at mga pangangailangan medikal sa paraan na ang lahat ng ito ay libre nilang
nakukuha. Sinasabing ang sistemang pangkalusugan ay responsibilidad ng
estado at ito ay nakaangkla sa dalawang aspeto. Una, ang mga bagay gaya ng
“preventive at curative services” gaya ng isang aksesibong pagamutan sa
isang komunidad ay bahagi upang malinang ang isang maunlad na lipunan at
ekonomiya kung saan ay pinapalawig nito ang kahalagahan ng nasyonalismo
at pangalawa, ang mga miyembro o populasyon ng isang bansa ay kabilang sa
proseso ng pag-unlad na siyang tumutukoy upang maisagawa ang isang
maayos na sistemang pangkalusugan na nangangalaga para sa lahat.
Nagdaan din ang bansang Cuba sa mga sunud-sunod na krisis pang-
ekonomiya ngunit hindi ito naging hadlang upang makagawa sila ng
panibagong simula upang maisaayos ang buhay ng bawat tao sa
pamamagitan ng mga implementasyo at reporma sa programang
pangkalusugan, kung saan ang pagbaba ng mga datos sa mga nakakahawang
sakit ay isang indikasyon ng epektibong pamamaraan upang malunasan ang
matinding kahirapan at sakit ng lipunan. (IBON Databank, 2009)
Ang kontemporaryong kondisyon ng sistemang pangkalusugan sa ibang
bansa sa Asya:
Ang pagkakaroon ng pagpapahalaga sa kalusugan ay hindi lamang sa
pamamaraan ng mga maayos na pasilidad o maunlad na ekonomiya ng isang
bansa bagkus nalilinang ang kahalagahan nito kung ito ay nagiging epektibo at
11
aksesibo upang lunasan ang paghihirap na nararanasan ng mga may sakit at
mga nangangailangan sa madaling panahon.
Sa Burundi, kung saan mahigit sa 88% ng mga katao dito ay nabubuhay
lamang sa US$2 o mas mababa pa, dahilan ito upang ang mga mahihirap na
pasyente ay “makulong” sa loob ng ospital at lumaki pa lalo ang kanilang
gastusin na kalimitan na nangyayari sa mahihirap na pamilya. Samantala sa
Malawi, sa bilang ng mahigit isang daan na kababaihan na nagdadalang-tao,
isa sa kada sampung pagsusuri sa kanilang kalagayan ay maaring mamatay
dala ng mga komplikasyon sa panganganak at pagbubuntis dahil na rin sa
mababang kalidad ng mga ospital at kakayahan na makamit ang
pagpapagamot, habang sa Pilipinas ang mga batang ipinapanganak sa mga
mahihirap na pamilya ay higit na sa sampung beses na delikado ang kondisyon
kapag nagkakasakit kaysa sa mga mayayaman ngunit hindi ito sapat na
dahilan upang masabi na lahat ay makakaiwas sa iba't-ibang uri ng sakit. May
mga batayan na isinasaad na hindi lamang sa aspetong pangkalusugan
nasusukat ang “life expectancy” ng isang bansa at ng mamamayan nito ngunit
ito ay mahalaga upang makita ang mga salik na maaring magpabuti o
magpalala sa umiiral na kondisyon sa lipunan at tao. Mahalaga rin na masuri
ang kalagayan na ito upang mapagtibay ang kahalagahan ng mga panlipunang
batas na ipinapatupad sa kasalukuyan patungkol sa aspeto ng sistemang
pangkalusugan.
Maaari natin maihahalintulad ang sitwasyon ng Pilipinas sa bansang
Cambodia, kung saan ang kanilang sistemang pangkalusugan ay higit na
nakakapanlumo o yaong labis ang paghihirap na nararanasan ng mga tao dito
dahilan upang ang mga nakakahawang sakit gaya ng AIDS at Tuberculosis ay
mabilis na kumalat. (IBON Databank, 2009) Nananatiling mahirap ang bansang
12
ito dahil sa mga indikasyon ng kahirapan gaya ng matas na antas ng
pagkakasakit at pagkamatay ng mga tao, mahinang implementasyon ng mga
batas pangkalusugan at pagtugon ng pamahalaan sa kanilang mga
pangangailangan. Ngunit ang paghahalintulad natin sa dalawang bansa ay
batay na rin sa karanasan sa mga nagdaang panahon.
Anu-ano nga ba ang mga salik na nakakaapekto sa ganitong uri ng
kondisyon? Maraming bagay o pangyayari sa mundo ang maaring makaapekto
sa kalusugan ng isang tao, gaya na rin ng nabanggit sa panimula, mahalagang
batayan pa rin ang kakayahan ng isang indibidwal na makamit ang kanyang
mga pangangailangan sa pang araw-araw. Nagtataglay siya ng sapat na
hanapbuhay upang matustusan ang mga ito at higit sa lahat nagagawa niya
ang kanyang mga tungkulin sa lipunan at kanyang pamilya.
Sa pagtanaw sa tungkulin ng pamahalaan, tinitignan natin ang kakayahan
nito sa usapin ng gastusin at alokasyon nito para sa mga serbisyong
panlipunan na sapat at may katangian na tugunan ang mga pangangailangan
ng mamamayan nito, bagkus hindi ito dapat nagreresulta sa kakulangan at
nagdudulot ng mas malaking problema sa lipunan, mahalagang malaman kung
ano nga ba ang higit na binibigyang importansya ng pamahaaan sa mga
serbisyong ito gaya ng edukasyon, agrikultura, industriya, seguridad at higit sa
lahat ang kalusugan.
Ngunit bakit nananatili pa rin ang ganitong uri ng kondisyon sa ating bansa?
Bilang paghahambing sa mga bansa sa Asya gaya ng Thailand, Singapore,
Malaysia at iba pa, ang Pilipinas ay nananatili pa rin sa estado ng
kakulanganan at hindi patas na hustisya para sa pagkamit ng mga karapatang
pangkalusugan kaya naman nagiging hadlang ito upang ang mga mamamayan
13
sa bansa ay maging produktibo at mahusay sa kanilang gawain at sa halip ito
ay nagdudulot pa ng mas matinding paghihirap sa mga maysakit dahil hindi
tiyak ang kanilang gastusin sa ospital kahit na ito ay pampubliko.
Karaniwan na ang ganitong sitwasyon sa mga pampublikong ospital lalo
na sa mga tinaguriang mga “government owned” kung saan nagkakaroon ng
mga pagbabago sa pagpapatupad ng mga batas nito patungkol sa pagtanggap
at pagpapagamot ng mga may sakit lalo na sa kalagayan ng mga mahihirap
kaya bilang resulta, ito ay nagdudulot ng matinding pangangailangan na
makakuha ng mga “medical assistance” sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan.
Ayon sa pagsasaliksik at datos na nalikom mula sa WHO (World Health
Organization, 2008) sa pangkalahatang paggastos ng pamahalaan para sa
kalusugan noong taong 2002-2006, ang Pilipinas ay mayroon lamang na 32.9%
na paggastos mula sa 40% noong taon ng 2002, higit na malaki ang
ibinababang porsyento kumpara sa mga bansa gaya ng Thailand na may
64.5% mula sa 63.9%, Singapore na may 33.1% mula sa 32.3% at Malaysia na
may 44.6% mula sa 44.8%. ito ay isang malinaw na pagtingin na kahit
bumababa man ang porsyento nananatili pa rin mataas ang antas nito hindi
katulad sa ating bansa na halos 8% ang kakulangan para sa gastusing medikal
at sa kasalukuyan, ang pambansang budget lamang ng ating pamahalaan sa
kalusugan sa taong 2011 ay humigit kumulang sa 31.829 bilyon sa kabuuang
halaga ng taunang budyet na 1.645 trilyon. Higit na maliit ang porsyento na
inilalaan ng pamahalaan sa kalusugan sa dahilan na higit na kailangan pag-
igtingin ang pagpapaunlad sa mga infrastraktura at daanan para sa maayos na
serbisyo ngunit ayon na rin sa datos mula sa WHO (World Health
Organization), nararapat na ang 4% ng kabuuang GDP o ang kabuuang antas
ng produksyon pang-ekonomiya ng isang bansa ay inlalaan para sa kalusugan
14
at ito rin ang batayan upang masabi na maayos at aksesibo ang mga programa
sa ilalim ng sistemang pangkalusugan nito.
Sa kasalukuyang populasyon sa Pilipinas, hindi ito nagiging sapat upang
matugunan ang bawat pangangailangang medikal ng mga nangangailangan
bagkus ay lalo pa nito pinalala ang matagal ng sitwasyon sa kahirapan para sa
wastong pagkamit ng isang epektibo at aksesibo impormasyon para sa
kalusugan. Kaya sa pamamagitan ng mga pangkakawang-gawa mula sa PCSO
at ang programa nito para sa “medical assistance”, ito ay paunti-unting
nababawasan ngunit sa pagdaloy ng pagsasaliksik gaano nga ba ito nagiging
epektibo upang lunasan ang problema ng mga mahihirap at may sakit o ito ba
ay nagiging bahagi lamang ng sistemang pulitikal at istratehiya upang hawakan
ang mga Pilipino sa pagkamulat sa matinding pagkukulang ng pamahalaan na
pangalagaan ang bawat mamamayan nito.
Bukod pa sa usapin ng paggastos ng pamahalaan tinitignan din bilang
isang salik para sa isang maayos na sistemang pagkalusugan ang alokasyon
ng mga manggagamot at malinis na pasilidad, ayon sa datos ng Department of
Health (DoH, 2011), halos 92% mula sa urban areas at 80% sa rural areas ang
may kakayahan na makamit ang malinis na tubig samantala mayroon lamang
na mahigit 1,794 na pampublikong ospital ang bansa at sa bawat 10,000
Pilipinong nagkakasakit tanging 11.2% sa kabuuang bilang ng mga kama na
mahigit 83,491 ang nagagamit at kung minsan sa sahig na lamang nakahiga
ang ilan sa mga hindi kayang magbayad. Maaari din natin bigyan pagtingin ang
usapin ng mga pangunahing sakit sa bansa at kung gaano ito
pinagkakagastusan ng isang ordinayong Pilipino.
Hindi kaibahan ang kahalagahan ng kalusugan sa iba pang mga bagay gaya ng
15
pagkain, bahay, damit na kailangan ng bawat tao upang mabuhay at magawa
nila ang kanilang mga responsibilidad bagkus ito ay isa sa mga
pangangailangan na nahahati dahil sa mga polisiyang ipinatutupad at sa
tungkulin ng pamahalaan na maipaabot sa mamamayan ang tapat at patas na
karapatan sa maayos na pamumuhay. Sa kabuuang pagtingin sa pampublikong
sistemang pangkalusugan, mababatis natin ang mga sumusunod na suliranin
at katangian na dapat aglayin ng isang epektibong serbisyong panlipunan:
A. Dahil sa kasalukuyang suliranin ng kakulangan sa badyet para tustusan ang
mga pangangailangan ng mga nagkakasakit at iba pang mga gamit o pasilidad,
hindi nito natutugunan ng maayos ang mga pangngailangang medikal bagkus
ito ay nagdudulot ng panibagong suliranin sa kanilang kalagayan. Ang isang
aksesibong pamamaraan at kakayahan na maipaabot ito sa mga
nangangailangan ang dapat na taglayin na katangian ng isang programa.
B. Ang maayos na implementasyon ng mga batas at polisiya patungkol sa
pagunlad ng kalusugan sa bansa ay isa sa mga mahahalagang indikasyon
upang maging epektibo ang mga programa nito ngunit sa kabilang pagtingin
nagkakaroon ng patlang sa pagitan kung ano nga ba ang tungkulin ng
pamahalaan na bigyan ng isang maayos na pamumuhay at kalagayan ang mga
mamamayan nito at ang gampanin nito na maalis ang kasalukuyang kalagayan
ng kahirapan.
C. Marami ang tumatangkilik ng mga serbisyong panlipunan gaya ng programa
ng medical assistance dahil sa ito ang madaling pamamaraan na maaring
maabot ng isang nangangailangan batay sa kanyang kakayahan ngunit
karamihan sa mga ito ay pawang mahihirap at hindi kayang ustusan ang
patuloy na pagtaas ng halaga para sa proseso ng pagpapagamot.
16
Sa konteksto sa iba pang mga programa sa Pilipinas maihahalintulad din natin
dito ang programa ng DSWD (Dept. of Social Welfare and Development) ang
kanilang taunang programa ng CCT o Conditional Cash Transfer na ang
pangunahing layunin na mabawasan ang kahirapan sa bansa sa pamamagitan
ng pagbabahagi sa mga mahihirap na pamilya ng kaunting halaga o mga bagay
gaya ng pagkain mula sa pamahalaan. Ngunit isa sa mga kondisyon nito na
ang bawat pamilya na mapipili ng ahensya na ito ay gagamitin sa pag-aaral at
kalusugan ng pamilya, sa taong 2011 halos 86% mula sa pambansang budyet
ng pamahalaan ang iginugol ng administrasyon upang ilunsad ang programa
ng 4P's o “Pantawid Pamilyang Pilipino Program” na siyang pangunahing
layunin upang hindi lamang mabawasan ang kahirapan sa bansa ngunit mas
lalo pa nito paigtingin ang pagbibigay serbisyo ng pamahalaan para sa mga
mamamayan. (Africa, 2011)
Sa pagtatala, ang implementasyon ng CCT ng kasalukuyang pamahalaan ay
binabatikos sa dahilan na ito ay hindi epektibo sa kampanya nito laban sa
kahirapan bagkus ay lalo nito ibinabaon sa maling pag-asa ang mga tao na
magsumikap sa kanilang sariling kakayahan at magamit ng wasto ang
alokasyon sa iba pang mas mahalagang serbisyong panlipunan. (Africa, 2011).
Sa pagsusuri ng prosesong pinagdadaanan ng CCT, ito ay hindi
pangmalawakan na solusyon sa mga problema ng kakulangan sa ibang
serbisyong panlipunan gaya na lamang ng kalusugan bagkus ang maling
pamantayan sa pagpili sa mga tunay na nagangailangan ang hindi natutugunan
ng ahensya at sa huli ay mas lalo ito nagdudulot ng matinding kahirapan sa
bansa. Tinatayang aabot ang gastusin ng pamahalaan sa CCT ng mahigit
kumulang Php 306 bilyon higit na malaki ang alokasyon na ito kumpara sa
17
ibang sektor ng pangangailangan ng mga Pilipino na hindi tuwirang binibigyang
kahulugan ang tunay na sanhi ng kahirapan. (IBON Databank, 2011)
Bilang karagdagan sa pagtatalakay, dahil sa may umiiral na kasalukyang
suliranin sa alokasyon ng pambansang badyet para sa kalusugan nagkakaroon
ito ng epekto sa uri at proseso na hatid ng mga serbisyong panlipunan gaya ng
pagbibigay tulong medikal mula sa PCSO at ng iba pang ahensya ng
pamahalaan. Una, nakikita ng mananaliksik na dahil sa ito ay uri ng serbisyong
panlipunan na dapat ibinibigay ng pamahalaan sa mga nangangailangan, hindi
nito nagagawang bigyan ng prayoridad ang mga kakulangan hindi lamang sa
alokasyon nito bagkus ay sa mga pangangailangan ng bawat sektor ng
kalusugan gaya ng mga kalagayan sa malalayong lugar at maaayos na
pasilidad at kagamitan. Halimbawa ang PCSO ay may mga nakatalagang
PDO's o Provincial District Offices na siyang tumutugon sa mga kahilingan ng
mga kliyente na nasa mga malalayong lugar ngunit batay sa pag-aaral ng
mananaliksik ito ay hindi nagiging epekjtibo sapagkat hindi nagagawang
mapanatili ng pamamahala ng PCSO ang gawain nito dala na rin ng
kakulangan sa pondo. Pangalawa, dahil sa sinasapit na kalagayan ng mga
kliyente na higit na nakakaranas ng matinding kahirapan, mataas ang tantos
nito na patuloy na humingi ng tulong medikal mula sa PCSO sapagkat may
kalagayan din ng mataas na paggastos sa pagpapagamot. Pangatlo,
sinasabing higit na suliranin sa pagbibigay ng serbisyong panlipunan gaya ng
tulong medikal ay ang dami ng nangangailangan, dahil sa hindi sapat ang
naibibigay na pangangailangan ay nagkakaroon ito ng mas matinding suliranin
gaya ng paglala ng kalagayan ng may-sakit. At huli, sa pangkalahatang
pagtingin sa sistemang pangkalusugan sa bansa partikular ang kondisyon ng
mga pampublikong ospital, makikita mula dito ang nakakapanlumong sitwasyon
ng kahirapan at pagkakasakit ng mga higit na nangangailangan.
18
Ang kalusugan ay produkto hindi lamang sa pagkakaroon ng isang aksesibo na
pamamaraan sa usapin ng “medical prevention and treatment” bagkus sa antas
kung saan ito ay nasusukat sa karanasan upang ang mga pangyayaring
nagaganap sa ating kapaligiran ay makapagdulot ng kabutihan sa bawat buhay
ng mamamayan. Tinitignan natin ito sa paraan na hindi lamang magkaroon ng
isang maayos na pamumuhay kung hindi ay natutugunan din natin ang iba
pang panlipunang kondisyon gaya ng karapatan sa edukasyon, isang malinis at
maayos na kapaligiran at pagkakapantay-pantay sa pakikibahagi sa usapin
pulitika na siyang tutukoy sa pagpapalawig ng patas at tapat na serbisyong
panlipunan.
Analitikong Daluyan sa pagsusuri ng tulong medikal:
“Everyone has the right to a standard of living adequate for the
health and well being of himself ad of his family, including food,
clothing, housing and medical care”- Universal Declaration of Human
Rights , Art. 25, 1948
Ang pahiwatig ng UDHR kung bakit nga ba mahalaga ang pagkamit ng patas at
tapat na serbisyo para sa kalusugan ay isa lamang bahagi upang magpatuloy
ang buhay ng mga tao sa lipunan. Sinasabing hindi lamang ito basta
karapatang pantao na binibigyang kahulugan at pagpapaliwanag bagkus ito ay
karapatan na isinasagawa at nakakamit ng bawat indibidwal. Ang karapatan sa
kalusugan ayon sa konstitusyon ng bansa ay responsibilidad ng Estado sa
kanyang mamamayan upang maisagawa ang mga tungkulin nito na maging
kapakipakinabang at matapat para sa bansa katulad din ng isinasaad ng Alma
Ata for Health.
19
Ang Alma Ata for Healh ay isang kasunduan mula sa mahigit 134 na bansa
noong 1978 kasama ng UDHR kung saan nilalaman nito “ang pagpapahalaga
sa kalusugan ay hindi lamang isang karapatan para sa lahat at pagpapatupad
ng mga programa sa ilalim nito bagkus ito ay isang karapatan na
nangangailangan ng pagpapaunlad ng sosyo-ekonomikong kapaligiran para sa
ikakabuti ng mga tao at ng lipunan”. Ngunit sa kabilang pagtingin, dahil na rin
sa pagpasok ng ilang mga bansa sa isang “neo-liberal” na kasunduan sa ilalim
ng malawakang globalisasyon naging isang indikasyon ito upang ang isang
mapagpalayang polisiya na nangangalaga sa ng mga tinaguriang Third World
countries ay nakatali sa direktiba ng mga dayuhan, kung saan direkta nitong
tinutukoy ang karapatan sa kalusugan bilang isang “commodity” at ang
pagtatakda sa presyo ay nakasalalay sa mga polisiya ng mga pribadong
kumpanya at sa bansa nito na higit na nakikinabang sa mga pagbabago. At sa
huli, ang resulta ng pagsasapribado ng mga pasilidad at pagamutan ay isang
hadlang sa pagkamit ng patas at tapat na hustisya para sa kalusugan at sa
pagiging epektibo nito sa paglunas ng sakit ng mga mamamayan.
Upang maunawaan ang pagtatalakay sa tungkulin at gampanin ng PCSO
bilang isang institusyon na naglalayon na makapagbibigay ng tulong sa mga
mahihirap sa pamamagitan ng mga programa nito at mabatid ang kaalaman sa
ang katanungan kung ang PCSO ay lubos na nakakatulong sa mga
nangangailangan, mahalagang malaman natin ang konsepto ng “social policy”
at kung ano ang ugnayan nito sa pagbubuo ng mga batas patungkol sa
sistemang pangkalusugan ng ating bansa at kung paano nito binibigyang
gampanin ang pangkaisipang kultural ng mga Pilipino sa pagkakawang-gawa
para sa kapwa tao at pagkamit ng sapat na impormasyon sa sistemang
pangkalusugan bilang bahagi ng isang “welfare state”. At karagdagang
20
pagtatalakay ay matuklasan ang kinagisnang pananaw ng mga
nangangailangan patugkol sa konsepto ng “effectiveness” at kung paano nila
ito iniuugnay sa kanilang pansariling karanasan sa pagbatid ng uri ng
serbisyong panlipunan.
Ang konsepto ng “social policy” ay tumutukoy sa mga gawain, prinsipyo at mga
batas na nakakaapekto sa pamumuhay at kondisyon ng isang tao, ito ay bahagi
ng isang pampublikong batas kung saan ito ay maaring maiugnay sa mga
isyung panlipunan gaya ng edukasyon, kalusugan, pagkamit ng hustisiya, mga
serbisyong panlipunan at lakas paggawa ng tao para sa magiging kapakanan
ng bawat indibidwal. (Titmus, 1951)
Kalimitan ang pagsasagawa ng “social policy” ay iniuugnay sa mga isyung
panlipunan upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat indibidwal
sa pamamagitan ng pagkamtan ng Estado sa tungkulin nito na maipaabot ang
mga serbisyong panlipunan. Ayon kay Prof. Ian Gough at Len Doyal, Theory of
Human Needs (2000), tinitignan nila bilang bahagi ng pagkakaroon ng “social
policy” ang ugnayan ng Estado na magkaroon ito ng kakayahan na matukoy
ang pangangailangan ng mga tao hindi lamang sa pangkalahatang interes kung
hindi sa antas ng personal na pakikibahagi. Sinasabi nila na ang sikolohiyang
pangangailangan ng isang indibidwal ay isang representasyon ng kahalagahan
ng pagiging bahagi nila sa isang lipunan. Ang kanyang pagkamit sa mga
pangangailangan ay tumutukoy upang siya ang maging matagumpay sa
kanyang gampanin at kaibahan naman ito kung hindi ito naibibigay ng Estado.
Ayon sa mga pag-aaral, ang pangangailangan ng isang indibidwal ay mahalaga
upang matamo niya ang kahulugan ng kanyang responsibilidad sa lipunan,
bilang isang bahagi ng “welfare state”. Sa pag-aaral ni Karl Marx, Paris
21
Manuscripts (1844), sinasabi niya na ang mga tao ay “nilikha ayon sa
pangangailangan” kung saan, ang mga pangangailangan na ito ay batay sa
mga karanasan habang siya ay nasa proseso ng pag-alam sa mga pangyayari
at bagay sa kanyang paligid. Ang pag-unlad ng mga kakayahan ng tao na
malaman ang kanyang mga naisin ay nagtatakda upang ito ay gumawa ng
makabagong kaalamanan.
Sinasabing ang kahalagahan ng tao at sa kanyang paggawa bilang indibidwal
ay makikita kung ang mga sumusunod ay kanyang nakamit: (1) Ang paggawa
ay isang mahalagang gawain upang matugunan ang mga pangangailangan, (2)
ang mga tao ay may sariling kamalayan at pagtingin sa lipunan kanyang
ginagalawan, At (3) sa pangkalahatan, ang tao ay sinasabing may sariling
kalayaan na makagawa ng desisyon na makikita natin sa natural na karakter ng
mga tao.
Gaya ng nabanggit sa panimula, dahil sa lumalalang kondisyon ng kahirapan
sa bansa ay lalong dumaranas ng matinding kahirapan ang mga mahihirap at
maysakit na maabot ang kakayahan na makapagpagamot dahilan din ito kaya
naman umusbong ang programa ng mga “medical assistance” upang
mabawasan nito ang bilang ng mga dumaraming nagkakasakit,
nangangailangan at gastusing medikal. Ngunit sa kabilang pagtingin sa usapin
ng mga “medical assistance” gaano nga ba nito natutugunan ang mga
pangangailangan ng maysakit at sa anong bahagi ng pagiging epektibo nito
nabibigyan ng solusyon ang kakulangan sa mga suliranin sa kalusugan at
kahirapan sa bansa. Isang pagtataya sa usapin ito ang pangkalahatang
sitwasyon ng unti-unting pagsasapribado ng ilang mga pampublikong ospital
dahilan upang magkaroon ng limitasyon na makakilos ang mga mahihirap na
maabot ang sapat na tulong medikal. Ayon sa datos ng WHO noong taon 2004
22
halos mahigit 70% ng kabuuang populasyon ng bansa ang hindi nagkakaroon
ng isang aksesibong pamamaraan sa mga medikal na usapin at talakayan
bagkus ito ay nagmumula sa mga “disease prone area” gaya ng mga rural at
urban poor communities lalo na sa mga kababaihan at mga “indigenous
communities” na siyang hindi naabot ng mga tulong medikal mula sa
pamahalaan at may katangian ng mataas na tantos ng pagkakasakit at
pagkamatay.
Ang mga medical assistance at mga programa katulad ng mga CCT batay sa
pag-aaral ng mananaliksik ay isang anyo ng istratehiya upang alisin sa kaisipan
ng mga mamamayan na magsagawa ng mga pagkilos at gawing responsible
ang pamahalaan sa kabila ng mga pagkukulang nito. Hindi nito tuwiran
binibigyang layon na maalis ang kakulangan sa isang maayos na kalusugan
para sa lahat at sa halip ay gumagamit ng mga pamamaraan upang magkaroon
ng isang panlipunang realidad na walang umiiral na suliranin sa lipunan.
