26

United Nations 10-year Domestic

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: United Nations 10-year Domestic
Page 2: United Nations 10-year Domestic

Paunang Salita

Noong taong 1948 ang "Universal Declaration of Human Rights*" ay pinagtibay sa pagtitipon ng United Nations, at bilang isa sa mga miyembro ng internasyonal na komunidad, noong taong 1979 ang aming bansa ay gumawa ng hakbang upang ratipikahan ang “International Human Rights Code*”. Matapos ito, ang pagkakaroon ng mga kasunduan tulad ng “Refugees Convention*”, “Convention on the Elimination of All Forms of Racial Discrimination*” at iba pa ay nasimulan at noong Hulyo ng taong 1997 ang “United Nations 10-year Domestic Course of Action for Human Rights Education*” ay pinagtibay. Kasama dito ang “Human Rights Problems of Foreigners” bilang mahalagang tema at mabigyang daan ang mga aktibidades na magsusulong sa tamang kaalaman tungkol sa di pantay na pagtingin at diskriminasyon sa mga dayuhan. Dagdag pa rito, ang aming bansa ay nahaharap sa populasyon na may kakaunting bilang ng mga bata at tumataas na bilang ng mga matatanda, na nagdudulot ng kakulangan sa bilang ng Labor Force, di maiiwasan ang pagdami ng mga dayuhang manggagawa dito sa bansa. Dahil dito, mula ng mga nakaraang taon, ang Ministry of Administration ay gumagawa ng hakbang upang suportahan ang mga batas na naghihikayat sa pagdami ng mga Foreign Citizens, pagkakaroon ng simbayotikong relasyon sa pagitan ng mga dayuhan at lokal na mamamayan, at iba pa, at ang “Plano sa Pagsulong ng Simbayotikong Relasyong Multi-kultural (pansamantalang titulo)” ay isusulong simula sa taong 2005. Base sa record noong Disyembre ng taong 2004, ang mga Foreign Citizens (kasama na ang mga dayuhang walang citizenship) ay may bilang na 15,197. Kahit may maroong mga hindi pagkakaunawaan sa wika at kultura, itinuturing na rin bilang mga lokal na mamamayan na nakakatulong sa ekonomiya, kultura at iba pang aspeto ng pag-unlad ng Hiroshima. Dapat lamang na isulong ang pagbuo ng lungsod na magiging kaaya-ayang tirhan para sa mga dayuhan. Bilang karagdagan, binibigyang pansin din ang regular na pagdami ng mga dayuhang bumibisita upang mamasyal at maging ang mga dayuhang dumadalaw sa maikling panahon sa Hiroshima. It ang tinaguriang “Hiroshima Visitors Industry Strategy” kun saang isinaalang alang ang pagkakaroon ng bisita taon taon. Sa ngayon, base sa mga pinagtibay na tuntunin at sistemang angkop dito, at sa pagsasagawa ng iba't ibang mga hakbang, ang siyudad ng Hiroshima at mga mamamayan nito ay naglalayon na maisakatuparan ang malusog at masayang pamumuhay. Ito ay para sa ikasasaya ng mga dayuhang bisita at iba pa, ayon sa simbayotikong relasyong multi-kultural*.

Abril 4, 2006 Mayor ng Lungsod ng Hiroshima Tadatoshi AKIBA

Page 3: United Nations 10-year Domestic

Nilalaman

I Introduksyon ...................................................................................................................... 1 II Kasalukuyang Sitwasyon at mga Isyu................................................................................ 3

1 Pagbabago ng Populasyon ............................................................................................ 3 2 Mga Resulta ng mga Pag-aaral sa Tunay na Pamumuhay ............................................ 4 3 Kalagayan at Isyu Ukol sa mga Patakaran.................................................................... 8 4 Kalagayan at Isyu Ukol sa “New Comer” at Permanenteng Residente ...................... 14

III Mga Layunin at Aspeto ng Multi-kultural na Pagpapaunlad ng Lipunan ........................ 15 IV Mga Susunod na Hakbang sa Multi-kultural na Pagpapaunlad ....................................... 16

1 Pagbabago sa Systema ng Pamumuhay ...................................................................... 16 2 Pagkakaloob ng iba’t ibang Serbisyong Personal at Panlipunan ................................ 18 3 Pagtaguyod ng Kaalaman at Edukasyon ukol sa Karapatang Pantao ......................... 19 4 Pagbabago ng Kapaligiran tungo sa Multi-kultural na Kaunlaran.............................. 20

Mga Paliwanag........................................................................................................................ 21 (ang mayroong * na makikita sa lathalaing ito ay may karagdagang paliwanag dito)

Page 4: United Nations 10-year Domestic

- 1 -

I Introduksyon

Ang mga dayuhang naninirahan sa bansang Hapon ay mabilis na dumami simula noong kalagitnaan ng 1980s. Ang bilang ng mayroong “alien registration” noong 1984 na mga 841,000 ay lumago hanggang sa mga 1,915,000 ka tao noong 2003.

Samantala, ang mga dayuhang naninirahan sa Hiroshima ay dumami ng 28.2% mula sa

11,855 ka tao noong 1984 hanggang 15,197 ka tao noong 2004. Masasabing 1.33% o isa sa loob ng 75 ka tao na naninirahan sa Hiroshima ay dayuhan.

Noong 1992, itinatag sa Hiroshima ang isang sanggunian para sa karapatang pantao ng

mga dayuhan. Alinsunod din dito ang paglalagay ng mga signboard at mga paalala sa wikang dayuhan (o Ingles). Nagkaroon din ng mga suportang pinansyal at iba pang serbisyo lalo na sa mga taong walang inaasahang taunang sahod o pension. Nagbukas din ng mga oportunidad para malayang makapagtrabaho ang mga dayuhan kasama ng mga lokal na Hapones. Bukod pa rito, mayroon ding itinalagang mga “volunteer” para sa kapakanan at pangangailangan ng mga banyaga sa Hiroshima.

Itinatag noong 1997 ang isang “Lupon ng mga Dayuhang Residente sa Hiroshima”*

(pinangunahan ni Prof. Keizo Yamamoto, Hiroshima Shudo University, The Faculty of Law) para bigyang halaga ang mga pananaw ng mga dayuhan ukol sa lipunan. Sa pagpupulong na ito, may aktibong pagpapalitan ng iba’t ibang opinion at mungkahi tulad ng: (1) pagkakaroon ng permanenteng organisasyong makikinig sa mga opinyon at hinaing ng mga dayuhan, (2) pagtutuwid sa tunay na kalagayan at pamumuhay ng mga dayuhan, at (3) pagpapatupad ng mga patakarang angkop din para sa mga dayuhan.

Alinsunod sa mga mungkahi ng lupon, nabuo ang ikaapat na plano para sa Hiroshima

noong 1999. Nasasaad dito ang: (1) pagpapahalaga at konsiderasyon sa pamumuhay ng mga dayuhan tungo sa pagpapaunlad ng lipunan, at (2) pagunita na ang lipunan ay binubuo ng iba’t ibang kultura at ang lahat ay dapat isaalang-alang.

Sa taong 2001, naipatupad bilang panlipunang patakaran ang mga mungkahing binuo ng

“Lupon ng mga Dayuhang Resisdente sa Hiroshima*” (pinapangunahan ni Prof. Peter Gorlzbere, Hiroshima University, Faculty of Integrated Arts and Sciences). At sa taong 2002, ayon sa aktwal na mga pag-aaral ng tunay na kalagayan ng mga dayuhan sa Hiroshima, ay naipatupad ng ilang mga alintuntunin at patakaran (Chairman: Fumi Sadamatsu, Ass. Prof., Hiroshima Kokusai Gakuin University).