Ngunit ano ang mga dapat taglayin ng isang epektibong programa? Batay sa
pagsasaliksik na isinagawa, mababatis natin ang kahulugan at indikasyon ng
pagkakaroon nito ng mga sumusunod.
A. Ito ay nasususkat sa epekto na maaring maibahagi nito sa kalagayan ng
mga nangnagailangan sa paraan na ito ay nagdudulot ng kabutihan at hindi ng
panibagong suliranin.
B. Maari din masukat ito sa bilang ng mga natutugunan ng programa dahil mula
dito ay makikita ang antas ng pagbaba o pagtaas ng mga humihingi ng tulong
medikal
23
C. At huli, ang pagbibigay ng sapat na tulong gastusin medikal na isyang
tutugon sa kakayahan nito na maging epektibo.
Paglalapat ng diskurso at teorya sa proseso ng paghingi ng tulong medikal
mula sa PCSO:
Ayon sa diskuro at pag-aanalisa ni Louis Althusser at sa kanyang Ideological
State Apparatus (1970), ay tinitignan ang ganitong uri ng mga serbisyong
panlipunang kalagayan bilang isang pagkakataon ng pamahalaan na bigyan ng
mas makabuluhang dahilan ang kanilang tungkulin at responsibilidad sa
mamamayan sa pamamaraan ng pagkalinga sa bawat pangangailangan nito sa
pamamagitan ng mga ibinabahaging tulong gaya ng medical assistance. Ito ay
nakaangkla sa konsepto na ang kaalaman ay hindi matutuklasan sa paraan ng
isang indibidwal na antas bagkus ito ay kanyang ginagawa o kakayahan
kaakibat ang kapaligiran na kanyang ginagawalan kung saan ang nagiging
epekto nito sa kanyang pagtingin sa kasalukuyang kalagayan ay batay sa
umiiral na pwersang pangkaisipan mula sa dominateng pangkat ng lipunan.
Sa konteksto ng medical assistance ng PCSO, dahil sa matinding kahirapan na
dinaranas ng mga mahihirap, sila ay walang kakayahan na magkaroon ng
sapat na lakas upang isulong ang kanilang karapatan sa wastong karapatan
para sa kalusugan dahil sa kondisyon na ito sila ay lumalapit sa mga ahensya
na nagbibigay tulong upang magkaroon ng paglilinaw at pagtitibay na ang
pamahalaan ay nagkakalinga at responsable sa kanilang kalagayan.
At dahil nahuhubog ang mga nangangailangan sa ganitong uri ng sistemang
pangkaisipan kaugnay ang kanilang mga sariling desisyon at pananaw sa
24
buhay na sinasabing bahagi ng pang-araw-araw na gawain o “social practices”
nagkakaroon ng isang uri ng pamamaraan kung saan ay nakukulong sa isang
tradisyunal na pananaw ang mga indibidwal kaakibat ng kasalukuyang
kalagayan ng kahirapan at pagkakasakit na manatiling walang kakayahan at
nagreresulta sa isang positibong pagtingin sa anyo ng pagkakaroon ng utang
na loob (sense of gratitude) sa tulong na ibinabagahi ng ahensya sa halip na
magsagawa ito ng pagbabago sa kasalukuyang suliranin ng sistemang
pangkalusugan sa bansa.
Sa pagtatalakay ng pagkamit ng isang epektibong pamamaraan para sa isang
maayos na sistemang pangkalusugan, mahalagang malaman na ang
pagbibigay ng tulong sa mga tao ay hindi lamang sa pamamagitan ng dami ng
mga manggagamot at pasilidad bagkus ang kakayahan ng sistema na mailapit
ang bawat indibidwal sa isang maayos na pamumuhay upang magampanan
nito ang tungkulin bilang isang produktibong miyembro ng lipunan at
makibahagi sa mga gawaing pulitikal, ekonomika at sosyal na pagtingin kahit
sa anong aspeto ng buhay, layunin din nito na matukoy ng kakayahan na
makapagdesisyon sa kabutihan ng lahat.
Sa tungkulin ng PCSO na mabigyan ng tulong medikal ang lahat ng mga
nangangailangan, makikita natin na bahagi ito ng pamamahala ng Opisina ng
Pangulo. Ayon na rin sa direktiba ng PCSO Charter na ipinapatupad, ang
gawain ng ahensya bilang bahagi ng pamahalaan ay masiguro na
maisasagawa nito ang mga serbisyong panlipunan sa pamamagitan ng
pagtulong sa mga nangangailangan. Ang tungkulin ng pamahalaan sa
katauhan ng PCSO ay sinasabing higit na epektibo sapagkat natutugunan nito
ang mga tunay na mga nangangailangan ngunit dahil na rin sa pagbabago ng
sistemang pulitikal ng bansa, ang nasabing ahensya ay humaharap sa mga
25
suliranin kung saan ito ay hindi nagiging patas sa pagbibigay ng tulong sa
kadahilanan na walang buong kapangyarihan ang bawat sangay nito gaya ng
FAD na makatulong sa pangmatagalang proseso lalo na sa usapin ng
pagbibigay ng tulong medikal. Marami sa ating mga kababayan ang tumatakbo
at nagbabakasakali na makakuha ng mabilisang tulong ngunit sa kasalukuyan
at batay sa mga nakalap na datos ng mananaliksik, ang mga pampublikong
ospital na bahagi ng programa ng PCSO ay sumasailalim sa proseso ng
“privatization” upang bigyang daan nito ang kakulangan sa mga pasilidad at
badyet na siyang gagamitin sa pagpapatakbo ng mga programa nito kaya
naman higit na nagiging mahirap para sa mga nangangailangan na matustusan
ang kanilang mga gastusin sa ospital.
Ayon sa datos mula sa Health Alliance for Democracy (HEAD), kung tunay na
kinikilala ng pamahalaan na ang kalusugan ay bilang isang karapatan, hindi
nito hahayaan na ito ay maging isang “commodity” o produkto na siyang
pagkakakitaan ng mga dominateng pangkat sa lipunan at maging pribado at
ekslusibo lamang sa mga mayayaman na may kakayahan na makakuha nito.
Ang bahagi ng isang maayos na pampublikong sistemang pangkalusugan ay
binubuo hindi lamang ng maasyos na istruktura ng pinansyal na gastusin
bagkus ang kakayahan ng programa nito na maging matatag sa kabila ng mga
sakuna at matinding pangangailangan. Isa din sa mga isyu na ito ay ang
aplikasyon ng Philhealth upang sa pamamaraan na ito ay hindi mahirapan ang
PCSO sa pagbibigay ng tulong medikal ngunit ayon na rin sa Coalition for
Health Budget Increase (CHBI), ito ay bahagi lamang upang mas lalong
mapabilis ang pagsasapribado ng mga pampublikong ospital na sakop ng
PCSO, sinasabing ito ay para sa mga higit na nangangailangan ngunit tanging
layunin nito na makalikom ng mataas na posyento sa mga gastusing medikal
mapa-pribado o pampublikong ospital sa Pilipinas.
26
Ang Pamamaraan ng Mananaliksik:
Sa pagsasagawa ng layunin na mabatid ang tungkulin at gawain ng PCSO sa
pagbibigay tulong medikal sa mga nangangailangan kinikilala ng mananaliksik
ang paggamit sa “Ideological State Apparatus (ISA) ni Louis Alhusser” bilang
sapat na instrumento upang matugunan ang pangangailangan ng pag-aaral na
ito at mga kaugnay na literatura at diskurso sa talakayan ng pagsusuri sa isang
epektibong serbisyong panlipunan: masuri ang kwantitibong mga datos ukol sa
paksa at mabatid ang tunay na kalagayan at pananaw ukol sa konsepto ng
“effectiveness” ng mga humihingi ng medikal na tulong mula sa PCSO.
Isinagawa ng mananaliksik ang pangangalap ng mga datos sa pamamagitan
ng pag-alam sa kasalukuyang suliranin na kinakaharap ng “medical assistance
program” ng PCSO, nabatid sa mga primaryang datos na may kailangan
tugunan na solusyon at pagtanaw sa kalagayan ng mga nangangailangan sa
punto na ito ay hindi nababatid sa mga nakaraang pag-aaral.
Bilang paunang hakbang, matapos maisagawa ng mananaliksik ang mga
layunin at matukoy ang mga ispesipikong kliyente na bubuo sa pag-aaral,
nagpadala ng mga liham at katanungan ang mananaliksik sa Opisina ng Fund
Allocation Department (FAD) ng PCSO na sa kasalukuyan ay nasa Lung
Center Ave. kalakip ng liham ang paghingi ng pahintulot na magsagawa ng mga
sumusunod:
1. Magsagawa ng maikling panayam sa Officer in Charge ng Fund Allocation
Department (FAD) na si Dr. Larry Cedro.
2. Makapanayam ang mga Social Worker at mga Kawani na kabilang at
27
nagsasagawa ng ebalwasyon sa programa ng medical assistance ng PCSO
3. Magsagawa ng isang sarbey sa mga kliyente ng IMAP (Individual Medical
Assistance Program) na siyang magiging Key Informant Interview ng pag-aaral.
Batay sa obserbasyon na isinagawa ng mananaliksik sa lugar, nabatid nito na
may magkakatulad sa kondisyon na kinahaharap ng mga kliyente at mula dito
ay nahinuha nito ang mga sumusunod na pamantayan:
1. Mga “renewal” na humihingi ng tulong medikal, dito ay masasabi kung gaano
kadalas humihingi ang isang kliyente at kung anong pagbabago ang nangyayari
sa mga susunod nitong paghingi ng tulong
2. Kinikilala ng mananaliksik ang kakayahan at nagtataglay ng sapat na
kaalamanan ang isang kliyente na bigyang pagpapahalaga ang gastusin nito
para sa kalusugan, dito ay maaring pumasok ang “socio-economic status” ng
isang kliyente kung saan tinutukoy nito ang lawak ng gastusing pinansyal at
hanapbuhay nito sa pang araw-araw.
3. Dahil sa may limitasyon ang pagsasaliksik sa pag-aaral ng pagbibigay ng
tulong medikal ay tanging ang sumusunod na tulong mula sa PCSO ay saklaw
ng panuntunan ng mananaliksik gaya ng “medical treatment” (Dialysis,
Chemotherapy at mga Operasyon) at pagbibigay ng mga gamot.
4. At ang huli, mahalagang matukoy kung sino ang humihingi ng tulong medikal
ay yaong ang nangangailangan o kamag-anak nito, sapagkat mula dito ay
mababatis ang pagkakaiba na pinagdaraanan sa proseso ng may sakit at sa
wala.
28
Makakatulong din sa pagsasagawa ng ideolohiya at lente ng pag-aanalisa ang
pagsasagawa ng isang development at action research na siyang magbibigay
daan sa mg opportunidad ng pagsasaliksik ng paksa. Ang kwalitibo at
kwantitibong pagsasaliksik ay mabisang pamamaraan upang makita ng
mananaliksik ang ibat-ibang pagtingin sa paksa at magbiyang paglilinaw ang
mga istatisikong datos na nakalap sa pamamagitan ng sarbey at primaryang
datos. Sa palagiang pagpunta ng mananaliksik sa lugar ay makapamili ito ng
isang case study na kanyang pagtutuunan ng panahon dahil kinikilala ng
mananaliksik na bukod sa paggamit ng sarbey at panayam bilang pamamaraan
ng pangangalap ng datos, ang pagkakaroon ng isang case study ay
magbibigay lalim sa uri ng kondisyon na pinagdaraanan ng mga humihingi ng
medikal na tulong mula sa PCSO. Kaakibat ng pagsasagawa ng panayam sa
pagpili ng case study ay isinagawa ng mananalisksik ang time and motion
study kung saan ay tinatalakay nito ang mga pagbabago sa proseso ng
paghingi ng tulong medikal at mabatid ang primaryang sulirain ng mga
nangangailangan ng IMAP.
Sa pagsisismula ng pagsasaliksik sa pagangalap ng mga datos at
impormasyon, mahalagang mabatid ng isang mananaliksik ang kahalagahan
ng kanyang “primary at secondary sources” sa paaran na mababatid ng
mananaliksik ang mga mahahalagang impormasyon, istatistikong datos at
pangyayari na kanyang kakailanganin sa buong pagdaloy ng pag-aaral. Ang
mga secondary sources ng paksa ay manggagaling sa mga literatura, mga
published articles at journals at mga datos at istatistika mula sa DoH, DBM
(Dept. of Budget Managemet) at sa Fund Allocation Department (FAD) ng
PCSO na may kinalaman sa pagsasaliksik habang ang primary sources ng
paksa ay manggagaling sa ahensya ng PCSO at sa mga nangangailangan ng
29
tulong dahil naniniwala ang mananaliksik na ito ang mabisang paraan sa
pagsisimula ng isang maayos na pagdulog sa paksa.
Pinili ng mananaliksik ang programang IMAP ng PCSO sapagkat isa sa mga
isyu na kinahaharap ng lipunan o maging ang mga ordinaryong mamamayan
ay ang kawalan ng tamang impormasyon at pagpapahalaga sa usapin ng
sistemang pangkalusugan. Napakalaki ng epekto nito hindi lamang sa
indibidwal na katayuan kung hindi sa kabuuan ng bansa na maging maunlad.
Dahil sa umiiral na pamamahala sa mga medical assistance napagtanto ng
mananaliksik na malaki ang pagitan ng kaalamanan ng mga kliyente ng IMAP
sa tunay na nangyayari sa kanilang kapaligiran at maging sa kanilang
karapatan na magkaroon ng isang aksesibo at epektibong pamamaraan na
makamit ang tama at sapat na impormasyon sa usapin ng kalusugan. Sa
pagsagot kung paano mababatid ang sukat at antas ng konsepto ng
“effectiveness” sa pananaw ng mga nangangailangan ay pinili mula sa Analytic
Framework ng pag-aaral ang ikatlong kahulugan ng konsepto kung saan ang
pagiging sapat at angkop ay iniuugnay sa pagbibigay ng tulong medikal at
paano nito natutustusan ang pagpapagamot na pinagdaraanan ng mga may
sakit at nangangailangan.
Ang programa ng medical assistance ng PCSO ay isa lamang sa mga
serbisyong panlipunan na kanilang ibinabahagi sa mamamayan ngunit ito rin ay
isa sa mga pinakamahalagang katangian ng isang serbisyong panlipunan na
maibahagi ito sa kapakanan ng nakararami. Masusuri ng pagsasaliksik na ito
kung naging epektibo sa pananaw ng mga kliyente ang medical assistance
mula sa ahensya sa mga nagdaan panahon at matukoy ang mga kalakasan at
kahinaan ng programa.
30
At panghuli sa mga isinagawang hakbangin ng mananaliksik ay sa
pagsasagawa ng isang “data analysis” o ang pag-aanalisa sa mga nakalap na
datos upang mabatid ang konsepto ng “effectiveness” o epektibong
pamamaraan ng medical assistance ng PCSO at mailapat at mapagtibay ito sa
tamang diskuro, antas at lente ng pag-aanalisa sa paksa. Nakita ng
mananaliksik na mahalagang mabatid niya ang mga istatiskong mga datos
upang magsagawa ng unang interpretasyon sa kapaligiran ng paksa kaugnay
rito ang pagdulog ng mananaliksik sa paksa na bigyan ito ng makabuluhang
bahagi sa pagpapaunlad ng kaugnay na literatura at Analytic Framework.
Nabanggit sa mga paunang talakayan ang limitasyon ng pag-aaral na
isinagawa ng mananaliksik at nakatuon lamang sa programa ng IMAP na
makapagbigay tulong sa mga nangangailangan at tanging mabatid sa pananaw
ng mga kliyente ang karanasan sa pagtukoy ng mga suliranin na kanilang
kinaharap sa proseso at maging sa pangkalahatan ang kalagayan ngkalusugan
sa lipunan.
DATA SET RESOURCES METHOD
Primary Sources Case Study Selection from IMAP survey
Survey IMAP Clients
Key Informant Interview Officer in Charge of FAD
thru IMAP Clients, letter of request to the Main Office
Secondary Sources Articles, Journals, Reports about PCSO IMAP
Library visit and website
Statistical Records of IMAP Beneficiaries
FAD Accounting Office
Budget Allocation for PCSO IMAP and PH-Health System
DoH, DBM and PCSO website
31
Pagsasaalang-alang ng Kahalagahan ng Etikong Pamamaraan:
Mahalagang katangian ng isang mabuting pagsasaliksik ang pagkakaroon nito
ng isang makatwirang pagpapaalam sa komunidad patungkol sa nilalaman at
layunin ng pagsasaliksik na isasagawa. Hindi lamang nakapaloob dito ang
usapin ng moralidad kung hindi nararapat din ang respeto at pagbibigay-galang
sa kaugalian, katangian at kaayusan ng isang indibidwal at ng kanyang
komunidad. Ang pagkakaroon ng isang “informed consent” o tamang paraan ng
paghingi ng pahintulot ay mahalagang bahagi ng pag-aaral sapagkat tinutukoy
nito ang kalusugan ng isang komunidad na sasailalim sa pag-aaral. Sa
panahon ngayon, marami ang nagsasagawa ng mga pagsasaliksik na hindi
dumadaan sa tamang proseso o konsultasyon ng komunidad na nagreresulta
sa pang-aabuso ng karapatang pantao. (Castillo, 2001)
Kaya bilang pagtugon sa panawagan, ang pagsasaliksik na ito ay lubos na
kinikilala ang mga karapatan at opinyon ng mga bahagi sa pag-aaral ng may
buong paggalang at pagkakaroon ng “confidentiality” sa ano mang kaalaman
na maaring mabatid ng mananaliksik.
Sa isinagawang mga hakbangin ng mananaliksik makikita na ang mga kliyente
sa paksa ng IMAP mula sa PCSO ay lubhang bukas sa ano man uri ng
karahasan at pang-aabuso sa kanilang karapatan, kaya bago sinimulan ng
mananaliksik ang pagsasagawa ng sarbey at panayam ay lubos nito ipinaalam
sa mga kliyente ang nilalaman at layunin ng pag-aaral kalakip ang seguridad na
hindi ito mapapahamak sa pagbibigay ng partisipasyon nito. May ilang
pagkakataon na nakararamdam ng takot at pangamba ang mga kliyente sa
paksa na ito kaya bilang respeto sa kanilang desisyon ay hindi pinilit ng
mananaliksik ang ilan sa mga ayaw magpahiwatig na kanilang saloobin habang
32
ag ilan sa mga kliyente na may karamdaman na dinadala ay iniwasan din
abalahin ng mananaliksik sapgkat hindi ito mabuting pamamaraan upag
makakuha lamang ng magandang impormasyon bagkus ay tinatanong muna
ng mananaliksik ang kanilang pahintulot sa pagsasagawa ng sarbey at
panayam.
Talakayan at Pag-aanalisa ng Resulta
Ang Pagsulyap sa Proseso at Hakbangin sa Paghingi ng tulong medikal mula
sa PCSO:
Ang PCSO o Philippine Charity Sweepstake Office ay isa sa mga ahensya
ng pamahaalan na naglalayon na tugunan ang mga pangangailangan ng mga
mamamayan sa pamamagitan ng pagpapatupad at paggawa ng mga
serbisyong panlipunan na siyang lumilinang sa aspetong pisikal ng bawat
indibidwal. Ang programang IMAP o Individual Medical Assistance Program ng
PCSO ay isang mabilisng pagbibigay ng tulong medikal sa mga
nangangailangan kung saan ito ay sa anyo ng pagbabalik sa isang may sakit
sa kanyang normal na katayuan sa lipuanan at hindi ito pangmatagalang
proseso dahil na rin sa dami at limitasyon ng programa. Batay sa tungkulin na
isinasagawa ng ahensiya ay mababatid natin ang mga dahilan kung bakit
marami sa atin mamamayan ang nangangailangan ng serbisyong panlipunan
gaya ng mga “medical assistance” at ang mga indikasyon nito upang
mabigyang kahulugan ang isang epektibong programang pangkalusugan.
Kalimitan ang mga tulong medikal ay nasa anyo ng isang “guarantee letter”
kung saan dito ibinabahagi ng ahensya ang kanyang pagtulong sa mga may
sakit at mga nangagailangan. Batay na din sa panayam na isinagawa ng
33
mananaliksik sa mga kliyente ng “medical assistance”, karaniwan na ito ay
matagalang proseso sa dahilan na maraming mamamayan ang tumatangkilik
sa programa ng PCSO at ang ilan sa kanila ang nanggagaling sa malalayong
lugar.
Ang pondong pinaglalaanan o pinagkukuhanan nito ay nanggagaling sa
mga programang inilulunsad ng ahensya gaya ng mga STL (small town lottery)
at lotto na higit kumikita ng mas malaki upang makapagbigay ng mga
serbisyong panlipunan at sapat ito upang matustusan ang bawat kahilingan ng
mga “charity organizations at indigent patients.” (Personal na Panayam kay Dr.
Larry Cedro, Enero 25, 2012). Ngunit ayon sa artikulo ni Tina Santos mula sa
(Phil. Daily Inquirer, 2011), sinasabing binawasan ng mahigit sa 60% ng mga
humihingi ng tulong medikal ng ahensya ang kanilang pondo para sa “medical
assistance” upang bigyan daan ang pagrereporma ng ahensya sa nakalipas
nitong pamunuan at mabayaran ang pagkakautang nito sa pamahalaan na
siyang ginagamit ng mga pampublikong opisyal sa mga proyekto ng kanilang
sakop ng pamamahala. Sa kabila nito ay nanatili ang PCSO sa pagbibigay ng
serbisyong panlipunan para sa mga Pilipino at sa mga nangangailangan.
Ayon sa datos mula sa ahensya sa kabuuang bilang nito sa mga humingi
ng tulong medikal sa buwan ng Enero hanggang Disyembre ng taong 2011, sa
bilang na 163,050 katao na humihingi ng tulong medikal tanging 68,606 sa
lamang ang sinasabing nabigyan ng tulong at tanging kumpleto ang dokumento
para sa IMAP ng PCSO, (PCSO Medical Statistics, 2011) kalimitan ang ilan ay
naghihintay ng ilang buwan upang magamit ang kanilang “guarantee letter”
dahil na rin sa mga patakaran ng ibang kaugnay na ospital ng ahensya, ngunit
sa umiiral na kondisyon ng sistemang pangkalusugan sa bansa, ito ay hindi
34
sapat upang matugunan ang lahat ng gastusin ng isang nangangailangan,
kasama pa dito ang mahabang pila sa tuwing kukuha ulit ng panibagong
aplikasyon at matagalang pag-proproseso ng mga dokumento ayon sa mga
nakapanayam ng mananaliksik.
Halimbawa sa mga “item” o isa sa mga bahagi ng pagpapagamot na
maaring makuha mula sa ahensya, ang pagbibigay tulong medikal sa mga
pasyenteng nag-didialysis ay umaabot ang gastusin sa mahigit Php 65,000.00
kada buwan at hindi kasama ang ilan sa mga proseso ng gamutan ngunit sa
pagtataya batay na rin sa nakuhang impomasyon at panayam sa mga ilang
nabigyan ng “guarantee letter” umaabot lamang ng Php 20,000.00 ang
naibibigay na tulong medikal ngunit ito ay depende sa katayuan sa buhay ng
isang nangangailangan dahil ayon kay Gng. Divine Sta. Ines, isa sa mga social
worker na nagsasagawa ng ebalwasyon sa mga kliyente, mahalagang puntos
sa pagbibigay ng tulong medikal ang socio-economic background ng kliyente
kung saan dito napapaloob ang uri ng kanyang hanapbuhay at suporta sa
ibang kamag-anak. (Personal na Panayam, Enero 25, 2012) Lubhang
napakalayo ng mga numero upang maipagpatuloy ang proseso ng
pagpapagamot, ang paliwanag ng ahensya dito ay hindi nila maaring itaas ang
ilang serbisyong medikal na kailangan ng mga pasyente dahil marami din
silang tinutustusan na mga pampublikong ospital at mga organisasyon, ngunit
sa abot ng kanilang makakaya ay humahanap sila ng iba pang mga
pamamaraan. (Phil. Daily Inquirer, 2011)
Ang Pilosopiya ng Medical Assistance ng PCSO:
Sa pagpapatuloy ng talakayan, nabanggit sa panimula at batay na rin sa
isinagawang panayam ng mananaliksik sa Officer in Charge ng FAD-PCSO na
35
si Dr. Larry Cedro, “ang mga medical assistance program na ibinabahagi ng
ahensya ay isang pamamaraan upang maipaabot nito sa mga higit na
nangangailangan ang karapatan nila para sa isang maayos at aksesibong
kalusugan kung saan ito ay mabilisang ibinibigay sa oras ng pangangailangan”
(Personal na Panayam, Enero 25, 2012). Sa likod ng programa ng PCSO para
sa pagbibigay ng tulong medikal sa mga nangangailangan layunin nito na
maibalik ang normal kalagayan at responsiilidad nito sa lipunan na siyang
malinaw na ibinabahagi sa mga kliyente sa tuwing sila ay humihingi ng tulong
medikal o ng ibang serbisyo mula sa ahensya.
Upang matukoy ang konsepto ng “effectiveness” ng mga medikal na tulong
mula sa PCSO mahalagang mabatid natin ang kahulugan nito, batay sa
pagpapakahulugan ng mananaliksik, “ito ay ang pagkakaroon ng isang
epektibong pamamaraan, kung saan ito ay masusukat kung ang isang
isinagawang aksyon o bagay na nais maabot ay nagdudulot ng wastong resulta
at sapat na kakayahan upang ibahagi sa iba pang layunin at hindi ito
nagdudulot ng ibang suliranin”. Sa pagtinggin sa proseso ng pagbibigay tulong
medikal mula sa PCSO makikita batay sa mga hakbang na isinagawa ng
mananaliksik ang mga indikasyon o pamantayan upang mabatid ang wastong
kahulugan ng konsepto ng “effectiveness” at mailapat ito sa pananaw at
karanasan ng mga kliyente kung ito ba ay lubusang nakakatulong sa kanilang
kasalukuyang kalagayan sa lipunan.
Una, nasusukat ang “effectiveness” o epektibong pamamaraan ng mga medical
assistance kung nababawasan nito ang mga palagiang humihingi ng tulong o
sa kabuuan ang sistemang pangkalusugan ay bumuti ang kalagayan dahil kung
ito ay naibibigay sa tamang oras na kailangan ng may sakit o ng
nangangailangan hindi ito magdudulot ng panibong suliranin. Mula dito
36
masasabi natin na ito ay hindi naipapatupad sapagkat ayon sa datos mula sa
(IBON Databank, 2009) lubhang tumataas kada taon ang mga humihingi ng
tulong medikal hindi lamang sa PCSO kung hindi kahit sa ibang organisasyon.
Mula sa 56% na medical request ay umaabot ito sa mahigit 62% sa taon 2011
at mula sa datos ng PCSO, umaabot ang aplikasyon ng mga medical
assistance sa mahigit 79.32% o tinatayang 71, 802 na kaso kada taon kung
saan ito ay manipestasyon na kahit may tulong medikal na naibabahagi ang
PCSO at ibang ahensya ay nagkakaroon ng kakulangan hindi lamang sa
kabuuang budyet ng pamahalaan kung hindi higit sa implementasyon ng mga
programa sa ilalim nito. Sa uri ng sistemang pangkalusugan na taglay ng ating
bansa maraming sektor rito ang hindi nasasaklaw at bagkus ay mas tumitindi
ang kahirapan na kanilang dinaranas dahil sa kakulangan at matagalan na
proseso ng aplikasyon sa paghingi ng tulong medikal. Ang pangkalahatang
kondisyon ng kalusugan sa bansa ay lumalala sa paglipas ng panahon,
maraming bagong sakit ang naglipana sa kapaligiran at mataas na presyo ng
mga gamot na hindi kayang tustusan sa pamamagitan ng mga medical
assistance o ng ordinaryong mamamayan.
Pangalawa, sa proseso ng aplikasyon ng medical assistance mababatis natin
ang pagiging epektibo nito kung ito ay naibibigay sa sapat na panahon. Ayon sa
mga nalikom na datos ng mananaliksik, karaniwan ang proseso ng medical
assistance ay inaabot ng mahigit isang linggo sa pag-sasaayos sa mga
paunang dokumento kasama na rito ang paghingi ng mga dokumento galing sa
lokal na DSWD o mga referal section ng mga pampublikong ospital bago ito
isumite sa ahensya. Sa pagtataya, kung ang kahilingan ng isang pasyente
bago sumailalim sa isang operasyon o dialysis kalimitan ay inaabot ito ng isang
buwan bago maaprubahan ang “gurantee letter” at kung sa kahilingan naman
sa gamot ay matagal na ang dalawang linggo bago makuha ang medikal na
37
tulong. (PCSO, Guidelines for IMAP 2011) Ngunit sa pagtingin sa ganitong uri
ng proseso makikita natin na lubhang napakatagal ng paghihitay ng isang
pasyente upang makamit lamang ang inaasam na “medical assistance” sa mga
kadahilanan na marami ang humihiling sa programa na ito mula sa PCSO
bagama't kinikilala ng mananaliksik na malaki ang pagbabago ng proseso
kumpara sa mga nakalipas na taon nito, ang isang mabilis na pagtugon sa
problema ay isang mahalagang salik upang maibigay sa mga nangangailangan
ang sapat at tapat na serbisyong panlipunan at hindi nito pinalala ang
kasalukuyang kalagayan ng may sakit o ng nangangailangan. Batay na
obserbasyon ng mananaliksik, dahil sa magkahiwalay ang Main Office at FAD
ng PCSO kalimitan ay nahihirapan ang mga kliyente na alamin ang tamang
proseso o mga habangin dala na din ng magkaibang lokasyon nito.
At ang huli, kaugnay sa aplikasyon ng mga medical assistance ay ang bilang
ng mga natutulungan ng ahensya mula rito at ang alokasyon nito sa programa
para sa kalusugan kung sapat ba ito sa gastusin ng nangangailangan at may
sakit. Sa pagtataya at nabanggit sa panimula, sa mahigit 163,050 katao sa taon
2011 na humuhingi ng tulong medikal tanging 68,606 lamang nito ang
naaprubahan ng ahensya at kalimitan ay hindi sapat sa aktwal na
pangangailangan ang naibibigay ng ahensya dahil na rin sa limitasyon nito na
mag-apruba ng mga medical assistance. Katunayan ayon sa artikulo ni Jerry
Esplanada, (PDI, 2011) binawasan ng ahensya ang pagbibigay tulong medikal
sa mga humuhiling at mga “charitable organizations” dahil sa tinatayang
pagkaka-utang nito sa ibang ospital dahilan upang maghigpit ito ng budyet para
sa susunod na taon. Ang taunang alokasyon nito ng budyet, ayon sa datos na
nakalap ng mananaliksik, sa mahigit sa Php116 Milyon na gastusin ng
ahensya, ito ay pinaghahatian ng mahigit 112 na “charitable organzations”
habang ang mga humihiling ng tulong na medikal ay pawang naghihitay sa
38
kung ano ang kayang maibigay ng ahensya ngunit batay na rin sa nakalap na
datos ng mananaliksik mula sa Fund Allocation Department (FAD) ng ahensya
tinatayang tumaas na bahagya ang alokasyon nito sa medical assistance sa
taon 2012 dahil sa nakalipas na pagtaas ng mga “revenues” mula loterya nito
upang makalikom ng sapat pondo na gagamitin sa kasalukuyan pagpapatakbo
ng programa. Subalit nananatili pa rin ang kalagayan na marami sa mga
nangangailangan ang hindi natutugunan ng pagbibigay ng tulong medikal na
siyang makikita sa pagtatalakay ng resulta ng sarbey at panayam sa mga
kliyente ng IMAP.
Sa pagsusuri sa paggamit ng lente at diskurso ng Ideological State Apparatus
at sa pag-aaral ni Althuser, lumalabas na isa sa mga nagagamit bilang
instrumento upang magkaroon ng uri ng opresyon sa lipunan ay ang mga
charitable institutions, mga ospital at media kung saan hindi nito nabibigyan ng
sapat na panahon o kaukulang atensyon ang mga higit na nangangailangan.
Isa sa mga isyu na kinahaharap ng ating sistemang pangkalusugan ay ang
kakulangan sa sapat na alokasyon at distribusyon nito kung saan may mga uri
ng tulong na nakukuha gaya ng mga medical assistance ngunit ito ay walang
tiyak na maaring pagkuhanan ng panggastos at nakasalalay sa kung ano ang
mayroon sa kaban ng pamahalaan o ng isang institusyon. At sa halip mula sa
tatlong bahagi na bunubuo sa pangkalahatang sistemang pangkalusugan, ang
paggastos ng pamahalaan at mga programa mula sa mga ospital na dapat ay
nagbibigay ng sapat at tamang impormasyon sa kalusugan ay hindi nagagawa
bagkus ang antas ng “out of the pocket expenditure” ng isang may sakit o ng
nangangailangan ay lubhang mas mataas ang tantos ng paggastos sa mga
pangangailangang medikal.
39
Sa pagpapatuloy ng talakayan, batay sa mga resulta ng isinagawang mga
sarbey at panayam sa mga kliyente, makikita na ang pagkakaroon ng isang
maayos na hanapbuhay kung saan ito ay kumikita ng sapat at kayang tustusan
ang mga pangangailangan ay mahalagang salik upang mabatid ang
pagkakaroon ng isang aksesibong kalusugan at batay din sa pakikisalamuha sa
mga kliyente mahalaga na ang isang epektibong pamamaraan sa pagtulong ay
lubusang napapawi nito ang kahirapan hindi lamang sa pisikal na katayuan
maging sa emosyonal na pagtingin.
Upang masagot ang mga layunin at katanungan, pinili ng mananaliksik na
alamin ang “demographic background” ng bawat kliyente na makikibahagi sa
pagsagot ng sarbey at panayam at mula dito ay mababatis kung ito ay ba ay
nararapat batay sa pamantayan na isinaad ng mananaliksik sa kanyang
metodolohiya.
Una, lumabas sa pag-aaral na sa kabuuang bilang na (35) tatlumpu't limang
kliyente na sumagot ng sarbey at panayam, halos (21) dalawampu't isa dito ay
nakatira sa malalayong lugar o mga “rural communities” gaya ng Pampanga,
Cavite, Bulacan at Negros Occidental at ang natitirang (14) labing-apat ay
pawang mga nakatira malapit sa lugar ng PCSO gaya ng Maynila at Quezon
City. Samakatuwid, napag-alamanan din ng mananaliksik na mayroong mga
PDO's o Provincial District Offices ang FAD upang magkaroon ng isang mabilis
na sistema sa pagbibigay ng tulong medikal ngunit sa kasalukuyan ang
bahaging ito ng mga PDO's ay hindi naisasagawa ang kabuuang layunin ng
FAD dahil na rin sa kakulangan sa sapat na kawani at kapangyarihan na
mapanghawakan ang mga PDO's dahi sa isang “decentralized” na paamahala
ng PCSO. Sa katunayan mayroon lamang nakatalaga na isang social worker sa
bawat PDO's na siyang magpapadala sa Main Office ng PCSO ng mga
40
dokumento na siya naman din dadalhin sa FAD upang bigyan ng kaukulang
aksyon. Kinikilala ng mananaliksik ang kasarian bilang mahalagang bahagi sa
proseso ng paghingi ng tulong medikal sa PCSO sapagkat makikita mula dito
kung paano binibigyang halaga ang responsibilidad ng bawat kasarian sa
lipunan. Mula sa resulta ng sarbey at panayam, may bilang na (21)
dalawampu't isa ang napapabilang sa mga kababaihan at (14) labing-apat dito
ay galing sa mga kalalakihan. Habang ang edad ay isa sa mga mahahalagang
salik upang matukoy ang lawak ng paghingi ng tulong medikal na ang bilang ay
(11) labing-isa para sa may edad na 36-45, habang (9) siya para sa edad na
20-35, (8) walo sa edad na 46—55 at sa parehas na bilang na (2) dalawa para
sa edad na 56-65 at 66-75.
Tab. 1: Demographic Background ng mga kliyente ng IMAP
LUGAR Rural: 21 o 60%
Urban: 14 o 40%
KASARIAN Kababaihan: 21
Kalalakihan: 14
EDAD
20-35 9
36-45 11
46-55 8
56-65 2
66-75 2
Sa pangunahing hanapbuhay ng mga kliyente, lumalabas sa resulta na sa
kabuuang (20) dalawampu ay mayroon sariling hanapbuhay gaya ng pagtitinda,
sariling negosyo at mga “part-time” na hanapbuhay habang (11) labing-isa ay
walang sariling hanabuhay at tanging tulong mula sa mga kamag-anak ang
pinagkukuhanan ng panggastos sa araw-araw at huli, sa bilang na (4) apat ay
41
galing sa mga Government Employee. Habang sa kabuuang kita o “family
income” mula sa hanapbuhay ay mayroon na bilang na (12) labing-dalawa sa
antas na Php 200-500 ang kumikita sa isang araw, Php 1,500-3,000 na may (7)
pito, Php 3,500-6,000 ay (5) lima, Php, 6,500-10,00 at 10,000-15,000 na may
parehas na bilang na (4) at Php 600-1000 na may bilang na (3) tatlo mula sa
hanay ng mga kliyente. Nabangggit sa panimula at talakayan na ang
pagkakaroon ng isang sapat na hanapbuhay kung saan ay natutustusan nito
ang mga pangangailangan ng isang indibidwal ay mahalagang salik upang
magkaroon siya ng aksesibo sa kahit anong uri ng serbisyong panlipunan. Sa
kaso ng mga kliyente, makikita sa resulta na kalimitan ang ilan sa kanila ay
nasa mababang antas ng family income dahilan upang hindi ito maging sapat
sa kanilang pangangailangan at umaasa na lamang sa mga tulong na ibinibigay
katulad ng medical assitance.
Tab. 2: Uri ng hanapbuhay at kabuuang kita ng Kliyente ng IMAP
HANAPBUHAY Government Employee -(4) 12%
Sariling Hanabuhay gaya ng pagtitinda atbp. -(20) 57%
Walang sariling hanapbuhay at umaasa lamang sa tulong mula sa mga kamag-anak -(11) 31%
KITA o 'Family Income' (Php)
200-500 12 o 35%
600-1000 3 o 9%
1,500-3,000 7 o 20%
3,500-6,000 5 o 14%
6,500-10,000 4 o 11%
10,000-15,000 4 o 11%
42
Mahalaga din na malaman ng mananaliksik ang bilang ng aplikasyon ng mga
kliyente sa tulong medikal ng PCSO upang mabigyan kahulugan ang konsepto
ng “effectiveness” batay sa pamamaraan nito na maibigay sa sapat na panahon
na ito ay kakailanganin ng mga kliyente. Ayon sa resulta ng sarbey sa
kabuuang bilang na (16) labing-anim ay naghihintay ng 2-3 buwan, (12) labing-
dalawa para sa paghihintay ng mahigit sa 3 buwan at (6) anim para sa isang
buwan o linggo pagkatapos na maipasa ng kliyente ang mga dokumento.
Kaugnay nito ay kung anong uri ng tulong medikal ang karaniwang hinihingi ng
mga kliyente mula sa PCSO, lumalabas na sa bilang na (12) labing-dalawa ay
nangangailangan ng medical assistance para sa proseso ng Dialysis, (11)
labing-isa para sa mga porseso ng Operasyon gaya ng puso at iba pang bahagi
ng katawan, (7) pito para sa paghingi ng tulong sa pang-araw-araw na gamot o
“maintenance” at huli sa bilang na (5) lima para sa proseso ng chemotherapy.
Habang sa halaga ng pagbibigay ng tulong medikal, sa kabuuang bilang na (21)
dalawampu't isa ay mayroon ito na halaga na Php 15,000-20,000, (9) siyam
para sa Php 5,000-10,000 at (5) lima para sa Php na 30,000-50,000. Makikita
mula sa resulta na higit na matagal ang paghihintay ng mga kliyente upang
makuha ang kanilang guratee letter, indikasyon na hindi mabilisan ang
pagbibigay tulong na hatid ng IMAP sa mga kliyente. Batay din sa isinagawang
time and motion study na isisnagawa ng mananaliksik sa ilang mga kliyente
batay sa kanyang obserbasyon, lumalabas na sa unang hakbang ng proseso
kalimitan nagtatagal ang mga kliyente na halos buong araw ang nakakain nito
sa panahon ng mga kliyente ngunit kinikilala ng mananaliksik na may
pagbabago sa pagkilos ng mga kawani ng FAD na maging reponsive at ituon sa
isang mabilisang proseso na pakikipanayam sa mga kliyente at pagbibigay ng
ebalwasyon nito. Sa katunayan mayroon kabuuang bilang na (16) labing-anim
na Social Worker at (4) na Supervisor o Officer of the Day ang humaharap sa
mahigit (400) na kliyente ng IMAP.
43
Tab. 3: Uri at halaga ng tulong medikal na maaring makuha mula sa PCSO
Uri ng Medical Assistance Bilang ng Populasyon: 35
Operasyon gaya sa Puso at iba pang bahagi ng katawan
11 o 31%
Dialysis 12 o 34%
Mga gamot o “maintenance” 7 o 20%
Chemotherapy 5 o 14%
Halaga ng Medical Assistance na naibibigay sa
mga nangangailangan
5,000-10,000 9 o 26%
15,000-20,000 2 o 60%
30,000-50,000 5 o 14%
Upang masagot kung ang tulong medikal na ibinibigay ng PCSO ay sapat sa
pangangailangan ng mga kliyente batay sa kanilang pananaw lumalabas sa
resulta na sa kabuuang bilang na (31) tatlumpu't isa ang nagsasabing hindi
sapat ang tulong medikal sa mga kadahilanan na hindi saklaw ng PCSO ang
ibang gastusing medikal ng mga kliyente gaya ng mga gamit sa pagpapagamot
na sila ang bumibili at ibang mga gamot na kakailangan sa proseso ng dialysis,
chemotherapy at operasyon habang sa bilang na (4) apat ang nagsasabing
sapat ang naibibigay na tulong medikal dahil sa mga kadahilanan na ito ay
nakakatulong sa kanilang kalagayan at kinikilala nila ang tungkulin ng PCSO sa
pagtulong sa mga mamamayan. Batay sa pananaw ng mga kliyente higit na
magiging epektibo para sa kanilang panig ang ibinibigay na tulong medikal ng
PCSO kung kahit sa 60% na kabuuang halaga ng kanilang gastusing medikal
ang masasakllaw nito ngunit kalimitan tanging 30% lamang ang naibibigay
dahilan upang ang ilan sa mga kliyente ay masadlak sa mga utang sa mga
kasamahan at ang ilan ay ipinagbibilia ng kanilang mga kagamitan at ari-arian.
44
Tab. 4: Pagiging sapat ng tulong medikal ng PCSO
Sapat ang tulong na naibibigay ng PCSO sa
pamamagitan ng medical assitance sa gastusing medikal.
Oo 4 o 11%
Hindi 31 o 89%
Ayon din sa naisagawang sarbey lumalabas na sa kabuuuang bilang na (29)
dalawampu't siyam na kliyente ang nagsasabi na nagagawa ng PCSO ang
tungkulin nito sa mga mamamayan bilang pangunahing ahensya na itinalaga sa
pagbibigay tulong medikal at iba pang uri ng serbisyong panlipunan habang ang
bilang na (3) tatlo ang nagsasabi na kulang ang kakayahan ng PCSO na
makatulong sa mga nangangailangan at (3) tatlo sa mga di-tiyak ang
kasagutan. Mula dito nabatid ng mananaliksik, kahit may kasalukuyang
kalagayan ng kakulangan sa sistemang pangkalusugan ay nanatili sa kaisipan
ng mga kliyente na nagagawa pa rin ng PCSO ang tungkulin nito na
makatulong sa mga may sakit at nangangailangan ngunit ito ay malinaw na
indikasyon na nagkakaroon ng kondisyon na umaasa na lamang ang mga ito sa
tulong sa halip na maging produktibo sa kakayahan nila.
Tab. 5: Tungkulin at gampanin ng pagtulong mula sa PCSO
Nagagawa ng PCSO ang tungkulin at gampanin nito na
makatulong sa mga nangangailangan.
Oo 29 o 82%
Hindi 3 o 9%
Di-tiyak 3 o 9%
45
Upang masukat ang pagiging epektibo ng medical assitance ng PCSO sa
pananaw ng mga kliyente sa pamamagitan ng isang rating scale na may bilang
1-5 lumalabas sa pag-aaral na may bilang (19) labing-siyam ang nagsasabing
ito ay kanilang bibigyan ng puntos na (3) tatlo sa kadahilanan na ito ay
nakakatulong ngunit hindi sapat ang medical assistance para sa kanilang
pangangailangan, (13) labing-tatlo para sa puntos na (2) ang nagsasabing ito
ay lubusang nakakatulong sa kanilang kalagayan, (2) dalawa sa puntos na (4)
dahil sa kadahilanan na may ibang uri ng proseso ng pagpapagamot ang hindi
saklaw ng PCSO, (1) isa sa puntos na (1) sa paniniwala na ito ang ahensya na
lubusan na nakakatulong sa mga may sakit at nangangailangan. Batay sa
pananaw ng mga kliyente sa pagbibigay nito ng puntos sa pagiging epektibo ng
tulong medikal, masasabi na ito ay nasa katamtamang antas ng pagiging
epektibo dahil ayon na rin sa mga panayam na isinagawa ng mananaliksik, ang
pangunahing kadahilanan na nasasambit ng mga kliyente ay ito lamang ang
kanilang naasahan na tulong kahit na hindi sapat ang halaga na nakukuha mula
dito ay pinagtitiiisan nila ito upang makalagpas sa nararamdamang kalagayan.
Tab. 7: Pagsukat sa pananaw ng kliyente ng IMAP sa konsepto ng
“effectiveness”.
Pananaw ng mga kliyente sa medical assistance ng PCSO
kung ito ba ay naging epektibo sa kanilang kalagayan (rating scale)
1 (Epektibong-epektibo sa kalagayan
ng kliyente)
1 o 3%
2 (Katamtamang epekto ng pagtulong lamang sa kalagayan ng kliyente)
13 o 37%
3 (Nakakatulong ngunit hindi sapat
ang epekto sa kalagayan)
19 o 54%
46
4 (Hindi epekjtibo sa kalagayan ng
kliyente)
2 o 6%
5 (Wala ito nagagawang tulong sa kalagayan ng mga kliyente)
0
Bilang karagdagan, naglagay ang mananaliksik ng “descriptive” na katanungan
kung nararamdaman ba ng mga kliyente ang pagapahalaga at pagkalinga ng
PCSO sa pagtulong nito sa mga nangangailangan. Ayon sa resulta ng
isinagawang sarbey lumalabas sa kabuuang bilang na (22) dalawampu't
dalawa ang nagsasabing ito ay kanilang nararamdaman sa kadahilanan na ito
lamang ang mabilis nilang mapagkukuhanan ng tulong medikal habang (13)
labing-tatlo ang nagsasabi na hindi nila ito nararamdaman dahil sa mga
kakulangan ng ahensya na iparating ang malawak na sakop nito sa ibang uri
ng pagpapagamot at medical assistance. Katulad ng mga nabanggit sa
pagtatalakay, ito ay manipestasyon na ang kasalukuyang kalagayan ng isang
nangangailangan ay nagagamit bilang isang pamamaraan upang mas lalong
pagtibayin nito ang umiiral na kaisipan na ang mga nangangailangan ay
mananatiling mahina at aasa na lamang sa tulong ng dominateng pangkat ng
lipunan.
Tab. 8: Pagtingin sa damdamin ng mga kliyente patungkol sa pagtulong ng
PCSO.
Nararamdaman ng mga nangangailangan ang
pagtulong at pagkalinga ng PCSO sa pamamagitan ng
pagtulong nito.
Oo 22 o 63%
Hindi 13 o 37%
47
A ng luksong tinik sa pagkamit ng sapat at wastong karapatan sa kalusugan
“kahit papaano ay nakakatulong ang PCSO sa kalagayan namin dahil
kung walang ganitong uri ng programa, kanino na lang kami lalapit?” (Panayam
kay Gng. Cecile Garcia, kliyente ng IMAP)
Ang mga medical assistance at iba pang uri ng mapagsamantalang
programa ay disensyo upang bigyan ng kahulugan ang isang responsableng
pamahalaan sa gawain nito na mabigyan ng wastong pamumuhay ang mga
mamamayan nito kalimitan ito ay nagagamit upang pairalin ang kakayahan nito
na mapanghawakan ang mga nangangailangan sa punto na ito ay maari nilang
magamit para sa pansariling kapakanan at hindi upang maging epektibo ang
pamamaraan nito sa pagtanggal ng mga maling kinagisnang kultura at kaisipan
na ang lahat problema ay ginagawan ng solusyon mula sa pamahalaan
partikular ang kalagayan ng kalusgan para sa mga mamamayan, dahil dito ay
higit na nawawalan ng kalakasan ito na magsulong ng pagbabago at hindi
makapagdulot ng epekto sa ibang pangkat ng lipunan.
Bilang patunay sa teorya na ginamit sa pag-aaral makikita mula sa resulta ng
(Tab. 5 at Tab. 8) ang positibong pagtingin ng mga kliyente sa gampanin at
tungkulin ng ahensya na makapagbigay ng tulong medikal. Kung ating lalaliman
ang pagtigin sa nasabing resulta, pinagtitibay lamang nito na makatotohanan
ang sinasabi ng teorya ng Ideological State Apparatus (ISA) patungkol sa
pamamaraan ng pamahalaan na magamit ang mga charitable institution at mga
kahalintulad na programa sa gawain nito na mapagtakpan ang kakulangan sa
mga kasalukuyang suliranin na dinaranas ng mga mamamayan sa halip na
maging responsible ang pamahalaan sa tungkulin nito sa mga mamamayan.
Mababatis din mula sa pag-aaral na nagdudulot ito ng sistemang pangkaisipan
48
sa damdamin ng mga kliyente kung paano ba nito bibigyan ng kahulugan ang
isang responsableng pamahalaan na siyang malinaw na sinasabi ng resulta.
Makikita sa kalagayan ni Gng. Garcia ang pangkalahatang epekto ng proseso
at pilosopiya ng medical assistance ng PCSO kung saan dahil sa ito ay
nakakatulong sa kanilang kasalukuyang kalagayan hindi nito tuwiran napapawi
ang matinding paghihirap sa pangmatagalang proseso bagkus ay nananatili sila
o kahit ang ilang mga kliyente sa isang kalagayan na kailangan nilang umasa
sa tulong nagmumula sa PCSO na siyang nagpapatibay sa pagkakaroon nito
ng utang na loob (sense of gratitude) sa ahensya at manatiling mahina sa
kabuuang proseso. Sa paglalapat ng diskurso na ginamit ng mananaliksik,
malinaw na ipinapakita ng pag-aaral na kahit nakakatulong ang medical
assistance sa kasalukuyang kalagayan ng mga kliyente nananatili pa rin ang
realidad na hindi nabibigyang halaga at prayoridad ng pamahalaan ang
sistemang pangkalusugan sa bansa at sa huli ay napapako nito ang mga
kliyente sa isang kaisipan at kalagayan na ayon sa istraktura ng kanilang
planadong kahirapan sa mga mamayan at pansariling kapakanan. Bagama't
may tunggalian sa pagitan ng pananaw ng mga kliyente sa konsepto ng isang
epektibong pamamaraan ng tulong medikal at sa sapat na gastusin nito sa
kanilang pagpapagamot, nananatili ang kalagayan na higit na nangingibabaw
ang kakulangan nito na bigyan ng tuwirang solusyon sa isang pangmatagalang
pamamaraaan ang dinaranas nilang paghihirap na hindi kailangan nagdudulot
ng ibang sulianin o epekto sa kanilang pamumuhay sa lipunan. (Tab. 4 at Tab.