Page 5: United Nations 10-year Domestic

- 2 -

Sa pamamagitan nitong mga aktual na pagsusuri at konsultasyon at sa tulong din ng pamahalaan ukol sa karapatang pantao, mas mapapaayos ang pamumuhay ng mga dayuhan sa Hiroshima. Hindi lang nakakabuti para sa pamumuhay ng mga banyaga ang pagkakaroon ng mga ganitong alituntunin kundi higit sa lahat, maisasakatuparan ang pagtanggap at pagkilala sa isang multi-kultural na lipunan.

Page 6: United Nations 10-year Domestic

- 3 -

II Kasalukuyang Sitwasyon at mga Isyu

1 Pagbabago ng Populasyon

Nahahati sa dalawang malaking klasipikasyon ang mga dayuhan. May tinatawag na permanenteng residente* (mga dayuhang naninirahan bago pa ang digmaang pandaigdig) at ang mga tinatawag na “new comer”* (mga dayuhang hindi tinaguriang permanenteng residente). Hanggang Disyembre 1984, mahigit 20 taon na ang nakakaraan, ang bilang ng mga “new comer”ay umabot ng 11,855. Ito ay binubuo ng mga sumusunod: Koreano (10,604 o 89.4 %), Intsek (398 o 3.4%), Amerikano (328 o 2.8%), Pilipino (130 o 1.1%), Braziliano (10 o 0.1%), at iba pang mga banyaga (385 o 3.2%).

Samantala, kahit na mabilis ang pagdami ng mga imigranteng dayuhan noong mga kalagitnaan ng 1980s, ito ay huminahon naman sa simula ng 1990s hanggang umabot ang bilang sa 15,197 noong Disyembre 2004. Itu ay binubuo ng: Koreano (7,362 o 48.4%), Intsek (3,469 o 22.8%), Pilipino (1,660 o 10.9%), Braziliano (678 o 4.5%), Amerikano (548 o 3.6%), at iba pa (1,480 o 9.8%). Tingnan ang Chart 1.

11,855 12,372

14,081 13,903 14,15615,197

10,00011,00012,00013,00014,00015,00016,000

1984 1988 1992 1996 2000 2004 taon

0% 10% 20% 30% 40% 50% 60% 70% 80% 90% 100%

2004

2000

1996

1992

1988

1984

Koreano Intsek Pilipino Braziliano Amerikano Peru Iba pa

Sa kabuuan, tumaas ang populasyon ng mga dayuhan ng 3,342 (28.2%) mula noong

Chart 1. Pagbabago sa bilang may mayroong "Alien Registration" sa Hiroshima

Pagbabago sa bilang ng mga dayuhan sa Hiroshima

Page 7: United Nations 10-year Domestic

- 4 -

1984 hanggang 2004. Makikita sa “graph” na karamihan ng mga nasyonalidad ay dumami tulad ng mga Instek (tumaas ng 3,071), mga Pilipino (tumaas ng 1,530) at mga taga-Brazil (tumaas ng 668) ngunit bumaba naman ang bilang ng mga Koreano (bumaba ng 3,242). Kahit na makikitang bumaba ng halos kalahati ang bilang ng mga Koreano (mula sa 89.4% ay naging 48.4%), malaki naman ang itinaas ng iba pang nasyonalidad kabilang ang mga Intsek mula sa 10.6% na naging 51.6%.

Sa katunayan, mayroong pagtaas sa bilang ng mga dayuhan sa Hirohima taon taon kung saan umabot ng 217,000 noong 2004. Tinaguriang malakas sa Hiroshima ang tinatawag na “Hiroshima Visitors Industry Strategy”* kung saang hinihikayat ang mga dayuhan para dumayo and bumisita sa bayan. Sa dahilang ito, tinatayang mas lalaki pa ang populasyon ng mga dayuhan sa Hiroshima sa susunod na mga taon.

2 Mga Resulta ng mga Pag-aaral sa Tunay na Pamumuhay

Sa pamamagitan ng aktwal na pag-aaral at pagsusuri sa tunay na kalagayan ng mga

dayuhang naninirahan sa Hiroshima, nakuha ang mga sumusunod na mga resulta. Ayon sa pag-aaral, itinatayang 97.1% ng mga Koreano halimbawa, na tinaguriang mga permanenteng residente (o mga dayuhang naninirihan sa Hiroshima ng mahigit sa 20 taon) ay mananatili sa Hiroshima sa susunod pang mga taon. Para sa mga “new comer” naman, tinatayang halos 65.4% sa kanila ay mananatiling naninirihan sa Hiroshima (Chart 2).

82.2

51.7

69.2

62.5

68.3

69.3

68

97.1

34.6

5.4

17.8

48.3

30.8

37.5

31.7

30.7

32.0

2.9

94.6

65.4

0% 10% 20% 30% 40% 50% 60% 70% 80% 90% 100%

Korea: Bago

Korea: Total

Kabuuan

Amerika at Europa

Sentral/Timog Amerika

Iba pa sa Asya

Pilipinas

Tsina

Korea: <20 yr

Korea: >20 yr

Mananatiling maninirahan sa Hiroshima Pauwi-uwi sa Bayan

Chart 2. Bilang ng mga dayuhang mananatiling maninirahan sa Hiroshima

Page 8: United Nations 10-year Domestic

- 5 -

Ayon din sa pagsusuri, mayroong 82.9% ng mga dayuhan ang nag-aalala tungkol sa dikriminasyon sa trabaho, karapatang politikal, pagpapakasal, o sa tirahan (Chart 3 at 4).

82.9

78.3

72.5

75

75

90.2

90

82.7

17.1

21.7

27.5

25.0

25.0

9.8

10.0

17.3

0% 10% 20% 30% 40% 50% 60% 70% 80% 90% 100%

Kabuuan

Amerika/Europa

Sentral/Timog Amerika

Iba pa sa Asya

Pilipinas

Tsina

Korea: <20 yr

Korea: >20 yr

mayroon wala

31.5

22.6

19.8

17.6

14.2

13.2

13

12.3

11.9

10.2

8.2

5.5

4.6

4.6

4.5

2.9

1

0 5 10 15 20 25 30 35

Trabaho

Pagpapakasal

Police

Publiko

Credit Card

Pangalan

Paaralan

Hospital

Sauna

Chart 3. Diskriminasyon sa mga dayuhan

Chart 4. Lugar ng diskriminasyon

Page 9: United Nations 10-year Domestic

- 6 -

Resulta din ng pag-aaral ang kakulangan ng kakayahang pangkomunikasyon ng karamihan sa mga sanggunian at mga tanggapan sa lungsod. Ang mga dayuhang hindi nakakapagsalita ng wikang Hapon, kahit pa na mayroong importante na dapat ikonsulta, ay kadalasang hindi naiintindihan at hindi rin makapahayag ng maayos. Sa dahilang ito, iminumungkahi ang pagkakaron ng mga tanggapang may kakayahan sa iba’t ibang wika (Chart 5 at 6).

86.3

80.5

88.9

88.9

76.4

73.3

62.3

9.1

15.9

5.6

6.9

14.5

11.1

14.1

4.6

3.6

5.5

4.2

9.1

15.6

23.6

0% 20% 40% 60% 80% 100%

Iba pa sa Asya

Amerika/Europa

Sentral/Timog Amerika

Pilipinas

Tsina

Korea: <20 yr

Korea: >20 yr

mahalaga hindi masyado hindi mahalaga

86.9

74.4

88.5

88.7

88.7

89.2

79.5

4.3

14.6

2.9

4.3

6.9

4.3

5.3

8.8

11

8.6

7

4.4

6.5

15.2

0% 10% 20% 30% 40% 50% 60% 70% 80% 90% 100%

Iba pa sa Asya

Amerika/Europa

Sentral/Timog Amerika

Pilipinas

Tsina

Korea: <20 yr

Korea: >20 yr

mahalaga hindi masyado hindi mahalaga

Chart 6. Kahalagahan ng marunong ng wikang dayuhan sa mga tanggapan

Chart 5. Kahalagahan ng kakayahan sa ibang wika ng mga tauhan sa pamahalaan

Page 10: United Nations 10-year Domestic

- 7 -

May mga bagay bagay din sa lipunan na hindi alam ng karamihang dayuhan tulad ng mga serbisyong pangkabuhayan at pampubliko na dapat ay mapakinabangan din nila. Ngunit ito din naman ay unti-unting nauunawaan at nagiging malinaw para sa mga dayuhang resisdente (Chart 7 at 8).

19.5

24.4

25.4

26.0

26.2

28.1

32.9

34.0

42.3

43.8

48.5

61.6

69.9

72.5

85.9

71.3

41.3

36.1

35.2

17.1

11.0

22.3

29.7

13.9

15.5

9.7

4.9

9.8

4.0

9.1

34.2

38.5

38.8

56.6

60.9

44.8

36.3

43.8

40.7

41.8

33.5

20.3

26.2

10.1

1.3

0% 10% 20% 30% 40% 50% 60% 70% 80% 90% 100%

Tagtapun ng Basura

Bakuna

Pagbubuntis

Konsulta ng sanggol

Pabahay

Kaligtasan

Suporta sa anak

Medical checkup

Nursing insurance

Medical funds

Seminar publiko

Welfare fund

Counseling

Interpreter

Beaserobe

hindi alam ginagamit hindi ginagamit

8.6

9.8

13.7

14.2

18.4

44.2

48.3

55.2

50.0

41.8

34.9

33.8

27.6

9.6

13.8

3.6

41.4

48.4

51.5

52.0

54.0

46.2

37.9

41.2

0% 20% 40% 60% 80% 100%

Peace Commemoration Hall

Aklatan

Sports Center

Public hall

Munisipyo

Dormitoryo

International Lounge

Youth Center

hindi alam ginagamit hindi ginagamit

Bukod pa dito, ang iba pang importanteng impormasyon lalo na tungkol sa

transportasyon, medikal, trabaho at buwis ay unti-unti ding nalalaman at naiintindihan.

Chart 7. Kaalaman ng mga dayuhan tungkol sa mga serbisyo ng pamahalaan

Chart 8. Kaalaman ng mga dayuhan tungkol sa mga publikong pasilidad

Page 11: United Nations 10-year Domestic

- 8 -

3 Kalagayan at Isyu Ukol sa mga Patakaran

Sa kasalukuyan, ang lungsod ng Hiroshima ay nahaharap sa mga sumusunod na mga sitwasyon at mga isyu. (1) Konsultasyon at pagpapahayag ng impormasyon

Sa Hiroshima Peace Culture Foundation ay mayroong mga “lounge” o silid na bukas sa publiko lalo na sa mga dayuhang nais magtanong o makipag-usap sa wikang Ingles. Maliban dito mayroon ding mga serbisyong telepono sa pamamagitan ng “3-person system”kung saan mayroong tagapamagitan na marunong masalita ng ibang wika gaya ng Intsik, Koreano at Espanyol. Bukod pa rito, may mga importante ring impormasyon tulad ng lathalain na “Ang Mamamayan ng Hiroshima at ang Lipunan”na inilalabas sa “HIRO CLUB NEWS”at sa kanilang internet home page na gamit ang wikang Ingles.

Ang Centro ng Pagunita sa Kapayapaan (Peace Commemoration Hall) ay may mga pampleto o flyers na gamit ang 10 iba’t ibang wika. May roon ding mga “voice guides”na nasalin sa labimpitong wika na maaring pagpilian.

Mayroon ding ipinalalabas na mga “Pocket Information Guides” lalo na sa “tamang pag-uuri at pagtapon” ng basura. Sa transportasyon, ang mga babala at mga tanda na dati ay puro sa wikang Hapon, ay nalalagyan na rin ng katumbas nito sa wikang Ingles.

Subalit, malapit sa 50% ng mga dayuhan ang walang alam patungkol sa mga “lounges” ng Hiroshima Peace and Cultural Center kung saan maari silang magtungo. Halimbawa, 55.2% sa kanila ay hindi alam na mayroong International Youth Lounge, 48.3% ang hindi alam tungkol sa International Exchange Lounge, at 44.2% ang hindi alam ang International Student Lounge. Sa dahilang ito, kinakailangang pag-aralan din ang mabuting pamamaraan at lugar kung papaano maipahayag ang mga impormasyon sa wikang Ingles man o iba pang wika.

Karamihan sa mga serbisyo sa lungsod man o sa munisipyo ay agad namang maibibigay. Subalit, sa dahilang hindi pagkakaintindihan at sa kawalan ng tagapagsaling wika, nagiging mahirap ang pagtukoy sa mga hiling at pangangailangan ng mga dayuhan.

Ang halaga ng kakayahan ng pamahalaan na matugunan ang problema sa wika ay hindi lamang para sa mga dayuhang residente ng Hiroshima kundi pati na rin sa mga turista at bakasyonista. Ang paglilimbag sa iba’t-ibang wika at pamimigay ng mga brochure, poster at mga babasahin tungkol sa turismo ng Hiroshima, ay higit na makakatulong sa paglago ng torismo sa lungsod.

(2) Kalusugan, pagpapagamot, at pensyon

Sa pagpapakonsulta, may mga itinatalagang mga “interpreter” na marunong ng Portuges at iba pang mga wika. Handa silang tulungan ang mga dayuhan sa pagsalin ng wikang hapon lalo na sa pag-proseso ng mga papeles na kailangan tulad sa pagpapabakuna, at pagkuha ng medical insurance. Subalit hindi din naman matagumpay ang ganitong serbisyo sapagkat kakaunti lng sa mga dayuhan ang

Page 12: United Nations 10-year Domestic

- 9 -

nakakaalam nito. Kaya, kinakailangan pa ring pag-aralan ang epektibong pamamaraan ng pagtatalaga ng mga “interpreter”.

Mayroong ding mga lathalaing nilimbag sa iba’t ibang wika tulad ng “Makana at sanggol na manwal ng kalusugan” (8 na wika), “Impormasyon tungkol sa Bahay Paalagaan ng mga Bata” (6 na wika), “Nursing Insurance Pamphlet” (Koreano), at “Book on Public Assistance” (Intsik).

May mga serbisyong pinansyal ding ipinapatupad sa lungsod lalo sa mga dayuhang hindi pumasa para tumanggap ng pension mula sa pamahalaan.

Ngunit, kakaunti lang sa mga dayuhan na may alam tungkol sa ganitong mga serbisyo. Ayon sa pananaliksik, ito ang porsyento ng mga dayuhang hindi alam ang iba’t ibang serbisyo medical: paghingi sa serbisyo ng interpreter (72.5%), welfare assistance (61.6%), hospitalisasyon (43.8%), insurance (42.3%), at pagpakonsulta at check-up (34.0%). Kinakailangang malaman at maintindihan lalo na ng mga dayuhang hindi marunong bumasa at sumulat sa wikang Hapon, ang ganitong mga kapakipakinabang na mga serbisyo.