7).
Ang pagkakaroon ng sense of gratitude ng mga kliyente ng medical assistance
sa PCSO ay manipestayon na nagiging epektibo ang ahensya sa tungkulin nito
na maipaabot ang tulong na inaasahan ng mga nangangailangan. Makikita din
batay sa demographic background na isinagawa ng mananakilsik na karamihan
49
sa mga ito ang talaga naman nasa antas ng tinaguriang poverty level na
siyang malinaw na pagtingin na wala talang kakayahan ang mga kliyente na
maabot ang isang aksesibong programa para sa kalusugan. Samakatuwid,
dahil sa kasalukuyang kalagayan ng pampublikong sistemang pangkalusugan
at malawakang kahirapan, ang mga medical assistance at kaugnay na
programa nito ay ginawa upang lunasan ang sakit ng mga nangangailangan sa
panandaliang tulong na maari nito maibahagi, hindi nito layunin na sagutin ang
pangangailangan na magkaroon ng isang aksesibong pamamaraan ang mga
nangangailangan para sa pagkamit ng karapatan sa kalusugan bagkus ang
karapatang ito na siyang pinakamahalagang bahagi ng ng karapatang pantao
ay nagiging kasangkapan ng umiiral na ideolohiya sa lipunan na
mapanghawakan ang damdamin at isipan ng mga mamamayan lalo na sa
kalagayan ng mga mahihirap sa paraan ng patuloy na pag-asa nito sa tulong na
ibinabahagi at hindi sa pangmatagalang proseso ng paglunas sa sakit ng
lipunan.
Ang patuloy na paghahanap ng lunas sa matinding pagkakasakit ng
lipunan:
Ang medical assistance na nagmumula sa PCSO bilang bahagi ng kanilang
tungkulin at gampanin, ay isang uri ng serbisyong panlipunan na siyang
tumutugon sa kakulangan ng pamahalaan na bigyan ng kaukulang pagtingin
ang kalagayan ng mamamayan nito ngunit batay sa pag-aaral na isinagawa ng
mananaliksik lumalabas na ang proseso ng paghingi ng tulong medikal ay isang
anyo ng pagkukubli sa tunay na kalagayan ng bawat indibidwal sa lipunan na
magkaroon ng isang epektibo at aksesibong pamamaraan sa impormasyon sa
kalusugan sa kadahilanan na marami ang hindi nakakakuha nito at sa
pangmatagalang proseso ay nakakapagdulot ng suliranin sa panig ng mga
50
kliyente.
Epektibo sa pananaw ng mga kliyente ngunit hindi ito sapat upang maibsan ang
matinding kalagayan ng paghihirap at pagkakasakit ng nakakararami at sa huli
ay nagbibigay ito ng isang realidad sa kaisipan ng mga kliyente na masadlak sa
pagsunod sa pangkalahatang kaisipan na alinsunod sa layunin na itinatakda sa
kanila ng nagbibigay ng tulong. Ang pagpapaliwanag na ito ay sumasalamin sa
teorya ng ISA na mapatunayan na ang mga programa kaulad ng medical
assitance ay nagiging kasangkapan ng pamahalaan na pagtakpan at gawing
mabango ang kakulangan nito sa pagtugon sa mga suliranin na dinaranas ng
mga nangangailangan
Bilang pangwakas, napatunayan sa pag-aaral na ito kaakibat ng mga diskurso
at talakayan na isinagawa ng mananaliksik na tunay na hindi mapagpalaya ang
kasalukuyang pamahalaan na ginagamit bilang kasangkapan ang pagtulong sa
mga nangangailangan bilang bahagi ng kanilang malawakang paghawak sa
kaisipan at damdamin ng nakararami sa pagpapatuloy ng kanilang layunin na
manatili sa kapangyahiran at pansariling kapakanan.
51
Kabanata 01: Panimula
Marami ang nagkakasakit at hindi kayang magpagamot kahit nasa isang
pampublikong ospital, maraming Pilipino ang tumataya sa lotto upang magbakasakali
na sa isang pagkakataon ay makamit nila ang inaasam na pangarap na maging
milyonaryo, at marami din ang nangyayaring ibat-ibang uri ng mga kalamidad na lubos
na nakakaapekto sa pamumuhay ng bawat Pilipino. Kung ating susuriin ang bawat
pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran, iisipin ng isang ordinaryong tao na ito ay
bahagi lamang ng sistema ng pang-araw-araw na buhay at natural na ito ay nanyayari
sa kanyang lipunan. Sa kabilang banda, ang mga pagyayaring ito ay sumasalamin sa
uri ng tungkulin at gampanin ng isang pamahalaan na mabigyan ng isang maayos at
matiwasay na pamumuhay ang mga mamamayan nito at sa kabuuan ang kaayusan ng
lipunan.
Ang PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office bilang pangunahing ahensya
na naitatag noong taon ng 1934 ay pangunahing naglalayon na makalikom ng pondo
upang magsagawa ng mga serbisyong panlipunan gaya ng pagbibigay hanapbuhay sa
mga komunidad at mga operasyon gaya ng tulong medikal na siyang naging bahagi ng
pagkakatatag ng programa nito na IMAP (Individual Medical Assistance Program). Sa
paglipas ng panahon, ito ay naging daanan at takbuhan ng mga nangangailangan
upang ang mga serbisyong panlipunan na hindi natutugunan ng pamahalaan ay
mapunan at maibigay sa mga higit na nangangailangan, sa pamamaraan na dapat ito
ay aksesibo sa kakayahan ng mga humihingi ng tulong. Ngunit sa kabilang pagtingin,
gaano nga ba ito nakakatulong sa mga mahihirap o may sakit at paano nito binibigyan
ng sapat na tulong ang mga nangangailangan sa paraan na hindi ito mas lalong
nagdudulot ng kahirapan sa kanilang panig. Sa pagsagot sa mga katanungan na nais
mabatid, makikita natin ang ugnayan at epekto ng bawat programa ng PCSO para sa
mamamayang Pilipino at masuri ang kulturang kinagisnan sa pangkalahatang
52
pagtatalakay sa sistemang pangkalusugan ng bansa.
Mga Layunin:
1. Malaman kung naging epektibo ang mga pamamaraan ng PCSO sa
pagbibigay ng tulong medikal sa mga mahihirap at may sakit sa pagtugon sa
mga pangangailangan nito.
2. Masuri kung ang mga batas ng institusyon patungkol sa medikal at
serbisyong panlipunan ay angkop upang mabigyang ng sapat na tulong ang
mga nangangailangan.
3. Mabatid at bigyang kahulugan ang paggamit sa konsepto ng “effectiveness”
sa pananaw ng mga nangangailangan at kung paano nito iniuugnay ang isang
maayos na pagbibigay ng serbisyong panlipunan.
Pangunahing Katanungan: Ang PCSO bilang institusyon ng pagtulong sa
kapwa ay nagiging abot- kamay ba para sa mga nangangailangan at papaano
ito nabibigyang kahulugan batay sa kanilang pananaw ang konsepto ng
“effectiveness” sa programa ng IMAP mula sa PCSO?
Mga espesipikong katanungan:
1. Anu-ano ba ang mga ibinabahaging tulong o serbisyong panlipunan ang
saklaw ng PCSO?
2. Ano ang mga proseso ng paghingi ng tulong sa PCSO? at anu-ano ang mga
kailangan isumite upang makahingi ng tulong pang-medikal o iba pang uri ng
serbisyong palipunan?
3. Gaano karami ang nabibigyan ng tulong mula sa mga programa ng ahensya?
Kung hindi mabigyan ng tulong ang nangangailangan, ano ang alterenatibong
53
pamamaraan ng PCSO?
4. Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa sistemang pangkalusugaan ng
isang indibidwal at ano ang nagiging gampanin ng mga “medical assistance
program” ng PCSO?
5. Bakit marami ang nangangailangan ng tulong lalo na sa usaping medikal
mula sa PCSO?
6. Nagkakaroon ba ng pagkukulang ang PCSO sa mga humihingi ng tulong lalo
na sa aspetong medikal?
7. Sa pagtingin sa kalagayan ng PCSO, Paano mabibigyang kahulugan ang
konsepto ng “effectiveness” sa pananaw ng mga nangangailangan at gaano ito
kahalaga sa uri ng serbisyong panlipunan na hatid ng PCSO?
54
Kabanata 02: Rebyu ng Kaugnay na Literatura:
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Asya na maituturing na may dekalidad
at maayos na pagtuturo ng kaalaman pagdating sa usapin at isyu ng kalusugan.
Makikita din sa ating bansa ang ilan sa mga murang pagamutan at mga serbisyong may
kinalaman sa pangkalahatang kalusugan ng isang lipunan at indibidwal. (IBON Facts
and Figures, 2009). Sa kabila ng magandang uri ng sistemang pangkalusugan,
nananatili pa rin hirap ang karamihan lalo na sa mga tinaguriang “marginalized sector”
ang makakuha ng patas at sapat na impormasyon at tulong pagdating sa medikal na
aspeto. Sila ang mga grupo kung saan kinabibilangan ng mga mahihirap o yung may
mababang antas ng “family income and expenditure rate” na siyang nagiging batayan
upang makakuha ng sapat na serbisyo ang isang pamilya o indibidwal.
Sa konteksto ng Pilipinas sa mga nagdaang henerasyon, masasabi na isa sa
mga isyu na kinahaharap ng ating bansa ay kung bakit nananatili pa rin hirap ang mga
mamamayang Pilipino sa pagkamit ng isang patas at sapat na impormasyon pagdating
sa usapin ng sistemang pangkalusugan. Mula dito ay mas lalong bumababa ang tantos
ng kalidad ng serbisyong pangkalusugan kahit na nanantili tayo na isa sa mga bansa na
may pinakamalaking naiiaambag sa populasyon ng mga manggagamot at narsing sa
ibang bansa. Sa pagtatalakay at pagpapatuloy ng mga layunin, nais malaman ng
mananaliksik kung ano ang nagiging gawain at tungkulin ng PCSO bilang pangunahing
ahensya at takbuhan ng mga mahihirap at may sakit sa usapin ng paghingi ng tulong
medikal at mabatid kung ang mga pamamaraan na ito ay epektibo sa pagsugpo ng
kahirapan lalo na sa aspeto ng kalusugan ng lipunan at mga nangangailangan.
55
Isang pagsulyap sa pag-unlad ng sistemang pangkalusugan ng bansang Cuba:
Gaano nga ba kaunlad ang sistemang pangkalusugan sa ibang bansa?
Maituturing na isa sa mga halimbawa dito ay ang bansang Cuba kung saan makikita
natin sa ating kasaysayan na parehas naging bahagi ng kapangyarihan ng mga
Espanyol sa panahon ng pananakop ang nasabing bansa at ang Pilipinas, ngunit sa
panahon ngayon ang bansang Cuba ay mayroon isang aksesibo o abot-kamay na
pagamutan para sa lahat ng mamamayan nito. Kung atin susuriin ang mga pangyayari
noong taong 1961, ang pagkakatatag ng “Cuban Constitution”, kung saan isa sa mga
bahagi ng pagkilala nito na “Ang kalusugan ay isang karapatang pantao at hindi isang
produkto upang gawing pagkakakitaan para sa ekonomiyang aspeto.” (IBON Facts and
Figures, 2009) Kaya naman ang lahat ng mamamayan nito ay nakakamit ang isang
patas at sapat na impormasyon pagdating sa kalusugan at mga pangangailangan
medikal sa paraan na ang lahat ng ito ay libre nilang nakukuha. Sinasabing ang
sistemang pangkalusugan ay responsibilidad ng Estado at ito ay nakaangkla sa
dalawang aspeto. Una, ang mga bagay gaya ng “preventive at curative services” gaya
ng isang aksesibong pagamutan sa isang komunidad ay bahagi upang malinang ang
isang maunlad na lipunan at ekonomiya kung saan ay pinapalawig nito ang
kahalagahan ng Nasyonalismo at pangalawa, ang mga miyembro o populasyon ng
isang bansa ay kabilang sa proseso ng pag-unlad na siyang tumutukoy upang
maisagawa ang isang maayos na sistemang pangkalusugan na nangangalaga para sa
lahat.
Nagdaan din ang bansang Cuba sa mga sunud-sunod na krisis pang-ekonomiya
ngunit hindi ito naging hadlang upang makagawa sila ng panibagong simula upang
maisaayos ang buhay ng bawat tao sa pamamagitan ng mga implementasyo at
reporma sa programang pangkalusugan, kung saan ang pagbaba ng mga datos sa mga
nakakahawang sakit ay isang indikasyon ng epektibong pamamaraan upang malunasan
56
ang matinding kahirapan at sakit ng lipunan. (IBON Databank, 2009)
Ang kontemporaryong kondisyon ng sistemang pangkalusugan sa ibang bansa sa
Asya:
Ang pagkakaroon ng pagpapahalaga sa kalusugan ay hindi lamang sa
pamamaraan ng mga maayos na pasilidad o maunlad na ekonomiya ng isang bansa
bagkus nalilinang ang kahalagahan nito kung ito ay nagiging epektibo at aksesibo
upang lunasan ang paghihirap na nararanasan ng mga may sakit at mga
nangangailangan sa madaling panahon.
Sa Burundi, kung saan mahigit sa 88% ng mga katao dito ay nabubuhay lamang
sa US$2 o mas mababa pa, dahilan ito upang ang mga mahihirap na pasyente ay
“makulong” sa loob ng ospital at lumaki pa lalo ang kanilang gastusin na kalimitan na
nangyayari sa mahihirap na pamilya. Samantala sa Malawi, sa bilang ng mahigit isang
daan na kababaihan na nagdadalang-tao, isa sa kada sampung pagsusuri sa kanilang
kalagayan ay maaring mamatay dala ng mga komplikasyon sa panganganak at
pagbubuntis dahil na rin sa mababang kalidad ng mga ospital at kakayahan na makamit
ang pagpapagamot, habang sa Pilipinas ang mga batang ipinapanganak sa mga
mahihirap na pamilya ay higit na sa sampung beses na delikado ang kondisyon kapag
nagkakasakit kaysa sa mga mayayaman ngunit hindi ito sapat na dahilan upang masabi
na lahat ay makakaiwas sa iba't-ibang uri ng sakit. May mga batayan na isinasaad na
hindi lamang sa aspetong pangkalusugan nasusukat ang “life expectancy” ng isang
bansa at ng mamamayan nito ngunit ito ay mahalaga upang makita ang mga salik na
maaring magpabuti o magpalala sa umiiral na kondisyon sa lipunan at tao. Mahalaga rin
na masuri ang kalagayan na ito upang mapagtibay ang kahalagahan ng mga
panlipunang batas na ipinapatupad sa kasalukuyan patungkol sa aspeto ng sistemang
pangkalusugan.
57
Maaari natin maihahalintulad ang sitwasyon ng Pilipinas sa bansang Cambodia,
kung saan ang kanilang sistemang pangkalusugan ay higit na nakakapanlumo o yaong
labis ang paghihirap na nararanasan ng mga tao dito dahilan upang ang mga
nakakahawang sakit gaya ng AIDS at Tuberculosis ay mabilis na kumalat. (IBON
Databank, 2009) Nananatiling mahirap ang bansang ito dahil sa mga indikasyon ng
kahirapan gaya ng matas na antas ng pagkakasakit at pagkamatay ng mga tao,
mahinang implementasyon ng mga batas pangkalusugan at pagtugon ng pamahalaan
sa kanilang mga pangangailangan. Ngunit ang paghahalintulad natin sa dalawang
bansa ay batay na rin sa karanasan sa mga nagdaang panahon.
Anu-ano nga ba ang mga salik na nakakaapekto sa ganitong uri ng kondisyon?
Maraming bagay o pangyayari sa mundo ang maaring makaapekto sa kalusugan ng
isang tao, gaya na rin ng nabanggit sa panimula, mahalagang batayan pa rin ang
kakayahan ng isang indibidwal na makamit ang kanyang mga pangangailangan sa pang
araw-araw. Nagtataglay siya ng sapat na hanapbuhay upang matustusan ang mga ito at
higit sa lahat nagagawa niya ang kanyang mga tungkulin sa lipunan at kanyang
pamilya.
Sa pagtanaw sa tungkulin ng pamahalaan, tinitignan natin ang kakayahan nito sa
usapin ng gastusin at alokasyon nito para sa mga serbisyong panlipunan na sapat at
may katangian na tugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan nito, bagkus
hindi ito dapat nagreresulta sa kakulangan at nagdudulot ng mas malaking problema sa
lipunan, mahalagang malaman kung ano nga ba ang higit na binibigyang importansya
ng pamahaaan sa mga serbisyong ito gaya ng edukasyon, agrikultura, industriya,
seguridad at higit sa lahat ang kalusugan.
Ngunit bakit nananatili pa rin ang ganitong uri ng kondisyon sa ating bansa?
Bilang paghahambing sa mga bansa sa Asya gaya ng Thailand, Singapore, Malaysia at
58
iba pa, ang Pilipinas ay nananatili pa rin sa estado ng kakulanganan at hindi patas na
hustisya para sa pagkamit ng mga karapatang pangkalusugan kaya naman nagiging
hadlang ito upang ang mga mamamayan sa bansa ay maging produktibo at mahusay
sa kanilang gawain at sa halip ito ay nagdudulot pa ng mas matinding paghihirap sa
mga maysakit dahil hindi tiyak ang kanilang gastusin sa ospital kahit na ito ay
pampubliko.
Karaniwan na ang ganitong sitwasyon sa mga pampublikong ospital lalo na sa
mga tinaguriang mga “government owned” kung saan nagkakaroon ng mga pagbabago
sa pagpapatupad ng mga batas nito patungkol sa pagtanggap at pagpapagamot ng mga
may sakit lalo na sa kalagayan ng mga mahihirap kaya bilang resulta, ito ay nagdudulot
ng matinding pangangailangan na makakuha ng mga “medical assistance” sa ibat-ibang
ahensya ng pamahalaan.
Ayon sa pagsasaliksik at datos na nalikom mula sa WHO (World Health
Organization, 2008) sa pangkalahatang paggastos ng pamahalaan para sa kalusugan
noong taong 2002-2006, ang Pilipinas ay mayroon lamang na 32.9% na paggastos
mula sa 40% noong taon ng 2002, higit na malaki ang ibinababang porsyento kumpara
sa mga bansa gaya ng Thailand na may 64.5% mula sa 63.9%, Singapore na may
33.1% mula sa 32.3% at Malaysia na may 44.6% mula sa 44.8%. ito ay isang malinaw
na pagtingin na kahit bumababa man ang porsyento nananatili pa rin mataas ang antas
nito hindi katulad sa ating bansa na halos 8% ang kakulangan para sa gastusing
medikal at sa kasalukuyan, ang pambansang budget lamang ng ating pamahalaan sa
kalusugan sa taong 2011 ay humigit kumulang sa 31.829 bilyon sa kabuuang halaga ng
taunang budyet na 1.645 trilyon. Higit na maliit ang porsyento na inilalaan ng
pamahalaan sa kalusugan sa dahilan na higit na kailangan pag-igtingin ang
pagpapaunlad sa mga infrastraktura at daanan para sa maayos na serbisyo ngunit ayon
na rin sa datos mula sa WHO (World Health Organization), nararapat na ang 4% ng
59
kabuuang GDP o ang kabuuang antas ng produksyon pang-ekonomiya ng isang bansa
ay inlalaan para sa kalusugan at ito rin ang batayan upang masabi na maayos at
aksesibo ang mga programa sa ilalim ng sistemang pangkalusugan nito.
Sa kasalukuyang populasyon sa Pilipinas, hindi ito nagiging sapat upang
matugunan ang bawat pangangailangang medikal ng mga nangangailangan bagkus ay
lalo pa nito pinalala ang matagal ng sitwasyon sa kahirapan para sa wastong pagkamit
ng isang epektibo at aksesibo impormasyon para sa kalusugan. Kaya sa pamamagitan
ng mga pangkakawang-gawa mula sa PCSO at ang programa nito para sa “medical
assistance”, ito ay paunti-unting nababawasan ngunit sa pagdaloy ng pagsasaliksik
gaano nga ba ito nagiging epektibo upang lunasan ang problema ng mga mahihirap at
may sakit o ito ba ay nagiging bahagi lamang ng sistemang pulitikal at istratehiya upang
hawakan ang mga Pilipino sa pagkamulat sa matinding pagkukulang ng pamahalaan na
pangalagaan ang bawat mamamayan nito.
Bukod pa sa usapin ng paggastos ng pamahalaan tinitignan din bilang isang
salik para sa isang maayos na sistemang pagkalusugan ang alokasyon ng mga
manggagamot at malinis na pasilidad, ayon sa datos ng Department of Health (DoH,
2011), halos 92% mula sa urban areas at 80% sa rural areas ang may kakayahan na
makamit ang malinis na tubig samantala mayroon lamang na mahigit 1,794 na
pampublikong ospital ang bansa at sa bawat 10,000 Pilipinong nagkakasakit tanging
11.2% sa kabuuang bilang ng mga kama na mahigit 83,491 ang nagagamit at kung
minsan sa sahig na lamang nakahiga ang ilan sa mga hindi kayang magbayad. Maaari
din natin bigyan pagtingin ang usapin ng mga pangunahing sakit sa bansa at kung
gaano ito pinagkakagastusan ng isang ordinayong Pilipino.
Hindi kaibahan ang kahalagahan ng kalusugan sa iba pang mga bagay gaya ng
pagkain, bahay, damit na kailangan ng bawat tao upang mabuhay at magawa nila ang
60
kanilang mga responsibilidad bagkus ito ay isa sa mga pangangailangan na nahahati
dahil sa mga polisiyang ipinatutupad at sa tungkulin ng pamahalaan na maipaabot sa
mamamayan ang tapat at patas na karapatan sa maayos na pamumuhay. Sa kabuuang
pagtingin sa pampublikong sistemang pangkalusugan, mababatis natin ang mga
sumusunod na suliranin at katangian na dapat aglayin ng isang epektibong serbisyong
panlipunan:
1. Dahil sa kasalukuyang suliranin ng kakulangan sa badyet para tustusan
ang mga pangangailangan ng mga nagkakasakit at iba pang mga gamit o
pasilidad, hindi nito natutugunan ng maayos ang mga pangngailangang medikal
bagkus ito ay nagdudulot ng panibagong suliranin sa kanilang kalagayan. Ang
isang aksesibong pamamaraan at kakayahan na maipaabot ito sa mga
nangangailangan ang dapat na taglayin na katangian ng isang programa.
2. Ang maayos na implementasyon ng mga batas at polisiya patungkol sa
pagunlad ng kalusugan sa bansa ay isa sa mga mahahalagang indikasyon
upang maging epektibo ang mga programa nito ngunit sa kabilang pagtingin
nagkakaroon ng patlang sa pagitan kung ano nga ba ang tungkulin ng
pamahalaan na bigyan ng isang maayos na pamumuhay at kalagayan ang mga
mamamayan nito at ang gampanin nito na maalis ang kasalukuyang kalagayan
ng kahirapan.
3. Marami ang tumatangkilik ng mga serbisyong panlipunan gaya ng
programa ng medical assistance dahil sa ito ang madaling pamamaraan na
maaring maabot ng isang nangangailangan batay sa kanyang kakayahan
ngunit karamihan sa mga ito ay pawang mahihirap at hindi kayang ustusan ang
patuloy na pagtaas ng halaga para sa proseso ng pagpapagamot.
61
Sa kasalukyan, sinasabing isa sa mga pangunahing suliranin na kinahaharap ng mga
ganitong uri ng serbisyong panlipunan ay ang pamamaraan nito na maihatid sa
kakayahan ng mga nangangailangan sa tamang oras o panahon na kanilang
kakailanganin ang isang aksesibong proseso ng pagpapagamot na siyang tumutukoy sa
konsepto ng responsiveness at timeliness ng programa. Batay din sa mga isinagawang
pag-aaral, kalimitan na katangian ng isang programa ang pagkakaraoon nito ng
mabagal na proseso dahil sa mga sumusunod:
1. Kalulangan sa pondo at kawani ng ahensya upang matustusan ang
bawat pangangailangan ng mga humuhingi ng tulong at sa mabilisang proseso
ng ebalwasyon sa kalagayan ng mga nangangailangan.
2. Bilang ng mga humihingi ng tulong na siyang hindi tugma sa badyet ng
isang programa gaya ng medical assistance.
3. Ang layunin nito sa pangmatagalang pamamaraan na maibsan ang
kalagayan ng nangangailangan at hindi lamang sa pasamantalang tulong na
maaari nitong maibahagi.
Sa konteksto sa iba pang mga programa sa Pilipinas maihahalintulad din natin dito ang
programa ng DSWD (Dept. of Social Welfare and Development) ang kanilang taunang
programa ng CCT o Conditional Cash Transfer na ang pangunahing layunin na
mabawasan ang kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng pagbabahagi sa mga
mahihirap na pamilya ng kaunting halaga o mga bagay gaya ng pagkain mula sa
pamahalaan. Ngunit isa sa mga kondisyon nito na ang bawat pamilya na mapipili ng
ahensya na ito ay gagamitin sa pag-aaral at kalusugan ng pamilya, sa taong 2011 halos
86% mula sa pambansang budyet ng pamahalaan ang iginugol ng administrasyon
upang ilunsad ang programa ng 4P's o “Pantawid Pamilyang Pilipino Program” na
62
siyang pangunahing layunin upang hindi lamang mabawasan ang kahirapan sa bansa
ngunit mas lalo pa nito paigtingin ang pagbibigay serbisyo ng pamahalaan para sa mga
mamamayan. (Africa, 2011)
Sa pagtatala, ang implementasyon ng CCT ng kasalukuyang pamahalaan ay
binabatikos sa dahilan na ito ay hindi epektibo sa kampanya nito laban sa kahirapan
bagkus ay lalo nito ibinabaon sa maling pag-asa ang mga tao na magsumikap sa
kanilang sariling kakayahan at magamit ng wasto ang alokasyon sa iba pang mas
mahalagang serbisyong panlipunan. (Africa, 2011). Sa pagsusuri ng prosesong
pinagdadaanan ng CCT, ito ay hindi pangmalawakan na solusyon sa mga problema ng
kakulangan sa ibang serbisyong panlipunan gaya na lamang ng kalusugan bagkus ang
maling pamantayan sa pagpili sa mga tunay na nagangailangan ang hindi natutugunan
ng ahensya at sa huli ay mas lalo ito nagdudulot ng matinding kahirapan sa bansa.
Tinatayang aabot ang gastusin ng pamahalaan sa CCT ng mahigit kumulang Php 306
bilyon higit na malaki ang alokasyon na ito kumpara sa ibang sektor ng
pangangailangan ng mga Pilipino na hindi tuwirang binibigyang kahulugan ang tunay na
sanhi ng kahirapan. (IBON Databank, 2011)
Ang kalusugan ay produkto hindi lamang sa pagkakaroon ng isang aksesibo na
pamamaraan sa usapin ng “medical prevention and treatment” bagkus sa antas kung
saan ito ay nasusukat sa karanasan upang ang mga pangyayaring nagaganap sa ating
kapaligiran ay makapagdulot ng kabutihan sa bawat buhay ng mamamayan. Tinitignan
natin ito sa paraan na hindi lamang magkaroon ng isang maayos na pamumuhay kung
hindi ay natutugunan din natin ang iba pang panlipunang kondisyon gaya ng karapatan
sa edukasyon, isang malinis at maayos na kapaligiran at pagkakapantay-pantay sa
pakikibahagi sa usapin pulitika na siyang tutukoy sa pagpapalawig ng patas at tapat na
serbisyong panlipunan.
63
Kabanata 03: Analytic Framework:
“Everyone has the right to a standard of living adequate for the
health and well being of himself ad of his family, including food,
clothing, housing and medical care”- Universal Declaration of Human
Rights , Art. 25, 1948
Ang pahiwatig ng UDHR kung bakit nga ba mahalaga ang pagkamit ng patas at tapat na
serbisyo para sa kalusugan ay isa lamang bahagi upang magpatuloy ang buhay ng mga
tao sa lipunan. Sinasabing hindi lamang ito basta karapatang pantao na binibigyang
kahulugan at pagpapaliwanag bagkus ito ay karapatan na isinasagawa at nakakamit ng
bawat indibidwal. Ang karapatan sa kalusugan ayon sa konstitusyon ng bansa ay
responsibilidad ng Estado sa kanyang mamamayan upang maisagawa ang mga
tungkulin nito na maging kapakipakinabang at matapat para sa bansa katulad din ng
isinasaad ng Alma Ata for Health.
Ang Alma Ata for Healh ay isang kasunduan mula sa mahigit 134 na bansa noong 1978
kasama ng UDHR kung saan nilalaman nito ang pagpapahalaga sa kalusugan ay hindi
lamang isang karapatan para sa lahat at pagpapatupad ng mga programa sa ilalim nito
bagkus ito ay isang karapatan na nangangailangan ng pagpapaunlad ng sosyo-
ekonomikong kapaligiran para sa ikakabuti ng mga tao at ng lipunan. Ngunit sa kabilang
pagtingin, dahil na rin sa pagpasok ng ilang mga bansa sa isang “neo-liberal” na
kasunduan sa ilalim ng malawakang globalisasyon naging isang indikasyon ito upang
ang isang mapagpalayang polisiya na nangangalaga sa ng mga tinaguriang Third World
countries ay nakatali sa direktiba ng mga dayuhan, kung saan direkta nitong tinutukoy
ang karapatan sa kalusugan bilang isang “commodity” at ang pagtatakda sa presyo ay
nakasalalay sa mga polisiya ng mga pribadong kumpanya at sa bansa nito na higit na
64
nakikinabang sa mga pagbabago. At sa huli, ang resulta ng pagsasapribado ng mga
pasilidad at pagamutan ay isang hadlang sa pagkamit ng patas at tapat na hustisya
para sa kalusugan at sa pagiging epektibo nito sa paglunas ng sakit ng mga
mamamayan.
Ang usapin sa isyu ng “Privatization of Health” ay kinikilala ng mananaliksik na isa sa
mga malaking isyu na kinahaharap ng mga pampublikong sistemang pangkalusugan sa
bansa ngunit nais talakayin ng pagsasaliksik na ito ay ang kakayahan ng PCSO, bilang
pangunahing ahensya para sa pagbibigay ng isang epektibong tulong medikal na
gastusin sa mga higit na nangangailangan. Kung gaano nga ba ito nakakatulong sa
mga mahihirap at may-sakit at batay sa kanilang pananaw ay mabigyang kahulugan
ang konsepto ng “effectiveness”.
Upang maunawaan ang pagtatalakay sa tungkulin at gampanin ng PCSO bilang isang
institusyon na naglalayon na makapagbibigay ng tulong sa mga mahihirap sa
pamamagitan ng mga programa nito at mabatid ang kaalaman sa ang katanungan kung
ang PCSO ay lubos na nakakatulong sa mga nangangailangan, mahalagang malaman
natin ang konsepto ng “social policy” at kung ano ang ugnayan nito sa pagbubuo ng
mga batas patungkol sa sistemang pangkalusugan ng ating bansa at kung paano nito
binibigyang gampanin ang pangkaisipang kultural ng mga Pilipino sa pagkakawang-
gawa para sa kapwa tao at pagkamit ng sapat na impormasyon sa sistemang
pangkalusugan bilang bahagi ng isang “welfare state”. At karagdagang pagtatalakay ay
matuklasan ang kinagisnang pananaw ng mga nangangailangan patugkol sa konsepto
ng “effectiveness” at kung paano nila ito iniuugnay sa kanilang pansariling karanasan sa
pagbatid ng uri ng serbisyong panlipunan.
Ang konsepto ng “social policy” ay tumutukoy sa mga gawain, prinsipyo at mga batas
na nakakaapekto sa pamumuhay at kondisyon ng isang tao, ito ay bahagi ng isang
65
pampublikong batas kung saan ito ay maaring maiugnay sa mga isyung panlipunan
gaya ng edukasyon, kalusugan, pagkamit ng hustisiya, mga serbisyong panlipunan at
lakas paggawa ng tao para sa magiging kapakanan ng bawat indibidwal. (Titmus, 1951)
Kalimitan ang pagsasagawa ng “social policy” ay iniuugnay sa mga isyung panlipunan
upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat indibidwal sa pamamagitan ng
pagkamtan ng Estado sa tungkulin nito na maipaabot ang mga serbisyong panlipunan.
Ayon kay Prof. Ian Gough at Len Doyal, Theory of Human Needs (2000), tinitignan nila
bilang bahagi ng pagkakaroon ng “social policy” ang ugnayan ng Estado na magkaroon
ito ng kakayahan na matukoy ang pangangailangan ng mga tao hindi lamang sa
pangkalahatang interes kung hindi sa antas ng personal na pakikibahagi. Sinasabi nila
na ang sikolohiyang pangangailangan ng isang indibidwal ay isang representasyon ng
kahalagahan ng pagiging bahagi nila sa isang lipunan. Ang kanyang pagkamit sa mga
pangangailangan ay tumutukoy upang siya ang maging matagumpay sa kanyang
gampanin at kaibahan naman ito kung hindi ito naibibigay ng Estado.
Ang bawat tao ay may layunin na umiwas sa mga bagay na maaring magdulot sa kanya
ng kapahamakan na maaaring maging hadlang sa pagkamit ng isang maayos na
pamumuhay. At sa bawat pagkilos ng isang indibidwal bilang bahagi ng isang lipunan ay
nangangailangan ng abilidad na makisama sa mga gawain nito dahil sa paraan na ito
ay nakakamit niya ang pisikal na kalusugan at pansariling kalayaan na malaman ang
kanyang mga nais na makamit at makagawa at makibahagi sa paggawa ng
pangkalahatang desisyon para sa lipunan.
Ayon sa mga pag-aaral, ang pangangailangan ng isang indibidwal ay mahalaga upang
matamo niya ang kahulugan ng kanyang responsibilidad sa lipunan, bilang isang bahagi
ng “welfare state”. Sa pag-aaral ni Karl Marx, Paris Manuscripts (1844), sinasabi niya na
ang mga tao ay “nilikha ayon sa pangangailangan” kung saan, ang mga
66
pangangailangan na ito ay batay sa mga karanasan habang siya ay nasa proseso ng
pag-alam sa mga pangyayari at bagay sa kanyang paligid. Ang pag-unlad ng mga
kakayahan ng tao na malaman ang kanyang mga naisin ay nagtatakda upang ito ay
gumawa ng makabagong kaalamanan.
Sinasabing ang kahalagahan ng tao at sa kanyang paggawa bilang indibidwal ay
makikita kung ang mga sumusunod ay kanyang nakamit: (1) Ang paggawa ay isang
mahalagang gawain upang matugunan ang mga pangangailangan, (2) ang mga tao ay
may sariling kamalayan at pagtingin sa lipunan kanyang ginagalawan, At (3) sa
pangkalahatan, ang tao ay sinasabing may sariling kalayaan na makagawa ng desisyon
na makikita natin sa natural na karakter ng mga tao.
Gaya ng nabanggit sa panimula, dahil sa lumalalang kondisyon ng kahirapan sa bansa
ay lalong dumaranas ng matinding kahirapan ang mga mahihirap at maysakit na
maabot ang kakayahan na makapagpagamot dahilan din ito kaya naman umusbong
ang programa ng mga “medical assistance” upang mabawasan nito ang bilang ng mga
dumaraming nagkakasakit, nangangailangan at gastusing medikal. Ngunit sa kabilang
pagtingin sa usapin ng mga “medical assistance” gaano nga ba nito natutugunan ang
mga pangangailangan ng maysakit at sa anong bahagi ng pagiging epektibo nito
nabibigyan ng solusyon ang kakulangan sa mga suliranin sa kalusugan at kahirapan sa
bansa. Isang pagtataya sa usapin ito ang pangkalahatang sitwasyon ng unti-unting
pagsasapribado ng ilang mga pampublikong ospital dahilan upang magkaroon ng
limitasyon na makakilos ang mga mahihirap na maabot ang sapat na tulong medikal.
Ayon sa datos ng WHO noong taon 2004 halos mahigit 70% ng kabuuang populasyon
ng bansa ang hindi nagkakaroon ng isang aksesibong pamamaraan sa mga medikal na
usapin at talakayan bagkus ito ay nagmumula sa mga “disease prone area” gaya ng
mga rural at urban poor communities lalo na sa mga kababaihan at mga “indigenous
communities” na siyang hindi naabot ng mga tulong medikal mula sa pamahalaan at
67
may katangian ng mataas na tantos ng pagkakasakit at pagkamatay.
Ang mga medical assistance at mga programa katulad ng mga CCT batay sa pag-aaral
ng mananaliksik ay isang anyo ng istratehiya upang alisin sa kaisipan ng mga
mamamayan na magsagawa ng mga pagkilos at gawing responsible ang pamahalaan
sa kabila ng mga pagkukulang nito. Hindi nito tuwiran binibigyang layon na maalis ang
kakulangan sa isang maayos na kalusugan para sa lahat at sa halip ay gumagamit ng
mga pamamaraan upang magkaroon ng isang panlipunang realidad na walang umiiral
na suliranin sa lipunan.
Ngunit ano nga ba ang dapat taglayin ng isang epektibong programa? Batay sa
pagsasaliksik na isinagawa, mababatis natin ang kahulugan at indikasyon ng
pagkakaroon nito ng mga sumusunod.
1. Ito ay nasususkat sa epekto na maaring maibahagi nito sa kalagayan
ng mga nangnagailangan sa paraan na ito ay nagdudulot ng kabutihan at hindi
ng panibagong suliranin.
2. Maari din masukat ito sa bilang ng mga natutugunan ng programa dahil
mula dito ay makikita ang antas ng pagbaba o pagtaas ng mga humihingi ng
tulong medikal
3. At huli, ang pagbibigay ng sapat na tulong gastusin medikal na isyang
tutugon sa kakayahan nito na maging epektibo.
Samakatuwid, sa mga talakayan hinggil sa pagkakaroon ng patas at tapat na
serbisyong panlipunan, isa sa mga isyung kinahaharap nito ang mga diskurso ng
bioethics, (Rothstein,1998) kung saan mahalagang matanong ang konsepto ng isang
aksesibong pamamaraan o kakayahan na maabot ang sapat at tamang impormasyon
ng kalusgan para sa lahat lalo na sa mga pamilyang may mababang antas ng
68
hanapbuhay o ang tinatawag na “Family Income and Expenditures”, kung saan kaakibat
nito ang pagtamo ng sapat at tamang kaalamanan sa kalusugan at iba pang
pangangailangang serbisyong panlipunan. Sinasabi din sa diskurso na mahalagang
matukoy ang mga salik gaya ng pagkakaroon ng hanapbuhay, maayos na
komunikasyon sa pagitan ng mga miyembro nito upang malaman ang responsibilidad
ng Estado sa mga mamamayan nito, kung mainam ba na ipasa sa bawat pamilyang
Pilipino ang kakayahan na magkaroon ng kaukulang pagkamit sa kaulusugan. (Riley,
2008). Isa sa mga salik na tinitignan upang matukoy ang pagiging matagumpay ng
isang epektibong pamamaraan ay ang pagtingin sa kabuuang kondisyon at
pamamaraan ng sistemang pangkalusugan. Maaring pumasok dito ang mga istatistika o
datos patungkol sa dami at lawak ng mga nakakakuha ng mga serbisyong panlipunan
maging sa antas ng isang komunidad at mga indibidwal na tauhan. Sa kasong ito, batay
sa mga isinagawang hakbang ng mananaliksik, lumalabas na ang kakayahan ng PCSO
na makapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan ay isang tungkulin na dapat
gampanan ng ayon sa ikakabuti nito. Sa pagdaloy ng talakayan ay nais ituon ng
mananaliksik ang pag-aaral kung ang mga medical assistance na ibinibigay ay PCSO
ay instrumento para sa isang epektibong pamamaraan upang alisin ang matinding
kahirapan na nararanasan ng may sakit o ng mga nangangailangan at hindi ito nagiging
kasangkapan ng pamahalaan upang ikubli ang kakulangan at panghawakan ang
nakararami sa pamamagitan ng pagtulong lamang.
Paglalapat ng diskurso at teorya sa proseso ng paghingi ng tulong medikal mula sa
PCSO:
Ayonsa diskuro at pag-aanalisa ni Louis Althusser at sa kanyang Ideological State
Apparatus (1970), ay tinitignan ang ganitong uri ng mga serbisyong panlipunang
kalagayan bilang isang pagkakataon ng pamahalaan na bigyan ng mas makabuluhang
dahilan ang kanilang tungkulin at responsibilidad sa mamamayan sa pamamaraan ng
69
pagkalinga sa bawat pangangailangan nito sa pamamagitan ng mga ibinabahaging
tulong gaya ng medical assistance. Ito ay nakaangkla sa konsepto na ang kaalaman ay
hindi matutuklasan sa paraan ng isang indibidwal na antas bagkus ito ay kanyang
ginagawa o kakayahan kaakibat ang kapaligiran na kanyang ginagawalan kung saan
ang nagiging epekto nito sa kanyang pagtingin sa kasalukuyang kalagayan ay batay sa
umiiral na pwersang pangkaisipan mula sa dominateng pangkat ng lipunan.
Sa konteksto ng medical assistance ng PCSO, dahil sa matinding kahirapan na
dinaranas ng mga mahihirap, sila ay walang kakayahan na magkaroon ng sapat na
lakas upang isulong ang kanilang karapatan sa wastong karapatan para sa kalusugan
dahil sa kondisyon na ito sila ay lumalapit sa mga ahensya na nagbibigay tulong upang
magkaroon ng paglilinaw at pagtitibay na ang pamahalaan ay nagkakalinga at
responsable sa kanilang kalagayan.
At dahil nahuhubog ang mga nangangailangan sa ganitong uri ng sistemang
pangkaisipan kaugnay ang kanilang mga sariling desisyon at pananaw sa buhay na
sinasabing bahagi ng pang-araw-araw na gawain o “social practices” nagkakaroon ng
isang uri ng pamamaraan kung saan ay nakukulong sa isang tradisyunal na pananaw
ang mga indibidwal kaakibat ng kasalukuyang kalagayan ng kahirapan at pagkakasakit
na manatiling walang kakayahan at nagreresulta sa isang positibong pagtingin sa anyo
ng pagkakaroon ng utang na loob (indebtedness) sa tulong na ibinabagahi ng ahensya
sa halip na magsagawa ito ng pagbabago sa kasalukuyang suliranin ng sistemang
pangkalusugan sa bansa.
Sa pagtatalakay ng pagkamit ng isang epektibong pamamaraan para sa isang maayos
na sistemang pangkalusugan, mahalagang malaman na ang pagbibigay ng tulong sa
mga tao ay hindi lamang sa pamamagitan ng dami ng mga manggagamot at pasilidad
bagkus ang kakayahan ng sistema na mailapit ang bawat indibidwal sa isang maayos
70
na pamumuhay upang magampanan nito ang tungkulin bilang isang produktibong
miyembro ng lipunan at makibahagi sa mga gawaing pulitikal, ekonomika at sosyal na
pagtingin kahit sa anong aspeto ng buhay, layunin din nito na matukoy ng kakayahan na
makapagdesisyon sa kabutihan ng lahat.
Sa tungkulin ng PCSO na mabigyan ng tulong medikal ang lahat ng mga
nangangailangan, makikita natin na bahagi ito ng pamamahala ng Opisina ng Pangulo.
Ayon na rin sa direktiba ng PCSO Charter na ipinapatupad, ang gawain ng ahensya
bilang bahagi ng pamahalaan ay masiguro na maisasagawa nito ang mga serbisyong
panlipunan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan. Ang tungkulin ng
pamahalaan sa katauhan ng PCSO ay sinasabing higit na epektibo sapagkat
natutugunan nito ang mga tunay na mga nangangailangan ngunit dahil na rin sa
pagbabago ng sistemang pulitikal ng bansa, ang nasabing ahensya ay humaharap sa
mga suliranin kung saan ito ay hindi nagiging patas sa pagbibigay ng tulong sa
kadahilanan na walang buong kapangyarihan ang bawat sangay nito gaya ng FAD na
makatulong sa pangmatagalang proseso lalo na sa usapin ng pagbibigay ng tulong
medikal. Marami sa ating mga kababayan ang tumatakbo at nagbabakasakali na
makakuha ng mabilisang tulong ngunit sa kasalukuyan at batay sa mga nakalap na
datos ng mananaliksik, ang mga pampublikong ospital na bahagi ng programa ng
PCSO ay sumasailalim sa proseso ng “privatization” upang bigyang daan nito ang
kakulangan sa mga pasilidad at badyet na siyang gagamitin sa pagpapatakbo ng mga
programa nito kaya naman higit na nagiging mahirap para sa mga nangangailangan na
matustusan ang kanilang mga gastusin sa ospital.
Ayon sa datos mula sa Health Alliance for Democracy (HEAD), kung tunay na kinikilala
ng pamahalaan na ang kalusugan ay bilang isang karapatan, hindi nito hahayaan na ito
ay maging isang “commodity” o produkto na siyang pagkakakitaan ng mga dominateng
pangkat sa lipunan at maging pribado at ekslusibo lamang sa mga mayayaman na may
71
kakayahan na makakuha nito. Ang bahagi ng isang maayos na pampublikong
sistemang pangkalusugan ay binubuo hindi lamang ng maasyos na istruktura ng
pinansyal na gastusin bagkus ang kakayahan ng programa nito na maging matatag sa
kabila ng mga sakuna at matinding pangangailangan. Isa din sa mga isyu na ito ay ang
aplikasyon ng Philhealth upang sa pamamaraan na ito ay hindi mahirapan ang PCSO
sa pagbibigay ng tulong medikal ngunit ayon na rin sa Coalition for Health Budget
Increase (CHBI), ito ay bahagi lamang upang mas lalong mapabilis ang pagsasapribado
ng mga pampublikong ospital na sakop ng PCSO, sinasabing ito ay para sa mga higit
na nangangailangan ngunit tanging layunin nito na makalikom ng mataas na posyento
sa mga gastusing medikal mapa-pribado o pampublikong ospital sa Pilipinas.
Sa paglalapat nito sa proseso ng paghingi ng tulong medikal sa PCSO, makikita natin
na bukod sa matagalan na proseso ng “guarantee letter”, isa din sa mga salik na
tinitignan ay ang pinagkukuhanan ng pondo upang tugunan ang mga gastusin medikal
lalo na sa mga pampublikong ospital at sa programa ng IMAP, ayon sa PCSO Charter,
ang tanging pinagkukuhanan ng ahensya upang mabatid ang pagbibigay ng tulong ay
sa pamamagitan ng mga programa nito gaya ng mga STL (small town lottery) at mga
loterya kung saan ito ang sinasabing “power house” dahil sa dami ng mamamayan na
tumatangkilik at nahuhumaling sa pagsali sa mga laro nagkakaroon ng palitan sa
pagitan ng mga naglalaro na siya din mga higit na nangangailangan at sa pamamahala
ng PCSO. Mayroon din mga donasyon galing sa mga pribadong kumpanya ng sa gayon
ay mabawasan ang kanilang buwis na binabayaran. Ngunit sa pagtatala ng proseso,
higit na mahirap ang pinagdaraanang hakbang bago makuha ng isang kliyente ang
medical assistance nito dahil bukod sa sumusunod sa isang decentralized na anyo ng
pamamahala ang FAD, kalimitan ang mga kliyente ay gumagastos ng higit sa kanilang
kapasidad at sa huli ay hindi ito napupukaw ng halaga ng medical assitance na kanilang
nakukuha. Ang pangangalaga sa kalusugan ay mahalagang bahagi ng buhay ng bawat
indibidwal sapagkat ang epekto nito sa oportunidad ng isang indibidwal na magawa ang
72
kanyang mga tungkulin ay ang pagbibigay buhay sa lipunan kanyang ginagalawan. Ito
ay naglalayon na mapanatili ang isang maayos na gawain kung saan ang mga sakit at
kapansanan ng isang tao ang sinasaing lubos na humahadlang sa pagkamit ng pantay
na oportunidad nito upang maging produktibong miyembro ng lipunan. Ang kasabihan
na tanging mga mayayaman lamang ang may kakayahan sa patas at tapat na
kalusugan ang mabubuhay at ang mga mahihirap at yaong mga nagkukulang sa
pagkamit nito ang pangunahing naapektuhan at mataas ang posibiladad na hindi
makibahagi sa usapin ng sistema ng pangkalusugan. Sa kawalan ng isang masusing
pagtatalakay sa pagbibigay ng mga tamang alokasyon para sa kalusugan ito ay
nagreresulta sa isang di pagkakapantay-pantay na pag-unawa o ang “accoutability for
reasonableness” kung saan dahil sa kasalukuyang kalagayan ng mga nangangailangan
ay hindi nito tuwiran nabibigyan ng kaukulang pagtingin ang paghahanap ng solusyon
para sa mga suliranin nito. (Daniels and Sabin, 1997, 1998a)
Limang Punto sa Pagtingin ng Pagiging Epektibo ng Medical Assistance:
Mula sa talakayan at diskurso sa pag-aaral ng Critical Social Theory at Ideological State
Apparatus, nabatid ng mananaliksik ang limang punto upang maunawaan ang
pisolopiya ng medical assistance sa aplikasyon nito sa konsepto ng effectiveness batay
sa pananaw ng mga kliyente.
Una, dahil sa paglaganap ng ideolohiya mula sa dominateng pangkat ng lipunan na ang
mga nangangailangan ay walang sapat na kakayahan at umaasa sa mga tulong na
maaring maibigay sa kanya ng nagbibigay, nagdudulot ito ng “culture of learned
helplessness” o isang kultura kung saan ay nananatili sa kaisipan ng mga
nangangailangan na sila ay walang magagawa sa kasalukuyan nilang kondisyon at
nananatiling mahina ang pagtingin sa sarili kakayahan. Halimabawa, sa pagtaya sa
mga loterya, kung ating susuriin ang mekanismo nito makikita natin na sa mga
73
mamamayan lalo na yung mga tinaguriang nasa “chronic poverty” ang higit nagbibigay
sigla upang gumalaw ang operasyon ng paglalaro, karaniwan pa sa kanila ay yung mga
“chronic bettors” o yung mga tumataya kahit wala na silang panggastos sa sariling
pangangailangan o sa pamilya dahil sa paniniwala at pagbabakasakali na masusungkit
ang inaasam na kaginhawaan.
Sa apliksyon nito sa proseso ng medical assistance, makikita natin na ang mga higit
nangangailangan ay nasasadlak sa ganitong uri ng kaisipan kung saan ito ay
nagdudulot ng “moral weakness” o pagkalaho ng pansariling moralidad na maaring may
iba pa silang magagawa sa kanilang sitwasyon at sa halip isa sa mga epekto nito ay
tinatanggal nito ang kakayahan ng mamamayan na makibahagi sa proseso ng pagbuo
ng solusyon para sa mga usapin at isyung panlipunan. Hindi ito nababatid ng mga
kliyente o ng mamamayan na sila ay napanghahawakan ng ideolohiya sa proseso ng
paghingi ng tulong medikal sapagkat ang mekanismo ng medical assistance ay upang
panatilihin sa mga nangangailangan ang kalooban at kaisipan na kilalanin ang
pamahalaan sa pamamagitan ng pagbabalik nito ng utang na loob dahil sa
pamamaraan ng pagtulong nito.