(3) Kaligtasan at pag-iwas sa aksidente

Maliban sa mga ibinibigay na mga pampleto at babasahin tungkol sa kaligtasan sa panahon ng kalamidad, mayroon ding mga video tulad ng “119 Emergency Call” na mapapanood din sa 5 wika. “May roon ding mga kard” sa 15 wika na nagsasaad ng mga ligtas na lugar sa panahon ng kalamidad para sa mga dayuhan.

Subalit, kahit sapat ang mga babasahin tungkol sa kaligtasan, nagiging problema pa rin ang paghikayat sa mga dayuhan upang sumali sa mga “emergency drills” sa kanikanilang mga lugar, bahay, o bahay-paupahan. Sa paraang ito sana iniinsayo ang mga nararapat na pamamaraan sa panahon ng sunog, lindol at iba pang kalamidad. Mas lalong mahirap hikayatin ang mga dayuhang bagong dating o mga “new comer” tulad ng mga turista at bakasyunista sa dahilang wala silang kaalamalam tungkol sa wika at kulturang Hapon.

(4) Pabahay at trabaho

Pangunahing pangangailangan ang bahay at trabaho para makamit ang maginhawang pamumuhay. Kapag natupad na ang ganitong pangangailangan, ay madali din ang magkakaroon ng pagkakabuklod-buklod ang mga mamamayan sa lipunan. Ayon sa pag-aaral, 36.1% ng mga dayuhan ay nagmamay-ari ng sariling bahay at 53.9% naman ang nangungupahan. Ang mga estudyante namang nangungupahan sa mga dormitory ay 1.3% at ang mga empleyadong naninirihan sa pabahay ng kompanya ay 6.2%. Makikitang mataas ang bilang ng mga nangungupahan sa mga apartment. 20.0% sa kanila ang nangungupahan sa pampublikong pabahay at 33.9% naman sa pribado.

Kabilang sa mga dahilan ng pagpili ng tirahan ay ang layo sa trabaho at praktikalidad sa pamumuhay. Maliban dito marami pang mga bagay-bagay na dapat isaalang-alang sa pagpili ng tirahan kung kaya kinakailangan din ang epektibong pamamahayag ng impormasyon tungkol dito. Sa dahilang ito, kailangan ding

Page 13: United Nations 10-year Domestic

- 10 -

magkaroon ng mga pahiwatig sa iba’t ibang wika tungkol sa pabahay o paggawa ng “guidebook” sa pagpili ng tirahan. Mahalaga ding malaman ng mga dayuhan ang mga nakaugaliang kultura at gawi sa lipunang Hapon tulad ng pagbibigay ng deposito, key money, at iba pa sa tuwing lilipat sa bagong tirahan.

Sa pagkakaroon ng trabaho, iminumungkahi din ng lungsod at munisipyo ang pagtanggap sa mga dayuhan ng mga kompanya o maging mga tindahan. Ang suporta na ito ng pamahalaan ay makakatulong upang malayang makapaghanap at makapili ng trabaho ng walang diskriminasyon ang mga dayuhan. Sa katunayan, nagbibigay din nga ng mga konsiderasyon ang lungsod laban sa mga mahigpit na kwalipikasyon ng mga manggagawa. Isang halimbawa ay sa pagiging isang bombero.

(5) Edukasyon

Resulta din ng pag-aaral ang pangangailangan sa edukasyon tungkol sa lahi at kultura kung saan tinuturo ang mga tradisyon, gawi, at kulturang Hapon.

Sa larangan ng edukasyon, may roong mga serbisyo at suporta tulad sa pagpapasok ng bata sa bagong paaralan at pagbubuo mismo ng tinatawag na “international school”. Hindi naman karaniwang problema ang pagtanggap ng Paaralang Nasyonal ng Hiroshima sa mga estudyanteng nagtapos sa ibang paaralan o bansa. Subalit may mga pagkakataong nagkakaroon ng miskomunikasyon and hindi pagkakaintindihan tungkol sa mga obligasyon at proseso tulad halimbawa ng pagpasok sa mataas na paaralan.

Binibigyang halaga din ang malusog na paglaki at wastong pag-iisip ng mga bata kung kaya hinihikayat din ang pagpasok ng mga ito sa paaralan. Kinakailangan nga lang na maintindihan ang tunay na kalagayan ng paaralan, iba’t ibang pangangailangan ng mga bata at at pagpapabuti ng mga pamamaraan ng paggabay sa mga estudyante lalo na sa mababa at mataas na paaralan.

Hindi ganoon kadami ang pagkakataong maunawaan ang kultura at mga gawi sa sistemang Hapon. Para sa mga taong may pag-aalala at mga tanong, may roong mga tinakdang mga silid at mga kurso para sa pag-aaral ng wikang hapon na bukas sa publiko. May mga aklat din tungkol dito na mababasa sa iba’t ibang wika na maaring mahiram mula sa mga aklatan at sa International Youth Lounge.

Page 14: United Nations 10-year Domestic

- 11 -

Ngunit, ang bilang ng mga dayuhang gumagamit ng mga sistema at serbisyong ito ay kakaunti. Ang bilang ng hindi nakagamit ng Municipal Cultural Center ay 54.0%, ang hindi naman nakagamit ng bulwagang publiko at Sportscenter ay 52.0% at 51.5%, at ang hindi nakagamit ng aklatan ay 48.4%. Dahil dito isinaalang-alang ang pagsasaayos ng pamamaraan ng tinatawag na PR or “Press Relations” tulad ng pagkakaroon ng klasipikasyon sa edad. Sa pamamagitan nito, mas maraming mga dayuhan ang makakaalam ng iba’t ibang serbisyo na para sa kanila. Kasabay din dito ang pagpapalakas ng komunikasyon sa gitna ng mga dayuhan at Hapones.

(6) Pagpapahalaga sa karapatang pantao

Ang mga dayuhang “new comer” mula sa Amerika, Europa, Pilipinas at ibang pang bansa sa Asya ang kadalasang nakakadama ng diskriminasyon mula sa lipunang Hapones. Ito ay maging sa bayan, sa restauran, o sa mga pamilihan man. Subalit, ang mga permanenteng residente naman ay hindi na gaanong nakakadama nito. Ito malamang ay dahil sa estado nila sa lipunan tulad ng pagpapakasal sa isang Hapones, pagkakaroong ng regular na trabaho kung saan nagkakaroon sila ng mas matatag na karapatang politikal.

Ang problema ay hindi nasa mga dayuhan kung bakit may roong diskriminasyon kundi itu nasa mga lokal na Hapones kung papano sila magkakaroon ng konsiderasyon.

Para matugunan ang ganitong problema, ipinamimigay sa lungsod ng Hiroshima ang mga babasahin at mga pampletong nagmumungkahi sa pagkakaroon ng kooperasyon at pagkakabuklod-buklod ng mga mamamayang banyaga at Hapones. Maliban dito, may roon ding mga konsultasyon at mga pagpupulong para mapag-usapan ang iba’t ibang problema at pag-aalala tungkol sa karapatang pantao. Ito ay ginaganap kasabay ng mga panlipunan at internasyonal na pagdiriwang. May mga itinatalaga ding mga tauhan na nakapag-aral at nakapagsanay sa larangan ng karapatang pantao ng mga dayuhan.

Dagdag pa rito, sa dahilang dumadami pa ang populasyon ng iba’t ibang nasyonalidad sa lipunan, kinakailangan na mas palawakin pa ang kaalaman tungkol sa mga isyu sa karapatang pantao ng mga dayuhan. Sa pamamagitan ng malakas na kooperasyon ng lahat na mamamayan, maging Hapones man o banyaga, ay madaling makamit ang ganitong adhikain.

(7) Tulong para sa mga dayuhang estudyante

Noong 1984, ang Pamantasan ng Edukasyon sa bansang Hapon ay bumuo ng pangkalahatang plano tungkol sa mga dayuhang mag-aaral sa ika-21 siglo.

Page 15: United Nations 10-year Domestic

- 12 -

Nasasaad dito na aabot sa 100,000 na mga estudyante ang tatanggapin sa buong bansa. At simula nong Marso 1999, nagkakaroon ng mga pagbabago sa pamantasan tungo sa pagpapaunlad ng kanilang kakayahan sa internasyonal na kooperastion at sa pagpapatatag ng kanilang suporta para sa mga dayuhang mag-aaral mula sa taong 2000. Kabilang sa mga pagbabagong ito ay ang: (1) pagpapaayos ng mga silid at kagamitan sa mga paaralan at unibersidad para sa mas epektibong edukasyon, (2) pagkakaroon ng “International student system” na bukas sa buong mundo, at (3) pagpapalakas ng suporta ng pamahalaan sa mga dayuhang iskolar at mag-aaral.

Sa pangkalahatan, umaabot sa 1,026 ang dayuhang nag-aaral sa Hiroshima. Ito ay binubuo ng mga Instek (82.0%), mga Koreano (6.8%) at iba pang bansa sa Asya tulad ng Indonesia (6.5%). Makikita na halos 95% ng mga dayuhang estudyante ay mula sa Asya (Chart 9).

Bilang suporta sa mga estudyanteng ito, mayroong mga serbisyong pinansyal at “scholarships” ang pamahalaan at ang lungsod ng Hiroshima. Nagpatayo din noong Abril 2001 ng International Student Hall kung saan maaring manirahan ang mga estudyante sa mas mababang halaga. Kahit mga 100 lang maaring pumasok dito, may roon ding iba pang mga dormitoryo at mga bahay paupahan sa lungsod. Subalit, kinakailangan pa ring mapaganda at mapaibayo ang iba’t ibang serbisyo para sa mga estudyante. Sa tulong at kooperasyon ng mga mamamayan, mas giginhawa ang buhay ng mga estudyante habang naninirahan sila sa lipunang Hapones.

(8) Panlipunang partisipasyon

Sa layon na mapakinggan ang panig ng mga dayuhang mamamayan, nagkakaroon ng mga konsultasyon at mga questionnaire tungkol sa kanilang mga opinion sa pagpapaunlad ng lipunan. Maliban dito, binigbigyan din ng karapatan ang mga permanenteng residenteng 18 taong gulang pataas na makapag-boto sa eleksyon ayon sa “Hiroshima City Referendum Ordinance”*.

6.8%

6.6%1.4%2.4% 0.8%

82.0%

Tsina

Korea

Asya

Amerika/Europa

Sentral/TimogAmerikaIba pa

Chart 9. Mga dayuhang estudyante

Page 16: United Nations 10-year Domestic

- 13 -

Ngunit, kahit na maganda ang adhikain ng pamahalaan, 42.8% ng mga dayuhan ay hindi rin sumasali sa mga panlipunang asosasyon at mga grupo (Chart 10). 80.1% ng mga dayuhan ay hindi kabilang sa mga organisasyong pangkabuhayan, 75.4% naman ang hindi kabilang sa asosasyon tulad ng Japanese and International Exchange, at 66.6% naman ang hindi kabilang sa mga grupong tumutugon sa edukasyon at kabataan. Dahilan dito, kinakailangan na mapalawak at mapatatag ang kooperasyon ng mga dayuhan at ng pamahalaan upang mapalakas ang partisipasyon ng mga banyagang mamamayan sa pagpapaunlad hindi lamang ng kanilang buhay kunti ng buong lipunan.

42.8

66.6

75.4

80.1

8.7

8.1

12.1

11.8

48.5

25.3

12.5

8.1

0 10 20 30 40 50 60 70 80 90 100

Lokal (Barangay)

Asosasyon sa paaralan

Grupo ng dayuhan atHapones

Pangkabuhayan

hindi kasali gustong sumali kasali

Chart 10. Paglahok ng mga dayuhan sa panlipunang asosasyon

Page 17: United Nations 10-year Domestic

- 14 -

4 Kalagayan at Isyu Ukol sa “New Comer” at Permanenteng Residente

Base sa mga pag-aaral, ang mga sumusunod ay mga isyu at mga hinaing ng dalawang grupo ng mga dayuhang mamamayan: ang mga permanenteng residente at ang mga “new comers”.

(1) Permanenteng Residente

a Karamihan ay hindi nakakaalam at nakakaintindi sa mga serbisyo ng pamahalaan tulad ng medikal at pension. Halimbawa nito ay 63.3% ang hindi alam ang tungkol sa serbisyo ng mga “interpreter”, 57.8% ang hindi alam tungkol sa tulong pinansyal sa pangkabuhayan, 33.5% naman ang walang alam sa sebisyung medikal, 19.5% ang hindi alam ang mga benepisyo ng insurance, at 31.6% naman ang hindi gumagamit ng serbisyo sa konsultasyon at medical check up.

b Hinihikayat din nla ang pagkakaroon ng pagbabago sa mga patakaran tungkol sa pagkuha ng taunang pension.

c Nagiging problema din ang mga matatanda at mga senior citizen na marami din ang hindi marunong bumasa at sumulat (6.9%).

d Hindi masyadong nauunawaan ang mga probisyon tungkol sa karapatan sa eleksyon. Maging ang mga impormasyon tungkol sa mga pangrehiyon ang panglungsod na mga aktibidad ay kakaunti.

e Sa larangan ng edukasyon naman, hinihiling ang mas maayos na supporta sa pagpasok ng mga dayuhang bata sa lokal na paaralan. Kasama na rin dito ang pagbubuo ng tinatawag na International Schools.

(2) New Comer

a Sa dahilang halos lahat ng mga impormasyon sa lipunan ay sa wikang Hapones, hindi nagiging epektibo ang mga ito. Karamihan sa mga dayuhang mamamayan (60% maliban sa mga Intsek) tulad ng mga Pilipino, Amerikano at iba pa ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng pagsasalin ng mga impormasyon sa ibang wika tulad ng Ingles.

b Ang mga tanggapang may kakayahan sa iba't ibang wika ay hindi ring tuluyang napapamalagi.

c Ang mga impormasyon kung saan maaring makapag-aral ang wika at kulturang Hapon ay hindi sapat.

d Sapagkat kulang ang kaalaman ng mga dayuhan ng wikang Hapones, hindi sila aktibong nakakasali sa mga pagpupulong. Bukod pa rito, hindi rin nagkakaroon ng magandang komunikasyong kahit man lamang sa mga kapit-bahay dahil sa problema sa wika.

e Sa mga hakbang pangkaligtasan at sa mga prosesong medikal, hindi rin napamamalagi ang suporta para sa ibang wika kahit sa Ingles. Kaya maging sa hospital o kahit sa estasyon ng polis ay mayroong problema sa wika.