Pangalawa, ito ay gumuguhit ng isang matalas na linya sa pagitan ng mga burukrasya
at sa mga mahihirap kung saan mas lalong nabibigyan diin ang pagtulong sa
pamamagitan ng pagkahabag nito sa sitwasyon at hindi sa anyo ng tapat na pagtulong.
Ang demarkasyon na ito ay lubhang mapanganib dahil ang pagtulong sa pamamaraan
ng pagkahabag ay hindi tuwiran pagtulong na maalis ang kasalukuyang suliranin sa
kinakaharap ng mga nangangailangan.
Pangatlo, dahil sa ang loteryang programa ng PCSO ang pangunahing pinagkukuhanan
ng pondo para sa pagbibigay ng tulong medikal, lumaganap ang kultura ng pagsusugal
kung saan ito ay nagagamit upang sa halip na alisin ang kaisipan ng kahirapan sa mga
74
mahihirap ay mas lalo nito binibigyan ng dahilan ang mga ito na umasa na lamang sa
kapalaran ng paglalaro at hindi sa pagkakaroon ng pagpapabuti sa sariling kakayahan.
Pang-apat, ang mga medical assistance ng PCSO upang makatulong sa mga
nangangailangan ay karakter ng isang random na pagtulong kung saan ito ay walang
katiyakan na maari pa ito masundan dahil na dami ng mamamayan na tumatangkilik
nito at sa mismong proseso ng paghingi mula sa PCSO
At huli, dahil sa paglaganap ng ideolohiya na ang mga mahihirap ay mananatiling
mahirap sa kanilang kondisyon ito ay nagdudulot ng “status crystalization” o kosepto
kung saan ay hindi nakakausad sa pag-ulad ang mga ito at dahil ang kanilang konsepto
ng pag-ahon sa kahirapan ay batay na rin sa antas ng kanilang karanasan at
kakayahan na maging mas produktibo sa lipunan.
Ang konsepto ng “effectiveness” batay sa pananaw ng mga humihingi ng tulong medikal
ay isang mahalagang pagtingin dahil hindi lamang nito tinutukoy ang kawalan ng
kaukulang pagpapahalaga sa karapatang pantao bagkus sa kawalan ng responsibilidad
ng pamahalaan na tugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan sa isang
epektibo pamamaraan. Sa kaso ng PCSO, kinikilala ng mananaliksik na nakakatulong
ang programa ng pagbibigay ng medical assistance ngunit nagkakaroon ng mga
limitasyon at kakulanagan upang hindi mabatid ang tunay na pangangailangan ng mga
humihingi ng tulong sa paaran na ito ay hindi nakakapagbigay ng wasto at tamang
pagtulong sa gastusing medikal ng may sakit at ng mga higit na nangangailangan.
75
Kabanata 04: Metodolohiya
Sa pagsasagawa ng layunin na mabatid ang tungkulin at gawain ng PCSO sa
pagbibigay tulong medikal sa mga nangangailangan kinikilala ng mananaliksik ang
paggamit sa “Ideological State Apparatus (ISA) ni Louis Althusser” bilang sapat na
instrumento upang matugunan ang pangangailangan ng pag-aaral na ito at mga
kaugnay na literatura at diskurso sa talakayan ng pagsusuri sa isang epektibong
serbisyong panlipunan: masuri ang kwantitibong mga datos ukol sa paksa at mabatid
ang tunay na kalagayan at pananaw ukol sa konsepto ng “effectiveness” ng mga
humihingi ng medikal na tulong mula sa PCSO.
Isinagawa ng mananaliksik ang pangangalap ng mga datos sa pamamagitan ng pag-
alam sa kasalukuyang suliranin na kinakaharap ng “medical assistance program” ng
PCSO, nabatid sa mga primaryang datos na may kailangan tugunan na solusyon at
pagtanaw sa kalagayan ng mga nangangailangan sa punto na ito ay hindi nababatid sa
mga nakaraang pag-aaral.
Bilang paunang hakbang, matapos maisagawa ng mananaliksik ang mga layunin at
matukoy ang mga ispesipikong kliyente na bubuo sa pag-aaral, nagpadala ng mga
liham at katanungan ang mananaliksik sa Opisina ng Fund Allocation Department (FAD)
ng PCSO na sa kasalukuyan ay nasa Lung Center Ave. kalakip ng liham ang paghingi
ng pahintulot na magsagawa ng mga sumusunod:
1. Magsagawa ng maikling panayam sa Officer in Charge ng Fund
Allocation Department (FAD) na si Dr. Larry Cedro.
2. Makapanayam ang mga Social Worker at mga Kawani na kabilang at
nagsasagawa ng ebalwasyon sa programa ng medical assistance ng PCSO
3. Magsagawa ng isang sarbey sa mga kliyente ng IMAP (Individual
76
Medical Assistance Program) na siyang magiging Key Informant Interview ng
pag-aaral.
Matapos ang isang linggo ay nagbigay ng pahintulot ang Opisina ng PCSO upang
maisagawa ang mga kahilingan. Una, ay sinimulan ng mananaliksik ang pagtukoy sa
lugar kung saan isinasagawa ang proseso ng pagbibigay tulong medikal, napag-
alamanan ng mananaliksik na kumpara sa nakalipas na taon mula sa Kalayaan Ave. ay
hindi maitatangi na malaki ang pinagbago ng pamamahala ng FAD sa pagbibigay tulong
nito sa mga nangangailangan kung saan ang kanilang nakaraang lugar ay pinulaan ng
nakararami dahil sa hindi maayos na pamamalakad. Ito ay pansamantalang nasa dating
gusali ng OPD ng Lung Center na sa kakayahan ng lugar ay sapat at maayos sa
paningin ng mga mamamayan.
Pangalawa, ang pagtukoy sa mga aspeto o indikasyon ng pagpili sa mga kliyente ng
IMAP. Batay sa obserbasyon na isinagawa ng mananaliksik sa lugar, nabatid nito na
may magkakatulad sa kondisyon na kinahaharap ng mga kliyente at mula dito ay
nahinuha nito ang mga sumusunod na pamantayan:
1. Mga “renewal” na humihingi ng tulong medikal, dito ay masasabi kung
gaano kadalas humihingi ang isang kliyente at kung anong pagbabago ang
nangyayari sa mga susunod nitong paghingi ng tulong
2. Kinikilala ng mananaliksik ang kakayahan at nagtataglay ng sapat na
kaalamanan ang isang kliyente na bigyang pagpapahalaga ang gastusin nito
para sa kalusugan, dito ay maaring pumasok ang “socio-economic status” ng
isang kliyente kung saan tinutukoy nito ang lawak ng gastusing pinansyal at
hanapbuhay nito sa pang araw-araw.
3. Dahil sa may limitasyon ang pagsasaliksik sa pag-aaral ng pagbibigay
ng tulong medikal ay tanging ang sumusunod na tulong mula sa PCSO ay
77
saklaw ng panuntunan ng mananaliksik gaya ng “medical treatment” (Dialysis,
Chemotherapy at mga Operasyon) at pagbibigay ng mga gamot.
4. At ang huli, mahalagang matukoy kung sino ang humihingi ng tulong
medikal ay yaong ang nangangailangan o kamag-anak nito, sapagkat mula dito
ay mababatis ang pagkakaiba na pinagdaraanan sa proseso ng may sakit at sa
wala.
Sinimulan ng mananaliksik ang kanyang panayam at pagsasagawa ng sarbey sa mga
kliyente ng IMAP bago ito tumungo sa Opisina ng FAD dahil kinikilala ng mananaliksik
na mahalagang magkaroon muna ito ng pakikisama sa lugar at mabatid kung paano
dumadaloy ang proseso ng IMAP. Sa pamamagitan ng isang “pre-test” o ang mga
katanungan patungkol sa “demographic information” ng kliyente at ito ay binubuo ng
(14) labingapat na katanungan kasama ang pag-alam sa proseso ng IMAP ay lumabas
sa sarbey na may bilang (3) tatlo na hindi nahirapan sa pagsagot ang mga kliyente
ngunit napagtanto ng mananaliksik na ang konsepto ng “effectiveness” ay hindi
masusukat sa pamamagitan ng isang deskripsyon na katanungan bagkus ay sa
pamamagitan ng paggamit ng isang “rate scale” kung saan ito ay may bilang na isa (1)
hanggang lima (5) na siyang tutukoy sa antas ng pananaw ng kliyente sa pamamagitan
ng pagbibigay deskripsyon kung ang IMAP ay naging epektibo sa kanyang karanasan.
Bilang karagdagan sa pagbabago ng talaaan ng mga katanungan, ay nagdagdag ang
mananaliksik ng katanugan patungkol sa pagiging angkop at sapat ng pagbibigay ng
tulong medikal. Matapos maisagawa ang mga pagbabago, nagkaroon ng bagong
interpretasyon ang mga kliyente sa pagsagot sa mga katanungan na siyang naging
mainam at tama sa pag-alam sa pananaw ng kliyente sa IMAP patungkol sa konsepto
ng isang epektibong medical assistance program. Sa pagpapatuloy, bilang ang IMAP ay
dinaragsa hindi lamang ng mga malalapit sa lugar at mapapansin din na karamihan sa
mga humihingi ng tulong medikal ay nagmumula sa mga malalayong lugar dahil sa
suliranin na kinakaharap ng mga PDO's o Provincial District Offices ng FAD sa mga
78
probinsya ay pinili ng mananaliksik na isagawa ang sarbey sa paraan ng isang
“random/accidental sampling” sa mahigit (35) tatllumpo't limang kliyente na nakabatay
din sa panuntunan ng mamanaliksik dahil sa lawak ng populasyon ng mga humihingi ng
tulong medikal ay hindi magagawa ng mananaliksik na masaklaw ang kabuuang bilang
ng mahigit sa (300) tatlumpo't daan na kliyente araw-araw dahil na rin sa limitasyon ng
pag-aaral. Dahil sa bukas ang lugar sa maraming tao at nakikita ng ibang kliyente ang
pagsasagwa ng sarbey at panayam ay gumamit ang mananaliksik ng “damage control”
o proseso kung saan hindi nito maapektuhan ang resulta ng sarbey at panayam sa
pamamagitan ng pagbibigay seguridad at tamang impormasyon (FPIC) sa ibabahagi ng
kliyente sa pag-aaral.
Sa pamamagitan ng obserbasyon sa lugar at mga kliyente batay sa pag-unawa ng
mananaliksik lubhang napakahirap ng kalagayan na makipagsapalaran sa maraming
kliyente na humihingi ng tulong medikal kahit ang mga may sakit ay nakikisama sa
pagpila upang magbakasakali na paunahin sila sa pagpasok sa loob at makapanayam
agad ng mga social worker. Napansin din ng mananaliksik na kapag ang isang
kahilingan ng tulong medikal ay uaabot sa ahit Php1 Milyong paggastos, ang kliyente ay
pinapupunta sa Main Office ng PCSO sa PICC para doon ipasa ang mga dokumento na
siyang lubhang abala sa kalagayan ng may sakit at nangangailangan.
Matapos ang mahigit isang linggo na pakikisama sa mga kliyente ng IMAP hindi rin
maiiwasan sa karanasan ng mananaliksik na lubhang malaki ang pangangailangan ng
ilang mga kliyente sapagkat may ilan na nagpapabayad sa pagsagot sa sarbey at
panayam at may ilan naman na tila natatakot na baka maakpetuhan ang kanilang
paghingi ng tulong medikal.
Makakatulong din sa pagsasagawa ng ideolohiya at lente ng pag-aanalisa ang
pagsasagawa ng isang development at action research na siyang magbibigay daan sa
79
mg opportunidad ng pagsasaliksik ng paksa. Ang kwalitibo at kwantitibong pagsasaliksik
ay mabisang pamamaraan upang makita ng mananaliksik ang ibat-ibang pagtingin sa
paksa at magbiyang paglilinaw ang mga istatisikong datos na nakalap sa pamamagitan
ng sarbey at primaryang datos. Sa palagiang pagpunta ng mananaliksik sa lugar ay
makapamili ito ng isang case study na kanyang pagtutuunan ng panahon dahil kinikilala
ng mananaliksik na bukod sa paggamit ng sarbey at panayam bilang pamamaraan ng
pangangalap ng datos, ang pagkakaroon ng isang case study ay magbibigay lalim sa
uri ng kondisyon na pinagdaraanan ng mga humihingi ng medikal na tulong mula sa
PCSO. Kaakibat ng pagsasagawa ng panayam sa pagpili ng case study ay isinagawa
ng mananalisksik ang time and motion study kung saan ay tinatalakay nito ang mga
pagbabago sa proseso ng paghingi ng tulong medikal at mabatid ang primaryang
sulirain ng mga nangangailangan ng IMAP.
Sa pagsisismula ng pagsasaliksik sa pagangalap ng mga datos at impormasyon,
mahalagang mabatid ng isang mananaliksik ang kahalagahan ng kanyang “primary at
secondary sources” sa paaran na mababatid ng mananaliksik ang mga mahahalagang
impormasyon, istatistikong datos at pangyayari na kanyang kakailanganin sa buong
pagdaloy ng pag-aaral. Ang mga secondary sources ng paksa ay manggagaling sa mga
literatura, mga published articles at journals at mga datos at istatistika mula sa DoH,
DBM (Dept. of Budget Managemet) at sa Fund Allocation Department (FAD) ng PCSO
na may kinalaman sa pagsasaliksik habang ang primary sources ng paksa ay
manggagaling sa ahensya ng PCSO at sa mga nangangailangan ng tulong dahil
naniniwala ang mananaliksik na ito ang mabisang paraan sa pagsisimula ng isang
maayos na pagdulog sa paksa.
Pinili ng mananaliksik ang programang IMAP ng PCSO sapagkat isa sa mga isyu na
kinahaharap ng lipunan o maging ang mga ordinaryong mamamayan ay ang kawalan
ng tamang impormasyon at pagpapahalaga sa usapin ng sistemang pangkalusugan.
80
Napakalaki ng epekto nito hindi lamang sa indibidwal na katayuan kung hindi sa
kabuuan ng bansa na maging maunlad. Dahil sa umiiral na pamamahala sa mga
medical assistance napagtanto ng mananaliksik na malaki ang pagitan ng kaalamanan
ng mga kliyente ng IMAP sa tunay na nangyayari sa kanilang kapaligiran at maging sa
kanilang karapatan na magkaroon ng isang aksesibo at epektibong pamamaraan na
makamit ang tama at sapat na impormasyon sa usapin ng kalusugan. Sa pagsagot
kung paano mababatid ang sukat at antas ng konsepto ng “effectiveness” sa pananaw
ng mga nangangailangan ay pinili mula sa Analytic Framework ng pag-aaral ang
ikatlong kahulugan ng konsepto kung saan ang pagiging sapat at angkop ay iniuugnay
sa pagbibigay ng tulong medikal at paano nito natutustusan ang pagpapagamot na
pinagdaraanan ng mga may sakit at nangangailangan.
Ang programa ng medical assistance ng PCSO ay isa lamang sa mga serbisyong
panlipunan na kanilang ibinabahagi sa mamamayan ngunit ito rin ay isa sa mga
pinakamahalagang katangian ng isang serbisyong panlipunan na maibahagi ito sa
kapakanan ng nakararami. Masusuri ng pagsasaliksik na ito kung naging epektibo sa
pananaw ng mga kliyente ang medical assistance mula sa ahensya sa mga nagdaan
panahon at matukoy ang mga kalakasan at kahinaan ng programa.
At panghuli sa mga isinagawang hakbangin ng mananaliksik ay sa pagsasagawa ng
isang “data analysis” o ang pag-aanalisa sa mga nakalap na datos upang mabatid ang
konsepto ng “effectiveness” o epektibong pamamaraan ng medical assistance ng PCSO
at mailapat at mapagtibay ito sa tamang diskuro, antas at lente ng pag-aanalisa sa
paksa. Nakita ng mananaliksik na mahalagang mabatid niya ang mga istatiskong mga
datos upang magsagawa ng unang interpretasyon sa kapaligiran ng paksa kaugnay rito
ang pagdulog ng mananaliksik sa paksa na bigyan ito ng makabuluhang bahagi sa
pagpapaunlad ng kaugnay na literatura at Analytic Framework. Nabanggit sa mga
paunang talakayan ang limitasyon ng pag-aaral na isinagawa ng mananaliksik at
81
nakatuon lamang sa programa ng IMAP na makapagbigay tulong sa mga
nangangailangan at tanging mabatid sa pananaw ng mga kliyente ang karanasan sa
pagtukoy ng mga suliranin na kanilang kinaharap sa proseso at maging sa
pangkalahatan ang kalagayan ngkalusugan sa lipunan.
DATA SET RESOURCES METHOD
Primary Sources Case Study Selection from IMAP survey
Survey IMAP Clients
Key Informant Interview Officer in Charge of FAD
thru IMAP Clients, letter of request to the Main Office
Secondary Sources Articles, Journals, Reports about PCSO IMAP
Library visit and website
Statistical Records of IMAP Beneficiaries
FAD Accounting Office
Budget Allocation for PCSO IMAP and PH-Health System
DoH, DBM and PCSO website
82
Kabanata 05: Ethics Plan
Mahalagang katangian ng isang mabuting pagsasaliksik ang pagkakaroon nito ng isang
makatwirang pagpapaalam sa komunidad patungkol sa nilalaman at layunin ng
pagsasaliksik na isasagawa. Hindi lamang nakapaloob dito ang usapin ng moralidad
kung hindi nararapat din ang respeto at pagbibigay-galang sa kaugalian, katangian at
kaayusan ng isang indibidwal at ng kanyang komunidad. Ang pagkakaroon ng isang
“informed consent” o tamang paraan ng paghingi ng pahintulot ay mahalagang bahagi
ng pag-aaral sapagkat tinutukoy nito ang kalusugan ng isang komunidad na sasailalim
sa pag-aaral. Sa panahon ngayon, marami ang nagsasagawa ng mga pagsasaliksik na
hindi dumadaan sa tamang proseso o konsultasyon ng komunidad na nagreresulta sa
pang-aabuso ng karapatang pantao. (Castillo, 2001) Kaya bilang pagtugon sa
panawagan, ang pagsasaliksik na ito ay lubos na kinikilala ang mga karapatan at
opinyon ng mga bahagi sa pag-aaral ng may buong paggalang at pagkakaroon ng
“confidentiality” sa ano mang kaalaman na maaring mabatid ng mananaliksik.
Sa isinagawang mga hakbangin ng mananaliksik makikita na ang mga kliyente sa
paksa ng IMAP mula sa PCSO ay lubhang bukas sa ano man uri ng karahasan at pang-
aabuso sa kanilang karapatan, kaya bago sinimulan ng mananaliksik ang pagsasagawa
ng sarbey at panayam ay lubos nito ipinaalam sa mga kliyente ang nilalaman at layunin
ng pag-aaral kalakip ang seguridad na hindi ito mapapahamak sa pagbibigay ng
partisipasyon nito. May ilang pagkakataon na nakararamdam ng takot at pangamba ang
mga kliyente sa paksa na ito kaya bilang respeto sa kanilang desisyon ay hindi pinilit ng
mananaliksik ang ilan sa mga ayaw magpahiwatig na kanilang saloobin habang ag ilan
sa mga kliyente na may karamdaman na dinadala ay iniwasan din abalahin ng
mananaliksik sapgkat hindi ito mabuting pamamaraan upag makakuha lamang ng
magandang impormasyon bagkus ay tinatanong muna ng mananaliksik ang kanilang
pahintulot sa pagsasagawa ng sarbey at panayam.
83
Kabanata 06: Talakayan at Pag-aanalisa ng Resulta
Ang Pagsulyap sa Proseso at Hakbangin sa Paghingi ng tulong medikal mula sa PCSO:
Ang PCSO o Philippine Charity Sweepstake Office ay isa sa mga ahensya ng
pamahaalan na naglalayon na tugunan ang mga pangangailangan ng mga
mamamayan sa pamamagitan ng pagpapatupad at paggawa ng mga serbisyong
panlipunan na siyang lumilinang sa aspetong pisikal ng bawat indibidwal. Ang
programang IMAP o Individual Medical Assistance Program ng PCSO ay isang
mabilisng pagbibigay ng tulong medikal sa mga nangangailangan kung saan ito ay sa
anyo ng pagbabalik sa isang may sakit sa kanyang normal na katayuan sa lipuanan at
hindi ito pangmatagalang proseso dahil na rin sa dami at limitasyon ng programa.
Batay sa tungkulin na isinasagawa ng ahensiya ay mababatid natin ang mga dahilan
kung bakit marami sa atin mamamayan ang nangangailangan ng serbisyong
panlipunan gaya ng mga “medical assistance” at ang mga indikasyon nito upang
mabigyang kahulugan ang isang epektibong programang pangkalusugan. Kalimitan ang
mga tulong medikal ay nasa anyo ng isang “guarantee letter” kung saan dito
ibinabahagi ng ahensya ang kanyang pagtulong sa mga may sakit at mga
nangagailangan. Batay na din sa panayam na isinagawa ng mananaliksik sa mga
kliyente ng “medical assistance”, karaniwan na ito ay matagalang proseso sa dahilan na
maraming mamamayan ang tumatangkilik sa programa ng PCSO at ang ilan sa kanila
ang nanggagaling sa malalayong lugar.
Ang pondong pinaglalaanan o pinagkukuhanan nito ay nanggagaling sa mga
programang inilulunsad ng ahensya gaya ng mga STL (small town lottery) at lotto na
higit kumikita ng mas malaki upang makapagbigay ng mga serbisyong panlipunan at
sapat ito upang matustusan ang bawat kahilingan ng mga “charity organizations at
indigent patients.” (Personal na Panayam kay Dr. Larry Cedro, Enero 25, 2012). Ngunit
84
ayon sa artikulo ni Tina Santos mula sa (Phil. Daily Inquirer, 2011), sinasabing
binawasan ng mahigit sa 60% ng mga humihingi ng tulong medikal ng ahensya ang
kanilang pondo para sa “medical assistance” upang bigyan daan ang pagrereporma ng
ahensya sa nakalipas nitong pamunuan at mabayaran ang pagkakautang nito sa
pamahalaan na siyang ginagamit ng mga pampublikong opisyal sa mga proyekto ng
kanilang sakop ng pamamahala. Sa kabila nito ay nanatili ang PCSO sa pagbibigay ng
serbisyong panlipunan para sa mga Pilipino at sa mga nangangailangan.
Ayon sa datos mula sa ahensya sa kabuuang bilang nito sa mga humingi ng
tulong medikal sa buwan ng Enero hanggang Disyembre ng taong 2011, sa bilang na
163,050 katao na humihingi ng tulong medikal tanging 68,606 sa lamang ang
sinasabing nabigyan ng tulong at tanging kumpleto ang dokumento para sa IMAP ng
PCSO, (PCSO Medical Statistics, 2011) kalimitan ang ilan ay naghihintay ng ilang
buwan upang magamit ang kanilang “guarantee letter” dahil na rin sa mga patakaran ng
ibang kaugnay na ospital ng ahensya, ngunit sa umiiral na kondisyon ng sistemang
pangkalusugan sa bansa, ito ay hindi sapat upang matugunan ang lahat ng gastusin ng
isang nangangailangan, kasama pa dito ang mahabang pila sa tuwing kukuha ulit ng
panibagong aplikasyon at matagalang pag-proproseso ng mga dokumento ayon sa mga
nakapanayam ng mananaliksik.
Halimbawa sa mga “item” o isa sa mga bahagi ng pagpapagamot na maaring
makuha mula sa ahensya, ang pagbibigay tulong medikal sa mga pasyenteng nag-
didialysis ay umaabot ang gastusin sa mahigit Php 65,000.00 kada buwan at hindi
kasama ang ilan sa mga proseso ng gamutan ngunit sa pagtataya batay na rin sa
nakuhang impomasyon at panayam sa mga ilang nabigyan ng “guarantee letter”
umaabot lamang ng Php 20,000.00 ang naibibigay na tulong medikal ngunit ito ay
depende sa katayuan sa buhay ng isang nangangailangan dahil ayon kay Gng. Divine
Sta. Ines, isa sa mga social worker na nagsasagawa ng ebalwasyon sa mga kliyente,
85
mahalagang puntos sa pagbibigay ng tulong medikal ang socio-economic background
ng kliyente kung saan dito napapaloob ang uri ng kanyang hanapbuhay at suporta sa
ibang kamag-anak. (Personal na Panayam, Enero 25, 2012) Lubhang napakalayo ng
mga numero upang maipagpatuloy ang proseso ng pagpapagamot, ang paliwanag ng
ahensya dito ay hindi nila maaring itaas ang ilang serbisyong medikal na kailangan ng
mga pasyente dahil marami din silang tinutustusan na mga pampublikong ospital at
mga organisasyon, ngunit sa abot ng kanilang makakaya ay humahanap sila ng iba
pang mga pamamaraan. (Phil. Daily Inquirer, 2011)
Ang Pilosopiya ng Medical Assistance ng PCSO:
Sa pagpapatuloy ng talakayan, nabanggit sa panimula at batay na rin sa isinagawang
panayam ng mananaliksik sa Officer in Charge ng FAD-PCSO na si Dr. Larry Cedro,
“ang mga medical assistance program na ibinabahagi ng ahensya ay isang
pamamaraan upang maipaabot nito sa mga higit na nangangailangan ang karapatan
nila para sa isang maayos at aksesibong kalusugan kung saan ito ay mabilisang
ibinibigay sa oras ng pangangailangan” (Personal na Panayam, Enero 25, 2012). Sa
likod ng programa ng PCSO para sa pagbibigay ng tulong medikal sa mga
nangangailangan layunin nito na maibalik ang normal kalagayan at responsiilidad nito
sa lipunan na siyang malinaw na ibinabahagi sa mga kliyente sa tuwing sila ay
humihingi ng tulong medikal o ng ibang serbisyo mula sa ahensya.