Page 18: United Nations 10-year Domestic

- 15 -

III Mga Layunin at Aspeto ng Multi-kultural na Pagpapaunlad ng Lipunan

Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing layunin sa multi-kultural na pagpapaunlad ng lipunan:

1 Magpapanatili ng bukas na konsultasyon sa mga banyagang residente at mga turistang

kulang ang kakayahan sa wikang Hapones, upang mas maging kapakipakinabang sa kanila ang mga serbisyo at programa ng pamahalaan.

2 Pagpapaibayo ng mga suporta lalo na sa mga bagong lipat at mga dayuhang estudyante

upang mapapadali ang pag-ayon at pakikibagay nila sa kanilang bagong lipunan. 3 Pag-aalis sa anumang uri ng diskriminasyon sa mga dayuhan, pagpapalakas ng

pagpapahalaga sa karapatang pantao, at pagbibigay ng sapat na pagkakataong makasali ang mga dayuhan sa mga aktibidad at pagdiriwang sa lungsod at bayan.

4 Pagbibigay ng pantay-pantay na karapatan kahit magkaiba man ng kultura o wika tungo

sa pagkakabuklod-buklod para makamit ang matiwasay na pag-unlad ng lipunan. Kasama na rin dito ang pantay-pantay na oportunidad sa edukasyon at trabaho.

Page 19: United Nations 10-year Domestic

- 16 -

IV Mga Susunod na Hakbang sa Multi-kultural na Pagpapaunlad

1 Pagbabago sa Systema ng Pamumuhay

(1) Konsultasyon at pamamahagi ng impormasyon a Paglathala ng mga impormasyon sa iba’t ibang wika lalo na sa Ingles tulad ng sa

internet home page ng Lungsod ng Hiroshima. Sa pamamagitan nito, kahit ang mga turista at mga bisita ay matutulungan.

b Pagkakaroon ng iba’t ibang pamamaraan ng pamamahayag ng impormasyon. c Pagbibigay ng mga babasahin o booklet sa iba’t ibang wika na nagpapaliwanag

ng mga pangunahing impormasyon tungkol sa pamumuhay sa lipunang Hapones.

d Paglilimbag ng mga pahayagan, atbp. sa iba’t ibang wika. Kung nakalimbag man sa wikang Hapon, nakakatulong din ang paglalagay ng “hiragana ruby” sa taas ng mga kanji para mas madaling basahin.

e Ang pagkakaroon ng “3-person system” na serbisyo sa telepono ay ipagpapaibayo.

f Pagpapabisa ng mga “lounges”at pagkkaroon ng mas aktibong pakikipagtalastasan.

g Pagtatalaga ng mga volunteer at mga interpreter sa mga tanggapan, paaralan at iba pang pampublikong lugar.

h Katulong din ang mga NPO* (Non-Profit Organizations) sa pagtulong at pagsuporta sa kabuhayan ng mga dayuhang mamamayan.

i Pagpapaganda at pag-aayos ng mga hotel at mga restauran sa kapakanan ng mga dayuhan, kasama na ang mga turista at bisita, para maging mas maginhawa ang kanilang pamamalagi sa Hiroshima.

j Pagtatayo ng sentro para sa impormasyon at konsultasyon ng mga dayuhan sa tulong din ng mga organisasyon at grupo sa lipunan.

k Pagsasalin sa ibang wika (tulad ng Ingles) ng mga babala at simbolong pangtrapiko, mga paalala at direksyon, mga tanda sa mga gusali, at maging mga etiketa ng mga produkto.

(2) Kalusugan, pagpapagamot, at pension

a Pagsasalin sa iba’t ibang wika ng mga programang pangkalusugan at medikal. b Pagpapabisa ng pagtatalaga ng mga interpreter sa mga lugar tulad sa

pagpapakonsulta medikal at iba pa.

Page 20: United Nations 10-year Domestic

- 17 -

c Pag-aaral sa mga mabisang pamamaraan tungkol sa serbisyo ng mga interpreter lalo sa pagpapagamot sa tulong mga NPO.

d Pagibigay impormasyon tungkol sa iba’t ibang institusyong medikal, klinika, o hospital at pagkakaroon ng mga doctor na marunong ng ibang wika maliban sa wikang Hapones.

e Pagkakaroon ng kooperasyon sa mga organisasyon ng mga doctor sa bansa sa pagsasalin ng mga babala, anunsyo at mga impormasyon sa hospital o kilinika sa wikang Ingles at iba pang wika.

f Pagkakaroon ng kooperasyon sa Social Insurance Office sa pagpapabisa ng pamamahayag ng impormasyon tungkol sa mga benepisyo at pamamaraan ng pagkuha ng insurance at pension. Kabilang din dito ang paggawa ng mga booklet sa iba’t ibang wika ukol dito.

g Pagpapalakas ng suporta sa karapatang pantao lalo sa mga DV* o Domestic Violence at pagkakaroon ng koordinasyon sa mga nararapat na ahensya at organisasyon.

(3) Kaligtasan at pag-iwas sa aksidente

a Paghahanda ng mga “guides” at booklet tungkol sa kaligtasan at mga gabay sa panahon ng kalamidad. Ipapaloob din dito ang mga halimbawa hango sa mga ulat at balita ng 119. Ang mga impormasyong ito na nasalin sa iba’t ibang wika ay ipamimigay sa mga dayuhang mamamayan kasama na rin ang mga turista at bakasyunista.

(4) Pabahay at trabaho

a Pagbibigay ng mahalagang impormasyon sa iba’t ibang wika tungkol sa paglilipat ng tirahan na naaayon sa mga patakaran ng munisipyo.

b Pagkakaroon ng pagsangguni sa mga nararapat na organisasyon sa lipunan tungkol sa mabisang pamamaraan ng pagpapaunawa sa mga dayuhan ng mga nakaugaliang gawi, tradisyon at kultura ng paninirahan sa lungsod o bayan.

c Pagbibigay ng mga impormasyon sa tulong ng pambansa at panglungsod na mga sanggunian tungkol sa mga oportunidad sa trabaho.

(5) Edukasyon

a Pagpapalawak ng sakop sa pagpapahayag ng mga impormasyon tungkol sa edukasyon. Magkakaroon din ng mga booklet sa iba’t ibang wika ukol sa pamamaraan ng pagpasok sa paaralan para magbigay gabay sa mga dayuhang mag-aaral.

b Pagkakaroon ng mga babasahin tulad ng mga pahayagan at magasin sa mga aklatan na inilimbag sa iba’t ibang wika.

c Pagbibigay impormasyon tungkol sa mga gamit at pasilidad sa mga Sportscenter at paglilimbag nito bilang brochure o leaflet sa iba’t ibang wika.

Page 21: United Nations 10-year Domestic

- 18 -

2 Pagkakaloob ng iba’t ibang Serbisyong Personal at Panlipunan (1) Kalusugan, pagpapagamot, at pensyon

a Pagpapaganda ng mga serbiso lalo na pinansyal para sa mga senior citizen at sa may mga kapansanan.

b Pagpapaayos ng sistema sa pagpapautang at tulong pinansyal nang naayun sa patakaran ng munisipyo.

c Pagbibigay tulong sa pagpapagamot lalo na sa sitwasyong may matinding pangangailangang medikal o “emergency medical treatment”*.

(2) Kaligtasan at pag-iwas sa sakuna

a Paghihikayat sa mga mamamayang sumali sa mga “emergency drill” o ensayo para sa panahon ng kalamidad o aksidente.

b Pagpapabisa sa pamamaraan ng pamamahayag ng mga alituntunin at gabay sa panahon ng sakuna o kalamidad.