Upang matukoy ang konsepto ng “effectiveness” ng mga medikal na tulong mula sa
PCSO mahalagang mabatid natin ang kahulugan nito, batay sa pagpapakahulugan ng
mananaliksik, “ito ay ang pagkakaroon ng isang epektibong pamamaraan, kung saan ito
ay masusukat kung ang isang isinagawang aksyon o bagay na nais maabot ay
nagdudulot ng wastong resulta at sapat na kakayahan upang ibahagi sa iba pang
layunin at hindi ito nagdudulot ng ibang suliranin”. Sa pagtinggin sa proseso ng
86
pagbibigay tulong medikal mula sa PCSO makikita batay sa mga hakbang na isinagawa
ng mananaliksik ang mga indikasyon o pamantayan upang mabatid ang wastong
kahulugan ng konsepto ng “effectiveness” at mailapat ito sa pananaw at karanasan ng
mga kliyente kung ito ba ay lubusang nakakatulong sa kanilang kasalukuyang
kalagayan sa lipunan.
Una, nasusukat ang “effectiveness” o epektibong pamamaraan ng mga medical
assistance kung nababawasan nito ang mga palagiang humihingi ng tulong o sa
kabuuan ang sistemang pangkalusugan ay bumuti ang kalagayan dahil kung ito ay
naibibigay sa tamang oras na kailangan ng may sakit o ng nangangailangan hindi ito
magdudulot ng panibong suliranin. Mula dito masasabi natin na ito ay hindi
naipapatupad sapagkat ayon sa datos mula sa (IBON Databank, 2009) lubhang
tumataas kada taon ang mga humihingi ng tulong medikal hindi lamang sa PCSO kung
hindi kahit sa ibang organisasyon. Mula sa 56% na medical request ay umaabot ito sa
mahigit 62% sa taon 2011 at mula sa datos ng PCSO, umaabot ang aplikasyon ng mga
medical assistance sa mahigit 79.32% o tinatayang 71, 802 na kaso kada taon kung
saan ito ay manipestasyon na kahit may tulong medikal na naibabahagi ang PCSO at
ibang ahensya ay nagkakaroon ng kakulangan hindi lamang sa kabuuang budyet ng
pamahalaan kung hindi higit sa implementasyon ng mga programa sa ilalim nito. Sa uri
ng sistemang pangkalusugan na taglay ng ating bansa maraming sektor rito ang hindi
nasasaklaw at bagkus ay mas tumitindi ang kahirapan na kanilang dinaranas dahil sa
kakulangan at matagalan na proseso ng aplikasyon sa paghingi ng tulong medikal. Ang
pangkalahatang kondisyon ng kalusugan sa bansa ay lumalala sa paglipas ng panahon,
maraming bagong sakit ang naglipana sa kapaligiran at mataas na presyo ng mga
gamot na hindi kayang tustusan sa pamamagitan ng mga medical assistance o ng
ordinaryong mamamayan.
87
Pangalawa, sa proseso ng aplikasyon ng medical assistance mababatis natin ang
pagiging epektibo nito kung ito ay naibibigay sa sapat na panahon. Ayon sa mga
nalikom na datos ng mananaliksik, karaniwan ang proseso ng medical assistance ay
inaabot ng mahigit isang linggo sa pag-sasaayos sa mga paunang dokumento kasama
na rito ang paghingi ng mga dokumento galing sa lokal na DSWD o mga referal section
ng mga pampublikong ospital bago ito isumite sa ahensya. Sa pagtataya, kung ang
kahilingan ng isang pasyente bago sumailalim sa isang operasyon o dialysis kalimitan
ay inaabot ito ng isang buwan bago maaprubahan ang “gurantee letter” at kung sa
kahilingan naman sa gamot ay matagal na ang dalawang linggo bago makuha ang
medikal na tulong. (PCSO, Guidelines for IMAP 2011) Ngunit sa pagtingin sa ganitong
uri ng proseso makikita natin na lubhang napakatagal ng paghihitay ng isang pasyente
upang makamit lamang ang inaasam na “medical assistance” sa mga kadahilanan na
marami ang humihiling sa programa na ito mula sa PCSO bagama't kinikilala ng
mananaliksik na malaki ang pagbabago ng proseso kumpara sa mga nakalipas na taon
nito, ang isang mabilis na pagtugon sa problema ay isang mahalagang salik upang
maibigay sa mga nangangailangan ang sapat at tapat na serbisyong panlipunan at hindi
nito pinalala ang kasalukuyang kalagayan ng may sakit o ng nangangailangan. Batay
na obserbasyon ng mananaliksik, dahil sa magkahiwalay ang Main Office at FAD ng
PCSO kalimitan ay nahihirapan ang mga kliyente na alamin ang tamang proseso o mga
habangin dala na din ng magkaibang lokasyon nito.
At ang huli, kaugnay sa aplikasyon ng mga medical assistance ay ang bilang ng mga
natutulungan ng ahensya mula rito at ang alokasyon nito sa programa para sa
kalusugan kung sapat ba ito sa gastusin ng nangangailangan at may sakit. Sa
pagtataya at nabanggit sa panimula, sa mahigit 163,050 katao sa taon 2011 na
humuhingi ng tulong medikal tanging 68,606 lamang nito ang naaprubahan ng ahensya
at kalimitan ay hindi sapat sa aktwal na pangangailangan ang naibibigay ng ahensya
dahil na rin sa limitasyon nito na mag-apruba ng mga medical assistance. Katunayan
88
ayon sa artikulo ni Jerry Esplanada, (PDI, 2011) binawasan ng ahensya ang pagbibigay
tulong medikal sa mga humuhiling at mga “charitable organizations” dahil sa tinatayang
pagkaka-utang nito sa ibang ospital dahilan upang maghigpit ito ng budyet para sa
susunod na taon. Ang taunang alokasyon nito ng budyet, ayon sa datos na nakalap ng
mananaliksik, sa mahigit sa Php116 Milyon na gastusin ng ahensya, ito ay
pinaghahatian ng mahigit 112 na “charitable organzations” habang ang mga humihiling
ng tulong na medikal ay pawang naghihitay sa kung ano ang kayang maibigay ng
ahensya ngunit batay na rin sa nakalap na datos ng mananaliksik mula sa Fund
Allocation Department (FAD) ng ahensya tinatayang tumaas na bahagya ang alokasyon
nito sa medical assistance sa taon 2012 dahil sa nakalipas na pagtaas ng mga
“revenues” mula loterya nito upang makalikom ng sapat pondo na gagamitin sa
kasalukuyan pagpapatakbo ng programa. Subalit nananatili pa rin ang kalagayan na
marami sa mga nangangailangan ang hindi natutugunan ng pagbibigay ng tulong
medikal na siyang makikita sa pagtatalakay ng resulta ng sarbey at panayam sa mga
kliyente ng IMAP.
Sa kabuuan, batay na rin sa mga naibigay na datos makikita natin ang lawak ng
kakulangan ay hindi lamang sa alokasyon ng budyet kung hindi sa prayoridad ng
pamahalaan at ahensya na bigyan solusyon ang kasalukuyang kahirapan na dinaranas
ng mga nangangailagan at may sakit sa isang aksesibong sistema para sa kalusugan
na dapat mangangalaga sa lahat.
89
Ipinapakita sa larawan na ito kung paano ibinabahagi ayon sa PCSO Charter
(PCSO Website, 2011) ang distribusyon na kanilang nakukuha sa mga kabuuang kita
mula sa mga loterya at iba pang uri ng palaro. Ang nakalaan na porsyento para sa
Prize Fund ay higit na malaki dahil sa mga papremyo at pagpapatakbo ng mga
programa ng ahensya. Ito ay isang uri ng trust liability account na kapag hindi nakuha o
nagamit ang nasabing porsyento sa mahigit isang taon, ito ay inilalagay sa Charity Fund
na siyang pangunahing pinagkukunan ng panggastos sa mga programang
pangkalusugan, mga medical assistance at mga serbisyong panlipunan. Ito rin ay
maaring magamit ayon sa mga programa na maaring ipatupad ng pamahalaan ng ayon
sa batas. Habang ang Operating Fund, ang siyang pangunahing pinagkukuhanan ng
panggastos sa pang-araw-araw na pagsasa-ayos at pagpapasahod sa mga kawani ng
ahensya.
Sa pagsusuri sa paggamit ng lente at diskurso ng Ideological State Apparatus at sa pag-
aaral ni Althuser, lumalabas na isa sa mga nagagamit bilang instrumento upang
magkaroon ng uri ng opresyon sa lipunan ay ang mga charitable institutions, mga
ospital at media kung saan hindi nito nabibigyan ng sapat na panahon o kaukulang
atensyon ang mga higit na nangangailangan.
Isa sa mga isyu na kinahaharap ng ating sistemang pangkalusugan ay ang kakulangan
90
sa sapat na alokasyon at distribusyon nito kung saan may mga uri ng tulong na
nakukuha gaya ng mga medical assistance ngunit ito ay walang tiyak na maaring
pagkuhanan ng panggastos at nakasalalay sa kung ano ang mayroon sa kaban ng
pamahalaan o ng isang institusyon. At sa halip mula sa tatlong bahagi na bunubuo sa
pangkalahatang sistemang pangkalusugan, ang paggastos ng pamahalaan at mga
programa mula sa mga ospital na dapat ay nagbibigay ng sapat at tamang
impormasyon sa kalusugan ay hindi nagagawa bagkus ang antas ng “out of the pocket
expenditure” ng isang may sakit o ng nangangailangan ay lubhang mas mataas ang
tantos ng paggastos sa mga pangangailangang medikal.
Sa pagpapatuloy ng talakayan, batay sa mga resulta ng isinagawang mga sarbey at
panayam sa mga kliyente, makikita na ang pagkakaroon ng isang maayos na
hanapbuhay kung saan ito ay kumikita ng sapat at kayang tustusan ang mga
pangangailangan ay mahalagang salik upang mabatid ang pagkakaroon ng isang
aksesibong kalusugan at batay din sa pakikisalamuha sa mga kliyente mahalaga na
ang isang epektibong pamamaraan sa pagtulong ay lubusang napapawi nito ang
kahirapan hindi lamang sa pisikal na katayuan maging sa emosyonal na pagtingin.
Upang masagot ang mga layunin at katanungan, pinili ng mananaliksik na alamin ang
“demographic background” ng bawat kliyente na makikibahagi sa pagsagot ng sarbey at
panayam at mula dito ay mababatis kung ito ay ba ay nararapat batay sa pamantayan
na isinaad ng mananaliksik sa kanyang metodolohiya.
Una, lumabas sa pag-aaral na sa kabuuang bilang na (35) tatlumpu't limang kliyente na
sumagot ng sarbey at panayam, halos (21) dalawampu't isa dito ay nakatira sa
malalayong lugar o mga “rural communities” gaya ng Pampanga, Cavite, Bulacan at
Negros Occidental at ang natitirang (14) labing-apat ay pawang mga nakatira malapit sa
lugar ng PCSO gaya ng Maynila at Quezon City. Samakatuwid, napag-alamanan din ng
91
mananaliksik na mayroong mga PDO's o Provincial District Offices ang FAD upang
magkaroon ng isang mabilis na sistema sa pagbibigay ng tulong medikal ngunit sa
kasalukuyan ang bahaging ito ng mga PDO's ay hindi naisasagawa ang kabuuang
layunin ng FAD dahil na rin sa kakulangan sa sapat na kawani at kapangyarihan na
mapanghawakan ang mga PDO's dahi sa isang “decentralized” na paamahala ng
PCSO. Sa katunayan mayroon lamang nakatalaga na isang social worker sa bawat
PDO's na siyang magpapadala sa Main Office ng PCSO ng mga dokumento na siya
naman din dadalhin sa FAD upang bigyan ng kaukulang aksyon. Kinikilala ng
mananaliksik ang kasarian bilang mahalagang bahagi sa proseso ng paghingi ng tulong
medikal sa PCSO sapagkat makikita mula dito kung paano binibigyang halaga ang
responsibilidad ng bawat kasarian sa lipunan. Mula sa resulta ng sarbey at panayam,
may bilang na (21) dalawampu't isa ang napapabilang sa mga kababaihan at (14)
labing-apat dito ay galing sa mga kalalakihan. Habang ang edad ay isa sa mga
mahahalagang salik upang matukoy ang lawak ng paghingi ng tulong medikal na ang
bilang ay (11) labing-isa para sa may edad na 36-45, habang (9) siya para sa edad na
20-35, (8) walo sa edad na 46—55 at sa parehas na bilang na (2) dalawa para sa edad
na 56-65 at 66-75.
Tab. 1: Demographic Background ng mga kliyente ng IMAP
LUGAR Rural: 21 o 60%
Urban: 14 o 40%
KASARIAN Kababaihan: 21
Kalalakihan: 14
EDAD
20-35 9
36-45 11
46-55 8
56-65 2
66-75 2
92
Sa proseso ng paghingi ng tulong medikal partikular sa kung paano malalaman ang
mga kakailanganin dokumento at sa proseso nito, batay sa resulta ng sarbey, napag-
alamanan ng mananaliksik na sa bilang na (18) labing-walo ay nagmumula sa mga
pinanggalingan ospital sa pamamagitan ng isang “referral system” at (11) labing-isa
para sa mga kakilala o mga kasamahan na nakahingi ng ulong medikal sa PCSO at (4)
apat para sa pamamaraan ng palatastas at anunsyo mula sa mga pahayagan. Mula dito
ay masasabing may ugnayan ang mga ospital na maipaalam sa mga nangangailangan
ang tungkol sa medical assistance ng PCSO.
Sa pangunahing hanapbuhay ng mga kliyente, lumalabas sa resulta na sa kabuuang
(20) dalawampu ay mayroon sariling hanapbuhay gaya ng pagtitinda, sariling negosyo
at mga “part-time” na hanapbuhay habang (11) labing-isa ay walang sariling hanabuhay
at tanging tulong mula sa mga kamag-anak ang pinagkukuhanan ng panggastos sa
araw-araw at huli, sa bilang na (4) apat ay galing sa mga Government Employee.
Habang sa kabuuang kita o “family income” mula sa hanapbuhay ay mayroon na bilang
na (12) labing-dalawa sa antas na Php 200-500 ang kumikita sa isang araw, Php 1,500-
3,000 na may (7) pito, Php 3,500-6,000 ay (5) lima, Php, 6,500-10,00 at 10,000-15,000
na may parehas na bilang na (4) at Php 600-1000 na may bilang na (3) tatlo mula sa
hanay ng mga kliyente. Nabangggit sa panimula at talakayan na ang pagkakaroon ng
isang sapat na hanapbuhay kung saan ay natutustusan nito ang mga pangangailangan
ng isang indibidwal ay mahalagang salik upang magkaroon siya ng aksesibo sa kahit
anong uri ng serbisyong panlipunan. Sa kaso ng mga kliyente, makikita sa resulta na
kalimitan ang ilan sa kanila ay nasa mababang antas ng family income dahilan upang
hindi ito maging sapat sa kanilang pangangailangan at umaasa na lamang sa mga
tulong na ibinibigay katulad ng medical assitance.
93
Tab. 2: Uri ng hanapbuhay at kabuuang kita ng Kliyente ng IMAP
HANAPBUHAY Government Employee -(4) 12%
Sariling Hanabuhay gaya ng pagtitinda atbp. -(20) 57%
Walang sariling hanapbuhay at umaasa lamang sa tulong mula sa mga kamag-anak -(11) 31%
KITA o 'Family Income' (Php)
200-500 12 o 35%
600-1000 3 o 9%
1,500-3,000 7 o 20%
3,500-6,000 5 o 14%
6,500-10,000 4 o 11%
10,000-15,000 4 o 11%
Habang tinatalakay din mula sa sarbey ang indikasyon kung sino sa bawat miyembro
ng pamilya ang madalas na nagkakasakit, lumabas sa resulta na sa kabuuang bilang na
(12) labing-dalawa ay nagmumula sa Kapatid/Anak, (11) labing-isa ay galing sa Ama,
(8) walo naman sa Ina at (3) tatlo sa mga Kamag-anak. Mahalaga din na malaman ng
mananaliksik ang bilang ng aplikasyon ng mga kliyente sa tulong medikal ng PCSO
upang mabigyan kahulugan ang konsepto ng “effectiveness” batay sa pamamaraan nito
na maibigay sa sapat na panahon na ito ay kakailanganin ng mga kliyente. Ayon sa
resulta ng sarbey sa kabuuang bilang na (16) labing-anim ay naghihintay ng 2-3 buwan,
(12) labing-dalawa para sa paghihintay ng mahigit sa 3 buwan at (6) anim para sa isang
buwan o linggo pagkatapos na maipasa ng kliyente ang mga dokumento. Kaugnay nito
ay kung anong uri ng tulong medikal ang karaniwang hinihingi ng mga kliyente mula sa
PCSO, lumalabas na sa bilang na (12) labing-dalawa ay nangangailangan ng medical
assistance para sa proseso ng Dialysis, (11) labing-isa para sa mga porseso ng
Operasyon gaya ng puso at iba pang bahagi ng katawan, (7) pito para sa paghingi ng
tulong sa pang-araw-araw na gamot o “maintenance” at huli sa bilang na (5) lima para
94
sa proseso ng chemotherapy. Habang sa halaga ng pagbibigay ng tulong medikal, sa
kabuuang bilang na (21) dalawampu't isa ay mayroon ito na halaga na Php 15,000-
20,000, (9) siyam para sa Php 5,000-10,000 at (5) lima para sa Php na 30,000-50,000.
Makikita mula sa resulta na higit na matagal ang paghihintay ng mga kliyente upang
makuha ang kanilang guratee letter, indikasyon na hindi mabilisan ang pagbibigay
tulong na hatid ng IMAP sa mga kliyente. Batay din sa isinagawang time and motion
study na isisnagawa ng mananaliksik sa ilang mga kliyente batay sa kanyang
obserbasyon, lumalabas na sa unang hakbang ng proseso kalimitan nagtatagal ang
mga kliyente na halos buong araw ang nakakain nito sa panahon ng mga kliyente
ngunit kinikilala ng mananaliksik na may pagbabago sa pagkilos ng mga kawani ng FAD
na maging reponsive at ituon sa isang mabilisang proseso na pakikipanayam sa mga
kliyente at pagbibigay ng ebalwasyon nito. Sa katunayan mayroon kabuuang bilang na
(16) labing-anim na Social Worker at (4) na Supervisor o Officer of the Day ang
humaharap sa mahigit (400) na kliyente ng IMAP.
Tab. 3: Uri at halaga ng tulong medikal na maaring makuha mula sa PCSO
Uri ng Medical Assistance Bilang ng Populasyon: 35
Operasyon gaya sa Puso at iba pang bahagi ng katawan
11 o 31%
Dialysis 12 o 34%
Mga gamot o “maintenance” 7 o 20%
Chemotherapy 5 o 14%
Halaga ng Medical Assistance na naibibigay sa mga nangangailangan
5,000-10,000 9 o 26%
15,000-20,000 2 o 60%
30,000-50,000 5 o 14%
Upang masagot kung ang tulong medikal na ibinibigay ng PCSO ay sapat sa
pangangailangan ng mga kliyente batay sa kanilang pananaw lumalabas sa resulta na
95
sa kabuuang bilang na (31) tatlumpu't isa ang nagsasabing hindi sapat ang tulong
medikal sa mga kadahilanan na hindi saklaw ng PCSO ang ibang gastusing medikal ng
mga kliyente gaya ng mga gamit sa pagpapagamot na sila ang bumibili at ibang mga
gamot na kakailangan sa proseso ng dialysis, chemotherapy at operasyon habang sa
bilang na (4) apat ang nagsasabing sapat ang naibibigay na tulong medikal dahil sa
mga kadahilanan na ito ay nakakatulong sa kanilang kalagayan at kinikilala nila ang
tungkulin ng PCSO sa pagtulong sa mga mamamayan. Batay sa pananaw ng mga
kliyente higit na magiging epektibi para sa kanilang panig ang ibinibigay na tulong
medikal ng PCSO kung kahit sa 60% na kabuuang halaga ng kanilang gastusing
medikal ang masasakllaw nito ngunit kalimitan tanging 30% lamang ang naibibigay
dahilan upang ang ilan sa mga kliyente ay masadlak sa mga utang sa mga kasamahan
at ang ilan ay ipinagbibilia ng kanilang mga kagamitan at ari-arian.
Tab. 4: Pagiging sapat ng tulong medikal ng PCSO
Sapat ang tulong na naibibigay ng PCSO sa
pamamagitan ng medical assitance sa gastusing medikal.
Oo 4 o 11%
Hindi 31 o 89%
Ayon din sa naisagawang sarbey lumalabas na sa kabuuuang bilang na (29)
dalawampu't siyam na kliyente ang nagsasabi na nagagawa ng PCSO ang tungkulin
nito sa mga mamamayan bilang pangunahing ahensya na itinalaga sa pagbibigay
tulong medikal at iba pang uri ng serbisyong panlipunan habang ang bilang na (3) tatlo
ang nagsasabi na kulang ang kakayahan ng PCSO na makatulong sa mga
nangangailangan at (3) tatlo sa mga di-tiyak ang kasagutan. Mula dito nabatid ng
mananaliksik, kahit may kasalukuyang kalagayan ng kakulangan sa sistemang
pangkalusugan ay nanatili sa kaisipan ng mga kliyente na nagagawa pa rin ng PCSO
96
ang tungkulin nito na makatulong sa mga may sakit at nangangailangan ngunit ito ay
malinaw na indikasyon na nagkakaroon ng kondisyon na umaasa na lamang ang mga
ito sa tulong sa halip na maging produktibo sa kakayahan nila.
Tab. 5: Tungkulin at gampanin ng pagtulong mula sa PCSO
Nagagawa ng PCSO ang tungkulin at gampanin nito na
makatulong sa mga nangangailangan.
Oo 29 o 82%
Hindi 3 o 9%
Di-tiyak 3 o 9%
Pagdating sa proseso ng paghingi ng tulong medikal mula sa unang hakbang ng
pagbibigay ng mga kakailanganin na dokumento sa FAD, sa pagdaan sa proseso ng
pakikipanayam sa mga social worker at ebalwasyon nito hanggang sa huling hakbang
na pag-alam kung ang medical assistance ay naaprubahan ng FAD lualabas na sa
kabuuang bilang na (20) dalawampu ang nagsasabing sila ay nahihirapan sa pagpasa
ng mga dokumento sa kadahilanan na mula sa pinanggalingan ospital ay matagal ang
pagbibigay ng ilang mga dokumento gaya ng medical abstract, price quotation sa uri ng
pagpapagamot na kakailanganin at dami ng tao na nangangailangan ng medical
assistance. Habang ang bilang na (5) lima ay nagsasabi na sila ay nahihirapan sa
pakikipanayam sa mga social worker sa kadahilanan na ang ilan sa kanila ay
nahihirapan unawain ang mga katanungan at ilang konsepto na may kinalaman sa
medical assistance at (10) sampu ang nagsasabi na nahihirapan sa pag-alam kung ang
medical assistance ay na-aprubahan ng FAD. Nabatid ng mananaliksik batay sa
pakikipanayam sa mga kliyente na sadyang nahihirapan sila na makalap ang mga
dokumento na kakakilangan sa dahilan na kahit may impormasyon na ibinibigay sa
kanila hindi naman ito nagtutugma sa oras at panahon na higit nila na kailangan ang
tulong medikal dala na din ng pagaasikaso sa kalagayan ng kamag-anak o sarili.
97
Tab. 6: Mga Proseso sa paghingi ng tulong medikal
Proseso ng paghingi ng tulong medikal mula sa
PCSO
Pagbibigay ng mga kakailanganin dokumento
20 o 57%
Pakikipanayam sa mga Social Worker
5 o 14%
Pag-alam kung ang mga guranee letter ay naaprubahan
10 o 29%
Upang masukat ang pagiging epektibo ng medical assitance ng PCSO sa pananaw ng
mga kliyente sa pamamagitan ng isang rating scale na may bilang 1-5 lumalabas sa
pag-aaral na may bilang (19) labing-siyam ang nagsasabing ito ay kanilang bibigyan ng
puntos na (3) tatlo sa kadahilanan na ito ay nakakatulong ngunit hindi sapat ang
medical assistance para sa kanilang pangangailangan, (13) labing-tatlo para sa puntos
na (2) ang nagsasabing ito ay lubusang nakakatulong sa kanilang kalagayan, (2)
dalawa sa puntos na (4) dahil sa kadahilanan na may ibang uri ng proseso ng
pagpapagamot ang hindi saklaw ng PCSO, (1) isa sa puntos na (1) sa paniniwala na ito
ang ahensya na lubusan na nakakatulong sa mga may sakit at nangangailangan. Batay
sa pananaw ng mga kliyente sa pagbibigay nito ng puntos sa pagiging epektibo ng
tulong medikal, masasabi na ito ay nasa katamtamang antas ng pagiging epektibo dahil
ayon na rin sa mga panayam na isinagawa ng mananaliksik, ang pangunahing
kadahilanan na nasasambit ng mga kliyente ay ito lamang ang kanilang naasahan na
tulong kahit na hindi sapat ang halaga na nakukuha mula dito ay pinagtitiiisan nila ito
upang makalagpas sa nararamdamang kalagayan. Malinaw na isinasaad ng resulta na
hindi nabibigyan ng isang mapagpalayang desisyon ang mga kliyente sa natatanggap
nilang tulong medikal sa PCSO bagkus ay napapasailalim sila sa kaisipan na sila ay
walang kakayahan na makakuha ng sapat sa kanilang pangangailangan at sa huli ay
nanatiling kahabag-habag ang kanilang kalagayan.
98
Tab. 7: Pagsukat sa pananaw ng kliyente ng IMAP sa konsepto ng “effectiveness”.