(3) Pagkakaroon ng trabaho

a Pagkakaroon ng mga pagsusuri tulad ng “civil service examination” at “teacher’s license examination” na naaangkop para sa mga dayuhan.

(4) Edukasyon

a Pagtulong sa pagkakaroon ng sabat na kaalaman sa wikang Hapon ang mga mag-aaral lalo na sa mga umuuwi sa kanilang bansa at bumalik sa bansang Hapon.

b Pagsuporta sa pagkakaroon ng tinatawag na mga “International Schools”. c Pag-aaral sa mga problema at hinaing ng mga dayuhang mag-aaral para mas

mapabisa ang paghikayat sa mga itong pumasaok sa paaralan.

(5) Suporta sa mga dayuhang mag-aaral a Pagpapanatili ng suporta sa mga dayuhang estudyante sa pamamagitan ng mga

murang pabahay at dormitories. b Papapaibayo sa mga programa tulad ng mga “scholarships” at pag-aaral sa iba

pang mga proyektong makakatulong sa mas maginhawang pamumuhay at pag-aaral ng mga estudyanteng dayuhan.

Page 22: United Nations 10-year Domestic

- 19 -

3 Pagtaguyod ng Kaalaman at Edukasyon ukol sa Karapatang Pantao

(1) Pabahay at trabaho a Pagtulong sa mga dayuhang nais lumipat ng tirahan sa pamamagitan ng

pagbibigay konsiderasyon sa ibang katangiang nasasaad sa mga patakaran ng lungsod at munisipyo.

b Paghihikayat sa mga mamumuhunan at korporasyon na palakasin ang pagkakaroon ng pantay-pantay na pakikitungo at oportunidad sa mga tauhan at manggagawa, maging Hapones man o dayuhan.

(2) Edukasyon

a Pag-aaral upang mas maunawaan ang mga kultura at gawi ng iba’t ibang nasyonalidad at pagkakaroon ng mga patakaran upang maalis ang anumang uri ng diskriminasyon.

b Pagtatalaga ng mga lugar kung saan may pagkakataong magkahalubilo ang mga dayuhan at mga lokal na Hapones sa lipunan.

c Pagbibigay ng mga pagsasanay o “training” at edukasyon sa mga guro at manggagawa sa mga paaralan tungo sa mas malawak na kamalayan at pag-unawa sa iba’t ibang kultura ng mga dayuhan.

(3) Pagkakaunawaan at paggalang sa karapatang pantao

a Pagsasagawa ng mga panayam at mga pagpupulong ng mga mamamayan tungkol sa karapatang pantao. Gagawa din ng mga leaflet o babasahin tungkol dito.

b Pagsasangguni sa lungsod, munisipyo at sa mga tanggapan tungkol sa iba’t ibang isyu ng karapatang pantao.

Page 23: United Nations 10-year Domestic

- 20 -

4 Pagbabago ng Kapaligiran tungo sa Multi-kultural na Kaunlaran

(1) Edukasyon a Pag-aaral tungkol sa pamumuhay ng mga dayuhang mag-aaral sa bansang

Hapon. b Pagpapabuti ng pamamaraan sa pagturo ng wika at kulturang Hapones sa mga

dayuhang mag-aaral upang mas mapadali ang kanilang pamumuhay sa lipunan. c Pagkakaroon ng mga tanggapan kun saan maaring magkonsulta ang mga

estudyante ukol sa mga kurso at kolehiyong babagay sa kanila. Mayroong ding mga “training” sa mga tauhan ng tanggapan na ito para sa mas epektibong paggabay sa mga mag-aaral na dayuhan.

Sa karagdagan, inisaalang-alang din ang pagpapabuti ng kakayahan ng mga mag-aaral sa wikang Hapon na kailangan din sa pag-aaral lalo na sa mataas na paaralan.

d Pagkakaroon ng seguridad ng mga mag-aaral hindi lamang na pakapasok sa paaralan at unibersidad, kundi hanggang sa makatapos at makapaghanap ng mabuting trabaho.

e Pagpapaganda ng mga programang panlipunan sa layuning mapahusay ang kakayahan ng mga dayuhan sa wika at kulturang Hapones.

(2) Pagkakaunawaan at paggalang sa karapatang pantao

a Pagkakaroon ng mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa iba’t ibang kultura at ang pagkakabuklod-buklod ng mga mamamayan. Kabilang na rin dito ang pagpapalago ng kaalaman tungkol sa multi-kultural na lipunan at pagpapabuti ng pamamaraan ng kominukasyon at pagpapalitan ng opinyon sa gitna ng mga mamamayan.

b Pagkakaroon ng mga programa tungkol sa pag-aaral ng ibat ibang wika lalo na sa mga mamamayang kinakailangang pumunta sa ibang bansa para mag-aral.

c Pagkakaroon ng tinatawag na “Universal Design”* kasama ang pamahalaan, lipunan at mamamayan.

d Pagpapalakas ng paglahok ng mga dayuhang mamamayan sa mga gawaing panlipunan. Sa paraang ito, mapapabuti din ang pakikitungo ng mga lokal at dayuhang mamamayan sa isa’t isa.

e Pagpapalakas ng kooperasyon sa gitna ng pamahalaan, mamamayan at mga “volunteer groups” at organisasyon sa lipunan.

(3) Suporta sa mga dayuhang mag-aaral

a Pagbibigay ng mas maraming pagkakataon sa mga dayuhang estudyante na makapag-aral ng wika at kulturang Hapones.

b Pagkakaroon ng mga oportunidad na makipaghalubilo ang mga dayuhang estudyante sa mga lokal na mamamayan.

(4) Panlipunang partisipasyon

a Pagbibigay ng lugar at pagkakataon sa mga dayuhang makapahayag ng opinyun at mungkahi tungkol sa mga isyu at sa pagpapaunlad ng lipunan.

b Pagpapaibayo ng pamamahayag ng mga impormasyon tungkol sa mga panrehiyon at panlipunang gawain at pagdiriwang. Kasama na rin dito ang pahihikayat sa mga dayuhang mamamayang sumali at makilahok sa mga programa at gawaing ito.

Page 24: United Nations 10-year Domestic

- 21 -

Mga Paliwanag Universal Declaration of Human Rights (Paunang Salita)

Ginanap ang “Universal Declaration of Human Rights” noong pangatlong General Assembly ng United Nations noong Desyembre 10, 1948. Pinagkasunduan dito ang pagkakaroon ng parehong sukatan at pamantayan sa lahat ng mga tao at mga bansa sa buong mundo. Bilang pagpuna sa ganitong deklarasyon, ipinatupad sa ikalimang General Assembly ng United Nations noong 1950 na gawing “Human Rights Day” ang Desyembre 10 ng bawat taon. International Human Rights Code (Paunang Salita)

Alinsunod sa mga mungkahi ng “Univeral Declaration of Human Rights”, ipinatupad din sa General Assembly ng United Nations noong 1966 ang ilang pangunahing patakaran at gabay. (A) Pangkalahatang patakaran ukol sa kultural, panlipunan at pang-ekonomiya, (B) Pangkalahatang patakaran ukol karapatang sosyal at politikal. Kasama na rin dito ang iba’t ibang alituntunin tungkol sa karapatang sosyal at politikal. Ang dalawang pangkalahatang patakaran (A at B) ay sinimulang ipatupad sa bansang Hapon noong Hunyo 1979. Refugees Convention (Paunang Salita)