Pananaw ng mga kliyente sa medical assistance ng PCSO kung ito ba ay naging epektibo sa kanilang kalagayan (rating
scale)
1 (Epektibong-epektibo sa kalagayan ng kliyente)
1 o 3%
2 (Katamtamang epekto ng
pagtulong lamang sa kalagayan ng kliyente)
13 o 37%
3 (Nakakatulong ngunit hindi sapat
ang epekto sa kalagayan)
19 o 54%
4 (Hindi epekjtibo sa kalagayan ng
kliyente)
2 o 6%
5 (Wala ito nagagawang tulong sa kalagayan ng mga kliyente)
0
Bilang karagdagan, naglagay ang mananaliksik ng “descriptive” na katanungan kung
nararamdaman ba ng mga kliyente ang pagapahalaga at pagkalinga ng PCSO sa
pagtulong nito sa mga nangangailangan. Ayon sa resulta ng isinagawang sarbey
lumalabas sa kabuuang bilang na (22) dalawampu't dalawa ang nagsasabing ito ay
kanilang nararamdaman sa kadahilanan na ito lamang ang mabilis nilang
mapagkukuhanan ng tulong medikal habang (13) labing-tatlo ang nagsasabi na hindi
nila ito nararamdaman dahil sa mga kakulangan ng ahensya na iparating ang malawak
na sakop nito sa ibang uri ng pagpapagamot at medical assistance. Katulad ng mga
nabanggit sa pagtatalakay, ito ay manipestasyon na ang kasalukuyang kalagayan ng
isang nangangailangan ay nagagamit bilang isang pamamaraan upang mas lalong
pagtibayin nito ang umiiral na kaisipan na ang mga nangangailangan ay mananatiling
mahina at aasa na lamang sa tulong ng dominateng pangkat ng lipunan.
99
Tab. 8: Pagtingin sa damdamin ng mga kliyente patungkol sa pagtulong ng PCSO.
Nararamdaman ng mga nangangailangan ang
pagtulong at pagkalinga ng PCSO sa pamamagitan ng
pagtulong nito.
Oo 22 o 63%
Hindi 13 o 37%
Habang sa katanungan kung may ibang tulong medikal na nakukuha ang mga kliyente
sa isang descriptive na katanungan, lumalabas sa resulta na kahit karamihan sa kanila
ang may Philhealth ay hindi din nito nagagawang mabawasan ang gastusin na kanilang
inilalaan sa pagpapagamot dahil sa limitasyon nito na magamit sa pagpapagamot ng
ilang mga kliyente at sa halip ang ilan din programa ng medical assistance ng ibang
ahensya ay mas mababa ang halaga kumpara sa ibinibigay ng PCSO. Kaya bilang
resulta, karamihan sa kanila ang nauuwi sa matinding pagkakautang at pagkasadlak sa
matinding kahirapan. Sa pagpapatuloy, upang talakayin ang napiling case study ng
mananaliksik mula sa mga nakapanayam na mga kliyente kung saan layunin nito na
mabigyan ng isang descriptive na pagtingin ang mga mambabasa tungkol sa pananaw
ng kliyente patungkol sa paghingi ng tulong medikal, isa sa mga ito ang nakapukaw ng
atensyon upang mas maunawan ng mga susunod na pag-aaral ang kalagayan ng mga
nangangailangan. Batay sa karanasan ng mananaliksik lubhang napakahirap ng
proseso ng paghingi ng tulong medikal mula sa FAD-PCSO ngunit hindi naman
maikakaila ng mananaliksik na sa paglipas ng panahon may mga pagbabago na
nagaganap sa pamamahala ng PCSO at isa na dito ang paglipat nila sa Lung Center
Ave. mula sa isang abandonadong opisina ng waste management office ng Quezon
City Hall sa Kalayaan Ave. na ayon sa panaam kay Dr. Cedro ay napulaan ng mga
nakararami.
100
Case Study:Ang Patuloy na Pakikipaglaban sa kabila ng Kahirapan at Pagkakasakit
Ito ay talambuhay ng pakikipagsapalaran ni Gng. Cecile Garcia (hindi nito tunay na pangalan), isang ulirang ina na may apat anak at butihing asawa na siyang tumutugon sa pangangailangan ng kanyang pamilya na ang tanging trabaho ay ang pagtuturo sa isang paaralan sa Pangasinan. Nagsimula ang pangyayari ng magkasakit ang kanyang panganay na anak na lalaki noong taong 2000 kung saan nalaman na ito ay may sakit na Cancer. Isang OFW ang kanyang anak sa Saudi kaya naman sa umpisa ng kanilang pamumuhay masasabing sila ay may kaya. Ngunit sa di inaasahang pangyayari natuklasan ni Gng. Garcia na malala na ang kalagayan ng kanyang anak dahil hindi nito nagawang magpagamot sa ibag bansa dala ng mithiin na makaipon para sa pamilya. Sa loob ng sampung taon na pagkakasakit nito hindi maiiwasang panghinaan ng loob si Gng. Garcia halos kasabay din ng pagkakasakit ng kanyang anak ang pagkawala ng hanabuhay ng kanyang asawa na lalong nagpatindi sa kanilang kalagayan. Kaya naman sa gulang ng 54 ay pinilit niyang maghanapbuhay upang maitawid ang mga pangangailngan ng kanyang pamilya. Labis ang hapdi na kanyang nadarama sa tuwing sasabak sa proseso ng pagpapagamot ang kanyang anak, nandyan ang mga pagkakataon na bumibigay ang katawan nito dala na rin ng sobrang chemical na ginagamit at kung minsan ay nauubusan silang ng panggamot sa mismong araw nito sa session at kung minsan ay hindi maiiwasang humingi ng mga gamot sa kasamahan nito sa ospital. Nagkaroon din ng pagkakataon na naubos ang kanilang mga kagamitan sa bahay at nalubog sa matinding pagkakautang mula sa mga kamag-anak hanggang sa mga kasamahan sa trabaho ngunit dahil sa pagsusumikap ni Gng. Garcia at magandang pakikitungo nito sa ibang mga tao ay ibinigay na lamang ang ilang pagkakautang nito bilang pagtulong sa kanilang kalagayan. Sa paglapit nito sa PCSO, nabatid ni Gng. Garcia na ito ang isa sa mga madaling pamamaraan upang maibsan ang kakulangan nito ng panggastos sa pagpapagamot ng kanyang anak subali't ani nya, bagama't nakakatulong ito sa kanilang kalagayan hindi pa rin nito nagagawang saklawin ang matinding kahirapan na kanilang dinaranas dahil na rin sa dami ng humihingi ng tulong at limitasyon ng programa. Sa kasalukuyan, si Gng. Garcia ay nananatiling matatag, bilang isang ina na handang ibigay ang lahat ng bagay para sa kapakanan ng kanyang anak hindi siya nawawalan ng pag-asa na sa kabila ng lahat ng pagsubok ay makaktawid sila sama-sama hanggang maging maayos ang lahat sa kanila.
101
A ng luksong tinik sa pagkamit ng sapat at wastong karapatan sa kalusugan
Batay sa panayam ng mananaliksik kay Cecile Garcia (hindi nito tunay na
pangalan) na may edad na 54 taon gulang, nakatira sa Pangasinan, may-asawa at ina
ng (4) apat na anak at kasalukuyang naghahanapbuhay bilang isang guro sa Dilan Intel
School sa kanilang lugar. Ayon kay Gng. Garcia “sadyang napakahirap mabuhay sa
panahon ngayon, hindi mo masasabi kung ano at kelan ka magkakasakit”. Dahil sa
kasalukuyang kalagayan ng sistemang pangkalusugan sa Pilipinas pinaniniwalaaan ng
marami na ang kasabihan na Bawal ang Magkasakit ay isang mahalagang
pagpapaalala dahil ani ni Gng. Garcia “kahit anong pagsusumikap mo kapag nagkasakit
ka, malaki ang babawiin nito hindi lamang sa pamilya mo kung hindi sa sarili mo”.
Nalaman ni Gng. Garcia ang tungkol sa medical assistance ng PCSO sa pamamagitan
ng impormasyon na ibinigay mula sa pinanggalingan ospital at mula dito ay sinubukan
niya magbakasakali dahil na rin sa kasalukuyang kalagayan ng kanyang panganay na
anak na lalaki na may edad na 32 taon gulang at may sakit na Cancer sa mahigit 10
taon at kasalukuyang nagpapagamot sa East Ave Medical Center. Lumapit siya sa
PCSO dahil naubos na din ang inipon na halaga at iba pang ari-arian ng pamilya mula
sa paghahanapbuhay ng kanyang asawa na sa kasalukuyan ay walang hanapbuhay.
Kahit siya ay nagtuturo ay sinisigurado niya na may panggamot ang kanyang anak at
mula sa kanyang sahod sa pagtuturo kahit ito ay hindi sapat ay nagagawaan niya pa rin
ito mapagkasya sa mga pangangailangan ng kanyang pamilya. Kalimitan ay may
nakukuha siyang tulong mula sa Philhealth at benepisyo ng anak bilang isang OFW
ngunit ito ay natigil din ng lumalala ang kalagayan ng kanyang anak dahil sa limitasyon
na dala ng benepisyo ng pagiging OFW. Sa mahigit 3 beses na paglapit sa PCSO para
sa medical assistance nasambit ni Gng. Garcia na “kahit paano nakakatulong ang
PCSO maibsan ang kalagayan ng anak ko kahit na minsan hindi sapat ang tulong na
aming inaasahan” dahil sa pagtataya ng gastusing medikal para lamang sa
chemotherapy ito ay umaabot sa halagang Php 280, 000 mula nang ma-ospital ang
102
kanyang anak at Php 47, 700 kada session nito na isang beses sa isang lingo. Nang
una siyang makakuha ng guarantee letter noong taong 2009 tanging Php 25,000 ang
naibigay sa kanya ng PCSO mula sa kanilang pangangailangan na PHP 100,000 dahil
ang iba pang kakailanganin na gamot ay sila ang bumibili sa ibang ospital at kalimitan
ay nauuwi sa isang promissory note kapag hindi nito mabayaran ang halaga ng
pagpapagamot sa ospital kaya naman kahit “nakakahiya sa aking mga kasamahan at
sa mga kaibigan ko at ng asawa ko ay nangungutang na lang kami” ani ni Gng. Garcia.
Ngunit sa kabila ng lahat ay nananatiling matatatag si Gng. Garcia na harapin ang
pagsubok sa kanilang pamilya at ng kanyang anak sa katuyan kahit nasambit nya na
hindi sapat ang tulong na naibibigay ng PCSO sa mga nangangailangan ay positibo pa
rin nito nasabi na “kahit papaano ay nakakatulong ang PCSO sa kalagayan namin dahil
kung walang ganitong uri ng programa, kanino na lang kami lalapit?” Mula dito ay
nabatid ng mananaliksik ang matinding pangangailangan ng mga kliyente sa tulong
medikal na hatid ng PCSO ngunit dahil sa limitasyon ng FAD na magkaroon ng isang
full-automated na katangian ay nagkakaroon ng linya sa pagbibigay ng halaga ng mga
medical assistance at pagkakaroon ng “cap” sa kabuuang alokasyon ng badyet para sa
programa ng IMAP kung saan ito ay may kabuuang halaga na Php 7 Milyon kada isang
araw o Php 1.618 Bilyon sa buong taon. (Personal na Panayam Kay Dr. Cedro, Eero
25, 2012)
Ang mga medical assistance at iba pang uri ng mapagsamantalang programa ay
disensyo upang bigyan ng kahulugan ang isang responsableng pamahalaan sa gawain
nito na mabigyan ng wastong pamumuhay ang mga mamamayan nito kalimitan ito ay
nagagamit upang pairalin ang kakayahan nito na mapanghawakan ang mga
nangangailangan sa punto na ito ay maari nilang magamit para sa pansariling
kapakanan at hindi upang maging epektibo ang pamamaraan nito sa pagtanggal ng
mga maling kinagisnang kultura at kaisipan na ang lahat problema ay ginagawan ng
solusyon mula sa pamahalaan partikular ang kalagayan ng kalusgan para sa mga
103
mamamayan, dahil dito ay higit na nawawalan ng kalakasan ito na magsulong ng
pagbabago at hindi makapagdulot ng epekto sa ibang pangkat ng lipunan.
Bilang patunay sa teorya na ginamit sa pag-aaral makikita mula sa resulta ng (Tab. 5 at
Tab. 8) ang positibong pagtingin ng mga kliyente sa gampanin at tungkulin ng ahensya
na makapagbigay ng tulong medikal. Kung ating lalaliman ang pagtigin sa nasabing
resulta, pinagtitibay lamang nito na makatotohanan ang sinasabi ng teorya ng
Ideological State Apparatus (ISA) patungkol sa pamamaraan ng pamahalaan na
magamit ang mga charitable institution at mga kahalintulad na programa sa gawain nito
na mapagtakpan ang kakulangan sa mga kasalukuyang suliranin na dinaranas ng mga
mamamayan sa halip na maging responsible ang pamahalaan sa tungkulin nito sa mga
mamamayan. Mababatis din mula sa pag-aaral na nagdudulot ito ng sistemang
pangkaisipan sa damdamin ng mga kliyente kung paano ba nito bibigyan ng kahulugan
ang isang responsableng pamahalaan na siyang malinaw na sinasabi ng resulta.
Makikita sa kalagayan ni Gng. Garcia ang pangkalahatang epekto ng proseso at
pilosopiya ng medical assistance ng PCSO kung saan dahil sa ito ay nakakatulong sa
kanilang kasalukuyang kalagayan hindi nito tuwiran napapawi ang matinding paghihirap
sa pangmatagalang proseso bagkus ay nananatili sila o kahit ang ilang mga kliyente sa
isang kalagayan na kailangan nilang umasa sa tulong nagmumula sa PCSO na siyang
nagpapatibay sa pagkakaroon nito ng utang na loob (sene of gratitude) sa ahensya at
manatiling mahina sa kabuuang proseso. Sa paglalapat ng diskurso na ginamit ng
mananaliksik, malinaw na ipinapakita ng pag-aaral na kahit nakakatulong ang medical
assistance sa kasalukuyang kalagayan ng mga kliyente nananatili pa rin ang realidad
na hindi nabibigyang halaga at prayoridad ng pamahalaan ang sistemang
pangkalusugan sa bansa at sa huli ay napapako nito ang mga kliyente sa isang
kaisipan at kalagayan na ayon sa istraktura ng kanilang planadong kahirapan sa mga
mamayan at pansariling kapakanan. Bagama't may tunggalian sa pagitan ng pananaw
ng mga kliyente sa konsepto ng isang epektibong pamamaraan ng tulong medikal at sa
104
sapat na gastusin nito sa kanilang pagpapagamot, nananatili ang kalagayan na higit na
nangingibabaw ang kakulangan nito na bigyan ng tuwirang solusyon sa isang
pangmatagalang pamamaraaan ang dinaranas nilang paghihirap na hindi kailangan
nagdudulot ng ibang sulianin o epekto sa kanilang pamumuhay sa lipunan. (Tab. 4 at
Tab. 7).
Ang pagkakaroon ng sense of gratitude ng mga kliyente ng medical assistance sa
PCSO ay manipestayon na nagiging epektibo ang ahensya sa tungkulin nito na
maipaabot ang tulong na inaasahan ng mga nangangailangan. Makikita din batay sa
demographic background na isinagawa ng mananakilsik na karamihan sa mga ito ang
talaga naman nasa antas ng tinaguriang poverty level na siyang malinaw na pagtingin
na wala talang kakayahan ang mga kliyente na maabot ang isang aksesibong programa
para sa kalusugan. Samakatuwid, dahil sa kasalukuyang kalagayan ng pampublikong
sistemang pangkalusugan at malawakang kahirapan, ang mga medical assistance at
kaugnay na programa nito ay ginawa upang lunasan ang sakit ng mga
nangangailangan sa panandaliang tulong na maari nito maibahagi, hindi nito layunin na
sagutin ang pangangailangan na magkaroon ng isang aksesibong pamamaraan ang
mga nangangailangan para sa pagkamit ng karapatan sa kalusugan bagkus ang
karapatang ito na siyang pinakamahalagang bahagi ng ng karapatang pantao ay
nagiging kasangkapan ng umiiral na ideolohiya sa lipunan na mapanghawakan ang
damdamin at isipan ng mga mamamayan lalo na sa kalagayan ng mga mahihirap sa
paraan ng patuloy na pag-asa nito sa tulong na ibinabahagi at hindi sa pangmatagalang
proseso ng paglunas sa sakit ng lipunan.
105
Kabanata 07: Konklusyon
Ang medical assistance na nagmumula sa PCSO bilang bahagi ng kanilang tungkulin at
gampanin, ay isang uri ng serbisyong panlipunan na siyang tumutugon sa kakulangan
ng pamahalaan na bigyan ng kaukulang pagtingin ang kalagayan ng mamamayan nito
ngunit batay sa pag-aaral na isinagawa ng mananaliksik lumalabas na ang proseso ng
paghingi ng tulong medikal ay isang anyo ng pagkukubli sa tunay na kalagayan ng
bawat indibidwal sa lipunan na magkaroon ng isang epektibo at aksesibong
pamamaraan sa impormasyon sa kalusugan sa kadahilanan na marami ang hindi
nakakakuha nito at sa pangmatagalang proseso ay nakakapagdulot ng suliranin sa
panig ng mga kliyente.
Epektibo sa pananaw ng mga kliyente ngunit hindi ito sapat upang maibsan ang
matinding kalagayan ng paghihirap at pagkakasakit ng nakakararami at sa huli ay
nagbibigay ito ng isang realidad sa kaisipan ng mga kliyente na masadlak sa pagsunod
sa pangkalahatang kaisipan na alinsunod sa layunin na itinatakda sa kanila ng
nagbibigay ng tulong. Ang pagpapaliwanag na ito ay sumasalamin sa teorya ng ISA na
mapatunayan na ang mga programa kaulad ng medical assitance ay nagiging
kasangkapan ng pamahalaan na pagtakpan at gawing mabango ang kakulangan nito sa
pagtugon sa mga suliranin na dinaranas ng mga nangangailangan
Bilang pangwakas, napatunayan sa pag-aaral na ito kaakibat ng mga diskurso at
talakayan na isinagawa ng mananaliksik na tunay na hindi mapagpalaya ang
kasalukuyang pamahalaan na ginagamit bilang kasangkapan ang pagtulong sa mga
nangangailangan bilang bahagi ng kanilang malawakang paghawak sa kaisipan at
damdamin ng nakararami sa pagpapatuloy ng kanilang layunin na manatili sa
kapangyahiran at pansariling kapakanan.
106
Apendiks: A. Halimbawa ng sarbey na ginamit ng mananaliksik:
Magandang araw po sa inyo, Ako po si Faisah Jevah G. Dela Rosa, mag-aaral mula sa Unibersidad ng Pilipinas-Maynila, sa kurso ng BA Political Science, ay humihiling ng inyong panahon upang magsagawa ng maikling panayam at sarbey ukol sa aking paksa na pinamagaan “Ang PCSO (Philippine Charity Sweepstake Office at mamayang Pilipino: isang pagsusuri sa tungkulin at gampanin ng pagbibigay tulong medikal sa mga nangangailangan.” Ito po ay bahagi ng aming rekesito sa Political Science 198 upang ibahagi ang aming kaalaman sa isyu na kinahahap ng sistemang pangkalusugan ng Pilipinas sa pamamagitan ng pag-aaral ng isa sa mga programa nito na Individual Medical Assistance Program (IMAP) Mangyari po lamang na sagutan ang mga katanungan sa ibaba. Ano man pong kaalaman na inyong maibabahagi sa pag-aaral na ito ay mananatiling lihim sa publiko at bibigyan ng kaukulang proteksyon ng mananaliksik. Maraming salamat po. x------------------------------------------------------------------x Panuto: Sagutan ang mga katanungan batay sa inyong pagkakaunawa. Pangalan:_________________________ Kasarian:____________________ Tirahan:__________________________Relasyon sa Pasyente:____________ Edad:____________________________ Ospital:___________________ 1. Paano niyo po nalaman ang tungkol sa “medical assistance ng PCSO? A. Sa pamamagitan ng patalastas at dyaryo B. Sa kaibigan o trabaho C. Sa pinanggalingan ospital 2. Ano po ang pangunahing pinagkukuhanan hanapbuhay ng inyong pamilya? A. Government Employee B. Sariling Hanapbuhay gaya ng pagtitinda atbp. C. Walang trabaho (suporta mula sa mga kamag-anak/Anak)
107
3. Sino po ang madalas magkasakit sa inyong pamilya? A. Ama B. Ina C. Kapatid/Anak D. Kamag-anak (Relatives) 4. Magkano po ang kita niyo sa isang araw? Sa isang buwan?:______________________________________ 5. Pang-ilan na po ang apliksyon niyo para sa “medical assistance ng PCSO? A.1 B.2-3 C.mahigit sa 3 6. Ano po kalimitan ang request niyo sa paghingi ng tulong? A. Operasyon sa Puso at iba pang bahagi ng katawan B. Dialysis C. Pang araw-araw na gamot D. Chemotherapy 7. Magkano po ang naibibigay na tulong medikal sa inyong pangangailangan? A. 5,000.00-10,000.00 B. 15,000.00-20,000.00 C. 31,000.00-50,000.00 8. Sapat po ba ito sa inyong pagpapagamot? A. Oo B. Hindi 9. Ilan buwan po ito bago niyo makuha sa PCSO? A.1 B.2 C. mahigit sa 3 10. Sapat po ba ito sa inyong paghihintay? A.Oo B. Hindi 11. Sa opinyon niyo po, nararamdaman niyo po ba ng lubos ang pagtulong na isinasagawa ng PCSO sa inyong kalagayan? A. Oo B. Hindi
108
Ipaliwanag:____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 12. Bukod po sa paglapit niyo sa PCSO may ibang tulong medikal na po ba kay nakuha?Saan?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 13. Ano po ang masasabi niyo sa gawain at tungkulin ng PCSO para sa mga mahihirap? A. Nagagawa nila ang kanilang tungkulin ng maayos at tapat sa mamamayan B. Kulang pa ang kakayahan ng PCSO sa pagtulong sa mga mahihirap C. Hindi pa alam sa ngayon 14. Nagkaroon po ba ng pagkakataon na kayo ay nahirapan sa pagsasaayos ng inyong medical assistance? Sa anong bahagi po ng proseso? A. Pagpasa ng mga dokumento B. Pakikipagpanayam sa mga Social Worker C. Pagfofollow-up ng guarantee letter 15. Naging epektibo po ang pamamaraan ng PCSO upang makatulong sa mga nangangailangan? 1-pinakamataas, 5-pinakamababa A. 1 B. 2 C. 3 D. 4 E. 5 Ipaliwanag:_____________________________________________________________________________________________________________________
109
B. Mga Larawan mula sa PCSO
Habang naghihitay sa mahabang pagpila.
110
Sa hinaba-haba ng pagpila, marami ang patuloy na umaasa
111
Batisan: Althusser, L. (1970) “Lenin and Philosophy and other Essays” translated by Ben
Brewster, La Pensee
Barak, Gregg, (2007): “Battleground Criminal Justice”, Greenwood Publishing Group.
Westport CN
Castillo, Fatima A. (2000): “Ethical Consideration in conducting Research Method”
PHSSA, Manila
Dean, Hartley. (2006): “Social Policy and Society”, Cambridge Polity Press, United
Kingdom
Enriquez, V. (2004): “Indigenous Psychology and National Conciousness in form
Colonial to Liberation Psychology: The Philippine Experience”, De La Salle University
Books, Dasmarinas Cavite
___________IBON Foundation Inc. (2008) “Chronically ill: An overview of Philippie
Health Sector.” Quezon City
Riley, D. (2008): “Engineering and Social Justice”, Morgan and Claypool Publishers
Rothstein, B. (1998): “Just Institutions Matter: The moral and political logic of Universal
Welfare State”, Cambridge Press
Smith, D. and Terry H. Osborn, (2004): “Spirituality, Social Justice and Language
Learning”, Age Publishing
Titmuss, R. (1951): “Problems of Social Policy”, HM Stationery
Wong, J. & Dela Luna, L. (2002) “Reforming the Philippine Drug Management System”.
Quezon City.
E-sources: Republic Act 1169: Philippine Charity Sweepstakes Office Charter, “An Act providing for
charity sweepstakes, horse races and lotteries”
Batas Pambansa Blg. 42, “An Act amending the Charter of Philippine Charity
112
Sweepstakes Office”
NSCB. (2008) www.nscb.gov.ph
DOH. (2011) www.doh.gov.ph
PIDS. (December, 2010) How are Public Hospitals Being Funded?. Makati City.
HEAD (2011). Ang Sweldo ng Health Workers. Manila.
UNFPA (2005). Maternal Mortality Rates of Filipino Women.
Artikulo: Social Climate: A Filipino definition of Social Justice, Mahar Mangahas, Philippine Daily
Inquirer, December 15, 2007.
http://www.expatforum.com/articles/health/health-care-in-the-philippines.html , The
Philippine Health Situation, 2009
http://bostonreview.net/BR25.1/daniels.html, Norman Daniels, “Justice, Health and
Health Care”, Tufts University, 1998
http://www.bulatlat.com, Marya Salamat, “Artikulo ng Pakikibahagi sa Kalusugan”, May
2011
www.ibon.org.com/Ph=healthforsale. (October, 2010) Ibon Facts and Figures: Health for
Sale. Quezon City.
<http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20100320-259759/PGH-
private-clinics-labs-plan-tied--to-row)
The Philippine Collegian (2011).<http://www.philippinecollegian.org/pgh-adjusts-rates-
charges-new-and-higher-fees/>
www.pdi.news.com/PCSOstopfundabuse=jerryesplanada, Philippine Daily Inquirer,
September 25, 2011
www.pdi.news.com/limitadosick=tinasantos/ Philippine Daili Inquirer, August 12, 2011
www.ibon.org,com/factsandfigures=sonnyafrica, IBON DataBank, CCT's expensive,
short sighted and artificial, April 11, 2011