Noong 1951, may mga alintuntuning ipinatupad ang United Nations tungkol sa pagkilala at pagtulong sa mga “refugees”. Noong 1981, pinagtibay ng pamahalaang Hapon and Immigration Control Act, na siyang kumilala at nagbigay ng suporta sa pangangailangan ng mga “refugees” o mga tao na napilitang umalis sa kanilang bansa upang takasan ang ligalig sa kanilang sariling bayan Convention on the Elimination of All Forms of Racial Discrimination (Paunang Salita)

Ito ay isang internasyonal na kasunduan na ipinatupad noong December 1965 sa General Assembly ng United Nations kung saan iminumungkahi ang pag-aalis at pagtatanggi sa anumang uri ng diskriminasyon sa lahi at kultura sa lipunan. Itong kasunduan ay ipangtibay sa bansang Hapon noong 1995. United Nations 10-year Domestic Course of Action for Human Rights Education (Paunang Salita)

Napagkasunduan noong 1994 sa General Assembly ng United Nations na simula sa 1995 hanggang 2004 ay ipapatupad ang “United Nations 10-year Domestic Course of Action for Human Rights Education”. Bilang tugon sa panawagang ito, nagpatalaga ang Punong Ministro ng bansang Hapon noong 1997 ng mga patakaran ukol sa edukasyon at pamamahayag sa mga mamamayan tungkol sa karapatang pantao.

Page 25: United Nations 10-year Domestic

- 22 -

Multi-kultural na Pagtutulungan (Paunang Salita) Sama samang pagtanggap at pagkilala ng iba’t ibang nasyonalidad at lahi sa iba’t-ibang

kulturang bumubuo sa lipunan at pagkakaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa isa’t isa. Lupon ng mga Dayuhang Residente sa Hiroshima (pahina 1)

Sa layuning mahikayat ang pagsali ng mga dayuhan sa mga panlipunang gawain at mapangkinggan ag kanilang mga mungkahi at opinyon, itinatag ang Lupon ng mga Dayuhang Residente sa Hiroshima noong Mayo 2001. Layon din nitong mapaibayo ang kooperasyon ng pamahalaan at mga mamamayang dayuhan at Hapones para sa kaunlaran ng lungsod. Sa pamamagitan ng lupon na ito, mapapakinggan ang mga hinaing at mungkahi ng mga dayuhan at mapapaloob ang mga ito sa mga patakaran ng lungsod. Permanenteng Residente (pahina 3)

Dahilan sa hindi maipagkakait ang malaking impluensiya ng mga dayuhan sa lipunan, ipinatupad sa bansang Hapon ang “Immigration Control and Refugee Recognition Law”. Naunang binigyan ng karapatan bilang permanenteng residente ang mga taga-Korea at Taiwan na dati nang naninirahan sa bansang Hapon bago pa ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Simula noong Noyembre 1991, nagkaroon din ng mga patakaran at limitasyon para sa mga Hapones na nag-iba ng nasyonalidad at mga dayuhan ukol sa pagpasok at paglabas sa bansang Hapon. New Comer (pahina 3)

Ang mga “new comers” ay binubuo ng mga dayuhang naninirahan sa bansang Hapon na hindi matatawag na permanenteng residente. Sa pamamagitan ng pag-amenda ng "Immigration Control and Refugee Recognition Law" noong 1990, pinahintulutang makapasok at makapagtrabaho sa bansang Hapon ang mga kamag-anak ng mga imigranteng taga-Brazil, Peru at iba pang bansa. Sa pamamagitan nito ay dumami ang bilang ng mga dayuhang pumasok sa bansang Hapon tulad ng galing sa Asya at Sentral at Timog Amerika bilang mga manggagawa, estudyante, mananaliksik sa syensya, kultura at ekonomiya. Dumami din ang bilang ng mga kamag-anak at pamilya ng mga Intsek na naninirahan sa bansang Hapon. Ang “Visitors Industry” ng Hiroshima (pahina 4)

Maraming mga dayuhan na may iba’t ibang layunin ang pumupunta sa Hiroshima kabilang na ang mga turista at mga bisita. Ito ay kapuna-puna maging para sa mga lokal na residente. Bilang tugon, nagmungkahi ang pamahalaan sa paggawa ng mga patakaran at plano para sa pagpapa-ayos at pagpapaganda ng lungsod na siyang nabuo noong Marso 2003. Pangunahing layunin ngayon ng lungsod ang pagkakaroon ng “visitor’s doubling” o mas pagpapadami ng mga turista. Kaya, iminungkahi din ang pagpapaganda ng paligid at serbisyo para sa mga bisita.

Page 26: United Nations 10-year Domestic

- 23 -

Hiroshima City Referendum Ordinance (pahina 12) Ang mga batas at patakaran ng lipunan ay may malaking epekto sa pamumuhay ng mga

mamamayan. Kaya ang partisipasyon ng bawat mamamayan kasama na ang mga dayuhan sa mga pagbabago sa lipunan ay mahalaga. Halimbawa, sa mga panahong kailangang amendahin ang batas, o sa pagpipili ng mga bagong opisyales ng lungsod, at iba pa ay kinakailangang mayroong referendum o eleksiyon kung saan ang karamihan ng mga mamamayan ay dapat pumirma at sumang-ayon sa mga planong pagbabagong ito. Lahat ng mga mamayan, maging Hapones man o dayuhang may edad na 18 taong gulang pataas ay pinapahintulutang makibahagi sa eleksiyon. Dagdag pa dito, kinakailangang nakakuha ng “Alien Registration” ng mahigit sa tatlong buwan ang mga dayuhang residente para makapag-boto sa lungsod ng Hiroshima. NPO (pahina 16)

Ang NPO o tinatawag na “Non-Profit Organization” ay isang pribadong organisasyon. Nasasaad sa batas ng bansang Hapon ukol sa NPO na ang mga ito ay maari lamang magkaroon ng mga “smale-scale” na proyekto na may maliit na badget. DV (pahina 17)

Ang DV o “Domestic Violence” ay katagang pangkaraniwang nangangahulugan ng pag-aaway at kaguluhan sa isang relasyon tulad ng away ng mag-asawa. Ilang halimbawa nito ang pisikal na pag-aabuso tulad ng pagtadyak (physical violence), pamimilit sa pagsasalita tulad ng paninigaw (mental violence), o kaya pag-aabusong sekswal (sexual violence). Noong 2001, ipinatupad ang batas laban sa DV, pagpaparusa sa may kasalanan at pagbibigay proteksiyon sa biktima. Tulong para sa “Emergency Medical Treatment” (pahina 18)

Ito ay para sa mga mamamayang hindi naka-rehistro sa medical insurance pero nagkaroon ng sakit o aksidente at hindi sapat ang kanilang pambayad para sa pagpapagamot. Ang sebisyong ito ay nagpapahintulot sa pagpapagamot kahit 1/3 lng muna ang kanilang bayaran at unti-unti na lamang itong tutubusin. Ang patakarang ukol dito ay nag-iiba rin sa bawat munisipyo. Universal Design (pahina 20)

Ito ay isang pamamaraan kung saan sa mga pagpaplano ay isinaalang-alang ang kapakanan ng lahat; maging para sa lalaki o babae, may kapansanan o wala, bata o matanda, Hapones man o banyaga. Noong Oktobre 2004 ay ginanap ang “Hiroshima Universal Design Meeting” kung saan pinag-usapan ang mga pamamaraan at alituntunin para mapaunlad ang lipunan habang tinatamasa ng mga mamamayan ang maginhawang pamumuhay.